Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA MOTHER TONGUE 3

I. Layunin
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Nalalaman ang paggamit ng pang-ukol sa pangungusap.
 Nakagagamit ng tamang pang-ukol sa wastong paraan.
 Nakabubuo ng pangungusap gamit ang pang-ukol.

Pagpapahalaga

Pagpapahalaga sa wastong gamit ng pang-ukol sa pangungusap.

II. Paksang Aralin


A. Pamantayan sa Pagkatuto
Natutukoy at nagagamit ang tamang pang-ukol at pariralang pang-ukol. (MT3G-IVh-2.6)
B. Sanggunian
K to 12 MELC’s with CG Codes pdf
PANG-UKOL : MGA HALIMBAWA ng PANG-UKOL #Pang-ugnay #MELCS-Based |
TheiQAcademy (https://www.youtube.com/watch?v=l2bHIzu_IFE )
C. Kagamitan
Laptop, Smartphone

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1. Pambungad na Panalangin
2. Pagtala ng Liban
3. Pagtala ng Takdang Aralin
Pakilabas po ang inyong kwaderno
at tayo po ay magtse-tsek ng
takdang aralin.
(Ang mga mag-aaral ay maglalabas ng
kwaderno.)
Sagutin natin ang inyong takdang
aralin.

Sumulat ng limang pangungusap


gamit ang mga halimbawa ng pang-
ukol.

4. Balik-Aral
Ano ang tinalakay natin noong lunes?
Pang-ukol po.
Tama! Pang-ukol. Ano nga po ba ulit ang pang-
ukol?
Ang pang-ukol sy bahagi ng pananalita
na nag-uugnay sa pangngalan, pandiwa,
panghalip o sa iba pang salita sa loob ng
pangungusap.
Magaling! Magbigay nga ng halimbawa ng
pang-ukol.
Ng
Sa
Ni/ Nina
Kay/ Kina
Ayon sa
Para sa
Ukol sa
Mahusay mga bata!
5. Pagganyak
Mayroon akong palaro. Sabay-sabay na mag
“thumbs up” kung ang pangungusap ay may
pang-ukol at “thumbs down” kung wala.

1. Ang aklat na ito ay para sa mahihirap.


(thumbs up)
2. Para kay Malou ang pagkaing ito.
(thumbs up)
3. Ang bata ay tumatakbo.
(thumbs down)
4. Ayon sa balita, parating na ang bakuna
sa bansa.
(thumbs up)
5. Siya ay matalino.
(thumbs down)
6. Paglalahad
Ano ang pangukol sa unang pangungusap?
“para sa”
Tama! Ano naming ang pang-ukol sa
pangalawang pangungusap?
“para kay”
Mahusay! Ano naman ang pang-ukol sa ikaapat
na pangungusap?
“ayon sa”
Magaling! Talaga naming naiintindihan niyo na
an gating aralin.
7. Pagtatalakay
Ang ating aralin ngayong araw ay karugtong
lamang ng aralin natin noong lunes. Ano ng aba
ang aralin natin noong lunes?
Pang-ukol po.
Tama! Pang-ukol. Noong lunes, kung
natatandaan ninyo, sa unang Gawain nagbigay
ako ng pangungusap at tinukoy ninyo ang
pang-ukol na matatagpuan dito. Sa
pangalawang Gawain naman natin ay namili
kayo ng pang-ukol sa kahon at inilagay ito sa
tamang pangungusap. Tama po?
Opo!
Ngayon naman ay gagawa na tayo ng
pangungusap gamit ang pang-ukol na aking
ibibigay. Kayo naman ang gagawa ng
pangungusap. Ginawa na natin ito noong lunes.
Tama po?
Opo!
At dahil karugtong na lang ito ng aralin noong
lunes, subukan nga po natin magbigay ng
pangungusap na may pang-ukol na:

Ni
Para sa
Kay
Ayon sa
(ang mga bata ay magbibigay ng
halimbawa)
Mahusay mga bata!
8. Paglalapat
Ngayong naiintindihan niyo na an gating aralin,
tayo ay magkakaroon ng indibidwal na Gawain.

Piliin ang tamang pang-ukol sa loob ng


panaklong.
1. Ang sariwang prutas ay (para kay, tungkol
kay) Lola Mel.
2. (Ayon sa, Ayon kay) Rizal, “Ang kabataan ay
pag-asa ng bayan”.
3. Ang nilutong adobo ay (para sa, para kay)
lahat.
4. Ang usapan ng mga doktor ay (tungkol kay,
tungkol sa) COVID-19.
5. (Kay, Kina) Carla ang mga laruan sa cabinet.
(Ang mga mag-aaral ay magsasagot ng
Gawain.)
Tapos na ba mga bata?
Opo!

IV. Pagtataya
Gumawa ng pangungusap gamit ang mga sumusunod na pang-ukol.
1. Para sa tatay
2. Kina Jennie at Lisa
3. Ayon sa guro

Inihanda ni:

Llana Jubelle A. Samson

You might also like