Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Mga Uri ng Tayutay

1. Pagtutulad (simile) – di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay.


Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-,
magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles.

Halimbawa:
Ikaw ay tulad ng bituin.
You are like a star.

Ang puso mo ay gaya ng bato.


Your heart is like a stone.

Ang paghahabi ng tela ay gaya ng paghihirap ng isang tao.


Weaving cloth is like the suffering of a person.

2. Pagwawangis (metaphor) – tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan


ng pangatnig. Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan,
gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing.

Halimbawa:
Si Elena ay isang magandang bulaklak.
Ellen is a beautiful rose.

Ang mga nangangalaga sa akin ay mga anghel.


Those taking care of me are angels.

Ang kanilang bahay ay malaking palasyo.


Their house is a large palace.

Si Inay ay ilaw ng tahanan.


Mom is the home’s light.

Si Miguel ay hulog ng langit.


Michael is a gift from heaven.

3. Pagsasatao (personification) – Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin


ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa
pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos
tulad ng pandiwa.

Ito ay tayutay na paglilipats a katangian ng tao sa mga walang buhay. Ang mga
bagay ay tinuturing na mga tao na may damdamin, kaisipan, nagsasalita,
nakadarama ng kalungkutan, kaligayahanat kabiguan na parang tao. Sinasabi ring
paglalapat ng kaasalan sa mga bagay na non-human.

Halimbawa:

1. Humagulgol ang hangin.


2. Lumipad ang mga oras.
3. Napangiti ang bulaklak sa aking pagdating.
4. Sumayaw ang mga bituin sa langit.
5. Inanyayahan kami ng ilog na maligo.
6. Nagkasakit ang kotse ko.
7. Kinindatan ako ng araw.
8.
9. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
10.
11.
12.
13. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
14. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
15. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.

4. Paurintao / Paglilipat-wika (transferred epithet) – Ito ay isang tayutay na


paharaya at pasalaysay ang paraan ng pagbibigay katauhan sa isang bagay na
walang buhay o kaisipan, naipapahayag ito ng pang-uri.

 tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao,


na ginagamit ang pang-uri.

Halimbawa:

1 Ang ulilang silid ay naging masaya sa pagdating ni Lucy.


2 Ang mapaglingkod na payong ay maingat na tiniklop ni Eleanor.
3 Ang kahabag-habag na tuwalya ay dinala ng agos.
4 Ang matapat na bentilador ay nagbigay-ginhawa sa kanya nang kanyang buksan.

5. Pangitain (vision) – Sa tayutay na ito, ang nagsasalita at ang nilalaman ng isip ay


animo’y tunay nakaharap o nakikita ng makata.

Halimbawa:

Tayo na pangarap at ating galain

Ang di nakikitang pook-salimsim


ANG TATAHAKAN AY MAPUTING TANAWIN
AT ANG MGA TALA’Y ATING DADALAWIN
Tayo ay magpakpak
ng bagwis ng hangin
At kita’y lalapag
sa may panginorin
Sa tulang “Isang Patunguhan” Ni A.G. Angeles

6. Panawagan (apostrophe) – Panawagan sa ikalawang panauhan ng isang tao o


bagay, karaniwan nang isang patay

Halimbawa:

1. O tukso! Layuan mo ako!


2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian.
3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.
4. Ulan, ulan kami’y lubayan na.

7. Padamdam (exclamation) – Nagmumula sa bulalas ng isang masidhi o


pananalitang nagpapahayag ng matinding damdamin.

Halimbawa:
“Ayan, ang kabaong na pasan ng tao.
Irog, sumama ka at kakilala mo!
May ilang karamay, korona’t musiko,
Ihahatid na raw sa wakas ng mundo!
Nang ihuhulog na ang kabaong . . . NAKU!
Ako pala’y siyang ililibing ninyo!!!

-Sa tulang “Hindi Man Lamang Nakita” Ni Jose Corazon de Jesus

8. Balintuna (irony) – Ito ay isang tayutay na sa pamamagitan nito ang kahulugang


patitik ng isang anyo ng pananalita ay kabaligtaran sa tangkang sabihin, dahil sa
ang isang bagay na sinabi ay may ibang pakahulugan at ginamit sa pangungutya o
katuwaan lamang.

Halimbawa:

1. Napakalinis sa ilog na yon walang isdang nabubuhay.


2. Napakataas monaman kaya hindi mo naabot ang nakalagay sa misa.
3. Napakalinaw ng mata mo bakit hindi mo yan makikita.

9. Pauroy o pag-uyam (sarcasm) – Ito ay isang tayutay na ipinahihiwatig sa paraan


o tono ng pagsasalita. Ito’y isang panunudyo o pangungutya sa tao, bagay at
pangyayari.

Halimbawa:

1. Iginagalang. Dinarakila sa gawain niyang banal. Niyuyukuan. Pinupuri ng balana;


siya ay minamahal. Sa paglilingkod sa kapwa’t sa bayan, siya ay ikinarangal ngunit sa
kaban pala ng bayan, siya ay isang halimaw.
2. Kay talino ni Felipe upang siya ay maloko ng lalaking ang layunin, bilugin ang
kanyang ulo.

10. Pagmamalabis (hyperbole) – Ito ay isang tayutay na ang ang kaigtingan ay sobra
sa normal na katangian ng bagay o tao na nais ipahayag.

Halimbawa:

Namuti ang buhok ko sa kahihintay.


My hair turned white from waiting.

Paliwanag: Namuti ba talaga ang buhok? Siyempre hindi. Isa lamang itong paraan ng
pananalita, at ito nga ay halimbawa ng pagmamalabis.

Narinig ng buong mundo ang iyong pag-iyak.


The whole world heard your crying.

Paliwanag: Talaga bang narinig ng bawat tao sa mundo ang pag-iiyak niya? Siyempre hindi.
Ang ganitong patalinghagang pagpapahayag ay nagbibigay-diin sa ating gustong ipaalam.

Sa halip na simpleng “Talagang mahal na mahal kita.” maaari mong sabihin “Abot langit
ang pagmamahal ko sa iyo.”

Paliwanag: Kahit ang iyong pag-ibig ay walang pakpak at hindi makasasakay sa eroplano
para umabot sa langit (literal na kahulugan), maiintindihan ng nakikinig ang iyong sabihin.

11. Pagpapalit-saklaw (Synedoche) – Ito ay isang tayutay na bumabanggit sa bahagi


ng isang bagay o kaisipan bilang katapat ng kabuuan.

Halimbawa:
1. Libu-libong kaluluwa ang umaasa sa iyo
2. Pitumpu’t apat na buhay ang ibubuwis ko
3. Ipakilala natin sa buong bayan na tayo’y may pagkakaisa

12. Pabugtong (riddle) – Ito ay isang tanong, mungkahi, tugma na papikit-mata o


pampalitong sinasalita upang maging pahulaan.

Halimbawa:
Kung babayaan mong ako ay mabuhay
Yaong kamataya’y dagli kong kakamtan;
Datapwat pag ako’y minsanang pinatay,
Ang buhay kong ingat lalong magtatagal - Kandila

13. Pahidwa (oxymoron) – Ito ay isang paraan ng pagpapahayag na nagbubunga ng


isang bisa sa pamamagitan ng mandi’y pansariling paghihidwa.
Halimbawa:

Noon ko nakitang ANG MALULUNGKOT AY SUMAYA


Dahil sa pagdating ng kanyang ama at ina
No’n ko nadama ang SARAP NG PANGUNGULILA
Pagkat sa LUMBAT N’YA AY NAROON ANG PAG-ASA.

14. Pag-uulit (germination) – Ito ay pag-uulit ng isang salita saan mang bahagi ng
mga taludtod ng tula.

Aliterasyon - Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho.

Halimbawa:

1. Iniinganyo, inaakay, inaanod ang inang inapi ng inyong inpong.

2. Mababakas sa mukha ng isang mabuting mamamayan ang marubdob niyang pagtatangi


sa mahal niyang bayan

3 Palabiro na palaboy sa pamayanan kaya kilala siya ng kanyang pamilya.

4 Minabuti ng magulang na mapagmahali siya nang sagayon mahalin siya ng maraming


mamayan.

5 Kasing bait ng kalabaw ang kanyang kapitbahay dahil sa siyay kinagigiliwan ng lahat.

Anapora - Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay.

Halimbawa:

1. Ang bagay ay gawa ng lahat,para sa lahat at galing sa lahat .


2. Mas makapangyarihan ang pamahalaan ,kontrolado ng pamahalaan at dapat kang
sumunod sa pamahalaan.
3. Ang lahat ay may halaga,kahit anung liit nito ay may halaga kaya pahalagahan natin
kahit kaunti man basta may halaga.

Anadiplosis - Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay.

Halimbawa:

Kamatayan ko man siyay aking puriin.


Puriin ko ng siyay angkinin;

Angkinin ko ng siyay mahalin,

Mahalin ko ng kami ay magsaya.


Kailangan kong gawin ng itoy baguhin
Baguhin koman ng itoy magisnan;

Magisnan ng lahat ng matalino,

Matalino ang mas nakakaalam.

Ang lahat na bagay ay siyasatin


Siyasatin ang pinakamahalagang sundin;

Sundin moman na walang gawiin,

Gawiin ang nakakapagpalinaw sa lahat.

15. Pasintunog (onomatopoeia) – Ito ay paggamit ng mga salitang kung ano ang
gamit o tunog ay siyang kahulugan.

Halimbawa:

Ang himig nitong ibon, agus nitong ilog ay nagpapakita ng kayamanan sakagubatan.
Ang alimuyak na bulaklak, mayamang halaman ay nakapagdulot ng katiwasayan.
Ang mabungad na pagsalamuha, galang na pagbati ay nakagagaan ng loob.

16. Pagtanggi (litotes) – gumagamit ng katagang “hindi” na nagbabadya ng


pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito’y may himig na pagkukunwari, isang
kabaligtaran ng ibig sabihin.

1. Siya ay hindi isang kriminal.


2. Hindi niya magawang magsinungaling sa panahon ng kagipitan.
3 Ang aking kapatid ay hindi isang taong walang dangal.

You might also like