Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

3

PANGALAN:_____________________________________
BAITANG/SEKSYON:___________________________
____

ARALING PANLIPUNAN
Kwarter I – Linggo 1
Ang mga Simbolo sa Mapa

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Araling Panlipunan - Baitang 3
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter I – Linggo 1-3: Ang mga Simbolo sa Mapa
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya
o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda
ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa


Bumubuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets

Manunulat: Glenn S. Jaranilla


Pangnilalamang Patnugot: Marites L. Arenio, Joerly G. Aborot, Lizbeth B. Abadiano
Editor: Maribel C. Argonsola, Liezel B. Mangarsi
Tagawasto: Marites L. Arenio, Veronica M. Potente
Tagasuri: Marites L. Arenio, Fe O. Cabasal, Joerly G. Aborot, Maria Lea A. Magbanua,
Rodney M. Ballaran, Carissa M. Calalin, Jouilyn O. Agot
Tagaguhit: Laverne S. Bacolod
Tagalapat: Glenn S. Jaranilla
Tagapamahala: Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado, PhD, ASDS
Cyril C. Serador, PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Marites L. Arenio, EPS-Araling Panlipunan
Fe O. Cabasal, PSDS
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II
Pandibisyong Tagasuri ng LR: Ronald S. Brillantes, Enrile O. Abrigo, Rodney M. Ballaran,
Carissa M. Calalin, Jouilyn O. Agot

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Ang mga Simbolo sa Mapa

MELC: Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga simbolo na ginagamit sa mapa sa tulong ng


panuntunan (hal. katubigan, kabundukan atbp.) AP3LAR-Ia-1

Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang mga simbolo na ginamit sa mapa
2. Naibibigay ang kahulugan ng mga simbolo na ginamit sa mapa sa tulong
ng mga panuntunan
3. Natutukoy o nasasabi ang kahalagahan ng paggamit ng mga simbolo sa
mapa
4. Nailalarawan ang iba’t ibang simbolo sa mapa

Subukin Natin
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____1. Ano ang simbolong ginamit na nagpapakita na lawa?

A. B. C. D.

_____2. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng simbolo ng ilog?

A. B. C. D.
_____3. Ang sumusunod ay nagpapakita ng mga simbolo sa mapa.
Alin dito ang HINDI simbolo ng Kalupaan?

A. B. C. D.

_____4. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng simbolo ng burol?

A. B. C. D.

_____5. Alin sa sumusunod na istruktura kung saan nakapag-aaral at


natuturuan ang mga mag-aaral?

A. B. C. D.

1
Ating Alamin at Tuklasin

Alam mo ba na mayroong mga simbolo sa


mapa?
Paghawan ng Balakid
Mapa– ay isang larawan Ano- ano ang mga Ano- ano ang mga
o isang representasyon sa katubigan, kalupaan, at simbolo na ginagamit
papel ng isang lugar na istruktura na makikita sa sa mapa?
maaaring kabuoan o mapa?
bahagi lamang nito na
nagpapakita ng pisikal na
katangian, mga lungsod,
kabisera, mga daan at
iba pa.

Simbolo- ito ay
palatandaan o sagisag
na makikita sa mapa.

Alamin ang mga simbolo sa mapa.

Ang sumusunod na halimbawa ay ilan lamang sa mga simbolo ng


katubigan na ginagamit upang maging pananda sa mapa at ang
kanilang mga kahulugan.

Talon- ito ay katubigan na bumabagsak


mula sa bundok.
Lawa- ito ay katubigan na napaliligiran ng
Lupa at ito ay uri ng tubig tabang (fresh water).

Ilog- ito ay umaagos na tubig na nagmumula


sa bundok na dumadaloy patungo sa dagat.

Dagat- ito ay mas maliit sa karagatan na


malapit sa baybayin.

Karagatan- ito ay pinakamalawak, pinakamalaki, at


pinakamalalim na katubigan.

2
Ang sumusunod na halimbawa ay ilan lamang sa mga simbolo ng
kalupaan na ginagamit upang maging pananda sa mapa at ang
kanilang mga kahulugan.

Bulkan- ito ay kalupaan na may butas o bunganga sa


tuktok at bumubuga ng mainit na putik.

Bundok- ito ay ang pinakamataas na simbolo ng


kalupaan.

Burol- ito ay kalupaan na higit na mababa sa bundok.

Bulubundukin- ito ay magkakarugtong na bundok.

Lambak- ito ay patag na lupa sa pagitan ng


dalawang bundok.

Kapatagan- ito ay patag, malawak, pantay, at


mababa na kalupaan.

Talampas- ito ay patag na lupa sa itaas ng bundok.

Ang sumusunod na halimbawa ay ilan lamang sa mga simbolo ng


istruktura na ginagamit upang maging pananda sa mapa at ang
kanilang mga kahulugan.
Simbahan-sa istrukturang ito ay sama-samang
nananalangin ang mga tao.

Ospital- sa istrukturang ito pumupunta ang mga tao


para magpakonsulta o magpagamot ng kanilang
nararamdamang sakit.
Tanggapan ng Kagawarang Pang-edukasyon- ang
opisina ng mga namumuno sa Kagawarang Pang-
edukasyon sa lalawigan o lungsod.

Paaralan- sa istrukturang ito nakapag-aaral at


natuturuan ang mga mag-aaral.

3
Gusaling Panlalawigan-ito ay kilala sa tawag na
Kapitolyo at dito nag-oopisina ang mga nahalal na
pinuno ng lalawigan.

Munisipyo- ito ay tanggapang pang gobyerno ng


isang munisipalidad.

Gusaling Pangbarangay-ito ay tanggapang


panggobyerno ng isang barangay.

Daungan- dito dumadaong ang iba’t ibang


sasakyang pandagat upang maghintay ng mga
pasaherong magbibiyahe sa ibang lugar.
Paliparan- sa istrukturang ito makikita ang sasakyang
panghimpapawid at dito sumasakay ang mga tao
upang magbiyahe sa malayong lugar.

(Pinagkunan: Marlou G. Roderos et al., Araling Panlipunan 3, Kagamitan ng Mag-


aaral- Rehiyong MIMAROPA, Pasig City: Department of Education-Bureau of Learning
Resources, 2019, 284-300.)

Tayo’y Magsanay

Gawain 1
Panuto: Pag-aralan ang mapa ng Palawan at mapa ng Pilipinas.
Magbigay ang tatlong (3) mga katubigan sa mapa, punan ng tamang
sagot ang mga kahon.

4
Simbolo ng Kahulugan sa Pangalan ng Lugar kung
katubigan sa mapa Katubigan saan ito
mapa matatagpuan
1.

2.

3.

Gawain 2
Panuto: Magbigay ng tatlong (3) mga kalupaan sa mapa ng Rehiyong
MIMAROPA. Punan ng tamang sagot ang kahon.

Simbolo ng Kahulugan Pangalan Lugar kung saan


kalupaan sa mapa ng simbolo ng kalupaan ito matatagpuan
1.

2.

3.

5
Gawain 3
Panuto: Gamit ang mapa ng lungsod ng Puerto Princesa. Punan ng
tamang sagot ang kahon.

Simbolo ng Istruktura sa Mapa Pangalan ng Istruktura sa Mapa

1.

2.

3.

Ating Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Gumuhit ng isang tanawin na nagpapakita ng mga katubigan.
Iguhit ito sa loob ng kahon.

6
Gawain 2
Panuto: Gumuhit ng isang tanawin na nagpapakita ng mga kalupaan.
Iguhit ito sa loob ng kahon

Gawain 3
Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang simbolo ng Gusaling Pang-
barangay(Barangay Hall) at isulat sa patlang ang pangalan ng iyong
barangay sa ibaba ng iginuhit na simbolo.

Pangalan ng barangay: __________________________________________

Alin sa mga tinalakay ang nananatili pa ring simbolo sa mapa


ngayon?

Ang Aking Natutuhan


Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat.
Ang __________ ay isang __________ o isang representasyon sa papel ng
isang lugar na maaaring kabuoan o bahagi lamang nito na
nagpapakita ng __________ na katangian, mga lungsod, kabisera, mga
daan at iba pa. Ang __________ ay palatandaan o __________ na
makikita sa mapa.

pisikal Simbolo larawan


sagisag Mapa

7
Ating Tayahin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

______1. Alin sa sumusunod na istruktura kung saan nakapag-aaral


at natuturuan ang mga mag-aaral?

A. B. C. D.

______2. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng simbolo ng burol?

A. B. C. D.

______3. Ang sumusunod ay nagpapakita ng mga simbolo sa mapa.


Alin dito ang HINDI simbolo ng Kalupaan?

A. B. C. D.

______4. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng simbolo ng ilog?

A. B. C. D.

______5. Ano ang simbolong ginamit na nagpapakita na Lawa?

A. B. C. D.

8
Susi sa Pagwawasto
Tayo’y Magsanay (Mga posibleng sagot)

Gawain 1
Gawain 3
Simbolo ng Pangalan ng
Simbolo ng Kahulugan Pangalan Lugar kung Istruktura sa Istruktura sa Mapa
kalupaan sa ng simbolo ng kalupaan saan ito Mapa
mapa matatagpuan
1. Daungan ng Puerto
1. Bulkan Bulkan ng marinduque Princesa
malindig
2. Immaculate
2. Bundok Bundok ng Rizal, palawan Concepcion
mantalingahan Cathedral Parish

3. kapatagan Kapatagan ng Narra, 3. Puerto Princesa


narra palawan International airport

Gawain 2

Simbolo ng Kahulugan Pangalan Lugar kung


kalupaan sa ng ng kalupaan saan ito Ating Pagyamanin
mapa simbolo matatagpuan
Gawain 1- Depende sa sagot ng mag-
1. Lawa Kayangan Corn, Palawan aaral.
Lake Gawain 2- Depende sa sagot ng mag-
aaral.
2. Ilog Underground Puerto Gawain 3- Depende sa sagot ng mag-
river Princesa City aaral.

3. Talon Estrella Falls Narra, Subukin Natin Ating Tayahin


palawan 1. A 4. A 1. C 4. A
2. A 5. C 2. A 5. A
3. C 3. C
Ang Aking Natutuhan
Ang Mapa ay isang larawan o isang representasyon sa papel ng isang lugar na maaaring kabuoan o bahagi
lamang nito na nagpapakita ng pisikal na katangian, mga lungsod, kabisera, mga daan at iba pa. Ang
simbolo ay palatandaan o sagisag na makikita sa mapa.

Sanggunian
Aklat
Roderos, Marlou G., E. M. Jacob, R. L. Fabrero, I. C. Chongco, P. J.
Dandal, Jr., J. D. Solatorio, M. L. Arenio, Ma. M. D. Lo, S. M. Muñiz,
F. E. Abac, E. A. Eleazar, N. T. Rualo, L. M. Lu, C. A. Capunitan, at
D. A. Bermoy. Araling Panlipunan 3, Kagamitan ng Mag-aaral-
Rehiyong MIMAROPA Unang Edisyon. Pasig City: Department of
Education Bureau of Learning Resources, 2019.
9
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at


pamamaraang nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa
iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

10

You might also like