Kay Selya Tula Piece With Answer

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kay Selya

(Mga Saknong 1-22)

1- kung pagsaulan kong basahin sa isip


Ang nangakaraang araw ng pag-ibig,
may mahahagilap kayang natititik
liban na kay Selyang namugad sa dibdib?

2- Yaong Selyang laging pinanganganiban,


Baka makalimot sa pag-iibigan,
Ang ikinalubog niring kapalaran
Sa lubhang malalim na karalitaan

Ang ibig sabihin po ng binasa ng unang pangkat ma’am ay kung iisipin ni Balagtas ang mga nangyari sa
kanila ni Selya sa kanyang isipan meron ba siyang mababalikan. Malinaw rin na nag-alala si Balagtas baka
siya’y nalimutan ni Selya.

3- Makaligtaan ko kayang di basahin,


Nagdaang panahon ng suyuan naming
Kaniyang pagsintang ginugol sa akin
At pinuhunan kong pagod at hilahil?

4- lumipas ang araw na lubhang matamis


At walang natira kundi ang pag-ibig ,
Tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib,
Hanggang sa libingan bangkay ko’y maidlip
Ang saknong 3-4 ay ipinakita lamang ni Balagtas na hindi niya makakalimutan ang pagmamahalan nina ni
Selya

Opo ma’am
5- ngayong namamanglaw sa pangungulila
ang ginawa kong pang-aliw sa dusa,
nagdaang panaho’y inaalala,
sa iyong larawa’y ninitang ginhawa

6- sa larawang guhit ng sa sintang pinsel,


Kusang inilimbag sa puso’t panimdim,
Nag-iisang sanlang naiwan sa akin
At di mananakaw magpahanggang libing

Ipinakita na nangungulila si Balagtas sa pagmamahal ni Selya at siya ay nagdurusa. Kaya upang


maibsan ito ay inaaliw na lamang ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-alala sa kanilang
nakaraan.

Opo ma’am.

7- Ang kaluluwa ko’y kusang dumadalaw


Sa lansanga’t nayong iyong niyapakan,
Sa ilog Beata’t Hilom na mababaw
Yaring aking puso’y laging lumiligaw

8- Di mamakailang mupo ang panimdim


Sa puno ng manggang naraanan natin
Sa nagbiting bungang ibig mong pitasin
Ang ulilang sinta’y aking inaliw

sa saknong pong ito ma’am ay sinimulan na niya ang kanyang pagbabalik-tanaw. Kung saan ay
binanggit niya ang lugar kung saan sila lagging magtatagpo ni Selya.

9- Ang katauhan ko’y kusang nagtatalik


Sa buntong hininga nang ikaw’y may sakit,
Himutok ko noo’y inaaring langit,
Paraiso naman ang may-tulong silid.

10- liniligawan ko ang iyong larawan


Sa makating ilog na kinalalagyan,
Binabakas ko rin sa masayang doongan,
Yapak ng paa mo sa batong tuntungan.

11- nagbabalik mandi’t parang hinaharap


Dito ang panahong masayang lumipas,
Na kung maliligo’y sa tubig aagap
Nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.

Ito ay karugtong pa po ng kanyang pagbabalik tanaw ma’am. Kung saan ay sa kanyang pagbabalik,
ay tila bumalik din sa kanya ang saya na kanyang nadarama noong mga panahong sila’y nagsasama.

12- parang naririnig ang lagi mong wika:


“tatlong araw na di nagtatanaw-tama”
At sinasagot ng sabing may tuwa:
“sa isa katao’y marami ang handa.”

13. Ano pa nga’t walang di nasisiyasat


Ang pag-iisip ko sa tuwang lumipas,
Sa kagugunita, luha’y lalagaslas
Sabay ng taghoy kong “O, nasawing palad!

Sa kanyang pag-alala ma’am ay parang narinig niya ang boses ni Selya at ang kanilang usapan. Ibig
sabihin sariwa pa rin sa kanyang ala-ala lahat.

Ibig sabihin po ma’am ay busy po si Balagtas. O ang bawat tao ay mayroong pinagkakaabalahan.

14- Nasaan si Selyang ligaya ng dibdib?


Ang suyuan nami’y bakit di lumawig?
Nahan ang panahong isa niyang titig
Ang siyang buhay ko, kaluluwa;t langit?

15- bakit baga noong kami’y maghiwalay


Ay di pa nakitil yaring abang buhay?
Kung gunitain ka’y aking kamatayan,
Sa puso ko Selya’y di mapaparam.

Hinanap po niya kung nasaan na si Selya dahil ang kanilang istorya ay di nadugtungan pa. At sinabi
rin niya na sana noong silay naghiwalay, nawa’y namatay na lang siya.

Opo ma’am

16- itong di matiis na pagdaralita


Nang dahil sa iyo, O nalayong tuwa,
Ang siyang umakay na ako’y tumutula,
Awitin ang buhay ng isang naaba.

17- Selya’y talastas ko’t malabis naumid,


Mangmang ang musa ko’t malumbay ang tinig,
Di kinabahagya kung hindi malait
Palaring dinggin mo ng tinga’t isip.

18- ito’y unang bukal ng bait kong kutad


Na inihahandog sa mahal mong yapak,
Tanggapin mo nawa kahit walang lasap,
Nagbuhat sa puso ng lingcod na tapat.

19- kung kasadlakan man ng pula’t pag-ayop,


Tubo ko’y dakila sa puhunang pagod,
Kung binabasa mo’y isa mang himutok
Ay alalahanin yaring naghahandog.

Dahil sa kanyang pangungulila ay nabuo itong isang awit na kanyang inihandog kay Selya. At
nawa’y tanggapin ang kanyang likha kahit kulang pa siya sa karanasan.

20- masasayang nimpas sa lawa ng Bay,


Sirena, ang tinig ay kawili-wili,
Kayo ngayo’y siyang pinipintakasi
Ng lubhang mapanglaw na musa kong imbi

21- Ahon sa dalata’t pampang na nagligid,


Tonohan ng lira yaring abang awit,
Na nagsasalitang buhay ma’y mapatid,
Tapat na pagsinta’y tapat na lumawig.

22- ikaw na bulaklak niring dilidili,


Selyang sagisag mo’y M.A.R
Sa Birheng mag-ina’y ipamintakasi
Ang tapat mong lingcod na si F.B

Ipinaalala lamang ni Balagtas na kung nalulungko si Selya ay maaari niyang alalahanin ang kanilang
pinagsamahan upang maibsan ito.

You might also like