Indang-Berta

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Indang Berta

ni Liwayway Arceo

Isang araw…
Binati ako ng balita sa biglang pagkamatay ni Indang Berta nang umagang yaon. Ang kanyang
pagkamatay ang pinag-uusapan sa buong looban – isang pag-uusap na walang panghihinayang. May
nagsasabing parusa iyan ng Diyos. Ang kanyang pagkamatay ay bunga ng pagkakaipit niya sa isang poste
ng ilaw sa tabi ng isang humahagibis na jeepney, na hindi napigilan karaka ng tsuper. May nagsasabing
iyon lamang ang dapat kahinatnan ng inang katulad niya. At may nagsasabing mabuti na nga ang gayong
nangyari, upag huwag nang magtanim sa isipan ng kanyang mga anak ang kasalanan at ginagawa na hindi
kinaggigiliwan ng marami.
Sa aking mga mata ay isang dakilang ina si Indang Berta. Labis kong hinahangaan ang kaniyang
pakikipagtunggali sa buhay. Siya’y isang babaing sarat ang ilong at makapal ang labi at maitim ang
mahahaba niyang buhok, na laging nakapusod at may ipit na suklay. Hahop nguni’t laging malinis ang
kaniyang pananamit. Nguni’t iyan ang aking pansin. Hindi pa nalalaunang naninirahan sa loob ang
nasabi, nang makilala ko si Indang Berta. Ang loobang nabanggit ay pinaninirahan ng mga taong, kung
hindi man masasabing mariwasa ay tiyak naman hindi nabibilang sa mababang uri na marahil ay siyang
mga udyok ng ugaling pagmamataas. Nakilala ko si Indang Berta sa isang pagkakataong hindi sinasadya.
Isang umagang mabigat ang aking katawan ay hindi ako pumasok sa Gawain. Hindi naman ako
masiyahan sa pagpasok lamang kaya’t nanaog ako sa entresuwelong aming bahay upang dalawin ang
aming labandera, na ang anak ay inaanak ng isang nakababatang kapatid ng tao ko. Doon ko nakita si
Indang Berta. May dala siyang maliit na latang may bitbitan.
“Siya ang kamukuha ng kaning-baboy natin, Kumare!” ang sabi ng aking dinalaw. Hindi kumibo
ang tinukoy, nguni’t naguhit nang buo sa aking isipan ang kanyang anyo. “Tagahanga ninyo si Indang
Berta.”Ang patuloy ng aking kausap, at inginuso ang kaniyang tinukoy. Kahit hindi sila kumaing mag-
asawa, makabasa lamang iyan ng kwento ninyo ay …” sa pagkakataong yaon ay hinangaan ko si Indang
Berta. Humalaklak na tila sa isang batang walang kamalayan sa takbo ng panahon, isang halakhak ng
kawalang malay. Ngunit hindi maikubli ng kanyang halakhak ang bahid ng lungkot sa kaniyang mga
mata.
“Aba, si Kumare. Oo,” ang pagtiyak ng kausap ko. Saka ko pa lamang narinig ang tinig ni Indang
Berta. “Iyan lang libangan ko, lalo na kung hindi ako makatulog sa gabi.”
“E, ako na lang po ba naman ang nagsusulat?” ang tugon ko.
“Ang ibig kong sabihin ay ang pagpapabasa ang libangan ko, at nagkataong
nakakagiliwan ko ang mga sinusulat ninyo…” Dinampot ni Indang Berta ang lata ng kaning baboy.
“Huwag na ninyo akong pupuin, batang-bata pa ako.” At narinig kong muli ang kanyang naiibang
halakhak Ang kanyang halakhak ang umakit sa akin, upang maipaglapit sa kaniya. Natiyak ko agad na sa
likod ng kaniyang karaniwang anyo ay nakakubli ang isang kaluluwang hindi pangkaraniwan. At mula
noon ay namagitan sa amin ang mataos sa pagkakaibigan, naipunla ko sa pagkakaloob sa kaniya ng mga
babasahin.Nabuksang aklat sa akin ang malungkot sa nabuhay ni Indang Berta, na siyang dapat maging
batayan sa pagkilala sa kaniya – sa kaniyang kadakilaang ikinubli ng karaniwan niyang anyo. “Wala rito
ang asawa ninyo?” Minsan ay naitanong ko sa kanya, sa isa naming pag-uusap. “Wala akong kasama
kundi ang anak kong panganay na may labindalawang taon…” ang kaniyang sabi na hindi nagbabago ang
tinig, bagama’t nangingilid ang luha. “Kaya nga kung hindi ako makatulog ay basa na lang ako ng nang
basa ng mga lingguhan.” Matagal ko siyang tiningnan, at nang mapansin niya ang aking ginawa ay
nangiti na kasunod ang pamumungkahi.
“Ano kaya’t sulatin mo ang aking buhay?” ang kaniyang sabi na sinundan ng halakhak na
kaniyang-kaniya lamang.
“Bakit po ba hindi?” ang sagot ko, “Sige ho, simulan natin ngayon.”
“Alam mo kahapon ay nadalaw ako sa aking mga anak. May malaki-laking kinita sa paglilinis ng
sapatos ang aking si Pepe, at nagkaroon ako ng pamasahe…” ang kanyang balita sa akin:
“Saan naroon ang mga bata ninyo?” ang tanong ko, na nagkunwaring hindi ko pa nalalaman.
Sinabi nga niyang nasa ampunan,“Marahil ay nakadalaw ka na roon?” ang kaniyang patuloy.“May sinulat
po ako tungkol doon…” ang sabi ko na dinugtungan ng isang tanong
“Kumusta naman po ang mga bata?”
“Iyon ang ikinatutuwa ko, lagi silang malinis at malusog, dahil husto ang kinakain, husto sa lahat
ng pangangailangan. Kung nasa akin sila, totoo ngang lagi ko silang makikita, nguni’t…”napatigil sa
pagsasalita. Nangislap sa luha ang kaniyang mga mata bago nagpatuloy, “Sa aking pilng, pati ang aking
pagmamahal ay hindi nila maaaring madama, sapagka’t hindi ko sila nadudulutan ng mga kailangan. Sa
aking piling, nangangailangan sila ng iba’t ibang bagay, ngunit magtatamo sila ng kabiguan. Sa ngayon ay
tinitimpi ko ang damdaming makaniid sila sa lahat ng sandali, pagka’t nais kong lumigaya sila. Nais kong
managana sa mga sustansya ang kanilang katawan, upang malayo sa sakit na katulad ng sa kanilang ama:
Nais kong…”Tumingin sa akin. Nguni’t hindi siya kumikibo… hindi niya dinugtungan ang kaniyang
sasabihin. Napatango lamang ako.Walang anu-ano’y mula siyang magsalita.“Ito ang ipinipintas sa akin ng
marami, natitiis ko raw na malayo sa aking piling ang mga anak ko. Ang pagmamahal ay mapagtiis at
maalam magpasakit. Mahulaan mo na marahil, kung gaano kabigat ang tinitiis kong sakit ng kalooban, sa
paghahanap tuwina sa aking mga anak. Nguni’t kailangang pagtiisan ko, alang-alang sa kanilang
kinabukasan.”
Ngayong siya’y napapanatag na sa isang nakapanghihilakbot na kamatayan ay saka ko lamang
nakilala ang kaniyang kadakilaan. Iilan marahil ang nakakabatid ng kaniyang tunay na loobin. At ang
kalungkutan ko at panghihinayang sa kaniyang maagang kamatayan ay pinabigat ng katotohanan… hindi
ko ito nasulat noong siya’y nabubuhay pa.
Ang paggunita na sa walang kapantay na pakikipagtunggali niya sa buhay ay isang inaakala kong
lalong karapat-dapat ng pagkilala sa kaniyang kadakilaan na hindi nauunawaan ng iba!

Pag-unawa:
1. Ano ang tingin ng mga tao sa pagkatao ni Indang Berta?
2. Paano nakilala ng persona/tagapagsalita si Indang Berta?
3. Tunay nga ba’ng dakilang ina si Indang Berta? Patunayan ang iyong sagot.
4. Kung ikaw ay isa sa mga anak ni Indang Berta, ano’ng mensahe ang ibabahagi sa mga Kabataan?
5. Ano ang ibig ipahiwatig ng pahayag ni Indang Berta na, “Ang pagmamahal ay mapagtiis at
maalam magpasakit.” Ipaliwanag ang iyong sagot.

You might also like