Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Notre Dame of Midsayap College

Integrated Basic Education


Midsayap, Cotabato
SY 2023 – 2024

Semi Detailed Lesson Plan in ESP 4

Date: _Aug. 23-30,2023 Time: MWF2:30-4:30pm Section: MOPH

I. Layunin:
Sa katapusan ng aralin, ang mga bata ay inaasahang:
a. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pagunawa na hindi naghihintay ng anumang kapalit ang
paggawa ng mabuti
b. Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa nang mapanuri ang tunay na kahulugan ng pakikipagkapuwa; at
c. Mga kasanayan sa pagkakatuto:
Pagtanggap ng sariling pagkakamali at pagtutuwid nang bukal sa loob

EsP4PIIa-c–18

II. NILALAMAN
Nararamdaman mo, Nauunawaan ko:
Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba (Empathy)

A. Sanggunian: Gabay sa kurikulum ng K to 12 Edukasyon sa Pagkakatao Baitang


4 pah. 57
B. Mga Kagamitan: kuwaderno, sagutang papel, metacards, mga larawang
nagpapakita ng iba’t ibang emosyon.
C. Integrasyon: Filipino

III. PAMAMARAAN

A.PANIMULANG GAWAIN
1.Panalangin
2.Pagbati
3.Pagtala ng liban sa klase
4.Balik-aral
5.Pagganyak:
Ang guro ay magpapaskil ng ng mga larawang nagpapakita ng iba’t ibang
emosyon (masayang mukha, malungkot na mukha, galit at iba pa). Maaaring
gumamit ng laptop o tunay na larawan.
Panuto: Sa loob ng isang minuto, taposin ang pagpili ng larawang
emosyon. Ang mga larawang emosyon ay may mga kaakibat na mga tanong.
(Boluntaryong pagsagot).

Katanungan:
“Kailan ka nagiging masaya?“
“Kailan ka naman nagiging malungkot?”
“Kailan ka rin nagagalit?”

B. PANLINANG NA GAWAIN

1. Tukoy-alam
Paghahawan ng balahid na salita
 Emphaty
2. Paglalahad

Iparinig ang kuwento tungkol sa “Parol ni Carla”

3. Pagtalakay

1. Tama ba ang ginawang paghingi ng paumanhin ng batang nakasagi?

2. Kung ikaw si Carla, ano ang sasabihin mo sa makasagi sa iyong parol?

3. Paano mo itinuwid ng batang nakasagi ang kaniyang


pagkakamali? Tama ba ang kaniyang ginawa?

Karagdagang aktibidad:

Payuhan ang mga mag-aaral na ipikit ang kanilang mga mata at iparinig
ang kantang “Bulag, Pipi, at Bingi”

 Itala ang mga taong binanggit sa awit. Ano ang kanilang


mga kapansanan?
 Ano ang iyong naramdaman para sa kanila habang nakikinig ka
sa awit?
 Ano sa palagay mo ang nararamdaman ng mga taong may
kapansanan kapag sila ay nililibak at pinagtatawanan ng mga
taong nakapaligid sa kanila?
 Ano ang maaari mong gawin kapag nakita mong ang isang
taong may kapansanan ay sinasaktan ng iba?
 Kung ikaw naman ang nakagawa ng pagkakamali sa iyong
kapuwa, lalo na sa mga may kapansanan, paano mo ito
itinutuwid?

C. PANGWAKAS NA GAWAIN

1. Paglalahat
 Ano ang emphaty?
 Kailan nararamdaman at nauunawaan ang damdamin ng tao
 Sino ang mga taong apektado kapag nakagawa ng nakakasakit
na bagay at pagkakamali, sinasadya man o hindi.

Katapusang aktibidad:

Sino ang kapuwang nasaktan o nagawan mo ng pagkakamali, sinasadya man


o hindi?”

Paghanda ng metacards na may apat na kulay upang makilala


kung saang grupo nabibilang. Ipaliwanag sa mag-aaral ang one card one idea na
ang ibig sabihin, isang sagot lang ang isusulat.

Damdamin ko sa aking kapuwa, Gagawin ko upang aking maipakita.

Emosyon:

Gabayan ang mga mag-aaral sa pagproseso ng kanilang mga emosyon.


Halimbawa: nagiging masaya ang isang tao kapag nakagawa siya ng
kabutihan sa kapuwa, nalulungkot o kaya ay nagagalit kapag may
nagawang pagkakamali o kaya ay nakasakit ng kapuwa.

Ang Parol ni Carla

Nagmamadali si Carla sa pagpasok sa paaraln. Masayang-masaya siya


dahil natapos niya ang kaniyang proyektong parol. Katulong niya ang
kanayang buong pamily sa paggawa nito. Habang bitbit niya ang parol ay
nasagi siya ng isang batang nakikipaghabulan sa kakalase nito, dahilan
upang mapahagis ang bitbit na parol ni Carla at nasira ito.

Halos umiyak na si Carla sapagkat mahuhuli na siya sa kaniyang klase at


nasira pa ang kaniyang proyektong parol. “Naku, paano na iyan, wala na
akong ipapasa kay Ma’am,” himutok ni Carla. “Pasensiya na, hhindi kita
napansin kasi naghahabulan kami,” paumanhin ng nakasaging bata.
“Tutulungan na lamnag kitang mabuo ulit ang parol,” wika pa ng batang
nakasagi. Pumayag naman si Carla at magkasama silang nagpaliwanag
sa guro kung bakit nasira ang parol. Nang araw ding iyon ay magkatulong
na ang dalawang bata sa pagbou ng parol ni Carla. Magkasama nila itong
ipinasa sa guro at naging magkaibigan pa silang dalalawa.

1. Tama ba ang ginawang paghingi ng paumanhin ng batang nakasagi?

2. Kung ikaw si Carla, ano ang sasabihin mo sa makasagi sa iyong parol?

3. Paano mo itinuwid ng batang nakasagi ang kaniyang


pagkakamali? Tama ba ang kaniyang ginawa?

TANDAAN:

Ang pagdamay sa kapuwa ay isang gawaing kinalulugdan ng Diyos. Ang


magagandang karanasan ng Diyos. Ang magagandang karanasan sa
pagtulong na naibabahagi sa iba ay maaring kapupulutan ng
magagandang halimbawa ng ibang mga kabataan.

Sa lahat ng pagkakataon, kailangan lang maging sensitibo sa damddamin


at pangangailangan nga kapuwa. Ito ang pinakamabuting paraan upang
maipadama natin ang pagmamahal at pag-unawa na kinakailangan n
gating kapuwa na walang anumang hinihintay na kapalit.

Maaring material na bagay ang tulong na maibabahagi antin nggunit ihndi


lagging ito ang kailangan ng iba. May mga panahon na kailangan ng isang
kaibigan na makikinig ng payo. Kiung minsan nama’y kasama sa isang
tagumpay ang kailangan ng tao.

Bawat tao ay maaraing magkaroon ng oras na siya ay masayang-masaya,


ngunit may mga pananhon din na siya ay malungkot dahil sa problema.
Sa ganitong pagkakataon, kakaianganin niya ng taong puwedeng
dumamay sa kaniya.

Dahil bawat tao ay gumagalaw sa isang komunidad, marapat na siya ay


makipag-ugnayan o makibahagi sa ibang tao. Sa kaniyang
pakikibahagi, natutuhan niya ang pagdamay at pag-unawa sa
damdamin ng iba,
hanggang sa maipamalas niya ang paglalagay ng kaniyang sarili sa
kinalalagyan ng ibang tao. Sa paraang ito ay nakakatulong na siya.

Pagdama at Pag-unawa sa damdamin ng iba (Emphaty)


Nararamdaman mo at nauunawaaan mo ang damdamin ng kapuwa kung:

 Naiintindihan mo ang kaniyag pinagdaraanan


 Napagdaanan mo na ang parehong karansan sa kapuwa
 Alam mo na ang dulot na saya o sakit dahil nakita mo na rin ito sa iba pang kapuwa.

May mga pagkakataong nakakagaawa tayo ng pagkakamali at nakaksakit
sa damdamin n gating kapuwa nang hindi natin namamalayan

Itanong sa mag-aaral kung ano ang nararamdaman nila tuwing nakakakita


sila ng mga taong kinukutya o kaya ay pinagtatawanan. Ipaliwanag na
kapag nararamdaman nila o nauunawaan ang damdamin ng kapuwa, ang
tawag dito ay empathy.

Bulag, Pipi at Bingi

Sa bawat yugto ng buhay, may wasto at may mali


Sa bawat nilalang ay may bulag, may pipi at may bingi

Madilim ang ‘yong paligid, hatinggabing walang


hanggan Anyo at kulay ng mundo sa ‘yo’y pinagkaitan
H’wag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan
Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan.
Chorus

Di nalalayo sa ‘yo ang tunay na mundo


Marami sa ami’y nabubuhay nang tulad mo
Di makita, di madinig, minsa’y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na
banal.
Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin
Sigaw ng puso’t damdamin wala sa ‘yong
pumapansin Sampung daliri, kaibigan, d’yan ka nila
pakikinggan Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa
sinuman.

[Repeat Chorus]

Ano sa ‘yo ang musika, sa ‘yo ba’y mahalaga


Matahimik mong paligid, awitan ay di madinig
Mapalad ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo
Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang
gulo [Repeat Chorus]
Di makita, di madinig, minsa’y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na
banal

IV. PAGTATAYA

Ano ang iyong gagawin sa mga sumusunod na sitwasyon? Isulat kung ano ang
iyong nararamdaman at kung paano ipapakita ang iyong pagdamay.

2. Hindi nanalo ang iyong kaibigan sa isang timpalak sa pagsasayaw.


3. Walang baon ang kabigan sapagkat nakalimutan niya ito.
4. Malungkot na malungkot ang is among kaklase.
5. Namatay ang lola ng isa asa mga kaibigan mo.
6. Tumawid ang isang batang maliit sa kalsada

Isulat ang (nakangiting mukha) kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagmamahal


sa kapwang nasa mababang antas ng kabuhayan at (malungkot na mukha) kung
hindi.

1. Hindi ko kinakausap si Jill dahil siya ay mahirap.

2. Binibigyan ko ng pagkain ang aking kaibigan.


3. Binato ni Billy ang gamit ni Hans dahil siya ya nakasuot ng lumang
damit.

4. Sinasali ni Koko sina Tina at Tino sa lro kahit hindi sila parehas na
mayroong bagong damit.

5. Matalik na magkaibigan sina Angela at Angelo kahit magkaiba ang


antas ng kanilang kabuhayan.

6. Ang pagpapasaya ni Sandra sa kaibigang si Lydia sa


pamamgitan ng pagbigay ng mamahaling tsokolate.

7. Isinuli ni Rommel ang mumurahing regalo na binagay ng kaniyang


kaklase.

8. Inimbita si Rose ng kanyang kapitbahay kahit wala siyang


maibigay na regalo.

9. Kinukutya si Anna sa kanyang pinapasukang skwelahan dahil


hindi siya makapagbayad ng tuition.

10. Kasama si Nina sa pagdalo ng magarbong party kahit ang kanyang


sout ay hindi angkop sa naturang party.
Notre Dame of Midsayap College
Integrated Basic Education
Midsayap, Cotabato
SY 2023 – 2024

Semi Detailed Lesson Plan in ESP 4

Date: _Aug. 23-30,2023 Time: MWF2:30-4:30pm Section: MOPH

I. Layunin:
Sa Araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. matutukoy ang mga kahalagahan ng pakikitungo sa ibang tao o sa kapwa;
b. maibabahagi ng mga mag-aaral kung paano nila maipakita ang
tamang pakikitungo sa kapwa sa pamamagitan ng pag aksyon; at
c. makikilahok ng aktibo sa mga gawaing pangklase.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: “Gintong Gabay sa Pakikipag-ugnay”
B. Sanggunian:
Learning Guide (ESP)
ESP book
C. Kagamitan
Powerpoint
Computer
Cellphone
D. PAGPAPAHALAGA
Gawing gabay ang Ginintuang Aral sa pakikitungo sa kapwa

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagtatala
c. Pagbati
IV. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Pamamaraan
Balikan ang nakaraang talakayan sa pamamagitan ng pag tanung sa
mga mag-aaral ng mga piling katanungan tungkol sa nakaraang liksiyon.
1. Ano nga ang leksyon nung nakaraan?

2. Ano ang yung reaksiyon pag narinig mo na pinupuna ka ng ibang tao?

3. bakit kaylangan natin minsan tanggapin ang puna ng ibang tao?

B. Pangganyak
Ang mag aaral ay mag babasa ng maikling kwento tungkol sa “Lobo at Agila”
at tatanungin ng guro ang mga mag aaral sa mga sumusunod na
katanungan:
1. Ano ang paksa ng kwento na inyong binasa?
2. Sino ang mga tauhan sa kwento?
3. Ano ang nararamdaman ng lobo ng malaman nito ang balak gawin ng agila
sa kanyang mga tuta?
4. Ano naman ang nararamdaman ng agila ng malaman nito ang balak gawin
ng lobo sa puno?
5. Ano ang aral na nais ipabatid ng kwento?
C. Paglalahad
Magpapakita ang guro ng mga larawan na nagpapakita sa mabuting
pakikitungo
mga sa kapawa at tatanungin ng guro kung ano ang pinahihiwatig ng
larawan.

D. Pagtatalakay
Mag tatanung ang guro kung meron ba silang ediya sa leksyon bago niya
tatalakayin ang leksyon tungkol sa “Gintong Gabay sa Pakikipag-ugnay”
1. Narining mo na ba ang panuntunan ng Gintong Aral o Golden Rule?

2. Ano sa palagay niyo ang ibig nitong sabihin?

E. Pagbubuod
*Ano ang tinalakay natin sa araw na ito?
*Ano ang mga aral na inyong napulot sa tinalakay ngayong umaga?

F. Pagsasagawa
A. Tatawag ang guro ng iilang mag-aaral upang sagutin ang katanungan.
1. Bakit mahalaga na isabuhay ang Golden Rule?
2. Sa paanong paraan maisasabuhay ang Golden Rule?

B. Bubuksan ang kanilang camera at ipapakita ng mag-aaral kung


papaano ang tamang pakikitungo sa kapwa.
1. ipakita ang tamang pakikitungo sa kapwa tao?

G. Pagtataya
Tama o Mali
Sagutin ng tama kung “tama” ang pangungusap, “mali” naman kung mali ang
pangungusap.
1. Ang pag sasabi ng salamat ay isang paggalang sa kapwa?
2. Ang paggalang sa mga nakatanda ay pag respeto sa kanila?
3. Ang pagsisinungaling ba ay paggalang sa kapwa mo?
4. Kahit kaedad mo ay dapat parin ba mag bigay galang sakanila?
5. Respetohin ang pagkakaiba ng bawat tao.
6. Ang pagtulong sa nangangailangan ay isang paraan ng pakikisama na
kapwa?
H. Takdang Aralin

Basahin ang susunod na Aralin na makikita sa pahina 62 Paksa


“Oras ng Pangangailangan, Handa Ko Silang Tulungan”
Notre Dame of Midsayap College
Integrated Basic Education
Midsayap, Cotabato
SY 2023 – 2024

Semi Detailed Lesson Plan in ESP 4

Date: _Aug. 23-30,2023 Time: MWF2:30-4:30pm Section: MOPH

I. Layunin:
• Nakatutukoy ng iba’t-ibang paraan sa pagkalinga ng mga hayop na
ligaw at endangered.
• Nakagagawa ng isang pananaliksik tungkol sa pangangalaga o
pagkalinga sa mga hayop na ligaw at endangered animals sa ating
bansa.
• Napahahalagahan ang pagkalinga sa mga hayop na ligaw at endangered
animals.
II. Nilalaman

Paksa: “Mga Hayop na Ligaw at Endangered, Kalingain at Ingatan ”

Sanggunian/Kagamitan: (MELCS), CODE: EsP4PD-IVd-

11 Cut outs, picture, tarpapel, worksheets,PPT

Pagpapahalaga: May pag-iingat sa mga hayop

III. Pamamaraan
Gawaing Guro
A. Panimulang Gawain

Panalangin:
Maari bang tumayo ang lahat ng matuwid at nasa posisyon ng panalangin. Magdasal tayo.

Pagbati:
Magandang umaga mga bata!

Pagtala ng Liban:

Magkaroon tayo ng tawag-pansin (mga pangalan)"

Pagbabalik-aral:
-Tungkol saan ang ating pinag-aralan kahapon?

- Dapat ba na pahalagahan natin ang buhay na ibinigay sa atin ng diyos?


Pagganyak:

Mayroon ako ditong inihanda na mga larawan. Tignan ng mabuti.


Mga Katanungan:
1. Ano-ano ang mga nakikita niyo?
2. Saan kaya ninyo makikita ang mga hayop na ito?
3. Tama ba na huwag saktan ang mga hayop?

B. Pagtatalakay:
Ang aralin natin ngayon ay tungkol sa “Mga Hayop na Ligaw at Endangered,
Kalingain at Ingatan ”

Bago tayo dumako sa ating aralin, nais ko munang basahin ang ating layunin sa araw na ito.

Sa araling ito ang mag-aaral ay inaasahan na:


• Nakatutukoy ng iba’t-ibang paraan sa pagkalinga ng mga hayop na ligaw
at endangered.
• Nakagagawa ng isang pananaliksik tungkol

sa pangangalaga o pagkalinga sa mga hayop na ligaw at endangered


animals sa ating bansa.

• Napahahalagahan ang pagkalinga sa mga hayop na ligaw at


endangered animals.

Ngayon dumako na sa tayo sa ating aralin at ito “Mga Hayop na Ligaw at


Endangered, Kalingain at Ingatan ”.

-Ang pagkalinga ay hindi lamang naipakikita sa mga tao. Ito ay maaaring


ipakita rin sa iba pang nilikha tulad ng mga hayop. Bilang batang mag-aaral,
nararapat lang na kalingain, mahalin, at alagaang mabuti ang mga hayop.
Alamin kung papaano ito gagawin. Ang pagkalinga sa hayop ay isa sa
magandang katangian nating mga Pilipino.

-Sa pamamagitan nito ay ipinapakia pagmamahal natin ang ating sa Diyos


sapagkat kabilang ito sa Kaniyang mga nilikha. Ang Republic Act No. 8485,
na mas kilala bilang "Animal Welfare Act of 1988" ang unang batas na
komprehensibong nagtadhana sa tama at maayos na pangangalaga ng mga
mamamayan sa lahat ng hayop sa l Pilipinas. Binuo ng Batas na ito ang
Committee on Animal Welfare na siyang namumuno sa pagpapatupad ng
batas.

Sinabi sa batas na dapat mabigyan ang lahat ng hayop ng wastong


pangangalaga, at maaaring maparusahan ang sinumang mapatunayang
lumalabag dito. Sa Seksiyon ng batas, ipinagbabawal ang pagmaltrato at
pananakit sa mga hayop. Ipinasa rin sa bahaging ito ng batas na hindi
maaaring pumatay ng hayop, maliban sa mga hayop na kinakain tulad ng
baka, kambing, tupa, manok at iba pang poultry, kuneho, kalabaw,
kabayo, usa at buwaya.

-May proseso silang sinusunod sa sino mang nagnanais mag-alaga ng


anumang klase ng protected at endangered species. Para sa mga
matitigas ang ulo at nais | makipagsubukan, pagkakakulong ng dalawa
hanggang | apat na taon o multa mula P200,000.00; P300,000.00 | naman
ang kahaharapin ng sinumang mapatutunayang Jumabag sa RA 9147.

Mahalagang malaman mo na ang pagmamahal sa Diyos ay patuloy na


nililinang o pinauunlad upang higit na maipadama ito sa ating kapuwa at
sa lahat ng kaniyang nilikha.

Naunawaan ba ang ating aralin na itinalakay ngayong araw?

Paghahalaw:

1. Ano ang iba’t-ibang paraan sa pagkalinga ng mga hayop na ligaw at endangered?

2. Sa anong paraan mo maipapakita ang pangangalaga o pagkalinga sa mga hayop na ligaw at


endangered animals sa ating bansa?

3. Bilang batang mag-aaral, nararapat ba na kalingain, mahalin, at alagaang mabuti ang mga
hayop? Bakit?

Paglalahat:
Ang pagkalinga sa hayop ay isa sa magandang katangian nating mga Pilipino. Sa pamamagitan nito ay
ipinapakita natin ang ating pagmamahal sa Diyos sapagkat kabilang ito sa kaniyang mga nilikha.

Pagtitiyak:

Iguhit sa patlang ang puso ( ) kung wasto ang isinasaad ng pangungusap tungkol sa pangangalaga sa
mga ligaw at endangered na hayop at bilog ( ) naman kung hindi.

1.Panghuhuli sa ligaw na hayop upang kunin ang sungay at ibenta ito.


2. Pagbabahagi ng kaalaman tungkol sa pagprotekta sa mga ligaw at endangered na hayop.
3. Pagtirador sa mga ligaw na hayop na nakikita sa tabing daan.
4. Pagtatapon ng basura kapag nasa zoo.
5. Paghampas sa mga buntot ng unggoy na nakikita sa zoo.

Pagpapahalaga:
Paano mo maipapakita na may pagpapahalaga ka sa mga
hayop?
Pagtataya:

Takdang Aralin :
Gumawa ng poster tungkol sa pangangalaga ng mga
hayop.
Notre Dame of Midsayap College
Integrated Basic Education
Midsayap, Cotabato
SY 2023 – 2024

Semi Detailed Lesson Plan in ESP 4

Date: _Aug. 23-30,2023 Time: MWF2:30-4:30pm Section: MOPH

You might also like