Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

FILIPINO

1. Tukuyin ang sugnayan na makapag-iisa? "Kung magkakasundo tayo, ikaw ang mamumuno at ako naman
angtagasunod"
A. Kung magkakasundo tayo
B. Ako naman
C. Ang magiging tagasunod
D. Ikaw ang mamumuno
SAGOT: D- may simuno at panaguri,may buong diwa

2. Ano ang salin ng "Bring home the Bacon"? A. Mag-uwi ng baconB. Mag-uwi ng panaloC. Bumili ng baconD. Dalhin ang
bacon SAGOT: B 3. Ano ang uri ng pangungusap na ito? "UMULAN NA". A. Pormulasyong panlipunanB. PanawagC.
PenomenalD. Sambitla SAGOT:C-nagbibigay impormasyon tungkol sa mga sitwasyong pangkaliksan o pangyayaring likha
o sanhi ng kalikasan. A-nagpapahayag ng paggalang. Halimbawa-Salamat po. B- tinatawag sa pangalan ang isang tao at
nauunawaan naman ng tinatawag na siya'y hinahanap D- Sambitlaay pangungusap na binubuo lamang ng isang salita
subalit may buong mensahe nang naipaparating sa tagapakinig. Ito na ay kinikilala bilang isang buong pangungusap.ang
sambitla ay tumutuko sa iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin. hal: aray! Grabe! 4.
Ano ang kayarian ng pangungusap na ito? Nakipagkita sa pangulo ang mga senador at kinatawan ng iba't ibang samahan.
A. TambalanB. LangkapanC. HugnayanD. Payak SAGOT:D-tambalan ang simuno at payak ang panaguri Senador at
kinatawan ng iba't ibang samahan-tambalang simuno Nakipagkita-payak na panaguri A-ang pangungusap na may dalawa
o higit pang punong sugnay o sugnay na makapag-iisa. B-ang pangungusap kapag ito'y binubuo ng dalawa o higit pang
punong sugnay at isa o higit ang Katulong na sugnay C-ang pangungusap na binubuo ng isang punong sugnay at ng isa o
higit pang katulong na sugnay 5. Ibigay ang paksa ng pangungusap. "Nabasa ko sa isang aklat ang kasaysayan ng ating
bansa." A. KasaysayanB. AklatC. BansaD. Nabasa SAGOT:A-ang bahaging pinag-uusapan 6. Ano ang kahulugan ng
sumusunod ? "ILISTA MO NA LAMANG SA TUBIG ANG AKING UTANG" A. Kalimutan na ang utangC. Tubig ang listahan B.
Magbabayad din ng utangD. Nasa tubig ang utang SAGOT: A 7. Alin dito ang mga salita na ang kahulugan ay iba sa
kahulugan ng mga salitang binubuo? A. TayutayB. Ekspresyong idiomatikoC. Salitang upemistikoD. Pahayag SAGOT: B- A-
Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang madaling maunawaan, mabisa at
kaakit-akit ang pagpapahayag. C- pagpapalit ng salitang mas magandang pakinggan kaysa sa salitang masyadong bulgar o
matalim. halimbawa: Ang lola niya ay natigok- Ang lola niya ay sumakabilangbuhay nah D- 8. Ibigay ang kayarian ng
paksa ng sumusunod na pangungusap. "Ang para sa iyo ay kunin mo na." A. Pang-ukolB. PangatnigC. PantukoyD. Pang-
uri SAGOT: A- mga pantukoy na ang layon, gawa, kilos o ari ay para sa lahat o balana. B- ang mga salita o lipon ng mga
salita at kataga na ginagamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, ng isang parirala sa kapwa parirala, o ng isang
pangungusap sa kapwa pangungusap. C- ang katagang ginamit sa pagpapakilala sa pangngalan. Ito ay tinatawag
naArticlesa wikang Ingles. D-ay ang bahagi ng pananalitang nagbibigay-turing sa pangngalan at panghalip. Ito ay
tinatawag na Adjective sa wikang Ingles. 9. Ano ang pokus ng pandiwa sa pangungusap na ito? Pinasyalan ng
magkakaibigan ang Splash Mountain nong isang buwan. A. DireksyonB. TagaganapC. TagapagtanggapD.Sanhi SAGOT: A-
Ang paksa ay nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa. B- Nagtuturo na ang tagaganap o aktor ang siyang simuno ng
pangungusap C- Ang simuno ang pinaglalaanan ng kilos. D- Ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi.

10. "Kung anong bukambibig siyang laman ng dibdib." Ito ay isang uri ng ________________. A. TulaB. SalawikainC.
TugmaanD. Bugtong SAGOT: B-mga pahayag na matalinghaga. Nagpapahiwatig ang mga ito ng mga paniniwala at
kaugalian ng mga Pilipino noon at ngayon. A-isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan,ng kariktan,ng kadakilaan at
mga karapatan C-tumutukoy sa pagkakasintunog sa huling salita ng mga taludtod D-binubuo ang mga ito ng palaisipan
na nagtataglay ng kasagutan 11. "Iyon lamang nakakaranas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng
mga lihim na kaligayahan." A. Kapangitan ng buhayC. Paghihikahos sa buhay B. Kalungkutan ang mabuhayD. Kagandahan
ng buhay SAGOT:D -ang may kaugnayan sa pahayag 12. Alin sa mga sumusunod ang pangungusap na may paksa? A. May
pasok ba bukas?C. Nagbabasa sila sa aklatan. B. Kay ganda ng paglubog ng arawD. Mainit ngayon. SAGOT:C-sila-ang
simuno Nagbabasa-panaguri 13. Sa taas ng mga bilihin ngayon kahit KAHIG KA NANG KAHIG ay wala pa ring maipon. Ano
ang ibig sabihin? A. Hanapnang hanapB. Tago nang tagoC. Gastos nang gastosD. Trabaho nang trabaho SAGOT: D -
angtinutukoy ng salitang nakasulat sa malaking titik 14. Ang pahayagan ay hindi dapat maglathala ng anumang uri ng
pagbibintang na makasisira sa reputasyonnang dimuna nagbibigay ng pagkakataon sa nasasakdal na marinig ang
kanyang panig. Ito ay A. Walang kinikilinganC. Makatarungang pakikitungo B. Kalayaan ng pagpapahayagD. Magandang
kaasalan SAGOT: C - ang tinutukoy ng pahayag 15. "You can count on me." Ang pinakamalapit na salin nito ay
________________. A. Bilangin mo kamiB. Bilangin mo akoC. Ibilang mo akoD. Maasahan mo ako SAGOT: D - ang
katumbas ng salitang nakasulat sa Ingles 16. Anong uri ng tayutay ang pahayag na ito? "Ang kabutihan mo sa buhay ang
magiging hakbang sa pag unlad." A. PagwawangisB. Pagpapalit-tawagC. PagtutuladD. Personipikasyon SAGOT: A-ito ay
naghahambing din gaya ng pagtutulad ngunit ito aytiyakang pagahahambing. B -pagpapalit ng katawagan ng mga bagay
na magkakaugnay, hindi kahambingan kundi sa mga kaugnayan C -ginagamit sa paghahambing ng dalawang magkaibang
bagay, tao, pangyayari, at iba pa. ito ay ginagamitan ng mga salitang tulad ng: gaya ng para ng kapara kawangis tila
katulad D -pagsasalin ng talino, gawi, at katangian ng tao sa mga bagay- bagay sa paligid natin. 17. "Malalim ang bulsa,"
ng kanyang nanay. Ang ibig sabihin nito ay ______________. A. Walang peraB. MaperaC. MapagbigayD. Kuripot SAGOT:
D - katumbas nglipon ng mga salita A - butas ang bulsa B - makapal ang bulsa C - may mabuting kalooban 18. Siya ay
"May Kutsarang Pilak" ng ipinanganak. Ito ay nangangahulugang __________________. A. TahimikB. MasalitaC.
MayamanD. Mahirap SAGOT:C - ang tinutukoy ng pahayag A - mabigat ang bibig B- madaldal C- hampaslupa 19. "Ang
hindi magmahal sa sariling wika, mahigit sa hayop at malansang isda." Ito ay hango sa tula ni _________. A.Apolinario
MabiniB. Jose RizalC. Andres BonifacioD. Manuel Quezon SAGOT:B - hango sa tulang Sa Aking Mga Kabata A - Dakilang
Lumpo C -Ama ng Rebulosyunaryong Pilipino D - Ama ng Wikang Pambansa 20. Tukuyin ang uri ng pangungusap na itong
walang paksa. "Walang anuman." A. PanagotB. PatanongC.EksistensyalD. Pormulasyong panlipunan SAGOT: D - Ito ay
nagpapahayag ng paggalang. A - sagot sa tanong na OO o HINDI B - Ito ay nagsasaad ng isang katanungan. C - Ito ay
pahayag na ginagamitan ng may, mayroon o wala.

21. Ano ang tawag sa awit ng pag ibig? A. IhimanB. KundimanC. UyayiD. Tagumpay SAGOT: B - awit ng pag-ibig A -
tongue twister C - mga awiting pampatulog ng bata D - kasingkahulugan ng pananaig o pagkakamit 22. Alin ang
pinakatamang pahayag? A. Sa Luneta namasyal ang mag-anak.C. Ang mag-anak ay namasyal sa Luneta. B. Namasyal ang
mag-anak sa Luneta.D. Nag-Luneta ang mag-anak. SAGOT:B - nauna ang panaguri sa simuno 23. Ang paggamit ng
PUTING KALAPATI bilang sagisag ng kapayapaan ay tinatawag na ______________. A. ImahinismoB. SimbolismoC.
NaturalismoD. Realismo SAGOT: B - itoy naglalahad ng mga bagay, damdamin, at kaisipan sa pamamagitan ng sagisag at
mga bagay na mahiwaga at metapisikal. A- larawang-diwa o imahe sa ikagaganda ng akda. C - ay nagpapakita ng mga
pangyayaring nakatutulong ang mga piling salita at mga pahayag upang pangibabawin ito. D - Nagpapahayag ito ng
pagtanggap sa katotohanan o realidad ng buhay. 24. "Tinaga ko sa gubat, sa bayan nag-iiyak." Ito ay halimbawa ng isang
____________. A. KawikaanB. KasabihanC. BugtongD. Salawikain SAGOT: C -isangpangungusapotanongna may doble o
nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan(tinatawag dingpalaisipanang bugtong) A - kalipunan ng mga
turo kung papaano mamuhay ng matuwid at kalugud-lugod sa Diyos. Karamihan nito'y tumatalakay sa mga bagay na
praktikal at pang-araw-araw. B-Ang mgakasabihan at salawikainay naglalayong magbigay payo at patnubay sa ating
pangaraw-araw na pamumuhay. 25. "Ang panalangin ay mabisang sandata sa buhay." Ito ay isang ______________. A.
OnomatopiyaB. PagtutuladC. PagwawangisD. Personipikasyon SAGOT: C - tiyak na paghahambing ngunit hindi na
ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o
katangian ng bagay nainihahambing. A - tumutukoy sa tunog ng kalikasan B -di tiyak na paghahambing ng dalawang
magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-,
magkasim-, D - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga
bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ngkilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at
pangngalang-diwa. 'PERSONIFICATION' sa Ingles. 26. Alin ang pinakamalapit na salin ng "You are the apple of my eye." A.
Ikaw ay kasing ganda ng mansanas.C. Ibibili kita ng mansanas. B. Ikaw ay maganda sa paningin.D. Ikaw ang paborito ko.
SAGOT: D 27. Ang salitang nagtataglay ng KAMBAL-KATINIG ay _________________. A. Mag-aaralB. KlaseC. SilidD. Guro
SAGOT: B - kambal-katinig o klaster sa loob ng isang pantig (kla-se) 28. DAMHIN mo ang init ng pagmamahal ng iyong
magulang. Ang salitang nasa malaking titik ang nasa anyongpandiwang di karaniwan na ______________. A. May
pungosB. May kutadC. May kaltasD. May palit SAGOT : C - Ito ay kapag may titik o pantig na kulang sa salita. A- Ito ay
kapag may nabawas na titik sa unahan ng salita. B- ukit D- Ito ay kapag mayroong isa o dalawang titik na napalitan ng
iba. 29. Ibigay ang pokus ng pandiwa ng sumusunod na pangungusap. "Bumili ang Ate ng ulam." A. Pokus sa actorB.
Pokus sa sanhiC. Pokus sa layonD. Pokus sa benepaktibo SAGOT: A - Ang simuno o paksa ang gumaganap sa kilos ng
pandiwa. B -Ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi. C - Ang paksa ng pangungusap ay ang layon. D - Ang simuno
ang pinaglalaanan ng kilos. 30. Ibigay ang kayarian ng paksa ng sumusunod na pangungusap. "Ang para sa iyo ay kunin
mo na." A. Pang-ukolB. PangatnigC. PantukoyD. Pang-uri SAGOT : A- ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa
pangngalan, panghalip, pandiwa at pang-abay sa ibang salita sa pangungusap. B- Ang pangatnig ay kataga, salita o grupo
ng mga salitang nagpapakita ng pagkakaugnay ng isang salita sa isa pang salita o isang kaisipan sa isa pang kaisipan. C-
AngPantukoyay ang katagang ginamit sa pagpapakilala sa pangngalan. Ito ay tinatawag na Articlesa wikang Ingles. D-
Angpang-uriay isangbahagi ng pananalitana binabago ang isangpangngalan, karaniwang sinasalarawan nito o
ginagawang mas partikular ito.

31. "Pare-pareho kayo. Wala akong mapagpilian," wika ng isang grupong puno ng galit sa mga lalaking mag-aaral.
SAGOT: B A. Walang gana sa pagtuturo.C. Walang pagtingin sa mga lalaki. B. Nawalan ng tiwala sa mga lalaki.D. Hindi
pare-pareho ang mga lalaki. 32. Ang pagtama sa lotto ay parang isang "suntok sa buwan." Ano ang kahulugan nito? A.
MaaariB. PangarapC. ImposibleD. Maaabot SAGOT: C 33. Ito ay kuro-kuro ng patnugot hinggil sa mahalaga at
napapanahong isyu sa araw na iyon. Ano ito? A. PitakB. LathalainC. BalitaD. Editoryal SAGOT: D - Ito ay mahalaga sa
anumang pahayagan. Ito ay paglalahad ng pangunahing tayo ng publikasyon ukol sa isang mahalagang isyu. Naglalayon
itong magpabatid, magbigay ng kahulugan, at makalibang. Ang sumulat ay nagbibigay ng kuru-kuro alinsunod sa
patakarang pinaiiral ng patnugutan. A - kolum ng mga komentarista B - (Feature Story) Ito ay sulatin o artikulo sa isang
pahayagan na naglalayong tumuon sa isang natatanging isyu sa paraang hindi nagbabalita. Ito ay maaaring nagmumula
sa sariling pananaw ng may-akda nito. C - Kuwento o pagsasalaysay ng isang katatapos na pangyayari 34. "Panahon na
upang magdilat ng mata at makisangkot sa mga usapin." Ito'y nagpapahiwatig na ___________. A. Kalimutan ang
usapinC. Idilat ang mga mata B. Magising sa katotohananD. Umiwas sa usapin SAGOT: B 35. Alin sa mga sumusunod ang
hindi maituturing na pangungusap? A. Mayroon bang dadalo?B. Umaaraw ngayon.C. Maraming salamat.D. Kung aalis ka.
SAGOT : D - sugnay na di makapag-iisa,walang buong diwa A - pangungusap naEksistensyal - Ito ay pahayag na
ginagamitan ng may, mayroon o wala. B -pamanahon- tumutukoy sa oras o uri ng panahon C -Pormulasyong Panlipunan-
Ito ay nagpapahayag ng paggalang. 36. "Ang lumalakad nang mabilis, kung matinik ay malalim." Ano ang ibig sabihin ng
paalalang ito? A. Mag-isip na mabuti sa paglalakad.C. Maaaksidente ang mabilis lumakad. B. Mag-isip ng malalim kung
naglalakad.D. Huwag mag-isip kung naglalakad. SAGOT: D 37. Mahusay "maglubid ng buhangin" ang taong gipit. Ano ang
ibig sabihin nito? A. MagyabangB. MagsinungalingC. Magpaikot-ikotD. Magtali SAGOT: B 38. Huwag "pagbuhatan ng
kamay" ang batang walang kalaban-laban. Ano ang ibig sabihin nito? A. Itali ang kamayB. PagtrabahuinC. Pagbuhatin ng
mabigatD. Saktan SAGOT : D 39. "Mayroon bang pag-asa na umunlad pa?" ano ang uri ng pangungusap na ito na walang
paksa? A. EksistensyalB. Pormulasyong panlipunanC. PamanahonD. SambitlaSAGOT : A - Ito ay pahayag na ginagamitan
ng may, mayroon o wala B - Ito ay nagpapahayag ng paggalang. C - tumutukoy sa oras o uri ng panahon D - pangungusap
na binubuo lamang ng isang salita subalit may buong mensahe nang naipaparating sa tagapakinig. 40. "Inaawitan ako ng
mga alon sa dalampasigan." Ito ay halimbawa ng _________________. A. Paglilipat-wikaB. PagwawangisC. PagtutuladD.
Personipikasyon SAGOT: D - Pahayag ito na ang mga katangian, gawi at talinong sadyang angkin lamang ng tao ay
isinasalin sa mga karaniwang bagay. Nagagawa ang pagsasalin sa paggamit ng pandiwa o pangngalan. A -. Paglilipat-wika
o Transferred Epithet- tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang
pang-uri. Halimbawa:Patay tayo dun. B- isang tuwirang paghahambing na di gumagamit ng mga salitang katulad ng at
iba pa, ngunit nagpapahayag ng hambingan sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o gawain ng
isang bagay na inihahambing. C - isang payak at lantad na paghahambing at karaniwang ginagamitan ng mga salita at
pariralang: katulad ng, tulad ng, para ng, anakiy, kawangis ng, gaya ng, kasing-, sing-, 41. Sino ang nagsabi ng
sumusunod, "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa malansang isda?" A. Jose RizalB. Gregorio del
PilarC. Apolinario MabiniD. Marcelo H. Del Pilar SAGOT: A -- hango sa tulang Sa Aking Mga Kabata B -ang pinakabatang
heneral na lumaban saDigmaang Pilipino-Amerikano C -kilala bilang ang "Dakilang Lumpo" o "Dakilang Paralitiko", ay
isangPilipinotheoreticianna nagsulat ngkonstitusyonng Unang Republika ngPilipinasnoong1899-1901, at
naglingkodbilang ang kauna-unahangpunong ministronoong 1899.

D - kilala rin bilang ang "Dakilang Propagandista", ay isangilustradonoong panahon ng Espanyol. 42. "Sa isang saglit ay
naihahambing ko ang aking sarili sa isang paru-parong palipat-lipat sa mga bulaklak." Anong uri ng pananalita ito? A.
PatuladB. PawangisC. PadiwantaoD. Metonomiya SAGOT: A - paghahambing ng dalawang magkaibang tao,bagay at
pangyayari. B - nagsasaad ng tuwirang paghahambing C - pagsasatao ay paglalapat ng talino sa mga bagay na hindi
nagtataglay ng talino upang mabuhay D - pagpapalit tawag ay paggamit ng pangalan ng isang bagay para doon sa ibang
bagay na ipinahihiwatig niyon 43. Iyon lamang nakakaranas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng
lihim na kaligayahan. Ang mga pahayag na ito ay nagsasaad ng _______________. A. Paghihikahos sa buhayC.
Kapangitan ng buhay B. Kalungkutan ng buhayD. Kagandahan ng buhay SAGOT : D 44. Siya ay kauna-unahang itinanghal
na hari ng balagtasan. Sino siya? A. Ildefonso SantosB. Lope K. SantosC. Florentino CollantesD. Jose Corazon de Jesus
SAGOT: D - Huseng Batute A - sagisag-panulat angIlaw Silangan B -SiLope K. Santosay isa sa mga dakilang manunulat sa
wikang Tagalog. Siya ay nobelista, makata, abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na "Ama ng Pambansang Wika at
Balarila." C -kinilalang duplero ng kanyang panahon at nahirang naIkalawang Hari ng Balagtasan. Gumamit siya ng
sagisag naKuntil Butilsa kanyang pagsusulat ng mga mapanudyong tula namay pamagat naBuhay Lansangan. 45. Siya ay
kauna-unahang nagsalin sa Tagalog ng Mi Ultimo Adios ni Jose Rizal. A. Jose GatmaitanB. Andres BonifacioC. Apolinario
MabiniD. Jose Corazon deJesus SAGOT: B - Isa siAndres Bonifaciosa mga unang nagsalin sa Tagalog ng tulangMi Ultimo
Adiosni Jose Rizal, at pinamagatan niya itong Huling Paalam. A - isinalin saTagalogniJose Gatmaitanna matatagpuan
saLiwasang Rizal]. C - kilala bilang ang "Dakilang Lumpo" o "Dakilang Paralitiko", ay isangPilipinotheoreticianna nagsulat
ngkonstitusyonng Unang Republika ngPilipinasnoong1899-1901, at naglingkodbilang ang kauna-unahangpunong
ministronoong 1899. D - unang kinilalang Hari ng Balagtasan 46. Ito ay isang tulang pasalaysay na kinapapalooban ng
pakikipagsapalaran, pamumuhay at kabayanihan na isangtauhang may pambihirang katangian at kasamang
kababalaghan. Piliin sa mga sumusunod. A. EpikoB. AlamatC. BugtongD. Awit SAGOT: A- B - ang pinagmulan ng isang
bagay C - isangpangungusapotanongna may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang
palaisipan(tinatawag dingpalaisipanang bugtong) D - hal. Plorante at Laura- may labindalawang pantig sa bawat taludtud
47. Saan inaawit ang awiting-bayan na "Atin Cu Pong Singsing"? A. BikolB. IlocosC. PampangaD. Leyte SAGOT :C A -
Sarong Banggi B - Manang Binay D - Awit ng Magtutuba 48. Mahusay magtago ng lihim ang mga taong "mabigat ang
bibig." Ano ang ibig sabihin nito? A. Hindi madaldalB. MahiyainC. Malaki ang bibigD. Tahimik SAGOT: A 49. Sino ang
unang bumuo ng titik ng ating pambansang awit na may pamagat ng Himno Nacional Filipino? A. Graciano Lopez JaenaB.
Jose PalmaC. Andres BonifacioD. Marcelo H. Del Pilar SAGOT :B - tula ni Jose V. Palma ay nagging Pambansang Awit ng
Pilipinas. Ang mga titik nito ang pinakadakilang ambag ni Jose V. Palma sa ating panitikan. Ito'y nilapatan ng musika ni
JulianFelipe A - Graciano Lopez Jaena - (1856 - 1896)Siya ang Dakilang Mananalumpati, Prince of Filipino Orators,
Nagtatag ng La Solidaridad. C - SiAndrés Bonifacio(Nobyembre 30,1863-Mayo 10,1897) ay siyang namuno sa rebolusyon
ngPilipinaslaban saEspanya, ang unang rebolusyon sa Asya na lumaban sapananakop ng mga bansang imperyalista
saEuropa. D - SiMarcelo Hilario del Pilar y Gatmaitan(Agosto 30,1850-Hulyo 4,1896), kilala rin bilang

ang "Dakilang Propagandista", ay isangilustradonoong panahon ng Espanyol. Ang kanyang pangalan sa dyaryo
ayPlaridel.Pinalitan niya siGraciano López Jaenabilang patnugot ngLaSolidaridad. 50. Alin ang pahayagang itinatag ni
Marcelo H. Del Pilar upang ilathala ang pagbatikos sa maling pamamahala ngmga kastila? A. El PorvenirB. Diarong
TagalogC. La SolidaridadD. El Resumen SAGOT: B - Noong Hulyo 1, 1882, itinatag niya angDiariong Tagalog(ayon
kayWenceslao Retana, isang Kastilang manunulat, ang unang labas ay inilathala noong Hunyo 1, 1882) kung saan
binatikos niya ang pang-aabuso ng mga prayle at kalupitan ng pamahalaan. A - wikang Espanyol na ang ibig sabihin ay
"The Future" C - AngLa Solidaridadang naging pangalan ng isang samahan ng mga Pilipinong ilustradosa Espanya na
naghangad na magkaroon ng representasyon ang Pilipinassa Cortes Generales. Ito rin ang naging pangalan ng opisyal na
pahayagan ng samahan na itinatag noong Disyembre 13, 1888. D- wikang Espanyol na naitatag sa Pilipinas noong 19th
century 51. "Kung sa langit ay nabubuhay ang sa lupa ay namamatay ano't kinatatakutan ang oras ng kamatayan." Anong
damdamin ang ipinapahayag nito? A. Maging matapangB. Maging mapagpasensyaC. MapagbigayD. Matatag sa buhay
SAGOT: D 52. Kailan ginagamit ang isang panalitang patulad? A. Sa paghahambing ng dalawang kaisipanC. Sa
paghahambing ng magkatulad na bagay B. Sa paghahambing ng dalawang magkaibang bagayD. Sa paghahalintulad ng
dalawang diwa SAGOT: B 53. "Yumanig ang gusali sa kanyang mga yabag." Ito'y isang _________________. A.
SinekdokeB. MetaphorC. HyperboleD. Personification SAGOT: C- pag-aalpas ng haraya(imagination) nang lampas sa isang
mahinahong larawan ng katotohanan o pagbibigay nang labis na kahulugan sa nais ipakahulugan. A - pagpapalit-saklaw
ay pagbanggit ng bahagi bilang kabuuan o ng kabuuan bilang ng bahagi Hal. Lahat tayo ay dapat magbanat ng buto B -
pagwawangis ay tuwirang paghahambing ng dalawang bagay na hindi magkatulad Hal. Ang ina ay ilaw ng tahanan. D -
pagsasatao ay paglalapat ng talino sa mga bagay na hindi nagtataglay ng talino upang mabuhay Hal. Kumakaway ang
mga dahon sa ihip ng hangin 54. Ito ay may butil ng karunungang hango sa karanasan ng mga matatanda at
kinapapalooban ng mga paalala tungkolsa batas ng mga kaugalian. Ito ay isang ____________________. A. SalawikainB.
BugtongC. KuridoD. Awit SAGOT: A B - palaisipan na nagtataglay ng kasagutan C - salitang "corrido"ay nanggaling sa
salitang Mexico -"kasalukuyang mga balita". Ito ay isang tulang romansa tungkol sa katapangan,
kabayanihan,kababalaghan at pananampalataya.Hal.Ibong Adarna - may 8 pantig ang bawat taludtod. D - binubuo ng 12
pantig ang bawat taludtod at may apat na taludtod sa bawat saknong. Mababakas ditto ang pakikipagsapalaran at pag-
iibigan ng mga tauhan. Hal. Plorante at Laura 55. Ito ay nagbibigay din ng opinion tungkol sa isang napapanahong isyu sa
pamamagitan ng larawan. Alin ang tinutukoy? A. Kartong pang-editoryalB. IlustrasyonC. Larawanng huling pahinaD.
Larawan ng hirap SAGOT: A 56. Piliin sa sumusunod ang tumutukoy sa isang kilusang binuo ng pangkat ng mga
intelektual na humigingi ng reporma o pagbabago. A. KatipuneroB. EstudyanteC. MangagawaD. Propaganda SAGOT: D -
propagandista - mga ilustrado sa panahon ng Kastila na humihingi ng pagbabago 57.Ito ay mga opisyal na wika mula sa
panahon ng Republika hanggang sa kasalukuyan. Piliin ito. A. Filipino atKastilaB. Indes at TagalogC. Ingles at KastilaD.
Ingles at Pilipino SAGOT:D - Kautusang Pangkagawaran Blg.52, (1987) • Isinaad ang pagbabago sa Patakarang
Edukasyong Bilinggwal nang ganito..."Ang patakarang Bilinggwal ay naglalayong makapagtamo ng kahusayan sa Filipino
at Ingles sa antas pambansa, sa pamamagitan ng pagtuturo ng dalawang wikang ito bilang mga midyum ng pagtuturo sa
lahat ng antas." 58. Kailan natin ipinagdiriwang ang Linggo ng Wika? A. Marso 13-19B. Agosto 1-31C. Agosto 13-19D.
Hunyo 13-19 SAGOT: C- pagbibigay - pugay sa kaarawan ni Manuel L. Quizon (Agosto 19) 59. May pulong na gaganapin
at isinulat na ang lugar, petsa at oras, isinulat din ang "agenda." Ano ang maaaring salin nito? A. PagtatalunanB. Pag-
uusapanC. PaghahandaanD. Pagkakaisahan SAGOT: B

60. Anong uri ng parirala ang sumusunod? Ang matalinong mga bata ay nakakuha ng mataas na marka. A. Pangalawang-
diwaB. PanuringC. Pang-ukolD. Pawatas SAGOT: D -ito ay pagsasama ng pawatas na anyo ng pandiwa ng layon nito. A- B-
ang mga panuring ay mga pang-uri at pang-abay C- ito ay binubuo ng pang-ukol at layon nito. 61. Pagtutulungan at
pagsasama-sama ang dapat gawin ng mamamayan. Ano ang ayos ng pangungusap na ito? A.TambalanB. Hindi
KaraniwanC. KaraniwanD. Payak SAGOT: C- (tuwid) ang ayos ng pangungusap kapag nauuna ang panaguri kaysa simuno
A- uri ng pangungusap ayon sa kayarian. Ang pangungusap na may dalawa o higit pang punong sugnay o sugnay na
makapag-iisa. B - (baligtad)ayos ng pangungusap kapag nauuna ang simuno at lantad ang ay. D -uri ng pangungusap kung
ito'y nagpapahayag ng isang buong kaisipan o diwa. 62. Ano ang karaniwang iisahang pantiglamang at walang
katuturang maibibigay kung nag-iisa? A. KatagaB.SugnayC.PariralaD. Salita SAGOT: A B -pangkat ng mga salita na may
simuno at panaguri, maaaring makapag-iisa at di-makapag-iisa C- Angpariralaay mga lipon ng salita na
walangsimunoatpanaguriat ginagamit lamang na bahagi ng pangungusap. D- Angsalitaay yunit ngwikana nagdadala ng
kahulugan at binubuo ng isa o higit pang morpema, na higit-kumulang mahigpit na sama-samang magkakaugnay, at may
halagang ponetika 63. Alin sa mga pangungusap ang walang paksa? A. Agosto na talaga.C. Dumating ka sana sa oras. B.
Nag-aawitan ang mga nasa loob ng simbahan.D. Ibinigay ko na ang pera sa iyo. SAGOT: A - Temporal - nagsasaad ito ng
mga kalagayan o panahong panandalian karaniwan na itong mga adverbial na nagsasabi ng....... *Panahon, selebrasyon
halimbawa:Bagong taon na bukas Kaarawan ko sa makalawa. Pasko na sa Lunes Magbabakasyon lang. 64. Ilan ang
kasalukuyang bilangngating alpabeto? A. 30B.28C. 20D. 31 SAGOT : B - ALPABETONG FILIPINO (1987) - binubuo ng 28
titik: lima (5) ang patinig at dalampu't tatlo (23) naman ang katinig. Angparaan ng pagbigkas ay batay sa Ingles. A- C-
ABAKADA(1940) -binuo ni Lope K. Santos - lima (5) ang patinig (a, e, i, o, u) - labinglima (15) ang katinig (b, k, d, g, h, l, m,
n, ng, p, r, s, t, w, y) ALPABETONG D-PILIPINO (1976) - binubuo ng 31 titik - ang dating abakada na binubuo ng
dalawampung (20) titik ay nadagdagan ng labing-isa (11) pang titik mula sa abecedario. Ang mga naidagdag na titik ay: c,
ch, f, j, ll, ñ, q, rr, v, x at z 65. Alin ang angkangpinagmulan ng mga wika sa Pilipinas? A. MalayB. IndonesC. Indones
PolinesyoD. Malay Polinesyo SAGOT: D - Malayo-Polinesyo • angkang kinabibilangan ng mga wikang Indonesian
(Tagalog, Visayan, Ilocano, Pampango, Samar-Leyte, Bicol at iba pa sa Pilipinas) at Malay A- Malay is an Austronesian
language spoken in Malaysia, Indonesia, Singapore, Brunei and Thailand. The total number of speakers of Standard
Malay is about 18 million. There are also about 170 million people who speak Indonesian, which is a form of Malay.

You might also like