Araling Panlipunan 4 q1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
DIVISION OF MABALACAT CITY

ARALING PANLIPUNAN 4 – UNANG MARKAHAN

Pangalan: ______________________________________________ Score: _______________

Baitang at Seksyon: ___________________________________ Petsa: _______________

I.PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang.
_____1. Ang Pilipinas ay isang _________.
A. bansa B. lugar C. lungsod D. probinsya
______2. Ito ang tawag sa grupong naninirahan sa loob ng isang teritoryo.
A. tao B. Bansa C. Teritoryo D. pamahalaan
_____3. Ito ay isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng
mga grupo ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng sibilisadong
lipunan.
A. tao B. Bansa C. Teritoryo D. pamahalaan
_____4. Ilang elemento ng pagkabansa ang taglay ng Pilipinas?
A. isa B. Apat C. Tatlo D. dalawa
_____5. Alin sa mga sumusunod ang apat na elemento ng pagkabansa?
A. Tao, teritoryo, pamahalaan at soberanya
B. Teritoryo, soberanya, tao at kapangyarihan
C. Teritoryo, pamahalaan, soberanya at likas na yaman
D. Tao, pamahalaan at soberanyang panloob at panlabas
_____6. Ang sumusunod ay mga elementong taglay ng Pilipinas upang
ituring itong isang bansa, alin ang HINDI?
A. tao B. Teritoryo C. Soberanya D. kayamanan

_____7. Alin sa mga sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa Pilipinas?


A. Ang Pilipinas ay may dalawang elemento lamang ng pagkabansa.
B. Ang mga Pilipino ay gumagamit ng maraming wika.
C. Hindi maaaring ituring na bansa ang Pilipinas dahil maliit lamang ang teritoryo nito.
D. Matatawag na bansa ang Pilipinas dahil nagtataglay ito ng apat na elemento ng
pagkabansa.
_____8. Ito ang lokasyon ng isang lugar ayon sa kinalalagyan ng mga katabi o kalapit nitong
lugar.
A. Lokasyong Insular
B. Lokasyong Bisinal
C. Lokasyong Maritima
D. Relatibong Lokasyon
_____9. Ang Pilipinas ay isang bansang matatagpuan sa ______.
A. Timog Asya
B. Hilagang Asya
C. Timog-Silangang Asya
D. Hilagang-Silangang Asya
_____10. Kung ang Karagatang Pasipiko ay nasa gawing silangan ng bansa,
ang Dagat Kanlurang Pilipinas naman ay nasa gawing _____ nito.
A. timog B. hilaga C. kanluran D. silangan
_____11. Nasa timog ng Pilipinas ang bansang _____.
A. Laos B. Taiwan C. Cambodia D. Indonesia
_____12. Ang Pilipinas ay napapaligiran ng mga ______ at _______.
A. tao at teritoryo
B. pamahalaan at tao
C. bansa at katubigan
D. bansa at pamahalaan

_____13. Ang teritoryo ng Pilipinas ay isang kapuluang may humigit kumulang na _____
malalaki at maliliit na mga pulo.
A. 7,461 B. 7,190 C. 7,641 D. 7,601
_____14. Umaabot sa kilometro kuwadrado ang lawak ng teritoryo ng ating bansa.
A. 4,000 B. 2,500 C. 300,000 D. 100,000
_____15. Bilang isang mamamayang Pilipino, ano ang pinagbabasehan
natin ng hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas?
A. Artikulo I ng Saligang Batas ng 1987
B. Artikulo 2 ng Saligang Batas ng 1987
C. Artikulo 3 ng Saligang Batas ng 1987
D. Artikulo 4 ng Saligang Batas ng 1987
_____16. Maituturing na nasa lokasyong ______ ang mga bahaging tubig ng
Sulu at Celebes sa timog ng Pilipinas.
A. Bisinal B. Insular C. Doktrinal D. Wala sa nabanggit
_____17. Ano ang eksaktong lokasyon ng Pilipinas sa globo at mapa?
A. 4° - 21° hilagang latitude at 116° - 127° silangang longhitud
B. 4° - 20° hilagang latitude at 114° - 127° silangang longhitud
C. 4° - 22° hilagang latitude at 116° - 126° silangang longhitud
D. 4° - 25° hilagang latitude at 115° - 125° silangang longhitud
_____18. May dalawang uri lamang ng panahon sa ating bansa. Ano ang mga ito?
A. tag-ulan at tag-araw
B. tag-araw at tagsibol
C. tagsibol at taglagas
D. tag-ulan at tagsibol

_____19. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit nakararanas


ng iba’t ibang klima ang Pilipinas?
A. dahil sa kinalalagyan nito sa mundo.
B. dahil sa mabundok itong bansa.
C. dahil sa iba’t ibang salik tulad ng temperatura, taas ng lugar, galaw ng hangin at
dami ng ulan.
D. dahil sa napapaligiran ito ng mga bansa.
_____20. Ano ang posibleng dahilan kung bakit maraming iba’t ibang
halaman at hayop ang matatagpuan sa Pilipinas?
A. Mahilig ang mga Pilipino sa mga halaman.
B. Madaling tumutubo ang mga ito sa Pilipinas.
C. Mahaba ang tag-araw sa bansa at angkop sila dito.
D. May matabang lupa at angkop ang klima ng Pilipinas sa mga ito.
_____21. Tumutukoy ito sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng lugar tulad ng
lokasyon, hugis, sukat, lawak, klima, anyong lupa, anyong tubig at iba pang pinagkukunang
yaman.
A. Heograpiya B. Lokasyon C. Relatibo D. Bisinal
_____22. Saan matatagpuan ang isla ng Saluag?
A. Hilaga B. Kanluran C. Silangan D. Timog
_____23. Ang ________ ay tumutukoy sa mga katubigang nakapaligid sa isang bansa dahil
sa pagiging kapuluan ng bansang Pilipinas.
A. Insular B. Bisinal C.Heograpiya D. Lokasyon
_____24. Ang Pilipinas ay isang arkipelago na kilala din sa tawag na ____.
A. Kapuluan B.Karagatan C.Kalikasan D. kagandahan
_____25. Ano ang tawag sa hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa
dagat o karagatan dulot ng lakas ng hanging dala ng bagyo.
A. tidal wave B. tsunami C. storm surge D. hurricane
_____26. Ito ay ang higit sa normal na lebel ng pagtaas ng tubig sa dagat o
karagatan. Ito ay epekto ng nagaganap na paglindol.
A. tsunami B. tidal wave C. hurricane D. storm surge
_____27. Ang DRRMC ay ang ahensiyang nangangasiwa sa mga
pagsasanay para sa kaligtasan ng bawat mamamayan. Ano ang
kahulugan ng acronym na DRRMC?
A. Disaster Risk Reduction and Management Council
B. Disaster Reduction and Risk Management Council
C. Disaster Risk and Reduction Maintenance Council
D. Disaster Risk and Reduction Management Corporation
_____28. Ang mga karaniwang lugar na madalas daanan ng bagyo at may
posibilidad sa storm surge ay ang __________
A. baybayin B. kagubatan C. kapatagan D. disyerto
_____29. Bakit mahalagang malaman ang tsunami alert level at mga babala
ng bagyo?
I. Upang mapaghandaan ang paglikas
II. Upang walang mangyaring masama sa sinuman
III. Upang makapagplano ng aksiyon na dapat gawin.
IV.Upang maging alerto sa mga posibleng hindi Magandang mangyayari
A. I at II lamang
B. I, II, at III lamang
C. I at III lamang
D. I, II, III at IV
______30. Ang _______________ ay isang anyong lupa na napapaligiran ng
anyong tubig.
A. arkipelago B. Pulo C. Kapatagan D. bundok
_____31. Ang mga kapatagan ay angkop sa pagtatanim ng mga ________.
A. palay, mais, mani, tubo,
B. tabako, abaka, pili, strawberry
C. pechay, repolyo, kangkong, gabi
D. mangga, mahogany, narra, bakawan

_____32. Alin sa mga sumusunod ang maaring magsilbing panangga sa


mga bagyong dumarating sa ating bansa?
A. Matatarik na mga bangin
B. Mahahabang bulubundukin
C. Malalawak na mga kapatagan
D. Matataas at aktibong mga bulkan
_____33. Ang mga bulkan na bagaman ay mapanganib ay maaari ring
magsilbing _________ dahil sa angkin nitong kagandahan.
A. pasyalan B. libingan C. pahingahan D. dausan ng konsyerto
_____34. Sa anong larangan maaaring makatulong sa pag-unlad ang mga
naggagandahang anyong tubig at anyong lupa ng Pilipinas?
A. turismo B. kalusugan C. edukasyon D. kapayapaan
_____35. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig sa
Pilipinas ay may malaking ambag sa ________________.
A. Pagdami na populasyon ng bansa
B. Pagbagsak ng ekonomiya ng bansa
C. Pagtaas ng bilang ng krimen sa bansa
D. Pag-unlad ng bansa lalo na sa larangan ng turismo
______36. Ano ang magandang naidulot ng pagiging masagana ng bansa sa
mga katangiang pisikal?
A. kahinaan B. Kaunlaran C. kakulangan D. kahirapan
_____37. Bakit maraming dayuhan ang pumupunta sa Pilipinas?
A. Dahil sa likas na kagandahan nito
B. Dahil maraming magagandang Pilipina dito
C. Dahil maraming malalaking gusali sa bansa
D. Dahil marami ang bilang ng populasyon sa Pilipinas

_____38. Paano mo mapapatunayan na ang Pilipinas ay isang arkipelago?


A. Maraming itong katubigan
B. May malalawak itong mga lugar
C. May malalaki itong kagubatan
D. Binubuo ito ng maraming pulo
_____39. Ano ang magandang epekto ng pagkakaroon natin ng
malawak na katubigan?
A. Ito ay maaaring maging daanan ng mga kalakal.
B. Ito ay mainam para sa pagbabangka o pagbibiyahe.
C. Ito ay maaaring pagkakitaan sa pamamagitan ng pangingisda.
D.Lahat ng nabanggit ay tama.
_____40. Itinuturing na pinakamahalagang pangunahing likas na yaman n gating bansa.
A. Yamang lupa B. Yamang Tubig
C. Yamang Mineral D. Likas na Yaman
FIRST QUARTER EXAMINATION IN ARALING PANLIPUNAN 4
S.Y. 2023-2024

TABLE OF SPECIFICATION
COGNITIVE PROCESS
No. DIMENSIONS
of 10
No. 60% 30%
%
Da Item
Most Essential Learning of
ys Placeme
Competencies Ite Und
Ta Re App Ana Cre nt
ms erst Eval
ugh me lyin lyzi atin
andi uati
t mbe g ng g
ng ng
ring
Nakakapagbigay ng halimbawa 1 1 1 1
ng bansa
Naiisa-isa ang mga katangian ng 2 2 2 2-3
bansa
Natatalakay ang konsepto ng 2 2 1 1 1 4-5
bansa
Nakakabuo ng kahulugan ng 1 1 1 6
bansa
Naipapaliwanag na ang Pilipinas 2 1 1 7
ay isang bansa
Natutukoy ang relatibong 2 1 1 8
lokasyon ng Pilipinas
Natutukoy sa mapa ang 1 1 1 9
kinalalagyan ng bansa sa
rehiyong Asya at mundo
Nakapagsasagawa ng 1 3 3 10-12
interpretasyon tungkol sa
kinalalagyan ng bansa gamit ang
mga batayang heograpiya tulad
ng iskala,distansya at direksyon
Natutukoy ang mga hangganan 3 6 5 13-17
at lawak ng teritoryo ng Pilipinas
gamit ang mapa
Naiuugnay ang klima at panahon 2 1 1 18
sa lokasyon ng bansa sa mundo
Nakikilala na ang Pilipinas ay 1 2 1 1 19-20
isang bansang tropical
Nasusuri ang ugnayan ng 1 1 1 21
lokasyon ng Pilipinas sa
heograpiya nito
Naipaliliwanag ang katangian ng 2 3 3 22-24
Pilipinas bilang bansang
maritime o insular
Nakakapagmungkahi ng mga 3 3 1 1 25-29
paraan upang mabawasan ang
epekto ng kalamidad
Nakapagbibigay ng konklusyon 8 1 6 2 1 30-40
tungkol sa kahalagahan ng mga
katangiang pisikal sa pag-unlad
ng bansa
TOTAL 40 40 12 19 4 1 4 1-40

Prepared by:

MA.CRISTINA C. DE JESUS
Grade 4- Teacher

Checked and Reviewed:


ROSE ANN S. PALANOG JESNIE V. VILLANUEVA ROSE ANN D.
SALUDAR
AP Leader School LR Leader School Chairman of QA

Noted:

AURELIA M. RIVERA EdD


School Head

You might also like