Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Mga Epekto ng Pagamit ng Teknolohiya sa mga Mag-aaral

(Konseptong Papel)
Rasyunal
Ang pag-unawa sa mga epekto ng pagamit ng teknolohiya ay may malaking ambag sa
mga mag-aaral. Ayon sa filipinoblog (2017) Ang Teknolohiya ay isa sa pinakaimportanteng
mapag-kukuhaan ng impormasyon ng mga magaaral sa panahon ngayon sa pamamagitan ng
cellphone , laptop , computer , at projectors. at sa pamamagitan ng pagsearch ay makikita
mo na ang hinahanap mong impormasyon hindi katulad noon na kailangan pa ng mga libro
upang mahanap ang mga kailangang impormasyon.

Epekto nito sa mga mag-aaral ay napapataas o napapatalino nila ang kanilang mga
kaisipan dahil sa pagkuha nga ng mga datos galing sa mga teknolohiya katulad ng cellphone,
Tablet at Computer na siyang pinagkukunan ng mga datos ng mga mag-aaral. Ngunit meron
ring masamang epekto ang pagamit ng teknolohiya sa mga mag-aaral. Ayon sa pag-aaral nina
Baailire (2007), ang genre ay may malaking papel na ginagampanan sa paghubog ng
kagandahang asal ng mga estudyante. Sa pamamagitan ng social media ng makabagong
teknolohiya ay kay gulo ng takbo ng kanilang pag-iisip sa larangan ng kanilang pag-aaral.
Nakakalungkot isipin na mas nangingibaw ang negatinong epekto ng social media sa mga
estudyante at unti-unti na rin ang nahihigitan ang asal at disiplina sa sarili.
Kaya dapat na ugaliing magbigay ng oras sa pagpapahinga sa pagamit ng anong uri ng
teknolohiya. Ito’y nakakatulong sa mag-aaral upang mapagpahinga ang mga mata at utak sa
pagamit ng teknolohiya katulad ng cellphone, computer at iba pa, Upang hindi maabuso ang
ating mga kalusugan sa pagamit ng teknolohiya.
Pangkalahatang Layunin
Masubaybayan ang mga mag-aaral sa epekto ng pagamit ng teknolohiya. At upang
hindi sila madaig ng mga masamang epekto ng pagamit ng teknolohiya.
Mga Tiyak na Layunin
1. Nakakatulong ito sa mga mag-aaral upang maiwasan ang mga pagkasangkot sa
masamang epekto ng teknolohiya.
2. Nakakatulong ito sa mga mag-aaral upang makapagbigay sila ng oras sa
pagpapahinga ng kanilang utak at mga mata dulot ng pagamit ng teknolohiya.
3. Nakakatulong ito para sa mga mag-aaral upang maiwasan ang pagiging tamad sa araw
ng pag-aaral.
4. Nababantayan nito ang mga mag-aaral sa pagamit ng tama upang hindi madala ng
masamang epekto ng pagamit ng teknolohiya.
Metodolohiya
Disenyo
Gagamitin sa pananaliksik na ito ang quasi-experimental na disenyo kung saan
magsasagawa ng utos kung saan ang mga grupo ng mag-aaral ay kailangan sumanguni sa
pagamit ng teknoluhiya sa maayos na paraan.
Lokal
Isasagawa ang utos na ito sa lahat ng pangkat ng mga hayskul at senyor hayskul na
mag-aaral at salahat ng paaralan na napaloob sa Rehiyon 12.
Respondente
Sila ay mga mag-aaral na napabilang sa Baitang 7 hanggang 12 na natukoy sa utos na
gamitin ang teknolohiya sa maayos na paraan.

Instrumento ng Pananaliksik
Kumuha ng report sa mga Guro upang matukoy kong ano ba ang epekto ng bawat
pagamit ng mga mag-aaral sa teknolohiya, kung ito ba ay may maayos o masamang bunga sa
bawat mag-aaral.
Istatistikal Tritment
Gagamitin ang mga datos na galing sa mga guro kong ano ba talaga ang naging
epekto ng teknolohiya sa mga mag-aaral. Katulad ng pagamit ng cellphone, Tablet, Computer
at iba pa. At kong ito ba ay may maganda o masamang epekto sa pagamit ng teknolohiya ng
mga mag-aaral.
Saklaw at Delimitasyon
Ang pag-aaral na ito ay saklaw lamang sa pagtukoy ng epekto ng pagamit ng mga
mag-aaral sa teknolohiya.
Inaasahang Bunga
Inaasahan sa pag-aaral na ito ang mga hindi pa nalamang mga epekto sa pagamit ng
teknolohiya ng mga mag-aaral, At upang makatulong sa mga mag-aaral kung paano gamitin
sa maayos na paraan ang teknolohiya.

You might also like