Internal - Graduation Speech_edited final

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Sa ating mga magsisipagtapos sa araw na ito, sa mga masisipag at mahuhusay na guro

tagapayo, pinakamamahal na punong guro Virgie Taccad, sa ating mga kagalang-galang na


panauhin, Atty. Ony Ferrer, KGG Punong Lungsod Luis Jonjon Ferrer IV, KGG Vivencio Lozares
Jr, ganundin sa mga minamahal nating magulang na naririto, kapatid, kapamilya, kaibigan,
isang maaliwas at mapagpalang umaga sa ating lahat.

Una sa lahat, nais kong ipahatid ang aking taos pusong pasasalamat sa ating sintang paaralan
sa paanyaya sa akin sa okasyon na ito upang maging kabahagi at masaksihan ang isa sa mga
pinakamasayang kaganapan sa ating buhay lalo sa mga magsisipagtapos. Maraming salamat
po.

“Graduates” binabati ko kayo sa inyong “accomplishment”, sa pagpapakita ng sinop, lakas ng


loob, at dedikasyon upang matamo ang pagtatapos ninyo ngayong araw. Sa mga magulang na
naririto, maging ang mga tumayong nanay at tatay sa mga magsisipagtapos, saludo po ako sa
inyong sakripisyo, sa pagbabahagi ng kailangan at agarang suporta upang mapagtapos ang
inyong mga anak, malayo pa pero malayo na. Sa ating mga guro, punong-guro, mga bumubuo
sa mababang paaralan ng Parklane, ako’y lubos ding humahanga sa silakbo ng inyong mga
puso sa pagtayo bilang pangalawang magulang ng ating mga magsisitapos, sa kanila na gusto
matuto para maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay. Nais ko ring pasalamatan ang
nangangasiwa sa lungsod ng heneral trias sa walang sawang tulong na ating natatangap, sa
pinansyal man o sa ibang bagay. Maraming salamat po.

Sa katanuyan, ito po ang aking unang pagkakataon na magbahagi ng talumpati bilang


panauhing pandangal at habang sinusulat ko itong aking mensahe para sa inio, biglang
gumunita sa akin ang mg naging karanasan ko nung ako'y nagaaral pa lamang. Dalawampu't tatlong
taon na ang nakalilipas simula nang ako'y tumungtong sa paaralang elementarya ng Parklane, taong
2000. Kame po ang unang batch ng unang baitang o Grade 1. Kubo pa po at noon at kakaunti pa lamang
ang mga silid aralan.

Noon napasimple lang ang pamumuhay. Walang mga gadgets, selpon na touch screen, malayo sa
impluwensya ng internet at social media. Di pa uso ang mga online classes, modules. Kasalungat sa
panahon natin ngayon. Habang ang lahat ay gumugunita, bigla akong napahinto. Nagmuni-
muni. Matagal na pala ng nakalipas na panahon at napagtanto ko na malaki na nga ang
pinagbago sa sistema ng lipunan, edukasyon, kung paano ang gawi ng pagtuturo at pamumuhay
ng mga kabataang Pilipino. Gayunman, bagama’t iba ang panahon ko sa panahon ninyo sa
kasalukuyan, natitiyak kong iisa lamang ang layunin ng mga karanasang ito para ating lahat ---
ang hubugin tayo at maging matatag na may positibong pananaw sa buhay sa kabila ng mga
pagbabagong nagaganap sa ating kapaligiran.

Tulad ng tema sa taong ito – Graduate ng K to 12 – Hinubog ng Matatag na Edukasyon


– naniniwala akong isang mahalagang bahagi at hakbang ng ating tagumpay ang isang
pagkakaroon ng matatag at malawig na systema na edukasyon. Marahil naitanong na ninio sa
iniyong mga sarili kung bakit nga ba nabago ang kalakaran ng edukasyon sa Pilipinas, magmula
sa traditional na Kinder, Grade School at High School na tumatagal ng sampung 10 taon,
ngayon ay K to 12 (Kindergarten at labing dalawang taon sa elementarya at sekondaryang
edukasyon. Sa madaling sabi, ang K plus 12 ay ang karagdagang grades 11 and 12. Para sa
kaalaman po ng lahat, pangunahing layunin ng programa ay ang maiangat ang kalidad ng
edukasyon sa Pilipinas para sa mga batang Pilipino kagaya ninyo upang kayo’y maging handa,
hindi lamang sa akademikong aspeto kundi sa malalim pang prinsipyo ng pag-aaral. Binibigyan
ang mga magaaral ng marami ngunit makabuluhang kaalaman nang hindi minamadali at may
sapat at tamang oras ng pagkakatuto; ang kayo’y hubugin at malinang sa ibat ibang larangan
at espesyalisasyon na naaayon sa inyong mga natatanging kakayanan.

Ang magkaroon kayo ng ideya sa inyong mga pipiliing kurso at kung ano ba ang trabaho na
gusto niyong pasukin sa nalalapit na hinharap. Inihhanda rin kayo nitong maging GLOBALLY
COMPETITIVE sa larangan na nais ninyong patunguhan.

Sa kabilang banda, gusto ko lang din ipahatid na ang pag-aaral ay hindi lamang basta basta
sapagkat tinuturan tayo nitong maging disiplinado sa ating mga sarili, natututo tayong
magorganisa ng ating mga oras, kung ano nga ba ang mga uunahin, anong mas kailangang
tapusin. Naging “creative” din tayo sa pagpasa ng mga proyekto sa ating mga guro. Natututo
rin tayong makipagkapwa tao lalo na kapag may mga “group activities”, kasama nariyan ung
pagiging mahinahon, matiyaga, pagkakaroon ng epektibong komunikasyon at malasakit sa
kasama. Natututo rin tayong maging handa at maghanda sa araw ng pagsusulit. Magpahalaga
sa mga tao sa paligid natin, maging magalang sa lahat ng pagkakataon at maging
mapagkumbaba. Lahat ng ito ay marahil di natin namamalayan, sa pagkakaraon ng tama at
sapat na edukasyon, tayo ay namumulat sa realidad ng buhay, hinuhubog nito ang ating
pagkatao, kung paano natin tignan ang mundo, paano tayo sumagot sa mga tanong at hamon
ng buhay at paano tayo tumayo para makamtan ang mga nainisin natin sa buhay.

Dalin niyo ang mga natutunan niyo sa unang baitang hanggang sa ikaanim na baitang sa sekondarya.
Tiyak kong marami pa ang inyong magiging karanasan sa buhay, ang pagkilala sa iniyong mga sariling
kakayanan na magiging pangunahing sandata niyo sa hinaharap.

ADLIB

Sa aking pagpapatuloy, nais kong ibahagi ang aking naging paglalakba sa pagaaral. Akoy panagay sa apat
na magkakpatif, kapwa walang pangunahin at sapat na pagkakakitaan ang aking magulang, nakikitira sa
lola, sya lamang ang sumusporta. Laging sinsabi ng lola ko na akoy magsikap.

Nang matapos po ako sa elementarya bilang unang karangalang banggit or First Honorable Mention.
Tuwang tuwa ang akong pamilya sa nakamit kong karangalan dahil alam nmin ang naging hirap nila at
sakripisyo. Pinagpatuloy ako ang aking sekondarya sa mataas na paaralan ng imus o INHS, sa aking
pagtitiyaga, nakamit ko ang pangalawang pinakamaataas na karangalan bilang Salutatoraian.

Ginawa ko itong kasangkapan at nakipagsapalaran ako sa Maynila, sa PLM, kinuha ko ang kursong
BS Accountancy dahil mahilig po talaga ako sa numero. Nakakuha ako ng scholarship for non-
manilenians na gumraduate with honors. Nakakuha rin ako ng allowance per semester sa ating
buting Mayor na si Jonjon Ferrer na nakatulong sa aking baon at pambayad sa libro at iba pang
gastuin. Sa totoo lang bago lang akong salta sa manila, walang kaalam kaalam, lahat ng gamit
ko ksma uniporme, lahat ay donation sa mga kamag-anak naming duun. Di ko un alintana,
basta alam ko gusto ko makatapos. Di ko iniinda ung gutom sa tuwing kumakalam ang sikmura,
ni hindi ko narin pansin ang pagod sa araw-araw na pagiigib; wala narin ako pakielam sa mga
sasabhin ng tao sakin; basta ang alam ko sa sarili ko gusto ko makatpos at makatulong sa
aking pamilya at tatlo pang kapatid na nagaaral din. Lumipas ang apat na taon, nagbunga ang
pagsisikap na makatpos sa BS Accountancy at naging consistent dean’s lister ako sa aking
buong kolehiyo. Akala ko okay na pero may board exam pa. Halos limang buwan din ang
ginugulo sa pagrereview. Dumating na nga ang araw ng pagsusulit, pitong subjects sa
dalawang weekend na magkasunod ng October 2014. Mahirap ang exam, sa palagay ko di ako
makapapasa. Di ko na inisip kung makakapasa ba o hindi, basta alam ko pwede na ako
magtrabaho kahit anong maging resulta. October 16 lumabas ang listahan ng nakapasa, sa 11K
na kumuha, 4K lang ang mapalad na nging CPA at sa kabutihang palad, isa ako sa 37% na
pumasa sa board exam. Di ko alam kung anong mararmadaman ko – may halong saya at
lungkot para sa mga kasama ko na di pinalad.

Gayunman, patuloy ang buhay, January 2015, natanggap ako sa SGV, isa sa mga kilalang
auditing firm sa bansa, bilang tax associate. Pinagpatuloy ko ang sipag at “willingness” na
matuto. October 2016 naging Senior Tax Associate ako at pagkalipas ng 3 years, napromote
ako to Manager. Napagpasyahan kong lumipat ng kumpanya para muling matuto at makaranas
ng ibang environment. Nagsimula akong maging Tax Planning and Compliance Section sa RCBC
nung April 2021 and very recently nitong July 3, I was promoted to Senior Manager.

Sa mga karanasang ito, hindi ko rin po pinabayaan ang aking mga kapatid. Ung sumunod po sakin, isa
nang lisensyadong electrical engineer, ang pangatlo nman ay nasa huling taon ng kanyang pagaaral sa
kursong civil engineer, at ang bunso po namin ay pangalawang taon sa kursong hospitality management.
Sya nga po pala, ang aking lola na sumuporta sakin ay yumao nung 2016, mahigit isang taon nang ako'y
makatapos sa pag-aaral. Ma, kung asan ka man, alam ko masaya ka na ung pngarap mo sakin, naging
pangarap ko at ngayo'y nagbbgay ng inspirasyon sa mga kabataan para abutin din ang kanilang mga
pangarap.

Sa mga minamahal kong magsisipagtapos, dalin ang magagandang bagay sa susunod na pagaaral,
panalangin kong magtagumpay dn kayo sa iniong buhay.

(1) Puso o passion para sa edukasyon. Hanapin niyo ung pinakamalalim niyong "Bakit". Bakit po ba
kayo nagaaral - hindi ho ba, para sa pamilya at mahal sa buhay at para narn sa inyong mga sarili. Gawin
niyong motibasyon, ang mga "Bakit" na ito upan magpatuloy sa pagaaral hanggang maabot niyo ang
mga pangarap sa niyo buhay. Tayo ang gumagawa ng gusto nating realidad.

(2) Emosyong Positibo o Elevated Emotions. Let's appreciate every small things. Maging grateful sa
lahat ng pagkakataon. Pagiging mabuti, magalang sa mga magulang at guro na gumagabay sa
atin, pagiging mapagmahal sa kapwa at sa mga tao sa paligid. When we practice these elevated
emotions, maattract natin ung same instances and circumstances na mas magpapasalamat
tayo.

(3) Suportang pangkalahatan or Support Group. Wag natin sarilinin ang mga challenges. Nariyan
an gating guro, mga kapamilya at kaibgan na ating masasandalan at matatakbuhan. At lahat ng
taong asa paligid natin ay may natatanging purpose patungo sa matamis at rurok ng tagumpay.

Bilang pagtatapos, inaanyayahan ko kayong tumayo at magbgay pugay unang una sa ating
mga magulang, bigyan nio sila ng inyong pinakamatamis na ngiti at sabhin, ma, pa, salamat sa
suporta at pagmamahal. At sa mga guro na naging bahagi ng inyong tagumpay, pakisabi,
maa’m sir, salamat sa inyong pagtitiyaga pagpapakita ng passion para sa edukasyon at patuturo
sa amin na mahalin din ang aming pagaaral. At sa katabi mo, sabhn mo, salamat at kasama kita
gumraduate, magtagumpay ka.

Again, dinadalan maraming salamat po and mabuhay po tayong lahat.

You might also like