Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Handout 6 - Lesson Plan for “Ang Kamatis ni Peles”

Banghay-Aralin Para sa Unang Baitang


Batay sa kuwentong “ANG KAMATIS NI PELES”
ni Alberta Angeles, Guhit ni Renato Gamos
Gawa ni Yayi Fua at Maita Salvador

Unang Prong: PAGBIBIGAY -HALAGA SA AT PAGLILINANG NG KASANAYAN SA


PAKIKINIG/PAGBASA

I. Mga Layunin

A. Layuning Ekspresibo
1. Mapagtanto ang kahalagahan ng pagiging masipag.
2. Mabatid na may kabutihang naidudulot ang paghihintay.
3. Maramdaman ang tuwa sa pagdating ng isang bagay na hinihintay.
4. Mabigyang-halaga ang husay ng illustrador/mangguguhit sa sa pagpapakita ng iba’t
ibang damdamin ng pangunahing tauhan.

B. Layuning Instruksiyonal
1. Matukoy ang detalye ukol sa pangunahing tauhan ng kuwento
2. Maisulat ang mga naging payo ng isa pang tauhan sa kuwento
3. Maitala ang mga sunod-sunod na ginawa ng pangunahing tauhan
4. Mahinuha ang pagkakaiba ng mga gawaing tunay na kinakailangan at hindi
5. Makilala ang kaugaliang kinakailangan upang maisakatuparan ang mga kagustuhan

ELLN DIGITAL 29
II. Pamamaraan

A. Bago Magkuwento/Magbasa
a) Paghahawan ng Balakid

Salita Kahulugan Pammaraan ng Paghawan


pagliliwaliw palagiang pamamasyal paggamit sa konteksto

banat ng buto magtrabaho paggamit sa konteksto

pagbubungkal paggamit sa konteksto;


pagpapakita sa pamamagitan ng
aktwal na demonstrasyon/
pagsasadula

sumuplong tumubo paggamit sa konteksto

sungot buto paggamit sa konteksto;


pagpapakita ng realia o aktwal na
bagay

pantabing pantakip paggamit sa konteksto

magbudbod paglagay nang pakalat paggamit sa konteksto;


pagpapakita sa pamamagitan ng
aktwal na demonstrasyon/
pagsasadula

Itong kaibigan kong si Empoy ay mahilig sa pagliliwaliw. Araw at gabi, wala na siyang
ginawa kung hindi magpasyal. Punta lang siya nang punta sa kung saan man niya
magustuhan. (Ano kaya ang ibig sabihin ng salitang pagliliwaliw?) Dahil dito, wala siyang ibang
nagagawa. Kaya’t minsan, sinabi ko sa kanya, “Empoy, magbanat ka naman ng buto paminsan
minsan! Puro mga magulang mo na lang ang nagtatrabaho.” (Ano kaya ang ibig sabihin ng
salitang magbanat ng buto?) Minsan, sa kanyang pagliliwaliw, nakita raw niya ang tatay niyang
nagbubungkal ng lupa. Marunong ba kayong magbungkal ng lupa? Sige nga, kunyari
magtatanim tayo kaya kailangan muna nating magbungkal ng lupa. Ipakita niyo nga sa akin
kung paano ang pagbubungkal ng lupa. (Ano ang ibig sabihin ng pagbubungkal?) Pagkatapos
ELLN DIGITAL 30
magbungkal, magkunyari naman tayong magtatanim tayo ng sungot ng kalabasa (Ipakita sa
mga bata ang isang buto ng kalabasa). Ito ay sungot ng kalabasa. (Ano na nga kaya ang ibig
sabihin ng sungot?) Pagkauwi naman niya, nakita niya ang nanay niyang nagbubudbod ng
asukal sa taas ng keyk na kanyang niluto. Paano na ngang magbudbod? Kunyari,
nagbubudbod din tayo ng asukal sa itaas ng keyk. (Ano ang ibig sabihin ng magbudbod?)
Pagkatapos, sabi ng nanay niya sa kanya, “Tuwang tuwa kami ng tatay mo kasi yung itinanim
niyang kangkong na akala namin ay hindi na tutubo ay biglang sumuplong kahapon.
Makakakain tayo ng adobong kangkong mamayang gabi.” (Ano kaya ang ibig sabihin ng
sumuplong?) Di nagtagal, bumuhos ang malakas na ulan. Medyo nababasa ang kanilang
kusina kaya’t sinabi ni Empoy sa kanyang nanay, “Lalagyan ko po ng pantabing ang bintana
para hindi pumasok ang ulan.” Tinakpan niya ang bintana at tuwang tuwa siyang may
naitulong siya sa bahay. (Ano kaya ang ibig sabihin ng salitang pantabing?) Pagkatapos, masaya
nilang hinintay ang pag-uwi ng kanyang tatay.

Pagganyak: Ano ang isang gawain na hindi mo dating ginagawa pero sinubukan mong gawin?

Pagtagkda ng Layunin: Ano kaya ang gawain na hindi dating ginagawa ng ating pangunahing
tauhan pero sinubukan niyang gawin sa kuwento? Makinig nang mabuti upang malaman ang
sagot sa tanong.

B. Pakikinig/Pagbasa ng Kuwento

(Malakas na babasahin ng guro ang kuwento sa mga bata. May mga kaukulang tanong sa mga
piling pahina.)

1. Ano kaya ang makikita ni Peles kinabukasan? (p. 9)


2. Ano sa palagay niyo ang gagawin ni Peles pagkatapos? (p. 24)

ELLN DIGITAL 31
Pangalawang Prong: PAGBIBIGAY-HALAGA SA AT PAGLILINANG NG PAG-UNAWA SA
KUWENTO

C. Pagkatapos Magkuwento/Magbasa
1. Mga Pangkatang Gawain
a. Unang Gawain: Sino si Peles?
Layunin: Alalahanin at isulat ang ilang impormasyon tungkol kay Peles
Panuto: Isulat ang impormasyong hinihingi tungkol kay Peles
Tanong: Sino nga ba si Peles? Anong uri siya ng hayop? Saan kaya siya
nakatira? Sino ang kanyang kaibigan? Ano ang gusto niyang gawin?

Sino si Peles?

Si Peles ay isang _________________________.


Nakatira siya sa _______________________. Kaibigan
niya si ________________________________. Gusto
niyang _______________________.

b. Pangalawang Gawain: Ang Sabi ni Hugo


Layunin: Maisulat ang mga naging payo ni Hugo kay Peles ukol sa
pagtatanin ng kamatis
Panuto: Ilista ang mga sinabi ni Hugo sa kaibigang si Peles tungkol sa
pagpapalaki ng kamatis
Tanong: Ano ang naging payo ni Hugo kay Peles nang makita niyang
malungkot ito?

Sabi ni Hugo

ELLN DIGITAL 32
c. Pangatlong Gawain: Arawang Tala ng Gawain (Daily Record)
Layunin: Maitala ang mga araw-araw na ginawang pag-aalaga ni Peles sa
tanim na kamatis
Panuto: Iguhit at isulat ang mga ginawa ni Peles sa tanim na kamatis mula
linggo hanggang Sabado
Tanong: Paano inaalagan ni Pele sang kanyang tanim na kamatis? Ano-ano
ang kanyang ginawa mula Linggo hanggang Sabado?

Arawang Tala ng Gawain

Linggo Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado

d. Pang-apat na Gawain: Kailangan Ba o Hindi?


Layunin: Mahinuha kung ano-ano ang mga tunay na kailangan ng halaman
upang tumubo
Panuto: Idikit ang mga larawan ng mga ginawa ni Peles sa tamang hanay.
Ilagay sa ilalim ng tsek kung totoo itong kailangan ng halaman at sa ilalim ng
ekis kung hindi ito kailangan.
Tanong: Alin sa mga ginawa ni Peles ang totoong nakatulong sa kanyang
tanim na kamatis para tumubo?

Kailangan Ba o Hindi Mga larawan:


- Si Peles na umiiyak
- Si Peles na nagdidilig
- Si Peles na nagbubudbod ng pataba
- Mga kumakantang palaka
- Si Peles na nagbubunot ng damo
- Si Peles na nagbabasa
- Si Peles na sumasayaw at umaawit
- Tanim na may kumot
ELLN DIGITAL 33
e. Panlimang Gawain: Gusto Ko! Kaya Dapat…
Layunin: Matukoy ang mga dapat gawin upang makamit ang inaasam
Panuto: Bawat isang miymebro ng pangkat ay isusulat kung ano ang isang
bagay na gustong maging o gawin at ang dapt gawin upan maisakatuparan ito
Tanong: Ano ang isang bagay na gustong-gusto mong mangyari sa iyo o gusto
mong maging? Ano ang kailangan mong gawin para matupad ito?

Gusto kong _____________________________


kaya dapat _________________________________.

Gusto kong _____________________________


kaya dapat _________________________________.

Gusto kong _____________________________


kaya dapat _________________________________.

Gusto kong _____________________________


kaya dapat _________________________________.

2. Pagtalakay ng Kuwento
a. Sino ang pangunahing tauhan sa ating kuwento?

Kilalanin natin siya sa pamamagitan ng pagbabahagi ng Unang Pangkat.

b. Ano ang gusto niyang subukang gawin?


c. Bakit niya naisipang magtanim ng kamatis?
d. Ano ang naramdaman ni Peles nang tiningnan niya ang tinanim niya
kinabukasan? Bakit?
e. Sino ang tumulong sa kanya para hindi na siya malungkot?
f. Paano siya tinulungan ni Hugo? Ano ang mga sinabi nito sa kanya?

Tawagin natin ang Ikalawang Pangkat para ibahagi ang mga payo ni Hugo.

g. Paano nakatulong ang payo ni Hugo kay Peles?


h. Ano-ano ang mga ginawa ni Hugo para sa kanyang tanim na kamatis?

Tingnan natin ang ginawang Arawang Tala ng Pangatlong Pangkat.

ELLN DIGITAL 34
i. Sa dami ng ginawa ni Peles, alin kaya ang totoong nakatulong sa tanim niyang
kamatis?

Pakinggan natin ang masasabi ng Ikaapat na Pangkat tungkol dito.

j. Ano ang masasabi mo kay Peles? Anong ugali ang pinakita niya?
k. Ano kaya ang maaaring mangyari sa tinanim na kamatis ni Peles kung hindi
niya ginawa ang mga kailangan niyang gawin?
l. Ano ang isang bagay na gustong-gusto mong mangyari sa iyo o gusto mong
maging?
Mangyayari lang ba ito nang basta-basta? Ano ang kailangan mong gawin
para matupad ito?

Pakinggan muna natin ang mga gusto ng Ikalimang Pangkat at pagkatapos ay


ang sa iba naman.

m. Anong mga kaugalian ang mahalaga para maabot natin ang ating mga
kagustuhan o mga pinapangarap?

3. Enrichment Activity
Mula sa mga punla na dala ng guro, ang bawat pangkat ay papipiliin ng gusto nilang
itanim. Bibigyan ang bawat pangkat ng Arawang Talaan o Daily Record. Magkakasundo ang
bawat miyembro kung paano nila aalagaan ang kanilang tanim at kung sino ang magsusulat
sa talaan araw-araw o bawat linggo. Maglalaan ng panahon araw-araw o sa bawat linggo
upang pag-usapan sa klase ang mga naobserbahan sa mga tanim.

ELLN DIGITAL 35

You might also like