ACT 5 KRITISISMO (EKo-kwento) ni Raifa C. Asgar

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ANG BULKANG TAAL

Isang Kritisismo Batay sa Isang Maikling Kwento

Bilang Pagtupad sa Pangangailangan ng Kursong

FIL102-Ww1

(Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan)

ni

Raifa C. Asgar

Mayo 2022
I. Panimula

Ang eko-kwento ay nanggagaling sa salitang eko na patungkol sa kalikasan

samantalang ang salitang kwento ay nagmula sa salitang Latin na compŭtus , na

nangangahulugang "account . " Ang konsepto ay tumutukoy sa isang maikling

salaysay ng mga haka-haka na kaganapan. Ang pagtutukoy nito ay hindi maaaring

matukoy, kaya ang pagkakaiba sa pagitan ng isang mahabang kwento at isang

maikling nobela ay mahirap matukoy. Ang isang kuwento ay nagtatanghal ng isang

pinababang pangkat ng mga character at isang hindi masyadong kumplikadong

argumento, dahil sa mga katangian nito ay lumilitaw ang ekonomiya ng mga

mapagkukunan ng pagsasalaysay.

II. Buod ng Napiling Maikling Kwento (Ang Bulkang Taal)

- Isang prinsesang nagngangalang Prinsesa Taalita ang nawawalan ng singsing. Ang

singsing na iyon ay napakahalaga hindi lamang dahil ginto ito kundi dahil makasaysayan

ito sa buhay niya. Kaya naman nag-utos ang amang si Datu Balindo sa mga kawal na

hanapin ito. Isang linggong nilangoy ng mga matipuno at matapat na alagad ng barangay

ang lawa ng Bunbon ngunit wala isa man sa kanilang makakita sa singsing. Sa mga

naghahanap ng singsing, isang binata ang di naglulubay sa pagsisikap na makita ito.

Hiningi niya ang tulong ng langit at di nga nagtagal ay nakita ang hinahanap at ibinigay

sa prinsesa. Kinalaunan nakapagpalagayan ng loob ang dalawa at hindi nagtagal ay

naging mag-asawa. Pumalit si Mulawin bilang bagong Raha sapagkat matanda na si Datu

Balindo. Masayang-masaya ang mag-asawa hanggang isang araw habang namamasyal sa


ilog sakay ng bangka, nakita ni Taalita ang isang palutang-lutang na bulaklak sa ilog na

iyon at dali-daling tumalon upang kunin ito. Sinundan naman ng asawang si Mulawin

dahil sap ag-aalalang hindi na ito pumapaibabaw. Labis ang pagluluksa ng buong

barangay. Hindi naglaon, may lumitaw sa gitna ng lawa sa kinalinuran ng magsing-irog

na isang pulo. Iyan ang Bulkan ng Taal, ngalang ibinigay ng amang datu para laging

ipagunita ang nawalang mga anak.

III. Mahahalagang Pangyayari sa Alamat

 Ang pagkawala ng isang mahalagnag singsing ni Prinsesa Taalita

 Ang pag-iisang dibdib ni Mulawin at Taalita dulot ng karangalang nagawa ng

binata sa paghanap sa singsing na iyon.

 Ang pagkamatay ng dalawang mag-asawa na parehong hindi na pumaibabaw

pagkatapos tumalon sa ilog.

 Ang paglitaw sa gitna ng lawa sa kinalinuran ng magsing-irog na isang pulo

na tinawag na Bulkang Taal.

IV. Mga katanungan Hinggil sa Eko-Kwentong Napili

1. Batay sa Eko-Kwentot na napili, ano ang pakinabang ng tao sa Kalikasan?

-Batay sa napili kong kwento na pinamagatang “Ang Bulkang Taal”, ang pakinabang

ng mga tao sa kalikasan ay sila ang nagsisilbing taga-alaga at taga-protekta ng mga

ito dahil ito ang pangunahing pinagkukuna nila ng mga likas na kayamanan katulad

ng mga bakal, kahoy, tubig, at marami pang iba.


2. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga mo sa kalikasan?

- Maipapakita ko ang pagpapahalaga sa ating kalikasan sa pamamagitan ng

pagtatanim ng maraming kahoy, hindi pagsunog sa mga basura, at hindi pagputol

sa mga kahoy. Bukod doon, tutulong ako sa paglilinis ng kapaligiran araw-araw,

itatapon ang mga basura sa wastong lalagyan, at sasama sa ibat’t-ibang mga

organisasyong naglalayong paigtingin ang pag-aalaga sa kalikasan ns siyang

pinagkukunan natin ng likas na yaman.

3. Ano ang mensahe ng Eko-Kwento na tinalakay?

- Maging matapat sa pinagagawa sa iyo. Huwag agad susuko, tandaan “Kapag may

tiyaga, may nilaga.” Maging maingat sa lahat ng oras. Huwag padalos-dalos sa

mga desisyon dahil maaari itong magdulot ng kapahamakan.

You might also like