fullupload_1_1601735930790_1601736057_ebook_1597844759_5477

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 144

MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

My Facebook
Boyfriend...
For REAL!?
“Posted – Connected -BUSTED!”

(VOL. I)

written by Anne Bernadette B. Castueras

PSICOM PUBLISHING, INC.

1
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

My Facebook Boyfriend... For Real!?


By Anne Bernadette B. Castueras

Copyright 2013 PSICOM Publishing Inc.


All Rights Reserved
First Printing 2013
Published and Printed by PSICOM Publishing Inc.
Quezon City, Philippines

Please visit us on Facebook:


facebook.com/psicompublishing

Follow us on Twitter
@Officialpsicom

2
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Dedicated sa’yo at hindi sa kaniya.

In short – sa inyong lahat.

3
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Acknowledgement

Lord, thank you po!

Salamat sa aking mga magulang, dahil daw sa’kin ay tumaas


ang kuryente namin sa bahay. Thank you sa mga kapatid ko,
nagbunga na ang mga pang-aagaw ko ng computer sa inyo.

Sa mga kaibigan ko, miss ko na kayo!!! GALA NA!

Kansahamnida mga all time readers ko, nagpaloko na naman


kayo sa tulad ko.

Merci sa may hawak ng librong ito, BAKIT KA BUMILI!??

Kung hiniram mo lang, BAKIT ‘DI KA BUMILI NG SA’YO!??

Uuuyyy…. Bibili na yan! XD

Tenkyu beribeirmats!

4
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Chapter 1: Katuwaan lang!

What’s on your mind? > Girls, just wanna have fun!

“Two Chocolate Cream Frappuccino for Liz and Sandy, one Caramel
Frapuccinno for Chris, and one Chocolate Cream Chip for… Miss
Nadine.”
“AH!” Iling ko pagkasiko sa’kin nitong si Sandy.
“Girl, wag maarte. Ikaw ang kumuha at mukhang may pagka-exotic
ang hilig nung guy.” Sabi niya habang nakatingin naman siya dun sa
direksyon nung guy crew na tumawag ng order namin. Nandito lang
naman kasi kami sa favorite hang-out place ng gusto lumanghap ng
kape buong araw at bumili ng pagkamahal-mahal na pastries in just
one slice, ang Starbucks.
“Sige na Nads, minsan lang magkalat ang may sapak ngayon. Get the
chance!” Dagdag pa ni Liz.
“Che! Inggit lang kayo, ako ang unang napansin—”
“Dahil ikaw ang pinakakakaiba sa’ting tatlo. Now go!”
Biglang tulak sa’kin sa pagkaka-upo ko kaya napatayo na ‘ko. Tumingin
ako kay Sandy habang inaayos yung damit ko. “Kailangan nanunulak?”
No choice kaya naglakad na ‘ko papunta dun sa counter, kay guy crew
na kinindatan ako pagkakuha ko ng mga orders namin.
Ngumiti na lang ako, pero deep inside, sa kalalimlaliman ng pagkababae

5
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

ko, kinikilig ang gaga.


Ako nga pala si Maria Nadine Castro, but my friends call me Nads.
Second year college student na may course na HRM. Mahaba ang
buhok, maputi naman, five-three ang height. Curious ka ba kung
maganda ako?
Hindi naman ako kagandahan tulad ng iba, pero alam mo ba yung
salitang KARISMA?
Diyan lang naman ‘na-i-ichupwera’ ang lahat ng maganda sa mundo.
At yun ang mayroon ako… Karisma!
Pagkabalik ko naman, nagkanya-kanya na silang kuha ng mga orders
nila. Habang eto namang si Sandy ay may tinitingnan sa laptop niya.
“Tutal, pakipot si Nads sa guy crew na yan.” Tumingin siya sa’ming
tatlo with that Oh yeah, get ready... eyes niya. “May papakita ako sa inyo
and I know! I just know, you know? That you’ll all love it! Especially
you!” Sabay turo sa’kin.
Si Sandy ang playgirl ng grupo. Dyosa nga kasi ang tingin sa kanya ng
kalalakihan at Bruha naman pagdating sa mga kababaihan. Bakit? She
treat boys like a game, may start at may tinatawag ding game over. Kaya
inis ang ibang girls sa kanya dahil alam na alam niyang maganda siya
at wala siyang paki-alam sa sasabihin nila. Just don’t mess up with her,
okay?
Napataas na lang ang kilay ko. Pero nang ilapit niya sa’min yung laptop
niya… Napa-OH! nalang ako.
“Wow Sandy. Tinanggap mo na talaga na desperada ang isang ‘to sa
mga imaginations niya.” Sabay buntong-hininga ni Chris. “Ginawan
mo pa talaga ng Facebook ang imaginary boyfriend ni Nads, ah…”
Si Chris naman ang tinatawag naming ‘just right’. Bakit? She wants
everything in order, ayaw niyang may magiging mali sa mga bagay-
bagay. Kumbaga, siya na siguro ang pinaka-matino sa’ming grupo.

6
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Mahahawa na lang talaga si Ms. Right sa’min kapag hindi na kinaya


ng brain cells niya, alam niyo na? Tahimik lang yan, pero wag kang
magkakamali na kantiin siya o ang kahit na sinong malapit sa kanya,
dahil makakakita ka ng santong naging siga sa kanto. Ah basta, don’t
make her mad.
“Ang galing! Sino naman yang ‘ultra mega hot super duper love him na
talaga’ na guy na yan?” Nangingiting sabi ni Liz habang sabay naming
tinititigan ang facebook nitong guy na ito.
At si Liz naman ang pinakasunod sa kalokohan ni Sandy. Nagkakasundo
ang dalawang yan basta ang salitang ‘KALOKOHAN’ na ang usapan.
Para sa kanya, masaya lang ang buhay, tinatawanan lang. Wag
masyadong serious ang peg, she’s too adorable para ayawan mo. Pero
you’ll be sorry kung aawayin mo. Just back-off, okay?
“Well, well, well, bawal ang kontra, okay!? Katuwaan lang naman Chris
and, of course, diyan lang masaya ang friend nating—oh, tingnan mo
siya, amaze na amaze na…”
“Ano pa nga ba…” Habol pa ni Chris habang nakatingin sa’kin.
Alam kong mukha akong ewan, kaso… HINDI KO MAPIGILAN ANG
NGUMITI AT TUMITIG SA KANYA! “Kung totoo lang siya… Siguro
nasa langit na ‘ko…” Napatingin ako kay Sandy. “Grabe Sandy! Ang
galing mong pumili, sa’n mo naman siya nahagilap!? Pero teka lang!
Baka makita ng totoong may-ari yan, ah?” Nag-aalala, pero excited na
rin akong umpisahan ang kalokohan ko with this fake account.
Sumagot naman si Sandy. “Siyempre, sa malayung-malayo na account
sa facebook—.”
“What!? Sa fb mo rin nakuha!? Teka lang ah, pano kung makita niya
yan!? Tapos sundan ako sa bahay namin at makita niya ko at ma-inlove
siya sa’kin dahil ang ganda ko—.”
“Okay Nads, wag assuming okay?” Sagot ni Sandy with matching wave

7
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

pa ng hand niya sa’kin.


“Fine! Pero paano nga kung—”
“HEP! AWAT! Hindi naman ako kukuha ng mabubuking agad, ‘no!”
Say ni Sandy na kinontra naman ni Chris kaagad.
“Pero teka lang ah… Sabi mo, AGAD? Hindi mabubuking kaagad!?”
Uminom naman si Chris before saying na “Nads, goodluck.”
“May point si Miss Chris. Paano nga yan Sandy?” Tanong na rin ni Liz.
“Alam niyo girls, malinis ako gumawa and I know what I’m doing.
Kung makita man niya yan, we’ll delete it and everything will end.
Sure naman akong hindi mahahanap si Nads niyan, ang layo kaya ng
pinagkuhanan ‘ko. I don’t even remember his real name, and that’s the
truth.” Tumingin naman sa’kin si Sandy. “So… Are you ready to grab
the opportunity to be his girlfriend? Your Facebook Boyfriend?”
“Wait, pag-iisipan ko…” Sagot ko. Mahirap na pag sumabit.
Bigla namang sumagot si Liz. “Kung ayaw mo, akin na lang—.”
“No thanks, nakapagdecide na ko at pinag-isipan ko nang mabuti ‘to
kaya go! Go na go na ‘to! Wag kang feelingera, akin yan Liz.”
“Nag-isip yan, Nads talaga. Okay fine, wala na ‘kong magagawa sa
inyong tatlo.” Pagsuko ni Chris.
“Okay! May boyfriend na ‘ko sa FB. So anong pangalan niya?” Tanong
ko.
“Okay girls…” Tumayo pa si Sandy at saka niya kinuha ang laptop niya
habang may ginawa saglit bago iniharap sa’min ang screen ng laptop
with another picture of him, my FBBF. Luwa mga mata namin!
“Gosh Nads, akin na lang siya…” Medyo nahihibang na sabi ni Liz
habang nakatingin sa picture.
“Okay, I have to admit… Makalaglag-panga,” sabi ni Chris na nagpipigil.

8
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Hindi ba panty?” Dagdag pa ni Liz.


“Grabe, anong ginawa ko noong past life ko para magkaroon ng tulad
niya?” Sabi ko habang nakatitig sa picture niyang nakatopless at red
basketball shorts. Stolen shot pero malamang sa malamang namatay
na ang kumuha nito dahil sa nosebleed. Grabe naman yang katawan
ng lalaking yan, parang hindi totoo… SCULPTED BODY! At ang face?
Ang pinapangarap kong lalaking-lalaki ang mukha na hindi mukhang
mahilig sa powder at hindi yung mukhang hindi pa nasusuntok ever in
his life. Siya na talaga, siya na talaga ang hinahanap ng puso at utak ko!
At sabay proud na nagsalita si Sandy.
“Meet your Facebook boyfriend, William Troy.”
-=-
Pag-uwi ko naman sa bahay, grabe lang ang bilis ko na pagtakbo
sa kwarto para buksan ang laptop ko at mag-FB. Yeah right, excited
akong makita ang FB boyfriend ko. Hindi na ‘ko nagulat ng naka-in-
relationship na ‘ko sa fake account ng William Troy ko, as in sa’kin
talaga. Alam naman kasi ni Sandy ang password ng FB ko. Actually
naming lahat…
Anyway, kailangan ko munang tigilan ang pagsagot sa mga ‘di
makapaniwalang nilalang sa Facebook sa pagpapalit ko ng relationship
status. Bakit!? Wala na ba akong karapatan na magkaboyfriend at lahat
sila sinasabing “FOR REAL!?” Pagsasampalin ko mga lungs nila para
kapusin sila ng paghinga diyan, eh.
Oh siya Nads, hayaan mo na sila at let’s just dream of your William
Troy.
-=-
Maganda ang gising ko ngayong araw. Siyempre, excited na ‘kong
harapin ang mga classmate ‘kong sagad sa buto ang inggit dahil sa
gwapo kong boyfriend. Sorry na lang sila, hindi ko ibabahagi ang

9
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

secret… Ang magnakaw ng picture! Katuwaan lang naman, bakit ba?


“ANAK!”
Napahawak ako bigla sa railings ng hagdan. “Mommy naman!” Napa-
iling na lang ako at bumaba na rin ng hagdan. Sinundan naman ako ni
Mommy sa may sofa habang nagsusuot ako ng sapatos.
“Anak, kailan mo naman dadalhin dito ang inihulog ng langit na
boyfriend mo?”
Napatingin ako kay Mommy. “Alam mo na, ‘Mi?”
“Of course! I’m an updated mom, baby. So, kailan nga?”
Kapag inuhulog na talaga siya ng langit sa’kin, yun ang gusto kong
isagot kay mommy pero syempre hindi pwede kaya ngumiti na lang
ako at saka sinabing “SOON!” Sabay kiss sa cheeks ni Mommy at
lumabas na din para hindi na makapagtanong pa.
Pagkarating ko sa building namin dito sa Escolastica University, na
pagmamay-ari naman nina Sandy, hindi ko maiwasan ang mga mala-
lintang titig sa’kin ng mga schoolmates ko. Well, kung hindi ko pa
nakukwento sa inyo, kuya ni Sandy ang nagpapa-aral sa’kin dito
sa University nila. Kasi naman, simula nang malugi ang negosyo ni
Daddy at mawala sa’min ang lahat-lahat, ayaw pumayag nina Sandy na
magkahiwa-hiwalay kaming magkakaibigan, kaya eto, sinagot ni Kuya
Roy ang expenses ko.
Tama, naghirap nga kami. Ganoon lang nga siguro ang buhay sa
business, you have to learn when to give up. Nagkataon lang na, hindi
siguro para sa’min ang business na yun.
“Hey Nads! How’s your boyfriend, uh?” Bati ni Sandy sa’kin habang
papasok ng classroom. Tumingin naman ako sa kanya na may hidden
message na Ikaw na artista!
Siyempre, sagot naman ako kaagad. “Ayun, ‘di ko na sinabing ihatid
ako. Busy kasi yun ngayon. Nagpupumilit kaso… Sabi ko na lang na

10
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

magagalit na ‘ko pag nagpumilit pa siya.”


Nagtinginan naman sa’kin itong apat na ‘to at gustong-gusto ang
pagiging artista namin. Kagat na kagat naman yung iba, tahimik kasi
at halatang nakikinig sa usapan namin.
“GRABE AH!” OA na reaksyon naman ni Liz. Ay nako, may sapak
talaga. “Sumunod siya sa’yo!? Ikaw na talaga ang mahaba ang buhok,
pasabunot nga.” Sabay hila sa buhok ko.
“Ah!” Adik, ang lakas ng hatak! “Aray ah, aray.” Habang nakasmile pa
din.
Nako, kung ‘di lang talaga nakikiride ‘tong mga ‘to. Gagantihan ko
‘tong si Liz, eh.
“Siguraduhin lang niyang iingatan ka niya. Nako…” Aba, naki-ride na
rin si Chris.
“I’ll make sure na gagawin niya yan.” Sabi ko sabay wink kay Chris.
Lumipas ang mga weeks at tuloy lang ang pagpapanggap ko sa
katuwaang ito. Ang dami naman kasing kumakagat, kaya mas nakaka-
excite. Eto namang si Sandy, binubuksan ang account ng fake BF ko na
si William Troy para makipagsagutan sa’kin sa wall post. Kahit fake,
kinikilig pa rin ako ‘no! Yun nga lang, may mga kontrabida talaga
sa ganitong buhay. Nalaman ‘ko na lang nang buksan ko ang fb ni
FBBF ‘ko na may mga nagpapadala na rin pala ng messages sa kanya.
Nagpapakilala at nagtatanong kung anong nagustuhan sa’kin. To the
rescue naman si Sandy, alam na niya ang gagawin diyan. Astig ‘diba!?
Minsan naman, one time sa room namin, may nagpadala ng roses na
para sa’kin daw. Galing daw kay William Troy ko! At si Liz ang may
pakana ng lahat. Kinilig pa rin ako dahil halos lumuwa ang mga mata
nung iba sa one hundred red roses na pinadala sa room.
Sana nga totoo na lang lahat…
-=-

11
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Nakaka-isang buwan na at maayos pa ring tumatakbo ang lahat


with my FBBF. Ngayon nga ay nasa house party ako ng isa sa mga
classmate ko. Of course, nandito yung tatlo. Nasa kalagitnaan ako ng
pag-inom ko ng juice nang bigla akong mabilaukan sa paghiyaw ng
pangalan ko ni Sandy. Nandito kami sa garden, nagpapahinga na mula
sa pagsasayaw kanina.
“Yes?” Sabi ko naman with matching sweet smile pa.
Nakatingin naman sa’kin si Sandy na parang nakakita ng multo. “Nads,
there’s no place for your sweet smile now. You have to see this! As in,
now!” Habang iniaabot niya sa’kin yung Iphone niya.
Kinuha ko naman at lumapit yung dalawa sa’kin para makitingin.
“Oh my gosh…” Bulong ni Liz.
“This is what I’m telling you girls right from the very start. I hate to say
this but -Patay…” Si Chris.
Paulit-ulit ‘kong binasa para makasigurong totoo nga itong binabasa
ko. At kung totoo man, siguradong patay talaga ako.

12
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Chapter 2: I’m Dead!

What’s on your mind? > Be careful on what you’re wishing for ‘coz you
might just get it! Ugh!

Posted five minutes ago…


TROY HARRIS SMITH: Whoever you are, I’ll hunt you down! Mark
your days, woman.
Oh my gosh… Hahanapin daw niya ako! Okay Nads, wag slow.
Hahanapin ka niya at who knows what’s next ang drama! May lahi ba
siyang mamatay tao? Bakit ganyan naman siya magbanta! Muntik ko
ng mabitawan yung baso ng juice na hawak ko. I’m Dead!
“I’m super dead…” Nabulong ko na lang sa sarili ko. Pero hahanapin
niya nga raw ako, Habulin mo ‘ko! Habulin mo ‘ko!, pahabol ang effect
Nads?! Okay, no time for joke time.
Umuwi ako ng bahay at sinalubong naman ako ni Mommy ng tanong
na: “May nangyari ba anak? Bakit hindi ka na ‘naka-in-relationship’ kay
Troy? Okay, kahit ano man yan, magkaka-ayos din kayo.” Napabuntong
hininga na lang ako at nagsmile.
Kung alam lang ni Mommy ang kalokohang pinasok ko. Ay nako
naman, nakakahiya talaga ako. Ngayon ko lang naisip, bakit ko ba
ginawa ang lahat ng ‘to?
After kong makita ang post na yun, binura ko na ‘to agad. Samantalang
si Sandy naman ay inalis na rin ang relationship status nung fake

13
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

account sa FB ko. Grabe, lahat na ata ng balahibo sa katawan ko ay


tumayo pagkabasa ko noon. Except sa mga balahibong tago siyempre,
haay.
Pagpasok ko sa kwarto, nagtext naman si Sandy.
I hide first your FBBF account, ah? Sorry Nads, sorry talaga girl!
Nagreply na lang ako na ayos lang dahil ako rin naman itong pumayag.
There’s no one to blame kung hindi ako! Gosh! Pa’no na ‘ko bukas
niyan!???
Maaga akong pumasok sa University para maka-iwas sa mga
chismisan ng mga nakabantay sa FB ‘ko twenty-four/seven at
siguradong alam na ang pangyayari. Pero ano pa nga ba? Hindi talaga
ako tatakasan ng aking kamalasan ng dahil sa FBBF na yan!
“Gisingin niyo na ‘ko please…” Bulong ko sa sarili ko habang
nakatingin sa grupo ng mga gwapong lalaking naka-abang sa main gate
ng University namin. Pero hindi yun ang issue, may mas matindi pa
‘kong nakita! “Bumalik ka na sa langit na pinanggalingan mo please!”
Sabay talikod ko. NO WAY! Nandito siya! Nandito ang totoong tao,
kaluluwa, at machong-macho na FBBF ko! Tinitingnan nila isa-isa ang
mga pumapasok ng gate!
Grabe ang gwapo niya—okay, tama na ang pantasya, Nads. Dahil
kapag nakita ka niya, hindi ka niya pagpapantasyahan, baka patayin
ka niyan! Ang morbid!
Whoever you are, I’ll hunt you down! Mark your days, woman.
Naalala ko na naman yung sinabi niya sa wallpost. Kinilabutan ako.
I have to go! Tumalikod na ‘ko para hindi na nila ako makita pa. Nako,
bago mahuli ang lahat at baka makita niya pa ‘ko—
“NADS!!!”
Oh my gosh! Papatayin ko talaga yung tumawag sa pangalan ko kung
sino man siya! Sorry Lord, nagiging brutal ako pero… Kasi naman eh!

14
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“YUNG NAKA-BLACK SHIRT AT YELLOW BACKPACK! LONG


HAIR—”
Hindi ko na narinig ang iba pang sinabi ng bruhang yun, kung sino
man yun. Dahil tumakbo na ‘ko palayo sa lugar. As in marathon ang
peg!
Lumingon ako saglit.
At ibinalik ko na agad ang tingin ko sa harapan. “OMAYGASH ANG
GANDA MO NADS!” Sigaw ko habang tumatakbo dahil ang dami
nilang humahabol sa’kin, puro lalaki! Pero hindi para kunin ang puso
ko, ang buhay ko ang gusto nilang kunin!
Nakakahiya talaga! Saka ko na aalamin kung paano ko paplanuhin ang
death process nung nagsigaw ng name ko. Sa ngayon, I need to get out
of here! Mahal ko pa buhay ko kaya hindi ko hahayaang makaharap
ang mga— “AHH!”
Lamunin na ‘ko ng lupa please! Bakit ba kailangan ngayon pa ‘ko
maging lampa at NGAYON PA ‘KO NADAPA! Tatayo na sana ako
kaso naramdaman kong dumilim ang paligid. Nang tumingala naman
ako, saka ko lang nalaman na napapalibutan na ‘ko ng one, two, three,
four, five… okay? Six… TAMA NA! Hindi ko na sila bibilangin, ang
dami nilang kapre sa harap ko!
“Siya na ba yun?” Narinig kong tanong nung isa. Ang gwapo niya—
Nads! Mamamatay ka na, wag ka na magpantasya!
“Tatakbo ba yan kung hindi?” Sagot naman nung isang gwapo rin.
Sorry na talaga, hindi ko kayang magsinungaling! Ang gwapo ng mga
kapreng ‘to!
Ako naman ‘tong hindi makatayo dahil hindi ko alam kung sa’n ko
kukunin ang lakas ko para makatayo. Hanggang sa isang boses ang
narinig ko. Boses ng taong hinugot pa ata sa kailalim-ilaliman ng earth
ang voice. Not to mention na unti-unti niyang hinihigup ang buong
lakas ko habang papalapit siya sa’kin. Umiwas yung apat na lalaki at

15
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

saka ko tuluyang nakita ang napakapamilyar na mukha na papalapit


sa direksyon ko.
Nakatitig siya sa’kin na parang inlove na inlove siya dahil ang ganda
ko. Pero lahat ‘to pantasya ko lang dahil mukha siyang murderer at ako
ang next target niya! OMG!
“So it’s you, the woman who pretended to be my girlfriend on Facebook?
Ano daw? I love you ba ang narinig ko?
Wala akong maintindihan sa sinasabi niya. Pinagmasdan ko lang
siya, kasi naman ngayon ko lang siya nakita sa personal. Ang mukha
niya na pangahan, lalaking-lalaki ang peg! Matang kapag tinitigan ka,
humanda kang matunaw anytime. Katawang matipuno… Malapad na
dibdib at malalaking muscle sa braso. Naghuhumiyaw na ang isip ‘ko
‘YAKAPIN MO ‘KO!’
Ang ganda ng fit ng shirt niya! Ang tangkad niya, kala mo NBA player.
I guess gentleman din siya at aalagaan niya ‘ko talaga. Siya nga ang
FBBF ko…
“Tss! Are you deaf or something, uh!?” Dagdag niya.
Ano daw? Maganda daw ba ako or something?
Nabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Kaso… Handa na sana
akong magpakabingi sa lahat ng sasabihin niya kung hindi lang talaga
nagpanting ang ears ko sa sumunod na sinabi niya. Gwapo nga, pero
sana di na lang siya marunong magsalita! Yes, I’m bact to the real world!
“Too desperate to use my picture, and too pathetic to say that I’m his
boyfriend. Feel sorry for this kind of woman, can’t even stand to stare
at her—.”
Ay dre! Insultuhan ito, over my dead bod—ay, wag naman dead. Ah
basta, laban Nads! Itaas ang bandera ng mga desperada. AY MALI!
Magaganda pala sa paningin ng mga nanay nila! GO!
Tumayo ako para harapin siya nang mas maayos na ikinahinto naman

16
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

niya. Grabe! Ang tangkad pala talaga niya. Tumayo na ‘ko pero
nakatingala pa rin ako sa kanya. Sayang, pero hindi! Hindi ikaw ang
pinapangarap ko. Ang lait-laitin ako ang huling bagay na hahayaan
kong magyari sa buhay ko. Gwapo ka, pero mas gwapo si—ano.
BASTA!
“Fine! Kinuha ko nga ang picture mo, mali yun and I’m sorry! Pero
para sabihan ako ng desperate? Pathetic? This kind of woman? Mister!
Picture lang ang kinuha ko sa’yo at hindi ang buong pagkatao mo.
Hindi mo ikakamatay yun, okay!? Ang totoo pa nga niyan, napilitan
lang ako na gamitin ang picture mo eh. Makita ko nga lang yung picture
mo na… na ano… na mukhang kapre, nasusuka na ako!” Napatingin
ako sa gilid ko. Mukha ba ‘kong convincing? Nasusuka? Baka naman
nanglalambot sa kilig, Nads? Ah basta! “Tsaka kung makapagsalita ka,
akala mo naman nakapangit ko para sabihin mong ‘I can’t even stand to
stare at her’. Wow huh!? Hiyang-hiya naman ako sa kwagapuhan mo!”
Nads, humahaba na ang ilong mo sa pagsisinungaling mo.
Narinig ko na lang na nagtawanan sila.
“Mukhang dehado pa si Miss.”
“Bwahaha, hindi naman mukhang kapre si Captain! Slight lang.”
Narinig kong tawa nung singkit na cute na yun sa gilid ko. Natahimik
na lang bigla sa pagtawa nang tingnan siya nitong kaharap kong kapre.
Actually, lahat naman sila matatangkad.
“Ano pa bang kailangan niyo sa’kin? Tinanggal ko na yung fake account
at sigurado akong hindi ko na babalikan ang account na yun. Hindi
niyo na ‘ko kailangang hanapin, okay!?” Pagdidiinan ko.
“Kung gano’n nga lang kadali, Miss. Kaso hindi...” Sabi nung isa na
mukha namang mabait. Ang totoo niyan, ang real na FBBF ko lang
nga ata ang mukhang murderer sa kanilang lahat. Makatingin kala
mo nagpaplano na siyang ilibing ako anytime. Kiss kita diyan nang
magtigil ka, eh. Hmp, che!
“Naghiwalay ang captain namin at ang girlfriend niya ng dahil sa

17
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

ginawa mong fake FB account, miss.”


Teka, ‘di ko masyado nakuha yun, ah. Naghiwalay, sino? “Huh?”
“Tss, slow.” Singit naman nitong kapreng, gawin na rin nating bakulaw,
na ‘to!
Napatingin ako sa kanya at saka siya nagsalita ulit. “Because of you, my
girlfriend and I broke up. You ruined my relationship by messing up
with my picture, you desperate-crazy woman!”
Aba, teka… Hindi ko gusto ang sinabi niya. Desperate na nga, crazy
pa!? Chrasimatic ako, hindi Crazy!
“Hey you! Yes you!” Kasi naman tumaas pa yung isang kilay niya.
As if na ‘di siya makapaniwala na siya ang tinutukoy at tinuturo ko.
“If your girlfriend really loves you, I mean, truly loves and trust you,
kahit makakita pa siya ng isang milyon na facebook account mo na
‘naka-in-relationship’ sa napakaraming babae… She will never break
up with you. Not unless, she doesn’t loves you anymore. Now who’s
the desperate-crazy man here? Talking to myself? No, of course not,
because I’m talking to you, you desperate-crazy man!”
Inis ah, napasabak tuloy ako sa English ng dahil sa mokong na ‘to.
Tissue nga!
Kaso imbis na masindak ko siya, titig na titig siya sa’kin. Lord, help
me, last day ko na ba on earth? Natutunaw ako! “Hell no! If there’s
one reason why my girlfriend broke up with me? It’s because of you.
She’s been jealous of your crazy games playing to be my girlfriend, you
desperate.”
Nakaka-irita na yung boses niya! Yung mga kasama niya nakatingin na
lang sa’min. Nag-uusap pa nga kung pa’no nila kami aawatin. Kalmado
kaya ako! Etong bakulaw na ‘to awatin nila!
“Wow huh, come to think of this. How can she be so jealous kung wala
naman siyang nakikita na picture nating dalawa!? Sino kayang pathetic
dito? Hindi kaya ikaw yun? Malamang, your girlfriend is just looking

18
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

for some reasons to break up with you.” Kawawa ka naman! Buti nga!
“May point si miss, ‘no?”
“Oo nga, eh.”
Narinig kong usap-usapan nung mga kasama niya. Natigil sila nang
napatingin sa kanila ‘tong kausap ko.
“Whatever you say, you have to do something about the mess that
you’ve done, or else—.“
Hindi ko siya pinatapos magsalita. “Or else, what!?”
Humakbang siya palapit sa’kin at saka siya ‘nagbend-down’ sa mukha
ko na kina-atras naman ng ulo ko. Ang lapit kaya ng mukha niya sa’kin!
Walang ganyanan, akitan? Akitan? “I’ll never stop bothering you… ‘Til
you can’t say stop.” In an Oh so cold-hot voice. Kung hindi lang ako galit
sa mga oras na yun, iisipin ko pang nang-aakit ang kapreng ‘to.
Napalunok na lang ako ng makahakbang ako patalikod, palayo sa
kanya. Kinikilabutan ako pag malapit siya sa’kin, inis.
“Fine, okay. I’ll do it para matapos na,” sagot ko sa kanya. “After nito,
‘wag niyo na kong guguluhin pa.” Ang ganda ko ‘diba?
“Tss! Deal. Wednesday, I’ll pick you up at eleven in the morning. Be
ready.” Seryosong sabi niya at saka niya ako tinalikuran.
“Bye Miss Nadine!” Narinig ko na lang na paalam nung iba.
“Teka, panong—.” Hindi ko na natanong kung sa’n ako susunduin. Eh
hindi naman niya alam saan ako nakatira. Hindi ko na hinabol kasi
may biglang dumating na lalaki na sinalubong nung iba.
“Oh, late ka na naman. Hanggang dito ba naman?” Sabi nung
sumalubong na isa.
“Sira, kanina pa ‘ko dito. May binili lang ako.” Sabi nung lalaking
bagong dating sabay tingin sa’kin. “Sige na, una na kayo.“ Sabi niya at
saka tinapik yung mga kasamahan niyang umuna na din naman.
Napatingin ako sa bag ko na nasa lapag, kukunin ‘ko na sana pero

19
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

inunahan niya ‘ko. Inabot niya sa’kin ito at kinuha ko rin naman.
“Salamat.” Matipid na sagot ko. Kasama siya nung kapreng bakulaw
na yun, siguradong pinagtatawanan din ako nito. Sayang, mukhang
langit—este, mukhang mabait pa naman. Aalis na sana ako pero
nagsalita siya.
“Pasensya ka na sa pagiging isip-bata namin at sinundan ka namin
dito. Pero talagang medyo hindi nagustuhan ng Captain namin ang
ginawa mo. Lalo na sa nangyari sa kanila nung—.”
“Girlfriend niya.”
“Oo tama. Kaya, on behalf of our team, sorry ah.” Cool at sincere na
pagkakasabi naman niya. Okay, apology accepted. Pero hindi ko yun
sasabihin ‘no.
“Sige, alis na ‘ko.”
“Wait lang,” sabi niya saka siya nagbend-down sa harapan ko.
Napatingin naman ako sa kanya at iiwas sana ako dahil nakapalda
lang ako pero agad niyang sinabing, “Lalagyan ko lang ng band aid
‘tong sugat ‘mo.” Saka ko na naramdaman na may nilagay nga siya sa
bandang tuhod ko. Hindi ko alam na may sugat pala ako.
Pagkalagay niya nung band-aid, tumayo na siya nang maayos at
ngumiti. What a smile… Playful pero very warm. Pero teka… Sa’n
naman kaya galing ang band aid?
“Wag kang magtaka, diyan lang ako bumili nung band aid. Nang
makita kitang madapa, bumili ako diyan.” Lumingon siya sa kanan, na
parang itinuturo yung botika. “Oh sige, iniwan na ‘ko ng mga kasama
ko. Basta, galingan mo na lang sa pakikipag-meet sa girlfriend ni Troy.
Bye.” At nag-salute pa siya habang naglalakad paatras pero nakatingin
pa rin sa’kin. Saka siya tumakbo sa ‘di kalayuan at sumakay sa isang
yellow sports car. Habang palayo ang sasakyan niya, napabuntong-
hininga naman ako.
Ano ba ‘tong pinasok ko? My facebook boyfriend is not for real… Pero
yung nangyayari ngayon, for real na for real! I’m dead.

20
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Chapter 3: FACE-OFF!

What’s on your mind?> Start a fight and I’ll be your biggest nightmare
of your life.

Eto na ba ang araw na pinakahihintay ko? Hindi! Pinaka-ayaw kong


dumating na araw ang araw na ito. Hindi ko alam kung paano ko siya
makikita dahil wala naman akong sinabi kung saan ako nakatira kaya
medyo nagdadalawang-isip pa ‘ko kung makikita ko nga talaga siya.
Hindi ko naman siya hinihintay ‘no! Curious lang kung paano kami
magkikitang dalawa.
Pababa ako ng hagdan habang naghihikab pa. Wala akong pasok
ngayon, thank God talaga. “Mommy, baka po pumunta ako mamaya
kina Sandy—.”
“Good morning.”
Napatigil ako sa pagbaba ng hagdan, napahinto rin sa pag-iinat at
paghihikab. Minulat ko ang mga mata ko at tumingin sa lalaking ito na
naka-upo sa sofa namin na diretsong nakatingin sa’kin. Nakadekwatro
at nakahalukipkip pa! Para niya ‘kong sinusuri sa tingin niyang mula
ulo hanggang paa!
“Anong—.”
“Oh anak! Gising ka na naman pala.” Si Mommy na galing sa kusina.
Nakatingin pa rin ako sa kanya at parang naka-half smile pa siya.
Anong nakakatawa!? Gusto kong itanong yan sa kanya.

21
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Panong—bakit, bakit nandito ka?” Bigla kong nasabi pagkababa ng


braso ko na nag-iinat kanina.
“Nadine Castro!” Biglang sigaw ni Mommy, napatingin naman ako.
“Kung nag-away man kayo ng boyfriend mo, hindi ganyan ang itinuro
ko sa’yo. Tsk, tsk, tsk, hindi ganyan ang pagtrato sa bisita.”
Narinig ko namang napa-ismik ‘tong kapreng ‘to at umiwas ng tingin
sa’kin.
“Pero Mi—.” Hindi na naman ako pinatuloy magsalita.
“Wala ng pero-pero. May lakad daw kayo ngayon ni ‘Son-in-law’ kaya
mag-ayos ka na at tingnan mo yang itsura mo, oh. Nako, magpalit ka
nga anak. Teka dun muna ako saglit sa kusina.”
Pagka-alis naman ni Mommy, nakita kong kinuha niya yung picture
frame na nakapatong sa lamesita namin. Picture ko nung bata ako.
Hanggang sa narinig ko siyang nagsalita. “You better change your
clothes, or else…”
“Or else ano!? Huh! Kahit anong gusto kong isuot, isusuot ko. Walang
makakapag—.”
“Or else, I have to see what I don’t like to see from you.”
“Huh!?” Napatungo ako sa suot ko at nanglaki ang mata ko. “Sh*t.”
Napatingin ako sa kanya at saka ko siya nakitang naka-evil smile
habang tinitingnan ang baby picture ko. Naka-mini shorts lang pala
ako at spaghetti strap na super fitted pa. And I’m not wearing any
brassiere! Napatakip ako sa dibdib ko. Tumakbo na lang ako sa room
ko at ginawa ang dapat kong gawin.
-=-
“Mi, alis na po ‘ko.” Paalam ko kay Mommy. No doubt na nandito
siya para sa usapan naming dalawa kaya nag-ayos na ‘ko para matapos
na ‘tong lahat. Hindi na ’ko masyadong nagpaganda pa. Nag-jeans at
plain white shirt nga lang ako, baka isipin niya kasi nagpapaganda pa
ako para sa kanya.

22
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Okay Baby, you need to look beautiful lagi, ah? Sayang ang boyfriend
na sagad sa kagwapuhan, okay?”
Kung alam lang talaga ni Mommy. Pero sasabihin ko rin lahat after
nitong usapan naming dalawa. For sure!
-=-
Nasa daan na kaming dalawa nitong kapreng ‘to nang mag-umpisa ako
magmasid sa loob ng sasakyan niya. Habang tinitingnan ang kabuuan
ng loob ng sasakyan, nagsalita naman ako.
“Paano mo naman nalaman ang bahay ko? Stalker ka ba?” Tanong ko.
Taray Nads!
“Tss.” Iling niya habang nagmamaneho. “I know everything.”
“Yabang…” Bulong ko. Buti hindi narinig.
Actually, pangdalawahan nga lang ‘tong sasakyan niya. Napakatahimik
din, ‘di manlang makuha na magmusic. Ang lungkot siguro ng buhay
nito.
“Loner…” Bulong ko. Pero this time, mukhang narinig na niya. My
bad…
“What?” Tanong niya sabay tingin sa’kin pagkahinto namin sa daan.
“Wala.” Sagot ko. “Binge.” Bulong ko.
Kaso pagkasabi ko no’n, nagsisisi na agad ako. Dahil pagka-andar
ng sasakyan, parang papatayin niya ‘ko sa bilis niya magmaneho.
Napahawak nalang ako sa upuan ko. Pero wala ata siyang balak na
bagalan ang pagpapatakbo niya. No choice, sigaw na lang ang tanging
nagawa ko!
“KUNG MAY BALAK KANG MAGPAKAMATAY, WAG MO ‘KONG
IDAMAY!!”
-=-
Isang oras ang nakalipas at salamat po talaga, nakarating ako nang ligtas

23
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

kung saan man ang lugar na ito. Pagkababa namin ay pinagmasdan ko


ang paligid. Napa-whistle ako pagkakita ko ng pangalan ng restaurant.
Isa ‘to sa mga sikat na restaurant, in and out the country. Siyempre
alam ko ‘to, HRM student kaya ako! At inaalam ko ang mga prospect
kong restaurant na gusto kong mapabilang pagkagraduate.
Pagpasok naman namin, may sumalubong sa’min pero hindi pinansin
nitong kasama ko at dirediretso lang sa table na ‘naka-reserved’ na para
sa’min. Kung ako yung crew, lalagyan ko ng lason ang ‘o-orderin’ ng
lalaking ‘to.
“So yung EX mo na ba ang hinihintay natin dito?”
“Who else do you think?” Sagot niya sabay tingin sa ibang direksyon.
Nako lang talaga, saniban ako ng mga ilang kilometro pa ng pasensya
dahil mukhang kakailanganin ko sa isang ‘to. Matatapos din ‘to,
pagbigyan.
“Hey freak, can you see that.” Sinundan ko yung tiningnan niyang
direksyon—teka! Anong tawag niya sa’kin!? Freak!? Ako!?
“Yes! I’m not blind, I can see that, mas maliwanag pa sa sikat ng araw.”
Mokong ka. “And now, so what!?” Dagdag ko.
Tumingin siya sa’kin. “So what? That’s my girlfriend, you Freak.”
Baka naman EX. “Girlfriend? Eh bakit may kasama na siyang iba?”
Tumingin na kami parehas sa tinuturo niya kanina. Maganda rin
naman pala.
“Friend, of course. Tss! That bastard.” Inis na sabi niya.
Bitter ka lang. “Like I’ve told you before, ‘di ka talaga mahal ng girlfriend
mo. Pinalitan ka nga agad, oh. May spare siya…” Pang-iinis ko.
Tumingin naman siya sa’kin sabay sabing ,“Just do your thing and stop
talking. Wait for your time.” Saka niya ibinalik yung tingin niya sa table
ng EX niya.
“Fine, I’ll wait. Aalis muna ‘ko sandali.” Saka ako tumayo at hindi man

24
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

lang siya tumingin sa direksyon ko. Napatingin naman ako dun sa EX


niya. Sus! Mas maganda pa ‘ko dun eh. Naka-ayos lang yun.
Pagpasok ko ng comfort room. May sumunod naman na babaeng—
yung EX ni Mokong!
Nagretouch siya ng make-up niya tulad ko. Hanggang sa tumunog ang
cellphone niya.
“Hello, Madeline speaking…”
Ah, Madeline pala ang name niya…
“Oh, Edward! How are you? Oh? Yes… Sorry for the other night. Yes,
I’m little upset right now. Hmm? My place? Sure. Later? 8 pm would be
fine. Where am I? I—uhm… Boutique. Yes, okay. I’ll see you later. Bye.”
Ano daw? Little Upset? Nakakatawa naman pala magsinungaling ‘tong
EX ni Mokong. Daig pa exam sa pagsagot, ang bilis. Eto lang masasabi
ko…
Isa siyang MANLOLOKO slash MANGGAGAMIT slash PLAY GIRL!
Eto na ba yung pinaghihimutok ng butsi ng Mokong na yun? Sayang
lang ang oras ko rito para magpaliwanag na—napahinto ako sa pag-
iisip. Napatingin naman kasi siya sa’kin.
“Disgusting…” Narinig kong bulong niya at saka siya naglagay ng red
lipstick niya.
Ako!? Disgusting?! Sampolan ko kaya ‘to?
“Playgirl…” Ganti ko at saka ibinalik yung face powder sa bag ko.
Napatingin siya sa’kin while holding her lipstick. “What!?”
Naghugas ako ng kamay at saka sinabing, “Truth hurts.”
“Who’s that playgirl you’re murmuring, uh!?” Inis na sabi niya at saka
niya binaba yung lipstick.
Napatingin ako sa paligid ko at saka siya sinagot. “Did I say something
wrong? And wait, do I know you? Have we met before? My mom said…

25
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

I should never talk with strangers.” Sabay flip ng hair ko bago lumabas at
iwan siyang NGANGA!
Hindi pa man din ako nakakabalik sa upuan namin ay sinalubong na
‘ko ng lalaking ito.
“Let’s go.” Hinawakan niya ko sa may wrist at saka kami naglakad
papunta sa—sa table nung EX niya!
“Hey, teka—.” Napahinto ako ng huminto kami sa harapan ng
kararating lang na si Madeline. Tumalas naman yung tingin nung girl
na ito sa’ming dalawa.
“Madeline, she’s the one I’m telling you. And hell, I have nothing to do
with this woman. She’s definitely not my type and not my girlfriend.”
Paliwanag ng Mokong na ‘to!
So sinama niya ‘ko dito para sabihing hindi niya ‘ko tipo? Well, paki
ko! Dahil hindi ko rin type ang nakapa-ungentle na tulad niya!
“Wait, what’s happening here? Excuse me, but we’re in a date—.” Sabi
nung lalaking kasama nung EX niya, na napatayo na rin.
“I don’t give a shit with your date. It’s none of your business.” Habang
diretsong nakatingin lang dun sa EX niya na mukhang tuwang-tuwa
naman sa ginagawang kamartiran ng lalaking ‘to.
Pero bigla na lang siyang tumawa, na parang nag-iinis pa. “So it’s
you!? Oh my—this is the girl? I don’t know if I’ll be insulted, or what.”
Tumingin naman siya sa’kin at sunod kay Troy. “Don’t worry, you look
good together. You both look… Uh? Pathetic?”
Wow!? Ano daw!? Napatingin ako sa katabi ko na nakatingin lang sa
babaeng ito.
Tanga ba siya o ano? Gusto niya ba talaga ang bruhildang ito!?
“So we’re done.” Yun lang nasabi niya.
Of course it’s done! Gusto kong isigaw sa kanya. Ano ba siya,
naghahabol pa siya sa isang ‘to?! Tama lang yan!

26
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“When I say we’re done, we’re done.” Sagot naman ng babaeng ‘to.
Binitawan naman ako ni Troy at umalis na lang na parang walang
nangyari. Naiwan naman ako rito na hindi manlang niya inaayang
umalis! Okay sige, uuwi na lang ako mag-isa. Pero hindi ako aalis
dito ng hindi manlang ako nakakabawi sa mga sinabi ng babaeng ‘to.
NEVER!
“Hey, you know what? This is my happiest day of my life.” Sabi ko.
“Who cares—.”
“Of course you care. It’s because, I know now how to spell the word
SLUT.” I braced myself para lakasan ang boses ko. “And it’s M-A-D-E-
L-I-N-E! In short, you’re a slut.”
“What the hell—.”
Tumingin ako dun sa kasama niyang guy. “Wag kang magpapaloko,
masyado kang gwapo para lokohin niya. Narinig ko siyang may
katatagpuin mamaya… Edward? Well, your choice—.” Napatigil ako
ng bigla akong sabuyan ng juice sa damit ng babaeng ‘to!
Oh yes! She’s asking for war, I’ll give her war!
Kinuha ko yung plate na may pasta sa table nila.
“You’re dealing with the wrong person.” Saka ko binuhos sa ulunan
niya yung pasta. Nilapag ko yung plate sa table at tinalikuran sila. Ang
narinig ko na lang ang inis na sigaw nung babaeng iyon.
Pagkalabas ko naman, wala na yung Mokong! Hindi man lang ako
hinintay!
Sama ng ugali… Buti na lang tapos na ‘to.
Pero ayos lang kaya yun? Magandang lalaki naman siya bakit
naghahabol pa siya sa isang yun—ay! Wag mo na isipin nga, Nads!
Mahalaga, hindi na kayo magkikita no’n. Goodluck na lang sa kanya.

27
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Chapter 4: THIS IS IT!

What’s on your mind? > Wag sama nang sama, baka mapasama ka!
Sige ka.

Bumalik sa dati ang buhay ko. Pumapasok sa school, gagawa ng


project, at talagang hindi lang maiiwasan na hindi maging topic ako ng
usapan ng ibang schoolmate ko. Simula kasi ng face-off namin nung
EX nung si Troy, wala na talagang paramdam na nangyari. At kahit ang
fake account, hindi ko na rin naisipang buhayin. Kahit nga ang sarili
kong FB ay ‘di ko na makuhang buksan sa panglulumo sa nangyari. Isa
na kasi talaga akong desperada sa paningin ng mga nakaka-alam ng
mga nangyari.
Nagsabi na ‘ko kina Chris na hindi ako sasabay pauwi dahil may
pupuntahan pa ‘ko. Kaya eto, nag-aabang ng jeep na masasakyan ng
biglang may bumusina sa bandang likuran ko.
“Teka… Pamilyar…” Habang tinitingnan ko yung yellow car—yellow
car! Nang makalapit sa’kin yung sasakyan, biglang bumukas yung
pintuan nung front seat. Tumungo ako para makita naman yung si…
Si… Sino nga ba?
“Hi!” Bati niya.
Ngumiti naman ako. Ano nga bang pangalan niya?
Ngumiti naman siya. “Luke.”
“Ah?”

28
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Luke Sandoval. Yun ang name ko.”


“Ah…” Nakakahiya, nabasa pa ata nasa utak ko.
“Pauwi ka na?” Tanong niya.
“Ah… Medyo?” Sagot ko. May pupuntahan pa kasi ako.
“Oh, tara. Hatid na kita, sa’n man yan. Libreng sakay.”
Hmm? Di kaya may masamang binabalak ‘to?
“Wala akong masamang binabalak. Napadaan lang ako dito, nagkataong
nakita kita.”
“May lahi ka bang—.”
“Manghuhula? Wala. Sadyang napakavisible ng expression ng mukha
mo sa iniisip mo. Madaling basahin. Tara?”
“Sige na nga.” Sumakay na ‘ko. Kung may masama man siyang balak,
hindi naman ako papa-isa ‘no! May dala ata akong… Ah… Ano bang
makakapa dito sa bag ko—Tinidor? May baon nga pala akong utensils
para sa demo cooking kanina. Ah basta, nakakamatay din ‘to ‘no.
“Sa’n ba punta mo, Nadine?” Tanong niya.
“Ah, sa palengke lang. May dadaanan ako.” Sabi ko. Binaba ko na yung
tinidor. Mukhang safe pa naman.
“Palengke? Nagpupunta pala mga tiga Escolastica sa palengke.”
“Ako lang siguro…” Sagot ko. Ako lang naman kasi ang sabit sa
university na yun.
Maya-maya, pagtapos kong sabihin kung saan ang eksaktong place ng
pupuntahan ko, nagsalita na naman siya. “So, kamusta naman kayo ni
Troy?”
Hay, narinig ko na naman ang pangalan na yan. Nakamove-on na
‘ko—teka!? Sino raw!?
Napatingin ako sa kanya. “Sino kamo?”

29
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Si Troy.” Sagot niya habang nagmamaneho. “Pupunta ka naman sa


game ‘diba? Nasabi na rin siguro ni Captain sa’yo yun.”
Teka, anong sinasabi ng isang magandang nilalang na ito? Tsaka…
Captain?
Pero hindi yan ang issue!
“Anong sinasabi mo? Hindi na kami nagkikita nun, ‘no.” Giit ‘ko.
“Yung FB account niya ‘naka-in-relationship’ pa rin sa’yo. Siguradong
nagkikita pa rin kayo Nadine.” Parang hindi pa ata ‘to naniniwala
sa’kin.
“Nads na lang.” Bigla ‘kong nasabi pero napapa-isip pa din sa kasasabi
lang niya. Parang ‘di nagregister, eh. “Ano nga yung sabi ‘mo? Naka-in-
relationship kanino?”
“Kay Maria Nadine Castro.” Direstsong sagot niya.
Malas niya. Bakulaw na kapre ang boyfriend niya—ANO DAW!?
“AAHHH!!” Sigaw ko.
Napahinto sa pagmamaneho si Luke. “Bakit Nads!?”
Tumingin ako sa kanya. “A-Anong sabi mo!? Kanino naka-in-
relationship? Sa-sa-akin? Yung totoo!?”
“Oo nga, sa’yo.” Natatawang sabi niya. “Imposible namang hindi mo
alam yun, Nads.” Saka siya nagmaneho uli.
Kaya ba… Kaya ba tahimik ang tatlong yun? Imposibleng hindi nila
alam ‘to! Nangangamoy kalokohan, ah!?
“Sa katunayan, totoong FB account pa nga ni Troy ang ‘naka-in-
relationship’ sa’yo ngayon—.”
“ANO!!???” Sigaw ‘ko ulit. Kaya napahinto na naman siya.
“Ano na naman, Nads!?”
“No! It’s not for real! Teka lang Luke, sa ibang lugar mo na lang ako

30
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

dalhin.”
“No problem.” Sagot niya.
Pero bigla akong may naisip… Kaya ba ganoon si Mommy!?
Going steady na kayo baby, ah? Keep it up!
At si Liz naman…
Nads, ‘wag malungkot dahil buhay pa naman ang FBBF mo.
Teka? Ako na lang ba ang hindi nakaka-alam ng lahat!?
-=-
Pagkababa ko sa tapat ng bahay nila Sandy, “Salamat Luke. Pasensya
ka na sa istorbo, ah?”
“Kung ikaw lang din naman ang iistorbo, bakit hindi. Sige, bukas ah?
See yah!” Saka niya pinaandar nang mabilis yung sasakyan niya. Buti
na lang hindi ganyan kabilis ang pagmamaneho niya kanina, ‘di tulad
nung isa. Che! Naaalala ko na naman yung Mokong na yun.
“Teka! Nga pala! Wala ng ‘SEE YAH!’”
Pumasok na lang ako sa bahay nila Sandy at ang salubong ko sa kanya:
“DON’T DENY ANYTHING!”
“Fine, I admit everything. Happy?” Sabay ngiti niya.
Can’t get mad to this Goddess friend of mine. “Bawiin mo na yung
relationship status, Sandy.”
“Ayaw mo bang marinig man lang yung paliwanag—.”
“Ayaw!”
“Grabe, ayaw mo talaga? Kahit na sinabi niyang susunduin ka niya
bukas para sa practice game nila?” Paliwanag niya.
“What!? Bukas!? Tapos na lahat! Manigas siya!”
“Tapos ka diyan. Talaga lang uh…”

31
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

-=-
Alas-sais na ng umaga at hindi pa rin ako nakakabuo ng matinong
tulog. Salamat sa kapreng Mokong na yun, ni hindi man lang ako
dinalaw ni isang minutong idlip man lang. SIYA ANG NASA UTAK
KO!
Wala na ‘kong magagawa sa eyebags ko kaya bumaba na lang ako
pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ko for school. Bigla namang
tumunog ang cellphone ko, Liz calling?
“Hello girl.”
Goodmorning Nads. Ah, don’t forget to wear sports wear. Uh?
“At bakit naman?”
Huh? Basta, may pupuntahan tayo, okay? So bye! See you!
At binabaan ako ng telepono. Bahala siya, nakabihis na ‘ko. Di na lang
ako sasama sa kanila sa’n man sila magpunta.
Papasok na sana ako ng building namin ng may peste akong nasalubong
at ‘di manlang marunong magsabi ng sorry kahit nabangga nila ako ng
mga alipores niya.
“Binibigyang pansin ka ba sa bahay niyo at dito ka naghahanap ng
atensyon?” Sabi ko pagkalagpas nila sa’kin. Humarap naman sila
pagkasabi ko noon.
“Kung sa’yo lang din naman manggagaling, no thanks.” Sagot ng
mukhang butiking Jhoanna na ‘to. Ang payat kaya niya! Mas sexy pa
‘ko diyan eh—okay! May baby fats ako, pero kahit na!
“Kung sa’yo lang din naman ibibigay, mas mabuting pakamatay na
lang.” Saka ako nagsmile.
“Ganyan talaga ang nagagawa ng kakapalan ng face after na mabuking
ng FBBF niya.”
Sasagot na sana ako ng dumating na sila Sandy. “Na for real na.” At saka
ako inakbayan. Real na?

32
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Kulang ang sagap ng radar mo dahil ang true FB account na ni Troy


ang ‘naka-in-relationship’ kay Nads ngayon.” Si Liz.
“Kaya kung may problema ka pa dun. Bibigyan kita ng piso, maghanap
ka na ng kausap mo.” Dagdag pa ni Chris. Kakatakot ‘tong si Chris pag
naiinis.
Umismik lang si Jhoanna and saka sinabing, “No wonder na Love is
Blind.” Saka niya kami tinalikuran.
“Inggit ang bruha.” Sabi ni liz.
“Sigurado ako, siya yung sumigaw nung pangalan ko nung nandito
yung grupo nila Troy dati.” Sabi ko.
Inalis naman ni Sandy yung akbay niya. “Hayaan mo na yun. Sooner or
later, she’ll be resting in peace.”
“Ay… Ang morbid.” Biro ni Liz. “Pero I love the idea.”
“Same here.” Singit ni Chris.
-=-
Tumagal ang buong araw ng klase sa walang kamatayang reporting.
Gusto ko ng umuwi at ang sakit na ng paa ko dahil nakaheels ako
ngayon. Dapat nga ata sinunod ko na lang si Liz kanina. But anyways,
wala na magagawa.
“Chris, sabay na ‘ko sa’yo pag-uwi ah? Masakit na’ng paa ko.” Sabi ko
habang palabas na kami ng building papuntang carpark. Pero mukhang
hindi ako napapansin ni Chris, kaya naman… “Uy, ano ba? Chris.”
“Ah, oh? Oo, sige—teka, Nads. Una ka na sa carpark, may kukunin lang
ako sa… room?”
Napataas naman yung kilay ko. “Room? Bakit ‘di ka ba sure? Tara,
samahan na kita—.”
“No! okay lang.” Tumawa naman siya. “Ako na lang. Mabilis lang, okay?
Sige, bye.”

33
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Naiwan naman ako. “Weird.” Nabulong ko sa sarili ko.


May nakasalubong naman akong mga girls.
“Balik tayo dun girl.”
“Nako, suplado naman, eh. ‘Di namamansin.”
“Hindi lang ako nakita kaya gano’n.”
“Nako, in your dreams.”
Lagi na lang lalaki ang usapan ng mga babae. Buti na lang, wala na
‘kong iintindihin na lalaki ngayon.
“Hey, Freak.”
Mga lalaki ngayon, masyadong dominante. Dapat sa kanila, kinakadena
at pinapaamo na parang alagang aso.
“Freak!”
“Nakaka-inis.” Bulong ko habang naglalakad. Naalala ko yung Mokong
na yun. Tinatawag niya ‘kong ganyan, nakaka-irita sa tenga—.
“You stop there, freak. I’m talking to you!”
Napahinto ako bigla. Teka? That voice! Teka!? Don’t tell me, pupunta
nga siya dito!?
Unti-unti akong lumingon sa kanya at laking gulat kong nasa likuran
ko na pala siya.
“Are you deaf!?”
“Anong ginagawa mo rito—”
“Let’s go, we’re late!” Sabi niya. Ng hindi ako sumunod sa kanya,
hinawakan nanaman niya ko para hatakin papunta sa motorsiklo niya.
“Teka, wag mong sabihing pasasakayin mo ‘ko diyan?” Tanong ko,
sabay turo sa motor niya.
“What do you think? Sa’kin?”

34
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“No! Duh!”
“Good, then let’s go.”
Hindi ko nga alam kung bakit ako sumakay kahit na hirap ako dahil
sa nakaheels ako. Pero kasi etong lalaking ‘to masyadong nakakatakot
mag-utos. Gusto niya ata lahat makuha niya sa isang sabi lang, ay ewan
sa kanya. Wala na din naman akong magagawa, nakasakay na ‘ko at
may helmet na rin—Oh my gosh! Nakalimutan ko.
“Wag kang magkakamaling bili—SAAAAAN!!! TROY HARRIS
SMITH PAG NAMATAY AKO PAPATAYIN KITA!”
Yumakap ako ng mahigpit sa kanya dahil matindi pa sa Space Shuttle
ito! Between life and death ang peg ko habang wala siyang paki-alam
sa nangyayari!
Pagkarating naman namin sa lugar na hindi ko alam kung saan.
“Freak, we’re here.”
“Talaga?” Habang nakapikit pa rin ako at nakakapit sa kanya. “Buti
naman.”
“Yeah, your arms.”
“Huh?” Ang bango niya infairness ah. “Ano yun—.”
“Stop sniffing me like a dog.”
Napa-alis ako ng kapit sa kanya. “DOG!?”
Nakita ko siyang nangisi at bumaba ng motorsiklo niya. “Then stop
acting like one.” Tinanggal naman niya bigla yung helmet na suot ko.
Habang inaayos ko yung buhok ko. “Nasa’n ba tayo?” Tanong ko. Pero
bago pa makasagot si Mokong, eh, bigla akong nangati. May nakita
kasi akong makati rin…
“So, look who’s here?” That Madeline. “Pathetic Couple?”
Natawa naman yung kasama niya na hindi niya alam, laruan lang din
siya ng babaeng iyan.

35
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Mukhang nagdilim naman ata ang paningin nitong kasama ko pero


inunahan ko na siya. Bumaba ako ng motorsiklo at hinarap ang
makating lintang ‘to at ang kasama niyang guy.
Relax ka lang Mokong. Chicken lang ang dalawang ito.
Tumingin ako sa kasama ng Madeline niya. “Hindi ka pa ba
nangangati?” Tanong ko.
“Ah? What do you mean?” Tanong nung lalaki sa’kin.
Ngumiti naman ako bago ko siya sinagot. “Kasi ang kati… “at tumingin
kay Madeline, “kati ng kasama mo. Parang feather lang?”
Handa na sana siyang sumagot pero hinarangan ko na ang matabil
niyang bibig.
“Ooops, may nahulog oh.” Sabay tingin ko sa bandang paanan nila.
Tumingin naman si Madeline. “What?”
“Your face.” Say ko.
Lumingon ako kay Troy at saka sinabing “Tara!” At saka ako naglakad
papunta sa harapan ni Madeline, sabay hinto. Inapakan ng malakas
ang itinuro ko kanina at saka nilagpasan ang maasim niyang mukha.
Kasunod ko naman si Troy na naglakad dito sa… Sa… Sa’n nga ba ‘to!?
Napatingin ako sa isang signboard, This way to Austine University
Gymnasium.
AUSTINE UNIVERSITY!??
Napahinto ako. “Teka, bakit nandito tayo!?”
“We’re helping each other, don’t you remember?”
“Remember ka diyan!?”
“Don’t forget that I’m still doing you a favor.”
“Favor?”
“Tss! Your Facebook relationship status with my name. Remember?”

36
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“I can’t remember—.”
“Uy Nads!”
Oh! Si Luke! Ay buti na lang nandito siya. “Hi.” Bati ko.
“Kanina ka pa namin inaabangan.”
“Kanina pa?” Tanong ‘ko.
“Freak, do you even know why you’re here!?” Tanong nitong Kapreng
‘to.
“Siyempre hindi! Hinila mo lang ako pasakay ng motor mo at dinala
dito. Malay ‘ko!?”
“Teka-teka, mamaya na kayo magdiskusyon. Nads,” Tumingin siya
sa’kin. “I’ll explain it to you later. So nasa’n yung sports wear mo?”
“Huh!?” Isa pa ‘tong si Luke eh. “Ano bang meron?”
“Sige-sige na. May extra shirt pa ‘ko, bahala na. Tara na muna.” At saka
ako hinawakan ni Luke sa likuran ko at bahagyang itinutulak papasok
ng… GYM!?
Pinagbihis ako ni Luke ng extra jersey niya at nagsuot lang ako ng jeans
ko.
Pagpasok naman namin sa mismong gym, laking gulat ko na lang sa
nadatnan ko.
“O-kay? Sinong makakapagpaliwanag kung bakit ang daming tao?”

37
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Chapter 5: GAME!

What’s on your mind? > Ang bola, ring, at rubbershoes para sa


basketball player. Pero ang heels pangbasketball… kay Nads lang.

Pinaliwanag sa’kin ni Luke ang nangyayari at wala akong


naintindihan dahil sa mga babaeng ‘to na kala mo wala ng bukas
kung makatili! Ay nako naman, anong gagawin ko? Ang narinig ko
lang ay Galingan mo Nads. Don’t worry, nandito lang kami. Moral
support ba yun o babala?
“Pass the ball to freak, we’ll guard her. Make sure, no one will block her
way, got it!?”
“TEKA!” Sigaw ko. Tumingin naman silang lahat sa’kin. Ang gwapo
talaga nilang lahat! “Bakit nga sa’kin ipapasa yung bola?” Nagsmile ako.
Tama naman ang tanong ko ‘diba? Bigla kasing nagsikunutan ang mga
noo nila.
“Hindi niya ba alam?”
“Ewan ko.”
“Ano nga bang alam mo, tulog ka lage.”
“Nads.” Si Luke. “Basta, pag nakuha mo ang bola, magshoot ka lang.
Kami ng bahala sa iba.”
Biglang napasagot ako ng, “Okay.” Nads! Mapapahamak ka sa charm
ng lalaking iyan!

38
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Hanggang sa naintindihan ko na ng ipaliwanag sa’kin ng isa pang


mabait na nilalang na si Sebastian ang mga nangyayari. Vice Captain
siya ng team nila. Isang pustahan ang larong ito sa pagitan ng dalawang
teams. Nagkayabangan na naman daw kasi bago pa ang real play nila
sa susunod na araw. At kailangan na may isang babae sa team na
maglalaro at siya lang ang magpupuntos, kaya eto ako ngayon. Tatakas
na sana ako kung ‘di lang dahil sa mabait na si Sebastian na ‘to at sa ‘di
ka makatangging’ ngiti nitong si Luke, eh.
Nag-umpisa na ang game. First five? Troy, Luke, Adrian, Sebastian, at
ako!
Tumakbo ako sa isang side ng court hanggang sa madulas na lang ako
ng walang anu-ano. “Aaah!!” Aray, ang sakit sa—you know? My butt!
Tatayo na sana ako ng mapansin ‘kong… “AAHHH!” Napasigaw ako.
Saktong nasa tabi ko na sina Luke at Sebastian.
“Bakit Nads!?” Tanong ni Luke na nakaluhod na sa tabi ko. “May
masakit ba sa’yo?”
“Wala.” Umiling ako. Tumingin ako sa kanya sabay sabing, “Naka-heels
lang naman ako.” Sabay ngiti ng alanganin.
“Sosmaryosep, nakaheels pala si Nads! Bwahaha!” Si Adrian.
“Thanks for the support Adrian.” Sagot ko.
“Peace Nads.” Tumingin naman siya sa referee. “Ref! Magpapalit lang
ng rubbershoes ang player namin.”
“Ah, usapan niyo raw po na walang break hanggang hindi natatapos
ang time?” Sagot nung referee.
“Ah!?” Iling ko. Patay kang paa ka. Patay talaga sa’kin ‘tong sina Sandy.
“Let her play. I told her about this.” Si Troy.
“Troy!” Sigaw ni Luke. “Hindi, tama na ‘tong kalokohang ‘to—.”
“No, fine. Ayos lang. Wag na kayo mag-away.” Sabi ko at saka tumayo.
“I can do it. Actually, sanay naman akong naka-heels.” Yeah right.

39
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Pero hindi kapag ‘nag-ba-basketball’. “Ok game!” Ayoko ng marinig


sumigaw ‘tong si Troy. Nagpulasan na isa-isa ang mga kasamahan kong
kapre nang may marinig naman akong nagsalita mula dun sa kabilang
team.
“Yan ang gusto ko palaban…” Narinig kong sabi nung isang player sa
kabila. Sabay tingin sa’kin ng… Yuck! Pwede ba!?
“I want her.” Sama mo pa yung isa.
“Same here.” Ano ba ‘tong mga ‘to!? Sisigawan ko na sana sila, pero
may umuna na sa’kin.
“Can’t you all shut up?! Tss!” Si Mokong! Nakatingin siya dun sa tatlong
player.
“Pagbigyan pare, teritoryo nila ‘to.” Sabi nung isa. Mukhang lalapitan
ata ni Mokong yung mga lalaking yun nang biglang pumito si Ref ’ to
start the game. Huminto na lang siya sabay tingin sa’kin.
“Just play this game and don’t talk to them.” Seryosong sabi niya.
“Hindi ako nakikipag—inis!” Tinalikuran na lang ako. Sa’kin pa
nagalit!? Kala ko pa naman, ay ewan!
-=-
Nagstart ang game na padulas-dulas ako. Ang hirap kaya! Pero
eto, dahil sa cheer ng mga kasama ko, ‘na-e-enjoy‘ ‘ko naman.
SINUNGALING…
Nakakashoot naman ako dahil wala namang nakakalapit sa’king ibang
player dahil hinaharangan talaga nila.
Nakabusangot na rin yung girl sa kabilang team. Siguradong napilitan
din yan. Natapos ang unang half ng laro at naka-upo na rin ako sa
wakas. Binigyan nila agad ako ng towel at inumin, pero gusto ko na
umiyak sa sakit ng paa ko. Another minute pa at mapuputol na ang
paa ko, promise.
“Freak.” Narinig kong tawag niya.

40
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Tumingala naman ako mula sa paghihimas ng paa ko. Freak, freak,


freak na naman!
“WHAT—.” Natigilan ako nang ibagsak niya sa tabi ko yung pair ng
rubber shoes. Napatingin ako sa paanan niya. “Teka!?” Napa-ayos ako
ng upo. “Eh ikaw?”
“Tss, just wear it.”
Sinuot ko naman at tinulungan ako nung ibang players na higpitan
yung tali para ‘di mahubad sa paanan ko. I’m ready to fight pero
napatingin ako sa Mokong na ‘to. So magpapaa na lang siya? Inalok ni
Adrian yung isa niyang sapatos pero tinanggihan niya. ARTE. Pero…
Fine! Thank you na rin.
Hala sige! Mukha na ‘kong hip-hop nito. Loose jersey at big size rubber
shoes!
Naririnig kong naiingit yung mga babaeng mga nanunood dahil sa
mga suot kong galing sa Captain at Heartthrob Ace player ng RD. ‘Di
lang nila alam, hirap na hirap na ‘ko.
Tinitingnan ko naman ang Mokong na ‘to na pa-ikot-ikot sa court
na nakayapak. Hindi ko na lang pinansin baka maguilty pa ‘ko. Kaya
nagfocus ako sa game hanggang sa maka-shoot ako ng napakarami na
siya namang ikinapanalo ng team.
“NADS! Panalo tayo!!” Sigaw ni Adrian sa’kin habang tumatalon-
talon at hawak ang magkabilang kamay ko. Pati tuloy ako napagaya
na. Nakakatuwa ang isang ‘to, laging masaya lang sabay tawa ng,
“BWAHAHA! Makapagheels nga minsan sa game!”
“Oo nga!” Natawa na lang ako.
Nagpalit na ‘ko ng damit pagkatapos, at hindi ko na sinuot ang heels
ko! This might be the last time na isusuot ko yan. Nightmare! Kaya
sinuot ko na lang yung rubbershoes ni Mokong kanina.
“Alis na ‘ko guys.” Paalam ko nang dumaan ako sa locker room nila.

41
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Oh teka, sama ka sa party.” Aya nung isang player.


“Ay, sorry, hindi kasi alam sa’min na nandito ako. Need ko na umuwi,
next time na lang.”
“Sige na, wag ng pilitin. Gabi na rin, salamat Nads. Treat ka namin next
time.” Si Sebastian.
“Bigyan kita ng isang-dosenang heels, Nads.” Sabay tawa ni Adrian.
“No thanks.” Nangingiting sabi ko.
“Bili ka, pupukol namin sa’yo isa-isa yun.” Sagot ni Luke. Tumingin
naman siya sa’kin. “Oh, hatid na kita Nads.”
Bago pa ‘ko makasagot may biglang pumasok sa locker room at
hinarangan ang tingin ko kay Luke. Kapre talaga!
“Are you done? Of course, you are. Let’s go.” Si Troy at saka niya kinuha
yung bagpack na dala ko at lumabas ng room.
“Uh? Sige, alis na ‘ko. Salamat.” Saka ako lumabas at hinabol siya.
Sumakay na ‘ko ng motor niya at iniyakap sa kanya ang magkabilang
braso ko. Ang totoo… Ngayon ko na naramdaman ang pagod. Buti
na lang, hindi na siya mabilis magpatakbo tulad kanina. Mabuti rin at
malapad ang likuran niya, masarap magpahinga.
Sana totoo na lang siya… Sana totoo na lang ang facebook boyfriend
‘ko. ‘I-la-like’ ko siya araw-araw minuminuto at hinding-hindi ko
‘i-she-share’, ever!
Umayos ako ng kapit sa kanya saka bumulong...
“Nakaka-inis ka Mokong…”
Inaantok na ‘ko, pero hinigpitan niya ba yung kapit ko sa kanya?
Whatever, pumikit na lang ako…

42
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Chapter 6: KV KV KV

What’s on your mind? > Ang lalaking hindi mo gusto, nilalayuan…


HINDI NILALAPITAN!

“So anong nakakatawa sa nangyare sa’kin!?” Tanong ko sa kanila


habang hagalpak sila sa pagtawa diyan. Mga magagaling na kaibigan,
napakasupportive sa kalokohan ng iba.
Tinginan sila nang tinginan sa isa’t isa, parang may ‘di sinasabi. Hmm,
nangangamoy…
“Kasi naman, Nads. Ikaw na ang nag-iisang babaeng naglaro ng
basketball na naka-heels. Pero don’t worry, nagmahaba ka naman ng
hair during the game at napaglaro mo nang nakayapak si Captain Troy.”
Naalala ko na naman. Fine, natuwa ako pero kahit na!
“So paano ka nga ba naka-uwi kagabi?” Tanong ni Chris.
“Naka-uwi? Pano nga ba?”
“Para ka namang ‘na-hypnotize’ ni Troy. Hindi mo na alam mga
ginagawa mo.”
Alam ko… Hinatid ako ni Mokong. Tama… Hinatid niya ko tapos…
tapos? Anong sunod ng pagkatapos?
-=-
Kaka-uwi ‘ko lang ng bahay ng biglang tumunog yung doorbell
namin.

43
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Ako na Mi.” At lumabas ako papuntang gate. Pagkabukas ko naman,


“Luke!”
“Hi.” Bati niya.
“Naligaw ‘ka?” Tanong ‘ko.
“Ah, hindi naman. Sabi ‘ko, pupunta ako dun sa magandang player
namin kagabi , tapos dito ako napunta. I have sense in direction, I
guess.” Sabay ngiti sa’kin.
“Bolero. Siya, tara.” Pinapasok ko naman siya sa bahay.
“Nak, sinong dumating. Kuya mo na—.” Natigilan si Mommy with
matching titig sa kasama ko. “Anak, bagong bf mo?”
Umubo naman si Luke. “O-ho!” Biro niya.
“Hindi Mi!” Wish ko lang, wagayway flag pa.
“Anak, loyalty ang key sa relationship. Kahit na, uhmm, gwapo ang
kasama mo.”
“Salamat po.” Pabirong sagot naman ni Luke. Nako magkakasundo ang
dalawang ito.
“Ikaw talaga anak. Magkasunod mo pa silang dinala mo dito sa bahay
natin.”
“Magkasunod?” Ulit ko.
“Upo muna kaya kayong dalawa.” Napa-upo na rin kami sa sofa.
“Kagabi kaya, inihatid ka ni Troy dito. Pagod na pagod ka nga ‘nak.
Sa’ng sakahan ka ba nagsaka at para kang lantang gulay na bitbit ni
Troy kahapon hanggang kwarto mo.”
“Kwarto?” Ulit ni Luke.
“Oo, nako. Kasama niyang umuwi ang boyfriend niya.” Sabi ni Mommy.
“Mabait na bata.” Bata? Laki-laking tao nun.
“Si Troy po?” Tanong ni Luke.

44
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Ah, oo? Bakit ‘nak?” Tumingin sa’kin. “May iba pa ba bukod kay son-
in-law?”
“Son-in-law!?” Pagtatakang ulit ni Luke. Samantalang ako naman ay
speechless.
“Dito ko pa nga pinatulog—.”
“Mommy!!” Saka ako natauhan. Nakakahiya na kay Luke! Hindi ko pa
rin kasi nasasabi kay Mommy na FBBF ‘ko lang ang Mokong na yun.
Natawa lang si Mommy. “Hindi ko naman kayo pinagtabi. Alam ko
naman ang hormones, masyadong aktibo kaya sa kwarto ng kuya mo
siya pinatulog. Wala naman ang kuya mo.”
Napahawak na lang ako sa noo ko at napayuko sa hiya. Susme Mommy,
hormones!? Hormones sa harap ng lalaking ito!? Sa harap ng crush
‘ko? Yeah, crush ko nga ang may nakakamatay na ngiting lalaking ito.
“Sige, iwan ko na nga muna kayo. Kukuha ako ng meryenda.” Tama
yan Mommy!
Nakahinga na ‘ko nang maluwag. “Pagpasensyahan mo na si Mommy.”
Segunda ko.
“Wala yun. Nakakatawa nga… Hormones?” Biro ni Luke sabay tinging
maloko sa’kin.
“Luke naman, eh.” Saway ko.
“Biro lang. Pero si Troy ba talaga yung tinutukoy ni Mommy mo?”
“Hindi ko rin sigurado, pero mukhang siya nga.” Siya lang naman
tinatawag na son-in-law ni Mommy, sure na sure. Ang ‘di lang alam ni
Mommy halos maputulan ako ng paa dahil sa kanya.
“Wala lang, ang alam ko hindi naman totoo ang pagiging in-relationship
niyo sa FB ‘diba?”
“Oo naman.” Ikaw nga ‘tong mas gusto ko, eh.
“Hindi naman kasi napapatulog sa ibang bahay yang si Troy lalo na

45
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

kung hindi niya gusto ang tao. Ni hindi ko pa rin nakitang binuhat ni
Troy si Madeline.” Napatingin siya sa watch niya. “Kung nagkataon,
ikaw pa lang.” Tumingin siya sa’kin.
“Ah?” Sabay tawang pilit. “Buti na lang hindi ko alam. Buti tulog ako.”
Sabay tawang pilipit. Ehe-ehe-ehe.
“Namumula ka.” Sabi niya at napahawak ako sa mukha ko. “Joke.”
“Luke naman, eh!”
Tumawa siya. “Wag mo ng pansinin yung sinabi ko.”
“Pero Luke, bakit ba parang galit na galit yung Captain niyo nung
nagbreak sila nung gf niya. Eh, no offense, mukha namang manloloko
yung girl.” Anong mukha? TALAGANG manloloko yun.
“Kahit ako, ayoko sa isang yun. Pero, siguro natanga lang si Captain
nang mawala ang mother niya. Saktong namang dumating ang
Madeline na yun.”
Mother ni Mokong? Bakit? Ano bang nangyari—.
“Gusto mo magtanong kung anong nangyari, ‘no?” Si Luke habang
nakatingin sa’kin.
“Ah!? Hindi kaya.” Tanggi ko. Inis naman ‘tong si Luke. Nababasa ako
lagi. Try mong basahin ang heart ko, hinihiyaw ang name mo.
“Ayoko sanang pinag-uusapan ang tungkol sa mga kaibigan ‘ko ng
hindi nila alam, kaya mas mabuting sa kanya mo na lang tanungin.”
“Nako, hindi ‘ko tatanungin ‘no. Hindi naman ako interesado.” Pero
bakit nga kaya? Ay ewan!
Ngumiti lang si Luke na akala mo nababasa na naman niya ang nasa
utak ko.
“Teka, Nads, mahuhuli na ‘ko sa practice namin.”
“Aalis ka na agad… Ah teka, tama ba’ng rinig ko, your name is Luke?”
Si Mommy habang may dalang juice.

46
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Opo, Luke nga. Pasensya na Tita, talagang dumaan lang ako rito para
tingnan kung sa’n nakatira si Nads.” Kinuha pa rin niya yung baso ng
juice at straight na ininom. At pagkatapos ay iniabot kay Mommy ang
baso sabay sabing, “Luke Sandoval po, Engineering student, third year
college sa Austine University. Only son ng pamilya namin at wala pong
girlfriend.” Sabay ngiti niya.
Mukhang natuwa naman si Mommy kay Luke. “Kung walang boyfriend
ang anak ko, iisipin ‘kong nagpopropose ka na, Luke. Buti ka pa, Tita
ang tawag sa’kin. Si Troy kasi, ma’am. Ginawa pa kong prof niya. Oh
siya, sige, balik ka rito and have dinner with us.”
Kahit alam niyang hindi ko naman bf for real si Mokong, hindi siya
umapela sa sinabi ni Mommy at nag-smile lang. “Gusto ko yan, Tita.
Sige po, I’ll be looking forward to that dinner.”

-=-
Umalis na si Luke at saka ako napa-isip sa sinabi niya tungkol kay
Mokong. Concern ang kapre? Eh ano naman kung concern siya? Tao
naman siya kaya normal lang sa tao ang maging concern sa iba. Unless,
hindi siya tao o hindi siya normal, or both.
“Oh.” Nandito pa pala ‘tong rubber shoes niya. Dapat kinuha na niya
‘to kahapon bago siya umalis dito sa bahay.
Kinuha ko yung rubbershoes niya at nilagay sa plastic. Kinuha ang bag
ko at bumaba ng hagdan. Siguro, dapat ko na ngang lubayan ang lahat
sa taong yun nang hindi ko siya isipin. Mahirap na…
“Hep! San ang punta natin? Kauuwi mo lang.”
“Ah… May isasauli lang?” Sabi ko pagka-angat nung plastic na hawak
ko.
“Kanino?”
“Kay Mokon—Troy.”

47
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Ah, sige. You may go.” Sabay balik kung sa’n man galing si Mommy.
NGANGA ako eh.
Basta kay Mokong, okay lang. Ibang klase…
-=-
Tumawag ako kay Sandy pagkalabas ko ng gate.
“Sandy, alam mo ba kung san yung Austine University?”
Uuyy… What’s with that University?
“May ibabalik lang akong gamit.”
Kay Troy?
“Free ka’ba?”
Super. Wait me, I’ll be there in… Two seconds.
Two seconds? Bigla na lang may bumusina sa’kin. Inihinto ko na yung
call.
Tumakbo ako papunta sa sasakyan niya. ”Anong ginagawa mo rito,
ah!?”
“Sakay muna bago sagot, Nads.” Sumakay naman ako at pinaliwanag
niya along the way kung bakit siya nando’n sa’min kaagad. Gusto raw
niya kasing may-overnight sa’min dahil wala siyang magawa sa bahay
nila. Sila lang kasi ng Kuya Roy niya ang magkasama. Tapos busy pa
si Kuya Roy sa pag-aasikaso ng business nila kaya laging alone ang
Dyosa. Ang dad niya? Ah, nasa ibang-bansa. Wala na rin akong balita,
basta galit siya dun.
Pagkarating namin ng Austine. “Okay, balik ko lang ‘to, ah. Mabilis
lang. Super.” Sabi ko.
Pagkadating ko sa gate. Pinapasok ako agad ni Manong Guard. Ako
daw ba yung girlfriend ng Sir niya. Sir? Nakakatawa naman kung sina
Troy ang may-ari nito. Nagkamali lang siguro si Manong. Gabi na rin
kasi at wala ng estudyante sa paligid.

48
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Pero sabi ni Manong nasa gym daw ang team, nagpapractice.


Tuloy lang ako sa paglalakad, sinusundan ang ilaw papuntang gym
nang biglang may naramdaman akong sumusunod sa’kin.
No girl, no stalker, killer, rapist—please!
Lakad, sige, lakad lang Nads.
Hanggang sa napatakbo ako at bigla na lang ay humatak sa’kin sa isang
gilid ng building. Takip-takip ang bibig ko at halos nakayakap na siya
sa’kin para pigilan ang pagpupumiglas ‘ko. Pagpupumiglas? Hindi
naman ako nagpumiglas. Ang bango kaya nitong humatak sa’kin at
ang muscle, achieve na achieve!
Ay hala Nads? Kiligin sa dilim with a stranger?
“Just stay here, understand?” Biglang sinabi ng lalaking ‘to pagkaalis
ng takip sa bibig ko.
“Huh?”
“Tss! Stay here!” Sigaw niya at bigla akong natameme. Umalis siya at
tumakbo sa kung saan.
Stay? Para akong aso, ah!? Nagstay naman! Teka, aso? May naalala ako
ah.
Stop sniffing me like a dog.
Hanggang sa maya-maya, may narinig akong umiling sa sakit.
“Sir! Sir! Roving guard po ako rito! Kala ko po kasi ‘trespasser-
magnanakaw’ kaya sinundan ko siya.”
Napalabas ako sa lunggang kinatatayuan ko. At saka ko siya nakita, si
Troy!
Habang hawak sa kuwelyo yung lalaki. Binitawan naman niya at saka
may sinabi sa lalaki at umalis naman ito agad-agad.
Papalapit na sana ako sa kanya ng… “You!”

49
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Me?”
“Who else do you think I’m talking with?” Tanong niya. “What are you
doin’ here at this hour? Huh!?”
Antipatiko talaga. “Wala naman! Napadaan lang at naisipan ‘kong
itapon ‘tong rubbershoes mo.” Sabay hagis nung plastic na may laman
sa rubbershoes niya.
Tinalikuran ko siya. Inis na yan. Magpapasalamat pa sana ako kaso ang
lakas makasigaw eh. Wag na lang!
“Freak!”
“Freak your face.” Bulong ko habang naglalakad pabalik sa
pinanggalingan ko.
“Freak!!” Sigaw pa niya.
Manigas ka.
“Nadine!”
Napahinto ako. Tinawag niya ba ‘ko sa pangalan ko?
“Freak.”
“Ay buwiset.” Sabay lakad.
“Stop!” Sabay harang sa daraanan ko.
“Ano!?”
“I don’t know. Just… Tss! Let’s go.” Sabay hawak niya sa’kin sa kanang
kamay habang hawak niya sa kabilang kamay niya yung plastic na may
sapatos niya.
Sa gym naman, napahinto silang lahat pagkakita nila sa’ming dalawa ni
Troy. Anong problema nila? “Hi?” Bati ko.
“Ah, Nads!” Si Luke. Lumapit siya sa’kin at saka naman bumitaw sa’kin
si Troy.
“Parang kanina lang nagkita tayo.”

50
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Oo nga eh.” Sagot ko. Lumapit din sila Sebastian.


“Nagkita kayo?” Tanong ni Sebastian.
“Ah, pumunta ako sa bahay nila Nads. Wala lang naman.” Sabi ni Luke.
Napatingin naman sa’min yung team. Alam naman siguro nilang laro-
laro lang yung relationship status ko sa Mokong nilang Captain, ‘no?
Baka isipin nila ang dami kong lalaki, eh.
“Oh mga tingin niyo, p’re.” Si Luke. Tumingin na lang siya sa’kin. “Bakit
ka nga pala nandito, Nads?” Pag-iiba niya ng mood.
“Oo nga. Kanina sabi ni Captain, may nakalimutan daw siya then
lumabas ng gym. Pagbalik, ikaw na ang kasama. Ikaw ba’ng nakalimutan
niya?” Si Sebastian. Issue naman ‘tong isang ‘to oh. Pero kaya naman
pala ganoon mga reaksyon nila pagdating namin ni Mokong sa gym.
“Sosoli ko lang yung sapatos na pinahiram ni Troy,” Sabi ko.
“Sana hindi ka na nag-abala. Hindi na niya isusuot yan,” Si Luke.
Lumapit si Adrian sa’kin at pabulong na sinabi. “Takot sa alipunga si
Captain. Bwahaha! Pero joke yan.”
Eh sus! Eh bakit si Madeline? Gamit na ng iba, gusto pa rin niya?
“Ah, sana pala hindi na.” Sinagot ko na lang.
Hanggang sa napatingin ako sa ibang players na napatingin sa isang
direskyon, kaya napatingin na lang din ako. Eh!? Nagsusuot ng rubber
shoes si Troy. Yung dala ko.
Pagtapos niya ay tumayo siya at tumingin sa’min.
“What’s with the stares!? Got a problem?”
“No captain!” Sabay iwas nila ng tingin.
“Wala… wala talaga.” Sabay ubo nung iba.
“Stop that nonsense talk of yours and get back to the game. Move!”
Sigaw niya.

51
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Asus, sinuot naman niya. Wag na intrigahin, baka mausog!


Tumingin naman sa’kin si Troy. “Freak, stop thinking anything, just
think nothing.”
“Oo na! Yes, captain.” Tss! Sabi mo, eh.
Nagpractice sila at ako naman nanood lang sa kanila. Na-enjoy ko
naman ang panunood sa kanila dahil nakakatuwa naman silang lahat.
Mas nagugustuhan ‘ko pa tuloy ang basketball dahil sa team nila at
hindi dahil sa team ng school namin.
Nakalimutan kong may sarili kaming Basketball team—teka!?
Nakalimutan?
OH-MY! Si Sandy! Nakalimutan ko na!
Tinawagan ko siya.
“Sandy! Hello, sorry nakalimutan ko!”
Inuugat na ko dito Nads. Mga ilang dekada pa hihintayin ko?
“Sorry talaga girl! Teksa sasabihi—.”
Ayii… Bakit? Ayaw ka bang paalisin ni Troy?
“Hindi ‘no! Kasi nga—.”
“NADS!!!” May sumigaw ng pangalan ko kaya napalingon ako.
“Huh—.”

52
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Chapter 7: For Real?

What’s on your mind? > Ang salita ng pakipot, pwedeng


magsinungaling… Pero ang titig mo sa’kin, gusto ng umamin!

Ang sakit ng ulo ko. Bakit ganito, may bumayo ba sa’kin? Grabe
naman sila, ako talaga ang target? Unti-unti kong minulat ang mga
mata ko. Napapalibutan ng puting kulay ang paligid pero maya-maya,
nakakita na ‘ko ng iba pang kulay. May flower vase na nakapatong sa
maliit na lamesa sa gilid ko. May mga sofa sa ‘di kalayuan at may… May
tao akong naaninag sa ‘di kalayuan!
Ipinikit ko ulit yung mga mata ko at saka iminulat ulit.
Nakatalikod siya sa’kin. Babangon na sana ako kaso… Bigla siyang
humarap sa direksyon ko. Kaya playing dead ang drama ko.
“Hindi man lang umiwas, tss!”
Teka, si Mokong ba talaga yung nagsalita? Tagalog yun, ah? Siya ba
yun—NADS! Nagkaganito ka na’t lahat, siya pa rin ang laman ng
utak mo. Dapat na mas tinatanong ko ngayon ay kung nasa’n ang mga
kasama ko!?
Bakit ako iniwan sa isang ‘to? Eh kung patayin ako nito?
At ano nga bang nangyari!?
Napakunot ako ng parang may humaharang sa paghinga ko. I mean,
parang may nakaharang sa mukha ko—.“AHH!” Sigaw ko at saka ko
siya itinulak palayo sa’kin.

53
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Umupo ako nang maayos habang hawak yung kumot kalapit sa’kin.
“Anong—anong ginagawa mo, ah!?” Napatingin ako sa paligid. Na’sang
bahay ba ‘ko!?
Nakatitig siya sa’kin habang hawak niya yung labi niya with his thumb.
ANONG PROBLEMA MO, WAG MO ‘KONG GANYANIN! Baka
bumigay ako…
Papalapit siya sa’kin kaya mas inangat ko yung kumot sa baba ko.
“Ano ba! Sisigaw talaga ako, ayoko ng ganyang biro!”
“I’m not joking?” Habang papalapit siya sa’kin. With that voice which
can make you gigil!
“Ano ba, Mokong naman kasi, isa!”
“Two.” Sunod niya. At itinukod niya yung kanang tuhod niya sa kama
para makabend-down siya sa’kin.
“Tatlo, Mokong—.” Napahinto ako ng bigla niya namang itinukod sa
gilid ko yung kanang kamay niya at sa kaliwang gilid ng pader, kalapit
sa mukha ko, yung kaliwang kamay naman niya. Napakalapit ng
mukha niya sa’kin!
“Four…”
Napapikit ako bigla habang papalapit siya. Pero sa sumunod niyang
sinabi… Napataas ang isang kilay ko.
“Got you.” Sabi niya. Got you? Wala pa nga eh—.
“HAHAHA!” Malakas na tawa niya. Napamulat ako ng mga mata
ko. Nakita ko siyang nakangiti at napatingin sa’kin. OMG, mas
gumagandang lalaki siya kapag nakangiti siya.
“Alis nga!” Sabay tabig ko sa kanya palayo. Napa-upo naman siya sa
bandang paanan ko. “Nakaka-inis ka. Bakit ba ikaw ang nandito, nasa’n
ba ‘ko!?”
Natawa na naman siya sabay sabing, “Sorry, it’s just that, oh God.”

54
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Tumawa na naman siya. “You’re freaking funny, Freak.” At tawa na


naman siya. “You got me there, really.”
Nako! Kung ‘di lang talaga ako nahahawa sa sigla niya sa pagtawa,
magagalit ako sa kanya, eh. Kaso, first time ko naman kasi siyang nakita
na ganyan. Parang… Ngayon nga lang ata siya nakatawa ng ganyan.
Naalala ko na naman yung sinabi ni Luke about sa mother niya.
“Do you think, I’ll be doing something you want?”
“Sige lang, itawa mo yan. Maubusan ka sana ng hangin, Mokong ka.”
Ganti ko sabay higa at taklob ng kumot.

Teka? I’LL BE DOING SOMETHING YOU WANT? At ako lang talaga


ang may gusto!? Insultuhan ng pagkababae!?
“Hey freak, are you mad?” Natatawa-tawang sabi niya. Nakatalukbong
pa din ako.
Ibato ko kaya yung vase sa kanya? Try lang?
“Stop calling me freak!” Sigaw ko.
“Yes, Freak?”
“Inis.” Bulong ko. Saka ko inalis yung kumot at tumingin sa kanya.
“Can you please get out?”
“You’re mad…” Sabi niya na satisfied naman sa expression ko.
“Yes! So stop bothering me, get out! Please!?” Sumasakit ulo ko.
“Sorry.” Halatang insincere na sabi niya.
“No.” Sabi ko saka ako nagtalukbong ulit ng kumot.
“Yes?”
“I said no.” Naradaman kong lumapit siya ng pag-upo mula sa bandang
paanan ko, papunta sa may side ng pinakakatawan ko.
“No apologies, are you sure?” Parang pabulong na sabi niya.

55
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Kinikilabutan ako sa boses niya talaga.


“Yes, get out.” Pumikit na ‘ko. Grabe ang isang ito.
“I don’t want to.”
Inis ang kulet.
“GET OUT—UHM!”
“I SAID NO—UHM.”
OMG, malaglag na lahat ng pwedeng malaglag—pero!?
Did we just… Kissed!?

Naglayo kami sa isa’t isa. Ako pahiga ulit, at siya padiretso ng upo niya.
Magkatinginan kaming dalawa. Bumilis ang tibok ng puso ko habang
nasa dibdib ko ang magkabilang kamay ko.
Ang alam ko lang… Aalisin ko ang kumot na nakatalukbong sa’kin
at babangon ako. Malay ko bang bubuksan niya din ang kumot ko at
‘magbebend-down’ naman siya sa’kin!
Napakagat ako sa labi ko at napatingin siya dun. Wrong move Nads.
“Okay! Nasa’n na ang natamaan ng bola—Ooops?”
Biglang napatayo si Mokong at nagtalakubong naman ako ng kumot.
OMG OMG OMG!
“Are we interrupting something?” Narinig ‘ko si Chris.
Sumagot naman si Sandy. “Of course we are—.”
“Yes.” Yes!? “No. I mean –I’m going.” Si Troy. At narinig ko na lang na
nagsara ang pintuan.
And seconds later, biglang nagtalunan sa kama itong tatlong ito.
“OY!!! Ano yun, ah!!??” Si Liz.
“Anong ginagawa niyo ng FBBF mo!?” Si Chris.

56
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Doing private things?” Si Sandy. Pagkasabi niya nun ay inalis ko yung


talukbong ko pero nakahiga pa rin ako.
“Hindi! Wala!” Napapikit ako ulit. Naalala ko na naman yung matang
nakatitig sa’kin kanina nang mangyari yun.
Ooh-my-gosh. Parang kinikiliti ang stomach ko. Kalma lang mga
bituka at balumbalunan! We can survive this.
“Epekto ba yan ng pagkakabato ng bola sa ulo mo, girl? Natutulala ka
na.” Sabi ni Liz.
Nakatingin lang ako sa kisame. Pagkakabato ng bola? Nga pala, siguro
nga nawala na ang sense of thinking ko kaya ganito ako ngayon. I can
still feel it. Hindi naman kasi dampi lang, it’s… I think parang saktong-
sakto kasi ang lips namin—Ay I don’t know!
“Brain tumor?” Si Chris habang umaayos ng upo sa kama.
Hindi naman kasi siya umalis kaagad! Siguro mga two o three o baka
four seconds?
“Blood clot?” Dagdag ni Liz habang tumabi sa pagkakahiga sa’kin.
Tumayo naman si Sandy at humalukipkip. “O baka naman, in-love?”
In-love? Tsss!
“Para kang natuklaw diyan.” Si Chris.
“Natuklaw nga…” Habang nakatitig sa kisame.
“Ng ano naman?” Tanong ni Liz.
“Ng gwapo, matangkad, mabango…” Dagdag ko.
“Pwedeng magpatuklaw din ako?” Si Sandy.
Tumingin ako kay Sandy. “Ayaw ko.”
“Teka-teka…” Awat ni Liz.
“Anong meron? Hindi kami maka-relate diyan.” Paghihimutok ni
Chris.

57
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Ang slow niyo naman.” Pang-iinis naman ni Sandy. “Eto nga kasi
yun…” Itinaas ni Sandy yung magkabilang kamay niya at saka isinenyas
ang kiss. Na-gets nga ng loka.
“Okay?” Si Chris.
“WHAT!?” OA na reaksyon na naman ni Liz. Lagi na lang…
“Na-gets niyo ba?” Tanong ni Sandy.
“Yes, naman.” Sagot ni Chris.
Lumapit naman nang mas malapit pa si Liz sa’kin at humawak sa
kanang balikat ‘ko.
“Oh?” Tanong ko dahil ang serious ng mukha niya.
“Bakit mo naman sinuko, Nads.” Emote nitong si Liz. Pinagsasabi nito?
Tahimik naman ang mga buhay naming tatlo nang bigla na lang
bumanat ‘tong si Liz ng, “Bakit mo naman sinuko ang PERLAS NG
SILANGAN mo Nads!”
Para kaming natameme sa pakakasabi ni Liz.
“Ano daw?” Si Chris.
“Anyare?” Ako.
“Should I knock some sense out of your head, Elizabeth Allen!?” Sabay
tingin sa kisame ni Sandy. “Pearl of the south? Seriously?”
“Bakit? Mali ba ‘ko!? Eh ano ba!?” Nagtatakang sabi ni Liz
“Girl.” Sabay hawak ni Sandy sa magkabilang braso ni Liz. “This,”
inangat niya yung right hand na iniarte niyang parang labi. “And
this…” At pati din yung left hand niya. Sabay pinagkiss ni Sandy. “Ibig-
sabihin nito… KISS! Loka.”
“Ah!? Kiss lang pala!?”
“Te, ospital ‘to hindi motel ah.” Sabi ‘ko.
“So ano na ngang nangyari sa inyo?” Si Chris. Aba, excited na sa details.

58
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

So nagkuwento ako ng nangyari. After that…


“LANDEEE….” Si Liz.
“Kurutin sa singit mamaya yan.”Si Chris.
“Ay ewan. Naguguluhan nga ‘ko, bigla na lang kasi siyang gaganon.”
Sabi ko.
“Come to think of it, girls.” Si Sandy. Ayan na siya sa mga kongklusyon
niya. Napatingin na kami sa kanya. “Don’t you think he has this real
intention na, you know? To kiss Nads—.”
“Ahhh!” Sigaw ko sa gulat. Tinulak ba naman ako ni Liz.
Sabay sabing. “Si Nads namumula!! Ang kire lang!” Sabay tawa.
“Tumigil ka, hindi ah!” Slight lang…
“Mukhang hindi naman siya nagsorry ‘diba?” Tanong ni Chris.
“Hindi—AHH! Isa na lang Liz!” Tinulak na naman ako.
Tawa naman nang tawa itong si Liz. “Eh kasi naman, halatang-hatala
na nagpipigil ka ng ngiti, Nads!” Sige sige! Wala na ‘kong matago sa
sarili ko, lagi ng nababasa nila!
“Right, the topic is very timing to what we’re about to show you, Nads.”
“Ano yun?” Tanong ‘ko.
Pumalakpak naman si Liz na parang mga mayayaman sa opera. “Show
her, please.”
Pumunta naman si Chris sa may pintuan at may kinuhang malaking,
ahh? Hugis square pero manipis lang… Ano yan? Saka tinulungan ni
Liz na buhatin ni Chris yun, kung ano man yun.
Pinatong nila sa kama ko.
“Actually may ‘i-co-confess’ kami sa’yo.” Si Chris.
“What?” Ako. ‘Di ko gusto ang mga tinginan ng mga ‘to, ah?
“Ang totoo niyan Nads, we’re there, you know?” Si Liz.

59
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Sa’n?”
“During your super duper mega bongga night mo sa Austine gym.” Si
Liz.
“WHAT! Nandoon kayo at wala man lang nagbigay sa’kin ng rubber
shoes!? Nasa’n ang mga konsensya niyo!??”
Sabay-sabay naman silang nagtawanan. “Sama niyo, ah. Ang sakit kaya
ng paa ko!”
“Okay lang yan. Minsan lang yun at nag-enjoy naman kami.” Dagdag
pa ni Liz.
“Well, ako, hindi ‘ko ‘na-enjoy’! Puro paltos kaya yung paa ko…” Ang
mga ‘to talaga.
“Okay sige, para ‘di ka na magalit. Eto, tingnan mo at wag kang kukurap
dahil you’ll love it.” Sabi ni Sandy saka lumapit sa hawak nila Chris at
Liz. Ano ba yan?
“I took them during the game.” Sabi ni Chris. “And lahat yan, for real.”
“Look Nads. 1—2—3 !” At saka inalis ni Sandy yung ballot na papel
nung dala nila Chris—ANO YAN!?

60
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Chapter 8: Not too late…

What’s on your mind? > Minsan, yung mismong taong ayaw mo,
siyang laging nandyan sa tabi mo. Kurutin sa singeeet! Londeee!

Teka, natulala ata ako sa nangyayari. Anong eksena naman iyan?


“Ano, nagulat ka ba?” si Chris.
“Hayaan niyo na at mukhang nagulat sa taglay niyang karisma.” Si Liz.
Nakatingin ako ngayon sa picture frame na ito. Tama, at nakalagay dito
ang tatlong picture during the game. Pinagdikit-dikit nila into one, to
be exact.
“Edited ba yan?” Tanong ko habang nakatingin pa rin.
Yung unang picture sa bandang right ay yung scene na nadulas ako at
tinutulungan ni Luke. Medyo malabo ang focus sa’min dahil ang focus
ay na kay Mokong! Na ang sama ng tingin sa direksyon namin? At
bakit naman!?
Yung nasa left naman ay ang picture nung pinapahiram ako ni Troy ng
rubber shoes niya. At si Luke naman ang nakatingin sa’min!
At ang pinakamatindi sa lahat ay ang center picture!
As in, havey na havey sa karisma dahil yun ang picture ko nung time-
out at nagpapahinga. Parehas silang nakatingin sa’kin habang nakatayo
sa magkabilang gilid ko. Si Troy habang umiinom ng Gatorade niya, at
si Luke naman habang nagpupunas gamit ang towel niya! Nakatingin

61
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

sila sa direksyon ko!


“So, anong ibig-sabihin nito?” Sabay tingin sa kanila.
Sabay-sabay silang nagtinginan sa taas na parang hindi nila ma-take
ang sinabi ko.
“You know? Hindi ka naman tinitingnan ng ibang players tulad ng
pagtinging mapang-akit ng dalawang yan. If all of you know what I
mean.” Si Sandy sabay libot ng tingin sa’ming tatlo.
“We know what you mean, ewan lang kay Nads.” Si Chris.
“So laitan?” Tunog nakaka-insulto ang batuhan ng lines. Medyo ‘di ‘ko
lang sure?
“That only means…” Si Liz.
“HINDI—SILA—INTERESADO—SA’YO!” Sabay-sabay dapat?
“So anong ibig niyong sabihin? Panget ako!!??”
“Hindi naman Nads. Walang panget sa earth, you know? Nagkataon
lang na ang tinatawag na mga panget ay hindi marunong mag-ayos
at sadyang mapanglait lang ang earth sa kanila habang nag ‘se-self-
pity’ sila. Samantalang pwede naman silang gumanda.” Sabi ni Sandy.
Maganda yan, pero kahit kailan hindi ‘ko narinig na nanglait ng kapwa
ang isang yan. “At ikaw!”
Ngumiti naman ako. Pupurihin na nila ang kagandahan ko, sa wakas!
“Hindi ka pangit pero hindi ka rin naman dyosa.” Si Sandy.
“Isa ka lang namang babaeng napakahaba ng hair!” Sigaw ni Liz.
“Correct.” Sabay tango ni Chris.
Grabe namang makapuri itong mga ‘to. “Thanks.” Sabi ko.
“Na-gets mo ba kung bakit namin sinabi yun?” Tanong ni Chris.
Habang nakangiti pa din. “Ah, pinupuri niyo ‘ko?”
Sabay-sabay namang nag-iwasan sila ng tingin sa’kin. Problema ng

62
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

mga ‘to?
“Pigilan niyo ‘ko guys. Please…” Si Sandy.
“Relax Sandy. We’ve already accepted the fact na ganyan ang nature
ng pag-iisip ni Nads. Medyo laanan mo pa ng ilang minutes for her to
absorb and understand. Make conclusions and get shock. Ok?” Sabi ni
Chris.
“Nads, ibig-sabihin may gusto sa’yo yung dalawang hotties ng RD!
Kamandag mo ‘te, pasahod please?” Si Liz.
“Nads, remember! Ang guys, hindi yan tumititig sa isang babae without
any purpose.” Si Sandy.
Okay? Mukhang magtake-down notes pa yung dalawa. “First, ang guy,
titingin yan sa’yo dahil may nakikita silang mali sa’yo. May dumi ka
sa mukha? Or pwede ring hindi ka niya gusto kaya tinititigan ka niya
nang masama. It’s a bad omen stare in short.”
Masama ang tingin sa’kin nung dalawa? “Parang ‘di naman…” Bulong
ko sa sarili ko.
“And next, pwedeng kakilala ka ni guy kaya nakatingin siya sa’yo.
Familiar face, you know?”
“Pamilyar?” Tanong ko. Well, medyo magkakakilala na kami sa mukha
kaya hindi yan ang dahilan.
“Third one, nakikipagflirt.” Sabi ni Sandy. Bigla naman akong nangiti
at agad din naman akong tinabig ni Liz.
“Nawiwili ka ah.” Babala ‘ko.
“Haller! Wag kang feeling kase, Nads. Nakikipagflirt? Sa gitna ng
game?” Katwiran naman ni Liz.
“Kung sabagay…” Sang-ayon ko naman.
“So, let’s go to the fourth one, nagagandahan siya sa’yo kaya ka niya
tinitingnan. So skip na natin yan—.”

63
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“EH BAKIT NAMAN ‘I-ISKIP’!” Sigaw ko.


Tumawa naman sila. Mga masasamang kaibigan, pero mahal ko yang
mga yan.
“Nads, ang haggard kaya ng dating mo kahapon sa game.” Sabi ni Liz.
Tumango naman si Chris. “Pawis na pawis, ang gulo ng buhok, mabaho
ka na rin siguro, ah mukhang—.”
“Fine! Pangit na, pangit.” Diretso ko.
“Hindi naman girl! Ang rude mo sa sarili mo.” Sabay akbay ni Sandy.
“Medyo pangit ka lang naman nung time na yun. Chaka?”
“Thanks for your encouraging words.” Sabi ko. “So ano ng next?”
“Ang fifth ay dahil lang talaga sa wala sila sa mga sarili nila at napatingin
sila sa’yo.” Tuloy ni Sandy.
Hindi naman sila napatingin lang base sa mga pictures. Intentional ang
pagtingin nila sa’kin! Haba ng hair, iwas-iwas din baka maapakan.
“At ang huli naman,” tumingin sa’kin si Sandy. Eye to eye. “Malaki ang
tama nila sila sa’yo kaya nakatingin sila sa’yo. In other words, interesado
ang guy sa’yo!” Sabay tulak sa’kin na kamuntik ‘ko pang ika-hulog sa
kama. “Landeeee!!”
Habang sila ay kinikilig, ako naman ‘tong busangot na babangon sa
pagkakatulak nila. Minsan talaga ang sarap manghampas ng tao, ‘no?
“Lilinawin ko lang.” Sabi ko kaya agad silang natahimik sa kanilang
dreamy land. “Si Luke, napaka-friendly na tao no’n. As in, super. Nakita
ko siyang napakabait sa fans nila.” Nakatingin silang tatlo sa’kin at
tumango-tango naman ako. “Samantalang si Mok—si Troy naman…
Ahh, obviously… Galit ang taong yun sa’kin sa nangyari. Remember?
Nagbreak nga sila nung girlfriend niyang manggagamit dahil sa’kin.”
Tss! Pasalamat pa nga siya sa’kin at nagbreak sila. Magiging bright ang
future niya! “So, wala talaga.” Sabay ngiti ko.
Aba! Nagsabay-sabay ba namang nagtayuan at umalis sa tabi ko.

64
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“So, ano yan?” Tanong ko habang lahat sila nagbusy-busyhan at parang


walang narinig sa’kin.
“Pagbigyan ang manhid. NBSB alert,” si Liz habang nagbabasa kuno
ng magazine.
“Eh!?” Iling ko.
“Nads… lawak-lawakan mo ang imaginations mo.” Tumingin sa’kin si
Sandy. “Walang permanent sa mundo, laging may changes. Kaya kung
galit siya ngayon sa’yo o friendly friend man kayo ngayon, you’ll never
know… Baka siya pala ang destiny mo tomorrow.”
Sakto pagkasabi niya ng mga yun, may kumatok sa pintuan.
“May kumakatok ba?” Tanong ni Liz.
“Aaay… Wala Liz, wala. Ayan oh,” eh may kumakatok pa rin. “Wala
talagang kumakatok.” Sarcastic na sabi ni Sandy.
Tumayo naman si Liz. “Okay, wait lang, pagbubuksan ko lang ng
pintuan.”
“Ay girl, wag. Pagsarhan mo dapat friend.” Sabay tawa ni Sandy.
“Minsan may taglay ding kapenchayan ‘tong si Liz.”
“Che!” Sigaw ni Liz habang nasa pintuan na siya.
Ay nako, hindi ko na tuloy natanong kung nasa’ng bahay ba ko. Ang
laki nitong kwarto, hindi naman ’to sa kwarto nung tatlo.
Patakbo namang bumalik si Liz sa’min.
“Uy! Uy! Uy! Teka, may mga matatangkad, gwapo, at mabangong lahi
ng kapre sa labas.” Nangingiting sabi ni Liz.
Lahi ng kapre? Isa lang naman ang alam ‘kong lahi ng kapre ah… ‘Di
kaya?
“Ay teka, pagbubuksan ‘ko.” Si Liz sabay balik sa pintuan.
“So binalita niya lang talaga.” Sabi ni Chris.

65
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Calm down, we have a great deal of patience with our friends.”


Nagkasundo ang dalawa.
Hanggang sa nakita ko na pumasok na ang grupo nila Luke, Adrian,
at Sebastian. Sabi na eh… Nagpakilanlanan naman sila pagkapasok. At
eto, ang dami nilang dala para sa’kin. Kala mo naman ‘na-ospital’ ako.
“Hey Nads, we’re about to leave na rin naman. So dito ka muna sa mga
new friends mo. Nice meeting you, boys.” Sabi ni Sandy. Habang sina
Chris naman, sinesenyas na nakatago sa ilalim ng kama yung frame.
Delikado pag nakita.
“Ingat kayo, girls.” Sabi ni Luke.
“Yeah, we will.” Sagot ni Sandy. Umalis na rin sila.
Maya-maya naman… “Nads, sorry talaga sa nangyari, ah?” Sabay
kamot ni Adrian.
“Asus, ayos lang yun sa’kin.”
“Sa’yo ayos na. Kay Captain, hindi pa.” Natatawang sabi ni Sebastian.
“Bakit naman?” Ano na namang gusto ng Captain na yan.
“Pinaglinis ako ng buong gym, ng locker room, at lahat ng gamit sa
gym. Anak ng tinapa, ginawa ‘kong boy eh.” Reklamo ni Adrian.
“Bakit mo sinunod yung isang yun?” Nabato daw kasi ako ni Adrian ng
bola habang naglalaro sila.
“Nako! Mas sinusunod ko pa nga si Captain kaysa sa nanay ko!” Sabi
ni Adrian.
Napakunot naman ako ng noo. Ganoon na lang ba sila takot sa Captain
na Mokong na yun? Pero kung iisipin mo Nads, ah… Nagalit kaya
siya dahil nasaktan ka? As if naman, naalala ko pa kung paano siya
kapursigido na mag-explain ako sa EX niya. Ano ba kasing meron dun
eh ang—.
“Anong iniisip mo?” Nabalik ako sa mundo bigla nang ilapit ni Luke
yung mukha niya sa’kin. Face to face. Tumingin siya sa’kin na parang

66
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

walang tiwala. “Iniisip mo ba si—.”


“So kumain na ba kayo?” Tanong ko.
Ngumiti lang si Luke. “Hindi pa naman. Ayos lang, nakita na naman
kita.” Sabay layo nung dalawa na parang ayaw marinig yung sinabi ni
Luke.
“Didiskarte na lang, sa harap pa talaga namin.” Sabi ni Sebastian, sabay
upo sa sofa.
“Alis na tayo, Baste!” Aya ni Adrian.
“Ge, ‘kaw na lang.” Sabay buklat ng magazine ni Sebastian.
“Ayos ah. Bastusan pre.” Adik talaga si Adrian.
Tumingin naman sa’kin si Luke. “Wag mong pansinin yang dalawang
yan.”
Wag kang mag-alala, kahit ‘di mo sabihin… Sa’yo lang ako nakafocus.
“Nga pala Luke,” Umupo naman siya sa kama. “Kaninong bahay ‘to?”
Tanong ko.
“Bahay?” Ulit niya, kaya tumango naman ako. “Hindi ‘to bahay Nads.
Ospital ‘to.”
“Ospital!?” Nilibot ko yung tingin ‘ko. Ospital ba ‘to? “Eh? Sana sa
clinic na lang ako dinala.” Baka maubos pera namin pambayad dito.
“Nako! Sa bilis ni Captain, nagulat na lang kami nadala ka na niya rito.”
Si Adrian. “Alalang-alala—Uhmm.” Tinakpan naman ni Baste yung
bibig ni Adrian.
“Kaya ka napapahamak, masyado kang madaldal.” Si Sebastian.
“Kanila naman ‘to, kaya ayos lang yan, Nads.”
Sus, kanila naman pala ‘to. Bakit pa ‘ko nangangam—ANO DAW!?
Kanila ang ospital!?
“Ang totoo, kanila rin yung Austine.” Habol ni Sebastian. GRABE!

67
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

-=-
“Grabe naman pala sa yaman yang FBBF mo Nads!” Bulalas ni Liz.
Nandito kami sa University field, katatapos lang ng class. Nakuwento
ko kasi yung info na nasabi ni Luke.
“Kahit ako, nagulat.” Kaya siguro siya gano’n, he can get everything
that he wants. That explains siguro kung bakit makapag-utos na lang
siya, napakadominante. Che, dapat sa kanya magkagirlfriend nang
mas dominant sa kanya. Tipong patitiklupin siya sa mga pagsigaw-
sigaw niya.
“Nads, prospect na ba natin si Rich Guy?” Si Sandy.
“Excuse me, hindi ako gold digger. At mas mabuti pang maging lover
ng matandang mayaman, at least, madaling paamuhin at mahalin.
Kaysa naman sa kanya, mayaman nga, sagad naman sa muscle niya
ang pagiging bossy.” Sayang…
“Hindi mo pa siya kilala, wag kang magsalita ng tapos, Nads.” Sabi ni
Chris. May point siya.
Napabuntong hininga na lang ako. “Hindi ko kasi gusto ang mga tulad
niya.” Physically, napaka-attractive niya. Okay, aminado ako. Pero…
hindi na pwedeng puro pisikal na lang ang makita mo sa isang tao. I’m
looking for, “Something real…” Nabulong ko.
“Ano yun?” Si Chris.
Tumingin ako sa kanila. “Ah, wala.” Hindi ko siya gusto.
“Well, I’ve heard na may game ang RD ngayon. Who’s in? We’re late
but I guess we have to be there to show our support and friendliness.”
Si Sandy.
Nagtaas naman ng kamay si Liz. “I’m in!”
“Sure.” Sabi ‘ni Chris.
Gusto ‘kong makitang maglaro ulit ang team. Kalaban nila yung mga
antipatikong Sharks Aces na kalaban namin nung nagpustahan sila.

68
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Count me in.” Sagot ko.


“Then let’s go girls.” Aya ni Sandy.
-=-
Twenty minutes na lang at kami pa rin naman ang lamang. Kaso
may mali, sobrang may mali sa dalawa. Sina Luke at Captain kasi,
mukhang konting udyok na lang at nangangamoy rambol na ang game
na ‘to. Ano pa nga ba ang gagawin ng Vice na katulad ko? Sebastian to
the rescue nanaman…
Kanina kasi, papunta kaming tatlo sa CR nang napahinto kami sa
labas ng pintuan dahil may narinig kaming bumanggit ng team name
namin mula sa loob.
“Oo pre, babae ng Red Dragons yun.”
“Sayang, mukhang ‘di ko ata makikita yun ngayon. Trip pa naman ni
Captain yung babae.”
Hindi ko nakuha kung sino yung tinutukoy nila nung una, pero nung
narinig ko yung sumunod na usapan nila, hindi lang pala ako ang
nagngingitngit sa galit, pati yung dalawang kasama ‘ko na rin pala.
“Palaban ang mga gusto ni Captain. Masarap daw kasi pabigayin sa
kama.” Sabay tawanan nila.
“Kaso baka nagalaw na ng RD yun.”
“Okay lang, parehas lang yun.”
“Kung ibibigay sa’yo ni Captain.”
“Edi ako naman pagkatapos.”
Sabay na papasok dapat sina Luke at Captain pero pinigilan ko sila
kahit maski ako, kating-kati na para gisingin sa kahibangan nila ang
mga players na yun. Mga walang modo!
Lalo na nang marinig namin yung huling sinabi nila bago sila lumabas.
“Pustahan na lang kung sino ang unang maka three point shot. Open ang

69
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

condo ko, be the first to taste.”


Pagkalabas nila, hindi nila kami napansin at tuloy-tuloy lang silang
naka-alis. After the game… Yun ang nasa utak naming tatlo.
“Galingan nila dahil may paglalamayan sila after the game.”
“They can taste the hell from me.”
At sabay silang umalis na dalawa, bitbit ang napakadilim na aura.
Kaya nga eto ngayong matatapos na, konti na lang… Pero
nararamdaman ‘kong may hindi makakapagpigil. Lagot na…
“NUMBER 1, RED DRAGONS, OFFENSIVE FOUL!” Bigkas ng
referee.
Si Captain ang tinutukoy niya.
Lumapit yung Captain ng Aces sa Captain namin. “Sinasadya mo ba,
ah!? Kanina ka pa, ah!” Kanina pa rin kasi nakakakuha ng violation sa
pambabalya si Captain.
Nakatitig lang si Captain sa kanya. Pero halata na ang pagpipigil sa
kilos niya. Lumapit sa’kin si Adrian.
“Oy Baste, anong meron?” Habang nakatingin kami parehas kay
Captain. “Ang moody ni Captain, period?”
“Gusto mong murahin kita? Humanda ka lang diyan.” Sabi ko.
“Magkakagulo.” At saka nag-umpisa na naman ang game bago pa
makapagsalita si Adrian.
Hindi pa man nagtatagal, si Luke naman ang nagkaroon ng violation.
“Ref! ‘Di mo ba nakita, nananadya na yung team nila—.”
“Nag-iisip ka ba!? Basketball ‘to, hindi tennis. Malamang na
magkakabalyahan tayo.” Si Luke. Patay na, nawala na ang coolness
nitong isang ‘to.
Nagkakatinginan na kaming team, naamoy na rin nila ang madilim na
aura nung dalawa. Buti wala si Manager ngayon, delikado.

70
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Iba ang game sa boxing pre—.”


“Wag mo ko matawag-tawag na pare, pwede!?”
May lumapit na referee sa kanila pero sa sumunod na nangyari, wala
ng paki ang team kung mapaalis kami sa game o hindi. Ang mahalaga,
mapigilan yung dalawa.
Nagulat na lang ako, nakabulagta na sa lapag yung captain nung
kabila. “I don’t a give sh*t with your f*ckin’ name, just leave her alone!”
Nagsilapitan na yung ibang players ng Aces na nasa bench at ano pa
nga ba, pati ang amin, sumunod na.
Bago pa nila makanti si Captain, nasa harapan na nila ang team. Patay
na naman kay Manager. Bahala na.
“Masyado ninyong pinagtatanggol ang babae niyo—.” At isang solid na
suntok ang ibinigay sa kanya ni Luke.
“Sige salita pa! Walanghiya, salita pa!” Sigaw ni Luke.
Bigla ‘ko na lang nakitang binato ni Captain ng bola yung captain nung
kabila. Sapul sa ulo! Tsk!
Habang nakatingin naman si Captain Troy dun sa target niyang
nakabulagta sa sahig. Biglang naman ‘tong napaturo kay Captain sabay
sabing “Malala nang sapak mo sa ulo! Ipapakulong kita!” Eh, masyado
ata siyang nagulat sa ginawa ni Captain sa kanya. Buti nga at yun lang
ang ginawa sa kanya, pasalamat pa siya.
Aktong lalapit naman si Captain dito kaya napa-atras yung isang yun
mula sa pagkaka-upo niya habang takot na nakatingala kay Captain.
Pagkahinto ni Captain. “Stop talking, let’s do the bleeding now—“ At
nag-umpisa na nga. Patay na.
“Oy teka—.” Aawat na sana ako nang bigla akong pinigilan ni Adrian.
“Hayaan mo sila Baste, ang saya oh!” Sabay tawa.
“Sasabihin ko kay Manager, ikaw promotor!”
“Peace lover ako! Tara!” Aya niya bigla. “Pigilan mo si Captain, ako

71
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

bahala kay Luke.”


Naghiwalay na kami at sinubukan ‘kong pigilan si Captain kaso, parang
huli na ata. Iniisa-isa na ni Captain yung players nung kabila.
“Oy! Anong ginagawa niyo diyan!?” Sigaw ko sa ka-team ko na parang
nag-aabang lang.
“Ah? Eh abang-abang lang ng gaganti kay Captain. Kaso mukhang
kayang-kaya na.”
“Nasa’n ang popcorn!” Sigaw nitong isa. Mga loko talaga.
Nang may lalapit na kay Captain, biglang nagpulasan na ang mga ‘to sa
kanya-kanya nilang eksena.
“Sabi ko pigilan hindi makigulo!” Sigaw ko.
Sa kabila naman.
“Adrian ano ba?! Bitawan mo ‘ko kung ayaw mong ikaw ang
mapagbuntungan ko!” Sigaw ni Luke kay Adrian habang pinipigilan
nito si Luke mag-amok. At napahawak na lang ako sa ulo ko bigla.
Aba’t binitiwan nga ng loko si Luke!
“Madali akong kausap pare! Ge! Sa kanila mo ibunton lahat, wag lang
sa’ken!” Sigaw ni Adrian.
May mga dumating na security at lahat ng lumapit kay Captain,
nadisgrasya pa. Nasampolan ni Captain kaya napatakbo ako dun sa
kawawang referee na umaawat.
“Ref!” Sigaw ko na napa-upo sa lapag.
“Umaawat lang ako, oh. Anak naman ng tinapa yang Captain niyo oh.”
“Sorry Ref, nakablue ka kase. Napagkamalan.” Matatawa ba ‘ko sa
nangyayare?
Etong mga team mate ‘ko naman, mga patawa din ang mga loko.
“Oy! Tama na yan!”

72
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Sabing awat na eh!”


“Don’t you know peace, men!?”
Sabay hatak sa Aces na susugod kay Captain. Kala ko aawatin, yun
pala sabay suntok palayo kay Captain. Habang yung mga nanunood,
naglabasan na dahil sa gulo.
Hindi na ‘ko nakisali sa kanila, tinawagan ko na lang si Mr. Hans at pati
na rin ang ospital para magpadala ng ambulansya. Hindi para sa team
mates ko, kung hindi para sa team ng kabila.
Ngayon lang ulit nakipag-away ang dalawang yan. At ang masama, sa
magkaparehas pang dahilan. Si Nads…
-=-
Ano ba naman ‘to, ang sakit na ng dila ko, ah. Kanina ko pa nakakagat,
nagdudugo na nga ata, nasa daan pa lang kami. Sinu-sino ba ‘tong mga
nakaka-isip sa’kin at panay na panay ang pagkagat ko sa dila ko? Ay
ewan.
Eto at palakad na kami papasok sa gym ng Austine, dito kasi sa home
court nila ginawa ang game. Kaso parang tapos na ata kasi naglalabasan
na yung mga tao.
“Grabe, panalo na sana, eh.” Narinig kong sabi nung isang grupo na
palabas.
“Nakakatakot si Captain.”
“Eh si Luke nga, ngayon ko lang nakita na nagkagano’n.”
Eh? Captain? Luke? RD ba ang tinutukoy nila? Talo ba sila? Nako,
tatawanan ko si Mokong kapag natalo sila. Kaya lang nahinto ang
kalokohan ko nang makapasok na kami sa mismong gym.
Napatigil kaming apat sa paglalakad ng tumambad sa’min ang court
na napakagulo. Mga long table at upuan na nakataob, at may mga
naglilinis ng—dugo? Sa mismong sahig ng court.
“Wait, what’s happening?” Nagtatakang tanong ni Sandy.

73
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Basketball ring o Boxing arena?” Si Liz.


“Uy, Nads!” Sigaw ni Chris nang umalis ako bigla.
Lumingon ako saka ko sinabing,“Sandali lang, pupuntahan ko lang
sila! Locker room!” Sigaw ko.
Nakakakaba naman kasi kung anong nangyari rito. May nangyari
kayang masama sa team? Eh, si Luke kaya ayos lang? Yung Mokong?
Sus! Kapre siya kaya siguradong okay yun.
Papunta ako sa locker room nila. Titingnan ko lang naman kung
anong nangyari. Kaso biglang may lumabas sa unang locker room na
nadaanan ko. Tatlong lalaki, players sila to be exact. Shark Aces, yun
ang nakalagay sa jersey na suot nila. Lalagpasan ko na sana sila nang
bigla nilang hinarangan yung daraanan ko.
“Ikaw yun eh,” sabi nung isa. Napatingin naman ako sa kanila. Anong
sinasabi nito?
“Oo, siya nga yan.” Dagdag pa nung isa. Tatalikod na sana ako kaso
bigla akong hinatak nung isa pa, kaya napaharap ako ulit sa kanila.
“Ano ba!” Hinila ko yung braso ko sa pagkakahawak ng kamay niya.
Pero bigla namang hinawakan nung isang lalaki yung baba ko gamit
ang isang kamay niya. Iniharap niya yung mukha ko sa kanya.
“Kaya nagkagulo kanina dahil sa’yo, alam mo ba yun, ah!?”
Inalis ko yung kamay niya pero bigla akong hinawakan nung dalawa
sa magkabilang braso ko. “Ano ba! Ano bang problema niyo?! Bitiwan
niyo nga ako—UHMM!!” Tinakpan nila yung bibig ko habang
nagpupumiglas ako sa kanila.
Hinimas naman nung isa yung ulunan ko. “Mamaya ka na sa kanila,
sa’min ka na muna. Ssshhh.”
“Tara na sa loob. Mabilis lang.” Sabi nung may hawak sa’kin.
Nilibot ko yung tingin ‘ko sa paligid. Pero lumalabo yung mata ko
dahil natatakpan ng pangingiyak ko. Ano ba! Wala bang ibang tao!??

74
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Pinasok nila ako sa kwartong pinanggalingan nila kanina. Walang tao


sa loob. Inurong nila yung mga mahahabang upuan at saka nilapit
yung malaking table. Binuhat ako nung dalawa, saka nila ako inihiga
sa lamesa.
“Ano ba—AH.” Parang naubusan ako ng hininga nang sikmuran ako
nung isa. Nagdilim ang paningin ko, ninakawan ako ng lakas sa isang
suntok lang nila.
“Gusto pang nasasaktan.”
Umiiyak ako dahil natatakot ako. Natatakot ako kasi pinatay nila yung
ilaw at wala ako masyadong makita. Naramdaman ko na lang na may
nakawak sa magkabilang braso ko at may humahatak ng binti ‘ko dahil
sinusubukan kong sumipa.
“Bilis na pre, ako next.”
Next!? Isusumbong ko kayo sa Kuya ko! Humanda kayong lahat!
Mommy!
“Tama na!!” Sigaw ko nang maramdaman kong may tao na naka-
ibabaw sa’kin. Naramdaman kong may nagbubukas ng butones ng
blouse ko. Umiiyak ako dahil wala akong magawa. Kala ko malakas
ako, hindi pala. “AAHHH!!!” Sumigaw ako nang pilit na sinira nila
yung damit ko. Alam ‘kong nakabukas na ‘to kaya nanlamig yung
buong katawan ko sa takot.
“Mabilis lang, babe.” Naramdaman ko yung mukha niya sa leeg ko pero
agad siyang napahinto nang may marinig silang kumakalabog. Iyak
ako nang iyak, natatakot ako… Yun ang totoo.
“Hayaan mo na yan p’re, bilis na.”
Kaya agad na hinawakan ng isa sa kanila yung damit ko para tanggalin
kaso sumigaw ako… Sumigaw ako para huminto sila.
“TAMA NA SABE!!!” Nangingiyak na sabi ko.
“I want that scream later—.”

75
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Isang napakalakas na kalabog ang nagpatigil sa kanya. Hindi ko alam


pero hagulgol ako nang hagulgol. Mukha akong tanga… Mukha akong
baliw…
Nagsalita yung lalaki pero naputol din. “Sh*t, yung captain—.” Ang
sumunod na narinig ‘ko nalang ay kalabog ng mga nagbabagsakang
gamit at nag-iilingan sa sakit. Nakapikit lang ako at hindi gumagalaw
sa pwesto. Nanginginig ako sa takot.
Pero maya-maya, may humawak ng magkabilang braso ‘ko kaya napa-
iwas ako.
“Tama na…” mahinang sabi ko habang umiiyak. Hindi ko siya
nakikita, madilim pa din kahit may liwanag akong naaaninag mula sa
pintuang nakabukas. Humigpit yung hawak sa braso ko at tinulungan
akong maka-upo. Hindi ko magalaw yung magkabilang kamay ko,
nanginginig. “Ayoko…” Bulong ko.
Pero naramdaman ko na lang na hinawakan niya yung magkabilang
dulo ng damit ko at saka niya isinira sa harapan ko para takpan ako.
Hinawakan ko naman para hindi na bumukas ulit, at literal, umiyak
ako.
Alam kong ligtas na ‘ko…
“Sorry, I’m late.”
Hinawakan niya yung isang kamay ko na nasa lap ko.
“Freak.”

76
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Chapter 9: FORSAVINGMYLIFE—YUCK!

What’s on your mind? > Yung taong lagi mong tinatanggi… Pero lagi
mo namang iniisip! Yan tayo eh…

“Captain! Ayos na! Nasa ospital na sila.”


“Tsk tsk, mga loko. Sabi ko, tumulong kayong pumigil hindi tumulong
kayong makigulo.” Sebastian said.
“Kung sinabi ba naman ni Captain, edi sana nakapaghanda ako baka sa
punerarya na sila nadatnan. Bwahaha!”
“Adrian, sa pagkakantanda ko, nasa kabilang gilid ka at nanunuod sa
bugbugan.”
“Aba syempre! Kailangan niyo ng reserbang gwapo kung ‘di niyo na
kakayanin. Kala ko nga bibigay na kayo. Handang-handa pa naman
ako. Bwahahaha!”
I stood up and about to leave ng tawagin ako si Sebastian. “Captain,
teka. Dito ka na lang kaya muna, baka madagdagan nanaman ang
mapapa-ospital natin niyan.”
“I’m done.” For now. I’m not in the mood for talks. Hindi ko gusto ang
takbo ng utak ko ngayon dahil kay Freak. I haven’t even got a time to
think before I acted strange. Ang alam ko lang, she’s a BIG TROUBLE.
Tss!
“Nice warm-up, Captain.” Luke said.

77
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Tss.”
“Oh ayan, may kumakatok na. Baka si Manager yan, ‘wag ka muna
umalis Captain, paano naman kami?”
They opened the door and unfamiliar face showed up.
“Hi.”
“Uy, sina Sandy.” Adrian said.
“Aba, aba, hindi pwedeng hindi niyo kami ipakilala.”
“Tama yan.”
Tumayo si Sebastian at lumapit sa pintuan. “Nandito rin pala kayo. Tsk,
mukhang pangit ang unang larong nakita niyo sa’min.”
“Ah, actually. Hindi nga namin naabutan kung ano man ang nangyari.
We’re late, sad to say.”
Luke walked near me and said, “Mga kaibigan ni Nads.”
Freak’s friend… So, is she here? Better not to know what caused this
mess, or else she’ll freak out. Tss, freak.
“Hmm, nasa’n si Nads?” The other lady asked.
“Si Nads?” Sebastian repeated. “Bakit sa’min niyo tinatanong? Hindi ba
kayo ang magkakasama?”
“Hindi. Sabi niya didiretso siya rito sa locker room niyo.”
Sebastian looked at us with that expression, worried.
“Nakaalis na ba yung bus nug kabila?” Luke asked.
“Nandito pa tol,” he said while looking at the window.
“Baka naman naligaw lang si Nads papunta dito?”
“Nakapunta na si Nads dito, ‘di na siya maliligaw.”
“Baka nag-CR?”

78
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Uhm, tinawagan na namin kanina kaso hindi sinasagot. Kala namin


nakikipagkuwentuhan lang sa inyo. Teka? Ano bang nangyayari?”
“Bakit ganyan mga reaksyon niyo? Hey guys?”
“Tss.” Then I passed through them and I heard someone said…
“Tawagan niyo muna yung phone ni Nads uli.”
Here we are again Troy. Hindi ka na naman nag-iisip and we’re now
looking for that freak! And I don’t even know why, tss!
I looked in every room I’ve passed through but nothing’s there. The
next room was lock so I went to another door to search, until I heard
a scream.
“AAHHH!!!”
I got a cold feet hearing that scream. Bumalik ako sa pintuang nakasara
and thumped that fucking door where I heard that hell of a scream. I
stopped ‘coz no one answered, but then another scream came and it
alarmed all senses in me.
“TAMA NA SABE!!!”
Forcefully, using my body, I whacked that door in just one blow.
Madilim, I can’t see anything at first. Pero nung maka-adjust ang
paningin ko and see clearly what’s inside, the hell with darkness. I’ll
kill them all.
“Sh*t, yung captain—.”
I didn’t know how many, numbers doesn’t matter now. One, two, three,
hell even if they’re in hundreds, I don’t f*ckin’ care ‘coz all I know is
that Im’ giving them the hell they want now. Umiiling sila but all I can
here is her sobs like a small freaking cat.
Lumingon ako, even if it’s dark, I know it’s her who’s lying on that table,
helpless.
I’m done with them, but not with her.

79
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Lumapit ako and held her shoulders. She tried to move away but I held
her still, firmly. She’s shaking and forcing herself to stop from sobbing.
I don’t know, but it kills me hearing her sobs. I don’t even know why,
and that’s something I have to find out.
Her blouse is messed up, and that’s enough to give those men another
round of hell but I chose not to dahil hindi yun ang mahalaga for now.
Isinara ko yung damit niya and she hold it still para hindi bumukas.
Then she started to cry. She’s terribly crying. Hindi ‘ko alam kung
pa’no, but I have to assure her first that she’s safe.
I’m here…
“Sorry, I’m late,” I hold her hand. “Freak.”
She’s now safe.
-=-
Ano daw? Anong sabi ng isang ‘to? Pamilyar ang boses kaya natauhan
akong bigla.
“Freak, stop crying.”
“Huh?” Teka, sino ba ‘tong—wag mong sabihing—
“Freak, you’re safe. I’ll kill them if you want, but stop crying first, it
annoys me.”
“MOKONG!” sigaw ko. Bigla ‘kong hinigpitan yung kapit ko sa blouse
ko.
“Tss, and she’s back.”
Naiiyak ako lalo. Bwisit… Bakit sa napakapangit na pagkakataon
siya ang dapat makakita sa’kin?! I’m so malas. “It annoys you, edi—”
Pinipigilan ko yung paghagulgol ‘ko. “E-edi umalis ka!”
“What? Tss! You can’t even say thank you and now you’re asking me to
leave? Hey, stop crying, I told you—”

80
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Sa naiiyak ako! Bakit ka ba nandito kase,” nahihiya ako sa itsura ko.
“I don’t even know why. Tss! You’re always the cause of trouble, of
mess, and what’s next!?”
“Edi sana hindi ka pumunta dito kung ayaw mo sa’kin!”
“Did I say anything like that!?” Meron nga ba?
“Wala! Pero inaaway mo ‘ko!” Sumisigaw ako dahil mas gumagaan ang
pakiramdam ko. Nararamdaman kong nawawala ang panginginig ko.
Kahit na hindi ko siya nakikita ng maayos dahil madilim, alam kong
magkaharap lang kami.
“What the—I’m not even mad!”
“Sumisigaw ‘ka!”
“Sh*t, you’re killing me—I’m not screaming freak. You, you’re the one
who’s—”
“Pinapatigil mo ‘ko umiyak—”
“’COZ YOU’RE SCARING THE HELL OUT OF ME! NOW, NOW
I’M SCREAMING, FREAK.”
“Ah, is everything alright?”
Si… Si Sandy?
“We’re good.” Biglang sabi ni Mokong at nagbukas yung ilaw.
Nagliwanag ang paligid at unang bumungad sa’kin ang mukha ng
nagngangalit na Troy Harris Smith. Pero ilang segundo lang ay parang
nawala ‘to nang pagmasdan niya ‘ko.
“Tss.” Hinubad niya yung red varsity jacket niya at saka nilagay sa lap
ko. “Freak.”
Tinalikuran niya ‘ko at papasalubong naman sa kanya sina Luke.
“NADS!!!” Sigaw nila Liz.

81
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Nakita kong tinapik ni Adrian sa braso si Troy at parang umiwas ‘to.


Parang nagsorry ata si Adrian at may sinabi si Baste kay Troy pero
umalis na din pagatapos.
“Nads to earth, are you okay?”
Napatingin ako sa kanila. “Uh?” At ‘di ko na namalayan na isinuot na
ni Luke yung jacket na iniwan ni Troy sa’kin. Binitawan ko na yung
blouse ‘ko pagkasuot niya nung jacket.
“Ayos ka na ba?” Tanong ni Luke na nakatayo sa harapan ko. Tumango
lang ako.
“Sige labas lang namin ‘tong mga ‘to.” Narinig kong sabi nina Adrian.
Titingnan ko sana pero nagsalita si Luke para hindi na ‘ko mapatingin.
“Sorry, ‘na-late’ kami. Buti nakita ka agad ni Troy.” Seryosong sabi niya.
“Nako girl, papakulong ko yang mga yan!” Sabi ni Sandy.
“Wag na! I mean—hindi na kailangan…” Alalang sabi ‘ko. Ayoko na.
Ngumiti naman si Luke. Parang may kung anong yumakap sa’kin sa
ngiti pa lang niya. “Kami nang bahala. ‘Wag ka na mag-alala, Nads.”
Hindi na nga kaya…?
-=-
Ilang araw na rin ang nakakalipas simula ng incident na yun sa
Austine. Nakarecover naman ang peg ko, buti na lang talaga walang
over na nangyari. Hindi nga rin nalaman ni Mommy, nako, maloloka
lang yun. Naikwento sa’kin nila Sandy kung bakit nagkagulo sa game
last time. Nalaman kong ako pala ang dahilan.
Tsk, pa’no na yan. Ako pa ang dahilan ngayon ng pagkakagulo nila.
Kaya siguro nagagalit siya.
“I don’t even know why. Tss! You’re always the cause of trouble, of mess,
and what’s next!?”

82
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Kaya hindi na ‘ko nagparamdam sa kanila muna. Nahihiya ako sa


nangyari. Tsaka, wala namang dahilan para magpakita, ‘diba?
“Alis ka na, baby?” Si Mommy.
“Opo, late na nga ko ‘Mi, eh.” Habang nagsasapatos.
“Ah, Nadine nga pala.”
“Hmm?” Tugon ko habang nagsisintas ng sapatos.
“Nung isang araw, nalabhan ko yung isang blouse mo. Tapos…”
Grabe, huli na ko nito sa class.
“Sira-sira yung butones?”
Napatingin ako kay Mommy. Hala ka! Hindi ko ba natapon yung damit
ko? Nagpalit ako ng damit bago umuwi nun, ah? Nadala ko pa pala.
“Ah, kasi—” Nako, ‘di kaya alam na niya? “Kasi Mi…”
“Baby, may nangyari ba?”
“Ano po, ahh… Nagharutan kasi kami nila Sandy, eh. Ah, ayun,
pinagtulungan nila ako.” Sabay tawa nang alanganin.
“Ah,” para siyang nakahinga nang maluwag. “Kala ko kasi hindi na
napigilan ni son-in-law ang hormones—”
“MAME!”
“Ay anak!” Sabay tawa. Kala ko naman alam na niya, nako, mas malala
pa pala ang iniisip! “Akala ko lang naman…you know? Getting wild?
Yung mga butones naman kasi anak. Buti na lang hindi. I know na
hindi mo yun gagawin. Just askin’ lang naman. Tsaka ang tahimik mo
kasi Nadine, I’m not used to it.”
“Maloloka ako sa inyo Mommy.” Getting wild? Sa Mokong na yun?
“Anak, sige na… Pumasok ka na, ah? Nagbibiro lang ang Mommy.”
Ano pa nga ba…

83
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

-=-
“So, ang aga pa. Sa’n tayo?” Tanong ni Liz.
“Kain tayo girls. Nagugutom na ‘ko.” Aya ni Sandy.
“Tara sa Austine!” Sigaw ni Liz. “Hanapin ang RD.” Loka talaga.
“I want something Yummy…” Si Sandy.
“Oohh…” Reaksyon ni Liz. “Me, I want something hot… How about
you, Chris?”
“Basta masarap.” Sabay ngiti na lang sa kalokohan nung dalawa.
“Edi RD nga yan. Ikaw Nads? Anong gusto mo?”
“Ako?”
“Ay hinde, siya, siya, baka siya. Inis, sakit sa bangs ni Nads.” Si Liz.
“Patience… Patience is a virtue, Liz.” Si Sandy. “Nads, Sweet or spicy?”
Sabay ngisian nilang tatlo. Anong problema nila?
Sweet o spicy? Hmm… Ano nga ba? “Pwedeng both?” Undecided eh.
Aapela na sana yung dalawa nang biglang magring yung cellphone ko.
“Si Luke.”
“Sweet is calling,” sabi ni Sandy.
Huminto kami pagkarating sa harapan ng mga sasakyan nila. Sweet?
Kung sabagay si Luke. Eh yung spicy?
“Luke.”
Hi Nads. Aah, busy?
“Hindi naman…”
Ah, nangangamusta lang. Okay ka na ba?
Three days na rin kasi ang nakakaraan, ‘di kami nagkakausap. Well,
Nads, kailangan araw-araw nag-uusap kayong dalawa?

84
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Oo naman. Ah, kayo? Yung team? Ayos na ba?”


Oo naman, bakit—teka? May sinabi ba sina—
“Alam ko na kung bakit nagkagulo. Sorry Luke ah, nakakahiya sa team.”
Narinig ko na na naman yung napaka-carefree na tawa niya.
Wala sa’min yun. Ibig kong sabihin, hindi mahalaga yung game.
Mahalaga, naturuan ng leksyon ang mga sira-ulong yun.
“Kahit na…”
Basta, wala yan. Ayos lang.
Eh kay Troy kaya? Siguradong inis yun kasi nadisqualified yung game
nila.
“Ah si… Si Captain niyo? Sigurado—”
Si Troy, siguradong wala rin sa kanya yung kinahantungan ng game.
Sa’ming lahat, yan ang pinaka confident na kahit hindi pa kami
nakatuntong sa court, panalo na kame. Sabay tawa ni Luke.
“Mokong talaga.” Bulong ko.
Gusto ko nga sana pumunta sa inyo ngayon dahil sa alok ng Mommy
mo noon. Tutal, wala kaming practice dahil nasa ospital si Captain. May
gagawin ka pa ba?
Ang Mokong na yun nasa ospital? Tinablan siya ng sakit?
Nads?
“Ah, Luke. Talaga, wala kayong practice…” Ulit ko.
Oo, may iniinda kasi si Troy after nung nangyari sa gym. Ewan ko lang
kung ano. Kaya walang practice.
After nung nangyari sa gym? ‘Di kaya yun yung nakita ko bago siya
umalis nung kwarto?
Mukhang busy ka pa ata Nads. Sige, next time na lang ako pupunta.

85
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Huh!? Ano, teka—”


Ayos lang, baka magulat din si Tita kapag dumating ako nang walang
pasabi.
Nakakahiya, nawala ako sa sarili ko habang kausap ko ang nilalang na
‘to. “Next time Luke, ako pa magluluto, promise!”
Narinig ko na naman siyang ngumisi. Sige, aasahan ko yang luto mo.
Una pa ‘kong makakatikim ng luto mo sa’min pag nagkataon.
“Sasarapan ko promise.”

Nang matapos kaming mag-usap, nilapitan naman ako nung tatlo at


niyugyog ako ni Liz.
“Anong problema mo girl!!! Bakit mo tinanggihan ang isang Luke
Sandoval!!!”
“Yung totoo Liz, nahihilo ako.” Saka huminto si Liz. “Kalma, may next
time pa.”
“Kakanext-time mo, baka wala ng sumunod diyan.”
“At tsaka, hindi naman ako tumanggi ah?”
“Hindi ka lang sumagot kaagad. Feeling na niya, for sure, ayaw mo.”
Si Sandy.
“Hindi ah!” Tanggi ko naman. “Teka? Narinig niyo ba usapan namin?”
“Te, naka-loud speaker ang phone mo. Panong ‘di namin maririnig?”
Si Liz.
“Lutang na siya.” Si Chris.
Nakaloud-speaker ba, hindi ko na namalayan ang ginagawa ko.
“Ano ba kasi yang nasa isip mo at nawawala ka sa sarili mo ah?”
Tanong ni Chris.

86
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Tinapik-tapik naman ni Sandy sa balikat si Chris. “Girl, hindi ‘ano


ang nasa isip’, ang tanong diyan ay kung ‘ano ba ang nasa puso’ mo at
nawawala ka sa sarili mo?”
“Bulls eye.” Say ni Liz.
Puso ko?
-=-
Nakaka-limang minuto na kong nakatayo dito sa tapat ng ospital
nila. Hindi ko alam kung papasok ako o hindi. Ang sabi ni Luke,
nandito raw yung isang yun. Nagbabaka-sakali lang naman na dito ko
siya makikita sa ospital nila. Siyempre, pupunta pa ba siya sa iba? Pero
teka… Na-confine ba siya? Check-up? Kapre siya, dapat sa albularyo
na lang siya nagpunta.
Nang ma-feel kong mukha na kong ewang nakatayo sa harap ng
ospital, pumasok na ‘ko sa loob at tinanong ko kung may nakaconfine
sa pangalan ng Mokong na yun. At laking gulat ko nang sabihin nung
staff na meron daw! Teka? Seryoso ba yung nangyari?
“Ah, okay na raw po. Pwede na kayong pumunta.” Sabi nung nurse sa
front desk.
Hindi kasi ako agad pinayagang pumunta sa kwarto niya. Bilin daw kasi
yun nung maarteng kapre na yun, eh. Ah basta, ‘di lang ako mapalagay.
Feeling ko ang laki ng kasalanan ko sa Mokong na ‘to.
Pinindot ko yung doorbell ng kwarto niya pero walang nagbubukas ng
pinto. Binuksan ko yung pintuan, aba nagbukas naman. Tuloy ako sa
loob at alam kong ganito yung itsura ng kwarto ko nang ma-confine
ako rito.
“Hmp, tulog naman pala.” Sabi ko. Nakasideview siya sa parang
likod niya ang nakaharap sa’kin. “Buhay pa.” Bulong ko. Tumalikod
at naglakad nang konti para bumalik na dahil mukhang okay siya,
kaso parang may kung anong kumiliti sa kalamnan ko nang marinig

87
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

ko yung boses niya. NADS! Konting timpi ng pagkababae. Ngayon ko


lang kasi ulit siya narinig!
“For interrupting me, it’s your fault again.” Humarap naman ako sa
kanya at this time, naka-upo na siya habang naka-crossed arms pa.
Parang ayos naman siya ah? Ang gwapo pa nga niya—whatever.
Nakalong sleeves siyang blue na may black stripes at nakukumutan
yung kalahati ng katawan niya.
Lumapit naman ako at nag-crossed arms din. “Gising ka naman pala.”
“Tss, obviously.”
“Philosophy ang major mo ‘no?” Pwede na niyang tapatan si Bob Ong,
PiKong—Pilosopong Mokong! Tss.
“No,” Asar. Sumagot pa talaga.
“Sige, mukhang ayos ka naman. Mabuti yan, alis na ‘ko—”
“Why are you here, Freak?”
Nasasanay na ‘tong isang ‘to ah. “Pwede ba!? Do not call me Freak.
How many times do I have to tell you this? ”
“Forever. So why are you here?”
As if na forever ko siyang makikita. “Tinitingnan ko lang kung gaano
ka na kalala. Sayang, mukhang hindi naman, kaya uuwi na ‘ko—”
“Is that it?”
Ngumiti naman ako sa tanong niya. “Why? Are you expecting
something else?”
“Don’t hurt yourself, Freak. Stop dreaming while your two eyes are
open, tss.”
“Che, ah basta.”
“Then why are you here?”

88
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Thank you.” Mabilis ‘kong sabi.


Napataas yung kilay niya. “For what?”
Oo na, alam kong dapat noon ko pa ‘to ginawa kaya lang kasi, galit
‘tong isang ‘to sa’kin eh. Mokong kasi yan.
“For…” Yuck, ang corny naman kung sasabihin ‘kong for saving my life.
Uwian na ang corny… Ano namang sasabihin ko?
“For what, Freak—”
“FOR SAVING MY LIFE!” YUCK! LAMUNIN NA ‘KO NG LUPA!
Bakit yun ang sinabi ko?!
Habang nangingiti naman siya. “For saving your life, uh…”
Umiwas ako ng tingin. Bwisit naman ‘tong Mokong na ‘to. Nakatitig
lang sa’kin na para akong batang sinusuri ng teacher niya.
“Babawiin ko na, for distressing my life na lang!” Sabay harap ko sa
kanya.
“I think, I should be the one who’s saying that. Don’t you think?”
Nagbuntong hininga na lang ako. “Okay, fine. Sorry.”
“For what?”
“Inis, kailangan ba laging may dahilan? Hindi ba pwedeng tanggapin
mo na lang para bawas stress?”
“Everything has a reason.”
“But not all reasons are worth knowing, okay!?”
“Non-sense.”
“Alam mo, may mga bagay na tinatanggap na lang at hindi na
kailangang alamin ang dahilan. Dahil kapag inalam mo pa ang dahilan,
dun ka lang maguguluhan. Mas mabuting wag na lang, kuha mo?”
“Knowing everything is what I’m good at.”

89
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Asus! Eh hindi mo nga alam na playgirl ang girlfriend—” Okay? Spell


madaldal, N-A-D-S. “I mean, gosh, ang dami mo kasing tanong eh! ”
“Yeah, you’re right.”
“Ah?”
“Are you deaf or nut headed?”
“Assasin, I’ll kill you.”
“Tss. Im saying that, I’m wrong with Madeline. She’s not the same
person I think she was before.”
Tumango naman ako. “Nagpaloko ka nga kasi eh.”
“Maybe, somehow.”
“Hindi ka nga kasi marunong mag-isip eh—”
“Don’t insult yourself, Freak.”
“Alam mo, dapat na pinagagamot mo? Yang ugali mo. If I know,
nagpapanggap ka lang na may sakit eh—” Natigilan ako nang bigla
niyang ‘inangat’ yung suot niyang long sleeves sa kanang arm niya.
Napatitig ako sa braso niyang may benda. “Anong—anong nangyari?”
Napatingin ako sa kanya.
Naalala ko na naman yung naging pag-iwas niya sa pagtapik ni Adrian
sa braso niya. At yung… Pinto. Don’t tell me… Siya lang nakasira ng
pintuan? Naalala kong tanong ni Sandy nang makita naming sira yung
pintuan sa locker room kung sa’n niya ‘ko nakita.
Binaba na niya yung sa long-sleeves niya. “It’s just nothing, but I’m not
acting either.”
Lumapit ako sa kanya saka ko hindi napigilang i-angat yung long-
sleeves ng shirt niya. Iiwas sana siya kaso hinayaan na niya ‘ko. Buong
arm niya merong benda.
“Bakit—dahil ba sa’kin—”

90
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Tss, it’s not because of you Freak. It’s…” It’s ? “It’s the door’s fault.”
Natawa ako bigla kaya napatingin siya sa’kin. “What’s funny?”
Binitiwan ko yung long sleeves niya. “Ikaw. Para kang bata. Moody.”
“Ako?”
“Aba, nagtatagalog ka naman pala. Oo, ikaw nga. Kung tagalugin mo
na lang kaya ako—”
“No.”
“Siguro mangmang ka sa tagalog?”
“Tss, ‘wag kang magpatawa.”
Tumawa naman ako. “Nakakatawa ka talaga, Mokong. Para kang bata.
Sinabi ko lang na baka mangmang ka sa tagalog, nagtagalog ka naman.
Ang taas ng ego mo ‘no?” Sabay tawa ulit.
“Freak…”
Tumawa pa din ako. “Ay nako, ‘wag ka ng magpanggap na malala.
Lalaki lang ang babayaran mo sa ospital—”
“It’s ours. Wala akong babayaran, Freak.”
Natahimik ako. Nga pala.
“Tss.”
“Oo nga pala. Dito mo ‘ko dinala noon.”
“Yeah, always in trouble.”
“Ikaw na ang mayaman. Lahat na lang sa’yo, pati yung Austine sa’yo rin
daw. Anak ka ba ng Mafia? Baka naman pati bahay namin inyo na…”
Biro ko.
“Somehow.”
“Huh!?” Gulat ‘ko. Di nga!??

91
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“The lot is ours, the house is yours.” Seryoso siya!


“Grabe, pa’no mo naman nalaman yun? Lahat na lang inyo, ano na lang
‘di mo pagmamay-ari, uh!?”
“Ikaw…” Sabay higa niya. Ako naman nakatayo lang.
Ako daw!?
Umiwas ako ng tingin at saka naglakad papunta sa bintana at sumilip
sa labas.
“Ah, madilim na pala. Kailangan ko ng umuwi. Marami pa ‘kong mas
importanteng gagawin.” Sabi ko sabay bitaw sa kurtinang hinawi ko.
“Yeah, I have to rest.” Sagot naman niya.
Tumingin ako sa kanya pero kulang na lang tumalon pati ako dahil
nakatingin siya sa’kin habang nakahiga.
“Alis na ‘ko, Mokong.”
“You’ve already said that.”
“Ah? Ah, oo sige. Alis na ‘ko.”
“Tss, freak… Umalis ka na.” Sabi niya.
Tumalikod ako at naglakad papuntang pintuan. Pero huminto ako at
napatingin sa paligid. Wala man lang ibang gamit na dinala para sa
kanya ang mga kakilala niya? Tapos hindi niya pa maigalaw yung braso
niya, nakakaguilty. Ang loner ng taong ‘to.
“What now, Freak!?” Tanong niya. Napatingin naman ako.
“Wala man lang bang bumibisita sa’yo?” Tanong ‘ko.
“What?”
“Ang lupit mo kasi sa team mates mo, kaya ayan, pati sila ‘di ka man
lang binisita rito.” Kawawa naman ‘to.
Napa-iling siya, tapos… Ngumisi ba siya?

92
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“So, what’s your point?” Umupo na siya.


“Ah… pambawi sa mga ginawa ko. Ipagluluto kita.” Tsk, tsk, kawawa
naman siya. Walang bisita man lang. “Dadalhan kita ng pagkain dito.
Papagluto kita.”
“Baka lasunin mo ‘ko.”
“Pwede rin, papag-isipan ko—” Napatigil ako nang bigla siyang
bumaba sa kama niya at nagsuot ng sapatos niya. Nakatitig lang ako sa
kanya habang busy siyang inaayos ang gusot na damit niya. Teka—yung
braso niya ‘diba—tapos naka-confine siya rito—kala ko injured—.
Pagkabanat ng damit niya para tanggalin ang gusot, tumingin siya
sa’kin.
“Okay then, pupunta ako sa inyo to eat what you prepare—”
“No! ‘Wag!”
Nagpamewang naman siya. Ang gwapo… “Tss, now you’re acting
freak.”
“Ah?” Naguguluhan tuloy ako. “Ayoko, makikita ka na naman ng
mommy ko.” Hindi ko pa nga nasasabi na FBBF lang kita.
“So what?”
“So what!? Syempre—”
“Then to my condo. Hans!”
“Hans?” Napatingin ako sa likuran ko. Aba, may tao nga! I think nasa
around thirties na siya.
“Pick her up from their house, Saturday, ten in the morning.” Saka siya
naglakad, nilagpasan ako palabas ng pintuan.
Sinundan ko siya ng tingin. “Teka—Oy—”
Humarap siya sa’kin at saka sinabing. “You want me to taste your food,
okay then.” Saka siya lumabas ng kwarto. Ako itong blangko sa pagtayo

93
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

niya at paglabas.
“Kala ko ba… Kala ko naka-confine siya…” Bulong ko pero biglang
nagsalita yung Hans.
“Ah, hindi po siya naka-confine rito, Miss Castro.”
Tumingin ako. “Hindi?”
“Ang totoo po niyan, ayaw niyang pumunta rito. Pinilit ko lang po
talaga.”
“Eh!? Ang akala ko—”
Ngumiti naman si Mr. Hans. “Malakas pa rin po siya kaysa sa’kin.”
What!? Kala ko pa naman. “Eh bakit nandito siya sa kwarto?”
Ngumiti lang siya saka umaktong parang aalis. “Bakit nga!?” Pilit ko.
Humarap naman sa’kin si Mr. Hans at ngumiti. “Dahil po sa inyo.”
“Hans!”
Napatingin kami sa pintuan, si Mokong.
“Let’s go!”
Dahil sa’kin? Naguguluhan ako.

94
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Chapter 10: SINONG mas masarap?

What’s on your mind? > Aminin mo, minsan ka ring nagpa-impress sa


isang tao, ‘diba!? Achuchuchu!

Nandito ako ngayon sa sasakyan ni Mr. Hans at on the way na kami


sa bahay ni Mokong. Dala ko na yung lahat ng kailangan ko para sa
lulutuin ko mamaya para sa kanya. Well, mukhang kailangan kong
ilabas ang skills ko sa pagluluto. Humanda siya at makakalimutan niya
ang pangalan niya kapag natikman niya ‘to. Sasabihin niya, Hindi Troy
ang pangalan ko… Mokong. Pwede…
Yun nga lang, may isang problema. Pero sa tingin ko hindi naman
problema yun kasi magkaibigan naman silang dalawa. Bahala na nga…
“Malapit na po tayo, Ms. Castro.” Sabi ni Mr. Hans habang
nagmamaneho.
Sa may likuran ako naka-upo. “Ah, gaano na po kayo katagal na driver
ni Mok—Troy?” Wala lang, para lang mawala ang silent vibes. Ang
tahimik ni Mr. Hans, eh.
“Hindi po ako driver ni Sir Harris.”
Wow, Sir Harris. “Ah, eh bakit po—”
“Secretary niya po ako, Ms. Castro.”
Secretary na lalaki, makapangarap nga ng ganyang assistant. “Nadine
na lang po itawag niyo sa’kin,” Pwede ring Ligaya, joke. Ngumiti lang
siya. Kung hindi siya driver, teka, baka hindi sanay magdrive ‘to kaya

95
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

siya ang pinagsundo sa’kin ni Mokong!? Ang sama talaga no’n!


“Edi, ngayon lang po ulit kayo nagdrive?”
“Medyo lang po.”
“Me—medyo lang po?”
“Ah, pinasundo po kasi talaga kayo ni Sir Harris sa’kin.”
Asus, okay sige forgiven na siya. ‘I-feel-special’ naman pala dapat ang
peg ko.
“Ayaw daw po niyang may mangyaring masama sa—”
“Sa’kin po?” Gosh, nahuhulog na talaga siya sa karisma ‘kong taglay.
BANG!
“Sa ingredients na dadalhin niyo raw po.”
“Pakibilisan nga po ang pagdadrive at uupakan ko lang ang Sir Harris
nyo, Mr. Hans.” Bwisit talaga yun. Kala ko pa naman… Nakita kong
ngumiti si Mr. Hans.
“Pasensya ka na Mr. Hans, may sapak kasi ang Sir mo. Don’t worry,
hindi ko siya lalasunin.”
Ngumiti na naman siya. “Salamat po.”
-=-
Nakarating na ‘ko sa tapat ng condo niya. Nagbuzz na rin ako at
pinagbuksan naman niya ako kaagad. Napa-urong naman ako kasi
nakakagulat ang pagbukas niya ng pinto at… at kasi… Nads, lumunok
ka naman! Naka-black fitted sando lang siya at shorts. Wala na yung
benda sa braso niya kaya kita na yung biceps niyang—haay. Sabi nga ni
Coco Martin, yummy!
“Are you going to stand there all day?”
Natauhan naman akong bigla. “Nakaharang ka kaya. ” Nilagpasan ko
siya. “Kapre nito.”

96
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Para akong pumasok sa bagong mundo. Hindi ako OA pero OA na ‘ko


kung sasabihin kong ang super-duper ganda ng condo niya! Parang
siya, ang macho! Black, white, red and yes, so bachelor talaga ang peg.
“How do you find my place?”
Papalakad naman ako papunta sa sala niya na may napakalaking
Plasma TV na nakadikit sa white wall niya. Carpeted ang sahig at fully
airconditioned ang place.
“Ah, pwede na.” Pwedeng-pwede ako rito! Hahaha—
“Do you want to live here?”
Huminto ako. Tama ba ang rinig ko? “Do I want to live here?” Ulit ‘ko.
“I need a housemaid—”
“May lason talaga akong dala--” Napatigil ako nang marinig ko siyang
tumawa. Ngayon ko lang siya narinig na tumawa ulit. Lilingunin ko na
sana siya para tingnan ang reaksyon niya kaso biglang nagbuzz yung
pintuan. At kasabay nito ang biglang pagbusangot ng mukha niya.
Naglakad siya papuntang pintuan habang nagsasabi ng, “Not expecting
anyone--”
“Baka si Luke na yan—”
Kasabay ng pagkasabi ko ang pagkakita niya kung sino yung nasa
labas. “Luke?!”
“Okay lang naman ‘diba?” Bulong ko.
Binuksan naman kaagad ni Mokong yung pintuan at sabay sabing, “I
don’t have much time, make it fast.”
Nagulat naman ako sa bungad niya kay Luke. Grabe ‘tong kapreng ‘to!
Si Luke naman cool lang na nakatingin kay Troy.
Ngumisi si Luke sabay sabing, “Para namang may kukunin ako sa’yo
kung balaan mo ‘ko, Captain. Wag ka mag-alala.” Ngumiti si Luke.
“Wala akong kukunin sa’yo.” Sabay lagpas niya kay Troy. Hmm… Close

97
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

na close kaya sila talaga? Kasi naman yung ibang team player nila takot
sa kapreng ‘to.
“Hi Nads!”
“Oh.” Ngumiti naman ako. “Buti nakarating ka.”
Bigla namang sumunod si Mokong. “Buti nakarating siya? As if this is
your house, like you can invite anyone you like? Tss.”
Napanguso tuloy ako sa Mokong na ‘to. Kala mo naman ibang tao ‘tong
si Luke.
“Baket? Ako naman ang magluluto ah, ipagluluto ko ang kahit na
sinong like ko.”
“Edi… Like mo rin si Captain?” Napatingin ako kay Luke bigla.
“Hindi ah!” Tanggi ko. “Lasunin ko pa yan, eh!”
“I’ll do it first.”
Tumingin ako kay Troy at nagpamewang. “Huh! Kung kaya mo.”
Ngumiti naman si Luke. “Nads, nagbibiro lang ako.” Nasa gitna namin
siya ni Mokong.
Umubo naman si Troy saka pumunta sa sofa niya. “It’s good you’re
here, I’ll be damn crazy having only this Freak with me. Tss.”
Sarap talagang lagyan ng lason pagkain niya. Kung ‘di lang talaga ako
nagoyo at naawa dahil sa walang bumisita sa kanya, kahit na hindi
naman pala siya naka-confine, sana wala ako rito at naglalakwatsa na
lang ako with Sandy and the girls. ‘Di kaya intensyon niya talaga akong
lokohin nung time na yun? Kumagat ka naman!
“So Nads, what’s for lunch?” tanong ni Luke.
-=-
Nag-ayos na ‘ko ng mga dala ‘kong sangkap. Good thing, kumpleto
rin sa gamit sa pagluluto si Mokong. Nagluluto rin kaya siya? Ang
gagandang klase pa ng gamit niya infairness…

98
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Bago ‘tong mga gamit niya, ah…” Habang tinitingnan ni Luke yung
mga kawali.
Bago? Napatingin ako kay Mokong na nagbabasa ng magazine sa sofa.
Dahil ba sa pupunta ako kaya—‘Nag-fi-feeling’ Nads?
“Hala!” Bulalas ko. Nilabas ko lahat ng pinamili ko. Hala ka…
Lumapit naman kaagad si Luke. “Bakit Nads!?”
Tumingin ako sa kanya. “Kulang…”
“Kulang… Ikaw na lang ang kulang sa’kin, alam ko, pero ano yung
kulang?”
Natigilan ata sa pag-function bigla ang utak ko. Bwisit, bigla na lang
‘tong bumabanat.
“Ano…” Magkatitigan kaming dalawa. Inis, naiihi ata ako. “Ano kase—
AY KALABAW! Anong—” Napatingin ako kay Mokong na may hawak
na kawali. Nagulat ako sa lakas nung tunog na parang may bumagsak!!
Habang nakatingin ng seryoso sa’min at hawak ang kawali, bigla siyang
nagsalita, “Nakaharang.” Matipid na sabi niya at saka pinatong ulit
yung kawali. “So what’s the problem?”
Nakita kong nangiti si Luke bago siya nagsalita. “Kulang daw…”
“Ah, kasi, pangdalawang tao lang ‘tong naihanda ko na lulutuin. Tatlo
nga pala tayo.”
“Tss, you invited him for nothing. Are you even thinking, Freak?”
“Actually, si Luke nga lang yung inisip ko habang naghahanda ng mga
ingredients.” Hahaha!
“What—” Huminto naman siya na parang pinipigilan niya yung sarili
niya. “I’m the reason why you’re here, remember?”
“Just doin’ you a favor, Mokong ka.”
“Mas lalo ‘kong nararamdaman na hindi ako invited.” Napatingin ako
kay Luke habang hawak at sinisipat naman niya yung isang wine glass

99
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

habang nakangiti.
“Hindi ‘no, teka, bibili na lang ako ng pandagdag. Kawawa naman si
Mokong, walang share.”
“Ako pa—hell.” Narinig ‘kong parang napabuntong-hininga na sabi ni
Troy. Tawa tayo dali! HAHAHA!
-=-
Napagkasunduan nilang sasama sila sa pagbili ng pandagdag ko ng
ingredients. Kaya eto, magkakasama kaming lumabas ng elevator ng
biglang umapela si Luke.
“Teka Nads, sa carpark tayo. Kukunin ko yung sasakyan ko.”
“Same with me.” Si Troy.
“Eh… Sa palengke lang tayo pupunta bakit magsasasakyan pa. Tara
na—” Natigilan ako ng para silang binuhusan ng tubig na malamig
dahil wala silang reaksyon. “Bakit? Wag niyong sabihing hindi kayo
sanay pumunta sa palengke dahil madumi at mabaho ang place na
yun?”
Bigla naman silang sabay na nilagpasan ako saying…
“Tara na, gutom na ‘ko.”
“Tss, you bet.”
Tumingin na lang ako sa mga papalayong mga Adonis na ‘to. Haay,
siguro martir ako nung past life ko kaya may ganito akong bodyguard
ngayon? Pinagpala! Well, karisma lang pala.
Tumakbo ako papalagpas sa kanila nang may makita akong jeep.
Pumara ako kaagad.
“Tara! Bilis!” Tawag ko sa kanila nang huminto ang sasakyan. Nagmadali
naman sila at inunahan pa ‘kong makapasok nitong Mokong na ‘to.
Nang makapasok at makaupo naman ako, nag-volunteer si Luke.
“Sige Nads, sabit na lang ako.” Saka siya tumango at nagsmile sa’kin.

100
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Then sumabit nga siya sa jeep.


Tumingin naman ako sa katabi ko. “Dapat ikaw ‘tong sumabit eh.” Para
tabi kami ni Luke.
“You can exchange place with him, if you like. Tss.”
“Tsk tsk tsk. Napakagentleman.” Bulong ko. At nang napatingin
naman ako sa ibang taong nakasakay sa loob. Hala ka… Mga ateng,
matutunaw ang kasama ko. Konting awa naman… Mga nakangiti
naman kasi habang nakatitig kay Mokong. Nako, wag silang papaloko
sa panlabas na anyo.
Maya-maya, biglang nagbreak nang biglaan si Manong at syempre…
Inertia shock ang peg ng mga tao sa loob. Slide silang lahat ‘pa-forward.’
Well, sila lang pala… Sila lang?
“Ang sweet, nakakainis.” Narinig ‘kong sabi nung katabi ni Mokong.
“Ay siya na ‘te…” Sabay tingin sa’kin. Sa’kin? Bakit—
Napatingin ako sa nakaharang na maselang braso sa harap ko.
Nakahawak ng mahigpit sa sandalan ng frontseat nitong jeep. Aba…
Pinigilan niya ba ang inertia nang ‘di ako maipit? Napangiti ako,
mabilis ang senses ni Mokong. Che Nads, wag maharot.
“Nads.” Tumingin ako sa labas, kay Luke na sumilip sa loob. “Ayos ka
lang?”
“Ah?” Napatingin ako sa mga babaeng nakatingin naman kay Luke.
Natatawa ako. “Ah oo, ayos lang.” Thanks kay Mokong. “Tara, bababa
na rin naman tayo rito. Ma’ para po.” Sabay alis ng kamay ni Mokong at
this time, pinauna na niya akong tumayo. Nakasunod naman ng mga
tingin ang mga girls na nadadaanan ko. “Excuse me… Baka maapakan
niyo buhok ko… Excuse…” Bulong ko. HAHAHA!
Pagbaba naman. “Okay, let’s go boys.”
Ano pa nga ba… Kahit tanghali na, eh parang nagbalik umaga kung
saan unang bagsak ang mga bagong huling isda. Ay nako talaga… Una

101
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

kaming pumunta sa gulayan.


“Ate, magkano sa sayote. Isa lang po—” Napa-poker face ako bigla.
“Ay mga pogi, anong gusto?” tanong nung tindera sabay tingin sa mga
katabi ko.
“Ah, siya ho yung bibili.” Nangingiting sabi ni Luke.
Tumingin naman yung tindera sa’kin. “Ay! Nako, pasensya na hija. Ang
gagwapo kasi ng mga sir mo. Ano nga ulit yun?”
Habang nakatingin kay ate. “Pigilan niyo ‘ko, lilipad ‘tong sayote maya-
maya.” Ngumiti ako kay ate. “Sayote po, magkano isa.” Bago ko ihagis
lahat ng sayoteng meron ka, ate.
Pagkabili naman namin nun, biglang nagsalita si Mokong.
“I told you, I need a housemaid—”
“Che!” Sabay walk out sa kanilang dalawa. Napatingin ako sa suot ko.
Ayos naman ‘to ah? Naka-tsinelas, shorts na maluwag, T-shirt, sakbit
ang favorite kong yellow backpack, at naka-clip ang buhok paangat.
Mukhang maid ba? Kalimutan niyo na, wag niyo na sagutin. Che.
Maya-maya naman, binalikan na ‘ko nitong dalawa matapos nila
akong hayaan mamimili nang mapabilis kami. Aba, maloloka ako sa
mga dala nila…
“Ang mahal naman niyan, Luke. Niloko ka nun kasi mukha kang
mayaman, eh.”
“Mayaman naman ako, Nads.”
Natigilan ako. Nga naman… Ay ewan. Humarap naman ako kay
Mokong na—
“Ano ba yan Mokong?! Maglulugaw ba tayo ng sibuyas!? Ilang kilo
yang binili mo!?” Napahawak na lang ako sa noo ko. Grabe…
“It’s cheaper than I thought.” Sagot niya.
“Ano pa nga ba.” Baka bilhin niya pa ‘tong palengke pag nagkataon.

102
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Sus, yan lang pala yung pinagkakagulahan kanina pa.”


At maya-maya naman… “Kala ko naman kung ano na.”
“Totoy na totoy.”
Nakangisi sabay sabing, “Pabuhat ko na ‘to baka magbigayan na yan.”
Sabay tawanan.
Napatingin ako sa mga grupo ng mga manong slash amoy pawis slash
kargador dito sa palengke. Tsk tsk tsk, sila manong may insecurities na
taglay. Pagbigyan—
Humarap si Luke sa mga grupo nila manong. “Minsan, kailangan mo
talagang patunayan para magkaalaman.” Ay wag ganon, wag part two
ng awayan!
“Aahh… Sumasagot si bata.” Si Manong, why-are-you-so-bully? Mas
matangkad pa nga si Luke sa kanya, oh.
“Kakayanin mo ba ‘to?” Sabay buhat nung isang lalaki sa dala niyang
malaking plastic ng gulay.
Papalakad si Luke sa kanila nang pigilan ko siya. “Uy, wag mo na
patulan yang sina manong. Matatanda na yan.” Habang nakatingin
siya sa’kin.
“Pinipigilan ka na ni Miss. Sige na, uwi na kayo.” Sabay tawanan nila.
Inis, pumapatol ako sa kargador!
“Wala lang yan, Nads. Sige na, mamili ka na muna ng kulang.” Saka
siya nagtanggal ng shirt niya sa harap ko at inabot sa’kin, at lumagpas
na. Iniwan akong nagpapantasya! Madali naman akong kausap.
“Goodluck…” Nabulong ko. Ay ano ba yan!
“Magpapigil ka na kase sa... Sino ba yung si Miss?” Narinig kong sabi
nung isa.
“Ah, inspirasyon ko.” Nads ang presyon tumataas. “Sa’n ba yan?”
Yung mga babae sa paligid ko, ang sama ng tingin sa hawak ‘kong
T-shirt! Delikado, baka umuwi nang hubad si Luke. Need ko ‘tong

103
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

hawakan… O pamigay ko na kaya? Maganda rin naman yung second


idea—ay erase-erase.
“Yung isa ba?” Narinig kong demand pa nung isa. Napatingin ako
kay Mokong na may kausap sa phone at napatingin dun sa lalaking
nagsalita.
“I’m out. Bye.” Saka inilayo ang phone at nilagay sa bulsa ng shorts
niya. Saka tuloy-tuloy na naglakad papalapit sa’kin while taking his
shirt off!! ANO YAN!!?? NAG-SHU-SHOOT NG BENCH BODIES!?
While playing ‘It’s getting’ hot in here’ o baka naman need ng konting
‘slow-mo’, please!?
“Uy Mokong teka—” Inis ah. Tinakluban ako sa ulo ng T-shirt niyang
amoy na amoy niya! Gosh, nakakalambot ng tuhod kahit mukha akong
ewan. Pagka-alis ko naman ng shirt niya sa ulunan ko. Nakita ko na
lang sila ni Luke na biglang binubuhat ang kung ano dun at nilagay sa
balikat nila. Hay, hayaan ang mga ito.
Tumalikod na ‘ko sa kanila at magpaplano na sanang mamili na lang
kaso… Delikado talaga. Nangangamoy topless ang pag-uwi nitong
dalawa sa init ng tingin ng mga babaeng ‘to sa T-shirt na hawak ko.
Hindi rin nagtagal, matapos ng pakikipagkuwentuhan ko rito sa isa sa
mga tindera, natapos na rin ang dalawang ito at sabay silang bumalik
na may bitbit na…
“Ang hahaba…” Nabulong ko.
“Ng ano?” Narinig kong may nagsalitang babae.
Habang nakatingin kay Luke. “Tsk, nung… Nung upong dala niya.”
Sabay turo kay Luke.
“Ah kala ko naman—”
Habang nakatingin pa rin. “Ate masama yan, wag green.”
Pagdating naman ni Troy. “Infairness, ang lalaki…” Sabi ko.
“Oo nga, ang laki ng katawan—”

104
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Nung kalabasang buhat-buhat niya.” Tumingin ako kay ate. “Ate,


yung totoo? Tsk tsk tsk.” Sabay iwan kay ate at dumiretso na ‘ko dun
sa dalawa.
“Tapos na ba ang pagpapahirap niyo sa mga babaeng nandito? Luluwa
na mga mata nila.” Sabi ko.
-=-
“Nakatulog po sila, Mr. Hans.” Sabi ko pagkabukas ng pintuan.
“I’m not asleep. Are you going now?” Si Mokong habang papalapit
sa’kin.
“Yes, at salamat sa pagtanggap mo sa’kin dito at sa pagpuna sa ‘di
masarap na luto ko. Tss! Thanks.” Mahirap magpa-impress sa taong
mataas ang standards!
“Make it more edible next time.” Tapos tumingin siya kay Mr. Hans.
“Go now. Be careful when you drive.” Titingin na sana ako sa kanya
nang nakangiti, mukhang concern kasi, kaso may hinabol pa siya.
“That car is not yet insured.”
Nangiti naman si Mr. Hans. Che! Nagkasundo ang mag-Sir. Sasakyan
pa pala ang inalala nito.
“Mamasahe na lang kaya ako?” Sabay labas ng condo niya. Inis talaga
yun. Mokong nga kasi. Nasa tapat na ‘ko ng elevator nang malaman
kong kasunod ko na si Mr. Hans.
“Ihahatid ko po kayo. Nagbibiro lang po si Sir Harris.”
Tumingin ako kay Manong Hans. Gwapo at matangkad, mukhang
mabait din naman. May GF na kaya ‘to? Wala lang, naalala ko lang
yung kapatid kong walang GF at laging basted. Halos magkasing age
siguro sila. “Nakita niyo po ba kung gaano kataas ang sungay nung
isang yun?”
Ngumiti lang si Mr. Hans. “Nasarapan po siya sa luto niyo, Miss Castro.”
Sabay senyas sa elevator para pumasok na ‘ko sa loob.

105
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Habang papasakay. “Nasarapan, puro pintas nga inabot ko, Manong


Hans.”
“Gano’n lang po siya mamuri.”
“Wow huh? Nakakaflatter, infairness.” Sarcastic kong sabi.
Too salty.
Too bland.
What’s with this food, Freak!?
Are you sure you can cook?
Ilan lang naman yan sa mga pang-iinsulto niya. Buti na lang nandyan
si Luke na kumain nang kumain at ang walang katumbas niyang papuri
ay ang kanyang malinis na pinggan at dighay na bigay na bigay.
“Sarap Nads, dabest!”
-=-
“So sinong gulay-este mahalay—I mean, sinong guy ang napili mo
sa kanila?”
Adik talaga nitong si Liz. Nandito na kasi ako sa bahay at ewan ko ba.
Naka-abang ang mga bruha sa kwentong hatid ko.
“Wala, ‘mag-si-uwi’ na kayong lahat, pagod na pagod na ‘ko!” Sabay
higa sa kama at nagtalukbong ng kumot.
“Wag kang pakipot Nads, mamili ka!” Demand ni Sandy. Nakatalukbong
pa rin ako.
“Nads, dapat hinawakan mo yung muscle nila. Hina nito!” Si Liz sabay
tawa nila.
Napapikit ako. Gosh ang fresh… I mean nung memory ko about
kanina, ano ba!
“Pano kung sungitan siya ni Troy?” Si Chris.
“Edi…” Naramdaman ko niyakap ako ni Liz kahit nakatalukbong ako.

106
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Sasabihin mo… Sorry, kala ko pader, eh. Ang hard…” Sabay higpit ng
yakap. “Ang lande-lande!”
Natatawa tuloy ako, mga bruhang ‘to talaga—“Ahh!!!” Sigaw ko nang
maramdaman kong may dumagan sa’kin,
“Sagutin mo kame!”
“Aray ano ba!! Sandy!! Ang bigat mo!”
“Wag assuming! Kalahati mo lang ang timbang ko.”
“Aray—ang kapal!”
“So Nads, sinong mas masarap sa kanila?” Si Chris.
“Ano!?”
Tinuloy naman ni Liz ang tanong. “Si Luke, o si Troy!?”
“Ewan.” Sagot ko. Minulat ko yung mata ko. Bakit ako sasagot kung
hndi naman ako dapat pumili, ‘diba? “AHHH!!!!”
“Pumili ka!” Sigaw nila.
“Si Mr. Hans!!” Sigaw ko sabay tigil nila sa pagdagan sa’kin. HAHAHA!
“Sino yun?”
“Malay ko.”
“Hunts - Pork and Beans ba ito?”
Bahala kayo. Tawa tayo daliii!

107
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Chapter 11:
You’re making my life freaking crazy!

What’s on your mind? > Take time to be sure, but be sure not to take
too much time. In short, don’t be late!

Not leaving anything behind? Tss! Hindi man lang nagtira. She even
packed for Luke to bring home before leaving, and now what? I have
nothing? Tss!
“Oh!? Nasa’n si Nads?” He’s awake, at last.
“Gone.”
“Bakit ‘di man lang ako ginising?”
“Does she need to?” I looked at him and added “What?”
“Wala naman, hahatid ko man lang sana.” He stood up and stretched
his arms.
“You don’t have to. I sent Hans to do that.” Then I get back on scanning
this magazine.
“Teka nga, Troy.”
Tumingin ako sa kanya. “What?”
“Wala ka namang gusto kay Nads, ‘diba?”
“Tss, don’t make me laugh, Luke. It’s not even funny.” I get the dial and
opened my stereo.

108
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“You’re not answering my question, Captain.”


Sh*t, what’s with him? “No, I’m not crazy to do that.” Satisfied?
He shook his head. Too relief? “Edi… Mas okay. Dahil may gusto ako
kay Nads. Masama tama ko sa kanya, tagos sa utak hanggang puso.
Kritikal, in short.”
“Well, goodluck.” For a girl like Freak? Too much trouble.
All of them should avoid her. Tss.
-=-
“Okay Nads, on behalf of your dad na nasa Canada, pinapayagan
kita. Basta don’t do anything na alam mong ayaw namin ni Daddy
mo, okay?”
“Okay Mi.” Nads! Tablan ka naman ng kidlat. Paano na ‘to…
Kinakabahan ako at nakokonsensya. Ayoko pa naman ng
nagsisinungaling kay Mommy o kay Daddy. Kaso nasabi ko na? “Sige
po Mommy, alis na ‘ko.”
“Okay ‘nak, galingan sa pagtutor kay Liz. Mag-iingat sa daan, ah?
Tumawag ka sa’kin pagkarating mo.”
At eto na nga, umalis na ‘ko ng house at sumakay na lang ng jeep
pagkalabas ng subdivision namin. Inaya kasi ako nila Liz na mag-
bar kami, eh. Na-engganyo akong sumama kasi naman… Ang galing
mang-inngit ng mga yun! Kaso eto, nagsinungaling ako kay Mommy,
nakakakonsensya. Tama ba’ng ginawa ko?
Sabi ko, ako nang pupunta dun sa bar mag-isa para naman hindi halata
na talagang susunduin pa nila ako at hindi sa bahay nila Liz ang punta.
Gabi na rin at siguradong nando’n na sila, for sure. Nagdadalawang-
isip kasi akong umalis, eh. Grabe, bumalik na kaya ako?
“Mama, bayad po.” May umabot naman ng bayad ko kaso hindi pa
man nakakarating sa driver ang iniabot ko…
“HOLD-UP ‘TO! WALANG SISIGAW, WALANG MASASAKTAN!”

109
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Habang siya ang nakasigaw…” Saktan ko ‘to, eh. Okay Nads, seryoso
ang eksena, wag mag-joke.
“PATAYIN MO YANG ILAW!” Narinig kong sabi nung lalaking
malapit sa babaan ng jeep. At namatay na yung ilaw nung jeep. Okay,
ibibigay ko na sa kanilang lahat na meron ako wag lang ang perlas ng
silanganan ko! Sabi ko na, dapat ‘di na ako umalis.
“WALANG GAGALAW, BIGAY NIYO LANG ANG GAMIT NIYO
SA’MIN!”
Nakaka-inis na ‘tong si Manong sigaw nang sigaw dito sa tabi ko.
Inis naman, wala man lang Police Mobile sa paligid, kawasa gabi na
kasi, Nads! Bakit ka kasi nasa kalsada pa imbes na nasa bahay ka at
natutulog o ‘nagFFB’ ka na lang!?
“Oy ikaw! Akin na yang bag mo.” Nararamdaman kong hinahatak
yung bag ko.
“Po?” Ako.
“Akin na yang bag mo sabe, bakit ayaw mong ibigay!!?”
“Kasi sabi mo wag kaming gagalaw, tapos—”
“Akin na!” At hinatak na nga ang bag ko sa’kin. Malas! Ay hindi,
sadyang pasaway ka lang Nads! PEYBORIT BAG KO YAN!!
Maya-maya naman, nang ‘di ko na alam kung saan kami napapadpad
dahil sa tagal ng itinakbo ng jeep namin, eto mukhang ligtas
naman akong pakakawalan ng mga holdapper na ito. Binaba nila
ako sa kalsadang wala akong alam kung saan. Ang alam ko lang,
napakatahimik dito sa lugar. Mga barong-barong lang ang bahay at
wala kong makitang ibang tao sa labas, yung totoo? Ghost town ‘to?
Sana naman hanapin nila ‘ko—ay wag na pala! Malalaman ng Mommy,
patay ako!
Baka lumabas si Micheal Jackson dito at saka kumanta ng Thrilleerr!!!
Inis, sa’n ako unang maglalakad!??

110
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

-=-
Oh no, I’m literally dead! Pano kapag nalaman ni Tita Alma ‘to? Sana
naman na-late ka lang Nads, o ‘di naman kaya ay na-low battery ang
cellphone mo kaya hindi ka namin ma-contact. Be safe charismatic
Nads!
I think, hindi lang ako kay Tita Alma lagot, pati na rin dito sa
dalawang naggagwapuhang lalaki mo. Nakakatakot silang mag-alala.
Naghihintay lang kami ng ilan pang minutes bago gumawa ng action
but I think these two can’t stop their heroic blood.
Tanungin ba naman ako kanina…
“When is the last time Freak has called you?”
“Bakit hindi kayo nagpaalam kay Tita!?”
“No one ask her to pick her up?”
“Sana pinasundo niyo na lang sa’kin, libre ako.”
“Damn, tss! Freak.”
“T@ng-ina, baka napano na si Nads!?”
Gusto kong sabihing, isa-isa… Isa lang ako! Nakakatakot naman kasi
sila. Ang beauty ko nabibigla sa kanilang dalawa. Well, I’m not used to
it, na may ganyan ka-caring na opposite sex kay Nads. I’m happy for
her, nagdadalaga na siya. Late bloomer?
“Teka, Captain, Luke, sa’n naman kayo pupunta?” Tanong ni Sebastian,
the silent man.
“Sandy, tawagan niyo muna si Tita Alma at sabihin niyo na kung anong
meron dito. Hindi pwedeng hindi alam ni Tita, mapagalitan man si
Nads o hindi. Tutulungan ko na lang siyang magpaliwanag.” Si Luke.
Nads, ikaw nang babaeng pinagpala.
“I’m getting out.” Biglang alis naman nung tahimik pero halatang may
tama kay Nads na si Troy. Pagbalik ni Nads, puputulan ko talaga siya
ng buhok.

111
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Pero bago yan, I have to fix this mess. Ako ang nag-aya sa kanilang
lahat dito at tatanggapin ko ang lahat ng sermon.
“Hello tita? Si Sandy po ito.” Tumingin ako kay Liz. Support girls! “Kasi
po, may nangyari…”
-=-
I can’t stand this woman! Tss! Does she love making people worry
about her? Damn right, she’s freak, of course, the answer is a big yes!
Tss! Always in trouble, causing mess, and now? Missing?
Now, I can’t believe I’m out of here trying my luck to find that Freak.
Konti na lang at magiging katulad na niya ko and that would be the last
thing I wanted to be.
“Hello, is there any update?!” I called Adrian.
Ah, babagyo daw captain—
“I’m serious, Adrian!”
Relax Captain, uh, ano—oy anong balita papatayin ako ni Captain!
Ah!? Ah—Captain, wala pa daw—
“I’ll kill you.”
What!!!??? Bakit ako?
I ended the call. Sooner or later, I’ll be crazy. That’s one thing for sure.
Nasa’n ka ba!? Tss! Troy, you should calm down. This is so not like you,
but I can’t stand having no idea where that Freak can be. I have to know
where she is so this freaking craziness of mine will stop! Makita ko lang
siya, I won’t get mad like nothing happened—
What’s that!? Police cars and a jeepney? I’m not letting any chances fly.
Bumaba ako ng sasakyan and I walked near to that scene.
“What’s happening here?” I asked the police guy. Tumitingin ako sa
paligid but I can’t see any sign of Freak.
“Hold-up, ahh, ano ba? This jeepney has been victimized by these sira-

112
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

ulos’. They’ll be in jail, don’t worry.”


Tumingin ako sa mga nakaposas na lalaki. I’m ready to get out of there
kung hindi ko lang nakita ang gamit ni Freak with one of the officers.
I know it’s hers!
“This!” I grabbed the bag from that man who’s passing through me.
This yellow freaking bag of hers. Tss!
“Oy teka, ‘di mo pwedeng kunin yan—”
“Where’s the owner of this bag!? Tell me!!”
“Ah?? Ano, tulong! Inglisero! I don’t know!?”
Another policeman appeared and said, “Teka, may hinahanap ka ba?”
I explained to them what I needed to know.
And then later on, the driver told us the places kung sa’n siya huminto
para ibaba ang mga pasahero niya kanina.
Moving out of that scene, let’s search for that Freak! Tss!
-=-
Hindi ako aalis dito hanggang mag-umaga. Nakakatakot maglakad
sa susunod na kalsada dahil wala na ngang tao, ang dilim pa. Naka-upo
lang ako dito sa may bangketa ng kalsada, nakayuko at nag-aabang
ng mapapadaang anghel. Inaantok na ‘ko sa totoo lang at nagugutom
na rin, nanghihina na me. Grabe lang kasi talaga, bakit ang malas ko?
Hindi naman ako ganito dati, ah? Nag-umpisa lang ‘to dahil sa… FBBF
ko na yan!
“AY KALABAW!!!” Napatingala ako sa pagkakayuko nang magulat
ako sa walang modong bumusina sa harapan ko! Nakatutok pa ang
headlight sa mukha ko!? Anong tingin mo diyan? Spotlight!?
Pero hindi pa man nakikita ng mga mata ko kung sino ang bumaba ng
sasakyan, kilala naman ng nerves ko ang boses ng taong yan. Kalma
guys, boses lang yan.

113
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Freak!!”
Same tone, same voice, same name from that—Mokong!!
Tumayo ako para harapin siya, uh-oh? Galit ba siya? For real? “Ah—
ba—Bakit ka nandito!?” Nads! Tama bang tanong yan?
“Do you want me to laugh?! Sabihin mo lang.” Uh-oh, serious siya…
Tagalog salita, eh. Ibang klase… Tagalog ang salita pag galit.
Napakunot ako ng noo. “Hinde! Bakit ka ba nagagalit?”
Bigla niyang tinaas yung kamay niya na parang ipapalo niya sa sasakyan
niya, kaso bigla na lang niyang nilagay sa ulo niya at parang sinuklay
yung buhok dala ng pagiging desperado. Desperado? Eh mukha kasi
siyang desperado, oh.
“Fine. I’m not mad, okay?” Mahinang, nagtitimpi niyang sabi.
“Then, ano?”
“Freak, everyone is worrying about you. You’re missing for what? An
hour, or so!? Can’t you stay away from trouble and have a peaceful
life?”
“Kasalanan ko bang ‘ma-hold-up’? Gusto ko ba yun!? Ah!?”
“No, but if you just told your mom where will you going, your friends
can pick you up and this mess will not be happening, right!? If you—”
“Bakit ba kasi ‘i-ni-involve’ mo ang sarili mo sa’kin tapos ganyan ka?
Dapat hindi mo ‘ko hinanap, umuwi ka na sana sa inyo, edi tapos!
Hindi ka ganyan—”
“You even don’t know how to say thank you ‘coz I found you! You know
what?” Huminto siya sandali. “You’re making my life freaking crazy!”
Sigaw niya. Natahimik ako nang biglang may tumawag sa kanya.
“What!?” Habang seryoso at diretsong nakatingin sa’kin. “Yes, she’s
with me. I’ll bring her in.” Saka niya agarang ibinalik sa bulsa ang

114
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

cellphone niya. At nakatingin nanaman sa’kin. Inis…


“Get in the car.” Utos niya habang hinihintay niya kong sundin yung
sinasabi niya. Hindi ako gumalaw, hindi naman dahil sa ayaw ko siyang
sundin, kung hindi dahil sa pinipilit ng utak ko na kontrahin ang puso
ko at sabihing Salamat na! Wag ka ng magalit diyan! “Forget what I
said, it’s not important, just get in the car. Your mom is waiting for you
in the bar.” Mahinahong sabi niya sa’kin.
“Hindi ko naman sinabing—”
“I said, get in the car. It’s not important.” Nakatingin lang siya. Wala na
‘kong nagawa dahil seryoso na siya. Sumakay na ‘ko sa sasakyan niya.
Nakarating kami sa bar kung sa’n kami dapat magkikita nila Sandy.
Nandoon na nga sila Mommy at Kuya Stephen. Patay na naman ako.
“Yan! Takas ka kasi nang takas. Sa susunod, ‘di lang yan ang mangyayari
sa’yo.” Pangaral ni Kuya habang nakayakap ako kay Mommy. Umiiyak
ako. ‘Di ko alam kung bakit…
“’Nak, pinapayagan naman kita, eh. Wag ka lang tatakas, ah? Kinabahan
talaga ako, buti na lang wala ng ibang nangyari sa’yo at nakita ka agad
ni Troy.” Bumitaw ako kay Mommy. Nga pala, nasa’n na ba si Mokong?
Pinunasan ko yung luha ko. “Tahan na, wag mong pansinin yang kuya
mo. Pangit yan.”
“Mi!” Si Kuya.
“Nads!” Sila Chris. Niyakap nila ako. “Sorry Girl! Sorry talaga!!” Si
Sandy.
“Ayos na, okay lang.” Sabi ko habang inililibot ko yung tingin ko,
hinahanap ko kung nasa’n na siya.
“Nako girl! Nung wala ka, kulang na lang ikulong ako ng lovers mo
dahil sa nawawala ka.” Dagdag pa ni Sandy. Nakuha niya ang atensyon
ko. Ano daw?

115
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Lalo na si Troy, galit na galit.” Sabi ni Chris.


Na dinagdagan pa ni Liz. “Habang si Luke naman, parang naiihi,
nasusuka, ‘di mapakali, girl! Bangis ng kamandag mo, ikaw na. Poison
Ivy lang ang peg.”

Naka-usap ko si Luke bago umuwi. Nagsorry din ako sa pagiging ugat


nanaman ng gulo. Pati na rin sa ibang kasama pa nila na tinawagan
pala ni Sandy para maki-join sa’min. Matamlay siya, ‘di ko alam kung
bakit. Nag-alala ba talaga siya?
“Uwi ka na, Luke. Sorry talaga.” Sabi ko.
“Kung ihatid na kaya kita, kasama nila Tita?”
“Ano ka ba, ‘wag na… sige na.”
Nagbuntong-hininga siya sabay sabing “Baka may mangyari na naman
kasi sa’yo…”
-=-
Naka-uwi na ‘ko sa’min at kinausap ko rin si Daddy sa phone. Nag-
alala siya nang malaman niya. Eto, nasa kwarto na ‘ko. Hawak ko ‘tong
bag ko… Yung dala ko kanina. Wala na siyang laman, nakuha na daw
nung ibang kasamahan na nahuli nung mga pulis. Hindi na nila alam
kung sa’n dinala.
Napangiti ako… Dahil dito, nalaman ni Mokong kung nasa’n ako.
Alam niyang akin ‘to eh… Kaso…
Bakit ba kasi ‘i-ni-involve’ mo ang sarili mo sa’kin tapos ganyan ka?
Dapat hindi mo ko hinanap, umuwi ka na sana sa inyo, edi tapos!
Nice Nads, ang ganda nga naman ng bungad mo sa kanya. Dapat
naman talaga nasa bahay na lang siya ng mga oras na yun, pero kung
iisipin… Umalis pa ang Mokong para hanapin ako.

116
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

You’re making my life freaking crazy!!


Oh!? Bakit ganito… Ugh! Kinabahan ako bigla… Kinabahan? Ewan,
parang ‘di ako makahinga nang maayos. Hinimas ko yung dibdib
ko dahil sa ‘di ‘ko ma-explain na feeling. ‘Na-e-excite’, kinakabahan,
natutuwa, nagagalit?
Mababaliw din ako sa’yo, alam mo ba yun?

117
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Chapter 12: Closer

What’s on your mind? > Siya! Siya! At SIYA! Siya ang laman ng utak
‘ko. Sabihin niyo nga, anong tawag dito?

Isang napakagandang umaga! Pero nakakapanibago kasi walang


nanggugulo ng tulog ko dahil walang tumatawag sa’king mga bruha.
Kasi naman, wala na yung cellphone ko, ang galing-galing. Inis, alam
niyo bang pinaka-iingatan ‘ko yun—mahirap na kayang humanap ng
kapalit, ‘no!
“Oy Nads, anong oras na, ngayon ka lang gumising.”
Tumingin ako kay kuya. “Eh? Ang aga pa kaya.” Maaga pa nga ba?
“Maaga ka diyan, tanghali na, para sabihin ‘ko sa’yo. Inabot na nga ng
tanghali yung bisita mo sa baba.”
“Teka!? May pasok ako ngayon!”
“Sorry ka, edi absent ka na.” Sabi ni kuya sabay baba ng hagdan. Narinig
ko na lang na nagpaalam na siya kay Mommy.
Tumingin ako sa wall clock. “Shoot!!” One-thirty na ng tanghali!
Napatakbo ako pababa ng hagdan para hanapin si Mommy—“Hala!”
Napahinto ako bago ako tuluyang nakababa ng hagdan. “Anong—
bakit—”
“Oh, gising ka na pala, Baby. Buti naman at kanina pa yang si Boyfriend
mo na naghihintay dito.”

118
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Boy-boyfriend—”
“It’s okay.” Biglang sabi ni Mokong na naka-upo naman sa sofa.
“Nak, nakalimutan na kita gisingin. Nawala sa isip ko. Pero may lakad
naman daw kayo ni Son-in-law kaya go for the gold.” Tapos humarap
sa’kin si Mommy. “Okay lang umalis ka nang umalis, basta kasama mo
si Troy, okay?”
“Mi, ang totoo niyan—”
“It’s late. You better prepare and…” Tumingin na naman siya sa’kin
mula ulo hanggang paa. “Change your clothes.” Sabay iwas.
Napatingin na naman ako sa damit ko! Inis naman kasi bigla-bigla
dumadating!
“Baby naman, wag laging mag show-off kay son-in-law, okay?”
“Mommy!” Hay nako, talo na, talo na naman. Umakyat na lang ako sa
kwarto ‘ko.
Kahit naguguluhan ako kung san kami pupunta. Aminin mo Nads!
Nananabik ka kung sa’n kayo pupunta? Nah~ Iniisip ko lang kung
bakit nandito siya samantalang nagalit siya sa’kin kagabi, di’ba?
***
“So sa’n tayo pupunta?” Tanong ‘ko.
Nandito na kami sa sasakyan niya, and on the way na sa… Sa? Sa’n
nga ba?
Hindi siya nagsasalita at bagkus nilakasan pa ang stereo niya. Ay,
ganunan? Hininaan ko saka ako nagtanong ulit. “Mokong, sa’n tayo
pupunta?”
Hindi na naman sumagot! Nako, nako talaga! Ang sarap niyang—ang
sarap niyang ano… Ano nga ba? Ah basta! Ang sarap niya! Huh!?
Kung anu-ano na tuloy ang nasasabi ko dahil sa kanya! Kakasuhan

119
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

ko talaga ‘to eh. Kidnapping! Lagi na lang darating, tapos hindi ko


alam kung sa’n ako dadalhin. Kaso may permiso ng nanay ‘ko ang
kidnapper, wala rin. Kung siya naman kasi ang kidnapper, baka ang
dami ng missing.
Maya-maya, “Oh? Teka, bakit…” Habang papasok kami sa building ng
condo niya. “Sa condo mo ‘to, ah?” At huminto na kami ‘pagka-park’
niya. Bumaba naman siya kaagad. Hindi ako bumaba, bahala siya.
Huminto siya sa paglalakad nang wala siyang ‘ma-sense’ na kasunod.
“What are you waiting, Freak?”
You… “Ang maka-alis ka at makabalik na ‘ko sa bahay namin.”
Charooot.
“Tss!” Saka siya bumalik sa’kin at pinagbuksan ako ng pinto. At habang
hawak niya yung pintuan ng sasakyan niya. Nakatayo siya at nakatingin
lang sa’kin. “We’re doing something, let’s go.” Sabay hawak sa kamay
‘ko kaya napa-alis ako sa upuan ‘ko.
Se elevator…
Binitawan na niya yung kamay ko. Pero ang lakas pa rin ng kabog ng
dibdib ko!! Parang yung kagabi, eh! Yung hindi mo maintindihang
feeling!? Nagagalit, natutuwa, kinakabahan, lahat na! Magkatayuan
kami, side to side, face in front. Nakikita ko lang siya sa reflection niya
sa pinaka door ng elevator. Ang gwapo talaga, asar!
“Stop staring, Freak.”
“Oh!?” Tumingin ako sa kanya tapos umiwas din. “Pwede ba. Hindi
ako nakatitig sa’yo, ah. Baka ikaw yun.”
“Dreaming.”
“Pa’no mo ‘ko nakitang nakatitig sa’yo kung hindi mo rin ako
tinitingnan? Nye-nye, pasimple.”
“Tumitig at tiningnan, it’s two different things.”

120
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Dami mong alam…” Bulong ko. Sabay hinto ng elevator at may


pumasok na dalawang girls. Nakita kong ‘nag-hi’ sila kay Troy, pero
tumango lang si Mokong nang napakatipid.
“We’ve watched your game last time, it’s a mess. Heard it’s about a
girl, well, rumors. Is everything fine now?” Yung isang babaeng mas
matangkad sa’kin. Nasa gitna nila ako. Yung isang babae naman, nasa
likuran ko.
“Good.” One word na sagot ni Mokong sa kanila. Nagkinder na ba ‘to
at hindi marunong magsalita ng higit sa isa? Tatlo lang ata alam nitong
sabihin… Good, What?, at… TSS!
“Fine then, so… Who’s she?” Narinig kong tanong nung nasa likod ko.
Ay may –ANGS ang tanungan… May ANGaS.
“Is she with you or, not?” Yung nasa gilid ko naman.
Ay nakakatuwa silang mag-usap, hangin ako ‘te? Hangin? Sampalin
ko kaya sila nang maramdaman nilang nasa gitna nila ang tinutukoy
nila? Tumingin naman ako kay Mokong, hindi man lang sumagot nang
hindi ako magmukhang ewan. Okay fine, mahiya na siyang kasama
ako. ‘Naka-shirt’ lang ako pero maganda ako! Yeah, right! Sabi ko nga,
ang pagiging pangit ay choice!
“Maid or something?” Tuloy pa nung nasa likuran ko. Napapikit ako,
isa pa, isa pa.
“Think so.” Habol ng katabi ‘ko. Binggo!
“Excuse me lang.” Humarap ako sa kanila. Tutal, walang paki itong si
Mokong at mukhang kinahihiya niya pang kasama ako. ‘Di man lang
ako ipakilala kahit kaibigan man lang? O kaya kakilala? Ako nang
bahala! “Ewan ko lang kung kaya pang maramdaman ng skin niyo ang
presence ko, parang medyo makapal na kasi ata.”
“What?!” Ay ‘te… Don’t what-what me! I’ll what-whatIN you!
“Kung gusto ninyong makichismis, haba-habaan niyo mga

121
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

antenna niyo nang tumama naman ang mga info niyo. For
your information, hindi niya ‘ko maid at—” OMAYGAD!
ICANTBREATHSASABOGANGPUSOKOHELPMELORD! ANONG
GINAWA NIYA! MOKONG KA!
“Will that make you two shut up?” Hinawakan niya yung kamay
ko. “Tss.” At saka kami lumabas ng elevator habang ang utak, puso,
stomach, intestine, panty ko kaya? Naiwan ‘ko dun sa elevator.
HINALIKAN AKO NG MOKONG NA YAN!
Oh mga paa ko nasa’n kayo ng kailangan ko kayo!? Feeling ‘ko
lumulutang ako—
“Freak!” Ay hindi pala! “Get hold of yourself, uh? Tss.” Sabay bitaw
sa’kin at binuksan yung pintuan ng condo niya. “Are you coming in,
or what?”
Nakakadalawa na siya, nakakadalawa na! Tapos ngayon? Inuutusan na
naman niya ‘ko ng gagawin ko. Naguguluhan na ‘ko sa kanya.
“No.” Sabi ko.
“What!? Fine.” Saka siya pumasok at sinarhan ako ng pinto! Hindi man
lang ako pinilit pumasok matapos niyang—CHE! Ginagawa niya ang
gusto niya, gagawin ko rin ang gusto ko!
Lumakad ako palayo, nagbukas ang elevator at nagtangkang pumasok.
Pagharap ko…
“Freak!” Nasa harapan na siya ng elevator at hawak ang magkabilang
pintuan ng elevator para ‘di magsara. “Are you freak!? Why are you
leaving?”
“Sinarhan mo ‘ko ng pinto.” Ngayon magtatanong ka!?
“Bakit mo naman kasi sinarhan ng pinto hijo?”
“Mga lalaki talaga oh…”
Nagulat na lang ako nang mapansin kong may mga ibang nakasakay

122
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

pala sa elevator. Mga tanders! Nako, nakakahiya naman kina lola, oh.
Pero okay na yan, nang makita natin kung hanggang saan ang pagiging
dominante ng Mokong na ito.
“Nakaharang ka, oh. Magsasara na.” Pang-iinis ko. Tawa tayo dali!
Asarin si Harris!
“What do you want? I’m just—”
“Mamaya, nakasigaw ka na naman. Tapos ano? Mamaya, parang ewan
mo lang akong uutus-utusan ng gagawin ko. Hello!? Hindi ako si Mr.
Hans mo. Hindi lahat ng tao gagawin ang lahat ng gusto mo, okay?!”
MADRAMA! HAHAHA!
“Tama yun. Nako hijo, ‘mag-oo’ ka na kung ayaw mo siyang mawala
sa’yo.” Sabi ni lola.
Hanggang sa may narinig akong humihikbi sa likuran ko. “Mahirap
mawalan--”
“Ayos lang yan. Hindi ka pa nakakamove-on, thirty years na, ah?”
Matatawa ba ako sa sitwasyon? Ngayon, ayan, may naka-alala pa tuloy
ng past nila.
As if naman kasing mag-agree yang si Mokong. Ego lang niyan abot
Mt. Everest na. Goodluck na lang talaga sa babaeng makakatuluyan
niya kung pa’no niya mapapa-amo—
“Fine, I’ll do what you want.”
Nanlaki ang mata ko, say what!? Tama ba ang rinig ko?
Ngayon ko lang na-feel na ang cool niyang tingnan habang pinipigilan
niya ang dalawang pinto para hindi magsara. Then nakatingin lang
sa’kin, at sa’kin. Ay, ako lang tao?
“Ayan na hija! Sumama ka na at hindi na kami naka-alis dito.”
Napatingin ako sa likuran ko. “Ay sorry-sorry po.” Tumingin ako dun

123
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

sa lola na naka-alala ng past niya. “Moving-on is a choice po.” Habang


‘naka-aja’ sign pa ang mga kamay ko. Hanggang sa ma-feel ko na lang
na may humawak sa balikat ko at marahan akong hinila palabas ng
elevator.
“Oh mga anak, wag ng mag-aaway!”
Tumango naman ako habang papasara yung elevator.
“Ingat!” Ingat?
“Huwag ninyong kalimutan ang mga proteksyon!” MGA!??
Nanlaki ang mga mata ko eh! Anyare!? Proteksyon!?
Humarap ako kay Mokong, sabay talikod naman niya.
“Let’s go back, Freak.” Mahinahong sabi niya. Improving!
Nang makapasok na kami sa loob, ang tahimik. May kinukuha siya
sa ref niyang two door, color black. Ang manly niyang tingnan kahit
kumukuha lang sa ref—Nads, stop.
“Ano bang gagawin natin? Bakit mo ba ‘ko sinama dito?”
“To my room, let’s go.”
HANO-DAW!?? To my room. Like-what!?
“Sandale.” At napahinto siya at humarap sa’kin. “Kung akala mo basta-
basta akong babae, nagkakamali ka. Wala ang daddy ko rito pero
tinuruan niya ‘kong tumanggi at upakan ang lalaking aayain ako sa
mga ganitong bagay. Kaya, ikaw, you can dream but you can never ever
touch me.” Tama yan Nads, ganyan nga.
“Am I missing something?” Tanong niya.
“Uuwi na ‘ko.” Sabi ko pero bigla niya ‘kong hinagisan ng bote ng juice
na nasalo ko naman.
“I’m not asking you to do something like what you’ve been thinking,
Freak. Tss.” Sabay iling niya. “You’re really a freak. I’m going crazy

124
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

because of you.” Lumapit siya sa’kin saka inabutan ng malaking Lays.


“You need that, I think your stomach is the one who’s thinking right
now and not your brain. Tss.” Saka siya naglakad papasok ng kwarto
niya.
Napatingin naman ako sa hawak kong Lays at Juice. Stomach? Ininsulto
niya ba ko? Naglakad ako papunta sa kwarto niya para komprontahin
siya nang bigla akong mapahinto dahil sa bumungad sa’king ganda ng
kwarto niya.
“Wow…”
“Laway mo, Freak.”
Napatingin ako sa kanya. “Sobra ah… Pero, ang ganda talaga.” Grabe,
theater bedroom ba ang tawag dito? May malaking white bed na hugis
pabilog. Tapos sa harapan nito, ang isang napakalaking screen na kala
mo mini-cinema na nakadikit sa dingding! May mga black and white
round chairs sa gillid. May malaking sliding door going to terrace. May
dalawang door pa sa loob, hindi ko alam kung anong meron sa loob
nun.
“Teka, kaya ba dito sa room mo—” Sabay tawa ko nang malakas para
lang mailabas ang pagkapahiya. Ang timang lang ng dating ko. Kung
anu-anong sinasabi ko, grabe.
“Yeah, now you realize kung gaano ka kalala, tss.” Saka niya kinuha
yung parang remote control. Umupo siya sa sahig, sumandal sa edge
ng kama niya. Parang hindi siya yung Troy na Captain ng RD. Natural
na tao lang din ang tingin ko sa kanya pag ganyan siya. “Freak… Stop
staring.”
“Oh!? Hindi ah.” Tapos umupo din ako sa sahig malapit sa kanya.
“So, anong gagawin natin?” Habang tinitingnan ko yung screen na
nagbukas na.
“We’ll read books, Freak. What novel do you want?” Seryosong sabi

125
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

niya.
Tumingin ako sa kanya. “Ah? Kala ko manunood tayo eh.” Magbabasa
naman pala.
“Tss.” Humarap siya sa’kin. “Does your dad teach you what to do in
front of a TV screen?”
“Ah?”
“Freak, of course we’ll watch.” Saka siya bumalik ulit sa pagtingin sa
screen. May nakikita akong… List of movies, select, cancel… Scifi,
horror, suspense, action, romance—romance? Nanunood ng romance
si Mokong? Yung totoo?!
“What do you want to watch?” Tumingin siya sa’kin.
“Comedy?”
“Let’s have action then—”
“Bakit mo pa ‘ko tinanong!!??”
“I don’t like comedy movies.”
“Edi Romance—”
Tumingin siya sa screen. “Scifi would be the best.”
“Niloloko mo ba ‘ko?” Tanong ko.
Tumingin siya sa’kin. “I don’t like that either.”
“Eh bakit nandiyan!??”
“It’s installed here, hindi ko mabubura.”
Nagbuntong-hininga na lang ako. “Oh siya, bahala ka, ikaw ang
masusunod.” Sabay sandal ko sa kama niya. Binuksan ko na lang yung
Lays niya at bago ko pa masubo yung hawak kong Lays, inabot niya
sa’kin yung remote. Nga-nga naman ako tuloy.
“Choose whatever you want. Just don’t click chickflicks. What? Tss.”

126
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Kinuha niya yung Lays na hawak ko at ipinalit yung remote na hawak


niya, saka niya kinain yung Lays na kakainin ko dapat.
“Mokong, may sakit ka ba?” Tanong ko.
“What?” Sabay inum niya ng juice. “You should ask yourself, not me.”
“Lahat ng gusto ‘ko—”
“Just because,” Just because? “Yesterday…” ‘Di pa matuloy.
“Fine, dahil ba sa inaway mo pa ‘ko imbis na tinatanong mo na lang
ako nung mga oras na yun ng, are you okay freak? o kaya are you
hungry?, ‘diba?”
Umiwas siya ng tingin. “Just think what you want and choose the
movie we’ll watch.” Humarap siya sa’kin. “Now!”
“Nako… Sanay na ‘ko sa pasigaw-sigaw mo. Wala akong maisip—”
“I’m used to it.”
“Ano!?”
“Just search whatever you like, I’ll be right back.” Tumayo siya at
lumabas ng kwarto.
Tawagan ko nga ang movie addict. Buti dala ko ang extra cellphone ni
Kuya Stephen. Bumait, pinahiram ako.
“Hello, girl. Busy?”
No, what-you doin’?
“Ahh… Naghahanap ng pwedeng panoorin kaso ‘di ko alam kung ano.
Suggestion please.”
Sa’n ka ba? Hindi ka pumasok tapos nanunood ka lang pala.
“Mahalaga pa ba yun—”
Na ‘kina-Troy’ ka.
“Alam mo na pala, tinatanong mo pa.”

127
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Tinanong ko kay tita, eh. Tinitingnan ko lang kung sasabihin mo. Nag-
deny pa, bakit may ginagawa ba kayo diyan, ah?
“Ge, imagine ka lang. Mamaya sasabunutan kita, girl.”
Tumawa naman. Okay fine. So what-you sayin’?
“Suggestion, movies.”
Aah, okay, madali lang yan at tutal magkasama kayo ni Troy. Magandang
panuorin niyo, Bata-bata, paano ka ginawa.
“At bakit naman yun?”
Tumawa na naman. Kalokohan na naman ang nasa isip. Buti na lang
slow ka. Okay, palitan natin.
“Yung wholesome, basta yung walang mga ano, alam mo na yun!
Nakaka-ilang, tapos, basta!”
Tawa na naman siya. Baliw talaga. Sige, eto, The Notebook. Wholesome
na wholesome, at walang kahit anong tungkol sa S-word. Sabay tawa.
Nakakakaba ang tawa niya.
“Sigurado ka ba?”
Kailan ba kita niloko?
“Maraming beses.” Napabuntong-hininga na lang ako.
Tawa na naman ng tawa. Basta, trust me. Okay?
Napatingin ako kay Mokong na papasok na ng pintuan. “Oh sige na,
babye na nga.”
Nandyan na siya? Get some cold drinks, okay? Bye Nads!
Napatingin ako sa cellphone. “Cold drinks?”
Umupo na si Mokong. “I asked Adrian what to watch.”
“Ako rin nagtanong, The Notebook daw.”
“The Notebook—that’s the same movie that Adrian said.”

128
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Oh? Baka maganda talaga.” Sabi ko.


Kaya eto, yun na ang pinili at inumpisahang panuorin. Kaso hindi pa
tumatagal ang palabas, NGANGA ako sa eksena. Humanda ka talaga
sa’kin, Liz!!! Naghubad yung dalawang bida!! Mommy!! Ang hormones
nila ang taas!
Aabutin ko na sana yung juice bottle kaso parang may kuryenteng
tumama sa kamay ko na dumaloy sa buong katawan ko at nagpaboil
ng blood ko. Nagkahawakan kami ni Mokong ng kamay! Aabutin niya
rin siguro yung juice!! Nads! Ang hormones, ibaba!
Nagka-iwasan kami ng tingin. Nagfocus na lang ako sa Lays ko—ayan
na… naglalapit na sila, puso ko!!! Habang palapit sila nang palapit sa
isa’t isa, padami nang padami yung nasusubo ‘kong Lays eh!
“Ah?” Iling ko. Bigla akong inabutan ni Mokong nung juice bottle.
Tumingin ako sa kanya, pero nabilaukan ako bigla.
“Hey! Are you alright—”
Tinaas ko yung kamay ko. I’m okay, wag ka lang tumitig at wag mong
pakita yang labi mo sa’kin, please. Uminom ako pagkabukas niya nung
juice.
Matapos ang eksenang yun na hindi naman sila natuloy, thank you
Lord! Nakahinga na ‘ko nang maluwag. Nakaka-iyak lang kasi yung
story eh. Bakit kailangan sila magkahiwalay ng dahil sa mahirap yung
lalaki? Aba! Kung masipag ang lalaki, mabait, kahit konting gwapo
lang basta mahal na mahal na mahal ka, Jackpot ka na!
Kung kailan kumalma na ang utak ko, biglang dumating sa eksena na
naging wild na naman sila sa muli nilang pagkikita. Pati ata dugo ‘ko
naging wild.
Kumakapa ako ng Lays pero wala ng laman kaya nilukot ko yung
lalagyanan at tumingin ako kay Mokong bigla kaya napatingin sa’kin.
Kailangan naming umiwas ng tingin sa screen, mahirap na.

129
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Mokong.”
“Freak, namumula ka.”
“Wala akong paki. Anong masasabi mo sa istorya?” Tuluy-tuloy na sabi
ko. Divert-divert our attention. Nakakaloka, naririnig ko pa din yung
halinghing nila.
“Hot—I mean, not bad?”
Tumango-tango ako. “Okay, so what are your plans pagkatapos?”
Mukha akong tanga.
“Wha—Tss.” Bigla siyang nangiti sabay tungo na parang natatawa.
What? Bakit?
“Just answer me!”
“Okay Freak.” Humarap siya sa’kin at itinaas niya yung isang balikat
niya sa kama para humarap nang maayos sa’kin. “My plans today…
After this, I’ll go to the gym, exercise. Meet Mr. Hans …”
Nagsalita siya nang nagsalita at wala na ‘kong narinig na
humahalinghing. Nawala ang atensyon ko, salamat. Nang sumilip ako
sa screen, wala na. Buti naman…
Natapos ang istorya sa isang everlasting love. Naiyak ako, sana ganyan
din ang magiging love story ko. Pero wag naman sanang magkasakit
ako at makalimutan ko ang mahal ko. Gusto ko pang makita ang mga
magiging apo sa anak ko. Dapat malakas ang lahi ko para marami
akong makikitang anak at apo. Ay ano ba ‘to, ang layo na ng naiisip ko.
“Wag naman sana akong magkakasakit pag nagka-asawa ako.”
Nagbuntong hininga ako.
“Tss, I’ll make you well.”
Sabay tumayo at lumabas ng kwarto habang bitbit ang mga bote ng
juice.

130
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Sinundan ko lang siya ng tingin palabas. I’ll make you well… Ah…
Pinapaalala niya bang may ospital siya? Anong ibig niyang sabihin?
Ihahatid na raw ako ni Mokong pauwi. Tanggap ko ng bumabawi
lang siya kaya niya ko inaya ngayon. Nag-aya na ko na umuwi tutal
ay malapit ng maggabi. Pero bago kami maka-alis, may ibinigay siya.
“Cellphone!? Ano ‘to? Mga self-defense gadget?” Natawa naman ako.
“You need that. Lagi kang nasa gulo.”
Tiningnan ko naman siya. “At bakit mo ‘ko binibigyan nito?”
“Yesterday—”
“Okay-okay, yung kahapon.” ‘Di man lang sabihin na, Can’t I give you
anything? Atleast hindi dahil feeling niya may atraso lang siya. “Ang
suwerte naman pala ni Madeline nang maging girlfriend mo siya.
Spoiled siguro yun sa’yo kaya lumaki ulo, karir na karir—ay sorry.”
Baka ‘ma-hurt’.
“I don’t give her such things.” Nakatingin siya sa hawak ko. “She’s not
always in trouble like you.”
“Kasi siya yung trouble…” Bulong ko. “Edi siya na, sigurado gustong-
gusto ng mommy mo yun dahil hindi siya ‘in-trouble’ katulad ko.”
Wooh, charot mo Nads.
“My mom’s dead.”
Napatingin ako kay Mokong na kinukuha naman yung susi niya at
pitaka sa lamesa.
“She didn’t have the chance to see her, that’s why I got the wrong
woman. Now, let’s go.”
Patay na ang mother niya?
-=-
Sa carpark…

131
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Eto nakasakay na kami sa sasakyan niya, ready to go. Pero parang


kinilabutan ako, kala ko may nakita akong biktima ng arson. Tawa tayo
dali!
“Hey Troy, with… her? Well, I think both of you are going strong.”
May kasama rin siyang isang babae. Bakit ba nandito yan? Don’t tell
me dito rin nakatira yan? Hindi naman siya pinapansin ni Mokong,
basta nagbukas siya ng engine.
“What if I get back to you, Troy? Will you leave that ‘stinky-girl’?”
Stinky!?
Aalis na dapat si Mokong pero nagsalita ako. Patitikimin ko lang
ng darkest nightmare niya ang isang ito. Sing-itim ng… Ano bang
nangyare sa balat ng isang ‘to?
“Nabalitaan ko, nagkasunog sa inyo ah?” Concern ‘kunyari’ na tanong
ko.
“What? Nasunugan? You got the wrong info—”
“Ay, hindi ba!? Kala ko kasi nasunugan kayo eh… Teka?” Tiningnan ko
siya mula ulo hanggang paa, sabay balik sa mukha niya. “OMG! Sorry
naman!” Tumingin ako sa kanya nang parang ‘di makapaniwala. “Skin
tan ba yan!? Akala ko sadyang nasunog ka lang.” I shook my head.
Tawa tayo dali!
Humarap siya sa kasama niya. “Am I too dark?”
“Ah? Hindi ah, hindi—”
“Liars go to capital H, you know. Tsk tsk tsk.” Sabay silang tumingin
sa’kin. Tumingin naman ako kay Madeline. “Kung sabagay, hometown
mo naman yun. What’s new, ‘di ba?”
Narinig ko bang ngumisi si Troy? Well…
“This girl—Troy! Are you really dating this—this kind of woman!?”
Reklamo niya.

132
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Tumingin ako kay Troy, na parang sinasabi kong let me handle this.
Girl fight ‘to kaya wag siyang sasali.
Tumingin uli ako kay Madeline. “Wag ka na lang magsalita, alam mo
yun? Tularan mo ang mga kapatid mo, tahimik lang.”
Tumingin siya sa kasama niya. “She’s not my sister!”
Narinig kong nagsalita si Mokong. “Wala siyang kapatid, Freak.”
“Hindi naman siya ang tinutukoy ko.” Sabay turo sa kasama niya. “Sila
ang tinutukoy ko.” Sabay turo sa mga pader.
“The hell—what are you—”
“Ay! Ano ba naman yan? Hindi mo ba sila kapatid? Ang akala ko pa
naman—Sorry! Pare-parehas kasi kayong FLAT.” Chested… Sabay
turo sa dibdib niya. “Ang ganda mo kase, masyado kang FLATtered.”
Humarap ako kay Mokong. “Tara na.” Ngumiti ako at tuluyan na
kaming nagfly! Haha, babboo!
-=-
Bakit naman sila ganyan… Nahirapan ako sa exam namin. Grabe!
Bilang na bilang yung nasagutan ko na sure ako. At ang mahirap
pa nito, right minus wrong! Kaya nga mas marami yung hindi ko
sinagutan. Technique yun eh, tawa tayo dali.
“Dapat kasi, gumagawa sila ng tanong na masasagutan hindi yung
tititigan mo buong exam.” Litanya ni Liz.
“Tama. Tama yan.” Sagot ko. “Si Chris, okay pa. Kumain ata ng isang
buong libro kanina yan.”
“Bibigyan ko kayo ng sagot kanina, kaso focus na kayo sa pagsasagot.”
“Anong pagsasagot? Baka ‘pag-mini-mini-maynimu’ kamo.” Sagot ko.
Hindi ko talaga feel ang any subject na may konek sa math. Bigay mo
na lahat ng subject wag lang yan!

133
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Wag ka, si Sandy nga oh, ang bilis natapos. Tulog na nang makita ko.”
Si Liz.
“Muntik ko na ngang makalimutan sumagot. Good thing nagising
ako.” Sagot naman ni Sandy.
“Yan tayo eh, medyo hangin-hangin din.” Si Liz.
“Ganyan kasi ang mabuting mag-aaral, Nads—Liz. Nag-aaral bago ang
exam, hindi on the day of exam.” Si Sandy sabay ngiting mapanglait.
“Kala niyo, humanda kayo sa susunod na exam.” Sabi ko.
“So what’s next ba?” Si Sandy with all those confidence.
“Ah, Philippine Constitution and History.” Sagot ni Chris.
“What!? Hey—” Tumingin si Sandy sa’kin.
“Sorry… Ang tunay na mag-aaral, nag-aaral sa bahay. Hindi bantay-
salakay.” Sabay tawa ko. Kasi naman, sa lahat naman ng subject, yan
ang ayaw ni Sandy. Alam niyo naman yan, that’s boring, ‘yan lang
isasagot niyan sa inyo. At ako ang takbuhan niyan sa subject na yan.
Habang naghihintay naman ng next class…
“Nga pala Nads.” Si Liz. “Kamusta yung movie marathon niyo ni Troy?”
“Nga pala!!” Sigaw ‘ko. Nagtawanan naman sila. “Ang sama mo Liz!!”
Naalala ko na naman yung naging wild yung mga bida at mukha
akong tangeks na dinaldal si Troy para ma-divert ang attention naming
dalawa!
“Kinwento ni Liz sa’min yun. Imagine na imagine kita.” Natatawang
sabi ni Chris.
“Sama…” Say ko at sumagot naman si Sandy.
“It’s okay. Life is full of surprises. Just enjoy and laugh out loud.” Sabay
tawa nila.
Hay, bakit ang loloka ng mga kaibigan ko. “Teka nga? Nagkataon lang

134
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

bang parehas kayo ng ‘ni-recommend’ ni Adrian sa’min ni Troy ng


movie?” Biglang natigil ng tawa si Liz. Tapos sumunod yung dalawa at
tinitigan si Liz. “Something’s fishy…”
“Kaliskisan ang fishy…” Si Sandy. Si Liz naman, nakangiti lang sa’min.
At saka nagsalita si Chris. “Maraming babae yung Adrian na yun eh—”
“Oy! Mabait kaya si Adrian! Mukha lang siyang may sapak sa utak
pero I know, and I know, we’re compatible. Parang manga at bagoong.”
Pagtatanggol ni Liz.
Nagkatinginan kaming tatlo at kay Liz. “HULE!!” Sabay tulak kay Liz.
“Bakit kailangan nanunulak?!” Sigaw niya.
-=-
“Captain, kamusta ang The Notebook?”
I turned to look at who it was and it’s him, this crazy man, Adrian.
“What on earth are you thinking suggesting that movie, uh!?”
Tumawa naman. “Captain! Ang laki mo na! Pwede ka ng manuod ng
gano’n! Bwahaha!”
“What—”
“Nang love story, Captain! Love story! Bwahaha! Utak oh.”
“Are you making fun of me?” I seriously said, while him? Parang loko-
lokong tawa nang tawa. I really don’t know why am I talking with this
person.
Huminto siya when he saw me staring fiercely at him. “Captain
naman… Wag mo naman akong patayin sa titig mo. Ang totoo niyan,
wala talaga akong alam—”
“Her friend suggested that too.” And he laughed hard again.
“Si Liz kase—” Sige, tawa. Huminto nang makita ulit ako. “Captain,

135
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

‘mag-CR’ lang ako—”


“Give me fifty, no breaks, no talks, just run—NOW!”
Tumakbo naman habang sumisigaw ng “Oh hinde!!!”
Minutes later, here comes the late comer, tss!
“Captain!” It’s Luke.
“You’re late.” I said.
As usual, he just laughed. “I know Captain, how many rounds?”
“Tss, give me twenty-five. Move!”
“Yes, Captain!” Then make his way. “Kahit fifty pa.”
“Langya ka Luke! Ako nga hingal na hingal na dito—”
“Saying something, Adrian?”
“Wala Captain, I’m so happy nga! Bwahaha! Pangarap ko ‘to eh,
tumakbo hanggang mawalan ng malay!”
Since that incident, I don’t know how to react with this damn brain, I
kept on thinking about her! And damn this stomach, I kept on craving
with her dish. Now I’m sure, nilason niya ‘ko.
‘Coz damn myself, I’m craving for her! Tss!

136
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Chapter 13: See you tomorrow?

What’s on your mind? > The right way to get a man’s heart is through
his stomach? Eh pa’ano naman ang sa babae? Through her burp?

Mabilis pa sa alas-kwatro kung dumating ang mga ito. Nagtext kasi


ako na magluluto ako para sa team ng RD. Alam niyo na? Nalaman
ko nga kasi nung gabing nasa bar sila at nag ‘missing-in-action’ ako,
eh hindi na natuloy ang kanilang enjoyment supposedly. Kaya, babawi
ako sa kanila.
Papagluto ko sila.
“So what’s the menu for these hot burning dragons?” Tanong si Sandy.
“Chopseuy.” Sagot ko.
“Ooohhh… Chopseuy.” Reaksyon naman ni Liz.
“Anong meron sa Chopseuy?” Tanong ko.
Habang nilalabas ni Sandy ang mga pinamili ko, na galing sa bulsa niya
rin naman dahil nawalan ako ng pera! Nangutang muna ako sa kanya.
Malas na babae, tsk tsk.
“Ang Chopseuy, halo-halong gulay. Masasarap… Malalaki…
Mahahaba… Malulutong… Fresh na fresh, at masarap ulit-ulitin.”
“Ang Chopseuy, bow.” Habol ni Chris.
“Ang RD, bow.” Dumagdag pa si Liz.
“Gawin daw bang ulam ang Dragons?” Singit ko.

137
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Basta ako, mahilig sa MALALAKING…” Tumingin sa’min si Sandy.


“Gulay, of course.”
Eto na si Loka-lokang Liz. “I want, MAHAHABA…” Sabay angat ng
carrots. “, na gulay, syempre. Ikaw ba Chris?”
“Gusto ‘ko yung MASARAP…” Ngumiti na lang habang kumukuha ng
kutsilyo at chopping bobard. “Ulit-ulitin…”
“Ikaw Nads? Any veggies to share?” Sandy.
“Ahh, hindi ako mahilig sa gulay eh.” Napatingin naman sila sa’kin.
May kinuha ako sa freezer at inangat sa kanila. “Kasi, mahilig ako sa
karne… MALAMAN!”
Nagtawanan na lang kaming apat.
-=-
“Nandyan po ba sila? May practice po ba?” Tanong ko kay Manong
Guard. Nandito na kami sa Austine at dala na namin yung aming
masasarap at malalamang lunch.
“Ay nako, ikaw ba yung dumating nung isang gabi? Yung napagkamalang
magnanakaw nung isang guard namin?”
“Nads, sikat ka pala dito, eh.” Pang-iinis ni Chris.
“Magnanakaw ang peg.” Dagdag ni Liz.
“Ah, opo, nandyan ba ang RD, Manong?” Tanong ko.
“Ah oo, nandyan sila. Nako, dinala ka pa nga sa ospital, ano? Buti ayos
ka na. Mukhang malakas pagkakatama ng bola sa’yo, ano?”
“Pigilan niyo ‘ko, pumapatol ako sa guard.” Bulong ko habang nakangiti.
Bumulong naman si Sandy. “That’s okay. Fan mo yan for being such a
trouble-maker.” Nagngisian na naman silang tatlo. “Hey, we’re going
in, okay? Her’s our I.D., I’ll get this one.” Kinuha naman ni Sandy yung
visitor’s ID. “And here’s for you.” Binigyan ni Sandy ito ng packed lunch.
“Bye!” Sabay hila sa’ming tatlo papasok ng Austine.
“Natulala Sandy, lagot ka.” Sabi ni Liz.

138
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Only a Goddess can do that.” Sagot naman niya.


Pagpasok namin, mga nagtitinginan ang iba. Of course, outsiders. Ang
laki pala talaga ng school nila. Ang yaman talaga ng Mokong na yun.
Lahat ata meron na siya, ano na lang—
Ikaw…
Naalala ko na naman yung sagot na yan.
“This is too much, Nads!”
“Huh?” Tumingin ako Kay Liz. Habang silang tatlo nakatingin nang
diretso.
“Bakit anong nangyari—” Lumingon din ako. “Oh my gulay na
mahalay…” Nabulong ko habang napatulala rin ako nang diretso sa
mga nilalang na ito.
“Kawawa naman sila, init na init. Tsk, tsk, tsk.” Si Sandy.
“Mukha nga…” Habol ni Chris.
“Uy sila Nads!”
“Aba, oo nga ‘no?”
“Captain! Nandito sila Nads!”
“Learn to breathe girls.” Sabi ni Sandy habang papalapit sa’min ang mga
topless Dragons. “Inhale-exhale, not Inhale-inhale, okay?”
“Oh-em, tissue please.” Si Liz. “Eh!?” Sabay parang ‘na-dissapoint’.
“Hi Liz! Bwahaha!” Si Adrian.
Natawa ako. Kasi naman naka-sando si Adrian. Tawa tayo dali! No-
no-topless!
Uh-oh, no time for laugh, here comes Luke Sandoval. Init na init sa
tag-init ang peg.
“Nads, napadalaw kayo, ah.”
“Malaman…”

139
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Malaman? Anong malaman, Nads?”


“Ah!? I mean yung pork barbecue na niluto namin sa buong team,
malaman.” Sabay tawang awkward. Pahamak!
“Teka, siya na ba si Liz?” Sabi nung iba pagkakita kay Liz. Aba, sikat
ang bruha.
“Oo! At, lumayo-layo kayo.” Sabi ni Adrian. Hmmm… May something
talaga.
“Nako Liz, dun ka sa tuwid na daan. Wag diyan, tabi-tabingi at walang
patutunguhan ang daang meron yan.” Sabi nung isang player nila.
“Kungbaga, parang sumugod ka sa bahay na nagliliyab sa sunog. Tsk
tsk tsk.”
“Grabe kayong magmoral support! Sagad sa buto ang panglalaet! Liz,
kulang sa sustansya ang mga yan. ‘Wag kang maniniwala—Liz!?” Haha,
ang bruha talaga. Natulala sa ibang players. “Liz naman.” Nagtawanan
naman yung iba.
“I’m just kidding, you know.” Sabay ngiting malandi at iwan kay
Adrian. Asus, pahabol ang peg. “Pinagluto namin kayo, pero idea ni
Nads yan at siya na mismo nagtimpla. Para daw kasi sa gulong dala
niya last night.” Paliwanag ni Liz.
“Kailangan buong reason ang sasabihin?” Tingin ‘ko kay Liz.
“May the peace be with you.” Sabay wink. Pati ba naman ako tatablan
sa charm nito?
“Talaga!? Nako, mukhang masarap…” Medyo nag-aalangang sabi nung
isa.
“Oo nga eh…” Dagdag pa nung isa uli.
“Problema ba?” Tanong ni Chris na tanging camera lang ang dala.
Camera Addict.
“Ah, wala naman, kakakain lang kasi namin.” Sagot ni Sebastian sabay
kamot sa ulunan.

140
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Ay, ganon ba…” Bad timing pala ako. Dapat nagsabi na ‘ko para—Eh?
Isang mabilis na kamay ang kumuha ng dala-dala ‘kong packed lunch.
“Move to the cafeteria.” Si Mokong. Seyoso…
“Captain—”
“NOW!” Sigaw niya sabay tingin sa’kin, tapos iwas-iwas din.
Sabay-sabay namang nagkanya-kanyang kuha ng bitbit namin ang
team at nagsikuhanan ng mga shirt nila bago lumabas ng gym. Ay
bakit pa? JOKE!
Nagpunta na kami sa cafeteria at ayun, nagsikainan naman sila.
Mukhang nasarapan naman sila kahit na sinabi nilang kakakain lang
nila. Yan tayo Nads eh, nasa kamay mo ang Magic.
Ngayon, nasa gym na kami uli. Nanuod na lang kami ng practice nila.
“Nads, yung totoo.” Tumingin ako kay Sandy. “Wala kang nahahalata?”
“Sa’n?”
“One batok please.” Si Liz.
“Sige subukan niyo.” Babala ko. “Ano ba yun?”
“’Di mo ba nahalata yung dalawa?” Si Chris. “Troy at Luke.”
“Oh bakit?”
“Yung isa bakod na bakod at yung isa, selos na selos.” Eh?
“Napag-usapan nila yung tungkol sa inyo ni Troy na nagmovie
marathon kayo. Nasa CR ka kasi, ang tagal mo magpaganda. Ayun,
halata kay Luke na sumama ang timpla. Aba! Sa kanilang dalawa, si
Luke kaya ang kitang-kita na may pagtingin sa’yo right from the very
start.” Paliwanag ni Sandy. “And now? You’re being too close with your
FBBF, quote and unquote. Well, I’m not saying it’s bad. I’m just saying
na… are you too numb, or just too slow, or… enjoying the moment?”
Napabuntong-hininga na lang ako. Baka nagkakamali lang sila,
mahirap mag-assume.
Later on, natapos na ang practice nila at kasabay na din namin silang

141
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

aalis.
“Nads,” Lumapit si Luke tapos kinuha yung bitbit kong bag na
lalagyanan ng mga pagkain kanina. “Free ka sa Wednesday?”
Habang pababa naman mula sa bleachers. “Naman, bakit?”
“Labas tayo, free time ko yun.”
“Ah, sige. Half day lang ako no’n.”
“Nice, oh sige. Pagpapaalam kita kay Tita Alma. Sunduin kita sa school
niyo.”
“’Wag na, ako na magpapa-alam, Luke. Basta—”
“Luke, kumbinsihin mo nga si Captain. AY SORRY! Nakaka-istorbo
ba?” Sabay ngiti ni Adrian. “Luke, relax. Bwahaha!”
Ngumiti ako. “Wala yun. Sige Luke, text text na lang, puntahan ko lang
si Chris. Sunod mo na lang yan.” Tinuro ko yung bag. Then palakad na
sana ako ng marinig ‘ko yung sinabi ni Adrian.
“May practice daw sa Wednesday, wholeday pa! Alam naman ni Captain
na may lakad tayo, tsk tsk. Bwahaha! ‘Di kaya kabado sa next game si
Captain? Narinig naman niya mga plano natin this Wednesday, ‘diba?”
Tumingin ako kay Luke, not so sure kung si Luke nga ba yun? Nawala
ang coolness ng reaksyon niya. Hala, galit na ba siya? Naglakad siya
palabas ng gym bitbit yung bag ko. Sana naman, wag silang magka-
away. Ewan… Basta, nararamdaman kong may kasalanan ako. ‘Di ko
lang alam kung ano.
-=-
Nasa carpark kami, hinihintay ko si Luke. Nasa kanya kasi yung bag
ko.
“Oh ayan na pala si Luke eh.” Si Chris.
“Nads, oh.” Sabay abot nya nung bag. “Sensya na, natagalan. Sa kanila
ka na ba sasabay?”
“Don’t worry Luke, I’m a very safe driver.” Sabi ni Sandy.

142
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Ngumiti naman si Luke. Buti naman nakita ko uli siyang ngumiti. ‘Di
kasi ako sanay ng iba ang timpla niya. Nag-usap kaya sila ni Mokong?
O masyado lang akong praning? “Ingat kayong dalawa pag-uwi.
Maraming loko sa daan.”
“Eye eye sir.” Sagot ni Sandy.
“Nads? Ayos ka lang?” Tanong ni Luke.
“Ah, oo. Ikaw? Ayos ka lang ba?” Tanong ko. Ngumiti naman siya.
“Oo naman.” Pinatong niya yung kamay niya sa ulunan ko. “See you
tomorrow.” Then inalis niya yung kamay niya. “Ge, ingat kayo Sandy.”
“We will. Bye.” Umalis na si Luke.
“Girl.” Tawag ni Sandy.
“Hmm?”
“Mukhang babawi si Mr. Heartthrob ng RD team, ah?”
“Ah… ‘Di ko gets?”
“Lagi naman, I mean, magkikita kayo bukas?”
“Hindi, Wednesday pa nga dapat, eh.” Kung hindi lang hinarang ni
Mokong.
“Bakit see you tomorrow?”
See you tomorrow. Nga pala, bakit nga see you bukas?
“Freak.” Oh, si Mokong.
“Next…” Bulong ni Sandy.
“May kailangan ka?” Tanong ko.
“Taray…” Bulong ni Sandy.
“Tss, nothing. I’m going home too.”
“Eh bakit nandito ka?”
“Ang taray talaga…” Bulong ulit ni Sandy.
“I have a car too, Freak. Nakita ko lang kayo.” Sabay turo sa katabing

143
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

sasakyan. “See?” Nads, nice one. Inis.


Narinig ko namang ngumisi si Sandy at bumulong ng “Basag ka dun
Nads.” Che!
Tumingin naman siya kay Mokong. “By the way Captain. Thanks for
accommodating us.”
“Thanks for the food.” Ah! Ako nagluto no’n! Naghiwa lang sila bakit ‘di
siya nag-thank you sa’kin!?
“We’ll go ahead, bye Captain.” Sabay talikod ni Sandy at bulong ng
“Bibigyan kitang sandok mamaya, baon ka girl…” Sabay punta sa
driver’s seat. Nakatingin naman ako kay Mokong. Pa-see? See? Pa ‘to!
Tinalikuran ko na siya, kaso…
“See you tomorrow.” Huminto ako. “Freak.” Pagkaharap ko naman,
naglakad na siya papasok sa sasakyan niya. Teka? Bakit—Pati siya?
“AY KALABAW!” Napatingin ako kay Sandy sa loob ng car. Bumusina
ba naman bigla. Sabay senyas nang pumasok na ‘ko.
“Tara na girl. Iwan mo na muna ang mundo ng RD, let’s go home—”
“Anong meron bukas?” Nasabi ko. Nakita ‘kong umalis na yung
sasakyan ni Mokong.
“What-girl?” Tanong niya. Humarap ako kay Sandy.
“See you tomorrow… Sinabi rin ni Troy.”
“Really?? I think… That is something that you have to look for, right?”
Napabuntong hininga na lang ako. “Dapat ko bang abangan o dapat
akong kabahan?”

-=-

144

You might also like