Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 240

VOLUME TWO

My Facebook
Boyfriend...
For REAL!?
“FROM REEL TO REAL”

(VOL. II)

Written by A.B. Castueras

PSICOM PUBLISHING, INC.

1
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

My Facebook Boyfriend… For REAL!?


“From REEL to REAL”
(VOL. II)
By A.B.Castueras
Copyright 2013 PSICOM Publishing Inc.
All Rights Reserved
First Printing 2013
Published and Printed by PSICOM Publishing Inc.
Quezon City, Philippines
Edited by: Ms. Khuey Garces
Assited by: Anna Mae Bag-ao
Cover Art by: Rhaine Agacan

Please visit us on Facebook:


facebook.com/psicompublishing
Follow us on Twitter:
@Officialpsicom

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses,


songs, places, events and incidents are either products of the author’s
imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual
persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

2
VOLUME TWO

Dedicated sa aking sarili.

Sa aking sarili na ‘dine-dedicate’ sa inyong lahat.

3
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Acknowledgement

Salamat again, Lord!

Sa napaka-sexy naming editor, Ms. Khuey Garces. Bakit ang sexy


natin?

Sa ABCharismatics – LAPASTANGAN po kayong lahat! Mana kayo


sa’kin.

Sa may-ari ng librong ito – Beware, may hihiram na naman niyan.


Dapat, 5php per page. Paki-kwenta na lang…

Sa nanghihiram lang ng librong ito – Wala ng libre ngayon, free taste


na lang ang mayro’n.

SALAMAT!

4
VOLUME TWO

Ask Me.

QUESTION: In love ka ba , Manager?

Instead na About the Author, pumili na lang po ako sa mga paulit-ulit na


tanong mula sa aking twitter at FB accounts.

Okay, sasagutin ko na po kayong lahat ng walang halong kalokohan at


pawang katotohanan lamang.

Yes, I’m in love and inspired…

I’m in love with writing, reading, watching movies, oldies and OPM
Music, vanilla ice cream.

I’m inspired with my family, my readers, friends, and my imaginary


boyfies…

I’m serious kaya!

Sabi nga nila, love can express to anyone in any form. Kaya ayan, nasagot
ko na kayo at wala ng kokontra!

I’m super duper in love… and private.

See you with your next question…

I love you.

5
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

by Columbia Kho - website: http://fb.com/kurohiko


6
VOLUME TWO

Chapter 14: Haba ng hair ko!

What’s on your mind? Ang tao kapag hinahabol, karaniwan may


utang. Pero kapag ako na ang hinabol, tamang karisma lang ang
kailangan.

The most annoying morning of my life. I can’t even sleep, kahit isang
minuto lang, because of that man named Luke. Now I’m thinking of
everything that had happened before that non-sense challenge, which
he started last night. Challenge?
“Liligawan ko siya.”
That’s sounds like a challenge. I don’t know.
Then court her! Tss! Kailangan niya pa ba ng permiso ko para gawin
‘yun? As if I’m gonna complain or stop him from doing that? He can
do whatever he wants at wala akong pakialam. She’s not my—yeah,
not even something. Damn, damn, damn, what are you to me, Freak?!
Purely—trouble, tss!
But I’m thinking…
Does he really wants to be with her that much? Like hell—he’s asking
for an early death! What are you really up to? Why do you want to be
near her, Troy? Tss! No one would dare to be near that woman. Heck,
what am I thinking? Non-sense…
“Liligawan ko siya.“
“I see,” that was my reply.

7
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Kapag sinagot niya ‘ko, hinding-hindi ko na siya pakakawalan, kahit


kailan…”
“What is your point exactly? Why are you telling me all of this? Are you
asking for my opinion, or what?”
“Kung may gusto ka kay Nads, gawin mong patas ang laban nating
dalawa,Troy. Pero kung wala naman, mas mabuti pang ‘wag ka na lang
lumapit nang lumapit sa kanya.”
“Ako ba ang inuutusan mo, Luke?”
“Labas dito ang pagiging Captain mo sa team. Nag-uusap tayo, lalaki sa
lalaki. Dahil sa nakikita ko, ‘beyond friends—beyond enemies’ kayong
dalawa. Sa ngayon, ‘eto lang ang sigurado ako… No one can stop me,
even you—Captain.”
“Are you that scared?”
“Mukha ba ‘kong takot?”
“Then do what you have to do, and I’ll do the same thing.”
That last night’s conversation made me look like a freak. Kinausap niya
‘ko bago umuwi para lang sabihan at balaan. Then I’m telling him, he
warned the wrong person. Tss! While this Adrian, wala na namang
magawa sa buhay. I don’t know if he heard us talking about Freak. But
one thing’s for sure, he’s always there with his weird ideas. Tss!
“Captain!”
“Take that hands—.”
“Bwahaha! Captain talaga, wala naman akong sakit. Pagiging gwapo
lang ang disease na mayro’n ako, hawaan kita, Captain?”
I looked at him, “Excuse me?”
“Ang totoo niyan, Captain, ako na lang ang hawaan mo ng katawang
panunaw. Medyo… medyo kinulang lang naman ako. Bwahahaha!”
“Tss!”

8
VOLUME TWO

“Captain, kayo na ba ni Nads?”


“What?!”
“Relax… hindi pa ba? Kala ko naman kasi—Oh, teka Captain! ‘Wag
kang umalis, bwahaha.”
“Maghanap ka ng kausap mo, Adrian.”
“Ikaw nga ‘tong gusto kong kausap, Captain. You need an advice—.”
“I’ll be damn if I ask it from you.”
“Then be damn! Bwahaha, biro lang Captain. Pero ‘eto lang ang masasabi
ko, mahirap manghula ng feelings, lalo na ang mag-deny.”
“Deny?”
“Captain… kung may gusto ka kay Nads—Oh! ‘Wag ka munang mag-
react, Captain, cool ka lang. Okay, kung may gusto ka nga kay Nads,
fight for it! Pero kung wala, you better be sure of it! Bwahaha! English
‘yon!”
“And why should I listen to you, Adrian?”
“Naks, I’m getting your attention Captain—Bwahaha! Pero, sasagot na
‘ko bago mo pa ‘ko ibaon sa lupa. Kailangan mong alamin ‘yun, Captain,
kasi mahirap magsisi sa huli. Lalo na ‘yung wala kang kalaban-laban
nagulat ka na lang, wala ng Freak.”
No Freak!? “No Freak, uh.”
“Kaya nga Captain, if I were you, sundin mo ang advice ko. Gusto mo
bang marinig?”
I remember saying this before: anyone who listens to Adrian’s advice
will be damn crazy.
Now, I think I am damn crazy. Tss!
-=-
“Manong, para!” Sigaw ko, ang bingi eh.

9
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Bababa?” nakakalokong tanong pa ni Manong.


Ay hindi! Sasasakay uli. Masarap ata sa bubong, try ko lang. Pigilan
niyo ‘ko, pumapatol ako sa driver. “Opo, bababa na.” Hay salamat,
huminto na ang jeep ni Manong.
Ayan, nandito na naman ako sa aking sintang University. Ano na
naman kaya ang bubulaga sa’kin today? Well, ‘eto na ‘yung araw ng See-
You-Tomorrow no’ng dalawa. ‘Di ko muna iisipin ‘yun dahil marami
akong project. Mahalaga ang pumasa kaysa umasa, kaya go girl! Aral
muna.
Malapit na ‘ko sa building ng HRM Department nang may mapansin
ako.
“Daming tao?” Mga girls, to be exact, na nasa tapat ng building namin.
‘Di ko na lang pinansin, nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
“Nads!!” Teka, may tumawag ba sa’kin? Tinuloy ko na lang ang
paglalakad, baka hindi naman—“NADS!!” At saka ako lumingon para
tingnan kung sino ‘yung tumawag sa’kin.
Hindi ko na namalayang papunta na pala sa direksyon ko ‘yung
kumpulan ng mga girls with—with Luke?! Sabay tago sa likod ko at
hinawakan ‘yung magkabilang balikat ko. Hingal na hingal naman
siya. Nagsihintuan naman ‘yung mga girls sa harapan namin. Ay?
Anong meron? Axe commercial? Amazona ang peg niyo?
“Luke? Anong ginagawa mo rito?” Tanong ko.
Siya naman, nakatingin lang sa mga girls na nasa harapan namin,
nakangiting hinihingal. Teka, medyo hindi ata maganda ang description
ko do’n, ah? Okay, basta-basta-basta! “Mga school mates mo kasi, ayaw
akong tantanan.” Tantanan? “Kanina ko pa sinasabing may inaabangan
ako, mamaya na lang ‘mag-pa-picture’. Kaso ayaw akong lubayan.”
Sikat eh.
Tumingin naman ako sa mga girls sa harapan namin. Sama
makatingin… masama ang gising?

10
VOLUME TWO

“Sino bang inaabangan—.”


“Nads, tinatanong mo talaga ‘yan?” Tumingin siya sa’kin. Tapos
ngumiti na parang… fine, I’ll tell you. “Inaabangan ko ‘yung babaeng
liligawan ko, dito kasi siya nag-aaral. Nadine ata ang pangalan?”
Grabe naman, parehas pa kami ng pangalan—.
“Nads! Ikaw ang tinutukoy ko.” At saka siya tumawa na parang ‘di
makapaniwala sa sagot ko. “Sa ngayon, tara na muna.” Sabay hawak sa
kamay ko at tumakbo kami…papunta sa building…KO?
“Te-te-teka! Bawal ka rito, Luke!” Sigaw ko habang tumatakbo kaming
dalawa na parang eksena lang sa mga movies. ‘Di siya sumagot
hanggang sa nakarating na kami sa tapat ng classroom ko. “Luke,
thanks. Sige na, baka mapagalitan ka rito—.” NGANGA. Bakit? Bigla
ba namang pumasok si Luke sa loob ng room ko?! Sinundan ko siya ng
tingin. “Luke?” Para siyang may hinahanap, tapos kumuha ng upuan
at humarap sa’kin.
“Sa’n ang upuan mo?” Tanong niya. Hindi ako nakasagot, naguguluhan
ako. Kaya nagtanong siya do’n sa isang laging early bird ng klase
namin. Binuhat niya ‘yung isang upuan with just one hand at inilipat
sa likuran, sa tabi ng seat ko. “Mukhang napa-aga ata ang dating ko?”
Sabi pa niya habang pinagmamasdan ang buong classroom.
Magsasalita na sana ako nang biglang dumating ang tatlo. ‘Yung tatlong
bruha na kaibigan ko.
“Hey! Look who’s here.” Si Sandy at nilagpasan ako. Dumiretso lang sa
likuran. “Look girls, it’s Luke.”
“Hi, Luke!” Si Liz, at same lang ang ginawa. Nilagpasan ako!
Nagulat ako nang tinapik ako ni Chris. “Kalma.” Sabay lagpas din
sa’kin.
“Good morning girls!” Bati ni Luke.
Anong—Anong nangyayari?

11
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Dumami na ang mga nasa room, hindi dahil sa magsisimula na ang


klase. Bagkus ay dahil sa kanya, sa katabi kong si Luke. Ang daming
sumisilip at nagpapanggap na may kakausaping friends sa loob ng
room namin masilayan lang ang gawapo niyang face. Artista ang peg!
Pinaliwanag sa’kin ni Luke na kumuha siya ng dalawang subject dito
sa University namin. At pinaliwanag naman sa’kin ni Sandy na sila ang
tumulong kay Luke para makapasok kaagad. Ano pa nga ba, siya lang
naman ang may-ari ng University. Papalag pa ba? Pero, seryoso ba siya
sa sinabi niya sa’kin kanina?
Inaabangan ko ‘yung babaeng liligawan ko. Dito kasi siya nag-aaral.
Nadine ata ang pangalan?
“Okay class, mukhang magaganda ang aura niyong lahat. Is it because
of this man sitting at the back?” Biro ni Ma’am. “By the way, I was
informed that we’ll have these special students from Austine who will
also take this class. Well, that would be great! Right, class?”
“YES MA’AM!!!” Ay, competitive ang class. Puro kasi kami girls sa
klase. What more do you expect?
“May I ask for your name, Mister…” Tumingin si Ma’am kay Luke.
Tumayo naman si Luke at parang automatic lang na nagsilingunan ang
mga classmate ko sa kanya. Nag-practice?
“Good morning Ma’am. I’m Luke Sandoval from Austine University.
Please help me learn well in this class, thank you.” Saka siya nag-smile
at ang mga classmates ko, parang nangisay. Umupo na rin naman siya
pagkatapos.
Katabi ko lang naman siya, sunod sa kanya sina Sandy at Chris. Si Liz
ang nasa dulo.
Tumingin ako sa tatlo na parang ‘di mapakali at tingin nang tingin sa
mga orasan nila pati na rin sa labas ng classroom. Ano kayang mayro’n?
Nangangamoy na naman ah… nangangamoy kalokohan.
“Okay, I think there’s a lot of girls in here na willing na tulungan ka,”

12
VOLUME TWO

sabi ni Ma’am. Agree na agree naman ang mga girls. Sino ba naman
kasing hindi mawawala sa sarili? Nandito lang naman sa classroom
namin ang heartthrob ng RD na UNDEFEATED CHAMPION ng
college basketball team sa buong bansa.
“So let’s start—.” Mag-uumpisa na sana si Ma’am, pero…
Napatingin ang lahat ng classmates ko sa gawing pintuan, pati ako
nagaya na—OMG.
“Oh, so here’s another student from Austine.” Another? Yung totoo?!
Tumingin ako sa tatlong bruha, mga nakangisi at nag-apir pa. Nang
tumingin ako kay Luke, uh-oh, parang may sinusunog siya sa tingin
niya, ang init masyado! Water, please?
Si Mokong naman, “Sorry, I’m late.” Sabay tingin... Sa’kin! Napalunok
ako, ‘eto na ba ‘yun? ‘Eto na ba ang see you tomorrow nilang dalawa?!
“Tss!” Iling niya nang mapatingin siya sa katabi ko, kay Luke.
“It’s okay, Mister…”
“Smith, Troy Smith.” Pakilala niya. Tumingin naman ako sa mga
classmates ko. Karamihan sa kanila mga punit ang papel na hawak
at sirang lapis. Brutal lang mga ‘te?! Mga ‘di napigilan ang emotions!
Grabe lang.
“You may take your seat, Mr. Smith.” At sinenyas naman ni Ma’am na
pumasok na siya.
Para siyang isang wave na tinangay ang paningin ng mga classmate ko
sa pagdaan niya. Habang siya nama’y titig na titig sa’kin habang palapit
siya. ‘Wag ganyan… Walang spare na upuan baka lumubog ako sa bigat
ng titig mo!
Nakasuot siya ng varsity jacket nila sa Austine at nakasukbit ang isang
handle ng backpack sa kanyang balikat while yung isang kamay ay
naka-pamulsa. Kulang na lang kumindat siya para mamatay lahat ng
mga classmates ko. Kung nagkataon, kulong siya sa salang mass killing.
“Freak.”

13
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Okay na ang lahat, bakit kailangan pa niya akong tawaging Freak?


“Ah?” Iling ko. Tumingin lang siya sa’kin, like dapat gets ko na. Kaso
hindi ko nga gets. Sorry naman. “Ano ba?”
“Nads, may vacant seat dito…” Narinig kong alok ni Liz na nasa dulo.
Ah! Iyon naman pala! Tatayo na dapat ako nang biglang hawakan ni
Luke ‘yong braso ko to stop me. Napatingin ako sa kanya at saka niya
sinabing, “Dito ka lang, Nads.” O-EM, what to do?! ‘Di ko siya kayang
iwan—DRAMA?
“Tss, use the other one, Freak.” Sabi naman ni Mokong. Buti na lang si
Ma’am eh busy sa pagsusulat sa board! Don’t look Ma’am, masyadong
mainit ang bangayan.
Napatingin ako sa kanilang dalawa. “Si Ma’am.” Tumuro ako sa harapan.
Tumingin naman sila at saka ako tumayo at lumipat ng upuan sa dulo.
“Ang hirap, ‘no?” Narinig kong sabi ni Liz.
Tumingin ako sa kanya. “Huh?” Maloloka na ‘ko.
“Maging mahaba ang buhok at karismahin,” sabi pa ni Liz. Napatingin
na lang ako sa dalawa na ngayon ay naka-upo na at parehas na diretso
lang ang tingin sa harapan. Napatungo ako. Pero maya-maya, tumayo
rin at nagsabing…
“CR lang.” Tapos ‘dire-diretsong’ lumabas ng room. Pagdating ko
sa CR… Tumitig ako sa salamin. Poker face… Pero maya-maya…
“HAHAHAHA!” Hagalpak ako ng tawa. Mailabas lang ang gigil at
kilig na nararamdaman ng puso’t puson ko! Kahit hindi ko ramdam
‘to noon… “Ang ganda-ganda ko!” Sabay tawa uli! “Grabe lang sa
kagandahan—.” Natigilan ako. Ang baliw ko! Hindi ko pala tiningnan
kung may ibang tao o wala! Sabi ko nga, mahirap malipasan ng
gutom… Nababaliw. Dire-diretso akong pumasok sa loob ng cubicle.
Nakakahiya ka Nads. May dalawang babaeng lumabas ng cubicle at
nakatingin sila sa’kin habang baliw akong tumatawa!
I’m a Freak nga talaga. Maganda naman! Well… Karismahin pala.

14
VOLUME TWO

Check!
-=-
I’ll kill that Adrian, and that’s one thing for sure. I knew it! I knew it
from the very start. Believing in any of his advices would be the craziest
thing I’ll ever do in my life. Now, anong napala ko? Tss!
“Humanda sa’kin ‘yang lokong ‘yan.” It’s Luke.
“Nakakatawa naman kasi kayong dalawa, na-uto kayo ni Adrian. Oh,
peace lang!” Liz said. Tss.
“Parehas pa talaga kayong sinabihan na sundan si Nads dito.” It’s Chris,
then she shook her head in disgust.
“Pero that’s okay, both of you will have a good fight,” Sandy added.
Napatingin ako. Good fight? I’m here because…
Okay, kung may gusto ka nga kay Nads, fight for it! Pero kung wala, you
better be sure of it.
I’m here because I want to know that…that she’s nothing for me. That
she’s… she’s just a freak trying to bring trouble in my life. Yeah, that’s
it—.
Lalo na ‘yung wala kang kalaban-laban basta nagulat ka na lang, wala
ng Freak.
The rest, I’ll figure it out.
-=-
Naka-survive naman ako sa isang subject na ‘yon na kasama ang
dalawang pinagpala. Grabe lang, nalaman kong si Adrian pala talaga
ang tunay na may pakana ng lahat. Ang isang ‘yun talaga, may sapak.
Pinanganak para maging alter-ego ang salitang kalokohan. Bagay sila
ni Liz, no doubt.
“Nako girl, confirmed! Pinag-aawayan ka talaga ng dalawang ‘yon,”
si Sandy kanina nang nag-start na ang next subject namin at wala na
‘yung dalawa.

15
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Kamusta naman ang buhok ni Nads? Hindi lang mahaba, may


highlights pa.” Si Liz.
Pero kahit na, kinakabahan pa rin ako sa puwedeng mangyari sa
dalawang ‘yun. Paano kung seryoso ngang nag-aaway ‘yung dalawa?
Alam kong magkaibigan sila kaya kung ‘saka-sakali’, ako na naman ang
ugat ng away at kawalan ng world peace!
“I hate to think that you’re chasing me.”
Lumingon ako. Tingnan mo nga naman, speaking of hotness. “Ako yata
dapat ang nagsasabi niyan, Mokong?” Sabay tingin sa palibot. Hello!
Nasa Escolastica ka kaya? Teritoryo ng karismahin kong presence ang
tinatapakan niya. Napaiwas naman siya ng tingin saglit nang ‘ma-gets’
niya ang sinabi ko. Vacant time namin kaya nandito ako sa labas ng
building namin at hinihintay ko ‘yung tatlo.
“Nasa’n si Luke?” Tanong ko.
Nakatingin naman siya sa’kin na mukhang na-batrip. HAHAHA! “I
don’t know, Freak. Tss!” Tapos tatayo na sana siya para umalis.
“Sasabayan ko sanang mag-lunch.” Konting inis pa, Nads. Sarap naman
kasing pikunin nito.
“He’s busy with some other girls, Freak. Why don’t you eat by yourself,
uh?”
Some other girls? Hindi malayong mangyari, maraming mga nakasunod
sa kanya mula kanina pa. Unlike kay Mokong na hindi malapitan no’ng
iba dahil nagpapaka-showy ‘yung sungay niya. Takot lang nila.
“Ikaw? Kumain ka na?” Tanong ko. Aba! Nakatingin lang sa’kin.
Puwede ba… Hindi ako lunch!
“Not yet,” sabay iwas ng tingin. “What do you want to eat?”
“Ang dami nga, eh. Ganito ako pag nagugutom, lahat gustong kainin—.”
“Let’s go, I’m starving.” Saka siya naglakad. Ako, medyo naiwan dahil
nabigla, pero sumunod na rin ako. Amoy libre eh!

16
VOLUME TWO

“Libre mo?” tanong ko habang nakasunod ako sa kanya.


Tumingin siya sa’kin habang naglalakad. “Why? Libre mo?”
“Sus!” Reak ko naman. “Sa arte mo, baka ‘di ko ma-satisfy ang tiyan
mo.”
“Then it’s my treat.” Huminto siya sa tapat ng—.
“Teka, Mokong.” Nakatingin ako sa tapat ng motorsiklo na naman niya.
“Diyan—diyan na naman tayo sasakay?” Tanong ko sabay hagis naman
niya sa’kin ng helmet na kulay yellow. Ay, favorite color ko ‘to ah.
“’Wag ka namang hagis nang hagis diyan. Mabitawan ko ‘to.” Mabasag
ko pa.
“Freak, it’s a helmet. Kahit bumagsak ‘yan, hindi kaagad ‘yan masisira.
Tss!”
Nga naman… Minsan nakakalimutan kong mag-isip, sorry. Sumakay
na lang ako pagkasuot ko ng helmet.
“Mokong, bagalan mo lang ah. Ayoko ng yumakap sa’yo tapos
magrereklamo ka na naman—.”
“That’s what I want.”
“Huh?” Alin sa sinabi ko?
“Tss.”
“Mabagal lang ah?” Umandar na ‘yung motor niya. “Kasi, alam mo
namang ayoko—oooo!!! AYOKO NA, MOKONG!!! IBABA MO NA
‘KO!!!!” Sigaw ko nang bigla siyang umandar at napayakap na naman
ako sa Mokong na ‘to! “ANG SAMA-SAMA MO!!”
“Just for you!” Narinig kong sigaw niya. Walanghiya you, kailangan ko
bang ma-flatter!?
Minutes later…
Pinakain niya ‘ko ng lahat ng ituro ko. Lubusin ang libre, ang galante
ng Mokong na ‘to eh. Nag-pizza, chicken, fries, donuts, spaghetti, at ice

17
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

cream ako. Oo, ako lang, dahil ayaw daw niyang kumain at ang ginawa
niya lang ay titigan ako habang kumakain. Nabusog kaya siya? Lakas
maka-feeling, Nads?
‘Eto, nasa cake shop kami.
“Bakit tatlong box ng cake ang binili mo? Ang dami naman niyan, isa
lang ang gusto ko.” Nakakahiya naman baka sabihin niya ang takaw
ko. Hininaan ko na nga kumain eh.
Habang nakatingin siya sa mga cakes… “I know. Pero kung isang box
lang ang bibilhin ko, how about your brother and your mom? Tss, you
can finish eating this one box all by yourself—.”
“Grabe ka naman! Gano’n ba ‘ko katakaw—.”
“Yes.” Sabay ayos ng tayo niya at hinarap ‘yung crew. “This one.” Sabay
turo sa isang cake. Humarap siya sa’kin sabay sabing, “Sa dami ng
kinain mo kanina, can you still say that you’re not—.”
“Fine, matakaw na kung matakaw.” Inis ah.
-=-
Bumalik kami sa University na mabagal ang takbo, thanks sa cakes
at binagalan niya ang pagpapaandar no’ng motorsiklo niya. Buti pa
sa cake, concern siya. Pagbaba namin, nagulat ako sa dami ng tao na
bumulaga sa’min sa carpark.
“Anong mayro’n?” Nasabi ko habang bumababa ng motor. “Pa’no ‘tong
cake?” Tumingin ako sa kanya.
“Ihahatid kita,” sabi niya habang inaayos niya ‘yung helmet namin.
“Ah? Hindi ‘yun ang tinutukoy ko. I mean, sa’n ko ngayon ilalagay ‘tong
mga ‘to—.”
“NADS!” Napalingon naman ako. Sina Sandy, papatakbo sa direksyon
namin.
“Oh, bakit?” Tanong ko. Sila naman, nagkaroon ng ‘hidden-stare-
message-sent’ nang makita nila si Mokong na busy sa pagpapatong-

18
VOLUME TWO

patong no’ng mga cakes.


“Ah… Well, sumama ka na lang sa’min. ‘Yun, ay kung gusto mo pang
sumama?” Sabay ngiti ni Liz at sabay tingin kay Mokong.
“Ay nako, tama na ‘yan. Go, sa’n ba tayo?”
“As if hindi kami iniwan kanina, pero tara na nga.” Aya ni Sandy.
Lumingon ako kay Mokong para magsabing uuna na ‘ko pero umalis
na ang Mokong dala ‘yung cakes. Che! Kaya tumakbo na kaming apat
sa… Sa? Sa’n nga ba?
“Ayan Nads! Nako, ikaw nang bongga.” Huminto kami sa kumpulan ng
mga kababaihan sa baba ng stage na naka-assemble sa may carpark.
“May program?” Habang patingin-tingin ako sa paligid.
“Ay oo Nads, exclusive para sa’yo.” Sabi ni Liz. Tumingin naman ako sa
kanya para sana sagutin siya. Kaso nag-umpisa nang magtilian ‘yung
mga babae sa paligid kaya napatingin ako sa stage.
“Hi.” Bati niya using the mic. Si Luke! “Pasensya na, nadamay kayo sa
panunuyo ko.”
“AH!” Iling ko nang tinulak ako nitong tatlo. “Masakit ah! Kakakain ko
lang!” Sigaw ko.
“Kakakain? Ilang truck ba kinain mo at hanggang ngayon busog ka pa
rin?” Tanong ni Chris.
Humarap na uli ako sa stage. “Si Luke talaga…” Mahinang sabi ko.
“Proud eh. Pa’no ba yan, Nads? Hinihiyaw na niya ang pangliligaw
niya. Nag-uumpisa na ba ang Bakuran 101 sa babaeng minamahal?”
Keme ni Liz.
Nang maging focus na uli ako, napansin kong parang may hinahanap
si Luke mula sa stage. At nang makita niya ‘ko, ngumiti na siya at
hindi na niya inalis ang tingin sa’kin. Na parang kami nalang ‘yung
tao sa crowd. ‘Yung totoo? Natutuwa ako, masaya ang feeling, pero
bakit parang may kulang… ‘Yung… ‘Yung feeling na kinakabahan,

19
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

na ‘di makahinga nang maayos at ‘di ma-explain na feeling. Excited,


natutuwa, nagagalit, lahat na. Parang no’ng… Basta.
“Nads, gusto ko lang na malaman nilang liligawan kita at ganito ako
ka-seryoso. Seryoso, na kahit ano pang maging desisyon mo, handa
akong mapahiya sa harapan nilang lahat. ‘Yan tayo eh.” Tapos napangisi
siya nang bahagya. “Kaso kung ngayon palang ‘babastedin’ mo na ‘ko,
mukhang mapapa-aga ata ang pagkapahiya ‘ko.” Sabi niya.
Sabay hiyaw naman ng mga babae sa paligid. “Ako na lang! Ngayon
pa lang sasagutin na kita!” at may humabol pa ng… “Kung sino man
siyang malakas ang loob na babasted sa’yo, lintik lang walang gante!!”
“Patay ka Nads. May death threat ka na.” Sabay tawa nitong tatlo.
“Sana may pag-asa pa.” Dagdag ni Luke. Saka tumunog ‘yung kantang
Love Is My Witness.
You look in someone’s eyes
And it feels like the world stops turning at once
That’s what it felt like for me
Nakatingin kami sa isa’t-isa, pero ang isip ko… Medyo wala sa kung
anong nangyayari. Kailangan kong alamin kung ano nga ba… Pero
hindi rin ako pwedeng magmadali, ayokong magkamali.
‘Coz love is my witness
I swear
I’ll be with you till the end
Nothing in tear this love apart
I’ll put my hand upon my heart
This is the promise I’ll make to you
Natatakot ako ngayon. Ngayon ko kasi naramdaman na hindi pala ako
dapat maging kampante sa sitwasyon ko ngayon. Hindi na ‘to laro na
may pause at puwede akong mag-isip sandali. Kailangang walang oras
na masayang, ayokong may masaktan…
Pero Nads, hindi ka naman sigurado do’n sa isa ah? ‘Di kaya, ikaw ang

20
VOLUME TWO

masaktan?
“Ang arte! Nasa’n na ba ‘yung Nads na ‘yan!” May narinig akong
humiyaw na lalaki. Pati lalaki nakikisali pa! Pustahan tayo, beki yan.
“Dapat—.”Biglang naputol ‘yung sigaw. Lumingon ako para hanapin
‘yung nagpuputok ang butsi, kaso wala nang bakas niya. Aba teka…
Sa isang iglap ay natapos ang lahat at bumalik na sa realidad ang mga
estudyante ng University.
“Nads.” Si Luke habang papalapit siya sa’kin.
“Hindi na ‘ko nakapagsalita. Masyado akong nagulat sa’yo, Luke.” Sabi
ko. Wooh! Nagulat? Baka naman wala ka lang talagang isasagot. Shut
up, Nads the second!
“Ayos lang. Hindi ako nagmamadali.” Ngumiti naman siya.
“Naninigurado lang?” Singit nila Sandy. Bigla na lang sumusulpot.
“Hindi rin. Nagpapakatotoo lang.” Sagot ni Luke.
“Luke, bakit si Nads pa? Puwede namang ako na lang?” Biro ni Liz.
“It’s because you have Adrian, girl. ‘Wag kang ‘ambi’, okay?” Si Sandy.
“Fine, kaya si Nads na lang ang may nobody nobody but you!” Dagdag
pa ni Liz.
Ngumiti lang si Luke. “May klase pa ba kayo?” Tanong niya.
Tumawa naman ‘yung tatlo. “Salamat sa exclusive program mo, wala
na. Hindi na kami naka-attend. Thanks bro!” Biro ni Liz.
“Gano’n pala,” natawa siya. “Sorry ah.” Tumingin siya sa’kin. “Hatid na
kita?”
“Ah? Kasi—ano—may—ah—.”
“Kalma, nagtatanong lang ako, Nads.” Natawa naman siya. “Oh sige,
next time na lang. Diretso rin naman akong Austine, ingat kayong apat
pag-uwi.”

21
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Umentra naman si Liz. “Naku, dinamay pa kami sa pagiging caring


niya. Okay lang kahit si Nads na lang. Understanding naman kaming
kaibigan.”
Pagka-alis ni Luke. “Girl, ‘yun talaga ‘yun eh. Tanggihan ang unang
araw ng panliligaw?” Sabay tingin ni Sandy. “At bakit mo naman
tinanggihan?”
“Hindi ko naman tinanggihan ah?” Tinanggihan ko ba?
“Grabe, kasi-ano-may—nautal ka kaya na hindi mo malaman kung
pa’no mo siya tatanggihan. Don’t deny, don’t deny! ‘De-deny’ pa?!” Si
Liz.
“Hindi naman, kasi nga—.”
“Si Troy ang nauna?” Tanong ni Chris. Natumbok mo!
“Ahh… Well, kung sino nga namang first in line, siyang priority.” Habol
ni Sandy.
“Ay nako, anong gusto niyo? Indianin ko ‘yung isa, tapos sasama ako sa
isa. Hala ‘te? Iisa lang ako, isa-isa lang. And besides, hayaan niyo muna
akong mag-isip para makilala sila.” Sagot ko. Tameme kayo ngayon?!
“Fine, Charismatic. Relax, I get your point.” Sagot ni Sandy.
Itinaas naman ni Liz ang left hand niya sabay sabing, “Same here.”
“Count me in.” Habol ni Chris.
Naghiwa-hiwalay na kaming apat at ako itong naghihintay sa tapat ng
motor ni Mokong. Nasa’n na ‘yun? Parang gusto ko pa namang umuwi
na kaagad. Ang bigat ng feeling ko. I mean, physically, mabigat ang
pakiramdam ko. Gosh, ‘wag naman sanang magkatotoo ang iniisip ko.
“Freak.” Napalingon ako. “What are you doing here? Don’t you have a
class?”
Ouch, parang ‘di ako mapakali. “Ano, wala na. Natapos na habang
nando’n ako sa surprise ni—.” Makatingin naman Mokong,
manununaw? Manununaw? “…ni Luke.” Tuloy ko.

22
VOLUME TWO

“Tss. You skipped your class just to watch that—that show?” Ay, may
bitterness ang tono?
“It’s not just a show, Mokong. It’s a surprise, you know?”
“Well, who cares?”
“Of course, I care. Nakakakilig kaya.”
Kinuha naman niya yung helmet naming dalawa habang sinasabing,
“He doesn’t even know how vast you eat. Kung malalaman lang niya,
baka umatras na siya ngayon pa lang.” Inis ‘to, ang daldal kapag
nagagalit.
“Grabe ka naman—.” Aray, hindi maganda ‘to.
“Hey, what’s wrong, Freak?” Napahinto kasi ako bigla.
“Uh?” Napatingin ako sa kanya na alanganin ang mukha. “Tara na nga.
Kung anu-ano pa kasing sinasabi mo diyan.” Kinuha ko ‘yung helmet
ko. Ko talaga? Sumakay na ‘ko mag-isa sa motorsiklo niya. “Tara na,
ano?” Aya ko.
Habang siya, nakatingin lang sa’kin na parang nagdududa sa kilos ko.
“Tss, you really look like a freak.” At saka siya sumakay sa motor niya.
-=-
Nasa daan na kami at ‘eto, ang higpit na ng kapit ko kay Mokong.
Ewan ko lang kung nararamdaman niya, pero talagang hindi na ‘ko
mapakali sa pagkaka-upo ko rito. Ang lamig-lamig pa ng hampas ng
hangin sa’min, ginabi na rin kasi kami sa daan.
Pero kasi, gosh Nads, mahiya ka naman. Pero kasi nga kasi… Oh Lord,
ang sakit ng tiyan ko. Please, konting tiis pa. Grabe! Nakasandal na
halos ‘yung noo ko sa likuran ni Mokong sa sobrang sakit ng tiyan
ko. Gusto ko na nga sanang i-umpog sa likuran niya ang noo ko pero
pinigilan ko talaga ang sarili ko. Kasi naman…
Yung feeling na nanlalamig-nanlalapot na ang mga pawis ko sa sakit ng
tiyan ko. ‘Eto ‘yun eh!

23
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Nads, bakit ba kasi ang takaw mo!


“Freak? Are you okay?” Tanong niya.
No Nads! Gawin mo nang lahat sa harapan niya ‘wag lang ‘to! Wag lang
‘to—OMAYGASH ANG SAKIT NA TALAGA NG TIYAN KO!
“Sige, go lang.” Diyan muna kayo, please. Malapit na… “A—Ayos lang
ako.”
Kaya umandar pa rin siya. Pero maya-maya, biglang huminto at nawala
ang kapit kong mahigpit sa kanya nang bigla siyang bumaba ng motor
at hinarap ang namimilipit na si AKO!
“Freak!? Bakit—bakit namumutla ka!!? What’s happening?
Pinagpapawisan ka, ano ba Freak? Magsalita ka! May sakit ka ba?!”
Sigaw niya. Mas lalong ‘na-te-tense’ ang intestines ko. Please naman,
kayanin natin ‘to. Nakakahiya!
Kaso, nang biglang kumirot na naman ang tiyan ko, hindi ko na talaga
kaya ito!
“Kasi—.” Napaiwas ako ng tingin sa kanya habang hawak ko ang tiyan
ko. “Ang sakit ng tiyan ko.” Basag na ang pagkababae ko!! Pero ang
sakit na talaga kasi. Oh, lahat ng mga santo! Pigilan niyo ang kahihiyang
ito dahil nakakahiya ako! Oh, please, please, please! OH, PLEESSS!
“BAKIT NGAYON MO LANG SINABI?!” Nagulat ako nang sumigaw
siya.
Bigla siyang sumakay sa motor niya at ikinapit ang both arms ko sa
kanya.
“Kumapit ka, maghahanap tayo ng malapit na—.”
“AHH! Wag mo na sabihin, bilisan mo na lang!” Sigaw ko. ‘Wag na
niyang dagdagan ang kahihiyan!
Hanggang sa naging malaking racing field ang kalsada sa bilis ni
Mokong, at hindi ko na namalayang nasa tapat na kami ng… Wait!
Bakit nasa ospital kami!!??

24
VOLUME TWO

Wala ng time para mag-react dahil agaran akong binuhat na parang


buntis lang ni Mokong paalis sa motor, at patakbong pumasok sa CR.
“GET OUT OF THE WAY!” Sigaw niya do’n sa lalaking nakaharang
sa pintuan ng ospital. Grabe! Mokong talaga ‘to! Anong palagay niya
sa’kin? Manganganak!??
Pagpasok namin, may mga lumapit na nurse at ang iba naman may
tulak-tulak ng mga stretcher!! Napapikit na lang ako sa kahihiyang
pinasok ko!
“Sir, i-higa niyo na po siya dito—.”
“No! I don’t need that. Where’s your CR!!?” Sigaw niya with super duper
lakas ng boses. Mokong! Tirhan mo naman ako ng konting kahihiyan.
Masakit ang tiyan ko at hindi ako bulag para hindi ko makita ‘yung
mga reaksyon ng mga nurse. Naging bilugan ang mga mata nila sa
gulat ng pagkakasigaw ni Mokong. CR? CR talaga sa ospital?
Grabe talaga—Aahh!! Ang sakit na ng tiyan ko! Napahigpit kapit ko
kay Mokong.
“What!!? Where’s that damn CR!” Habang palingon-lingon si Mokong.
“Sir! This way po.” Naramdaman ko na lang na tumakbo si Mokong at
hindi ko na maatim tingnan ang mga tao paligid. Super nakakahiya.
Narinig ko pa ‘yung iba. “Nako, baka emergency nga ‘yan.”
Nako po, talagang emergency! One of a kind emergency!
“All of you! Just—just get out of here!” Sigaw ni Mokong at pagkita ko,
nasa loob na kami ng CR! Oh my! Tralala! I’m home! Naglabasan ‘yung
dalawang babae at ibinaba na ‘ko ni Mokong.
“What!?” Tanong niya nang tumingin ako sa kanya.
“Anong what!? Lumabas ka kaya!”
After five minutes! O-M-G TRALALALA! SUCCESS!
Nilabas ko ‘yung huling alas ko, ang perfume ko. Buong lakas kong

25
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

‘pinag-i-spray’ ito sa loob ng CR nang mawalan ang bakas ng lahat ng


kahihiyan! Mukha akong tangang ‘di magkamayaw sa pag-spray dito.
Up and down, side to side—.
“Freak!? Are you done!?” Natameme ako bigla. Ayan na naman siya
sa mga tanong niya. Kanina pa ‘yan, eh. Freak, are you okay!? Freak do
you need help!? Freak! Answer me! Kulang na lang tanungin niya ‘ko
kung kaya kong maghugas mag-isa. Ay, ang sagwa! Ah basta! Spray
spray spray—.
“What are you doing?” Bukas ang pinto at hawak niya ‘to na parang
nakasilip.
Napahinto ako sa pag-spray. “Ah? Ah, nagpapabango, bakit?” Sabay
spray sa’kin ng pabango ko. Lumabas na ‘ko pagkatapos at nakita ko
ang mga naka-abang sa labas na masama ang tingin sa akin.
“Hay sa wakas, kanina ko pa gusto mag-CR eh.”
“Kung hindi lang talaga nakakatakot ang boyfriend mo, hija.”
“Sorry po, sorry po.” Nahihiyang sagot ko.
Nang makapasok na sila…
“Hey, are you okay now?” Success! Pero dahil may natitira pa ‘kong hiya
sa katawan, mga point five percent, hindi ko ‘yan isasagot sa kanya.
Tumango lang ako. Maskara please. ‘Di ko keri ito!
-=-
Nasa daan na uli kami matapos ang nakakawalang-dangal na eksena
namin sa ospital. Nagtitinginan ang mga tao habang papaalis kami.
Naririnig ko pang sabi ng iba, “Ang sweet no’ng bf niya.” Sweet!? Yung
totoo? Dangal ko ang nakataya rito! Dangal na niyurakan ng aking
tiyan!
Alam niyo bang pinatingnan pa ‘ko ng Mokong na ‘to sa doktor! Ayaw
‘magpa-awat’ eh. We have to be sure. Sabi niya. Tapos, binayaran din
niya pati paggamit ko ng CR. Oh Nads, kilig ang gusto ko… Hindi

26
VOLUME TWO

sakit sa ulo.
“We’re here.” At saka naman kami bumaba. Hindi ako makatingin sa
kanya, saktong tumawag si Mommy. Wala pa raw siya sa bahay at nasa
party ng friend niya, taray lang di ba? Sasabay na lang din daw siya kay
Kuya mamayang pag-uwi. Maya-maya, may kausap na rin si Mokong
sa phone kaya inalis ko na yung suot kong helmet.
“Pasok na ‘ko.” Sabi ko habang may kausap siya at papasok na rin sana
ako.
“Hey, are you mad?” Mad? Tatakas ako, can’t you see!? Nilagay niya sa
bulsa ng pants niya ‘yung cell phone niya.
Hindi ako makatingin sa kanya. Nakatungo nga, actually. “Hindi.” Oo,
sa sarili ko, pwede.
“Look at me.” ‘Di ako sumagot. “Freak?”
Tumingin ako sa kanya. Pero imbes na laughing Mokong ang makita
ko, full of concern na Troy ang bumungad sa’kin. “Nakakahiya.”
“Tss, now you’re talking.” Tumitig pa siya sa’kin saglit tapos nagsalita
na uli. “Don’t be ridiculous. That’s a normal thing that can happen to
anybody, Freak. Why do you have to be so melodramatic? That’s not a
sin, that is…” Is??? “A call of nature?”
Buwisit. Nakaka-encourage, gusto ko nang lamunin ako ng lupa. Call
of nature raw!
“Don’t worry, I don’t give a damn big deal about this. And besides, wala
kang masisirang image Freak. So, don’t lose your energy just because
of—.”
“Ayos na, ayos na talaga, kaso may ‘wala kang masisirang image Freak’
ka pang nalalaman diyan.”
“Don’t get mad at me, okay? It’s a compliment, though.” Nang ‘di
ako nagsalita. “Fine! For me, it’s nothing. No big deal. Just don’t be
ridiculous next time and don’t hesitate to tell me. Okay!? It won’t hurt,

27
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

I don’t give a shit.”


“Kapag ikaw ba, sasabihin mo rin sa’kin?”
“Hell, of course not. Tss.”
“KITA MO NA! NAPAKA MO TALAGA EH!”
“’Coz I would never eat ng katulad sa’yo. That’s why it will never happen
to me, tss!”
Fine! “Ang dami mo kasing pinakain.” Sabi ko. “Pinatataba mo ‘ko.”
“I love seeing you eating.” Love?
Hindi na ‘ko sumagot. Pina-alis ko na rin siya maya-maya at pumasok
na ‘ko sa loob ng bahay.
I love seeing you eating.
Love? Wow ah… Strong word.

28
VOLUME TWO

Chapter 15: 5 V.S. 2

What’s on your mind? Sabi nila, walang ulitan sa bingi,


sa slow kaya? Meron? Je… Je… Je t’… Jejemon?

Papasok na uli ako sa University at may cooking demo kami ngayon


kaya kailangang pumasok nang maaga. Maganda ang gising mo,
nakakain ka naman ng agahan at super thankful ka naman, pero
darating talaga sa life ‘yung may mga sisira ng umaga mo. Tulad nitong
lizard na ‘to na bigla na lang nagtapon ng kape niya pagkadaan ko.
Kaunting-kaunti na lang, pagsasamahin ko na ‘to at si Madeline sa
hometown nila, sa ilalim ng lupa. Mag-party sila forever.
Tumingin ako sa suot ko, na may mantsa ng tumalamsik na kape, at
sunod naman sa kanya.
“Wala kang magawa ‘no?” Sabi ko sa kanya sampu ng mga alipores
niya.
Ngumiti naman siya nang mapang-asar. Nakita ko na naman ang
mukha niyang puro cheekbone.
“Wala nga eh. I just found myself helping you to regain your
consciousness hangga’t maaga pa. Just helpin’ you out.” Sabi niya
habang naka-crossed arms pa. Sooner or later, mapapagbuhol ko rin
‘yan three hundred sixty degrees.
“Pero mukhang kulang ang paggising mo sa’kin.” Lumapit ako sa kanya
at tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa! “Dahil hanggang ngayon,
binabangungot pa rin ako. You are no help, you know.”

29
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Nag-smirk lang siya. “Masaya ka dahil masyado kang sikat sa school?


At sa dalawang transferees pa talaga? Well, just a piece of advice, Nads.”
Sa isip-isip ko, I don’t need your advice!
“You better stay away from them or else, marami ng mag-iisip na
ginagawa mo ‘to para ibalik ang dating status mo. Guess what? That’s
what whores do, sticking herself with anybody that she can stick with
hanggang sa makuha niya ang gusto niya. Gee. Is this what your mother
told you to do—AHHH!”
“Jhoanna!!” Sigaw ng mga alipores niya pagkabagsak niya sa lapag.
Lakas ng impact ‘no? Well Well Well! Matakaw ako for nothing kung
hindi ko kayang gumanti ng pisikalan kung minsan at kinakailangan.
“Eto lang masasabi ko Jhoanna…” Tumungo ako ng bahagya para titigan
siya, mata sa mata. “Mahaba ang pasensya ko at sanay akong umintindi
ng lunatic na taong tulad mo. Pero kapag insecurities ang usapan, girl,
walang gamot diyan. Kaya next time na sumpungin ka niyan, ‘wag ako
ang hanapin mo, dahil sahig ang susunod na kakausapin mo.” Lumayo
ako at tumayo nang maayos.
“You’ll be paying for this!”
“How much?” Sagot ‘ko. “Tss!” Saka ko siya tinalikuran at pumunta na
ako sa room. Umagang-umaga, pinapainit ang ulo ko.
Pagkarating sa room…
“Anong mayro’n?” tanong ko. Ang dami kasing naka-abang sa labas ng
room na may dalang mga kung anu-ano. Nilagpasan ko silang lahat at
saka ako successful na nakapasok sa loob. Sinalubong naman ako nila
Sandy.
“Speaking of the charismatic, good morning.” Bati niya.Tumango lang
ako, badtrip eh.
“Anong problema mo? Ang aga-aga, nakasimangot ka?” Tanong ni
Chris.

30
VOLUME TWO

“Wala lang. May naapakan lang akong butiki. So, bakit ang daming
tao?” Nakatingin ako sa kumpulan ng girls sa likuran, sa part ng seats
namin.
“Well, it’s because of those two guys. Hindi na matapos ang dating ng
mga fans nila dito.” Paliwanag ni Liz habang mga nakatingin kami sa
mga babaeng nasa likuran.
Wala akong panahon para magtanong pa kung ilang babae na ang
lumapit kay Luke at Mokong. Badtrip ako, kaya hanggang mamaya,
sure ako, badtrip pa ‘ko. Naglakad ako palapit sa upuan ko kaso mga
nakaharang sila.
“So... Si Nads na ba ang flavor of the month mo, Luke?”
So, ginawa niyo pa ‘kong icecream, may flavor of the month? Paaalisin ko
na sana ‘yung isang naka-upo sa upuan ko pero narinig kong nagsalita
si Luke.
“Hindi si Nads ang flavor of the month ng isang Luke Sandoval, dahil
siya ang flavor of all seasons ko.”
Parang biglang ‘na-wiped-out’ agad lahat ng bad mood ko na nag-
umpisa kay butiki nang marinig ko ang sinabi ni Luke. Yung black line
na katulad sa mga manga biglang napalitan ng flowers na nakapalibot
sa’kin. Change mood! Napangiti ako.
Tameme kayo ‘no? Tsk tsk tsk, magpa-karisma muna kayo.
“Eh si Captain? Ano si Nads para sa’yo?”
“Freak.”
Wow ah, ngayon ko lang nalaman ‘yan? At sobrang nakaka-flattered
talaga.
Mokong ka talaga.
“Oh, excuse us, excuse us. Make way for beauties like us.” Narinig kong
sabi ni Liz habang hinahawi ang mga girls paalis sa seats namin. Buti
naman nagpahawi sila dahil nakita nila si Sandy. Takot lang nila diyan.

31
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Nang maka-alis na ‘yung iba. “Good morning,” bati ni Luke. “Hi Nads.”
“Hello, Good morning.” Ngumiti naman ako. Dulo to dulo kaming
dalawa.
“Ay, hindi naman sa nang-iistorbo ako pero nang-iistorbo na nga.”
Hirit ni Liz na nakaupo sa kasunod ng upuan ko. “Sabihin niyo lang
kung gusto niyong tabi na lang kayo ng upuan.”
“You’re disrespecting my Goddess-like beauty.” Humarap si Sandy kay
Luke. Tumawa naman si Luke na parang alam na niya ang sasabihin ni
Sandy. “Nag-good morning ka sa’ming lahat, at si Nads lang ang ‘ni-HI’
mo? Where’s the justice for my beauty?”
“Nasa’n ang katarungan, Luke Sandoval?” Adik talaga ni Liz.
“Hangin tayo. Hayaan niyo sila.” Singit ni Chris.
“’Wag kayong ganyan. May kasama pa tayong isa… Captain?” Tawag
ni Liz at humarap naman si Mokong, with all those seriousness in
his face! “Need water or something? Think you’re burning eh. Peace
Captain!”
“Troy, timpi lang sa kaibigan namin. Magkalahi sila ni Adrian.” Sabi
naman ni Chris.
“Thanks for reminding.” Sagot naman ni Troy.
Grabe, ang sayang magulo lang ng samahan namin.
Nag-umpisa na ang subject namin. ‘Eto ‘yung isang subject na kinuha
nilang dalawa. Halatang pinag-isipan. Kasi ‘yung isang subject, M-W-F.
‘Yung isa naman, T-TH. Everyday talaga silang nandito.
“So, look who’s here? RD’s legends uh?” Sabi ni Ma’am. “Well, FYI
girls, I can relate to you dahil fan din ako ng RD team. I’m an avid fan
just to be exact.” Proud na sabi ni Ma’am. “Ngayon pa lang kasi tayo
magkakaroon ng basketball team sa university natin kaya masyado
akong naging fan ng team niyo Mr. Luke the Ace Player Heartthrob
at of course, Mr. Troy the Ace Player Captain. So… What brings you

32
VOLUME TWO

here?” Tumingin naman si Ma’am kay Luke muna.


“First of all Ma’am, thanks for your compliments. As to your question,
it’s because of her.” Sabay turo sa’kin. AH! Ang sakit… Ang sakit-sakit!
Pinana ata ako ng arrow ni Mr. Kupido. Ehehe!
“So, that explains everything… Well, how about the Captain?”
Nagtinginan naman kay Mokong ang lahat ng siya na ang tanungin.
Anong isasagot mo? Ako na rin ba? Malalaman ko na bang may gusto
ka—“HAHAHAHA!” Biglang tawa ko. I’m so sorry! I can’t help it!
Tinuro ba naman si Luke! Brokeback Mountain part two ba ito?
“Well… Si Mr. Luke, si Nadine ang dahilan at mukhang alam na natin
ang ibig-sabihin niyan. While si Mr. Troy naman, si Mr. Luke ang
dahilan. Well, what more can I say? I love what we’re having here…”
Biro ni Ma’am.
“Love triangle, si Luke ang bida.” Bulong ni Liz. At tumawa na naman
ako. “Forbidden love affair naman ang kay Troy.”
-=-
“CR lang ako.” Paalam ko sa kanila. Lunch time kasi at na’ndito kami
sa cafeteria. Maikli lang ang breaktime namin kaya dito na lang muna
kami nag-lunch. Treat daw ni Luke! Libre! Kaso hindi na ‘ko kakain
nang marami… Nakakadala kaya!
Mamaya naman, after nito, babalik na ng Austine silang dalawa.
‘Eto, palakad na ‘ko papuntang CR nang may marinig akong nag-
uusap.
“Halata namang walang magagaling na sumali these past few
tournaments. Kaya puro Red Dragons na lang ang nananalo.”
“Good thing, makakasali na tayo this year.”
“It will be the end for them.”
Ay? May bagyo lang? Grabe lang ah. Mga varsity players ng basketball
team namin ‘yang mga ‘yan. Wala pa man din, tinalo na ang lakas ng

33
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

hangin sa Alaska!
“You have to win the tournament and show them that you have
everything what it takes—.”
To be next top model ba ito? Sorry, nanunuod kasi ako no’n.
“To be the next champion.”
Siguro alam niyo na kung sino ‘yan, boses lizard kaya. May impet ang
boses, si Jhoanna!
“Para naman mapagtawanan ko si Nads after ng defeat nila.” Wow huh?
Laman din ako ng usapan. Siya kaya ang pagtawanan ko? May sugat
siya sa mukha oh. Alam na!
Aalis na sana ako ng may marinig akong pahabol pa no’ng mga players.
“Sa totoo lang, wala sa itsura nila ang tatalo sa’tin. Yung totoo lang.”
Wow ah? Nagpapakatotoo ka na niyan? O nagpapakayabang lang?
“Yeah, right babe.” Sagot ni Butiki! Asus, magkalahi pala ang dalawa.
“Those two and that Nads? Capital L suits them. Losers.”
Masaya naman ang buhay ko. ‘Wag lang talaga akong iinsultuhin ng
babaeng ito.
“At kayo,” sabay pakita ko. Napalingon naman sila. Biglang napahawak
sa sugat niya naman itong si Jhoanna. Fresh from kaninang umaga.
Tell me where it hurts, lizard. “’Ke-lalaki’ niyong tao ‘nag-tsi-chismisan’
kayo? At ikaw naman?” Tumingin ako kay butiki. “Hindi ka na nadala.
Kulang pa ba?” Sabay tingin ko sa sugat niya sa may bandang bibig.
“Masamang nakikinig sa usapan ng iba, Miss.” Sabi no’ng isang lalaki.
“At masama ring pinipintasan ang iba habang nakatalikod sila. Tawag
do’n? Duwag.” Totoo naman ah.
-=-
Nasa’n kaya ‘yung isang ‘yun? Sige Luke, mawala lang sandali, hanap-
hanap na kaagad. Nawala nang lahat ng pagiging Luke Sandoval ko

34
VOLUME TWO

nang makita ko ‘tong si Nads. Ngayon lang siguro ako may sinuyong
babae sa buong buhay ko. May nagiging girlfriend ako, pero puro hindi
nagtagal. Hindi naman kasi ako gano’n kaseryoso.
Pero ‘eto? Humarap na ‘ko sa halos lahat ng tao sa University na ‘to,
sinong hindi pa seryoso sa lagay na ‘yan?
“Masamang nakikinig sa usapan ng iba, Miss.”
“At masama ring pinipintasan ang iba habang nakatalikod sila. Tawag
do’n? Duwag.”
Teka? Boses ni Nads ‘yun ah? Sinundan ko kung sa’n galing ‘yung
usapan, aba si Nads nga. Sino naman ‘tong mga kausap niya? Wala ng
tanung-tanong, lumapit ako sa tabi ni Nads na may kaharap na anim
na lalaki at isang babae.
“Nads.”
Lumingon naman siya. “Oh Luke.” Tapos humarap siya uli sa mga
lalaking ‘to na halos kasing tangkad ko lang rin naman. “Siya ba? Siya
ba? Siya ang tatalunin niyo sa next championship?” Habang nakaturo
sa’kin si Nads.
Ah, teka lang? Anong nangyayari rito?
“Ah Nads, sino ba sila?” Bulong ko habang nakatingin lang din ng
diretso sa mga ‘to. ‘Di ko gustong makatitig, ma-angas.
“Basta, oo ka na lang, Luke.” Bulong niya habang nakatingin din sa
harapan. “Kahit siya lang! Kayang-kaya niya kayong lahat!” Sigaw bigla
ni Nads. Nagulat naman ako.
“Are you kidding us? Siya lang?” Natatawang sabi no’ng isa. Ah, gustong
makatikim.
“’Di ba, Luke!?” Tumingin sa’kin si Nads. “’Di ba walang sinabi ‘yang
mga ‘yan sa basketball kung ikaw lang din naman?” Matatawa ba ako
kay Nads? Ano na naman kayang gulo ang pinasok ng babaeng mahal
ko?

35
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Kahit ano pa ‘yan.” Saka ako humarap sa kanila. Parang kuha ko na


kasi ang nangyayari dito.
“Eh yung lima nga sila baka matalo pa, tapos siya lang—.”
“Bakit? Nakakakaba na ba, ‘tol?” Tanong ko.
“Mayabang pala ‘to eh.” Sagot no’ng isa. Nagsalita naman ang hindi.
Loko rin ‘to eh.
“’Wag kang masyadong mayabang, teritoryo namin ‘to.”
Natawa na lang ako. “May dapat pala akong ikatakot,” sagot ko.
Oh ano kayo ngayon? Mayabang lang kayo. MAS mayabang ako. HAHA!
“Puro ka salita.” Ugok din pala ‘tong isang ‘to. Sila nga ‘tong salita nang
salita.
“KAHIT BUKAS PA!” Bukas pa? “Kayang-kaya kayo ni Luke!”
Napatingin ako kay Nads. Bukas… Natawa na lang talaga ako. “’Di ba
Luke?” Sabay tingin sa’kin.
“Sino naman ako para tumanggi sa’yo?” Sagot ko at natahimik bigla si
Nads. Nagulat ata. “Gusto mo ngayon pa eh.”
“Eh gano’n ka pala kakampante, bukas, five versus one!” Sigaw no’ng
isa. Proud pa ang sira.
“Call.” Sagot ko. Pagbigyan.
“TEKA! Madaya! ‘Di puwedeng siya lang!” Singit ni Nads. Okay lang
naman sa’kin.
“FYI, Nads, ikaw ang nagsabi na siya lang—.”
“Kausap ka?” Sagot ni Nads. Nakakatakot ‘tong si Nads. Natahimik
‘yung babae.
“Edi isama mo ‘yung isa pa, ‘yung captain n’yo para naman kahit
papa’no, makapuntos kayo.”
Iyun ay kung papayag, malabo ata.

36
VOLUME TWO

Mukhang mag-isa akong babangga sa pader para kay Nads ah.


-=-
Bakit kaya hindi ko pa nakikita si Mokong? Pagbalik namin sa
cafeteria ni Luke, wala na siya. Sasabihin ko pa naman sana ‘yung
tungkol dito. Ano ba naman ‘yan? Tiningnan ko ‘yung sasakyan niya,
nandito naman… “Oh! Mokong!” Tawag ko pagkakita ko sa kanya
na katatayo lang mula sa field. Tumakbo ako para lapitan siya na
naglalakad na. ‘Di ata ako narinig.
“Uy, Mokong!” Sabay hinto ko sa harapan niya. Problema nito?
“Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap.” Sabi ko. Hindi pa
rin sumagot. Hayaan mo na nga, sanay na ‘ko diyan. “Mokong, may
sasabihin ako sayo, pero ‘wag kang magagalit.”
“Don’t say it if you know I’ll get mad. Tss.” Sungit! Moody na naman
ang Mokong.
“Masaya ‘to. Ah, kasi… Puwede niyo bang labanan ‘yung varsity ng
basketball team namin? Kayong dalawa ni Luke?”
“What for?”
“Ah… Kasi,” Nangiti ako nang alanganin. “Inaaway kasi nila ang team
niyo kaya medyo ginantihan ko lang naman ng salita, tapos… Eto
na—.”
“Clean your own mess.” Tapos sabay alis. Sinundan ko siya ng tingin.
Ano ‘yun?
Maya-maya…
Dapat aalis na lang sila Luke at si—Whatever, kaso dumating
‘yung isa pa naming prof na dapat pangbukas pa. ‘Di raw kasi siya
makakapagklase bukas, kaya ngayon na lang. ‘Eto, nasa klase na naman
kami, kasama uli yung dalawa—I mean ‘yung isa lang talaga. Inis ako
sa bakulaw na ‘yan ngayon kaya hindi siya existing.
“Class, ang goal niyo ay maging satisfied ang kakain ng ihahain niyo

37
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

sa kanila. Be creative and don’t stick with things na nakasanayan na.


Halimbawa, ang chicharon ay isinasawsaw sa suka di ba? Pero may iba
na weird at sumusubok sa toyo as sawsawan. Sa una weird pero kanya-
kanyang taste ‘yan. Depende kung paano tatanggapin ng panlasa.”
“Kaya Nads, suka at toyo ang gamitin pangsawsaw sa chicharon.” Sabi
ni Liz. Ang baliw lang.
Che, mas gusto ko na ang suka, at least walang hussle at compatible
kaagad. Kaysa toyo na ang alat na nga, paaalatin pa. Asan ang sarap
do’n? Napatingin ako sa gilid ko. Si Luke ang suka at si Troy ang toyo,
AKO ang chicharon? Crunchy…
“Kapag nagluto kayo, hindi lang kayo basta nagpapakain… Inihahain
niyo rin ang mga sarili niyo, it must be served with sincerity, purity,
and passion. Kung susubok ka ng kakaiba at ihahain sa iba, ready
yourselves for negative reactions and/or rejections.”
Ni hindi ko nga alam kung bakit ako ni-reject na naman ng bakulaw na
‘to. Mahirap talaga ang sumubok ng kakaiba. Do’n na lang ako sa tama
lang. Buti pa si Luke…
“Remember, mas masarap ang kakaiba, kaysa sa nakasanayan na.”
“Hindi rin—.” Napatigil ako bigla nang mapatingin sila sa’kin. Ang
lakas pala ng boses ko. Tsk.
-=-
Uwian na, sa wakas naman. Nauna ng nagpalaam si Luke dahil pupunta
pa raw siyang Austine. At ako naman, heto, naglalakad papuntang
University garden. Hinihintay ako no’ng tatlo, may dinaanan pa kasi
ako.
“Freak.”
Lumingon naman ako kaagad. Ay, konting pakipot naman diyan, Nads!
“Oh.”
Lumapit siya mula sa pagkakasandal niya do’n sa pader. “I have

38
VOLUME TWO

something to tell you.” Sabi niya. Oo na! Oo na! Alam ko na ‘yan.


Sasabihin niya na ‘wag na ‘kong masyadong magdala ng gulo sa kanya.
Trouble nga kasi ako.
“Okay na Mokong, sige, gets ko na.” Sabi ko.
“What? Anong gets mo?”
“Fine, may gulo na naman akong hatid sa inyo at sorry. Pero hindi
naman dahil sa gusto ko lang kaya kita sinama. Alam ko kasing kaya
mo, kayang-kaya pa nga actually. Kaso ‘wag na lang, baka ma-trouble
ka pa. Sige na!” Tumalikod ako pero bigla niyang hinawakan ‘yung sa
bandang pulso ng kanang kamay ko. Kaso ng hatakin ko, na-badtrip
lang ako!
“Ayan! Napigtas na, Mokong ka talaga!” Sabay dapa ko at tingin do’n
sa grass, kapa-kapa. “May butas pa naman, baka nalaglag na ‘yun. Inis
naman eh.”
“Bakit ka kasi nagpumiglas, Freak!?”
Tuloy lang ako sa paghahanap. “Bigay ng Daddy ko ‘yun sa’kin.
Mahalaga ‘yun.” ‘Yung bracelet ko!
“Ibibili kita, papalitan ko ng bago—.”
Tumingin ako sa kanya. “So gano’n na lang!? Kasi may pambili ka
kahit pa buong pagawaan ng alahas, bibili ka na lang ng bago. Hindi
ka man lang mag-sorry!” Saka ako bumalik sa paghahanap. “Palibhasa
kasi lahat kaya mong kunin o bilhin. ‘Di mo na alam kung pa’no
magpahalaga sa isang bagay.” Inis na sabi ko. Pero napatigil ako nang
magsalita siya.
“I think I never heard any thank you from you too.”
“Ah?!”
“Tss, nevermind.”
Hindi ako kaagad nakatingin sa kanya at napahinto ako. Tumayo rin
ako maya-maya. “Binabalik mo ba sa’kin ang sisi!?”

39
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Did I say anything like that?”


Pero ng wala na ‘kong maisip na isasagot sa kanya, umalis na ‘ko. First
time ata, hindi ako nakasagot sa kanya at nag-away pa talaga kami.
Pagkarating ko naman sa University garden kung sa’n nando’n ‘yung
tatlo…
“Oh? Nakabusangot ka?” Bungad ni Liz.
Napabuntong-hininga ako. “Nakaka-inis kasi, napigtas ni Mokong
‘yung bracelet ko.”
“Oh? Anong ginawa niya?” Tanong ni Chris.
“Tumayo lang.” Tapos kinonsensya ako. “Nakakainis siya. Sobra-sobra
na talaga. Ang moody pa. Bakit ba kasi siya biglang nainis sa’kin?”
“Hindi mo naman siguro pinaulanan ng NADS SHOTGUN si Troy,
di ba?” Tanong ni Sandy. Hindi ako nakasagot. “Okay? Based on your
reaction, pina-iral mo na naman ang pagiging shot gun ng lips mo pag
nagagalit ka.”
“Eh kasi! Parang wala lang sa kanya, kesyo bibili na lang daw siya. Tapos
hindi man lang nag-sorry! ‘Di ba nga, bigay ni Daddy sa’kin ‘yun.”
“Sinadya ba?” Tanong ni Liz. Hindi…
“Hindi naman siguro.” Sagot ni Chris. “Nads, isipin mo na lang. Kung
sakaling hindi siya nakapag-sorry, isipin mo ‘yung mga days na lagi
kang in-trouble at lagi siyang nandiyan at to the rescue sa’yo. May
naalala ka bang pinamukha niyang niligtas ka niya? Nang dumating
siya no’ng gabing ‘na-hold-up’ ka? At ngayon na isasabak mo siya sa
larong ikaw ang dahilan, na naman, narinig mo ba siyang inaway ka
nang seryoso at pinamukha niyang galit siya? Yung seryosong galit ah?
Katulad niyang pinapakita mo sa’min ngayon.”
Ilang bato ba ang balak ibato sa’kin ni Chris at lahat ‘yan sapul na sapul
ako, tagos hanggang heart? Pero…
“Hindi naman siya pumayag na maglaro kaya bawas guilt—.”

40
VOLUME TWO

“Na-ah-ah…” Si Sandy. “Huli ka na sa balita, Dear. Kaka-usap lang


nila parehas ni Luke sa kabilang team at confirmed na lalaban din siya
bukas. Just because of your WEIRD IDEAS.” Saka siya nag-smile. “And
the fact na may pustahan? Ang itaya ang laban ng RD team for you? It’s
not even a joke.”
Anong… Anong pustahan?
-=-
Kinabukasan…
‘Eto at papasok na kami ng gym na napakadaming tao. Ang akala mo
naman ay may tournament na. Nahati pa ang supporters sa pagitan ng
University namin at ng RD fans.
“Sa’n tayo uupo?” Tanong ni Liz.
“Do’n tayo sa bench ng RD. I’m the owner of this University pero ayoko
sa team natin. Ang yabang lang nila, I’m not buying them. Let’s go girls.”
Pumunta na kami do’n sa bench kung sa’n naka-upo si Luke. Nagsisintas
siya ng sapatos pagkadating namin. Nakasuot na rin siya ng jersey ng
RD, pulang-pula. Sandoval, number five!
“Oh, Nads.” Tumingala siya habang nagsisintas. Tapos nang tumayo
siya…
“Ayan, kumpleto na. Nakita na kita, puwede na ‘kong manalo.” Biro
niya. Ngumiti ako, nag-aalala ako kasi siya lang ang lalaban sa kanila.
Alam ko namang wala na ‘yung Mokong na ‘yun at sinagad ko ang galit
no’n kahapon.
“Sorry Luke ah.” Sabi ko.
Pinatong naman niya ‘yung isang kamay niya sa sa isang balikat ko
at parang may sinisipat siya sa mga mata ko. “Nads, mas gusto ko
pang nagwawala ka sa excitement kaysa ganyan. ‘Wag kang mag-alala,
kaya naming dalawa ‘yan.” Dalawa? “Kahit ‘di pa rin kami nag-uusap
hanggang ngayon simula ng magkita kami kanina.” Kanina?

41
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Oh, he’s here…” Narinig kong reaksyon ni Liz. Lumingon ako at


nakita ko nga!
Nasa gitna siya ng court at ‘nag-wa-warm-up’ ng shooting. Red jersey,
Smith, number one! “Na’ndito siya.” Nabulong ko na lang.
Bumitaw si Luke. “’Wag kang mag-alala Nads, kami na ang bahala
diyan.” Tumingin ako sa kanya at nag-smile siya.
“Basta kapag nanalo kayo, babawi talaga ako!” Sabi ko, at sure ‘yan.
“Babawi nang mas malaki pang trouble, Nads?” Si Chris.
Natawa naman si Luke. “Ayos lang kahit gaano pa karami. Yakap lang
naman, ayos na, alis na pagod ko.”
“’Yun lang pala—pala…” Tumawa naman ako nang alanganin. Yakap
pala! Yakult ang rinig ko!
“Sige Nads. Looking forward to that.”
-=-
Hindi nagtagal ay mag-uumpisa na ang game, pero may mga
humahabol. Sa sigawan pa lang ng mga fans, alam mo na ang dahilan…
“Hi girls!” Bati nila Adrian, Sebastian, at ilan pang RD players. Umupo
sila sa tabi namin.
“Alam niyo rin pala,” sabi ko. Tumabi sa’kin si Sebastian.
“Oo naman, kami pa. Kamusta naman silang dalawa rito?” Tanong ni
Basty.
“Ayos naman,” sagot ko.
“Ayos naman ang rivalry,” singit ni Liz.
At bigla ko na namang narinig ang epic na tawa ni Adrian. “Bwahaha!
Mukhang maayos ang plano ko.”
“’Wag kayong mag-alala, Nads. Tandem ang dalawang ‘yan. Nag
ganyang laro na rin kami sa team noon. Panalo pa rin ang dalawang

42
VOLUME TWO

‘yan,” paliwanag ni Basty.


“Kungbaga Nads, kape’t tinapay sila! Swak na swak.” Dagdag pa no’ng
isang RD player.
Sana lang talaga.
Pero tumagal nang tumagal…
Ano ng nangyayari sa kape’t tinapay na sinasabi nitong mga ‘to!?
Parang naging tubig at mantika! ‘Di magkasundo ang dalawa.
“Ano bang problema nila!?” Tanong ko habang nakatingin sa game.
At sabay-sabay silang sumagot ng, “IKAW!” Ay... ‘Yung totoo? Kailan
kayo nag-practice?
“Para silang hindi magka-team,” sabi ni Chris.
“Mukha nga, hindi nga nagkakasundo.” Sagot ni Basty. Aba…At least
silang dalawa ni Chris mukhang nagkakasundo.
Pero totoo naman ‘yung sinabi nila! Halos ‘sari-sariling’ gawa silang
dalawa. Kung sinong makakuha ng bola, wala ng pasahan sa isa kaya
nakukuha ng kabila!
Nang magtime-out naman sila…
“Napakadami niyo ng na-shoot, Luke ah!? Bwahaha!” Loko ni Adrian
kay Luke.
“Tigilan mo ‘ko, loko.” Sagot naman ni Luke. Mukhang inis na.
“Highblood.” Sabay tingin kay Mokong. “Captain—.”
“Shut up, Adrian.” AW! Napa-poker face si Adrian tuloy.
“Manahimik ka na, sira.” Saway ng isang team mate nila kay Adrian.
Tumingin ako kay Mokong. Namumutla ba siya?
Tumayo na silang parehas, back to the ball game. At kapag hindi
sila nanalo, kailangan nilang mag-quit sa RD team in this year’s
tournament! ‘Yun kasi ang pustahan nila.

43
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“May sakit ba si Troy?” Si Chris na nakatingin din kay Mokong. Siguro


naman wala…
Hindi ‘to pwede. Kailangan kong umisip ng paraan! Tumayo ako at
huminga nang malalim. Hindi puwedeng matalo sila ng dahil sa’kin!
At least man lang, sana manalo sila para sa’kin!
“KAYO!” Sabay silang tumingin sa’kin. “KUNG BALAK NINYONG
MAGPATALO, ‘WAG NA KAYONG TUMAYO DIYAN!
NAKAKAHIYA EH! PERO KUNG HINDI NAMAN, MAGKASUNDO
KAYO! UMAYOS KAYO! EWAN KO SA INYO!” Sabay upo ko nang
naka-crossed arms pa. Hay! Hindi sila puwedeng matalo!
Ilang minuto lang, nagtatawanan na ang team mates nila na katabi
namin.
“Wala pala sila kay Nads. Taob!”
“Kahinaan at kalakasan ng lalaki ang babae.” Sabi ni Adrian habang
tumatango-tango. “Di ba Liz?”
“GO LUKE!!! GO CAPTAIN!!” Sigaw ni Liz.
“Kitams, ang hina ko, di ba?” Si Adrian. “Bwahaha! Siya ang kahinaan
ko.” Sabay turo kay Liz.
“Kitang-kita nga namin.” Singit ni Basty.
“Liz naman niyuyurakan mo na ang pagkalalaki ko—.”
“Ano yo’n?” Tanong ni Liz habang nakatingin sa game. Ang hard…
Push pa, Adrian.
Pero so much for that, nakabawi sila, pumantay ang puntos nila sa
kabila. Salamat naman! Hindi ko sila gustong pag-awayin. Kaya dapat
magkasundo silang dalawa tulad ng dati.
-=-
Isang sigaw lang niya, nagkatinginan na kaming dalawa ni Troy.
Parang nagka-intindihan na kaming dalawa kung ano bang mas dapat
naming gawin na dalawa.

44
VOLUME TWO

Labas ang tungkol kay Nads… Captain.


‘Yun ang sinabi ko sa kanya. At sumagot lang siya ng… Tss! Simpleng
iling pero alam kong maraming ibig-sabihin. Masyadong tago lang
talaga si Troy, hindi marunong mag-express ng sarili niya.
“Rebound!” Sigaw ni Troy. Agad naman akong tumakbo sa may ring
at tumalon para kunin ang bola na tinira ng kabila pero nangangamoy
dayaan ang larong ‘to.
Tumunog ang pito ng referee. “FOUL! Number five! Red Dragons!”
Napatingin ako, habang ako naman nga ‘tong bumagsak sa lapag
pagkatapos na salubungin ako ng tatlong player ng kabila. ‘Ba, ayos, ah.
Lumapit si Troy. “What’s that?” Sabay tingin sa kabilang team.
Nakakahalata na rin ‘to. Kanina pa kasing ginigitgit ako ng team ng
kabila. Okay lang naman, basketball ‘to at natural lang ‘yang ganyang
gitgitan. Pero kanina pa ring bugbog sa pisikalan ang laro nila. Anak
ng tokwa, boxing na lang ang laruin namin kung ganyan ang gusto
nila.
Tumayo ako, pero bigla akong umiling. Inis, ‘wag ngayon. Ginalaw ko
‘yung paa ko pero mukhang napuruhan nila ‘ko.
“What?” Tanong ni Troy habang nakatingin sa’kin at sunod sa paa ko
na ginagalaw-galaw ko pagkatayo. Nag-aalala ba ang isang ‘to? Tatawa
na ba ‘ko?
“Ayos lang, kaya pa.” ‘Yan lang ang sagot ko.
Nag-resume ang game at gano’n pa rin ang naging sistema ng laro. Pero
ngayon, mas kuha ko na ang gusto nilang mangyari sa game na ‘to.
Kung laro pa ngang maituturing ‘to. Dahil kapag balbalan ang laro,
ibang usapan na ‘yan.
“Gusto nilang mapa-alis ako.” Sabi ko habang tinutulungan ako ni Troy
tumayo sa pagkakabagsak ko sa pagbabantay no’ng tatlong players
sa’kin kahit wala naman sa’kin ang bola.
“They want me alone in this game, tss.” Si Captain. “Bunches of fools.”

45
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Tumingin kami sa team nila na mukhang nag-uusap na naman sa


susunod na panggigipit nila. “Anong plano, Captain?” Nakatitig lang
kami sa kanila habang inuunat ko ‘tong mga braso ko at nag-uunat ng
leeg si Troy.
“Tss, end this game.” Tumingin si Troy sa’kin. “Bear that or else I have
to end this myself.”
Napangisi lang ako. Siya nga ang Captain ng Red Dragons.
“Nagpapatawa ka ba, Captain? May kukunin pa ‘kong premyo kapag
nanalo tayo rito.”
Pinagpatuloy namin ang laro at hinayaan namin ni Troy ang larong
gusto nila. Pero sa kabilang banda, inaatake na sila ni Troy pailalim
habang abala sila kung pa’no ako mapapaalis sa game. Lumamang
kami at ilang segundo na lang ang natitira. Pero kapag nakapuntos pa
sila, hindi ko na alam kung hanggang saan pa ang itatagal ng kanang
paa ko dahil sa injury na nakuha ko kanina. ‘Di ko na lang nga sinabi,
pero mukhang walang makakaligtas kay Nads…
“May injury ka!!!” Sigaw niya. Nangiti lang ako sa reaksyon niya.
“Anong nakakatawa do’n, Luke!?” Tumingin siya sa kabilang team.
“Nako! Hindi lang talaga sila mayabang, madadaya pa sila! Sabi ko
na, kanina ko pa talaga tinitingnan nang mabuti, at tama nga ako!
Sinasaktan ka na nila!” Tumingin siya uli sa paa ko na inalis ko sandali
yung rubbershoes dahil nagpumilit si Nads.
“Pre, kaya pa ba? Mukhang namamaga na yan ah.” Si Baste. Nakapalibot
sila sa’kin ngayon. Parang hindi sanay sa larong ‘to ang mga ‘to..
Nahawa na sa pag-aalala ni Nads.
“Para namang bago pa tayo sa ganito.” Tumingin ako kay Nads.
“Basta nandiyan si Nads, parang kagat lang ng langgam ‘to.” Saka ako
tumango sa kanya. Namula naman si Nads. “Sige na,” sabi ko habang
isinusuot ko na ‘yung sapatos ko. “Kalma, ilang segundo na lang.” Saka
ako tumayo at lumingon kay Captain. Umiinom siya ng tubig at parang
‘di na ata maganda ang kulay ng mukha.

46
VOLUME TWO

Bumalik kami sa court.


“Ayos ka lang, Captain?” Tanong ko. Namumutla na siya, ngayon ko
lang nakitang ganyan ‘yan. Mukhang wala pa atang tulog.
“Let’s just end this damn game.” Sabi niya saka siya tumakbo sa
puwesto niya. Ano pa nga ba, edi tapusin na natin ‘to.
-=-
“Nads, Nads, Nads.” Tawag ni Liz.
Nanunood naman ako kila Luke at Troy na papunta sa puwesto nila.
“Ano ba ‘yun?” Sana ayos lang si Luke. Dahil pa sa’kin kaya nagka-
injury siya. Trouble ka talaga, Nads!
“Sabi ni Adrian sa’kin, mainit daw si Troy.” Tuloy ni Liz.
“Lagi naman mainit ulo no’n.” Sagot ko. Totoo naman, eh. “Kailan ba
hindi?” Hindi ko na lang nga siya pinapansin baka sigawan pa ‘ko.
Siguradong napilitan lang ‘yan pumunta rito.”
“Pero Nads, para kasing—.”
“Ayan na, start na ang game. Mamaya na ‘yan, Liz.”
Nag-umpisa na naman at halatang kabado na ang lahat. Kailangan
na lang patagalin nila Luke ang game. Buti lumamang sila kahit na
isang puntos lang… Pero kung hindi na-injured si Luke, baka malaki
pa ang lamang. Buti naman at tumulong si Mokong. Pero Nads, puro
si Mokong nga ang pumuntos. Kung sabagay… Che, dapat dinamihan
pa niya.
Nagsigawan na ang mga tao sa gym dahil segundo na lang ang natitira.
“TEN! NINE!” ‘Wag na kayong mag-shoot, please!! “EIGHT! SEVEN!
SIX!” Para hindi na mahirapan si Luke. Kawawa naman ‘yung paa
niya. “FIVE!” Dapat madala namin agad sa clinic o sa ospital, if ever,
si Luke after nito. “FOUR!” Nasa kabila ang bola!! No!!! “THREE!!!”
Nag-shoot sila!! No way! Ah! Sumablay! REBOUND PARA ‘DI NA
NILA MAITIRA! “TWO!!” HUWAG NA! Si Luke kumawala dun sa

47
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

dalawang bantay niya at tumalon para kunin ang bola! BUMAGSAK


SIYA! “ONE!!!!”
“LUKE!!!” Sigaw ko at tumakbo ako do’n sa gitna ng court. Nadaganan
siya ng ibang players na tumalon din para kunin yung bola!
“AHH! SH*T!” Iling ni Luke. Habang isa-isang nag-aalisan sa
pagkakadagan sa kanya ang mga nakaka-inis na bakulaw na players
na ‘to!
Lumuhod ako sa tabi niya. “Luke! Teka, anong gagawin natin!?”
Tumingin ako sa iba na papunta na rin sa pwesto ko. “Basty! Si Luke!
Dalhin na natin sa clinic—.” Napahinto ako.
“Nads, relax. Buhay pa ‘ko, parang puso ko kapag nandiyan ka. Kaya,
kalma.” Sabi niya habang nakayakap siya sa’kin. “Yung premyo ko,
kinukuha ko lang. Ayos lang?”
Nagulat ako no’ng una, pero hinayaan ko na rin. Si Luke naman ‘to eh.
Pambawi sa gulong—Nasa’n nga pala yung isa?
“Hey, do you still need us? Or kahit kayo na lang dalawa?” Panunukso
ni Sandy.
Bumitaw naman si Luke. “Puwede rin. Pero talagang masama ang tama
ng paa ko. Kaunting tulong naman diyan mga Pre.” Sabi niya habang
natatawa sa reaksyon nila sa ginawa niya.
Dinala namin si Luke sa clinic para patingnan yung injury niya. Nasa
labas kami habang naghihintay.
“Where’s Adrian?” Tanong ni Liz habang pamasid-masid.
“Kasama ni Captain kanina. ‘Di lang namin alam kung sa’n nagpunta.”
Sagot no’ng isang RD player.
Nasa’n nga kaya ‘yun? Kahit may kaunting… Kaunti lang na inis ako
sa kanya, magpapasalamat pa rin ako. Bahala na nga. “CR lang ako.”
Paalam ko kila Liz.
Pagpunta ko sa CR, nakita ko si Basty sa labas ng male’s room.

48
VOLUME TWO

“Oh!? Sabi na may sakit ‘yang si Captain.” Sakit!? “Kanina ko pa rin


nahahalata. Oh, sa’n kayo niyan? Tapos ano… Mataas ba lagnat?”
Lagnat? “Ano pa nga bang aasahan ko sa’yo. Asa naman kung mapilit
mo pumunta ng ospital. ‘Wag mong iwan, alam mo namang hindi
nagsasabi yang si Troy kung may mali o wala. Sa condo niya? O sige
nandito pa kami. Ihahahatid ko rin muna si Luke. Sige na, ‘wag mong
iwan! ‘Ge.”
“Baste.” Tawag ko habang lumalapit. Nagulat naman siya. “May sakit
si Mokong?”
“Ah? Ano… Tsk, narinig na pala. Oo, nilalagnat pala hindi man lang
nagsasabi. Umuwi na kaagad dahil hindi na raw maganda ang timpla
sabi ni Adrian. Nagpresinta na siyang ihatid sa condo niya ang loko.”
“Talaga…” Mahinang sabi ko. Mokong siya…
“Oh sige Nads, puntahan ko na si Luke—.”
“Teka.” Tumingin naman siya sa’kin. “Sa condo di ba? Do’n sila
dumiretso?” Tumango naman si Baste. “Sige, sige, pasabi naman kila
Sandy aalis lang ako ah?” Aalis na dapat ako kaso huminto ako at
lumingon uli kay Basty. Si Luke nga pala. “Pasabi kay Luke, pupuntahan
ko siya bukas na bukas din. Pakisabi may emergency lang.” Ngumiti
lang si Basty na parang naiintindihan na niya agad ang sinabi ko.
“Sige Nads, ako nang bahala.”
-=-
Okay? Na’ndito ako sa tapat ng pintuan ng condo ni Mokong, mga
one minute na ‘kong nakatayo rito kasi hindi ko alam kung anong
ibubungad ko sa kanya. Ano ka ba naman Nads, na’ndiyan naman
si Adrian. ‘Wag kang masyadong kabahan… Okay! Nakakatatlong
doorbell na ‘ko pero wala pa ring nagbubukas. Baka nagpapahinga na
siya—. Paalis na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan….
“What brings you here?” Tumingin siya sa’kin nang diretso pagkabukas
ng pintuan. “Freak.” Napalunok ako.

49
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Naka-white shirt lang siya na V-neck at shorts na gray. Ano raw ba ang
nagdala sa’kin dito? Obvious ba!? Edi ikaw! Kaso ‘di ‘ko kayang sagutin
siya ng ganyan ngayon. ‘Yung itsura niya, parang wala pang tulog na
wala sa mood, at handang awayin ang sino mang iistorbo sa pagtulog
niya. Scary… Yummy—Ay! Erase-erase.
“Si Adrian? Nandiyan ba?” Ang gaga naman ng tanong ko.
“Tss, if you’re looking for him go to his house, not here.” Isasara na
dapat niya ‘yung pintuan pero pinigilan ko. Tumingin siya sa’kin.
“Uminom ka na ba ng gamot?” Bungad ‘ko. “Tapos…Tanga ka ba?”
“What?!”
“Kung tanga ka ba, dahil alam mo namang may sakit ka, bakit kailangan
mong maglaro?”
“If I don’t, what will happen to my team? Tss, you set us up with this and
now you’re asking? Freak…” Mahinang sabi niya at saka niya iniwang
bukas ang pintuan at tuluy-tuloy na pumasok sa loob. Pasok na tayo,
Nads! Sinundan ko siya pero bigla siyang humiga sa sofa na kala mo
walang kalakas-lakas, saka naglagay ng unan sa mukha.
Tumayo naman ako sa gilid niya. Nasa’n kaya si Adrian? Si Manong
Hans kaya?
Umubo ako, hindi naman kasi siya nagsasalita. Nagkakasakit din pala
ang mga machong tulad niya? “Mokong,” umupo ako sa sahig, sa tabi
ng sofang hinihigaan niya. Aalisin ko sana ‘yung unan sa mukha niya
kaso… “Gaano ba kataas ang lagnat mo—.” Hinawakan niya ‘yung
kamay ko gamit ang isang kamay niya. Ang init ng kamay niya. Nads,
dumadaloy ang init. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Heto na
naman po tayo, ‘yung tipong ‘di ko maintindihan na pakiramdam.
“Mokong, mainit ka.” Sabi ko na parang pabulong na lang nga ata.
“Teka—.” Bigla niyang hinatak ‘yung kamay ko palapit sa dibdib niya.
Mahigpit ang hawak niya pero ramdam ko ang mabilis na tibok ng
puso niya. Nads, konektado na ba mga heart niyo at pareho kayong

50
VOLUME TWO

mukhang kabado!?? Nakatalukbong pa rin ng unan ‘yung mukha niya.


“Mokong, ano…” Patayo na sana ako kaso, “Kukuha muna ko ng—.”
Bigla niya akong hinila ‘pa-upo’ sa sofa. Okay? Ni hindi ko na nga
namalayan kung pa’no ako napa-upo sa sofa at ngayon may naka-akap
na sa’king kapre. Nang ‘di ako nagsalita, DAHIL WALA KA NAMANG
TALAGANG MASASABI! Inayos pa niya ang pagkakayakap niya
sa’kin habang nakapatong ang bandang baba niya sa kanang balikat
ko at ang braso niya, nakapalibot sa baywang ko. Napataas naman ang
magkabila kong braso sa gulat.
“Freak, you look like a freak. Relax…” Mahinang sabi niya na parang
nangingiliti lang sa mga tenga ko. Kaya parang ‘na-hypnotize’ na ang
mga braso ko. Unti-unti, pinatatag ko na lang ang isip at puso ko kaya
ibinababa ko na lang ang mga braso ko.
“’Wag kang matulog diyan, hindi ako kama.” Kasi naman hindi na siya
nagsasalita.
“Kung kama ka…” Napalunok ako. Wala pa siyang sinasabi, parang
nanginginig na kalamnan ko. RELAX LANG KAYO MGA DUDE!
Kaya ng hormones natin ‘to! “Hindi kita hihigaan, baka masaktan ka.”
Kala ko naman sasabihin niya, kasi ikaw ang tatabihan ko sa higaan!
BOOM!
“Okay, okay, Mokong. Mataas lang ‘yang lagnat mo kaya magpahinga
ka na uh? Do’n ka sa kuwarto mo humilata, ‘wag dito.”
“Samahan mo ‘ko.”
“ANO!? GUSTO MONG MASAKTAN!?” Habang nakayakap pa rin
siya sa’kin. Hindi natitinag ang isang ‘to. Talagang nakayakap siya at
ipinapasa ang init na mayron siya sa akin. Say what, Nads? ‘Wag naman
sana akong hawaan ng lagnat, please.
“Freak will always be a freak. Samahan mo ‘ko papuntang kuwarto,
nanghihina ako. Nothing more, nothing less.”
Sinamahan ko siyang makapagpahinga sa kuwarto niya at mukhang

51
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

nakatulog na rin naman ang Mokong. Nandito lang ako at naka-upo


sa sahig, sa tabi ng kama niya. Nakapatong ang kanang braso ko sa
kama habang pinagmamasdan siya. Kung titingnan, napaka-amo nga
ng mukha niya. Alam mo ‘yun? Bakit kaya hiniwalayan ni Madeline
‘to? Siguro nagkasapak siya nang time na ‘yun. Tingin ko pa naman kay
Mokong, may mga mata na hindi ka lulubayan at lagi kang babantayan.
Minsan tutunawin ka rin niyan, kaya be ready anytime. Tapos may
ilong na papantasyahin mong gigisingin ka niya gamit ‘yun na parang
dinadampi-dampi niya rin yun sa ilong mo habang tulog ka pa. Yung
cheekbones na ‘yan? Parang laging nang-aakit na sunggaban siya ng
halik at siya naman itong willing na victim palagi. Mayroon pa pala!
Ang pinaka-cute sa kanya, ‘yung tenga niyang naka-usli nang bahagya.
Kapag badtrip siya, hahawakan mo lang ‘yan sabay hila ng bahagya
para ilapit sa mukha mo then kiss! Solve na siya, di ba?
At ‘yung labi naman niyang mag-iiwan ng buhay na panaginip sa’yo sa
oras na nadampi sa labi mo? Siya ‘yun eh. Hindi lang kissable, eatable
pa! Haay, ‘i-imagine’ mo na lang na kapag ikaw naman ang moody,
iki-kiss niya nang marahan yung balikat mo sabay kiss niya sa labi mo.
GOODVIBES KA NA ULI! Ay grabe naman talaga itong naging FBBF
ko. Like na like! No Sharing ang peg, comment ka na lang. Sayang lang
talaga ang future ni Madeline…
NAPAKALAKI MONG ENG-ENG, MADELINE! Sabay-sabay
nating sabihin… ENG-ENG SI MADELINE! Salamat mga kapatid sa
paniniwala.
Pero… Napakalaki mo ding adik, Mokong. Bakit kasi siya ang una
mong nakita? Sa’n nga ba ako nakatambay nang mga oras na ‘yun?
Haay, masama nga siguro ang magpantasya… Umaasa ka kasi sa mga
bagay na imposibleng mangyari. Napapangalumbaba na lang ako…
“Sayang—.”
“Kung nakakamatay ang titig, matagal na ‘kong patay, Freak.” Napa-
ayos ako ng upo. Nagmulat siya ng mata at tumingin sa’kin. “Tss.”

52
VOLUME TWO

Napatayo ako pero hinawakan niya ang kamay ko at may bigla siyang
inabot sa may sidetable niya. Pagkatapos, nilagay niya sa palad ko
ang…
“Oh!” Reak ko pagkakita ko sa bracelet ko!!! Tumingin ako sa kanya na
nakatingin lang din sa’kin. “Hindi mo naman binili ‘to, di ba?”
“Tss, I’m not that desperate.” Sagot niya sabay iwas ng tingin. Ngumiti
naman ako. Bumitaw na siya sa kamay ko.
“Eh kung ‘di ka desperate na magpagawa nito… Ano lang? Desperate
na hanapin ‘to?” Tumingin siya bigla. Nagbibiro lang naman ako, pero
mukhang hindi ata biro ‘yun sa kanya. “I’ve searched that bracelet all
night. Hell, I think all day, yesterday ‘til dawn, today. Tss!”
“Teka? Hindi ka ba nagpatulong man lang!? ‘Yun lang, nagkasakit ka
na—.”
“It’s because of that damn good timing rain kaya natangay ang
bracelet mo nang mas malayo.” So nasa kanal nga! Nahulog nga do’n!
Nagbungkal siya sa kanal? Sa gitna ng ulan?
“Are you happy? Tss.” Pumikit na uli siya. Sana naman nagpayong siya.
Medyo hindi nga naman maganda tingnan na nakapayong si Mokong
mag-isa at naghahanap ng bracelet sa kanal.
Nads, tapos kanina parang wala kang paki-alam?
Nag-bend down ako para pakiramdaman ang noo niya. Maiinit pa
siya, sobrang init…
“Tatawagan ko si Mr. Hans—.”
“Don’t.” Tapos minulat niya yung mata niya. Those eyes… Those warm
eyes… Ngayon ko lang nakita. “Don’t leave. Dito ka lang.”
Ngumiti ako. Umupo ako uli sa sahig at sumandal sa kama niya
kaya nakatalikod ako sa kanya. Mahirap na baka makita niya pang
namumula ako sa tawa. Napatingin ako sa hawak kong bracelet, mali
ako… Hindi siya ang taong walang pakialam at dominante.

53
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Marunong rin naman pala siyang magpahalaga sa mga taong


nakapaligid sa kanya…
Kailangan ko atang tumawag sa bahay muna para magsabing gagabihin
ako ng uwi. Tumayo ako para tumawag sana sa labas pero nagsalita
siya. “Je t’aime, Freak.”
Ano raw?

54
VOLUME TWO

Chapter 16: Gusto ko siya, pero


siya ang mahal ko…

What’s on your mind? Pwedeng marami kang GUSTO.


Pero dapat, isa lang ang MAHAL mo!

Kanina ko pa talaga iniiisip eh… ‘Di kaya minura ako ni Mokong?


Ano raw? Ju—Ju—tem? Maitem? Inis ah, baka naman nagdedeliryo
lang ‘yun? Ang taas na kasi ng lagnat niya, kailangang may gawin na
‘ko. Mukhang kailangan ko na nga talagang magpaalam nito ah.
“Hello Sandy.” Hindi ako sa kanya magpapaalam ‘no.
Where are you? Bigla kang nag-disappear!
“Kasi… Saka ko na papaliwanag—.”
You’re with Mokong mo ‘no?
May maitatago pa ba ako sa mga ‘to? “Tulungan mo ‘ko, Sandy.”
Hindi man lang sinagot ang tanong. Fine, you owe us some update.
Anong tulong?
“Pakisabi naman kay Mommy magkakasama tayo at matutulog ako
diyan sa inyo. Please?” Sabi ko.
Well, I can help.
“Thanks Sandy! Ikaw nang bahala sa iba.” Super hindi ko lang maiwan
si Mokong.

55
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Nako Nads, super nadala ako nang minsang magsinungaling ako kay
Tita Alma. Pero dahil nasabi niya noon na ayos lang na umalis ka, kahit
sa’n pa basta si Mokong mo ang kasama, okay kay Tita. So… I’ll handle
everything.
“Ang dami mong sinabi, papayag ka rin pala. I love you talaga.”
Okay, I know naman na hindi kayang iwan ng taong nagmamahal ang
taong minamahal niya. I get it, so, bye.
“Anong—hello!? Tsk!” Binaba na.
Hindi kayang iwan ng taong nagmamahal ang taong minamahal niya.
Wala naman akong sinabing gano’n ah?
Tumingin ako sa pintuan ng kuwarto ni Mokong kung sa’n lampshade
lang ang ilaw sa loob. Kailan ko ba malalaman kung anong ibig sabihin
nitong kakaba-kabang dibdib ko sa tuwing kasama ko ‘tong si Mokong?
Gumawa na lang ako ng pagkain na pwede niyang makain kaagad.
Walang ‘pang-may-sakit’ na pagkain sa ref niya kaya lumabas ako at
pumunta sa convenient store, 7/11 in short. Bumili ako ng three step
soup mix para ipakain kay Mokong. Bumili na rin ako ng gamot sa
botika, pati na rin thermometer.
Pagbalik ko, sinilip ko si Mokong sa kuwarto. Pawis na pawis na siya
kaya… EHEM. Kumuha ako ng damit sa cabinet niya, papalitan ko
lang naman siya ng damit. SERYOSO SI NADS!! Manahimik ka, Nads
the second, ‘di kita kausap. Kumuha ako ng bimpo at binasa ko para
ipamunas kay Mokong. Pagbalik ko sa tabi niya, tulog pa rin siya.
Good… I mean! Go Nads.
“Breath… Inhale-exhale, hindi inhale-inhale…” Mahinang sabi ko
sa sarili ko. Umupo na ‘ko sa kama at… Oh Gosh, para akong sira.
Kinakabahan ako samantalang may sakit ang target‘ko! Target? I mean,
patient! No choice, inangat ko na yung shirt niya, O-M-G… Did I just
bite my lower lip? Napalunok ako habang inaangat ko ‘yung white shirt
niya at nakikita ko ang ‘mala-pandesal’ na abs niya at ‘mala-monay’ na

56
VOLUME TWO

kulay ng balat niya. Unti-unti… Para akong grade one na bumabalik


sa pagbibilang… One… Two… Three… Four… Ang daming pandesal
Nads, Kape nga! Five… Six—HUMINGA KA NAMAN NADS!!!
Huminto ako para punasan ang pawis ko sa noo.
Pati ako pinagpapawisan, buset.
Nang nasa bandang dibdib na niya ang naiaangat kong shirt, bigla
niyang hinawakan yung kamay ko at lumayo ako kaagad sa gulat.
Pero taliwas sa nasa isip ko, wala siyang sinabi na pang-iinis, at bagkus
siya na ang naghubad ng sarili niyang shirt! Mas malala pa ata, para
akong nanood ng Mr. Beach Body contestant na naghubad ng shirt sa
harapan ko. Tumingin siya sa’kin na parang walang lakas…
“What more should I remove?”
“Ah—.” Nawala ata boses ko. Nilamon ng stomach ko! “Adik ka ba?
‘Yan lang, syempre…” Parang ‘di pa sure Nads, ah? Humiga uli siya,
halatang wala na sa mood makipagtalo. Kaya I did my thing without
any malice in my eyes, lips, hands, brain, and heart. Pure concern…
Huwag na kayong kumontra.
Natapos na ang lahat at napalitan ko na siya ng damit. Inipit ko ang
thermometer sa leki-leki niya at lumabas ako para magluto naman.
Paiinumin na ang pasyente ng gamot. Bumalik ako sa kwarto niya
nang maluto ko yung soup.
“Mokong, kain ka na muna,” gising ko sa kanya. Gumising naman siya
at umupo nang maayos kaya umupo ako sa tabi niya at hawak ko ‘yung
mangkok na may soup.
“Sorry, wala na ‘kong makita. ‘Eto na lang. Kaysa mamatay ka, magtiis
ka muna.” Hindi siya sumagot at basta kinuha na lang niya ‘yung
mangkok at kumain mag-isa. Aba, may sakit nga siya at wala siya
talaga sa mood. Pagkatapos naman niyang kumain, pinainom ko na
siya ng gamot at tiningnan ko ‘yung thermometer. Bumaba ng konti…
Hydration at pahinga, kailangan niya ‘yan. Lumabas na ‘ko at naglinis
ng pinaglutuan at pinagkainian.

57
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Ahhhh...” Hikab ko habang naka-upo ako dito sa sofa. “Mag-alarm


tayo. Titingnan uli ang pasyente.”
Iglip lang… Iglip lang talaga…
-=-
Shit, what a noise. I was disturbed because of that… What’s that?
Alarm? Tumayo ako at lumabas ng kuwarto. There, now I remember
what’s happening here.
Pumunta ako sa sofa, where Freak was… sh*t. Is this a girl or what?
Ganyan ba talaga siya matulog? Tss! Pinatay ko muna ‘yung alarm then
I get back to her. Ibinaba ko ‘yung isang binti niyang nakapatong sa
sandalan ng sofa. Very unlady, I don’t know what made me say those
words.
Je t’aime
Binuhat ko siya papunta sa kuwarto ko and I put her down in my bed.
Like a knocked out boxing player, tuloy lang siya sa pagtulog niya.
Kinumutan ko siya and I sat beside her.
Well, she’s here… She’s here to get things well. Make me well… Make
me feel I’m not alone. More sincere than what that woman had shown.
Yes, I’m an idiot. Why did I let that woman took over my life and
become my girlfriend? Tss!
I never said those words to Madeline way back then. I think I was
stupid. Freak’s right, hindi ako nag-isip. If it’s not because of my darkest
day, when my mom died, I’ll not let Madeline get near to me. Never.
She’s a ruse and Freak’s real.
But I don’t know what’s being real means to me. Not yet. At least, not
now…
-=-
Nako! Nako! Nako talaga!! Si Mokong naman talaga oh!
“Freak, calm down.”

58
VOLUME TWO

“Calm down!? Late na! Dapat nasa bahay na ‘ko. Tapos ‘yung mga text
nina Sandy, tumatawag daw si Mommy sa’kin pero hindi ko sinasagot!
Kaya sa kanila tumawag tapos—tapos hindi ko na alam! Dapat ginising
mo ‘ko, Mokong ka talaga. ” Nag-aayos ako ng buhok at nagsusuot
ng sapatos. “Tapos ang dami ko kayang alarm kagabi!? Pinatay mo pa
lahat!”
“It’s too annoying. Hindi ako ‘nag-a-alarm’, and I’m not used to it. May
sarili akong body alarm clock.”
“Ikaw na! Ikaw na! Ikaw na talagaaa!” Sigaw ko habang inaabot ko ‘yung
sapatos ko na nasipa ko sa ilalim ng sofa niya. Hindi ko maabot—OH!
Napatingala ako nang biglang umangat yung sofa!
“What? Get it, Freak. Tss.” Sabi niya habang inaangat ‘yung isang dulo
ng sofa with just one hand. OMO OMO OMO! SUPER MAN, IKAW
NA BA ‘YAN!?
Inabot ko na ‘yung sapatos ko at saka niya dahan-dahan na binaba
‘yung sofa niya na five seater! Bakulaw talaga ang gwapong mamang
‘to!
Pagkasuot ko ng sapatos ko. “Nga pala!” Tumayo ako para harapin siya.
Hmmm… Bango mo! Amoy Mokong! Amoy bagong paligo forever!
Wala na siyang sakit, ang bilis mag-recover. Galing ng nurse eh! “Kung
nasa kama ako kagabi, sa’n ka natulog?” Tanong ko habang nakatingin
ako nang may paghihinala sa kanya.
Tumalikod siya at saka kinuha ang susi ng sasakyan niya. “In my sofa.
I locked the door, don’t worry.”
“Eh pa’no mo narinig ‘yung ibang alarm ko!? Pinatay mo ‘yung mga
alarms ko di ba?” Bigla siyang huminto. Tiningnan ko siya nang
diretso.“Mokong?!”
Humarap siya sa’kin at saka kinuha yung bitbit kong backpack. “Tss,
this is my house. I’ll do what I want. Let’s go, Freak.” Tsaka siya naglakad
palabas ng condo niya. So… Anong… Ibig sabihin?

59
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

-=-
Sa elevator naman, sakto, nakasabay na naman namin ‘yung mga
majojondang tanders. Ngumiti naman ako. Long time - no see!
Habang nasa loob na ng elevator.
“Tsk, dapat pala sinabi ko na kay Mommy.” Bigla ko na lang ding nasabi.
“Yeah, that’s your problem. You know what? You always lie to your
mom, kaya lagi kang napapahamak. Do not get used to it, bad habit.”
Napatingin naman ako sa kanya. “Nagsalita.” Kanina lang sabi niya sa
sofa siya natulog tapos ‘ni-lock’ pa raw niya ‘yung pintuan, tapos ano?
Narinig ‘yung mga alarms ko? Fishy! Fishy! Fishy! Pero maya-maya
naman…
“I’ll help you explain kung nasa’n ka kagabi. She won’t trust you again
if you’ll keep on doing this, Freak. Let’s tell the truth.”
May point. “Tama, sasabihin ko na lang. Kinakabahan kasi ako, baka
magalit siya.”
“That’s why I’ll help you, tss.”
“Tsk tsk, mahirap talaga ang mabuntis nang maaga. Nakakatakot
‘yan.” Narinig ko na lang. Nagkatinginan kami ni Mokong sa reflection
namin sa pintuan ng elevator.
Mabuntis? So… Sinong buntis?
“Nagiging pasaway ang mga kabataan ngayon. Dapat, nako,
pagkukurutin sa singit ‘yang mga ‘yan.” Ouch!
“Pananagutan mo ba siya, hijo!?” Biglang sabi no’ng isa kaya napalingon
kami sa likuran namin. Muntik na ‘kong matawa nang makita ko
reaksyon ni Mokong na parang sinasabi niyang… Me?
“Mukhang ‘di ka pa sigurado ah. Dapat panagutan mo ang girlfriend
mo.”
“Tsk tsk tsk, masama ‘yan.” Dagdag pa no’ng isa.

60
VOLUME TWO

Kinain na lang ni Mokong ang gusto niyang sabihin. Wow… Marunong


na talagang magtimpi ang Mokong. Improving!
Ayan! Ground floor na! Bababa na sila, sa wakas.
Habang papalabas sila…“Anak, iwasan ang mga mapangahas na
gawain. Marami pa kayong pwedeng gawin.”
“Pero dahil nandiyan na ‘yan, magkasama niyong itaguyod ‘yan. Sige
na.”
Si Mokong bothered pa rin. Nang makalabas na sila, nakatingin sila
sa’min na nasa loob naman ng elevator. “Hindi maayos gumamit ng
proteksyon. Tsk tsk.”
At do’n palang nag-react si Mokong. “Sh*t-what!?” Sabay sara ng
elevator. Tumawa naman ako nang malakas. Nakakatawa kasi ang mga
tanders na ‘yon.
“Mokong… Relax… Chill lang…”
“Those old—.”
“Oh, gumalang ka.”
“Tss, forget it.” Talaga ‘to…
-=-
Sa school…
Mga intrigera slash imadyinera slash mga kaibigan ko lang naman.
Nandito na kasi kami sa Escolastica nitong si Mokong at nandito na
rin ang tatlong ito. Wala si Luke kasi nagpapagaling pa. Balak ko siyang
puntahan after nito, para makabawi naman ako.
“’Yung totoo… Balik tayo sa pearl of the south?” Tanong ko. Baliw
naman kasi ‘tong si Liz. Kesyo nasa condo lang naman ako nitong
Mokong na ‘to, ‘yun agad? ‘Di ba pwedeng, nagpaka-nurse muna ako at
napagod at natulog tapos… Sa kwarto niya? Okay, wala naman siyang
sinabi and no big deal. Nako, mukha pa naman daw akong lalaki kung
matulog sabi ni Kuya. Nakakahiya…

61
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Si Mokong ang good boy, gusto ko ‘yan.” Sabay ayos ng upo ni Liz.
Buti na lang nakikinig ng music itong si Mokong using his headset.
“Dapat lang.” Habol ni Chris.
“Pero… Sandy.” Tawag ko kay Sandy na nakapalumbaba na naman
at siguradong inaantok. Antuking babae talaga. “’Di ba marami kang
alam na language, ‘di ko alam kung language ng ibang bansa ‘to o
expression, baka alam mo.”
“What is it?”
“Ahh… Dyu… Ano nga yun? Dyu-tem?” Baka kasi kung ano na ‘yung
sinabi niya.
Habang nakapangalumbaba naman. “Simple, it’s a French word
meaning I—.”
“Who wants to eat?”
Napatingin kami kay Mokong na nakatingin na sa’min.
“Me!” Agarang sagot ni Liz. Sorry, magkakabituka kami kapag usapang
libre.
“Hindi pa rin ako kumakain, libre mo ba, Troy?” Tanong ni Chris.
“Name it,” sagot niya.
“YES! Gusto ko ‘yan. Tara girls!?” Sabi nang nakatayo ng Liz.
“Tara…” sabi ni Chris, tumayo na rin kami.
“Sandy, ano nga ‘yung ibig-sabihin no’n?” Tanong ko habang palabas
na ng room.
“I—.”
“Freak!”
Napalingon ako kay Mokong na nasa likod. “Bakit?”
“What do you want to eat!?” ‘Yun lang pala! Sisigaw pa?
Si Sandy naman… “Mukhang malakas ang…” Tumingin kay Mokong.

62
VOLUME TWO

“Ang sounds na pinakikinggan mo Troy ah?” Ah? Ano raw? Nagtanggal


naman bigla ng headset na nakasukbit sa kanya si Mokong.
“Tss.” Sabay lagpas sa’min.
“Okay! Sundan ang manager!” Sabi ni Liz at sinundan nila si Mokong.
“Talaga ‘yun, may sapak.” Sabi ko.
Habang inaayos ang buhok niya, “Gano’n lang talaga ang mga nagsasabi
ng I-love-you.”
Tumingin ako kay Sandy. “I love you?” Ulit ko habang naglalakad na
kami.
“I love you, Nads.” Sabay lagpas sa’kin. Eh?
-=-
Uwi na ‘ko, pero pupunta muna ako sandali kay Luke. Nakapagsabi
na ‘ko eh.
“Going somewhere?” Lumingon ako, si Mokong.
Palabas na ‘ko mag-isa ng building, at humiwalay na ‘ko sa tatlo. “Kina
Luke.”
“Why?”
“Why not?” Sagot ko. Basag!
“I’ll give you a ride.”
“’Di na, mamamasahe lang ako—.”
“I told you, I’ll help you in explaining to your mom ‘bout last night,
right?”
Asus, sabi ko nga. Kala ko naman… Ah basta. “’Kaw bahala,” sabi ko.
Pagkarating namin sa bahay nila Luke.
“Ah… Gusto ka niya atang kamustahin?” Sabay tawa ko nang alanganin.
Nakatingin kasi si Luke sa’min ni Mokong.

63
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Mukha nga,” sabi ni Luke at napatingin ako kay Mokong na napaka-


serious ng mukha.
Umupo muna kami at napatingin ako sa paanan ni Luke na may benda.
“Gaano raw katagal ‘yan?” Tanong ko.
“Baka ngayon lang din. Mabilis lang ‘yan. ‘Di naman seryoso masyado,”
sagot niya.
Tumango naman ako at saka ako napatingin sa paligid. “Sinong…
Sinong kasama mo rito?” Tanong ko uli. Laki ng bahay nila kaso
parang walang ibang tao?
“Ako lang nandito saka si Suzzaine.” Suzzaine? Sino ‘yun? “Minsan
si Manang, kapag naglalaba, naglilinis, nagluluto, gano’n.” Gusto ko
sanang tanungin kung nasa’n naman ang parents niya kaso ‘wag na
lang—.
“Wala ang parents ko rito dahil busy sa business nila. Ako ang nag-
iisang magkakalat ng lahi ng Sandoval dahil only child lang din ang
mga magulang ko.” At natawa na lang siya.
Nangisi na lang ako. “Alam na alam mong magtatanong ako ah.”
“Syempre, kabisado ko na expression mo, Nads.”
“Talaga ah…” Nangingiting sabi ko. Tapos napatingin naman ako sa
katabi kong Mokong. Pero sabay balik din kay Luke. Nakakatakot si
Mokong eh! “Ah, kumain ka na ba?”
“Hinihintay nga kita talaga, Nads.”
“Okay, sige, ako ng bahala. Sa’n pwede magluto?” Tanong ko.
“Tss, maybe in the garage.” Sumingit naman si Mokong.
Ngumiti naman ako. “LUKE??” Paglilinaw ko. Pikon talaga ‘tong isang
‘to.
Natawa na lang si Luke. “Diyan, kaliwa ka tapos nando’n na ‘yung
kusina. ‘Kaw nang bahala.”

64
VOLUME TWO

At umalis na rin ako at iniwan ang dalawa. Teka? Dapat ata ‘di ko sila
iniwan?
-=-
Habang nagluluto pa si Nads, ‘eto at naiwan kaming dalawa.
Nalaman ko na pumunta si Nads sa kanya kahapon kaya hindi ko
naabutan si Nads pagkalabas ko ng clinic. Nagkasakit daw kasi si Troy.
“Mukhang maayos ka na.” Pauna ko, napatingin naman siya habang
komportable naman siyang nakasandal.
“Yes. You?”
“Maayos din. Makakapaglaro pa ‘ko sa next game.”
“Good.”
“Ano Troy, alam mo na ba ngayon kung bakit ka malapit kay Nads?”
“Malapit?” Ulit niya.
“’Di ba hindi mo alam kung ano ba talaga si Nads sa’yo? Nabalitaan ko
lang naman.”
Lagot ka na naman Adrian sa pagiging madaldal mo sa’kin. “It’s none
of your business.”
“Tingin ko… Business ko na rin ‘yun dahil involved si Nads,” sagot ko.
“Pero kahit ano pa ‘yan, hindi pa rin niyan mababago kung anong mga
sinabi ko noon sa’yo. Si Nads lang ang may kayang gumawa no’n,” Na
medyo kinakatakot ko… Aminado ako.
“Then we’re on a same track. The only difference is, I always win.”
Nangisi na lang ako. Sinong may sabing mayabang ako? Eh may isa pa
ditong MAS mayabang pa sakin. Sasagot pa sana ako ng bigla naming
marinig na sumigaw si Nads.
“AAAAAAAHHHHHH!!!!!”
Napatayo kaming dalawa ni Troy at dumiretso sa kusina. Nakita ko na
lang na nasa sulok si Nads at na-corner na siya ni Suzzaine.

65
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Luke!!!! Hindi mo sinabing may aso ka! Takot ako sa aso!! AHHHH!!”
Sigaw niya habang may hawak na sandok. Natawa na lang kami ni
Troy. Ang cute talaga ni Nads.
“Freak, you’re afraid of your sister?”
“ANO!!?? WAAAAH!! LUKE!!!!”
Habang natatawa ako, lumapit ako kay Suzzaine. Ang wonder dog
ko. “Bad Suzzaine, bakit mo kinorner si Nads?” Tumahol naman at
lumapit sa’kin.
“Good dog.” Narinig kong sabi ni Troy. Sira talaga ang isang ‘to.
Nakaluhod ako nang bahagya at nakayakap kay Suzzaine habang si
Nads naman, nakatayo na sa harapan namin.
“Kala ko kakagatin ako niyan. Kinabahan talaga ako.” Sabi niya.
“Hindi nangangagat ‘to,” sabi ko habang hinihimas ko yung leeg ni
Suzzaine.
“Don’t worry, Freak. Hindi siya nangangagat ng kamag-anak niya.”
“CHE!!!”
“Tingnan mo, tara.” Aya ko kay Nads at tsaka siya nag-bend at
hinawakan sa ulo si Suzzaine. Di ba? Gano’n lang ‘yan pag may ibang
babae rito sa bahay. Nagseselos, alam niyang karibal ka.“
“Karibal?” Tumawa na lang ako. “Hindi naman ako aso, kaya solo niya
ang place ng pagiging wonder dog mo. ‘Wag kang maniwala kay—.”
Lumingon si Nads, pati ako, pero wala na si Troy. “’Wag mong pansinin
‘yun, bakulaw ang isang ‘yun. Baka nga kamag-anakan mo rin siya,
Suzzaine.”
“Oh Nads, yung niluluto mo.” Paalala ko.
“Nga pala! Teka maghugas lang akong kamay.”
-=-
Eh bakit ang tahimik niya? Malapit na kami sa bahay nitong si

66
VOLUME TWO

Mokong at ang tahimik talaga niya. Bakit na naman kaya? Daig pa’ng
menopausal nito. Nang makababa na kami ng sasakyan, dahil nandito
na rin kami sa may gate ng bahay namin, nagsalita na ako.
“Sige na, umuwi ka na lang. Ako nang bahala magpaliwanag. Moody
ka na naman eh. Bipolar pa nga ata. Bye na.” Saka ako pumasok sa gate
namin at tuluy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay.
“Ikaw, Nads!!” Hala nagulat ako sa salubong ni Kuya. Napahinto naman
ako. “Nasa’n ka na naman kagabi ah? Nawiwili kang hindi umuuwi
dito, humanda ka kay Daddy at isusumbong ko ‘yang kalokohan mo.”
“Hindi naman kalokohan eh…”
“Sumasagot ka?”
“Hindi ah.”
“Sige na. Pumunta ka ng kwarto mo. Wala pa si Mommy.”
Hay, lagot ako kay Mommy nito. Tawagan ko kaya uli si Mokong?
Ay, ‘wag na nga. Sabihin pang dinadamay ko na naman siya. Hindi
nagtagal, medyo naka-idlip na rin ako nang bigla kong marinig na
sumigaw si Kuya…
“NADS!!! NANDITO NA SI MOMMY!”
Bumaba ako at nakita kong naka-upo sa may sofa si Mommy.
“Mi.” Tawag ko at umupo ako sa tabi niya. “Mi, ‘yung kagabi. Kasi ang
totoo niyan…”
“I know, I know na.” Sagot ni Mommy.
“Po?”
“Wala ka kina Sandy, kasama mo si Son-In-Law.” Uh-oh, busted agad?
“Sinabi ni Troy sa’kin ngayon. Bakit ‘di mo pinapasok ‘yon?”
“Pinapasok?”
“Nasa labas siya ah. Hinatid ka raw niya, hindi mo alam? Natatakot
ka raw kasing magsabi na magpapa-umaga ka kasama niya dahil may

67
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

sakit siya kaya nagsinungaling ka na naman daw. Humingi nga siya ng


sorry dahil sa kagabi. Hindi na raw mauulit ‘yon. Wala bang kasama si
Troy sa kanila, Baby?”
“Po? Ah, ano,” nawala ako. Naunahan na niya ‘kong magpaliwanag.
“Wala po. Mag-isa lang siya sa condo niya. Ang alam ko, patay na ang
mother niya at ang dad naman niya… Ah… parang ‘di naman po niya
nababanggit.”
“Gano’n ba. Alam mo ba, may kapangalan ang boyfriend mong ‘yan.
Pero… Hayaan na natin. Ang mahalaga, nasabi niya kung nasa’n
ka talaga kagabi. Sa susunod, magsasabi ka agad. Sabing papayagan
naman kita basta si Troy ang kasama. I trust you both kung emergency
lang naman talaga at walang halong kalokohan.”
“Opo. Promise Mommy. Hindi na kami uulit.” Teka? Parang may mali.
“Oh, sige na. Aakyat na muna ako ah?” At umalis na si Mommy. Tsk!
Hindi pa rin nga pala alam ni Mommy na hindi totoo ang lahat ng ‘to!
Ay nako naman. FBBF pa rin ang peg ni Mokong sa paningin ng aking
oh-so-loving Mother.
-=-
Ilang araw din ang nakalipas…
Heto at naging busy ako. Bakit? Sumali kasi ako sa isang cooking contest
sa University namin. May cash prize kaya sumali ako. Pandagdag din
sa savings namin ‘yon. Sakto rin naman, mukhang natapos na ‘yung
pagtigil no’ng dalawa sa University namin. Si Troy kasi, back to Austine
para asikasuhin ang upcoming game. Si Luke naman, pinagagaling pa
rin ‘yung paa niya. At dahil sa sina Sandy lang naman din ang nag-ayos
ng pagpasok ng dalawa, madali na rin silang naka-exit nang walang
problema. Sabi pa nga ni Liz, kaya raw hindi na nag-stay si Mokong ay
dahil daw wala na naman si Luke para bantayan pa ni Mokong. As if
naman… Eh hindi ko na nga siya maka-usap.
Buti pa si Luke nakaka-usap ko kahit sa phone lang. Kaso si Mokong,

68
VOLUME TWO

hindi na talaga nagparamdam. Galit ka ba sa’kin?


“FREAK!”
Lumingon ako kaagad pero… Pero wala! Saka ko lang na-realize na
nasa loob ako ng classroom namin.
“Kala mo si Mokong ‘no.” Si Liz.
Tumingin naman ako kay Sandy. “Peace!” Sabi niya.
“It seems that Ms. Castro is not with us today,” sabi ng Prof namin.
“Kanina ka pa tinatawag ni Ma’am,” sabi naman ni Chris.
“Sorry Ma’am.” Matipid na sagot ko.
“Are you sick? Do you want to go to the clinic?” Tanong ni Ma’am.
“Nako Ma’am, hindi po clinic ang kailangan niyan… Pagmamahal.”
Tumingin naman ako kay Liz. Daldal lang, friend?
“Pero may sakit naman talaga si Nads, may virus siya.” Dagdag pa uli
ni Liz.
“But don’t worry, it’s not contagious. Well, though it’s a virus, hindi
naman siya nakakabahala.”
“What virus is that, Miss Reynaldy?”
Mga baliw talaga ‘tong mga babaeng ‘to.
“It’s called… TROYjan Virus ma’am. The hottest virus alive,” sagot ni
Sandy.
Ay grabe, anong cure sa sakit ko?
-=-
Dumating na ang araw ng cooking contest…
Na’ndito ako ngayon sa waiting area ng mga contestant. Ka-text ko si
Chris, nando’n daw ang RD, syempre nando’n din si Luke. Iyon nga
lang, wala raw si Troy.

69
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Sabi ni Sandy, baka raw need ng space to think. Think? Sus! Baka
nagpaka-bipolar na naman.
Ayos naman kaming dalawa ah. Bakit gano’n siya ngayon? Kala ko pa
naman… Nag-assume ka kasi Nads. Lagi mong tatandaan, kapag nag-
assume ka ng magandang plot… Mag-assume ka na rin ng pangit na
ending, para no hurt feelings.
Tinawag na kami sa venue at nando’n na rin ang mga kailangan namin.
Alam mo ba ‘yung kusina ni Kusina Master – Chef Logro? Gano’n
ang itsura ng bawat place ng contestant na ginawa rito sa gymnasium.
Nakita ko na kung nasa’n ang place nila Sandy at ng iba pa. Pero wala…
Wala siya.
Natapos ang pagluluto ko. Lumapit ang judges at hindi ko gusto ang
tingin nila sa niluto ko pagkatikim nila.
“Anong problema…” Nabulong ko pagkalagpas nila.
“For the next part of judging. All of you have the chance to judge our
winner for this year’s competition. Just choose among our contestant’s
dishes, and those plates that will be returned in their respective areas
will be counted as one vote.Ten points for each plate, so feel free to
satisfy your tastebuds. Judging starts now!”
Hindi maganda ang kutob ko sa reaksyon ng mga judges. Kumuha ako
ng plate at tinikman ko ang niluto ko.
“Nads! We’re ready to taste it na.” Excited na sabi ni Liz pagkalapit niya
sa area ko.
“Okay, pwede na ba kaming kumain ng kahit gaano karami!??” ‘Yung
isang player ng RD.
“Oo nga! Katatapos lang ng practice namin, gutom na linta sa tiyan
ko!”
“Nads, anong problema?” Tanong ni Luke.
Binaba ko ‘yung plate ko at saka ko sinabing… “Just leave. Sa iba na

70
VOLUME TWO

lang kayo pumila, please.”


“Why!? What’s—.” Napahinto si Liz nang magsalita na si Chris.
“It’s a waste.” Si Chris. Naiiyak ako… Bakit naging ganito ‘yung
pagkain? Ayoko ng may nasasayang, ayoko rin ng nare-reject… ‘Eto
lang ba ang kina-iiyak mo, Nads? Syempre ‘eto lang! May iba pa ba
dapat? “Anong nangyari rito, Nads? Maling wine ba ang ginamit mo?”
Tanong ni Sandy. Natikman na rin niya.
Nagpunas ako ng luha ko habang nakayuko. “Hindi ko alam, wala
akong alam. Alam ko, tama naman ‘yung ginamit ko eh.”
“Nads.” Hinawakan ni Luke ‘yung kamay ko na pinangpupunas ko
luha. Tumingin ako sa kanya kaya pinunasan niya ‘yung luha ko gamit
ang kamay niya. “Pangit man ang kinalabasan, hindi ibig-sabihin
rejected ka, Nads. Meron ka lang sigurong hindi alam sa nangyari,
baka may mali kang nailagay o kung ano pa ‘yan.” Ngumiti siya na
parang sinasabing ‘Okay lang ‘yan.’
“Ano nang gagawin natin?” Pag-aalala naman ni Liz.
Tumingin ako sa kanila. “Sige na. Bumalik na lang kayo sa puwesto
niyo o kaya, pumila na muna kayo sa iba.” Ngumiti ako. Buti na lang
wala siya dito… Ang Mokong na ‘yun, siguradong pipintasan lang ako
no’n pag natikman niya ‘tong luto ko.
Bumalik na sila sa mga lugar nila matapos ko silang pilitin na walang
kakain ng gawa ko kahit out of friendship lang. Kahit nanghihinayang
talaga ako sa pagkain, hindi na maganda kainin ang niluto ko. Kung
nasa mood lang ako kanina at hindi lutang na isip nang isip sa mga
walang kapararakang bagay, eh di sana natikman ko man lang yung
niluluto ko. Kaso umiral na naman ang ‘pagka-feeling expert’ ko kaya
hindi ko na tinikman ‘yung niluluto ko.
“Last thirty seconds,” Announced ng host.
Naka-upo lang ako rito sa place ko habang pinagmamasdan ang
napakahahabang pila ng iba. Samantalang ang sa akin naman ay

71
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

nagbabalikang pinggan na may tira.


“Last twenty seconds.”
Ang tagal namang matapos. Gusto ko ng umuwi…
“Last ten seconds! Bring back your plates, guys.”
Wala ng bumabalik na plato sa harapan ko. Tumungo na lang ako.
Ayokong makita ang tally screen na may score lang naman na ZERO
para sa’kin.
“Last five seconds!”
Nakakahiya, nakakahiya talaga… Pumikit ako. Sana magising na lang
ako na panaginip lang pala ang lahat ng ‘to.
“And time is up!”
Nagmulat ako ng mga mata, sumakto ‘yung paningin ko sa unang
platong inilapag sa harapan ko.
Teka! “Mo—.” Napatingin ako sa kanya.
“What do you call this kind of food? So I can never eat it again uh?
Freak.”
Nakatingin ako sa kanya habang binababa naman niya ‘yung gamit
niyang kutsara at tinidor sa plato niya. Ang nag-iisang plato sa harapan
ko. Ubos, malinis, walang tira with love.
“Talo ako. Kainis ka, humabol ka pa...” Natatawang naiiyak kong sabi.
Ewan ko, parang biglang nawala ‘yung inis at hiya ko nang makita ko
siya. Nilait na nga, natuwa pa.
“Tss. Obviously, you’ll lose this game, Freak. But whatever happens,
you’ll always win my apetite.”
Nads… Nasa’n ang gunting.
“Just, just don’t cook this kind of food again uh?”
Natawa ako bigla. Imbis na mainis ako sa sinasabi niya, mas gumaan

72
VOLUME TWO

ang loob ko.


“Eye, eye, Captain Mokong.” Nakangiting sagot ko.
-=-
Natapos ang contest at heto… TALO! Tawanan niyo ‘ko daliii! Pero
ayos lang. Wala sa’kin ‘yan dahil nga kasi…
Whatever happens, you’ll always win my apetite.
Panalong-panalo naman ang pagkababae ko! HAHAHA—. “ARAY!”
Iling ko. Tinulak ba naman ako. Buti ako na lang at ang mga bruhang
ito ang nasa locker room.
“Bakit ka naman tumatawang mag-isa diyan ah!?” Si Liz.
“Hindi naman ako tumatawa ah.” Reklamo ko. Umupo naman sila sa
tabi ko.
“Naririnig namin ‘yung utak mo, Nads.” Si Chris. “Anong eksenang
meron ka kanina?”
Napangiti akong bigla. Gosh, expose. “Wala naman—AH!!” Tinulak
ako ni Sandy. Ang brutal naman talaga ng mga ‘to.
“’Wag kang magmaganda, Nads. Alam na namin ‘yon at kitang-kita
‘yan ng lahat ng nasa gym. Magligawan daw ba sa gitna ng contest?”
Si Sandy.
“Daig mo pa friend ‘yung nanalo ‘no!? I can feel the feeling!” Si Liz.
“KOLONDOON NOTO!”
“Hindi ah. Masaya lang talaga ako,” sagot ko. MASAYANG-MASAYA.
“’Wag kang mag-alala, pinahuli ko na ang may pakana.”
“Pakana?” Tanong ko kay Sandy.
“Syempre, si Butiki. Pinalitan ang laman ng wine na ginamit mo. Ikaw
naman itong lutang, ni hindi mo man lang napansin. You know, I have
my eyes everywhere in this University. Got some news that this b*tch
is ‘b*tching’ you out. So don’t worry, pesticide is oh so ready.” Si Sandy.

73
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Natawa na lang ako at napa-iling ng ulo. Patay kang peste ka, with love
pa.
“Minsan kasi, ‘wag kang masyadong magaling at tikman mo rin ang
niluluto mo para aware ka, Nads.” Sabi ni Chris.
Nag-smile ako. “OKAY.”
“’Wag na kayong magpaliwanag dahil wala riyan ang mundo niya. Na
kay Troy na.” Si Liz.
“Exactly. Kaya Nads, I think you need to choose na. Dahil mukhang
obvious na kung sino ang gusto mong mapa-sa’yo sa kanilang dalawa,”
Paliwanag ni Sandy.
“Obvious na?” Ulit ko.
“Nads, sabihin mo na lang sa’min… Sino ba talaga ang gusto mo sa
kanilang dalawa para magawa mo na ang dapat mong gawin. Mahirap
mambitin sa mga taong abot-langit ang pagtingin sa’yo, okay?”
Paliwanag ni Liz.
“Sino nga ba? Si Luke, o si Troy?” Tanong naman ni Chris.
Tama Nads, ‘eto na nga siguro ang tamang panahon.
-=-
Mukhang iisa lang ang pupuntahan namin nitong si Troy ah. Sa
nakita kong eksena kanina, ramdam kong may dapat na ‘kong asahang
mangyari sa pagitan naming tatlo nila Nads at Troy. Ewan ko lang kung
kailan… Pero siguro dapat handa na lang ako.
“Sa’n ka nagsusuot nitong mga nakaraang araw, Troy?” Habang papunta
kami sa locker room ng mga contestant.
“Somewhere, you don’t have to know.” Kung ‘di ko lang kaibigan ang
isang ‘to, makakatikim ‘to sa’kin. Pagbigyan, sanay na ‘ko.
“’Ge, gusto mo ‘yan.”
“I’ve been thinking.” Sabay salita. Galing din nito eh. “Thinking about

74
VOLUME TWO

what you’ve said last time.”


Napatingin ako sa kanya. Teka, alam na ba niya kung ano talaga si
Nads sa kanya ngayon!?
“Anong naisip mo?”
“Tss!” Iling niya. Magpo-protesta pa sana ako sa sagot niya kaso
napahinto kami nang marinig namin ang pangalan naming binanggit
mula sa loob ng locker room.
“Edi sagutin mo na, sino nga ba? Si Luke o si Troy?”
Langya! ‘Eto na ba ‘yon!? Ang sagot niya!? Anak ng tokwa—kinabahan
ako ah.
“Ako,” Boses ni Nads. “…si Luke ang gusto ko…” Teka-teka, hindi ko ata
gusto ang datingan ng sagot ni Nads. Gusto, gusto lang ba? Tumingin
ako sa katabi ko—anak ng tinola!? Nasa’n na!?
“Pero kasi…” May kasunod pa, langya naman talaga, mamaya ka na
Troy. “Pero si Mokong ang mahal ko.”
Oh loko, nasa’n ka ngayon?
-=-

75
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Chapter 17: This time… For REAL!

What’s on your mind? There’s time for everything…


You just have to wait. In short, wait for me!! ;)

‘Di ko alam tuloy ang gagawin ko, kung hahabulin ko ba ang isang
‘yun o makikinig ako sa usapan. Makikinig na lang siguro ako, mas
interesado akong pakinggan ang sasabihin ni Nads kaysa ipaliwanag
kay Troy na siya ang mahal ng babaeng mahal ko.
“’Di ko nga lang alam kung ano ang nararamdaman niya para sa’kin.
Assume na assume nga kasi ako sa pinapakita niya, kaso… Baka puro
assume lang.” Si Nads.
Kung sa’kin pa, ‘di mo na kailangang mag-assume, Nads! Tsk tsk tsk.
“Si Luke naman kasi, siya naman talaga ang una kong nagustuhan sa
kanilang dalawa.”
Langya, sana pala ako na lang yung pangalawa. Mahirap talaga
ang nagiging una, minsan nagiging huli. Mga salitang gusto at una,
pahamak talaga sa buhay ng mga lalaki ‘yan. Pwedeng gusto ka, pero
‘di ka mahal. At pwede kang una sa kanya pero umasa kang may
papangalawa diyan. Lahat ‘yun, sapul na sapul ako.
“Kaso, nang magtagal… ‘Yung gusto ko kay Luke, mas natatabunan ng
asar, inis, imbyerna ko kay Mokong. Mas lumalaki ang force na hatak
ni Mokong. Ewan ko ba! Tanga nga siguro ang utak at puso ko dahil
mas pinipili ko ngayon ang may sapak na bakulaw na tulad ni Mokong.”

76
VOLUME TWO

Dapat nga kasi Nads, ako na lang ang pinili mo. Ayos Luke ah, pakla
ng datingan mo—.
“LUUUUKKKKEEEE!!!!”
“Walanghiya—.” Tumakbo ako kaagad sa pinanggalingan no’ng sigaw
at nasalubong ko ang walang-modong Adrian na ‘to!
“Oy Luke—Aahhhh!!”
“’Wag kang maingay na loko ka.” Sabay akbay sa leeg niya at hinila
ko siya do’n sa unang pagliko ng corridor. Pagkahinto naman namin,
binitawan ko na ang sira-ulong ‘to.
“Ano ba Luke?! Naninilip ka ba kay Nads at kung todo iwas ka pa—.”
“Gusto mong murahin kita?!” Tumingin ako sa direksyon ng locker
room ni Nads. “At pwede ba,” Hininaan ko ‘yung boses ko. “Hina-
hinaan mo ‘yang boses mo kung ayaw mong mapahamak.”
“Baka naman si Liz ang—.”
“Gawain ko ba ‘yun ah! Baka ikaw.”
“NEVAH~” Sabay ayos ng damit niya. “Eh bakit mo ba ‘ko hinila ah!?”
“Dahil sira-ulo ka. Sinigaw mo ang pangalan ko.”
“So lahat ng sisigaw ng pangalan mo ay hihilahin mo? At anong
gagawin mo pagkatapos ah?!”
“Papatayin ko, gusto mo ng sample!?”
“Bwahaha, highblood naman ‘to. Kala mo na-basted siya.”
Mumurahin ko talaga ‘to. Pang-inis ang loko.
“Teka pare? Bakit natahimik ka? ‘Wag mong sabihing…”
“Gusto ako ni Nads. Narinig ko.”
“Oh!? Grabe, kawawa naman si Mokong niya, bwahaha—.”
“Pero si Troy ang mahal niya.”

77
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Sht, basted ka nga! CONGRATULATIONS PARE! BWAHAHA!!”


Hinawakan ko siya sa balikat at saka umaktong kakaladkarin siya sa
labas. “Tara-tara sa labas, ilalabas ko galit ko sa’yo—.”
“’Wag gano’n, chong. ‘Wag tayong bitter.”
“Hindi ako gano’n at hindi rin masama ang loob ko. Tanga lang na
manliligaw ang makakaramdaman niyan matapos niyang mabasted.
Expected niya dapat na may mga ganitong ending, inis, gusto kong
magmura kapag nakikita kita.”
“Bwahaha! Nakakapangmura kasi ang kagwapuhan ko. Pero naks,
amin na amin, ah. Isa pa nga? Ano ka nga ulet? Bwahaha, ‘wag na at
baka lumuha ka ng dugo, wala akong panahod.”
“Ge, magsaya ka lang. Mabasted ka rin sana ni Liz.”
“NEVAH~” Langyang yabang nito. “Pero pare, wala ka na bang
gagawin? Accept na lang nang accept?”
“Mas mahalaga sa’kin si Nads. Wala rin namang kwenta kung ipipilit
ko pa ang sarili ko sa kanya tapos ‘di naman siya magiging masaya, di
ba?”
Sabay palakpak ng isang ‘to habang seryoso ang hitsura. “You deserve
a clap, pare! Pwede mo ng tanggapin ang ‘Ulirang Manliligaw
Awardee’! You’re the father-mother-gentleman!” At tuloy lang siya sa
pagpalakpak.
Ano pa nga bang aasahan sa isang baliw na tulad ng isang ‘to?
“Eh pare,” tumigil na sa siya sa pagpalakpak. “Si Captain? Alam niya
ba? Narinig niya rin ba? Nakasalubong ko pa kaya siya habang papunta
‘ko rito. Bwahaha! Parang papatay ng tao, Pre!”
“Langya, bakit ‘di pa sa’yo ginawa?”
“Bwahaha, pare naman, umiwas ako! Gumilid muna ‘ko, delikado.”
“Hindi niya narinig lahat. Ang narinig niya lang eh ‘yung pagkagusto
ni Nads sa’kin. Pero nang sinabi ni Nads kung sinong mahal niya.. ‘Di

78
VOLUME TWO

na ‘yun narinig ni Troy. Umalis na kasi siya. O sinong loko ngayon?”


“Bwahaha! Pang-Oscars ang datingan, gusto ko ‘yan! Kulang na lang
trophy habang naglalakad palabas si Captain. Langya, epic ‘yun Pre!”
“Bahala siya sa buhay niya.”
“Bakit Pre? ‘Di mo sasabihin? Evil plan yan, pero kung sabagay,
malalamangan ka nga naman.”
“Hindi ‘yon, ‘tol. Ang alam ni Nads, walang gusto sa kanya si Troy.
Samantalang, kulang na lang sumigaw si Troy sa kung ano ba talagang
nararamdaman niya para kay Nads. Halata naman sa isang ‘yon na
mahal niya rin si---Buwisit, bahala nga siya.”
“Eh, pa’no si Nads? Kawawa naman si Freak!”
Kung sabagay, pa’no nga naman si Nads kung ‘di niya malalamang
parehas lang naman sila talaga ng nararamdaman nitong si Troy.
“May plano ako, gusto mong marinig?”
“Ayoko—.”
“Sayang naman ‘to. Siguradong ikatutuwa ‘yan nila Freak at Mokong.
Bwahaha—”
“Freak? Mokong? Anong meron dito Pong!!???”
Sh*t, si Liz.
Teka? Pong? Tumingin ako kay Adrian. Sabay tawa at sabing… “Paul
Adrian nga kase, tol. You know, nickname ni Queen sa’kin, Pong.” Sila
nang may tawagan.
Sinagot ko naman. “UloPONG ka kasi.” Nang-inggit pa.
-=-
Uwian na! Sa wakas naman. Nag-report ako sa isang klase namin,
hindi naman nakikinig ‘yung prof ko. Pinaghirapan ko pang gawin
‘tong powerpoint ko kagabi, tapos gano’n? Well, anyway… Makikisabay
na lang ako kina Liz pag-uwi.

79
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Uy, kanina mo pa binabasa ‘yang dyaryo. Gusto mong mag-shift sa


Journ?” Tanong ko kay Liz na tutok na tutok sa dyaryong hawak niya
habang naglalakad kaming apat palabas ng building.
“’Wag kang echosera, nagbabasa ako.” Sabi niya.
“Ikaw nang concern sa bansa,” Sagot ko naman.
“Concern sa bansa? Tingnan mo naman ang binabasa.” Tutol ni Chris.
Sinilip ko naman at napa-iling na lang ako nang makita ko kung ano
ang binabasa ni Liz. “Ay sorry, binabawi ko na. Hindi ka pala concern
sa bansa, concern ka pala sa guhit ng kapalaran mo. Horoscope talaga,
Liz?”
“’Wag kang magulo, kanya-kanyang trip lang ‘yan mga girls.” Sagot
niya.
“Hindi ako naniniwala diyan,” Tanggi ni Chris.
“Same here. I believe in destiny but not in horoscopes,” Dagdag naman
ni Sandy.
“Destiny, ah?” Singit nitong si Chris. “Kaya pala ang dami mong lalaki,
Sandy. You’re looking for your destiny.”
“You got it right.”
“Ako, wala akong interes sa ganyan. Kalokohan lang ‘yan.” Habol ko.
“’Di ‘wag. Sa’kin kasi,” tumingin naman siya sa’kin. “Tumugma ang
nakalagay dito, mga limang beses lang naman.”
“Limang beses!??” Grabe naman pala ‘yan. “Ah… Anong sabi sa
Taurus?” tanong ko.
“’Yan tayo eh. I know you’ll be curious. Okay, let’s see…” Pumalibot
kami sa likuran niya. “Okay, sabi rito… Mag-ingat!” Napa-atras naman
kami kasi bigla siyang humarap sa’min.
“Grabe ‘te! Mag-ingat agad? Para namang mapapahamak naman ako.
Bitter ang nanghula niyan, I’m sure.” Sabi ko. Tumalikod na uli siya

80
VOLUME TWO

sa’min.
Balik sa pagbabasa. “May mawawala at hahanapin, time is gold, ‘wag
sayangin. Dahil pwedeng mawala kung hindi kakaririn.”
“Eh!?” Iling ko. “Yung totoo, sino manghuhula niyan? Hindi ba ikaw?”
Biro ko.
“Oy! Hindi ah!” Tanggi naman ni Liz. “Grabe ka.”
“Fine. Chill lang, friend. Binibiro lang kita. Ang salitaan naman kasi
no’ng hula, parang ikaw.”
“Ah basta, maniwala ang gustong maniwala. Pero ‘eto lang masasabi
ko, Nads. FIVE TIMES! As in five times na tumama ‘to simula nang
magbasa ako. Five times palang akong nagbabasa, ibig-sabihin, wala
pang mali ever since.”
-=-
May mawawala at hahanapin, time is gold, ‘wag sayangin. Dahil pwedeng
mawala kung hindi kakaririn.
Umuwi ako sa’min na medyo… Medyo lang naman, iniisip ‘yung
horoscope na sinabi ni Liz. Kasi naman, parang nakakakaba. Ay ewan,
Facebook na nga muna… Wala namang bago, puro status pa rin ang
newsfeed ko. Kanya-kanyang drama sa buhay. Sino pa bang online
ngayon—Oh! Si Mokong!
Hindi ko na siya nakita kahapon after ng competition. Nawala na lang
bigla.
Okay… Chat natin siya.
Maria Nadine Castro: MOKONG! Hehehe ;)
Eh? Ang tagal magreply, inis naman. Pinaghintay ang beauty ko—.
Troy Harris Smith: WHY?
Wow huh! After five minutes? Seen zone na nga, ang ganda pa ng reply!
WHY? All caps pa!

81
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Maria Nadine Castro: Kailan ang next game niyo? Manunood ako. ;))
Ang haba ng pasensya ko. With smileys pa talaga ‘yan. Pero ‘yung
totoo talaga? Thirty minutes!? Bago mag-reply? Ano ‘yan?! Tinitigan
niya muna ang message ko ng trenta minutos bago mag-reply!?
Troy Harris Smith: See posters for details. I’m out.
ANO RAW!?? See posters for details? Ano siya? Commercial!? Then
sabay out!
Okay, mukhang nagkamali nga ata ako ng pinili sa kanila ni Luke.
Ganyan siya ah.

What’s on your mind? > Para kang bola, sarap mong IBATO!! Now na!

Out!
Kinabukasan…
“Umiwas sa mga regalo ngayong araw, kapalit nito’y pagkawala ng
taong minamahal.” Si Liz, kababasa lang ng bagong horoscope ko for
today. Nandito kami sa University garden. Wala ‘yung dalawa dahil
may gagawin daw sila. Kaya kami ang nagtya-tyagaang magsama dito.
Biro lang.
“Bitter talaga ‘yang nagsulat niyan. Biruin mo, kahapon, may mawawala
raw sa’kin. Ngayon, may mawawala na naman! At ayaw pa niya ‘kong
tumanggap ng regalo ah. ‘Yung totoo? Sawi ‘yung nagsulat niyan ‘no?”
“Si Lu—.”
“Ano ‘yun?” Lu?“ Lu ang ngalan ng manghuhula? Lu? Lulu?”
“Yes,” tumawa naman siya. “Lulu nga ang name, kaya bitter ang
horoscope mo ‘te. Oh, ‘wag kang tatanggap ng regalo ah? Teka lang
Nads, punta lang akong CR. Kanina pa kita kasama, naiihi ako.”
“Tigil! Nakakapang-ihi ba ‘ko!??” Baliw talaga.

82
VOLUME TWO

Hindi ko birthday kaya walang magbibigay sa’kin ng regalo. Safe ako


diyan.
“Nads!” Lumingon naman ako. Si Luke! Tumayo ako.
“Anong ginagawa mo rito?” Tanong ko naman.
“Bumibisita lang. Nasa’n ‘yung iba?”
“Ah, may kanya-kanyang agenda. Upo muna tayo—.”
“’Wag na Nads, pumunta lang ako dahil dito.” Sabay labas ng maliit na
box.
Inabot ko naman. “Ah, ano ‘to?”
“Surprise gift.” Gift… GIFT!??
“Teka, para sa’n—.”
“Wala lang. Gusto lang kitang bigyan. Oh siya, alis na ‘ko. Dinaan ko
lang talaga ‘yan. Regards sa tatlo, may practice pa ‘ko. Bye Nads.”
Kahit mukhang alanganin. “Bye…” Teka! Nga pala! ‘Yung advice ni
Sandy sa’kin!
Dapat sabihin mo na kay Luke kung anong nararamdaman mo, girl.
Hindi naman magandang pinapaasa mo ‘yung tao kung may laman na
‘yang puso mo. Oh, di ba? Serious ako.
Teka lang uli!!
Umiwas sa mga regalo ngayong araw, kapalit nito’y pagkawala ng taong
minamahal.
No! No! I will not open this! Pa’no na lang kung... Kung singsing pala
ang laman nito? Nako! Ibabalik ko ‘to, promise! Ayokong may mawala
sa’kin…
-=-
This wasn’t what I planned to do in front of this man, hell—with
everyone! I looked like an idiot trying to look cool, yet, I’m boiling

83
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

mad. Mad, I don’t even know to whom or to what. D*mn it.


“Twenty-five, fifty-six. In favor sa team ni Luke.”
“Captain.” It’s Sebastian. I looked at him and he added… “Ayos ka
lang?”
Do I look like I’m okay? Tss! “Fine.” I glanced at Luke’s direction. “I’m
f*ckin’ great. Tss.”
“Game starts! Captain’s ball.”
Nakatingin siya sa’kin with that grin on his face. Luke, that guy. He’s
draining my patience.
Now the ball’s mine. “Captain, may problema ba? Mukhang… Wala ka
sa kondisyon.” Ngayon lang… Ever since we became friends, ngayon
lang ako nakakaramdam ng galit sa kanya. Kay Luke… And this is not
even funny to say.
“Not your business, let’s end this game. Tss.” I replied. I was about to
shoot and get another point but this man is forcing his luck. I’m not in
the mood, not now.
“Ang akala ko nga tapos na. Hindi pa ba tapos, Captain?”
This man—you want me to get that message!? “Not even starting.”
Speeding up to move away from him, I did a hard dunk. It didn’t take
away this madness in my chest though. Tumingin ako kay Luke at
nakatingin siya sa’kin like I’m a piece of a worthless crap.
Then he yelled without even blinking. “Malaki nang lamang team!
Malabo nang mahabol… Wala ng pag-asa. Panalo na tayo.”
Si Luke ang gusto ko…
Si Luke ang gusto ko…
Si Luke ang gusto ko…
You Freak, don’t—.
Nabigay ko na kay Nads, bukas ko malalaman ang sagot niya sa proposal.

84
VOLUME TWO

Nabigay ko na kay Nads, bukas ko malalaman ang sagot niya sa proposal.


Nabigay ko na kay Nads, bukas ko malalaman ang sagot niya sa proposal.
Shit—stop.
“Captain—.”
“MOVE TO YOUR PLACES, NOW!”
“Uh—Yes Captain!”
We give each other another face off. But this time, hindi ko na alam
kung hanggang sa’n pa ang pasensya ko. A game is a game, but not
now… ‘Coz in my head, and in my damn heart, Freak is Freak --- and
she’s mine.
“FOUL! Uh—Captain… Foul, pang-apat na.”
“Langya ka ‘tol, ‘wag mo na lakasan.”
“Patay tayo diyan, iba ang timpla ni Captain. ‘Kaw na kaya mag-ref?”
Habang patayo si Luke, halatang natatawa siya. Then he faced me and
said… “Ano bang problema!? Sabihin mo nga, may galit ka ba sa’kin—.”
“Shut up Luke. I’m not in the mood for talking—.”
“Bakit Troy?! Mahirap bang tanggapin, na huli na nang malaman mo
na gusto mo pala si Nads---.” And I shut him up with a blow straight on
his face. I already said that I’m not in the mood for talking.
Wiping that blood on his mouth, he said... “Pa’no ba ‘yan, hindi mo
man lang nasabi… Captain. Kaya sa ganito mo na lang dinadaan, hindi
mo nasabing gusto mo siya—.”
“CAPTAIN!!”
“Shit—Luke! Captain, tama na yan!”
I gave him another punch on the face and he returned it with two. But
when I got the chance, kinwelyuhan ko siya at saka ko sinabing,
“I don’t like her, I never liked her.”

85
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Then what, Captain!? Ano pala!?”


I freakin’ love her…
-=-
Grabe! Kinilabutan ako bigla at hindi ko alam kung naiihi lang ako
o dahil sa malamig talaga dito sa garden? Breaktime namin, kaso
nag-text si Luke na pupunta raw siya rito sa school. Urgent daw. Ano
naman kaya ‘yun?
Teka, hindi kaya… Napatingin ako rito sa hawak kong maliit na box
na bigay niya kahapon sa’kin. Relationship proposal na ba ito? Oh no!
Huwag naman, please. Ayoko siyang ‘i-reject’ sa mismong moment ng
proposal niya. Ayokong makasakit ng tao…
Iniisip ko ‘yan buong magdamag habang hawak ‘tong bigay niya. Ano
na lang ang gagawin ko kapag magkaharap na kami?
“Nads!” Lumingon ako, si Luke. Oh my Lord, help me! “Kanina ka pa
ba? Sorry ah.”
Tumayo ako. “Ah, hindi naman.” Nakangiti na naman siya. Ayokong
mawala ‘yang ngiting ‘yan. Kaya lang, baka sa sasabihin ko… Huli na
para humiling pa.
“Nads, kasi—.”
“Luke, I’m sorry.” Tuluy-tuloy kong nasabi. Mahihimatay ata ako.
Nakatingin siya sa’kin nang diretso at unti-unting nawala ‘yung ngiti
sa mga mata niya. Masakit… Masakit sa’kin at mas lalo na siguro sa
kanya.
“Luke…” Huminga ako nang malalim pero walang kuwenta dahil
kusang lumalabo ang mga mata ko sa luhang nagbabadyang kumawala.
“I’m sorry kasi—kasi ang tanga-tanga ko. Kasi—masyado akong bobo
sa ganitong usapan dahil NBSB ako.” Tumawa ako nang alanganin pero
hindi mawala ‘yung bigat sa dibdib ko. “Pero kasi, iba pala talaga ‘yung
salitang gusto… Sa mahal.” Inangat ko ‘yung box at iniabot ko sa kanya.
“Hindi ko alam kung anong laman niyan. Pero sa tingin ko, hindi ako

86
VOLUME TWO

worthy na tumanggap niyan mula sayo. Wala akong karapatan… I’m


sorry Luke. Sorry talaga.”
Inabot niya ‘yung box at nakatingin siya rito. Hindi ko alam kung galit?
Inis? Ewan ko kung anong nasa isip niya ngayon.
Habang nakatingin siya do’n sa box, bigla siyang napangisi nang
bahagya.
“Masakit din pala.”
At tumingin siya sa’kin na naka-smile lang ang mga mata. “Na marinig
nang harap-harapang basted ka.” Handa na sana akong magsalita ulit
pero hinawakan niya ‘yung magkabilang kamay ko. Tiningnan niya
‘yung kamay naming magkahawak saka niya sinabing…
“Ngayong araw na ‘to… Ang unang araw na mahahawakan ko ang
mga kamay mo, Nads.” Tumingin siya sa’kin. “Ito na nga rin siguro
ang huling araw na mahahawaan ko ‘to.” Naramdaman kong medyo
humigpit ang hawak niya sa mga kamay ko. Pero unti-unting lumuwag
ang hawak niya sa akin hanggang sa tuluyan na siyang bumitaw.
Luha ang ebidensya ng sakit na nararamdaman ko ngayon sa ginawa
ko. Pero para kay Luke, tinatakpan ng mga ngiti niya ang posibleng
sakit na nararamdaman nito sa mga sinabi ko. Pinunasan niya ang mga
luhang pumatak at dumadaloy sa pisngi ko. At ngayon ko lang naisip
kung gaano ko hindi masyadong nabigyang pansin ang isang Luke
Sandoval na nasa harapan ko…
“Ano ka ba naman, Nads,‘wag kang umiyak diyan. Dahil kahit ano
pang mangyari… Mapunta ka man sa iba… Hangga’t sinasabi ng utak
at puso kong ikaw ang mahal ko, hinding-hindi pa rin magbabago ang
Luke Sandoval na ‘to.” Ngumiti na naman siya. “Dahil kapag ginag* ka
ng mahal mo, itong gusto mo ang gaganti para sa’yo. Tandaan mo ‘yan.”
At saka niya ipinatong ang mga kamay niya sa magkabilang balikat ko.
“Ipapaubaya na kita sa kanya dahil mahal kita, Nads. Mahal kita, kaya
hahayaan kitang maging masaya. Kahit sa piling pa ng… Ng kapreng
mamang ‘yon.” At nakatungo siya nang bahagya para tingnan ang

87
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

mukha ko.
Oh Luke Sandoval… Bakit mo kailangang mag-confess ng pagmamahal
sa babaeng malakas ang tama sa iba? Why, oh, why!?
“Don’t worry, hindi ako si Luke Sandoval kung hindi ko ‘to tatawanan
pagkatapos ng ilang araw. Kaya Nads… Pagkatapos nito, tawanan mo
lang ang lahat. Dahil sigurado ako, maraming magagandang bagay pa
ang naghihintay sa’yo. Dahil alam ko kung sinong mahal mo.”
Sana makahanap talaga siya ng babaeng karapatdapat sa pagmamahal
niya. Babaeng mas malaki ang tama kaysa sa’kin… Malakas ang tama
sa kanya. Yung adik na adik para siguradong hindi siya pakakawalan—
teka! Anong ngang sabi niya?
Dahil alam ko kung sinong mahal mo.
“Teka, anong sabi mo?” Napatingin ako nang diretso sa kanya.
Natawa siya bigla. Pero hindi ako natatawa! Hala! “Nads, hindi mo pa
rin kasi sinasabi sa kanya.”
“Eh, bakit ko naman sasabihin!?” Why me - first move?
“Hindi usapin dito, Nads, kung sino ang nauna o nahuli. Ang mahalaga,
masabi mo sa kanya na mahal mo siya. Walang lugar sa ganitong
usapan ang salitang hiya. Sa pag-ibig, sa pagmamahal… Lahat ng tao
nagiging walanghiya. Dapat gano’n din ang gawin natin minsan. Alam
mo na, walanghiya nga kasi ako.”
“Paano kung… Paano kung walang mangyari?”
“Hindi mo malalaman ‘yan kung hindi mo susubukan. Sabi nga nila,
mas okay pa ang biglaan kaysa planado kung minsan.”
Sasagot sana ako kaso biglang tumunog ‘yung phone niya, pero hindi
niya ‘yun pinansin at bagkus ay bigla niya ‘kong niyakap at sinabing…
“Thank you, Nads.”
Nagulat ako, pero sinasabi ng utak ko na hayaan ko na lang.
“Bakit?” Habang nakayakap pa rin siya sa’kin.

88
VOLUME TWO

“Dahil mababansagan na ‘kong Pambansang Single ng Pinas.”


Nawala ang luha at napalitan ng ngiti ang mga labi ko. Siya nga talaga
si Luke Sandoval. “Dahil diyan… Mag-ready ka dahil maraming
hahabol na babae sa’yo. Take Care, and don’t take your time to move
on, Luke. Okay?”
“I will. Lalo pa ngayon na parang tinutunaw na niya ako hanggang sa
mamatay.”
“Huh?” Hindi ko na-gets.
“Trust me.” Bumitaw siya at tumingin sa’kin. “Magiging ayos ang
lahat.” Then he kissed me on my forehead.
Sumagot naman ako, “Super thanks.” Luke…
-=-
BWAHAHAHA! MAGSITAWANAN TAYO SABAY PALAKPAKAN!
Huwag kayong magulat dahil masaya ako at mukhang umubra ang
plano. Magaling talaga ako, pasintabi na sa inyo at bubuhatin ko na
ang mala-metal sa bigat kong bangko!
‘Eto na nga, nandito kami sa Escolastica garden kung saan nagaganap
ang isang yakapan sa pagitan ni Nads at Luke. Habang isang mainit na
Dragon ang katabi ko! Si Captain lang naman… tsk tsk tsk. After ng
engkwentro nila ni ‘Basted-Luke’, kinausap ko si Captain at pinayuhang
‘wag magpakatanga at sabihin na kay Freak ang tinitibok ng Mokong
niyang puso. Bwahahaha! Biro lang ‘yung part na ‘magpakatanga’, baka
patay na ‘ko ngayon kung sinabi ko ‘yan.
Tamang timing lang pala ang miscall ko sa nadatnan namin. Ako na
talaga ang henyo!
Matagal-tagal na ang yakapan na eksena nang mag-aya si Captain.
“Let’s go,” Tatalikod na sana siya nang pigilan ko.
“Teka Captain.” Pigil ko. Kaya naman… Ready na ‘kong mamatay
dahil nakita niyang hinalikan ni Luke si ‘Freak niya’ sa noo! Para na

89
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

‘kong may katabing bulkang sasabog, sumasabog, sumabog at sabog na


sabog! Ganyan ka-intense ang galit ni Captain, sigurado.
Tumalikod si Captain. “If I’m in the mood. I’ll give you one hundred.”
Sabay iwan sa’kin.
ONE HUNDRED!? Buti pala wala sa mood si Captain.
Pero relax lang… Hindi pa diyan nagtatapos ang lahat ng ‘yan.
NEVAH~ Bwahaha ala Adriang Henyo!
-=-
Kinakabahan ako, kinakabahan ako, umihi muna kaya ako? Grabe,
nandito ako ngayon sa Austine dahil sabi ni Luke sa’kin kahapon…
MAGPAKAWALANGHIYA NA RAW AKO! Pero mukhang hindi pa
naman ako darating sa gano’ng level. Nads… Sasabihin mo na sa kanya
at bahala na kung anong kalalabasan.
Kaya ‘eto, idadahilan ko na lang na bumabawi ako the last time nang
pumunta sila sa natalo kong contest. Wala naman kasi silang nakain sa
mga niluto ko, remember?
“Hi team!” Bati ko pagkapasok namin ni Luke sa loob ng gym. On-
going ang practice nila, nakakakaba. Nasa’n ‘yung isang ‘yun?
“Nads! Buti napadalaw ka!”
“Pre!? Kailangan sisigawan si Nads?”
“Eksayted lang! Nakaramdam kasi ako ng gutom…” Sabay tingin
sa dala-dalahan namin ni Luke. Naghanda kasi ako ng kaunting
meryenda, di ba. Alam mo na, para din kasi sa stomach no’ng bakulaw.
‘Di ba nga? Ano ba ‘yan, paulit-ulit.
You’ll always win my apetite…
“Oo, tamang-tama. May dala akong meryenda, pagdamutan niyo na.”
“Salamat Nads, sakto, break time.” Sabi ni Basty.
“Nads! Wala ba si Liz?” Tanong ni Adrian.

90
VOLUME TWO

“Si Nads ang nandito, anong kalapastanganan naman ‘yan ah?” Habang
inaabot ni Luke sa iba ‘yung dala niyang mga pagkain.
“Ikaw na Luke, porket… Porket ano—.” Sabay tabig ni Luke kay Adrian.
“Manahimik ka.” Saway ni Luke.
“Oy Pare, anong porket? May di ba kayo sinasabi diyan ah?” Tanong
ng isa.
At ‘yung isa pa. “’Wag niyong sabihin na…”
Sabay tinginan nilang team sa’min. Hala hala - issue!
“Para kayong mga babae! ‘Wag nga kayong mga tsismoso, ang lalaki
niyong tao. Wala ‘yang porket na ‘yan, Ituring niyo yang ‘Porket-mon’,
bwahaha!”
“Tara-tara, Pare. Medyo corny.” Habang nag-aayaan palayo ang mga
Dragon.
“Eh, sige kain na muna kayo.” Pinalibot ko ‘yung tingin ko habang
nagkukuhanan sila ng balut-balot kong meryenda. ‘Yon! Si Mokong!
“Mok—.”
“Captain!” Lumingon siya. “Meryenda, dala ni Nads. Salo, Captain!”
Sabay hagis kay Mokong ng meryenda. Kaso… “Ay—nako! Sorry
Captain!!” Hindi niya nasalo o mas tamang sabihing… Hindi niya
sinalo. Nakatingin naman siya ah!? Bakit—No Nads. Siguro nagulat
siya, hindi lang gumana ang pagiging Captain niya na may mabilis na
instinct.
Ngumiti lang ako. “Ayos lang, meron pa naman dito—.”
“Hey,” napatingin ako kay Mokong. Tumingin siya saglit sa pagkain na
nagkalat malapit sa kanya, at saka tumingin uli sa direksyon namin.
“Clean this mess.” Sabay kaswal na lumabas.
Ano raw? Clean this mess. Clean this mess. Clean this mess. Mess!??
-=-

91
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Nagsikainan sila at naging busy. Hindi ako mapakali kaya lumabas


ako ng gym at hinanap ko siya, si Mokong.
Nakita ko siyang nakatayo malapit sa fire exit ng gym.
“Mokong.” Tawag ko. Lumingon siya pero hindi man lang sumagot.
Habang papalapit ako, mas bumibilis ang tibok ng puso ko. May kung
anong tumutusok sa’kin dahil sa kawalan ng emosyon ng mukha niya
habang nakatingin sa direksyon ko. Nang makalapit ako…
“Ah, wala lang.” Wala lang, Nads!? Halos napipi na nga ‘yung kama
mo kaka-ikot mo parang tuta kagabi dahil sa kakaisip sa isang ‘to!
“Sandali—.” Pigil ko nang biglang aalis na siya pagkarating ko. “Ano,
kasi, hindi na kita nakakausap ah?” Nagkukunwaring cool na sagot ko.
“Nag-chat ako sa’yo no’ng isang araw, nag-out ka naman agad. ‘Di na
tuloy tayo nakapagkuwentuhan—.”
“Why should I?”
“Ah?”
“Why do I need to tell you, anyway? Do I have to explain every single
thing I act or do? It’s not like I’m requiring you to check on me, right?”
Parang may kung anong humarang sa lalamunan ko at hindi ako
kaagad nakasagot. May kung anong tumor na namuo sa utak ko, hindi
ako makapag-isip. May kung anong tumusok sa puso ko, sumasakit
siya ngayon nang husto.
“Wa—wala naman. ‘To naman, nagtatanong lang naman ako eh.” Nads,
huwag kang iiyak. Inis, okay lang naman ‘yung mga ganitong salitaan
basta galing sa ibang tao. Pero kapag pala sa taong mahal mo, masakit
marinig ang mga masasakit na salitang tulad nito. Kaya please, ‘wag
kang iiyak Nads.
“I’m not even interested.” Saka siya tumalikod at naglakad ng ilang
hakbang palayo sa’kin. Ganyan ka… Ganyan ka, Mokong ka.
“Oo nga naman.” Salita ko at huminto siya. “Bakit nga naman ako
nagtatanong? Ano nga bang pakialam ko samantalang hindi ko naman

92
VOLUME TWO

ginusto na alamin ang kahit na anong tungkol sa’yo! Mahihibang muna


siguro ako bago ako magka-interes sa kung ano ang gusto at ayaw mo.”
At nahihibang na nga ako…
Habang nakatalikod siya. “Sa susunod, huwag ka ng pumunta dito
kung gusto niyo lang magkita ni Luke—.”
“NAKAKA-INIS KA! NAPAKASAMA MO TALAGA! MANHID KA,
MOKONG KA!” Sigaw ko at bigla siyang humarap sa’kin. Nads, the end
na talaga. Umiyak ka na, at gumising sa panaginip. “At napakatanga ko.
Bakit ikaw pa?” Habang nakatingin ako ng diretso sa kanya.
BANG! GAMEOVER NA NADS! Umiwas ako ng tingin at buong lakas
kong inalis ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Nakatingin siya nang
diretso sa kinatatayuan ko kanina, pero nilagpasan ko siya.
Nasalubong ko si Luke pero umiwas ako ng tingin at ‘dire-diretso’
akong lumabas ng Austine. Sumakay ako ng jeep, AT ANG SARAP
SIGAWAN NI MANONG! Bakit kailangang ‘yan pa ang patugtugin
mo?!
Oo nga pala, hindi nga pala tayo
Hanggang dito lang ako, nangangarap na mapa-sa’yo
Hindi sinasadya
Na hanapin pa ang lugar ko
Nasa’n nga ba ako? Na’ndiyan pa ba sa’yo?
-=-
NAKAKA-INIS KA! NAPAKASAMA MO TALAGA! MANHID KA,
MOKONG KA!
Go and chase her… Get her… And—.
“Troy.” Humarap ako pero suntok ang sinalubong ko mula kay Luke.
“Tanga ka, alam mo ba ‘yon?” Somehow, maybe, yes. “Mali eh! Maling
tao ang pinaiyak mo. At kaunti na lang, tapos na ‘tong lahat.”
Tapos na?

93
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

At napakatanga ‘ko, bakit ikaw pa?


-=-
Ayokong pumasok, hindi ako papasok. Wala akong gana, wala akong
lakas, wala akong utak, wala akong puso, wala akong tulog, hinding-
hindi ako papasok—.
“Nadine, anak! May pasok ka ngayong araw, late na!”
“Opo.” Sabay tayo at ano pa nga ba? Gawin ang dapat gawin. Hindi ko
sisirain ang pag-aaral ko dahil sa kanya. Asa siya!
Tapos na ang buong klase at uuwi na ‘ko. Walang maganda sa araw
na ‘to kung hindi ang kama ko lang na nandiyan para samahan ako sa
kahit anong mood na mayro’n ako.
“Tara na, bilis Nads! Baka hindi natin maabutan ang game!” Sigaw ni
Liz habang hinihila-hila ako patayo mula sa upuan ko.
“Ano ba… Uuwi na ‘ko.” Sagot ko habang sinusuot ko yung backpack
ko.
Sabay-sabay silang tumingin sa’kin at sinabing. “AT BAKIT?!”
Tiningnan ko sila isa-isa. “Bakit hindi?” Sabay tayo at lakad papalabas
ng room.
“Hep!!” Hinarangan naman ako ni Sandy. “’Wag kang KJ. We’ve
promised them na susuportahan natin ang team sa game nila. Now is
the day, don’t be such a crying baby. Face the world with a smile.”
Smile? May dapat ba ‘kong ikatuwa? “Kayo na lang—.”
“Tara na…” Sabay hatak ni Chris sa’kin palabas ng room.
“Let’s go!!” Si Liz na hatak na rin ako palabas.
“Maarte, gusto pa pipilitin. Let’s go, ladies!”
Ano pa nga ba?
Habang nasa sasakyan ako ni Sandy. Biglang nag-text si Liz dahil nasa

94
VOLUME TWO

sasakyan na siya.
Inbox 1/30 From: B_LIZ
Taurus, may mga bagay na hindi mo narinig at hindi rin nasabi. May
taong magpapaalam at mahirap ng balikan... Mawawala at maaaring
‘di na makita kailanman. Siguraduhing sabihin ang mga dapat sabihin,
gawin ang dapat gawin dahil oras mo’y maaaring kulangin.
“Kalokohan…” Nabulong ko sa sarili ko.
Nakarating na kami sa gym at mukhang hindi pa naman nag-uumpisa
ang game. Sakto lang dahil tatawagin na sila para magpakita sa court.
“THE UNDEFEATED CHAMPIONS OF 2010! Here comes the…
AUSTINE UNIVERSITY – THE RED DRAGONS”
“I love you, Dragons!!!”
“Grabe—I love you all!!!”
“I love pandesal sa breakfast!! I love you RD!!”
Nakaka-inis, puro I love you. Pwede ba ‘kong sumigaw ng I hate you,
Mokong!!!
“I LOVE YOU CAPTAIN TROY!! WITH ALL MY HEART AND
SOUL!!”
Isang malaking pagkakamali ‘yan, ‘te. Nagkamali ka ng taong minahal…
Pumasok na ang RD sa court at pumunta sila sa side nila kung saan
two rows lang ang layo namin sa kanila. Kaya ‘eto namang si Liz, na-
miss na naman ang Adrian niya.
“Adrian!!!” Lumingon siya sa direksyon namin. “Nasa’n si Captain!?”
Ano raw? Nasa’n si Captain? Pinalibot ko ‘yung tingin ko sa kanilang
lahat… Wala nga… Wala ngang bakulaw dito. Buti naman…
Makakapanood ako ng game nang maayos.
“Umalis siya! Biglaan!!!” Sigaw ni Adrian.

95
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“’Yung totoo Liz? Magsisigawan kayo?” Tanong ni Sandy.


“’Wag kang panira ng moment. Romeo and Juliet ang peg namin.”
Humarap naman uli kay Adrian. “Sa’n nagpunta?!”
“Nasa Airport na!! Baka naka-alis na ‘yun!!” Sigaw ni Adrian.
“Naka-alis?” Nasabi ko bigla.
“Sa’n siya pupunta, Nads?” Tanong ni Chris.
“Aba, hindi ko alam. Wala akong paki-alam—.”
Taurus, may mga bagay na hindi mo narinig at hindi rin nasabi. May
taong magpapaalam at mahirap ng balikan... Mawawala at maaaring
‘di na makita kailanman. Siguraduhing sabihin ang mga dapat sabihin,
gawin ang dapat gawin dahil oras mo’y maaaring kulangin.
NO WAY! Bigla akong tumayo.
“Oh Nads, sa’n ka?” Si Chris. Tumingin ako sa kanya. “Sa airport.”
Umalis ako bigla sa kinatatayuan ko pero bumalik din ako kaagad.
“Change of plans?” Tanong ni Sandy.
“No, I have no plans and I have no car. Kaya, tara!” Sabay hatak kay
Sandy.
-=-
Sa airport…
Para akong baliw na patakbo-takbo at palingon-lingon. Tinatawagan
ko siya pero mukhang patay na ang cellphone niya. Patay ka sa’kin!
“Pag umalis ka talaga,” Hindi ko nasabi man lang ‘yung gusto kong
sabihin. “Huwag na huwag ka ng babalik.”
Matangkad, kapre, bakulaw, kailangan kong makakita ng Mokong—
“MOKONG!” Hindi niya ‘ko narinig at mukhang busy siya sa mga
kausap niyang mga naka-suit, maging siya rin ay naka-suit na black!
Nasa tapat na sila ng departure area!! No! “MOKONG!!!” Good!

96
VOLUME TWO

Lumingon siya! Sa wakas! Tumakbo ako papunta sa kanila pero


huminto rin ako kaagad, ilang hakbang mula sa kanya.
Nagulat siya, halata, naglakad siya papunta sa’kin pero inunahan ko
na siya.
“IKAW!” Sigaw ko kaya pati ‘yung iba nagtinginan na samin.
Magpapakawalanghiya ako ngayon! Walang plano-plano! Bahala nang
lahat! “Bakit ka aalis!? ‘Di ba dapat ako ang aalis kasi pinasama mo ang
loob ko! At sa’n ka naman pupunta ngayon ng wala man lang pasabi!
Ah?! Mokong ka!”
“What—what are you sayin’—.”
“Oo na! Alam kong hindi mo alam, wala kang alam dahil ayaw mong
malaman!”
‘Yung mga taong nasa paligid namin, parang nanunood na lang ng
drama. ‘Eto ang sinasabing tigil mundo – nasa’n ang apple!?
“Mokong!” Huminga ako nang malalim at kinalma ko ang dibdib ko.
“Bago ka pa maka-alis, sasabihin ko na para makapaghanap na ‘ko
ng iba.” Pero mukhang matatagalan pa. “Mahal kita! Mahal na mahal,
kung gusto mo ng mas intense!” Nakatingin siya. Siguro kinahihiya na
niya ‘ko sa kahihiyang ‘to. “Pero hindi ako umaasa na gano’n din ang
nararamdaman mo dahil alam kong—.”
“FREAK!” Eh!? Pero parang muling nabuhay ‘yung puso ko.
Nakakatawang isipin na natutuwa ako dahil narinig ko na naman sa
kanya ang salitang ‘yan… Ang tawag niyang ‘yan… Baliw na nga ako.
“Kahit kailan, hindi ako nagalit sa’yo. The truth is… Mas galit ako sa
sarili ko dahil hindi ko masa—nasabi sa’yo ang gusto kong sabihin. At
hindi ko nakita kaagad ang matagal ko na dapat nakita, Freak. I didn’t
have the chance na magawa ang dapat nagawa ‘ko na noon pa.”
“Bakit!? Pipe ka ba para hindi mo masabi!? Bulag ka ba para ‘di mo
makita!? Baka naman paralyze ka na para hindi mo magawa! O baka
naman—.” OH-just-OH! OM-MY-GOSH!

97
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Lahat huminto. Oras, galaw ng tao, ikot ng mundo, utak ko… Pero ang
tibok ng puso ko daig pa ang sampung libong katao na nagmarathon
sa harapan ko.
Pumikit ako dahil ayokong magising kung nananaginip man ako.
Pero hindi… Dahil nararamdaman ko ang yakap ng mga braso
niyang nakapalibot sa baywang ko. Ang dibdib niya at dibdib ko na
pinakikiramdaman ang bawat tibok ng aming mga puso. Ang kamay
niyang nakasuporta sa likuran ko, sinasabing hinding-hindi niya ‘ko
pakakawalan.
At ngayon, ang main event ng pagiging makata ko… Ang ramdam
na ramdam kong mga labi niyang umangkin at nagsasabing ‘akin ka
lang’…
Hindi ako nakagalaw kaagad. Hindi dahil sa galit ako o ayaw ko sa
nangyayari ngayon. Shock ang tawag dito. Para akong humawak sa
isang live wire. Sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko, parang unti-
unting dumadaloy ang nakakamatay na voltage sa katawan ko.
Dahan-dahan sa una… Warm and smooth habang dinadampi-dampi
niya ang labi niya sa’kin. Parang ‘nag-e-eksperimento’ ang mga labi
niya sa labi ko. Nanginginig ako ng kaunti sa sobrang overwhelmed na
pakiramdam sa nangyayari.
‘Eto na ba? ‘Eto na ba ang ‘di niya nagawa?
Unti-unti… Dahan-dahan… Naghiwalay ang mga labi namin. Pero
sa parehas na lugar, nando’n pa rin ang mga braso niya. Nakatingala
ako sa kanya at siya naman, nakatungo sa’kin para tingnan ako nang
diretso.
“I just did what I haven’t done before. Will that make sense now? Or
should I prove it more?” Then unti-unti, lumalapit na naman siya.
“And more…” Lapit… “And more...”
“Mamaya na!” Bigla kong nasabi nang centimeter na lang ang layo
niya. Napapikit ako. Hindi ko na kakayanin kung isa pa… Babagsak

98
VOLUME TWO

nang lahat ng pwedeng bumagsak kapag ginawa niya pa ‘yan. I mean…


Utak niyo. ‘Yung mga tuhod ko babagsak na sa panghihina!
“Deal.” Nilapit niya ‘yung labi niya sa tainga ko sabay bulong ng,
“Later…” Oh mga balumbalunan at bituka ko maghulos-dili kayo.
Later daw!
“Ikaw Freak.” Tumingin siya sa’kin. “The one who stole my picture and
made it as her facebook boyfriend. And dahilan kung bakit naghiwalay
kami ng girlfriend ko, and I’m thankful.” Buti naman. “The one who
makes me crazy everyday, every minute, every second just by the mere
thought of her… And her… And just her. Ang nagparanas ng saya
sa’kin that I’m not alone, I will never be alone. It’s all because of you.”
Biglang humigpit yung yakap niya sa baywang ko at saka niya sinabing,
“Freak, you’re my brain, my heart, my life. And I’m yours too, a whole
lot of me.” OMG PYESTA NA BA ITO!? Nasa’n na sabi ang apple eh!
“Subukan nilang kunin ka,” Tumitig siya sa’kin nang mas matindi.
“They’re dead.” Sabay smack sa’kin. Yung totoo, patayan na ba? Hindi
pa ‘ko nakaka-recover sa kanina!
Hinawakan ko ‘yung magkabilang pisngi niya. “Ikaw. You’re my
facebook boyfriend… But this time, it’s for Real!” Hahalik na naman
dapat siya kaso…
“Hey, the two of you, are you done making us envious? Napalingon
naman kami, si Sandy naka-crossed arms pa, pero nakangiti!
Binitiwan namin ang isa’t isa at saka ko lang nakita ang mga tao sa
paligid, mga nakangiti rin habang nakatingin sa’ming dalawa.
“Freak.” Lumingon naman ako sa kanya. “Ano ‘yung sinasabi mong
aalis ako? You were saying that earlier, right?”
“Ikaw kasi! Bakit aalis ka na? ‘Di ka man lang nagsasabi. Kung hindi
pa ‘ko dumating, iiwan mo na talaga ako. Hindi mo man lang akong
makuhang ipaglaban!?” Hashtag – DRAMA.

99
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Who the hell told you that?”


“Huh? Si Adrian—.” Napahinto ako kasi nag-quick kiss na naman siya
sa lips ko. Sabay sabing…
“I’ll kill that guy, but I have to thank him first.”
“Ah? Bakit?”
“Tss.” Sabay ngiti niya. I’M DYING… It’s for real, he’s mine! “Look at
them,” sabay turo do’n sa mga mukhang Hapon na naghihintay lang
at nakatingin sa’min. “They’re one of those Japanese investors who are
here for a business talk with us.”
Ah… Siguro isasama si Mokong sa Japan?
“Hans informed me five days ago about the arrival of these investors.
I told my team that I’ll be late for our game ‘coz of them. My old man
is busy with overseas meetings, I was tasked to accommodate these
investors, at least, before they leave the country. Got that, Freak?”
Napapikit ako bigla. Patay sa’kin ‘tong si Adrian. Naririnig ko na
‘yung BWAHAHA niyang tawa. Minulat ko uli ‘yung mata ko at itong
Mokong na ‘to, nakangiti nang nakakaloko.
“You thought I’ll be leaving, right? Are you scared that I’ll leave you
just like that?”
“Bakit!? May balak ka bang puntahan ako kung sakali? Ah!?”
“After our game, I’m ready to risk everything for you. I’ll take you away
from Luke.”
“Luke? Teka? Bakit pa, eh… Nasabi ko na sa kanya na ihinto na niya
ang panliligaw sa’kin? Nag-usap na kami—Teka… Akala mo kami na
ni Luke, ‘no!!?”
“Tss!”
Tumawa ako nang malakas. “Nagselos ka kaya gano’n ka sa’kin ‘no?”

100
VOLUME TWO

Tumawa uli ako pero mukhang may issue ‘to sa kiss. Hinalikan na
naman ako nang mabilis. “Mokong, monster ka? Kissing monster?”
“You’ll know…” Babala ba ‘yan o ‘pampa-excite’? “After we win our
game.”
“Guys, alis na talaga ako. You’re not respecting my goddess presence
here.”
Maya-maya, bumalik na kami sa gymnasium at humabol si Mokong.
Naging maganda ang game kahit wala pa siya, pero mas lumaki ang
lamang nang dumating ang Captain nila. Hindi nagtagal, sila ang
nanalo at parang mga naging Left for Dead ang scene dito dahil parang
naging mga nangisay na zombie ang mga babae sa gym nang manalo
sila. Imagine that.
“Congratulations Captain Smith. So, how’s the game?” Tanong ng
emcee kay Mokong.
“Fine.” Umiral na naman ang pagiging kinder niya. Long question –
one word answer – live with that – tss!
“Nice Captain.” Asus, nice daw. “So, do you think you can reach the top,
again, for the nth time?”
Naghahanap siya sa mga audience habang sumasagot ng, “Of course.”
At biglang napako ang tingin niya sa’kin.
“Oh my gosh! Nakatingin sa’kin si Captain Troy!”
“Ano ba, sa’kin kaya!”
Ay wag ganyan, ‘te. Masasaktan lang kayo, luluha ng asin, sabay
patihulog sa building.
“Bakit nga ba kayo nahuli ng dating kanina, Captain?”
Habang nakatingin sa’kin. “Can I just go now? My girlfriend is waiting
for me.”

101
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Oh!? Girlfriend? That’s a news, Captain.” Naghiyawan ang mga babae


sa gym. Nakatitig pa rin siya sa puwesto ko.
“Ay girl, tunawan? Tunawan ng tingin?” Si Sandy.
“Nads, buhok mo hawak na ni Troy oh. Ang haba lang…” Biro ni Liz.
“I think I should go—.” Si Troy.
“Pero Captain, hindi mo man lang ba sasabihin kung sinong girlfriend
mo—.” Biglang napahinto ‘yung emcee dahil biglang itinaas ni Mokong
‘yung kamay niya na parang umaktong may babarilin. Sinundan naman
ng tingin ng emcee ‘yung direksyon ng nakaturong kamay ni Mokong,
maging ang mga audience ay gano’n din ang ginawa. Hanggang sa’kin
na sila lahat nakatingin. Sabay aktong may binaril si Mokong, at ako
yun—BANG!
“Girl, ‘maghimatay-himatayan’ ka daliiii!” Si Liz.
“’Eto lang ang taong nabaril na hindi duguan.” Si Chris.
“Pero patay na patay.” Habol ni Sandy.
Matapos ng bang-bang scene namin sa gym. Umalis na kami kaagad
at delikado, mukhang balak akong tambangan ng mga babae sa gym.
Pero isa lang ang masasabi ko sa kanila… Karisma lang ‘yan, friend.
Nandito kami sa labas ng locker room ng mga RD. Hinihintay namin
silang matapos nang biglang lumabas si Luke. Spell… AWKWARD.
“Nads, hi.” Ngumiti siya. Dala niya ‘yung body bag niya at naka-shirt
na lang siyang blue at suot pa rin ang RD varsity shorts.
“Hi.” Bati ko at lumayo ‘yung tatlong babae. Privacy daw…
“Mukhang naging maayos naman ang lahat. Sabi ko naman sa’yo,
magtiwala ka lang sa’kin.”
Tumango ako. “Alam ‘ko. Salamat Luke, super thankyou.” And I’m
sorry…

102
VOLUME TWO

“Hindi lang ako dapat ang pasalamatan mo, isama mo na si Liz at si


Adrian.” Na saktong lumabas ng locker room.
“Oy!! Nandito na pala ang aming Freakin’ Captain—Ahhhh!!!” Dahil
piningot ko ang tenga niya.
“Ikaw ang dahilan kung bakit mukha akong ewan sa airport!”
“Bwahahaha! Hinabol mo ba hanggang airplane—Ahhh!!”
“Girl!!! Bitaw-bitaw-bitaw!” Habang pinapalo-palo ‘yung kamay kong
naka-pingot kay Adrian ni Liz.
“Huwag ka nga. Kung hindi dahil sa’min… Nako, baka hanggang
ngayon ay war pa rin kayo ng Mokong mo.”
“Henyo ako kaya pasalamat—Uwi na tayo Queen? ‘Ge mga girls,
chong, una na kami! Bye Captain.” Sabay hatak kay Liz. “Bwahahaha!”
Si Mokong, nasa tabi na pala namin. Tumingin ako sa kanya pero
tumingin siya sa’min ni Luke.
Napangisi lang si Luke. “Mukhang wala na ‘kong dapat sabihin.”
Tumingin sa’kin si Luke. “Sige, una na ‘ko.” Sabay tapik sa balikat ni
Troy. Tumango lang si Troy at naglakad na palayo si Luke.
“Sama na kami,” habol ni Chris.
“Same here. Bye Nads, congrats Troy.” Si Sandy.
Nang maka-alis naman sila, umalis na rin kami ni Mokong. Nandito
kami sa sasakyan niya. At kanina pa ‘ko tingin nang tingin sa kanya. I
can’t believe it… We’re officially for real!
“We’re here, Freak.”
“Okay—teka? Sa… Sa condo mo ‘to ah?” Sabi ko. ‘Di ko namalayan
nandito pala kami.
Habang inaalis ni Mokong ‘yung susi. “How will you know if you’re
flying in happiness, Freak.” Sabay tingin sa’kin at hinimas ang left cheek

103
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

ko. “Let’s go.” Aya niya. Bumaba ako sa sasakyan, then umakyat na rin
naman kami sa condo niya. Pagkapasok naman naming dalawa…
“Bakit nga pala tayo nandito?” Tanong ko.
Binagsak naman ni Mokong ‘yung susi sa table at biglang humarap
sa’kin. Napahinto ako. Ano bang tingin ‘yan Mokong? Para siyang
mangangain… At ako ang food! Isip mo, Nads!
“May hindi pa ‘ko nakukuha sa’yo, Freak.”
“Eh!?” OMG! Don’t tell me—.
“Whatever is it that’s playing inside your head, stop it.”
“Eh!? Anong nasa isip ka diyan!?”
“Like I don’t have any idea what’s on your head right now. Tss. I just
want to eat whatever you’ll cook, okay? Hindi ako nakakain after that
scene when you left me hanging like an idiot.”
“Idiot? Talaga?” Nagpaka-idiot ba siya? Yung scene sa may fire exit?
“Tss. Only for you. Please, cook anything for me. I’m freakin’ starving
that I can eat you alive.” Rawr! Ang wild!
Nako, mukhang magandang idea naman ‘yun pero syempre nagbibiro
lang ako. Kaya nagpunta na ‘ko sa kitchen niya para magluto habang
siya naman ay nagpapalit ng damit niya. Nako… Pa’no na lang kung
mag-asawa na kami—Nads? Yung for real, wala pang day one ng bfgf
niyo, asawa kaagad?
Pagbukas ko ng ref, aba! May mga pagkain na rin sa ref niya. Veggies,
fruits, cheese, milk, meat.
“Aba… Mukhang hindi na puro beer ang laman ng ref mo ah—.”
Napatigil ako nang bigla siyang yumakap mula sa likuran ko at
pinatong ang ulunan niya sa kanang balikat ko.
“Para sa’n pa ang beer, nandiyan ka naman? Sa’yo pa lang, may tama

104
VOLUME TWO

na ‘ko, Freak.”
Tumingin ako sa kanya. “Yung totoo… Sa’ng TV show mo nakuha
‘yan?”
Kiniss niya ‘ko sa cheeks. “Tss.” At nag-smile siya.
“Sige na… Maupo ka na at magluluto na ‘ko. Kung hindi, catsup lang
ang papakain ko sa’yo.” Sabay abot ng catsup at iniangat sa harapan
niya.
“I don’t eat that.”
“Talaga? Ako kumakain.”
“That’s why it’s here.”
“Ehhh… Stalker kita ‘no?” Bigla niya ‘kong iniharap sa kanya at kinuha
yung bote ng catsup. Binuksan niya at nagdip siya ng kaunti gamit ng
thumb niya. Sabay pahid sa labi ko. “Mokong naman eh!”
“I’m only eating this if it’s like,” Hinawakan niya yung magkabilang
pisngi ko. “This.” Sabay dampi ng labi niya sa labi ko. Parang tinikman
lang naman niya ang catsup sa lips ko. Knees knees knees, buckle up,
please!
Oh Lord, thank you for this man. This is too much but, well, I don’t
mind getting too much. Kung masama ang sobra, well, well, well, I’m a
super bad bad Freak nga talaga!

105
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Chapter 18: SELOS ala FreakMokong


Style.

What’s on your mind? Para kaming kakaning malagkit.


Pero kapag may ibang dumikit, mata ko’y sure na sisingkit!
Back off please!

Hindi ako makahinga, grabe na ‘to… Siguro nga, I’m head over heels
in love with My Facebook Boyfriend… For REAL. Nakapikit na ‘ko
pero nararamdaman ko pa rin ang makawalang hininga niyang sinabi
na mahal niya rin ako. I can’t breathe… Can’t… Can’t—I CAN’T
LITERALLY BREATHE!!
May natabig ako sa harapan ko sabay mulat ng mga mata ko. “AH! HUH!
HUH! HUH!” Habol ko sa paghinga ko. Teka… Anong nangyayari??
Tumingin ako sa paligid. I’m home naman and—“Mokong!”
Naka-upo siya sa gilid ng kama ko at nakatingin sa’kin na nakahiga
sa kama ko. “Anong ginagawa mo rito?” Inabot ko yung cellphone ko.
“Eight-thirty pa lang ah?”
Nag-crossed arms siya sabay sabing… “That’s why I’m here. I haven’t
had my breakfast yet.”
“Makikikain ka lang pala—.” Makikikain? “Bakit lips ko kinakain
mo! Mokong ka talaga—.” At umisa pa! Napatigil ako at napabangon.
Sumilip ako sa pintuang bukas. “Mokong ka talaga, baka makita ka ni
Mommy. Nakakahiya—.”

106
VOLUME TWO

“You’re ashamed of me?”


“No! Kasi lang—.” This time we’re real. Hindi pa ‘ko nakakaget-over!
Nagbuntong-hininga na lang ako.
“Okay, okay. Sige na, sa baba ka na.”
“Why?”
“Anong why? Maliligo na ‘ko, magbibihis na ‘ko—.”
“Can’t I just wait you here—AH!”
Kinurot ko yung pisngi. “Sapak gusto mo, Mokong? Baba na—UHM.”
Bigla niyang hinawakan yung magkabilang pisngi ko sabay halik.
Pagkabitaw naman niya. “Ano ka ba, walang kasawa-sawa?”
“I’m not even starting Freak. Breakfast? Remember? And my breakfast
is always heavy.” Sabay ngiti niya.
Natawa na lang ako. “’Di pa ‘ko nagsisipilyo, kadiri ka.”
Hinawakan niya ‘yung kanang pisngi ko. “I will never get tired of
kissing you. Even when we get old, Freak.” Tumayo na siya. “I’ll be
downstairs.” Saka siya lumabas ng room ko. ‘Yung ngiti ko hindi na
mawala. ‘Yung puso ko naman, gusto ng kumawala.
“I will never get tired of kissing you. Even when we get old, Freak.”
Inulit ‘ko yung sinabi niya. Tumayo na ‘ko. “Ikaw na talaga Nads…
Ikaw na ikaw na…”
Pagkatapos kong mag-ayos para pumasok sa school, bumaba na ako.
“Oh, kain na kayo ng breakfast, Troy, Nadine.” Aya ni Mommy habang
naghahain, kami naman ni Mokong nandito sa sala. Habang ako
nagsusuklay, siya naman ay nagbabasa ng magazine.
“I’m done.” Bulong ni Mokong. Napangiti naman ako habang
nagsusuklay.
“Done na rin…” Bulong ko. Adik talaga. “Okay po!” Sigaw ko. “Tara

107
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

na, breakfast uli—.” Biglang binaba ni Mokong yung magazine. “’Wag


ganyan, totoong pagkain Mokong ang kakainin natin.” At tumayo na
kami papuntang dining table.
Napatingin sa’min si Mommy. “Hmm… Parang…” Nakatinging
mapanuri siya sa’min. “Parang may bago sa inyo?”
“Bago? Wala naman—ah.” Hinila ako nang bahagya ni Mokong
kaya napaharap ako sa kanya at sabay kiss sa noo ko. Tumingin ako
kay Mommy, ay grabe, nakakailang. “Mayro’n pala.” Sabay tawang
alanganin.
Napahawak naman sa dibdib niya si Mommy. “Ahhh… Nami-miss ko
na tuloy ang Daddy mo. Kailan kaya uwi niya?”
At kumain na nga lang kami. Nami-miss ko na rin ang Daddy at may
kailangan din akong sabihin sa kanya. Hindi pwedeng may Boyfriend
na ‘ko pero hindi niya alam.
Nagluto ako ng lunch namin ni Mokong after. Well, this is our first!
Oh I love this day.
-=-
I can’t get enough. I’m missing her again… I’m very addicted with
my freaking’ girlfriend, no doubt.
“Captain!!”
Good thing, makakalimutin siya. With this lunch boxes na nakalimutan
niya sa sasakyan, I can find my excuse para puntahan siya and bring
her lunch later.
“Captain!!”
Yeah, nice idea.
“CAPTAIN!” SH*T. “Bwahahaha! Lutang na lutang ah!?” It’s Adrian.
“What?”

108
VOLUME TWO

“This time ba…” Ngumiti naman na parang may sapak—No, he’s crazy
already. Nothing’s new. “Kayo ni Freak mo, eh… For real na?”
“Yes—.”
“BWAHAHAHA! ‘YAN TAYO, EH! Pigil na pigil na kilig ala Captain
style! Oh mag – tss ‘yan oh!”
“Tss.” Crazy.
“Oh, di ba?! ‘Di ba!? Bwahaha!”
“Bakit may baliw dito?” It’s Sebastian. “’Di ka pa ba napa-rehab?”
“’Wag gano’n, ‘tol. Masaya lang ako para kay Captain.”
Tumingin si Sebastian sa’kin and just gave me a brief nod. I think
someone’s missing.
“Captain, hindi nga pala makakapasok si Luke ngayon, at baka sa
susunod na araw din. ‘Di na raw siya nakapagsabi, alam mo na raw
dapat ang dahilan. Nagsabi naman din daw siya kay Manager.”
“I know the reason… Yeah.”
“Captain, delikado, baka humanap ng mataas na building ‘yon, tapos
tumalon!”
“Bakit hindi ikaw ang tumalon? Tss.”
“’Wag gano’n Captain. Magkakagulo dahil mag-aabang ang mga babae
sa baba para saluhin ako.”
“Sira, para siguraduhing patay ka na.” Si Sebastian.
“Sama niyo ah!”
“Goodmorning Captain!” My team mates are here, good.
“Ang aga niyo ah.” Sebastian.
“Siyempre, hindi kami katulad ni Adrian. Kahit wala ‘yan, ayos lang.

109
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Eh kami? Kailangan kami sa team.”


“Ang cute, ano ‘to?”
“Ay, lunch box.”
“Hindi ‘tol, pencil case ‘yan. Ayan oh, nakalagay LUNCH BOX.”
Shit. “Try to touch that and—.”
“Patikim kami, Captain!”
“Gawa ni Nads ‘to sigurado.”
I stood up. “Hey, bring that back, or else—.”
“Captain! Lagi ka namang makakatikim nito kay Nads. Amin na lang
‘to—AAHH!!”
“Give me that!!!” I chased them. Hawak nila ‘yung isang lunchbox
namin ni Freak. “I said—nice, very nice. Tss.” They already opened it
and started eating what’s inside. Very nice… And dead.
“Sarap, the best talaga si Nads!”
“Sana magka-girlfriend din ako na magaling magluto.”
“Bwahaha! Buti na lang marunong magluto ang Queen ko.”
“Siguro ikaw ‘yung Frog Prince kaya Queen ang tawag mo kay Liz.
Forever frog ah.”
“Mga inggitero!”
“Langya! ‘Di niyo man lang ako pinadalawang subo!?”
“Ang lalaki niyong tao malamang hindi magkakasya ‘yan sa inyo,” si
Sebastian. “Patay kayo kay Captain.”
You’re all dead. “All those who ate my food, give me eighty!”
They looked at me in unison. “OTSENTA!??” They all exclaimed.

110
VOLUME TWO

“NOW!!” And they all moved.


“Basta ako, hindi ako kumain.” Sebastian said. “Mga loko talaga.” Inabot
niya ‘yung lunchbox na wala ng laman. Tss! Swift Dragon Thieves.
“Captain!!” Si Adrian. “Tawad naman sa singkwenta isusuka ko na lang
kinaen ko! Isang subo lang ‘yon!”
“Shut up or I’ll make it one-fifty.”
“Manahimik ka Adrian!!!” They all shouted.
-=-
Nakakapagod, grabe naman. Nag-demo cooking kasi kami ngayon sa
engineering department. Alam mo ‘yun? Luto kami nang luto, tapos
iba naman ‘yung kain nang kain? Pero ayos lang, mukhang nasarapan
naman sila sa luto ng grupo namin nila Sandy. Halos nasa booth lang
namin ang mga tao at kumakain ng luto namin.
“Okay boys, sa lahat ng tumulong sa’min na magbuhat ng mga gamit
namin, you’ll all have desserts after that.” Si Sandy habang kumakain
na ng lunch ‘yung mga tumulong sa’ming engineering students. Ang
dami kasing binuhat na gamit papunta rito sa building nila.
“Okay! Thanks, Miss Sandy.”
“Not just me, boys. It’s Nads’ idea,” Sabi ni Sandy.
“Miss Nadine, salamat. The best ang luto mo. Puro ‘yung sa’yo lang ang
kinain ko, no offense girls.”
“Ayos lang, everyone has different tastebuds.” Sagot ni Liz. “It just so
happen that you like the exotic one.” Sabay ngiti ni Liz sa’kin.
“Masarap kaya ang luto ko ‘no.” Pagtatanggol ko.
“OO NAMAN!” Sabay-sabay na sabi ng walong guys na kumakain
ngayon at may kanya-kanyang platong hawak. Ang cute lang.
Maya-maya, nagpaalam na ‘yung tatlo dahil may mga pupuntahan pa

111
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

raw sila kaya naiwan na ‘ko rito sa booth. Dakilang bantay.


“Gusto ko talaga ‘yung magaling magluto na babae,” Sabi no’ng isang
guy.
“Parang si Miss Nads, ano?” Dagdag pa ng isa. Ay, ‘wag ganyan boys.
May Mokong na ‘ko.
“Simpleng maganda at masarap magluto, sa’n ka pa!”
Tumawa naman ako. “Masyado na ata kayong nabubusog.” Biro ko.
“Oo nga, eh. Busog na nga sa luto, busog pa sa ganda mo—.”
Napatalon ata ang mga balahibo ko sa katawan nang may biglang
tumunog na parang bumagsak. Pero paglingon ko, hindi pala bumagsak!
Kung hindi si “Mokong!?” Uh-oh, that look is so murderous. Hawak
ng isang kamay niya ‘yung baunan naming binagsak niya sa lamesa.
Habang nakasukbit naman ang body bag niya sa kanya at suot ang
varsity jacket ng RD. Red na red, hot na hot, boyfriend ko ‘yan, at FOR
REAL! Tumayo ako, saka ko siya nilapitan.
“Mokong, bakit ka nandito?” Tanong ko. Pero nakatingin lang siya
do’n sa grupo ng mga kalalakihan na nakatingin lang din sa’min. “Eh,
Mokong?” Tumingin naman siya sa’kin.
“Why? Are you busy?” Hala uy, selos ba ‘yan? “Tss.”
“Hindi ah. Ano, katatapos lang ng demo cooking. Bantay lang ako—.”
“Ng walong lalaki?”
“Hindi! Ano ka ba naman? Nitong booth. Tumulong sila sa pagbubuhat
ng gamit kaya pinakain namin sila.” Tumingin ako sa boys to get some
support.
“Ah, oo naman. Sarap magluto ni Miss Nadine.”
“Kahit araw-araw na magbuhat basta ba makita lang si Miss Nadine at
makakain ng luto niya—.”

112
VOLUME TWO

“Is he trying to make me laugh, Freak?” Habang diretsong nakatingin


sa mga lalaking ito. Ano ba naman… Ginagalit nyo ang Mokong ko eh.
“Ah?” Sabay tawang alanganin. “Hindi, ano ka ba? Oh! Chris, nice.
Ikaw na muna rito, cafeteria lang kami ah?” Pleeaseeeee! Saved by the
bell!
“Okay. Relax, Troy.” Sabi ni Chris. Umalis na kami ni Mokong.
Pagdating sa cafeteria, mga nagtitinginan sa’min ‘yung mga estudyante
dahil sa agaw-pansin ang Mokong ko. Nakakalungkot isipin na siya
lang ang agaw-pansin. At least, karismahin!
Habang binubuksan ni Mokong yung lunchbox…
“Those crazy dragons ate my food. I saved yours.” Inangat niya ‘yung
lunch boxes namin. Natawa ako bigla. “What?” Tumingin siya sa’kin.
“What’s funny, Freak?”
Magkatabi kaming dalawa saka ko kinuha ‘yung kutsara. “Wala, para
ka kasing batang nagsusumbong sa’kin na kinain ng team ‘yung baon
mo. Pipingutin ko ‘yang mga ‘yan pagpunta ko do’n”
“Tss, just eat.”
“Kumain ka rin.” Sabi ko. “Ahhh.” Sabay aktong isusubo sa kanya ‘yung
kinuha ko.
Nakatingin siya sa’kin. “You eat, Freak. I’m not eating.”
“Eh?” Binaba ko ‘yung kamay ko na may hawak na kutsara. “Bakit?”
Lumapit siya sa’kin na parang may ibubulong. “Kulang pa sa’yo ‘yan, I
know—AH!” Pinalo ko nga sa biceps niyang pagkatigas-tigas. Ako pa
ata ang nasakatan sa hardness.
“Kulang ka diyan. ‘Di ‘wag kung ayaw mo.” Saka ako sumubo.
Narinig ko siyang ngumisi. “Ah.” Ah? Lumingon ako sa kanya at ‘naka-
ah’ ang bibig. “I look like an idiot, give me that food, Freak. AH.”

113
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

NGANGA!
Natawa ako pero sinubuan ko na rin siya, at kumain na nga kaming
dalawa.
Matapos naming kumain. “Pa’no ba ‘tong tumbler mo? Ang hirap
buksan.”
“Tss.” Sabay kuha niya. “You can’t even open this, Freak?”
“Bakit ‘di mo na lang diretsuhing slow ako?”
“Too slow.” Ang Mokong na ‘to, sinabi nga. Minsan, ang sarap hampasin
ng boyfriend ko with love. “Oh.” Sabay painom sa’kin. Pagtapos naman…
Napatingin ako sa ibang nasa cafeteria—mga nakapangalumbaba na at
nakatingin sa’ming dalawa. Bigla akong inabutan ni Mokong ng panyo
niya.
“Wipe your mouth, you Freak. Tss!”
“Ah? Ah…” Kinuha ko saka pinunasan ‘yung labi ko. Tapos sabay
punas sa buong mukha ko dahan-dahan… MAINGGIT KAYO! Tawa
tayo dali!
“What are you doing, Freak?”
Napatingin ako sa kanya. “Ah? Wala… ” Nagpapaluha lang… Sa selos.
Sorry na lang, hanap kayo ng boyfriend na dadalhan kayo ng lunch at
walang ‘kapaki-pakialam’ sa mga taong nasa paligid niya basta kayo
lang dawala ang mundo niya. Oh Lord talaga, ikaw na! Salamat po.
Umalis na rin naman siya after dahil may class pa siya. Pero bago ‘yun,
tinulungan niya kami nila Sandy na buhatin pabalik ng building namin
‘yung mga gamit namin sa booth. Halos wala ng nakalapit na ibang
guys para tumulong dahil si Mokong palang, sobra-sobra na.
-=-
Tapos na naman ang klase at uwian na, mga pagod na ang girls kaya
nagpahatid na lang ako kay Chris sa Austine. Siyempre! Gusto kong

114
VOLUME TWO

makita si Mokong. Ganito talaga… Para kaming kakanin sa lagkit ng


pagkakadikit.
Naglalakad na ko rito sa loob ng Austine at mga nakatingin na naman
yung iba. Hindi dahil outsider ako, though outsider nga, pero dahil
kalat na sigurado ang ‘pa-BANG-BANG’ effect scene ni Mokong
during his interview sa gym kahapon. Bulls eye sa puso ko eh.
“Oh—.” Si Mokong ‘yun ah. At may nakita akong linta, gosh! Madeline
ka! Nasa labas sila ng gym. Nagtago muna ako sa may paliko, ano
naman kayang pinag-uusapan ng dalawang ito, aber?
“Don’t be ridiculous, Troy. I know you better than that pathetic girl.
And also, I know that you’re only using her to forget me, or just to
make me jealous so I can be with you again, right? But you don’t have
to do that anymore because…” Ay! Warlaley ito! Hinawakan sa dibdib
ang Mokong ko?! Sa dibdib talaga dapat?!! “We can be together again
and forget everything that had happened. Including that… Crap.”
Sabay padulas pa ng daliri niya sa dibdib ng Mokong na ‘to!
No way! Puputulin ko ‘yang daliri mo! Dapat yata lagyan ko na si
Mokong ng don’t touch, nakakamatay! Let’s go Nads.
“Mukhang mas busy ka sa’kin Mokong uh?” Announced ko. Sabay
silang napatingin sa’kin. At halatang nagulat si Mokong.
Inalis niya ang kamay ni Madeline. “Tss.” Tss-tss ka diyan!
“Speaking of the slut,” sabi ni Madeline.
“Speaking of yourself?” Sagot ko naman.
“I don’t think so.”
“But WE think so.” Bigla akong humarang sa gitna nila at pinagpagan
ang dibdib ni Mokong gamit ang kamay ko. “Mokong naman, ang
laki-laki mo na…” Tumingala ako kay Mokong. “Naglalaro ka pa ng
basura… Oh… Tsk tsk tsk.” Pagpag-pagpag din.

115
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Sabay tulak patalikod kay Madeline gamit ang likuran ko. “AH!” Iling
niya.
“Sabi ko naman kasi lagyan na ng segregation ang school niyo. Hindi
tuloy alam ng mga BASURANG NABUBULOK ang tamang lagayan
nila. Pakalat-kalat, oh…tsk tsk tsk.” Pagpag-pagpag din…
Napangisi naman si Mokong pero siningkitan ko siya ng mata. ‘Wag
kang ngumisi!
Pagkaharap ko kay Madeline, umiiling-iling siya tapos tumalikod na
siya sa’min at tangkang aalis na ang bruha.
“Uy Madeline, bakit aalis ka na? Wala pa yung truck ng basura!” Then
nag-fly na siya. Humarap ako kay Mokong sabay layo. “At eto pala ang
inaatupag mo ah.” Sabi ko. “Tsk tsk tsk.” Sabay pasok ng gym. Huminto
naman ‘yung iba sa paglalaro.
“Uy, si Nads!”
“Hi Nads! Ang sarap no’ng lunch.”
“Kayo pala ang kumain ng baon namin ng Captain niyo ah. Oh siya,
mamaya ko na kayo pipingutin. Practice lang kayo diyan.”
Lumapit naman si Sebastian. “’Wag kang mag-alala, naka-isang daan
na ikot na ‘yan sa gym dahil do’n.” Brutal talaga ni Mokong.
“Ayos lang naman sa’kin ‘yun. Binibiro ko lang sila, Basty.”
Nag-announce ng break si Mokong at umupo kami sa bleachers.
Parang may kulang sa kanila? Sumilip-silip ako.
“Are you looking for Luke?”
“Oo—ay,” Ang daldal Nads? “Hindi.”
“Tss,” uminom siya at pagkatapos. “He’s not here. He’ll be back soon.
Don’t miss him too much.”
“Hindi ko siya nami-miss, ah!” Slight lang. Pero bilang kaibigan na

116
VOLUME TWO

laging nandiyan para sa’kin, medyo nakakaramdam pa rin kasi ako ng


guilt.
“Don’t be sad just because you chose me.”
Napalingon naman ako sa kanya na nagpupunas naman ng pawis niya.
Napangiti naman ako. Tumayo ako at saka ko kinuha ‘yung bimpong
hawak niya at napatingin siya sa’kin.
“Kahit kailan…” Pinunasan ko ‘yung likuran niya. “Hindi ako magiging
sad dahil ikaw ang pinili ko. Never…”
Naging relax na siya bigla. “Tss.”
“Kaibigan natin si Luke. Ayoko ng may nasasaktan ng dahil sa’kin o
sa’tin.” Pulbusan ko kaya ‘to? Uhm! Hidden Agenda, Nads?
“There’s always someone who’ll get hurt kapag pumili ka sa dawala,
Freak. It’s normal.”
Napahinto ako sa pagpupunas. Nasaktan ko nga si Luke. Biglang
hinawakan ni Mokong ‘yung braso ko at saka hinila nang marahan
paupo sa tabi niya.
“Instead of being so guilty by choosing me over him—.”
“Sabing!”
“Cheer up and everything will be alright. I promise.”
Sana nga…
-=-
Maaga pa lang sinundo na ‘ko ni Mokong dahil pupuntahan daw
namin ang Mom niya. No’ng una kinabahan ako pero bigla ko na lang
naalala kung nasa’n na nga ba ang Mommy niya, nasa heaven na nga
pala…
“We’re here,” sabi ni Mokong pagkapasok namin sa mistulang bahay
na puntod ng Mommy niya. Centralized air condition pa sa loob kaya

117
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

napaka-komportable. Pero si Mokong, parang may biglang nagpabago


ng reaksyon niya.
Alam ko at nararamdaman ko, masakit pa rin kay Mokong ang lahat
ng ‘to.
Umupo kami sa tapat ng puntod ng Mommy niya, hinawakan naman
ni Mokong ang kaliwang kamay ko.
“Mom, she’s here.” Napatingin ako kay Mokong, para kasing kinilabutan
ako. Sa kaba? Sa lungkot? O sa napakalakas na aura ng pagmamahal
ni Mokong na mararamdaman mo sa pagsasalita pa lang niya. “Meet
my freakin’ girlfriend, Mom. She’s Maria Nadine Castro, second year
college, HRM student, and a picture bandit.” Ngumiti siya. Nakaka-
kolesterol ng puso ang ngiting ‘yan.
“She’s definitely the reason why my world goes crazy everyday. And I
don’t know when and how it all started but I kept on thinking about
her. I didn’t realize… That I’m already deeply and madly in love with
her, Mom.” Humigpit ang hawak niya sa kamay ko and it’s like he’s
squeezing my heart sa sobrang pagmamahal. How I wish you can see
her right now. See how charismatic she is. How a magnificent cook
this lady is. She’s everything that Troy Harris needs, forever.” Hindi
ko napigilan, napapunas ako ng luha ko dahil sa sincerity ng mga
salita niya. ‘Eto ang unang beses na may nagsabi ng ganyan tungkol
sa’kin. Ang sarap pakinggan, ang sarap ulit-ulitin. It’s a matter of
having the right man nga talaga. ‘Di mo kailangang hanapin… Kusang
dumarating.
Tumingin siya sa’kin at buti na lang napunasan ko na ‘yung luha ko.
“Say hi to my Mom, Freak.”
“Che, nakakahiya. Hanggang dito, Freak pa rin pakilala mo.” Tapos
tumingin ako sa puntod ng Mommy niya. “Hello po. Pasensya na po
kayo kung nagulo ko ang buhay ng anak niyong Mokong. Sa tingin ko
po kasi, kailangan niya ng mag-aalaga at magmamahal sa tulad niyang

118
VOLUME TWO

kapre, at ako po ‘yon. Nakalimutan ko pong kailangan niya rin ng amo,


ako rin po ‘yon.”
“Mom, don’t you think she’s applying for a housemaid position?”
Tiningnan ko nang masama si Mokong, pero nag-smile rin ako. “I
got the wrong girl last time, Mom. And I’m glad you haven’t met her.”
Tama! Tama! Baka biglang bumangon ang Mom ni Mokong at isama
ang Madeline na ‘yon sa hukay. Ay ang saya. “Now you see the right
one, we’ll surely be back next time...”
Umalis na rin kami pagkatapos.
-=-
Nasa daan na kami nang biglang huminto si Mokong. Sakto naman
at may mga nag-po-protesta sa daan. Biglang huminto ‘yung sasakyan
namin kaya bumaba si Mokong para tingnan ‘yung labas. Pagbalik
niya, nakabusangot na ang mukha.
“Ano nangyari?”
“Flat tires, tss!”
“Huh? Pa’no nangyari?”
“Those people,” Sabay tingin sa mga ‘nag-po-protesta’. “They spread
these things.”At inangat ni Mokong ‘yung mukhang tusuk-tusok na
alambre o kung ano man ‘yan. “Tss.” Tumawag siya kay Mr. Hans.
Nagpapadala siya ng sasakyan dito. Kaso makalipas ang ilang minuto,
nainis na si Mokong dahil sa tagal ng paghihintay kaya biglang nag-aya
na siyang bumaba na kaming dalawa.
“Teka, ‘yung sasakyan mo?” Sabi ko.
“Hans will be here, he’ll handle everything.”
Wala kaming mapara na taxi, kaya mas lalong sumama ang itsura ni
Mokong. Kasi naman, late na kami sa reservation. First date pa naman
sana namin ito at nag-prepare daw siya.

119
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Bus na tayo?” Sabi ko. Wala na siyang nagawa kaya sumakay na kami
ng bus. Parang bata, inis na. Pinauna ko ng umupo at siguradong ayaw
niyang may katabi na iba, nasa three seater kasi kami.
“Mokong, nood ka na lang ng movie.” Alo ko.
“Tss.” Saka siya nagsukbit ng headset. Nakakatawa talaga. Nanood na
lang ako hanggang sa may tumabi saking lalaki. Binata, may hitsura
namang Mr. Pogi ang datingan. Hanggang sa maya-maya, natatawa na
‘ko sa pinapanood ko. Pati itong katabi kong lalaki, natatawa na rin.
“Mababaw din ang kaligayahan mo, Miss, ano?” Sabi niya bigla.
Napatingin ako pero ngumiti lang ako nang alanganin.
“Grabe yung traffic, kanina pa tayong nakahinto rito.” Nagsalita na
naman siya.
“Ah. Oo nga.” Ngiting ngiwi na naman ako.
“Pero buti na lang—.” Nahinto siya nang tumayo si Mokong at
napatingala sa kanya ‘yung lalaki.
“Freak,” Sabay senyas ng ulo niya na umurong ako sa puwesto niya
kanina. Then saka siya umupo nang naka-urong na ‘ko. Palit lang
naman kami ng puwesto. Nako… Selos na? Protective lang… “Here.”
Sabay sukbit ng head set niya sa kanang tainga ko at sa kanya naman
‘yung isa. Nag-crossed arms lang siya pagkatapos at tumingin sa katabi
niya, sabay ayos ng upo.
Mokong talaga… Manakot daw ba?
Pagdating naman namin sa reservation niya. Laking inis na naman
ni Mokong nang sinabing maghintay daw kami ng fifteen minutes.
Kaso wala na sa mood si Mokong kaya naghanap na kami ng ibang
mapupuntahan. Umentra na ‘ko at nagsabing ako na lang ang sundan
niya.
“We’re… Going to a mall?”

120
VOLUME TWO

“Bakit? First time mo?” Tanong ko.


“No. Are we—.”
“We’re having our date dito. Mall of Asia!”
Pagdating namin do’n, hahatakin na dapat ako ni Mokong sa
mamahaling restaurant na naman, pero dahil ako ang captain niya
ngayon, hinatak ko siya sa Pizza Hut! Puno ang mga table nila kaya ‘nag-
take-out’ na lang kami at kinain namin ang pizza habang naglalakad,
naglilibot, nang-iingit ng mga tao sa paligid. Hawak niya ‘yung pizza
box habang naka-holding hands naman sa’kin ang isa niyang kamay.
Sinusubuan ko na lang siya, no choice, wala siyang kamay. Landeee…
Pumunta kami sa Dept Store pagkatapos naming kumain.
“Don’t.” Tanggi niya. Pagkakuha ko nung green and orange na shirt.
May nakalagay na… I’m Madly In Love.
“Ang cute nga, eh!!” Himutok ko. Totoo naman eh!
“Ayoko.”
“Isa!” Babala ko sa kanya.
“Dalawa, Freak.”
“Tatlo!”
“Deal, tatlong halik.” Sabay kuha no’ng shirt na hawak ko. “We’ll buy
that, let’s go.”
“Aba—magaling.” Talaga naman… Habang papalakad na papuntang
cashier. “Wala naman akong sinabing kiss ‘yon.”
“Ma’am sige na, pagbigyan mo na si Sir.” Syempre, sales talk.
“Gusto mo ‘kaw na lang.” Biro ko sa sales lady.
Kaso sineryoso ng bruha. “Sige ba, Ma’am!”
“Masyado ka namang attentive, binibiro lang kita. Sige, bibilhin ko na.”

121
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Tapos nagpunta kami sa ladies section ng mga damit.


“Freak, this.” Sabi niya. Sabay angat ng napakahabang bistidang ni wala
man lang korte!
“’Yung totoo? Mukha na ba akong manang?” Sabay balik ng tingin sa
ibang mga damit.
“This one?” Tumingin ako at iniangat naman niya ‘yung long sleeves
na, turltle neck pa!
“Sabihin mo lang kung ayaw mong makita ng iba ang balat ko,
Mokong—”
“Yes, ayoko nga.”
“Eh?! Hindi naman ako bare magdamit, pero ‘yun naman sanang
makakahinga ako.” Tapos umiwas na ‘ko ng tingin. Pero nangingiti na
talaga ako kasi…Mas natutuwa akong mahigpit siya sa mga ganyang
bagay. Ibig sabihin concern siya sa magiging tingin ng iba sa’kin.
“Well, this one.” Tumingin ako at lumuwa mata ko. “I like this one.”
Tapos tumingin siya sa’kin. “Very…” Napalunok ako. Akitan? Pinakita
niya ‘yung super duper sexy dress na puro butas at hiwa yung damit.
Yung totoo? Taong-grasa inspired ang damit na ‘to?
“Mokong, kala ko ba ayaw mong makita ako ng iba na bare ang
katawan?”
“Yeah.” Sabay tingin do’n sa damit na parang sinusuri niya. “Kung
maggaganito ka, I’m the only one who must see you.” Tumingin siya
sa’kin na parang with anticipation, ‘te!??
Hinablot ‘ko ‘yung damit. “Che! Hindi ako magdadamit niyan.” Kung
kasal na kami pwede pa. Nads? Kasal na agad?
“Better. Just don’t wear those kinds of clothes. It’s not decent.”
“Pero maganda ng kaunti.” Sabi ko sabay balik no’ng damit.

122
VOLUME TWO

“You can be beautiful without showing off too much skin, Freak. If
we’re talking about physical beauty, it’s in the face, not in the body.
Remember that.”
“So, kahit mataba ako?” Naghahanap pa rin siya sa mga damitan.
“Uh-huh…”
“Kahit super taba!???”
Tumingin siya sa’kin. “Over weight is not good for your health. I’ll
help you work-out kung sobrang laki mo na. I want you to stay fit and
healthy, okay?”
Ngumiti ako saka ako umakbay sa baywang niya. “Eye! Eye! Captain.”
Ng mapagod na kaming dalawa kakalibot at kakakain, inaya ko siya sa
may Seaside. Eto ‘yung lugar noon na nasabi ko sa sarili ko kapag may
boyfriend na ‘ko… Pupunta kami dito at ipagyayabang ko na ‘Kala niyo
kayo lang ah!’. Sabi ng iba, corny raw na dating place ‘to… Sa’kin? It’s a
sweet place dahil you can spend your time sa taong mahal mo kahit ‘di
masyadong magarbo ang lugar… Kayong dalawa lang, ayos na.
Naka-upo kami habang nakatingin lang sa dagat. Palubog na rin ang
araw ‘nun.
“Wala pa ring tatalo sa sunset ng Pinas. Napaka-romantic ng dating.”
Sabi ko.
“Yeah. But I love seeing sunrise more than sunset.” Magkahawak lang
kami ng kamay habang diretso ang tingin.
“Eh ang sunset kasi kapag pinagmasdan ng dalawang lovers parang
ibig sabihin na matatapos na naman ang isang araw na magkasama
kayong dalawa ng mahal mo.”
Naramdaman kong humigpit ‘yung hawak niya sa kamay ko kaya
napatingin ako sa kanya. Diretso pa rin ang tingin niya sa sunset.
“Yes, but sunrise also means that you’ll start your day with someone

123
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

you love.” Tapos lumingon siya sa’kin, “Right?” Ngumiti lang ako.
Hinalikan niya ang noo ko at saka niya ‘ko inakbayan palapit sa kanya.
Sabay naming pinagmasdan ang sunset. Sa susunod, sunrise naman.
-=-
Hating gabi na nang biglang tumawag si Mokong sa’kin. Papatulog
na sana ako, super bangag na nga.
“Uhmm…” Sagot ko habang nakapikit at nakahiga na.
Did I wake you up? Tanong niya.
“Hindi… Papatulog pa lang. Bakit Mokong…”
I’ll make it fast, then. Your father already knows everything.
Father? “Ano ‘yun…?”
Hiningi ko ‘yung number ng Daddy mo sa Mommy mo. I didn’t know na
hindi pala alam ng Dad mo ang tungkol sa’tin. You didn’t tell your Dad
that you already have a boyfriend, Freak.
Napabangon ako. Nagising ako bigla. “Mokong…” Nakangiti ako.
“Sinabi mo kay Daddy? Talaga? Talagang-talaga?”
Of course, tss! Sorry, I forgot to do the first move. I should have told your
dad about us on the first place, sorry.
Hindi na mawala ‘yung ngiti ko. “Thank you.”
For what?
“Thank you Mokong. I love you, super duper I love you. Forever, I will
love you.”
Tss! Je T’aime Freak…
“Huh?”
I said I love you. Now, go to sleep. Bye.

124
VOLUME TWO

Je T’aime? OMO! OMO! Alam ko na sa wakas! ‘Yon pala, naalala ko


na! Nakakatawa naman, kaya pala gano’n ang reaksyon niya habang
nagtatanong ako kay Sandy noon. Humiga ako at tumingin sa kisame.
Hindi ko alam kung kailan na ‘ko makakatulog… “Je t’aime Mokong.”
-=-
Wednesday, wala kaming class at nag-aya ang mga babae na manood
ng practice ng RD. Actually, si Liz lang talaga ang aya nang aya
sa’ming tatlo. Eh, kung bakit? Well…
“Pong!!!”
“Queen!!”
Sabay takbo nila sa isa’t isa at naghawak pa ng kamay. Ngayon lang
nagkita?
“Seriously? Are they actor and actress in an opera?” Tanong ni Sandy.
“Kulang na lang slow motion.” Dagdag ni Chris.
Tumawa na lang ako. “Okay lang ‘yan. Masaya si Liz, let’s be happy for
her.”
“As usual, of course.” Sang-ayon ni Sandy.
“Ang gaganda naman ng bisita namin.” Si Basty. Asus… Parang isa lang
naman ang tinutukoy niya. Guess who…
“FREAK!” Sabay gano’n? Ang ganda ng bati ni Basty sa’min sabay
Freak naman ‘tong si Mokong.
“Nga pala, sama kayo sa Austine Night. Pwedeng outsider. Party lang
‘yun dahil sa anniversary ng
University.” Aya ni Basty.
“Oo nga! Kailangan namin ng mga sparkling stars sa gabing ‘yun.”
Sabay tingin ni Adrian kay Liz.

125
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Okay Pong…”
Bumulong naman sa’kin si Sandy. “Sila na ba?”
“Ba malay ko?” Sagot ko.
Lumapit si Chris. “Sasabunutan ko na lang kapag sila na.”
Nag-stay na lang kami sa bleachers at nanood habang practice pa nila.
Nag-ayos din kami ng mga drinks for the team. Nag-usap ng kung
anong pwedeng isuot sa Austine Night… Hanggang sa may dumating
na ang sarap-sarap palabasin.
“TROY BABY!!!!”
“HONEY BEE!!!!”
Umiling si Sandy. “Say what?”
Ano raw? Troy Baby? Honey bee? Sabay yakap—hinde! Sabay sunggab
kay Mokong!?
“Ivannah? Ivionah?” Si Mokong habang nakayakap sa kanya ang mga
mala-octopus kung makakapit na mga babaeng ito. Ay, bakit ‘di niyo
i-try ipalupot ang mga binti niyo minsan? TSS!
“I miss you!” Sabi no’ng mas matangkad na babae.
“I miss you more!” Sabi naman no’ng isa na mas humigpit ang kapit sa
Mokong ‘ko!
Mga nakadikit pa ang mga mukha sa dibdib niya!? Aba… MASAYA
KA MOKONG?
Ivannah… Tunog pulbong amoy banyo!
Ivionah? Tunog ibong tiririt!
Bad vibes. Sino kaya ‘tong mga ‘to?
“Wait—stop Ivionah! Ivannah!” Sabay alis ng lingkis no’ng dalawa.
“What are you two doing here?”

126
VOLUME TWO

“Eh, dad has a business trip here, so...” Sabi no’ng Ivannah.
“We’re here too, to see you.” Dagdag naman no’ng Ivionah.
Pero maya-maya, tinabig no’ng Ivannah ‘yung si Ivionah. “Troy, let’s
eat!? Please? I’m hungry.”
“Palamunin ng isang truck ng buhangin ‘yan.” Sagot ni Liz.
“Try mong pako, para mas crunchy.” Si Sandy.
“Eh! Troy.” Sabay tabig sa isa. “Let’s watch movies? Eat popcorn and…
And…”
“Papanood kaya natin ‘yung Final Destination para magka-idea siya
pa’no siya mawawala sa earth?” Si Liz.
“Better idea.” Sagot ni Sandy.
“Ah, Captain? Sino sila?” Tanong ni Adrian.
“My cousins.”
“Cousins naman pala…” Ulit ni Chris.
“Buti naman…” Bulong ko.
“Let’s go na, Honey bee!!” Sabay hatak kay Mokong.
“Sa’kin ka sumama!!” Sabay hatak din no’ng isa pa. Ano ba!?
MAGUTAY NIYO MOKONG KO!!
“STOP!” Sigaw ni Mokong sabay hatak ng braso nila. “You two should
go back. I’m busy, don’t disturb me. My girlfriend is here, so stop doing
that.”
“GIRLFRIEND??!!!” Sabay nilang isinigaw, at sabay ding naglibot ng
tingin. Tumigil sa direksyon naming apat ang paningin nila.
“Who? ‘Yung payat?” Sabi no’ng Ivionah. Si Sandy daw ba eh.
“Relax girl, I’m plotting her death sentence, don’t worry.” Sabi ni Liz.

127
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“I’m not plotting anything ’coz I’ll do it now.” Si Sandy. “No plans
needed.”
“No, not her. That’s Sandy.” Sagot ni Mokong.
“That girl na may fake na kulot?” Sabi no’ng Ivannah, si Liz daw!
“Girl… Girl… See you in jail.” Sabi ni Liz.
“Keep it up.” Si Sandy.
“No, that’s Liz.” Sagot ni Mokong.
“Akin ‘yung may fake na kulot! Bwahahaha!” Si Adrian.
“Magpapalit ako ng target, si Pong nalang pala. Fake na kulot?!” Si Liz.
“Then who? That girl who looks like a dead person?” Si Chris!
“Ahh… Si Chris ata ‘yang tinutukoy mo.” Sagot ni Basty.
“Who is it then?” Sabay hanap pa sa ibang lugar. AY BASTUSAN!??
Maya-maya naman ng makilala na talaga nilang dalawa kung sino
ang REAL girlfriend dito, pina-upo na ni Mokong ‘yung dalawa at
naghintay lang din tulad namin.
“Can’t believe he’s her girlfriend?” Naririnig kong sabi no’ng Ivannah
sa likod ko.
“Me too. She’s not even pretty, right?” May titinidorin akong ibon!
“Hey, are you really his girlfriend?”
“Right, is it true?”
“Sasabihin ko kay Mokong, ipa-bless ang gym na ‘to. Madaming ligaw
na kaluluwa.” Biglang sabi ko.
“What!?” Sabay punta sa gillid ko. “Are you pertaining to us?” Yung
Ivannah.
Bahala kayo… Buti busy ‘yung team.

128
VOLUME TWO

“Don’t be too proud. The truth is, we’re not Troy’s cousin. I’m his fiancé
way back then.”
“Way back then…” Ulit ni Sandy. “Yeah right.”
“Ako kaya! I’m his fiancé!”
“Shut up, Ivionah!”
“Parang mga may sapak ‘tong magkapatid na ‘to.” Sabi ni Liz.
-=-
Natapos na ang practice ng team at magsisiuwian na rin kami.
“Baby Troy, let’s go na.”
Magkasama na kami ni Mokong. “You go to your own cars, I know you
have one. Ihahatid ko pa ang girlfriend ko.” Sabi ni Mokong.
“Why? Doesn’t she have her own car?” Tanong no’ng Ivionah.
Eh may—okay calm down. Tumingin ako rito sa magkapatid na ‘to.
“I have no car, kaya ihahatid ako ng pinsan niyo. So, kayo ang may
car… Kaya uwi na kayong mag-isa. Okay?” Sabi ko sabay ngiti.
“Fine! We’ll go back tomorrow.” Sabi no’ng Pulbos.
“Bye Honeybee!” Sabi no’ng Ibon at lumabas na siya ng gym.
Biglang lumapit yung Pulbos kay Mokong. “Bye.” At—OMG! Umalis
na rin siya!!
Tumingin ako kay Mokong. “Masaya ka huh!” Hinalikan sa labi?!
Smack kiss!
“Freak, I was caught off guard. And just don’t mind those two. They’re
my cousins.”
“Caught off guard. Caught off guard. Che! Eh, bakit sabi nila fiancé mo
raw sila noon!?”

129
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“It’s just a simple joke no’ng mga bata pa kami. My Mom used to tell
them na kapag lumaki silang fine ladies, they’ll be my fiancé. Just like
that, nothing more.”
“And that pulbos kissed you!” Sa harapan ko! Walang manners!
“I can give you millions of that, just don’t get mad, okay?” Sabay yakap
sa’kin.
“Amoy pawis, bitaw na.” Millions of that… Oh, sounds awesome.
“That’s my Freak.” Sabay kiss sa pisngi ko. “Trust me, I’m your mom
and dad’s son-in-law, remember?”
Natawa ako. “Sira. Tara na.”
-=-
Austine Night na!
Na’ndito na kami ni Mokong and I’m wearing a yellow silk dress,
nanghiram lang ako kay Sandy. Ayoko ng bumili, eh. Okay na ‘to,
favorite ko naman ang yellow. Dito ginawa sa Austine grounds ang
party. May sayawan, kantahan, kainan, at mga asungot.
“Honey bee!!”
“Troy baby!!”
Nagkatinginan na lang kami ni Mokong pagkalapit nila.
“What are you doing here?” Tanong ni Mokong.
Sumagot naman si Ivannah. “Ah, surprise!”
Surprise ka diyan. “Bangungot kaya.” Sabay uyog ng kaunti kay
Mokong. “Gising… Gising…”
“What!?” Yung ibon nagtwit-twit.
“Wala…” Walang ulitan sa ibong bingi.

130
VOLUME TWO

“Sayaw tayo, Baby Troy!!” Sabay hatak ni Ivannah kay Mokong. Ano
pa nga ba?
Masyadong mabait sa pinsan niya eh. Fine, palalagpasin. Nang matapos
na silang magsayaw, baka pwedeng ako naman—.
“Honey bee, magtatampo ako.” At ang ibong iyon naman!
Ay, ewan ko sa kanila. Buti pa ‘yung tatlo, busy. Ako rin busy sa mga
asungot.
Bumalik si Mokong. “Let’s eat na Baby Troy—.”
“Our turn, Freak.”
“Huh?—Ahh!” Bigla akong binuhat na parang bagong kasal. “Mokong
ano ka ba!?”
“Let’s dance, okay?” Saka siya naglakad papunta do’n sa gitna ng dance
area at nagtinginan na ‘yung iba sa’ming dalawa.
“Nakakahiya…” Habang nagtatago ako sa dibdib ni Mokong.
“Don’t be.” Saka niya ‘ko unti-unting binaba. Tumingin siya sa’kin, at
nilagay niya ‘yung kamay ko sa balikat niya na ipinalibot ko naman
around his neck. Habang siya naman, iniyakap ang mga braso niya sa
waist ko. “You look so freakin’ stunning.”
“Tss. You look so Mokong adorable.” Saka ako ngumisi at hinalikan
niya ang noo ko.
Hindi na namin tinapos ni Mokong ang party at nag-fly na kami.
Tinakasan namin ‘yung dalawang pinsan niya! Hinatid na niya ako sa
bahay bago mag 9:00 pm. ‘Yon kasi ang paalam niya kay Mommy.
Nang makababa na kaming dalawa…
“Wait, Freak.”
“Bakit?” May kinuha siya sa sasakyan. Teka? House miniature model
ba ‘yan?

131
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Here, what do you think?” Tanong niya.


“Ah, maganda. ‘Di na ‘ko naglalaro ng doll house, Mokong.” Loko ko.
“Biro lang Mokong. Bakit, para sa’n ba yan? Project niyo?”
“Yeah, my project. I’m showing this to you ‘coz I want you to know…”
Nilapit niya sa’kin ‘yung hawak niya. “You’ll live here soon.”
Ah… Okay? ‘Di ba masyadong maliit ‘yan para sa’kin—“AH!” Pinitik
ako sa noo!
“I know what you’re thinking, Freak. Tss! I’m not literally saying na
dito ka titira sa model na ‘to. I mean, kapag nabuo na ‘to sa totoong
bahay, doon tayo titirang dalawa.” OMG lang, kaming dalawa? What
a happy life!
“You’re proposing?”
“Yes, proposing my upcoming plans. So don’t be freakin’ jealous of
some other girls. I will never… Ever… fall on their traps. There’s only
one trap I’ll be falling with and that’s your freakin’ trap. Now, will you
lift that part.”
So hinawakan ko ‘yung sinabi niyang part na may naka-usli, ‘yung
sa bandang bubong. “Hala,” napatingin ako kay Mokong. “Nasira!”
Natanggal lahat ng bubong!
“Tss, Freak, it’s removable.” Ay, removable naman pala.
“Ano ba kasing mayron—.” Napahinto ako nang makita ‘ko yung
singsing. Yup! Singsing na nasa gitna ng kuwarto at nakapatong sa
miniature na kama. Sa kama talaga? Kinuha ko ito at saka nilapag
ni Mokong sa paanan namin yung model house. Kinuha niya ‘yung
singsing sakin at saka niya hinawakan ang kaliwang kamay ko.
“Ano ‘yan!?” Hindi makapaniwalang tanong ko.
“This is a ring, Freak—AH!’” Pinalo ko nga sa braso.
“Sige, umpisahan mo ‘ko. Alam kong singsing ‘yan. Pero—.”

132
VOLUME TWO

“You’re my freaking girlfriend, now, with evidence.” Sabay suot sa


daliri ko. At inihawak niya ‘yung kamay niyang may singsing na rin.
“Everyone should back off.” Okay! Now I know na…
“Naman.” Niyakap ko siya.
“Ehem! Para kayong kakanin sa gabi. Awat, mag-awat.” Lumingon
kami, si Kuya ko!
“Inggit.” Bulong ko.
“Ano ‘yon Nads?”
“Waley…” Tumingin ako kay Mokong. “Uwi ka na. Ingat ka.”
“Tara na…” Sabay hatak sa’kin ni Kuya. “Troy, ‘ge na. Ingat sa daan ‘tol.”
“Je t’aime.” Si Mokong.
“Je t’aime.” Sagot ko.
“Ano ka n’yo?” Si Kuya.
“Tara na… Manligaw ka kasi—AHHH! MOMMY!” Sabay tawa ko
nang bigla akong papaluin ni Kuya pero tumakbo ako. Magnakaw din
kaya siya ng picture sa fb?
Good advice? Nah~

133
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Chapter 19: Valentines Day!

What’s on your mind? Lahat ng marunong maghintay,


bongga ang naghihintay!

Nagsabi na ‘ko kay Mokong na huwag na ‘kong ihatid, pero hinatid


pa rin niya ako sa school. Actually, kasama pa nga ‘yung dalawa niyang
pinsan sa sasakyan pero ‘yon ay dahil lang naman sa ihahatid na sila
sa airport ni Mokong. Tawa tayo dali! Bulong sa’kin ni Mokong, gusto
raw niya kasing makasigurong maka-alis na ‘yung dalawa kaya siya na
ang mismong maghahatid, para sure! Ang bright talaga ng Mokong
ko! So bright.
‘Eto, nandito na ‘ko sa room with these three girls. At syempre, oras ko
na para ipagyabang ang mga dapat ipagyabang!
“Hello Girls!” Bati ko sabay baba ng bag sa upuan ko pero ako, nakatayo
pa rin.
“Kamustahin naman natin ang eksena ng dalawang ‘yan sa Austine.
Sasayaw na lang, kailangan magpapabuhat pa?” Si Sandy.
“’Wag kang mainggit Sandy.” Sabi naman ni Chris.
“Oh c’mon, Chris. Being envious is not my thing. Never.” Sagot naman
ni Sandy.
“Halos ‘di na nga umupo kahapon si Sandy kakasayaw ng mga lalaki sa
Austine.” Dagdag naman ni Liz.

134
VOLUME TWO

“At ikaw naman, kayong dalawa lang ni Adrian. Hindi kayo


nagkasawaan?” Tanong ni Sandy.
Biglang tumingin sa’kin si Liz. “Nga pala Nads, bakit nakatayo ka pa
diyan?” Pag-iiba ng usapan ni Liz. Asus, palalagpasin ko ‘yan dahil I
need to show them something.
“Ah, wala naman. May gusto sana akong ipakita sa inyo eh.” Sabay
hawak ko sa chin ko. ‘Yung hand na may singsing para makita nila.
Kaso mukha lang silang mga puro question mark sa ulunan.
“Ano ‘yun Nads?” Tanong ni Chris.
“Yeah, what?” Si Sandy.
Fine! Ibahin natin. “Ah, binigyan ako ni Mokong ng…” Sabay hawak
ko sa noo ko. Kaso mapang-asar lang, hindi nila makuha at nakatitig
sila sa’kin! Mga slow!
“Okay, ‘eto, tingnan niyo.” Sabay pakita ko ng kamay ko sa harapan
nila.
“Ay!” Si Sandy. Sa wakas. “I like your nail polish, Nads. Sa’n mo binili?”
Inis ah. “Ako, ayoko ng color, pangit.” Si Liz, at namintas pa ang bruha.
“AH!” Sigaw ni Sandy. ATLAS! “’Eto ‘yung nakita nating nail polish sa
mall, right!?”
Bigla kong inalis sa harapan nila ‘yung kamay ko at tinalikuran ko sila.
“Oh? Sa’n punta mo, Nads?” Tanong ni Chris
“Kahit sa’n, baka may mas makapansin ng pinapakita ko.” Sabi ko.
“Infairness… I like Troy’s taste pagdating sa mga singsing.” Si Liz.
Napahinto ako.
“Very simple and elegant.” Dagdag ni Chris.
Humarap ako sa kanila. “Eh! Nakita niyo naman pala eh!”
“Ang slow mo, hindi mo nakuhang nagbibiro lang kami.” Sabi ni Sandy.

135
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

At ako pa pala ang slow.


“Ikaw na ang may singsing, mabibigyan din ako niyan, someday.” Si
Liz.
“Yung totoo, kayo na ba ni Adrian?” Tanong ko bigla.
“Hindi—Ba ‘yan! Hulihan? Hulihan?”
“Mahina ka kasi, si Nads may sure date na sa Valentines.” Sabi ni Sandy.
“Sorry, scheduled na.” Sagot ni Liz. “Eh, ikaw?” Tanong kay Sandy.
“Fully booked.” Sagot ng bruhang si Sandy. Siya na! “How about you,
Chris?”
“Mayro’n.” Si Chris. Napatameme kaming tatlo. MAYRO’N DAW!
“SINO!?” Sabay-sabay naming nasabi.
“Basty.” Tipid ng sagot!
“Oh my curlash! I knew it! I knew it! Those silent titig of Baste! Sabi
na eh!” Si Liz.
“Mabait naman siya, ayos lang.” Dagdag ko.
“Eh, ikaw Nads? Sa’n ang plano?” Nang ‘di ako sumagot. “For
Valentines?”
Valentines? Teka… Parang wala namang plano?
“Wala naman—.” Sabay tawa nila. Galing ‘no? Pahingi ngang
panghampas please. “Anong nakakatawa?”
“Eh, ‘yon ang pinakabitter kang araw noong NBSB days mo. Ngayong
may bf ka na, walang plano? Ay, magkakape na lang kayo?” Si Liz.
“Well, it’s a warm Valentines.” Tumawa naman si Sandy. “Literally
warm.”
CHE! Plano… Wala nga kaming plano ni Mokong ah. ‘Di man lang
ako inaya mag-date!?

136
VOLUME TWO

Tumawag ako kay Mokong no’ng breaktime. Two days na nga lang
kasi Valentines na, wala pa kaming planong dalawa. And guess what!
Mukhang wala nga talaga…
We have our game that day. I think you can cook the best dish you can
make, Freak.
“Dalhan mo ‘kong flowers saka chocolates, Mokong.”
Freak, I forgot to tell you, I’m allergic to flowers. And chocolates will
make you fat—.
“Eh, ‘di magpadeliver ka. Tapos fat? Kala ko ba kahit mataba na ‘ko,
okay lang!?”
Freak, I’m just saying—.
“Wala, kalimutan mo na. Bye!”
Oh, ‘di ba? Allergic daw siya sa flowers at baka raw tumaba ako. Nakaka-
inis… Hindi pa nga ako nakakatanggap ng gano’n sa manliligaw tapos
ngayong na’ndiyan na siya, wala pa rin? Fine! Tutulog na lang ako
hanggang sa matapos ang Valentines Day!
-=-
What’s the damn problem now, Troy? I have no idea at all, this is
crazy! She’s mad? God, I’ll give her house of chocolates and bed of roses
if that’s what she wants. I didn’t know that it’s too important for her.
Tss!
“Captain!” Who’s—.
I see, “Long time no see, Captain.” It’s Luke.
“You’re alive.” I replied.
“Naman, sa tingin mo magpapakamatay na ‘ko dahil nabasted ako? ‘Di
rin. Mag-aabang pa ko, baka maghiwalay kayo. ”

137
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Wanna die?”
“Of course not, relax, Captain.” He laughed.
“Oh Luke, musta?” Si Sebastian.
“Mabuti, gwapo, single.” Luke replied.
“Kala namin tumalon ka na sa building! Bwahaha!” It’s Adrian, of
course.
“Gagawin ko ‘yun pero kasama ka. Para friends forever, ‘Tol.”
“No thanks. Kahit maging enemies na tayo ‘por-e-ber’.”
“Teka Troy, mawalang galang na sa’yong baliw na Adrian ka, ang
inaasahan kong dadatnan na Troy eh yung… Pinakamasayang lalaki
sa buong mundo. Parang mali ata ako, problema mo?”
“Freak is freakin’ mad at me.”
“Oh Luke, ‘wag pahalata ang mga ngiti. Masyado kang nagsasaya,
bwahaha! Asang-asa!” Si Adrian.
“Oo, hasang-hasa na ‘yung kutsilyong tatama sa’yo. Kanina ka pa.” And
Luke sat beside me. “Bakit Captain, hiwalayan na ba—.”
“Shut up, Luke.”
He snorted. “Sayang. Pero ano bang nangyari?”
I told them what Freak said to me and they all freaked out. Tss!
“Sinabi mo kay Nads ‘yon, Captain!?” ‘Di makapaniwalang sabi ni
Sebastian.
“Yes, why?”
“Nakakatawa rin ‘tong si Captain eh. Kulang na lang sabihin niyang
‘wala akong oras, freak.’ Grabe!” Adrian exclaimed.
“I did not say anything like that, not even close.”
“Pero parang gano’n na rin ang dating no’n, Captain.” It’s Sebastian.

138
VOLUME TWO

“Balita ko, hindi pa ‘nagkaka-boyfriend’ si Nads simula pa noon.


Tapos ngayong meron na… Ahh, medyo sumablay lang ng kaunti.
Kaunti lang naman.” Dugtong niya.
“Oh sige, madali akong kausap basta si Nads. Ako na lang ang
makikipag-date sa kanya. Tutal, free pa ang sched ko—.”
“I think you’re ready to die, Luke.” I said, and then he laughed again.
Tss! “Just forget it. I’ll plan something.”
“I think!” And that’s Adrian, again. “I think I have a better idea,
Captain!”
“Patay na, ayan na si Adrian the master of everything.” Sebastian
Coming from him, I highly doubt if it’s really “a better idea.” Tss.
-=-
Uwian na! Yes, ang saya-saya… Sa kabaligtaran, of course. Habang
‘etong mga ‘to, iniinggit pa ata ako. Inis talaga sila…
“Oh, yes, I’ll be there, eight-thirty? Sure. Bye.” Si Sandy. “Hello? Oh, of
course, why not. Ah... Nine-thirty would be the best time, don’t you
think? Okay. Bye.” Sige, ikaw nang fully book for tomorrow. “Hey!
Yeah… I’m busy with some other stuff. Ten-thirty, fine. Great. Okay…”
“Inggitan? Inggitan?” Sabi ko na lang sa sarili ko habang papalabas
kami ng building.
“Hello, Pong? Okay, eight-thirty, sige. Sunduin mo ‘ko, ‘wag ka ma-late,
hindi kita sasagutin, sige ka.” Sabay tawa.
“Go… Diyan kayo happy eh.” Bulong ko uli. Tumingin ako kay Chris
na tahimik lang. “Chris, kayo ba? Tuloy pa ni Basty?” Tanong ko.
“Oo. ‘Di na kailangan ulit-ulitin, alam na niya.” Siya na! “’Wag kang
malungkot diyan. May singsing ka naman. Ingatan mo ‘yan, kapag
nawala mo ‘yan… Ang pamahiin, ‘di kayo magtatagal ng nagbigay
niyan.”

139
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Grabe! Manakot ba?!” Nakakatakot minsan ‘tong si Chris. “Sige girls,


una na ‘ko at nandiyan na si Mokong.” Sabi ko at saka ako umalis na
kaagad. Kaka-inggit eh. Pagkarating ko naman sa may labas ng gate,
naghihintay na sa labas ng sasakyan niya si Mokong.
“Freak.” Tumingin ako sabay pasok sa sasakyan. Nagulat siya, hindi
ako sumagot pero pumasok na rin siya sa loob. He’s starting the engine
nang bigla siyang nagsalita. “Do you want to eat?”
“No.” Sagot ‘ko. Mukha ba ‘kong gutom palagi? ‘Yan lagi ang bungad
niya sa’kin eh.
“You sure?” Kulet. Hindi ako sumagot kaya hindi na siya nagtanong.
Hindi man lang ako tinanong kung gusto kong mag-date bukas o kung
sa’n ko gusto pumunta… Kahit wala ng surprises kasi alam ko namang
malabong gawin ‘yun ng isang Mokong na tulad niya. Sa sobrang
tahimik, nakatulog ako habang nasa biyahe. Ginising na lang niya ‘ko
pagkarating sa bahay.
“Sige na, bye. Ingat.” Paalam ko sabay pasok ng gate, pero humarap uli
ako sa kanya. Siya naman nakatingin lang.
“What, Freak?” Tanong niya.
“Wala.” Sagot ko naman. Pero bigla na lang siyang lumapit.
“Wait.” Sabi niya. “Hand, Freak.”
“Ah?”
“Let me see your hand,” inangat ko yung kanan. “The other one.”
Tiningnan niya ito. “Where’s your ring?”
Ring? Tiningnan ko ‘yung kamay ko. OMO! Wala nga ‘yung singsing!!
“You lost your ring?”
“Huh!?” Inalis ko sa pagkakahawak niya ‘yung kamay ko. “Hindi, ah!”
Hala, nasa’n na? “Na-nasa… Cabinet ko?”
“Not sure?”

140
VOLUME TWO

No! “Of course, I’m sure.”


“Then wear it. Binigay ko ‘yon para isuot mo, Freak.”
“Ah, kasi… Hinubad ko no’ng maliligo ako. Baka kasi kumupas.”
“Tss. Do you think I’ll give you a fake one? Are you planning to wear
it or not?”
“SIYEMPRE! Isusuot ko ‘yun!” Actually, suot ko nga ‘yon kanina!
OMG.
Nang maka-alis na si Mokong…
Dire-diretso akong pumasok ng bahay at naghanap agad sa kuwarto.
Inalala ko ‘yung bawat ginawa ko kanina mula pagkagising. Alam ko
naman na suot ko ‘yun hanggang school kanina. Nasa’n na!??
Kinabahan tuloy ako bigla.
Ingatan mo ‘yan, kapag nawala mo ‘yan... Ang pamahiin, ‘di kayo
magtatagal no’ng nagbigay niyan.
Okay lang mawalan ng date ngayong Valentines, ‘wag lang mawala
sa’kin si Mokong ‘no! Kailangan kong mahanap ‘yun! Baka naiwan ko
lang.
Hanggang sa ilang oras na ‘kong naghahanap pero wala, hanggang sa
inabot na ‘ko ng antok. Hindi ko na kaya… Goodnight!
-=-
Ang ingay… Sobrang ingay… Minulat ko ‘yung mata ko at nakita
kong tumutunog yung cellphone ko. Calling…Mokong? Hala! Baka
tanungin niya lang ‘yung singsing, o kaya patutulugin lang ako nang
hindi man lang mababanggit na Valentines na bukas. Hindi na muna
kita sasagutin…
Pero maya-maya nahinto na naman ang tulog ko.
Ahh…? Nahihilo ako. Lumilindol ba?

141
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Nads! Anak, gising!” Eh? “Nadine, gumising ka na dali!”


Habang namamalik-mata pa. “Mommy?” Tumingin ako sa cellphone
ko. “Five a.m. pa lang uh?”
“’Nak, tumawag ‘yung Mister Hans dito sa bahay! May nangyari raw
kay Troy!”
“Ah?” Teka… Namamalik-tenga ba ‘ko?
“Kanina pa raw tumatawag si Troy sa’yo nang dinadala siya sa ospital
pero hindi mo raw sinasagot, Anak!”
Para akong binuhusan ng mainit at malamig na tubig. “Mi, nagbibiro
ka ba?”
“Nagte-text daw sa’yo sina Sandy! Hindi ka sumasagot, ano ka ba
naman! Tara na, puntahan na natin si Troy.”
Tumayo ako kaagad at naka-abang na si Kuya sa labas. May taxi na rin,
siguradong tumawag na si Kuya kaagad kanina.
“Manong, pakibilisan po.” Paki-usap ko. Hindi ko maintindihan ‘yung
nararamdaman ko. Walang kaba o kabog ng dibdib… Parang nawala
na yata yung puso ko kaya wala na ‘kong maramdaman. Biglang
tumawag si Sandy.
“Hello Sandy! Ano na!? Ano nang nangyari!? Si Mokong!? Nasa’n na!?”
Nads, I think you’d better be here.
“Anong better na pumunta diyan—oo, pupunta ako diyan! Pero sabihin
mo muna kung anong nangyari!?”
Basta pumunta ka na lang dito muna, Nads.
No! Kinakabahan ako sa boses ni Sandy. Parang hindi siya eh. Nang
makarating kami sa ospital, tumakbo na ‘ko papunta sa loob at nakita
‘ko sina Sandy. Naka-abang sila sa Emergency room. Nandoon din sina
Adrian—
“Nads.” Si Luke!

142
VOLUME TWO

“Luke! Luke anong nangyari!?? Nasa’n si Mokong? Kasi—kasi naman


eh. Hindi ko naman talaga nawala ‘yung singsing, hahanapin ko naman
talaga kagabi ‘yun. Tsaka—.”
“Teka Nads, huminahon ka muna.”
“Pano ako hihinahon!?? Nandiyan siya sa loob niyan?! Okay lang
naman sa’kin kahit walang Valentines date! Kahit walang flowers, kasi
nalalanta naman ‘yun. ‘Yung chocolates? Pwede naman kami bumili
kahit kailan. Basta lang! Basta lang ‘wag siyang mawawala sa’kin…”
Kumapit ako kay Luke kasi nanghihina ako sa kaba at takot. Naiyak
ako, hindi ko na napigilan. “Wala na ‘kong ibang gusto... Siya lang…”
“Any relatives of Mr. Smith?”
Napalingon ako sa doctor na lumabas ng emergency room. Lumapit
ako. “Si Troy po? Nasa’n? Ano pong—.”
“I’m sorry.” Sabay iling? Anong sorry!? Bakit siya nag-sorry!? “Wait
lang po—.”
Pumasok ako sa loob ng emergency room. Madilim at puro equipment.
Wala ng ibang tao… Isa lang ang doctor? Whatever! Napahinto ako
nang makita ko siyang nakahiga…
“No… Bakit…” Habang naglalakad ako papalapit napatingin ako sa
isang medical device na may flat line. Napahawak ako sa bibig ko.
“Mokong ko…” Hanggang sa nakatayo na ‘ko sa tabi niya. Nakapikit
siya at hindi gumagalaw. Umiyak na ‘ko nang umiyak at tinakpan ko
‘yung mukha ko sa sobrang sakit.
“Bumalik ka na sa’kin… Please…” Ang sama… Ang sama-sama mo…
Kala ko ba, ako ang kailangan ng Troy Harris Smith, forever? Pa’no
‘yung forever—.
“Freak…”
Hindi na ‘ko hihiling ng Valentines.
“Freak…”

143
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Gosh… Minumulto na niya ‘ko…. Ayos lang, basta—.


“Stop crying, Freak.” Huminto ako sa pag-iyak. Minulat ko ‘yung mga
mata ko just to see na nakamulat si Mokong at hawak-hawak niya sa
tapat ng mukha ko ‘yung singsing… Ang singsing ko! “Stop crying
Freak. Your love kept me alive.” Oh!? “Happy Valentines Day. I love
you with all my heart.” What?! Whaaaat!??? “Sh*t!”
“WAAAAAAAH!!” Umiyak ako nang mas malakas. “Napakasama mo
talaga Mokong. Ang sama-sama mo!” Bumangon siya saka niya ‘ko
niyakap.
“Sorry Freak. Sorry. Sh*t, I’m sorry. Don’t cry.”
“Kasi… Kasi kala ko totoo. Kinabahan ako nang sobra. Bakit ka
ganyan!”
“Hell, I’m really sorry Freak. Now you’re making my heart thumb fast.
You really kept me alive, Freak.” Nakuha pang magbiro. Pero ngumiti
na lang ako kahit umiiyak pa rin ako. Kumalas ako sa pagkakayakap sa
kanya. “Happy Valentines Mokong, Mokong ka talaga!”
Hinawakan niya ‘yung magkabilang pisngi ko. “I’m sorry. Happy
Valentines Freak.” Then he kissed me passionately. Inalis na niya ang
bigat sa puso ko nang marinig ko ang mga sinabi niya kanina.
“Ehem! Baka naman pwede na kaming bumalik sa mga kanya-kanya
naming bahay?” Sabi ni Liz.
Naghiwalay kami ni Mokong. “Tapos na ang one-time acting namin.”
Naghikab naman si Sandy. “Gumising kami just to be a part of this
Valentine surprise.”
“’Wag kayong mag-alala, aabangan natin ang treat ni Troy sa’tin.” Sabi
naman ni Basty.
“No problem,” sumagot si Mokong.
“So, lahat kayo kasabwat?” Iginala ko ‘yung tingin ko sa kanilang lahat.
“Pati sila Mommy at Kuya? Manong Hans at ‘yung Doctor? Ang sama

144
VOLUME TWO

niyo!!!” Sabay takip ko ng mukha.


“Ayos lang ‘yan Nads. Minsan ka lang naman lalabas nang naka-
spongebob na shorts at tsinelas na pambahay.” Napamulat ako at
napatingin sa suot ko. “Isang tsinelas, to be exact pala.” Dagdag ni Liz.
“I’m sorry, Freak.” Sabi ni Mokong. Ngumuso lang ako. Maya-maya
nag-aya na silang magsi-uwian. Nandito kami ni Mokong sa labas ng
ospital.
“Kala ko kritikal ka. ‘Wag ka nang uulit. Ayoko ng gano’ng biro.” Sabi
ko. Magka-akbayan kami sa mga baywang namin.
“Fine, but I really need you ‘coz I’m in a critical condition right now,
Freak. Malapit na ‘kong mabulag, ikaw lang ang tinititigan ko. Malapit
na ‘kong mabingi, ikaw lang ang lagi kong naririnig. Malapit na rin
akong mapipe, puro Freak na lang sinasabi ko. At mababaliw na rin
ako kaka-isip sa’yo. Kritikal na ‘ko, Freak. But don’t worry; I will never
do that kind of joke again.” At sabay kiss niya sa’kin sa left cheek ko.
“Good!”
-=-
Umaga na!
HAPPY VALENTINES DAY! Nandito na ‘ko sa school at halatang in
love na in love ang mga tao rito. Mga may dalang flowers, balloons na
heart, yakap na teddy bear at kung anu-ano pa. Pero ako? Tiningnan
ko yung singsing ko. Siya lang ang kailangan ko.
May quiz kami ngayong araw, buti at favorite ko ang subject na ‘to.
Hindi ako pwedeng bumagsak ‘no. Balita ko kasi… Ang boyfriend ko
ay may lahing henyo. Nakakahiya kung slow ako. ‘Di ata pwede ‘yon!
“Okay girls, pass your papers.”
“Anong sagot sa number two!?” Tanong ni Liz.
“Confectionary sugar.” Sagot ko.

145
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Ah??!! Kala ‘ko Cocoa!” Inis na sabi ni Liz.


“Ang layo naman, Liz. Tsk tsk.” Si Sandy.
“Kaya ayokong magtatanong ng sagot after exam, nakaka-depress
lang.” Buntong-hininga ni Liz.
“Okay girls, let’s check your papers—.”
Biglang… “Ah-ah?!”
Ano ‘yun? May nakakarinding tunog na nanggagaling sa speaker ng
buong University. May announcement?
“Captain!! Bilis na! Bwahaha!” Eh!? Pamilyar ang tawang ‘yan…
“Get out of here!” Oh! “Tss!” Nagkatinginan kaming apat.
“Ssssh! ‘Wag kayong maingay, naririnig tayo sa buong University na ‘to
mga loko.” Luke?!
“Oo nga, tama na ‘yan. Off niyo naman nga kasi muna.” Si Baste!
“Mag-usap daw ba sa mic?” Si Chris.
“Captain! Bilis na, ang tagal naman—.”
“I said, get out!”
“Bwahaha! Kabado!”
Nakakahiya. Tatayo na dapat ako para puntahan sila dahil nakakahiya
na, nang biglang…
“Freak.” Nagkatinginan kami nila Sandy. Uh-oh… Grabeng boses ni
Mokong ko sa speaker… Parang kagigising lang! Akitan ba ito!?? “Are
you listening my freakin’ girlfriend?” EMEGESH, bedroom voice ang
Mokong. Naka-pajama ka pa ba?
“I’m listening…” Sabi no’ng isa kong classmate.
“Me too!” Sagot pa no’ng isa.
“Maria Nadine Castro.” At buong-buo ang pangalan? Nagtinginan

146
VOLUME TWO

‘yung mga kaklase ko sa‘kin. Sorry, I’m her freakin, girlfriend. “You
know that I’m not good with surprises. Sorry for being so dumb and
numb for your special day. But for my charismatic girlfriend, I’m ready
to do anything. And just remember this Freak, you’re the only reason
why I’m living perfectly everyday and the only reason why I can smile
even though I’m tired every night.” Huminto siya saglit at saka itinuloy
ang pagsasalita. “You are the most beautiful woman in my life.”
Bigla kaming may narinig na nag-gitara sa background at narinig ko
ang precious oh so hot and cold voice ni Mokong.
Oh her eyes, her eyes
Make the stars look like they’re not shining
Her hair, her hair
Falls perfectly without her trying
She’s so beautiful
And I tell her every day
“Nads, hinga-hinga rin.” Sabi ni Sandy.
When I see your face
There’s not a thing that I would change
Cause you’re amazing
Just the way you are
And when you smile,
The whole world stops and stares for awhile
Cause girl you’re amazing
Just the way you are
At nang matapos na siya.
“Freak, Happy Valentines Day…” At nawala na nga ang boses niya on
air.
Pero ang after shock sa mga kaklase ko, buhay na buhay pa rin. Mga
nakatungo, nakahawak sa ulo at dibdib nila… Mga sawi lang, ‘te?
Makakahanap din kayo, patience!

147
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Si Nads na ang sikat… Siya na… Haaayy…” Si Liz.


Napatingin ako sa paligid, mga nakatingin sa’kin ang buong klase…
“Ah… Sorry.” Istorbo ba girls? Asus! Kayabang ni Nads.
“Miss Castro.” Si Ma’am! Patay.
“Po?” Sabay lapit ni Ma’am sa’kin at saka may nilapag sa lamesa ‘ko.
“Eh?” Gunting?
“Nakakasagabal ka sa iba…”
“Sorry po Ma’am—”

“Pakiputol ‘yung buhok mo… Ang haba-haba.” Ay ang adik! Kinabahan


pa ‘ko!
-=-
Lunch time na at ‘eto palabas na kami ng room.
“Balita ko may parating na sub professor si Ma’am ah?” Si Chris.
“Oo nga, ‘yun daw ang makakasama natin sa Cebu.” Dagdag ko naman.
“Strict daw, super.” Sabi naman ni Liz.
“Well, goodluck to us, ladies.” Si Sandy.
May biglang humarang sa’min…
“Pong?!” Si Liz.
“Hi Queen. Nandito ako for two reasons… Syempre, ikaw ang isa.”
Sabay abot ng boquet of flowers. “At ang isa naman… Ay si Nads.”
Sabay abot ng one white rose sa’kin.
“Ah, thank you?” Sabi ko. Ang sweet naman ni Adrian. Naglakad na
kami sa corridor at nasalubong naman namin si Basty.
“Hi Nads.” Saka niya nilabas sa harap ko yung pink rose. “Happy
Valentines.” Tumingin siya kay Chris. “And for you.” Sabay abot nung

148
VOLUME TWO

tatlong flowers na inayos na parang boquet.


Naglakad na kami palabas ng building nang napansin kong wala na
kong ibang kasunod. Pero nang lumingon ako sa likuran, nando’n si
Luke.
“Flowers…” Sabi niya sabay bigay ng apat na yellow roses. Teka? I love
you—too? Ngumisi si Luke. “I love my friend.” Nabasa na naman niya
‘yung nasa utak ko.
Inabot ko naman. “Kamusta? Sa’n ka naman nagpunta ah?” Tanong
ko. Hindi ko na siya nakamusta kaninang madaling araw sa sobrang
bangag ng surprise nila sa’kin.
“Ah, kung saan-saan lang.”
“Anong ginawa mo?”
“Kung anu-ano lang.”
“Nagawa mo ba?”
“Hindi nga eh. Ang hirap mo kasing kalimutan.”
Oh! Nads, tagos hanggang bunbunan ‘yun! Bakit kasi ang daldal ko?
Tumawa naman siya. “Nads, relax. This is not about me. ‘Eto ay araw
mo at ng Mokong mo.” Ngumiti siya. “Masaya ako para sa kaibigan ko
at sayo. Sa inyong dalawa. Happy Valentines.” Hinawakan niya ‘yung
baba niya habang patingin-tingin sa paligid. “Ano nga ba ‘yung gusto
mo sa Valentines?”
“Ahh… Flowers at chocolates?” Sinagot ko naman.
“Ahhh… Tinatanong ko lang. Hindi kita bibigyan, baka patayin ako ni
Troy. Sige na, naghihintay ata ‘yun sa gate.”
Naglakad na ‘ko palabas ng building pero biglang—“AH!” Iling ko
nang may bumagsak sa ulunan ko. “Aray ah.” Tumingala ako. Ano
‘yun? Sabay tingin sa baba. Eh!? Pinulot ko ‘yung box ng Ferrero! “Ang
sakit naman! Bakit isang box!?” Hinimas ko yung ulunan ko. Sakit

149
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

ah… Brutal!
Papalakad na sana ako nang bigla na lang may isa, dalawa, tatlo, apat—
NYAY! Ang daming piraso ng Ferrero na bumabagsak mula sa itaas ng
building! Umuulan ng chocolates!
Nakatingin ‘yung mga schoolmates ko habang ako, parang bata na
namumulot ng chocolates na nanggagaling sa itaas at ayaw huminto sa
pagbagsak! Nang feeling ko hindi pa hihinto sa pagbagsak ‘yung mga
chocolates, tumayo na ako at naglakad palayo doon. Lumingon ako at
nakita kong nagkagulo ‘yung mga girls sa bumabagsak na chocolates.
Habang papunta naman akong gate kung sa’n may mga nagkakagulong
mga babae. Anong mayro’n?
“Wow!!! Grabe na talaga! Naiinggit ako.”
“Love is in the air…”
‘Yung kulay white, pink at yellow roses na hawak ko… Gano’ng-gano’n
‘yung naka-design sa gate! Pero may naligaw na orange. Pinuno ng
roses ‘yung gate! Napangiti ako… “Mokong talaga.” Lumapit ako kahit
ang dami ng girls na nagkukumpulan do’n. Nang biglang bumukas
‘yung gate at nagulat ako sa tumambad sa mga mata ko. “Oh my
Mokong.” Tumakbo ako papunta sa kanya na nakasakay sa motor at
nakasuot ng FLOWERY POLO! Mayor Atienza ikaw ba ‘yan?
“D*mn, this is embarrassing.” Bulong niya pagkalapit ko. Pinipigilan
ko ‘yung ngiti ko dahil namumula siya. Nako, siguradong si Adrian na
naman ang may pakulo nito.
“Ano ka ba, ang cool mo nga—Ey! Anong ginagawa mo!??” Binubuksan
niya kasi isa-isa ‘yung butones ng polo niya. “Huwag kang maghubad
dito!” Wala na, nag take-it-off na. Yung mga girls sa gate, nainitan na…
Bigyan ng jacket!
At nang makapagpalit na si Mokong into black, v-neck, fitted shirt…
“Let’s go, Freak. Let’s make this Valentines day more special.”

150
VOLUME TWO

“Ikaw lang, special na.” Sabi ko at napatingin ako sa mga girls na naka-
abang sa’min. Well… Isa lang naman ang masasabi ko... Libre namang
mangarap, walang bayad. ‘Yun nga lang, mahirap umasa sa taong taken
na, naka-padlock pa! Ouch lang di ba? Kaya back-off na mga hija!
Habang pasakay na ‘ko ng motor.
“Ah, Mokong…”
“Yeah?” Habang inaayos niya ‘yung sinusuot niyang helmet sa’kin.
“Anong ibig-sabihin no’ng roses na binigay sa’kin nila Luke?” Tanong
ko.
Binaba niya ‘yung harang ng helmet. “Meaning? It’s a flower, does it
have its own meaning?” Sabay iwas ng tingin sa’kin. Sumakay na siya
sa motor niya.
“Eh… May mga meaning kasi karaniwan ang colors ng flowers. Baka
lang mayro’n… White…”
“Purity.” Sagot niya bigla.
“White for purity, oo nga naman. Eh, ‘yung pink?”
“Happiness, Freak. Let’s just—.”
“Eh, yung yellow?” Tanong ko pa uli sabay yakap ko na sa kanya mula
sa likuran niya.
“Friendship and gratitude. Okay, let’s go—.”
Hinigpitan ko ‘yung yakap ko. “Eh, yung… Orange?” May orange din
kaya sa mga roses sa gate!
“Nothing, no meaning.” Sagot niya at nabuksan na niya ‘yung motor.
“Hindi nga? Aalamin ko na lang sa google—”
“It’s destiny, Freak. It’s destiny, okay!?”
Eh… Maysado namang defensive. “Okay… Okay… Destiny lang
naman pala.”

151
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Then let’s go.” Aya niya.


Destiny pala… Ang sweet.
Ang totoo…
Pumunta pa kami sa isang beach malapit lang sa Manila, Caylabne Bay
Resort. Dito lang sa Ternarte,
Cavite. Ang akala ko nga uuwi na kami ni Mokong pero may ganito pa
siyang surprise.
“Mokong, ginabi na tayo rito. Baka naman dito mo balak mag-overnigt
alam mong—.”
“I promised to your Mom na uuwi ka ng bahay.” Assure ni Mokong.
Okay, good boy!
“Eh anong gagawin na—Wow!” Napatigil ako sa paglalakad papasok
ng resort. “Grabe… Ang ganda.” ‘Yung kulay ng kaulapan! Kulay
blue violet na may halong orange! Napalakad ako nang wala sa sarili
pagkatanggal ko ng suot ko sa paa. Kinuha na nga ata ni Mokong ‘yung
shoes ko dahil na-hypnotized ko sa ganda ng paligid. May mga dim
lights sa buong beach, kahit papadilim na ay naaninag ko pa rin ang
white sand sa paligid. Wala nga halos akong ibang taong nakikita.
Napaka-peaceful ng lugar, malamig at malakas ang dampi ng hangin.
“Let’s go, Freak. We have to move fast dahil may curfew ka.”
Hinawakan niya ‘yung kaliwang kamay ko habang bitbit niya sa
kabilang kamay niya ang shoes ko. Naglakad kami sa dalampasigan
at sa’ka ko napagmasdan ang buong paligid. Hanggang sa makarating
kami sa isang part ng beach na may bonfire!
“Wow!” Lumapit ako kaagad. Nakakahiya namang sabihing first time
kong makakita ng bonfire.
“I know it’s your first time, Freak.” Sabi ko nga alam niya.
“Nag-research ka ah.” Bati ko. Ilang hakbang lang mula sa bonfire,
makikita ‘yung malaking basket na pinapatungan ng telang nakatiklop.

152
VOLUME TWO

At ‘yon na nga ang next naming ginawa, ang i-set up ang lahat ng
hinanda ni Mokong—“Hala ka.” Napahinto ako at napatingin naman
sa’kin si Mokong habang dinadagdagan niya ng kahoy ‘yung bonfire.
Tumingin ako sa kanya. “Anyare sa pagkain? Bakit sunog?”
Napa-iwas ng tingin si Mokong. “I really don’t know how to cook,
except for an egg.”
“Ikaw ang nagluto nito?!” At napa-smile ako. Tiningnan ko uli ‘yung
mga pagkaing kakambal ni Kirara. Grabe, na-sun burn sila.
Hindi ko namalayan nakalapit na pala si Mokong. “We don’t have to
eat this—.”
“Eh!” Iniwas ko ‘yung pagkain. “Kakainin ko, luto mo kaya ‘to!”
Wala na siyang nagawa, kinain din namin ‘yun kahit ang totoo…
Gusto naming iluwa. Buti na lang talaga, love conquers all. May ospital
naman siya, aasa na lang kami sa gano’n. Natapos kaming kumain at
humiga kami sa nilatag naming tela. Nakatingin sa kalangitan, I’m so
makata and in love. Nagpatugtog si Mokong gamit ang phone niya.
“Mokong… Sa tingin mo… Hindi ka magsasawa sa mga ganitong
surprises sa’kin?” Habang parehas kaming nakatingin sa kalangitan.
“Should I throw back the question? Freak, hindi ka ba magsasawa sa
ganitong mga surprises?”
Napatingin ako sa kanya at do’n ko lang nalaman na nakatitig na
pala siya sa’kin habang nakatagilid siya paharap sakin. Eyy! Kaya
pala parang natutunaw ako. Ngumiti ako sa kanya. “Baliw lang ang
magsasawa, Mokon—Mokong!” Napasigaw ako sa gulat.
Bigla ba namang sumunggab papunta sa’kin at ngayon ay nakatingala
na ‘ko sa gwapo niyang face habang nakahiga ako. Magkatitigan lang
kami at naka-smile kami parehas.
“Freak,”
“Hmm?” Nakangiti pa rin kami. Parang mga tanga lang.

153
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Narinig ko yung background music namin, sumasabay sa’ming kilig


scene.
I never knew life could be like this
Never thought that I would be
the one that you would kiss
I never knew love could be so rough
But now I’ve found the real thing
I can’t get enough
“I hope you’ll not get tired of my surprises, and this.” Dinampi niya
ang labi niya sa noo ko… “And this…” Sa both eyes ko… “And this…”
Sa nose ko… “And this…” Sa both cheeks ko… “And especially…”
Nakatitig siya nang diretso sa’kin with passion and love in his eyes.
“This.”
The sweetest surprise caught me tonight
Right there in your eyes while I was kissing you
So don’t say that you don’t love
Everything you dream of could be here
Sabi nga nila, ang nakakapagpagulat lang daw sa isang tao ay ang mga
bagay na makakapagpabilis ng tibok ng puso mo. Pero sa pagdampi ng
mga labi namin sa isa’t isa? Parang may kumukulong tubig na sa dibdib
kong kakaba-kaba. Haay… I love Valentines talaga.
-=-
Grabe ang araw na ‘to… Super gaang at super hang-over pa sa ginawa
namin ni Mokong kahapon. Nakahabol kami sa curfew ni Mommy na
10 in the evening, ang maximum time ko sa labas. Kahapon, katatapos
lang ng game nila nang pumunta sila sa university namin at ginawa ang
mga surprises na ‘yon. Kaya alam kong pagod siya.
Lumipas na ang Valentines, at back-to-school na kami. Ano kayang
nangyari sa mga lakad nila kahapon? Gusto niyo bang malaman? Ako
din, eh. Sana i-kuwento nila!
“Alam mo bang pagka-alis mo, Nads, kanya-kanyang kuha na ang mga

154
VOLUME TWO

babae sa gate ng flowers?” Kwento ni Liz.


“You just made single girls happy this Valentines day! Thanks sa
boyfriend mong handang ibigay ang lahat ng roses sa earth, kaya
pati mga single since birth, ay feeling special kahapon. How nice…”
Paliwanag ni Sandy.
“Pero… May alam ba kayo sa color meaning ng mga flowers?” Tanong
ko.
“Medyo.” Sagot ni Chris.
“Slight.” Si Liz.
“I know something.” Si Sandy.
“Eh, bakit lahat kayo may alam. Ako lang wala?” Tanong ko.
Natawa naman sila. Sabay sagot ni Liz ng… “Tinatanong pa ba ‘yan?”
“Che! Ah, basta, ‘eto na lang… ‘Yung kulay orange na roses?” Tapos
tumingin naman sila nang seryoso sa’kin. “Anong ibig-sabihin ng
orange roses?” Tumingin ako sa kanila na nagtinginan sa iba-ibang
way.
“Uy, ano nga? Sandy? Sabi sa’kin ni Mokong, destiny daw.”
“Desire.” Mahinang sabi ni Chris.
“Ah?” Ang hina naman eh.
“That Troy is somewhat playful uh?” Humarap si Sandy nang mas
maayos sa’kin. “It’s not destiny, Nads. It’s…” Napalunok ata ako sa titig
na mapang-akit ni Sandy. “It’s Desire…”
“Desire???” Ulit ko sabay tango nila.
“It’s just another way of expressing admiration and attraction – with
underlying message, Nads.”
“Message?” Ulit ko na naman. “Anong message?”
Inilapit ni Sandy ‘yung face niya sa face ko. “Passion and excitement.

155
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Desire, in short.” Sabay bite ng lower lip niya. Nang-aakit?


Pero bago pa ‘ko maka-react, biglang pumasok ang sub professor
namin.
“Good morning class!” Ay!? Galit? Sinong kaaway? Nasa’n ang kalaban!?
Napa-ayos tuloy ako ng upo, kasi mukha siyang istrikta! Nakapusod
nang pabilog ang buhok, naka-salamin na makapal, nakapang-
corporate attire na ang haba-haba ng palda, at naka-black closed shoes!
Miss Tapia version 2.0?
“I love her sense of fashion uh?” Si Sandy.
“Ssshhh!” Saway ko kaso may issue ata ‘tong si Ma’am sa noisiness.
“QUIET!” Sabay tingin sa buong klase. Ay! Parang may laser beam ang
eyes! “I am Miss Florentina Dimaano, your substitute professor for
Mrs. Hernandez. Is that clear!?” Sigaw na naman niya.
“Hala ‘te? Sa’ng bulkan hinugot ‘yan? Malakas ang madness…” Biro ni
Liz habang nakatingin kami do’n sa prof.
“But haven’t you heard? It’s miss… As in… Single?” Si Sandy. “A
modern Maria Clara.”
“Ako ang makakasama niyo sa inyong ‘Three day Food Trip’ sa Cebu.
Pupunta tayo do’n hindi para magbakasyon kung hindi para mag-
immerse! Nothing more, nothing less!”
“Bigyan ko kaya ng cold water si Ma’am?” Tanong ko. Haay, hayaan
na nga at maganda naman ‘to. Pasasamahin ko si Mokong ko para
makapagbakasyon din kami.
“Hindi uubra ‘yun. Padala sa North Pole nang lumamig ang ulo
niya—.” Liz
“QUIET! I SAID QUIET!” Sigaw na naman niya. Ay grabe! May issues
talaga siya. “Ngayon, dahil puro kayo babae, here’s my number one
rule.”

156
VOLUME TWO

“I hate rules…” Si Sandy.


“Me too.” Liz.
“Same here.” Sagot ni Chris.
“Count me in.” Sabay buntong-hininga ko.
“Bawal ang may kasama, lalo na at mga lalaki.”
“Uh-oh… I’m getting the picture…” Sandy
“And I’m not liking it… ” Si Liz.
“In short, NO BOYS ALLOWED!”
Patay kang Mokong ka! Pa’no na kami nito??

157
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Chapter 20: OUR LOVE TRIP

What’s on your mind? Ang salitang BARKADAHAN ay


another term for the word - KALOKOHAN.

During Valentines Day…


BWAHAHAHA! Napakasayang umpisahan ng moment na ‘to sa
isang napakalakas na halakhak mula sa henyong tulad ko! Sa wakas,
naging maayos din ang surprise kay Nads. Mukhang I saved the day na
naman! Ganyan tayo, I’m your friendly neighborhood… Spiderman?
Hindi… Adrian!
Oh teka, nakita ko ang future ko. “Liz!” Ang bright ng future ko, di
ba!? Nilapitan ko naman siya, buti naman mag-isa lang. Utak niyo!
Bwahaha! Siyempre gusto ko naman ng quality time with my Queen.
“Oh, huwag ka munang mag-propose. ‘Di pa tayo.” Biro ng aking Liz.
“’Eto naman, hindi mo pa nga ako sinasagot. Sagutin mo muna ako
nang makapag-propose.”
“Bakit? Nanligaw ka ba?” SAY WHAT!!!??
“Anong hindi nanligaw? Ang tagal ko ng nanliligaw sa’yo Queen ah?”
Anak ng katawan kong precious ‘yan. Hindi pa ba ligaw ang tawag sa
ginawa ko?
Bigla naman siyang tumingin sa’kin nang matalas! “Ligaw na ba tawag
do’n? Ang naalala ko kasi… Tinatawagan mo ‘ko, hindi para makipag-
date kung hindi para magpasamang bumili ng shirt mo! Ililibre mo ‘ko,
tapos ano? Mag-aaya ka ng sine… Kasi nababagot ka!? At binigyan mo

158
VOLUME TWO

‘ko ng bracelet dahil may free sa binili mong item! Ligaw na ba ‘yon?”
Tanong niya habang nakapamewang.
“Teka-teka—.”
“Buti pa ‘yung Captain niyo! Ang sweet-sweet kay Nads.”
“Eh, sa’kin lang din galing ‘yon…”
“Ano kamo?”
“Wala naman…” Sabay tawa ng Bwahahaha! “Sweet din kaya ako,”
Pumikit ako. “Tikman mo Queen, bilis—AH!” ANG BRUTAL MEN!
Pinalo ako sa braso! Gusto ko ‘yan, masukista! Bwahaha! JOKE LANG!
“Anong tikman ka diyan!? Ah, basta! Nasa bingit pa ng kamatayan ang
matamis kong oo sa’yo.”
“Alanganin pa,oh…” Napakamot na lang ako ng ulo.
“Ayos lang, alanganin ka rin naman. Oh siya, ‘wag ka ma-late mamaya!”
Wala pa man din, nakikinita-kinita ko na ang future ko. UNDER!
“Yes, Queen…” Nang makapasok na sa building nila si Liz. Ako naman
itong natutunaw sa titig ng mga estudyanteng babae sa’kin. Grabe…
Sabi ko na, dapat nag-maskara ako pagpunta rito. Anong sinabi ng
Chocolate Axe commercial sa’kin—.
“Nagpapakahibang na naman tayo ah.” Si Luke, sabay akbay sa’kin.
Aba… Bumabanat si Dakilang Single. “Kala ko nasa ospital ka na.”
Ganti ‘ko naman.
“Bakit naman ah?” Tanong niya.
“Eh, makita mo ba naman ang nangbasted sa’yo. Siguradong tagos
hanggang puso ang tusok ni Kupido sa’yo, Luke. Bwahaha, kawawa ka
naman, wala kang date ngayong Valentines.”
“Anong wala? Mayro’n akong ka-date!”
“Wehh???”
“Maganda! Medyo madaldal, pero ayos lang. Caring pa at laging
nandiyan. Sa’n ka pa?!”

159
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Tiningnan ko naman siya nang maiigi. “’Di kaya si Manang tiga-laba


mo ‘yan? Madaldal ‘yun ah.”
“Mumurahin kita, isa pa.” BWAHAHAHA! Kawawa naman ‘to.
Kailangan ata maggawa na ‘ko ng advertisement para sa kanya.
WANTED! BABAENG BABASAG SA PAGIGING SINGLE KO!
“Magaling pa nga manghalik ‘yon. Kaya ‘wag kang mang-inggit,
mayro’n din ako. Diyan ka na nga. Pagkamalan pa ‘kong baliw dahil
kasama kita.” Sabay layas.
“Bastos ang bibig.” Pero mukhang maganda ang ka-date no’n ah.
Magaling manghalik? Aba teka…
-=-
Kinagabihan…
Dumating na ang oras na pinakahihintay ko—ang date namin ni Liz
ko! Oo! KO! Dahil bukas makalawa, babagsak din siya sa mga bisig
ko—OH!.
“Oh, Adrian, ang laway pakipunasan.” Sabi ni Liz pagkalabas ng gate
nila.
“Hindi mo man lang ako binigyan ng warning…” Nagtaka siya. “May
bababa pa lang anghel, Queen.” Bwahahaha! SWET!
“Thanks! Buti nagustuhan mo at pinag-isipan ko talaga ang isusuot ko
sa first date natin.” First date daw? Daming date na nga namin. Tsk
tsk tsk. Na-echepwera pala ang pakain-kain namin sa Hongkong Style
Noodles. “Pero bakit parang ‘di tugma ang outfit natin?” Tanong niya.
Naka-cream shorts at black stripe shirt lang ako. May sapatos siyempre!
“Ah, basta, hayaan mo na ‘yan. Gusto ko kasi kapag nakita nila tayo,
kita agad ang ganda mo!” Palusot pa, patay ako.
Nakarating na kami sa venue namin.
“Bakit patay ang mga ilaw? Sarado sila, ano ka ba naman.” Reklamo
niya.

160
VOLUME TWO

Para sa’n pa ang tawag nila sa’king Master of Everything kung ang sarili
kong Queen ay walang surprise! “Tara na.” Sabay hila sa’king Reyna.
“Teka-teka, baka madapa ako!”
“Bubuhatin kita.” Sabay labas ng susi ng gate papasok ng Enchanted
Kingdom!
“Teka ano ka ba! Bakit may susi ka?” Na may halong pagdududa pa.
Ginawa pa ‘kong magnanakaw ni Queen oh. Nakapasok na kami ng
sumagot ako.
“Pinasara ko ‘to para sa date nating dalawa, Queen.”
Naghugis puso naman ang mga mata niya. “Sa inyo ‘tong Enchanted,
Pong?!”
“Ah—.” Bwahahaha! “Hinde, magkasosyo ang pamilya nila Captain at
may-ari nito. Tinulungan ko siya sa surprise niya kaya ‘eto ang favor
ko, kapalit lang.” Bigla ba namang naghugis arko yung mga mata ni Liz.
“Ahhh... Pero tara na Pong! Sumakay na tayo, bilis!!” Aya niya. Eksayted!
“Liz, mag-Ferris wheel muna tayo. Maganda ang view. At mukhang
ready na ang lahat.”
“Ready na ang lahat?” Hinawakan ko ‘yung kamay niya.
“Tara na lang, basta. You trust me, di ba?” Ah buwiset ah.
Sabay tingin nang alanganin sa’kin. Sabay tawa. “Biro lang! Tara na
nga.”
Pagsakay namin sa Ferris wheel, sinenyasan ko na si Manong Operator.
Alam na! Umandar na at si Liz, nakatanaw lang sa madilim na view
pagkahinto namin sa pinakatuktok.
“Pong! Kala ko ba maganda ang view. Masyadong madilim naman.”
Habang nakatingin pa rin sa paligid.
“’Wag kang mag-alala, para sa’yo, pipintahan ‘ko ang madilim na
kaulapan. Bwahaha!” Makata!
“Wala naman eh.” Parang batang reklamo niya habang nakatanaw pa.

161
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Sagutin mo lang ako, gagawin kong colorful ang life mo, Queen.”
Bigla siyang humarap. “Eh!? Madaya, pagtapos na lang. Bilis na!” Sabay
tanaw na naman.
Napakamot ako sa ulo. Delikado ata ang kinabukasan ko ah… Parang
bawat sabihin ng Liz ko, sinusunod ko—.
“Pong!!” Sigaw niya.
“Oo, Queen. Oo.” Pagbigyan, ngayon lang ‘yan. “Okay ah, tingnan mong
mabuti dahil kukulayan ko ‘yan in one, two, three, Happy Valentines
Elizabeth Chua.” Humarap siya sa’kin pagkarinig niya ng name niya at
saka naman ako tumuro sa likuran niya. Sakto, fireworks baby!
“OOHHH! Ang ganda talaga…” Habang pinagmamasdan ang
fireworks display.
Ilang minuto ring tumagal, pinagmasdan lang namin ‘yung fireworks.
Bakit kaya gusto ng girls ng mga ganito? Nakakasakit lang ng leeg.
Bwahaha!! ‘Wag niyo ‘ko isusumbong!
“Pa’no ba ‘yan, eh ‘yung oo ‘ko?” Bwahaha! ‘Eto na ‘yon!
Humarap siya sa’kin. “Sige na nga, oo—Aaahhh!!” Nang biglang
umandar at biglaang huminto yung Ferris Wheel. “Hala?! Anong
nangyari?!” Tumawag ako sa mga manong sa baba at isang masamang
balita…
“WHAT???!!! Okay… Bye.”
“Anong nangyari?”
“Ah Queen, mukhang lalasapin natin ang gabing ito nang mas matagal
sa inaasahan.”
“Bakit?”
“Mga ilang oras daw tayo maghihintay, may kaunting sira raw—.”
“Ah?! Gusto ko pa naman mag-CR! Pong naman!”
“CR ka na dito—.”
“Gusto mo bang ikaw ang pagbanyuhin ko rito?”

162
VOLUME TWO

“Okay lang ba? Ihing-ihi na din—AAAHH!!” Pinalo na naman ako!


“Sasapatusin kita diyan, Pong.”
“Mahalin mo na lang ako.”
“Ayoko.”
“Sa’kin?”
“Hindi ah!”
“’Edi gusto mo ‘ko?”
“Ah?”
“Ah wala kang gusto sa’kin.”
“Mayro’n.”
“’Edi mahal mo ‘ko.”
“Ah!? Oo, pero teka—.”
“Ano, tayo na!?”
“Sabi ko…TEKA! Hindi, TAYO NA—.”
“Ayan! Sinabi mo! Tayo na Liz!?? Wooooh!! Tayo na!!”
“Ang baliw—Ay ewan.”
“Bwahaha!” Hinawakan ko yung kanang kamay niya saka ko hinalikan.
“Sumuko ka na. Hindi ko kakayaning wala ka Queen dahil… Neseye
ne eng lehet, pete eng pese ke…”
“Ay nako! Oo na nga, nakaka-awa ka baka mas lumala ka kapag—.”
Siyempre… Gulatan lang ‘yan!
“Pati kiss ko Queen, na sa’yo na rin.”
Bwahaha! Happy Valentines Day mga Irog!
-=-
Halos isang oras na rin kami ah. Tahimik lang kaming kumakain at
nagtititigan kanina sa restaurant. Ngayon, nandito lang kami sa labas

163
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

ng sasakyan ko at nakatanaw sa magandang view ng Tagaytay. Mahilig


daw kasing mag-sight seeing si Chris, ayon kay Nads. Kulang sa oras
kaya dito sa Tagaytay kami nagpunta. Kaso ang tahimik niya. ‘Eto na
ba ‘yung tinatawag na ‘silent dating’? Nakakakaba naman kasi, hindi
nagsasalita si Chris. ‘Di ko tuloy alam baka hindi pala niya trip ‘tong
date namin at napilitan lang siya.
“Ah, Chris?” Nakatingin ako sa kanya habang siya naman ay malayo
lang ang tingin. “’Wag kang magagalit ah?”
“Depende.”
“Ah?” Tumingin siya sa’kin.
“Depende kung tungkol sa’n.” Nga naman, Baste. “Ano ba ‘yun?”
“Ah… Galit ka ba sa’kin?” Tanong ko.
“Ah? Hindi. Bakit?”
“Eh, kasi… Kanina ka pa seryoso. Hindi pa kita nakitang ngumiti man
lang,” sabi ko habang nakatingin ako sa kanya at napangiti na lang ako
nang ngumiti siya. Sa wakas! Kanina pa ‘ko kinakabahan sa kanya.
“Ganito lang ako.”
“Kala ko kasi napilitan ka lang sumama.”
Binalik na niya ‘yung tingin sa view. “Hindi ako sasama kung hindi ko
gusto ang sasamahan ko.”
Sign na ba yan Chris!? “Ah…” Sebastian, ang ngiti mo pigilan mo.
“Ikaw, baka napilitan ka lang—.”
“No! Hinding-hindi.”
“Marami ka sigurong inaya at ako lang ang pumayag—.”
“Hindi Chris. Ikaw lang ang inaya kong mag-date.” Hindi naman ako
salawahan.
“Good. So may gusto ka sa’kin?”
“Oo naman—.” Napatingin ako bigla sa kanya na nakatingin na sa’kin.

164
VOLUME TWO

Nice Baste, napa-amin na agad. Pero ‘yon naman ang totoo. “May
gusto talaga ako sa’yo.”
“Gusto…”
“Oo Chris, at kung pagbibigyan mo ‘ko… Gusto kitang ligawan.” Sabi
ni Luke diretsahin ko na raw. Pero kakabasted lang ng isang ‘yun,
mukhang delikado kung susundan ko ‘yung yapak niya.
“Sige.” Tumingin siya sa’kin. Tumalon ata ang puso ko. Sige raw!
“Hihintayin kong mawala ang pagkagusto mo sa’kin.”
Bigla akong naguluhan. “Ah? Teka, hindi ka ba naniniwala—.”
“Naniniwala. Kaya umaasa ako na hindi mo lang ako gugustuhin.”
Tumingin siya sa malayo. “Na mamahalin mo rin ako.”
Nagulat ata ako sa sinabi niya. Teka… Tama ba ang rinig ko?
“I won’t settle for flings and past time relationship. Hindi ako gano’n,
Basty. If that’s what you want—.”
“Of course, gusto ko ng long time relationship! Forever pa nga eh.”
Nagulat lang talaga ako na diretsa niya ‘kong sinagot. ‘Di man lang ako
nasabihan ni Nads na mas direct to the point pa pala sa’kin si Chris.
“Then we have a deal.”
“Naman!” Ibang klase. Kala ko, siya ang magugulat sa pagpapaalam
kong ligawan siya. Ako pa ang nagulat. Pero tama siya, hindi pwedeng
gusto ko lang siya. Hindi ako tulad ng iba na dahil lang gusto ang isang
tao, sige sugod na. Kikilalanin namin ang isa’t isa para dumating kami
do’n sa salitang MAHAL.
“Basty.”
“Oh—.” Napatigil ako pagharap ko sa kanya. Bigla siyang kumuha ng
picture. May dala pala siyang camera.
Habang tinitingnan ‘yung kuha niya sa camera. “Mahilig ako sa
camera, I love taking pictures. That’s my passion.” Sabi niya.
Kita mo nga naman. Parehas pa kami. Nilabas ko yung camera ko.

165
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Mahilig din ako sa pagkuha ng pictures. Lalo na ‘yung may natural


beauty.” Tumingin siya bigla sa’kin at saka ko siya kinuhanan ng
picture. “Oh di ba? Sabi sa’yo eh.”
The most straightforward Valentines I ever had. Happy Valentines!
-=-
Hate it! The most hilarious Valentines, ever. Mali ata ako ng decision
sa pagtanggap ng maraming date this day. Ang sakit ng paa ko dahil
nakipag-marathon ang beauty ko! Kaya ngayon, I’m here in this bar at
medyo naka-inom na rin, I’m a little tipsy. It’s midnight already and
I know, busy ‘yung tatlo sa mga dates nila… I won’t disturb them, of
course.
“Hi miss.” Ay nako, I have no time for this. Siguradong makikipag-
flirt lang ‘to. Hindi ko gusto ang araw na ‘to, though I had five dates
in a row, I feel very empty. Well, hindi ko naman kasi gusto ang mga
ka-date ko. They’re just, you know, for fun. Not into commitment or
anything.
Aalis na sana ako sa tabi no’ng guy pero hinawakan niya ‘yung braso
ko.
Inalis ko ‘yung kamay niya. “Don’t you dare touch me.” Naglakad na ko
paalis sa puwesto ko. Hindi ko siya kilala… Or makilala, dahil nahihilo
na ‘ko.
Naglakad ako pero I don’t know where to go. Hanggang sa…
“AH!” I was trapped with these dancing people. Hindi ko alam na
nandito na pala ako sa dance floor. Wrong way… Ouch, my head hurts.
“Hey, tulungan na kita.”
“Miss, you need help?”
May mga nakahawak na sa braso ‘ko. “Let me go!” Inalis ko ‘yung mga
hawak nila. “I don’t need any help!” Most especially sa mga guys na
tulad nila. Oh great, my head hurts, my sight spins around. Tatayo na
sana ako uli but again, may humawak na naman sa’kin.

166
VOLUME TWO

“Tara na miss sa table namin, mukhang mag-isa ka lang din naman.”


“Stop—Ano ba! Let me go! I don’t want—Hey!”
“Sige na. Valentines naman, ‘wag ka ng pakipot.”
“I said, let me go—Aaah!” Bigla akong bumagsak. I don’t know what
just happened. Ang dilim-dilim and umiikot talaga ang sight ko. Oh, I
need those girls now… I think I’ll pass out na. Ano bang nangyayari?
“Ano ba? Bakit ka nangingialam dito?” Ah… Voice of a man, a very
mad man.
Then I felt someone’s hands, very careful hands, na umaalalay sa’kin
patayo. Tumingin ako, but I can’t see anything.
“Teka! Kami ang unang—.”
“Magtigil ka kung ayaw mong sa kulungan kita ipadala.” Narinig kong
sabi no’ng lalaking may hawak sa’kin. My bad, I can’t see his face clearly.
Naglalakad na kami…
“Sira pala ‘tong isang ‘to!”
Huminto kami sa paglalakad. “Pakilabas ‘yang isang ‘yan bago
makaladkad ‘yan. Sige na.” Dominant, but I like his voice…
“Opo, Sir.”
“Sinong…” Tumingin ako kung sa’n ako dadalhin nito. “Sa’n mo ‘ko
dadalhin!??”
“Sa CR.”
CR?! “Hey—I’m saying…”
“I’m just helping you out, miss.”
“No, I don’t want your help. So let me go—.”
“Kung may dapat na tinutulungan dito, ikaw yun, miss. Wala akong
gagawin sa’yo, tinutulungan lang kita dahil lasing ka at nasa bar ki—.”
“Hindi ako lasing—AHH!” Binitawan niya ‘ko pero bigla niya rin
akong sinalo.

167
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Hindi nga.” Sabi niya. “Ayan, gigisingin kita.” Bigla niya ‘kong dinala
sa sink.
“Huh? Hey hey hey! What—.” Oh God, what the hell is this man’s
problem? Bigla akong hinilamusan! “Stop—uhmm! STOP!” Inangat
ko ‘yung mukha ko and I faced him. “What do you think you’re doin’
uh!?” Oh… Nakita ko na rin siya sa wakas nang mas maayos. Tall, not
dark – not white, and yes, purely handsome.
“Hinilamusan ka.”
“Yes, I know. I meant, bakit mo ‘yun ginawa?!”
“Dahil kailangan mong magising, miss. Kung hindi, pagmumulan ka
ng gulo dito sa bar.”
“Me?!”
“Oo, kaya ngayong ayos ka na, dapat siguro umalis na rin ako. Sige
na—.”
“Wait! What’s your name!?”
“Bakit?” Say what!? ‘Yung iba, ako pa ang tinatanong ng pangalan
tapos siya? Bakit daw?! No respect for this kind of beauty?!
“Just askin’, you know? Baka sakaling magkita tayo and—.”
“Hindi na siguro kailangan. Hindi na tayo magkikita. Sige, ingat ka na
lang.” Sabi niya at saka nag-exit!
“Ah! I can’t believe this man—wow, just wow!” Inis. Jerk!
I wiped those water na nasa face ko. Fine! Wala rin akong balak
makipagkita sa’yo.
What a Happy Valentines Day.
-=-
Buti na lang nandito ang ka-date ko. Anong sinabi nila sa date kong
maganda na, masunurin at maalaga pa? Tapos, nandiyan pa palagi para
sa’kin. ‘Yun nga lang, masyadong cheesy ‘to. Lagi akong hinahalikan.
Meet…

168
VOLUME TWO

“Suzzaine!” Tawag ko sa kanya.


“AW! AW! AW!” Sabay sunggab sa’kin.
Si Suzzaine ay isang Golden Retriever na highschool pa lang ako eh
nasa akin na ‘yan. Kung nagtataka kayo kung sa’n galing ang pangalan
niyang Suzzaine, galing ‘yun sa girlfriend ko dating namatay dahil sa
isang aksidente.
Ang totoo niyan, hindi naman kami seryoso nang maging kami no’ng
highschool ako. Biruin mo, first year lang ako? Pero kasi, mabait siya
sa’kin, kaya nang mamatay siya, medyo nalungkot ako. Bumili ako ng
aso at ipinangalan ko sa kanya.
Kaso mukhang lumipat kay Suzzaine ang kaluluwa niya. Naging instant
gf ko ang aso na ‘to, lalo ngayon na basted ako! Siya pa rin ang kasama
ko hanggang Valentines day.
“Tara Suzzaine! Kain tayo, come! Come!” Sabay tayo ko at saka ako
tumakbo. Humabol naman siya. Nandito kami sa park at as usual,
puno na naman ng mga lovers.
Bakit nga ba ako malulungkot, eh may aso ako!
Kasi naman… Nagpahinga na nga ako ng halos tatlong araw, kala ko
moved on na ‘ko. ‘Di pa pala. Masyadong malakas ang tama ko kay
Nads. Pero ano pa nga ba?
Panibagong mamahalin lang ang sagot diyan… Good luck na lang
kung kailan.
Sa ngayon, kay Suzzaine muna tayo.
“Malay natin, baka kami pala ni Nads ang meant to be, Ahaha!”
“AW! AW! AW! AW! AW!” Sabay sunggab na naman sa’kin ni Suzzaine.
Napabagsak ako.
“Ahh! Suzzaine!” Kita mo, selosa! Tsk tsk. “Oy Suzzaine! Chansing
na ‘yan!” Hinahalikan ako. Delikado, kapag hindi ako naghanap ng
babaeng papalit kay Nads. Baka forever na aso na lang ang kasama ko.
Patay tayo diyan.

169
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Happy Valentines na nga lang—“Suzzaine!!”


-=-
After ng class kay Miss Dimaano…
Patay na… Paano ko naman uumpisahan kay Mokong ‘yung tungkol sa
Food Trip namin sa Cebu? Kanina pa ‘ko hindi mapakali rito sa upuan
ko. Pauwi na kasi kaming dalawa at ‘di puwedeng hindi ko masabi sa
kanya ang tungkol dito.
“Freak.” Habang nakatingin siya sa daan.
“Oh?” Gulat ko at napatingin ako sa kanya.
“Do you need to go to the CR?”
“Ah??” Anong CR!?
“You don’t look okay. Hindi ka mapakali sa upuan mo, Freak. I think,
you need to—.”
“NO!” No, ayoko na marinig ang kahihiyan na yan. “Hindi ko kailangan
ng CR.”
“Then what? What do you need?” Tanong niya.
“Permission?”
Kumunot yung noo niya pero nakatingin pa rin siya nang diretso sa
akin. “For what?”
“Kasi… May out of town trip ang class namin sa Cebu.” Cool lang
Nads…
“Ah, okay, I get it. When? So I can clear my schedules.” Sagot niya.
“Ah… Sa Friday?”
“Great, I’ll be with you on Friday.”
Patay na. “Ah, Mokong kasi…” Hindi siya nagsalita kaya tinuloy ko
na lang. “Kasi ano… Hindi pwedeng magsama ng relatives, friends, at
boyfriends.” Nagulat ako nang biglang huminto ‘yung sasakyan. Sabay
tingin niya sa’kin.

170
VOLUME TWO

“Why? Bakit bawal, Freak?”


“Ah…? Kasi no boys allowed daw. Ayun… Ayaw ng prof namin.”
“Sigurado bang prof niyo ang may ayaw?”
“Oo naman. Three days lang naman ‘yun eh.” Sabi ko.
“Tss.” Sabay harap. “Three days is enough to make my life freaking
boring without you.” Ahh… ‘Yun naman pala ‘yun.
“Mag-iingat ako and I’ll call you every hour, if you want.” Assure ko.
Tumingin siya sa’kin. “You don’t have to do that, Freak.” BASAG! Kala
ko pa naman sasabihin niyang gawin kong every thirty minutes. “I
don’t want to be a burden. All I want is for you take care of yourself
and always remember speed dial one. My direct number, remember?”
“Yup.”
“Okay, just don’t do things that will make me grumpy.” Saka siya
tumingin sa’kin.
Tumawa naman ako. “Of course, Mokong. Anong akala mo sa’kin?
Manglalalaki?”
“It’s our time na magkaroon ng girls time! Lalo na at may mga guys na
kayo.” Sandy
“That’s right, we can do anything we want!”
“Pa’no si Pong mo?” Tanong ko.
“Ngayon lang naman Nads, after this... Balik na naman tayo dito sa
Manila.”
“Ako ayos lang, wala akong commitment.”
“Well, how about you Nads?”
“Ah? Ewan—.”
“Just forget about your Mokong muna. We’ll just enjoy our temporary
freedom.”
“Hands up!” Liz

171
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Me too.” Chris


“Same here.” Sandy
“Okay, count me in!”
Hay nako naman – oo!
-=-
Am I doing the right thing? Hindi ako mapalagay at pinayagan ko si
Freak. Not because I don’t trust her, but I don’t think everything will
go smooth and without any trouble. I’m just afraid something might
happen to her.
“Captain! I’m late! Sorry.” It’s Adrian.
“Yeah, warm-up.”
“Gano’n na ba tayo Captain? Wala ng pakialamanan? Malamig na ang
ating pagtitinginan?”
Tumingin ako sa kanya. “What do you want? Okay, I’ll give you—.”
“Captain, madali akong kausap. ‘Wag mo na ‘kong pakialaman, please!
Bwahaha.”
“Tss.”
“Nga pala Captain, may lakad ka ba sa Friday?”
“No, nothing.”
“Ayos, sama ka sa’kin. Cebu tayo, Captain.”
“Wait, diyan pupunta sina Freak—.”
“Exactly! Kung ‘di mo kasi naitatanong Captain, kami na ni Liz.”
“Tss, poor soul.”
“Grabe naman! Bwahaha. Pero alam mo naman Captain, kailangan
kong bantayan ang Miss Universe ng buhay ko. Nagkalat ngayon ang
mga lalaki, parang tindahan ni Aling Puring. Kahit sa’n, meron!”
“Captain, sorry, late ako.” Si Luke.

172
VOLUME TWO

“Why do I have this bunch of late comer players, tss!”


“At least, kapaki-pakinabang. Kaysa naman…” Then Luke stared at
Adrian.
“Bwahaha! Makatingin ka. Pero Luke, gusto mo bang sumama? Baka
makahanap ka ng papalit sa nambasted sa’yo!”
“Spell g*go,” Luke said.
And I answered, “A-D-R-I-A-N”
“BWAHAHA! Magaling kayo sa spelling ah.”
“Oh, ang aaga niyo ah. Captain, sorry late ako.” It’s Sebastian. Another
late, for the first time. “Medyo napuyat lang.”
“Ganyan ‘yung mga nangliligaw na masugid, laging puyat
kakatelebabad! Bwahaha. Ikaw Baste? Sama ka? Cebu tayo sa Biyernes.”
“Sagot mo ba?”
“Sige, sagot ko na papandesal. Okay, call na tayo! Humanda ang mga
girls na ‘yan. I smell something fishy diyan sa mga pa-no boys – no
boys allowed na ‘yan.”
I think I can fit to that rule. I’m not a boy - I’m a man. Tss!
-=-
Baliw talaga ang mga ‘to. Pinagsuot ba naman ako ng bikini! Nandito
na kami sa Cebu at nagpahinga muna kami pagkarating dito. Katabi
ng beach ang hotel namin kaya nag-relax muna ang class namin. Hindi
man lang nga ako hinatid ni Mokong paalis, galit kaya ‘yun? O baka
naman wala na siyang paki-alam sa’kin? ‘Di kaya nagsasawa na siya?
“Tara na Nads! Tama na ‘yang si Troy sa utak mo.” Si Liz.
“Troy ka diyan.” Saka ako tumayo at inayos ‘yung sarong ko.
“Asus, kung hindi pagkain, si Troy lang naman ang nasa utak mo.”
Tuloy pa niya.
“Ewan sa’yo. Pagkain, che.” Then nakalabas na kami. “Oy! Teka-teka!
Ano ba?!” Kasi hinatak ni Liz at Sandy ‘yung sarong ko! Hala naman!

173
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Ang exposed ko!


“Perfect!” Sabi ni Sandy. “Don’t worry Nads. Wala si Troy dito and
wearing bikinis here is not prohibited.” Sila pa nga ang pumili nitong
bikini ko. Kulay orange, one piece pero may biyak sa magkabilang gilid
ng waist para madagdagan ang S-line ng katawan. Backless at medyo…
Nagmamalaki ang hinaharap ko. I’m so sexy and I know it.
“Be bold! Be Nads!” Sabi ni Liz. “Let’s go girl! Ngayon ka lang nagsuot
ng ganyan.” Sabay hatak sa’kin. Bakit si Liz, hindi naman ganito ka-
sexy ‘yung suot! Orange pa talaga.
“Oh, sa’n tayo papunta?” Kasi patakbo na kaming apat.
“We’re going to our target, Nads!” Sabi ni Sandy. Target?
“Kunyare may mababangga na isa sa’tin sa kanila, okay?” Si Liz habang
tumatakbo kami.
“Mababangga? Sinong mababangga—AAHH!!” At bigla akong tinulak
ng mga bruhang ‘to! Para tuloy akong tumama sa napakatigas na
pader! Pader?
“Nads! Nako si Nads! Ayos ka lang!??”
Tumingala ako. HALA KA! Teka!??? “Adrian!??” Habang tinutulungan
niya ‘kong tumayo at nakatingin lang ako sa kanya. Teka? Nasa’n sina
Sandy?
“Pong?!” Si Liz.
“Aba… Ang sexy naman ng Queen ‘ko! Bagay sa’kin, macho!”
Napangiti si Liz. “Siyempre—.”
“Pero anong ibig sabihin niyan, Queen!?? Bakit mo naman pinapakita
ang mala-sutla mong balat sa iba…”
“’Wag tayong OA, Pong.” Sagot ni Liz.
Hanggang sa maya-maya. “OA ka pala Pong eh. Wala ka… Hi girls!” Si
Luke! At tumingin siya sa’kin. “Hi Nads.” Nakangiti siya.
Omo! Nasa’n ang sarong ko?! Please!! Ayoko na. Ilabas niyo ang

174
VOLUME TWO

sarong ko! Pero teka—wait! Kung nandito siya, edi nandito rin si…
MOKONG!
“Bakit kayo nandito?” I mean, ang pangit ng tanong ko ah. “I mean—.”
“Nads naman, parang ayaw mo naman kaming papuntahin dito.” Si
Luke.
“Hindi naman sa gano’n.”
“Oo nga! Bakit ba kayo sumunod?” Tanong ni Liz.
“Siyempre naman Queen, para samahan kayo…” Proud na sagot ni
Adrian.
Pero sumingit si Chris. “Baka bantayan…”
Na sinalag naman ni Basty. “Hindi Chris, alagaan…” Asus… Ang
dalawang ito.
“Walang tiwala?!” Tanong ni Liz at humarap kay Adrian.
“Hindi… Walang kasama…” Sabay hawak sa kamay ni Liz.
“Well, I think, everything will be more exciting, Nads.” Si Sandy at saka
tumuro sa kung saan na sinundan ko naman ng tingin.
“Adrian!!! Where can I find, Freak!??” Narinig ko na ang boses niya
na palapit na! Bigla akong tumalikod at papatakas na dapat. Kaso—.
Hinarangan ako ni Luke!! “Hey! I’m asking you—.”
“Captain, hindi mo pa ba nakikita si Nads?” Tanong ni Luke. Habang
natatawa pa.
“Not yet, but—sh*t.” Bigla akong hinarap ni Luke kay Mokong! Iyak
na! Nakatitig siya sa’kin, mula ulo hanaggang paa, tapos paa hanggang
ulo! Mula skin up to organ, hanggang tissue at cell I’m so bare.
NATUTUNAW AKO!
“Eh… Mokong. Hi.” Alanganing bati ko. Nako, patay ako! “Magpapalit
lang ako—.”
“Why?” Biglang sabi niya.
“Why?” Ulit ko. Nagngisian naman sila. “Kala ko ba ayaw mong—.”

175
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Ah? Yes! I mean,” Napa-ubo siya. “I mean, why are you wearing that.”
Nakakapangilabot tuloy. Orange na orange pa ‘ko. Desire—STOP!
“My idea!” Si Sandy. “Nasa beach kami, ayoko namang mag-shorts at
sando si Nads. Kaya, I think it would be better na magsuot naman siya
ng ganyan.”
“Yeah.” Si Mokong at napatingin ako bigla. “I mean, yeah, it’s a beach
but don’t expose your body, Freak. Let’s go. I don’t want others to see
you while you’re wearing that.” Sabay hawak sa’kin at naglakad kami
palayo.
“’Yan ang tinatawag na selfish. Bwahaha!”
Nagpalit ako ng damit. Hindi lang din dahil sa sinabi ni Mokong pero
dahil hindi rin ako komportable sa suot ko. Tama naman si Mokong,
hindi ko na kailangang magpakita ng bare skin para maging sexy. Sexy
na ‘ko sa kanya! Palakpakan mga baby fats kong tunay!
‘Eto, naghiwalay kami ng grupo kasi dumating bigla ‘yung prof ko.
Kaya sina Mokong, naka-upo lang sa sun bathing chairs at nakamasid
lang sa’min.
“Tara na girls. Upo na tayo.” Aya ni Liz.
Pagkarating namin sa puwesto nila Mokong. Uupo na sana ako sa tabi
niya, sa kabilang chair, nang biglang umupo do’n si Prof Dimaano! No
choice, lipat ako sa kabilang upuan at sumunod na lang ‘yung tatlo.
Ganito itsura namin oh…
Baste – Adrian – Luke – Mokong – Prof ko – Ako – Sandy – Liz – Chris
Maya-maya, nagpaalam yung prof ko. Kaso ‘di pa rin ako makakalipat
kasi sabi niya, babalik siya. Malas…
“Hi miss, may naka-upo?” Ay… Mukhang wala naman. Nakita ngang
wala eh.
“May kasama kami, umalis lang saglit.” Sagot ko.
Napatingin ako kay Mokong na naka-shades, topless, shorts, smoking
hot! Mukhang nakatulog na at hindi napansin ang guy na ‘to. Buti

176
VOLUME TWO

naman…
“Sayang, tatabihan pa naman sana kita.”
“Ay, buti na lang may naka-upo.” Sabay ngiti ko. Ang flirt ni Kuya,
shupe!
“Tss.” Aba… Gising ang Mokong ko. Oh, di ba!? Behave ako!
Kaso, naghahanap ata ng sakit ng katawan itong lalaking ito. “Pero
wala pa naman, dito muna ako—AHH!” Napa-iling yung lalaki nang
biglang hilahin ni Mokong ‘yung sunbathing chair nang papa-upo na
‘yung lalaki! Napa-upo tuloy sa sand ‘yung guy.
“Anong problema mo—.” Napatigil siya nang makita niya kung gaano
kabakulaw sa laki ang boyfriend ko na naka-shades pa! Ako dapat ang
mag-shades, Mokong! You’re pandesal is so bright in the morning sky,
you know.
Tumayo ‘yung lalaki, sabay iwas at saka tinaob ni Mokong ‘yung
upuan ni Ma’am.
“Better.” Sabi niya sabay balik sa pagkaka-upo niya. Napangisi na lang
ako.
Para akong may bodyguard in an instant.
“Teka? Anong nangyari rito?!” Uh-oh… Si Ma’am! ‘Yung tatlong girls
naman nakatulog na ata. Napabangon ako pero to the rescue na si
Adrian.
“Ah, miss.” Sabay bangon ni Adrian. HAHAHA! Miss daw! Nag-blush
tuloy si Ma’am!
“Ah, yes?” Iling ni Ma’am na medyo bumata ang boses nang mga twenty
years. Para namang nabilaukan ‘tong sina Sandy. Halatang nagpipigil
ng tawa. Gising ang mga bruha!
“May dumaan kasi na aso, tinamaan ‘yung upuan. Tsk.” Paliwanag ni
Adrian. At this time, sina Luke naman ang mga nagpipigil ng tawa.
Ginawa pang aso si Mokong ko.
“Gano’n ba… Okay lang.” Sagot ni Ma’am habang binabalik sa ayos

177
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

‘yung upuan.
Narinig ko namang nagsalita si Sandy. “Liz… Be careful, your Pong is
in danger.”
“I think you’re right…” Sabay ngisi.
“Ah teka, Nadine.”
“Po, Ma’am!?”
“Kukuha lang ako ng juice, pakibantayan mo nga uli ‘tong upuan ko.
Baka may dumaan na namang aso.”
“Don’t worry Ma’am. Itatali ko ang asong ‘yan pag dumaan.”
Maya-maya naman…
“Hi.” Boses babae. Napalingon ako sa babae na naka-upo pa sa upuan
ni Ma’am at nakatingin kay Mokong! Inalis naman ni Mokong ang
shades niya.
“Ah, nag-truth or dare kasi kami ng mga kaibigan ko. And dare ang
pinili ko. Thing is, yung dare, I need to ask you a favor. Pakilagyan
naman ng lotion ang likuran ko. Sana okay lang. Just for fun.”
Aba… Igapos ko na kaya ang gwapong asong iyan?! Aba! Teka! Biglang
bumangon si Mokong at si girl automatic na tumalikod kay Mokong!
Bumangon ako at pumunta sa harapan ni Mokong. Natawa naman
siya, ABA!
Habang nakatalikod si girl, inabot niya yung lotion. “Here, thank
you—.”
“No, thanks.” Sagot ko, pagkakuha ko no’ng lotion.
Humarap siya. “Wait, teka—.”
“Boyfriend ko ang inuutusan mong maglagay ng lotion sa likuran mo,
miss. At isa pa, bulag ang boyfriend ko.” Napatingin naman siya kay
Mokong na naka-shades. “Kaya, mukhang talo ka na sa dare niyo. ‘Di
niya magagawa ang gusto mo.” At umalis naman siya na napapatingin
kay Mokong at parang chinecheck kung bulag nga ba ito.

178
VOLUME TWO

Humarap ako kay Mokong pero bigla niya akong hinatak pa-upo sa
lap niya.
“Mokong!” Napatingin ako sa paligid. “Baka makita ako ni Ma’am!”
“I don’t care. All I know is that… I’m blinded by love.” At sabay kiss
sa’kin nang mabilis. Habang naka-yakap sa baywang ko.
“Speaking of blind. Si Luke din blind na blind! Bwahaha! ‘Wag naman
daw sa tabi niya, bastusan!?? Bwahahaha!” Si Adrian. Nga pala! Si Luke!
“Tulog na ‘yan, Adrian. ‘Wag mong hintayin na magising kung ayaw
mong dito sa beach ang maging venue ng burol mo.” Si Basty.
“Bwahaha! Hindi naman tulog ‘yan—AH! Ah, tulog nga! Bwahaha.”
Pinalo ni Luke ng tsinelas si Adrian habang nakahiga siya at naka-
shades din.
Hinarap naman ni Mokong ‘yung mukha ko sa kanya. “Don’t mind
that crazy man. Relax…” Saka niya ‘ko binuhat at nilipat sa upuan
ni Ma’am. Inihiga niya ‘ko nang dahan-dahan, at dahan-dahan din
lumalapit yung mukha niya sa’kin. “My girlfriend shoul relax—.”
“Si Ma’am!” Sigaw ni Liz.
Napabangon ako bigla at nagka-untugan kaming dalawa kaya napataob
kaming dalawa sa upuan. Napaibabawan tuloy ako ni Mokong!
“Hey! Hey! Anong nangyayari diyan?!” Patay! Si Ma’am nga!
Habang abala kami sa pagtayo nang maayos ni Mokong… “Ma’am,
that’s what you call CPR live training!” Si Adrian.
“CPR live training??” Ulit ni Ma’am. Naka-upo na ‘ko sa upuan ‘ko. To
the rescue na si Adrian.
“Yes ma’am, gusto niyo ba ng sample? Ah Capt—.” Napahinto siya
nang titigan siya nang masama ni Mokong. “Ah, yung sample Ma’am…
Kapag nasa kondisyon na po—.”
“Hanapin niyo lang po siya.” Bumangon si Luke sabay akbay kay
Adrian. “Siya ang expert diyan.”

179
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Bwahahaha! Magaling ka diyan? Wala nga akong pakialam kahit may


malunod pa diyan. Ah, if you excuse me, Ma’am.” Sabay takas.
Si Ma’am naman, napatingin na lang sa’kin at kina Mokong.
“Girls,” Tawag niya. “I think you should all be at your rooms. Now!”
Ano pa nga ba?
-=-
Panibagong araw na naman nang maisipan ni Ma’am na tawagin
kami, at kami raw ay maghanda na para sa aming immersion.
Nandito kami sa tour bus namin at hindi na namin nakita sina
Mokong ngayong umaga. Parang no’ng gabi lang din, nagtext siya, may
inaasikaso lang daw sila na importante. Mukhang nag-iingat ang mga
‘yun, tama ‘yan.
“This time, we’re alone na girls.” Sabi ni Sandy.
“Yes, exciting ‘to. Pero nami-miss ko si Pong.”
“Ako rin…” Bulong ko.
“Fine, kayo na. Can’t fight those burning heart of yours.” Dagdag
naman ni Sandy.
Magkatabi kami ni Sandy, sina Liz at Chris naman ang sa kabila. Okay,
mukhang all set na at ang driver na lang ang hinihintay namin.
“Umayos na kayo girls. Maya-maya, darating na ang—.”
“GOOD MORNING GIRLS!”
Nagsitinginan ang lahat sa lalaking nasa harapan ng bus. Hindi! Hindi
basta lalaki, MGA lalaki, sa harap ng bus! Nasa likod sila ni Ma’am.
Si Adrian. “Good morning girls, we’re your tour guides for today’s trip.
Let’s all have fun! Bwahaha!”
Humarap naman si Ma’am sa kanila. “Teka!? Kayo ‘yung nasa beach
kanina, di ba!?”
“Anong kalokohan na naman kaya nila Pong ito?” Si Liz.

180
VOLUME TWO

“Not sure, but I think it will be more exciting.” Sabi ni Sandy.


Sumagot naman si Basty. “Opo Ma’am. Kanina mga lifeguards po kami.
Ngayon naman, mga tour guide na at… I’m the driver at your service.”
Sabay salute ni Basty sa buong klase kaya ang mga ito naman… Mga
parang nasapian at nahimatay sa upuan.
Tumingin naman si Ma’am kay Luke. “Ah, Ma’am.” Nag-smile si Luke at
mukhang nagayuma niya si Ma’am dahil kitang-kita ang spark sa mga
mata nito. “I’m one of the tour guides. Hope you’ll like our service.”
“Grabe, kahit ‘wag na tayong umuwi ng Manila!”
“Oo nga! Grabe!” Mga classmates ko. RD ba naman makakasama mo
sa trip niyo.
“And you?” Sabay tingin kay Mokong.
Tinitigan lang ni Mokong si Ma’am. Patay na! “They’ve all said what you
need to know… Ma’am.” Sabay lakad papunta sa likuran at sinundan
lang ni Ma’am si Mokong ng tingin!
Nilapitan naman agad ni Adrian si Ma’am. “Ah Ma’am! Nako,
pagpasensyahan mo na po ‘yon. Hindi nakatanggap ng suweldo niya
kaya ganyan, bwahaha!”
“I see…” Sagot ni Ma’am.
Si Mokong naman papunta na sa direksyon namin.
“Okay, fly na ko.” Sabay alis ni Sandy at pumunta sa three seater at
sumunod naman ‘yung dalawa sa kanya.
Umupo sa tabi ko si Mokong. “Mokong, ano ka ba? Baka makita ka ni
Ma’am.”
“It’s okay, Freak. I’ll tell her that I’m your personal tour guide. Fully
paid, forever.”
“Nako, sa’n naman tayo pupunta? Sa’n niyo kami dadalhin?”
“I don’t know.” Simpleng sagot niya.
“Eh, si Adrian naman siguro alam niya?” Tanong ko.

181
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“I don’t think so.”


“What?! Bakit? Teka, pa’nong—Mokong…” Bigla kasing umakbay
sa’kin at nilapit niya ‘ko sa kanya.
“Just don’t panic, okay? I’m here, ano pang problema? Trust me,
everything will be fine.” At yumakap na lang din ako sa waist niya.
“Sige na nga. Madali akong kausap, Mokong. Siguro naman kasi sanay
na kayo rito.”
“Not really, but we have a map.” May map naman pala—MAP!??
MAPA!??
“Mokong—.”
“Ssshh.” Sabay kiss sa noo ko. “Relax, Freak.”
Ano ba naman ito? Kung ganito lang din naman, aba ayos na ‘ko!
Mukhang aasa na lang kami sa Mapa… Delikado! Dora the explorer
where are you!?
-=-

182
VOLUME TWO

and the DRAGONS!

What’s on your mind? We’re not mean; we’re not nasty;


we’re not sassy; we are B.I.T.C.H.’es - Beautiful Individuals
That Create Haters! So back – off, please!

Ano na nga lang ba ang naghihintay sa’min kung ganito ang mga
tour guide namin? Nakakaloka, pero mukha namang masaya dahil
kumpleto ang barkada. Pa’no na lang kung kasama pa ang buong RD?
Lagot na. Buti apat lang ang sumama…
“Grabe… Ang sweet.”
“Hindi ko na kaya, lipat na tayo girls.”
“Better idea.” Mga classmates ko na nasa kabilang upuan at nakakakita
ng pagiging ‘Huggaddictable’ nitong si Mokong. Parang octopus na
nakapalupot sa’kin eh. Pero ayos lang!
“Mokong, kaunting luwag ng yakap. Nakikita tayo nung mga classmates
ko.” Joke lang Mokong! Higpitan mo pa! Anu be…
Siya naman itong nakapatong ang noo sa balikat ko. Naka-off shoulders
pa naman ako.
“I don’t care about them. Ang akala ko nga, tayong dalawa lang nandito.”
“Asus, Mr. Tourguide, kailangan mo ng mag-trabaho do’n sa harapan.
Baka ipasisante kita—.” Mas lalo pang hinigpitan ni Mokong ‘yung
yakap niya. “Kaunti na lang makikiliti na ‘ko, Mokong.”

183
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

In a sexy - lazy voice…“My only job is to make my Freak happy,


everyday of my life. And I’m just doing my job, Ma’am.” Saka niya
hinalikan yung balikat ko at naramdaman kong nag-smile pa siya.
Pasensya na, hindi ko maiwasang mangiti. Ang landi ng Mokong ko!
Hinawakan ko na lang ‘yung kamay niya at tumingin ako sa labas.
“Well, good work.”
-=-
“Papa-alis na tayo kaya wag na kayong masyadong magulo sa mga
upuan ninyo…”
Oh my! “Mokong! Mokong! Si Ma’am papalapit dito. Mo—kong, ano
ba?!” Habang inuuyog ko siya.
“Let her…”
“Hindi pwede.” Habang inaalis ko ‘yung braso niya. Nako patay, ayan
na! “IKAW!” Sigaw at sabay tayo ko. Nagtinginan silang lahat sa’kin,
maging si Mokong nagulat.
“What?” Tanong pa niya. Nakatingin ako sa kanya at sumesenyas na
sumakay na lang. Nasa likuran na kaya namin si Ma’am!
“Hindi mo ginagawa ang trabaho mo. Petiks ka lang? Aba! Hindi
pwede ‘yan.” Lumingon ako kay Ma’am. “Ma’am! ‘Di ba? ‘Di ba?”
Mukhang nagulat naman si Ma’am at lumapit siya sa’min. “Ah… Well,
baka nagpapahinga lang siya. Pagbigyan na natin—.”
“No, Ma’am! Dapat walang tatamad-tamad dito. ‘Di po ba?!” Sabay
tingin at kumindat ako para sumakay na lang siya. Kaso naman, eh!
Nag-wink din ang Mokong na ‘to! Ay ang adik. Gusto mo yan ah…
“Do’n ka sa harap, magtrabaho ka, bilis na!”
“What???”
“Ah, hijo, mabuti pang gawin mo na lang ang trabaho mo at mukhang…
Tama naman ang sinabi ni Ms. Castro.” Haha! Bye Mokong. Halatang
nainis si Mokong kaya tumayo na lang siya at bago siya lumagpas
sa’kin, pinisil niya yung baby fats ko! “Ayan, pwede ka ng kumalma

184
VOLUME TWO

Ms. Castro.”
“Opo, Ma’am.” At umupo na nga ako. Hay nako, ano na kayang
mangyayari ngayon?
-=-
What a crazy day for us. I don’t even know where this trip will take us.
Tss! I have no idea at all—.
“Captain—Troy!” Say what? Adrian called me, and I’m standing in
front of him. “Pakihawak nga ang bag ko. Medyo busy akong tao at
sa pag-aasikaso kung sa’n tayo pupunta—.” Napahinto siya nang
makita niyang masama ang tingin ko sa kanya. “Captain naman…” He
murmured. Hinawakan ko ‘yung kanang balikat niya.
“Troy uh? What? I’ll hold this bag for you?” I took his bag from him.
“Captain naman…” He whispered like a crazy guy. “Pagkakataon ko na
‘to. Ngayon lang. Kapag nabuking tayo, patay si Nads. Sige ka…”
“Oo nga naman…Troy!” I turned to face Basty who’s chukling at the
driver’s seat. Tss!
“Fine,” Binitawan ko siya at hinagis ko ‘yung bag niya sa upuan. “But
be ready when we get back to Manila.” Then I sat down at umiwas ako
ng tingin kay Adrian. “Tss.”
“Teka… Pwede bang… Bawiin ‘ko na lang Captai—” I used my headset
to shut him off.
“Hayaan mo na Adrian. Ngayon ka lang babawi kay Troy. ‘Yun nga
lang, babawian ka rin niya pagkatapos.” It’s Luke who’s seating on the
other seat.
Then what more do you expect? Adrian loves this kind of game, tss.
“Okay!” Humarap siya sa buong klase. “Once again, I’m the HEAD of
the Red Hot Dragons Tours, good afternoon. Here’s my assistant, Luke
Sandoval.”
“Patay ka sa’kin mamaya.” Mahinang sagot ni Luke.

185
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Thank you.” Adrian replied. Crazy. “And this our driver, Sebastian.”
He pointed Sebastian. “And of course, my apprentice, Troy Smith—
Ah, by the way.” Tss, I’m gonna torture this man when we get back to
Manila. Enjoy your trip for now. “So relax, enjoy me—I mean, the trip.
Bwahaha!” At tumabi siya sa’kin. “So, Captain,”
“I’m your apprentice, Adrian.”
“Captain naman… ‘Wag ganyan. Matagal nang pinagsamahan natin,
kaya tulungan mo ‘ko. Sa’n ang punta natin nito?”
I looked at him and I sarcastically said, “You’re the head, right?”
“No, Captain. I’m the tail. Kaya, ano? Sa’n tayo? ‘Di ba nakapunta ka
na rito?”
“Once.”
“WHAT?!!!!” Napatingin siya sa paligid. “Sorry, sorry. Pero Captain
naman! ‘Yung totoo?”
“I don’t lie.”
“Eh, pa’no na tayo niyan?? Anong—”
“Excuse me, may problema ba tayo, Mr. Tour guide?” The professor
asked. Tumingin sa’kin si Adrian. Tss.
“Excuse me, I’m asking you a question—.”
“Miss Dimaano, we’re going to Basilica Sto. Niño church.”
“Church?” Humarap ‘yung prof kay Luke. “At bakit naman tayo sa—.”
She stopped.
“May masama po ba sa church, Miss Dimaano?” Then Luke used his
charm by smiling, tss. He even grasped this professor’s arm. What the
heck—Tss. Freak should be blamed for this.
“Ah…” Tsk tsk tsk, there’s some kind of a shifting in the professor’s
voice. It’s younger than her age, tss! “Ayos lang naman sa church, hijo.
Ang totoo niyan… Madasalin akong tao.”
Lumapit si Adrian sa’kin. “Bwahaha… Pagdarasal ko kinabukasan ni

186
VOLUME TWO

Luke.”
“At isa pa, ‘wag mo na ‘kong ‘i-po’, bata pa naman ako. Sa pangalan mo
na lang din ako tawagin.” I guess, moving here in front is a bad idea.
Bata pa… Yeah right.
“Ay, Ma’am!” Adrian again. Now he’s standing with Luke and the
professor. “Maganda po sa simbahan. At saka, oo naman. Hindi ka na
namin ‘i-o-opo’. Mukhang magkakasing-edad lang naman tayo. ‘Di ba?
‘Di ba girls??!! Bwahaha! Kapag may kailangan po kayo, wala na po
kayong ibang hahanapin kung hindi si Luke! At si Luke! At si Luke lang
po talaga. Bwahaha! Ang swet!”
Same age? She looks like my grandma. Tss.
Hinatak ni Luke si Adrian and said, “Gusto na talaga kitang patayin
sa mura.” Nakatingin lang sila sa prof ni Freak habang mga nakangiti.
“Hinawakan ko lang ang braso, ‘wag mo ‘kong ‘i-reto’, sira-*lo.”
“Nako, gusto ko talaga sa simbahan. Nice choice, Luke.” Kinilabutan
ata ako, tss. “Ahh… Magkakasing-edad? Grabe ka naman… Binobola
mo na ‘ko eh.”
“Nako! Ma’am! Hindi ko kayo binobola! I’m telling the truth! ‘Di ba
girls—.” And they gave him a deadpan look. “Bwahaha! Kita niyo
Ma’am? Speechless sila. Silence means yes! Batang-bata po ang tingin
ko sa inyo. Ilang taon na nga kayo?” What a swift talker, Adrian is.
“Nako, ano ba sa tingin niyo?” Yeah right. We’re in a guessing game
right now.
“Ako po? Nako, medyo magpapakatotoo na po ako, pero mukha po
kayong nasa trenta.” The hell with that, Adrian. I think that’s thirty
times two plus ten. Tss.
“Nako! Hindi naman. Ang totoo niyan, Fifty-seven na ‘ko.” Then she
laughed proudly.
“OA kasi nitong si Adrian. Ako, akala ‘ko Ma’am nasa thirty-five lang.”
It’s Sebastian.

187
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

If you look at Freak’s classmate, it’s like they just heard the most horrible
thing on earth. Tss.
“Ikaw Luke? Ano ba sa tingin mo ang age ko?”
“Ah? Ah… Thirty-six? Tsk, o Thirty-seven siguro.” What a true heart
catcher.
“Ay… Nako naman. Eh…” Then she looked at me. What?
“Captain… Sagot na bago sumabit si Freak.” Adrian said. Yeah, right.
“I think she’s younger than her age too.” I replied.
“Oh di ba, Ma’am?! Napakabata niyo po talagang tingnan—.”
“Fifty-six or something?” I’m still kind with my answer. She’s fifty-
seven…
And they all give me a ‘WHAT’ look. “Tss.”
“Ay Ma’am! Nako, mabuti pa’t dito na lang kayo sa tabi ng assistant ko.” At
tinulak ni Adrian si Luke paupo. “Para naman po magkamabutihan—
este! Bwahaha! Magkaintindihan kayong dalawa kung sa’n tayo
pupunta.”
Luke? He looks like he’s in his early morning nightmare.
“Mukhang type ni Lady Gaga si Luke. Ayos na.” Lady Gaga?
Hours passed by.
“Captain, naliligaw daw tayo sabi ni Baste.”
“Your problem, not mine.”
“Pa’no si Freak?”
“You’re testing my patience, Adrian.” Then I grabbed that map out of
his hands.
“Oh Baste, maghintay ka lang ng kaunti at ang apprentice ko ang
magtuturo ng daan. Titingnan ko kung marami ng alam. Bwahaha!”
After several hours of waiting, we’ve found the place. I don’t have any
idea what are we gonna do here. Tss. Bahala sila.

188
VOLUME TWO

“Okay Ma’am, girls, we’re here! Pwede na kayong bumaba.” Adrian


announced.
Bumaba kami and we asked someone para bantayan ‘yung bus. Not
asked, treathened somebody, infact.
“Okay! Nakikita niyo ‘yan mga girls?” At tinuro pa ni Adrian yung
simbahan. “’Yan ay isang simbahan.” Then he smiled like a damn crazy
proud man. Tss!
“Ah, hijo?” This Lady Gaga—I mean Freak’s prof called him.
“Yes, Ma’am?”
“Alam naming simbahan ‘yan, nakikita namin.”
Pumunta sa likuran ni Adrian si Sebastian. “May sapak ka? Kahit
nursery alam na simbahan ‘yan.”
Then Luke. “Pati kami idadamay mo. Baka isipin nila, kasing babaw
mo kaming mag-isip.”
Bigla niyang tinabig ‘yung dalawa and he said, “Ma’am, my beautiful
Ma’am. Hindi pa naman ako tapos… ‘Yan ay isang simbahan… NA! Na
nagngangalang Basilica Sto. Niño Church. Oh tara, itutuloy na natin
ang paglalakad.”
“Palusot ang potek.” Luke said.
“Pagbigyan, baka bumawi. Tara, sundan ang sira-ulo.” Sebastian
Nang makapasok naman kami sa loob…
“Okay, nandito na tayo sa loob ng simbahan. Nakikita niyo ba ‘yan
mga girls?” He pointed at the altar and these people who were praying
silently, and was instantly disbturbed. Tss. “Ayan… Nakikita niyo ang
daming Santo, di ba? At nakikita niyo ring may mga nagdadasal, di ba?
Pwede rin kayong magdasal dito, girls, if you want.”
“Should I hang this man right now?” I asked the two.
“’Wag Captain, team mate natin ‘yan. Mag-ambag-ambag na lang
pambili ng gamot niyan.” It’s Sebastian

189
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Nilapitan ni Sebastian at Luke ‘yung isa saka inakbayan.


“Pare, ‘wag ka na lang magsalita nakakahiya. Nahihiya ako para kay
Liz,” said Sebastian.
“Langya ka, lakas mo maging head namin ah.” Luke added.
“Ah hijo, alam na alam namin, at ng kahit sino na pwedeng magdasal sa
loob ng simabahn. Niloloko mo ba kami? Marami talagang santo rito.
Simbahan ito, simbahan.”
No time for jokes. Baka mabuking kami ng prof ni Freak and we’re all
dead. Let’s try this one.
“Sira talaga ‘tong—Uy!” Luke jerked forward, straight to Freak’s prof.
Well, that Prof is a great catcher too. Tss. “Anak ng—.”
“Luke? Ayos ka lang ba, hijo?” While holding Luke’s shoulders.
“Captain,” habang natatawa. “Bakit mo naman itinulak si Luke?”
Sebastian asked.
“Let him handle everything. He can do that.” Besides… He’s single.
“Goodluck!” said Adrian.
“Sira, humanda ka diyan pagkatapos, Adrian.” Sebastian
“Ah, yes Ma’am. Ayos lang ako.” At tumayo nang maayos palayo sa Prof
si Luke. “Ah ano, nandito tayo sa… Ah, sa simbahan, tama. Hahaha.
Marami talaga ditong gustong magsimba, at paglamayan. Adrian ata
pangalan?”
“Bwahaha! Gusto ko yang sense of humor mo, Assistant.”
“’Wag kang mag-alala Adrian, magpapadasal ako. Tara na.” Aya ni
Sebastian.
We did this crazy tour in a church. I don’t know how we survived this
hell of a tour but one thing’s for sure… We’re all hands down to Luke.
Hindi nagalit ang Prof.
Now we’re back in our bus.
“Ah, Luke??” It’s the Professor with all those charming voice.

190
VOLUME TWO

“Ah?! Hahaha.” They’re sitting together. But this time? Nakalingkis na


ang prof ni Freak kay Luke.
“Sa’n na ang next stop?”
“Ah? Teka,” He stood up. “Tatanong ko lang sa head namin, diyan ka
lang! ‘Wag kang gagalaw o aalis, diyan ka lang talaga.”
“Okay, I’ll wait for you.”
“Anak ng mga nanay niyo kayong lahat.” He sat down beside Adrian.
“Troy, bakit mo ‘ko tinulak?! Anak ng sampung kalabaw, ayaw na ‘kong
lubayan. Ano na?! Sa’n na tayo niyan?”
“Luke, ‘wag kang mag-alala. Nahanda ko na ang alas! This time,
masasabi niyo na may tama ako.”
“Sira, matagal ka ng may tama. Akin na ‘yan.” At bumalik si Luke sa
upuan niya.
“What is that juice?” While looking at Luke na pinapainom sa Prof
‘yung juice na nasa bote. And I looked at Adrian.
“Isa ‘yan sa mga obra ko, Captain. Ang inuming malakas ang tama!
Bwahaha…”
After ten minutes…
“Yes! Ah langya, sa wakas!” It’s Luke.
“Maiyak ka, tol. Bwahaha!”
Good, I gotta go back to my real job… With my Freak.
-=-
Anong aasahan mo sa apat na ‘to pag nagsama-sama sila? Edi
kalokohan, pamunuan daw ba ni Adrian eh. Grabe! Patulugin daw
ba ang prof namin? Kala ko nga no’ng una, sinuntok ni Luke kaya
nakatulog. Nako, buti naman at hindi!
“So, where do you want to go now?” Tanong ni Mokong pagkababa
namin ng bus.
“Eh teka, pa’no ‘yung Prof ko?” Iiwan?

191
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Someone will take care of her. Ako na lang ang intindihin mo, Freak.”
Madali akong kausap. “Oh sige na nga. Pinipilit mo ko masyado.” Sabay
suot ni Mokong ng sombrero niya sa’kin.
“Mainit, Freak.” Sabi niya.
“Eh, mainit pala, magpayong tayo.” Saka ako nagbukas ng payong,
kinuha naman niya ‘yon at siya ang naghawak.
“Why?” Tanong niya nang napangisi ako.
“Eh, kasi naman… Ang cute mo. Masyado kang hot, napapayong tuloy
tayo.”
Nagpaalam na rin ‘yung dalawa pang couple. Tulad ko, maghahanap
na rin kasi sila ng pwede nilang lutuin na may touch of Cebuanos. Si
Sandy? Nag-solo flight. Ang totoo nga niyan, gusto niya ng umuwi.
May nabanggit kasi siyang lalaki na ‘na-meet’ niya no’ng Valentines. At
si Luke naman…
“Teka lang girls, isa-isa, hindi ko kayo kayang lahat. Hahaha!” Habang
pababa siya ng bus at kasunod ang mga classmates ko.
Naghanap na kami ng puwede naming puntahan ni Mokong. Hindi
namin alam ang lugar pero may kasama akong walking map, ano pang
dapat kong ipag-aalala, di ba? Pumunta kami sa isang canteen na hindi
naman sosyal ang datingan pero ang dami talagang taong kumakain.
Punung-puno ng tao ‘yung canteen, nakaka-curious.
“Freak, laway mo.”
Tumingin ako nang masama kay Mokong. “Laway ka diyan. Pero
Mokong,” lumapit ako sa kanya. Nakatayo pa kasi kami. Wala pang
bakanteng table. “Mukhang masarap ang pagkain dito ‘no?” Habang
nakatingin sa mga taong kumakain. Nakakagutom…
Tumungo naman si Mokong sa’kin habang nakatingin din sa mga tao.
“Mas masarap si Freak.” EH, grebe nemen!! Magsasalita pa sana ako
kaso hinila na ‘ko ni Mokong. “There, may space. Let’s go, Freak.”
Pagka-upo naman namin. May lumapit sa’ming serbidora.

192
VOLUME TWO

“Maayong udto Sir, Ma’am.”


“Maayong udto din po,” sagot ko.
“Kini ang amuhang menu. Parting lami ah, gyud.” Saka kami inabutan
ng menu.
Lumapit ako kay Mokong na seryosong tinitingnan ‘yung menu.
“Mokong, anong sabi niya? Wala akong naintindihan. Sabihin mo
mag-tagalog na lang para maintindihan natin.”
Habang nakatingin sa menu si Mokong. “Sigurado ka day, lami ni
tanan.”
Naging bilugan ang mata ko habang nakatitig kay Mokong. Marunong
mag-bisaya si Mokong??? “Kala ko French lang ang alam mo?”
“I know German, Nihonggo, Cantonese, Mandarin, name it.”
“At bisaya?”
“I’m in the Philippines, Freak. I should first learn our own dialect
before other languages.”
“Mag-aaral nga rin ako. Pero mag-english o tagalog ka na lang, para
maintindihan ko.” Tumingin na lang ako sa menu. “Mokong, ano
kayang masarap—.”
“Prepare everything na nandito.” Then sabay abot ni Mokong no’ng
menu sa babae. Mukhang nagulat naman si ate, kahit ako eh!
“Mokong, niloloko mo ba ‘ko? Kahit tayong dalawa, hindi natin kaya
‘yan.”
“Trust me.” Tapos humarap siya do’n sa babae. “’Yun lang, salamat.” At
umalis na ‘yung babae.
Dumating na ‘yung mga pagkain at isa lang masasabi ko. Napakadami!
At pinagtitinginan kami no’ng mga nasa ibang table kasi sunud-sunod
ang dating ng mga pagkain sa table namin.
“If you want to know more about their food, tikman mo lahat. Don’t
worry, I’m ready. I brought diatabs and tissue and—.”

193
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Mokong naman eh!!!” Tumawa naman siya.


“Just kidding, Freak. Basta, do your thing.”
Masarap ang mga ulam dito sa Cebu, i-partner mo pa sa kaning
mainit! Try niyo yung Kanding, Apan Apo, Inun Unan, at yung Bam–e!
Masarap kumain lalo na kapag ang kasama mo ay ‘yung malakas
kumain. Bakulaw eh!
Ayan, magbabayad na si Mokong.
“Damo hid salamat, gwapang Ma’am, gwapong Sir.”
“Ano raw Mokong?” Tanong ko.
“Salamat daw, Freak na Ma’am at gwapong Sir.”
“Sama nito.” Sagot ko. “Daghang salamat din po.”
Umalis na kami at naglibot pa para tumingin ng pwede naming bilhin
na pasalubong pag-uwi namin sa Manila. Ang dami kong nabili para
kay Mommy, Kuya, Mr. Hans, at sa buong RD. Nabalitaan ko kasi na
hindi nagsabi ‘tong apat na pupunta sila dito sa Cebu. Kapag sinabi raw
nila, sasama na raw lahat ‘yun at masyadong mahahalata na kasama
namin sila. Kawawa naman ang mga gwapo!
Naglalakad na kami pabalik sa bus. Kakaumpisa lang magdilim at
siguradong nagbalikan na ang mga classmates ko.
Habang tinitingnan ‘yung mga binili kong bitbit niya.
“Ang dami mo namang pinamili, Freak.”
“Syempre, marami akong pagbibigyan. Ikaw ba? Wala?” Tanong ko.
Binaba niya ‘yung dala niya at naglakad na lang din habang magkahawak
ang mga kamay namin. “Sino namang bibigyan ko, Freak? I have no
Mom, sister or brother. I have a Dad pero kahit nandito siya, hindi ko
rin siya dadalhan. He doesn’t appreciate these kind of things, Freak.”
Sabi ko nga Nads, dapat hindi ka madaldal.
“What, Freak?” Nakatingin siya sa’kin kaya napatingin ako.
“Ah? Wala lang… Tinanong ko pa kasi. ‘Wag mong intindihin ‘yon.”

194
VOLUME TWO

Tapos bigla niya ‘kong inakbayan habang naglalakad kami.


“Even though wala akong tao na bibigyan ng pasalubong, I’m happy,
Freak. Happier than any other man. Tumingin lang ako sa‘yo, parang
lagi na ‘kong may pasalubong. ”
Siniko ko ‘yung baywang niya.
“Gusto ko ng umuwi, napagod ako.” Sabi ko. Bigla siyang pumunta sa
harapan ko at ‘nag-bend-down’.
“Oh?”
“Sakay na.” Sabi niya.
“Eh, ang bigat ko Mokong. Magsisisi ka—.” Ang evidence, nilabas na!
Inangat niya yung dalawang arms niya at pinakita ang fit na fit niyang
mga biceps! “Nakikita mo ba ‘yan, Freak?” Oo naman, nakita ko na
‘yan. Pwede bang pa-touch naman? Joke!
“Oo na. Ikaw na ang mamaskels!” Saka ako sumakay sa likuran niya at
tumayo siya.
“Okay Freak, keys please.” Asus, alam ko na ‘yan. Hinalikan ko siya sa
cheeks sabay sabi niya ng, “Here we go Freak, broom broom!” Natawa
na lang ako nang bigla siyang tumakbo.
-=-
Nakabalik na kami sa hotel at nagsibabaan na ang mga classmates
ko, pero si Ma’am, tulog pa rin nang bumaba kami.
“Pa’no na si Ma’am?” Tanong ni Chris.
“Hayaan na muna natin siya. Masamang ginigising ang mga natutulog.”
Sabi ni Liz.
“Eh, bakit naman kasi kayo namomroblema, nandiyan naman si Luke!
‘Di ba Luke!?” Sabay akbay niya kay Luke.
“Gusto mong ikaw ang sunod na patulugin ko?” Sagot ni Luke.
“You don’t have to fight.” Sabi ni Mokong sabay tingin sa likuran namin.
Si Ma’am pababa na ng bus!

195
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

At nang makalapit na siya samin…


“Teka girls, bakit gabi na? At nasa’n ang mga classmates niyo?”
“Ah, Ma’am, nasa rooms na po nila at medyo nakatulog din po kayo sa
biyahe.” Sagot ni Sandy.
“Bakit hindi niyo ‘ko ginising—.”
“Bwahaha! Hindi na po kayo pinagising ni LUUUKE. Mukha raw po
kayong napagod, langya ang SWET!” Tiningnan naman nang masama
ni Luke si Adrian.
“Ah, oho. Ayoko ho kayong makitang pagod.” Sabi ni Luke.
“I think, ayaw niya lang talaga makita si Ma’am.” Bulong ni Liz sa’kin.
“Pero Ma’am mas maganda kung magpapahinga na ho kayo.” Singit ni
Basty.
“Oo nga eh. Parang nahihilo ako.” Sabi ni Ma’am.
Naglalakad na kami nang bigla na namang tinawag ni Ma’am ‘yung
pangalan ko.
“Po?” At lumingon ako.
Nakatingin siya sa’min… Sa kamay namin ni Mokong na magka-
holding hands! Napabitaw ako.
“Bakit magkahawak kayo ng kamay ng apprentice ni Mr. Adrian?”
“Ah…” Naman! Nakalimutan ko. “Marunong daw po kasi siyang mag-
reflexology. Sinusubukan ‘ko lang po.”
Nang mukhang ayaw maniwala ni Ma’am…
“Ma’am! Sa katunayan, marunong po si Luke niyan.” Si Adrian.
“Talaga!?” Si Ma’am.
“Oo naman. Kahit full body massage pa.”
“Nako, medyo napapagod na nga mga katawa ko—.”
“Hello? Oh, kamusta? Nako naman…” Tumingin sa’min si Luke. “Wait

196
VOLUME TWO

lang, may kakausapin lang ako at papatayin mamaya.” Sabay tingin kay
Adrian, at lumakad na palayo.
“Papatayin? Sinong papatayin?” Ulit ni Ma’am habang nakatingin kay
Luke.
“Kayo daw—este, ‘yung makina ng bus. Bukas pa po kasi, papatayin
niya. Bwahaha.”
-=-
Napaka-aga naming mga nagising dahil sa emergency ng Prof
namin. Nakaka-inis, nakakabitin. Kaya ito, nasa airport na kami
ngayon at ready to be back na sa Manila. Nasa’n kaya sina Mokong?
“Oh, wait, Mr. Adrian?” Si Ma’am. Napalingon ako sa likuran ko. Sina
Mokong!
“Hi, Miss Dimaano.” Sagot ni Adrian.
“Teka, bakit nandito kayo?”
“Nag-resign na po kami sa trabaho namin.” Sagot ni Basty.
“Resign? Bakit naman?”
“Kulang magpasweldo, hindi na namin gusto.” Tuloy ni Luke.
“Nako, gano’n ba?”
“Kaya po kung may job opening daw po kayo, Ma’am, magpapapasok
si Lu—.”
“Actually, may trabaho na uli ako.” Sagot agad ni Luke.
“May trabaho ka na?” Aba mukhang na-dissapoint pa si Ma’am. Tsk
tsk, iba talaga si Luke. Walang age limit, at wala ding kind limit kasi
pati aso mahal na mahal siya. Sino bang hindi? ARAY.
“Ah, haha? Oho, sa Manila.”
“Kaya po, we’re going back to Manila, Manila. Bwahaha.”
Lumapit ako kay Mokong. “Planado ang acting skills at palusot niyo
ah.”

197
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Of course, we’re a team. Tss.”


-=-
Naka-uwi na kami ng Manila at back to reality na kami. Binigay ko
ang mga pasalubong ko kina Mommy at Kuya. Pinabigay ko na lang
kay Mokong ‘yung kay Mr. Hans dahil papunta kaming Austine para
ibigay ang para sa mga Dragons.
“Hi team!” Bati ko.
“Kapag ganito namang lagi tayong may bisitang magaganda,
ginaganahan kaming mag-practice.” Sabi no’ng isang Dragon. Kasama
ko rin kasi sina Sandy.
“Hi Liz!”
“Hi Chris!”
“Hi Sandy.”
Biglang lumapit si Adrian at humarang kay Liz. “Teka-teka, bawal ang
may germs. Walang lalapit sa Queen ko!” Na parang nakaharang pa
‘yung braso.
“Hala!? Queen mo?” Tanong ng isang Dragon.
“Oo! Queen ko na siya ngayon, kaya layas! Bwahaha!”
Bigla namang nagkumpulan yung mga Dragon. “Kawawa naman si
Liz.”
“Oo nga, tsk.”
“GRABE KAYO!” Sigaw ni Adrian. “Masyado akong gwapo kaya ako
ang napili, ‘wag mga inggitero! ‘Di ba Liz—.”
“Who wants pasalubong!??” Si Liz sabay punta sa ibang Dragon.
Tinapik-tapik naman ni Basty si Adrian sa balikat. “Wala ka pala eh.”
“’Yan ang tinatawag na habulin mo ‘ko – habulin mo ‘ko ang lambingan
namin ng Queen ko. Nothing’s new. Sa’min, ako ang batas!”
“Pong! Nasa’n na ‘yung dala ko?!”

198
VOLUME TWO

Biglang napalakad nang mabilis palapit kay Liz si Adrian. “Ah, nandito
Queen, teka lang.”
“Baliw, siya raw ang batas.” Sabi ni Baste. “Oh teka.” Sabay kapit niya sa
balikat no’ng dalawang Dragon na palapit kay Chris. “Walang talu-talo.
Nanliligaw na ako.” Sabay lapit kay Chris na nag-aayos ng dala niya
para sa RD. “Chris, tulungan na kita.”
Bigla namang may lumapit sa’king mukhang tulala. Eh?!
“What do you want?” Tanong ni Mokong sa ka-team mate niya.
“Yung dala niya, Captain. Hindi si Freak.” Ang weird eh!
“Good.” Sagot naman nitong si Mokong. At inabot ni Mokong yung
isang plastic na dala ko at sabay alis no’ng isang Dragon. Nakakatuwa
talaga silang lahat.
“May dala rin ako sa inyo!” Sabi ko at nagsilapitan na rin sila.
“Salamat Nads, buti pa kayo naalala niyo kami.”
“Syempre naman.” Sagot ko habang nilalabas ‘yung mga ibibigay ko.
“Thanks Nads, ‘di mo kami nakalimutan.”
“Oh, para sa’yo Dragon one…” Sabay abot ko. “Sa’yo rin Dragon
two… Three…” Kaso, napatigil ako nang nakatitig sila sa’kin na ‘di ko
maintindihan kung bakit. “May problema ba?”
“Seriously Nads? Dragon one, two, three talaga?” Si Sandy.
“’Wag mong sabihing… Hindi mo sila kilala?” Natatawang sabi ni
Luke.
Tumingin ako sa mga Dragons. Parang mga binato ng bola ang mga
ulo nila. Ngumiti ako nang alanganin. “Ah? Ano kasi…” Tumingin ako
kay Mokong. Rescue me…
“You don’t have to know their names—.”
“CAPTAIN NAMAN!!” Reklamo nilang lahat.
“Nako, hindi. Sorry talaga!” Ano nga bang mga pangalan nila? Dragons
one two three hanggang ten lang alam ko. Pwede rin namang abs one,

199
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

abs two and three… Haay.


“Magpakilala na lang kayo. Kung maalala ni Nads lahat.” Sabi ni Chris.
“Guess, we just need to say our names.” Sabi no’ng isa.
“Sorry talaga…” Sabi ko.
Humilera sila sa harapan ko. Grabe, hindi ko malaman kung kanino
ako tititig. Para akong judge ng isang pageant for men.
“I’m Nick.” Okay… Nick. Ang cute niya.
“Jhick here.” Jhick… Ay, gusto ko ang smile niya.
“Trick with million abs here.” Magkakasundo kami nito. Trick…
“Ano yun, ketong lang? Bwahaha!” Singit ni Adrian.
“Shatap!” Sigaw ni Trick with million abs.
“Rick.” Sabay taas ng kamay. Nads, pigil-pigil ng ngiti pag may time.
Ano ba ‘tong mga players na ‘to ang gagwapo! Mukhang seryoso itong
isang ‘to pero gwapo.
“Nice meeting you Nads, I’m Vic.” Silent but manly, okay, si Vic.
Kaso teka? Ano raw? Nick… Jhick… Ah—Trick? Bakit ganyan ang
mga pangalan nila?!
“Ako si Jake, Nads.” Buti naman nagbago na. Okay, Jake.
“Drake.” Saka siya nag-smile. Ang batuhan ng braso, grabe.
Jake… Drake… ‘Yung kanina… Nick tsaka, ano nga ulet!?
“Zhrake is the name.” Zhrake, Jake…
Tumingin ako do’n sa isang lumapit sa’kin kanina na mukhang walang
tulog.
“Oy! Gisingin niyo ‘yan, natutulog!” Sigaw nila Nick.
“Blake.” Sabay titig lang. Gising na ba ‘to?
Si Blake. Okay…?
“Oh Nads, alam mo na?” Tanong ni Luke.

200
VOLUME TWO

“Ah? Haha, oo naman.” Sagot ko. Ano nga uli?


Tumawa naman yung tatlo. “Paulit niyo diyan kung ano uli, tingnan
lang natin kung may natandaan siya.” Si Liz.
“Grabe kayo! Kabisado ko kaya! Ah…” Ano ngang umpisa? Nakatingin
sila sa’kin. Grabe parang exam! Ngumiti ako. “Si Blake.” Tapos
nakatingin pa rin sila, naghihintay. Ngumiti ako nang mas malapad.
“Si Blake lang ang natandaan ko.”
“Ayos lang ‘yon.” Sagot ni Blake.
“Anong ayos lang???” Reklamo nila.
“Grabe naman! Si Antuken pa ang natandaan.”
“Hehehe, sorry.” Nick, Trick, Tapos… Ahh.
“Nads,” Tawag ni Sandy. “It’s Nick, Jhick, Trick, Vic, Rick, Jake, Drake,
Zhrake, and Blake.” Oh! Pa’no puro name ng boys, kayang-kaya niya
‘yan.
“Nick, Jhick, Trick, Vic, Rick, Jake, Drake, Zhrake, Blake. Grabe Nads,
ang dali-dali eh.” Singit ni Liz.
“Nick, Jhick, Trick, Vic, Rick, Jake, Drake, Zhrake, and Blake. Madali
lang naman.” Dagdag pa ni Chris.
“Che, teka, hintay lang kayo diyan.” Umubo ako. “ Ah, Nick, Jhick.”
Parang exam lang. “Trick? Okay… Ah, si Vic. Tapos si Rick, Jake, at
Drake. And si…” Sino nga uli? AH!!! Tumawa ako. “Si Zhrake! At si
Blake, syempre!” Tumawa na naman ako.
“Ayan, para ng bata.” Sabi ni Sandy.
“Bakit ba?! Tara na Nick, Jhick, Trick, Vic, Rick, Jake, Drake, Zhrake,
and Blake. Eto na yung pasalubong niyo Nick, Jhick, Trick, Vic, Rick,
Jake, Drake, Zhrake, and Blake.”
Habang kumukuha sila ng pasalubong nila nagtanong naman si…si…
Trick! “Eh girls, kilala lang namin kayo sa nicknames niyo. Ano bang
fullname niyo nang ma-add namin kayo sa Facebook.”

201
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Well, I think we also have to introduce ourselves.” Ayan na si Sandy…


Nakapamewang na. “I’m Cassandra Ellyse Reynaldy, the Goddess of
beauty.” Ay, ikaw na ang dyosa!
“No doubt, pare.” Sang-ayon ni Jhick.
Umubo muna si Chris sabay hawi ng buhok niya. “Chris Lorraine
Rivera, well, sabi nila, silent type daw ang beauty ko.”
“Pare, kailangan ng stretcher ni Baste!” Sigaw ni Zhrake.
“Dagdagan ng oxygen!” Habol ni Rick.
“Well, well, well, I’m the cute alluring Elizabeth Allen Chua. Nice
meeting you, team.” Sabay wink.
“ARAY!!! Bakit niyo ‘ko tinulak?!” Sigaw ni Adrian.
“Iniwas lang namin ‘yung wink ni Liz. Sayang, sa’yo lang mapupunta.”
Sabi ni Nick.
“Mga inggitero! Bwahaha!”
Okay, okay, I’m next! “Maria Nadine Castro, the most charismatic—.”
“That’s Freak.” Si Mokong. Ayos na eh. May Freak pang sumingit.
“And we’re also known as the… B*tch.” Sandy.
Nagkatinginan naman sila. Sabay tanong ni Basty. “Ah, bakit b*tch?”
Ngumiti naman si Sandy. “No, it’s not what you think it is. We’re not
mean, we’re not nasty and we’re not sassy. We are B*tch--- Beautiful
Individuals That Create Haters.”
“That’s us. Try to make us mad and we’ll be very… Very bad.” Dagdag
ni Liz.
“Beware.” Si Chris.
Tumawa naman ako. “Back – off please.”
Natapos ang practice nila at pauwi na rin kami ni Mokong. Nandito
ako sa sasakyan niya at gumagamit ng iPad ni Mokong.
“Mokong, palitan natin DP mo ah?”

202
VOLUME TWO

Sumagot naman si Mokong habang nagmamaneho siya. “Do what


you want, Freak.” Sagot niya. Binuksan ko kasi ‘yung FB niya. Nakaka-
inis, ang daming friend requests! Puro babae naman, at puro tiga-
Escolastica! Buti hindi siya masyadong nagbubukas ng FB niya.
Kailangan ko silang paalalahanan. Papalitan ko nga ng picture ko ang
DP niya! Ayan! Back off!
Status naman…
_MY FREAK. <3
Okay! Posted! Tabi-tabi din kayo pag may time.
Isasara ko na sana yung Facebook niya nang biglang mag-chat ‘tong
si… EH?
Madeline XOXO: Hi Babe.
Babe?! Ano ba naman ‘yang name niya, XOXO? Napatingin ako kay
Mokong. Nag-uusap pa rin kaya silang dalawa? Tingnan nga natin.
Troy Harris Smith: What?
Madeline XOXO: I miss you, of course.
Ibang klase! Hindi pa rin niya tinitigilan ang Mokong ko?!
Troy Harris Smith: Tss!
Papatayin ko na sana nang bigla siyang magreply.
Madeline XOXO: Why? She’s there beside you? Too bad, we can’t chat
for today. But don’t worry, I just dropped by to say that I’ll be giving you
your most anticipated gift if you win the game tomorrow. So, goodluck,
love you. Bye, Babe. ;>**
Sabay out! Pigilan niyo ko, pumapatol ako sa iPad—I mean sa slut.
Calmdown Nads, sayang ang iPad, ‘wag mong ibabato. Nag-log out na
‘ko sabay lagay sa harapan nung iPad niya.
“What Freak?” What ka diyan. Sa message ni Madeline, mukhang nag-
uusap pa rin sila. Ano raw? Anticipated gift? Love you? Pahingi ngang
plastic, nasusuka ako.

203
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Hey Freak.”
“WHAT?!” Sigaw ko habang nakatingin sa labas.
“What—bakit ka sumisigaw?”
“WALA!”
“But why are you mad, Freak!?”
“Mukha ba ‘kong galit??!” Anticipated gift?? Teka nga… “Mokong!”
Sabay tingin ko sa kanya. Napatingin naman siya sa’kin pero binalik
niya rin sa pagmamaneho ang tingin niya.
“What, Freak? Are you sure that you’re okay?” Tanong niya.
“Gusto mo bang manalo sa game niyo bukas?” Tanong ko.
“Tss, asking out of nowhere—.”
“Sagot!”
“Fine, fine, yes, of course. I’ll win that game, no matter what.” No
matter what ah?!
“Eh, anong most anticipated gift mo kapag nanalo kayo?!” Tanong ko.
Ano ka ba Nads, kinakabahan ka sa sagot niya.
Ngumiti naman siya bigla at tumingin sa’kin. “A kiss.”
“ANO??!!”
“Ah-shit!” Napaliko siya bigla nang magulat sa sigaw ko. “Freak!?
What’s your problem!?”
“Wala!” Paglingon ko. Nandito na pala kami sa’min. Huminto siya
at sinukbit ko na ‘yung bag ko. “Bye!” Sabay baba ko ng sasakyan.
Dumiretso ako sa gate at pumasok.
“Hey! Wait for me—tsk.” Tumunog yung cellphone niya. “Wait me
there, Freak. Just a sec—.” Binagsak ko na yung pintuan namin.
“Matalo sana kayo…” Kiss pala ah. Aminin mo Nads, kinakabahan ka
sa chat ni Madeline. Mokong ka, dapat loyal ka.
-=-

204
VOLUME TWO

Kinabukasan, inaya din ako ng B*tches na manood ng game. Kaya


‘eto nandito kami. Wala akong magawa kasi nakonsensya ako kagabi.
Tawag nang tawag si Mokong sa cellphone ko at inaantay pa ‘ko
kagabi sa labas ng kwarto ko, kaso ni-lock ko, kaya ‘di siya makapasok.
Kaninang umaga rin, tinatawagan niya ako. Nang di ako sumagot, first
time siyang nag-text.
Inbox messages 1/34 from: MOKONG
Sorry Freak. I want you to be there later. I love you.
Humihingi siya ng sorry kahit ‘di naman niya alam kung bakit ako
galit. O baka naman alam niya kung bakit, at guilty siya!
“So, you’re still here uh? Garbage everywhere, tsk tsk tsk.” Napalingon
ako at guess what? Si Madeline.
Nagtinginan naman sila Sandy, hindi nila kilala sa mukha si Madeline.
Naka-upo na kasi kami sa bleachers. Tumabi naman siya sa tabi ko
habang nakatingin lang siya sa harapan, at nagdekwatro pa.
“I thought junk belongs to the trash can.” Tumingin siya sa’kin. “Right,
Nads?”
Tumingin din ako sa kanya. “Yung totoo, bakit nandito ka?”
“Baka magpapatapon, Nads.” Singit ni Chris.
“I’ll be willing na itapon siya. Sa’n mo gusto, miss?” Tanong ni Liz.
“Do the honors, Liz, I don’t touch garbage.” Habang nagsasalamin ng
mukha si Sandy.
“Huh, and who are these people? Your pets?” Ganti ni Madeline.
Hinawakan ni Liz yung balikat ko to stop me sa pagsagot. “Uh, excuse
me.” Sabay angat pa ng kamay ni Liz to cut Madeline. “As far as I know,
no pets allowed nga sa coliseum na ‘to. Eh bakit ikaw… nakapasok?”
“Ang hard...” Sagot ni Sandy.
“Hanapin ko’ng amo mo, gusto mo?” Tanong ni Chris.
Biglang tumayo si Madeline. Hindi yata kinaya. “You are all a bunch

205
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

of b*tches.”
“Ooops, she knows us. What an honor.” Sagot ni Sandy. Sabay tayo niya
at harap kay Madeline. “Yes, we’re B*tch. And we create haters like you.
If you can’t stand us, just back off?!”
“Ah!” Iling ni Madeline nang akala niyang papaluin siya ni Sandy.
Samantalang itinaas lang naman ni Sandy ‘yung kamay niya sabay
hawak sa ulo niya. Adik talaga, tinakot pa. Tumayo naman si Madeline
at saka umalis sa tabi namin. Umupo na si Sandy.
“Si Madeline ‘yon,” sabi ko.
“Na-ah girl, we’re not even interested. Haters are not worthy of any
attention. They’re just a bunch of ladies full of insecurities. A total
waste of time.
“Yeah, waste of time.” Dagdag pa ni Liz habang tumatango.
“Eh, bakit niyo pa sinagot yung isang ‘yon.” Tanong ko.
“Remember? We’re B*tches. We stick together. If and when anyone
degrades any of us, we’ll fight together.” Sagot ni Sandy. “B*tch one of
us, and I’ll b*tch them ten times.”
“Ay, ang taray. Yung totoo, masama gising mo, girl?” Tanong ni Liz.
“No, masyado lang akong bothered sa itsura ni Nads. Parang ninakawan
lang.” Sandy
“Eh, bakit ba kasi matamlay ka, Nads?” Tanong ni Chris.
-=-
Natapos na ang game, at panalo ang RD team. Nakita kong umalis
na si Mokong pagkatapos ng game, halatang ayaw ng magpa-interview
tungkol sa pagkapanalo nila. O baka naman nagmamadali? Sa
anticipated gift? No, no, Nads. Trust lang ‘yan, Nads.
Nagsabi ako kina Sandy na pupunta akong locker room, kakausapin
ko lang si Mokong. Magso-sorry ako tungkol sa pagiging immature
ko kagabi.

206
VOLUME TWO

Pero habang papalapit ako sa locker room nila Mokong, may nakita
akong tao sa labas. Babae. Bakit nakasilip ‘yun sa loob? Nang makita
niya ‘ko, bigla siyang umubo sabay alis. Weird…
Pagkarating ko sa tapat ng locker room, bukas ‘yung pintuan.
Hahawakan ko na sana ‘yung seradora nang may marinig ako.
“I love you too, Troy.”
Napasilip ako sa loob at parang sinibak ang puso ko sa nakita ko.
Tumambad sa’kin ‘yung likuran ni Troy habang hawak ni Madeline
‘yung mukha niya at nakahalik siya dito. Nakatingin si Madeline sa’kin
kaya binuksan ko ‘yung pintuan nang mas maluwang. Biglang umiwas
si Madeline and said, “Oh my gosh, I can explain, Nads.”
“Shit—what are you—,” napatigil siya. “Nads?” Lumingon siya sa’kin.
Halatang nagulat siya. “Freak, wait. Don’t—.”
“Uy Nads, bakit ‘di ka pa pumasok?”
“Oo nga girl—ah, Troy? Madeline?”
“Wait, we can explain, okay?” Singit ni Madeline.
Humarap si Troy sa kanya. “What the heck are you talking about?!
What do you mean by we?!”
“Troy, it’s not like we can still hide it from them or to…” Tumingin siya
sa’kin. “Her.”
“D*mn it!”
“Wait, what’s happening here??” Si Sandy.
Tumalikod na ‘ko sa kanila. Hindi ko na alam kung papano ako magre-
react sa eksenang nadatnan ko. “Alis muna ‘ko—.”
“Freak!”
Nilagpasan ko silang lahat hanggang sa may humawak sa braso ko.
“Freak, I said wait!”
Lumingon ako sa kanya at inalis ko ‘yung kamay niya sa braso ko.

207
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Don’t tell me you’re—.” Napatigil siya nang biglang tumunog yung


cellphone ko. Sinagot ko agad ito habang nakatingin ako kay Troy.
“Hello Mi, pwede pong mamaya na lang kasi—.” Napahinto ako sa
sinabi ni Mommy. “Po?!” Napa-iwas ako ng tingin kay Troy. “Opo, sige
po. Hindi po,” tumingin ako kay Troy. “Ako lang mag-isa. Opo, uuwi
na ‘ko. Bye.” Saka ‘ko ibinalik sa bag yung cellphone ko at nagtangkang
umalis.
“Nadine.” Seryosong tawag niya.
“Bukas na lang tayo mag-usap.” Sabi ko habang nakatalikod na ako sa
kanya at saka ako umalis. Maya-maya pa kasunod ko na si Sandy.
“Girl, teka? Bakit biglang aalis ka? May problem ba?”
Habang nakatingin lang ako nang diretso, sinagot ko yung tanong ni
Sandy. “Si Daddy—tsk. Wala naman sana.”
At wala rin lang sana ang nakita ko kanina…

208
VOLUME TWO

What’s on your mind? Ang PRIDE ay kainin.


Gawin nating PRIDEchicken.

Gusto ko mang kausapin si Mokong tungkol sa nakita ko, mukhang


hindi pa ‘to ang tamang time para do’n. Mas priority ko ang family ko
ngayon at iyon ang mas dapat kong intindihin muna.
“Mommy, ano ba talagang nangyari? Anong sinasabi niyong nawawala
ang Daddy?” Tanong ko. Nakarating agad ako sa bahay dahil hinatid
ako ni Sandy, at ang balitang nawawala raw si Daddy sa Canada ang
siyang bumungad sa’kin.
“Eh, ‘yun nga anak. Naka-usap ko ang kasamahan ng Daddy niyo sa
Canada at sinabi niyang hindi na sila magkasama ni Reylan. Tumakas
daw sila sa employer nila do’n.”
“Eh bakit daw po, Mommy?!” Tanong ko.
“Naghigpit daw ‘yung employer at hindi binabalik ang mga passports
nila sa kanila. Ang totoo raw niyan, no’ng isang buwan pa sila hindi
pinapasweldo ng employer nila. Nako naman, ang Daddy mo talaga,
oo. Magkausap lang kami no’ng isang linggo, ‘di man lang nagsasabi
sa’kin?!” Sabay upo ni Mommy sa sofa.
“Eh malamang niyan, ayaw tayong papag-alalahanin ni Daddy. Tsk,
ngayon pang kaaalis ko lang sa trabaho ko.” Si Kuya.
Kung anu-anong iniisip ko nang mga nakaraang araw. Puro ako
pakasaya, hindi ko man lang nakausap si Daddy kung maayos siya sa

209
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Canada. Ngayon ko lang naisip na parang wala pala akong paki-alam


kay Daddy na nagtatrabaho para samin, habang ako abot langit ang
kasiyahan. Nakaka-guilty.
“Pa’no pong gagawin natin niyan?” Tanong ko.
“Hindi ko nga alam, anak eh. Wala naman tayong kilala na pwedeng
tumulong. Ang mga kamag-anakan natin, simula nang malugi ang
kumpanya, ni hindi ko na nakita maski anino nila.”
Tama. Sa dami ng naitulong namin, walang bumalik sa’ming tulong o
kamusta man lang matapos naming malugi. Nako Nads… Masama
ang manghusga, mas mabuting ‘wag na lang magsalita. Sabi nga ng
Daddy ko noon…
Tumulong ka kung may maitutulong ka. Pero kung huhusgahan mo sila
pagkatapos mo silang tulungan, ‘yun ang pinakanakakatawang ugali na
ipapakita mo sa iba, Nadine.
Pero paano na ngayon ‘yan?
“Wala pa naman akong trabaho dahil ayaw akong pagtrabahuhin ng
Daddy niyo. Nako, talaga naman ‘yang si Reylan! Nakapagpatayo na
nga ng kumpanya, naloloko pa rin ng mga small timer! Kapag naka-
uwi ‘yan, nako, puputulan ko talaga ‘yan!”
Napatingin kami ni kuya. “Eh?! Mommy?” Iling ko.
“Huh?” Tumingin si Mommy sa’min. “Puputulan ko ng pride! Mga
anak ko talaga.” Kala ko naman kung ano na.
“Yaan niyo, ‘Mi. Maghahanap na uli ako ng trabaho. Dapat pala, hindi
muna ako nag-resign.”
“Kasi naman, nabasted ka lang, nag-resign ka na—hehe, joke lang
kuya.” Biro ko. Pinagagaan ko lang ang loob nila. Wala akong alam
kung paano ako makakatulong.
Kung kay Mokong kaya? Pero hindi, hindi pa nga kami nag-uusap
tungkol sa nangyari kanina. Ayokong isipin niyang kaya lang ako
makikipag-ayos eh dahil may kailangan ako. Ayoko, never.

210
VOLUME TWO

-=-
Anak ng tinapa! May after shock pa ata yung pagkakasuntok ni
Captain dito sa locker! Grabe talaga pag si Freak na niya ang usapan.
Nasa’n siya? Wala, umalis na! Buti naman dahil hindi kami makahinga
baka kami sumunod sa kawawang locker na ‘to. Nayupe!!
Kaya nga bago umalis si Madeline, nakatikim siya sa’kin! Seryoso ako
talaga!
Sa susunod na gawin mo pa ‘yon, baka hindi ako makapagpigil, halikan
kita—mali! Upakan kita, pero joke ‘yan, hindi ako napatol sa babae. Ah,
kay Liz lang, kaya umayos ka!
Sigurado ‘yan, sineryoso ako no’n. Seryoso naman datingan ko di ba!?
Concern lang ako sa mga kaibigan ko. Pero mas concern ako sa buhay
ko! Alam niyo bang ang unang tatamaan ng bagyong yan, eh kami!?
Sumpain talaga ang Madeline na ‘yan!
Maya-maya, dumating si Luke.
“Oh, bakit ganyan ang mga mukha niyo?” Tanong niya. Nagpa-iwan sa
press ‘yan kanina para magpa-interview.
“Late ka kasi lagi! Wala kang alam! Wala!” Sigaw ko.
“Akala mo lang wala! Pero—gag* nito. Ano nga?!” Sabay tabi sa’kin.
Habang ‘yung iba back to work sa pagpapalit ng damit. Sanay kay
Captain na magalit eh. Immune na!
“Si Madeline! Hinalikan si Captain! Nakita ngayon ni Nads, ayun!
Lumayas! Tumakbo, tapos may dumaang sasakyan, sumigaw si
Captain, tapos—ARAY!” Binatukan ba naman ako?! Bwahaha!
“Umayos ka, seryoso ako.”
“Okay! Fine! Hot na hot, attentive masyado, parang ‘di ko alam kung
bakit. Bwahaha!”
“Isa.”
“Okay, ‘yon nga kase. Nakita ni Nads si Captain na nagtataksil. Kaya

211
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

ayun, umalis si Freak. Si Captain ngayon ang na-freak. Bwahaha! Patay


tayo bukas.”
“Teka?” Inakbayan ako ni Luke. “Break na ba?”
“BWAHAHA! ‘WAG KANG MAGSAYA DAHIL LQ LANG ANG
TAWAG DIYAN! WALA KANG KAPAG-A-PAG-ASA! SINGLE KA
NA POR-E-BER!” Sabay bitaw sa’kin. “Masakit na katotohanan, Pare.”
“Tsk tsk tsk, kung ako lang sana ang pinili, walang ganyang eksena.
Wala akong babae—.”
“SINUNGALING!!!” Sigaw naming lahat.
Tumawa naman siya. “Wala akong babae. Tawag sa kanila… Friends—.”
“WITH BENEFITS!” Sigaw uli namin.
“Anak ng tokwa—Yung totoo lang mga ‘tol?!”
“Magsaya na kayo, dahil bukas…walang Dragong ligtas.” Dumating
na si Baste. Kinalma niya si Captain kanina. ‘Yan lang naman at
si Luke ang may kayang magpakalma do’n. Kasi kung ako lang ang
magpapakalma? Walang mangyayari. Parehas kaming HOT eh!
Bwahahaha! Pero bukas, patay-patay kami.
Nagsilapitan nalang kami sa isa’t isa at nagtapikan ng mga braso sabay
sabing…
“Goodluck sa’tin…”
-=-
She’s not picking up her goddamn phone! What if iniisip niyang
ginusto ko yung nangyari?! Never! It’s only her who can make me
satisfied and keeps me asking for more, and more, and more, and more.
No one can replace my Freak, no one.
“Tss, pick it up, pick it up—.”
The number you have dialed is not yet in service.
Nice, that’s nice. Nasa harapan ako ng bahay nila at ang sabi ng Kuya
niya kanina, tulog na si Freak. Pero bukas pa ‘yung ilaw sa kwarto niya.

212
VOLUME TWO

I can see it from here in my car. Hanggang ngayon ba gising pa rin siya?
It’s three am in the morning and I’m still here.
I can’t sleep. I NEED FREAK. I’m totally drained. I NEED FREAK.
I MADLY – DEADLY NEED FREAK!
-=-
Inaantok ako ah. Hindi pa ‘ko nakakatulog nang maayos dahil
naghahanap ako ng trabaho sa internet. I madly – deadly need a job!
As in now na—kinilabutan ata ako. Madly - deadly – needing?
Sabi ni Kuya kanina, pumunta raw si Mokong sa bahay kagabi. Kaso
raw tulog na ‘ko… Eh, nagpanggap lang naman talaga akong tulog.
Wala kasi ako sa mood… Wow Nads, kailan pa? Kay Mokong talaga?
Pinauwi raw ni Mommy si Mokong nang makitang nasa labas pa rin
ito no’ng umaga. Bakit naman kasi naghintay pa siya…
“Ayan, ayan na siya. Halatang stress, break na eh.” Sino naman kaya ang
sentro ng chismisan sa University na ‘to? Wala ako sa mood, may sarili
akong problema.
“Eh, pa’no ba naman, ang ganda no’ng EX. Anong laban naman,
friend?”
“Perfect naman ang Troy at ‘yung Madeline. Ganda kaya.”
Hinto Nads. Sino raw? Troy at Madeline? Ako ba’ng tinutukoy ng mga
‘to?! At yung kanina… Break?? Sinong break??? Humarap ako sa kanila.
“Hala, bitter ‘yan, patay tayo.”
Habang papalapit ako sa kanila, kumuha ako ng papel at ballpen sa bag
ko. Sabay pirma sa papel at iniharap ko sa mukha nila.
“Ah… Ano ‘yan?” Tanong no’ng isa.
“Autograph niyo. Mukhang fan ko kayo eh, alam na alam niyo ang
pangyayari sa buhay ko.” Sabay bitaw no’ng papel at tinalikuran ko sila.
Inis! Sinong break?! Ni hindi pa nga kami nag-uusap, tapos break?!
Dumiretso ako sa room na ang gulo ng utak ko. Pa’no naman nila

213
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

nalaman ‘yun?! I mean, ‘yung mga nangyayari…


“Hi Nads!” Sunud-sunurin daw ba ang kabuwisitan ko? Naka-upo pa
sa upuan ko. Wala pa naman akong dalang Domex, para all kill ang
germs. Tss. Si Butiki…
“Close tayo?” Sagot ko sabay tayo niya.
“Wala naman… Concern lang ako sa’yo ngayong trending ang break-
up niyo ni Troy.” Break up ka diyan? Nag-away kami pero hindi kami
nag-break! Yung totoo, hindi pa nga kami nag-aaway dahil hindi pa
kami nagkikita! Anong break sila diyan?!
“Shocked ka pa rin ba, Nads?” Tanong nitong butiki na ‘to. “Kasi—.”
Natigilan siya nang bigla siyang hinawakan ni Sandy sa balikat.
“Seriously? Bakit ka nandito? Hindi ka naman dito nakatira ah?”
“Well, I’m not living here, playgirl-slut.” Sabay alis ng kamay ni Sandy
nang hahawakan siya ni Jhoanna.
“Oh my Gosh! Your hands, Sandy!” Sabi ni Liz. “Bakit ka kasi humawak
sa kanya, alcohol please!” Inabutan naman ni Chris ng alcohol si Sandy.
At habang naglalagay naman ng alcohol si Sandy…
“Alam mo Jhoanna, the term slut is for ladies who chase men. But me?
I don’t chase them, they chase me. So the term slut is not for me, for
you, maybe?”
“Mga b*tches.” Si Jhoanna sabay alis. Haay… Walang magawa.
“That’s us.” Sagot ni Liz.
Umupo na lang ako sa upuan ko at tumabi yung tatlo.
“Nads, you looked so depress… ‘Wag mo ng intindihin ‘yang mga
video na ‘yan. Halata namang planado lahat eh.” Sabi ni Liz.
“Don’t mind that vid, that’s a ruse.” Dagdag pa ni Sandy.
“Okay ka lang ba, Nads?” Tanong ni Chris.
Tumingin ako sa kanilang tatlo. “Ano ba ‘yang sinasabi niyo?” Tanong
ko. Video?

214
VOLUME TWO

“Don’t tell me… Hindi mo alam?” Tanong ni Liz.


“Ang alin ba?” Nakakatamad na tanong ko.
“Fine, wala ka na namang alam na break na kayo sa Facebook. See this,
here.” Inabot ni Sandy yung iTouch niya. Pinanood ‘ko yung video,
iyon ‘yung eksaktong eksena na nakita ko kahapon. May title pa na…
Sorry Nads, he’s in love with another woman. At ang laman ng comment
ay puro BREAK NA YAN!
Binalik ko na kay Sandy ‘yong gadget niya. Nakakadagdag lang ng sakit
sa ulo.
Napatingin ako sa kanilang tatlo, mga matang mapanuri na naman
sila. “Ano ‘yon?”
“May bago sa’yo, Nads.” Si Liz.
“Bago?”
“You’re not even reacting hilariously. ‘Yung tipong babaligtad ang
upuan sa galit?” Sabi ni Sandy. Gano’n ba ‘ko ka-brutal?
“May ibang problema ka ba, Nads?” Tanong ni Chris.
“Ah?” Nakatingin pa rin sila sa’kin. “Wala ah. Napuyat lang ako kagabi.
Ano… ‘Di ba? Inisip ko ‘yung kay Mokong. Iyon nga, pero mag-uusap
kami. Basta…” Gusto ko nang makita si Mokong. Totoo man o hindi
‘yung nakita ko, nalulungkot pa rin ako. Kaya mas dapat ko siyang
makita. Lalo pa ngayon…
‘Di ako mapalagay sa problema sa bahay.
-=-
Tulad nga ng inaasahan, kami ang pinagbuntunan ni Troy ng
galit. Dapat pinutol ko na ang dila nitong si Adrian, may ‘sa-maligno’.
Nagkatotoo ang mga pinagsasabi. At ang sirang ‘yun, wala pa hanggang
ngayon! Tinakasan pa yata kami.
Pero ewan ko lang ah…
Maluwag ata turnilyo ng Madeline na ‘yun. Nagpakalat daw ba ng

215
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

video sa Facebook. Sigurado, nakita na ni Nads ‘yan. Ikakadena


ko ‘yang babaeng ‘yan kung ‘di lang talaga ako pumapatol sa babae.
Balita ko, hindi pa nag-uusap ‘yung dalawa dahil diyan. Kaya ‘eto,
nakakasingkwenta pa lang naman kaming rounds dito sa gym.
“BREAK!” Sigaw ni Troy.
“Thank you, Lord!” Sabay bagsak ni Trick.
Sabay-sabay kaming nagbagsakan sa sahig, mga nakatingin sa kisame
at hingal na hingal. Natatawa na lang ako sa mga hitsura namin dito.
“Kaunti na lang…” Habang hinihingal ‘tong si Rick. “Susugurin ko na
‘yang si Madeline. Buset. Mauubos hangin ko sa katawan.”
Natawa ako. “CPR daw, bigyan niyo ‘yan.”
“Si Suzzaine, Luke, bigay mo.” Sagot ni Baste sabay tawa.
Habang nasa kalagitnaan kami ng pagpapahinga at paghinga, anak ng
tokwa, sarap kumitil ng buhay talaga.
“CAPTAIN!!!! NAPANOOD MO NA ‘YUNG VIDEO?!”
Sabay-sabay kaming napabangon at napatingin dito sa isang ‘to na
humahangos papasok ng gym! Tumayo ako saka ko sila nilapitan.
Magkaharap na sila ni Troy.
“Captain! Yung kahapon! Nasa video, nasa facebook, baka nakita ni—
ARAAY!”
Inakbayan ko nga na malakas-lakas ang pagkakahatak. Sabay bulong.
“Gusto mong patayin kami niyan kaka-ikot sa gym ah?! Late ka na nga,
nangdadamay ka pa.” Tumingin ako kay Troy. “Ge! Pahinga ka lang,
Captain. Ako na ang magpapatahimik dito.” Umalis na si Troy sabay
bitaw ko kay Adrian.
“Gusto mo nang mapaaga ang paglalakbay mo sa kabilang buhay,
Adrian!?” Tanong ni Baste na nakatayo na rin.
“Bakit ba?! Nakita niyo na ba? Eh, si Captain? Nakita na ba niya?”
Minsan iisipin mo talaga, ilang beses kayang pinanganak ang

216
VOLUME TWO

walanghiyang ‘to?
“Alam na namin, syempre.” Sagot ko.
“Pero ang ‘di niyo alam ay ‘yung halatang planado ang mga ‘to!
Bwahaha! Wala kayong kaalam-alam!”
“Mumurahin na talaga kita, isa na lang. Alam namin ‘yan, baliw.” Sagot
ko.
“Bwahaha! Alam niyo na!? Mga chismoso ‘tong mga ‘to.”
“Hanap ka ng kausap mo.”
“Pero kasi, alam na alam ko ‘yang mga ganyang tactics ng mga babae.
Ganyan din kasi ka-desperate ‘yung ibang girls sa’kin.” Nagbuhat na
naman ng upuan niyang gawa sa bakal.
“Pare, pwede bang iwan na natin ‘tong isang ‘to?” Tanong ‘ko sa iba.
“Bwahaha! Ganyan kayo eh. Kawasa, si Lady Gaga lang ang naghahabol
kay Luke ngayon.”
Nakaka-asar, pa’no na si Nads niyan? Sigurado, malungkot ‘yun. Nako
Luke, wala ka ng dapat sinasabing ganyan. Iwan mo na ang flavor of all
season mo. Sana magka-ayos na sila ni Troy.
-=-
Ganyang-ganyan siya nang magkaproblema sa company nila.
Walang kibo at parang walang paki-alam sa mga nangyayari sa paligid.
Hindi pa sumabay sa’min ang bruha pag-uwi… Kanina no’ng demo
cooking, humingi siya kay Liz ng vinegar para sa paksiw niyang isda.
Inabutan ko ng toyo, aba, pinaksiw sa toyo ang peg, bruha talaga. Ano
kayang meron sa isang ‘yun?
“Tanungin kaya natin sina Tita?” Suggest ni Liz.
“I don’t that’s a good idea.”
“’Wag muna, hintayin nating si Nads ang magsabi sa’tin. Gusto niya
siguro ng privacy.” Sabi naman nitong si Chris.
“Privacy, seriously? Kahit nga ang kulay at favorite design ng

217
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

underwears niyo alam ko. There’s no privacy with B*tches. We stick


together, we fight together. Remember?” I said.
“Kung sabagay… Pero desisyon niya ‘yon. Hintayin nalang natin siyang
magsabi kung may problema siya.” Sabi ni Chris.
“Hands in..” Liz.
“Okay, fine, count me in.” I just replied.
-=-
I’m pushing my luck but I think there’s nothing left for me today.
“Pasensya ka na Troy, tulog na siya. Maagang nagsara ng pintuan,
mukhang wala siya sa mood. Marami kasing iniisip ‘yun ngayon. Loko
kasi ‘yung lalaking ‘yun, nako! Makita ko lang talaga ‘yan, uupakan ko
‘yan. ‘Yung kapatid ko tuloy na baliw lalong nabaliw. Tsk.”
Ganyan ba kalungkot si Freak? Teka? Lalaki? Sinabi niya ba sa Kuya
niya?
“Okay, I’ll see her tomorrow. Thanks.”
“Sige, ingat.”
Damn, it’s been two days. Two freakin’ days without her. Tss!
-=-
Ngayon na ‘ko maghahanap ng trabaho. Hindi ako papasok sa next
subject para makapaglibot pa ‘ko sa mga trabahong nahanap ko sa
internet.
“Sa’n punta mo Nads?” Tanong ni Liz.
“Ah? Sa ano, sa patay.” Patay? Inaayos ko ‘yung mga gamit ko.
“Sama kami.” Sabay-sabay nilang sabi. Napahinto ako at napatingin sa
kanila.
“Eh, hindi pwede. Ayaw nilang maraming tao. Close relatives lang
daw pwede.” Napalunok ako bigla nang makita ko ang mga mapanuri
nilang mga mata. Ay nako naman!

218
VOLUME TWO

“Eh…” Sabay tingin ni Chris sa’kin mula ulo hanggang paa. “Bakit
naman ganyan ang suot mo?”
Bakit— “Ano, ah… Maarte nga kasi, kailangan may proper attire sila.
You know?” Sabay tawang alanganin. Naka-corporate attire na nga
pala ako!
“Ahhh….” Sabay-sabay nilang sabi at umiwas na ng tingin na parang
na-gets nila ang sinabi ko.
“Ah, wait lang. May tumatawag.” Kinuha ko yung cellphone ko at saka
ako lumabas.
Si kuya… “Hello, kuya.”
-=-
At para sa’n naman kaya ang resume nitong si Nads? Pagkalabas niya,
tiningnan namin ‘yung envelope niyang dala. At ang daming resume…
“Pinagtatrabaho na ba siya nila Tita?” Tanong ni Liz.
“Never. Kahit si Kuya Roy, ayaw.” Sagot ko.
“Tingin ko may problema talaga.” Sabi ni Chris.
And we better find it now.
-=-
Bakit naman gano’n silang lahat!? Lahat ng pasahan ko, wala raw
opening, hindi raw ako qualified. Hindi naman pag-aartista pinapasok
ko, bakit ‘di ako qualified? Tapos ‘yung isa, wala raw akong experience?
Eh, kaya nga ako magtatrabaho para magka-experience! Ay grabe, ang
hard!
‘Eto, nasa huling lugar na ‘ko. Please, sana maging okay na.
“Good morning po. Nakita ko po ‘yung job opening niyo sa internet,
and I’m interested.” With my super duper charismatic smile. Binigay ko
ang resume ko at ayun, binasa naman niya.
“Ah, HRM student in Escolastica University?” Nagtaka siguro, ganda
ng school ko eh. “Well, we’re looking for bar tenders and we want some

219
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

crews who already have an experience para hindi na kami mahirapan


na turuan.”
Experience na naman ang issue. “Gano’n po ba…” Serbidora kaya?
Tiga-hugas ng pinggan? “Pero kung sakali pong kailanganin niyo ng
unexperienced staff, nandiyan po ang contact details ‘ko. I’m very
willing to work po talaga.”
At pagkatapos, lumabas na ‘ko ng bar. Napabuntong hininga na lang
ako. Grabe, mahirap pala talaga humanap ng trabaho. Masakit na ang
mga paa ko, pawis na pawis na ko at ang sakit-sakit ng ulo ko.
Pumunta ako sa bus stop, suko na ‘ko. Sumakay ako ng bus kasabay ng
iba, gusto ko ng umuwi.
“AH!” Iling ko nang may biglang bumangga sa’king lalaki. Tiningnan
ko pero dire-diretsong bumaba lang ito ng bus. “Inis…” Saka ako
umupo, tapos may tumabi rin sa’kin.
Umuulan pa naman, sayang, sarap sanang mag-EMO kaso may katabi
ako. Naiiyak ako… Gusto kong sabihin kay Mokong kaso baka isipin
niya I’m taking advantage of him kasi mayaman siya. At isa pa, hindi
pa rin ako sigurado kung totoo o hindi ‘yung video—Nads! Syempre
love ka ni Mokong…
“Sa’n po kayo?” ‘Yung kundoktor.
Kinapa ko na ‘yung pitaka ko sa bag. “Ah… Sa Cubao po.” Nasa’n
na ‘yung wallet ko? Nakatingin sa’kin ‘yung kundoktor habang
naghahanap ako. Kasi naman eh… Nasa’n na ba ‘yun?! Naiiyak na ‘ko!
“Bayad ko na siya, ako diyan lang sa next bus stop.” Sabay bigay no’ng
lalaki ng bayad niya.
“’Eto po Sir.” Binigay sa kanya yung ticket.
Nilibre niya ‘ko, ang bait niya… “Binayad mo ba ‘ko?” Nangingiyak na
tanong ko.
“Unless may nakita kang ibang tao rito na pwede kong ilibre bukod sa
katabi ko.” Sabay iling niya.

220
VOLUME TWO

“Salamat.” Tumango lang siya habang nakatingin sa harap. Nakakahiya.


Tumingin na lang ako sa labas. Saan naman ako makakahanap ng one
hundred thousand? Sabi ni Mommy, iyon daw ang ginastos no’ng isang
kasamahan ni Daddy na naka-uwi na rito sa Pinas.
Napatingin ako sa cellphone ko. “Sanla ko kaya ‘to…” Mahinang sabi
ko. Pero galing kay Mokong ‘to. Napatingin ako sa singsing ko. “Kay
Mokong din…” Lahat na lang kay Mokong. Wala pa ‘kong nabibigay sa
kanya. Hindi na ‘ko pwedeng humingi sa kanya.
“Miss, sa susunod mag-iingat ka sa mga bumabangga sa’yo.
Mananakawan ka uli niyan.”
“Ah?” Bigla naman kasi siyang nagsalita.
Tumingin siya sa’kin. “Yung bumangga sa’yo kanina, ninakawan ka.”
Ako pa talaga?! Ako pa ang ninakawan!? Wala na nga akong pera…
“Nakaka-inis, ‘di na nga ako tinanggap sa trabaho, ninakawan pa nila
ako?” Malas.
“Oh.” Inabot niya ‘yung brochure. “Trabaho ‘yan.”
Binasa ‘ko, teka?! “’Eto ‘yung huling pinuntahan ko kanina. Hindi ako
tinanggap.”
“Tatanggapin ka diyan, baka nagkamali lang ‘yung kausap mo.”
“Pa’no mo nalaman?” Tiningnan ko siya. “Empleyado ka ba do’n?”
“Empleyado? Oo.”
“Bakit alam mong na’ndito ako? Na—.”
“Nakita kita, nasa bar ako kanina. Pauwi na ‘ko kaya napasabay ako.
Sige na, oh.” Sabay abot ng… One thousand? Nilagay niya ‘yun sa
kamay ‘ko sabay bitaw. “Baka ‘di ka maka-uwi, kawawa ka naman.”
Tumayo na siya. “Boss, sa tabi lang!” Saka siya umalis.
Napatingin ako sa hawak kong brochure at isang libo. Mukha na ba
akong pulubi?
Naglalakad na ‘ko papalapit ng bahay namin nang may biglang pumigil

221
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

sa paglalakad ko.
“FREAK!” At may yumakap sa baywang ko. Dalawang brasong
mahigpit na mahigpit ang yakap. Nilingon ko kung sino.
“Mokong…” Para namang hindi kami nagkita nang sobrang tagal.
“Mokong, hindi ako makahinga.” Saka siya bumitaw. Humarap ako
sa kanya. Mukha siyang stress at walang tulog. “Mokong, ayos ka lang
ba?” Kumain na kaya siya? Hindi siya nagsasalita, bakit hindi siya
nagsasalita?
“Mokong bakit—Mokong?” Bigla niya kasi akong niyakap na naman.
Mahigpit na mahigpit na akala mo ngayon lang kaming nagkitang
dalawa. Teka? Kailan nga ba ang huli?
“Mokong, may prob—Uhm.” Hindi na niya ‘ko pinagsalita dahil kinain
na niya ang mga salita sa labi ko. Naka-akap lang siya sa baywang ko
habang… Habang nilalagutan ako ng hininga. “Mokong! Awat…”
Huminga naman ako.
“Freak, I’m sorry. I don’t know why I’m saying sorry, but I’m sorry. That
kiss? I don’t know kung anong tumatakbo sa isip ng Madeline na ‘yun.
That video? I didn’t know where that came from pero hindi pumasok
sa utak ko na hiwalayan ka. Never! Don’t leave me, Freak. ‘Di ko alam
kung kakayanin ko kung wala ka. Please.” Sinabi niya ‘yun na parang
mawawala na ‘ko sa kanya. Yakap niya ‘ko at hindi ko makita yung
reaksyon ng mukha niya. Pero sa tono ng boses niya, alam kong may
halong pagkatakot ang pagkakasabi niya.
“I know, at hindi ako naniniwala sa mga nakita ko. Hindi kita
hihiwalayan, ano ka ba naman Mokong. Sorry, hindi kita nakausap.”
Marami lang akong iniisip… Sobrang dami. Tumahimik siya sandali at
unti-unting lumuwag ang pagkakayakap niya. Nawala na yung pagka-
tense niya.
Habang magkayakap kaming dalawa. “How are you, Freak?”
Hindi okay… “Okay lang.”
“Na-miss mo ba ‘ko?”

222
VOLUME TWO

Sobra-sobra… “Oo naman.”


“Okay ka lang ba talaga, Freak?”
Hindi nga ako okay… “Oo naman, ano ka ba?” Biglang bumitaw si
Mokong at tiningnan ako. “Bakit?”
“You’re not okay. I know that you’re not.” Sabi niya.
“Okay ako.”
“Are you sure—.” Bigla ko siyang niyakap. Naiiyak na kasi ako kaya
‘eto lang ang way para makapagtago ako sa kanya. Naririnig ko ‘yung
tugtog sa sasakyan niya…
If there’s love just feel it
And if there’s life we’ll see it
Nakadikit lang ‘yung mukha ko sa dibdib niya. Pinakikinggan ang tibok
ng puso niya… Mabilis, sunud-sunod… Maya-maya, bumabagal…
Kumakalma… Nararamdaman kong kasama ko si Mokong… Ang
Mokong ko…
This is no time to be alone, alone yeah
I won’t let you go
“Freak… Nadine… If there’s anything you want to say, don’t forget that
I’m here. We’re together now… Hell—forever. Got me?”
Say those words
Say those words like there’s nothing else
Close your eyes and you might believe
That there is some way out
Naramdaman kong hinalikan niya ‘yung ulunan ko, at mas hinigpitan
niya ‘yung yakap niya sa’kin.
“I’m okay…” I’ll be okay. “Kasi lang talaga—.”
“I love you.” Sabi niya habang nakalapit ang labi niya sa ulunan ko.
Parang pinapatimo niya ito sa isip ko at dadaloy hanggang puso ko.

223
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Don’t forget that.”


And if there’s love just feel it
And if there’s life we’ll see it
This is no time to be alone, alone…
I won’t let you go
Bumitaw ako sa kanya habang pinupunasan ko ‘yung luha ko
“Go and take a rest, have some sleep.”
Tumango ako. “Oo… Pagod lang ako. Ingat ka pag-uwi.” Tumango rin
siya. “Babawi na lang ako next time.”
“I’ll be waiting.” At bahagya siyang ngumiti.
-=-
Kinabukasan pinuntahan ko uli ‘yung bar na tinanggihan ako
no’ng unang punta ko. Pero parang nagka-amnesia ‘yung kausap ko
na lalaki kahapon, dahil ngayon? Puring-puri pa niya ako.
“Talaga po!? Tanggap na ‘ko, Sir?” Ang weird! Pero masaya ako!
“Ah, oo naman. Medyo nagkaroon ng changes sa mga hinahanap
namin. Since galing ka rin naman sa isang prestigous university, sa
tingin ko magiging competent ka sa job. So… Are you in for tonight?”
Tonight??!
“Ah, opo! Mamaya po after my class dito na po ako didiretso.”
“Good, so let’s have a nice working relationship here. Nga pala, you can
ask one of our employees to teach you about the basics na ginagawa
rito sa bar. Ah…si—I mean, Rocky?” Rocky?
Lumingon ako at siya nga! ‘Yung nasa bus kahapon!
“Yes, Sir.”
“Ah, oo, ahh…” Nangangapa ng sasabihin si Sir. “Pakituruan na lang
siya ng mga gagawin dito. You know everything in this bar kaya wala
na ‘kong dapat sabihin pa.”

224
VOLUME TWO

“Okay, Sir.”
“Okay, Nadine?” Tumingin ako. “Iwan na kita kay Rocky.”
“Ah, opo, salamat Sir. Salamat po talaga.” Tumango siya at umalis na
rin.
“So… Crying baby.” Sabi nitong si Rocky. Sabay smile niya.
“Sige asarin mo lang ako, ayos lang. Binigyan mo naman ako ng
trabaho, I mean, basta! Salamat, Rocky. Super duper thank you.”
“Ayos lang. So mamayang gabi na kita tuturuan, ‘wag na muna ngayon.
Parang papasok ka pa ata sa school mo.”
“Ah oo eh.”
“Sige, kita na lang tayo mamaya.”
Uwian na, sa wakas! Kailangan ko ng makaalis kaagad.
“Freak!” Patay na. Lumingon ako at nag-smile sa kanya.
Lumapit ako. “Ah, susunduin mo ko?” Dapat diretso na ‘ko sa bar eh.
“Tss! Of course, sinusundo kita. Have you eaten your lunch already
uh?”
“Naman—.” Bigla akong ninakawan ng halik.
“’Coz I haven’t.” Kinuha niya ‘yung backpack ko in just one swift. “Tara,
you look tired. You need to rest.”
Umuwi na kami ni Mokong at eto, pababa na ‘ko ng sasakyan niya.
“Ingat sa daan. Text ka kapag nasa gym ka na.” Sabi ko habang nakasilip
sa kanya sa loob ng sasakyan.
“Yeah, I’ll call you.” Sabi ko text lang eh.
“Bye!” At umalis na rin siya. Napatingin ako sa wristwatch ko… “Let’s
go Nads.”
-=-
She’s acting weird. Naiwan niya ‘tong libro niya sa sasakyan. Baka

225
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

kailangan niya ‘to kaya umikot ako pabalik sa bahay nila. Good thing
I’m still in their area. Pero habang pabalik ako, I saw her… Sumakay
siya ng jeep?
“Where are you going… Freak?” I thought she’s tired and want some
sleep?
Is she going to any of her friend’s house? Then bakit ‘di siya nagsabi
sa’kin? Of course, she’s not hiding something, right? Tss, nonsense.
Let’s just follow Freak, Troy. Better.
After an hour of driving, I’m here around Taguig area. I saw her
ride a bus and then a cab, getting me here… Near clubs and bars?
Makikipagkita ba talaga siya kina Sandy? Then why does she need to
hide that from me? It’s not like hindi ko siya papayagan but—yes, of
course, I’ll tell her not to drink and that’s it.
Troy, there’s no use of your ‘what ifs’, let’s just find out and see.
Bumaba siya sa tapat ng bar, named Rock Me Bar. I followed her. Tss!
Bunch of people, how am I suppose to find her? I tried to call her but
she’s not answering her phone. Siguradong mas hindi niya sasagutin
‘yun ngayon sa lakas ng ingay sa loob. Tss!
I just stayed in one corner where I can see everyone. Freak should not
be here, tss!
“See that girl? New girl here, right?”
“Yeah, I can see that.”
“Of course, and the early bird always catches the worm.”
“Yeah, I get it. But this time, I’m the mad bird and she’s my worm.”
I should find her, now! Sht, answer this phone, Freak!
“Go for that newbie. Let’s go.”
“Yeah, right.”
I looked at these zealot junks while they stood up and chukling in
excitement. Tss, this kind of place is not for ladies—Freak? It’s dark but

226
VOLUME TWO

I’m sure… It’s her! And she’s wearing a uniform?


Napatingin ako sa mga lalaking palapit sa kanya. Those bastards!
“Ay! Ano ba ‘yan?!”
“Huy! Ano ba?!”
Wala akong pakialam sa ibang tao, just don’t ever touch her, or else
you’ll taste hell.
They’re still bothering Freak when I reached them. I grabbed their
shirts so they can face me and the floor next.
“Anong problema mo ah—AH!”
“You don’t have to know.” I said while staring at them lying on the floor.
“Hoy, ikaw!” I turned around and here’s a light blow coming from
somewhere.
I spit some blood. “Mind your own f*cking business.”
“AHH!” And then he’s down. Tss, fool.
“May mga nag-aaway dito, tulong!!”
I’m ready to give them another round pero I heard her voice saying…
“Mokong!!?” I turned around and there she is. With all her white and
black uniform while she’s holding a piece of cloth.
Lumapit ako sa kanya habang tulalang nakatitig siya sa’kin. I grabbed
her hand and we moved out of that place.
“Mokong, kasi—.”
“Just don’t say anything, Nadine.”
Hell, I can’t even get mad at her, coz her eyes was wide open and any
minute I know she’ll gonna cry. Sh*t.
-=-
Nagulat ako sa pangyayari. Hindi ko inaasahan at wala akong kaalam-
alam na ganito ang mangyayari. Pa’no nalaman ni Mokong? Pero hindi

227
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

‘yon ang issue, dahil galit siya… Galit siya sa’kin dahil I can see it.
Naiyak ako bigla, hindi ko alam kung bakit pero natatakot kasi ako
na magalit siya, pero galit na siya. Nakipag-away pa siya. Tinakpan ko
‘yung mga mata ko dahil hindi ko mapigilang umiyak..
“Freak, hell—stop crying. Sht—I’m sorry. Stop crying.” Habang hawak
niya ‘yung mga kamay kong nakatakip sa mga mata ko. “Hey, Freak.
Sorry, okay?”
Para akong tanga, humihikbi akong mag-isa. Kanina tinawag niya
‘kong Nadine, nakita kong galit siya. Natakot talaga ako…
“Sorry Mokong kasi—.” Niyakap niya ko habang nakatakip pa ‘yung
mga kamay ko sa mga mata ko..
“Ssshh… I don’t give a damn. I just want you out of that place.” Huminto
siya at saka niya inalis yung kamay ko na tinatakpan ang bawat pag-
iyak ko. Niyakap na lang niya sa kanya yung mga braso ko. “Damn
myself. Alam kong may tinatago ka sa’kin and I know I should have
known it from the start. Sorry Freak, I’m sorry. I’m sorry if I scared
you, it won’t happen again.” Umiyak lang ako nang umiyak hanggang
sa biglang kumalas siya sa pagkakayakap niya sa’kin na ikinagulat ‘ko.
Ang sunod ko na lang na nakita ay may hawak siyang kamay ng ibang
tao… SI ROCKY!!
“Woaw! Hey, calm down, Pare.” Sabi pa ni Rocky. Magsasalita na sana
ako kaso si Mokong.
“Do yourself a favor before—.”
“You’re still the same man! Pero ayoko pang mamatay kaya…” Inalis
niya yung kamay ni Mokong na nakahawak sa kamay niya.
“Mokong tama na ‘yan, siya ‘yung—” Tiningnan ko si Mokong pero
ang expression niya ay parang kinikilala niya yung mukha nitong si
Rocky.
Biglang tumawa si Rocky. “Hindi ka pa rin nagbabago, Troy. Mainitin
pa rin ang ulo, at least you have someone to tame you uh?” Sabay tingin
sa’kin. Teka? May di ba ‘ko nakukuha sa usapang ‘to? “Don’t tell me

228
VOLUME TWO

hindi mo ‘ko—.”
“What the hell are you doing here uh!?”
O-KAY?! So… Magkakilala ba kayo?
“Making my own money, as you can see.” Sabay turo sa bar.
“Tss! You better change the way you make your own money before I
close it down, tss!”
“Woaw, papag-isipan ko yan. Lalo pa sa nangyari kanina.” Sagot ni
Rocky.
Tiningnan ko silang dalawa at ako ay isang malaking O-P.
“Let’s talk some other time,” Tumingin si Mokong sa’kin at hinawakan
yung kamay ko. “We have to go.”
“Teka. Wait!” Pa’no yung trabaho ko?
“Don’t tell me you want to go back in there?” Tanong ni Mokong.
“Nadine,” si Rocky, napalingon ako. “Sige na, ako nang bahala. Don’t
worry. Mas nakakatakot pa si Troy kesa sa may-ari ng bar. I’ll handle
everything, sige na.”
“Let’s go Freak.”
Naka-uwi na kami at ngayon nasa tapat na kami ng bahay namin.
Hindi kami natitinag at wala sa’ming nagsasalita, naka-upo lang kami
dito sa loob ng sasakyan. Habang ako naman ay nakatingin lang sa
labas.
“Freak.” Uh-oh, ayan na Nads… Patay ka! Nang hindi ako tumingin...
“Hey, look at me.”
“Nakikinig ako.” Sagot ko.
“I’m not asking you to listen. I said, look at me.” Nahihiya ako na
natatakot. “Are you cheating on me?”
Bigla akong humarap sa kanya. “No! WAL—.”
“Tss, that’s better.” Saka ko lang nakuhang pinaharap niya lang ako sa

229
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

kanya. “Now, let’s talk about this.” Ayan na talaga… “I’m disappointed,
really.”
“Sorry.” Bigla kong nasabi.
“Being sorry is not the issue here, Freak. Because I think, you’re
forgetting something between us.” Forgetting? “Don’t you trust me?
Okay, what I’m saying is that, I’m not your Facebook boyfriend
anymore, I’m for real now, okay!? You should have told me everything,
specially if there’s something bad going on with your life.”
Naluha ako sa sinabi niya. Pero sumagot pa rin ako. “Ayoko lang kasing
mamroblema ka rin.”
“Who told you that?”
“Huh?”
“Sinong may sabing mamomroblema ako kapag sinabi mo ‘yun?
You haven’t told me yet, pa’no mo nalamang mamomroblema ako?”
Napatungo ako bigla. Guilty as charged! Ouch.
Huminga nang malalim si Mokong saka siya nagsalita uli. “Freak, we
both decided to be together. We both decided that we’ll stick forever,
but if you’ll gonna hide things from me… Pa’no tayo magtatagal? I’m
not asking you to tell me everything na tipong wala kang ititira sa’yo,
it’s not like that. I’m just saying, sabihin mo sa akin ang mga bagay
na dapat na malaman ko, Freak. Kung ano ‘yung dapat malaman ng
boyfriend mo. Give me the chance to know you more.” Hinawakan
niya ‘yung kamay ko and squeezed it lightly. Tumingin ako sa kanya
at ang mga mata niya ay warm and full of love. Feel ko. “Let’s help each
other. Remember, I’ll never leave you no matter what happens, okay?
Got me? Or should I—.” Hindi ko na siya pinatapos.
I hugged him tight. Iniyakap ko ‘yung mga braso ko sa leeg niya saka
ko sinabing…
“Salamat… I love you Mokong. Sorry.” Yumakap din siya.
“Tss.” Tumango lang ako habang nakangiti.

230
VOLUME TWO

Sinabi ko sa kanya ang lahat ng problema ko. Tahimik lang siyang


nakinig at wala na siyang sinabi sa issue na hindi ko agad nasabi sa
kanya. Buti naman talaga. Dahil sobrang kabado na ‘ko kanina nang
bigla siyang magsalita. But at the same time, sobrang saya ko dahil
nasabi ko na sa kanya ang problema ko.
“Now I know. Don’t worry too much.” Iyon ang sagot niya sa’kin. Hindi
ko alam kung may iba pa siyang ibig sabihin sa sinabi niya, pero alam
ko sa sarili ko na gumaan ang loob ko. “But first things first.”
“Ano yun?”
“I don’t want you to go back in that place again, Freak. Masyadong
maraming—tss! Just don’t go back in there, okay?”
“Pero Mokong, tinanggap nila ko do’n kahit wala akong experience.
Ayaw naman talaga nila no’ng una kaso pumayag daw ‘yung boss bigla,
kaya tinanggap nila ako. Nakakahiya namang iwan ko na lang basta
‘yung trabaho ko, unang araw ko lang kanina.”
“The boss… Right.” Ulit niya. Anong ibig niyang sabihin? “I’ll talk to
your boss—.”
“Eh! Mokong naman. Hindi na ‘ko bata, kaya ko nang sarili ko. Iyong
kanina, okay, talagang hindi maiiwasan—.”
“No Freak, maiiwasan kung hindi ka do’n magtatrabaho. But I get your
point. I’ll give you a few days. Bars are not for ladies like you.”
Tumango ako. “I believe you, siyempre.”
“Okay, good. Then one week or less is enough to repay your gratitude
or whatever it is. But…” But?
“I’ll be there too. I’ll be watching over you, okay? No buts, Freak. I’ll
just watch.”
“No fight?”
“No fight.” Good… “If not needed.” Better.
“Deal.” Sabi ko.

231
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Deal, but better to seal this deal with a kiss.”


Alam na!
-=-
Nasa university ako nang tumawag si Mommy. Sinabi niyang naka-
usap na niya si Daddy sa phone! Sa sobrang tuwa ko, nasunog ‘yung
niluluto ko sa demo class namin! Pero ang isa pang kinatuwa ko… Si
Mokong! Ang sabi kasi ni Mommy, si Mokong daw ang gumawa ng
paraan para ma-trace kaagad si Daddy sa Canada. Kinausap daw si
Mommy ni Mr. Hans kagabi para sa ibang info tungkol sa pagpunta ni
Daddy sa Canada, at from there, nag-umpisa na ang mga tauhan nila
na ‘i-trace’ ang whereabouts ni Daddy.
Grabe talaga si Lord. Humiling ako ng solusyon sa problema ko,
kinatok niya lang ang ulo ko sabay sabing nandiyan ang Mokong mo.
Ikaw na talaga Lord, ikaw na! Salamat.
“Ehem! Ehem! At isa pang Ehem!” Si Liz. Nandito kami sa garden at
kumain ng snacks.
“Tubig?” Alok ko.
“Funny, Nads.” Sabi ni Liz.
“Eh, galit ba kayo?” Tanong ko.
“Naunahan lang talaga kami ni Troy pero ang totoo… Kami na dapat
ang sasampal sa’yo at sabay sabing ‘NADS! B*tch TAYO! NASA’N ANG
LOYALTY MO?!’” Sabi ni Liz.
“Grabe naman, loyalty agad?” Sagot ko.
“You know what, Nads? We’re not saying that we’re oh the so perfect
friends, but we’re trying…” Sabay tingin kina Chris. “Right, girls?”
“Yeah, B*tch.” Sagot no’ng dalawa.
Then humarap sila sa’kin. “Kaya I’m saying, turuan mo naman kaming
maging mabait at helpful na mga bata. We want to help the needy,
okay?” Needy talaga? B*tch talaga.

232
VOLUME TWO

“Parang iba pa kami sa’yo.” Maktol ni Chris.


“Nagtampo pa kayo… Nakakatouch naman.” Sabi ko.
“Don’t be too flattered. Yes, nagtampo kami.” Sabi ni Sandy.
“Dati nga, kami lang ang takbuhan mo, ngayon may Mokong ka na.”
Liz.
“At masaya kami do’n.” Habol ni Chris. Ngumiti ako saka ko sila
niyakap.
“Sorry B*tches…”
“Apology accepted.” Bumitaw ako. “Sa’n ba ‘yang bar na ‘yan?” Tanong
ni Sandy.
“Oo nga. Siguro kaya ayaw mong sabihin kasi maraming guys?” Si Liz.
“No… Maraming jerks.” Sabi ko.
“Ay, hindi winner ‘yan.” Sabi ni Liz.
“Sasamahan ka namin. Kailangan mo ng bantay.” Sabi ni Sandy.
“What?”
“Douple purpose.” Sabi ni Chris.
“Isama niyo sila Adrian kapag pumunta kayo. Nando’n din si Mokong.
Mahihirapan siya kung tatlong babae pa ang babantayan niya sa mga
lokong nasa bar na ‘yun.”
“Of course.” Liz
“Sure.” Chris.
“I have no one, I’ll call Luke na lang.”
-=-
Totoo nga, maraming jerks sa paligid. Good thing, nandito ang mga
malalaking pader ng RD. But… This place looks familiar, though.
Parang nakapunta na ko rito. The goddess must think kung nakapunta
na ba ako dati rito o hindi… Think, Sandy, think.
“Queen ko! Sayaw tayo! Don’t worry, masasaktan ang lahat ng lalapit

233
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

sayo. Bwahaha.” It’s Adrian, of course.


“Mamaya na lang Pong. Ang dami pang tao.” Sagot naman ni Liz.
“Ahhh! Gusto mo ‘yung tayo lang. Kaya ayoko pumupunta sa ganitong
lugar, napilitan lang ako. Bwahaha!”
“KAPAL MO!” Sigaw ng RD.
“Nice try, Pong.” Sagot naman ni Liz.
“Chris, ayos ka lang?” Tanong ni Basty kay Chris. She loathes this kind
of place. Hindi siya sanay and syempre, maingay.
“Ayos lang.”
“So… Kamusta naman ang exam niyo? Not worried at all?” I asked.
“May exam ba?” Tanong ni Adrian. “Bwahaha!”
“May ‘cheating arrangement’ kami nila Troy.” Sabi ni Luke.
“Nako, kayo talaga.” Si Chris.
“Ah Chris, ako hindi ako ganyan.” Basty.
“Eh pano, lagi kang nasa dulo! Wala kang makopyahan, bwahaha!”
“Tingnan ko lang Pong. Kapag bumagsak ka, nako!” Si Liz.
“Sa Henyo, panis ang salitang bagsak. Kaya Queen, hintay ka lang. Pag-
uwi ko nga magrereview pa ko.”
“KAPAL MO!” Sigaw na naman nila at tumawa lang si Adrian.
“Are you enjoying the place?”
Napatingin kami sa lalaking dumating, pero natulala ako nang makita
ko kung sino siya. It’s—HIM! The guy in the bar who rescued me on
Valentines day!
Nagtayuan sina Luke na parang hindi makapaniwala.
“Anak ng—Rocky!!” It’s Luke at saka niya niyakap si guy named Rocky.
“Oy grabe, pare!” Basty.
“Ang dami mo ng utang sa’min!!” Sigaw ni Adrian.

234
VOLUME TWO

“Lista mo lang.” At tumawa siya.


OMG, it’s really him!
“Uy, ayos ka lang?” Chris.
“Para kang natuklaw, girl.” Liz.
“It’s him…” I said while I was staring at him.
“Sino?” Then lumingon sila sa kanya…. Rocky is the name uh? Ayaw
niya pang sabihin dati sa’kin.
“Oh wait…” Tumingin si Liz sa’kin. “Don’t tell me ‘yan ‘yung kinuwento
mo na guy?”
“Uh-huh…” Wala sa sariling sabi ko. Gee, he’s so handsome.
“At anong ibig-sabihin ng mga titig na ‘yan?” Chris asked.
“I want him.” I said.
“SAY WHAT???” It’s Liz, of course.
Humarap ako sa kanya. “Seriously? OA dapat ang reaksiyon, Liz?”
Nag-smile siya, this B*tch. “Eh… Kasi nakakagulat ka naman. Sabi mo
dati mukhang ‘di ka type. Hindi nga tinanong pangalan mo.” Sabay
tawa.
“Baka hindi ka nga matandaan, Sandy.” Dagdag pa ni Chris.
“You’re both ruining the scene.” Tumingin ako sa kanya. “You still don’t
know me, I think. What Sandy wants… Sandy gets.”
You better prepare, Lover Boy.
-=-
Malulugi talaga ang bar ni Rocky, ni hindi na makalapit ‘yung mga
lalaking kukuha sana ng drinks. Paano, may malaking GOONS sa
harapan ko na umiinom pa ng beer. Pero ayos lang, I feel safe.
“Kanila naman pala ‘to, bakit hindi pa niya sinabi?” Sabi ko habang
naghahalo ng drinks.

235
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“That’s Rocky. Hindi niya kailangang sabihin ang hindi kailangang


sabihin. You know what Freak, sa kanya ‘to. It does not belong to his
family. Sarili niyang pera at pagod ang pinagpatayo sa bar na ‘to and
this is soon to be closed.”
“CLOSED?!”
“Hi Nadine, oh pare, may plano ka atang mag-apply na bouncer. Takot
na takot lumapit yung ibang lalaki dito.” At tumawa naman siya. Si
Rocky, syempre.
“Tss. I’m not doing anything.” Uminom si Mokong at pagkatapos.
“Unless they do something.”
Tumango-tango naman si Rocky at saka tumingin sa’kin. “Ikaw pala
ang mahiwagang babae sa buhay nitong si Troy ngayon.” Umupo siya
bigla sa tabi ni Mokong. “So, anong nakain mo at nagustuhan mo ang
isang ‘to?” Sabay akbay kay Mokong.
Si Mokong naman umiling pero humarap din sa’kin. Ay, naghihintay
ng sagot? Pagbigyan… “Hindi ko siya ginusto,” Nilagay ko sa glass ‘yung
nahalo kong drinks at tumingin ako sa dalawa bago uli ako nagsalita.
“Minahal ko ‘yan.”
“Yon!” Sabay hampas ng kanang kamay ni Rocky sa mesa. At si Mokong
naman tumangu-tango sa pagsang-ayon sa sagot ko. Nagustuhan ng
Mokong oh.
“Sabi ko nga, hindi ako dapat na’ndito. Napakalaki kong sagabal.”
Sabay tawa.
“Yes.” Habang tumatangu-tango pa rin si Mokong sabay inom ng beer.
Tsk tsk, tatanggalin ko ang pagkahilig nito sa beer.
“Teka, ano ‘yung sinasabi niyong… Soon to be closed na ‘tong bar?”
Tanong ko.
“Nagpaplano kasi akong magpalit ng business.” Sagot ni Rocky. “Nasabi
rin nitong si Troy na hindi magandang business ‘tong bar ko.”
“At bakit naman?” Tumingin ako kay Mokong.

236
VOLUME TWO

Pero si Rocky ang sumagot. “Dahil pinamumugaran daw ng mga


walanghiya ang lugar na ‘to. Na… Sang-ayon naman ako. No’ng
nakaraan lang, may muntik pang gulong mangyari dito dahil sa
babaeng lasing no’ng—.” Napatingin sa’kin si Rocky. “Basta.” Sabay
basta. “Nga pala Nadine.” Tumingin ako. “’Yung mga kasama nila Luke
sa table, mga kaibigan mo ba ‘yun? ‘Yung mga babae?”
“Sina Sandy? Oo.”
“Ahh… Mukhang maliit nga talaga ang mundo.”
“Ano ‘yun?” Tanong ko. “May gusto ka ba sa kanila? Kaso ‘yung may
maikling buhok lang ang single dun.”
Natawa siya. “Wala akong ‘ka-oras-oras’ sa babae, Nadine. Hindi ko
linya.”
Parang sinabi niya na ring, ‘di niya type si Sandy ah? Aba… First time!
“I think you’ll be going to chat all night.” Napatingin kami kay Mokong.
Tumawa na naman si Rocky. “Maka-alis na nga at mukhang pati
ako pagseselosan nito.” Kinuha ni Rocky ‘yung basahan sa gilid saka
nagsenyas na alis na siya.
Maya-maya, biglang tumunog yung phone ni Mokong at saktong
dumating si Basty.
“Sebastian.”
“Oh bakit,” sagot ni Basty na ‘o-order’ sana ng drinks.
“Stay here for a sec’. I have a call.” Sabi ni Mokong. Pinabantayan pa
‘ko talaga oh.
“Okay, sige.”
At lumabas na si Mokong. Ano kaya ‘yun? Mukhang seryoso ah…
Nagbago bigla ang expression niya.
-=-
Another call again from Hans. Not liking his news these days about
my father.

237
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Yes, Hans.”
Sir Harris, your father is already here in the country.
Nice. “With no announcement that he’ll be back? Tss!”
Yes Sir, biglaan po dahil sa nabalitaan niya.
“About what?”
Tungkol po sa inyo ni Ms. Nadine.
“And what’s the matter with us?” The last time I check, he doesn’t care
about my previous relationship.
I have to tell you something, Sir Harris. I’m sorry if I’m only saying these
things to you now, but Ms. Nadine’s father is the president of Shrumiz
Food Corp, few years ago.
Okay, that’s a news. I don’t know that they have this huge company
before. I mean, I’m not a stalker to know everything about Freak’s
family. I don’t care about their past.
“And so what? What’s the big deal?”
Don’t you remember Sir Harris, na nasa pangalan niyo na po ang
ownership ng Shrumiz Food Corporation?
“Then I’ll give it—what?! In my name… Sht, yes, it’s in my name, I
remember. Then—why—”
Your father, Mister President, bought all the shares of Shrumiz and had it
under your name, Sir Harris.
“Why just now? Bakit ngayon mo lang sinabi ‘yan sa’kin, Hans?” Our
family took it from them? Well, I can’t imagine that my old man can
do such things.
Sorry po, Sir Harris. Ang akala ko po kasi magiging maayos na ang lahat
kung sakaling makikita ni Mr. President ang magandang relationship niyo
ni Ms. Nadine. Pero mukhang hindi po gano’n ang nangyari. Nalaman
po ni Ms. President na tinulungan niyo rin po ang father ni Miss Nadine,
nakarating po sa kanya ang balita. Hindi niya po ito nagustuhan.

238
VOLUME TWO

“Tss! Of course.” What more should I expect? I think he, and Freak’s
father, are not in good terms. “Hans.”
Sir.
“How about Freak’s dad? Is everything okay with him?”
Yes Sir, makaka-uwi na po ang father ni Miss Nadine after a few days.
Wala naman pong ginawa si President para pigilan ang gusto niyo, Sir
Harris.
“He can never stop me from doing what I want.”
Gusto niya po kayong maka-usap—.
“You already know my answer, Hans. Let’s end this for now. I’ll see you
tomorrow.”
“Noted, Sir.”
If my Old Man’s involved, I think this can be a serious problem. Or not.
Tss! Let’s just find out…
-=-

239
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Teaser for Volume 3

“Hindi tayo pwedeng magtanan!”

“And why!?”

“Hindi pa ‘ko nagpapaalam. Baka mapagalitan ako tapos si Daddy—


Ah!” Bigla akong pinitik sa noo ni Mokong.

“You’re really a freak. Magtatanan tayong dalawa, hindi tayo


magbabakasyon, Freak. Tss!” Nga naman! Oo nga pala, may point siya.
Ano ba ‘yan Nads! “But don’t worry, your mom knows everything so—.”

“Ano!!? Alam ni Mommy!??”

See you in Volume 3…

Follow me on…
Facebook: www.facebook.com/annebernadette.castueras
Twitter: https://twitter.com/berna3gurl
Wattpad: http://www.wattpad.com/user/AnneBernadetteCastueras

240

You might also like