Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 256

V O L U M E F O U R

My Facebook
Boyfriend…
For REAL!?
“Reload – Restart – Real Life”
(VOL. IV)

Written By: A.B.Castueras

PSICOM PUBLISHING, INC.


1
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

My Facebook Boyfriend…For REAL!?


“Reload – Restart – Real Life”
(VOL. IV)
By A.B. Castueras
Copyright 2014 PSICOM Publishing Inc.
All Rights Reserved
First Printing 2014
Printed and Published by PSICOM Publishing Inc.
Quezon City, Philippines

Edited by: Ms. Khuey Garces


Assisted by: Anna Mae
Cover Art by: Columbia Kho/Kurohiko

Please visit us on Facebook:


facebook.com/psicompublishing
Follow us on Twitter:
@Officialpsicom

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses,


songs, places, events and incidents are either products of the author’s
imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual
persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

2
V O L U M E F O U R

Acknowledgement

THANK YOU PO ULIT LORD!!! All caps na para matindeeee!

Sa Editor in Chief at Assistant Editors namin, maraming salamat


sa mahabang patience. Huwag sana kayong maubusan ng patience
sa’kin! Mwahugss!!!

Sa dalawang admins ko na tumulong sa’kin sa proofreading ng


volume na ito. Sinamahan ako sa pagpupuyat at pag-enjoy sa bawat
part na matatapos kong i-type. Roxan and Venny – Maraming Salamat!

Sa pamilya ko na napakalawak ng pang-unawa sa ginagawa kong


proyektong ito. Kahit hindi na ‘ko makausap sa bahay dahil subsob sa
laptop, at minsan ay mamataang bagsak sa lapag, ay naintindihan niyo
ako. THANK YOU!

Kay Ate Columbia na siyang bagong illustrator ng aking book


cover, at sa isa pang proyektong dapat ninyong abangan, salamat ng
napakarami! Kahit napaka-rush, biglaan, at madami akong kaartihan
sa cover ay tinanggap at binuhusan mo pa rin ng napakalaking effort
ang paggawa nito.

Sa SPG – Aly, Alesana, Aril, Jhen (JC.Quin), Purple (MIA). Sa


kanila na lubos na naiintindihan ang hirap at saya ng pagiging writer.
Salamat guys, nandyan kayo para sabihing matatapos ko ito! Eylebyew~

3
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Sa XXVII – Hanneng, Inah, Daye, Boz, Mae, Galou, Kristine,


Mela, Jhen, Rachel, Leanne, Giselle. Sorry kung ‘di ako nakakasama
sa mga overnight at gala! ‘Wag niyo sanang iisiping nakalimutan ko na
kayo dahil sadyang malilimutin lang ako, pero I will never forget my
friends. Sadyang kalaban lang ang oras at distansya, pero babawi ako!

Kay James Reid! Haha! Wala lang~ Natataranta! Natataranta!


Lols!

At sa’yo na siyang may hawak ng librong ito – MARAMING


SALAMAT! Nakaabot ka sa pang-apat na volume! Sa pag-enjoy sa
istorya ng buong characters sa FBBF, TY!!!!

At mayro’n pa pala. Salamat din sa’yo na nagpatatag ng puso ko sa


pamamagitan ng pagdurog nito. Dahil sa’yo, ang lakas ng HUGOWT
ng volume na ito. Pero hindi kita inspirasyon, isa kang aral para sa’kin.
;)

Maraming Salamat Po.

4
V O L U M E F O U R

Dedicated ito sa lahat ng lumuluha ngayon ng dahil sa


taong mahal o minahal nila. Don’t worry, ngingiti ka uli
ng tunay at walang halong pretentions.

Magiging masaya ka uli dahil you to be happy.

Fighting!

5
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

https://www.facebook.com/raykosen
6
V O L U M E F O U R

Chapter 32: When trust…


fades.
What’s on your mind? >Buti pa ang Charmee –
marunong magtiwala! Ikaw, hindi!

Para akong naligaw sa isang lugar na hindi ako pamilyar.


Hindi ako sanay sa ganitong eksena kung sa’n nakakaramdam
ako ng takot na baka tuluyan akong maiwan dito na mag-isa. Naging
kampante akong hindi kami hahantong sa ganitong sitwasyon. At
ngayon, natatakot ako sa pwede pang mangyari. Sa mga bagay na
hindi ko inaakalang pwede palang mangyari…
Tumakbo ako palabas ng building at tinangkang habulin siya sa
parking lot. Pero ang tanging nakita ko na lang ay ang humaharurot
niyang sasakyan palayo sa aking kinatatayuan.
“Tanga ka,” bigla ko na lang nasabi habang nakatingin sa
direksyon na dinaanan ng sasakyan ni Mokong. Hindi ako sigurado
kung sino ang sinasabihan ko.
Si Mokong ba, o ako mismo?
“Nads!” Napalingon ako sa aking likuran.
“Luke,” mahinang sabi ko habang papalapit siya sa’kin.
Naguguluhan ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin o
iisipin ko, kaya siguro bigla na lang akong naiyak nang makita ko si
Luke. Tinakpan ko ‘yung mukha ko at saka ako humagulgol ng iyak.
Dali-dali naman siyang tumakbo palapit sa’kin at naramdaman
kong nasa harapan ko na siya habang hinihimas ang aking likuran.

7
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Hindi ako nagsalita. Basta umiyak lang ako nang umiyak.


Inilabas ko lang lahat nang nararamdaman ko na kanina ko pa
pinipigilan.
“Magiging ayos din ‘yan. Tatawa ka ulit,” narinig kong sabi
ni Luke. Lalo akong umiyak at siya naman itong tumawa habang
hinihimas pa rin ang likuran ko para pakalmahin ako.
“S-Si Troy…” sambit ko sa pagitan ng paghikbi.
“Alam ko…tanga at gag*.” Tinanggal ko ang pagkakatakip ng
mga kamay ko sa aking mukha at saka ako tumingala kay Luke.
“Para iwan ka niya rito, ang tanga niya. At ang paiyakin ka ng ganito,
ang laki niyang gag*.” Ipinatong ni Luke ‘yung kanang kamay niya
sa kaliwang braso ko. “’Wag kang mag-alala. Mauuntog din ‘yun at
magiging okay ang lahat. Okay?” Saka niya ‘ko inabutan ng panyo
na agad ko rin namang kinuha.
Habang pinupunasan ko ang aking mga luha sa pisngi,
napatingin ako kay Luke na nakatingin sa ibang direksyon. Mariin
ang pagkakasara ng mga labi niya na para bang pinipigilan ang
sariling magsalita. Maging ang kanang kamay niya ay mariin rin
ang pagkakasara na para bang may gustong suntukin.
“Luke,” sabi ko at napalingon siya sa’kin. “Ayos ka lang ba?”
Ngumiti siya at saka sinabing, “Syempre, lagi naman akong
okay.” Gusto ko siyang tanungin kung anong nasa isip niya nang
mga oras na ‘yun, pero mas minabuti kong isipin na lang ang sarili
kong problema.
Bago ako bumalik sa building para balikan ang gamit ko, nasabi
ni Luke sa’kin na pumunta siya talaga rito para sundan si Mokong.
Nalaman niyang pupuntahan ni Mokong si Jim para kausapin ito.
Gusto lang ni Luke na makasigurong walang gulong mangyayari
dahil ang alam niya, hindi maganda ang timpla ni Mokong nung
huli niya itong nakita.
“Nahuli ako, sorry.”

8
V O L U M E F O U R

‘Yun na lang ang nasabi niya nang i-kwento ko ang nangyari.


Gusto kong sabihing tama lang ang dating niya. Tama lang
dahil alam kong hindi kailangang mamroblema ni Luke sa’ming
dalawa. Labas siya rito, problema namin ni Mokong ito.
At tama lang din ang dating niya… dahil mas ngayon ko
kailangan ng isang Luke Sandoval na handang magsabing magiging
ayos din ang lahat. Tulad ng dati…
Sana nga, tama ang mga sinabi niya.
-=-
I want to go back.
Gusto kong balikan si Nadine but I cannot. Not now na puno
ng galit ang dibdib ko. Not now that everytime I close my eyes, I can
still vividly recall what they did in that room. That kiss. It’s driving
me nuts!
I stopped my car a few blocks away from the parking lot. My
chest was burning and my hands were trembling. I was trying to
calm myself down when my phone rang.
“Luke,” I answered.
Magkita tayo sa bar ni Rocky.
“I’m not in the—.”
‘Wag mong sabihin sa’king wala ka sa mood pagkatapos mong
iwan si Nads na umiiyak.
“How—did she call you?”
Hindi, at hindi na ‘yun importante. Basta, magkita tayo.
Mamayang alas-otso.
He ended the call. I have nothing against Luke, I trust im.
What I’m afraid of is that, I’m starting to be doubtful again.
Pakiramdam ko, if I fully give my trust to other people, I might end
up as nothing, again.
I had given my trust to somebody before…but that trust failed

9
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

me. And now, that fear is crawling back to me.


Closing my eyes, it’s not Nadine I’m seeing…but my Mom.
“I have to go, Troy. Babalik din si Mommy.”
But she didn’t c me back…
-=-
Tinawagan ko ang BITCHes habang pauwi ako sa’min. At
ngayon, nandito kami sa kwarto ko. Magkakaharap na nakaupo sa
kama.
“So, ano tayo? Titigan forever?” tanong ni Sandy.
“Ano ba kasing nangyari, Nads?” tanong din ni Chris.
Huminga ako ng malalim. “Hinalikan ako ni Jim at nakita ‘yun
ni Troy.”
“WHAT??!! Teka, don’t panic, girls. PERO WHAT?!” react ni
Liz.
“Seriously, ikaw ang mukhang ewan, Liz.”
“Sorry ah, pero ano bang kumpletong nangyari?” tanong
naman ni Liz.
Ikinuwento ko ang mga nangyari sa’min ni Mokong sa office
ni Jim. Kahit sila, kinilabutan sa mga naganap. Tulad ko, nadala rin
sila sa galit ni Mokong.
“Teka? Hindi man lang siya nagtanong? Basta gano’n na?!”
tanong uli ni Liz.
“Hello?! What do you expect? Papasok siya sa eksena at
magtatanong ng ‘Freak, bakit mo siya hinalikan?’” sabi ni Chris.
“Like seriously, Liz?” Sandy.
“Ewan ko nga ba, bigla na lang siyang nagwala. Para siyang
biglang naging ibang tao sa paningin ko. Parang hindi niya
‘ko nakikita o nadidinig man lang, natakot ako. Galit siya, at
pinaghihinalaan niya kami ngayon ni Jim. Na tipong may itinatago
kami sa kanya. May sapak ba siyang kapre siya?!” reklamo ko.

10
V O L U M E F O U R

“Kaya nga eh!” si Liz.


“Pero isipin niyo rin ang sitwasyon ni Troy,” maikling kontra
ni Chris. Napatingin ako sa kanya. “Kung tutuusin, hindi naman
gano’n agad ang magiging reaksyon ni Troy kung walang past
incident na nangyari between you and Jim. At bukod sa mga ‘yun,
maaring may mga dahilan pa siya na hindi natin alam.”
“Pero kahit na, kailangan ba niyang maging brutal?” tanong ko.
“Nads, sabihin na nating mali si Troy sa part na ‘yun, pero ang
point dito… Bakit ba siya nagalit? Sa part na ‘to, hindi lang naman
siya ang may mali, ikaw rin.” Ako!??
“I’m in,” sabay taas ng kamay ni Sandy.
“May mga bagay kang itinatago, maaaring maliit lang ‘yun, pero
may impact ‘yun sa ibang tao. Kilala mo siya, mas kilala mo si Troy
kaysa samin. Kaya dapat mas alam mo kung ano ‘yung nagbigay
sa kanya ng dahilan para mabuo niya ‘yung gano’ng konklusyon.
‘Yung paghihinala niyang may itinatago kayo ni Jim,” paliwanag ni
Chris.
What I don’t understand is why you need to hide it in the first
place!?
“I’m not the kind of person who’ll say these things to you
but…you’re the girlfriend. You should have known him better than
us.” At saka sabay-sabay na nagtanguan ang tatlo.
Ang sakit… ang sakit-sakit sa ulo, sa dibdib, sa buong pagkatao.
Pwede bang balikan ko na lang ‘yung nangyari ulit noon sa El
Nido? Kung saan gumising ako nang maaga at tulog pa ang lahat ng
kasama ko. At imbes na pumunta akong mag-isa sa resto, kung saan
na-meet ko si Jim, hindi na lang ako pupunta roon at hihintayin ko
na lang na magising lahat ng kasama ko. Hindi siguro mangyayari
itong gulong ‘to.
-=-
Hating gabi na pero hindi pa rin ako makatulog sa kakaisip

11
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

kay Mokong. Hindi siya tumatawag tulad nang dati kapag


nagkakagalit kami. Tumatawag ako sa kanya pero hindi niya naman
sinasagot. Nag-text ako pero hindi siya nagre-reply.
Kinakabahan ako, baka kung anong maisip niya.
“Rocky?” Biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Tumatawag si
Rocky. “Hello, Rocky.”
Nads, kasi si Troy, nandito siya sa bar ko. Nag-away ba kayong
dalawa?
“Bakit? Anong meron dyan?” Napabangon ako bigla.
Kasi nagwawala si Troy dito. Ewan ko, pero ayaw magpaawat
sa’kin. Tinawagan ko na rin ‘yung iba. Pumunta ka na lang dito,
baka sakaling siya sa’yo. Don’t worry, ipinasara ko na nga
‘yung bar para wala nang magreklamong customer.
“Pasensya ka na, Rocky. Sige, pupunta na ‘ko.”
Wala ‘yun. Sige.
Humahangos akong tumakbo palabas ng bahay.
Sumakay ako ng taxi at nagpadiretso sa bar ni Rocky. Parang
may karera ng kabayo sa dibdib ko, ang bilis ng tibok ng puso ko.
Bumaba ako kaagad ng taxi pagkabigay ko ng bayad kay
Manong. Pagkapasok ko naman sa loob, wala na ngang mga tao
at madilim ang paligid. Tanging ‘yung ilaw lang sa bar counter
ang nagbibigay ng liwanag sa lugar. Hanggang sa naagaw ng
isang lalaking nakaupo sa lapag at nakasandal sa bar counter ang
aking atensyon. May hawak itong bote ng alak sa kanang kamay,
at nakapikit habang marahan na inuuntog-untog ang ulo sa
sinasandalan nito.
Habang naglalakad ako palapit sa kanya ay parang dinidikdik
ang puso ko. Gusto kong sabihin sa kanya na…
Hindi naman ako galit, Mokong. Kahit na nagwala ka kanina,
wala sa’kin ‘yun.

12
V O L U M E F O U R

Basta lang maayos na ‘to dahil ayoko ng ganito. Nakita kong


may mga basag na piraso ng bote sa isang gilid. Siya kaya ang may
gawa niyan?
“Nads.” Napahinto ako nang may humawak sa braso ko.
Nakatingin pa rin ako kay Mokong habang naririnig kong
nagsasalita si Rocky mula sa aking likuran. “Medyo masama ang
timpla niya. Pero subukan mo pa ring kausapin. Sana maayos niyo
kung ano man ang problema niyo.” Tumango lang ako at saka
ako binitawan ni Rocky. Itinuloy ko ang paglalakad hanggang sa
nakarating ako sa harapan niya.
Akmang iinom na naman siya ng alak pero agad ko itong
inagaw sa kanya. Pero nagulat na lang ako nang bigla niyang tinabig
ang kamay ko palayo sa kamay niya. Parang ibang tao lang ako.
Hindi niya ako pinansin, uminom pa rin siya.
Huminga ako ng malalim. Madilim lang, Nads. Baka hindi niya
alam na ako ang humawak sa kanya.
“Mokong…uwi na tayo. Marami ka nang nainom—.”
“BAKIT NIYO BA ‘KO PINIPIGILAN!?” sigaw niya. “Kanina
pa kayo…” Iminulat niya ang kanyang mga mga mata pero hindi
ako sigurado kung ako ba ‘yung nakikita niya o ‘yung babaeng
inakala niyang niloloko siya. “Bakit kapag gusto niyo, pwede?!
Bakit kapag ako?! Hindi?!” Tumawa siya pero alam kong hindi siya
masaya. Nasasaktan siya ngayon. “Shit, I’m going insane.”
Lumuhod ako para mas makausap ko siya nang maayos.
Hinawakan ko ‘yung magkabila niyang kamay. “Mokong sor—.”
“Ah, si Freak pala ‘to. Where’s that f*cking jerk who kissed you,
uh!?”
“Mokong naman eh,” naiiyak na sabi ko. Pero mas naiyak ako
nang alisin niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Nads…
Nakainom siya… Nakainom…
“El Nido Palawan, that’s the place where we had our first

13
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

vacation, you as my fiancé.” Kusang tumulo ang mga luha ko dahil


nakita ko si Mokong na umiiyak. Luha na ngayon ko lang nakita
sa mga mata niya. Luha na kahit kailan ay hindi ko pinangarap na
makita. “And that’s also the first time I saw that man. That f*cking
man.” Mariin niyang pinunasan ang kanyang luha. Tumingin siya
sa mga mata ko at saka sinabing, “Tell me, Freak. Since when?”
Since when?
“Since when did you—.” Sinampal ko siya. Ayokong marinig
mula sa kanya ang maling iniisip niya tungkol sa akin.
Gusto ko siyang sigawan pero ni isang salita, wala akong nasabi.
Tinitigan ko lang siya.
Kaya nagsalita ulit siya. “Sana lang! Sana lang…” biglang
humina ang boses niya. Gusto kong sabihin na wala naman siyang
dapat alalahanin eh. “Sana lang, nalaman ko agad. I f*cking hate
liars. I hate them so much.” Sinabi niya ‘yon habang titig na titig
siya sa mga mata ko.
Umiiyak ako pero may kasama na ‘tong galit at inis sa kanya. Sa
mga sinasabi niya, at sa mga titig niyang mapanghusga. “Bakit hindi
mo ‘ko diretsahin, Troy Harris Smith!? Bakit hindi mo sabihin sa
harapan kong—.”
“You’re a liar. You lied to me. You, Nadine, Freak, lied to me.”
Nakatingin kaming dalawa sa mga mata ng isa’t-isa. Para niya
‘kong sinasaksak sa dibdib. Tinawag niya ‘kong sinungaling. Gusto
kong humingi ng tulong…
Ang sakit marinig nun mula sa kanya.
“Tanga ka nga. Go, sige, sinungaling ako. Bahala ka sa gusto
mong paniwalaan.”
“Then what do you want me to think?! That you’re friends?
Kissing in that—.” Makakapangalawa ka talaga sa’kin ng sampal
nang magising ka.
“All this time, wala ka palang tiwala sa’kin?” hindi

14
V O L U M E F O U R

makapaniwalang tanong ko. Hanggang sa mapaupo na rin ako sa


lapag dahil hindi ko na alam kung saan ko huhugutin ang lakas ko.
“Tiwala?” natatawang sabi niya. “I had given you every ounce
of my trust.” Tumingin siya sa’kin. “Mahal kita kaya sobra ang
tiwalang ibinigay ko sayo! Kaya rin siguro ako nagkakaganito
at nagmumukhang tar*nt*do sa harapan mo! Sobra-sobra ang
pagmamahal ko sa’yo, kaya ako nasasaktan ng ganito nang makita
ko kayo!”
“’Yun nga eh, masama nga talaga ang sobra. Sobra-sobra ang
pagmamahal mo kaya kung anu-ano nang nasa isip mo. Pati ‘yung
tiwala na sinasabi mo, naglaho nang umalis ka kanina at iwan mo
‘ko. Mabuti nga sigurong hindi pa tayo legally married, dahil kung
hindi? Ngayon pa lang…hiwalay na tayo.”
Bigla siyang napaalis mula sa pagkakasandal niya. “What are
you trying to say?”
Tumayo ako pero nakatingin pa rin ako sa kanya. “Siguro nga,
masyado pa tayong immature sa relasyon natin. Masyadong naging
mabilis ang lahat. Siguro nga pareho tayong may mali. Bakit ‘di
natin alamin ‘yun? Bakit ‘di muna tayo maging matured muna para
kung sakali…kung sakali na tayo pa rin talaga, mas malayo pa ang
itatagal nating dalawa.” Hindi ako makatingin sa kanya dahil hindi
ko ‘yun gusto, pero a part of me knows na kailangan niyang marinig
iyon mula sa akin.
“Do you want to see me die?” sabi niya na parang
nagmamakaawa…
“Hindi…hindi ‘yun ang gusto ko. Three days? Weeks? Bahala
na. Mag-isip ka muna. Gano’n din ako.” Tumayo ako at tumalikod
sa kanya. “Bahala na.”
Lalakad na sana ako palayo nang bigla siyang sumigaw.
“NADINE! Don’t go… to him. Don’t.”
Gusto ko siyang lingunin pero ‘di ko ginawa. “Hanggang sa

15
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

huli, ipinapakita mong dapat kitang iwan.”


Lumakad ako palayo sa kanya hindi dahil ‘yun ang gusto ko,
kundi dahil ‘yun ang alam kong mas nararapat na gawin ko. Narinig
ko ang panibagong boteng ibinato niya at tuluyang
sa sahig ng bar ni Rocky. Sorry Mokong…
Palabas na ‘ko ng bar nang may humawak ng braso ko. “Nads.”
Tumingin ako sa kanya, at gusto kong ngumiti siya para masabi
kong okay lang lahat.
“Magiging okay naman ang lahat…‘di ba?” tanong ko sa kanya
habang nangingiyak na rin ang mga mata ko. Nakatitig lang siya
sa’kin saka ko sinabing, “Nakainom siya…mas mabuting ‘wag
muna kaming mag-usap…‘di ba?”
“Ihahatid na kita,” ‘yun lang ang nasabi ni Luke.
Umangkas ako sa motor ni Luke at yumakap mula sa likuran
niya. Kailangan kong maramdaman na hindi ako nag-iisa. Nads,
umpisa pa lang ‘to. Hindi ka pwedeng mahulog kaagad sa ganitong
klase ng problema ng isang relasyon.
Mas hinigpitan ko ang kapit ko kay Luke.
At sa pagtunog ng makina ng motor paalis, parang gusto ko
nang bawiin ang mga sinabi ko kay Mokong.
Pero alam kong hindi dapat.
-=-
Ngayon ko lang nakitang ganyan si Troy.
“Puntahan niyo ang captain niyo rito, Baste. Nagwawala.”
Tinawagan ako ni Rocky at agad naman akong nagtawag ng
ibang kasama para sunduin si Troy dito sa bar. Nakakagulat na sa
ilang taong pinagsamahan namin, malaki na ang ipinagbago niya
ngayon. Ngayon na dumating na si Nads sa buhay niya. At isa ‘to sa
mga masasabi kong epekto ni Nads sa kaibigan ko.
Kung baga sa taong may control at alam ang limitasyon, si Troy

16
V O L U M E F O U R

na ‘yun. Pero nang makalapit ako sa kanya, mas naintindihan kong


hindi dala ng kalasingan ang lahat ng ‘to, kung hindi dala ng isang
totoong taong nagmamahal at nasasaktan.
Nakakatawang isipin na tumatanda na nga kami. Hindi pa
namin pino-problema ang ganitong bagay noon. Pero ano pa nga
ba, magkakasama naman kami.
Tingin ko naman…kaya ‘yan.
“Oh, Blake! Kaya mo na ‘yan, awatin mo si Captain!” si Adrian.
“Bakit ako? Ginising niyo nga lang ako, tapos uutusan niyo pa
‘ko? Kapal naman.”
“Oo nga naman, makapal nga naman ang mukha ko. Adik
‘tong antukin na ‘to ah. Oh ikaw, Nick! Kayang-kaya mo ‘yan. Tutal,
sanay kang humawak ng mga asong may rabis sa course mo, isipin
mo si Captain ‘yun. Bwahaha!”
Pero sa lahat siguro, itong lokong ‘to ang hindi nagbago. Kung
nagbago man, mas lumala lang ang sapak sa ulo. Wala nang pag-asa
ang Adrian na ‘to.
“Gusto mong ikaw ang turukan ko?! Eh kung samahan niyo
kaya ako nang hindi naman ako gawing punching bag ni Captain,”
pag-aaya nitong si Nick.
“Bakit? Hindi ka ba lalaban?” tanong ni Rick.
“Hahaha, respeto lang sa nakatatanda,” natatawang sagot ni
Nick.
“Adik, magkakasing-edad lang tayo.”
“Eh bakit hindi ikaw, Rick?” tanong ni Adrian.
“Ayoko nga, may date ako bukas tapos may black eye sa mata?”
“Eh bakit kayo nandito?!” tanong ni Adrian.
“Eh sira pala ‘to, tinawagan mo kami, ‘di ba?” sagot nitong si
Blake habang naghihikab pa.
Napabuntong-hininga na lang ako. Kung ‘di ko mailalabas ng

17
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

restobar ‘tong si Troy, baka malugi ang negosyo ni Rocky sa dami


ng boteng babasagin nito ito. Haay…“Mga ‘to, bilis na! Dami pang
sinasabi, awat na!” Saka namin nilapitan si Troy, at ano pa nga ba?
Kanya-kanyang hawak nang ‘di matamaan. Hindi siya sumunod
no’ng una, pero nang sabihin kong…
“Kaya umalis si Nads eh. Dahil ganyan ka, Troy!”
Parang bigla siyang natuhan sa sinabi ko. Tumayo siya at
naglakad palabas ng bar.
Pagkahatid namin sa condo niya, nagpaiwan na ‘ko. Tinanong
ko kung anong problema at himalang ikinuwento niya ang nangyari
kahit na inaasahan kong hindi siya magsasalita.
Malakas na nga ang tama nito. Pero hindi sa alak, kung hindi
kay Nads.
“Troy,” nakaupo lang siya sa sahig at nakasandal sa kama niya.
“’Wag mong hayaang galit ang manguna sa’yo. Isipin mo kung tama
bang magalit ka o hindi sa nangyari.”
Hindi nagsalita si Troy pero alam kong umiiyak siya. May
gusto pa sana akong sabihin pero napahinto na lang ako sa sunod
niyang sinabi.
“I’m a f*cking useless bastard,” mahinang sabi nito.
“Maaayos niyo ‘to, sigurado ako.”
Tinakpan niya ang kanyang mukha gamit ang magkabilang
kamay, at saka niya sinabing, “I told her she’s a liar. F*ck.”
“’Yun ba ang tingin mo?” tanong ko sa kanya.
“I want to believe that she’s not. I want to tell her that she’s not.”
“Ano pang ginagawa mo? Puntahan mo na, ngayon na.”
Tumingin sa’kin si Troy at saka niya sinabing, “How can I
tell her that she’s not if my head is ruining what I really wanted to
say? On my mind, I keep seeing her with that bastard. Ngayon…
tinatanong ko kung may hindi pa ‘ko naibibigay sa kanya.” Umiwas

18
V O L U M E F O U R

siya ng tingin sa’kin. “Now this f*cking mind is telling me that she’s
lying. How can I face her if I’m like this?”
“May doubt ka kahit gusto mong sabihing may tiwala ka sa
kanya. Hindi ko rin alam ang totoong nangyari pero sana…walang
masayang sa huli. Wala naman ako sa posisyon na pangunahan
kayong dalawa eh. Pero sana, gawin niyo ‘yung makabubuti para
sa inyong dalawa.”
Hindi siya nagsalita. Tinapik ko ‘yung likuran niya saka ako
tumayo paalis sa kanyang tabi.
Naiintindihan ko rin si Troy kung bakit siya biglang umakto ng
gano’n. Nang mawala kasi si Tita Issa, ang mother niya, alam kong
aware siya na nagsisi si Tito Conrad dahil sa mga pagkukulang niya
kay Tita. Masyado kasi itong naging abala sa negosyo. Natuto na
roon si Troy. Kaya nang dumating si Nads, kitang-kita ko ang mga
ipinagbago niya. Hangga’t kaya niyang kasama ‘to, hangga’t kaya
niyang ibigay ang atensyon niya ay ibinibigay niya lahat kay Nads.
Kaso ngayong may paghihinalang nabuo, at may tiwalang
nasisira, siguradong itinatanong niya ngayon sa sarili niya kung
meron pa ba siyang hindi kay Nads. Kung may kulang pa
ba o wala na? Kaso tingin ko…wala namang kulang. Sobra-sobra
lang…
-=-
Kanina pa kami nandito sa tapat ng bahay nina Nads, pero
wala yata itong balak na bumaba. Ayos lang naman, mukhang
hindi pa rin naman niya handang ipaalam kina Tita ang nangyari
sa kanila ngayon ni Troy.
“Sige lang Nads, umiyak ka lang dyan kung gusto mo.”
Nakakapit siya sa magkabilang braso ko habang nakalapat ang
kanyang noo sa likuran ko. “Kung gusto mo, isipin mo pang ako si
Troy. Gawin mo kahit anong gusto mo, sige lang.”
Pero parang gusto ko nang bawiin ‘yung sinabi ko. Si Nads kasi,
sunud-sunod na pinagsusuntok ‘yung likuran ko, at in-imagine
19
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

ngang ako si Troy. Mukhang may lahing Amazona pa naman ata


‘tong si Nads sa lakas ng mga suntok niya sa likuran ko.
“Ano Nads, nabugbog mo na ba si Troy? Kasi kung hindi pa—.”
Bigla akong niyakap ni Nads, at narinig ko na lang ang pag-
iyak niya.
“Sorry…Sorry, Mokong. Kanina ko pa gustong sabihin ‘yan
sa’yo kaso ayaw mo naman akong bigyan ng chance. Naiinis pa ‘ko
sa’yo kasi—kasi pinaghihinalaan mo ‘ko. Hindi ka nagtatanong,
pa’no mo ngayon malalaman? Nagwala ka na akala mo ikaw si
Incredible Hulk, natakot ako sa‘yo. Tapos…” huminto siya sandali
at saka sinabing, “tinawag mo ‘kong sinungaling. Nakita ko sa mga
mata mo…sinungaling ako.”
Inaamin ko, gusto ko siyang yakapin ngayon pero pinili
kong h’wag gawin dahil ‘yun ang alam kong tama. Kahit na alam
kong hanggang ngayon, ‘yung pagtingin ko sa kanya ay ‘di pa rin
nawawala. Nagtago lang, at hindi lang nagpahalata.
Sa pag-iyak ni Nads, at sa sakit ng likuran ko, may dalawang
tao akong gustong gantihan ngayon para sa kanya. Matagal ko nang
binitiwan ang mga salitang iyon pero hindi ko ‘yun nakakalimutan…
Dahil kapag g*nago ka ng mahal mo, itong gusto mo ang
gaganti para sa’yo. Tandaan mo ‘yan.
Isasama ko na rin ‘yung walanghiyang naging ugat ng lahat ng
‘to.
-=-
Kinabukasan…
Tumutunog ang alarm clock ko. Nakakainis, naiirita ako sa
ingay. Kinapa ko ‘yung alarm clock at saka iyon binato. Istorbo!
Gusto kong matulog. Matulog nang matulog—.
“Nadine…anak?”
Iminulat ko ‘yung mga mata ko at nakita ko si Mommy. “Po?”
sagot ko.

20
V O L U M E F O U R

“’Nak, bakit mo ibinato ‘yung alarm clock mo?” Ibinato?


“AY!” Napabangon ako at nakita ko nga ‘yung alarm clock ko
na hiwahiwalay na ang mga piyesa at nagkalat ang mga ito sa sahig.
Napabuntong hininga na lang ako.
“’Nak, may problema ka ba?”
“Po? Wala po…wala naman. Anong oras na, ‘Mi? Nasa’n ba
‘yung alarm clock ko?” Lumingun-lingon ako.
“Nadine, ‘di ba nga…ibinato mo?” sabay turo ni Mommy
dun—nga pala!
“Ay! Opo nga pala. Teka ‘Mi, late na ‘ko.”
Nang matapos akong mag-ayos ay bumaba na ako. Pagkarating
ko naman sala namin…
“’Nak, ‘di ka na kakain?”
“Kakain? Ano pong ulam?” tanong ko.
Kumunot naman ‘yung noo ni Mommy. “Ulam? Agahan pa
lang ang mayro’n ngayon. May problema ka ba, Nadine?”
“Wala po. Sige ‘Mi, alis na ‘ko.” Nagmamadali akong lumabas
kasi gusto ko nang makita si Mokong para makapag-usap ulit kami.
Kaso pagkalabas ko ng gate, hindi si Mokong ang bumungad sa
akin.
“Good morning, Nads.”
“Basty.” Hindi siya ‘yung inaasahan kong makita ngayong
umaga. “Good morning.” Lumapit ako sa kanya. Parang alam ko na
kung bakit siya ang nandito.
“Wala kasi si—.”
“Okay lang, naiintindihan ko,” sagot ko.
Nakarating na kami sa OJT ko pero bago ako makababa ng
sasakyan, nagsalita si Basty.
“Nads, sana magkaayos na kayo ni Troy kung sakaling
na niya ‘yung mali niya. Alam kong may issue

21
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

brutal kung minsan ang kaibigan ko. Hindi ko sasabihing


pagpasensyahan mo na siya, pero sana…’wag mo siyang sukuan
kaagad.” Ngumiti siya saka sinabing, “Sige, pasok ka na sa loob. I’ll
call you para sunduin—,”
“No, Basty. Hindi naman kailangan. Thank you, pero mas gusto
ko munang mag-isa mamaya.”
“Okay, sige. Naiintindihan ko, Nads.”
Nakarating na ‘ko sa floor namin na lahat ng mga
nakakasalubong ko ay tumitingin sa akin. Siguradong kumalat na
ang mga nangyari kahapon. Bahala na. Magsasawa rin sila.
Umupo ako sa area namin, speaker na lang ang kulang para
mas marinig ng lahat ang mga pinag-uusapan nila.
“Eh grabe naman pala. Engaged na, nakikipaglandian pa.”
“At kay Sir Jim pa?”
“Biruin mo, second year college pa lang pero engaged na agad?
Eh talagang may kakatihang taglay, friend.”
“Baka buntis?”
“Who knows?”
Wala akong panahon makipagbangayan sa kanila. Mauubos
ang natitira kong lakas… Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.
Walang kain-kain, at mamamatay na ang puso ko. Pakialam ko sa
mga sinasabi nila?
“Delikado si Sir Jim ngayon, ewan ko lang kung anong hatak
mayron si Nadine sa taas. Ang usap-usapan kasi ngayon, matatanggal
si Sir Jim dahil sa kanya.”
Napahinto ako sa pag-aayos ng mga gamit ko. Bakit ako? Bakit
ako ang may kasalanan?
Three hours have passed pero wala akong natanggap na utos
kahit isa. Ako na naman ba ang dahilan? Ako ba ang may kasalanan
kaya nagkaganito?

22
V O L U M E F O U R

I had given you every ounce of my trust.


Napayuko ako at wala na ‘kong nagawa kung hindi ang umiyak.
Eto lang naman ang kaya kong gawin. Ang umiyak kapag wala na
‘kong alam na pwedeng solusyon.
Bata pa nga ako. Isip bata pa sa mga ganitong sitwasyon.
Hindi ko namalayan na may humawak sa magkabilang braso
ko at inalis ako sa pagkakayuko. Niyakap niya ako at saka hinimas
sa likuran.
“BITCH, you look so pathetic. Hindi pa patay si Troy, don’t cry.
Ano ka ba?” si Sandy.
Niyakap din ako ni Liz sa likuran ko. “Naman ‘to, eh. Nainis
ako kay Troy nung magwala siya, pero hindi ko naman sinabing
mag-cool off kayo. Loka ka, aagawan kita ng pandesal, sige ka.”
Alam na nila. Siguradong nalaman na ni Adrian ang nangyari at
sinabi niya ‘yun kay Liz.
Iyak lang ako nang iyak kasi nandyan sila. Kasama ko sila…
sila…
Sana siya rin.
“Sabi ni Tita, tingnan-tingnan ka raw namin dahil mukha ka
raw baliw kaninang umaga,” sabi naman ni Chris.
“I think you need to get out of here. It’s not healthy na nandito
ka matapos ang incident kahapon. Tara,” aya ni Sandy.
Inaya nila akong umalis muna rito sa OJT ko. Pumayag naman
ako agad dahil hindi ko na rin kaya pang pakinggan ang mga
pinag-uusapan ng mga nakapaligid sa akin dito. Pero nang
papalabas na kami ng area naming mga trainees…
“Where are you going, Nadine?” sabi nung isa sa mga superiors
ko.
“Ah, kasi po—.” Sasagot pa sana ako pero hindi niya na ‘ko
pinatapos.

23
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“After all the mess that you’ve done in here? Aalis ka na lang
basta-basta? Aba, good for you. Mahiya ka naman, Nadine. Wala na
atang natira sayo, hija—AHH! What—.”
“Sandy,” nasabi ko na lang nang tapunan ni Sandy ng coffee
‘yung kausap ko.
“Kanina pa ‘ko naiirita sa inyo at sa lahat ng mga sinasabi niyo.
Kung kahihiyan lang naman ang usapan, you better ask yourself.
Dahil ngayon pa lang, sinasabi ko na sa inyong you’re messing up
with the wrong girl, Ma’am.”
“Sino ba kayo ah?! Anong department kayo?! And ang lalakas
ng loob niyong—.”
“You don’t really have to know, Ma’am. We’re not here to be
criticized and be the center of your bitchy chitchats. Kaibigan lang
naman namin ang anak ng president na nilalait mo ngayun-ngayon
lang,” tuloy ni Sandy.
“At kaibigan din namin ang may-ari ng kumpanyang
kinatatayuan mo. Let’s just say, he’s the fiancé of Nadine.” At saka
inilibot ni Liz ang tingin niya sa room.
“Everyone,” malakas na pagkakasabi ni Sandy kaya naagaw
niya ang atensyon ng lahat mga tao dito. “Tutal, marami sa inyo ang
mahilig sa gossips, why don’t you try to spread this fact? This girl?”
Hinawakan ako ni Sandy sa kanang balikat. “Siya lang naman ang
anak ng President na pinagtatrabahuhan niyong lahat. At soon to
be wife ng nagmamay-ari ng kumpanyang ito.”
Halatang nagulat sila sa kanilang narinig, at ‘yung iba naman
ay nagbulungan na lang. Maya-maya pa’y natahimik ang buong
paligid. Wala na ni isa sa kanila ang nagsasalita, kaya umalis na
kami nina Sandy.
Nang makarating naman kami sa sasakyan ni Sandy, sinabi
nilang iuuwi na nila ako.
“Ayoko pa.” Tumingin ako sa kanila. “Pwede bang ‘wag muna

24
V O L U M E F O U R

tayong umuwi?” sabi ko.


“NAMAN!!!” sigaw nila.
“Count us in, BITCH,” habol pa ni Sandy.
Pumunta kami sa mall at nanuod kami ng sine. Pero ewan ko
ba, kanina pa ‘ko iyak nang iyak. Hindi ko mapigilan ‘yung luha ko.
Kasi naman, ‘yung eksena eh…
“Uy Nads,” tawag sakin ni Liz.
“B-Bakit!?” tanong ko habang humihikbi pa.
“Ano ka ba naman? Comedy kaya ang pinapanuod natin.
Ngawa ka nang ngawa diyan,” bulong niya.
“G-Gano’n ba? Kasi…kasi naiiyak ako ,” sagot ko.
“Eh, sabi ‘ko nga eh,” sabay sandal ni Liz sa kanyang upuan at
saka muling ibinaling ang atensyon sa screen.
Habang nakaharap sa screen si Chris. “’Wag na kasing
magtatanong…” sabay kain nang popcorn.
After naming , nagpunta kami sa Timezone. Do’n ako
dumiretso sa pinapalo ‘yung mga ulo ng worms na lalabas sa butas.
Gustung-gusto kong hampasin ang mga nakakainis na ulong ‘to!
Kaya sunod-sunod ko silang pinagpapalo, wala akong pakialam—.
“Ah, Nads?”
“Baket?!” tanong ko habang pumapalo pa rin. Inis eh.
“’Di kaya masira mo ‘yan?” tanong ni Sandy.
“Hayaan mo na, naglalabas ng sama ng loob eh,” sabi ni Chris.
Tama, dito ko na nga lang ito ilalabas kaysa naman manghatak
ako diyan ng kung sino at bigla kong pagsasapakin. Sige, Nads!
“Okay lang naman, kaso, three hours na tayong nandito sa
iisang game na ‘to,” komento naman ni Sandy.
“At ang haba na ng pila sa likuran natin,” dagdag pa ni Liz.
Napatingin ako sa likuran—“Ay, nako, sorry, sorry.” Binitawan

25
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

ko na ‘yung pamalo.
Kumain na lang kami sa isang restaurant pagkatapos ng
paglalaro namin sa Timezone. Sabi ko, sa Mcdo na lang kami, mas
gusto ko kasi ang fries at sundae do’n. Pero eto na eh. Pagtitiyagaan
ko na lahat ‘to—,
“Nads, wala ka namang balak na ubusin ang supply ng fries at
ice cream nila?” si Chris.
Bakit? Nakakadalawang big plate pa lang naman ako ng fries
with bacon and cheese on top! Tapos ‘yung ice cream? ‘Di ko nga
malasahan, dalawang jumbo jars pa lang ang nauubos ko.
“Hayaan niyo na. Punan ang emptiness through eating. Go girl.
Stress eating na ito,” si Liz.
Tama. I feel so empty dahil kagabi pa hindi nagpaparamdam
si Mokong sa akin. Hindi siya tumawag o nag-text man lang.
Nakakapanibago nang bongga, sobra. Hindi kaya pinanindigan
niya ‘yung sinabi niya sa’kin?
“You’re a liar. You lied to me. You, Nadine, Freak, lied to me.”
Kasi ako, ang iniisip ko…
Lasing lang siya nu’n.
Sana nga…
Lasing lang siya.
-=-
“Ano bang balita, Baste?” tanong nitong si Luke.
Nandito kami sa building ng condo ni Troy. Pinuntahan namin
siya para bantayan dahil baka kung ano pang maisipan niyang
gawin. Delikado…
Sumakay kami ng elevator saka ako sumagot. “Negative, ‘di pa
rin nagkakaayos sabi ni Chris sa’kin.”
“Ano ba kasing balak ng isang ‘yon?! Ang gagawin lang naman
niya ay ang mag-sorry. Hindi ‘yung pinahihirapan niya pati si

26
V O L U M E F O U R

Nads,” reklamo ni Luke.


“Minsan sa buhay natin, talagang pinangungunahan tayo ng
maling pag-iisip. Kaya sa pagkakataong ‘to, Luke, kailangan nating
ipaintindi kay Troy na may mga bagay siyang pinakakawalan sa
mga ginagawa niya.”
“Mas lalo akong nagiging desidido.” Napatingin ako kay Luke
na nakaiwas na ng tingin sa’kin. Seryoso ang kanyang mukha at
mahigpit na nakasara ang isang kamay.
“Anong ibig mong sabihin, uh!?”
Tumunog na ang elevator at awtomatiko itong bumukas.
Lumabas ako pero nag-stay si Luke sa loob ng elevator. Tiningnan
ko siya at gano’n din siya sa’kin. Hinawakan ‘ko ‘yung pinaka-
pintuan ng elevator para ‘wag itong sumara.
“Dahil sa taong ‘yun, kaya nagkaganyan na naman si Troy. At
sa paningin niya, naging masama si Nads. Dapat lang na ipaintindi
ko sa isang ‘yun ang ginawa niya. Uunahin ko na siya.”
“Luke—,”
“Puntahan mo na si Troy. At pakisabi…kung ‘di niya kayang
pagkatiwalaan si Nads, kayang-kaya ko ‘ ng buo.”
Hindi ako nagsalita at tahimik kong inalis ang kamay ko sa
pagkakaharang sa pinto ng elevator. Nakatingin ako sa mga mata
ni Luke, sa mga mata niyang desidido at may itinatago pa ring
pagmamahal sa babaeng dati na niyang pinaraya para sa kaibigan
niya.
Dumiretso ako sa condo ni Troy. Pero nakailang doorbell na
‘ko, wala pa ring nagbubukas ng pinto. Tinawagan ko si Mr. Hans
pero hindi niya rin daw alam kung nasa’n ito. Ang hinala ko,
nagbilin talaga si Troy na ‘wag sabihin kung nasa’n siya.
Mukhang wala pa namang ginagawang kalokohan si Troy dahil
kalmado lang si Mr. Hans. Wala pa sigurong masyadong dapat
ipag-alala.

27
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Pababa na ‘ko sa carpark nang may matanggap akong text


message galing kay Lolo Pops.
Text Message Received: Lolo Pops (1/10)
-Yo! May bcta akong mlaking Mama! ;p Mukhang BH,
puntahan niyo rine. Kitakits!
Napangiti na lang ako. Kung may loyal secretary si Troy, may
loyal katiwala rin ako.
Tinawagan ko kaagad ‘yung isang kaaalis lang.
“Hello, Luke. May balita ako.”
-=-
“Sige, ako nang mag-isang pupunta. Ge, huh? Nasa’n ako?
‘Wag kang mag-alala, marunong akong maawa. Sige na. Bye.”
Pinutol ko na ‘yung tawag kahit tumututol pa si Baste sa
kabilang linya. Sa team namin, siguro si Baste na ang pinakamatino
at taga-payo sa aming grupo. Pero sa ngayon, hindi muna ‘ko
makikinig sa kanya.
Pupuntahan ko lang ‘yung isang walanghiya sa kumpanya nina
Nads.
Pagdating ko sa office, wala raw ang hinahanap ko. Pinapunta
raw sa office ni Tito Reylan. Wala nang tanung-tanong na umalis
ako roon at sinundan ko siya.
Hindi ko pa man siya nakakaharap ng matagal, tandang-tanda
ko ang pagmumukhang ‘yan no’ng nasa Palawan pa lang kami. At
ngayong nakita ko na naman siya, pasensyahan na lang.
Hinawakan ko’ng kanang balikat niya at awtomatikong
lumingon naman siya sa direksyon ko.
Isang masigabong salubong ang ibinigay ko sa kanya
pagkaharap na pagkaharap niya. Langya, ‘di ko man nakita ang
nangyari kahapon sa pagitan nila ni Troy, sa lagay ng mukha niya,
siguradong nagdilim ang mata ni Troy sa kanya.

28
V O L U M E F O U R

Tama na ang isang bira para matauhan siya.


“Sino ka ba?! Ah!!?” sigaw niya sa’kin habang nakahawak ang
isang kamay nito sa panga niya.
“Wala kang karapatan magtanong.” Kahit ako, nagdidilim ang
paningin ko maisip ko lang si Nads na umiiyak kagabi. Babawiin
ko na ‘yung sinabi ko kanina. Dalawang bira na ang gagawin ko
nang magtanda ito. Binigyan ko pa siya ng isang suntok sa kabilang
panga. “Sa lakas mong manira ng relasyon, wala ka nang dapat
itanong.”
Bumagsak siya sa sahig pero mukhang natauhan siya sa sinabi
ko. “Relasyon?” Tumingin siya sa’kin. “Hindi pa ba sila nagkakaayos
ni Maria—.”
“Eh kung wala ka ba namang sapak sa ulong loko ka. Nakuha
mo pang magtanong?! Galing mo rin, ‘no?”
Tumayo siya habang pinupunasan ‘yung dugo sa kanyang labi.
“Kakausapin ko sana si Maria—.”
“Kung mahal mo pa ang buhay mo eh mas mabuting ‘wag ka
nang magpakita kay Nads, at mas lalo na kay Troy. Dahil kapag
nagkataon, ‘di ka na talaga matatantsa nang gumawa niyan sa’yo.
Subukan mong lapitan si Nads, ‘di lang ako ang susugod sa’yo,
tandaan mo ‘yan.”
“Tama na ‘yan—.” May humawak sa’kin sa braso pero tinabig
ko ito. Umalis na ‘ko, hangga’t nakakaya ko pang kontrolin ang
sarili ko.
Napatingin ako sa kanang kamao ko habang papasakay ako ng
elevator. “May isa pa…may isa pang dapat gisingin.”
Kinuha ko ang cellphone ko at saka tinawagan si Baste.
“Mauuna na ‘ko sa inyo. Hindi na makapaghintay ang kamao
ko.”
-=-

29
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Anak…”
Napalingon ako kay Mommy habang nagluluto. Nasa may
lamesa siya at nililigpit ‘yung mga ginamit ko sa pag-prepare ng
lulutin ngayong gabi.
“Po?” sagot ko. Matikman na nga ‘tong niluluto ko.
“Hmm…nag-away ba kayo ni Troy?”
“Ah! Hah!” bigla kong inilayo ‘yung kutsara sa bibig ko. Ang
init! Aray naman, Mommy.
“Ayos ka lang?” tanong ulit ni Mommy.
“Opo. Ah, tampuhan lang po.”
“Oh, okay. Kanina ka pa kasi tingin nang tingin sa cellphone
mo. At naninibago akong wala kang ikinukwento sa’kin tungkol sa
inyong dalawa. ‘Di ko na rin siya nakikita, kahapon pa. Sigurado
kang tampuhan lang?” tanong ulit ni Mommy.
Pinatay ko na ‘yung stove at saka kumuha ng pot holder.
“Magkakaayos din kami, Mommy. Don’t worry, okay ako.”
Bubuhatin ko na dapat ‘yung kaldero para alisin ito sa stove pero
bigla kong naramdaman na may humawak sa magkabilang balikat
ko kaya napahinto ako.
“Anak,” mahinahong tawag ni Mommy. “Ayos lang naman na
hindi maging okay.”
Kusang kumawala ang mga luha ko. Binitawan ko ‘yung pot
holder at saka pinunasan ang aking luha gamit ang kamay ko. Hindi
ako makaharap kay Mommy. Hindi ako sanay na humarap sa kanya
sa ganitong klaseng eksena.
Hinimas ni Mommy ‘yung likuran ko at saka ulit siya nagsalita.
“Hindi na ‘ko magtatanong. Basta, kapag may problema ka at
tingin mo hindi mo na kaya… nandito pa rin kami na hinding-
hindi ka iiwan, okay? Iwan ka na ng lahat. Pero kami? Never.” Saka
tinapik ni Mommy ‘yung likuran ko. “O siya, ako na diyan.”

30
V O L U M E F O U R

Pumanhik ako sa kwarto ko at saka humiga sa kama. Hawak ko


‘yung cellphone ko habang nakatitig ako sa screen nito.
“Galit ka pa rin….?” mahinang sabi ko.
Hindi pa rin kasi siya tumatawag o nagte-text sa’kin.
Naguguluhan na ‘ko. ‘Di ko naman kasi ine-expect na sobrang
magagalit siya ng gano’n sa’kin
Pumikit ako at huminga ng malalim. Ang totoo, nasaktan ako
nang sinabihan niya ‘kong sinungaling. Pero ang mas ikinasasama
ng loob ko ay ang ‘di niya pagpaparamdam sa’kin na para bang mas
pinararamdam niyang ‘yun talaga ang tingin niya sa’kin. Nagtataka
tuloy ako kung paano ba nagsimula lahat ito. Pumasok na lang
tuloy sa utak ko ‘yung kantang…
Here I am
Alone and I don’t understand
Exactly how it all began
The dream just walked away
I’m holding on
When all but the passion’s gone…
Lord…hindi pa ba? Hindi pa ba siya ang para sa’kin?
Bakit naman po ganito? Ang sakit-sakit sa pakiramdam. Kung
hindi naman pala kami para sa isa’t isa bakit kailangan pa naming
masaktan, ‘di ba? Parang ang unfair naman, Lord.
Hindi ko naman kasi alam na kaya ka palang saktan ng taong
mahal mo. Kung nalaman ko lang sana nang mas maaga, e di sana
nakaiwas ako.
“You’re a liar. You lied to me. You, Nadine, Freak, lied to me.”
Kung ‘di niya lang din ako kayang pagkatiwalaan…ano pang
point ng relasyon naming dalawa? Wala na…
-=-
It’s a new day at hindi ko pa rin siya nakakausap, and it’s
killing me. I hate not knowing what’s going on. Lalo na ‘yung

31
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

pagiging clueless sa kung ano nang ginagawa niya ngayon. Is she


okay? Or not? Alone? With someone? Sh*t, I’m being delusional
and unreasonable.
“Anak, kumain ka na ba? Hapon na.” Si Pops.
“No, I lost my appetite. I’m okay.” I am not…
He sat beside me. Bumalik ako sa dating bahay na pinuntahan
namin ni Freak dati at dito ko balak magpalipas ng ilang araw.
“Hindi ka naman babalikan ni Nadine kung magpapakamatay
ka sa gutom. Mabobobo lang ang utak mo dahil hindi ka kumakain.
Mas hindi ka makakapag-isip nang matino.”
I looked at him, “How did you know?”
Natawa siya pero hindi siya nakatingin sa’kin. “Nagka-asawa
rin ako, nagmahal din ang matandang ito. Kaya alam ko ang itsura
ng taong nakipag-away sa taong mahal nila. Ano bagang nangyari
at nag-iisa kang naparine?”
I told him everything. Starting from what happened in El
Nido…
“Wala kayong tiwala sa isa’t isa, anak. Si Nadine, hindi niya
agad iyon sinabi sa’yo dahil akala niya ay tama ang ginagawa niya.
Kung sakaling naging totoo kayo sa isa’t isa, mas nagkakaintindihan
kayong dalawa.”
“That’s what I’m saying—.”
“Pero malaki ang kasalanan mo, anak.” What? “Eh kung ‘di ka
ba naman din nag-iisip, bakit ka nagwawala do’n na akala mo ata
maganda ang maging matapang sa lahat ng oras?”
“Tss, he deserves it.”
“Sa kanya, oo, eh kay Nadine?” I looked at him. “Malakas ang
naging impact nung ginawa mo sa kanya. Parang kinalimutan mo
ang lahat ng mayro’n kayo. Anak, walang utak ang mata, hindi lahat
ng nakikita niyan ay totoo at tama. Kaya ginawa ng Diyos ang utak
ay para gamitin ito at gawin ang tama. Kaya nga nasa taas ang utak

32
V O L U M E F O U R

e, para ‘yan muna ang gamitin bago ang puso. Galit na galit naman
kasi kaagad ang pusong ‘yan.”
“All this time, wala ka palang tiwala sa’kin!?”
“Wala ka bang tiwala kay Nadine?”
“I gave her every trust that I can offer. Everything…
“Mukhang ‘yung tiwala na sinasabi mo, nilamon na
mo. Alam mo bang ang kawalan ng tiwala ang sumisira sa isang
relasyon? Kung wala no’n, walang patutunguhan ang kung ano
mang mayro’n kayo.”
“But what if—.”
“Hep! Wala akong alam. Hindi ko pa alam ang totoong
nangyari, kahit nga ikaw, ‘di mo alam. Ang tinatanong mo dapat
niyan ay si Nadine. Si Nadine na hindi mo pa naririnig ang buong
paliwanag. Pero siguro nga, tama lang na nandito ka muna para
maisip mo ang mga maling ginawa mo. Kesa ‘yung harapin mo siya
nang nakapinta diyan sa mukha mo na wala kang tiwala sa kanya.
Sa ngayon kasi, dalawang bagay lang ang nababasa ko sa’yo, takot
at pagdududa.”
I raked my hair in disgust. Did she those two things too?
“Heto ang tatandaan mo, sa isang relasyon, laging may awayan,
iyakan, selosan, at tampuhan. Pero para maging tama ang isang
relasyon? Dapat pangunahan kayo ng paniniwala, pagmahahal, at
tiwala sa isa’t isa. Dahil kapag dumating ‘yung panahon na nasaktan
at sumuko na ‘yung isa, dun na kayo mahihirapan talaga.”
It’s already dark outside and I was left alone in this house.
Lumabas ako ng bahay para magpahangin pero isang galit na Luke
ang sumalubong sa’kin.
He gave me a punch in the face
“What the hell was that for?!”
“Kulang pa nga ‘yan kung tutuusin,” he said.

33
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“What do you want, Luke?”


“Anong ginagawa mo rito?!”
“I’m thinking, she said I have to think about everything—,”
“Kailangan mo pa bang mag-isip?! Ang kailangan mo lang
gawin ay bumalik kay Nads at hindi ‘yung pinapaiyak mo siya!”
“Umiiyak si Freak?”
“Nung gabing nasa bar ka, pinuntahan ka niya pero umuwi rin
siya habang umiiyak. Gusto niyang mag-sorry sa’yo kaya ka niya
pinuntahan pero dahil sa pagiging immature mo…tingnan mo
kung anong ginawa mo! At tinawag mo pa siyang sinungaling!?
Ang galing mo rin naman, Troy.”
“But right now…I need time to think. That’s what she wants or
else, immature pa rin akong babalik sa kanya. Get that?!”
“Tsk tsk tsk. Seryoso…ngayon ko masasabing nakakabobo
ang ganitong usapan. Dahil kung ako ang nasa posisyon mo?
Pupuntahan ko na siya ngayon pa lang. Bahala ka sa buhay mo,
Troy. ‘Wala ka sanang pagsisihan sa mga sinabi mo sa kanya.”
I was about to add something when I heard familiar voices.
“Eto na ba ‘yon??!”
“Malay ko, ngayon lang ako nakapunta dito.”
“Captain…” What?! Lumingon ako—what??!
“CAPTAIN!!!!!” sigaw nilang lahat at tumakbo papunta sa’kin.
What on earth are these guys doing here??!
“Harris, ano bang tingin niyo rito sa bahay ko, hotel? Eh pa’no
ba naman kayo magkakasya dyan?” It’s Pops.
They are driving me nuts. “Captain! Patulog kami!” si Rick.
They’re all carrying their own luggage? Are they having a
vacation, or what?!
“’Di ka nagsasabi, Captain, magbabakasyon ka pala!” sabi ni
Jake.

34
V O L U M E F O U R

“Ampeyr,” si Blake.
“Unfair ka diyan?! Sumama ka pa rito, tutulog ka lang din
naman!” sabi naman Drake.
“Ano, Captain?” it’s Sebastian. “Patulog kaming lahat dito ah?”
“Can’t you see this house?” Itinuro ko ‘yung nasa likuran ko.
“Do you think we can all fit in here?”
“Kapag gusto, maraming paraan! Sa labas patutulugin si Adrian
para maluwag!” hirit ni Trick.
“BWAHAHA, ‘yan na naman kayo eh. Nami-miss niyo na
naman ako,” sagot naman ni Adrian.
“May nagsasalita ba?” nang-aasar na sabi ni Blake.
“Pumayag ka na, Captain. Dadamayan ka namin sa
pinagdaraanan mo,” it’s Vic.
“Oo nga. At kung gusto mo pa, parusahan mo nang parusahan
si Adrian ng ang pakiramdam mo,” sabi ni Nick.
“Kung sabagay, may point!!!” sang-ayon naman ni Trick.
“Mga loko kayo ah! Bakit laging ako??!” reklamo ni Adrian.
“Pasalamat ka at may papel ka sa’min! Hahaha!” dagdag pa ni
Trick.
“Tss.” I’m here to think things a bit through. To have peace in
mind. Now it’s all gone. “Bahala kayo.”

It’s eleven-thirty in the evening and they’re still here, there’s


nothing I can do. Mga nakahiga sila sa banig at nakakumot, like
street children. Sebastian and I were sitting here in this wooden
chair while staring at these crazy men.
“Oy Trick!!! Kamay mo, ano ba??!” it’s Rick.
“Sira! Hindi ko kamay ‘yon! Ginagawa kong unan ang kamay
ko oh,” sagot ni Trick.

35
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Anak ng—napakaiingay niyo naman. Magsitulog na kayo!”


reklamo ni Drake.
“Pagmumumurahin ko kayong lahat diyan, napakaiingay. Kung
manahimik na kaya ang isa nang manahimik na lahat?!” si Luke.
“Oo nga…tulog na ‘ko oh,” sagot ni Blake.
“LAGI KA NAMANG TULOG!!!” they all said in chorus.
“Oy, tahimik, si Adrian umuungol. Wet dreams ba ‘yan?!”
tanong ni Trick.
Tss! I think, they’re not going to sleep with those crazy brains.
“Sira, may umuungol nga,” sabi ni Vic.
“Si Adrian nga ‘yun, nananaginip,” sagot naman ni Trick.
“Oy, hindi ako ‘yon!” it’s Adrian.
“Hindi nga?” nang-aasar na tanong ni Zhrake.
“Ano bang inuungol?” asked Sebastian.
“Tss, can you just all shut up?” I said.
“Pero teka lang, Captain. May naririnig din ako,” said Rick.
“Langya, kala ko guni-guni ko lang,” dagdag pa ni Nick.
“Kayo rin pala, kanina ko pa naririnig,” sabi naman ni Jhick.
And everyone fell silent, nakikiramdam ang mga loko-loko.
Tss, they are really driving me nuts!
“OY! SINONG NANGHAWAK NG PAA DIYAN?!” Trick
yelled.
“Captain, relax,” said Sebastian.
“What are they doing here?” I sighed. “Tss!”
Natawa si Sebastian. “Hayaan mo na. Wala ng lunas sa mga
sakit ng mga ‘yan. Ang totoo, nandito sila dahil nag-aalala sila sa’yo.
Baka raw kung anong maisipan mo, mga loko talaga. Pinapatakbo
mo lagi ang mga ‘yan pero sa huli, nasa iyo pa rin ang loyalty nila.”
“What more can I say?”

36
V O L U M E F O U R

“Captain! Pa’no ba buksan ang ilaw dito??! May nangloloko


sa’kin dito!” it’s Trick.
“Sino ba kasing nanghahawak ng paa diyan??!!” singit naman
ni Zhrake.
“HINDI NIYO BA ‘KO BIBIGYAN NG KATAHIMIKAN!!
NAMAN—OH!? Teka…” said Luke.
“Salamat naman!” sabi ni Jhick. And then there was light. Lahat
sila ay mga nakabangon na.
“AH!!! Ikaw pala ang nanghahawak ng paa ah?!” said Zhrake.
“Walanghiya ‘to, matutulog na lang!” sabi ni Nick. “Oh, lagot
ka sa’min!”
“Ang ingay niyo kasi. Para umuungol lang mga—AAAAHHH!!!”
it’s Blake.
“Kung ‘di pa kita masisipa!” sigaw ni Luke.
Tss! Parang mga bata silang nagdaganan.
“CAPTAIN!!!! HELP—AHHHH!!!” si Blake.
“Lagot ka sa’min!” pagbabanta ni Vic.
“Touch down na!!!” again, it’s Blake.
“Walang touch down, bwahaha!”
“Oh, si Adrian naman daw!” sabi ni Rick.
“Bakit ako!!??? Oh-teka—AAAAAHH!!”
“Trip-trip lang ‘yan, ahaha!” natatawang sabi ni Luke
“Waaaaah!!! Mga loko kayo, bakit—araaay!!!”
“Papatayin niyo na ba si Adrian? Sali ako!” sabi ni Sebastian.
Tss! Now I can say that we’re all immature in our own ways.
-=-
Girl, ‘yung totoo? Ayaw mo nang matulog?
Tanong ni Sandy sa’kin habang kausap ko siya sa cellphone.
Tinawagan ko siya dahil hindi na ‘ko makatulog kakaisip sa kung
37
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

anong nangyari sa’ming dalawa ni Mokong.


“Okay sige, matutulog na ‘ko. Pero ‘di ba? May point naman
ako?”
Gosh.
Saka ko narinig na bumuntong hininga si Sandy.
Nads, yes. May point ka. Pero kung paulit-ulit nating pag-
uusapan ‘to. It’s pointless, okay?
“Okay, okay. Sorry…tulog na kasi ‘yung dalawa kaya ikaw na’ng
tinawagan ko.” Niyakap ko ‘yung unan ko habang nakahiga ako sa
kama. “Nalulungkot lang ako.”
Fine, fine, I get it. The thing is…wala namang mangyayari kahit
umiyak ka ngayong gabi. Don’t get me wrong, crying isn’t a bad thing.
Actually, mas makakabuti pa nga ‘yun sa’yo kung mailalabas mo
‘yang dinadamdam mo. Ang point ko lang, mas maso-solve niyo itong
issue na ito kung may tiwala kayo sa isa’t isa at mag-uusap kayo.
“Wala naman akong doubt sa kanya eh—,”
Excuse me? Did I hear it right? Kasi ten minutes ago, you’re
whining about Troy and his subsiding feelings for you. So, what are
you saying again?
“Eh kasi naman, kung sabihan niya ‘kong sinungaling, parang
‘di niya ‘ko mahal.”
And here we go again. That’s why being single is better than
having a relationship na full of doubts naman. At least, your heart is
at peace. Am I right? Now…
“Hmm?”
You want to make sure if he still loves you? Break up with him
and if he refuse to do so, then that’s it! Mahal ka pa niya. Uhg, and
please, patulugin mo na ‘ko, girl. Pinuyat na ‘ko ni Rocky kahapon.
“Uh? Anong ginawa niyo?”
Seriously? Honey, it’s for you to find out. Fix your issues first.

38
V O L U M E F O U R

Goodnight!
“Wait! Hello! Uhg!” saka ko ibinaba ‘yung phone ko sa side table.
Tumingin na lang ako sa kisame. Hindi pa rin siya nagpaparamdam.
Nag-iisip din kaya siya na tulad ko? Iniisip niya rin kayang sana…
hindi na lang kami pumunta sa Palawan para wala na ‘tong naging
ugat ng problema naming dalawa?
“Pero kung sabagay, tama lang siguro na nangyari ito,” nasabi
ko sa sarili ko. Tama lang kasi na-realize ko na hindi lang pala puro
tawa at kilig ang ganitong klase ng relasyon.
Hindi pa rin pala talaga sure…
Kasi baka hindi pa rin kayo ‘yung magkatuluyan sa huli.
Nakakatakot…
-=-
It’s early in the morning, and all I can hear is the whining of
these Dragons. Tss!
“Oy Jhick! Akin na ‘yang pamaypay, hindi ako matapos-tapos
dito,” said Vic.
“Mamaya na, napakainit oh! Talagang minsan gusto ko nang
magalit sa mga magulang ko. Simula kasi nung ipinanganak ako,
nauso na ang global warming!” it’s Jhick.
“Eh kung isalang ka kaya namin dito nang lalo kang mag-init!?
Amin na ‘yan!” said Rick.
“Bilisan niyo naman! Itlog lang lulutuin niyo, ang tagal pa!” As
usual, puro reklamo na naman si Adrian.
“Eh kung ikaw kaya ang magpa-apoy dito!? Kung alam ko lang,
nagdala sana ako ng LPG at gas stove,” sabi ni Trick.
“Naku po!!! Sinong marunong mag-saing sa inyo?! Etong si
Luke, ginawang nilagang bigas ‘tong sinaing!” si Nick.
“Choosy kayo masyado, ‘tol. Sabi niyo gusto niyo ng sabaw?
Ayan, two in one! Ahaha!” nang-aasar na sabi ni Luke.

39
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Kayo ang kumain niyan, tss!”


“Ganto kasi ‘yan…” It’s Blake holding a spoon? “Babawasan
niyo lang ang tubig tapos—.”
“Shit.”
“WAAAAAAAAAH!!! BLAKE!” sigaw nila.
There’s no stove here kaya nagluluto sila gamit ang mga
panggatong. Pero sa ginawa ni Blake, now everything’s gone.
“So ano ‘yan ngayon, Blake!?” asked Sebastian.
Blake is now looking speechless, as always.
Lumapit si Adrian. “Yan! ‘Yan ang tinatawag na SINAING ON
THE FLOOR! BWAHAHA!”
“Oh, linisin niyo ‘yan. Kayo, ang daming nagugutom na tao sa
mundo tapos ganyan kayo,” sabi ni Drake.
“Blake! Ayan, linisin mo. Humingi ka ng tawad sa lahat ng
nagugutom sa mundo!” it’s Nick.
Nagsimula na siyang maglinis. “Sorry sa mga nagugutom sa
buong mundo…sorry.”
“Ako na nga ang magsa-saing!” sabi ni Adrian.
“’WAG NA!!!”
Tss! Para akong may mga kasamang may sayad.
I’m starving and I want Freak. I mean I want to eat Freak—I
mean, Tss!
I want to eat with Freak.
“Wala ba kayong tiwala sa’kin?! Bwahaha!!!” napatingin ako
kay Adrian.
“Tinatanong pa ba ‘yan!?” said Nick.
“Syempre wala!” Trick yelled at Adrian.
“Tss!” I just gave .
“Troy,” simula ni Luke. “Wala ka pa bang balak umuwi? Ibig

40
V O L U M E F O U R

kong sabihin…wala ka pa bang balak na puntahan si Nads?”


We’re standing here outside while looking at those crazy
Dragons.
“Why…” I crossed my arms, not looking at his direction.“Why
are you so concerned about us?”
“Ang totoo…” he looked at me but I kept my gaze away from
him. “Mas concerned ako kay Nads.” Nang marinig ko ang pangalan
ni Freak, saka lang ako tumingin kay Luke. “Mas kilala kita…alam
kong mas kaya mo kung sakaling humantong sa ‘di maganda ang
relasyon niyo. Hindi naman ‘to ang unang
nagkaroon ka ng karelasyon, ‘di ba? Pero si Nads? Ito ang una…
ikaw ang una. At kung hindi niyo man ‘to maayos, mas malaki ang
impact nito sa kanya,” he gave me a pat on my shoulders. “Loyal ako
sa kaibigan, pero mas concern ako sa—,” he stopped and smirked.
“Kay Nads.” Then he turned his back away from me.
“Give me an honest answer. Who’s Nadine for you?”
He didn’t say a word right away. And I didn’t expect his anwer.
“Kapag pinakawalan mo…malalaman mo.”
It sounded like a threat from a rival, and an advice from a
friend. Hindi ko lang alam kung ano ang mas matimbang.
“Sebastian,” lumapit ako sa kanya. “Can I borrow your
cellphone?”
“Sure, oo naman.” He handed me his phone. “Teka, Troy!”
Lumingon ako sa kanya nang naglalakad na ‘ko paalis. “Sa’n ka
pupunta?”
“To Nadine. Do you have your car with you?”
“Ah? Ah…van ang dala namin dahil sa dami ng mga lokong
‘yan. Si Luke, dala niya ‘yung motor niya.”
“Good.” I was about to go when Sebastian said something.
“Troy, alam kong hindi kita kayang pangunahan sa desisyon

41
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

mo pero kung ako ang tatanungin…sa lahat ng babaeng nakilala ko


at nagsabing gusto ka nila, si Nads lang ang masasabi kong totoong
mahal ka. Sa pinagsamahan nating lahat, nakita kong walang halong
pangloloko ang lahat ng ipinakita niya sa’yo.” I looked at him. “Pero
syempre, ikaw ang mas nakakaalam. Kung ano man ang maging
desisyon mo, nandito lang ang team. You’re the captain after all.”
“Thanks.” Kinuha ko ‘yung susi ni Luke na nakapatong sa
lamesita. ”Ikaw na’ng bahala kay Luke.”
This time, I have to call her when I get back to Manila.
-=-
Hindi maganda ‘yung gising ko ngayong araw.
Wala akong pasok sa OJT ko ngayon kaya expected ko na
maganda ang gising ko dahil hindi ako mapapagod. Pero dahil
do’n sa panaginip kong hinahabol ako, na hindi ko naman alam
kung ano ang humahabol sa’kin, eto at para akong
pagkagising.
“Nadine, anak, ayos ka lang?” Napatingin ako kay Mami
pagkainom ko ng tubig.
“Opo, ayos lang.” Pinunasan ko ‘yung pawis ko sa noo
saka binaba ‘yung hawak kong baso. “Masama lang po ‘yung
napanaginipan ko.”
“Ano bang napanaginipan mo, ‘nak?”
“Tumatakbo ako eh. Kaso ‘di ako makatakbo nang maayos
habang may humahabol sa’kin.”
“ . May gusto ka bang takbuhan ah? Alam ko
kasi…’yun ang karaniwang ibig-sabihin pag gano’n ang mga
panaginip. Alam mo, Nadine, mas okay kung haharapin mo kung
anong problema ang mayro’n ka. Para naman matapos na kaagad at
hindi ‘yung pinahihirapan mo pa ang sarili mo..”
Napabuntong hininga ako bago sumagot. “Mommy,” tawag ko
pero hindi ako nakatingin sa kanya. “Kayo ba ni Daddy, nang mag-

42
V O L U M E F O U R

girlfriend at boyfriend pa lang kayo, anong pinag-aawayan niyong


dalawa?”
“Kami? Hmm…kung sa totoong away, wala naman ata.
Ewan ko ba? Sa tuwing mag-uumpisa na kaming mag-away, mas
nangingibabaw sa’min ‘yung patience namin sa isa’t isa. ‘Yung
respeto at pagmamahal din syempre. Kilala kasi namin‘yung bawat
isa…at higit sa lahat, we trust each other.”
“Tiwala…” wala sa sariling nasabi ko ‘yun.
“Aba! Kung wala rin lang siyang tiwala sa’kin sa mga bagay-
bagay, ‘di ko ‘yan pakakasalan ‘no.” Bigla akong inakbayan ni
Mommy. “Kayo ng Kuya mo, bunga kayo ng pagmamahal,
paniniwala, at tiwala namin sa isa’t isa ng Daddy niyo.” Tumingin
sa’kin si Mommy. “At alam kong ‘yun din ang mayro’n kayo ni Troy,
‘di ba?”
Nakatingin ako sa mga mata ni Mommy, bakit parang gusto
kong sabihing,
Hindi rin ako sigurado, Mommy. Sana nga…
“Nadine,” napalingon kami ni Mommy kay Kuya. “May bisita
ka. Hindi ko muna pinapasok, ngayon ko lang naman nakita ‘yun.
Tingnan mo muna sa labas.”
Lumabas ako ng bahay para tingnan kung sino ‘yung tinutukoy
ni Kuya. At hindi ko inaasahan kung sino ang bumungad sa’kin.
“Jim,” tawag ko sa kanya.
Diretso ang tingin niya sa’kin. “I know, I have no right na
magpakita sa’yo ngayon sa ginawa ko, Maria. Kahit ‘yung sarili ko
ay gustong tumutol sa pagpunta ko rito pero kung hindi pa ngayon,
I think…pagsisisihan kong hinayaan kong lumipas ‘yung mga
bagay-bagay.”
Bakas sa kanyang mukha ang pagiging desidido. Do’n ko lang
napansin ‘yung mga sugat at pasa sa mukha nito. Parang fresh pa
nga sa suntukan ang hitsura niya. Hindi naman siguro nag-second

43
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

round si Mokong sa kanya, ‘di ba?


“Do’n tayo sa loob,” pag-aaya ko.
“No, ayos lang. Dito na lang—.”
“Nasa loob sina Mommy at Kuya, ayokong isipin nila na may
itinatago ako sa kanila. Sapat na ‘yung isang paghihinala…” Sobra
pa nga kung tutuusin.
Hindi na siya nakatanggi. Sinundan na lang niya ako papasok
sa bahay namin. Sinalubong naman kami ni Mommy na parang
clueless pa rin tungkol sa nangyari sa office. Hindi pa siguro
nababanggit ni Daddy ang tungkol sa insidenteng ‘yun.
Alam na kasi ni Daddy. Imposible rin namang hindi. Wala
pa nga lang din akong balita kung anong reaksyon o desisyon ni
Daddy sa nangyari.
“Oh, hi,” tumingin sa’kin si Mommy. “Hmm…ipakilala mo
naman ang Mommy mo, anak.”
“Si Jim po. Head namin sa OJT,” maikling pakilala ko.
Halata kay Jim ang awkwardness pero nakipag-kamay pa rin
siya sa Mommy ko.
“Oohh, I see. E di sa Shrumiz ka rin pala nagtatrabaho? Please
take care of my daughter very well ah?” sabi ni Mommy with
matching smile pa. Tiningnan ko si Jim na halata na ang pamumula.
Napatingin ako kay Mommy, sending her some signals na
kailangan kong kausapin ang lalaking katabi ko ngayon. Privately.
“Ah… iwan ko na muna kayo at napakarami ko pang titiklupin
sa taas. Okay, nice meeting you, Jim.”
“Thank you po.” At umalis na nga si Mommy.
Sinenyasan ko siyang umupo na sa sofa.
“Kukuha lang ako ng juice,” sabi ko bago ako dire-diretsong
pumunta sa may kusina. Alam kong gusto niyang tumanggi, pero
hindi ko na siya hinayaang makapagsalita. Masyadong awkward

44
V O L U M E F O U R

ang aura ng paligid. Gusto kong umalis muna sa tabi niya.


Naaalala ko kasi ‘yung ginawa niya sa’kin sa office. Ang totoo,
mabilis ang kabog ng puso ko ngayon. Hindi ko alam kung anong
una kong sasabihin sa kanya. Ni hindi ko nga rin alam kung bakit
ko siya pinapasok dito sa bahay namin.
Ang alam ko lang, walang masama sa gagawin kong pakikipag-
usap.
Pagkarating ko sa kusina, hinawakan ko ‘yung dibdib ko dahil
ang lakas ng kabog nito. Mas lalo pa ‘tong bumilis sa pagkabog
nang biglang tumunog ‘yung phone ko.
“Basty?” tumatawag si Basty. Sinagot ko naman ito kaagad.
“Hello, Basty.”
Pero may mas magpapakabog pa pala ng dibdib ko ngayon. At
‘yun ay walang iba kung hindi ang kausap ko ngayon…
Hello, this is Troy.
“Troy,” ulit ko. “Bakit? I mean—.”
Where are you right now? I want to talk to you, please.
Kalmado ang boses niya pero nai-imagine ko na ‘yung mukha
niya ngayon habang magkausap kaming dalawa. At ang masakit,
nai-imagine ko rin ‘yung tingin niya sa’kin nung magkaharap kami
sa bar nung isang gabi.
“Sige, kailan?” tanong ko.
Today, if you have time.
Ang awkward pala ng ganitong usapan after niyong mag-away.
Do you have a class today?
Gusto kong sabihing tinatanong mo pa, eh kabisado mo naman
ang schedule ko. Mokong ka talaga...
“Oo, wala akong OJT ngayon.”
You’re in school now?

45
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Napatingin ako bigla sa gawi ng sala kung sa’n tahimik na


nakaupo si Jim. “Papunta pa lang.” Malaking gulo kapag nalaman
niyang nandito si Jim. Pero kung sakali, ito na rin naman ang
huling beses na papayagan ko si Jim na makalapit sa akin. “Kita na
lang tayo after lunch. May one hour break ako.”
Okay then. I’ll meet you there. I’ll call you.
“Sige.”
Bye.
“Bye.”
….
“….”
Okay.
INIS! Ang awkward.
“Okay,” sagot ko at saka ko tinapos ‘yung call. Gusto ko pa
sanang isipin kung ano ‘yung mga posibleng pag-usapan naming
dalawa, pero kailangan ko nang balikan si Jim. Nagtimpla na ‘ko ng
juice at bumalik sa sala. Umupo ako sa katabing sofa na inuupuan
ni Jim pagkaabot ko sa kanya ng juice. Hindi niya naman ‘to ininom
at sa halip ay ipinatong niya lang iyon sa center table.
Ako ang napainom ng juice bago nagsalita. “Anong gusto mong
pag-usapan, Jim?”
“Sorry,” maikling paunang sagot niya sa’kin. “Alam ko…hindi
talaga sapat ‘yung salitang ‘yun pero sasabihin ko pa rin, Maria.
Sorry…”
Nakatingin siya sa’kin nang diretso, at kita ko rin ang pagiging
seryoso niya. Kahit gustuhin kong kumawala sa diretsong tingin
niya sa’kin, hindi ko naman magawa.
“That time, I have to admit na nagpaka-gag* ako. Nakalimutan
kong mag-isip kaya humantong sa ganito. ‘Yung ginawa ng
boyfriend mo sa’kin, at ng kaibigan mo, tinanggap ko lahat ‘yun.

46
V O L U M E F O U R

Alam ko rin kasing wala akong matuwid na ikakatwiran sa ginawa


ko.”
“Kaibigan ko?” tanong ko.
“Oo. Hindi ko rin siya kilala pero sigurado akong kaibigan niyo
siya o barkada ni Troy.”
Sino naman?
“Nakausap ko na rin si Mr. President tungkol dito dahil alam
kong makakarating din sa kanya ang nangyari. Hinihintay ko na
lang din ang desisyon niya.”
Gusto ko sanang itanong kung anong klaseng desisyon ang
hinihintay niya pero pinili kong huwag na lang. Si Daddy na lang
ang tatanungin ko mamaya.
“Pasensya ka na rin kung wala pa ‘kong masasagot sa tanong
mo. Alam mo namang masyadong mabilis ang pangyayari at hindi
pa rin kami nagkaka-ayos—,” Nads naman, ‘wag mo na ngang
sabihin pati ‘yan.
“Nadine, if there’s something that I can do para magkaayos
kayo ni Troy, I am more than willing to do anything. Just let me
know, please.”
“For now…ang pinakamagandang magagawa mo, Jim, ay ang
‘wag munang magpakita sa’min pagkatapos ng pag-uusap nating
‘to. Nakita mo naman ang naging reaksyon ni Troy nang makita
niya tayo. Ayoko nang pag-isipan niya pa ‘ko ng masama kasi ‘di
ko na kakayanin.” Umiwas ako ng tingin sa kanya. Pinipigilan kong
‘wag umiyak sa sinabi ko. Para kasing tinaggap ko na rin na wala
ngang tiwala sa akin si Troy.
“Are you alright?” tanong niya.
“No,” umiling ako. “I’m not. Hindi ako okay.” Napatingin ako
sa kanya pero umiwas din ako. Bakit kailangang sa ibang tao ko pa
naamin iyon—na hindi ako okay? Bakit sa taong naging ugat pa ng
away naming dalawa ni Troy?

47
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Hindi ko rin alam…


“Dahil sa’yo, inakala niyang niloloko ko siya. Dahil sa’yo,
mukha akong sinungaling sa paningin niya. Nawalan siya ng tiwala
sa’kin…” O baka naman wala talaga siyang tiwala sa’kin from the
very start pa lang?
Hindi nagsalita si Jim kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.
“Kung pwede ko lang i-backspace o i-delete ang lahat ng nangyari,
ginawa ko na. Ayoko na…ayoko nang ganito. Sana matapos na. ‘to”
Tumingin ako kay Jim. “Kaya ngayong tinatanong mo ‘ko kung
anong pwede mong gawin? ‘Wag na lang talaga tayong magkita. Eto
na sana ang huli.”
Nakita ko siyang tumango habang nakatingin sa ibaba. Pareho
kaming tahimik nang biglang may nag-doorbell. Hindi ako kaagad
nakatayo kaya sakto naman ang pagbaba ni Mommy.
“Ako na,” sabi ni Mommy saka siya lumabas ng bahay.
“Sa susunod…sa susunod na maging maayos na ang lahat
sa’ming dalawa,” huminto ako. Naalala ko ‘yung tawag ni Troy
kanina. Siguradong makikipag-ayos na siya sa’kin. Lasing lang
siya nung mga oras na tinawag niya ‘kong sinungaling nang hindi
hinihingi ang paliwanag ko. “Makakapag-usap din uli tayo. Sa
ngayon, eto muna’ng huli.”
“I understand,” sagot niya. Tumayo siya saka sinabing,
“Maraming salamat dahil hinarap mo ako sa kabila ng gulong
idinulot ko sa inyo.”
Patayo na rin ako nang makita kong napatingin siya sa aking
likuran. Mababakas ang pagkagulat sa kanyang mukha.
“Oh Nads, maagang bisita mo, anak,” masayang pagkakasabi ni
Mommy. Bisita?
Unti-unti akong lumingon at parang biglang huminto ang
tibok ng puso ko dahil sa aking nakita.
“Oh teka, aalis ka na, Jim? Dito ka muna—,” napahinto rin si

48
V O L U M E F O U R

Mommy nang makita niya ‘yung mga reaksyon ng mukha namin.


Diretso ang tingin ko kay Troy. Sa kanya na wala halos
emosyon ang mga tingin sa’kin—sa’ming dalawa ni Jim. Inaamin
ko, nanlalamig ang mga kamay ko at hindi ko alam ang sasabihin.
Natatakot ako kay Troy, ‘yun ang totoo.
Hindi ko na kilala ang mga tingin niya. Hindi ko na
maramdaman kung anong nasa loob niya. Nakakatakot…dahil
parang hindi ko na kilala ang lalaking kaharap ko.
“Troy—,” magsasalita sana si Jim pero inunahan ko na siya.
“Salamat sa pagpunta,” ang sabi ko habang diretsong nakatingin
kay Troy at gano’n din naman siya sa’kin. This time, nakatingin
kami sa mata ng isa’t isa. Mukhang naintindihan ni Jim ang gusto
kong mangyari kaya naman nagpaalam na siya para umalis. At
nang makita ni Mommy na hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan
ko para ihatid si Jim palabas, siya na ang nagpresintang gawin ‘to.
Umiwas ako ng tingin sa kanya habang siya’y nakatitig pa rin
sa akin. Hinintay kong makapasok ulit si Mommy at bumalik sa
kanyang kwarto bago ako nagsalita.
“May gusto kang sabihin, umupo ka muna dito,” sabi ko at saka
ako muling umupo sa sofa. Kung tutuusin, excuse ko lang ‘yun dahil
nanlalambot na talaga ang mga tuhod ko sa sitwasyon ko ngayon.
Feeling ko, babagsak na ang mga tuhod ko sa kaba.
Nads, matatag ka. ‘Wag kang iiyak sa pagkakataong ‘to.
Umupo siya sa pwestong inupuan ni Jim kanina.
“Do you have anything to say?” bigla niyang natanong.
Napakakalmado ng pananalita niya kaya mas natatakot ako.
Ngayon, parang mas gusto kong marinig ‘yung galit niyang boses
kesa ‘yung ganito na parang wala siyang emosyon.
Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya.
Nakatingin ako sa ibang direksyon saka umiling. “Wala. Wala
naman,” pagmamatigas ko.

49
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

NADS! Anong wala!? ‘Di ba nga, halos napuyat si Sandy sa’yo


kagabi kakasabi mo sa kanya ng gusto mong sabihin kay Mokong mo
kapag nagkausap kayo??! Tapos ngayon, sasabihin mong wala?!
“I dropped by to see Tita Alma first bago kita puntahan sa
school.”
Tumingin ako sa kanya. Bakit ‘di siya nagagalit!? Bakit ‘di siya
sumisigaw tulad ng dati? Bakit ‘di siya nagtatanong? Bakit nakatingin
lang siya sa’kin na parang ang pakiramdam ko, nagsasawa na siya,
na tapos na siya sa’kin?
“Hindi mo b-ba,” napahinto ako at huminga ng malalim para
pigilan ang mga luha kong gusto nang kumawala. “Hindi mo ba
itatanong kung bakit nandito si Jim?” Hindi man lang niya aalamin
kung anong nangyari? Bakit na naman siya nandito? Wala ba
siyang—.
“No, I’m not interested.”
Paulit-ulit na nag-play ‘yun sa tenga ko.
No, I’m not interested.
No, I’m not interested.
No, I’m not interested.
No, I’m not interested.
Gusto ko siyang tanungin kung anong ibig niyang sabihin pero
imbes na magtanong, iba ang nasabi ko.
“Gusto mo bang mag-break na tayo, Troy?”
“Why? Is that what you want?”
“Kung ganito…kung nawala na agad ang tiwala natin sa isa’t
isa, at napaka-immature—.”
“Is that what you want?”
Nakatitig ako sa kanya. Pinigilan ko ang paghinga ko at saka
sinabing…
“Mag-break na tayo.”

50
V O L U M E F O U R

Hindi siya agad nagsalita, tinitigan niya lang ako. Makalipas


ang ilang segundo ay narinig ko mula sa kanya ang mga salitang
nagpablangko sa isip ko at bumago sa buo kong pagkatao.
“Then let’s break up.”
Nabalot ng katahimikan ang paligid namin nang sabihin niya
iyon. Walang kakabog-kabog niyang sinagot ang tanong ko kaya
parang hindi nag-sink in sa utak kong sumagot na pala siya. Ni
hindi man lang siya nag-dalawang isip sa sagot niya kaya parang
hindi pa rin matanggap ng system ko ang nangyayari.
Umiwas siya ng tingin sa’kin at maya-maya pa’y tumayo na
siya. Hindi ko siya sinundan ng tingin, diretso lang ang tingin ko
sa kawalan.
“By the way,” may inilapag siyang maliit na brown paper bag sa
table na kanina pa pala niya hawak. “I bought this on my way here,”
pagkasabi niya noon ay naglakad na siya palabas ng pintuan.
Hindi ako nakatayo, ni hindi ako nakapagsalita.
Nagulat ako sa kung anong kinahantungan ng pagkikita naming
dalawa. Hindi ito ang inaasahan kong mangyayari. Parang…parang
hindi totoo. Napalingon ako sa pintuan at saka tumayo.
“Mokong,” mahinang sabi ko nang marinig ko ang pagkabuhay
ng makina ng motor na dala niya. Napatakbo ako palabas pero
kasabay nito ay ‘yung pagharurot ni Mokong, sakay ng isang yellow
motorbike, paalis sa tapat ng bahay namin.
Umalis na siya? Gano’n lang?! ‘Yun lang ba ‘yung gusto niyang
sabihin sa’kin kaya siya makikipag-usap ngayon?
“Nadine,” narinig kong tawag ni Mommy. Lumingon ako na
may luha na sa mga mata ko. “T-teka?! Anong nangyari sa’yo?”
“I’m okay,” sabi ko. “I’m okay…” Umiwas ako ng tingin kay
Mommy. “Late na pala, may pasok pa ‘ko, ‘Mi.” Dire-diretso akong
naglakad paakyat sa kwarto. Pagkapasok ko ay ini-locked ko ang
pinto. “I’m okay… I’ll be okay.” Pero habang sinasabi ko ang mga

51
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

salitang ‘yan, ayaw nang tumigil ng mga luha ko.


Napaupo ako sa aking kama at inilibot ko ang aking paningin.
Then let’s break up. Nage-echo pa rin sa paligid ang mga sinabi niya
kanina. Hindi ‘yun mabura-bura sa isip ko, nakakainis. “I’ll be okay.”
Unti-unti, ang maliliit na patak ng luha ko, ay naging agos na dahil
sa walang tigil kong pag-iyak. Habang ang mga kamay ko naman,
hindi malaman kung anong gagawin nila. Pupunasan ba ang mga
luha? Ilalagay sa bunbunan dahil sa nagbabadyang sakit ng ulo? O
ilalapat sa dibdib na ngayon ay parang sinusunog sa sakit?
“Nadine? Anak? Ayos ka lang ba?” narinig kong tawag ni
Mommy mula sa labas ng pinto.
“O-Opo. Ayos lang,” at mas lalo akong naiyak. Dumapa ako sa
kama at saka humagulgol sa sabay sabing…
“Hindi ako okay…”
-=-

52
V O L U M E F O U R

Chapter 33: My Facebook EX…


For REAL!?
What’s on your mind? > May mga bagay na dapat mong
kalimutan pero mahirap. Tipong ayaw mo, pero kailangan.

Ewan ko ba, pakiramdam ko…hindi ko dapat lapitan ang


isang ‘yun.
“Ano sa tingin mong nangyari diyan, Babe?” tanong ko kay
Sandy habang parehas kaming nakatingin kay Troy na tahimik at
mag-isang nakaupo sa pwesto niya dito sa restobar ko.
“Well…he’s not drinking alcohol but it’s a juice. His aura is very
calm, but there’s something wrong and I can feel it. I’m not sure
what exactly it is,” sagot ni Babe habang naka-crossed arms pa.
“Baka dahil nga sa awayan nila ni Nads,” dagdag ko.
“I’m not sure. He looks mad.”
“Mad? Eh kalmado nga oh.”
Tumingin sa’kin si Sandy. “Well, well, well.” Ipinatong niya
ang kanyang dalawang kamay sa balikat ko. Nakaupo siya dito sa
gilid ng bar counter habang nakatayo ako sa tabi niya. “I know men
better than you.”
“Talaga lang ah…” saka ako ngumiti.
“I know you want to do something right now…” saka niya
pinadulas-dulas ‘yung kamay niya sa balikat ko. Evil babe talaga
ang babaeng ‘to.

53
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Umismik ako saka sinabing, “Gusto mo bang gawin na natin?”


tanong ko.
“Why not… I’m so… so hot right now.” Bumaba siya ng upuan.
“Let’s go, I can’t wait to see your reaction.” Hinawakan niya’ng
kamay ko sabay sabing. “To the kitchen. I’ll teach you how to cook.”
“Ahg!” Napatingala ako bigla habang hinihila-hila niya.
“Ayokong magluto, Sandy. ‘Di ba nga?”
“You have to learn how to cook since you own this restobar,
let’s go.”
“Kaya ka nga nandyan, ikaw na’ng bahala sa pagluluto—naman,
ang kulet.” Hinila niya na ‘ko papuntang kitchen. Napangiti na lang
din ako. “Oo, sige na. Tatawagan ko lang sina Basty tapos susunod
ako.”
“Pag hindi ka sumunod…”
“Susunod ako. Alam ko namang mababaliw ka kapag hindi mo
ako nakita kahit sandali lang.”
“Wait, hindi ba ikaw ang tinutukoy mo kapag wala ako, Babe?
Well…I’ll be waiting,” saka siya pumasok sa loob ng kitchen.
“Sus, pakipot.”
Inilabas ko ‘yung phone ko saka ko tinawagan sina Baste.
“Hello, Baste.”
This is Troy.
“Troy?” tumingin ako kay Troy na hawak ‘yung cellphone at
diretso lang ang tingin. Lumapit ako sa kanya saka ako nagsalita.
“Huy, Troy.”
Dahan-dahan siyang tumingin sa akin, walang reaksyon ang
mukha.
“Ayos ka lang ba, pre?” tanong ko.
“What are you doing here?”
“Huh?”

54
V O L U M E F O U R

“You. What are you—.”


“May problema ka ba ah? Nasa Rock Me bar ka. Sa itsura mo,
para kang nakipag-break diyan ah,” biro ko.
“Sh*t,” mahinang sabi niya habang nakatingin sa’kin. “F*ck.”
“Ah? Troy, huy!” Hinawakan ko siya sa kanang
saka niyugyog iyon ng bahagya. “Ano bang nang—sh*t,” bigla ko na
lang ding nasabi nang may ma-realize ako. “Wag mong sabihing…”
Umiwas siya ng tingin saka straight na ininom ‘yung juice na nasa
harapan niya. “Sandali lang, babalikan kita.”
Nagmamadali akong naglakad papunta sa kitchen. Naabutan
ko si Sandy na nakasuot na ng apron at hinahanda ‘yung mga
chopping board at kutsilyo.
“Sandy,” napatingin siya sa’kin habang naglalakad ako palapit
sa kanya.
“Let’s start—.”
“I think kailangan mo nang umalis dito ngayon, Babe.”
“Excuse me?” tumaas ang kilay niya.
“Babe, mukhang…nag-break na sina Troy at Nads.”
“WHAT A FREAKING - WHAT?!” Nagmamadali niyang
hinubad ‘yung apron niya. “Pa’nong!? Wait!” Humarap siya sa’kin.
“Sinabi ba ‘yan ni Troy sa’yo?! Siya ba ang nakipag-break?!! After
niyang sabihin na sinungaling ang kaibigan ko? Oh my—I can’t
believe this! Let me talk to that guy—.”
Hinawakan ko agad ‘yung braso niya nang aktong lalabas na
siya ng kitchen.
“Teka, Sandy. I know, kaibigan mo si Nads. Pero kaibigan ko rin
si Troy. In short, ‘wag tayong maging bias, Babe. Pinakamaganda
nito, puntahan mo na agad si Nads dahil siguradong—.”
“I know! Fine, I’ll go ahead. Bye—.”
“Sandali,” hinawakan ‘ko ‘yung kamay niya para hilahin ng

55
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

bahagya palapit sa’kin. Hinalikan ko siya sa cheeks. “Ingat ka.”


Inirapan niya lang ako bago siya lumabas.
Ako naman, tatawagan ko si Luke. Mukhang walang alam
‘yung mga ‘yun dahil mag-isa lang si Troy dito.
“Hello, Luke, nasa’n ka? Huh? Ah, pauwi na kayo. Tamang-
tama, dumiretso kayo sa bar ko at may malaki akong surpresa sa
inyo. Actually si Troy.”
Malaking delubyo kamo.
-=-
“Oh Sandy! Nabalitaan mo na rin?!” tanong ni Liz sa’kin
pagkababa ko ng sasakyan.
“Wait, ibig sabihin…it’s comfirmed?!” I asked.
Tumango lang si Chris at si Liz ang nagsalita. “Parang eh. Sabi
kasi ni Tita Alma, wala naman daw siyang narinig na sigawan or
any diskusyon nung dalawa nang pumunta si Troy sa bahay nila.
Tapos pagkaalis ni Troy, dumiretso na raw sa kwarto si Nads at
humagulgol. Ayaw raw buksan ‘yung pinto.”
“Tara, baka kung ano pang maisipang gawin ng isang ‘yun,”
aya ni Chris.
Pumasok kami sa loob ng bahay at sinalubong kami ni Tita
Alma.
“Tita, how’s she?” bungad ko kay Tita.
“Ah…” Napakunot ang noon ni Tita. She seemed unsure sa
sasabihin niya. “Ang totoo mga hija, nalilito ako. Mas mabuti pa
sigurong kayo muna ang tumingin sa kanya ngayon at tatawagan
ko lang si Reylan.”
Pumunta kaming tatlo sa kwarto ni Nads and I was expecting
na naka-locked ‘yung pinto, pero hindi. Kaya binuksan ko ito at
pumasok kami sa loob, and I was like…
Okay?

56
V O L U M E F O U R

“Nads?” tawag ni Liz.


Nakatingin kami kay Nads na ngayon ay naka-uniform na at
ayus na ayos ang buhok pati ang makeup.
“So...where are you going?” tanong ko.
Lumingon sa’min si Nads. That’s the only time na nakita ko
ang face niya na napakakapal ng makeup.
“Girl, sa’ng sagala pupunta si Nads?” bulong ni Liz sa’kin.
“Malala ito,” simpleng sabi ni Chris.
“She needs us,” sabi ko at naglakad na kami palapit sa kanya.
“So…kamusta ang super curly hair mo?” tanong ko.
Tumingin siya sa salamin at saka hinawak-hawakan ng hair
niya. “Ang ganda, ‘di ba?”
Well, we can see those puffy eyes na halatang kaiiyak lang.
“Not so, you look pathetic with that makeup.”
“Sandy!” sabay na saway nina Chris at Liz sa’kin. Nakita kong
biglang natulala si Nads sa sinabi ko. But I had to be frank.
Lumapit ako kay Nads at tiningnan siya salamin. “You’re not
okay. Please, don’t pretend and hurt yourself anymore. It won’t
help you, trust me.” I saw tears coming from her eyes na agad ding
bumagsak sa cheeks niya. Diretso pa rin siyang nakatingin sa
salamin.
Lumapit naman sa amin ni Nads ‘yung dalawa. “Nads, kahit
pa worst scenario ‘yan ng buhay mo, alam mo naman na nandito
lang kami. Lagi mo na lang nakakalimutan na pwede mo kaming
tawagan sa tuwing hindi mo kayang i-share kay Tita Alma ang
mga pinagdadaanan mo,” it’s Chris.
“Tama. BITCH nga tayo ‘di ba?” hinawakan ni Liz ang kamay
ni Nads. “Lalaki lang ‘yan! Magsisisi siya dahil hindi niya alam
kung gaano kahalaga ‘yung nawala sa kanya!”
Hindi pa rin nagsasalita si Nads, iyak lang siya nang iyak.

57
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Umupo kami sa kama niya at dinamayan namin siya pag-iyak.


Truth is, I’m mad at Troy. I didn’t expect that they’ll end up with a
breakup. I’m two hundred percent sure that she’s loyal to him and
she loves him very much. And I thought, he feels the same way
too. I can’t believe this is happening.
“H-Hindi man lang…hindi man lang siya tumanggi. Bakit
gano’n???” biglang sabi ni Nads sa’min habang nagkalat na ang
mascara niya.
Kumuha ng tissue si Chris saka pinunasan ‘yung mga smudge
sa eyes ni Nads.
“What do you mean? Why? Don’t tell me…ginawa mo ‘yung
sinabi ko?” Oh my Gosh… I was teasing her when I said that.
Hindi ko alam na seseryosohin niya!
“Ikaw ang nakipag-break?!!” sigaw ni Liz.
Tumango si Nads. “Kasi ‘di ba? Ang sabi mo… kung talagang
mahal niya ‘ko, tatanggi siya. Kaso hindi eh, sumang-ayon pa siya.
Tapos ‘yung tingin niya pa sa’kin kanina, kung nakita niyo lang
talaga, parang…parang ayaw na niya sa’kin. Parang wala na siyang
pakialam kahit na nandito pa si Jim sa bahay—.”
“PUMUNTA SI SIR JIM DITO SA BAHAY NIYO??!!” “Seriously,
Liz?” I asked.
“Sorry, pero nakakabigla ang mga pangyayari. Okay, proceed.”
“Anong ginawa ni Sir Jim dito?” tanong ni Chris.
“Humingi ng sorry, tapos, basta! Pinapasok ko kasi nandiyan
din si Mommy kanina, baka kung ano pang isipin kapag ‘di ko
pinapasok si Jim. Pero dapat last na ‘yun. Sinabi ko kay Jim na ‘wag
muna siyang magpapakita sa’kin kaso…kaso dumating si Troy!”
“Ang malas mo naman, friend!”
“Nice Liz, you’re a big help.”

58
V O L U M E F O U R

“K-Kaya…kaya tinanong ko siya kung gusto niya bang makipag-


break. T-Tapos...sabi niya, mag-break na kami.”
“Jerk,” I said in disappointment.
“SINABI NIYA ‘YON??!!”
“Please, girls,” awat ni Chris. “We d n’t know anong naisipan
niyong dalawa but for now, ayusin mo muna ang sarili mo.”
“Right. ‘Wag kang magpakita sa kanya na ganyan ang ayos
mo. Show him that it’s his los and not yours,” I added. Tumin-gin
sa’kin si Chris and it’s like she’s telling me na I should stop telling
those things to Nads ‘coz it’s not helping.
“Tapos, bago siya lumabas Iniwan niya lang ‘to.” Inilapag niya
‘yung brown paper bag sa kama niya.
“What’s this?” tanong ni Liz.
“’Di ko alam… ‘di ko binuksan eh.”
“Cake?” It was in a small box. Tinanggal ni Liz ‘yung takip
habang nakatingin kaming tatlo sa laman ng box. “Oh—.”
Kinuha agad ni Nads ‘yung box ng cake at titig na titig siya sa
nakasulat sa mini cake na ‘to.
“I’m sorry…” mahinang basa ni Nads sa nakasulat. She looked at
us. “Nag-sorry siya. Nag-sorry siya sa’kin. Girls, nag-sorry siya. Sa
tingin ko, nagkamali ako. Kailangan ko siyang makita.” Pinunasan
niya ‘yung luha niya.
Nagkatinginan kaming tatlo. Not good.
“Sandy, puntahan natin si Mokong, please!?” Tumingin siya
sa’kin. “Chris?” Hinawakan ni Nads ‘yung both hands ni Chris.
“Liz!? BITCHes!!!”
I wanted to tell her na siguradong that message was meant to be
read bago pa man makita ni Troy na nandito sa Jim sa bahay nina
Nads. Pero…
“Okay, let’s go to him. I know where he is.” Tumingin sa’kin

59
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

‘yung dalawa and I just gave them a nod. That’s just my way of
saying things are going to be okay.
Let’s see kung anong mangyayari kapag nagkita sila. I’m
rooting for the best.
-=-
Magkatitigan kami ng team habang nandito kami sa restobar
ni Rocky.
Dumiretso kaming lahat dito pagkatapos akong tawagan ni
Rocky at sabihing nandito si Troy na parang wala sa sarili. Lalo lang
akong nag-alala nang marinig ko ‘yung hula ni Rocky sa nangyari…
“Para kasing…nag-break na sila. Sila ni Nads.”
Sa nakikita ko ngayon na itsura niya, parang tama ang hinala ni
Rocky. Ang tanong… pa’no? At bakit?
“Oh siya, siya! Mukhang wala tayong practice ngayon, tama ba
team?!! Bwahaha!” pauna ni Adrian. Siguradong sinabi niya lang
‘yun para basagin ang katahimikan dito. “Pagbibigyan ko na kayo
kahit na hindi ako umiinom, tara! INUMAN TAYO!” sigaw niya
sabay tawa na parang baliw.
“’Yung ‘wag kang magpakita ng isang taon sa’min, hindi mo ba
pagbibigyan?” singit ni Blake habang nakasandal sa couch.
“Oo nga,” sang-ayon naman ni Rick.
“Bwahaha! Kapag nawala ako, anong lungkot ang hatid no’n sa
inyo!”
“Kung sabagay, wala nang sintu-sinto sa team. Sige, pwede na
rin,” si Nick.
“Oh tara! Para sa araw na ‘to, uminom tayo!” dagdag pa
ni Drake. “Rocky! Bigyan mo nga kami ng pwedeng chibog at
maiinom dyan, magse-celebrate kami!”
Napatingin sa’kin si Rocky na parang humihingi ng permiso.
Alam niya kasing bawal ang inuman sa team lalo na kung malapit

60
V O L U M E F O U R

na ang game namin. Pinakamahigpit sa usaping ‘yan, bukod kay


Manager, ay si Troy.
Tumango ako kay Rocky, at saka siya sumenyas sa crew niya.
Bahala na…
“Hindi nagsasalita si Captain. Hindi maganda ang kutob ko,”
bulong ni Basty.
Nakatingin kami kay Troy na nakasandal lang at nakatingin
sa baso ng juice niya. Parang wala siyang ibang taong nakikita o
naririnig. Napabuntong hininga na lang ako. Ngayon ko lang kasi
siya nakita ulit na nagkaganyan simula nung nawala si Tita Issa, ang
mother niya.
Mas delikado ‘yung ganyan, hindi siya nagsasalita, kahit na
alam naming may ‘di magandang nangyari. Tipong mukha siyang
okay ngayon, pero mukhang kakabahan na kami sa susunod na
mangyayari.
“Eto na po, sir.” Dumating ‘yung crew na may dalang mga bote
ng alak.
“AYAAAAAAN!!!!” sabay-sabay na sabi nila.
Ang lalakas ng hiyawan at tawanan nila. Alam kong ramdam
nila ang aura ni Troy at gusto nilang ma-divert ang atensyon nito
kaya nag-iingay sila.
“Oh Captain!” pauna ni Adrian. “Captain!!!” sigaw ni Adrian
at do’n pa lang lumingon si Troy sa kanya. “Eto muna,” saka niya
inilapit ‘yung bote ng alak kay Troy. “Inom ka muna.”
Hindi inabot ni Troy ‘yung bote ng alak na inaalok ni Adrian
sa kanya. Nakatitig lang siya do’n at bigla na lang siyang nagsalita.
“Get that f*cking alcohol away from this table.” Tumingin siya sa
team. “Or I’ll give you all two hundred. Right here, right now.”
At saka nag-uunahang inalis ng mga loko ang bote ng alak sa
table. Ibinalik nila ang mga iyon dun sa cart nung crew na naghatid
kanina.

61
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Si Adrian kasi, ang dapat talaga dyan…sinusunog na!


Tinuturuan pa tayong uminom eh dapat disiplinado tayo! Agree
kayo mga, pare?” tanong pa ni Trick.
“Oo nga, dapat alisin sa team ‘yan,” singit na naman ni Blake.
“BWAHAHA! Laglagan ah?! Kayo talaga, tini-test ko lang kayo
kung isa kayong mga huwarang athlete na tulad ko, bwahaha!”
“Tama na ‘yan. Palibhasa kasi isa kang huwarang baliw,” singit
ko.
“TAMA! TAMA!” isa-isa nilang sinabi.
“Oh eto!” biglang dumating ulit si Rocky. “Magsikain na lang
kayo. Mga bagong specialty ito ng restobar ko. Nga pala…hindi ‘to
libre!” at saka tumawa si Rocky.
“Medyo kuripot pala si Rocky, ‘no?”
“HAHAHA! Kayang-kaya niyong gastusan ang especialty ko.
Mag-celebrate kayo sa pagkain. Tama na ‘yang alak-alak na ‘yan.
Ayokong maging kargo ko kayong lahat pag nalasing kayo dito.”
“Kumain muna nga tayo. Sabi nila ang sagot sa pusong
napahinto si Jake. Mukhang nagulat din siya sa sinabi niya.
Napatingin si Troy sa kanya.
“ANG KORNI NG JOKE MO, JAKE!!!” sabay dagan nila kay
Jake.
“AHHH!!!!! Tama na!!!”
“Wala kang karapatan mabuhay sa mundo!!!”
“Bugbugin na ‘yan!”
“Tara! Ano mang nasa utak natin ngayon, kalimutan muna
natin.”
“Oo nga, oo nga!”
“Ikain at iinom na lang natin ‘yan ng iced tea!”
“Tama ‘yan. Teka, balik lang ako sa kusina,” paalam ni
umalis.

62
V O L U M E F O U R

Isa-isang kinulit ng team si Troy para kumain. Desidido talaga


ang mga ‘to na ilihis si Troy sa kung ano mang iniisip niya ngayon.
Wala eh, ‘di naman uso sa’min ang dramahan. Kaya hangga’t kayang
ilihis ang usapang problema, ililihis ‘yan ng grupo para ‘wag lang
mapag-usapan.
Maya-maya lang….
Tumayo muna ‘ko para puntahan si Rocky. Nang maabutan ko
siya sa kusina, may kausap siya sa phone kaya ‘di muna ako lumapit.
Lumingon na lang muna ako ulit sa table ng team na napakalakas
ng tawanan. Buti na lang at wala pang nagrereklamong ibang
customer.
Hanggang sa napatingin ako sa direksyon ni Rocky, bigla kasi
siyang nagtaas ng boses.
“Ano?! Nandito na kayo? Sandy, I told you—pero this is not the
right time to talk to him. I mean, parehas pa silang—Hello! Babe!
Tsk!” Inilayo niya ‘yung phone niya saka sinabing, “Ang babaeng ‘to
talaga, oo!”
“Pre,” tawag ko kaya napalingon naman siya. “Problema?”
“Nandito na sila,” sabi niya saka dire-ditretsong lumabas ng
kusina na sinundan ko naman.
“Today, it’s my treat. Go, get everything you want and have a
feast. Enjoy—.”
Pagkalabas naming dalawa, parehas kaming napahinto sa
nakita namin. Sa table ng team ay nakatayo sa likuran ni Troy sina
Nads. Nakatingin naman ang team kina Nads na nasa likuran ni
Troy.
“Nads,” napatingin ako kay Sebastian na nakatingin kina Nads.
“What a jack*ss,” si Sandy habang nakatingin siya sa direksyon
ni Troy.
“Sandy!” saway ni Rocky. Napatingin sa kanya si Sandy pero
inismikan lang siya nito.

63
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Unti-unting lumingon si Troy sa likuran niya at saka niya


nakita sina Nads. Si Nads na nakatitig lang sa kanya.
“Fre—,” naputol ‘yung sasabihin niya nang biglang tumakbo
palabas si Nads.
“Nads!” tawag sa kanya nina Liz.
“Well,” nagsalita ulit si Sandy habang nakatingin siya sa team at
kay Troy. “Have a great feast everyone. Enjoy!” pagkasabi ni Sandy
no’n, tumakbo si Troy palabas ng restobar at naiwan kami sa loob.
Susunod sana si Sandy palabas pero pinigilan na siya ni Rocky.
“Sandy,” seryosong tawag ni Rocky.
“What?!”
“Problema nilang dalawa ‘yun. Hindi tayo dapat makialam.
Relasyon nila ‘yun, hindi nating lahat.”
“So kaya pala nagkakaroon kayo…” tumingin si Sandy sa buong
team at maging sa’kin. “Ng party dito. So you’re all enjoying their
break-up?! Wow,” sarcastic na pagkakasabi ni Sandy.
Nakita kong tumayo na si Basty para lumapit rin kina Chris.
“Habang ‘yung kaibigan namin…umiiyak mag-isa. Nakakainis
kayo,” dagdag pa ni Liz.
“Queen, hindi naman kasi gano’n ‘yun,” sagot ni Adrian.
“So ano pala?! Che!”
“Let me go,” sabi ni Sandy habang hawak ni Rocky ang braso
niya nang pigilan siya nito kanina. Binitawan naman siya ni Rocky.
“If this the manly way of coping up with breakups, well then, good
luck.”
Umalis na si Sandy, at sumunod rin si Liz palabas.
“Ako nang bahala kumausap sa kanila,” sabi ni Chris sa’min
bago siya sumunod kina Sandy.
“Tsk tsk tsk…” iling ni Adrian. “Bakit kasi ang gag*go natin—.”
“IKAW LANG!” sigaw nilang lahat.

64
V O L U M E F O U R

Napabuntong hininga na lang ako. Kahit na sinabi kong handa


akong ibigay kay Nads ang tiwalang ‘di kayang ibigay ni Troy sa
kanya, hindi ko pinangarap na magkahiwalay silang dalawa. Hindi
ganito…
-=-
“Freak! FREAK!!!” sigaw niya.
Huminto ako pero hindi ko siya nilingon. Narinig kong
naglakad siya palapit sa’kin hanggang sa makarating siya sa harapan
ko.
“Freak, It’s not—.”
Hindi ko na siya pinatapos na magsalita. Sinampal ko siya.
Nakatingin ako sa mukha niyang nakalihis nang bahagya dahil sa
pagkakasampal ko sa kanya.
“Mukhang nagkamali nga ako sa’yo,” sabi ko. “Bukod sa walang
tiwala, napakamanhid mo para mag-celebrate pa after ng breakup
nating dalawa.” Inis na pinahid ko ‘yung luha ko sa aking pisngi.
Ngayon, nakatitig siya sa akin at hindi ko inaalis ang tingin ko sa
kanya. “Kala ko madali lang ‘yung ganitong relasyon, pero hindi
pala.”
“Freak.”
“’Wag mo ‘kong tawaging Freak. Naiirita na ‘kong marinig ‘yan
ngayon.”
“Do you think it’s easy for me? Huh? Do you—.”
“Bakit?! Bakit sa tingin mo ba madali lang ito para sa’kin!?
Sino bang nagsabing madali lang ang lahat kapag nagmahal ka?!
Kasi kung sino man ‘yung nagsabi no’n eh siguradong hindi pa siya
nakakatagpo ng katulad mong insensitive, doubtful palagi, brutal
kung magalit, hindi marunong makinig sa paliwanag ng iba, inuuna
ang galit niya, at saka aalis at hindi na magpaparamdam. At kapag
bumalik? Titingnan ka niya na parang ibang tao ka na. Sabihin mo
nga, naging madali ba sa’kin ang lahat?”

65
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“If you did not give me any reason to doubt you, hindi ako sana
nagkaganito. Hindi sana ako naging tarant*do at pinakamasamang
lalaki sa harapan mo.”
Natawa ako pero hindi dahil sa tuwa, kung hindi sa inis. “So
bumalik sa’kin ‘yung sisi?”
“I did not say that it’s all your fault.”
“Kahit ano pang sabihin mo, ayoko na. Tutal, mukhang masaya
ka naman—.”
“F*ck! What a d*mn thing to say, Freak.”
“Sabing ‘wag mo ‘kong tawaging Freak! At oo, mukhang masaya
ka. And I hope na mas maging masaya ka pa sa mga susunod na
araw.”
“You’re being inconsiderate now. All you think of is your
feelings, how about mine?!”
“Bakit? Inisip mo ba’ng feelings ko nang iparamdam at sabihin
mo sa’king sinungaling ako? Na niloko ka namin ni Jim?! Ako pa
ba ‘yung inconsiderate? Kahit na pinuntahan kita sa bar nang lasing
ka at sinigawan mo ‘ko? At nang pumunta ka sa bahay, nakita mo
kaming dalawa. Hindi ka nagtanong. You’re not interested, right?
And you agreed…you agreed to breakup with me.”
Hindi ko na napigilang ‘wag umiyak kahit magkatitigan
kaming dalawa. “I hate you,” mahinang sabi ko. “I hate you, Troy.”
Hahawakan niya sana ang kamay ko pero umiwas ako habang
nakatitig pa rin ako sa kanya.
Yumuko siya habang nakahawak sa kanyang ulo. “Please,” sabi
niya.
“Ayoko na. Ayoko na nang ganito. Magulo, masakit,
Tumalikod ako para umalis pero bigla siyang nagsalita.
“Suko ka na sa’kin…Freak?” mahinang sabi niya.

66
V O L U M E F O U R

Diretso lang ang tingin ko. “Sumuko ako nang sumuko ka.”
“Nads!” narinig kong tawag sa’kin nina Sandy mula sa likuran
ko habang naglalakad ako palayo sa kinatatayuan namin ni Troy
kanina. Tinawag nila ako ng tinawag hanggang sa naabutan na nila
ako sa paglalakad.
“Gusto ko nang umuwi,” mahinang sabi ko.
“Let’s go,” sagot ni Sandy. “We’ll take you home.”
At sa ‘di ko maipaliwanag na dahilan, bigla na lang akong
naiyak pagkasabi ni Sandy no’n. Umiiyak ako habang naglalakad
kami papunta sa sasakyan. Inakbayan ako ni Liz at hinimas naman
ni Chris ang likuran ko.
Home…my home is in his arms. Pero hindi na ngayon…
Hindi na.
-=-
Kinabukasan…
“Tapos na po ako. Papasok na po ako,” saka ako tumayo paalis
sa dining table. Pero hindi pa man ako nakakaalis sa kinatatayuan
ko ay biglang nagsalita si Daddy.
“Hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo. Pa’nong tapos ka
na?”
Napatingin ako sa plato ko na halos wala pang bawas ang
nakalagay na pagkain. “Wala po akong gana,” mahinang sabi ko.
“Kahit ano pa ang pinagdadaanan mo, kailangan mong kumain,
anak. Ayokong magkakasakit kayo.” At saka tumayo si Daddy. “Una
na ‘ko, Alma.”
“Okay, sige.” Tumayo si Mommy at humalik kay Daddy sa
cheeks. “Ingat ka.”
Tumayo na rin si Kuya. “Tapos na rin ako. Una na ‘ko.”
Napatingin ako kay Kuya na parang galit na umalis.
“Alis na rin po—.” naputol ‘yung sasabihin ko nang magsalita

67
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

si Mommy.
“Lagi mong tatandaan, Baby,” sabi ni Mommy habang nagliligpit
ng kinainan. “Na kahit anong desisyon mo…sa’yo kami kampi. You
can always count on us.” Saka binitbit ni Mommy ‘yung mga plato
para sana idiretso na sa kusina pero hindi ko na napigilan ang sarili
ko.
“B-Break na po kami.” Kasabay ng pagkakasabi ko no’n ang
pagtulo ng mga luha ko.
Napahinto si Mommy at saka ibinalik sa lamesa ‘yung mga
bitbit niyang mga plato. Lumapit sa’kin si Mommy at saka nya ‘ko
niyakap. Gano’n din ang ginawa ko. Humagulgol ako dahil hindi ko
na kayang pigilan ‘yung sakit na nararamdaman ko.
“M-Mali ba ‘ko, Mi?”
Hinimas ni Mommy ‘yung likuran ko habang magkayakap
kaming dalawa.
“Hindi ko sasabihing tama, at hindi ko rin sasabihing mali
dahil hindi ko alam ang naging dahilan. Ang masasabi ko lang, may
karapatan kang huminto kapag hindi mo na kaya. Hindi kasalanan
‘yun, Nadine. At hindi ‘yun mali. You can have a new beginning,
‘wag mong intindihin ang sasabihin ng iba. ‘Yung happiness mo
ang mas mahalaga. Tandaan mo ‘yan…”
Umalis ako ng bahay at dumiretso sa university. May klase ako
ngayong umaga at sa lunch, papasok naman ako sa OJT ko.
Nakarating ako sa classroom at naabutan ko ‘yung tatlo na
sabay-sabay pang napatingin sa’kin pagpasok ko. Ngumiti ako
sa kanila nang makaupo ako. “Pakikipag-break ko lang pala ang
makakapagpatahimik sa inyong tatlo,” bungad ko.
Sabay-sabay silang umismik at nag-roll eyes.
“Not funny,” bungad ni Sandy. “How’s your night?”
“Natulog ka ba, girl?” tanong ni Liz.
Napabuntong hininga lang ako at saka umiling. Ang totoo kasi,

68
V O L U M E F O U R

bukod sa pag-iyak, umasa akong tatawagan o ime-message niya ‘ko


kagabi kaya hindi ako kaagad natulog. Kaso walang paramdam.
Mukhang tanggap na rin niya ang nangyari.
“Girl?” ulit ni Liz.
“Oh?” sagot ko.
“I thought you said break na kayo,” napatingin ako kay Sandy na
nagba-browse sa cellphone niya. “Pero you’re still in a relationship
with him sa FB.” Tumingin siya sa’kin.
Napalunok ako. “Kasi…hinihintay kong siya ang mag-alis ng
relationship status naming dalawa.”
“What for?”
“Ewan ko. Kasi…”
“You’ve made a decision. Panindigan mo, Nads,” inis na
pagkakasabi ni Sandy.
“Galit ka ba, Sandy?” tanong ko.
“Yes,” saka siya huminto at nagbuntong hininga. “I am mad at
myself dahil ako ang naglapit sa inyong dalawa through this fake FB
account. I feel guilty sa kung anong nangyayari sa’yo ngayon dahil
din sa sinabi kong gawin mo para malaman mo kung mahal ka
niya. Feeling ko, ako ang naglapit at naghiwalay sa inyong dalawa.”
Umiwas siya ng tingin sa’kin.
Bigla na lang akong nilabasan ng tissue ni Liz at saka ko lang
na-realize na umiiyak na naman pala ako. Nakakainis, ginagawa
kong hobby ang pag-iyak ngayon.
“’Wag kang ma-guilty, ano ka ba naman? Kung ano mang
narating at kinahantungan naming dalawa, it’s our own choice.”
“Kaya nga,” tumingin uli siya sa’kin. “Kaya please, don’t make
me feel na kailangan kong ma-guilty. You have to get through this,
okay?”
Pinahid ko uli ‘yung luha ko. “Syempre.” Kahit na ang sakit-

69
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

sakit, kinuha ko ‘yung phone ni Sandy at nag-log in ako sa FB


account ko. “Ayoko ring magtagal sa state na ‘to. Tama ka, I made
a choice kaya dapat panindigan ko ito.” I have to show him na
kaya ko…kaya kong gumawa ng desisyong hindi ko pagsisisihan.
Tumingin ako sa kanila isa-isa. “And today…it’s now official. We’re
officially EXes…for real.” At sa ‘di ko mapaliwanag na dahilan…
bigla akong humagulgol. “Waaaaaaaaaah!!!! Nakakabad-trip siya!
Sana ‘di na lang siya dumating kung sasaktan niya lang din ako.”
Pare-parehas na lang silang napailing at inakbayan ako.
Nakatingin ‘yung mga classmates ko sa’kin pero wala akong
pakialam. Tutal…’yan naman ang gusto nila! Nagkatotoo na ang
mga idinasal nila sa mga itlog nilang pula!
Naghiwalay na nga kami, mga bruha sila!
“Don’t worry, it will pass. Makakalimutan mo rin siya at
makakalimutan ka rin niya—.”
“WAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!” ngawa ko. “Gano’n lang?!
Kakalimutan na lang niya ‘kong walang pusong lalaki siya? H-Hindi
niya alam kung gaano kalaki ang nawala sa kanya.”
“That’s right. Make him regret what he did to you.”
-=-
“Captain? Captain, tulog ka pa ba? Nandyan ka ba? Buhay
ka pa ba—AH!”
Sinuntok ni Luke si Adrian sa braso. “Manahimik ka muna,”
utos ni Luke.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Luke saka ko pinindot ulit
‘yung doorbell.
“Wala naman ata si Captain diyan sa loob,” sabi ni Adrian.
“Sabi sa baba, nandito raw at hindi umalis ng building,” sabi
ko naman.
“Tatawagan ko na si Mr. Hans kung—,” napahinto si Luke at
pare-parehas kaming napatingin sa pinto nang bigla itong bumukas.

70
V O L U M E F O U R

At bumungad sa’min ang isang Troy na namumula ang mga mata at


napakalalim ng eyebags.
“What?” tanong niya sa’min.
Hindi pa rin siya nakakapagpalit ng damit. Eto pa rin ‘yung
suot niyang damit kagabi. Sinundan kasi namin siya kahapon sa
may carpark kung sa’n nakita pa naming pinagmamasdan niya sina
Nads na nasa sasakyan at paalis na. Pagkalapit namin ni Rocky sa
kanya kagabi, parang may gusto siyang bugbugin sa galit.
Hindi siya nagsasalita at puno lang ng galit ang mga mata niya.
“Anong plano mo?” unang sabi ni Luke. Magkatitigan silang
dalawa ni Troy.
“What the f*ck do you want, Luke?”
Ngumisi si Luke at saka nagsalita. “Ang makita kang miserable.”
“D*mn you!” At nagulat na lang kami nang biglang itulak ni
Troy si Luke at binigyan ‘to ng isang suntok sa kanang panga.
“Teka, Troy!!!” sigaw ko. Hinawakan ko agad si Troy sa kanyang
mga braso para pigilan siya. At aktong pipigilan naman ni Adrian si
Luke pero umiwas lang ‘to sa kanya.
Natatawang pinunasan pa ni Luke ‘yung dugo sa labi niya saka
muling tumingin kay Troy.
“Nakakainis, ‘di ba?” sabi ni Luke.
“Luke, tama na ‘yan, ” saway ni Adrian.
“Nakakainis na wala kang nagawa.”
Bigla na lang kumawala si Troy sa pagkakahawak ko sa kanya
at saka kinwelyuhan si Luke pasandal sa pader. Halos mayanig
‘yung dingding dahil dito. Pero hindi pa rin lumalaban si Luke at
sarkastikong nakangiti lang siya sa galit na titig ni Troy.
“Is this what you want huh?! Eto ba?! You bast*rd.”
Ngumisi ulit si Luke at saka sinabing, “Hindi ako tanga para
gustuhing masaktan sa isang tulad mo ang babaeng mahal ko.”

71
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“What the f*ck did you just say?!” saka mas lalong diniinan ni
Troy ang pagkakasandal niya kay Luke sa pader.
“Kahit suntukin mo pa ‘ko nang suntukin, walang magbabago.
Dahil kung tutuusin, isa lang ang gag* dito at hindi ako ‘yon.
Malamang alam mo kung sino.” Tinulak niya si Troy palayo sa
kanya. “Sinabi ko na sa’yo, Troy. Malalaman mo kung sino si Nads
sa’kin sa oras na pinakawalan mo siya.”
Nagkatitigan silang dalawa at saka umalis si Luke. Naiwan
kaming tatlo nina Adrian at sinenyasan ko ito para sundan si Luke.
Naiwan kami ni Troy na tulala pa rin hanggang ngayon.
“Troy, pumasok ka muna.”
Tahimik siyang pumasok sa loob at nakita kong wala namang
naging kakaiba sa loob ng bahay niya. Dire-diretso siyang pumunta
sa sofa. Tulala na naman, hindi nagsasalita.
“Magpapadala ako ng pagkain dito—.”
“I don’t need it.”
“Hindi mo pwedeng gutumin ang sarili mo hanggang sa
mamatay ka.”
“I don’t need to die. I’m already dead since she left me.”
Tumayo ako sa harapan niya pero parang hindi niya ‘ko
napapansin. “Gusto mo bang tawagan ko si Tito—.”
“I don’t need anyone.”
“Sige, naiintindihan ko. Tawagan mo ‘ko, o kahit sino sa’min,
kapag kailangan mo na kami.” Saka ako naglakad papunta sa
pintuan at lumabas akong mabigat din ang loob.
Ayoko sanang iwan ang kaibigan ko na nasa gano’ng sitwasyon,
kaso ‘yun ang gusto niya.
Biglang tumunog ang phone ko, tumatawag si Manager.
“Yes, Manager. Ah…oo, may practice. Ako na munang in-charge.
Nagpapahinga si Captain. Sige, papunta na ‘ko.”

72
V O L U M E F O U R

-=-
Nang uwian na ay inihatid ako ni Chris sa bahay.
Dumiretso lang ako sa kwarto at nagkulong do’n. Tiningnan
ko ‘yung Facebook ko at nakakatawang makita na umabot sa five
hundred ang likes ng pagbabago ng relationship status ko na from
in a relationship to single.
Magla-log out na sana ako nang biglang sumagi sa utak ko si
Troy.
Pumunta ako sa profile niya para tingnan kung may inilagay
siyang bago. Kaso lang, bigo ako. Hindi pa nga ata siya nago-online
dahil…
“DP pa rin niya ang picture naming dalawa,” nasabi ko na lang.
“Picture lang ‘yan, Nads. Picture lang…” EH BAKIT UMIIYAK KA,
NADS?!!! Pinahid ko ‘yung luha ko. “BAKIT KASI AYAW NIYA
PANG PALITAN ‘YUNG DP NIYA?!!!” sigaw ko sabay higa sa
kama.
Kinuha ko ‘yung cellphone ko saka tiningnan kung may text
o miscall man lang siya, pero wala. “Ang sama…ang sama mo.” At
saka ko tinakpan ‘yung mata ko gamit ang aking braso. Nakakainis!
Umiiyak na naman ako.
Ganito pala ang feeling ng ma-brokenhearted, pakiramdam
mo lagi…gusto mong umiyak. Feeling mo parang kawawa ka.
Ayoko ng ganitong feeling…
“Ano kaya kung…hindi ko na lang sinabing mag-break na
kami?” tanong ko sa sarili ko habang nakapikit at lumuluha pa rin.
“Tiniis ko na lang sana…mukhang lilipas din naman eh.”
Bumangon ako. “HINDI! TAMA ‘YUNG GINAWA MO!
Tama…” Kahit na masakit, tama ‘yun.
Pumunta ako sa CR at saka naghilamos ng mukha. Ayoko nang
umiyak, please. Napabuntong hininga ako at napatingin sa salamin.
Napakunot ‘yung noo ko bigla. “Nasa’n—.” Nasa’n ‘yung necklace

73
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

na bigay ni Troy sa’kin no’ng nasa El Nido kami?!


Napatingin ako sa lapag, pero wala ‘yung kwintas doon.
Lumabas ako ng CR at hinanap ko iyon sa buong kwarto. “N-Nasa’n
na…” nangingiyak na sabi ko. Lumabas ako ng kwarto saka ko
hinalughog ang buong bahay namin para maghanap. Hindi ko na
ininda kung pawis na pawis na ‘ko, basta, kailangan kong mahanap
iyon.
“Nadine, anong hinahanap mo?” si Kuya.
“’Yung necklace ko. ‘Yung necklace…” sabi ko habang
tinitingnan ‘yung ilalim ng sofa.
“Anong klaseng necklace?” Tumingin ako kay Kuya. “Oh—
Bakit ka umiiyak?”
“Bilog…hugis bilog siya na may naka-engrave na Smith.”
Bakit naman bilog?
Dahil sa’tin lang iikot ang mundo, Freak.
“Ano ka ba, bakit—,” napahinto si Kuya nang may mag-
doorbell. Lumabas siya para tingnan kung sino ito habang ako
naman… tumayo na sa pagkakaluhod ko sa lapag. Pupunta na sana
ako sa may kusina nang pumasok na ulit si Kuya na may kasamang
bisita.
“Luke,” sabi ko. Nakatingin lang siya sa’kin na para bang
binabasa niya ang kung anong nasa utak ko. Umiwas ako ng
tingin at saka pinunasan ang luha ko. “B-Bakit nandito ka, Luke?”
humarap ako sa kanya at saka ngumiti.
“Sige, maiwan ko muna kayo,” paalam ni Kuya saka umakyat
papunta sa kwarto niya.
“Kukuha lang ako ng juice—,” patalikod na sana ako nang
magsalita siya.
“May ibibigay lang ako.” Saka ako humarap sa kanya. Lumapit
siya sa’kin at saka kinuha ang isang kamay ko. “Nalaglag nang ihatid
kita dito sa bahay niyo no’ng isang gabi.” Nilagay niya sa palad ko

74
V O L U M E F O U R

‘yung necklace na hinahanap ko kanina pa.


Nakatingin lang ako rito nang tanungin niya ‘ko bigla.
“Kamusta?”
Tumingin ako sa kanya saka ko sinabing, “Pwede mo bang
sabihin ulit na magiging okay rin ang lahat? Tulad ng dati…Luke.”
Hinigpitan ko ‘yung kapit sa necklace na hawak ko. Mas naramdam
ko ‘yung lamig ng chain at pendant, singlamig nung taong nagbigay
sa’kin nito.
Ngumiti si Luke at saka ipinatong ‘yung isang kamay niya sa
ulo ko. Hinimas niya ‘to na parang minamasahe ang ulunan ko.
“Lagi mo lang tatandaan na kahit nasaktan ka sa desisyon
mo, hindi ibig-sabihin nun…mali na. Kailangan mo lang talagang
masaktan minsan para malaman mo kung ano ang tama.” Inilipat
niya sa kaliwang balikat ko ‘yung kamay niyang nasa ulunan ko
kanina. “Nads,” ngumiti ulit siya. “Don’t worry, you’ll be alright.
Pwedeng hindi ngayon, pero you will.”
“Thank you, Luke. Thank you…”
Nang umalis na si Luke ay bumalik na ako sa aking kwarto.
Isusuot ko sana ulit ‘yung necklace ko pero naalala ko ‘yung sinabi
ni Luke.
Kailangan mo lang talagang masaktan minsan para malaman
kung ano ang tama.
Binuksan ko ‘yung drawer ko at inilagay ko doon ‘yung
na bigay sa akin ni Troy. Sa pagsara ko ng drawer, naisip kong
hindi lang ‘yung necklace ang itatago ko, kung hindi pati na ang
mundo naming dalawa…
Itatago ko na muna.
-=-
‘Cause I can’t make you love me if you don’t
You can’t make your heart feel something it won’t
Here in the dark, in these final hours

75
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

I will lay down my heart and I’ll feel the power


But you won’t, no you won’t
‘Cause I can’t make you love me, if you don’t
“Nakakaloko naman ‘yung kanta ng banda mo, pre. Nananadya
pa ata,” sabi ko kay Rocky. Nandito ako sa restobar niya. Dito ako
dumiretso pagkagaling ko kina Nads.
Ngumisi siya saka sinabing, “Bakit Luke? Sino bang bumasted
sayo?”
“Gag*, kala mo naman hindi niya alam.”
Tumawa siya ng malakas. “Bakit nga ba hindi ikaw ang pinili ni
Nads at ‘yung isa pa ang nagustuhan niya?”
“Hindi ko rin alam. Hindi ko alam kung anong mali sa’kin.”
Napabuntong hininga ako.
“Pa’no kung…kayo pala talaga ni Nads, ‘no?”
Napa-ismik ako. “Ayokong isipin ‘yun, sa totoo lang.”
“Bakit naman? Ayaw mong umasa?”
“Hindi sa ayaw kong umasa. Sa totoo lang, Rocky, gusto
mahalin din ako ni Nads nang tulad ng pagmamahal niya kay
Troy. At ngayon na nag-break sila, hindi ko magawang magsaya
kahit na may pag-asa na ‘ko sa kanya. Dahil kahit na kailan,
hindi ko na masaktan ang taong mahal ko para lang
sumaya ako.” Tumingin ako kay Rocky. “Ako na siguro ang pinaka-
tangang nagmamahal ngayon kung sasabihin kong…sana…sana
maayos nilang dalawa ‘to.” Bigla akong napaiwas ng tingin nang
maramdaman kong uminit ang gilid ng mga mata ko. Parang may
nagbabadyang luha, nakakatawa.
Tinapik ako ni Rocky sa likuran. “Ayos lang ‘yan. Pinili mo
lang talaga na maging masaya ang taong mahal mo kahit hindi ka
kasama sa dahilan ng pagiging masaya niya. Hindi katangahan ang
tawag do’n, true love.”
Natawa ako sa sinabi niya sabay punas ng luha sa mga mata

76
V O L U M E F O U R

ko. “Anak ng walanghiya ‘yan. Pagmamahal na ang pinag-uusapan


natin. Kala mo, tayo ‘yung nag-break. Kala mo mga nakainom tayo,
ahaha!”
“Oo nga eh. Imbes na ‘yung isa dapat ang nandito sa bar, ikaw
pa ang nakikita ko. Mukhang…maayos naman siguro si Troy.”
Napa-ismik ako. “Ayos siya sa ngayon. Tingnan ko lang sa
susunod.”
Ang hirap maging kaibigan at lalaking nagmamahal sa
parehong pagkakataon. ‘Di mo alam kung sa’n ka lulugar.
-=-
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Pero hanggang
ngayon, nakahiga pa rin ako sa kama at nakatingin sa kisame ng
aking kwarto. Nanibago kasi ako, walang tawag na inuunahan ang
alarm clock ko para magising ako.
Alam niya kasing matakaw ako sa tulog kaya pilit niya akong
ginigising sa tawag niya. Kaya naman ngayon ko lang naiisip na
totoong nag-break na nga kami. “Iiyak ka na naman,” mahinang
sabi ko sabay punas sa luha ko. Nakakainis na.
Biglang nag-ring ‘yung phone ko at napabangon ako bigla.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa pag-aakalang siya na ‘yung
tumawag. Kaso hindi siya, si Sandy pala.
“Sandy,” sagot ko.
Sabay na tayong pumasok sa OJT.
“Ayokong pumasok, Sandy.”
Don’t make yourself miserable just because you broke up with
him. You’re still breathing, right? You can still feel you heart beating,
am I right? Can you feel that?
Tumango ako habang nakapatong ‘yung kamay ko sa dibdib
ko. Umiiyak na naman ako.
You’re alive and there must be a reason why. You will still continue

77
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

living even though you’re hurting, Nads. That’s your purpose. Live
and don’t give up, okay?
Yumuko ako at saka itinuloy ang pag-iyak. “Pwede mo bang
bilisan ang pagpunta dito? I want someone to hug, BITCH.”
I’m already here, you BITCH. You better get going and kick some
ass.
Natawa ako pero sinabi ko pa ring, “BITCH, thank you.” At
saka ko in-end ‘yung call.
Kagabi naman, nag-goodnight text sa’kin si Liz.
Goodnight, Nads. Always remember na we’re here for you,
okay? Hahaha! Mwah.
Tapos si Chris naman, may sinabi sa’kin bago ako bumaba ng
sasakyan niya nang ihatid niya ako kagabi.
Alam mo’ng cellphone number ng bawat isa sa’min. Call us
kung hindi mo na kaya. Sige na, bye.
Tumayo ako habang nakatingin sa cellphone ko. I almost
forgot about them, these people who truly care for me. “I am still
loved.”
Nasa daan na kami ni Sandy nang may maisipan akong
gawin na alam kong ikaiirita niya.
“No.”
“Please, Sandy.”
“And what do you want to see there?”
“Hindi ko rin alam pero…please?”
Magkatinginan kaming dalawa ni Sandy ngayon sa loob ng
sasakyan niya. “Fine, whatever.”
“Thank you, Sandy.”
Inaya ko siyang pumunta ng Austine. Gusto kong makita si
Troy. Yes, alam ko namang hindi na dapat pero kasi, gusto ko lang
kumbinsihin ang sarili kong wala na talaga kami.

78
V O L U M E F O U R

Nakarating kami sa Austine at pinapasok kami ni Manong


guard since kilala na niya kami noon pa, lalo na ‘ko. Pagkababa
namin ng sasakyan, dumiretso kami sa gym. Malayo pa lang,
naririnig ko na ‘yung hiyawan ng mga babae sa loob.
Pumasok kami at nakita ko siya.
Kaka-dunk lang niya nang pumasok kami ni Sandy. Ang
daming nanunuod kaya inaya ko si Sandy sa bandang gilid lang ng
gym para hindi kami makaagaw-pansin dahil naka-civilian kaming
dalawa.
Practice game siguro nila ngayon. Pero hindi ko nakikita si
Luke, wala siya rito. Tuloy sa pagmamando si Troy habang naglalaro
ang team. Pinagmasdan ko siya, at ang masakit…mukhang okay
naman siya. Naisip ko tuloy…
Ano nga bang iniiyak-iyak ko?
“Ang galing ni Captain Troy, ‘no?”
“Oo nga eh. Balita ko single na siya ngayon.”
“Really?! Good for him. At least, ‘di na siya nakatali ‘no.”
“Free na ulit siya.” Sabay tawa ng dalawang babaeng nasa
harapan naming nanood din ng game.
Siguro nga, free na ulit siya.
Wala naman din sigurong magbabago sa kanya ngayong wala
na kami. Tulad noon, captain pa rin siya ng team at siya pa rin si
Troy Harris Smith na mayaman at mataas ang tingin ng iba. Tingin
ko nga, ako lang naman ang nagbago.
Ngayon kasi…parang hindi na ‘ko sanay ng wala siya.
“Tara na,” aya ko at saka ako tumalikod para lumabas ng gym.
Sumunod naman si Sandy sa’kin.
Habang naglalakad kami palayo sa gym, biglang nagsalita si
Sandy. “Okay, don’t hold back. Cry if you want.”
Tinakpan ko ‘yung mukha ko gamit ang kanang kamay ko at

79
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

saka isinukbit ni Sandy ang isang braso niya sa kaliwang braso ko.
“Bakit…b-bakit mukhang okay siya?” sabi ko sa pagitan ng
paghikbi. “Hindi siya apektado, Sandy. Pero bakit ako? Ako ‘yung
nakipag-break pero ako ‘yung miserable.” Hindi nagsalita si Sandy
hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya. Umalis kami ng
Austine bitbit ang sama ng loob ko kay Troy.
Binuksan ko ‘yung stereo sa sasakyan ni Sandy habang nasa
daan na kami. Ayokong marinig ang tibok ng puso ko. Dahil hindi
ko na alam kung ano nang dahilan ng pagtibok nito ngayon.
Say something, I’m giving up on you
I’ll be the one, if you want me to
Anywhere I would’ve followed you
Say something, I’m giving up on you

Nasa daan na kami nang kunin ko uli ‘yung phone ko. Pumunta
ako sa phonebook at saka tiningnan ang number ni Troy. Siguro…
ngayon ako magpapasalamat na hindi ako magaling magkabisa ng
mga bagay-bagay.
Are you sure you want to delete his number?
“Yes,” mahinang sabi ko.
-=-
I hate you, Troy.
“Tara, mga ‘tol. Kain muna tayo bago umuwi.”
“Tara! Tara! Gutom na ‘ko.”
I hate you, Troy.
“Sa’n niyo gusto?”
“Kina Rocky na lang! Para may unli iced tea.”
I hate you, Troy.
“Bwahaha! Mga mukhang unli! Kuripot!”

80
V O L U M E F O U R

“Sira! Sa lahat ng unli, ‘yung unli kabaliwan mo ang ‘di namin


gusto.”
I hate you, Troy.
“’Di raw gusto eh mawala nga lang ako, para kayong mga
nawalan ng sigla diyan. ‘Di ba, Captain—.”
“D*mn it,” I absently said.
“Oh narinig mo ‘yun, Adrian?! Kaya lumayas ka na sa team,
please lang.”
“HAHAHAHA!”
“Captain naman?!”
“Tumigil nga kayo. Umalis na lang kayo kung aalis kayo. Sige
na.”
“Opo, Tatay Baste! Bwahaha!”
“Oh tara-tara na!”
“Bye, Vice! Bye, Captain!”
They were all gone except for Sebastian.
“Mukhang okay ka naman,” he said. “Buti nakalabas ka ng
condo mo, Captain. Wala nga pala si Luke, bukas na raw siya
papasok. Napainom daw siya kagabi.”
“Good for him.” I smirked.
“Bakit naman?”
“He can do whatever he wants. It’s like, it is always easy for him
to live.”
“Bakit, Captain? Ano bang gusto mong gawin na hindi mo
magawa?”
“What I want…” is my Freak.
“Ah, wait lang, Captain.” He answered his phone right after it
rang. “Chris,” then he went out of the gym.
“Are you really mad at me?” I said while staring at my phone.

81
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“You’re not even calling or texting me. Fine,” then I’ll call you. Alam
kong nabigla ka lang, Freak. I know…I just know.
I dialed her number and I got two rings before she answered
my call.
“Hel—.”
Hello? Sino ‘to?
S-Sino ‘to? What? She didn’t know?
Hello?! Hello…tsk!
*End Call*
“Troy, may—.”
“She deleted my number.”
“Ano kamo?”
“Tss,” tumayo ako at kinuha ang aking bag. “She deleted my
number,” I said and . Tumingin ako kay Sebastian. “Binura
ni Freak ang number ko.” Sebastian didn’t say a word and he let me
do the talking.
“Freak.” I can’t help but laugh bitterly. Hindi ako pamilyar sa
pakiramdam na ‘to ng dahil kay Freak. Hindi ako makahinga at
parang sasabog ang ulo ko sa galit.
“TROY!” Sebastian yelled at me.
I just hit the wall with my bare hand. And the funny thing here
is… I can’t feel any pain. Lahat… nasa dibdib ko lang.
“Troy, ano ka ba?! Babaliin mo ba ‘yang kamay mo?!! Tara sa
ospital!”
“F*ck, Sebastian! I won’t,” I yelled at him when he tried to pull
me away from where I was standing.
“Hindi mo ba nakikita ‘yang kamay mo?! Troy, ano ba?!”
Sa tingin ko, nabalian ako ng buto but I don’t mind. This is
nothing to what Freak’s doing. She obviously wants me

82
V O L U M E F O U R

out of her life. Susuntukin ko sana ulit ‘yung pader pero agad na
hinawakan ni Sebastian ang braso ko para pigilan ako.
“Gusto mo bang mabalian ka ng kamay?! Troy naman, alam
kong ayaw mong ipakita sa’ming lahat kung ga’no ka nasasaktan
pero sasabihin ko sa’yong natural lang ‘yon. Hindi ka naman namin
huhusgahan kahit umiyak ka pa sa harapan namin. Hindi naman
sira ang mga ulo namin para hindi ka namin maintindihan. Ayaw
mo lang talaga kaming kausapin tungkol dito, na parang ayos na
ang lahat. Sa ginagawa mo, pinapatay mo lang ang sarili mo.”
He took his bag and turned his back on me.
“Bahala ka kung gusto mong magpanggap na ayos ka lang.
Pero ‘wag mong hayaang patayin ka ng pagpapanggap mo, Troy.”
Lumabas si Sebastian ng gym pagkatapos niyang sabihin iyon.
“They’ve all given up on you, Troy.” And then I laughed hard
at myself and sat on the floor. “She gave up on you…for real,” I said
between my hoarse laugh. “She dumped you.”
So that’s how easy it was for her to dump me. “If that’s what she
wants...then I’ll give it to her. I’ll forget her too. Absolutely, Troy!” I
said to myself.
I will forget her.
And I am feeling so small
It was over my head
I know nothing at all And
I will stumble and fall
I’m still learning to love
Just starting to crawl
Say something, I’m giving up on you
I’m sorry that I couldn’t get to you
We’ll forget each other…
-=-

83
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Chapter 34: Reload~


What’s on your mind? > Hindi nawala ‘yung pagmamahal
ko…huminto lang. Hintayin mo lang…

After one month and three weeks…


“And the winner of the annual intercollegiate cooking contest
– Manila division is… St. Escolastica University! Ms. Maria Nadine
Castro! Congratulations!”
Napuno ng palakpakan at hiyawan ang paligid pagka-announce
ng nanalo. Nakita kong tuwang-tuwa ang mga schoolmates kong
sumuporta sa’kin ngayon dito sa finals ng cooking contest na
sinalihan ko.
“Congrats, Nadine.”
“Thank you,” sagot ko at saka ako tumayo para umakyat ng
stage.
Inabot sa’kin ang plaque at envelope na may lamang cheque.
“Congratulations, Miss Castro. Your university must be really
proud of you.”
Tumingin ako sa audience at nagsisigawan pa rin ang mga
schoolmates ko. Nakita ko ang BITCH na tuloy lang sa pagpalakpak.
Kumaway ako sa kanila at gano’n din naman ang ginawa nila.
“You can have your thank you speech,” bulong sa’kin ng host.
Inabot niya sa’kin ‘yung mic pagkakuha ng plaque sa’kin. Tumigil
muna sa palakpakan ang mga tao nang makita nilang magsasalita
na ‘ko.

84
V O L U M E F O U R

“Ah…una po sa lahat, thank you po kay Lord. Hindi niya ‘ko


pinabayaan sa bawat pagkaing hinain ko sa mga judge hanggang
sa finals. Pangalawa, sa EU na nagtiwala sa’kin para i-represent
ang aming university sa contest na ito. Sa tatlong kaibigan kong
nandyan palagi para kainin ang mga niluluto ko na experimental
minsan. Sa parents ko na wala ngayon pero pasasalamatan ko pa
rin. Syempre sa mga schoolmates ko na sinamahan ako ngayon,
thank you. At…sa taong handang kainin ang lahat ng niluluto ko,
masama man o maganda ang lasa nito. Thank you.”
Hinanap ko siya sa audience pero hindi ko agad siya nakita.
Hanggang sa nakuha ng isang taong kumakaway sa ng
aking atensyon.
“Thank you, Luke.” Napangiti ako. “Salamat po sa lahat.” Inabot
ko ‘yung mic sa host at saka ibinalik sa’kin ‘yung plaque. Nag-
picture taking, nag-shake hands, at saka ako bumaba para batiin
rin ng iba pang mga tao na sumuporta sa’kin.
“BITCH!” Paglingon ko, masayang nakatingin sa akin sina
Sandy. Niyakap nila ako pagkakita ko sa kanila.
“Congrats talaga! Sabi ko sa’yo ikaw ang mananalo eh!” tuwang-
tuwa na sabi ni Liz.
“So, saan ang celebration natin?” tanong ni Chris.
“Rock Me Bar, of course,” sagot ni Sandy.
“Pass muna ‘ko, girls,” sabi ko at sabay-sabay silang napatingin
sa’kin.
“And why?” nakataas pa ang kilay ni Sandy pagkatanong niya.
“May tatapusin pa kasi akong research para sa bago kong dish.”
“Oh c’mon! Nads naman, pwede namang sa ibang araw ‘yan
eh,” pagmamaktol ni Liz.
Ngumiti lang ako at saka sinabing, “Sorry, gusto ko nang gawin
‘yun ngayon. Next time na lang tayo mag-celebrate.”
“Yeah, yeah, make yourself busy. But then…” tinitigan ako ni

85
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Sandy. “Take care of yourself.”


“Tama ‘yan,” napatingin ako kay Chris. “Halos ‘di ka na tumigil
kakagawa ng research. Kwento ni Tita Alma, araw-araw ka rin daw
nagpapakapuyat kakaluto mo sa bahay niyo, Nads. Kinabukasan,
may pasok pa. Nagpapahinga ka ba?”
“Oo naman.” Tinapik ko sila isa-isa sa balikat. “Ayos lang ako,
ano ba? Natutuwa lang talaga akong may ginagawa ako.”
“Ikaw ang bahala,” sagot ni Chris.
“Nads,” napalingon kaming apat kay Luke. Papalapit na siya
sa’min, binati niya rin sina Sandy. “Congrats, panalo talaga ‘yung
putahe na ‘yun na huli mong pinakain sa’kin.”
“Oo nga eh. Sinunod ko ‘yung sinabi mong lagyan ng konting
anghang para may kurot sa bibig,” saka ako tumawa.
“Talaga?! Oh ‘di ba, sabi sa’yo masarap ‘yun. Nga pala, e ‘di aalis
kayong apat niyan?”
“No, we’re not,” sagot ni Sandy. “She’s too busy to join us.”
“Sandy naman…Emote pa?” biro ko. Tumingin ako kay Luke.
“Sa bahay lang ako didiretso muna.”
“Ah… gusto mo ihatid na kita sa inyo?”
“Sure,” sagot ko. Tumingin ako dun sa tatlo. “Kay Luke na ‘ko
sasabay ah? Bawi talaga ako next time.”
“Okay,” si Liz.
Pumunta na kami sa carpark. Tahimik lang si Luke na tulad
no’ng mga nakaraang araw. Hindi siya nagsasalita at nakikiramdam
lang sa kung anong mood ko. Hindi ako nagtanong kung bakit siya
nagtyatyaga sa’kin sa mga nagdaang araw. Natatakot kasi ako sa
magiging sagot niya.
Ayoko pang marinig. Ayoko muna…
“Ayaw mong kumain?” tanong niya pagkarating namin sa tapat
ng kanyang sasakyan.

86
V O L U M E F O U R

“Hindi na, sa bahay na lang. Ikaw?” tumingin ako sa kanya.


“Gusto mo ipagluto kita? Gusto ka ring makita ni Mommy.”
Ngumiti siya habang sinusuksok ‘yung susi ng sasakyan.
“Pakisabi…next time na lang.”
“Bakit? May lakad ka ba?”
“Wala naman.” Umandar na ‘yung sasakyan. “’Wag ka na ring
mag-abalang magluto. Magpahinga ka na lang, Nads. ‘Wag mo
masyadong pagurin ang sarili mo.”
Hindi na ‘ko nagsalita hanggang sa makarating kami sa tapat
ng bahay namin.
“Luke,” tawag ko sa kanya bago ako bumaba. Nakatingin lang
ako ng diretso sa labas. “Bakit sinasamahan mo ‘ko palagi? Gusto
ko lang malaman.”
“Kailangan ko bang sagutin ‘yung tanong mo?” tanong niya.
Tumingin ako sa kanya. “Oo naman.”
“Sige,” bahagya siyang ngumiti at saka sinabing, “Ayaw kasi
kitang mapunta sa iba. Binabantayan kita.”
kaming dalawa pero umiwas din ako ng tingin
sa kanya.
“Luke, thank you sa tyaga. Pero sa ngayon—.”
“Sshh…bumaba ka na at magpahinga. Mas kailangan mo ‘yun.”
Hindi na ‘ko tumutol, nagpaalam na ako sa kanya at bumaba
ng sasakyan. Pumasok ako sa loob at ipinakita ko kay Mommy
ang dala kong plaque. Inabot ko rin ‘yung envelope ng cheque na
natanggap ko pero ibinalik lang sa’kin ‘yun ni Mommy. Sa’kin raw
‘yun at hindi sa kanila.
Pumanhik na lang ako sa kwarto ko. Inilagay ko sa istante ‘yung
plaque at ipinatong sa table ang envelope. Umupo ako sa study table
ko at saka binuksan ang laptop para mag-online.
Nag-status ako…

87
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

I got the first place! So Happy!!!! Yehey!


“Wow…napakasaya ko,” mahinang sabi ko habang nakatingin
sa screen ng aking laptop.
Kinuha ko ‘yung pile folder ko saka inilabas ‘yung mga
printed copies ng mga binabasa ko tungkol sa iba’t ibang modern
international cuisine. Kinusot ko ‘yung mata ko nang makaramdam
ako ng antok at hinimas ang aking batok dahil nag-uumpisa na
naman itong sumakit sa ngalay.
Tumayo ako at pupunta sana sa CR kaso kamuntikan na
‘kong matumba. Bigla na lang nagdilim ang paningin ko at
parang ninakawan ako ng hangin sa katawan. Buti na lang at
napahawak ako sa pinto. Napapikit ako at ‘di muna gumalaw
saglit. Pinakiramdaman ko muna ‘yung sarili ko kung kaya ko nang
gumalaw bago ako naglakad papunta sa kama ko.
“Kaya ko pa…kaya ko ‘to…” humiga ako sa kama at saka
tumitig sa kisame. “Marami pa ‘kong gagawin bukas. Kaya ko ‘to…”
Pumikit ako at uumpisahan ko na sana ang pag-idlip kaso lang
narinig ko siya…
Tss. Obviously, you’ll lose this game, Freak. But whatever
happens, you’ll always win my appetite.
“Nanalo ako. Hindi mo nakita, pero nanalo ako kahit wala ka.
Kaya ko…”
Kinakaya ko…
-=-
“Oh kamusta? May balita kayo?” tanong ko kina Baste.
Nandito kami sa resto bar ni Rocky. Nandito rin si Adrianong
baliw, syempre pati si Rocky.
“Ayaw pa ring ipaalam ni Mr. Hans kung nasa’n siya. Nag-
aalala na ‘ko kay Troy, magdadalawang buwan na natin siyang hindi
nakikita.”

88
V O L U M E F O U R

“’Di kaya nasa ibang bansa ‘yun?” tanong ni Rocky.


“Anong malay ko sa sinuotan ng isang ‘yun,” sagot ko.
“Tsk, tsk, tsk,” iling ni Adrian. Napatingin kami sa kanya. “Sabi
nga nila…gaano man daw katalino ang matsing, naiisahan din.”
“Oo naman, lagi ka naming naiisahan eh,” dagdag ko.
Napatingin si Adrian sa’kin. “Ganyanan, Luke. E di sige, akin
na lang ‘tong pinaghirapan kong impormasyon tungkol sa kung
nasa’n si Captain.”
“Sabihin mo na hangga’t kaya ko pang maghintay, Adrian.”
“Bwahaha! Mainipin ka pala eh. Pero teka nga? Kala ko ba
pinopormahan mo na si Nads? Bakit hinahanap mo pa si Captain?”
Tumingin din sa’kin sina Baste, naghihintay ng sagot ko.
Umismik lang ako sa kanila.
“Hayaan mo, kapag ikaw ang nawala…kahit isang taon pa
kitang ‘di makita, hindi kita hahanapin. Oh ano? Sasabihin mo ba
o hindi!?”
“Asus…nagpapalusot. Oy Luke, alam mo ba ‘yung kasabihang…
walang talo-talo, bok! Ang kay Juan kay kay Juan, at ang kay Pedro
ay kay Pedro. Tapos…may three months rule pa.”
“Inaalagaan lang ni Pedro ang iniwan ni Juan. Bilis na, dami
mo pang sinasabi dyan. Nasa’n nga?!”
“Inaalagaan naman pala…” pangloloko nitong si Rocky.
“Gusto atang mag-shi sa nursing ni Luke.”
“Sira,” sabi ko sa kanya. Natawa naman si Rocky.
“Oh tara! Puntahan natin si Caaptain! BWAHAHAHA!”
kaming apat gamit ‘yung sasakyan ni Sebastian. Sinabi
ni Adrian na sinundan niya talaga si Mr. Hans nang palihim para
lang makita kung nasa’n si Troy. Hindi raw pamilyar si Adrian do’n
sa tinutuluyan ni Troy, pero mukhang hindi raw pagmamay-ari ng
mga Smith ‘yung lugar.

89
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Hindi raw niya nakita si Troy. Kaya para kumpirmahin,


tinawagan niya si Mr. Hans nang makapasok na raw ito dun sa loob
no’ng tinutuluyan nitong bahay.
Sige na, Manong Hans. Makumpirma lang naming kasama mo
siya, okay na ‘ko. Alam mo namang ayoko ng ganito. Nag-aalala
talaga ako eh. Parang kambal na kapatid ko na si Captain, mahal
ako niyan—este, mahal ko ‘yan.
At inamin nga ni Mr. Hans na kasama nga niya si Troy. Pero
bukod do’n, wala na siyang ibang sinabi.
Nakarating kami sa Tarlac City. Huminto kami sa isang farm
house pero wala kaming nakikitang ibang tao sa lugar na ito. Bumaba
kami ng sasakyan para tingnan ‘yung buong . Tahimik at
puro puno sa lugar, maraming tuyong dahon na nagkalat. At may
isang bungalow na bahay sa ‘di kalayuan.
Lumapit kami dun sa bahay nang wala pa rin kaming nakitang
ibang tao. Kakatok na sana ako sa pintuan nang may marinig
kaming nabasag na kung ano mula sa loob. Nagkatinginan kaming
apat. Nang hinawakan ko ‘yung seradora, hindi ito naka-locked.
Kaya pumasok na kami sa loob. Pagkapasok na pagkapasok namin
sa loob ay amoy na amoy na agad namin ‘yung espiritu ng alak.
Mainit sa loob dahil kulob ang bahay at sentro pa ng init ng araw sa
labas. Magulo rin ang gamit na parang may nagwala dito. Puno ng
basura at gamit na pangkusina ang lababo. Maalikabok na rin ang
bawat ibabaw at sulok ng bahay.
“Adrian, sigurado ka ba na nandito si Troy?” tanong ni Rocky.
“Ah…kanina sigurado ako, pero ngayon parang hindi na,”
sagot ni Adrian.
Sa pagkakakilala kasi namin kay Troy, ayaw na ayaw niya ng
magulo at makalat na bahay. Kaya imposibleng—
“Ah sh*t!” May narinig kaming nagsalita mula sa isang kwarto
na nakabukas ang pinto.
Naglakad kami papunta do’n at ‘di namin inaasahan ang nakita

90
V O L U M E F O U R

namin. Hindi namin siya nakilala…


“Si…si Captain ba ‘yan?” ‘di makapaniwalang tanong ni Adrian
habang lahat kami ay nakatingin sa isang lalaking nakahiga sa
sahig. Halatang nabawasan ang timbang niya. Nangangalumata
at halatang ‘wala nang pakialam sa sarili dahil sa mapapansing
bahagyang balbas at bigote nito. Medyo humaba na rin ang buhok
niya at pawis na pawis na sa init ng buong bahay. Nakasuot lang siya
ng puting sando, na marumi na rin kung tutuusin, at pantalon. May
mga piraso ng basag na bote at baso sa gilid niya.
Tumingin ako sa paligid, parang hindi kwarto ng isang Troy
Harris Smith ang nakikita ko ngayon.
Lalapitan ko na sana siya nang may biglang humawak sa balikat
ko. Napalingon ako at nakita ko ang seryosong mukha ni Mr. Hans.
“Please, Sir Luke. Iwan niyo na po muna siya dito,” mahinang
sabi niya.
“Nagpapakamatay na ang kaibigan namin pero hindi mo man
lang kami sinasabihan, Hans,” seryosong sabi ko.
“Hindi namin alam na ganito na kalala. Sana sinabi mo sa’min,
Mr. Hans,” dagdag ni Baste.
“Tang*na, mukhang gusto atang magpakamatay ng isang ‘yan
eh.”
“Sa labas po muna tayo mag-usap.”
“Tara na lumabas, pakinggan muna natin si Manong Hans.
Tara, tara na,” aya ni Adrian sa’ming lahat habang tinatapik-tapik
kaming tatlo sa mga likuran namin para pakalmahin sa nakikita
naming sitwasyon ni Troy.
Nang makalabas na kami ng bahay, parang mas nakahinga
ako ng maluwag. Hinarap agad namin si Hans.
“Sige, Mr. Hans. Ano ba talagang nangyari?” tanong ni Baste.
“Simula po nung umuwi siya ng lasing mula sa practice, kahit
anong pilit ko sa kanya, ayaw na po niyang pumasok sa Austine.

91
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

No’ng una ay nasa condo lang po siya nagi-stay buong araw pero
nang lumipas po ang mga araw, biglang hindi ko na lang siya
ma-contact. Nabalitaan ko na lang na nanggulo siya sa isang bar kaya sa
presinto ko na siya nakita. Nalaman ‘to ni Mr. President kaya agad
nitong binigyan ng pagkakataon ang kanyang anak para ayusin ang
sarili, pero wala rin pong nangyari. Bawat araw, lalo lang po siyang
lumalala. Umuwi si Mr. President dito sa bansa at pinuntahan si Sir
Harris sa condo niya.”
“What are you doing with your life?!”
“I don’t know.”
“Harris! I’m talking to you. Sa tingin mo ba maayos ang lahat
kapag naging ganito ka?! Anong plano mo sa buhay mo? You’re
not attending your classes and your team’s practices.You’re just
drinking alcohol the whole day, and now what?! Hindi ka kumakain,
pinapatay mong sarili mo. ‘Yun ba talaga ang gusto mo? Ang
magpakamatay?”
“Bulls eye.”
Dahil sa sobrang galit ay sinuntok ni Mr. President si Sir Harris.
‘Yun ang unang beses na nakita ko si Mr. President na nawalan ng
control ng dahil kay Sir Harris.
“Go, kill yourself. But remember, that won’t change anything.
Nadine won’t come back to you, and I’m thankful that she came up
with the right decision. She doesn’t deserve to be with someone like
you.”
“Inalis ni Mr. President ang lahat ng financial sources ni
Sir Harris. Kahit ako ay pinagbawalan na ni Mr. President na
pagsilbihan si Sir Harris hangga’t hindi ito bumabalik sa dati niyang
sarili. Sinabihan po ako ni Mr. President na sa kanya na muna po
ako magtatrabaho for the mean time. Kaso lang po…hindi ko po
magagawang iwan si Sir Harris kaya dinala ko siya rito sa probinsya.
Isa po ‘to sa bahay ko na pinatatauhan ko na lang.” Huminto si
Mr. Hans saka sinabing, “Ni isang araw po, hindi siya nakalimot

92
V O L U M E F O U R

kay Ms. Nadine. Dahil araw-araw, lagi niya pong pinapatingnan


kung ano nang lagay niya. Sa bawat kwento ko po tungkol kay
Ms. Nadine, do’n ko lang siya nakikitang kalmado, at do’n lang po
siya nagkakaganang kumain kahit kaunti lang. Ilang beses din po
siyang pumunta sa bahay at school ni Ms. Nadine pero hindi siya
makalapit dahil nakikita niyang masaya na si Ms. Nadine ngayon.”
She’ll cry if she sees me again.
“So anong plano? Hayaang magmukmok ang isang ‘yan dito?”
tanong ni Rocky.
“Iuwi na lang natin para—.”
“Walang magbabago kahit iuwi natin siya kaagad ngayon
sa Manila dahil hindi tayo ang kailangan niya.” Tumahimik sila,
mukhang nakuha nila kung sinong tinutukoy ko. “Pero walang
magkakamali na sabihan si Nads tungkol sa nalaman natin ngayon.
Hindi natin siya pwedeng pilitin at siguro naman alam niyo na
kung bakit.”
“Wala na sila,” tuloy ni Baste.
“Hindi natin pwedeng konsensyahin si Nads,” dagdag ni Rocky.
“Kaso anong gagawin natin?” tanong ni Adrian.
“Mr. Hans,” tumingin ako sa kanya. “Pakisabi sa napakagaling
naming Captain na kung ‘di niya aayusin ang buhay niya sa loob
ng dalawang araw…pupunta ang buong team namin dito para itali
at isako siya saka namin dadalhin ng Manila. ‘Wag mo na lang
banggitin na dumating kami dito ngayon.”
“Thank you, Sir Luke, Sir Sebastian, at Sir Adrian.”
“Kaya nagtatampo ako eh. Ako lagi ang huling pinasasalamatan
samantalang ako ang nagdala sa kanila dito. I feel so—.”
“Tara na,” aya ni Rocky sabay tapik sa likuran ni Adrian.
“Sige, Manong Hans, ikaw na munang bahala. Balitaan mo na
lang kami,” si Sebastian.
“Kita mo ‘tong mga ‘to, nagsasalita pa ‘ko eh. Teka!”

93
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Nang nawala siya, akala ko gusto niyang makalimot at mapag-


isa. Hindi pala. Dahil sa nakita ko ngayon, lumayo siya para
makaiwas sa mga bagay na magpapalimot sa kanya ng tungkol
kay Nads. Kumbaga, nang makita na niyang ayos si Nads, nag-self
distruct siya ditong mag-isa.
Ang hindi niya alam…kahit ilang araw na silang hindi
nagkikita, at kahit mukhang naka-moved on na si Nads, alam kong
sa iisang tao pa rin siya sasaya.
At tulad ng dati…
Hindi ako ang taong ‘yun.
-=-
“Hindi ka ba kakain, Nadine?” tanong ni Mommy habang
nakatayo sa may pintuan ng kwarto ko.
Nandito ako sa study table ko at tinatapos ‘yung bilin sa’kin
sa OJT. Kakatapos ko lang gumawa ng plate design for my future
references. Sumasakit na nga ‘yung sikmura ko kasi puro kape na
lang ang laman nito. Ganito lang ang buhay ko nitong mga huling
linggo. Nagkukulong sa kwarto habang nagpapatugtog ng music, at
nagpapakamatay sa puyat at pagod.
Pero mas okay na ‘to kaysa wala akong ginagawa. Mas gusto
kong busy ang utak ko sa mga ginagawa ko.
“Mamaya na lang po. Bababa na lang po ako mag-isa,” sabi ko
kay Mommy.
“Anak, palagi ka na lang puyat. Hindi maganda ‘yan. Kasi anak,
hindi ka naman yayaman sa pagpupuyat mo. Magkakasakit ka lang.”
“Hindi po…” sabi ko habang inilalagay sa envelope ‘yung pina-
print ko kanina. “Kaya ko.”
Lumapit sa’kin si Mommy at saka hinimas ang likuran ko.
Napahinto ako sa ginagawa ko at tumingin lang ng diretso sa mga
papel na nakapatong sa table ko. “Kinaya ko, Mommy. Nakaya ko.”
Ngumiti ako pagkasabi ko no’n.

94
V O L U M E F O U R

“I know, anak. Ang gusto ko lang naman ay maging masaya ka.


Sana masaya ka, Nadine.” Inalis ni Mommy ‘yung kamay niya sa
likuran ko at saka sinabing, “Sige, sa baba lang ako.”
Naiwan ako sa kwarto na nag-iisip habang nakikinig ng music.
Pero hindi matabunan ng music ‘yung sinabi ni Mommy kanina…
Sana masaya ka, Nadine.
Ngayon ko lang napagtanto na ngumingiti ako pero hindi ako
masaya. Magdadalawang buwan na ‘kong hindi nakakaramdam ng
saya kahit anong pagpapanggap ang gawin ko.
Dahil alam ko sa puso kong siya pa rin talaga.
When was the last time you thought of me?
Or have you completely erased me from your memory?
I often think about where I went wrong
the more I do, the less I know
But don’t you remember? Don’t you remember?
The reason you loved me before
Pero anong gagawin ko? Wala na eh. Ni hindi ko rin alam kung
nasa’n ang anino niya ngayon. Ayoko ring magtanong, at hindi rin
naman din ako sinasabihan ng iba. Alam kong ayaw lang nila ‘kong
ma-stress, o kung ano pa man.
Mukhang nasa ayos naman siyang kalagayan. Good for him.
Lumabas ako ng kwarto nang makaramdam ako ng pananakit
ng sikmura. Napapadalas na ‘tong nararamdaman ko nitong mga
huling linggo. Kapag iniisip ko siya, bigla na lang itong sumasakit.
Kaya ang naging gamot ko na lang dito ay pagpapaka-busy sa kung
anu-ano.
“So, anong balita sa batang ‘yun ngayon?” narinig kong
sabi ni Mommy habang pababa ako ng hagdan. Sa may kusina
nanggagaling ‘yung boses niya.
“Ang huling balita ko lang, nasa probinsya siya at mag-isa.
Tinanggalan daw ng source of living ‘yung si Troy. Ngayon ko nga

95
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

lang nakitang galit na galit ‘yung si Conrad sa anak niya.”


“Si Troy?” bulong ko. Bumalik ako sa kwarto ko kahit na gusto
ko pang makinig sa usapan nina Daddy at Mommy. Ayoko ng
marinig, masasayang lang kasi ang mga araw na ginugol ko para
maging ayos ako.
Hindi na ‘ko kumain at pinilit ko na lang na matulog.
-=-
Maaga akong pumasok sa OJT para ipasa ‘yung mga bilin
sa’kin nung isang araw ng Senior ko. Kumuha na rin ako ng ibang
gagawin sa to-do-list para sa mga trainees. Malapit na ring matapos
ang OJT namin dito sa office. Next sem, sa hotel na ‘ko mago-OJT.
“Good job, Nadine. It’s all perfect. I think wala na ‘kong dapat
ipa-revise sa secretary ko. Manang-mana ka sa Daddy mo. Well,
you can have your break. Sumabay ka na sa mga co-trainees mo.”
“Thank you po.” Saka ako lumabas ng office at dumiretso sa area
naming mga trainees. Wala na ‘yung mga co-trainees ko, susunod
na lang ako sa canteen. Pero bago ako lumabas ng office namin,
nag-ring ‘yung phone ko. “Hello, Liz. Oh, bakit? Ah? Ngayon na?
Break time namin, kita na lang tayo sa canteen. Tungkol sa’n ba?”
Bigla akong natigilan nang sabihin ni Liz na…
It’s about Troy.
“Liz, alam mo namang—ano? Sige, magkita tayo. Hintayin mo
‘ko.”
Nagmamadali kong kinuha ‘yung bag ko. Hindi ko alam pero
bigla na lang akong kusang gumalaw nang hindi nag-iisip nang
marinig ko ‘yun kay Liz…
Nakita raw nina Pong si Troy, and he looked miserable…
Tumakbo ako papunta sa elevator at saka pumunta sa cafeteria.
Pero napahinto ako nang makita ko si Mr. Hans na nakaupo sa isa
sa mga table do’n.
Nilapitan ko siya kahit hindi ko alam kung anong sasabihin ko

96
V O L U M E F O U R

sa kanya. Bahala na.


“Manong Hans,” bungad ko.
Napahinto siya sa pag-inom ng coffee at napatayo na lang bigla.
“Ms. Nadine.”
Inilibot ko muna ang tingin ko sa paligid bago ako muling
tumingin sa kanya at nagsalita. “Ikaw lang bang…mag-isa?”
“Ah,” napalunok siya saka nagpatuloy sa pagsasalita. “Kasama
ko po si Mr. President.”
Mr. President? Nasa’n si Troy? Pano ko itatanong sa kanya ang
tungkol kay Troy?
“Si…Si…”
“Hindi ko po kasama si Sir Harris—.”
“Nasa’n siya? Narinig kong nasa probinsya siya, na tinanggalan
siya ng pera ni Tito Conrad, na miserable siya. Nasa’n siya ngayon?”
Sa muling pagkakataon ay muli na namang bumilis ang tibok ng
puso ko. Matapos ang ilang linggong pananahimik ng tibok nito,
ngayon ko lang ulit naramdaman at na-realize na gumagana pa pala
siya.
Bakit gano’n? Para akong muling nabuhayan ng loob?
“Miss Nadine… Kasi po—.”
“Okay, okay, alam ko namang wala na ‘kong karapatan, Manong
Hans. Sorry, okay? Eto na lang….” Huminga ako ng malalim saka
tiningnan nang diretso si Manong Hans. “Bilang kaibigan, gusto ko
lang namang malaman kung ayos lang siya. Kahit ‘yun na lang ang
sagutin mo, Mr. Hans, para manahimik na ako.”
Sandaling tumingin sa’kin si Mr. Hans pero umiwas din ito.
“Ano na, Manong Hans?”
“He’s not okay, Miss Nadine.”
Napahinto ako sa sagot ni Manong Hans. Bumigat ‘yung
pakiramdam ko kaya sinubukan ko ulit na huminga nang malalim

97
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

pero walang naging pagbabago. Tiningnan ko nang diretso si


Manong Hans saka ako nagsalita.
“Nasa’n siya?”
-=-
“Ang tagal naman ni Nads.”
Kanina pa ‘ko naghihintay sa kanya dito sa canteen pero ‘di pa
rin nagpaparamdam. Gusto ko nang sabihin ‘yung sinabi ni Pong
sa’kin eh.
“Buti naman at naisipan mong kamustahin ako—.”
“Gusto mo ring makipag-break?” tanong ko.
“Buti naisipan mong kamustahin ako dahil kaninaaaaaaa pa
talaga kita nami-miss, Queen! BWAHAHAHA! Napatawag ka?”
“May itatanong kasi ako sa’yo tungkol kay Luke.”
“Grabe naman, Queen! Bakit ‘di mo na lang aminin na ayaw
mo na sa’kin, at kailangang tanungin mo pa ‘ko tungkol sa ibang
lalaki?! Grabe naman ‘yan…”
“Kailan ka ba titino, Pong?” Iniisip ko talaga kung anong
nagustuhan ko sa isang ‘to.
“Hindi na ‘ko titino, Queen. Dahil simula ng makilala kita,
nabaliw na ang puso ko sa’yo. Yihaaa! Tames! Pero ‘di nga, ano nga
‘yung tungkol kay Luke?”
“Baliw ka talaga noon pa. Oh siya, itatanong ko kasi kung ano
ba talagang reason ni Luke at laging siya ang nakaalalay kay Nads
nitong mga nakaraang araw? Hindi kasi namin matanong si Nads
kasi… it feels awkward, you know?”
“Nanliligaw…ewan ko nga rin eh. Kasi kung nanliligaw ‘yun, e
di sana hindi na namin hinanap kung nasa’n si Captain.”
“Huh? Bakit?! Nawawala ba ang Captain niyo?”
“BWAHAHAHA! Queen! Time na namin, may exam ako.”
“Wala kang pasok ngayon, Pong. Tell me.”

98
V O L U M E F O U R

“Ah…”
“Bibilang ako ng tatlo o—.”
“’I love you’ lang ang alam kong three words, ayoko nung ‘break
na tayo’. Oo, mahigit dalawang buwan na naming hindi nakikita si
Captain. Actually, kahapon lang namin siya nakita nang puntahan
namin siya sa Tarlac. Tsk, hindi ko nga nakilala si Captain nang
makita ko. Parang hindi siya ‘yun sa miserable n’yang hitsura.
Parang… parang wala nang pakialam sa sarili niya. Nga pala,
Queen, ‘wag mong sasabihin kay Nads ‘yun kasi bilin sa’kin—.”
“Kailangang malaman ni Nads ‘to. Sige, Bye, Pong! I love you.”
“QUEEN!!!”
Nag-ring ‘yung phone ko, si Nads.
“Hello, girl. Nasa’n ka na? Huh? Teka—bakit pupunta ka ng
Tarlac?”
-=-
Sa totoo lang, nanlalamig ‘yung mga kamay ko habang nasa
byahe kami ni Mr. Hans. Magdadalawang buwan na noong huli
kaming magkita ni Troy. Kaya hindi ko alam ang magiging reaksyon
kapag nakita ko na siya mamaya.
“Sinong…” pauna ko habang diretso lang ang tingin ko sa daan.
“Sinong kasama niya do’n?”
“Siya lang po mag-isa. Dumadaan-daan lang po ‘yung caretaker
ko kung minsan. Araw-araw ko naman po siyang pinupuntahan
para kamustahin. Ayaw lang po talaga niyang may ibang tao sa
paligid niya.”
“Gano’n ba…” Napalunok ako sa kaba. “Kahit sumilip na lang
siguro ako.”
Hindi agad nagsalita si Manong Hans. Hindi ko alam kung
nagbuntong hininga siya, o kung ano man, bago siya nagsalita ulit.
“Kayo pong bahala, Ms. Nadine.”
Hindi nagtagal ay nakarating din kami sa isang malawak na

99
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

lugar na maraming puno at halaman sa paligid. Walang mga bakod-


bakod ‘yung bahay na natatanaw ko sa ‘di kalayuan. Amoy usok rin
dahil sa nagsisiga ng mga tuyong dahon.
“Tara po, Miss Nadine?”
“Sige po.”
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Parang ayoko
na gusto kong tumuloy ng paglalakad.
“Miss Nadine, ayos lang po ba kayo?”
Napatingin ako kay Mr. Hans na nakahinto na sa harapan ko.
“Yes, ayos lang ako.” Itinuloy ko ‘yung paglalakad ko hanggang sa
makarating kami sa tapat ng pinto ng bahay. Binuksan ni Manong
Hans ‘yung pinto saka ko nakita ang hitsura ng loob nito.
Ang mala-peaceful na aura ng bahay na ito sa labas ay
kabaligtaran ng loob nito.
Hindi ko na hinintay si Manong Hans na papasukin niya ‘ko
dahil nagkusa na ‘yung mga paa kong humakbang papasok. Inilibot
ko ang tingin sa paligid, wala sa ayos ang mga gamit. Napakakalat
at hindi ko malaman kung kailan pa huling nalinis ang loob nito.
“Manong Hans, nasa’n po siya?” tanong ko.
“Sa kwarto po sa bandang dulo.”
“Okay.”
“Kuya Hans?” narinig kong may tumawag kay Mr. Hans. Hindi
ko na nilingon kung sino ito. “Ay may bisita pala, sorry po.”
“Ah, Miss Nadine, may kakausapin lang po ako. Babalik din
ako kaagad.”
“Okay…sisilipin ko lang siya.” Tulalang sabi ko habang
nakatanaw sa hallway na papunta sa dulong kwarto. Narinig kong
naglakad na palabas si Manong Hans at naiwan ako dito sa loob.
Iniisip ko kung si Troy ba talaga ang nakatira dito o nagkamali
lang sila.

100
V O L U M E F O U R

Nang makarating na ‘ko sa dulong kwarto, kahit sarado pa ang


pinto nito, nakakarinig na ‘ko mula sa loob ng mahinang boses
na animo’y may iniindang sakit. Hindi na ‘ko nagdalawang-isip.
Binuksan ko kaagad ‘yung pinto pero bigla na lang akong napahinto
bago pa man ako makapasok nang tuluyan.
Mas magulo dito. Nakataob ang mga upuan at lamesa,
nagkalat ang mga pinaglagyan ng instant noodles at bote ng alak,
punung-puno pa ng alikabok ang paligid. At sa gitna no’n, ay may
nakahigang lalaki sa kama na hindi ko mamukhaan kung sino dahil
nakatalikod pa siya sa direksyon ko. Nakasuot siya ng puting sando
at black shorts.
Sa kanya nanggagaling ‘yung boses kanina na naririnig ko pa
rin hanggang ngayon.
Sa pagkakataong ito, humarap na siya sa direksyon ko.
Napatakip ang mga kamay ko sa bibig nang makita ko ang mukha
niya. Tinitigan ko lang siya…
“Anong—bakit…” Hindi ko alam kung sa’n ako huhugot ng
mga salita habang nakatingin ako sa kanya.
Nakita kong itinaas niya ang kanyang kumot para matakpan
ang braso niya. “Sh*t…Sh*t…” bulong niya.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko, lumapit ako sa kanya.
Umupo sa gilid ng kama at pinakiramdaman ang noo niya. “May
lagnat ka, ano ka ba,” mahinang sabi ko. Hindi naman siya nagising
sa sinabi ko kaya agad akong tumayo para tingnan ang mga gamit
niya.
May nakita akong dalawang black travelling bag at hinalungkat
ko ang mga ‘yun.
Naghalo na ang marumi sa malinis niyang damit. “Ano bang
ginagawa mo sa buhay mo…” bulong ko habang pinaghihiwalay
ang marumi sa malinis niyang damit.
Kumuha ako ng pwede niyang pamalit at isang pwedeng basain
para ipahid sa buong katawan niya. Pagkatapos kong makakuha
101
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

ng damit, naghanap ako ng pwedeng sulatan sa mga gamit niya at


inumpisahan kong ilista ang mga kailangan niya ngayon. Gamot,
malinis na damit, pagkain para sa may sakit, pang shave—
“Ano pa bang kailangan mo—.”
“F-Freak…”
Napahinto ako at unti-unting tumingin sa direksyon niya pero
nakita kong nakapikit pa rin siya. Kaya itinuloy ko na lang ang
pagsusulat hanggang sa matapos ako sa paglilista.
Lumabas ako at saktong nakasalubong ko naman si Mr. Hans.
“Manong Hans,” seryosong tawag ko. Halatang nagulat din siya
sa naging aura ko. “Pakibili ang mga ‘to, ngayon din.”
“A-Ah, opo. Aalis na ‘ko.”
“Okay po. Salamat.”
Dumiretso ako sa CR para tumingin ng timba o kahit tabo man
lang. Buti naman at may sabong pangpaligo para magamit ko dun
sa damit na babasain ko at gagawing pamunas kay Troy. Pagkatapos
kong sabunin at banlawan ‘yung damit ni Troy, pumunta na ako sa
tabi niya. Mahimbing pa rin siyang natutulog.
Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako kaya agad na
pinunasan ko ito.
Habang tumatagal kasi…mas napapagmasdan ko ang hitsura
niya. Halatang-halata sa mukha niya ang kanyang pamamayat.
Halos mag-iba na ang hitsura niya dahil sa kaunting bigote at
balbas. Lumiit din ang katawan niya ng bahagya, nakakapanibago.
Inalis ko ‘yung sando niya para mas mapunasan ko siya nang
mabuti. Binilisan ko ang pagpupunas para hindi siya malamigan.
Maya-maya ay may dumating na isang babae, isa raw siya sa
katiwala ni Manong Hans. Tinanong ko kung may madadala ba
siyang kumot at punda na pamalit sa higaan ni Mokong. Humingi
na rin ako ng walis tambo at dustpan para maumpisahan ko ang
paglilinis ng bahay.

102
V O L U M E F O U R

“Freak…” Napahinto ako sa pagpupunas. Pakiramdam ko pati


paghinga ko ay huminto rin pagkasabi niya no’n. Nang tingnan ko
ang mga mata niya, nakasara pa rin ito pero may luha sa gilid nito.
Pinigilan kong ‘wag umiyak. Hinawakan ko ang kanyang mukha.
“Kala ko ba…okay ka?”
Itinuloy ko na lang ‘yung ginagawa ko at saka ko siya sinuotan
ng malinis na damit.
Pagkarating ni Ate, kinuha ko agad ang dala niyang punda,
kobre kama at kumot. Nagpatulong ako sa kanya na palitan ang
sapin ng higaan kahit tulog pa rin si Troy. Pagkatapos, inumpisahan
ko nang paglilinis sa buong bahay.
Dinala ko sa labas ng bahay ‘yung mga grabe na sa kapal
ng alikabok na kurtina, throw pillows, at kung anu-ano pang
pinamumugaran na ng alikabok. Sunod kong inilabas ‘yung mga
abubot sa bahay na sira na. Kung bakit nasira ang mga iyon, hindi
ko alam. Ayoko na ring isipin kung pa’no. Binigyan ako ni Ate ng
garbage bag kaya mas napabilis ang pagtatapon ko ng mga kalat
dito.
Una kong naalis ang mga kalat sa kwarto ni Troy, para mas
maging kumportable ang tulog niya. Sinunod ko ang labas ng
kwarto na hindi ko rin alam kung paano ko natapos alisin ang lahat
ng kalat bago nakarating si Manong Hans.
“K-Kayo lang po ng lahat ng ‘to?”
“Oo naman. Sanay akong magligpit—pero teka nga, Manong
Hans. Bakit hinayaan niyo pong ganito ang bahay na ‘to? Sana
nagpadala kayo ng pwedeng maglinis dito.”
“Sorry po, Miss Nadine. Ayaw po talaga ni Sir Harris na may
ibang pumupunta dito bukod sa akin.”
“Gano’n ba…. pero nabili niyo po ang lahat nung nasa listahan
ko?”
Ngumiti si Mr. Hans at saka tumango. Napatingin ako sa mga

103
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

hawak niyang groceries, agad ko naman ‘tong kinuha sa kanya.


Hindi ko alam kung anong ginagawa ko. Hindi ko rin alam
kung tama ba ‘to o mali. Ang alam ko lang kasi…eto ‘yung alam ko
na dapat kong gawin. Kung bakit?
Saka ko na aalamin.
Lumipas ang maghapon at inabot na ‘ko ng gabi dito sa
bahay.
Tumawag ako kay Mommy at sinabing baka gabihin ako ng uwi
dahil may inaasikaso akong ilang bagay na hindi ko na naipaliwanag
kung ano Sinabi kong kasama ko si Mr. Hans sa pag-uwi kaya
rin siguro hindi na ‘ko tinanong pa ni Mommy.
Nandito ako sa may kusina at katatapos ko lang magluto para
may kakainin si Troy bago siya uminom ng gamot. Nagsusulat ako
ngayon ng mga dapat pang gawin ni Mr. Hans pag-alis ko mamaya.
“Miss Nadine, kumain na po muna kayo,” sabi ni Mr. Hans.
“No, ayos lang po.” Itinuloy ko ‘yung pagsusulat. “Nagluto na
po ako ng pwede niyang kainin kinabukasan. Initin niyo na lang po
bukas. Sa tingin ko Manong Hans, kailangan mo na ring kumuha
ng panibagong damit ni Mokong at ipalaba na ‘yung marurumi na
tinabi ko dun sa may sulok. Mukha na siyang matanda, Manong
Hans. Kaya rin ako nagpabili ng pang-shave at shaving cream para
makapag-ahit siya ng bigote at balbas niya. ‘Wag mo na rin siyang
pakainin ng instant noodles o kahit mga fast food. Kung may
makukuha kang magluluto para sa kanya, mas okay. ‘Wag munang
solid food ang ipakain sa kanya kasi baka mabigla ‘yung katawan
ni Troy. ‘Yung may sabaw ang ipaluto mo, Manong Hans. Ah, ano
pa ba?” Tumingin ako kay Mr. Hans at nakita kong nakangiti siya
habang nakatungo. “Manong Hans?” Tumingin siya sa’kin. “Ayos
ka lang?”
“Ah, sorry po.” Umubo siya at saka sinabing “Opo, gagawin
kong lahat ‘yan. Pero…”
“Hmmm?”
104
V O L U M E F O U R

“Pa’no po kapag nagtanong siya kung bakit biglang—.”


“Basta ‘wag niyo pong sabihing dumating ako. Sabihin niyo na
po ang lahat ng dahilan, ‘wag lang ako.”
“Noted po, Miss Nadine.”
“Thank you—,” sumakit na naman bigla ‘yung sikmura ko.
“Miss Nadine, ayos lang po ba kayo?”
“Ah, oo naman. Napagod lang siguro ako.” Ibinaba ko na ‘yung
ballpen ko. “Okay. Tara, Mr. Hans. Kahit ihatid mo na lang ako sa
terminal ng bus papuntang Manila para mabantayan mo si Troy
dito.”
“Sorry po, Miss Nadine. Sa lahat po ng bilin at utos niyo, ‘yan
lang po ang hindi ko susundin.”
“Pero walang magbabantay—.”
“Sorry po. Ihahatid ko na kayo.”
Hindi na ‘ko umimik. Sinundan ko na lang si Manong Hans
palabas ng bahay. May kinausap pa siya bago kami umalis.
Habang pauwi na kami, muli kong pinakiramdaman ang
dibdib ko.
Eto ‘yung feeling na uuwi ako ng bahay na ang saya ko kahit
pagod ako. Kasi noong mga huling linggo, pagod akong umuuwi ng
bahay pero hindi ako masaya.
Kaya ngayon… It feels so right…
Kahit na alam kong hindi na dapat.
-=-
After two days…
Freak…don’t go. Freak… Please.
“Sir Harris? Sir Harris…”
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at saka ako natauhang
wala ako sa tabi niya. I thought it’s real. Parang kasama ko siya.

105
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Parang hawak niya ang mukha ko but she’s not here… Kinalimutan
na niya ang lahat. Masaya na siya…
“Hans,” I said nang makita ko siyang nakatayo sa gilid ng kama
ko.
“Sir, do you feel better? Mas maayos na po bang pakiramdam
niyo?” tanong ni Hans sa’kin.
I tried to slowly move pero ang pakiramdam ko, nanglalata ang
buong katawan. It felt strange dahil parang ngayon ko lang ulit
naramdaman ito.
“Hans,” I called out. Lumapit naman siya agad. “What
happened?”
Then Hans explained everything to me. Parang imposibleng
mangyari ‘yung mga sinabi niya. Pero after a few minutes, naalala
ko na ang lahat ng mga pinaggagawa ko. That I decided to be alone
here and almost kill myself with depression.
“No one found me here, right?” tanong ko kay Hans.
Matagal bago nasagot ni Hans ang tanong ko pero tumango
siya.
“Good.” I looked around and started to breathe in the clean
air sa loob ng kwarto ko. “Thank you for bringing me back to a
neat place, Hans.” He’s not answering, and it’s making me doubt his
actions. “Are you alright, Hans?”
“Yes, Sir Harris.”
“You look like a ten year old kid who did something wrong. By
the way, ga’no na ‘ko katagal may sakit?”
“Two days, Sir Harris.”
“Really…”
I asked for food and Hans willingly prepared something for
me to eat. Nakakapanibago dahil hindi naman nagluluto si Hans.
Habang naghahain siya, tumayo ako at pinagmasdan ang kwarto.
Napakaayos, nakakaginhawa sa pakiramdam. This must be a funny

106
V O L U M E F O U R

thing to say but it makes me want to say I’m home.


Naglalakad akong papunta sa bathroom nang makita ko ‘yung
air purifier. “Hans must be very particular with these things.” Kung
hindi ko lang alam na si Hans ang nag-ayos ng lahat ng ‘to, iisipin
kong may babaeng nag-ayos dito.
When I entered the bathroom, I suddenly
around and looked at the mirror. “Hell,” I uttered to myself. I
almost did not recognize my own face. “Sh*t,” I said habang
pinagmamasdan ang mukha ko. “Tss, she’ll definitely don’t want to
see this. She’ll freak out—Tss! And why would she want to see me
in the first place uh? Nonsense, Troy.” Tss! Bakit ko siya biglang
naisip? I don’t know, it’s feels strange.
Maybe because…maaliwalas ang pakiramdam ko kumpara
noong nakaraan. Parang nandito lang siya sa tabi ko.
This place used to be my very own trashy home. I buried
myself here without thinking about what would happen the next
day. Hanggang sa naging paulit-ulit, at hindi ko na namalayang I
was slowly destructing myself.
Lumabas ako ng kwarto and a homey feeling welcomed me.
There’s this new pink curtains which helped to illuminate the
whole living room without letting too much sunlight inside. The
whole place is clean and smells like home.
My Home…
Tss! Impossible. I can feel Freak here. Right here, right now.
She’s my home…back then.
“Sir Harris,” I turned around and saw Hans in the kitchen.
“Handa na po ‘yung pagkain niyo. Kumain na po kayo.”
“Okay,” sagot ko. “Hans, who took care of the house? I remember
telling you not to let anyone enter this house, right?”
Hindi ganito ang pakiramdam ko nang unang dumating ako
dito. This place was very empty, not literally, but emotionally. And

107
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

now…it feels so strange. Parang may nagbago but I don’t know


exactly kung ano ‘yun.
Whatever it was, I love it.
“Ahm,” Hans is not looking at me. Now I’m certain that there’s
something strange going on here. “Ako po ang nag-asikaso.”
“Are you sure?” tanong ko.
He cleared his throat and said, “I thought it would be nice
if you’d be in a place where you can rest well. So…I… clean up
everything.”
I nodded. “Okay,” I said, and took a seat. Tiningnan ko ang
lahat ng pagkaing nakahain sa mesa. “I never thought that you can
cook.” He did not answer and just preparing the table
before I eat.
“Lalabas lang po ako, Sir Harris.”
“You won’t join me?” Tumingin ako sa inihain niya. “The food
is good for , go grab a plate and eat with me.” At bakit
nga ba mukhang pang tatlong tao ang pagkain ko?
I looked at . Natigilan si Hans pero ginawa rin
niya ang sinabi ko. He looked uneasy.
“Appears like this meal was cooked by a professional
chef.” Kinuha ko ‘yung kutsara ko at tinikman ‘yung soup. The
presentation was perfect and it felt like I’m in a fancy restaurant.
Tumikim ako and the moment na malasahan ko ‘yung soup, I
stopped. Napatingin ako kay Hans while chewing those crunchy
savoring vegetables in it.
Hans is, again, not looking at my direction.Tumikim ulit ako,
the taste was familiar and close to my heart. Right at this moment,
I’m sure it wasn’t Hans who cooked this for me.
Kinuha ko ‘yung isang plate na may isa pang dish. It’s
with full veggies and sausage, calabrese sausage to
be exact. The vegetables were diced and fried. On top of it was a

108
V O L U M E F O U R

couple poached eggs and bits of crumbled ricotta salata. This dish
is familiar…
“The last time I checked…you’re not into cooking, Hans.”
Napatingin siya sa’kin, shock was written all over his face. “But
don’t worry, I’ll let it pass—,” I stopped when I heard something na
parang bumagsak mula sa kwarto ko.
“Sir Harris, ako na po—.” tumayo si Hans.
“I’m not an idiot, Hans. I can still protect myself.” Tumayo ako.
Pumunta ako sa kwarto and the first thing I saw was my closet. It’s
now open.
“Who’s here!?”
“Uhg!”
Napatingin ako sa bintana na bukas na rin ngayon. May narinig
akong boses na parang nasaktan sa kung ano. Tumakbo ako sa may
bintana but I did not see anyone. Ang nakita ko na lang ay isang
apron na nakasabit sa mga halaman sa tapat ng bintana ko.
I took it at pinagmasdan ko ‘to. “Who the heck will try to get
inside this house while wearing an apron? Tss! This person must be
a freaking—Hans?” I turned around but I didn’t see him. “Hans?”
Lumabas ako ng kwarto and still, there wasn’t any sign of him.
“Sir Harris,” he’s standing in the front door. “I’m sorry, tiningnan
ko po kasi sa labas kung sino ‘yung—,” napatigil siya nang makita
niya ‘yung hawak kong apron. He cleared his throat and said,
“Ah…wala po akong nakita.”
Tiningnan ko ulit itong hawak kong apron. I looked around
the house and the food in the dining area caught my attention.
Something strange is going on here.
May nakita akong sterio sa may living room at binuksan ko ito.
I don’t know…I feel like singing after realizing something now…
You’ve been on my mind, I grow fonder every day
Lose myself in time just thinking of your face

109
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

God only knows why it’s taken me so long to let my doubts go


You’re the only one that I want…
I went back to the dining table and started to eat.
“Tss!” I smirked and smiled.
“This food…” Hans looked at me. “Is freaking awesome…”
Freak.
-=-
OH MY! OH MY! GRABEEEEEEE!!!
Hindi ko pa rin makalimutan na kamuntikan na niya ‘kong
mahuli! Bakit naman kasi ngayon pa siya nagising at bumalik sa
huwisyo? Kung kailan nando’n ako. Buti nakaalis ako kaagad dahil
kung hindi…baka mas gugustuhin ko pang ma-deads na lang!
“And look who’s here?”
Napatingin ako kina Sandy na papalapit dito sa pwesto ko.
Nandito ako sa Restobar ni Rocky. Tinawagan nila ‘ko nang pauwi
na ‘ko mula Tarlac to Manila. Buti na lang at mabilis na naibigay
sa’kin ni Manong Hans ‘yung susi ng sasakyan. Ibigay ko raw dun
kay Kuya Anton na siyang caretaker ng bahay, ipagmamaneho raw
ako noon pauwi. Kaya eto, dito ako nagpa-diretso.
Umupo silang tatlo sa tapat ko at binigyan nila ako ng isang
mapaghinalang tingin. “Ano?” tanong ko sa kanila.
“Sa’n ka galing?” tanong ni Liz na naka-crossed arms pa.
“Ah…sa ano—.”
“Tarlac?” si Chris.
“Ah oo.” Nga pala, nasabi ko kay Liz nung makalawa na pupunta
ako ng Tarlac. “Pinuntahan ko lang ‘yung may sa’kit kong kamag-
anak ulit. Nagdala ako ng makakain.”
“Really? So, how’s he?” He? Nasabi ko ba kay Liz na lalaki ‘yung
binisita kong kamag-anak? Hay! Bahala na nga.
“I think, ayos na siya. Pero umalis din ako kaagad pagkagising

110
V O L U M E F O U R

niya.”
“Ohh…” Si Sandy, sabay senyas sa waiter ng restobar. “So okay
na naman pala si Troy.”
“Oo magaling—,” napahinto ako at biglang natulala. Nice,
Nads! Napatingin ako sa kanilang tatlo na nakatingin lang din
sa’kin. “Hehehe?”
“Funny,” sabi ni Sandy.
“As in…OMG!!!” React na naman ni Liz. “I knew it! I knew
it! Pinupuntahan mo siya! Nagkabalikan na kayo! Pero hindi mo
sinasabi sa’min and it is a huge…disappointment, BITCH.”
“Teka lang ah. Mali, mali kayo,” sabi ko.
“Anong mali sa sinabi ko!? Sabihin mo!” sigaw ni Liz.
“Seriously, Liz? Pareho na kayo ng boyfriend mo na nahihilig
sa drama.”
“Hehehe, sorry. Pero, hindi nga? Ano bang meron, Nads?”
“Okay, siya nga ang pinupuntahan ko sa Tarlac.”
“Oh ‘di ba!”
“Pero hindi ibig-sabihin no’n na nagkabalikan na kami.
Pinupuntahan ko lang siya du’n dahil may sakit siya,” paliwanag ko.
“Ni hindi niya nga alam na nando’n ako dahil tulog siya.”
“And why are you doing that, Nads?” tanong ni Sandy. “You
already broke up with him, right?”
Nakatingin sila sa’kin. Yes, I’m guilty as charged. Pero naman
kasi… “Kahit na galit ako sa kanya, I can’t deny the fact na
concerned pa rin ako sa kanya. BICTHes, hindi ko talaga alam kung
bakit nang makita ko ulit siya…bumalik ‘yung pag-aalala ko no’ng
kami pa. Yes, okay, there’s this sympathy pero hindi lang ‘yun ‘yon.
May parte sa’kin…na para bang bumalik. Kasi hindi ko naman siya
talaga totally inalis o tinapon na lang basta eh. Alam niyo ‘yun?”
“So anong plano mo?”

111
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Ewan ko. Kasi natatakot ako ngayon eh. Natatakot akong…”


Umiwas ako ng tingin sa kanila. “Na bumalik na naman ang lahat
ng pagtingin ko kay Troy. Tapos…gano’n ulit. Ayoko na, na parang
gusto ko pa.”
“I understand, Nads. Pero I won’t say na balikan mo siya dahil
sa nakita mo. As for me, hindi pa rin ako convinced. He’s still not
doing anything to win you back. But okay, I’ll give some points
for those days na hindi ka niya ginulo nung mga times na kailangan
mong mag-isip. Those times na inakala nating naka-move on na
siya kaya ‘di siya nagpaparamdam, it turned out na hindi pa rin
pala.”
“Nagulat din ako sa dinatnan ko do’n. Ibang-iba siya. Hindi
niya inalagaan ang sarili niya.”
“Well…boys are all the same kapag na-broken hearted. They
always choose to shut themselves from the world and die silently.”
“Bakit ikaw, Nads? Inalagaan mo ba ang sarili mo?” tanong ni
Chris.
“Kaya nga…hindi lang kami nagsasalita pero alam naman
naming nagpapaka-busy ka para makalimot,” dagdag ni Liz.
“Hinayaan ka namin dahil mas okay na ‘yun kaysa umiiyak ka.
But this time? It’s not healthy anymore, BITCH. Take some rest
dahil baka kung anong mangyari sa’yo, and we’re going to blame
him for everything. Do you want that?”
“Kaya nga eh. Nagiging boring na si Nads these past few days.
Nawawala na ‘yung dating makulit na si Nads na kilala namin.
‘Yung slow at hindi seryoso, you know?”
“Na-miss na namin si Nads,” habol pa ni Chris.
Hindi ako nagsalita. Bigla akong napaisip sa sinabi nila. May
nagbago nga ba sa’kin? Kung ano man ‘yun…sana bumalik na.
Sana bumalik na siya…
Hinatid ako ni Chris pauwi sa’min. Pero hindi agad ako

112
V O L U M E F O U R

pumasok ng bahay. Ayoko munang pumasok kasi siguradong


lulunurin ko na naman sa trabaho ang sarili ko. Umupo muna ako
sa labas ng bahay namin at tumingala para tingnan ang mga stars.
“Nainit kaya ni Mr. Hans ‘yung hapunan niya?” Napatigil ako
at napa-ismik. “Tss! Iniisip ko na naman. Bahala siya…”
Nakatingala lang ako sa mga stars nang biglang mag-ring ‘yung
phone ko. Sinagot ko naman kaagad ‘yun kahit hindi ko pa nakikita
kung sino ‘yung tumatawag.
“Hello?”
Nads, nasa bahay ka na?
“Ah, Luke.” Idineretso ko na ‘yung tingin ko mula sa
pagkakatingala. “Yup, nasa bahay na ‘ko. Kamusta?”
Ayos naman ako. Gusto sana kitang makita, busy ka ba? Punta
na lang sana ako sa bahay niyo kung pwede.
“Hindi naman ako busy. Sige, hintayin kita.” Narinig ko siyang
ngumisi sa kabilang linya. “Luke?”
Wala, wala naman. Hintayin mo ‘ko ah?
“Oo naman.”
Promise ‘yan.
Ngumiti ako, “Opo.”
Okay sige, I’m on my way. Sige, babye, Nads.
“Okay, ingat ka.”
Pinasok ko na ‘yung phone ko sa bag at tumayo na rin sa
pagkakaupo sa lapag. Kailangan ko nang magpalit ng damit para
pagdating ni Luke, maayos ako.
Papasok na sana ako ng gate nang biglang may humawak sa
kamay ko dahilan para mabigla ako nang husto. Napalingon ako
sa likuran ko. Napahakbang ako paatras nang makita ng dalawang
mata ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon.
“You…” mahina at malalim pagkakasabi niya nun. “You went

113
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

there.”
Nakatingin ako sa mukha niya na ngayon ay naka-shave na, at
bagong gupit na rin ang kanyang buhok. Naka-white fitted shirt,
denim pants, at tsinelas—
“Tell me why,” insist niya. “Freak.”
Sa pagkasabi niya ng Freak, parang gusto kong tumakbo palayo
sa kanya dahil kung hindi…baka hindi ko mapigilan ang sarili ko
na yakapin siya.
“Hindi ko alam ang sinasabi mo,” aalisin ko na sana ang kamay
ko pero mahigpit ang pagkakahawak niya rito. “Ano ba, Troy?
Papasok na ‘ko sa loob.”
Diretso lang ang tingin niya sa mga mata ko. Serious, but not
mad. “Aren’t you going to ask what happened to me?”
Hindi pwede, Nads. Hindi pwedeng ganito na naman at umulit
na naman ang mga pangyayari noon. Tumayo ako ng maayos at
tinitigan ko rin siya nang diretso. “No, I’m not interested.”
Halatang nagulat siya sa sinabi ko pero hindi pa rin niya
binibitiwan ang kamay ko.
“Troy, papasok na ‘ko sa loob. Bitiwan mo nang—.” Mas
hinigpitan pa niya ang hawak sa kamay ko. “Troy, ano ba?!”
“I heard you…I heard you talking to Luke. Are you two…
dating?”
“Hi—.” Huminto ako at nag-isip sandali kung tama bang
sagutin ko ang tanong niya. “Sa tingin ko, hindi ko kailangang
sagutin ang tanong mo.”
“Is it really that hard to—.”
“Hindi na tayo, Troy. Wala na tayo.”
Ang akala ko ay bibitawan na niya ang kamay ko pagkasabi ko
no’n, pero hindi pa rin. Nagulat na lang ako sa mga sumunod na
sinabi niya.

114
V O L U M E F O U R

“I know…” saka niya binitawan ang kamay ko. “I’m sorry.” At


umiwas siya ng tingin sa’kin. Pero ibinalik din niya ito maya-maya.
“Please…kahit ito lang ang sagutin mo, Freak—.”
“’Wag mo kong tawagin ng ganyan. Hindi na ‘ko sanay,” sabi ko
sa kanya. Pero ang totoo, kaya ayokong tawagin niya ako ng ganun
ay hindi dahil sa hindi na ako sanay, kundi dahil natatakot ako na
baka hanap-hanapin ko na naman ‘yun pagkatapos ng pag-uusap
naming ito.
“Okay, Nadine. Then answer me… please. Did you there
to see me? Check on me?” Nakita ko sa mga mata niya na gusto niya
talagang malaman ang sagot.
“Sabing hindi ko alam ang sinasabi mo.”
“Don’t play games with me, Nadine. I know that you’re there
when I was on the verge of giving up. Your scent, your touch, the
food, your presence, I know you’re there. And if you’re gonna deny
this again, I’ll understand. But let me just say that you gave me the
reason to fix my life and continue living despite what had happened
to us. Hindi ko kaya… Hindi ko kayang wala ka, Nadine.”
Umiwas na ‘ko ng tingin sa kanya. Ayokong makita niya ang
nasa mga mata ko.
“I know, malaki ang kasalanan ko sa’yo, Nadine. I’m guilty of
the things I did to you and those things that I accused you of.”
Tiningnan ko uli siya, at nagulat ako nang makita kong halos
paiyak na siya. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan.
“Please, arrest me for being guilty and punish me forever.”
Tumalikod ako sa kanya at saka sinabing, “Umuwi ka na.”
Pumasok ako sa loob ng gate at hindi na ‘ko nakarinig ng iba
pang salita mula sa kanya. Nakakapanibago, ang dating Troy na
kilala ko…ipipilit niya sa’kin ang gusto niyang mangyari dahil ‘yun
ang alam niyang tama. But now…he just let me go.
Tumuloy ako sa kwarto ko at nagmamadaling pumunta sa

115
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

bintana ko. Nakita kong nakatayo pa rin siya sa tapat ng gate namin
pero ilang minuto pa ay naglakad na siya paalis. Teka? Naglakad?
Nasa’n ang sasakyan niya?
Umupo ako sa kama at kinuha ‘yung necklace ko na bigay ni
Troy sa’kin. Ginawa ko ring pendant nito ‘yung engagement ring
na binigay niya sa’kin. Nagbuntong hininga ako, naisip ko ‘yung
sinabi niya.
Please, arrest me for being guilty and punish me forever.
“Uhg!” iling ko.
Nabitawan ko ‘yung necklace at napahawak ako sa bandang
sikmura. Sumasakit na naman. Hindi ko tuloy alam kung anong
mas makakabuti sa’kin, ang wala siya o ang nandito siya. Humiga
ako at nagdasal na sana mawala na ang sakit na nararamdaman
ko….
Hindi lang sa sikmura kung hindi pati na rin sa puso.
-=-
“Mukhang nahuli ako.”
Hindi na ata niya ‘ko nahintay. “Sabi mo…hihintayin mo ‘ko,
Nads.” Nakita kong naglakad na paalis si Troy sa tapat ng bahay
nina Nads. Hindi niya agad napansin ang sasakyan ko.
Sa hitsura ni Troy, mukhang mas maayos na siya ngayon. Tama
nga ako, hindi naman kami ang kailangan niya… si Nads.
Ibabalik na sana namin siya ng Manila kanina pero wala na
kaming nadatnang Troy sa tinutuluyan niyang bahay.
“Handa na ba kayong itali si Captain?!” sigaw ni Adrian dito sa
loob ng van.
“OO!!!” sagot naman ng mga baliw kong team mates.
“Handa ba kayong ilagay siya sa sako kung kinakailangan para
maiuwi sa Manila?!”
“OO!!!”

116
V O L U M E F O U R

“Handa ba kayong ibuwis ang buhay niyo para sa kinabukasan


ni Captain?!”
“OO!!!”
“HANDA KAMING IBUWIS ANG BUHAY MO PARA SA
KINABUKASAN NI CAPTAIN!!”
“SANG-AYON AKO!!”
“AKO RIN!!!”
“MGA LOKO!!!!” sigaw ni Adrian.
“Nandito na tayo,” sabi ni Baste.
Hanggang sa inilabas na ng mga loko ‘yung mga lubid at sako
na dala nila. Mga sira talaga ang mga ‘to. Pero may mga matitino
rin naman silang dala gaya ng panglinis ng bahay. Sinabi kasi ni
Adrian na nakatira sa parang tambakan ng basura si Troy. Kaya
ayan, nagdala sila ng mga panglinis ng bahay.
Bumaba kami ng van at saka dumiretso sa bahay na
kasalukuyang tinitirhan ni Troy.
Kumatok ako sa pinto pero walang sumasagot na tao sa loob.
Hanggang sa may lumapit na lang sa’ming lalaki.
“Ah sino pong hanap nila?”
“Si Troy po? Mga kaibigan po kami nung lalaking nakatira dito.
Nandito po ba siya sa loob?”
“Si Sir Troy po, ano kasi, umalis po siya.”
“ ?”
“Pasok po muna kayo sa loob, mainit po dito sa labas. Ako nga
pala ang katiwala dito sa bahay.”
Pinapasok niya kami sa loob at napahinto kami dahil sa linis at
ayos ng loob nito. Mabango na dito ‘di tulad ng dati na amoy alak at
puno ng sari-saring mga basurang ang buong bahay.
“Sabi mo, Adrian, parang tambakan ng basura ang tinitirhan ni
Captain?!”

117
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Oo nga!!!”
“You’re a liar!”
At sumagot naman ‘tong baliw na ‘to. “Do you think I’m a
Layaaaar!!? I’m not a layaaaaar! Bwahaha! Baka may naglinis?”
“Ah opo, nilinis po ni Miss Nadine.”
“HUWAAAT!” sigaw nilang lahat.
“Isa itong rebelasyon!!!”
“Si Nads?” tumingin sa’kin si Baste pero hindi ako nagsalita.
At ngayon naman…nakikita ko si Troy na naglalakad na mul
sa bahay ni Nads.
Binuksan ko ang headlights ng sasakyan ko para makuha ang
atensyon niya. Napatingin siya sa’kin mula dito sa loob ng sasakyan,
at saka ako lumabas.
“Long time no see…Troy.”
Nandito kami sa tapat ng restobar ni Rocky ngayon pero
hindi kami pumasok sa loob. Nakasandal kami sa sasakyan ko at
parehong malayo ang tingin.
“Kamusta?” pauna ko.
“Not that good, but not that bad.”
“Hindi ko na tatanungin kung ano ang mga ginawa mo nitong
nakaraan. Ang gusto kong malaman ay kung ano ang balak mo
ngayon.”
Tumingin siya sa’kin. “Why do you care?” Tumingin ako sa
kanya at nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Ako ba ang concern mo o
si Nadine?” tanong niya.
Napangiti ako at saka ko sinabing, “Kayong dalawa…kayong
dalawa ang concern ko. Galit ka ba sa’kin, Troy?” halata sa titig niya
na may itinatago siyang galit sa’kin.
“You made a move on her while I’m gone. I’m not saying you’re
not allowed. I’m just saying I won’t hold back this time.”

118
V O L U M E F O U R

Umiwas ako ng tingin sa kanya saka ko sinabing “Pa’no kung ‘di


ako pumayag?” Tumingala ako at tumingin sa kaulapan. “Masyado
mo siyang nasaktan. Ginawa niyang lahat para makalimutan ‘yung
sakit na naramdaman niya sa’yo, Troy. Nagpaka-busy siya na halos
ayaw na niyang matulog para lang makalimot. At kahit pinuntahan
ka pa niya sa Tarlac,” tumingin ako sa kanya. “Hindi ibig-sabihin
no’n na bumalik na siya sa’yo. May mga bagay lang na mahirap iwan
nang basta-basta. Hindi mo ba naisip na baka naawa lang siya sa’yo
kaya gano’n? Kaya sumunod siya sa’yo do’n.”
Pasensya ka na Nads kung pinangungunahan ko ang kung ano
mang nasa utak mo. Gusto ko lang makasiguro.
“Giving up is not an option to me right now. And even if it is
out of sympathy, kahit ano pang dahilan, I will hold on to this little
chance to win her back. This is my last option to live.”
Parehas sila…
Ang last option nila para bumalik sa dati ay ang ibalik ang
isa’t isa.
-=-
“Good mood?” tanong ni Kuya sa’kin habang nandito kami
sa sala at isinusuot ko ‘yung sapatos ko. Sa school ang punta ko
ngayon kaya medyo mapapahinga ako sa mga utos ng superior ko
sa OJT.
“Ako? Bakit mo naman nasabi, Kuya?” tumayo ako at tumingin
sa salaming nakadikit sa dingding namin.
“Nakangiti ka.”
“Ah!” bigla akong inakbayan ni Kuya. “Ano ba? Kuya naman
eh.” Nakatingin si Kuya sa tapat ng salamin kaya tiningnan ko rin
siya do’n.
“’Yan ang gusto ko sa’yo, tabachingching kong bunso. ‘Wag
ka na ulit iiyak kung hindi…bubugbugin ko na talaga ‘yung taong
nagpaiyak sa’yo.”

119
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Che! Sige na, Kuya. Aalis na ‘ko.” Saka ako kumawala sa akbay
ni Kuya. Kinuha ko ang bag ko at saka lumabas ng bahay.
Mag-MRT na lang ako para mas mabilis ang byahe. Traffic kung
magta-taxi pa ‘ko. Makikipagsiksikan na lang ako.
Naglalakad ako nang maisipan kong kunin ‘yung salamin ko sa
bag para tingnan ‘yung mukha ko.
Nakangiti ka.
Bakit? No’ng mga nakaraan ba…hindi?
“That mirror won’t give justice to what I’m seeing right now.”
Napahinto ako nang marinig ko ‘yung boses niyang
nanggagaling sa likuran ko. Lumingon ako at nakita ko siya. Naka-
navy blue v-neck shirt, cream short pants, at—tsinelas na naman?
Mas kita ko ngayon ang mukha niya, at kailangan niya talagang
kumain pa ng husto dahil namayat talaga siya.
Umismik ako at ngumiti naman siya.
Kainis! Alam niyang kahinaan ko noon ang ngiting ‘yan.
“Bakit ka nandito?” tanong ko.
“I want to…take you to your school.” Napatingin ako sa paligid
para tingnan ‘yung sasakyan niya. “Unfortunately, I don’t have my
car now. That old man won’t let me get everything back. But the
good thing is…my crib’s back. Pero hindi lahat ng kwarto…naka-
unlock. Only my bedroom. I still have no access to my other stuff.”
Tinitigan ko siya saka ko sinabing, “Tinatanong ko ba?” saka
ko siya tinalikuran at naglakad na ulit palayo sa kanya.
Sumunod naman siya sa paglalakad at ‘di na rin nagsalita.
ako kumportableng kasabay ko siya. Nakakainis naman
eh. Huminto ako at saka ko siya tiningnan. “Troy, ayokong may
kasabay pagpasok.”
Tumango-tango naman siya. “Okay, okay.”
Nagbuntong hininga ako at saka tumuloy sa paglalakad.
“Mababaliw ako…” Hindi niya nga ako sinabayan sa paglalakad.

120
V O L U M E F O U R

Nagpa-late lang siya ng ilang hakbang sa likuran ko.


“Troy naman.”
“What?!” sabay taas ng magkabilang kamay niya.
“Dito ka na lang. ‘Wag mo na ‘kong sundan ah?”
“Why?!”
“Ayoko nga ng may kasabay.” Napahinto na lang ako nang
mapatingin si Troy sa bandang likuran ko. Hanggang sa nakarinig
ako ng tunog ng makina ng sasakyan. Pagkalingon ko sa likuran,
“Luke?” Huminto ‘yung sasakyan niya sa tapat namin ni Mokong.
“Nads, papasok ka na sa school?” tanong ni Luke mula sa loob
ng sasakyan niya.
“Ah…oo,” alangang sagot ko.
“Tara, hatid na kita,” nakangiting sabi niya.
Nako naman…Bakit ngayon pa? Napatingin ako kay Mokong
tapos kay Luke. Gusto kong magtago sa box at ‘wag na lang lumabas
do’n. Pero hindi, kailangan kong magdesisyon ngayon.
“S-Sige,” sagot ko. Medyo napatingin ako kay Troy habang
pababa si Luke sa sasakyan niya para pagbuksan ako ng pintuan.
Nang makasakay kaming parehas ni Luke sa sasakyan niya, pinilit
kong ‘wag lumingon kay Troy.
Pero nang mag-umpisang umandar ‘yung sasakyan, napatingin
ako sa side mirror nito. Napatingin ako kay Troy na naiwan sa
kinatatayuan niya, at nakatingin lang sa sasakyan naming papalayo
sa kanya.
Umiwas na ‘ko ng tingin bago ko makalimutang si Luke ang
kasama ko ngayon.
“Nads.”
“Huh?” napalingon ako kay Luke.
“’Wag kang mag-alala, hindi siya mawawala kahit iwan natin
ngayon ang isang ‘yan.” Ngumiti siya habang diretso pa rin ang

121
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

tingin sa daan. “Kampi ako sa’yo, Nads. I just want you to be happy.”
“Luke…” Pero—ang akala ko kaya niya ‘ko hindi iniwan nang
mawala si Mokong ay dahil sa may nararamdaman pa rin siya para
sa’kin.
“This may sound foolish, Nads, pero kahit anong pilit kong
sabihin mas gusto kong ako na lang sana…mas gusto ko pa ring
makita na masaya ka habang kasama mo siya.” Ngumisi siya saka
niya sinabing, “Kasi alam kong kahit anong gawin ko, siya pa rin at
siya lang ang dahilan ng mga totoong ngiti mo. Alam mo ba kung
bakit hindi kita nilubayan simula nang mawala si Troy?” Hindi ako
nagsalita. “Dahil kailangan kong bantayan ang tanging babaeng
alam kong magpapabalik sa kaibigan ko.”
Lagi kong iniisip nitong mga nakaraang araw na walang
makakaintindi ng totoong sakit na nararamdaman ko. Na ako lang
ang nasasaktan sa pagkakataong ‘to. Hindi pala…dahil alam niya
ang bawat ngiti at luhang pinapakita ko sa kanila.
At ngayon, alam kong sa bawat ngiting ipinakita ko sa kanya
noon, nasasaktan ko rin siya dahil alam niyang hindi ako totoong
masaya. Kahit na…kasama ko pa siya.
“Nads, this is not about me anymore,” seryosong sabi niya. “It’s
about you, and your decision.”
“Natatakot ako, Luke. Natatakot akong maulit na naman
‘to kung sakaling magkabalikan kami ngayon. Natatakot akong
masaktan na naman.”
“Karamihan sa mga nagmahal ng totoo, nasaktan. Pero kahit
nasaktan sila, may isang bagay na hindi mababago ng kahit sino
man. At ‘yun ay dahil naging mas matapang sila. Alam kong gano’n
ka rin. Napatunayan mo na ‘yun nang mo si Troy kahit
alam mong nasaktan ka niya, ‘di ba?”
Pagkarating sa school, umalis na rin siya kaagad para tumuloy
naman sa Austine. Nasabi niya sa’kin sa daan na hindi na pala
pumapasok sa school si Troy, magdadalawang buwan na. Halos si

122
V O L U M E F O U R

Baste nang humahawak ng RD team habang wala siya. Buti nakaya


nila kahit wala si Troy. Tingin ko, mas tumibay ang team.
Eh ako kaya?
“Naging mas matapang nga ba ‘ko?” tanong ko sa sarili ko.
Hindi ko alam…
-=-
I feel like I won a million bucks with this five thousand I
found in my pants. Hindi pa rin ibinabalik sa’kin ang card ko. He’s
still testing me if I can manage my life without a single coin. Tss!
“Sir Harris, kung pumunta na lang po kayo kay Mr. President
and—.”
“And what? Tss! I don’t even know what he wants from me.”
“Papahiramin ko na lang po kayo, Sir Harris.”
“No,” I looked at him. “Thanks, but I don’t need it. Keep it. I
can manage.” Well, I have five thousand, and that’s enough. I think.
Tapos na ‘ko mag-ayos nang alukin ako ni Hans na ipag-drive gamit
ng sasakyan niya. I turned down his offer.
I told him na pupuntahan ko si Nadine sa school para sunduin.
I have to be there early para maabutan ko si Nadine. Ibinilin ko na
rin sa kanyang ‘wag akong sundan kahit ‘yun ang karaniwan niyang
ginagawa dahil part ‘yun ng trabaho niya dati.
I want a private time with Freak. I’ll do this all by myself.
Paglabas ko ng building ng condo ko, napahinto ako at
napaisip. “At anong sasakyan ko?” Tss!. This must be the hardest
part ng nasanay sa sasakyan, you’ll turn into a complete idiot when
you don’t have one.
Hours have passed at nakasakay na ‘ko ng bus.
I took a bus because I have to save my last money. Kung
magta-taxi ako, I might not have to buy something
to eat. Ayokong manghingi sa iba, I’ll find a way.

123
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

So here I am, ravishing the beauty of afternoon rush hour.


Dapat pala mas maaga akong umalis. Tsk! I can’t even call Freak,
my phone’s line was dead. That old wise man cut it. Nakalimutan
kong magpa-load…
Tss! Para namang alam ko kung saan ako maghahanap ng load.
Sumakay pa ‘ko ng jeep bago ako nakarating sa Escolastica.
And I want to punch somebody dahil naisahan ako nung jeepney
driver.
I gave him a five hundred peso bill at hindi niya ako sinuklian!
D*mn it! Heck, he got me with his alibi na “Wala pa pong panukli,
sandali lang.” Kapag nakita ko ‘yung driver na ‘yun…Tss!
Pagkarating ko sa tapat ng school nina Freak, I looked at the
time, mukhang hindi pa lumalabas si Freak. According to her
schedule, 5:00 PM ang uwian nila. I hope it didn’t change. Or else,
I have to look for that driver and get my change back. I still need
that money.
For now… I’ll wait for her.
-=-
“Haay, salamat! Sumama ka rin sa’min, Nads,” sabi ni Liz.
Nag-aya kasi silang pumunta sa restobar ni Rocky at sa hindi
ko maipaliwanag na dahilan, napa-oo naman ako kaagad. Ewan ko
ba? Parang ganado ako sa araw na ‘to na makasama sila.
Sumabay na lang ako sa sasakyan ni Liz, palabas na rin kami
ng University.
“Pero ‘wag tayong masyado magpa-late ah? Hahanapin ako ni
Daddy sa bahay—,” napahinto ako nang makita ko siya. Si Troy…
Nakatayo siya sa tabi ng gate ng university at pasilip-silip sa
loob. Napapatingin rin sa kanya ‘yung ibang schoolmates ko.
Siguradong kilala nila si Troy. Sinong college girls ba ang hindi?
“Nads? Bakit?” tanong ni Liz, at saka niya inihinto ang sasakyan.
Napatingin siya sa direksyon na tinitingnan ko. “Ay teka, si Troy ba

124
V O L U M E F O U R

‘yun?” ‘di makapaniwalang tanong niya sa’kin. Hindi ako nakasagot,


basta pinagmasdan ko lang si Troy na nakasandal na ngayon sa
pader at nakapamulsa ang magkabilang kamay. “Totoo nga ang sabi
ni Pong. Ang laki ng ipinayat niya pero he’s still handsome pero…
he needs to gain some weight, I think? Nads,” tawag ni Liz sa’kin
saka ako humarap sa kanya. “Gusto mo bang tawagin na natin kasi
ikaw lang din naman ang hinihin—.”
“Hindi na, tara na.” Dumiretso ako ng tingin at pilit na
pinipigilan ang sariling ‘wag tumingin sa direksyon ni Troy.
“Sigurado ka?”
“Oo, tara na.”
Pagkaandar ng sasakyan ni Liz, napahawak ako sa magkabilang
kamay ko. Hindi ako mapakali. Napatingin rin ako sa rearview
mirror at nakita ko si Troy na nakatayo pa rin doon nang mag-isa.
Pumikit ako at saka sinabing…
Ayos lang ‘yan… Ayos lang…
Nakarating kami sa restobar at parang ngayon ko lang ulit sila
nakita.
Sa tagal ng mga araw na mas pinili kong magpaka-busy sa
bahay, school, at OJT, sobra ko silang na-miss.
Umupo kaming lahat, katabi ko si Luke sa upuan. Kumain at
nagkwentuhan lang kami. Pero ako? Naiwan ang utak ko sa lalaking
naghihintay sa may gate ng university. Siguro naman, umalis na siya
do’n, ‘di ba!? Maya-maya pa, narinig ko nang boses ni Adrian.
“Oh! Bakit nag-umpisa na kayo eh wala pa ‘ko?!” si Adrian na
kararating lang. Do’n ko lang napansing kanina pa pala siya wala
kaya walang tumatawa ng BWAHAHA!
“Kaya nga kami nag-umpisa kasi wala ka pa, ahahaha!” biro ni
Rocky.
“Para naman ganahan kami sa pagkain. Nilubos na naming
wala ka pa, ‘tol,” dagdag ni Luke.

125
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“BWAHAHA! Napakahuhusay niyo talagang sumagot. Pero ‘di


lang naman ako ang hindi niyo hinintay! Kasama ko na siya!”
At napatingin na lang ako sa lalaking papasok ng restobar.
Parang tumigil ang puso ko habang papalapit siya sa’min.
Magkatitigan kaming dalawa hanggang sa nakalapit siya. Habang
ang BITCHes ay tahimik, sina Rocky at Basty na ang tumayo para
salubungin ng yakap si Troy.
“Pare! Long time no see!” sigaw ni Rocky.
“Troy, welcome back,” sabi ni Baste.
Nakaupo lang din si Luke sa tabi ko at nakita kong tumango
lang siya kay Troy na napatingin sa kanya. Ewan ko lang kung
anong ibig-sabihin ng mga tinginang ‘yun. Pero kaming mga
girls, tahimik na nag-uusap gamit ang mga mata namin. Lalo na
nang paupuin nila si Troy sa harapan ko—namin ni Luke. Parang
naririnig ko nang sinasabi ng BITCHes na…
Awkward…
‘Di ako makatingin sa kanya kahit na ang pakiramdam ko ay
nalulusaw na ‘ko sa mga titig niya. Nakatingin lang ako sa plato ko
na hindi pa rin nababawasan ang laman nitong pagkain. Si Luke
naman, tuloy lang sa pagkain niya.
Binigyan nila ng plato si Troy at si Chris na ang nagkusang
lagyan ito ng pagkain.
“Buti naman at hindi niyo kami inubusan ah. Bwahaha!
Kailangan pa namang kumain ni Captain. Eh mukhang namayat
ng husto—AH!!!” sigaw ni Adrian sabay… “Bwahaha! AH-LAB-
IT! Kain na!” Halatang sinaktan ni Liz si Pong nang hindi namin
nakikita.
“So, Troy,” biglang nagsalita si Sandy kaya lahat kami ay
napatingin sa kanya. Nakatingin lang siya sa hawak niyang kutsara.
“How are you?” saka pa lang siya tumingin kay Troy.
Napalunok ako sa kaba. Ano bang ginagawa ni Sandy?!

126
V O L U M E F O U R

Napatingin ako kina Liz at parehas lang sila ni Chris na walang


alam sa ginagawa ni Sandy ngayon.
“I’m doing good,” at saka siya tumingin sa’kin. “But not so fine.”
Nakatingin rin ako kay Troy pero umiwas ako nang hindi ko na
kinaya ang bigat ng titig niya.
“Well, that’s good to know. Kala kasi namin nasa ibang bansa
ka na dahil hindi ka nagparamdam sa’min. Kala nga namin…
nakalimutan mo na kami.”
Nakakalimutan ko na nga atang huminga sa mga oras na ‘to.
Ano bang ginagawa mo, Sandy!?
Tahimik din ang lahat na tulad ko. Ewan ko lang kung anong
tumatakbo sa mga utak nila ngayon. Parang nag-aabang nga rin sila
ng isasagot ni Troy eh.
“No, never. I won’t forget any of you,” sabi ni Troy na nakatingin
pa rin sa akin.
Unti-unti akong napatingin sa kanya. Those pair of eyes na
parang sinasabi na stare at me and look what’s inside. Look at me and
see how hurt I am when I lost you. Look at me once again…Nadine.
Gusto kong umiyak right at this moment pero napigilan ko ang
sarili ko nang hawakan ni Luke ang kamay ko sa ilalim ng lamesa.
As if he’s telling me that it’s okay.
Kasabay pa nito ang pag-uumpisa ng pagkanta no’ng singer
dito sa restobar.
I lost the sunshine and roses, I lost the heavens of blue,
I lost the beautiful rainbow, I lost the morning dew.
“Are you here for good? O aalis ka ulit?” diretsang tanong ni
.
Tumingin siya kay Sandy at saka sinabing, “I’m here for good…
I won’t go anywhere anymore. My home is here,” at tumingin na
naman siya sa direction ko. “That’s why I have to stay.”
I lost the angel who gave me summer, the whole winter too.

127
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

I lost the gladness that turned into sadness,


When I lost you.
“Okay! Okay!” sabi ni Sandy habang pumapalakpak. Napatingin
kami sa kanya na tiningnan kami isa-isa. “Troy will stay, he won’t
leave anymore. That’s what we all want to happen, right?” saka siya
ngumiti sa’min.
“Tama naman si Babe,” sabi ni Rocky saka niya inakbayan si
Sandy. “Kaya naman…sagot ko nang lahat ng ‘to!” sabay turo sa
mga pagkaing nasa table namin. “At kumuha pa kayo kung gusto
niyo.”
“Bwahaha! Let’s all party.”
Tumagal ang pag-stay namin sa restobar at ‘di ko na
namalayang isa-isa na silang umaalis sa table ng grupo. Hindi
ko alam kung sinasadya nila ‘yun o ano, basta ang ending, kaming
dalawa na lang ni Troy ang natira.
Gusto ko na ring umalis pero parang may super glue sa
kinauupuan ko at hindi ako makatayo.
Hanggang sa…
“Can we talk?” narinig kong tanong niya. Napatingin ako sa
kanya pero hindi ako nagsalita. “You’ll see me everyday…” dagdag
pa niya. Huh? Hindi ko na-gets…
“Everyday…I’ll keep hoping that someday you’ll learn to
forgive me. I will never not stop saying sorry for what I did. I’m
sorry…”
Hindi pa rin ako nagsalita. Buti na lang at tuloy lang ang
pagkanta no’ng singer kaso sumasakto naman ‘yung tema nung
kanta sa’ming dalawa…
My pride, my ego, my needs, and my selfish ways
Caused a good strong woman like you to walk out my life
Now I never, never get to clean up the mess I made, ohh…
And it haunts me every time I close my eyes

128
V O L U M E F O U R

Umiwas ako ng tingin sa kanya saka ko sinabing, “Saka na lang


uli tayo mag-usap, Troy. Ayoko munang pag-usapan ‘yan ngayon.”
“Galit ka pa ba sa’kin, Nadine?” tanong niya.
Gusto kong sabihing mas lumala ang galit ko sa kanya nang
hindi niya ‘ko binalikan kahit na sumuko na ‘ko. Hindi siya
tumawag, pumunta sa bahay, o kahit anong paramdam man lang.
Pero lahat ‘yun…lahat ‘yun nawala nang makita ko siya no’ng
nasa Tarlac siya. Lahat ‘yun ay napawi nang hawakan ko ulit ang
mukha niya at makita na hindi lang ako ang naging miserable dahil
sa paghihiwalay naming dalawa.
“Oo, galit pa rin ako.”
Galit pa rin ako sa sarili ko dahil ‘yung gusto kong gawin niya
para sa’kin, na balikan ako, eh hindi ko rin ginawa para sa kanya.
“I understand…” sagot niya. Gusto kong sabihing hindi mo
naiintidihan.
Oh, I know I’m probably much too late
To try and apologize for my mistakes
But I just want you to know
Tumayo na ‘ko at saktong dumating na si Luke. Napatingin ako
sa mga mata niya.
“Luke, pwede mo ba ‘kong ihatid sa bahay? Gusto ko nang
umuwi.”
Tumango naman siya at saka sinabing, “Sure, tara. Nando’n sila
sa kusina, mga nagluluto. Sabihan ko na lang sila sa text.”
Kinuha ko niya ‘yung bitbit kong gamit kanina at naglakad na
kami ni Luke palabas ng resto bar. ‘Di na ‘ko tumingin kay Troy
after no’n.
Now my baby’s dancing
But she’s dancing with another man
-=-
“Ano?! Nagkakapag-usap ba?!! tanong ni Adrian habang mga

129
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

nakasilip kami dito mula sa kusina. Lahat kami ay nakatanaw sa


labas, kina Nads at Troy na mukhang nag-uusap na.
“’Wag kang maingay Pong, baka marinig tayo,” saway ni Liz.
“Gosh, it’s so hot in here. Can we all just moved out now?”
tanong ni Sandy.
“Sorry, Sandy ah. Medyo naramdaman mo ‘yung taglay kong
init,” tumingin siya sa’min at lahat kami ay mga naka-poker face sa
kanya. “Bwahaha! Kayo naman, ‘di na .” Binalik niya ‘yung
tingin niya sa labas.
“Oh, oh! magkatitigan sila ngayon oh. Nakakakilig!” si Liz.
“Magkatitigan lang, nakakakilig na?” tanong ni Chris.
Habang nakatingin pa rin sa labas. “Pagpasensyahan mo na si
Queen, Chris. Kasi naman, titig ko pa lang, bigay na ‘yan. Bwahaha-
AH!” saka pinalo ni Liz si Adrian sa likuran niya.
“Hindi pa ba pinupuntahan ni Troy si Mr. President?” tanong
ni Basty.
“Ang alam ko, hindi pa. Kaya nga kanina…bwahaha! Parang
gutom na gutom na sa labas ng University niyo, Queen. Nakatingin
sa mga tusok-tusok. Sumama lang nang sinabi kong may kainan
at…nandito si Nads. Bwahaha!”
“Tsk, tigas talaga ng ulo ng isang ‘yun,” sabi ko.
“Oh tumayo na si Nads-Oh! Lumapit na si Luke,” sabi ni Liz
habang nakatingin sa labas.
“Etong si Luke, pasaway din. Kita mo? Nilapitan agad ‘yung
dalawa?” sabi naman ni Adrian.
“Ayos lang, mukhang ayaw nang makipag-usap ni Nads e,”
dagdag ni Chris.
“Ano sa tingin niyo…?” pauna ko sa kanila. Tumingin naman
sila sa’kin saka ko itinuloy ‘yung sinasabi ko. “Magkakabalikan ba
sila?”

130
V O L U M E F O U R

Walang sumagot, tinitigan lang nila ako. Pero nang sasagot na


si Adrian…sabay naming tinakpan ni Baste ‘yung bibig nito.
“Hmmmm! Mmhhhhh!!!!” iling nitong baliw na ‘to.
“’Wag ka ng magsalita, please lang,” sabi ni Baste.
“May sa-kung ano ka pag nagsasalita eh. Baka magkatotoo pa
kung pangit ‘yang sasabihin mo,” dagdag ko naman.
Wala naman kaming magagawa kung anong magiging desisyon
nilang dalawa. Nandito lang naman kami para samahan sila o
payuhan sila kung kailangan.
Pero sana naman, maging ayos ang desisyon nila sa huli.
-=-
Nag-aagahan na ‘ko para pumasok sa school nang tumunog
‘yung doorbell namin. Tatayo na sana ako para tingnan kung sino
ito kaso si Mommy na ‘yung lumabas. Wala na sina Daddy at Kuya,
maaga silang umalis ng bahay.
Tumayo na lang ako para kumuha ng tasa para magtimpla ng
kape. At habang naglalagay na ‘ko ng mainit na tubig…
“Kumain ka na rin dito, hindi pwedeng hindi!” narinig kong
boses ni Mommy kaya napatingin ako sa bandang pintuan sa may
sala habang naglalagay ng tubig sa tasa.
“No, it’s okay—.”
“AH!” sigaw ko sabay patong ng thermos sa lamesa. ANG
INET! Naibuhos ko ‘yung mainit na tubig sa kamay ko na may
hawak nung tasa.
“Nadine, anak, anong nangyari?!”
Nakatingin na silang dalawa sa’kin, si Mommy at si…Troy.
Lumapit sa’kin si Mommy at saka sinabing, “Ano ka ba naman,
mag-iingat ka.”
Tumingin ako kay Mommy at saka ako tiningnan si Mommy
na parang sinasabing, Bakit niyo siya pinapasok???

131
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Pinanglakihan lang ako ng mata ni Mommy na parang sinasabi


niyang, Bisita ‘yan. Lumingon siya ni Troy, at saka
nito sinabing, “Tara dito, Troy. Kumain ka na. Sabayan mo na kami
dito.” Ayaw pang lumapit ni Troy at halatang hindi alam ang gagawin
hanggang sa nilapitan na siya ni Mommy at hinila papuntang table.
Sasabihin ko na sanang tapos na ‘kong kumain kahit
nakakadalawang subo pa lang ako nang biglang sabihin ni Mommy
na…
“Kakaupo lang ni Nadine dito, kaya tamang-tama ang dating
mo. Kumain muna kayo,” naka-smile na sabi ni Mommy. Tiningnan
ko siya pagkarinig ko ng KAYO. Iiwan kami ni Mommy!? NO!!!
Pero wala na ‘kong nagawa, umupo na lang ako. Magkaharapan
kaming dalawa. Kagabi pa ‘yung ganitong set up ah?
Parang sinasadya ng tadhana na iiwan kaming mag-isa palagi.
Tinuloy ko na lang ang pagkain ko nang tahimik nang maka-
alis na si Mommy, sa pagdadahilang may naiwan siyang gagawin
sa kwarto niya. Bigla akong napahinto at napatingin kay Troy nang
tumayo siya at pumunta sa gilid ko.
Hindi ko magawang tumingin sa kanya hanggang sa nagsalita
na siya.
“Go, treat your burnt skin,” narinig kong sabi niya. Napatin-
gala ako sa kanya mula sa kinauupuan ko sa sinabi
niyang ‘yun. “Huh?”
“Your hand,” sabi niya. Hand? Napatingin ako sa kaliwang
kamay ko at nakita ko ngang namumula ‘to. “Let’s cool down your
burnt skin.”
“Huh?” Nawawala ako. Hindi ko na alam ang pinagsasabi niya.
“Tss,” iling niya saka sumenyas na tumayo ako at lumakad
papunta sa may lababo. Para akong na-hypnotize ng lalaking ‘to.
Hindi ko nga rin alam bakit bigla ko siyang sinunod.
Pagkalapit namin sa lababo, binuksan niya ‘yung gripo at saka

132
V O L U M E F O U R

ako tiningnan.
“Huh?” iling ko na naman. ANO BA!?? HINDI KO NA MA-
GETS ANG NANGYAYARI!
“It’s just almost two months, and you became worse.”
Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at saka ito inilapit sa tubig
na nanggagaling sa gripo. Tinapat niya sa tubig ‘yung parteng
namumula.
Nakatingin lang ako sa kanya habang siya naman ay nakatingin
sa kamay kong hawak niya.
Ngayon ko lang naramdaman ‘yung hapdi ng balat kong
bahagyang nasunog. Ngayon lang, kung kelan hawak niya ‘to.
Kusa namang dumadaloy sa aking buong pagkatao ang
nang magkahawak naming mga kamay.
Tulad ng pakiramdam ng kamay ko… Mahapdi at may
kaunting kirot ang nararamdaman ko ngayon. Pero dahil sa tubig
na dumadaloy sa kamay ko ay nawawala ang sakit at unti-unting
gumiginhawa ang pakiramdam ko. Pero kahit gano’n, alam kong
nandito pa rin ‘yung kirot na hindi ko pinansin.
Bigla kong inilayo ‘yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya
sa’kin. Nakaiwas pa rin ako ng tingin sa kanya.
“Okay na, ayos lang,” sabi ko.
“It’s not okay—,”
Tumingin ako sa kanya at saka ko sinabing “Okay na ‘ko. Okay
na eh. Bakit kailangang ipaalala mo na naman na nasaktan ako
sa’yo ah? Bakit?” bigla na lang akong lumuha sa harapan niya.
“Freak, I’m—,”
“‘Wag mo na ‘kong tawagin niyan, please naman.”
“I’m sorry,” nanginginig niyang sabi kasabay nang kanyang
pagtungo. “I’m sorry, Nadine.”
“Kapag nakikita kita, pinapaalala mo lang sa’kin kung gaano

133
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

kasakit ‘yung nangyari sa’tin noon.” Pinunasan ko ‘yung luha ko.


“Pinili kong ‘wag nang isipin lahat pero eto ka, parang gusto mong
iparamdam sa’kin na dapat masaktan uli ako. Na hindi ko pwedeng
kalimutan ‘yun.”
“Hindi ‘yun ang gusto kong mangyari. Sorry—,”
“Sorry ka ng sorry! Tapos na, nangyari na. Bakit ka pa nagso-
sorry—,”
“Because it’s still there!” sigaw niya. “The pain of our past is still
there,” itinuro niya ‘yung bandang dibdib ko. “And it’s still here,”
itinuro naman niya ang dibdib niya. “We’re still hurting each other,
Nadine.”
Yumuko ako nang hindi ko na siya makayanang tingnan pa.
Guilty ako sa sinabi niya. Nandito pa rin ‘yung sakit ng nakaraan,
hindi siya nawala tulad ng inaakala ko.
“Nadine.” Naririnig kong nanginginig ang boses niya at alam
ko na umiiyak siya. “Stop hurting yourself because of me. Please.
Pass every pain you have to this b*stard.” Tumingin ako sa kanya at
nakatingin na siya sa’kin ng may mga luha sa kanyang mga mata. “If
you really… If you really don’t want to see me anymore—,”
Pinalo ko siya sa dibdib niya. Hindi ko alam kung gaano kalakas
o kahina, basta ang alam ko lang ay gusto ko siyang gisingin.
“Ang tanga mo,” at pinalo ko pa siya ng isa. “Ang tanga-tanga
mo, Troy.” Tumungo lang siya at hindi nagsalita. Gusto ko siyang
paluin, hamablusin, lahat na nang magising siya!
Umalis ako sa harapan niya at tuluy-tuloy na nagpunta ng
kwarto. Ni-lock ko ‘yung pinto at saka humiga sa kama. Umiyak
ako nang umiyak hanggang sa masira na ‘yung makeup na nilagay
ko kanina.
“Ang tanga mo talaga!” Gusto mo na namang umalis
samantalang ang gusto ko lang naman na gawin mo noon ay ang
‘wag akong iwan!

134
V O L U M E F O U R

Nakakainis ka.
-=-
“Give yourselves enough time to think, Troy. It’s not easy for
the both of you. May mga bagay na nasira noon at hindi niyo
basta-bastang maibabalik uli ‘yun ngayon. Yes, time can heal pero
it can only help a person to heal if he/she is willing to be healed.
For now? Wala pa. Wala pang may gustong gumaling ang sugat
dahil parehas niyo pang pinipilit na napakasakit nang nangyari,
na nasasaktan pa rin kayo, na gusto niyong solohin ang lahat ng
sakit. Healing is not a one-way process pagdating sa puso. There
must be someone who’s willing na gumaling, at ‘yung taong willing
maghintay sa tuluyang paggaling ng taong mahal nila. They
should help each other. Tandaan mong walang mabilisang gamot
sa sakit sa puso. ”
I understand.
Hindi ako dapat magmadali at hindi ko rin siya kailangang
iwan ngayon dahil I have to be there. We must help each other.
“Boss, kanina ka pa rito ah,” sabi nung guard. “May balak
ka bang mag-apply ng gwardya dito?” I looked at him and he
immediately cleared his throat. “Eh ang sa’kin lang naman, hindi
pa kita nakitang umalis sa pwesto mo at kaninang tanghali ka pa
rito. Maggagabi na rin, hindi ka pa ata kumakain. Tsk tsk tsk, ang
hirap ng buhay pag wala kang pera ‘no? Wala rin akong pera eh.”
He has a point. I don’t have much money left in my pocket.
Tinanggihan ko pa rin ang inaalok na pera ni Hans. I’m now
thinking if I should go to that old man and… “Never mind.”
“Oh? Tsk. Alam mo, bakit ‘di ka mag-apply ng… ano bang
natapos mo?”
I looked away from him. “I haven’t finished college yet.”
“Ah? Ano kamo? Fish net?”
“Tss! Hindi pa ‘ko tapos,” I answered.

135
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Ahh. Eh bakit may fish net—ay ewan. ‘Di ka pa pala tapos,


mahirap ‘yan. Pero ayos lang ‘yan, gusto mo ba mag-janitor na
lang? Tulungan kitang makapasok dito sa loob.”
Tiningnan ko siya.
“Ah. Ah ano, iniisip ko lang naman kung gusto mo—,”
“Should I?” Tss, I will look like a stalker kung hanggang loob ng
school ni Freak eh susundan ko siya.
“Bisaya ka pala?”
“What?”
“Sabi mo kasi, shu day. Dong dapat, hindi Day. Lalaki ako,
ano ka ba naman. Pero ano ba talagang ginagawa mo rito? May
inaabangan ka ba o ano?”
“I’m waiting for my…” What? “For my girlfriend.”
“Gerlpren!?” He laughed at me. Thank God I have lots of
patience right now. “Mukhang gutom lang ‘yan. Ayun oh! Mura
lang do’n sa ihaw-ihaw na ‘yun.”
“Sa malamig! Ihaw-ihaw!” the vendor yelled.
Ngayon ko lang naramdaman ang gutom mula kaninang
umaga.
Lumapit ako sa ihawan like a d*mn man who haven’t eaten for
years. My eyes glittered and my mouth watered to whatever kind of
food I’m seeing right now.
“Sir! Ano pong gusto mo?”
I cleared my throat and said “This, this, and that. Give me all
of that.”
“Oki Ser! Dis-disen dat! Gib me ol op dat, coming!”
-=-
Tapos na ang klase at palabas na ‘ko ng university. Hindi na
‘ko nakasabay kina Sandy kasi may ginawa pa ‘ko dito sa school.
“Are you sure hindi ka sasabay?” tanong ni Sandy habang nasa

136
V O L U M E F O U R

loob siya ng sasakyan.


Ngumiti ako at saka ko sinabing “Okay lang. May gagawin pa
‘ko.”
“As if, baka sunduin ka lang ni Luke just like kanina ng ihatid
ka niya rito. Are you two dating?”
“Ano ka ba, Sandy,” saka ako nag-pout.
“Fine, I get it. Mas gusto mo ‘yung hindi nagpakita ng almost
two months. I get it.”
“Pwede ba.” Nagbuntong hininga ako bago nagsalita. “Sige na,
ingat ka sa pagda-drive.”
“Okay, bye!”
Ang totoo, tinawagan ako ni Mr. Hans dahil sinabi niyang
siguradong pupuntahan uli ako ni Troy dito sa university para
sabayang umuwi. Wala raw pantawag si Troy kaya siya na ang
tumawag sa’kin para makapagkita kami. Hindi raw siya inutusan
ni Troy na tawagan ako kaya humihingi siya ng paumanhin sa’kin
tungkol dito.
Naintindihan ko naman. Alam kong naaawa rin si Manong
Hans sa amo niyang pasaway.
Pero sa nangyaring sagutan naming dalawa kanina sa bahay,
siguradong hindi na tumuloy si Troy dito sa university.
“Bye po, Miss Nadine,” paalam nung guard namin. Kilala na
rin kasi ako nito dahil kaibigan ko si Sandy na kapatid ng may-ari
ng school.
“Bye po, Kuya—,” napahinto ako nang may makita akong
malaking mama na kumakain sa tapat ng ihawan dito sa labas
ng university. Pinagmasdan ko siya mula rito sa gate at ‘di ko
maiwasang mag-alala dahil halata pa rin talaga ang pagbagsak ng
timbang niya. Gusto ko tuloy siyang ipagluto—“No, Nads. ‘Yan ka
na naman. Hindi pwede—.”
“Ma’am, baka kilala niyo ‘yung hinihintay niyang gerlpren.”

137
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Po?” lumingon ako kay Manong Guard.


“Eh kanina pa ‘yan dito eh. Mga tanghali nang dumating ‘yan.
Kala ko nga mayaman eh. Umiingles kaso mukhang peyk. Dyan sa
ihawan kumain eh. Wala rin namang sasakyan at sa jeep bumaba
kanina nung dumating dito sa tapat.”
“Jeep po?” tanong ko. Siya? Nakasakay sa jeep mag-isa?
“Oho, eh iniisip ko nga na baka ‘di sinipot ng gerlpren niya
‘yan kasi ‘di niya alam na break na sila,” natatawang sabi ni
Manong Guard. “Eh sa pagkakaalam ko sa mga estudyante dito,
puro mayayaman at ang karaniwang gusto ay mayayaman din na
boyprend. Pero syempre, Ma’am, labas kayo dun. Kawawa naman
kaming mga pogi pero nakalansing ang pera sa bulsa.” Saka tumawa
si Kuya.
Para siyang ewan. Bakit niya ibinaba ang sarili niya ng ganyan?
Naiinis ako tuloy sa sinabi ni Kuya base sa itsura ni Mokong ngayon.
“Ma’am, ayos ka lang?”
“Po?” lumingon ako kay Manong Guard.
“Umiiyak ka po.”
Napahawak ako sa mga mata at cheeks ko. Lumuluha nga ako.
Pero bakit, Nads!? Tumingin uli ako kay Mokong. Bumilis ang
tibok ng puso, parang hindi na ‘ko makahinga. Hindi ko alam kung
nasasaktan ako o natutuwa sa nakikita ko. “Para kang sira,” bulong
ko.
‘Di pa siya sumusuko.
Napahawak uli ako sa aking sikmura. Sumasakit na naman.
Napapikit ako nang mas tumindi ang kirot. Hanggang sa hindi ko
na namalayang nasa harapan ko na pala si Troy.
“Nadine, are you okay?”
Napatingala ako sa kanya. Gusto kong ibalik sa kanya ang
tanong pero hindi ko ginawa. Tumayo ako ng ayos at saka sinabing
“Ano bang ginagawa mo rito ah?” Napatingin ang mga mata ko kay

138
V O L U M E F O U R

Manong Guard na halatang nagulat sa’ming dalawa ni Troy dahil


magka-usap kami.
“I’m just passing by and wasting my time. Tss! Isn’t it obvious?
Sasabayan kita pag-uwi.”
Tatanggi na sana ako pero bigla kong pinigilan ang sarili ko.
Naalala ko ‘yung sinabi ni Manong Guard kay Troy pati ang pagtawa
niya sa kawawang dating nito habang kumakain ng ihaw-ihaw.
“Tara,” sabi ko at saka ako naunang maglakad kay Troy. Hindi
ko na tiningnan ang itsura ni Manong Guard, alam kong lalamunin
siya ng hiya sa sinabi niya kanina. Ang totoo, nakaramdam ako ng
inis sa sinabi niya tungkol kay Troy at hindi ko alam kung bakit.
“I don’t know but that guard is getting into my nerves. Tss!”
“Bakit ka pa pumunta dito? Wala ka namang sasakyan at hindi
ka rin binibigyan ni Tito Conrad ng pera ngayon. Masasayang ang
pera mo sa pagpunta-punta mo rito.” Hinihimas ko pa rin ang tiyan
ko dahil kumikirot pa rin.
“Don’t you get it? Hindi ko inisip na masasayang ang ginagawa
ko dahil lahat ng ‘yun ay para sa’yo. I know that you know me better
than anyone else. Hindi ko sinasayang ang oras ko to something
that’s not important.”
“So ‘yung pagpasok mo sa school, hindi importante?”
Napatingin ako sa kanya saka ibinalik ang tingin sa dinaraanan
namin. “Kung gamitin mo kaya ‘yang natitira mong pera bilang
pamasahe sa pagpasok mo? Para naman matuwa sa’yo si Tito
Conrad at ibalik lahat ng kailangan mo.”
“All I need is you.”
Inis! Bakit alam niya lahat ng tamang sabihin!?
“If saving this money and going to Austine would help me
comeback to you, I’ll do it.”
“Bahala ka,” ‘yun na lang ang nasabi ko dahil hindi ko na
maintindihan ang nararamdaman ko. Bigla namang nanlalambot

139
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

ang mga tuhod ko. Gusto ko ng makakapitan.


“I have no car today but—,” Napakapit ako sa braso ni Mokong.
“Freak!?” Hinawakan niya agad ako sa magkabilang braso para
itayo nang maayos. “What’s happening!?”
Pilit kong iminumulat ang mga mata ko. “Nahihilo ako,
nanlalambot…”
“Sh*t!” Naramdaman ko na lang na binuhat niya ‘kong parang
bagong kasal. “Double sh*t, Freak! What are you doing to your
life while I’m gone!? Are you sick!? Sh*t, you’re not taking care of
yourself. I’m not always here to—,”
“Ikaw? Anong ginawa mo no’ng wala ako?” Ramdam ko ang
mabilis na pagtibok ng puso niya. Nakatingin ako sa kanya at
napatungo rin siya sa’kin habang mahigpit ang pagkakahawak sa
katawan ko.
“Inisip lang kita. Inisip nang inisip, Freak,” mahinang sabi niya.
At saka ko na lang narinig na may jeep na huminto sa tapat namin.
“Take me to the hospital, please!” Naramdaman kong isinakay na
‘ko ni Mokong sa jeep at saka niya ako tinabihan.
Nakasandal ako kay Mokong at naka-alalay sa aking likod ang
kanyang braso. Gusto kong umiyak, na-miss ko siya. Sobra-sobra.
Parang gusto kong sabihing I’m Home.
Sana hindi ‘to panaginip. Sana sa paggising ko, nandito pa rin
siya sa tabi ko. Sana.
-=-
Nagtakbuhan kami papasok ng ospital. Kabado kaming
tatlong BITCH sa binalita sa’min ni Kuya Stephen. Nagkasabay-
sabay kami nang dating dito sa ospital at hindi na kami nakapag-
usap-usap dahil tuluy-tuloy na kaming pumasok sa loob.
“Basty!” tawag ko. Sinabi niyang aabangan niya kami dito sa
lobby.
“Nasa’n na si Nads? Kamusta?” nag-aalalang tanong ni Liz.

140
V O L U M E F O U R

“That BITCH is making us worry,” sabi naman ni Sandy.


“Nasa kwarto na siya, nagpapahinga,” sagot ni Basty sa’min.
Sabay-sabay kaming nakahinga ng maayos. “Buti naman,” sabi
ko.
“Tara sa kwarto niya. Nandito na rin sina Tita at Tito.”
Pumunta kami sa kwarto ni Nads at naka-usap namin si Tita
Alma. Nakita pa naming nasa labas ng kwarto ni Nads si Luke. Mas
pinili niyang sa labas na lang magbantay para raw ma-solo ni Tita
Alma si Nads.
Sinabi ng doctor na na-overfatigue raw si Nads at meron siyang
mild ulcer. Nagbunga na ‘yung ginawa niyang pang-aabuso sa
katawan niya nitong mga nakaraang linggo.
“I told her na ihahatid ko na siya but she refused. Buti may
naghatid sa kanya sa ospital,” sabi ni Sandy.
Nandito na kami ngayon sa loob ng kwarto. Kausap namin si
Tita Alma habang mahimbing na natutulog si Nads.
“Oo nga. Buti na lang talaga at naihatid siya kaagad ni Troy dito
sa hospital.”
Nagkatinginan kaming tatlo. “Tita,” tawag ni Liz. “Si Troy po
ang naghatid? Edi ibig-sabihin, magkasama sila?”
“Pumunta kasi si Troy sa bahay kanina at narinig kong medyo
nagkataasan sila ng boses habang nag-uusap. Akala ko nga eh
magkagalit pa rin sila hanggang ngayon kaya nagulat din akong
magkasama pa rin naman pala ang dalawang ito. So yes, siya ang
naghatid dito kay Nadine. Siya rin ang tumawag sa’kin para ipaalam
na nandito si Nadine. Muntik na nga akong mag-panic.” Nakatingin
si Tita kay Nads habang nakatayo sa gilid ng kama nito. “Buti na
lang at sinabi ni Troy na okay na si Nads. Kapag siya ang nagsabing
okay na ang anak ko, naniniwala ako. Kaya kumalma naman ako.”
“Pero, nasa’n po si Troy ngayon?” tanong ko.
Tumingin sa’min si Tita at slight na nag-smile. “Kasama ng

141
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Kuya ni Nadine.”
“Patay,” sabay-sabay naming nasabing tatlo. Dahil sa lahat, si
Kuya Stephen ang galit na galit sa pagbe-break nila ni Nads. Nung
mga nakaraang linggo, no’ng mga oras na devastated pa si Nads sa
breakup nila ni Troy, hindi lang kami ang umaalo sa kanya kung
hindi pati na rin si Kuya Stephen.
Hinahatid at sinusundo niya si Nads sa school o sa OJT kapag
hindi kami free para samahan siya.
“M-Mi?” Napatingin kami kay Nads at biglang sa kanya.
Nilibot niya ang tingin sa’min saka niya sinabing “BITCHes.”
“Ano ka ba naman, Nads! Sabi sa’yo, ‘wag ka masyado magpagod
eh,” inis na sabi ni Liz.
“Ang tigas kasi ng ulo. Freak nga,” dagdag ni Sandy.
“T-Teka. Nasa’n si—,”
“Si Troy ba?” tanong ni Tita Alma. Parang nabuhayan bigla
ang mga mata ni Nads nang marinig niya ang pangalan ni Troy.
Nagkatinginan uli kaming tatlo. Yes, of course, kita namin kahit
noon pa na hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal niya kay Troy.
Kung tutuusin, kahit nung nagkahiwalay sila eh parang mas lalo
pang tumindi ang nararamdaman ni Nads kay Troy.
Kahit hindi niya sabihin, ramdam namin. Lalo na ngayon…
“Kasama siya ng Kuya mo.”
“T-Teka.”
“Nads, ‘wag ka munang bumangon,” saway ko nang aktong
babangon sana siya.
“Mi, baka kung anong gawin ni Kuya.”
“Well, well, well. Don’t worry, Nads. Wala namang criminal
records si Kuya Stephen kaya safe pa naman si Troy,” sabi ni Liz.
Hinalikan ni Tita si Nads sa noo at saka sinabing “Kahit si Troy,
mas gustong magpahinga ka na lang dito. Usapan nilang mga lalaki

142
V O L U M E F O U R

‘yun and don’t worry…” ngumiti si Mommy sa’kin.


“…mabait naman ang Kuya mo.”
-=-
“Ang lakas naman pala ng loob mong magpakita sa kapatid
ko ‘no? Troy?” bungad ko sa kanya matapos kong suntukin ang
kanyang kanang panga. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya
naman kusa ng gumalaw ang kamao ko palapit sa kanya.
Nandito kami sa may fire exit ng ospital.
“Do you know kung ga’no nahirapan ang kapatid ko?!”
tanong ko sa kanya. Naka-iwas lang siya ng tingin sa’kin at hindi
nagsasalita. “Everytime na makikita ko siyang wala sa sarili tuwing
ihahatid o susunduin ko sa school niya o OJT eh gustung-gusto
kong dumating ang araw na ‘to para makastigo kita.”
Pinagmasdan ko si Troy. Halatang hindi rin naging maganda
ang mga nagdaang araw sa kanya. Pero mas concern ko ang kapatid
ko ngayon. Bigla ko namang naalala ang pagpunta niya sa bahay
noon para kausapin sina Mommy at Daddy.
“Sorry po. Sorry.”
Nakatingin lang ako sa kanila mula rito sa kusina. Nakayuko si
Troy habang nakatayo at nakaharap kina Daddy at Mommy.
“Troy, alam ko namang pati ikaw ay nahihirapan din. Relasyon
niyong dalawa ‘yan kaya kahit ano pang mangyari, we cannot
interfere sa naging desisyon niyo. You don’t have to say sorry to us.”
Hindi nagsasalita si Daddy no’ng mga oras na ‘yun. Alam kong
galit ang Daddy pero pinipigilan niya for the sake of Tito Conrad.
“Sir, Ma’am, I’m sorry,” nangingiyak na boses ni Troy.
“Sige na. Umalis ka na, Troy,” ‘yun na lang ang nasabi ni
Daddy.
Nang makalabas naman si Troy ng bahay eh do’n ko pa lang
naisip na gusto ko siyang kastiguhin sa kinahantungan nila ni Nads
pero pinigilan ako ni Mommy.

143
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Stephen, ‘wag kang maging unfair. We still don’t know what


happened sa kanilang dalawa. Kahit bugbugin mo si Troy, walang
magbabago.”
Hinayaan ko si Mommy na pigilan ako dahil alam kong
malapit din sa kanya si Troy. niya rin ‘tong parang anak.
Pero bilang Kuya, hindi ko na kapatid ang sino mang
magpapaiyak sa bunso ko.
“Anong dahilan mo para bumalik na naman ah!? Kung
babalikan mo si Nads, maniwala ka, hindi ako papayag.”
Saka pa lang siya tumingin sa’kin nang seryoso pagkasabi ko
nang mga salitang ‘yun. Mukhang I hit the right spot.
“You can beat the hell out of me if you want, and I don’t mind.
But I cannot promise na iiwan ko pa si Nadine ngayon.”
Napa-ismik ako. “Do you think babalikan ka ng kapatid ko
pagkatapos mong pasamain ang loob niya? Etong nangyari sa
kanya ngayon, dahil ‘yan sa’yo. Tapos ngayon, sasabihin mo sa’king
hindi mo iiwan si Nadine? Bakit? Balak mo bang patayin sa sama
ng loob ang kapatid ko?”
“I’m sorry. I’m really sorry. Seeing her now, hearing everything
that she has gone through, I want to shut myself out of her sight if
that’s the only way to ease her pain. But I chose not to, because I
know . And I badly need her too. We badly need
each other to continue what we’ve left before.”
“Sa tingin mo ba gano’n lang kadali ‘yun, Troy?”
“I didn’t say that it would be easy for the both of us, but I
know that it’s going to be worth the fight. Hindi ko sasabihing sana
bumalik sa dati ang lahat because if this didn’t happen, hindi ko
malalaman lahat ng mali ko na nakita sa’kin ni Nadine. I will start
anew with her and wait for her to accept me again.”
“Troy,” muli ko siyang tinawag. Nakatingin lang siya sa’kin
nang diretso. Binigyan ko uli siya ng isa pang suntok sa panga at

144
V O L U M E F O U R

saka ko sinabing “We both know that you can say every good word
you want. I don’t need it, just prove it.”
Tinalikuran ko siya at saka lumabas ng fire exit. Sinalubong
ako nina Basty at Luke.
“Tapos na ba? Ang bilis naman ata?” tanong ni Luke. “Sana
pinatagal mo pa,” biro ni Luke.
“Baka sa’kin naman magalit ang kapatid ko kapag pinatagal ko
pa,” sagot ko.
Aasahan ko ang sinabi mo, Troy. Marami kaming mga mata na
nakatingin sa’yo.
-=-
Nakakainis! Hindi ako makatulog. Ang sabi eh magpahinga
raw muna ako kaso hindi tulog ang kailangan ko ngayon, kung
hindi pagkain. Nagugutom na ‘ko—oh, may kumakatok.
“Pasok,” sabi ko. Kung kanina ay tunog lang ng sarili kong
sikmura ang naririnig ko dahil sa gutom, ngayon ay kabog na ng
dibdib ko pagkakita ko sa kanya. “Troy.” Umiwas ako ng tingin
habang papalapit siya sa’kin. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ko
nang hindi pa rin nakatingin sa kanya.
“You’re still too slow if you don’t know why.”
Tiningnan ko siya. “Ayoko ng may ibang tao. Magpapahinga
na ‘ko. Tapos na ang visiting hours. Umuwi ka na.” Napatingin
ako sa pintuan nang bigla na naman itong magbukas. This time, si
Mommy ang pumasok.
“Oh Troy, nandito ka na. Thank you hah?” sabi ni Mommy
habang nakatingin kay Troy. Nakita ko namang tumango lang si
Mokong. Ano namang pinag-uusapan nila? “Kinuha ko lang ‘yung
pinadalang pagkain ni Conrad para sa inyo. Hindi na kasi ako
nakapagluto pagpunta ko rito. Kaya nagpadala na lang ng lutong
bahay si Conrad.”
Teka? Tama ba ang rinig ko? Pagkain para sa inyo?

145
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Nilapag ni Mommy ‘yung dala niyang dalawang bag sa side


table ng higaan ko.
“Kainin niyo ‘to kapag nagugutom na kayo. Parehas na kayong
namamayat. Okay? Uwi na ‘ko—,”
“Mi!”sigaw ko.
“Oh, anak?”
“Bakit aalis ka?” tanong ko.
“Ah, kasi uuwi na ‘ko?” sabay ngiti ni Mommy. Nako naman,
parang alam ko na ang nasa isip ni Mommy. Hinimas ni Mommy
ang ulunan ko saka sinabing “Wala kasing mag-aasikaso sa Daddy
at sa Kuya mo bukas. Alam mo naman na kapag iniwan mo ang
dalawang lalaking ‘yun sa bahay–disaster! Nag-volunteer naman si
Troy na bantayan ka magdamag eh.”
Napatingin ako kay Troy na tinitingnan ‘yung laman ng mini
ref. Binalik ko ‘yung tingin ko kay Mommy at saka mahinang sinabi
na “Wala na bang ibang nag-volunteer, Mommy?”
“Eh, ang mga kaibigan mo naman kasi mukhang busy. Syempre,
ayoko namang tanungin sina Luke kasi mukha silang mga pagod
dahil galing silang practice. Tapos, nagmagandang loob si Troy
kaya tinanggap ko na.” Tumayo nang maayos si Mommy. “Oh siya,”
Tumingin si Troy kay Mommy. “Aalis na ‘ko ah? Ba-bye!”
“Mi!” sigaw ko ng nagmamadaling lumabas si Mommy. Haaay!
“Nagugutom ka na?” biglang tanong ni Troy sa’kin habang
tinitingnan ‘yung laman ng bag na dinala ni Mommy.
“Kaya kong mag-isa dito, wala naman akong cancer. Pwede ka
ng umuwi, Troy.”
“Hindi lang ang may cancer ang dapat alagaan. A slow person
needs to be taken care of too,” saka siya tumingin sa’kin. “Do you
want to eat?” Hindi ako sumagot, naka-iwas lang ako ng tingin sa
kanya.
“Then I’ll eat everything.” Isa-isa niyang tinanggal sa bag ‘yung

146
V O L U M E F O U R

mga lunch box tapos umupo sa gilid ng kama ko.


“Do’n ka sa sofa,” sabi ko habang naka-iwas ng tingin.
“I like it here. Mas ginaganahan ako dito. Hmmm….” Binuksan
niya ‘yung isang lunch box. “Are you sure na hindi ka kakain?”
Tumingin siya sa’kin.
Pumikit ako. “Hindi,” kaso kasabay naman nang pagsagot ko
eh ‘yung pagtunog ng aking sikmura. BAD TRIP.
“You once said to me na hindi dapat nag-aaway sa harapan ng
pagkain. So, can you just forget about other things and just eat?
Magalit ka uli sa’kin pagkatapos mong kumain.”
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata nang marinig
kong seryoso ang tono ng kanyang boses. Nakita kong nakatingin
siya sa’kin. “Sige,” matipid kong sagot. Dahan-dahan akong
bumangon at agad naman akong inalalayan ni Troy.
Tahimik kaming kumakain habang parehas na nakaupo sa
kama ko. Ilang na rin ang lumipas na wala akong malasahang
pagkain. Ngayon lang uli ako nasarapan sa pagkain simula nang
maghiwalay kaming dalawa.
Pinagmasdan ko siya habang kumakain. Tapos bigla ko na lang
nasabi na “Pumayat ka.”
Napahinto naman siya sa pagkain at bigla naman akong
sa sinabi ko. Nads! Bakit mo sinabi ‘yun!? Nababaliw
na ‘ko.
Tumingin din siya sa’kin at saka sinabing “Pumayat ka rin.”
Ewan ko ba. Parang sinasabi namin sa isa’t isa na Kamusta ka?
Anong nangyari sa’yo? Kahit hindi naman ‘yun ang sinasabi namin.
“E di okay. Hindi na ‘ko mataba,” sagot ko. Binalik ko na ‘yung
tingin ko sa pagkain ko.
“I’m sorry,” bigla kong narinig sa kanya. Tumingin ako sa kanya
at nakita ko ang seryoso niyang mga mata.
“Kumain ka na lang,” ‘yun lang ang nasabi ko sa kanya.

147
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Pinagpatuloy namin ang pagkain naming dalawa. Pero etong


bibig ko, ayaw manahimik at gustong kausapin si Troy.
“Kailan ka babalik ng Austine?” mahinang tanong ko habang
kumakain. Hindi ako nakatingin sa kanya at gano’n din siya sa’kin.
“I’ll be back soon—.”
“Anong plano mo sa buhay mo?” bigla ko na lang nasabi.
Napatingin ako sa kanya at gano’n din siya sa’kin. ANO BA,
NADS!?? Bakit ba ang kulit ng bibig mo! Hindi mo na kailangang
sabihin ‘yan! Pero kasi…
“What do you mean?”
“Parang pinaparamdam mo kasi sa’kin na lahat ng nangyaring
‘di maganda sa’yo ay ako ang may kasalanan.”
“No, it’s not that—.”
“Nag-quit ka sa school, sa team, sa mga tao, sa mundo. Sa tingin
mo ba masaya akong tingnan ka ngayong alam kong hindi naging
madali sa’yo ang lahat?” Hindi siya nagsalita kaya tinuloy ko na lang
‘yung sinasabi ko. “Nalaman kong galit sa’yo si Tito Conrad kaya
tinanggalan ka niya ng mga kailangan mo. Hindi ka ba makikipag-
ayos sa kanya? Kung wala kang balak na magtino—.”
“Fine, I’ll do it.”
“Huh?” Tumingin siya sa’kin.
“I said, I’ll do it. I’ll go back to school, sa team, kay Dad, to
everything. And to you.”
Kainis. Kailangan kong pigilan ang sarili ko na ngumiti kahit na
may nagsasabi talaga sa utak ko na gusto kong ngumiti. “At sinong
may sabing tatanggapin kita?” Hindi siya sumagot. Mukhang
bullseye ah? Umiwas na ‘ko nang tingin. “Gawin mo ‘yan para sa
sarili mo, Troy, ‘wag para sa iba.”
“I’ll do it for my self and for you,” diretsang sagot niya.
Pagkatapos no’n ay hindi na kami nag-usap hanggang sa
matapos kaming kumain. Inalalayan niya ‘ko papuntang CR para

148
V O L U M E F O U R

makapagsipilyo. Nakaramdam na rin ako ng antok pagkahiga ko sa


kama. Pinatay ni Troy ‘yung ilaw pero iniwang bukas ang lampshade
at umupo sa upuang katabi ng kama ko.
Nakapikit na ‘ko pero hindi ko matuloy ang pagtulog dahil
alam kong nakatingin siya sa’kin.
“Hindi ako makatulog, ‘wag mo ‘kong tingnan.”
“Hindi kita tinitingnan, tinititigan kita.”
Minulat ko ang mga mata ko. Nakita ko siyang nakasandal sa
upuan habang naka-crossed legs at nakatitig nga sa’kin. Kita ko pa
rin ang mga mata niyang intense kung makatitig kahit lampshade
na lang ang nagbibigay ilaw sa buong kwarto.
Magkatitigan kami nang magsalita ako. “Nanalo ako sa cooking
contest.”
“I know. I’m updated with everything that’s happening to you.
I saw your pictures, you look happy.”
Umismik ako. “Talaga lang ah? Nabulag ka na rin siguro. Hindi
ako naging masaya, Troy. Kaya ‘wag mong sasabihin sa’king mukha
akong masaya. Everyday, tinatanong ko ang sarili ko kung anong
naging mali ko kaya nag-break tayo. I just realized na…” Huminga
ako nang malalim bago ko tinuloy ang sasabihin ko. “Hindi lang
pala ikaw ang hindi nagtiwala, ako rin pala. May mga bagay akong
tinago na inakala kong hindi mo agad maiintindihan kaya umabot
sa ganito. Ako ‘yung gumawa ng dahilan para magmukhang
sinungaling sa harapan mo.”
Umayos siya ng upo at inalis sa pagka-crossedarms ang
kanyang mga kamay.
“I’m the one who made you think that you shouldn’t trust
me with those kind of stuff. Bago ako pumunta ng Tarlac, I met
Sebastian and he explained to me everything. In-explain niya kung
ano ‘yung nakita ko sa inyong dalawa no’ng araw na ‘yun. My actions
and words are too mean and reckless. In the end, you just did the
right thing. That is to give up on me. Kung hindi mo ginawa ‘yun,
149
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Nadine, maybe I’m still your immature boyfriend na pinagtitiisan


mo hanggang ngayon. I’m sorry for the cruel words I’ve said and for
the reckless actions I made.”
Hindi na ‘ko nagsalita. Tinitigan ko na lang siya hanggang sa
namimikit na ang mga mata ko.
Hanggang sa narinig kong nagpatugtog si Mokong ng mga
kanta mula sa phone niya para mas makatulog ako. Ilang kanta rin
ang narinig ko hanggang sa dumating sa isang kanta na nagpaluha
sa’kin kahit nakapikit ako…
I must forgive you…
You must forgive me too…
If we wanna try to put things back
The way they used to be
‘Cause there’s no sense in going over and over
The same things as before
So let’s not bring the past up anymore
“Thank you. Thank you for coming back,” mahinang sabi ko.
Hindi ko alam kung nag-iimagine na ‘ko nang maramdaman
kong may dumamping labi sa noo ko. At saka may bumulong sa’kin
at sinabing…
“I love you.”
-=-
After one month…
“Hindi pa rin ba sila nagkakabalikan?” tanong ni Basty.
“Hindi pa. Kasi kung oo, dapat suot na ni Nads ‘yung
engagement ring niya na bigay ni Troy dati,” sagot ni Liz.
“Sa tingin ko, hinihintay lang din nilang tanungin ang isa’t isa,”
hula ko naman.
“Mukhang tama si Chris,” pagsang-ayon ni Luke sa’kin.
Isang buwan na ang nakalipas at nakita kong bumalik ang

150
V O L U M E F O U R

dating sigla ni Nads. Na-kuwento rin ni Tita Alma na kumakain na


rin ng ayos si Nads at nagpapahinga na rin sa oras.
Sabi ni Basty ay bumalik na raw si Troy sa Austine at sa team.
Hindi pa lang daw talaga binabalik ni Tito Conrad ang sasakyan at
ang dating halaga ng allowance nito.
Kung minsan ay naaabutan naming sinusundo ni Troy si Nads
sa school o kaya naman sa OJT namin. Nagko-commute lang sila
pauwi dahil hindi raw nanghihiram ng sasakyan si Troy sa kahit na
sino kina Basty. Hindi naman daw dahil sa pride pero dahil alam ni
Troy na hindi na mahalaga kung may sasakyan siya ngayon o wala,
mas importante ay kasama niya si Nads.
Gano’n din naman si Nads. Wala na sa kanya kung mahihirapan
man silang dalawa na umuwi. Pipiliin pa rin niyang magpahatid
kay Troy tulad nung isang araw.
“Ang lakas ng ulan, bakit ayaw mo pang sumabay sa’kin?”
tanong ko kay Nads habang palabas kami ng building namin.
“Ah? Kasi…May dadaanan kasi ako. Mauna ka na.”
“Edi idadaan kita.”
“Ano ka ba, Chris. ‘Wag ka nang mag-abala. Sige na, una ka
na,” sabi niya habang tinutulak-tulak ako palabas ng building.
“Oo na, oo na.”
Umalis na ‘ko nang hindi siya kasama. Pagkalabas ko ng
university, nakita ko sina Troy at Nads na magkasalo sa iisang
payong at naghihintay ng dadaan na jeep. Huminto pa nga ako sa
‘di kalayuan para tingnan silang mabuti. Nakakahawa ‘yung mga
ngiti nila sa isa’t isa dahil ramdam kong masaya silang dalawa.
Pakiramdam ko nga, parang nililigawan uli ni Troy si Nads.
Unti-unti uli niyang hinuhuli ang loob ng kaibigan namin.
Pinawi nila ang luha ng isa’t isa.
“Nakakatuwa rin ‘yung ginawa ni Tito Conrad na pag-ipit sa
allowance ni Troy,” natatawang sabi ni Luke.

151
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Sabi naman sa’kin ni Basty ay unti-unti na ring dumidistansya


si Luke kay Nads. Naramdaman daw kasi ni Luke na kaya ng
magkaintindihan nina Nads at Troy.
“Alam niyo bang natutong magpa-load si Troy para mag-unlitxt
at magpa-pasa load sa tindahan dahil sa wala na ‘yung line niya?”
”Really? I think that’s cute,” sabi ni Sandy.
“Ganito kasi ‘yung nangyari. Nasa practice kami at kausap niya
sa cellphone si Nads…”
“Yes, I’ll call you later after—Hello? What the—.”
“Bakit Captain?” tanong ni Basty sa kanya.
Tumunog ang cellphone ni Troy, may nag-message sa kanya.
“Zero balance!? What the heck happened to my five hundred peso
load?”
“Baka kinain ‘yung load, Captain?”
“Kinain?” tanong ni Captain.
Nakakatawa siya dahil mukhang kakasilang lang niya sa
mundo ng tunay na buhay.
“Dapat kasi nag-unli ka,” napatingin kami sa pinanggalingan
ng boses, kay Blake.
“Oo. Tama si Antuken, Captain.”
“Teach me that unli you’re saying.”
“Magpa-load ka muna, Captain.”
Nagka-intindihan pa bigla si Antuken at Troy.
“To where?”
“Sa tindahan, sa labas ng Austine mayro’n,” singit ko.
“Oh, pa-loadan niyo muna si Captain. Sinong pwede?” tanong
ni Rick.
Hanggang sa napalingon kami sa bagong dating na baliw. “OH!
BWAHAHA—AH? Ano ‘to, Captain?” Inabutan kasi siya ng isang

152
V O L U M E F O U R

daan ni Troy.
“Pa-load.”
“Tapos si Nads, laging may pabaong pagkain kay Troy. Kahit
na takam na takam na ang buong team sa kinakain ni Troy tuwing
breaktime ay hindi na namin ito kinukuhanan. Kaya tingnan niyo
naman, bumalik ‘yung dating pangangatawan niya,” kwento ni
Basty.
“Magaling kasi kaming mga babae na mag-alaga,” dagdag ni
Liz.
“Bwahaha! Parang hindi naman,” pangloloko ni Adrian kay Liz.
“Oo, mukhang hindi nga ako magaling mag-alaga dahil sa’yo
na tuluyang nabaliw na. Haaay, nako!”
“Tingin ko ang kailangan nila ay konting push with their
relationship,” si Sandy.
“BWAHAHA! Ano ba ‘yan, laki ng problema niyo ah!”
“Kaya please, Pong, ‘wag ka nang dumagdag.”
“Queen naman. ‘Wag gano’n. Pero may naisip talaga ako.”
“Ano na namang balak mo?” tanong ni Basty.
“Bwahaha! Dapat makaramdam sila no’ng bagay na wala ako.”
“Ano?” sabay-sabay naming tanong sa kanya.
“TAKOT! BWAHAHA! Wala akong kinatatakuta—.”
“Tigilan mo na nga ‘yang pagtawa mo nang ganyan, Pong!”
sigaw ni Liz.
“Ah, okay, Queen. Nooooo problem!”
“Wala raw kinatatakutan,” bulong ni Luke.
“Oh, pakinggan natin ‘yang kalokohan mo,” si Basty.
-=-
Nandito uli kami ngayon sa OJT naming tatlo. Last day
namin dito ngayon! Sa wakas! Makakapagpahinga na uli bago mag-

153
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

next sem. Naka-recover na rin ako sa mild ulcer ko at overfatigue.


Though minsan, nakakaramdam pa rin ako ng kirot sa sikmura
pero keri na.
Kanina, hinatid ako ni Troy dito sa OJT ko. Nakakatawa pa nga
kasi hindi nagpapahalata si Troy na nagtitiis siyang makipagsiksikan
sa MRT. No choice rin naman siya dahil wala siyang sasakyan. Pero
masaya ako dahil kasama ko siya.
Sabi niya bago kami maghiwalay na pupuntahan daw niya ‘ko
mamaya sa bahay para may sabihing importante. Halos ‘di siya
makatingin sa’kin habang sinasabi niya ‘yun sa’kin. Ano kaya ‘yun?
Actually, may sasabihin din naman ako sa kanya. I think it’s
time.
Tapos na kaming kumain at pabalik na ang BITCHes sa kanya-
kanya naming floors.
“Uy Nads, busy ka?” tanong ni Liz.
“Hindi naman, may pinapabigay lang sa’kin. Bakit?” Nakatingin
silang tatlo sa’kin na parang nagtataka.
“Talaga bang naging bato na ‘yang puso mo at parang wala
na lang sa’yo ang pag-alis ni Troy mamaya papuntang England,”
biglang sabi ni Liz.
ENGLAND!??? Teka!?? Bakit naman—.
“Don’t tell us, hindi mo alam?” gulat na sabi ni Sandy. “Pero ano
pa nga bang magbabago? Kahit naman ata malaman mo, nothing
will change,” dagdag pa niya.
“Kung sabagay, tumagal na nga ng ilang days, hindi pa rin niya
magawang sabihin kay Troy kung ano ng desisyon niya. Kawawa
naman si Troy, ang tagal naghihintay,” pangongonsensya ni Liz.
“Teka? Eh wala naman din kasi siyang tinatanong sa’kin,”
paliwanag ko. “At bakit naman siya pupuntang England?”
“Baka sumuko na?” sabi ni Chris. “We’re not really sure. Sinabi
lang ni Basty sa’kin.”

154
V O L U M E F O U R

“Nako, magso-soul searching na ‘yun sa England,” dagdag ni


Sandy.
Sumuko!? Eh hindi naman siya nagtatanong kung ano na ba
ang lagay naming dalawa! “Alam mo kasi, Nads, marunong din
namang sumuko ang mga lalaki ‘no.”
“Bakit kasi pinatatagal mo pa, Nads?” tanong ni Chris.
“Nads, baka naman kasi it’s your time to do the move. Ginawa
na niya ang part niya. Pero ikaw, enjoying the moment lang habang
ang puso niya ay inuugat na. Wala kang puso, Nads!” OA na
reaksyon na naman ni Liz.
“Walang puso agad?” tanong ko.
“Girl, it’s not about who’s who, okay? It’s not important kung
sino ang unang magtatanong. What is more important ngayon ay
kung sino ang unang magbababa ng bandera to finally admit na
they won’t last a day without that person.”
“Uuyy,” panunukso ni Liz kay Sandy. “Hugot. Gano’n ka rin ba
kay Rocky?”
“Nah~ Baligtad.”
“Kita mo, kasasabi lang niya pero hindi niya mismo ma-admit
sa sarili niya,” sabi ni Chris.
“Hey, Fellas~ Hindi ako ang topic dito, si Nads.” Tumingin
sa’kin si Sandy. “So, anong gagawin mo?”
‘Yun kaya ‘yung balak niyang sabihin? Na pupunta na siya ng
England?
I have something to tell you, Freak. Pupuntahan kita sa inyo
mamayang gabi.
Naka-uwi na ‘ko sa bahay at nag-stay lang sa aking kwarto.
Iniisip ko pa rin kung bakit siya aalis. Hindi na ba talaga niya ako
kayang hintayin? Kala ko pa naman malapit nang bumalik ang
super breakfast-lunch-dinner-ala-mokong ko.
Maya-maya ay kumatok si Mommy sa pinto ng kwarto ko.

155
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Busy?” tanong ni Mommy habang nakatayo sa may tapat ng


pintuan.
“Hindi po. Nagpapalipas lang ng oras.”
Pumasok si Mommy sa kwarto at dumiretso sa aking tabi.
Bumangon naman ako mula sa aking pagkakahiga. Nakatingin
lang sa’kin si Mommy na may ngiti sa kanyang mga mata bago niya
sinabing “Masaya ako, Nadine.”
“Po?” tanong ko.
“Masaya ako na marunong at kinakaya ng anak ko ‘yung mga
bagay na alam kong mahirap sa isang relasyon.” Umiwas ng tingin
sa’kin si Mommy at kinuha ‘yung isang unan na niyakap naman
niya. “Alam mo ba na sa isang relasyon, anak, kalaban niyong
dalawa ang differences niyo sa isa’t isa? Oo…” tumango-tango si
Mommy. “Mahal niyo nga ang isa’t isa, given na ‘yun eh. ‘Yun nga
ang number one na dahilan kung bakit kayo naging KAYO. Pero
after na maging ‘kayo,’ makikita mo pa rin ‘yung ‘ako at siya.’ Hindi
mo pa rin kasi masasabing kilala mo siya hangga’t hindi mo pa siya
napapangasawa. Dahil habang mag-boyfriend at girlfriend pa lang
kayo, araw-araw, minu-minuto, at bawat segundo na magkasama
kayo eh may makikita kang bago sa kanya. May makikita kang
maganda at may makikita ka ring mali. Ang tanong…” tumingin
sa’kin si Mommy nang diretso. “Kaya mo bang intindihin ‘yun
para sa inyong dalawa? Kaya mo bang tiisin na kahit mali siya eh
hindi mo susukuan ‘yung taong ‘yun at unti-unti… unti-unti mong
ituturo sa kanya kung anong tama?”
Umiwas ako ng tingin kay Mommy dahil hindi ko na napigilang
umiyak sa mga sinasabi niya. Naalala ko ‘yung oras na sinabi kong
suko na ‘ko sa kanya.
Hinawakan ni Mommy ang kamay ko. “May kanya-kanya kasi
tayong immaturities kung minsan at hindi mawawala ‘yun. Lagi
kang magkakamali, lagi kang masasaktan, pero dapat palagi ka ring
handang may matutunan.” Hinimas ni Mommy ang ulunan ko nang

156
V O L U M E F O U R

yumuko ako at humagulgol sa pag-iyak. “Hindi ako nakialam sa


nangyari noon, Nadine, dahil alam kong dapat kayong dalawa ang
makatuklas ng kung anong nararapat sa inyo. Hindi ko sinasabing
mali na naghiwalay kayo. Alam kong ginawa niyo ‘yung isang bagay
na mahirap pero alam niyong may maidudulot sa inyong maganda.
In that way, pinatunayan niyong gusto niyo pang matuto sa
relasyong mayro’n kayo. Pero this time, gusto kong magsalita bilang
Mommy mo. Do you still want to save this relationship with him?”
Umalis si Mommy pagkatapos niyang bitawan ang tanong na
‘yun. Hindi na niya hinintay ang sasabihin ko dahil alam niyang
may taong mas gustong makaalam ng sagot ko tulad ng kung anong
plano ko talaga…
“Salamat, Mr. Hans.”
“Salamat din po, Miss Nadine. Salamat po sa pagbalik.”
Ngumiti ako at saka sinabing “Hindi pa ngayon. Pero pinakuha
ko sa’yo ‘to kasi alam kong malapit na.”
At ngayong gabi ang oras na ‘yun.
“KNOCK! KNOCK!!!”
Napatingin ako sa pintuan nang bigla itong magbukas,at
nagtatakbuhang BITCHes ang papalapit sa’kin.
“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!” sigaw nila.
“ARAY!!! ANO BA ‘YAN!!” sigaw ko pagkadagan nila sa’kin
dito sa kama. Bigla ba namang pumasok nang sumisigaw!? Parang
mga bata.
“Anong ginagawa niyo rito?” tanong ko nang maka-recover sa
pagkakadagan nilang tatlo.
“Aray ah. Ganda ng tanong mo, girl,” sagot ni Liz.
“Eh 9:30 P.M. na kaya, may OJT pa bukas ‘no.”
“Eh, pa-overnight kami. Alam naman naming malulungkot
ka sa pag-alis ni Mokong mo mamayang madaling-araw,” sabi ni
Chris.

157
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Oo, iniisip ko nga kung dapat na—ANO RAW!?? Mamayang


madaling-araw!?
“Mamayang madaling-araw!?” ulit ko.
“Oo, mamayang 12 A.M.,” dagdag pa ni Chris.
Nag-kuwentuhan kami ng kung anu-ano na hindi ko naman
maintindihan kung anong topic talaga ang pinag-uusapan. Ang
nasa utak ko lang kasi ay ang pag-alis ni Mokong mamaya. Sabi
niya pupuntahan niya ‘ko ngayong gabi pero wala pa rin siya.
Nakahiga kami ngayon at nakatingin lang sa kisame.
“Pa’no Nads kung makaalis na si Troy tapos wala na talaga?
Give up na?” tanong ni Liz.
“Ano ba kayo, magkikita pa kami mamaya. Sabi niya pupuntahan
niya ‘ko ngayong gabi. Kakausapin ko siya,” sagot ko. Medyo hindi
rin ako sigurado sa mga sinasabi ko. Kasi naman, mag-a-alas-diyes
na ng gabi pero wala pa rin siyang paramdam. “Mapipigilan ko pa
siya,” bulong ko sa sarili ko.
“Nakoooo! Baka makakita ‘yun ng ibang babae sa England.
Tapos sa sobrang depression eh magpakasal na. Tingin niyo, girls?”
si Sandy.
“Tama,” sang-ayon ni Liz.
“Tsk, tsk, tsk,” pag-iling ni Chris.
“‘Yung totoo, mga bruha kayo,” sabi ko habang nakatingin pa
rin sa kisame. “Tinatakot niyo ba ‘ko?”
“Hindi ah. Sinasabi lang namin ang nakikita naming pwedeng
mangyari.”
Lumipas ang ilang oras at tulog na ang mga katabi ko.
Habang ako naman ay hindi pinapatahimik ng utak ko. Isip ng
isip! Mokong nang Mokong! Lagpas alas-onse na ng gabi, inugat na
ata ako sa paghihintay sa kanya. Hindi pumunta ngayong gabi ang
lalaking ‘yun. Mga 11 P.M. kasi siya kadalasang dumarating kapag
pumupunta siya rito sa bahay. ‘Di nga kaya nagbago na ang isip niya

158
V O L U M E F O U R

kasi akala niya wala pa rin akong balak na balikan siya? Kala ko ba
hindi pa siya sumusuko?
Sige, pagdating na lang niya sa England saka ako—NO! Hindi
ko siya hahayaan! ‘DI PWEDE!
Bumangon ako at nagpalit ng damit. Binalikan ko ‘yung tatlo.
Sinong may dalang sasakyan?
“CHRIS!! CHRIS!!! Gising!!” sabi ko habang niyuyugyog si
Chris.
“Nads naman,” iling niya.
“CHRIS! Tara, samahan mo ‘ko. Pag-drive mo ‘ko papuntang
airport! Please!”
“‘Di ako driver—.”
“CHRIS LORRAINE RIVERA! BILIS NA!”
Three minutes before twelve na nang dumating kami sa
airport. Nasabi raw ni Basty kay Chris na 12 A.M. ang flight ni
Troy. Maaabutan ko pa ba siya nito!? Hindi ko siya matawagan kasi
naman parehas naming naiwan ni Chris ‘yung phone namin sa
pagmamadali.
Bumaba agad ako ng sasakyan at nagmamadaling pumasok
sa NAIA. Dali-dali akong tumakbo sa departure area para tingnan
kung nando’n pa si Mokong. Nasa’n!? Wala, hindi ko siya makita!
Pumunta ako sa help desk at nalaman kong nakaalis na ‘yung
flight papuntang England.
“Mokong ka talaga. Ready na ‘ko eh. Ready na ‘kong sabihin
sa’yo na okay na ‘ko. Na okay na tayo pero…” Napabuntong hininga
na lang ako. Sa sobrang pagkatulala ay hindi ko namalayan na
palabas na pala ako ng airport. Nasa’n na si Chris? Nasa carpark
siguro.
Huminto ako sa paglalakad at humarap uli sa entrance ng
airport. “Magkano kaya ang plane ticket papuntang England?”
Humakbang ako paatras habang nakatingin sa entrance ng airport

159
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

nang bigla na lang akong napatalon sa gulat dahil sa mabilis na


walang hiyang naka-motor na dumaan sa likuran ko!
Kainis, naalala ko tuloy si Troy na parang gano’n magpatakbo
ng motor no’ng unang beses kong sumakay sa motor niya.
Tapos—
“Teka lang—.”
May taong humatak sa braso ko at ngayon ay nakayakap sa’kin
mula sa aking likuran. Matangkad na tao, mahigpit kung yumakap
at matigas ang pangangatawan.
“Freak, allow me to kiss you.”
-=-
We’re here at Basty’s place. Nagpapalipas ako ng oras bago
pumunta kina Freak. Luke’s not here. Sabi nila, may inaasikaso but
I don’t know what it is.
“Captain! Grabe, pumayag ka talaga?” si Sebastian.
I looked at him. “About what?”
“Na umalis si Nads papuntang England,” he answered.
“What are you saying!? Si Freak? Tss! Makikipagkita ako kay
Freak mamaya.”
“Hindi nga? Hindi sinabi sa’yo ni Nads!?” gulat na tanong ni
Adrian. “BWAHAHA! Kawawa ka naman, Captain.”
“I don’t get it. What are you all saying!?” I asked. “Bakit siya
aalis?”
“BWAHAHA! Nagpa-panic si Captain. Napatagalog na!”
“Hayaan mo na nga, mukhang ‘di naman natin maaabutan si
Nads mamaya. Aga ng flight eh,” Sebastian added.
“What are you guys saying now uh!? Mamaya!? Are you guys
kidding me!? At bakit siya pupuntang England!?”
“Ba! Basta ako, seryoso akong tao,” si Adrian. “Bwahaha!
Sometimes pala, kayo naman.”

160
V O L U M E F O U R

“Ang alam ko kasi, inaya siya ni Luke na pumunta do’n dahil


mukhang aamin na siya sa tunay niyang nararamdaman para kay
Nads.”
“What!? All this time, I thought he already gave up his fight.”
“Nako! ‘Wag mong pagkakatiwalaan si Luke. Lakas pa naman
makaakit no’n. Captain, baka nadala sa mga sweet words ni Luke si
Nads kaya sasama siya! Bwahaha!”
Tiningnan ko si Adrian. “Can you kill that laugh before I do it
myself?”
He cleared his throat. “Binabago ko lang ‘yung mood, Captain.
Seryoso na kasi ‘to. Biruin mo? Matagal-tagal mo na ring sinusuyo
si Nads tapos sa England lang pala matatapos ang lahat?”
I stood up. “What time is her flight?”
“Ano, 12 A.M.? Tama ba, Baste?”
“Oo, tama. May one and a half hour ka pa, Captain.”
“What!? One and a half?” tumingin ako sa orasan. “But it’s only
nine in the evening.”
“Ay sorry, Captain. Nakalimutan kong sabihin na humihinto-
hinto ‘yang wall clock ko.” He raised his phone and said “Ten-thirty
na talaga.”
“Sh*t. Give me the key.” I’m talking to Adrian. “The key, Adrian.
I’m serious.”
“Okay, okay,” he said while getting his key inside his pocket.
“Oh, sa’n punta—Captain! Paki-ingatan na lang ‘yang motor ko!”
Adrian said.
I’m on my way nang may maabutan pa ‘kong banggaan sa
highway. It’s 11:30 P.M., I know I can make it. I tried to give her a
call. After three rings, she answered.
“Hello, FREAK!!!”
Ahh! Ang sakit naman makasigaw, Troy!

161
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Wait, it’s not Freak. “Who’s this!?”


Liz here. Wala na si Nads, nasa airport na.
“Tss!”

Hindi mo na ba ‘ko mahihintay, Freak!? Tonight, I was planning


to tell you something that’s really important.
Hindi ko na alam kung anong oras na basta mabilis ang
pagpapatakbo ko ng motor para makarating agad sa NAIA—“SHIT!”
Is that lady trying to kill herself!?? Is she a freak or something?
Wait—FREAK!? I stopped and turned my head around.
Bumaba ako at saka naglakad papunta sa kinatatayuan niya.
Hinawakan ko ang isang braso niya habang nakatalikod siya.
“Teka lang—,” she said.
I wrapped my both arms around her waist and said “Freak,
allow me to kiss you.”
Hindi siya gumalaw at hindi rin siya nagsalita. Hinarap ko si
Freak sa’kin and the shock from her face is too obvious.
She didn’t say anything; instead, she just placed both of her
hands in my shoulders.
I slid my hand at the back of her neck and urged her to look
up on me. She’s in tears. “Relax,” I murmured. She did not move
but she allowed me to lead her in our own world. I miss this, I miss
her, I miss us. I shifted my hands at the back of her neck, tightened,
and held it firm. In mere seconds, her head fell back in submission.
On that que and sensation I felt for the both us, I brought her lips
to mine.
She grabbed my shirt to gain support. I shifted my right hand
at her back to hold her closer to me. The sensation of being with
someone I want to be with for the rest of my life – this is what I
missed about my Freak.
I never experienced anything, anyone, like her. I have kissed

162
V O L U M E F O U R

her before but I know that I’ve been starving for this even for such
a short time that we’ve been separated. I couldn’t think – but I’m
feeling better and more real.
The kiss was continuous, never ending, and that’s what I want.
I will never get tired of kissing this Freaking lady.
-=-
Para akong kinukuryente sa lakas ng impact sa bawat nerves
ng katawan ko. Kakaiba ang pakiramdam. Alam kong may sense of
longing, at very intimate and romantic.
Unti-unti niya kong pinapatay sa loob ko. Pinapatay niya ‘ko sa
‘di maipaliwanag na saya na aking nararamdaman ngayong kasama
ko siya. At para din akong yelo na unti-unti niyang tinutunaw.
Huminto siya. THANK YOU LORD FOR THE AIR, at saka siya
uli tumingin sa’kin.
“Troy, may sasabihin ako sa’yo. Ang totoo—.”
“Freak, let me speak first. After this, you can say everything
that you want to say.” Parang wala naman ata akong ibang choice
lalo pa at nakayakap siya sa waist ko. Wala nang kawala.
“I’m sorry. I know, lagi kong sinasabi sa’yo that I’m still sorry for
what happened between us. But still, thank you, Freak. You didn’t
just accepted me for being who I am, pinakita mo rin kung anong
mali sa’kin na dapat kong baguhin. It is only now that I understand
na hindi pala basta mahalagang may taong tatanggap sa’yo, Freak.
But what is more important, is to have someone who will accept
you and help you to be a better person. Not the person who will
tolerate your poor actions and decisions. Freak,” mas tinitigan niya
‘ko. “You are that person to me. You helped me grow so that I can
become a better man that will be worthy of you, worthy of your
love. Forever. And I’m willing, very willing, to be the same person
for you.”
Tumango ako habang nakangiti. Pinunasan naman ni Mokong

163
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

ang mga luha ko.


“Now Freak, tell me everything you want to say,” sabi niya.
“I’ll trust you more, Mokong. Promise, I’ll trust you more.
Sorry kasi ‘yung distrust ko sa’yo na ikakagalit mo ‘yung gagawin
ko ay naging ugat para magkaroon ka ng doubt sa’kin. And sa
susunod, hindi ko na basta bibitawan ‘yung salitang breakup kapag
nagkaroon uli tayo ng away. Hindi agad ako susuko at sana gano’n
ka rin sa’kin, Mokong.”
“I promise,” saka niya ‘ko hinalikan sa noo habang naka-frame
sa both cheeks ko ang mga kamay niya. Ngumiti ako sa kanya at
gano’n din siya sa’kin.
Nandito pa rin kami sa tapat ng NAIA at may mga curious na
taong nakatingin sa’ming dalawa ni Mokong. Pero para sa’ming
dalawa, kami lang ang nandito.
“I was planning to talk to you tonight,” pauna niya habang
bumibitaw sa pagkakahawak sa’kin. May kinukuha siya sa bulsa
niya pero hindi ko nakita kung ano ‘yun dahil nakasara ang kanang
kamay nito. “Freak, I’ll ask you,” bigla na lang siyang lumuhod na
parang magpo-propose habang nakasunod pa rin ang mga tingin
sa’kin. “Will you accept me… again?” Saka niya inilabas mula sa
kanyang mga kamay ‘yung engagement ring na matagal ko nang
tinago. Siguradong tinulungan siya ni Mommy na makuha ‘yan.
May kinuha din ako sa aking bulsa at inilabas ito. Halatang
nagulat siya sa hawak ko. ‘Yung engagement ring niya na pinahanap
ko naman kay Mr. Hans sa kanyang condo no’ng wala siya.
“Mokong,” Pinipigilan kong ‘wag maiyak dahil sa reaksyon ng
mga mata niya. Halatang ‘di niya inaasahan ‘to. “Will you trust and
love me again?” Bigla siyang yumuko at ibinaba ang kamay niyang
may hawak ng singsing. Umiiyak siya.
Hindi ko na napigilang hindi maawa sa kanya.
Naalala ko ‘yung mga salitang nabitawan naming dalawa sa
isa’t isa. ‘Yung araw na sinabi kong suko na ‘ko sa kanya. At nang
164
V O L U M E F O U R

muli ko siyang makita na halos hindi ko na siya makilala.


“Freak,” salita niya habang nakayuko pa rin. “I was too blessed
to have you. I can’t—I can’t even remember what I did to have a
woman like you in my life.” Bumaba ako ng konti para alalayan
siyang tumayo. Magkaharap na uli kami ngayon. Nag-smile ako
sa kanya at saka pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. “Nang
lumayo ako Freak, I said to myself that I don’t really need a perfect
relationship. I just need someone who will not give up on me. Mali
ako, because you didn’t, and we didn’t. We just stopped, took a rest,
and here we are, back in each other’s arms again.”
“Kala ko sumuko ka na. Kala ko hindi mo na ‘ko ipaglalaban
at pinatunayan mong mali ako.” Tinaas ko uli ‘yung singsing. “Will
you?”
Tinaas niya rin ‘yung singsing na hawak niya at saka sinabing
“Only a fool will say no. Will you?”
“Syempre.”
Sinuot namin ‘yung singsing sa isa’t isa and I can finally say na
I’m Home.
Nagpasya kaming umuwi pagkatapos no’n. Sinabi rin ni Chris
sa’kin na mauna na siyang umuwi nang makita niyang magkasama
na kami ni Mokong. Sumakay ako sa motor na dala ni Mokong at
yumakap sa kanya nang mahigpit.
Hindi na kita bibitawan uli.
Binuksan ni Mokong ‘yung stereo ng motor niya habang nasa
daan kami. Napa-smile na lang ako.
‘Cause all of me
Loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections
Give your all to me
I’ll give my all to you

165
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

You’re my end and my beginning


Even when I lose I’m winning...
Dumating kami sa bahay na tulog na ang lahat ng mga tao.
Hindi muna umalis si Mokong at nag-kuwentuhan kaming dalawa
sa sala. Habang magkasama kami ngayon, naisip kong imbes na
mabawasan o magkalamat ‘yung tingin namin sa isa’t isa, sasabihin
kong mas magiging dahilan ‘to para tumatag kami.
Hanggang sa nakatulog na kaming dalawa nang hindi namin
namamalayan.
Kinabukasan…
Nagising kaming dalawa ni Mokong sa amoy nang niluluto
na breakfast ni Mommy. Pumunta ako sa kitchen at nakitang ang
daming plato.
“Nandito pa ang mga kaibigan mo, hindi raw muna sila
papasok,” sabi ni Mommy. “Ewan ko ba at abang na abang ang
tatlong ‘yun sa labas kagabi. Inaabangan ata kayong dalawa na
umuwi.”
Pumasok si Mokong sa kitchen at binati si Mommy. Napangiti
ako, nag-uumpisa na nga uli kami ni Mokong.
“Umupo na kayo dyan at kumain. Tatanggalin ko na lang ‘yung
ibang plato mamaya. Tapusin ko lang ‘to.”
“Nga pala, Mokong. Sabi nila, pupunta ka raw ng England.
Bakit ka ba pupunta dun? Kala ko nga nakaalis ka na,” sabi ko
pagka-upo naming dalawa sa dining table.
Uminom muna siya ng kape saka sinabing “No, I would not do
that. Sina Sebastian ang nagsabi sa’king pupunta ka ng England—
Tss!” Napatigil si Mokong. Napa-iling din ako dahil parang naiisip
ko na kung ano ang nangyayari.
“Naisahan na naman kayo ng mga kaibigan niyong tunay,” si
Mommy habang naglalagay ng pagkain sa plato namin.
Tumayo ako bigla. “Wait lang, Mokong.” Tapos tumakbo ako

166
V O L U M E F O U R

papunta sa kwarto ko at do’n ko nakita ang tatlong BITCH na


mahimbing ang pagkakatulog! Tumalon ako at dinaganan sila.
“Waaaaaaah!!!!” sigaw ko.
“Ano ba Nads, serious ako, inaantok pa ‘ko,” iritang sabi ni Liz.
Niyakap ko sila. “Salamat BITCHes!!!”
“Ano ba Nads! Please naman. Mamaya na, okay!?” sabi ni
Sandy habang nakapikit pa ang mga mata.
“Chris!!!” sigaw ko.
“Oo na, Nads. Pero please, sige na. Inaantok pa ‘ko.”
“OKAY FINE!” Tapos pinaghahalikan ko sa cheeks ang mga
bruha.
-=-
Lahat ng mga lokong ‘to ay nakatambay lang sa gym at
walang balak magsikilos. Wala pa si Luke dito sa gym. Balita ko
kay Rocky ay nasa restobar na naman niya ito kagabi. Okay lang
naman siguro siya.
“Team, wala ba kayong balak magsipalit ng damit?” tanong ko
dahil naka-uniform pa ang mga ‘to.
“Gusto kasi naming malaman kung ayos na sina Captain at
Nads,” sabi ni Rick.
“Oo nga. Nakakakaba kaya!” sigaw pa ni Jake. “‘Di nga ‘ko
nakatulog nang maayos kagabi eh.”
“Mamaya na tayo mag-practice kapag may balita na,” dagdag
pa ni Jhick.
Kunyari pa ang mga lokong ‘to. Eh mga nag-isang hilera sila ng
higa dito sa gym sabay pikit.
Huminga ako nang malalim saka uli tumingin sa team.
“Sinabing—” napahinto ako nang biglang hawakan ni Adrian ang
kanang balikat ko. “Bakit?”
“Ako nang bahala,” sabay alis at pumunta sa direksyon ng CR.

167
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Pagbalik, may dalang timba na may lamang tubig. “AYAW NIYO


AH!!” sabay buhos ng tubig sa isang hilera ng Dragon. Kala mo
domino, sunud-sunod ang bangon nila pagkabasa sa kanila ni
Adrian.
“ANO BA ‘YAN!!”
“BAKIT KAILANGANG MAMBASA!?”
“Sabing magpa-practice na nga eh, nakita ng,” si Adrian. Sabay
talikod at tawa ng “BWAHAHA!” Loko-loko pa rin pala.
“LOKO KA!! MAY KLASE PA ‘KO PAGKATAPOS NG
PRACTICE!!” sigaw ni Nick habang hinahabol si Adrian. Nabasa
ang uniform niya.
“BWAHAHA! SORRY NAMAN—OH! OH! Biro lang!!!” Bigla
kasing pinalibutan si Adrian. “Baste!!!!” tawag sa’kin.
“Bahala ka dyan,” sabi ko. Bigla kasi siyang binuhat palabas ng
gym.
“Gusto mo pala ng basaan ah! Tara sa pool area!”
Kamusta na nga kaya sina Troy at Pakiramdam ko naman
eh ayos na sila. Dahil kung hindi? Makikisali na ‘ko sa paglunod
kay Adrian dahil sa palpak niyang plano. Hahaha!
-=-

168
V O L U M E F O U R

Chapter 35: Restart.


What’s on your mind? > Bagong BUHAY – Bagong BAHAY!
Kasama siya panghabang-buhay~

Hay salamat at sembreak na!!! Free time ko rin ngayon kasi


nagawa ko na ‘yung part ko sa thesis namin. Ang totoo, tinulungan
pa nga ako ni Mokong eh. Ang hina ko kasi sa pagko-construct ng
paragraphs sa ganitong mga research. Buti na lang, magaling ang
boyfriend ko.
Sana kapag nagka-anak kami, maging kasing talino ni Mokong.
“What are you thinking?” tanong ni Mokong habang nandito
kami sa loob ng sasakyan niya. Nabalik na nga pala ‘yung sasakyan
at allowance niya. Simula ng malaman ni Tito Conrad na naging
okay na kami, pinatawad na niya si Mokong sa mga ginawa niyang
pagpapabaya noon.
“Huh? Ah, wala naman.” Ngumiti na lang ako.
“Okay. Where do you want to go, Freak?” tanong niya habang
nagmamaneho.
“Ah, sa Hongkong Disneyland,” biro ko.
Kaso sineryoso. “Okay, I’ll talk to—.”
“‘Yung totoo!?” sabi ko habang nakatingin sa kanya.
“Ipapaayos mo talaga? Grabe lang?”
“I can do that,” proud na sabi niya.
“Asus, papagurin mo na naman si Manong Hans sa pag-
aasikaso nyan. Tsaka, imposible rin naman dahil general cleaning

169
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

kami ni Mommy this week–.” bigla akong napahinto sa pagsasalita


dahil tumatawag si Sandy. “Yep? Oh!? Ang daya!! Sama kami. Sige,
sige! Okay! Ingat, bye.”
“Who’s that?”
“Si Sandy. Punta tayo sa Enchanted, Mokong!! On the way na
raw sina Rocky, Sandy, Adrian, at Liz!” Si Chris daw kasi may ibang
balak gawin kaya hindi nakasama.
“Tss, para naman tayong mga bata.”
“Eh! Bata pa tayo ‘no! Kapre ka lang pero hindi ka pa matanda.
Bilissss na!”
“I’ll think about it—.”
“EHHH! Grabe, siguro ano… natatakot ka sa rides?” tanong
ko.
“Tss, you bet.”
“Owsss? ‘Di nga?”
“You don’t have to tease me. Fine, let’s go.”
“Yes!”
Sa wakas ay nakarating na rin kami sa Enchanted Kingdom
after ng isang napakahabang byahe. Yehey!
“Okay, kumpleto na,” si Rocky. Ang cool ni Rocky ah. Naka-
shorts at shirt lang tapos naka-shades at naka-cap.
“Oh Captain! First time mo dito, bwahaha! Congrats!”
Bigla namang lumapit sa’kin sina Sandy at Liz.
“Girl? Ngayon lang nakapunta si Troy dito? Sa yaman niya?”
si Liz.
“Oo nga eh. Thanks sa inyo ah?” biro ko.
“Oh siya, siya! Sa’n muna tayo unang pupunta!?” tanong ni
Rocky.
At sabay-sabay kaming sumagot nina Sandy at Liz.

170
V O L U M E F O U R

“RIALTO!” si Sandy.
“ANCHORS AWAY!” sabi ko naman.
“EXTREME TOWER!” si Liz.
Inis ah, magkakaiba kami.
“Ayos ah. Magkakasundo tayo nyan,” natatawang sabi ni Adrian.
“Try niyo nga minsan na magkasundo?” pangloloko ni Rocky.
“Tss! Fine, let’s go to Space Shuttle,” sabi ni Mokong habang
nakatingin do’n sa map na ibinigay sa entrance. Pero teka? Sa’n
daw!?!? SPACE SHUTTLE!!!? AGAD!? AGAD-AGAD!?
Parang may plano ata si Mokong na hiluhin ako ah. Minutes
later…
“Mokong naman, bakit diyan!?” sabi ko habang nakatingin sa
kanya. Sa pinakaharap talaga siya naupo. Iyak na!
“What? This is the best spot kung sasakay ka sa ganito, Freak,”
sabi ni Mokong sabay hatak sa’kin paupo.
“Let’s go.” MAME!!! Best spot ‘to kung gusto mong mamatay
sa hilo!!!
Maya-maya ay nag-umpisa na ang pinaka-ayaw kong part.
ANG MAWALAN NG KALULUWA!!
“WAAAAAAAAAAH!” sigaw ko.
“AHAHAHA!” tumawa naman siya. ANG SAMA!
Natapos na rin sa wakas ang Space Shuttle ride namin! Tumayo
na ako pero…
“Hey—Freak!” Hinawakan agad ako ni Mokong sa braso. “Are
you okay?”
“Kamuntik lang naman akong mawalan ng malay. Hindi na
kita isasama sa ganito. Promise,” nanghihinang sagot ko habang
hinahakbang ang mga paa ko paalis sa kinauupuan namin.
“Tss! The way you teased me kanina, ang akala ko sanay ka na

171
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

sa ganito, Freak. Sorry.”


“Yeah,” tipid na sagot ko. Eh hindi ko maramdaman ang paanan
ko!
Maya-maya din ay nagpasya na kaming maghiwa-hiwalay ng
lakad. Naunang umalis ang napaka-sadistang couple na sina Sandy
at Rocky. Lagi na lang nagbabantaan ang dalawang ‘yun na sasaktan
ang isa’t isa.
“Pong! Tara na dali!” aya ni Liz.
“Okay, kahit sa’n basta ‘wag lang sa—.”
“Carousel tayo!!” sigaw ni Liz. At automatic na naging horror
ang mukha ni Adrian.
“‘Wag lang diyan, Queen.”
“Hindi pwede!” Hinawakan ni Liz sa braso si Pong niya. “Tara!”
sabay takbo nung dalawa.
“QUEEEEEN, HUWAG PO!!!!”
Inabot na kami ng lagpas tanghali bago kami nakaramdam
ng gutom ni Mokong. Kaya nandito kami ngayon sa bilihan ng
mga pagkain. Bago kami um-order ay nagpaalam muna ‘ko na
pupuntang CR. Pero nang matapos na ‘ko at palabas na ng CR…
“Ah—,” lumingon ako. May mga grupo ng lalaki sa likuran ko
pero hindi naman nakatingin. SINONG HUMAWAK NG BUTT
KO!??
Tapos nag-alisan ‘yung mga lalaki. Nads, kalma! Bumalik na
ako sa table namin ni Mokong.
“What Freak?”
“Ah?”
“Nakasimangot ka.”
“Wala.” Inis ah! “Bibili na ‘ko ng pagkain,” sabi ko saka
dumiretso dun sa counter. Okay, ikakain ko na lang—AH! NOT
AGAIN! NA NAMAN! MAY HUMAWAK NA NAMAN! Hindi na

172
V O L U M E F O U R

‘ko makakapayag, makakatikim na kayo—“AH!” gulat na sigaw ko.


Pagkaharap ko kasi ay may lalaki na biglang bumagsak sa harapan
ko. Nakita ko na lang din si Mokong na kinukwelyuhan ‘yung
lalaking nasa lapag na.
“Where do you think you’re touching uh!?” tanong ni Mokong.
“Ah—,” natigil ‘yung balak ko sanang pagsigaw para pigilan si
Mokong sa inaakala kong pagsuntok niya sa lalaki. Kaso tinapik-
tapik lang niya ‘yung balikat nito habang nakakatakot at direktang
nakatingin sa lalaki. Say what!? Hindi siya nagwawala sa galit?
“Do you want to die now?” mahinang sabi ni Mokong.
Mahinahon? Pero scary pa rin kasi hawak niya sa isang kamay
‘yung damit ng lalaki.
“A-Ano bang problema mo!? W-Wala naman akong ginagawa
ah??” katwiran nung lalaki.
“I saw you touched her—,”
“AAH!!!!” sigaw ko kaya hindi natuloy ni Mokong ‘yung
sasabihin niya. “BASTA! Ikaw ‘yun, ‘di ba? Sa CR!? Kanina pa kayo.”
Ayoko ng banggitin ni Mokong kung sa’n humawak ‘yung lalaki.
“So, two times?” sarkastikong pagkakasabi ni Mokong habang
nakatingin pa rin do’n sa lalaki. Nakakapanibago ah. Hindi siya
nagpapaka-brutal ngayon.
“Sabing wala nga—.”
“Nakita ko rin,” sabi nung girl na naka-upo sa pwesto niya.
“See!?” sabi ni Mokong.
“Sus! Eh ni hindi nga maganda ang pwet ng girlfriend mo—
AH!”
ARAY! Ayan. Hindi na kinaya ni Mokong ang pagiging
mahinahon. Sinuntok na nga niya. Nakakahiya naman, sinabi pa
ni Kuya na—.
“WHO THE HELL ARE YOU TO SAY THAT MY

173
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

GIRLFRIEND DOESN’T HAVE A NICE ASS!?”


Bumilog ‘yung mga pagkarinig ko kay Mokong nyan!
Isigaw daw ba!? Napa-facepalm na lang ako. Save me!!!! Nako
naman. Hinaan mo naman minsan ang pagbanggit sa… Waaaah!
Mokong ka talaga.
Pagkatapos no’n ay may mga dumating na empleyado ng
Enchanted para awatin si Mokong. Buti naman at nagpa-awat siya.
Iniwan na namin ‘yung lugar, bad trip na si Mokong eh. Umupo
na lang kami dito sa bench na tapat ng Rio Grande.
“‘Wag na kasing bad trip, improving ka naman eh. Halatang
pinipigilan mong magalit kanina ah?” puri ko.
“Tss, I’m trying. Pero kapag gano’n ang kaharap ko, I can’t
promise na makakapagtimpi pa ‘ko next time,” sabi niya.
“Tama na, tapos na eh.”
“Tss! For you, it’s easy to say.”
“Eh bakit ba kasi?”
Humarap siya sa’kin. “That man did something I haven’t done
yet, and twice?! Tss!”
Ah? Ano—“AHH! Gusto mong hawakan ‘yung—AH!” Pinisil
niya ako sa pisngi.
“I’m not saying that I want to hold—grab—shit.” Ano ba naman
kasing topic ‘yan, Nads? Pwet ko talaga? “Of course, not now, Freak.
We’re still not married, I mean, no one should touch that besides
me, your future husband! I’m not saying that I’ll be holding it—.”
tumingin siya sa’kin ng makita niya ‘kong nakatulala sa kanya. Kasi
naman, namumula siya! “Why am I explaining these things in the
first place? Tss!” sabay iwas ng tingin.
“Malay ko sa’yo,” sabay tawa ko na lang. “Mokong, bili na lang
ako ng hotdog sandwich ah?” Tumango lang siya. Kaya umalis na
ako at dumiretso sa hotdog sandwich stand. Bumalik na rin agad
ako pagkabili—Eh? Si Mokong parang kakaiba ‘yung tingin sa’kin?

174
V O L U M E F O U R

Bothered? Worried?
“Bakit—,” bigla niya ‘kong pinatalikod. “Bakit ba Mokong—Uy
ano ba ‘yang ginagawa mo?” Nililingon-lingon ko siya. Nagladlad
siya ng panyo sabay ipit sa likuran ng pants ko. “Bakit ba?” tanong
ko.
Humarap siya sa’kin. “I think you need to go to the CR, Freak.”
“Kagagaling ko lang do’n,” sagot ko.
“There’s… there’s something on your pants.” Pants? Something?
“Ah?”
“Tss! Japan? Shit—what did I just say?”
“JAPAN?” Anong Japan?
“Okay, let me change that. Just answer me. What’s the date
today?” tanong niya.
“Ah, May 3?” Nung wala na ‘kong ibang sinabi ay bumuntong
hininga si Mokong at biglang lumapit sa’kin sabay bulong. “Ah…”
Shocks! ‘Di na ako makatingin kay Mokong. “Sige, CR muna ako,”
sabay takbo!!! Nakakainis!!! Bakit lagi na lang si Mokong ang
kasama ko sa mga araw na wala akong alam sa salitang hiya!?
NAKAKAHIYA!
Pagkarating ko sa CR, ayun, I have a visitor na nga! Tinawagan
ko naman sina Sandy at Liz pero walang kwenta ang mga cellphones
nila, hindi man lang sinasagot! MAME!!!
Wala na ‘kong magagawa kung hindi tawagan si Mokong.
“Hello Mokong,” mahinang salita ko.
Are you okay? Do you need help? What?
Nakakahiya! “Mokong. Pwede mo ba ‘kong ibili ng ano,” bigla
akong napatungo.
What?
“Sabihin mo na lang ‘yung may pakpak, alam na nila ‘yun.

175
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Sabihin mo na pinabibili ng girlfriend mo, emergency.”


Nadine!!! Lahat na lang ng kahihiyan!
-=-
That Freak is making me a freak too. Mababaliw ako sa mga
nangyayari sa kanya. Now, let’s find that Pakpak. Tss!
I went inside this small convenient store. So, what to pick?
Nilapitan ko ‘yung nasa counter. “Excuse me.”
“Yes po, Sir.”
“Do you have this thing that my girlfriend needs? Ah, for
emergency use and she said, ‘yung may pakpak.”
Alam ko na pinipigilan niyang tumawa. Tss! “Ah, Sir, teka lang
po.” She went out of her post and got back with… “Sir, eto po siguro
ang hanap ng girlfriend niyo. May pakpak ‘yan.” She handed me
this… Whisper with wings? Tss!
I think, she will also need other stuff.
-=-
Tumawag si Mokong at sinabing nakabili na raw siya. Kahit
medyo natagalan, ayos lang. Tinanong niya kung may iba pang tao
sa girls CR. Sabi ko na wala naman akong naririnig na ibang tao
dito. THANK YOU LORD!
Maya-maya, narinig kong nagsara ‘yung pinto ng CR.
“Freak, where are you—.”
“Dito.”
Nakita ko na ‘yung paa niya sa harap ng cubicle ko. “Mokong.”
“Here,” saka niya idinaan sa ilalim ‘yung paper bag—paper
bag? “I’ll be out, take your time.” Narinig kong nagbukas na ‘yung
pintuan tapos may mga pumasok na babae.
“Nagulat ‘yung lalaki, ano kayang ginagawa no’n dito?”
“Ang gwapo, ang cute din. Namula pa.”

176
V O L U M E F O U R

Kawawa naman si Mokong. Nads kasi eh! Binuksan ko ‘yung


paper bag. Aba, nagulat ako dahil kumpleto ang laman nito! May
pads, tissue paper, four bottled waters, alcohol, may shorts, may
undies pa! Bakit may brassier? Pa’no naman nakabili ang isang ‘yun
dito?
Ah basta, bilis na Nads!
At ilang minuto pa nga ang lumipas at natapos na rin ako.
Lumabas ako ng CR at nakita ko si Mokong.
“Ayos na?” tanong niya. Nakakahiya naman. “Do you need
this?” sabay bigay ng kapirasong plastic na may lamang ibuprofen
at omega? Tumingin ako sa kanya. “Baka may masakit sa’yo. For
muscle cramps—.”
Hinalikan ko siya sa cheeks. “Thank you, Mr. Smith.”
Hinawakan niya ang kamay ko. “Tss. Very welcome, my future
wife, Mrs. Smith.”
Hindi na rin kami masyadong nagtagal ni Mokong sa loob ng
EK. Sumakit na kasi ‘yung puson ko, you know naman mga girls.
Nakakairita! Sabi ni Mokong ay umuwi na raw kami pero ang sabi
ko ay sa sasakyan na lang kaming dalawa. Hintayin na lang namin
‘yung iba.
Kanya-kanya namang sorpresa ang dala nila pagbalik ng
sasakyan.
“Ay? Magbebenta sila ng stuff toys, Mokong?” sabi ko habang
nakatingin kami kina Sandy at Rocky mula dito sa sasakyan. Ang
dami nilang bitbit na stuff toys!
Sina Liz at Pong naman… Speaking of Pong, may kakaiba yata
sa isang ‘to?
“Pahingi ako ng isa, Sandy!” si Liz.
“I don’t want to. Akin lahat ‘to,” sagot ni Sandy.
“Damot naman.”

177
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“What happen to Adrian?” tanong ni Mokong. Pa’no kasi


nakahawak si Adrian sa ulunan niya at parang pagewang-gewang
pa sa paglakad.
“Anyare?” tanong ko.
“Eh, hindi nga kami nakalibot ni Pong. ‘Di naman kasi sinabi
na mabilis siyang mahilo sa carousel. Ayan! Nahilo,” saka nilapitan
si Pong niya at inalalayan.
“Tss.”
“Ayos ‘yan. ‘Yan lang pala ang katapat ni Adrian,” sabay tawa
ni Rocky.
“SHETTAP!” sigaw ni Adrian habang nakakapit kay Liz.
Bumalik ako sa company namin early in the morning para
kunin ‘yung certificate ko for my OJT. Nag-aayos na kasi kami ng
requirements. Kaso lang, may bigla akong nasalubong.
“Maria.”
Nagpunta kami sa smoking area ng building. Mas okay dito
dahil wala masyadong makakakita sa’min tutal maaga pa naman.
Ayoko lang na ma-chismis na naman.
“Maria, gusto ko lang uling magpasalamat sa’yo.”
“Para saan?” tanong ko.
“Na nandito pa ‘ko.”
“Desisyon ni Daddy ‘yun dahil alam niyang maganda
ang performance mo dito sa company. And isa pa, alam kong
pinagsisihan mo na ang ginawa mo. Pero kung hindi pa, nasa sa’yo
na ‘yun.”
“Hanggang ngayon, pinagsisisihan ko pa rin. Gusto ko sanang
kausapin si Troy—.”
“‘Wag na lang. Okay na kami. At alam kong nakalimutan na
niya ang tungkol sa’yo kaya please, ‘wag mo na lang ituloy ‘yung
gusto mong mangyari.”

178
V O L U M E F O U R

“Okay,” sagot niya.


“Okay. Sa tingin ko after nating mag-usap ngayon eh wala na
tayong ibang dapat pang pag-usapan kaya siguro eto na rin ang
huli. Mauna na ‘ko.”
“Sandali Maria, may kailangan pa ‘kong sabihing importante.”
Hindi ako nagsalita. Seryoso ang mga mata niya ngayon. “Hindi ko
alam kung anong meron sa inyo ni Ashley, pero sana, mag-iingat
ka lang.”
Teka? Ashley? “Anong ibig mong sabihin? Kilala mo si Ashley?”
“Basta Maria, ‘yun lang ang huling masasabi ko. Miski ako,
hindi ko rin alam ang tumatakbo sa isip niya.”
Anong ibig niyang sabihin?
Umalis ako sa lugar na ‘yun na malalim ang iniisip. Inaamin ko
na kinabahan ako sa sinabi niyang ‘yun. Para kasing totoong nag-
aalala si Jim sa tono ng kanyang boses. Seryoso ba ang lahat? Ano
namang gagawin ni Ashley? Ah basta! Baka kaibigan niya si Ashley
at kung anu-anong pinagsasabi niya tungkol sa’min.
Pero kahit ano pa ‘yan, magkasama namin ‘yang haharapin ni
Mokong.
Hanggang sa huli. Malalagpasan namin ‘yang dalawa.
-+-+-+-
Two years have passed…
“Mommy!! Bilis na, late na tayo. Heavy traffic pa naman sa
EDSA ng ganitong oras,” sigaw ko habang nagsusuot ng sapatos
dito sa sala.
“Wait lang, Baby!!” sigaw ni Mommy. “Dyaren!”
Napatingin naman ako. “Aba! Ganyan talaga dapat ang suot,
Mommy? Dadaigin ang anak na ‘ga-graduate’?” Nako! At napaka-
sexy naman kasi ng damit ni Mommy.
“Syempre. Kailangang mag-standout ako sa lahat ng mommies

179
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

sa graduation mo. Kahit pa sa mommies nung dalawa,” sabi niya


habang pababa ng hagdan sabay tawa. Ang tinutukoy niya eh ‘yung
mommies nina Liz at Chris. Kung nandito man sila ngayon.
“Anak, tumawag ba sa’yo si Troy?” tanong ni Daddy.
“Ah,” sinuot ko na ‘yung toga ko. “Hahabol daw po siya. Matagal
ang flight niya, Daddy. Basta, bahala na.” Ayan, okay na ‘ko. “Tara
na Mommy? Daddy?”
“Oh sige, sana makahabol siya,” sabi ni Daddy.
“Hayaan mo na Reylan, busy ang son-in-law ko. Kaya okay
lang ‘yun. Let’s go na nga.”
“Kung sabagay. After this, they can both decide kung anong
plano nila. If they want to settle down for good, it’s for them to
decide,” sabi ni Daddy bago lumabas kasunod si Mommy.
Teka? Settle down?? Hindi nga!??? Nako! Sineryoso nga nila
‘yung sinabi ko sa kanila na gusto ko ng makasama si Mokong after
kong gumraduate.
Kaharap pa namin ni Mokong sina Mommy, Daddy at Tito
Conrad no’n.
“Lagi na nga pong busy si Mokong sa trabaho niya. May
flight pa ‘yan bukas para sa business plan niya. Masyado pong
nagpapayaman,” sabi ko.
“Tss! I’m doing this for us, Freak. I don’t want that old man’s
money.”
“Ano ka ba, Troy!” saway ko.
“It’s okay, Nadine. I’m glad that he’s being serious with his job
in the company. I’m sick and tired of giving him my money. It’s
time that he makes his own now lalo na at para din naman ‘yan sa
kinabukasan niyong dalawa.”
“Tama. Ayokong gugutumin ang bunso ko kapag nagkataon,”
sabi ng Daddy.

180
V O L U M E F O U R

“I won’t do that, that’s one thing for sure,” paninigurado naman


ni Mokong.
“Naalala ko rin talaga nung mga bata pa tayo, Reylan. Ilang
linggo lang kasi after ng graduation ko, pinakasalan na agad ako ng
Daddy mo. Excited na makasama ako,” kwento ni Mommy.
“Sumama ka naman.”
“Aba syempre! Mayaman ka eh,” sabay tawa ni Mommy.
“Syempre, biro lang.” Tumingin sa’min si Mommy. “Sadyang hindi
lang talaga kami mapaghiwalay ng Lola at Lolo mo, Nads. Kaya
pumayag na rin sila.”
“Grabe naman, pwede pala ‘yun. Tayo rin kaya Mokong—.”
“Sure!”
“Huh!? Anong sure? Wala pa nga akong sinasabi ‘no.”
“Sure, I’ll marry you right after your graduation.”
Pero sa totoo lang, gusto ko naman talagang samahan na si
Mokong dahil kung tutuusin ay mag-isa lang siya. Hindi naman
niya nakakasama si Tito Conrad sa bahay kasi laging out of the
country si Tito dahil sa business nila. Kaya mag-isa lang talaga si
Mokong.
That’s why super ang pag-aalaga ko sa kanya kahit graduating
na ‘ko at busy na rin. Pinagluluto ko pa rin siya, inaayos ang gamit
niya kapag nagpupunta ako sa condo niya at nililinis na rin ito kung
minsan. Si Mokong kasi ang naglilinis ng condo niya dahil ayaw
niyang patauhan sa iba. Dahil busy siya, ako na ang gumagawa.
Kaya ngayon ay naiisip kong hindi rin naman masamang ideya
na magpakasal na kami ni Mokong. Gusto ko na rin kasi siyang
asikasuhin, officially. Gusto ko ring nasa tabi niya para mas madali
ko siyang maalagaan at mabigyan ng support kapag pagod na siya
sa trabaho niya.
Iniisip ko lang din na baka hindi pa siya ready. Kasi ako ready
na basta siya ang makakasama ko. Bakit hindi?

181
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Haaaay!
Marami na ngang nangyari makalipas ang two years. Si
Mokong na ang ginawang President ng kumpanya at si Dad pa rin
naman ang CEO. In two years, malaki ang nai-ambag ni Mokong
sa company nila, dahilan para sang-ayunan ng mga shareholders
na si Mokong na ang maging President ng kumpanya. Actually, last
month lang nangyari ang turnover ng position.
Darating na ang araw na siya na ang papalit kay Dad as CEO.
Ako? Graduation ko na ngayon, sa wakas!
Ang dami ding mga nangyari nung mga taong nagdaan ah.
Naalala ko pa nung mga araw na kaming ay hindi pa sanay
sa pagiging busy ng mga katipan namin sa buhay. Buti pa si Sandy,
sanay na, kasi noon pa man ay may trabaho na si Rocky doon sa
bar niya.
Eto nga ang eksena namin last year…
Nandito kami sa Escolastica, of course, school papers at
defense ang inaasikaso namin. Busy ako, busy din si Mokong ko.
Sa kumpanya na nila siya nagtatrabaho eh. Pakiramdam ko nga,
ang bigat ng dala niya dahil sa na nakaatas sa kanya
ngayon.
Kaso nakaka-miss na talaga ang kapreng ‘yun.
“So ako lang pala ang hindi affected dito, right?” sabi ni si
Sandy habang kaming tatlo ay mga nakasimangot sa pagka-miss sa
mga mahal namin.
“Eh ikaw lang kasi ang sanay na may trabaho at busy ang
partner,” sabi ko. Alam niyo naman si Rocky, kahit noon pa ay busy
na ‘yan. Lalo pa ngayon na may pangalawa na rin siyang branch ng
restobar niya. “Si Mokong nga, kung saan-saan na pumupunta sa
sobrang busy niya.”
“Si Pong nga nagtatrabaho, super himala! Kala mo naman
totoo. Sasabihan pa ‘ko sa text ng I’m busy? Tapos sabay tawag

182
V O L U M E F O U R

sa’kin para tumawa lang. Wala na talagang pag-asa.”


“Ganyan talaga mga girls. Masanay na kayo, lalong lalo ka na,
Nads,” sabay turo sa’kin ni Sandy.
“Me? Why me, Goddess?” tanong ko.
“Oh, thanks Charismatic lady. So as I was saying, it’s because
Troy owns a big, big, super big company with many–many
enterprise and whatsoever.”
“And one thing to add, Goddess,” si Liz. Ayan, nag-uumpisa na
naman sila.
“Okay Alluring Chick, go ahead.”
“Charismatic Nads, your husband-to-be is the aspiring
President of their company.”
“Yeah. I get it, Goddess–Alluring Chick.”
“And to add,” si Chris. Ayan na at humabol pa.
“Yes, Silent beauty?” tanong ni Sandy.
“Better be prepared after you get married. He’ll be busier than
ever.”
Nga pala, only son si Mokong at siguradong siya lang talaga
ang mag-aasikaso ng lahat.
Ganyan ang buhay namin noon tapos kapag wala na talagang
time eh nagkakasalisihan na kaming dalawa.
“Nadine, tinawagan ako ni Troy, pinatayan mo raw siya ng
cellphone kanina.”
“Eh kasi may exam kami, Mommy. Biglang tumunog,
nakalimutan kong i-silent. Tinawagan ko siya after exam pero siya
naman ang ‘di sumasagot.”
Back to reality…
Pero minsan, bumabawi naman siya. Pumupunta siya sa bahay
at diretso sa kwarto ko. Alam na kung sa’n ang daan ng kapreng
‘yan, sa may terrace. May dalang pagkain kahit hatinggabi na.

183
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Hinihintay ko talaga siya, makapagkita lang kami.


Tapos minsan naman eh bigla na lang siyang tatawag sa’kin at
sasabihing aalis siya, biglaan. Meaning, out of the country. Syempre,
anong magagawa ko?
Tiis-tiis nga kasi pag may time, ‘di ba?
Kaya eto, ngayong graduate na ‘ko eh mas madali na para
sa’min kasi hindi na ‘ko nakatali sa school. Pwede ko na rin siyang
puntahan sa office kung kailan ko gusto. At ‘yung iba pa, bahala
WELCOME TO THE ESCOLASTICA UNIVERSITY’S
GRADUATION DAY
Ayan, nandito na kami sa venue ng graduation! I’m so excited!
“Tita! Tito! Nads!” bati ni Liz. Aba ang bruha, unat na unat ang
buhok. Ganda!
“Sinong kasama mo?” tanong ko.
“Wala eh. Si Pong lang, sa kasamaang palad,” sabay tawa.
“Hi po,” si Sandy. Aba, demure-demure ang peg ng outfit?
White fitted dress.
“Maka-po naman, ang bait,” biro ni Liz.
“Walang inggitan, please?” sagot ni Sandy.
“Inggit talaga?” sagot ni Liz. “As if, duh~” Hay nako, BITCH
nga talaga.
“Hello po,” si Chris. Lady in black ang peg ng outfit.
“Aba, congrats sa inyo mga girls! Sa wakas. Maghanap na ng
trabaho pagkatapos nito ah,” paalala naman ni Daddy.
“Meron na ‘kong business Tito, ‘wag kayo mag-alala,” proud na
sagot ni Sandy. Siya na!
“Ako, susungkit ako ng trabaho kina Mommy. Bahala na,” sagot
naman ni Liz.
“Ikaw Chris? Anong trabaho ang natitipuhan mo?” tanong ni

184
V O L U M E F O U R

Mommy.
“Po? Ah, kahit ano lang po,” alangan na sagot ni Chris. Kasi
naman, parang laging bothered ang isang ‘to kapag career path na
ang usapan.
Pero, kung sabagay? Ako man ay naguguluhan din. Para kasing
ang nasa utak ko eh hindi magtrabaho. Gusto ko lang na kasama
ko si Mokong, ipagluto siya, tapos kakamustahin. Anong career ba
‘yun?
Ayan na, real thing na! na kaming lahat.
Hanggang sa tawagin na ‘yung pangalan ko para umakyat sa stage.
“Castro, Maria Nadine D.”
Oh thank you, thank you Lord! Apat na taon ding pinaghirapan
‘to. Umakyat ako sa stage at isa sa mga kinamayan ko ay si Kuya
Roy, ang kuya ni Sandy. Syempre, may-ari ng university.
“Congrats, Nads.”
“Salamat, Kuya.”
Hindi nagtagal ay natapos na ang napakatagal na seremonyas!
At nagkita-kita na kaming apat!
“Congrats sa’tin!!” nangingiting sabi namin sa isa’t isa.
“Sa wakas! Wala ng stats!” sigaw pa rin namin habang
nagyayakapan.
“No economics!”
“Wala ng aalalahanin sa dos o tres!” Talon-talon din!
“At wala ng Butiki!!! girls!” sigaw ni Liz.
“And no more BITCHes too.”
Napalingon kami. Aba si Jhoanna. She’s alive but she looks
dead!
“We’ll miss your zombie bloody face, girl,” biglang sabi ni
Sandy.

185
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Yeah right, I’ll miss your itchy bitchy face too,” sagot naman ni
Jhoanna tsaka umalis.
Tumingin kami kay Sandy at sumagot naman siya ng “What? A
BITCH will always be a BITCH.”
“I’m in!” pagsang-ayon ni Liz.
“Hands up,” si Chris.
“Count me in, BITCHes!” sigaw ko.
“Okay girls, picture muna!” Napalingon kami kay Daddy. “Say
’A’…”
“Eyyy…” kaming apat. “TEN MORE!” sigaw namin.
Hindi na nga nagtagal ay dumating na ang mga kanya-kanyang
partners at friends namin from Austine.
“PONG!” sigaw ni Liz.
Si Adrian, present. Nga pala, do’n na siya nagtatrabaho sa
kumpanya nina Mokong. Sa Planning and Strategy Department.
Ayaw daw ni Mokong na ilagay siya sa Engineering Department at
baka raw magsiguho ang mga buildings na itatayo nila.
“Regalo ko? Flowers? Nasa’n na, Pong?”
“Bwahaha! Nakalimutan kong pumitas sa nadaanan kong
punerarya! I’m sorry, Queen! Bwahaha! Wala pang sweldo—
Joke! Oh, eto na!” sabay abot ng boquet of flowers na mukhang
pinahawakan pa niya kay Luke bago lokohin si Liz.
“Chris, for you. Congrats,” sabay yakap kay Chris nitong si
Basty. Kapag nakikita ko silang dalawa eh parang ang kalma lang
ng buhay.
“Thanks,” matipid na sabi ni Chris.
Si Basty naman, kasama ng parents niya sa business nila. Pero
‘wag ka! Nakapagpatayo na ‘yan ng sarili niyang photostudio. ‘Yan
kasi ang hilig ni Chris.
Oh teka? Present din si Rocky!

186
V O L U M E F O U R

“Oy, Bato,” si Sandy.


“Oh ano, Buhangin!?” bati ni Rocky.
Ang dalawang ito, nako, ‘di mo aakalaing magtatagal. Ewan ko
nga ba? Naka-ilang breakups ba sila nitong nakaraang month? At
ilan ba ang sineryoso nila dun, kung meron man. Grabe talaga ang
mga ‘to.
“‘Wag ka ng magpakita kung wala kang dala ni isa, understand!?”
sabi ni Sandy.
“Marunong ka bang maghintay ah!?” sabay labas ng tatlong
flowers na inayos na parang bouquet. “Oh, kaartehan. Gusto pa ng
ganito.”
Oh di ba? Grabe magmahalan. Tames!
Si Rocky naman, dalawa na ang branch ng kanyang Rock Me
Bar. Ay mali! Iba na nga pala ang pangalan nito. RockDy Bar! Alam
na kung bakit. Natuloy na ang restobar na pamamahalaan nilang
dalawa. Magkasosyo sina Sandy at Rocky dito. Sabi nga ni Rocky, ‘di
na raw sila pwedeng maghiwalay. Kala ko naman dahil sa mahal na
mahal talaga nila ang isa’t isa, ‘yun naman pala dahil sa properties
ng negosyo nilang dalawa. Baliw talaga ang mga ‘to.
“Oh, Nads, Congrats!” si Luke.
“Regalo ko?” tanong ko.
“Ahaha! Naiwan ko sa kotse ko.”
“Kunin natin?”
“Ahahaha! Naka-motor ako eh.”
“Daya!!”
Si Luke naman, nasa kumpanya rin nina Mokong. Doon siya
na-assign sa Engineering Department. Girlfriend? Ang alam ko ay
may dinadalaw ito palagi sa restobar nina Rocky. Di pa nga lang ako
sigurado kung sino. Malay niyo mag-share minsan.
Teka! Si Luke nandito na rin. Pa’no naman si Mokong?

187
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Ang daya naman,” bigla silang napatingin sa’kin. Gulat na


gulat lang? “‘Di niyo man lang kinulit si Moko—Waaahhh!” May
biglang bumuhat sa’kin mula sa likuran na parang bagong kasal.
“Mokong!!” Niyakap ko siya habang buhat niya ‘ko. Naiiyak ako!!
One week na siyang nasa ibang bansa eh. “Na-miss kita!!!” sabi
ko habang nakasubsob sa dibdib niya. Dibdib. Ay, Nads? Walang
pinagbago? Favorite spot, of course.
“Late ka na,” sabi ko habang nakatingin sa kanya.
Tumingin siya sa’kin. “I’m here, earlier than everyone of you. I
miss you, Freak.”
“I MISS—.” Oo nga, eh. Sabi ko nga. Di na ‘ko pinagsalita, ‘wag
na raw. Kiss na lang.
“Ay, valentines o graduation day. Pili kayo,” si Sandy.
“Naiinggit ka naman, oh tara sa walang tao!” aya ni Rocky.
“Congrats!” Tumingin si Mokong kina Sandy. “We really need
to go,” sabi ni Mokong. To go? “Let’s go, Freak.”
“Sa’n!??” sabi ko habang paalis na kami habang buhat pa
rin niya ako. “Teka, ibaba mo muna kaya ako? Nakakahiya oh.”
Pinagtitinginan kasi kami. Binaba naman niya ako at naglakad na
kami palabas.
Pagkarating namin sa sasakyan, do’n ko lang na-realize na ang
formal pala ng suot ni Mokong. Suit and tie, men in black ang peg.
“Mokong, grabe ka naman makaporma sa graduation,
masyadong pormal,” sabi ko habang pinapaandar na ni Mokong
‘yung sasakyan niya.
“Sorry, Freak. Dito na ‘ko dumiretso pagkarating ko sa airport.”
“Talaga!? Grabe, wala ka pang tulog?”
“Not a single dream.” Tumingin sa’kin si Mokong. “One week
without you? Tss, like hell.”
“Kaya pala wala kang pasalubong,” sabay tingin sa paligid ng

188
V O L U M E F O U R

sasakyan.
“Don’t worry, I have two things to give you.”
Ang ngiti, Nads. “Dalawa???”
“Yeah. Just wait.”
Nakarating din kami sa una naming pupuntahan. Sa company
nila? Sumunod na lang ako dahil baka may dadaanan pa siya.
Pagdating sa tapat ng office niya…
“Freak,” tumingin naman ako sa kanya. “Una kong pasalubong.”
Sabay abot ng… Ballpen?
Ballpen talaga? Tiningnan ko ‘yung ballpen, wala namang
espesyal. Ay nako Nads, ‘wag masyadong choosy!
“Wow Mokong, ganda ah. Pangarap ko ‘to eh,” pagbibiro ko.
Ngumiti lang siya at saka binuksan ‘yung pintuan. Nando’n si
Manong Hans at ang isa pang babae na naka-corporate attire din.
“Miss Nadine, congratulations po on your graduation,” bati ni
Manong Hans.
“Okay, let’s start!?” tanong ni Mokong do’n sa babaeng nasa
harapan namin.
Tumingin ako kay Mokong. “Let’s start ang alin, Mokong? Ano
bang gagawin natin dito?” tanong ko.
“Nasa’n ‘yung ballpen, Freak!?” tanong niya sa’kin. Nilabas ko
naman.
“Please, show her,” sabi ni Mokong do’n sa girl. At saka naman
may inabot sa’king folder si Ate.
“Hindi po namin kayo bibiguin,” sabi pa ni Ate.
Binuklat ko ‘yung folder at dun ko nakita ang isang papel na
nasa loob nito. “W-Wedding event planner and coordinator?”
tanong ko at saka tumingin kay Mokong.
“Why? You didn’t like it?”

189
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“NO!” sigaw ko ng haharapin na niya si Ate.


“No?” tumingin si Troy sa’kin.
“I like it. I love it. I want it. Ano ka ba naman!?”
“Really!?” saka niya hinawakan ang both cheeks ko. “That’s my
wife,” saka niya ‘ko hinalikan. “You won’t regret~”
“Matagal na ‘kong hindi nagsisisi, ngayon pa kaya?”
Pagkatpos ng tagpong ‘yun ay umalis na din kami ni Mokong
at bumalik sa sasakyan. “Sa’n na tayo pupunta?” tanong ko.
“Sa susunod na pasalubong,” sabi niya. Okay!
Nakarating kami sa isang malaking private subdivision.
Huminto kami sa tapat ng isang bahay.
“Freak,” tumingin ako sa kanya. “Here’s my second gift,” sabi
niya. Kasabay nito ay ang pag-abot niya sa’kin ng isang maliit na
pouch bag. Inalog ko. Kumakalansing? Bumaba kami ng sasakyan
at binuksan ni Mokong ‘yung gate no’ng katapat na bahay na
hinintuan namin. Grabe! Ang ganda ng bahay—“Teka, Mokong!”
sabi ko. Huminto siya at tumingin sa’kin. “Alam ko na! Hindi ko ‘to
inaasahan, grabe!”
“I think you’re improving now. You get—.”
“Talagang binilhan mo pa ng bahay si Lolo Pops!”
“What? Nakainom ka ba ng gamot mo habang wala ako?”
“Hiwalayan na kaya kita.” Inis ah. Eh kasi napag-usapan namin
dati na ang liit ng bahay ni Lolo Pops sa probinsya kaya ‘yun ang
naisip ko. May point naman ako ah! Okay, fine, pointless na.
“Open it,” utos niya at sabay tingin sa hawak kong pouch bag.
Pagkabukas ko naman. “OMG!!!”
“Yeah, I bought a—.”
“Binilhan mo talaga ako ng sasakyan!!?” Grabe na ‘to.
“Shit—not a car! Tss! Maaga akong tatanda sa’yo, Freak. I

190
V O L U M E F O U R

bought a house! FOR THE BOTH OF US!”


I bought a house! FOR THE BOTH OF US!
I bought a house! FOR THE BOTH OF US!
I bought a house! FOR THE BOTH OF US!
Nag-echo ata ‘yung sinabi niya. “HOUSE? HOUSE!!!???”
“Tss, yeah, now go. Open it, now!”
Tumakbo ako papunta sa pintuan sa sobrang excitement!
Sobra-sobra ang saya dito sa puso ko ngayon. Kinakabahan pa ‘ko
habang binubuksan ‘yung pinto. Pero nang mabuksan ko na…
“Wow,” mahinang sabi ko habang papasok ng bahay. May mga
gamit na sa loob at ang laki. Hinga-hinga, Nads, kung may time pa.
Habang pinagmamasdan ko ‘yung paligid. “Freak, I bought
this house.”
“Yeah. Sinabi mo kanina, ‘di ba?” Ang ganda!
“With my own money and hardwork, Freak.”
Ngumiti ako habang nakatingin sa paligid. “Yeah, nice.”
“Tss!” iling niya.
Nainis na. Humarap ako sa kanya at nilapitan siya. Hinawakan
ko ‘yung magkabilang pisngi niya. “I’m proud of you! Super
proud,” then I kissed him. “Teka!” Inalis ko ‘yung pagkakahawak
ko sa kanya. “Labas tayo, Mokong. Dali!!” Hinatak ko siya palabas.
“Dapat daw, kapag nasa bagong bahay ang couple, may paraan ng
pagpasok. Buhatin mo ‘ko papasok ng bahay! Dali na!”
“Tss.” Pero binuhat naman niya ‘ko at pumasok uli kami sa
loob.
“Okay, sa kusina muna tayo tapos sa likuran, then—Teka,
teka lang,” napahinto ako dahil umakyat sa hagdan si Mokong.
“Mokong, sa’n tayo?”
“To OUR room.” Binulong pa talaga sa tenga ko? OMG,
nanginig ang balumbalunan ko!

191
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Pagod ka, ‘di ba? At syempre, pagod din ako. Tapos hindi pa
‘to pwede—.”
“I’m not tired.” Waaaah! Pagod ka!!! AFTER THE WEDDING
NA LANG KAHIT GAANO—Gaano?
Dahan-dahan siyang naglakad pagkarating sa kwarto.
“AHHHH!” sigaw ko. Hinagis ba naman ako sa kama! Napatitig
ako sa mata ni Mokong. It’s burning!
Kaso may biglang tumawag sa kanya. Tawa tayo dali! Bad trip
‘yan! Pustahan pa.
Without seeing kung sino ‘yung tumawag. “HELLO!? WHAT—
Sh*t, Mom. I’m sorry,” sabay hawak sa batok. Bigla akong natawa.
Nice one, Mommy!
“Ah, yeah. Opo. Dumaan lang kami. We’ll be there in an hour.
Yes, okay po. Bye.”
Lakas naman ng tawa ko. “Kasi naman… ‘Wag—Ah!” natigilan
ako ng biglang hawakan ni Mokong ‘yung magkabila kong paa at
hinatak ako pababa! “Naman eh!”
Pumaibabaw siya sa’kin habang nakatukod ‘yung both hands
niya sa magkabilang side ng katawan ko to gain support. Nakatingala
ako sa kanya. “Ano?” tanong ko.
“I can’t wait,” sabi niya sabay kiss sa’kin. Sa’n siya di makapag-
wait, omaygerd! “To be your husband.” Ahhh! Ayun naman pala,
Nads.
Ako rin naman, I want to be the wife that he needs too.
-=-

192
V O L U M E F O U R

Chapter 36: Let’s make a


family…
What’s on your mind? > Privacy is the best policy in
making a baby… Ssssh! *o*

After 9 months of preparation…


Natuloy din ang dream wedding namin ni Mokong. ‘Yung
dream wedding na kasama ang pamilya, kamag-anak at kaibigan,
at konting ka-trabaho sa opisina. Nilimitahan namin ang mga
bisita dahil ayoko ng napakaraming tao tapos hindi naman close o
kakilala man lang.
Matagal din naming pinaghandaan bago natuloy ang kasalang
‘to. May mga tinapos pa kasing project si Mokong na kinakailangan
ng maraming oras para siya. Hindi naman ako
kaya habang busy siya sa project niya, ako naman
‘tong pumasok sa isang Hotel and Restaurant kasama ni Liz bilang
apprentice. Sayang ang mga oras eh.
Pero eto na nga, natuloy din sa wakas ang lahat. Napag-usapan
din ang honeymoon naming dalawa pero ako na ang unang
nagsabi na saka na lang kami magba-bakasyon kapag hindi na busy
si Mokong.
Pagkatapos sa reception ay napag-usapan na pupunta kaming
lahat sa bahay. Gusto naming magsama-sama without other
people. Medyo formalan din kasi during reception at ‘di na rin
kami nakapag-kuwentuhang magba-barkada. Kaya dito sa bahay

193
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

namin itutuloy ang lahat ng celebration. Huli na nga lang kaming


dumating ni Mokong dahil hinintay pa naming maubos ang tao sa
reception kanina.
Pagdating namin sa bahay ay kapansin-pansin talaga ang mga
nakahilerang sasakyan sa labas. Aakalain mong parang may car
show.
Pagpasok naman namin ni Mokong sa loob ay isang malakas
na pagbati ang nakuha namin mula sa BITCH, Red Dragons, kay
Rocky, kay Manong Hans, at syempre sa aming mga parents.
Niyakap ako nang mahigpit ng BITCH. “CONGRATULATIONS,
MRS. SMITH!!”
“Grabe, parang kailan lang at magkakasama pa tayo. Aba
ngayon, Mrs. Smith ka na,” sabi ni Liz.
“Okay, magkaka-pamangkin na ‘ko,” say ni Sandy at natigilan
kaming lahat.
“Hahaha! Tawa tayong lahat dali, masyadong awkward!”
biglang singit ni Liz.
Habang sila Mokong naman…
“Finally Pare! Eto na ‘yung pinakahihintay mo! Legal na kayo
ni Mrs. Captain,” si Rocky.
“Congrats Captain!” si Nick.
“Don’t call me Captain, I’m not your Captain anymore,” say
naman ni Mokong. Syempre, may kanya-kanya na silang mga
trabaho at hindi na rin players ng RD. May point nga naman si
Mokong.
“Who told you that, Captain?” sabi naman ni Jhick. “May bago
man kaming boss ngayon eh mas takot pa rin kami sa’yo! ‘Di ba
mga ‘tol!?”
“NAMAN!!” sigaw nila.
“NO!!” Ay may pumaling na isa. Napatingin sila kay Adrian.
“Bwahaha! Oo na, sige na nga. niyo pa ‘ko sa labas

194
V O L U M E F O U R

“Oh baka magka-iyakan pa tayo rito, tama na ‘yan!” si Sebastian.


Nakakatuwa silang tingnan, ngayon lang kasi uli sila nagsama-
sama ng ganito. Masyado na kasi silang busy sa kani-kanilang
works at buhay. Pero masaya naman ako at nasa maayos ang lahat.
Okay! Nagkanya-kanya na ng table. Ang BITCH ay para
sa BITCH, ang RD ay para sa RD, at ang mga tanders ay para sa
parents namin. PEACE!
“So, ano naman ang plano niyo sa buhay after nitong pagkikita
natin? Tuloy pa rin ba kayo sa mga ginagawa niyo?” tanong ni
Sandy. “‘Coz as for me, sure na ‘kong may business ako with Rocky.”
“Tuloy pa rin naman ako sa pinapasukan kong hotel and
restaurant,” sagot naman ni Liz.
“Ikaw ba, Chris?” tanong ni Sandy.
Lahat kami ay napatingin sa kanya. Ayan, magkaka-alaman na.
“Ang totoo niyan, pinapapunta ako ni Daddy sa Europe.”
“WHAT!!” OA na reaksyon naming tatlo.
“Yup. Kaya nandito si Mommy ngayon sa Philippines para
sunduin ako,” malungkot na pagkakasabi niya. Kaya naman pala!
“Teka, pa’no naman tayo?” tanong ni Liz.
“Well, Liz, that’s a good question pero mas okay atang tanungin
natin kung pa’no na sila ni Basty? Masyado ng prepared si Basty
for the both of you. From the business he’s starting para sa inyong
dalawa,” paliwanag ni Sandy. Totoo naman ‘yun. Tahimik lang si
Baste pero alam namin na nagsisikap talaga siya na maging okay at
stable ang relationship nilang dalawa pati na rin ang business niya,
para sa future nila ni Chris.
“‘Yun din ang iniisip ko. Kaya sana, ‘wag niyo munang sabihin
sa kanya uh?” pakiusap ni Chris.
“Oo naman. Sana maging okay kahit anong maging decision
niyo,” sabi ko. Nakakalungkot naman kung aalis na si Chris.
“Teka nga, ‘wag niyo sa’kin dalhin ang topic. Nakakalungkot

195
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

tuloy ang atmosphere. Ikaw ba, Nads?” sabay tingin sa’kin. “Anong
plano mo?”
“Ako? E di tuloy pa rin sa trabaho ko with Liz. Narinig ko kasi
do’n sa isa sa mga naligaw na bisitang business minded person
na ang aga ko raw nagpakasal. Sinayang ko raw ang tinapos ko,”
kwento ko.
“Nads, magtatrabaho ka? Eh ‘di ba, kaya niyo nga itinuloy ang
kasal niyo ni Troy dahil halos ‘di na kayo magkakitaang dalawa
nung magkahiwalay kayo ng bahay? Tapos ang sabi mo, eto na
talaga ‘yung gusto mo,” si Liz.
“Oo nga, kaso lang bigla kong naisip ‘yung iisipin ng ibang
mga kakilala nina Mokong. Lalo na ‘yung matataas na tao. Isa
lang akong college graduate na wala man lang napatunayan. Kung
meron man… nine months of working experience lang.”
“Girl, Troy is a financially stabled man. You don’t have to work
para madagdagan ang income niyo. Kapag nagtrabaho ka, you’ll be
both busy with your works,” dagdag ni Sandy.
“Bakit mo iisipin ‘yung iba? Buhay niyo na ni Troy ‘yan. Hindi
na kami kasali o kung sino pang iba diyan,” paliwanag ni Chris.
“Oo nga naman. Tsaka gusto ko na ng pamangkin sa inyo
ni Troy ‘no. Pag pagod kayong pareho, malaki ang chance na
mahirapan kayong makabuo niyan,” dagdag pa ni Liz.
“Okay, ‘wag i-pressure si Nads. Nasa kanila naman ‘yan. Pero
pag-isipan mo rin ang work na gusto mo. I doubt it kung okay si
Troy diyan,” sabi ni Chris.
“Well,” Uminom ng juice si Sandy. “All I can say is that, may
needs si Troy na dapat ay punan ni Mrs. Smith.”
“Gets ko ‘yan,” si Liz.
“May pangangailangan si Troy? Bakit ‘di siya nagsabi?” sabi ko
at saka naman sila nagtawanan. ‘Yan tayo eh. Huli na naman ako sa
balita. Inis. “Go, tawa lang.”

196
V O L U M E F O U R

“Nads, baka kasi kung nagsabi siya sa’yo noong hindi pa kayo
legally married eh magulantang ka. At least ngayon, it’s normal,
mag-asawa na kayo eh,” paliwanag ni Liz.
“Nads, nakukuha mo ba ang usapan natin?” tanong ni Chris.
“Hindi ko nga alam kung sa’ng space na kayo napunta eh,”
sagot ko.
“Girl, this time, kasal na kayo. Nakapagpanggap na nga rin
kayong may baby. ‘Di ba it’s about time na totohanin na ang lahat?
Tapos pasayahin na ang mga tanders sa both sides?” sabi naman si
Sandy.
Ahh. ‘Yun naman pala ang ibig sabihin nila. “Oo naman, may
plano rin nama—.” Hala!
“WAAAAAAAAH!” Magsigawan daw ba!??
Si Liz napatayo pa. “May plano na raw!!!!” Bruha talaga ‘tong
mga ‘to. Napatingin tuloy sa’min ‘yung iba.
“Wala. Sige, tuloy lang kayo dyan. Nalaglagan lang ng turnilyo
ang mga ‘to.” Tumingin ako kay Liz. “Uy, umupo ka nga.”
“Ay sorry! Hahaha! Grabe, kinabog ang heart ko,” sagot naman
niya.
“She’s getting matured na with this kind of talk, girls. Hindi na
siya ang unang nababaliw at very calm na siya ngayon. Biruin niyo,
napapag-usapan na pala nila ni Troy ang tungkol do’n. Nice,” puri
pa ni Sandy.
“So, kailan ang plano?” tanong ni Chris.
“Kailan? Kailangan bang planuhin? Ano ba, darating na lang
‘yun. ‘Wag excited.” Ang mga ‘to talaga! Totoo naman na napapag-
usapan namin ni Mokong ang tungkol dito, ‘yung pagkakaroon
ng baby. ‘Yun naman ang goal namin kaya gusto na rin naming
magpakasal.
“Well. Kahit kailan pa ‘yan. Basta ang alam ko eh tamang tama
ang regalo ko para sa’yo,” sabi ni Sandy. Gift?

197
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Me too, pinag-isipan ko rin!” singit ni Liz.


“Kala niyo kayo lang ah, mayro’n din ako,” si Chris.
Nako! Ano naman kayang mga gifts mayro’n ang mga ‘to?
-=-

Sa wakas, natuloy din ang pangarap ko para kay Harris.


Natutuwa talaga akong nakapag-settle down na ang batang ‘to. May
makakasama na rin siya simula ngayon.
“Nako, totoo na ‘to! Magkamag-anak na talaga tayo, Reylan,”
sambit ko.
“Oo nga, hihintayin na lang natin ‘yung susunod sa yapak
natin,” sagot naman ni Reylan.
“Tutal kasal na ‘yung dalawa, sana naman maisipan na nila.”
Hindi na rin naman malayong mangyari ang iniisip ko. Gusto ko
ng magkaroon ng lalaruing bata.
“Eh ‘yung dugo niyo ba naman nakakabuo kaagad?” tanong
naman nitong tandang ‘to.
“Hindi porket nag-iisa ‘yang si Harris eh mahina ang lahi ko.
Maaga lang umalis si Issa kaya gano’n, pero baka di mo nalalaman
ang kamandag naming mga Smith,” sabi ko.
“Hindi nga, pero sana nga. ‘Yun na lang rin naman ang
hinihintay ko, ‘di na tayo bumabata,” dagdag pa ni Reylan.
“Kung sabagay, matanda ka na talaga,” sabi ko.
“‘Wag ka ngang mapagpanggap diyan, Conrad. Mas matanda
ka sa’kin.”
“Anong mas matanda?”
“Nako, tumigil na nga kayo diyan at oo na, pareho na kayong
mukhang bata,” sabat ni Alma.
“Ayan tama ‘yan!” pagsang-ayon ko.
“Isip bata,” tuloy ni Alma.

198
V O L U M E F O U R

-=-
“ISA PANG KAMPAI PARA KAY CAPTAIN!!”
Let’s see kung sino sa mga ‘to ang unang susuko. Tss!
Nagkasama-sama na naman ang mga ‘to. But this is good, ngayon
ko lang nalaman ang progress sa kanila.
“Aba! Ang mga loko, mayayabang na. Katas ’t pawis
niyo ang mga sasakyan sa labas ah? Gaganda ng mga sasakyan,”
sabi ni Luke.
“Ganyan talaga ang nagsisikap,” pagmamayabang naman ni
Nick.
“Nagsalita ang aming veterinarian! Bwahaha! Aso!”
pangangantyaw ni Adrian. He’s still the same.
“AW! AW! AWOOOOOH!!” they all screamed.
“Oy!! Nagbibiro lang ak—oy!! Ilayo mo ‘yan!” sigaw ni Adrian.
Nilabas ni Nick mula sa kanyang bag ang dalang injection.
They stood up and moved near to Adrian. “Hawakan na ‘yan!”
pambubuyo ni Rick.
Rick helps his father with their automotive car business. They’ve
just released their newest model this month. I signed one for Freak
para may magamit siyang sasakyan kapag kailangan.
“Eto na ang susunod na pasyente! Bilis!” si Trick.
“AAH!!! ANO BA!!” sigaw ni Adrian.
“Delikado! Baka makagat si Liz,” sabi ni Vic.
Vic owns two clinics which he manages on his own. At the
same time, he’s also working in the hospital as the Head Physical
Therapist. One year has passed but we can still remember her
girlfriend’s death. Good thing that he’s okay now.
“‘Ge, ‘wag na! Hindi matapang na gamot ang dala ko. Dapat
sa’yo matindi. Malala ka na, Adrian!” si Nick.
“Tama na nga! Bakit hindi si Trick? Oy, Trick! Kamusta

199
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

alapaap?” pang-aasar ni Adrian.


“Everything’s good, gusto nga kitang isama minsan para naman
maitulak na kita from there– down here. Hahaha!”
Trick is currently training to be an Airline Pilot. He has a long
way to go but I’m proud of this man.
“Blake, anong meron sa buhay mo?” Sebastian asked. “Kamusta
na kayo ni Skye?”
“Gano’n pa rin—.” sagot ni Blake.
“BUGBOG SARADO PA RIN!” sigaw nila.
Blake helps her grandmother with their food business. I don’t
know how come he had a girlfriend but it’s good to know na may
nakaintindi sa pagiging antukin niya. Tss. Someone can keep him
awake, finally.
“Captain! Anong plano bukas?” Jake asked.
“During the house blessing?” I asked. Bukas pa lang namin
mapapa-house blessing ang bahay namin ni Freak. Sinabi kasi
namin na gawin ‘yun after our wedding.
“HINDI!!!” sigaw nila.
“Then what—.”
“AFTER THE HOUSE BLESSING!!!”
“You all silly Dragons should mind your own business. Tss!”
“Grabe naman! Excited na nga kaming malaman kung gusto
mo na ba, Captain. Aba kapag nagkataon, napaka-swerteng
pamangkin. Napaka-gwapo ng mga ninong!” sabi ni Zhrake.
“Totoo ‘yan!”
“Sa tingin mo ba Captain eh matutuloy na ang baby?”
“Tss, I hope so—.”
“WOHOOOOOO!!! I HOPE SO!!” sigaw nila. Tss! Tumingin
sina Freak dito.
“Oh, ilabas na ang alas!” sabi ni Jhick.

200
V O L U M E F O U R

“Captain,” it’s Adrian. And I think I already know what he’s


going to give me. “Alam kong kailangan mo nito.” And he handed
me this—Tss!
“Pampalakas ng loob!” si Rick.
“Pampatibay ng buto!” segunda ni Nick.
“Pampakulo ng dugo!” sabi naman ni Trick.
“PAMPAINIT NG BODY! BWAHAHA!” pagtatapos ni Adrian.
“Sabay-sabay nating sambitin…”
“Tss!”
“Aaaaahhhhh!!”
Hours have passed at lahat sila ay may kanya-kanya ng mga
pwesto sa terrace nina Freak.
“Oy! Magsitayo na kayo, aalis na tayo. Nakakahiya kina Tita
Alma!” sabi ni Sebastian.
“Iinum-inom kayo, mga bagsak din pala kayo!?? Oy, tayo!” si
Rocky.
“Matutulog na sina Tita dito. Oy, mga loko, tayo na dyan!” si
Luke.
They’re the only men who are not sober. Isama mo pa ‘ko, tss!
“Mga lasing na kayong lahat, ano kayo ngayon?! Hahaha!”
Rocky blurted out.
“Hindi kami lasing, ‘tol. PAGOD is the right term,” said Nick.
“Oo nga, juice lang ininom ko. Matulog muna tayo kahit saglit,”
Rick suggested.
“Wala pa ‘kong tulog. Sige, sige,” Drake agreed.
“Kala ko naman mga lasing na—,” si Sebastian.
“SINONG LASING!? H-HINDI A-KO LA-LASING!” Tss!
Coming from this foolish Adrian.
“Tss!”

201
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Eh loko ka pala eh. Manong, tingnan mo ‘yang hawak mong


baso. Adik!” said Luke.
Tumingin naman ang loko. “Oh!? Anong masama dito!? Loko
ka, ‘di ako lasi—.”
“Baliktad na ‘yang hawak mong baso, loko!” Rocky said. Then
he grabbed the glass out of Adrian’s hand.
“Nako, wala ng uuwi sa inyo,” it’s Mom.
“Nako, Tita. Hindi na po, gigisingin na namin ‘tong mga ‘to—,”
sabi ni Sebastian.
“‘Wag ng makulit! Kung mabangga pa kayo sa antok ng mga
‘yan?! Sige na, sa sala na kayong lahat at sa kwarto ni Nadine ang
girls. Magtyaga muna kayo dito sa sala,” Mom said.
“Okay lang Tita, ano—,” sagot ni Luke.
Blake silently stood up and walked inside. “Matutulog na po
ako, do’n ako sa sofa.” Like a walking dead, tss! Hindi siya nakainom,
ganyan lang talaga siya.
And here comes the crazy, not drunk, Dragons.
“Oy!! Ako sa sofa, masakit na ang likod ko!” angal ni Trick.
“Ako na lang!” sigaw ni Rick.
“AAAAHHHH!!! BAKIT NIYO ‘KO DINAGANAN!” pagre-
reklamo ni Blake.
“Malamang hihiga kami!” pangangatwiran ni Jake.
Tss, mga hindi pa rin nagbabago.
“HOY! ‘WAG KAYONG MAINGAY! NAKAKAHIYA!!”
Adrian yelled.
“Loko, pare, ikaw ang maingay. Kape lang ang katapat niyan,
tara!” sabi ni Sebastian.
“Kape ka diyan!? Buhusan mo ng kumukulong tubig nang
matauhan,” sagot ni Luke. “Siya ang uminum-inom diyan tapos ‘di
pala kaya! Sumbong kita kay Liz eh.”

202
V O L U M E F O U R

“Tsk tsk, mga ‘to talaga,” said the old man. “Harris, bantayan
mo ang mga ‘yan. Ikaw ang puno at ugat ng mga ‘yan.” Dito kami sa
bahay nina Freak magpapalipas ng gabi. Her last stay in her family’s
house.
“Tss, go now.”
“Oh siya, Conrad, ingat ah,” Dad said. “Ikaw, Harris, kayo nang
bahala dyan ah? Sa kwarto na kami ng Tita mo.”
“Yes, Dad!” I replied.
-=-
Nag-overnight na rin sina Sandy rito. Parang wala atang
nagpaalam sa’kin na uuwi na sila. I mean, ‘yung RD.
Alas-dos na ng madaling araw kaya lumabas muna ako para
tingnan kung ano nang mayro’n dito sa labas.
“Kaya naman pala,” bulong ko. Kanya-kanyang hilera na ang
mga respetadong bachelors ng RD. Inalis nila ang center table sa
sala at ayun, sa sahig nagsihiga. Nakakatuwa, ngayon ko lang uli sila
nakitang ganyan. Nakaka-miss din pala talaga ang college barkada.
“Freak!” Paglingon ko ay nakita ko si Mokong na may dalang
black bag kasama sina Sebastian. “Bakit di ka pa natutulog? It’s
already 2 A.M.,” at tuluyan na ‘kong bumaba ng hagdan.
“Anong ginagawa niyo? Kami na diyan bukas nina Mommy,”
sabi ko.
“Hindi na Nads. Maayos na sa labas, nilinis na namin.
Nakakahiya naman kasi,” si Sebastian.
“Asus, parang iba pa.” Nilagay na lang muna nila sa likuran
‘yung mga dala nilang basura tapos ay bumalik din naman agad.
“Tulog ka na. Gusto niyo do’n na kayo nina Basty sa kwarto ni
Kuya. Do’n na lang kaming lahat nina Sandy sa kwarto ko. ”
Pumayag naman si Mokong tapos sabay kaming umakyat.
Tahimik, hindi ako sigurado kung uminom ‘to. Pwede kasing
pagod lang talaga siya kasi super busy niya sa pag-aasikaso ng kasal

203
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

namin na kasabay pa ng trabaho niya. Lagi na lang niyang sinasabi


sa’kin na…
Don’t worry, I’ll handle it.
Kaya ayan, mukhang pagod si Mokong.
Lumingon ako, kala ko kasunod namin sina Baste para sama-
sama na sila nina Mokong sa kwarto ni Kuya. Sasamahan ko muna
ang BITCH sa kwarto ko.
Nang nasa harapan na kami ng kwarto ni Kuya, bigla kaming
napahinto nang unahan kami ni Blake na pumasok sa kwarto at
sabay higa sa kama.
“Tss!” Nilapitan siya ni Mokong sabay sabing “What do you
think you’re doing?”
Hay nako naman. Sumagot ako. “Matutulog na ‘yan, tabi na
lang kayo—.”
“Tabi? Tss! Kung siya ikaw, Freak, then fine. he’s not.”
Tumingin siya kay Blake. “Hey,” sabay hatak sa braso.
“Ano ba! Natutulog na ‘ko!” sigaw ni Blake. Haha! Sinigawan
si Mokong.
“Say what—my wife and I will stay here. Get out!”
“Anong? Teka, dun ako kasama ng BIT—,” naputol pa ‘ko sa
pagsasalita.
“Sige na. ‘Di naman ako titingin. Gawin niyo lang ang gusto
niyong gawin, inaantok na ‘ko eh,” sabi ni Blake habang nakadapa
sa kama. Ano raw!? Gawin lang ang gusto naming gawin!? “Pipikit
ako, promise,” dagdag pa ni Blake. Napahawak na lang ako sa aking
noo at napa-iling.
Tumingin sa’kin si Mokong. “Should I throw him out of this
room?” seryosong tanong ni Mokong. Pero bigla namang tumayo
si Blake pagkarinig kay Mokong no’n.
“‘Di naman talaga ako inaantok. Sige, galingan niyo,” sabay
labas ng kwarto na blanko ang mukha.

204
V O L U M E F O U R

Hahabol pa sana ng pasok sa kwarto sina Trick, Rick at Jhick


kaso nang humarap si Mokong sa kanila eh bigla silang tumalikod
at naglakad palayo.
“Bakit mo ba kasi sila pinaalis? Kasya naman kayo—,” biglang
naglakad si Mokong papunta sa pintuan at ni-lock ito!! OMG!
Bigla siyang naglakad papalapit sa’kin habang binubuksan ang
butones ng kanyang polo. GOSH! Mapapa-aga ang baby? Inakbayan
niya ako at humarap kami sa kama at—“Ah!” sabay padapa namin
bagsak sa kama. Tsk tsk tsk, pagod na nga. Plakda kami parehas
dito sa kama. Nakapikit na siya habang nakalagay pa rin sa likuran
ko ‘yung braso niya.
“Mokon—,” bigla siyang umayos ng higa at hinila ako patabi
sa kanya.
“ ,” sabi niya. OMG!!! deeelaytssss!??
“Kasi, teka, serious ka?” tanong ko. Dizzzziizzzzsooopasst!!!
“Yeah, I’m serious. We’re married now. We can do anything
we want here. the lights—tss!” Siya na ‘yung umabot sa
lampshade na katabi ko at saka ito pinatay. OMO—eh!? Sabay
higa at yakap sa’kin. “We’re not going to do anything tonight. We’ll
just sleep,” sabay kiss sa ulunan ko habang nakayakap sa’kin. “For
now…”
Nagtayuan ata ang mga balahibo ko ah!? FOR NOW… Such a
big and juicy statement.
RAISE AND SHINE, FOLKS!
Naka-uwi na ang ibang mga Dragons! Sina Sandy naman ay
nasa baba at kumakain. Kami ni Mokong, nandito sa kwarto ko.
Naliligo siya samantalang ako naman ay nag-aayos ng mga natira
kong gamit dito sa bahay. Lilipat na kasi kami ngayon sa bago
naming bahay ni Mokong.
Excited na kabado ako, na medyo malungkot din. Malungkot
kasi hihiwalay na ‘ko ng bahay kina Mommy pero masaya kasi

205
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

makakasama ko na si Mokong. Pamilya na namin ang magiging


bago kong kasama.
“Freak, do you have deodorant?”
Nagtitiklop nga kasi ako. “Sa may tokador, kunin—,” bigla
naman akong napatingin sa kanya. Lunuk-lunok din pag may time,
Nads!
“Mokong naman, hindi ba pwedeng bigyan mo ‘ko ng warning
bago ka lalabas ng nakaganyan?” Baka kasi wala pang honeymoon
ay mag-hyperventilate na ‘ko sa asawa ko. Nakatakip lang ng
blue towel kalahati ng kanyang katawan.
Haay! What a nice view.
“Tss!” Naramdaman kong naglakad siya papalapit sa’kin. “Are
you kidding me, Freak? We’re married now and you should get used
to it. I don’t see anything wrong kahit ano pang suot ko at kung
magpalakad-lakad man ako dito sa kwarto mo,” sabi niya.
“Oh siya, sige.” Napalingon ako sa direksyon niya at siya naman
itong papalapit sa’kin. Para tuloy zinu-zoom in ang abs niya palapit
sa mukha ko. Long time no see, friends! Adik lang, Nads? Tumingala
ako sa kanya. “Magbihis ka na,” sabay ngiti ng alanganin. “Okay?”
Laking pasasalamat ko at nagbihis na ang Mokong. Pero iniisip
ko lang, sabi niya kahit ano daw ang suot niya habang naglalakad sa
harapan ko eh ayos lang? Exciting ituuuu~
“Freak.”
Natauhan naman agad ako. “Ah!?”
“‘Wag ka ng kumain bago umalis.”
“Bakit naman?”
“Tss!” sabay iling habang nakangiting nagsusuklay ng buhok.
“Busog ka na sa kakatitig sa’kin.” HULI KA, NADS!
“Hindi ah—AH!” Bigla ba naman akong daganan sa kama?
Mamaya may pumasok. Nakalimutan ko pa namang i-lock ‘yung
pintuan.

206
V O L U M E F O U R

“‘Di ka pa ba busog? Ahh. Wala ka pang breakfast, Freak,” sabi


niya habang pinadudulas ang kanyang daliri sa left cheek ko.
“Busog na ‘ko—.” Ayan, pinakain na naman ako ng breakfast
ko.
“AY!! WALA KAMING NAKITA, NADS! HINDI NAMIN
NAKITANG NAGKI-KISS KAYO HABANG NAKAHIGA SA
KAMA. TAPOS—‘DI BA SANDY!? WALA!?” sigaw ni Liz. Walang
kupas talaga ang OA na reaksyon ni Liz. Napabangon naman kami
ni Mokong.
“Tss, why didn’t you KNOCK first before entering?” sabi ni
Mokong.
Nagpamewang naman si Sandy saka sinabing “And why didn’t
you LOCK the door first before doing something uh?” Taray!
“Sorry Troy, mukhang busy kayo,” nangingiting sabi ni Chris.
“Sige Nads, sa baba na kami. Tuloy niyo na ang paggawa—.”
“BABA NA RIN AKO!” sabay tayo para iwanan si Mokong.
Hehehe!
Pagbaba naman namin ay umalis na rin kaagad sina Sandy.
Maya-maya ay sumunod na rin si Mokong dala ‘yung mga natirang
gamit ko sa kwarto.
“Aalis na kayo?” tanong ni Mommy. “Ahh,” bigla kasi akong
yumakap kay Mommy. “Ano ka ba? Two hours lang ang layo ng
bahay natin sa bagong bahay niyo,” sabi ni Mommy.
Bumulong ako kay Mommy. “Hindi naman ako malungkot,
Mommy. Super saya lang talaga.”
“I’m happy na masaya ka at ‘yan talaga ang gusto mo, Baby.”
Bumitaw ako bigla. “Pumayag kami sa gusto niyo dahil ‘yan ang
parehas niyong napili. Wala namang problema sa ibang bagay kaya
kampante akong magiging maayos kayong dalawa.”
“Troy, ikaw nang bahala,” sabi ni Daddy.
“Yes, Dad.”

207
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Oh, mabuti nga ‘yan at wala ng matakaw dito sa bahay. Si Troy


na ang mamumulubi sa bigas dahil sa lakas mong kumain,” si Kuya.
“Che! Alam ko. Pero alam ko Kuya na mami-miss mo rin ako.”
“Oo na. Troy, kapatid ko ah,” tumango si Mokong.
“Ikaw ba Stephen, kailan ka magse-settle down?” tanong ni
Daddy.
“Kapag mayro’n na ‘kong pwedeng i-settle down.”
Real thing first!
Iiwan ko na sila dito sa bahay namin. Ngayon ay pupunta na
kami sa sarili naming bahay ni Mokong.
Pagkarating namin sa aming bahay ay inayos na muna namin
‘yung mga dala naming damit. Dinaanan na rin namin ni Mokong
‘yung mga gamit niya kanina sa condo. At eto ako ngayon, nasa
harapan ng cabinet at nagtitiklop ng mga damit.
“Eh?” Kinuha ko ‘yung underwear ni Mokong. “Mokong,
ganito pala ang underwear mo? Mahilig ka sa red ah? Red Dragons
pa rin?” pagbibiro ko habang hawak ‘yung red underwear niya.
“Freak, bakit ganito? Ang liit?”
Lumingon ako—“AHHH!” tumayo ako sabay hatak sa brassiere
ko! Anong maliit!? Anong gusto niya? Salbabida sa laki?
“It’s okay Freak, kahit maliit.”
“NAMAN EHHH!!!” sabay tago ng brassiere ko. Tumawa
naman siya. “Bababa na ‘ko. Dami pang aasikasuhin eh.” House
blessing rin kasi mamaya at nag-aayos na ng pagkain ‘yung mga
tao sa baba.
“Mapapagod ka, dito ka na lang,” sabi ni Mokong.
“Hindi pwede.” Kumuha ako ng bimpo sabay tingin sa kanya.
“Bahay ko na ‘to kaya dapat alam ko na ang pasikut-sikot dito. Pati
ang mga taong gumagalaw sa bahay natin, okay?” sabay alis.
-=-

208
V O L U M E F O U R

She doesn’t have any clue on why I’m asking her to stay here
and rest. Just rest. Ayokong maubos ang lakas niya sa kakaasikaso
para sa house blessing. Tss! I’m just for the both of us.
Busy siya mula nang mag-umpisa ang house blessing hanggang
sa matapos ito. Everyone knows that’s she’s Mrs. Smith, but I need
her to be Mrs. Smith tonight.
Nagsiuwian na ang lahat ng mga bisita. The only people left
here are those who’ll help us fix everything na ginamit namin, and
of course, Hans is still here.
“Have you seen my wife?” I asked Hans.
“Nasa taas na po, Sir Harris. Sinabi ko pong kami nang bahala
sa lahat at magpahinga na po siya.”
“What!? You told her to rest!?”
“Ah, yes, Sir Harris. May problema po ba?”
Everything will be a problem, I know. Umakyat ako, only to
find out that Freak is already sleeping soundly. Should I—Tss! Of
course, hahayaan ng matulog.
Bumaba ako at kumuha ng whiskey. Yeah. Let’s have some fine
night, Troy.
-=-
Paggising ko, nanibago ako sa mga nakikita ko sa aking
paligid. Ibang kwarto, ibang kama, ibang bahay na kasama si
Mok—Eh!? Napabangon ako, wala akong nakapang katabi ko.
“Nasa’n siya?”
Bumaba ako at saka ko siya nadatnan sa kusina na umiinom
ng kape.
“Hala Mokong,” sabi ko habang papalapit sa kanya. Nakasuot na
siya ng office attire. “Sorry, bakit ‘di mo ‘ko ginising? Ano, breakfast?
Ah, anong gusto mo?” ‘Yung itsura niya parang disappointed sa’kin.
Hala! ‘Wag naman. Nanibago lang naman ako kaya tinanghali ako
ng gising eh. Bakit kasi tulog mantika ako?!

209
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“No, it’s okay.” Tumayo siya. “May pupuntahan ka ba ngayon?”


tanong niya sa’kin.
“Ah, sa restaurant.” Napag-usapan na namin ni Mokong na
gusto kong ituloy ang pagtatrabaho ko. Medyo matagal bago ko siya
napapayag, but still, ako pa rin ang nasunod. Kahit ngayon lang
habang wala pang baby. “Kasama ko si Liz,” dagdag ko.
“Ihahatid na kita,” alok niya.
“Ah hindi na, Mokong. Dadaanan ako ni Liz ngayon. Tumuloy
ka na sa work mo, baka mahuli ka.”
“Okay.” Then lumapit siya sa’kin at hinalikan ako sa cheeks.
Tiningnan ko lang siya hanggang sa makalabas ng bahay.
“Tsk tsk tsk, first day, hindi ako nakapaghain ng breakfast.”
Nasa restaurant na kami parehas ni Liz at kami ang dakilang
apprentice dito sa loob ng kitchen. Abot dito, bigay dun, hugas
diyan, assist-assist kung minsan. At salamat naman dahil breaktime
na namin.
“Oh girl, kamusta ang first night? Lutang ako kanina pagpasok
kaya hindi na ‘ko nakapagtanong,” sabi ni Liz.
“Ah, ayos naman ang tulog ko. Pagod ako, sobra,” sabi ko
habang nagpupunas ng aking likod.
“Buti naman nakatu—AH!? NATULOG KA!? I mean—
HUH!?”
“OA mo na naman mag-react,” sabi ko. “Kayo kaya ang mag-
asikaso ng mga bisita.”
“Teka, teka! Baka nagkakamali lang tayo. Syempre matutulog
naman kayo. Eh kaso, si Troy—.”
“‘Di ko na nga alam kung anong oras natulog ‘yun eh. Mas
nauna akong pumunta ng kwarto at natulog. Paggising ko, wala
rin siya sa tabi ko. Nakakahiya girl, hindi ako nakapaghanda ng
breakfast. Kaya siguro parang disappointed si Mokong nung makita
ko.” Haay!

210
V O L U M E F O U R

“Eh nako, Nads. Buti kung dahil lang sa breakfast kaya siya
gano’n. Freak ka talaga, first night niyo kaya. Tapos natulog ka!?
Ibang klase.”
“First night… AH! First night nga pala namin!” Nako! Nga
pala!
“Bumawi ka sa asawa mo. Nako, sayang naman mga regalo
namin sa’yo na very timely sana para sa first night niyo.”
“Oo. Sige, babawi ako.”
-=-
Pumayag na ‘ko sa gustong mangyari ni Chris.
Ang sabi niya, pinapapunta raw siya sa Europe at magse-stay
siya dun for one year. Nag-aalangan ako sa isang taon na ‘yan, pero
anong magagawa ko? Naguguluhan na si Chris kung sino ang mas
susundin niya sa’min ng Daddy niya. Ako na lang ang nag-give way.
“Say what? Gano’n lang talaga, Basty!?” gulat na reaksyon ni
Sandy. Nandito ako ngayon sa balwarte ng Mabato–Buhangin. Sa
RockDy Restobar.
“Oo. Bakit? May mali ba?” tanong ko.
“Anong reaksyon niya?” tanong uli ni Sandy.
“Tahimik lang tulad ng dati.”
“May iba’t ibang klase ng pagiging tahimik ‘yang si Chris,
handsome Basty.” Iba’t ibang klase ng pagiging tahimik? “Minsan,
tahimik siya dahil wala siyang pakialam, o dahil sa may pakialam
siya kaso ayaw niyang makialam, o pwede ring galit siya kaso ayaw
niyang pakita, or malungkot siya at ayaw niyang mahalata.”
“Pa’no ko naman malalaman ang lahat ng ‘yun? Lagi naman
siyang tahimik.”
“Basty, one thing na gusto naming mga babae ay ang sabihin ng
guy na huwag kaming aalis sa tabi nila.”
“Gano’n ba ‘yun, Babe? Edi ‘wag kang aalis, Babe. Kung hindi
ipapa-salvage kita, sige ka.”
211
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Don’t worry, I won’t leave you dahil ako ang papatay sa’yo.”
“Love you.”
“Same goes with me.”
May kabaliwan lang talagang taglay ang dalawang ‘to. Pero
kung tama ang sinabi ni Sandy, dapat bang ‘yun din ang sabihin ko
sa kanya?
‘Wag ka ng umalis Chris, ‘di ko kakayanin.
Kasi kung sa totoo, ayoko naman talaga siyang umalis.
-=-
Alas-nuwebe na ng gabi nang makarating ako sa bahay.
Pagod na ‘ko pero hindi pwedeng mapagod na naman dahil
kailangan kong bumawi kay Mokong. Kaya naman ni-relax ko ang
aking katawan habang wala pa si Mokong. At isa pa, ginamit ko
‘tong mga binigay ng BITCHes sa’kin.
Una na diyan ay ‘yung bigay ni Sandy na sexy lingerie!
Nakakahiya! Pero I feel sexy!
Tapos habang naghihintay kay Mokong ay binabasa ko itong
binigay na libro ni Chris.
Your First Night Manual. What to do!?
Grabe! Speechless ako. Inom nga ako ng inom ng malamig na
tubig. I don’t know what to do nga kasi.
Alas-diyes y media na ng gabi. Tumawag siya at ang sabi’y
malapit na raw siya!!! Kumabog ang dibdib ko na parang ANONG
GAGAWIN KO! Nawala lahat ng nabasa ko at ang ginawa kong
pagre-relax. Napalitan ng kaba! SUPER KABA to be exact.
Sumilip ako sa bintana, nandyan na siya!
Ah teka! May kulang pa, ‘yung binigay ni Liz na cream. Ipahid
ko raw ‘yun sa buong katawan ko. Pampa-relax daw ‘yun ng feeling.
Teka!?? Ano ba dapat? Humiga ako sa kama? Naka-sexy pose
sabay sabing I know you’ve been waiting for this. Erase! Pangit!

212
V O L U M E F O U R

Magtulug-tulugan kaya? Ay hindi! Mas maganda kung galing ako


sa CR tapos lalabas ako kapag nakahiga na siya. Tama! May konting
drama naman ang entrance! Dizzzzzissssiiiit!!!
Ayun nga, pumasok na ako sa CR at naghintay. Pinakinggan ko
kung nakapasok na ng kwarto si Mokong. Pero hindi pa nagtatagal
ay parang may mali akong nararamdaman sa katawan ko. Mainit at
malamig ang pakiramdam ko. Ano ‘to!?? Mas lalo akong kinabahan!
Kala ko ba pampa-relax ‘to!??
Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto namin.
Maghihintay muna ako ng sandali para naman makahinga-
hinga muna si Mokong. Okay! Pwede na ‘kong lumabas! Pagkabukas
ko ng pintuan…
“Mokong, I know… Eh?”
Teka!? Gantihan ba ‘to!? NAKADAPA SA KAMA!! Lumapit ako
sa kanya at sabay yugyog sa katawan niya. “Mokong… Mokong…”
“Freak, I’m tired. Kumain na ‘ko, you can rest too.”
I can rest too!? Pero ayoko mag-rest. Nads? Galit talaga!? Nasa
iisang bahay kami pero hindi pa rin kami nagkakatagpo. Grabe
naman ‘yan!
Wala. Naligo na lang uli ako kasi nakakairita ‘yung feling no’ng
nilagay kong cream. Pagkalabas ko ng CR ay inasikaso ko na lang
ang pagod kong asawa. Inalisan ko si Mokong ng medyas, necktie,
pati polo na rin.
Haay, na nga rin.
End of our night.
-=-
“Bwahaha! Wala na namang nangyari! Patay na ang lahi ng
Smith!”
“Keep it up, Adrian and I’ll be asking you to send me your
resignation now. Tss!”
“Kasi naman Troy, nilalaanan ng time ‘yung ganyang bagay
213
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

kung gusto talaga. Kung hindi niyo kayang pag-usapan ang tungkol
dito eh dapat marunong man lang kayong magpakiramdaman,”
sabi ni Luke.
“I see.”
“Nako Captain! Kung hindi kaya ng tyempuhan, ang
pinakamalakas na paraan diyan ay BIGLAAN!” singit ni Adrian.
“Biglaan?” I repeated.
“‘Yung tipong hindi inaasahan ni Nads. Tutal, ikaw ang lalaki,
make the move! Bwahaha! Biglaan lang, Captain, ‘wag namang
pwersahan.”
Biglaan. Sounds fascinating.
-=-
“HAHAHA! Ginantihan ka, friend!” kantyaw ni Liz.
“Salamat sa support, nakaka-engganyo,” sarcastic kong sabi.
“Kung hindi kaya sa planadong paraan o sa tsempuhan man
lang, kailangan siguro na maging handa ka na lang always. You
know? Hindi mo alam kung kailan kaya be prepared.”
Maging handa? Mukhang maganda ‘yan.
Natapos na ang work namin ni Liz at saktong tumawag si
Mokong. Ang sabi niya ay naghihintay na raw siya sa labas ng
restaurant. Hindi siya busy.
“How’s your work?” tanong ni Mokong.
“Maayos naman, nasanay na kaya medyo hindi na ‘ko pagod.”
Masigla pa nga ako ngayon. “Ikaw? Ang aga ata ng uwi mo.”
“Yes, I’m not that busy today. Nothing to do, actually,” sabi niya
habang nagmamaneho.
“Ah, buti naman at hindi ka pagod,” sabi ko.
“Yeah. Ikaw din, Freak.”
Ano bang usapan ito? Usapang pagod? Nagpapaalamanan ba
kaming dalawa?

214
V O L U M E F O U R

“Kakain ka ba pag-uwi? Magluluto—.”


“No, you don’t have to. I’m not…hungry,” sagot niya. Napalunok
ako sa hungry part.
“Ah, okay. Maaga na ‘kong magpapahinga.”
“Same here.”
Sa wakas ay nakarating na rin kami sa bahay. Pero ang tahimik
talaga dito pag dumarating ako, wala naman kasi kaming anak.
ANAK? Sa’n galing ang anak? Tapos bigla na lang nag-echo sa tenga
ko ‘yung…
Bebebebebe! Gawa-gawa-gawa! Bebebebebe!
Oh my gosh, Nads. Ano ba ‘yang naglalaro sa utak mo? No! Be
prepared! Be prepared!
Umakyat na ‘ko sa kwarto namin at naligo ako kaagad. Alam
kong masama dahil kakagaling ko lang sa work kaso ang init ng
pakiramdam ko. Shower lang ang katapat nito.
-=-
Now what, Troy? What’s next?
I don’t know. Nagpunta ako sa kusina at uminom ng tubig.
Masyadong mainit sa bahay namin. I’ll talk to Hans to make this
house fully centralized with airconditions—“Shit!” I blurted.
Napatinigin ako sa iniinom ko.
What—what’s this!?? Sinong naglagay nito dito!?
Don’t tell me it’s Adrian!?
I moved upstairs and before this body gets weird again, I
have to—“What… the…” napahinto ako ng makita ko si Freak na
kalalabas lang sa bathroom namin.
“Ah, Mokong,” it’s Freak with her towel on at mukhang katatapos
lang niyang maligo. I can smell her from where I’m standing. Yeah.
A scent of lavender. “Maliligo ka?”
“Ah, yeah, yes.”

215
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Okay, sige.”
Pumasok ako sa loob and did my thing. After 30 minutes, or
so? Everything in this weird body has changed. I feel hotter. Tss!
Wait, where’s Freak? Wala siya sa kwarto.
Not again!?
-=-
Bumaba muna ako para pumunta sa kitchen at uminom
ng tubig. Super hindi maganda ang pakiramdam ko. Kabado at
mainit. Ay ewan!
Patay! Kay Mokong pala ‘tong inumin na ‘to. Eto ‘yung katulad
ng dala niya sa Batangas no’n nung pumunta kami kay Lolo Pops.
Nawala sa isip ko, akala ko tubig lang! Bahala na nga. Umakyat ako
sa kwarto at binuksan ang pintuan.
Si Mokong ang unang bumungad sa’kin. Naka-upo siya sa edge
ng kama at nagkatinginan kaming dalawa. Naiihi ako. Naka-suot
nga siya ng pajama pero ‘yung pang-itaas niya ay naka-unbotton!
Hinga-hinga pag may time.
Umiwas ako ng tingin.
‘Di ko namalayan na tumayo na si Mokong palabas ng kwarto.
Grabe, bigla akong napasandal sa wall. Nakahinga na rin ako sa
wakas. Kaso, kala ko naman kasi—“OH.”
Bigla uling pumasok sa loob ng kwarto si Mokong at tumayo sa
harapan ko. Aba teka.
-=-
I don’t think we can still wait another day for this.
We’re staring each other like we’re longing to say something that
we cannot express with words. Yes. This must be really it. I watched
her eyes, full of passion as mine, while tracing my fingertip on her
jaw. All I did is to touch her and I can feel that she is trembling. No.
Not in fear or panic this time. I know it’s not.
“Are we… going… to…” Now she’s talking.
216
V O L U M E F O U R

I striked a lazy smile while rubbing my thumb over her bottom


lip. “Maybe… Yes. Do you want it now, Freak?” I have to know. It’s
important.
“Siguro.” Siguro? “No… Yes…”
I’m now rubbing her arms with my right hand. “What? Tell
me.” But instead of answering me in words, she shocked me with
her pure answer as she slid her arms around my neck and kissed
me. It’s light, warm and slow but unbearably desirable.
I opened my eyes to look at her but her eyes . My
arms enclosed every inch of her, never will I let go of this freaking
woman. In just a swift move, I lifted her up but our lips never left
their work. Moving near our bed is not just about being passionate,
not even hungry or desperate. It was definitely and infinitely tender.
Just like what I wanted.
I laid her on top of our large comfy bed. Looking at her eyes,
is there confusion? There’s none. I laid a gentle hand on her cheeks
and touched my lips leisurely with hers.
“I love you,” I murmured. And I kept on repeating those words
over her lips.
I stopped when she murmured “I love you too.” She gave me a
loving kiss while looking at me on top of her.
“Freak, let’s make a family,” I said silently.
She smiled. “Kala ko nag-uumpisa na tayo.”
“Tss!” With trembling hands, that’s a first, I tried to unbutton
her blouse with this emotion that I’m feeling right now. Button by
button, I loosened her blouse and I gently kiss each new opening.
First button. Second button. Third button. Fourth—.
“Mokong.” Then she held me both hands.
I looked at her. “What?”
“Ahh. Lampshade?” What?
“Ahh, mahirap na. ‘Di natin alam, baka may mga nakabantay
217
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

sa’tin dyan.”
“Lampshade,” I repeated. “Yeah.” She shook her head. “Okay,”
and I kissed her.
Tss! Sorry folks. But Privacy is the best policy in making a
baby.
And all just went out that night.
-=-
What a beautiful morning.
Gising na gising na ‘ko pero hindi pa rin ako maka-alis sa lugar
na ‘to. Kasi naman. Alam kong gising na rin si Mokong pero ayaw
pang umalis sa kama! Iisa lang ‘yung kumot eh!
Nag-side view ako kaso biglang yumakap si Mokong sa’kin.
Ang init naman ng likod ko!
“Freak,” he said in his bedroom voice sabay kiss sa likod ko.
“Don’t you want to get up now?” sabi niya habang nakapatong ‘yung
lips niya sa balikat ko na para bang binubulong niya rito ang bawat
salitang sinasabi niya. Kinukuryente niya ‘ko sa ginagawa niya eh.
“Ah. Una ka na, bilis. Mahuhuli ka na sa office,” sabi ko habang
‘di makagalaw sa pwesto naming dalawa. My gosh! THIS feeling.
“Mauna ka na. I’m the boss sa kumpanya, I can be late,” sabay
higpit ng yakap. Ano ba! ‘Yung arms niya nakapalibot sa waist
ko. “You don’t want to?” Naramdaman kong nag-smile siya dahil
nakalapat pa rin ‘yung lips niya sa balikat ko. Grabe! This sensation~
“Ayaw, ‘kaw muna—.”
“Fine,” sabay bangon! WAAAAAAAAH! PIKIT! “Tss, Freak?
Why are you—.”
“Pabayaan mo na ‘ko. Pumasok ka na sa CR.”
“Tss!” Bigla kong naramdaman na hinawakan niya ang
magkabilang kamay ko na nakatakip sa mata ko at sabay hila!
“Dyeren,” sabi niya. Napamulat ako. “Tss! I’m wearing shorts,
Freak,” sabay tawa niya. “I think we should get used to each other,
218
V O L U M E F O U R

Freak. Let’s do this as a routine—.” Binato ko ng unan. Routine daw


ba eh. “What!?” natatawang sabi niya. “Fine, maliligo na ‘ko. Or I
might suggest that… Since we’re both going to be late… We can…
share the bathro—,” sabay tawa na naman niya nang binato ko uli
siya ng unan.
“Adik,” sabay higa pero nakangiti.
“Freak.”
“Hmmm?” iling ko pero hindi nakatingin sa kanya.
“Just tell me if you feel uneasy sa katawan mo or anything,
okay?” Uneasy? “If you feel, uh basta anything that’s uncomfortable,
just tell me.” Tumingin ako sa kanya.
“Just let me know. Right away,” saka siya pumasok sa bathroom.
Nag-smile ako pagkaalis niya. By the way, I know what you
meant. And thank you.
-=-
Tanghali na pero hindi pa rin ako tinatawagan ni Chris.
Nagsabi naman ako na baka pwede kaming mag-usap,
sasabihin ko na sa kanya na hindi na uli ako pumapayag na umalis
siya. Hindi ko talaga kayang maghintay ng one year, nagtatapang-
tapangan lang talaga ako.
“Excuse me, Ms. Dianne.” Kausap ko ‘yung secretary ni Daddy.
Nandito ako sa office niya ngayon. Kapag wala kasi ako sa studio,
dito ako nagtatrabaho.
“Yes po?”
“May charger ka ba para dito?” Pinakita ko ‘yung phone ko.
Kagabi ko pa ‘to hindi nai-charge. Naglalaro pa naman ako habang
naghihintay sa tawag o text ni Chris kaya paniguradong lowbat na
‘to.
“Wala po eh.”
“Gano’n ba. Sige, ayos lang.” Sayang naman. Mamaya, tumawag
si—“Chris! Hello? Bakit ngayon ka lang tumawag—AH!? Bakit
219
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

nandyan ka? Ang akala ko ba hindi—ah basta! Hintayin mo ‘ko


dyan! Okay—Hello!? Chris!?” Inis, nawalan pa ng battery.
“Dianne.”
“Po!?”
“Pa-arrange ng flight ngayong araw papuntang Austria. Please.
Kapag nagtanong si Daddy, ako na kamo ang magpapaliwanag
pagdating ko do’n. Okay? ‘Yung pinaka-unang flight ngayong
araw going to Austria, okay!? Thanks!” sabi ko saka dire-diretsong
lumabas ng office at nagmamadaling sumakay ng sasakyan
papuntang bahay.
Kumuha ako ng damit, ‘yung tama lang para dalhin sa biglaang
alis. At tsaka ako pumunta ng airport dala ‘yung isa ko pang
cellphone na nasa bahay.
Sabi niya nasa airport na raw siya! Ang flight daw ay ala-una
ng hapon. Bakit napa-aga naman!? On the way na ‘ko sa NAIA
pagkatapos kong pumunta sa condo para kumuha ng ilang damit at
extra battery para sa cellphone ko.
Tumawag ako kay Dianne. “Dianne? Okay na?”
Yes po.
“Good job. Okay sige, ipadala mo na lang sa driver ni Daddy.
Dito sa airport ah, ngayon na. Salamat.”
Hindi ka pwedeng umalis, sasama ako sa’yo kung gusto mo!
Pagkarating ko sa airport, tumawag ako kay Chris. Tinanong ko
kung nasa’n na siya. Nasa departure area na raw siya kaya tumakbo
ako agad do’n.
“CHRIS!!!” sigaw ko ng makita ko siyang kasama ang Mommy
niya.
Napatingin sila sa’kin kaya mas binilisan ko ang paglapit.
“Tita, hello po,” bati ko.
“Teka, Basty?” si Chris.

220
V O L U M E F O U R

Tumingin ako sa kanya. “Mamaya na Chris. Ako na muna ang


magsasalita ngayon.” Tumingin uli ako kay Tita, sa Mommy ni
Chris. “Tita, alam ko pong importante na sumunod sa inyo si Chris
sa Europe. ‘Yun po ang gusto ni Tito at alam kong wala naman
akong karapatan na tutulan ‘yun. Pero po, ‘di ko po kasi kaya na
mawala si Chris sa’kin ng isang taon, o kahit isang araw nga lang po
nababaliw na ‘ko pag ‘di siya nagpaparamdam, ano pa po ang isang
taon? Baka po baliw na po ako no’n.”
Nakangiti ‘yung Mommy niya. Teka? Nakakatawa na ba ako
ngayon?
“Pero Tita, gusto ko pong hingin ang permission niyo.”
“Teka Basty—.”
“Mamaya na, Chris,” saway ko habang nakatingin kay Tita.
“What permission ang gusto mo, Sebastian?” tanong ni Tita.
“Please po, gusto ko rin pong pumunta sa Europe. Susundan
ko po kayo doon. Pinaayos ko na po ang flight ko, sasama po ako.”
Kaya ko ‘to! Bahala na muna sila sa naiwan kong business. Bahala
na, basta!
“Pa’no naman ang family mo? Your work and your business?”
tanong ni Tita.
“Opo, pero madali lang naman pong kitain at hanapin ang
pera. Pero si Chris? Ang anak niyo po, baka tumanda na ‘ko eh
wala pa ‘kong nakikitang tulad niya. Kaya po sana, payagan niyo po
akong sumama sa inyo.”
Tumingin si Tita kay Chris. “Okay Chris, naniniwala na ‘ko.”
Bakit kay Chris? “Ako nang bahala sa Daddy mo. Just get in touch,
okay?” Ano raw ‘yun?
“Teka po, hindi po ba kayo pumapayag?” tanong ko.
Tumingin si Chris sa’kin at sa dala kong maleta. “Gusto mo ba
talagang sumama?” tanong niya.
Humawak ako sa kamay niya. “Oo naman, sure ako.”

221
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Ah. Oh sige, sasabihin ko kina Luke na umalis ka. Basta mag-


iingat ka sa Europe, okay?”
“Oh sige, paki—Ah?” Anong sabi niya?
“Eh, mukhang mas ready ka pang umalis kaysa sa’kin,” sabi
niya.
“Teka? Hindi ko naiintindihan—.”
“Okay, Chris,” Tumingin naman si Chris kay Tita. “Ikaw nang
bahala kay Sebastian at baka magulat ang Daddy mo at iba ang
kasama ko pabalik sa Austria. Sebastian…” Tumingin sa’kin si Tita.
“Ikaw na munang bahala kay Chris dito. I entrust her to you, just for
now. Bibisita kami ng Daddy niya so be prepared. Bye mga anak.”
“Bye Mommy, ingat po,” paalam ni Chris at umalis na si Tita.
Teka sandali lang, hindi ba ‘ko mukhang g*go rito? Hindi
naman siguro ‘di ba?
Humarap sa’kin si Chris. “Iiwan mo na ‘ko, hindi ka man lang
nagsasabi—.” Niyakap ko na lang siya.
“Tinakot mo ‘ko. Mukha akong sira dito,” sabi ko habang yakap
siya.
“Don’t worry, I’ll choose my own path. I cleared everything
kina Mommy sa kung anong gusto ko. I have to prove them na eto
ang gusto ko,” paliwanag niya.
“We’ll both prove them. Hindi lang ikaw, syempre. Magiging
successful tayo parehas, we’ll help each other. Basta ‘wag kang
pumupunta ng airport ng ‘di ko alam.”
“Hindi ko naman alam na susunod ka. Bigla ka rin namang
nawala nung kausap kita sa phone.”
“Lowbat kasi. Sorry. I love you, Chris, one million percent.
‘Wag mo ‘kong iiwan.”
“Naman! I love you too, one million percent. Bili na tayong
charger?”
Lesson learned? Laging mag-charge.
222
V O L U M E F O U R

-=-
Limang araw din ang lumipas bago uli kami nagkita ng mga
BITCHes. Pero dahil sa mas hawak nina Sandy at Chris ang oras
nila sa pinagkakaabalahang trabaho at business, sila ang bumisita
sa’min ni Liz dito sa restaurant. Breaktime namin pero dahil sa
excited ang mga loka, pagbigyan kahit kailangan talaga namin ng
pahinga.
“So ano ngang nangyari, Nads!?” tanong ni Liz.
“Tatanungin talaga kung anong nangyari?” Aba, mga loka
talaga.
“Eh bakit hindi. Bilis na! You’re such a cliff hanger, you know?”
si Sandy.
“Sige na, mababaliw na ‘yang dalawang ‘yan,” habol ni Chris.
Nga pala, buti hindi siya natuloy sa Europe. Hindi dahil sa pinigilan
siya ni Basty pero dahil desisyon niyang ‘wag iwan si Basty.
“Okay fine—,” pauna ko.
“AAAHHH!” sigaw nung dalawa. Adik talaga, buti na lang at
nandito kami sa may carpark.
“Ganito nga kasi. Una, pumasok ako kwarto at naabutan kong
naka-upo siya sa kama.”
“Oh tapos?” si Liz. Aba, attentive ang mga babae.
“Tapos nakaramdam ako ng kakaibang feeling,” dagdag ko.
Nakalapit na sila sa’kin. “Anong feeling?” si Chris.
“‘Yung… Parang… Kabado pero excited,” sagot ko.
“Excited? Tapos ano?” si Sandy.
Mga ‘to talaga, baliw. “Tapos tumayo si Mokong palabas ng
kwarto. TAPOS BIGLANG!” Lahat sila parang napalunok pa.
“Tapos ginanito niya ‘ko. Eh ayun, nagtanong siya tapos sumagot
ako ng… AYUN! Tapos maya-maya parehas na kaming… GRABE!
Ang init ng gabing ‘yun, feel niyo!? Grabe talaga…” sabay iwas ng
tingin sa kanila. Tawa tayo dali!
223
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Grabe nga. Feel na feel ko nga eh,” sarcastic na pagkakasabi


ni Liz.
“Masyadong detailed, na-memory full ako sa narration mo,” si
Sandy.
“No comment,” si Chris.
Tumawa naman ako. “Kasi naman kayo, ipakuwento raw ba?
Maghintay kayo ng inyo, magpakasal, at viola! Make your own first
night,” paliwanag ko.
“Kung sabagay, darating din kami dyan. Well, for now, we just
have to wait for the signs.”
Napatingin ako kay Sandy. “Signs?”
“Of course, signs, you know? After the wedding, the first night,
and then there will be a sign for our pamangkin! I love that,” excited
na sabi ni Liz.
“Grabe. Teka, first pa lang, wala pa ‘yun,” sabi ko.
“Ikaw, gusto mo ng pumangalawa ah. Pero wala namang
masama, go lang ng go!” si Liz sabay tawa.
“Hindi pa naman siguro.” Asus, signs?
“Bakit? Mahina ba si Troy? I mean, do you think, hindi pa kayo
makakabuo?” tanong ni Sandy.
“O-M—Si Troy mahina ang lahi? Pa’no na kayo?” pangloloko
ni Liz.
Teka!? Ibig sabihin, kung sakali ay makakabuo na kami kaagad!?
MAGKAKA-BABY NA BA KAMI!?? Okay sige. Let’s all wait
for the signs.
Kung mayro’n man.
-=-

224
V O L U M E F O U R

Chapter 37: THEY ARE HERE!?


FOR REAL!!!?
What’s on your mind? > Sabi niya, kapag kami raw ay
nagkapamilya, gusto niyang anak ay isa lang. ISANG DOSENA!

Inaya ako ni Sandy sa musical play kaso tumanggi ako. Alam


niyo naman ang buhay ko, Mrs. Smith na tayo eh. Masaya naman
ako, dream job nga kasi. Nagpahatid ako sa bahay kasi naman
tumawag si Mokong sa’kin.
“Hello Mokong? Anong oras mo ‘ko dadaanan dito? Ah? Ah
gano’n ba, hindi, kasama ko pa naman sina Sandy. Sasabay na
lang ako sa kanila pag-uwi, it’s okay basta ‘wag ka ng uminom ah?
Magmamaneho ka pa. Okay,10 P.M.”
Kaya eto, nandito lang ako sa bahay. Kung anu-ano na nga ang
ginagawa ko eh. Nagluto, naglinis ng bahay at tiningnan ko na rin
‘yung supplies na wala pa kami. Wala namang ibang gagawa noon
kundi ako. Nilibot ko ‘yung bahay para mas makabisado ko ‘yung
kabuuan.
Nang makaramdam na ako ng pagod ay umupo na ako sa
sofa, nagbukas ng TV at nanood ng cartoons. Kung totoo ngang
nakabuo na kami ni Troy, ‘di kaya may baby na sa loob ng tiyan
ko? ‘Di naman siguro masasama ‘yun kapag nag-CR ako? Ay, baliw
lang?
Bahala na. Manunood muna ako habang hinihintay si Mokong.
-=-

225
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Lagot na, naloko na.


Sabi naman kasing ‘wag painumin si Troy. Ayan, hilo na. Alam
ko ng mangyayari ‘to kaya hindi na ‘ko nakipagsabayan sa kanila.
Nandito kami sa RockDy. Nagdiwang ang mga loko dahil
magkaka-anak na raw sina Troy at Nads. Kung hindi ba naman
excited ang mga ‘to, bahala nga sila.
“Troy, ako nang maghahatid sa’yo pauwi,” aya ko.
“What!?” si Troy. Patay na, mukhang may tama na nga nang
konti.
“Kako, ako nang maghahatid sa’yo pauwi,” ulit ko.
“Hey! Where’s my car key, Sebastian!!?” sabi niya habang
kinakapa-kapa ang kanyang bulsa. Kinuha ko na at baka kasi
magpumilit pa na siya na ang magda-drive. Delikado.
“Captain!” si Adrian. Isa pang may tama kahit hindi naman
naka-inom. “Wala kang sasakyan. Anong car key!? Bwahaha!”
“Loko! Sige, lokohin mo si Troy. Patay ka dyan bukas,”
pagbabanta ni Rocky.
Si Luke naman, tahimik lang na naka-upo sa isang tabi. Ganyan
naman ‘yan kapag nakaka-inom ng husto, tumatahimik na lang.
“Oy Luke, mauna ko ng ihatid si Troy tapos ikaw.”
“Ge!” ‘yun lang ang sagot ni Luke. Nakasandal na, nakapikit pa.
“Ako!? Pa’no ‘ko!?” si Adrian.
“Loko, itatapon kita sa tulay pagkasilid ko sa’yo sa sako.
Manahimik ka dyan, baka matakot customers ko,” si Rocky.
Dinala ko na nga si Captain sa sasakyan. Nakakatayo naman
siya ng mag-isa. Talagang naka-abang lang ako dahil baka sakaling
‘di na talaga niya kayanin. Ako na muna ang driver at eto, on the
way na kami sa bahay nila nang biglang tumawag si Kumander.
Patay na talaga.
“Hello Nads?”

226
V O L U M E F O U R

Teka!? Sino ‘to!?


“Si Basty ‘to, Nads.”
Oh, eh bakit ikaw ang sumagot ng phone ni Mokong?
Patay na, mukhang mainit ang ulo ni Kumander. “Kasi Nads,
medyo naka-inom si—.”
Teka!? Sabi niya, hindi siya iinom ng marami? Ngayon ‘di na siya
makapag-drive mag-isa? Tsaka, alas-dos na ng umaga tapos ngayon
lang siya uuwi. Kanina pa ‘ko naghihintay dito. Tsk.
Sabi ko nga, nakakatakot magalit si Nads bilang kumander. “Ah
okay lang ‘yan, Nads. Ako nang bahala, pauwi na rin naman kami.
Malapit na.” Kahit malayo pa talaga.
Nako Basty, pasensya na ah? Mamaya, lagot sa’kin ‘yan.
“Oh, sige. Pag-uwi niya, bugbugin mo na. Sige Nads, baba ko
na muna at on the way na kami.”
Ay sorry. Sige, sige, wait ko na lang kayo. Ingat.
Nakakatawa. Kung dati ay isa lang ang Captain namin,
ngayon…dalawa na.
-=-
Three-thirty na ng umaga nang marinig ko ang pagdating
nina Basty. Pinagbuksan ko sila ng gate at pumasok namang mag-
isa si Mokong. Nang maka-alis na si Basty ay sinundan ko naman
agad si Mokong sa loob ng bahay at nadatnan ko siyang naka-upo
sa sofa habang nakapikit.
Tumayo ako sa harapan niya. “Oh ano ka ngayon? Lasing ka?
Kala ko ba hindi ka—AHH!” biglang tumayo si Mokong sabay
buhat sa’kin.
“Tss! Ang bigat mo na ngayon, Freak,” sabi niya.
“‘Wag mong baguhin ang usapan, bakit ngayon ka lang—.”
BAD! Hinalikan ako para ‘di na magsalita. “Mokong, kapag ganyan
ka ng ganyan—.” SUPER BAD! Hinalikan na naman ako. “Isa na

227
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

lang—.” GOOD! “Mokong.”


‘Di pa rin niya ako binababa. “‘Di ako lasing, medyo masakit
lang ang ulo ko. But I’m still stronger than Hercules. Let’s go,” sabi
niya. At tsaka kami umakyat sa room namin. Pagkapasok namin sa
kwarto ay inihagis niya ako sa kama sabay higa nang parang walang
nangyari. “I’m tired,” sabi niya habang niluluwagan ang kanyang
necktie at nakapikit na.
Bumangon ako sabay palo sa braso niya. “Inis ka naman,
kapapalit ko lang ng sapin sa kama dahil ayoko ng kulay eh.
Hinigaan mo naman, eh amoy alak ka.” Eh!? Tinaas ba naman
‘yung dalawang braso niya.
“Remove every piece I’m wearing, I don’t care. Just let me sleep,
Freak,” sabay bagsak ng braso niya.
ASUS! Madali naman akong kausap.
-=-
Kung ‘yung dalawa ay busy sa kanilang apprentice life sa
restaurant at si Chris naman sa studio nila ni Basty. Syempre ang
dyosa, busy sa lalaki niya. I have no choice, si Rocky pa rin naman.
“Babae, anong ginagawa mo dyan? Do’n ka sa kusina, tingnan
mo ‘yung inventory kung may kulang.” Utusan daw ba ang Dyosa?
I’m sitting here sa may bar counter, smiling to my ever sweet
customers. Well, men customers. Nakalimutan ko bang sabihin
na bukas na rin sa umaga ang place na ‘to? Nag-upgrade na kami.
Hindi lang pang-gabi.
“Babe, ‘wag kang ganyan. Baka nakakalimutan mong kaya ka
nadagdagan ng branch ay dahil sa’kin. Kung hindi dahil sa’kin na
laging nandito, walang mga babalik at babalik sa’tin.”
Bigla ba namang humarang sa tinitingnan ko. “Babe, kaya
nga eh. Lagi kang nandito at ginagawa ka nilang appetizer. Baka
magulat ka na lang at bigla kong dukutin ang mga mata nyan.”
“Ang selfish mo, Babe. Masama ‘yan. Give and you shall receive.”

228
V O L U M E F O U R

“Okay lang maging selfish. Kung ikaw lang rin naman ang
ipagdadamot ko, mangungumpisal na lang ako,” si Babe.
Hinawakan ko siya sa both cheeks niya. “‘Wag, Babe. Mahal pa
kita, baka malusaw ka kapag nangumpisal ka.”
“Ewan ko sa’yo, do’n ka na sa loob.”
“Ayoko, ang init-init sa loob. Pa’no ang skin ko? Get that!?”
“Hayaan mo na, ipapa-Vicky Belo na lang kita.”
“No, I don’t like.”
“Bakit!?”
“Because ROCKy only touches my skin,” say ko.
“Mga banat mo.”
“Okay, wait. May tumatawag sa dyosa.”
Si Kuya tumatawag. “Hello, my brother.”
Dy, uwi ka muna sa bahay.
“Huh? Pwede bang next time? I’m here sa restobar.”
‘Wag makulit, Dy. You need to go home now.
“Okay, okay. Uuwi na ‘ko.” Minsan lang magsabi si Kuya, okay.
“Sino ‘yun, Babe?”
“Si Kuya. Tara, samahan mo ‘ko sa bahay.”
“Hindi pwede, walang maiiwan dito.”
“Nga naman. Aalis muna ako kaya panandaliang mawawalan
ng profit ang bar. Kapag hinanap nila ako, sabihin mo na babalik
ako.”
Well, dinarayo nga kasi ako. Kung pwede nga lang akong
gawing tourist spot sa Philippines, talo ang Boracay sa taglay kong
natural beauty.
Nakarating na ‘ko sa house. “Hey, Liliy, who’s here?” tanong ko
sa maid namin.
“Ah. Ano po, si Sir.”

229
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Sir Roy?”
“Hindi po. S-Si Mr. Reynaldy po.”
“Mr. Reynaldy, si Kuya nga—” Wait, based on her looks, parang
alam ko na.
“Tell my brother that I already left, okay?” Tumalikod na
‘ko and just about to leave, but I guess… Nightmares will always
comeback.
“Cassandra!” That name, I don’t want to hear that anymore.
“Wait! Cassandra!” Humarang siya sa harapan ko. Like what? Like
he really wants to see me? Buti na lang pala at hindi sumama si
Rocky dahil kung hindi, makikita niya ang dahilan kung bakit
part of myself ang nagsasabing ayoko sa mga lalaki at ‘di ako dapat
magtiwala sa kanila. Tulad ng nasa harapan ko ngayon.
“It’s been five years, and yet—.”
“Yet what? I’m still like this?” I hissed. “Only time has changed,
not me.”
“Cassan—.”
“DON’T CALL ME THAT NAME!”
“DY!!” I turned around, it’s kuya. “Do you have to shout!? Go
back here.” He pointed at the sofa. What? Like a child?
Never. “Kuya, you know why kung bakit hindi ako pwedeng
mag-stay. I’m not going to stay just to welcome and entertain some
stranger in this house.” I looked at him. “I’m not a charity to give
some pity to the poor.”
“Stay or I’ll make you stay, myself. Don’t force—.”
“I’m not a child anymore, my brother.”
“Is there anything wrong here?”
Wow! Look who’s here too. Should I start to dance and rejoice
for their comeback?
“What a nasty surprise. Gusto kong magpa-party sa saya,” I

230
V O L U M E F O U R

ironically said.
“We’ll stay here for one week, Cassandra.” He called me with
that name again.
“Fine with me, hindi naman ako dito nagse-stay. Enoy the
amenities of this house all by yourself. Adios,” at lumabas ako ng
bahay. Dinala pa talaga niya dito ang babaeng ‘yun? What a shame.
Where’s the respect for my Mom’s poor soul? Okay, kahit hindi na
kay Mom dahil patay na siya. Isa pa, alam kong masaya at tahimik
na siya. Kahit sa’min na lang ni Kuya dahil buhay pa kami at nakikita
ang mga nakakainis at nakakahiyang bagay sa kanila.
Lumabas na ‘ko ng bahay namin.
“Sandy,” lumingon ako and look who’s talkin’ here.
“If you’re expecting that we’ll have a good relationship, then
better luck next time. Maybe we can still do that after I die.”
“I’m not expecting anything from you. Pero kung iisipin mo,
sino nga bang mayro’n?” Ah, this btch is intentionally insulting me?
“Ewan ko ba kay Joseph kung bakit kailangan pa naming hingin
ang permiso mo para tumira dito. Patay na naman ang Mama niyo
and you’re just his daughter—.” I just gave her a direct hit on the
face.
“And you’re just a homewrecker.” I looked away from her.
“Hindi ko lang alam kung nasaktan ka dahil sa lakas ng sampal ko.
Mukhang mas malakas pa ata ang impact na ibinigay ng mukha mo
sa kamay ko. Ganyan kasi kakapal ang face mo, for your info.”
Nakuha pa niyang ngumiti while rubbing her left cheek. “What
to expect from a woman like you? You’re still a warfreak. At kaya
siguro walang sumeseryosong lalaki sa’yo is because there’s nothing
in you na pwedeng seryosohin. Poor baby, kahit ano pang gawin
mo, ako pa rin ang asawa ng Dad mo. Nothing will change kahit
upuan pa ang ipanghampas mo—.” And I gave her another slap on
the face.
“Gagawin ko sana ang suggestion mo pero pasalamat ka dahil
231
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

puro concrete walls ang nakikita ko. Dahil sa susunod, titibagin


ko ang pader maihampas ko lang sa’yo. Baka sakali kasing
magka-sense ang mga sinasabi mo.”
I hate that face. I hate that smile of hers. I hate her. I hate them.
“Sabihin mo na ang lahat ng gusto mo pero ako pa rin ang mas
pipiliin ng Dad mo sa’ting dalawa, tested and proven—AH!”
Now I’m mad. Super mad.
“SANDY!”
“CASSANDRA!”
Oh great, good timing. Gusto kong masuka.
“Sandy! I told you to—.”
Humarap ako kay Kuya. “If she wants to stay in this house,
better respect my Mom and I. Dahil ang makita lang sila, Kuya,
bumabalik lang ang alaala ko kung pa’no niya tayo iniwan and how
he chose her over us.”
“Hey, are you okay?” At talagang ipapakita niya pa sa’min na
concern siya sa babaeng ‘yan!?
With crocodile tears on her eyes, she said “Hindi naman ako
nagsalita ng iba, I just want to be friendly. ‘Di ba ‘yun ang promise
ko? Kaso sinampal niya ‘ko.”
Huh! Gusto ko talagang gawin ang suggestion niya about sa
upuan. I looked at this man. “Don’t worry sa ginawa ko, baka ako pa
ang may kailangan na magpatigin sa doctor.” I raised my hand. “And
don’t worry, I’ll not try to convince you na hindi siya nagsasabi ng
totoo. Waste of time dahil hindi ka naman maniniwala. Well, kailan
nga ba?” I turned my back on them and moved to my car.
“Sandy,” habol ni Kuya sa’kin.
Mula sa loob ng sasakyan ko ay sinabi kong “Kuya, hindi ako
plastic at mas lalong hindi ako mabait. Dahil kapag nag-stay ako
dito, baka sa susunod ay sa tabloids mo na ‘ko makita.” Umalis na
‘ko and I swear, hindi ako babalik sa bahay na ‘to hangga’t nandito

232
V O L U M E F O U R

sila.
-=-
“Ah. Okay lang, ako nang uuwi mag-isa.”
No, pasusundo na kita kay Hans.
“Ano ka ba, e di maghihintay na naman ako. Uuwi na lang ako
ng mag-isa. Magta-taxi na lang ako, sige na.”
Are you sure?
“Oo naman, sige na. Mamayang 10 P.M. ah?”
Yes, be safe. Call me when you get home. Wait for me.
“Aye aye, Captain.” Tinapos ko na ang call.
Kailangan niyang tapusin ang mga gawain sa opisina kaya late
na naman siyang makakauwi. Tatapusin na raw niya ngayon para
mas maaga siyang makauwi bukas. Kaya eto, ako na lang mag-isa
ang uuwi sa bahay. Pagkarating ko naman ay napansin ko kung
gaano katahimik ang bahay.
Inis. Nakakatakot.
Pa’no kung may biglang bumaba sa hagdan na babaeng naka-
white! MAME! Okay, relax.
Nagluto na lang ako ng pagkain naming dalawa. Aalis siya
bukas ng mga lunch time or bandang hapon tapos three days siyang
mawawala. Grabe naman, ang hirap pag boss ang asawa mo. Kulang
na lang maging secretary niya ‘ko para lagi kaming magkasama.
Suggest ko kaya? Desperada lang?
-=-
Okay, I’m done and ready to go home.
What time is it? It’s—“Sh*t—.” It’s already 12 A.M.! Nawala sa
isip ko! Tinawagan ko si Freak while fixing my things. Ang dami
niyang missed calls.
The number you have dialed is either unattended or out of
coverage area.

233
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Bakit ‘di niya sinasagot!? Nasa bahay na siya—shit! Ngayon ko


lang nabasa ang text niya.
Inbox: Message thread between you and Freaking Wife.
(1/50)
Mokong, ‘di mo cnasgot phone mo… Txt nlng, house n me.
Uwi k agad after, ingat. Txt mo ku pgkareciv m, a?
An hour later…
I arrived, sa wakas. Binuksan ko ang pinto and I immediately
looked for her. In the kitchen? No, no single soul. Umakyat ako sa
kwarto at do’n lang ako nakahinga nang maluwag.
She’s already sleeping and she looks tired. I shouldn’t have said
na maghintay siya.
Bumaba ako and I saw the food she prepared. Kumain ba
siya? Parang hindi naman nabawasan ‘to. Two days na ‘kong hindi
kumakain ng luto niya. Let’s eat this, Harris.
Pagkatapos kong kumain ng luto ni Freak ay pumunta na ‘ko
sa kwarto.
beside her and moved her closer to me. Wrong move,
nagising si Freak. “Oh, dumating ka na,” she said with a sleepy voice.
“Kumain ka na?” And she’s always asking kung kumain na ‘ko.
“Yes,” I kissed her on top of her head. “Kinain ko lahat ng niluto
mo sa baba.”
“Eh? Lahat? Isang bowl ‘yun, ano ka ba.”
“I’m serious, I ate it all. Now, let’s sleep, Freak.”
“Sige.”
-=-
Ang tagal naman ng babaeng ‘yun. Hindi na nga sinasagot
ang mga tawag ko, ni mag-text ‘di man lang magawa. Oh! Ayun
na, lagot sa’kin ‘tong babaeng ‘to.
“Ah, teka lang,” paalam ko sa mga kausap ko. “Nandyan na

234
V O L U M E F O U R

‘yung girlfriend ko.”


“Really!? Oh great, let’s all meet Rocky’s new earth now.”
“Kayo talaga, teka—.”
“Who the hell are these ladies?”
Napatingin ako kay Sandy. Ang sama makatingin sa mga
babaeng kasama ko dito sa table. Tumayo ako at hinarap siya.
“Sandy, watch your words. They’re my—.”
“What? They’re just trying to flirt with you—,” sabi niya habang
nakatingin pa rin sa kanila.
“Sandy!” sigaw ko. Tumingin din siya sa’kin sa wakas. “I said,
watch your words.”
“What now? Sasabihin mo rin sa’kin ang dapat kong gawin—
Rocky! Ano ba!” Hinawakan ko ang kamay niya at hinila paalis sa
kinatatayuan namin para sa office na kami mag-usap.
Pagkapasok namin sa loob…
“Anong sa tingin mo ang ginawa mo, Sandy?” seryosong
tanong ko sa kanya.
“What? Nagtanong lang ako, may masama ba?”
“Wala, pero the way you asked me, like they’re—Sandy, ano
ba!?” Umiwas siya ng tingin sa’kin na parang wala akong sinasabi.
“Mga pinsan ko ang mga ‘yun, okay!? Cousins.”
Tumingin siya sa’kin. “Good to know, ang akala ko may gustong
kumuha sa’yo. Handa ko na sanang sabihin na wala na bang lalaki
sa mundo?”
Hindi ko gusto ang tono ni Sandy ngayon ah. Pero mas hindi
ko gusto kung anong nasa likod nito. “Sandy, may problema ka ba
ah?”
“Nothing,” sabay iwas ng tingin. “Uuwi na ‘ko. I’ll be back
tomorrow. Wala ako sa mood na mag-stay dito,” saka siya tuluy-
tuloy na lumabas ng office. Ay nako, mabubuwang ako sa babaeng

235
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

‘yan. Daig pang buntis, moody.


Lumabas ako at binalikan ‘yung mga pinsan ko. Humingi ako
ng sorry at sinabing may sapak lang ang girlfriend ko. Hindi ko
naman masundan si Sandy dahil wala pa ‘yung manager ko na
pwedeng maghawak muna dito habang wala ako.
“Excuse me.” Napatingin ako sa isang lalaki. “Are you Rocky
Laxamana?”
Sino ‘to? “Ah, ako nga. Do I know you, Sir?”
“Itatanong ko sana if you have free time so we can talk.” Hindi
ako sumagot dahil hindi naman niya sinagot ang una kong tanong.
“Ah, I forgot to introduce myself. I’m Joseph Reynaldy.”
Joseph Reynaldy? Reynaldy!? Teka!? Tatay ba ni Babe ‘to?
Langya, naangasan ko pa.
“Sandy’s Father,” dagdag pa niya.
“Nice meeting you, Sir. Ah, here, let’s have a seat,” alok ko sa
kanya.
“Ah, napadaan po kayo, Sir. Sorry po, ang totoo, ngayon ko lang
po talaga kayo nakita. Ako po si Rocky Laxamana, boyfriend po
ni Sandy.” Inis ‘tong si Babe. Ang sabi niya patay na ang tatay niya.
Sabi ko na at nagsisinungaling ‘yun. “Nandito po si Sandy kanina,
medyo nagkasalisi po ata kayo.”
“Ah, no, it’s okay. Ikaw talaga ang sadya ko rito. Gusto ko sanang
pag-usapan ang tungkol kay Cassandra.” Ah, Cassandra pala ang
tawag ng tatay niya sa kanya.
“Ano po bang tungkol kay Sandy ang gusto niyong pag-
usapan?”
“Do you know anything about our family? May nasabi ba sa’yo
si Cassandra?”
“Ang totoo po niyan, konti lang po ang alam ko. Bukod po sa
Kuya niya na kasama niya dito sa bansa at ang Mama niya na wala
na po ngayon, wala na pong iba. Ang totoo niyan, Sir, hindi po kasi

236
V O L U M E F O U R

niya nababanggit ang tungkol sa inyo. Si Sandy po kasi ‘yung klase


ng tao na what you see is what you get. Kung ano lang ang sabihin
niya, hindi na ‘ko nagtatanong. I respect her with that.”
“Yes, very like her.” Nagbuntong hininga naman siya. “She’s
very tough and mad, to be exact.” Mad? “Ang totoo, galit siya sa’kin.
Kung baga sa lindol, intensity 20 ang galit niya.”
Hindi siya makatingin at hindi rin mapakali ang mga kamay
niya. Halatang hindi siya kumportable sa kinukuwento niya pero
mukhang wala siyang choice. ‘Di ko lang alam kung bakit niya
kailangang ikuwento sa’kin ‘to.
“Bata pa lang siya ay iniwan ko na sila ng Mama niya. Sumama
ako sa ibang babae at sa States kami nanirahan. Mas lalo pa siyang
nagalit nang magkasakit ang Mama niya at hindi ako nakapunta
miski sa burol nito. May mga dahilan ako pero mukhang balewala
‘to para sa kanya at naiintindihan ko ‘yun.”
“I see, pero Sir, bakit niyo po sinasabi sa’kin ‘to?”
At ngayon lang siya tumingin sa’kin. “Nang malaman ko na
may boyfriend na ang anak ko, masyado akong natuwa. Sa wakas,
marunong nang magtiwala ang anak ko sa lalaki. She never trusts
a man in her entire life bukod sa Kuya niya. At siguro, alam mo na
ngayon kung bakit.”
Na-kuwento ni Nads sa’kin na wala talagang naging boyfriend
si Sandy. NBSB rin naman daw siyang . Pinalalabas lang
ni Sandy na marami na siyang naging boyfriend pero alam nilang
walang totoohanan do’n. Puro lang siya laro at walang seryosohan.
Lagi niyang iniiwan kapag alam niyang malaki na ang gusto sa
kanya.
“Sana, sana ‘wag mong hayaang mawala ang tiwalang ‘yun sa
kanya. I want her to live with a man that she can trust for the rest
of her life. I want her to have a man na mag-aalaga sa kanya hindi
dahil sa kung ano pa mang mga bagay na mayro’n siya, kung hindi
dahil mahal siya nito as her woman. Ni hindi ko siya nakitang

237
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

ngumiti o tumawa. Gawin mo sana ang hindi ko nagawa para sa


kanya. Masakit sa’kin na sa ibang tao ko pa inaasa ang lahat, pero
please, never leave her side. She’s tough, but very vulnerable.”
Babe, sira ka talaga. Kaya ka pala ganyan, subukan mo lang
akong iwan.
Susundan pa rin kita.
-=-
Nasa Singapore na si Mokong ngayon.
Anong magagawa ko, e di maghintay. Ayoko namang magpunta
kina Mommy dahil siguradong abala ‘yun ngayon. Baka maisipan
pa ni Mommy na hindi ako masaya sa sarili kong bahay. At eto na
nga, matapos kong maglinis ng bahay ay pumunta na lang ako sa
studio nina Basty.
Nando’n din naman ang BITCH.
“Really, naiirita ako dahil nando’n na nga siya. At may kasama
pang basura,” si Sandy. Nako, nalaman naming dumating na pala
ang Papa niya.
“Sandy, Papa mo pa rin ‘yun kahit anong mangyari,” saway ni
Chris.
“Chris, if you’re in my position, ewan ko lang kung masabi mo
pa ‘yan.”
Tumingin ako kay Chris para senyasang ‘wag na lang pag-
usapan. Alam naman naming hindi magpapatalo ‘yan sa’min. Lalo
pa ngayon na fresh na fresh pa ang topic. Ang tigas ng ulo niyan eh.
Buti na lang dumating na si Basty. Bumili kasi siya ng pagkain
at milk tea.
“Here are your milk tea, girls.” At nilapag sa table na nasa
harapan namin.
“Basty, meron ka bang—,” sabi ni Liz.
Kinuha ko ‘yung milk tea ko at saka humigo dito.

238
V O L U M E F O U R

“UHG!” Napatakip ako sa bibig ko. Napatingin sila sa’kin.


“I’m oka—UHG!” Tumayo ako at pumunta sa CR. “UHHHG!
UHHHG!” OMG, what’s happening? Nilabas ko lahat ng kinain ko
kanina. Halos wala nga akong kinain kaninang umaga, nilabas ko
pa lahat?
“Nads!? Are you okay?” nag-aalalang sabi ni Sandy.
“Nads, buksan mo ‘yung pinto,” si Basty.
“Wait lang—UHHHG!”
Nanghihina at nangingiyak akong lumabas ng banyo. Nang
napatingin naman ako sa kanila na naka-abang sa paglabas ko.
Anong mukha ‘yan?
“Mayro’n ba kaming hindi alam?” pang-uusisa ni Liz.
“Yeah. Are we missing out on something?” tanong ni Sandy.
“May dapat na ba kaming i-celebrate?” dagdag pa ni Chris.
Na sinundan pa ni Basty. “At may dapat na ba ‘kong ipamalita
sa mga Dragon?”
“Teka. Anong ibig niyong sabihin?” sagot ko.
“Nads, pansin ko na ‘yan kapag nasa locker room tayo sa
restaurant. Kain ka ng kain ng kamias na may toyo?” sabi ni Liz.
“What? Kamias at toyo? Kadiri naman,” react ni Sandy.
“Anong kadiri, mahilig kaya ako dun,” sabi ko.
“Kailan pa?” tanong ni Chris.
“Teka, nung… Kailan nga ba—,” Hindi na ‘ko pinatapos.
“NADS!” sigaw nila nang sabay-sabay at saka lumapit sa’kin.
Gulat ako!
“Ano?”
“YOU’RE PREGNANT!” sigaw nila.
ANO RAW?! Tumango-tango sila sa’kin sabay yakap.
“Oh yes!! This is a great news!” sigaw pa nila. Habang si Basty

239
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

naman ay nakatingin sa’kin at may kausap sa phone.


“Teka, wala pa ngang confirmation,” sabi ko.
“Ano ka ba, sa shift nga natin hikab ka ng hikab!” si Liz.
“Inaantok ako syempre—,”
“‘Wag ka ng panira ng moment! Tara kina Tita Alma, i-pamalita
na ito,” sabi ni Sandy.
At mabilis pa sa kung ano, nandito na kami sa bahay nina
Mommy. Kasama pa rin si Basty.
“Anong mayro’n? Napasugod kayo? May balita?” tanong ni
Mommy.
“EXACTLY! EXACTLY TITA!” sigaw nila.
“Anong exactly? Wala pa nga akong sinasabi.” Tumingin naman
sa’kin ‘yung tatlo. Ano ba naman ‘tong mga bruhang ‘to—.
“SHE’S PREGNANT!!” sigaw nila. Sabi ko nga, excited sila.
“WHAT!? Oh my, ang anak ko ay may anak na!?” Niyakap ako
ni Mommy.
Napatingin ako kay Basty. “Oo nga! Langya, gumising ka nga!”
Parang alam na kung sino ang kausap niya saa phone nito.
“Teka, sure na ba ‘yan?” tanong ni Mommy. Iyon lang. “Huh?”
“Tita, sure na ‘yan! Nagsusuka na si Nads!” pilit ni Sandy.
“May mga signs na rin,” dagdag ni Chris.
“At lahat ‘yun visible na!” excited na sabi ni Liz.
“Mas excited pa ang mga magiging ninang kaysa sa magiging
nanay. Anak, ayos ka lang?”
“Po? Hindi lang ako makapaniwala.” Napahawak ako sa tiyan
ko. “Dati unwanted things lang ang nandito pero ngayon? May
baby na…nga ba?”
“Ano, tatawagan na ba si Troy?” tanong ni Basty.
“Ah? Nako, teka, ako na lang. Tsaka magpapa-check pa muna

240
V O L U M E F O U R

‘ko sa OB-Gyne.”
“Oo nga naman. Pag nalaman ni Troy ‘yan eh baka nasa
eroplano pa lang, tumalon na at mag-swimming pabalik dito sa
excitement,” sabi ni Liz.
Kung pwede nga lang na bumalik na siya, masaya ‘yun. Haaaay!
Kinabukasan, nakakatamad ang feeling.
Wala akong breakfast kiss, walang katabi, wala man lang
bedroom voice na magsasabing Good morning, Freak! Breakfast?
Sabay kiss sa’kin. Kainis naman.
Tumayo ako sa kama.
“IBALIK NIYO NA SIYA!!!” Ang baliw lang.
Kasi naman, kakakasal lang namin tapos lagi na kaming
magkahiwalay.
Walang magbabago kaya bumaba na ‘ko sa kitchen at nagluto
ng pwede kong kainin at ng… Baby? Kagabi nga lang, bago ako
makatulog, dalawang magkasunod na calls ang natanggap ko mula
kina Daddy at Dad. Kalat na ang balita about sa baby. Kahit nga ang
mga Dragons nag-text na rin.
“Baby.” Kung mayro’n man. “Pwede bang kanin na lang ang
kainin natin? Ayoko na kasing kumain ng iba, wala akong gana.”
Maya-maya’y narinig ko na lang na may nag-doorbell. Nandito
na ‘yung dalawang BITCH.
“So, anong mayro’n?” tanong ko kina Chris at Liz.
“Susunduin kita dapat. Ewan ko dito kay Chris kung bakit
nandito siya,” sabi ni Liz.
“Hindi ka naman nagsabi. Susunduin ko rin sana si Nads.”
Ay? Dalawa ang sundo? “Oh, sinong sasabayan ko ngayon?”
“Sige girl, kay Liz ka na sumabay. Iisa lang din naman ang
pupuntahan niyo. Naisip ko lang naman na baka kung mapa’no ka
kaya pumunta ako dito.”

241
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Nako, wala man si Mokong eh full force naman sila. Pero sana
bumalik na siya. Pa’no na lang kung may baby na nga? Mag-isa lang
kami ng baby ko…
-=-
Nandito ako sa condo ng Babe kong buhangin.
Hindi na naman kasi nagparamdam sa’kin. Langya ‘yun,
nagpapa-miss. Kaya eto, manawa siya sa’kin.
“Why are you here?” tanong niya habang umiinom ng tubig.
Ako naman, nandito lang at naka-upo sa couch habang tumitingin-
tingin ng magazine.
“Ah. Well, I just want to say na nakita ko na ang Dad mo,” sabi
ko ng ‘di nakatingin sa kanya.
“Baka nagkakamali ka, I don’t have a dad,” halatang galit na
sabi niya.
Tumayo ako at niyakap siya habang nakatalikod sa’kin.
“I know the story.”
“What story?” tanong niya.
“Story. Tungkol sa Mama mo, sa Papa mo, at—.”
Umalis siya sa pagkakayakap ko at hinarap ako. “Kung ayaw
mong mag-away tayo, stop talking about that topic. Wala kang
alam.”
“Dahil hindi ka nagku-kuwento.”
“Gusto ko nang kalimutan ‘yan dahil hindi naman importante.”
“Pero hindi mo pa rin nakakalimutan kasi nga… You never
forgive.”
“Dahil hindi siya deserving sa salitang ‘yan. Dahil sa kanya,
nawalan ako ng tiwala sa mga lalaki sa paligid ko. Si Kuya lang, si
Kuya lang ang kaya kong pagkatiwalaan.”
Natawa ako pero hindi sa tuwa kung hindi dahil sa ‘di ako
makapaniwala. “Pa’no ako? Wala ka rin bang tiwala sa’kin?”

242
V O L U M E F O U R

Umiwas siya ng tingin. “I don’t know.” Shit—pinilit kong


kumalma kahit na masakit na marinig ‘yun mula sa kanya. “Iniwan
ako ng lalaking ‘yun. No, hindi lang pala ako, his whole family for
that whore. ‘Di ko matanggap.”
“Sa tingin mo ba, iiwan din kita ah!?” Hindi siya sumagot.
And silence means YES!
“Cassandra Elyss Reynaldy, talaga lang huh? ‘Di ko man
nasasabi sa’yo araw-araw, hindi ibig-sabihin no’n eh hindi kita
mahal. Dahil ngayon sasabihin ko sa’yong mahal na mahal kita
pero mukhang hindi mo lang alam. Naiintindihan mo ba?”
Bigla siyang tumingin sa’kin at ngumiti. Sira talaga ang babaeng
‘to. “Are you trying to make me smile?”
“No, I’m trying to make you realize na hindi lahat ng nasa
utak mo ay tama. Kailangan mong makinig minsan sa iba para
maintindihan mo na minsan, nagkakamali din ‘yang utak natin—,”
natigilan ako. Bigla akong hinalikan ng babaeng ‘to.
“I do not doubt you. I doubt myself. Natatakot akong maiwan
dahil ako ang nang-iiwan bago pa nila ako maunahan. Ayokong
matulad kay Mama. She looks devastated that time. That’s why I
hate tears, ayoko no’n. Puro gano’n na ang nakita ko kay Mama.”
Niyakap ko siya. “Pa’no ka magtitiwala kung hindi mo alam
kung pa’no patawarin ang tatay mo. Hindi ko man alam ang sakit na
naramdaman o nararamdaman mo but if you trust me, then try to
reconsider lahat ng sinabi ko. Gusto kong ako lang ang mananakit
sa’yo, okay ba ‘yon?” At yumakap na din siya sa’kin.
“Evil, bakit ka ba nandito ah?”
“Syempre, para patayin ka.” Oh, kalma, ganyan lang kami.
“Bakit parehas tayo ng balak?” sagot niya.
Kailangang gumawa ako ng paraan. Ayoko ng ganyan siya, may
kinikimkim.
Patay ka sa’kin, Babe!

243
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

-=-
Nandito na kami sa clinic ni Dra. Ui. Nagpa-test na ‘ko
kahapon. Kaya eto, titingnan ko na lang kung anong resulta.
Excited na ‘ko kasi ngayon din darating si Mokong eh. Magandang
pambungad ‘to sa kanya kasi siguradong pagod ‘yun.
“So Dra. Ui, ano na pong confirmation ang masasabi niyo?”
tanong ni Liz. Nandito ang BITCHes at si Mommy.
“Based on the results, hindi ka pa pregnant, Nadine.”
Parang hindi ko narinig si Doktora. Ano nga raw uli?
Hindi ka pa pregnant, Nadine.
Ano nga uli?
Hindi ka pa pregnant, Nadine.
Huh!?
“Primarily, ‘yung mga signs na sinabi mo sa’kin tulad ng
pagsusuka, paminsan-minsang pagkawala ng ganang kumain tapos
maya-maya, gustong kumain ng kakaiba at laging inaantok, lahat
ng ‘yun ay psychological lang lahat, Nadine. Actually, may gano’n na
rin akong hinala at first, pero dahil hindi naman ako manghuhula,
we did the test. Now, it’s na hindi ka pa nagdadalang-tao.
Pero ‘wag kang made-depress, okay? Kasi napakalaki pa ng chance
na makabuo kayo agad ni Troy. Parehas naman kayong active.”
“Gano’n po ba,” matipid na sabi ko.
“Hindi na rin naman bago ang case na ganyan. Actually,
maraming newly weds at mommy-to-be ang dumadaan sa ganyang
case. Minsan kasi, dala ‘yan ng obsession na magkaroon na talaga
ng baby sa pamilya. Minsan naman dala ng pressure dahil sa paligid
niya na gustung gusto na siyang magka-anak. Pwede rin namang
dala ng stress and depression na karaniwang nararanasan ng mga
babaeng nasa ibang bansa ang asawa. Since malayo ang kanilang
asawa, iisipin nilang may baby na sa kanilang sinapupunan. In that
way, hindi nila maiisip na mag-isa sila kasi may baby silang kasama.”

244
V O L U M E F O U R

“Pa’no po ‘yun? Bakit may mga signs pa?” tanong ni Chris.


“Hmm… let’s say na kung anong iniisip natin, ‘yun ‘yung
eksaktong nangyayari ngayon. Like, pagsusuka. Iniisip mo nang
buntis ka kaya ‘yung stomach mo ay nai-stress at ‘yun ang nag-
uudyok para masuka ka. Reaction ‘yun ng body sa mga iniisip
natin. Kahit nga hindi buntis pero dahil lang sa napakalakas nilang
mag-isip ng mga bagay-bagay, nangyayari ‘yan.”
Ngayong nalinawan na ‘ko, wala ng iba pang paliwanag na
kailangan.
Ang kailangan ko na lang ay umuwi at kontrolin ang utak na
‘wag masyadong feelingera. Siguro nga ay nalulungkot lang ako
kasi wala si Mokong tapos naiisip kong mapapasaya ko ang parents
namin kapag nagka-baby na ‘ko. Buti hindi ko sinabi sa kanya. Kaso
akala nung iba ay mayro’n na talaga.
Tulad nito, naka-uwi na kami sa bahay at nandito ang mga
Dragons. May mga dala silang gifts para sa’min ng imaginary baby
ko.
“CONGRATULATIONS!” sigaw nila pagkababa ko ng
sasakyan. Mga nakaabang na pala sa tapat ng bahay namin. Kaso,
nawalan ata ako ng lakas.
“Nandito kami habang wala pa si Troy. Kami na muna ang
bahala sa kumander niya at sa prince o princess,” si Luke.
Tuluy-tuloy lang sila sa pagsasalita habang binubuksan ko
‘yung pinto.
“Bwahaha! Mamahalin mga binili kong gamit ng baby. Kaya—
AHHH!!” sigaw niya. Sigurado, sinaway ni Liz.
Pagkabukas ko ng pintuan ay pumasok na agad ako sa loob
kasama nilang lahat. Tahimik ang lahat hanggang sa makapasok na
kami sa loob.
“Maghahanda lang ako ng meryenda,” sabi ko sabay punta sa
kitchen. Buti na lang talaga, hindi ko nasabi kay Moko—.

245
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“CAPTAIN!!!”
Captain!? Napalingon ako bigla. Si Mokong pababa ng hagdan.
Nagmamadali siyang lumapit sa’kin. Hinalikan niya ako saka
binuhat.
“Freak, bakit hindi mo sinabi kaagad?” Habang hinahalikan
niya ‘ko sa cheeks ko. Halata sa mukha niya ‘yung excitement.
“Mokong,” sabi ko ng nakatingin sa kanya pero nakatingin siya
sa tummy ko.
Humarap siya sa’kin. “What—,” bigla siyang natigilan nang
makita niyang nangingiyak na ako.
“Hey, what’s wrong?” Binaba niya ‘ko. Hinawakan niya ang
mukha ko. “Bakit Freak? Anong problema?”
“Sa kwarto muna tayo,” sabi ko.
kami sa kwarto at umupo sa kama.
“Now, tell me,” sabi niya.
Habang nakatungo ako. “Kasi, hindi pa ‘ko buntis, Mokong.”
Hindi siya agad nakasagot pero maya-maya ay niyakap na niya
ako dahilan para maiyak ako lalo. Na-miss ko kasi ang yakap niya.
Tatlong araw siyang nawala, parang mababaliw ako mag-isa dito sa
bahay. “Kasi, sorry,” dagdag ko.
“Tss! What are you sayin’? You don’t have to say that. We’re still
young, and besides, we can still try and try and try and try again,
right!?”
“Oo nga.” Oo nga!? Ang daming try no’n ah.
“Ang mahalaga, we’re both healthy. Don’t worry, we’ll make
time for that.”
Ooohhh, make time daw.
Bumaba kami pagkatapos naming mag-usap. Nando’n pa rin
naman silang lahat.
“Sorry Nads! Hindi naman namin alam na gano’n. Sorry,” si

246
V O L U M E F O U R

Vic.
“Ayos lang, walang kaso ‘yun,” sagot ko.
“Nads, kasi baka lagi kang puyat kaya ‘di kayo makabuo.
Matulog ka ng maaga,” si Blake.
Hala, ewan ko ba. Seseryosohin ko ba siya o matatawa sa blank
expression ng mukha niya?
“‘Yan ka na naman, kung saan–saan sumusulpot,” si Rick.
Buti na lang at ever supportive silang lahat. Makakabuo din
kami, basta.
-=-
Si Babe naman napaka-wrong timing.
Papuntahin daw ba ako sa RockDy? Kaya eto, I have no choice
but to go dahil urgent daw. Pagkarating ko naman, parang ayoko
ng pumasok.
“Cassandra.”
“Not again,” sabi ko. Saka ako nag-umpisang maglakad palabas
pero hinarang ako ni Rocky.
“Sandali lang, Sandy.”
Tiningnan ko siya. “Not a good idea,” I said.
“Pa’no mo nalaman? Hindi mo pa nga nasusubukan.”
“Rocky—.”
“Sandy, you have to hear his side kahit sandali lang. Trust me,
it will make you feel better.”
“Pa’no mo nalaman?”
“I just know,” sagot niya sa’kin at saka niya ‘ko hinarap sa
direction niya. Paharap sa lalaking seven years ko nang hindi
nakikita. He nudged me forward so I started walking, and then sat
beside this man. Hindi ako tumitingin sa direction niya.
“Make it fast, I have a lot of important things to do,” sabi ko.

247
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Yes, I know.”
“Why are you here—.”
“I’m sorry, anak.”
Pinipigilan ko, I’m trying. I don’t want to cry but damn these
tears, ayaw akong sundin. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. I
can’t. Ayoko.
“Sorry for everything I’ve done. I know, there’s no way that I
can ask forgiveness to your Mom. But Cassandra, can you replace
her forgiveness with yours instead?”
An hour went by and we’ve talked too much. Nagpaalam na
‘ko para umalis at alam na din niya ang gusto kong mangyari para
mas lalo kaming magka-ayos. Now, I have to go, kailangan kong
makibalita sa nangyari kina Nads.
“Babe!”
“Bakit nagpakita ka, I’ll kill you for setting me up.”
“Teka, before you kill me, anong nangyari?”
Instead of answering his question, I said “Thank you.”
He looked at me like I’m a weird person here. Hinawakan
naman niya ‘yung noo ko.
“May sakit ka?” he asked.
Nakatingin lang ako sa kanya. “Seriously?”
Ngumiti naman siya at niyakap ako. “Sige na, hindi na ‘ko
magtatanong. Alam kong maganda ang nangyari.”
Well, yeah, he’s already forgiven. I already forgave him and the
time will come that I shall certainly learn how to forget.
Thanks, Babe.
-=-
Nag-aayos ako ng mga pinagkainan ng mga bisita. Pinalayas
na nga agad ni Mokong ang mga Dragon niya dahil magkakalat pa
raw at mapapagod lang ako. Eto ngayon at magkayakap na kami sa

248
V O L U M E F O U R

kwarto. Na-miss ko talaga ‘to.


Ang sarap ng feeling na kasama ang mahal mo. Nakapatay ang
ilaw at tanging lampshade lang ang nagbibigay liwanag sa buong
kwarto.
“Freak.”
“Hmmm?”
“Do you want to try?”
“Try? Ang alin?”
“The…” sabay bulong sa’kin. Sabay kagat sa tenga ko!
“Mokong, pagod ka ‘di ba?”
“Who said that?”
“Mapapagod ka.” Ah? Tama ba ang sinabi ko?
“No… So… Let’s….” sabay tanggal ng pagkakayakap sa’kin.
“Let’s try it again.”
And the lights went off.
Lumipas ang one month at naging karaniwan na uli ang buhay
namin.
Busy siya, okay lang. Busy ako, ‘di okay. Minsan kasi naiisip
ko na parang gusto ko ng mag-quit sa restaurant. Parang tama na
dapat nasa bahay na lang ako. Nakakatamad na kasing bumangon
ng maaga at nakakapagod na rin ang pag-uwi ng late.
Nakakahiya na rin sa mga head namin, feeling ko ang absent-
minded ko na. Kailan ba hindi!?
Eto, tulad ngayon, eleven in the morning na pero inaantok
pa rin ako. Kaninang mga seven ng umaga, nagpasabi ako kay Liz
na kausapin muna ‘yung head namin na hindi ako makakapasok.
Super nakakahiya pero super hindi ko talaga kaya!
“Freak,” si Mokong habang nagbibihis.
“Oh sorry, hindi ka pa pala nakaka-alis.” Bumangon ako. “Luto
na lang ako ng lunch.”

249
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Are you okay?” tanong niya.


“Oo,” natatamad na sagot ko. “May trabaho ka pa, paghahanda
kita nung—.”
“No, I have no work today. Nagsabi ako.”
“Talaga?” Tumayo na ‘ko at nagsuklay. Hikab dito at hikab
dyan.
“Do you have anything in mind? Do you want to go somewhere?”
“Ah.” Sa’n nga ba? Ano ba? Wala akong maisip, tinatamad nga
kasi ako. Sabihin ko kayang gusto ko lang mag-stay sa kama. Kaso
mamaya, iba na naman ang maisip nito. “Sa palengke, mamalengke,”
sabi ko.
“Okay, then let’s go?”
Umalis na kami ng bahay, buti na lang at may naabutan pa
naman kami dito sa pinakamalapit na palengke sa’min. Buti na
nga lang at kasama siya dahil tinatamad akong magbuhat ng mga
pinamili.
Sobrang init ng pakiramdam ko at ‘yung dibdib ko, parang
sinusunog sa init. Bigla naman akong nakaramdam ng hilo.
“Mokong, grocery tayo—.”
“Freak! Namumutla ka.”
“Ah?” Tumingin ako sa mga mata niya. Nag-aalala siya? “Hindi,
mainit lang. Magpunta tayo sa grocery para malamigan ako.”
“Are you sure? ‘Coz you’re so pale like chalk.”
“Grabe. Hindi ‘yan. Sige na, mag-grocery tayo.”
Nagpunta na kami sa grocery at medyo guminhawa naman ang
pakiramdam ko. Sabi na, mainit lang talaga. Kumuha naman agad
ng cart si Mokong.
“Sakay ka, Freak.”
Tiningnan ko siya. “Ano ako, bata?”
“Tss! I’m just—.”

250
V O L U M E F O U R

“Kaya ko pa,” sabi ko.


At ayun na nga, naglibot na kami at kumuha ng mga kailangan
naming supplies. Naka-dalawang carts na kami. Kala mo naman
ang dami namin sa bahay sa dami ng pinamimili namin. Pero
sige, para wala ng balikan dito. Lalo na ngayon, wala ako sa mood
maglalabas ng bahay.
“Mokong, kumuha ka nga ng toilet paper. Hanapin mo na
lang,” utos ko.
“Wait for me here.” Tumango lang ako. Pagka-alis niya, tumayo
lang ako at tumingin-tingin.
“Ah, ‘yun naman pala.” ‘Yung Pads! Kailangan ko niyan, ‘yung
may pakpak—“Ah—” Napahawak ako sa cart. Biglang nagdilim ang
paningin ko na parang ninakawan ako ng hininga.
Nads! Gising! Wala pa tayo sa bahay.
Pinipilit kong tumayo ako ng maayos pero bumibigat ang
paghinga ko.
Napalingon ako. Nasa’n na ba si Mokong? Napahawak ako sa
dibdib ko.
“Miss,” tawag ko do’n sa babae, hindi ko na kaya. “Miss,
excuse—.”
“Ay! ‘Yung babae, hinimatay. Tulong!”
-=-
Toilet paper. What to choose here? What’s the difference
between this, and this?
“Ay! ‘Yung babae, hinimatay. Tulong!”
Kung anong mas malambot? Tss! Should I bring this all and
show it to Freak?
“Tulong!!”
Napalingon ako nang may marinig na sumisigaw. I rushed to
where I heard that yell. And then…

251
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Shit! Freak!!”
“Nako, hinimatay siya bigla.”
“Freak!” Binuhat ko siya at nagmamadaling inilabas ng
supermarket. Sinakay ko siya sa sasakyan and rushed her to the
nearest hospital.
Makalipas ang ilang minuto…
She’s now resting in her room. Nakahinga ako nang maluwag.
Tss!
“Tss! Sabi ko kasi umuwi na tayo, Freak.” I’m looking at her but
she’s still sleeping.
Minutes later, someone knocked.
“Mr. Smith?” it’s the Doctor. She moved inside.
“Yes Doc, what happened? Is there anything wrong with my
wife?”
“Mr. Smith, there’s nothing wrong with your wife. She’ll regain
her consciousness later. Kailangan niya lang magpahinga ng
sandaling oras para maka-recover.”
“Then what’s the reason why she fainted?”
“Actually Mr. Smith, I want to congratulate you, you’re wife is
already three weeks pregnant. You’ll be a father soon.”
“Heck.”
“Excuse me?”
“Is this for real!? Tell me, Doc!”
“Calm down, Mr. Smith. Yes, your wife is pregnant… For Real.”
-=-

252
V O L U M E F O U R

Song Disclaimer:

1. I Don’t Want You To Go by Kyla


2. Say Something by A Great Big World
3. I Can’t Make You Love Me by Adele (Josh Kaufman Cover)
4. Don’t You Remember by Adele
5. One and Only by Adele (Jack Martello Cover)
6. When I Lost You by Frank Sinatra
7. When I Was Your Man by Bruno Mars
8. The Past by Ray Parker Jr.
9. All Of Me by John Legend

253
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Nakakakaba ang mga nangyayari. Nanlalambot kami dahil sa


takot sa pwedeng mangyari kay Nads at sa nasa sinapupunan niya.
Wala kaming ideya sa kung anong totoong nangyari sa kanya, ang
alam lang namin ngayon ay nasa kritikal siyang sitwasyon.
At ang masakit…
Wala kaming magawa kung hindi ang maghintay at kabahan sa
mga nagiging usapan nina Troy at Doctora sa labas ng Emergency
Room.
Pagkalabas ni Doctora ay patakbong lumapit si Tita Alma sa
kanya.
“Doctora! Kamusta ang anak ko!? M-Maayos na ba siya!?
N-Nakaligtas ba pati ang nasa sinapupunan niya?” nanginginig na
tanong ni Tita Alma.
“Mommy, Mr. Smith, Nadine and the twins are in a bad condition.
The doctors are doing their job but… they asked me to choose. Kung
hindi natin aagapan, maaaring—,”
“CHOOSE!? The doctors should save lives! Not to ask the family
to choose which life should be saved!”
“Troy, huminahon ka muna para—,”
“D*MN IT! My wife and my twins are in a life and death situation.
How can I calm down!?”
Tumahimik kaming lahat dahil hindi rin namin alam kung anong
gagawin.
“TELL ME!”

254
V O L U M E F O U R

Hi Guys! AB.Castueras here!


ABANGAN NIYO ANG FBBF VOLUME 5!
Huling volume na ‘yun kaya ‘wag niyong
palalagpasin!
Huwag magpapahuli sa huling hirit
nina Freak at Mokong.
Ng mga BITCH, RD, Tanders, at ng….
Twins? Tsk tsk tsk!
Supportahan niyo rin po sana ang iba pang
works ko.
May gusto ka bang i-share about sa works
ko? Tara! Usap tayo!

AB.Castueras Art by: Joey Fer and Joel Lee Lacsa


(Jaden Kaiba) www.facebook.com/jadenkaibaart

255
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?
AB.Castueras’ PSICOM & VIVA-PSICOM WORKS
My Facebook Boyfriend…For REAL!? (Volumes 1 2 3 4)

GOLD MANGA 4 in 1 stories (Once Upon A Time) Illustrated by Jeff Nice

GOLD MAGAZINE
I’ll Be..
(A story of Faith, Hope, and Love)

256

You might also like