Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 256

My Facebook

Boyfriend…
For REAL!?
“Logging Off…”
(VOL. V)

Written By: A.B.Castueras

PSICOM PUBLISHING, INC.


My Facebook Boyfriend…For REAL!?
“Logging Off…”
(VOL. V)
By AB. Castueras

Copyright AB. Castueras 2015


All Rights Reserved
First Printing 2015
Printed and Published by PSICOM Publishing Inc.
Quezon City, Philippines

Edited by: Ms. Khuey Garces and Nestly Anne Abadier


Cover Art by: Columbia Kho/Kurohiko

Please visit us on Facebook:


facebook.com/psicompublishing
Follow us on Twitter:
@Officialpsicom

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses,


songs, places, events and incidents are either products of the author’s
imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual
persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Acknowledgment

WALANG SAWANG THANK YOU, LORD! Sa wakas ay natapos ko na


po ang buong series!

Maraming salamat sa parents ko. Sobra-sobra ang kanilang naging


suporta sa aking pagsusulat. Lalo na habang sinusulat ko ang huling volume
na ito. Maraming thank you dahil kahit araw-araw niyo ‘kong sinasabihan na
ang taba ko na, at kailangan ng mag-diet, umaalis pa rin kayo kapag gabi para
lang ibili ako ng pagkaing pwede kong kainin habang nagta-type. Hahaha!

Sa mga kapatid ko, thank you! Kahit na hindi ko na masyadong nalilinis


ang bahay nating magkakapatid dahil sa pagta-type ko, inuunawa niyo pa
rin ako. Sana lang… h’wag na kayo masyadong magkalat para hindi na ‘ko
mahirapan maglinis. LOL.

Sa Bosses namin sa PSICOM, maraming salamat po. Sa opportunity na


ibinigay niyo sa’kin upang magkaroon ako ng sarili kong libro sa kabila ng
aking pagiging baguhan sa ganitong larangan. Continue to be a channel of
blessings sa mga nangangarap na maging opisyal na manunulat.

Salamat din kay Miss Nestly na isa sa mga nag-edit ng volume na ito.
Malupet sa galing ;)

Sa mga naging illustrators ng aking FBBF Book; kina Rhaine, Jeff, at Ate
Columbia. Salamat! Nakakatawa at nakakatuwang isipin na sa tatlong artist
dumaan ang covers ng FBBF. Thank you sa pag-share ng inyong malikhaing
kamay para sa aking libro.
Sa mga Admins ko na laging nandiyan kapag nagiging moody ako
kung minsan at slow palagi. Salamat sa walang patid na support mga
LAPASTANGANS! Kitakits!

Salamat din kay Denka na ipinahiram sa’kin ang pangalan ng kanyang


banda na – Denka’s Diorama. SEE YOU SOOOON – DENKS!

Sa mga readers at supporters ng FBBF! Walang sawang pasasalamat sa


inyo mga babae at lalaki. Kayo ang isa sa mga vitamins ko upang ganahan
sa pagsusulat. Pinalalakas niyo ang loob kong ipagpatuloy ang pagsusulat
sa tuwing ita-tag o ime-message niyo ‘ko kung kailan ang release ng vol.5.
Salamat! Salamat! At isa pang salamat!

Maraming Thank You!


Dedicated ang huling volume ng FBBF sa iyo.
Sa’yo na imposibleng matapos ko ang buong series na ito kung wala ka.
Sa’yo na siyang ginawang instrument ni Lord para mahanap ang mga tulad
kong nagnanais magkaroon ng sarili nilang mga libro. Ikaw na siyang
tumulong sa’kin na mas mapagbuti pa ang mga salitang aking isinusulat. Ang
siyang nagtatama ng bawat maling aking isinasatitik.
Marahil ay hindi mo alam kung gaano ko pinahahalagahan ang iyong
tungkulin sa’ming manunulat, pero para sa’kin ay hindi makukumpleto
ang pagiging matagumpay ng isang libro kung wala ang mga tulad mo sa
larangang ito.
Alam kong kabahagi ito ng iyong trabaho, ngunit para sa’kin ay tulad mo rin
akong ibinibigay ang buong puso sa bawat trabahong kanyang ginagawa.
Salamat din sa pagdamay noong mga oras na hindi ko kayang sabihin sa
iba ang aking saloobin. Noong mga oras na karaniwa’y iniisip kong walang
makakaintindi sa’kin, naroon ka at sinasabing kaya kong lagpasan ‘yan, sabay
post ng link nang nakakaiyak na kanta. T__T
Sana ay manatili kang Mama ko na laging magsasabing ang Dyosa ko, Editor
na magtuturo sa’kin kung paano ba talaga gamitin nang tama ang “ng at
nang”, at higit sa lahat ay kaibigan na pwede kong lapitan sa oras na masaya o
malungkot man ang aking araw.
Mukha man akong walang pakiaalam sa mundo kung minsan, sigurado
akong isang tawag mo lang sa oras na kailangan mo ng tulad ko, I will never
let you down!
Thank you sa another year of existence mo sa earth, Mothaa~
Have a meaningful and productive 2015.
Sorry na! Haha! Talagang tinapos at pilit kong inayos, sa abot ng aking
makakaya, ang huling volume na itu bago man lang i-dedicate sa isang
importanteng tao.
SURPRISE!!!
Happy Birthday, Mama Khuey.
ILY
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

6
V O L U M E F I V E

Chapter 36: With our KIDS.


What’s on your mind? > The only constant thing in this world is
change. It’s either you’ll embrace it, or leave it.

It has been an hour of unbelievable truth. Hindi pa rin ako


makapaniwala. I’m going to be a dad, and it’s very real. I put my hand
on top of her tummy, wala pa ‘kong maramdamang paggalaw but I
know there’s a life inside her womb.
“Freak…we’re going to be parents now.” I gave her a kiss on her
forehead. “You’ll be freaking shock, I know.” I smiled. “We’ve tried very
hard, Mrs. Smith.”
After a few minutes, I heard someone knocking on the door. It
must be our parents, tinawagan ko sila kanina. Hindi ko na muna
sinabihan ang iba because I want my wife to rest—.
“SURPRISE!!!” Nads’ friends are already here. Yeah… what more
can I expect?
“Who told—.”
“Tabi, Troy! Nasa’n si Nads!?” Sandy, yeah. Did she just shove me
off? Great.
“Excuse me, Troy! NADS!!!” And there’s Liz, alright.
“Pasensya ka na, Troy. Si Nads ang bida ngayon. Pero congrats,
magiging Daddy ka na. Girls, sshhh… natutulog ang mother to be.” It’s
Chris. She’s right, need I say more?
Isasara ko na sana ‘yung pinto nang biglang—
“CONGRATULATIONS!!!” Another group of gloating friends.

7
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Congrats, Troy! Daddy ka na!” Sebastian said while tapping my


back…quite hard. I guess they’re too excited for Nads and I.
“Bwahaha! Pasalamat ka, Captain, sa’kin magmamana ‘yan!”
“I’ll kill you when that happens, tss!”
“H’wag gano’n, Captain. Don’t say bad words… Ssssh!”
“CAPTAIN!!! CONGRATS!”
“Hey! Ano ba—,” these three guys gave me a hug, including Luke.
“Ang bata-bata ko pa, magiging ninong na kaagad ako ng anak
nang dati kong classmate!? Ahaha! Kumpare!” It’s Luke. “Oh h’wag na
tayong maingay, natutulog si Nads.”
“Nga naman. Isara niyo na ‘yang pinto at nakakagulo rin kayo sa
ibang pasyente,” warned Chris.
I was about to close the door but, “HEP HEP! Humahabol ang
pinakamabatong ninong ng inaanak ko! Congrats, pare!” And I got
another embrace from Rocky. “Medyo nahuli, nag-park pa ‘ko ng
sasakyan.”
“Yeah, thanks.” Then he went inside the room to see Nadine.
Seriously? Is this some kind of a reunion or what? Tss! Hindi ko naman
ibinalita sa kanila, and yet, they’re all here. Fascinating… I closed the
door, and sat beside my wife. “So, how come all of you knew about
this?” I asked.
“Tita Alma called me, then I called Liz right away,” Sandy
explained.
I turned to Liz. “Sinabi ko naman kay Chris.”
“I called Basty,” said Chris.
“Pagkatawag ni Chris, tinawagan ko si Luke.”
“Oo nga, tama. Tapos sinabi ko kay Rocky, at nagkasabay-sabay na
kami d’yan sa entrance.”
I looked at Adrian. “It seems that you’re not invited here.” Tss!

8
V O L U M E F I V E

Should I laugh at his reaction? “Who told you about this, by the way?”
I said trying to suppress a snerk.
“So wala man lang nagsabi sa’kin? ‘Ba, sobra naman ata ‘yan!?” it’s
Adrian.
“Pa’no mo nga nalaman?” Chris curiously asked before she turned
to Liz. “Di mo ba sinabi, Liz?”
“Ayy, sorry talaga. Kasi naman…sa sobrang excitement ko eh ikaw
ang na-call ko, Chris.”
Then we all looked at him. Disappointment was written all over
his face. “Papunta ako sa bahay mo, Queen. Eh nakita kitang paalis ng
bahay kaya sinundan na lang kita. Hindi ka naman sumasagot sa tawag
ko. Pagdating d’yan sa entrance, saka ko lang nalaman—GRABE!” there
was a hint of pain in his voice. “‘Di niyo man lang ako binalitaan!?”
Lumapit si Liz sa kanya and she embraced him. “Okay lang ‘yan,
Pong, ang mga nahuhuli ay nauuna. H’wag ka nang maarte.”
“Ahaha! Akala ko naman eh aaluhin mo,” it’s Luke.
“I know, Queen. Lagi man akong huli sa ibang bagay, sa puso mo,
ako naman ang laging una.”
Liz quickly turned her back at Adrian and said, “Nga pala, maiba
tayo. Bakit tulog pa rin si Nads?”
“Queen naman, eh!”
Sinabi ko sa kanila kung anong nangyari kanina kay Freak. Pero
mukhang hindi sila interesado kung gaano ako nag-alala kanina dahil
ang lahat ng kanilang atensyon ay na kay Nadine. I’m not sure if they’re
confused, amazed or just curious. I have no idea, and it’s okay. What
matters right now is the safety of my wife and the fact that I’m going
to be a dad.
It didn’t took so long before I heard another knock. Oh, here
comes the overly proud Lolo’s.
“Nasa’n ang apo ko???”

9
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“It’s my grandchild too, but you’re right. Where’s—oh, there she


is!”
“Parang mga bata. Oo na, at apo niyo na parehas. Nako naman
talaga itong dalawang ito, oo.” It’s Mom with the grandfathers to be.
“Nako, pagpasensyahan niyo na ‘yang mga ‘yan. Buti at kayu-kayo lang
ang nandito dahil kung hindi—.”
Napatingin kaming lahat sa may pintuan. Someone’s knocking…
again?
“Patay na, may kumakatok,” said Sebastian. “Parang alam na, may
pattern ang pagkatok.”
It was my mom who opened the door.
“NASA’N SI CAPTAIN—Ay, hi po tita.” Now this… is unexpected.
“Nakalimutan kong dalhin ang mga hawla, tsk tsk tsk. Nandito
na ang mga alaga ni Harris,” my dad gave me a look after saying that.
“Papasok na kami!!! Congrats sa inyo—,” it’s Jhick
“SSSSH! H’wag naman kayong maingay, natutulog si Nads.” That
weird sincere statement came from Blake, but I’m still thankful.
“Kung manaway naman ‘to, akala mo siya ang natutulog,” it’s
Drake.
“Totoo naman, napakaiingay niyo,” added Rick. “Loko kasi—”
“Oy, h’wag nga kayong magsalita ng mga ‘loko’ dyan. Maririnig ng
baby,” Vic said seriously.
“Tahimik na, quiet,” Nick.
“Ahaha, ano? Prayer meeting na ba?” Luke.
“Nobena, ‘tol,” Trick.
“Umpisahan mo na, Babe,” Sandy.
“Wag gano’n, masusunog ka. Mahal pa kita, Babe,” Rocky.
“Ay grabe, napakagugulo talaga kapag nagsasama-sama kayo,”
Mom said with a smile. I think she’s more thrilled than annoyed. “Oh,

10
V O L U M E F I V E

may kumakatok pa. May kulang pa ba sa grupo niyo?”


“Baka si Suzzaine?” Luke.
Jhick opened the door. “Wow… Full pack naman pala kayo. Aba,
Sir Smith,” and it’s Dra. Ui greeting my Dad. “Hi, everyone. Masyadong
excited ang mga magiging ninong at ninang, ah? But I’m afraid
kailangang magbawas ng tao dito sa loob ng room. The patient needs
to rest, remember that.”
“Hamo’t pagsasabihan ko ang mga ito, Doktora,” Mom said
seriously.
“Teka, may sasabihin ka ba kay Harris?” it’s Dad.
“Yes po,” she looked at me. “It’s about your wife.”
Dra. Ui ushered me outside. Tinawagan ko siya kanina nang ma-
assure ko nang maayos si Nadine.
“I saw Nadine’s chart, Harris. She’s okay and stable, for now. But
we still need more tests to make sure she’s okay.”
After Dra. Ui discussed the status of Nadine’s health, I went back
to her room.
“Troy, Troy, magigising na si Nads. Ikaw nang magsabi ng good
news, bilis,” Liz.
“Oh walang maingay mga pare,” Sebastian.
Lumapit ako kay Freak. I saw how she slowly opened her eyes.
Pagkamulat niya, tumingin siya sa’kin pero mukhang naguguluhan pa
siya sa nangyayari. Yeah, like a Freak.
“Freak, are you okay? It’s me, Troy,” I said but she didn’t reply right
away. She looked around as if analyzing the excited faces of our friends.
“Bakit… Bakit ang daming tao?” she asked.
“Tss! Freak, you fainted. I told you, we should go back home so
you can rest. Tingnan mong nangyari sa’yo.”
“Eh kasi, akala ko… kaya ko pa.”

11
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Ayaw mo kasing maniwala sa’kin.”


“’E di next time maniniwala na po—.”
“HEP!!! AWAT!” it’s Sandy.
“Tss, fine.” I looked at Nadine’s face again and tried to tell her
what’s going on here. “Freak, you’re—”
“PREGNANT!!!” They chorused.
“BUNTIS KA NA!”
“MOMMY KA NA!!”
I felt Freak’s hand holding mine. “Ano raw?” I know she’s confused,
so I kissed her and said, “You’re pregnant, Freak. We will be having our
first baby next year.”
Habang tinitingnan ko siya, naalala ko ang mga sinabi sa’kin
kanina ni Dra. Ui.
I’ll still run some tests and checkup for Nadine. But promise me
you’ll be more cautious of her condition. Maselan ang pagbubuntis ni
Nadine. May nakita ako kanina sa chart niya na kailangang bantayan
natin sa next checkup niya sa’kin. Though wala pang naru-rule out na
complications sa kanyang pagbubuntis, doble ingat ang kailangan dahil
may buhay na sa sinapupunan niya.
-=-
“Nads!? Bakit ka umiiyak, anak?” tanong ni Mommy.
Sa mga oras na ‘yun, hindi ko malaman kung ano ang hahawakan
para kumalma ang dibdib ko. Parang hindi totoo ang narinig ko,
pero nararamdaman kong may kakaiba nga sa katawan ko. I feel like
crying…
“Hala ka pre! Mukhang nagsisisi na,” biro ni Rocky.
“Nagising na sa katotohanan…” dagdag pa ni Sebastian.
Lumapit si Mokong sa’kin at saka hinawakan ang magkabila kong
pisngi.

12
V O L U M E F I V E

“Hey Freak, why are you crying?” tanong ni Mokong.


“Wala naman, ‘di lang ako makapaniwala.” Pinunasan ko’ng luha
ko. Ano ba naman ‘to. Humikbi-hikbi raw ba sa harapan nilang lahat?
“Kasi… may laman na ‘tong tiyan ko. Magiging Mommy na rin ako—
ewan, ‘di ko ma-explain ‘yung feeling. Basta…”
“I’m hoping that these,” pinunasan niya ang luha ko, “are tears of
joy. You don’t have to cry, I’m here. I won’t leave your side,” sabi ni
Mokong.
Sandali lang akong nag-stay sa ospital, umuwi na rin kami
kaagad. Nandito ako ngayon sa kwarto namin at hinihimas-himas ko
lang ‘yung tiyan ko. Naghahalo ‘yung kaba at saya sa dibdib ko. Parang
pati sarili kong kapasidad bilang Nanay, kinukwestyon ko na rin sa
isipan ko. Kung kaya ko bang palakihin ng maayos ‘yung magiging
anak ko o hindi, ewan.
Paano na rin kaya itong tiyan ko kapag lumaki na? Para akong
kumain ng tao.
Ang totoo… gusto ko naman talagang magkaroon ng baby. Hindi
ko lang inaasahan na magiging ganito kabilis ang pangyayari. Siguro
nga, naninibago lang ako sa katotohanang may bubuhayin na ‘kong tao
sa loob ng katawan ko.
“Freak,” tawag ni Mokong. Kapapasok lang niya ng kwarto.
Dumiretso siya sa tabi ko at saka ako inakbayan. “First thing’s first.”
Napatingin naman ako sa kanya. So serious ang tono ng asawa ko.
“Okay…?” alanganing sagot ko.
“You’re pregnant, and I want you to quit your job. A-S-A-P.”
“Teka, hindi pa naman malaki ang tiyan ko tsaka… nakakahiya
dun sa head namin—.”
“Masyado mong iniisip ang ibang tao, Freak.” Tumingin siya sa’kin
nang diretso. “You’re a mom now even before that child is born. Think
like a mother.”
Napatahimik ako. “Sorry,” sagot ko. Tama siya…

13
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Why—No, no. Hindi kita pinapagalitan, Freak. I’m just saying


that you have to be careful now.”
“Alam ko, pero sorry pa rin. Tingin ko, late ang pag-mature ng
utak ko na isa na ‘kong Nanay ngayon.”
Hinawakan niya ang kamay ko at saka sinabing, “Is there a
problem? Are you still not ready for this?”
Umiwas ako ng tingin sa kanya. “Hindi ‘yun, Troy. Masyadong
maraming bagay lang kasi ang naiisip ko ngayon. Naisip ko na nga
rin kung kaya ko bang gawin ‘yung pagpapalaki na ginawa sa’kin
nina Mommy at Daddy. Natatakot ako na baka magkamali ako ng
pagpapalaki sa bata at pagsisihan ko ‘yun.”
“The fact that you’re worried about that means you’re already
a good mom. You’ll be okay, okay? Just like what I’m always saying,
nandito ako sa tabi mo. Hindi lang ikaw ang magpapalaki sa anak
natin, kasama mo ‘ko. I’m your husband and I’m the father of this…”
hinimas niya ang tiyan ko, “child.”
Tumingin ako sa kanya. “Thank you.”
While staring deeply in my eyes, he said, “Just say I love you.”
“I love you,” then he kissed me and the next is history.
Sumunod na pangalawang linggo ay naayos ko na ang pakikipag-
usap sa head namin sa restaurant. Na-finalize na ang lahat ng kailangan
para walang maging aberya sa pag-alis ko sa training. Naging
considerate naman sila sa kalagayan ko at sinabing they’ll be happy to
welcome me again kung sakaling gusto kong mag-train ulit.
Kaya eto, sa bahay na muna ako palagi. May kinuha na ring
kasambahay si Mokong para gumawa ng gawaing bahay sa oras na
lumaki na ang tiyan ko. At isa pa, ipinaliwanag sa’kin ni Doktora ang
sitwasyon ng pagbubuntis ko kaya kailangan kong mag-ingat.
Paalis ngayon si Mokong para pumasok sa office.
“Sige, ingat ka, ah?” sabi ko.

14
V O L U M E F I V E

“Freak…”
“Uhm?”
“Wag muna kaya akong pumasok?”
“At bakit naman? Ano ka ba, maliit pa ang tiyan ko at nasa
bahay lang naman ako. Halos wala na nga rin akong gagawin dahil sa
kasambahay natin.”
“Yeah, I know but—hindi ako mapapakali sa opisina nito, Freak.”
“Then call me every minute, every hour, okay?” Hinalikan ko siya.
“Sige na, bye.” Kahit na ang totoo ay talagang gusto ko siyang hatakin
papasok sa loob.
Pagtapos niya ‘kong halikan ay nagulat ako nang i-kiss niya rin
‘yung tummy ko. “Bye Baby, take care of your Mom while I’m out. If
anything happens, call or text me. Okay?”
“Mokong… Matakot ka kapag nag-text ang batang ‘yan. Ibig
sabihin no’n, nakalulon ako ng cellphone. ”
“Tss! Fine, my son will just give me a fatherly signal, then.”
Napakunot bigla ang noo ko. “Teka, son?” takang tanong ko.
“Paano mo naman nasabing son eh hindi pa nga natin alam.”
“I just know, Freak. Malakas ang pakiramdam kong we’re having
a son.”
“Baligtad naman tayo. Tingin ko, babae ‘tong panganay natin.”
“Lalaki, Freak. Sigurado ako.”
“Pa’no ka naman nakakasiguro, ah?” hindi siya nakapagsalita.
Bigla naman akong napaisip. “Teka!”
“W-What?” tanong niya nang biglang mapataas ang tono ng boses
ko.
Nagpamewang ako bago ako nagsalita. “Sabi nila…kapag lalaki
raw ang ipinagbubuntis ng isang babae…ibig sabihin ay pangit ang
itsura ng nanay. So ibig sabihin ba no’n, kaya ka sigurado eh—”

15
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Of course not, Freak. You’re thinking too much. It’s not what I
meant—.”
“So pa’no ka makakasiguro kung gano’n? Ewan ko sa’yo. Sige
na, umalis ka na nga. Magpapaganda lang ako at baka sakaling isipin
mong babae ang panganay ko.”
“Ko? It’s also mine.”
“Che, nasa tiyan ko siya. Wala sa tiyan mo. Sige na.” Tinalikuran
ko siya at saka dirediretsong pumasok na sa loob ng bahay. Narinig ko
na lang siyang nagsalita pagkabuntong hininga niya.
“I don’t even know that saying. Tss!”
Haay, makapagpahinga na nga. Nalilito na rin ako kung bakit ako
nakipag-away kay Mokong.
-=-
BWAHAHA! Ako lang ‘to, relax. Susunduin ko lang naman ang
reyna ko.
Pero sa hindi ko inaasahang pagkakataon, sa tapat ng
pinagtatrabahuhan niya ay makikita kong meron siyang kayakap!
Pinagpalit ang henyong ito!? ‘Di pwede ‘yan! Sino ang lalaking ‘yan na
bumabastos sa pagkalalaki ko!? Sugod, Adrian!
Pagkalapit ko…
“Ehem! Napapatagal ata.” Napahinto naman sila, syempre, sa lakas
ng dating ko.
“Pong!” At nakangiti pa. Masaya ba siyang nasasaktan ako!?? OH
HINDE.
“Alam ko, naistorbo ko kayo. Pero ipakilala mo muna sa kanya
ang lalaking mapapangasawa mo, Queen—EHEM!” Mabuti ng
nagkakaintindihan habang maaga. Bakuran ang dapat bakuran!
Sementuhan mo pa kung kinakailangan.
Tumingin si Queen dito sa lalaking ‘di naman kagwapuhan na ‘to.
“Ganyan lang ‘yang boyfriend ko—.”

16
V O L U M E F I V E

Habang nakatingin sa kanila. “Gwapo lang talaga, pasintabi na,


Pare.”
“May sapak sa ulo,” QUEEN TALAGA, OH! “Pagpasensyahan mo
na, ah? Just like what I’ve said, siya ang boyfriend kong si Adrian.”
“Ah, boyfriend,” ulit naman nitong tuko na ‘to.
“Fiance, pwede rin,” dagdag ko. “Pero mawalang galang na, ikaw
nga si…?” Tiningnan ako ni Queen ng masama.
“Friend ni Liz.” Asos! Friend lang naman pala. “Childhood friend,
Richard.”
“Kasabay siya ni Mommy pagdating dito sa Pinas,” habol ni Liz.
Aba, binabakuran na ang Mother-in-law ko? Mukhang hindi naman
ako iiwan ni Mother-in-law since…binigyan ko siya ng limang kahong
buko pie noon. Paborito raw ‘yun ng Mommy ni Liz, eh.
“Hahatid ko na siya sa kanila.” Aba, talagang! Bastusan naman!
Hinawakan ko sa kamay si Queen habang nakatingin sa kanya.
“Mawalang galang na pero kaya kong ihatid ang girlfriend ko pauwi sa
kanila.” Sabay alis sa harapan n’ong isang ‘yun kasama ni Liz.
Pagpasok naman naming dalawa sa sasakyan…
“Oy, Pong,” sabay tawa naman. “H’wag ka namang magpahalata
masyado na nagseselos ka.”
“Ako? Ako na letter G ang middle initial!? Si Paul Adrian
GWAPONG Villafuerte!!? Nagseselos!? Queen naman!” Sabay paandar
ng sasakyan ko.
“Nako… Palusot.”
“Pero sasabihin ko nang totoo sa’yo. Hindi ko gusto ang tabas
ng dila no’n, Queen. Katabi ang boyfriend tapos aayain kang isabay
pauwi? Naghahanap ata ng sakit ng katawan ‘yun, eh.”
“Ano ka ba…pagpasensyahan mo na. Baka kasi gano’n lang sila sa
US makipag-usap. Wala ‘yun sa kanila…”
“Bastos pala kapag taga ibang bansa?” inis na sabi ko. Ngayon lang

17
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

ako nainis, ah.


“Ang serious mo na, Pong. Wala lang ‘yun.”
Ilang oras pa ay nakarating na kami sa bahay nina Liz.
Ang akala ko naman eh hindi na kami sinundan nung ‘Richard’
na ‘yun. Aba, inunahan pa kaming makarating sa bahay nina Queen.
Bagong guard? Nakatayo pa sa tapat ng gate. Bwahaha! I-hire ko ‘yan!
“Queen, injured ka ba?” tanong ko habang tinatanggalan ko siya
ng seatbelt.
“Hindi, bakit?”
“Eh may taga-abang ka pa, oh. Ang akala mo naman eh hindi ka
marunong maglakad, aalalayan ka pa ba niyan? Hindi pa pumasok sa
loob. Hinintay pa talaga tayo.”
“Ang seloso mo, Pong.”
“PWEDE BA!?” sabay tawa niya.
Pagkapasok naman namin sa loob, ayan na si MOMMY. Well,
of course, magpapakasal naman kami ni Queen sa tamang panahon.
Dapat masanay na ‘kong tumawag ng mommy.
“Aba… nandito rin pala si Adrian. Nako, ‘yung pinadala mong
buko pie sa’kin pag-alis ko noong huling uwi ko rito sa Pilipinas,
naubos kaagad namin ng Tito mo.”
“Gano’n po ba? Mahilig rin po pala sa buko pie si DADDY. Hayaan
niyo, sa susunod ay sampung buko pie po ang ipadadala ko.”
Tumawa naman ang Mommy ni Liz. “Nako…ikaw talaga. Hindi
ka pa rin nagbabago simula ng huling pagkikita natin.”
“Yes Mommy,” sagot ko. BWAHAHA! “Hindi po kayo nagkakamali,
still, gwapo pa rin.”
“Hahaha, oo naman. Nako, upo muna kayo at pinahahanda ko
na ang dinner.” Umupo naman kaming lahat dito sa sala. “Nga pala,
Adrian, kaibigan lang ni Liz itong si Richard, ah? Sumama lang talaga
‘yan para makabisita rito. Baka kasi nagulat ka sa pagdating niya.”

18
V O L U M E F I V E

“Nako! Wala naman po sa’kin ang mga ganyan-ganyan, MOMMY.


Mahal ko po ‘yang si Liz. At ang mahal po niya ay mahal ko rin. Ang
kaibigan niya ay kaibigan ko na rin po! Bwahaha!” Tumingin ako kay
Liz. “Hindi pa ba kayo magkakagalit na dalawa?—AH!” Pinalo ako ni
Liz sa braso. “Bwahaha!!! Biro lang.”
Ngayon naman, payapa na kaming kumakain ng dinner habang
nagkukwentuhan sila ng tungkol sa kabataan nila. Tapos hihirit pa
ang isang ‘to ng…
“Bakit? Hindi ba alam ni Adrian na allergic ka sa seafood?”
Paandar masyado ang isang ‘to. Konti na lang at i-itcha ko siya
pabalik sa bansa nila.
“Alam ko,” inis na sagot ko. Saka ako bumulong ng “Akala mo
naman doktor.” Pinisil naman ni Liz ang kamay ko para sawayin ako.
Iyang kaibigan kaya niya ang sawayin niya?
“Ah, oo, alam na niya. That time lang kasi, hindi pa niya alam. Kaya
simula no’n, inaalam talaga niya ang ingredients ng kakainin namin
bago namin kainin. Pagdating sa sarili kong health, mas maingat pa
‘yan kaysa sa’kin,” at saka naman ako tiningnan ni Liz at ngumiti.
Nako, buti na lang at reyna kita. Ang trabaho ko lang ay sundin ka.
Pero kahit gano’n, ayoko pa rin sa childhood friend niyang ‘yan.
-=-
Dumating kanina sina Chris at Sandy dito sa bahay para raw
may kasama ako. Kanina pa nga ako tinatakot ni Sandy. Tataba raw
ako ng husto habang nagbubuntis. Pero hanggang ngayong gabi na,
nandito pa rin sila dahil wala pa raw si Mokong.
Kaya naman laking gulat nila nang maagang nakauwi ng bahay si
Troy.
“Aba… Mukhang maaga ang husband, ah,” biro ni Sandy.
“At tapos na rin ang trabaho natin, Sandy. Pa’no, Nads? Alis na
kami,” pag-aaya ni Chris kay Sandy habang kinukuha ang bag niya.

19
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Bye, girls.”
At nang kami na lang ng asawa ko rito sa bahay…
“Kumain ka na?” tanong ko kay Mokong.
“Yes, para hindi ka na mapagod magluto, Freak,” sagot niya habang
nagpapalit ng damit dito sa kwarto namin.
“Ahh… Eh, bakit ang aga mo?”
“Baka hanapin ako ng anak natin.”
“Pa’no ako?” Pumunta muna siya ng bathroom bago siya lumabas
at sumagot.
“Of course, you know that I miss you so much, Freak.” Tumingin
siya sa’kin pagkasampay niya ng towel. “Are you still mad at me?”
Umiwas ako ng tingin at saka nag-pout. “Ewan—AHH! Mokong
ka!” Bigla niya ‘kong dinaganan sa kama.
“Matulog na tayo, Freak!!!”
“AAAH! Mokong ‘yung baby!” sigaw ko.
“Oh!” At automatic na nag-roll over si Mokong palayo sa’kin.
“I forgot! Sorry Freak, baby. What now!?” Nakaupo siya at parang
aligagang-aligaga na. “What to do!? May masakit ba sa’yo?”
Nakahiga ako tapos nakatingin sa kanya. “Relax… Ikaw kasi, eh.
Bawas-bawasan mo ang pagkaharot mo, Mr. Smith.”
Saka siya nakahinga nang maayos, sabay higa at yakap sa’kin.
“Mokong…”
“Oh…”
“Pa’no kapag tumaba na ‘ko… Kasi nga ‘di ba… buntis na ‘ko. Pag
nagtagal… Lolobo na ‘ko.”
Habang nakapikit siya. “It’s okay, sanay na ‘ko.”
Hiwalayan ko kaya ‘to?
“Ah, gano’n pala.”

20
V O L U M E F I V E

“O kaya maghahanap na ‘ko ng ibang babae kapag nangyari ‘yun,


Freak,” sabi niya.
Ah, gano’n pala. “Okay, fine.” Tinalikuran ko siya. ‘Ge, maghanap
ka na lang ng MAS sa’kin. Iyon nga lang, MAS mahihirapn ka rin
makahanap. Che!
Niyakap niya ‘ko palapit sa kanya. “Freak, you asked me a question
na alam mo naman ang sagot kasi.”
“Ewan ko sa’yo…” sagot ko.
“Freak… kahit ilang milyong beses ka pang maging pregnant…”
What?! Ano ako, factory?! “Kahit tumaba ka pa, sa paningin ko… Ikaw
pa rin ang pinakasexy at pinakamaganda para sa akin,” sabay kiss sa
batok ko. Eh, kung ganyan ka naman lagi, magkakasundo tayo.
“Bolero. Captain ka nga ng RD.”
“Freak,” sasagot sana ako kaso inunahan na ‘ko nito ng kanta niya
na parang binubulong lang sa batok ko. Ang hot ng pakiramdam ng
boses niya… Be yen. “You don’t have to be beautiful, to turn me on.” If
you know the song… Adik talaga ang Mokong na ‘to.
Sabay lipat niya sa kabilang side, sa harapan ko para matitigan ako
sa mata. At saka itinuloy ang kanta niya.
You don’t have to be rich to be my girl
You don’t have to be cool to rule my world
Ain’t no particular sign I’m more compatible with
“I just want your extra time and your KISS,” at saka siya nag-kiss
sa’kin.
“Siguro kinakanta mo ‘yan sa office kapag miss mo ‘ko.”
“Yeah, and I’ll look at your picture para kunyari nasa harapan kita.”
“With matching dance?”
“Oo—What? No!”
Kinabukasan pag gising ko, wala akong katabing kapre.
Bumangon ako pero nakita ko pa ‘yung susi ng sasakyan sa side table,

21
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

kaya bumaba ako para hanapin siya. Pero bakit parang nangangamoy
sunog sa buong bahay? Pagpunta ko sa kusina, nadatnan ko si Mokong
na naghuhugas ng pinggan? Tapos sabay patay niya dun sa stove na
pinanggalingan ng amoy sunog.
“Crap, what—Ah!” iling niya nang mapaso siya sa kawali.
“Alila!” Tawag ko at lumingon naman siya sakin. “Anong ginagawa
mo?!” Dapat na ba akong matawa dahil basang-basa ang t-shirt niya?
Habang palapit ako sa kanya. “Ano bang pangalan mo, ah? Sa’ng
agency ka galing at ibabalik na kita dahil mukhang kulang ka pa sa
training. Tsk tsk tsk.”
“Troy Harris, Ma’am, from the Ideal Husband Agency.” Asus! Kung
totoo man ‘yang agency niya, baka lahat ng bahay may katulong na.
“Ano ‘yan? Tocino ba ‘yan o uling? ‘Yung totoo?”
“Tss.”
“Nako, ibabalik na talaga kita. Nanunog ka pa, oh. Hindi kita
pasuswelduhin.”
“That’s okay with me, Ma’am. Sa’yo pa lang, jackpot na ‘ko,” sabi
niya habang pinupunasan ‘yung kitchen sink.
“Tsk tsk tsk, hindi ba kayo tinuruan sa agency niyo na mag-
apron?” Sinuot ko sa kanya ‘yung apron habang nakaharap siya sa’kin.
“Yan… ang ganda.”
“Tss! Ma’am, in our agency, we don’t need to wear this kind of
thing.”
Tumingala ako sa kanya. “Eh, ano namang sinusuot niyo?”
Bigla siyang ngumiti ng mapang-akit. OMG. “Nothing…”
NOTHING? Lunok-lunok din pag may time. Parang gusto kong
kumuha pa ng sampung katulong, ah. Joke lang. Ayos na ayos na ‘ko
sa isang ‘to.
“Will this be okay, Ma’am?” At nagtanggal na siya ng pang-itaas
niya.

22
V O L U M E F I V E

Pinisil ko siya sa tagiliran niya. “Asus! Ang landi naman ng asawa


ko. Baka mamana ‘yan ng anak ko.”
“Then her wife would be so happy.”
“Baliw ‘to.” Napangisi na lang ako. At ayun, pinababaran ko sa
kanya ‘yung mga pinaglutuan—este, pinagsunugan niya ng tocino.
Tapos, inilabas ko ‘yung dalawang itlog.
“Okay, kailangan mo nang matuto kung pa’no magluto. Set the fire
on.”
At ano pa nga ba, ginawa na nga niya ang mga instructions ko
habang nagluluto ng itlog. Ang akala mo naman napakahirap na.
“Mokong, nga pala, papuntahin mo dito ‘yung buong Dragons
mo, ah?”
“I don’t think they’ll be free to come and visit us, Freak.”
Tumingin ako sa kanya habang binabantayan niya ‘yung itlog na
maluto.
“Eh, gusto ko silang makita, Mokong.”
“We can’t just tell them to come here anytime we want. They
have work and—.” Napahinto siya ng mapatingin siya sa’kin at nakita
ang reaksyon ko. Nakakainis ‘tong si Mokong. Kahapon pa niya ako
kinokontra. “Freak…don’t tell me you’re gonna—.”
At nag-umpisa na nga ‘kong lumuha. Umalis ako sa tabi niya
habang pinupunasan ang luha ko. “Kahapon mo pa kasi ako inaaway,
alam mo ‘yun? Gusto ko lang naman talagang makita ang mga
teammates mo, eh.” Pati tuloy ako hindi ko na malaman kung bakit
bigla na lang akong napaluha.
Nakita kong pinatay muna niya ang stove at saka lumapit sa’kin.
Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at saka ako tiningnan.
Hindi naman ako tumitingin sa kanya. “Why are you being so sensitive
nowadays, uh?” Hindi ako sumagot dahil maging ako, hindi ko alam
ang dahilan. “Okay, I’ll tell them to make time for you.” Saka siya

23
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

bumulong sa sarili niya. “Though I’m kind of worried if this is a good


idea.”
“Mamaya, ah?”
“Wait!? What? Mamaya? Freak naman… hindi pwedeng mamaya
kaagad.”
“Bakit!? Please!!! Gustung-gusto ko talagang makita sila isa-isa.”
Bigla siyang umiwas ng tingin na parang nagtitimping h’wag
magalit. “Nagagalit ka na!? Naiinis ka na!? Grabe ka, Troy Harris.”
Awtomatikong humarap siya sa’kin. “Wait!? Pa’no ‘ko naging
grabe, Nadine?”
“Basta. Bahala ka. Kung ayaw mo silang dalhin dito… hindi na
lang kita patutulugin sa kwarto natin.” Seryoso ako. Saka ako umupo
sa upuan.
Tumabi naman siya sa’kin na halatang bothered ang expression. E
‘di takot rin palang wala siyang katabi.
“Nadine naman…” Huminga siya ng malalim saka sinabing “Okay,
fine. I’ll try—tss! I’ll make sure they’ll be here later. Okay?” sabi niya
habang diretso siyang nakatingin sa’kin.
“Okay,” nagmamaarteng sagot ko. “Magluluto ako para sa kanila.”
“No, it’s okay. Pagdadalahin ko na sila ng pagkain.” Tumayo si
Mokong para kunin ‘yung nilulutong itlog kanina.
“Mokong… Puro fastfood na nga ata ang kinakain ng mga ‘yun.
Tsaka… wala pa silang mga asawa kaya gusto kong makita nila ang
wala sila na meron ka, oh ‘di ba!?” Tumingin siya sa’kin ng sandali
para ngumiti. Hindi ko naman alam kung anong ibig sabihin ng mga
ngiti niyang ‘yun. “Mahihirapan ka lang naman kumain kapag wala na
‘ko. Pero at least marunong ka nang magluto ng itlog—” Napahinto
at nagulat ako nang bigla akong makarinig ng kawaling bumagsak
sa lababo. Napatingin ako kay Mokong na hindi gumagalaw sa may
harap ng kitchen sink at nakahawak ang magkabilang kamay sa lababo.
“Troy?”

24
V O L U M E F I V E

Habang diretso siyang nakatingin sa kawalan, sinabi niyang “Don’t


say those things again, Nadine. I don’t want to hear it ever.”
Tumayo ako at saka lumapit sa kanya. “Ang alin? Ano bang
problema?”
“H’wag mo nang sasabihing kapag wala ka na. No one’s leaving.”
‘Yun pala… Pero parang ang sensitive naman ni Mokong dahil
dun? Oh c’mon, Nadine. Speaking of sensitive, ako yata ‘yun, eh?
-=-
Patay ako ngayon kapag dumating ‘tong si Pong. Siguradong
magbabaliwbaliwan na naman ‘yun. Malay ko bang nagseselos rin
pala ang isang ‘yun? Hindi ko naman agad mahindian itong si Chard.
Ngayon lang kasi kami nagkita at aalis din naman siya.
Oh my gosh, I’m torn between my childhood friend and my crazy
boyfriend.
“Minsan lang naman, ano? Please, Eliz.” Inaaya ako ni Chard
mag-bonding. Nga pala, ‘Eliz’ ang tawag niya sa’kin. Heto na nga at
sasagot na sana ako nang bigla ba namang magbusina itong si Pong
pagkarating ng sasakyan niya.
“PONG!!!” saway ko. May saltik talaga ‘to. Binusinahan na nga
kami sabay pailaw pa sa frontlights ng sasakyan niya. At pagkababa
niya ng sasakyan…
“Ano? Tara na?” Hahawakan na dapat ni Pong ‘yung kamay ko
pero napahinto siya nang magsalita ako.
“Uy, batiin mo naman si Chard.”
Bigla siyang napatingin kay Chard, at parang nagulat pa ang loko.
“Uy! Nandyan ka pala. I’m sorry, Pare, hindi ko napansin. Pero ‘tol, una
na kami, ah? Medyo busy kaming tao ni Queen, bwahaha!” Napailing
na lang ako at ngumiti na lang din si Chard.
“Sige, next time na lang, Eliz.”
“’De.. Wala nang next time,” bulong ni Pong sa’kin.

25
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Mag-ba-bye pa sana ako kay Chard nang hawakan ni Pong


ang kanang kamay ko para maglakad papasok ng sasakyan niya. At
pagkapasok naman namin ng sasakyan…
“Napakaseloso mo, wala naman kaming ginagawa kung maka-
react ka naman.” Nagmaneho na lang siya at hindi tumitingin sa’kin.
Aba… first time ata ‘to? Hindi siya nagsasalita.
Tinitigan ko siya. “Galit…ka ba?” tanong ko habang
pinagmamasdan ang serious niyang face. Tumagal na ng ilang minuto
pero hindi pa rin niya ‘ko kinikibo. “Ano ka ba naman? Galit ka na
agad. Alam mo namang he’s just my childhood friend—.”
“Queen,” tawag niya sa’kin. Tumingin naman ako sa kanya habang
diretso lang ang mga tingin niya sa daan.“Bagay ba sa’king maging
serious?” At nabasag lahat ng mga pangarap ko na maging serious
siya. Kinuha ko ‘yung bag ko at hinampas sa tiyan niya. “QUEEN
NAMAN!!”
“Che! Akala ko nama’y totoong nagpapakaseryoso ka na d’yan.
Magdidiwang na sana ako dahil, at last, hindi ka na gano’n ka-confident
na hindi kita kayang ipagpalit. Hmp!”
“Bwahaha! Hindi naman talaga, ah? JOKE! Pero, Queen, seryoso
ako. Naiinis ako kapag kasama mo ‘yung childhood friend mo. Parang
gusto ka laging yakapin no’n. Lumayo ka do’n, ah.”
“Ah? You know that I can’t, Pong. Huwag kang selfish. Hindi ko
pinapakialaman ang friends mo.”
“Selfish kaagad? Hindi selfishness ‘yun, Queen. Mamaya na nga
tayo mag-usap,” sabi niya dahil parating na kami sa tapat ng bahay
nina Nads. Nabalitaan ko kasing nag-aya raw si Nads ng panibagong
bonding.
Pagkababa namin ng sasakyan, nadatnan naman namin ang
hilihilerang sasakyan sa paligid. Siguradong nandito na ‘yung iba.
Paglapit namin sa gate, nakita namin itong dalawang BITCHES, sina
Chris at Sandy, na nakatayo roon na parang may hinihintay.
“Oh, bakit nandyan kayo? Kung pumasok kaya kayo?” Anong

26
V O L U M E F I V E

nangyari sa dalawang ‘to? They look so disappointed…


“Pinaalis kami ni Nads, eh,” sagot ni Chris.
“What? Pinaalis? At bakit naman?”
“Ayaw niya raw kaming makita!?” mahinahong pagkakasabi ni
Sandy. Pero biglang… “AKO!? As in, ME!? The Goddess? Ayaw niyang
makita?” hindi makapaniwalang sabi ni Sandy.
“Relax, girl. Lumalaki ang butas ng nose mo,” biro ko. “Chris,
labasan mo ng stretcher ito, high blood masyado.” Nagbuntung hininga
na lang si Chris.
“Bwahaha! Baka napagtanto ni Nads na makakasama kayo para sa
baby—,“ sabay ubo niya. Tiningnan ko kasi siya ng masama. “Oh, ano
nang balak niyo, girls?”
“Well… sa resto bar?” patanong na sagot ni Sandy sa’min.
“Walang problema sa’kin pero uuwi ako kaagad, may gagawin pa
‘ko,” Chris.
“Count me in,” nakangiting sagot ko naman.
“Hatid na kita, Queen.”
“No, hindi na, Pong. Sabay na lang ako kay Sandy.”
“Eh, pauwi? Text mo ‘ko—.”
“H’wag na rin, magapahatid ako kay Sandy.”
“What!? Kailan mo pa ‘ko na-hire bilang driver mo—,” singit ni
Sandy pero agad ko na siyang hinila papunta sa sasakyan niya para
hindi na rin makatutol si Pong.
“Bye, Pong! Text na lang kita kapag pauwi na ‘ko sa’min. Text me
rin, bye bye!”
Nakita kong napakamot na lang ng ulo si Pong, at saka nag-
doorbell sa gate. Pagkapasok namin sa sasakyan ni Sandy…
“And what is that all about!? Don’t tell me you’re doing something
dirty behind his back—Aw!” iling ni Sandy pagkakurot ko sa braso

27
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

niya.
“Something dirty ka d’yan!? May gusto lang akong isama sa
pupuntahan natin. Si Chard, remember? I’ll grab this opportunity to
be with him na bago siya umalis.”
“Are you two-timing!?”
“You know what? Iyang brain mo ang dirty. Ano bang ginawa
sa’yo ni Rocky at kung anu-ano ‘yang naiisip mo?”
Habang binubuksan niya ang engine ng sasakyan, “Well…
something dirty.”
“O-M-G! Don’t tell me—”
Tumingin sa’kin si Sandy sabay sabing, “We painted our life red
and blue, and that makes us dirty… dirty in love.”
“Ang cheesy…” sabi ko habang nakatingin sa kanya na looking
disgusted. Pero syempre, I’m happy to hear that from someone na nag-
swear sa’min na ang serious relationship ay isang malaking kalokohan.
And look at her now.
So much for that…
Tatawagan ko na lang muna si Chard.
-=-
Ang saya ng feeling ko, sobra. Nandito na silang lahat, ang mga
DRAGONS! Habang si Mokong naman ay nakasimangot sa isang gilid.
Hindi ko kasi siya pinatabi sa’kin dito sa sofa. Lagi naman kaming
magkasama kaya itong mga Dragons muna niya ang pinatabi ko sa’kin.
Kaso mukha siyang kawawang bata sa isang gilid. Pansinin ko na nga.
“Mokong! Thank you sa pagpapapunta sa kanila dito sa bahay natin,
ah?”
“Oh, teka? Ako kaya ang nagpapunta sa kanilang lahat dito, Nads,”
sagot ni Luke. “Pinakiusapan lang ako ni Troy.”
“Talaga?!” Tumingin ako kay Mokong. “E ‘di… hindi ko pala dapat
tuparin ‘yung reward niya.”

28
V O L U M E F I V E

“Reward!? Ano ba ‘yun? Sa’kin na lang, tutal ako naman ang


nakagawa,” sabi ni Luke.
“Tss, do you want me to kick your arse out of my house, Luke?”
“Ah? Bakit ba? Ano ba—.”
“Sabi ko, kapag napapunta niya kayong lahat, sa kwarto namin
siya matutulog.”
“AHAHA! Gano’n ba? Nagbibiro lang naman talaga ako,”
natatawang sabi ni Luke.
“Malapit nang maluto ‘yung hinanda namin kanina ni Rose.
Pakakainin ko kayong lahat ng masarap,” pangtatakam ko sa kanila na
nakapalibot sa akin. May nakaupo sa sofa at sahig habang nakatingin
sa’kin.
“’Yan naman ang masarap sa may asawa na nag-aalaga. Masarap
uwian, may pagkaing masarap na laging nakaabang.”
“Pero Captain Nads, maiba tayo, bakit mo nga pala kami pinapunta
rito?” tanong ni Trick. Mga naka-uniform at formal wear pa ’yung iba.
Ang guguwapo talaga nila… Nagpipiyesta ang mga mata ko.
“Ang cute, Captain na ang tawag niyo sa’kin,” bigla ko na lang
nasabi.
“Oo naman, ikaw pa,” sagot ni Vic. Naka-white uniform pa siya
na pang-ospital.
“Eh, paano si Mokong?” tanong ko.
“Iyan?!” Napatingin kami kay Blake. Haha! ‘Yan daw ba, eh. Bigla
namang nagbago ang timpla ng mukha ni Mokong. “Wala na…”
mahinang sabi ni Blake. Saka naman sila nagtawanan ng malakas.
“Gusto ko talaga kayong itapon palabas ng bahay ko. Tss!”
“HUWAG!!!“ sigaw ko.
“Tss,” iling niya. Wala naman siyang magagawa, eh.
“HAHAHAHA!” At nagpatuloy ang malakas nilang tawanan.

29
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Pero bakit mo ba talaga kami pinapunta rito, Captain?” Unti-unti


silang tumitingin kay Mokong tapos sa’kin. “Nads?” tanong ni Rick.
Teka, bakit nga ba?
“Ah, wala lang.”
Nakangiti ko namang sagot pero parang nabagsakan sila ng langit
at lupa dahil sa sinabi ko. Ehhh??! Bakit?!
“Wala lang?” ulit ni Jake.
“Natutulog ako kanina… tapos wala lang pala,” reklamo ni Blake.
Halatang pilit naman ang ngiti ni Nick nang sabihin niyang
“gagawa pa sana ako ng report. Akala ko pa naman ‘yung sinabi na ni
Luke ang dahilan, pero sige, ayos lang ‘yan.”
“Sinabi ni Luke?” Tumingin ako kay Luke.
“Ah… Hula lang naman talaga. Ang akala ko kasi talaga ay
naglilihi ka na at gusto mo kaming paglihian, Nads—.”
“AH!” Napasigaw ako at napatakip sa bibig ko. “Luke!” Tumingin
silang lahat sa’kin. “Paano mo nalaman??!” nangingiting sabi ko. “Ang
galing mo!”
“Wait—What!?” biglang napaalis si Mokong mula sa pagkakasandal
niya sa pader. “Naghahanap ka ng kamukha ng baby natin, Freak?”
Bigla siyang lumapit sa Dragon niya. “Hey! Get up! Get out of this
house now—,” Natigilan siya nang biglang tumunog ‘yung doorbell.
Lumabas naman si Basty para pagbuksan ng gate ang kung sino
mang dumating. At pagbalik niya… “Patay tayo d’yan,” natatawang
sabi ni Basty pagbalik niya rito sa loob.
Bakit naman kaya?
“GOOD EVENING MGA KALAHI! BWAHAHA!”
“ADRIAN!” excited na sigaw ko.
Bigla namang nagtayuan ang Dragons na parang susugurin si
Adrian.

30
V O L U M E F I V E

“Oh, please… Get out!” Sabay harang ni Mokong sa daraanan


ni Adrian palapit sa’kin. Sumunod na rin ‘yung iba na hinawakan si
Adrian sa magkabilang braso habang si Adrian naman ay halatang
naguguluhan sa nangyayari.
“Ah, teka lang, Captain??! Kararating ko lang, bakit ang warm
naman ng welcome niyo??”
“Please, maawa kayo sa anak ko!” sigaw ni Mokong pagkabitaw
niya kay Adrian.
“HAHAHAHA!” at sabay-sabay na naman silang nagtawanan.
Ang saya talaga kapag magkakasama sila.
Ilang sandali pa nga ay wala na ring nagawa si Mokong dahil
pinaupo ko na si Adrian sa tabi ko.
“Oh pa’no? Ano nang gagawin natin?” tanong ni Zhrake.
“Alam ko na, ganito na lang. Pumila tayo sa harap ni Nads, tapos
isa-isa tayong lalapit sa kanya para naman makita niya ang features
natin,” suggestion ni Jhick.
Mukhang sang-ayon naman sila sa paglilihi ko sa kanila pwera
lang kay Mokong. At ang nangunguna sa pila ay si… “Oh, ako na muna
ang una—OHH!!! Ano ba?!!” Bigla kasi nilang hinila paupo si Blake.
“Maawa ka naman sa bata! Una mo pang ipapamana ‘yang
pagiging antukin mo,” saway ni Jake.
“Oh, e ‘di ako na muna ang una. Malakas makahawa kasi ‘tong
datingan ko, alam niyo na?” Napangiti ako habang pinagmamasdan ko
ang mukha ni Nick. Ang gwapo kaya niya. Angelic face at cute na cute.
“Nako! Baka naman ipasa mo lang ang pagkahilig mo sa aso sa
magiging pamangkin natin,” singit ni Trick. “Nads, gusto mo bang
magkaroon ng eight packs na abs ang pamangkin namin kung lalaki
siya?”
“Oo naman, patingin nga—.”
“Mrs. Smith?” isang warning voice mula kay Mr. Smith.

31
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Tumingin ako sa kanya saka ngumiti. Ibinalik ko na lang ang


tingin ko kay Trick. “Saka na lang,” sabi ko. “Marami naman akong
reserba niyan kay Mokong…” bulong ko. Tumango naman si Trick at
nagsenyas ng ‘okay.’
“Manahimik kayong lahat! Ako na muna ang mauuna!” singit ni
Adrian kaso hinatak siya ni Luke pabalik sa inuupuan niya
“H’wag ka na! Baka lumaking may sira ang bata!” sabi ni Luke.
“Wag kang maniniwala, Nads.” Lumapit sa’kin si Adrian at
lumuhod sa harapan ko. Hinawakan niya’ng magkabilang pisngi niya
at saka sinabing “tumingin ka sa’kin…” Kaso lang… hinila siya palayo
n’ong iba. “AH! Ano ba?! MAGIGING HENYO ANG BATA KAPAG
SA’KIN NAGLIHI SI NADS!!!”
“Sa’kin na lang, Nads.” Si Basty! Ang bet ng bayan! Mabait, super
gentleman at—.
“H’wag, Nads!” Harang ni Luke. “Baka lumaking tahimik masyado
ang bata!” Nga pala tahimik si Basty.
Natawa naman ako. “Okay rin ‘yung tulad ni Basty. Ganyan rin
ang mga tipo ko.”
“Oh, ‘di ba?!” habol ni Basty. “Hayaan mo, Nads. Hindi man ako
ang tahimik na nakatuluyan mo, malay mo magka-junior ako balang
araw? Irereto ko siya sa magiging anak mong babae.”
“Kung magkakaanak ako ng babae, siguradong magugustuhan
niya rin ang magiging Junior mo kung nagmana siya sa’yo.”
“Not my daughter…” biglang sabi ni Mokong sa isang tabi.
“Nako, nagbabakod na si Troy, wala pa man,” biro ni Basty.
“Sa’kin na lang nga kasi, Nads. Magiging habulin ‘yan,”
pangungumbinsi ni Luke. Oo nga, ‘no? Habulin ng girls si Luke.
“Huwag na! Baka lumaking aso na lang ang humahabol,” pagbibiro
ni Trick. Nako, si Suzzaine nga pala!
“LALAKING SINGLE! BWAHAHA!” panloloko ni Adrian.

32
V O L U M E F I V E

“Kaysa naman sa’yo!” sigaw ni Luke.


“Bwahaha! Lalaking macho at lalaking-lalaki ang bata kung junior
ang baby!”
Lumapit bigla si Mokong sa likuran ko at saka tinakpan ang
magkabilang tenga ko habang nagkakagulo sila sa harapan ko.
Tumingala ako sa kanya habang takip-takip pa rin niya ‘yung tenga ko.
“Bakit?” tanong ko.
Nag-bend down siya sabay halik sa’kin. “Freak, enough, kawawa
naman ang anak natin.” Natawa naman ako pagkasabi niya n’on.
“NAKO!” Napatingin kami ni Mokong kay Rick na biglang
nagsalita. “Kung kay Captain magmamana ang baby…”
“What?!” tanong ni Mokong.
“Laging sumpungin ‘yung bata,” sagot ni Luke. “Tsk, tsk, tsk!”
“Laging mainit ang ulo,” dagdag pa ni Basty.
“BWAHAHA! At higit sa lahat? Hindi matututong magsalita ang
baby dahil puro ‘tss!’ lang ang sasabihin.”
“Tss!”
“Kita niyo na!”
“HAHAHAHA!”
Napuno ng ingay ang buong bahay. Pero napakasaya nitong
gabing ‘to. Ngayon nga, uuwi na lang sila pero nagtatalo pa rin sila
kung kanino ko dapat ipaglihi ang baby ko.
“Basta Nads, ah? Jackpot kapag sa’kin nagmana,” paalala ni Luke.
“H’wag, sa’kin na lang, Nads,” si Basty.
“Sa’kin para genius!” sabi naman ni Adrian.
“Oh sige, kung lalaki. Sa inyong lahat ko ipaglilihi. Magiging
habulin ng girls,” sabay tingin ko kay Luke. “Tahimik at gentleman,”
at tumingin ako kay Basty. “Syempre dapat henyo na, nuknukan ng
gwapo pa,” kay Adrian. “At mahilig din sa sports.” Tiningnan ko ang

33
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

ibang RD na palabas nang gate.


Pagkaalis nila, inakbayan ako ni Mokong habang naglalakad na
kami papasok ng bahay.
“How about me?”
“Huh?” Tumingala ako sa kanya habang naglalakad kami.
Nakatingin lang siya ng diretso sa dinaraanan namin.
“Anong kukunin mo sa’kin para sa anak natin, Freak?”
Huminto ako saka yumakap sa bewang niya. “E ‘di ano pa? Syempre
ang pagiging mapagmahal, masipag, mapag-aruga, responsible, at higit
sa lahat, may takot sa Diyos ng asawa ko. Sa’yo manggagaling ang lahat
ng best features ng magiging anak ko…kung lalaki.”
“Good.”
“Kaya lagi kang mag-stay dito sa bahay kung hindi… sa iba ako
maglilihi, sige ka!”
“Tss!”
“Promise?”
“Of course.”
“Okay, aasahan ko ‘yan.”
-=-
Kanina pa ‘ko nagte-text sa Queen ko pero hindi ako sinasagot,
ah? Nakauwi na kaya ‘yun? Delikado pa naman ang mga tulad niya
tuwing gabi. Lalo na at girlfriend ko siya, maraming magtatangkang
fangirls ko sa buhay niya. BWAHAHA! Joke.
Basta nag-iwan ako ng picture ko kay Nads. Sabi ko, tingnan niya
tuwing gabi bago siya matulog, nang makuha naman niya ang hubog
ng mukha ko. Mga mukhang unang tingin pa lang, wala ng alisan. No
need mag-second look.
Mabalik tayo sa Reyna ko. Nag-text na lang ako kay Rocky,
nagbabaka-sakaling doon nagpalipas ng oras ‘yung tatlong girls. Sinabi

34
V O L U M E F I V E

ko na nga rin kay Rocky na ako na lang ang kuning endorser para
naman lumakas-lakas ang business nila ni Sandy. Kakausapin ko nga
sila tungkol d’yan.
Mayamaya, nag-text sa’kin si Rocky na nado’n daw ang tatlong
girls. Tamang-tama, ako nang maghahatid sa Reyna ko pauwi. Pero
napahinto ako sa pagpa-park ng sasakyan ko rito sa parking lot ng
Restobar nina Rocky.
“Queen ko ba ‘yan!?” tanong ko sa gwapo kong sarili.
Teka, si Queen nga ‘yan at ang kababata niya! Nakita kong
pumasok na sa sasakyan niya si Richard at saka umalis. Kaya naman
bumaba na ‘ko ng sasakyan ko at nilapitan si Liz.
“Queen.”
Napaharap bigla sa direksyon ko si Liz na halatang nagulat. “Oh,
Pong!” Aba! Bakit nangingiyak pa ang Reyna ko?!
“Bakit nangingiyak-ngiyak ka? Tsaka…bakit magkayakap na
naman kayo no’n? Napapadalas ata,” tanong ko.
“May pangalan siya, Pong, ano ka ba naman?” sabi niya habang
nagpupunas ng luha. “Pasensya ka na talaga, Pong. I have to meet him
tonight kasi naawa ako nang iwan natin siya kanina.”
“Bakit ‘di mo sinabi sa’kin? Tapos ‘di ka pa sumasagot sa text at
calls ko.”
“Eh, kasi…na-carried away lang ako sa mga kwento ni Chard
kanina. Hindi ko na napansing nag-te-text ka pala. Sorry, Pong. The
truth is, aalis na si Chard bukas.”
Aalis na?! E ‘di masaya! Pero teka…ganito rin ‘yung mga
napapanuod kong drama sa TV. Babalik ang childhood friend tapos
manunumbalik ang pagtitinginan nila sa isa’t-isa.
“Kaya ka ba nangingiyak kasi….nalulungkot ka sa pag-alis niya?”
“Oo naman.”
ABA! Dineretso ako?! Sana dinahan-dahan naman niya.

35
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Kapag ako ba ang umalis…malulungkot ka rin ba?”


“Ay nako, Pong, ‘yan ka na naman.”
“Baka gusto mo rin siyang sundan?” tanong ko.
Tumalim ang tingin sa’kin ni Queen. “Bahala ka na nga d’yan!”
sabay alis.
“QUEEN!!!”
Pumasok siya sa restobar pero hindi ko siya nakita. Nakita ko si
Chris na nakaupo.
“Chris, nakita mo ba si Liz?”
“Oh, Adrian. Si Liz…lumabas, ah? Kasama ni Richard.”
“Kaso pumasok ulit dito, nakita ko. Tsk!” Umupo ako sa tabi ni
Chris. “Nag-away kasi kami, eh.”
“Seryoso ba ‘yan?” tanong ni Chris habang kumakain.
“Grabe ka naman, Chris. Mukha bang kalokohan ang pagsasama
naming dalawa?”
“Hindi naman,” tumingin siya sa’kin. “Oh sige, ano bang nangyari?”
“Nakita ko kasi siyang kayakap ‘yung tukmol niyang kaibigan
sa labas. Naggalit-galitan lang naman ako kay Liz. Tapos ayun…siya
naman ‘tong nagalit sa’kin. Wala na ba ‘kong karapatan magselos?!”
“Seryoso ka d’yan?”
Napatingin ako kay Chris. “Ah? ‘Yung huling sinabi ko, biro na.”
“Ikaw talaga, Adrian. H’wag ka nang magselos d’yan. Kaya lang
naman nandito si Richard ay dahil nalulungkot siya. Kamamatay lang
kasi ng girlfriend niya at ngayon lang din nalaman ni Liz ‘yun. Depress
‘yung tao kaya naisipan niyang puntahan si Liz. Super close kaya sila
noon pa.”
“GANO’N BA!?” Patay ako nito. Tumayo ako. “Kailangan kong
puntahan si Liz. Tingin ko umuwi na ‘yun sa kanila.” Tumingin ako kay
Chris. “Sige, Chris. Salamat, ah? Boto talaga ako sa’yo para kay Baste. At

36
V O L U M E F I V E

kung sakaling magka-baby kayo? Sa’kin ka maglihi, okay? Para naman


hindi magmukhang ghost town ang bahay niyo sa sobrang tahimik
kung pati magiging baby niyo ay magmamana sa inyong dalawa.”
“Ikaw talaga, sige na.”
Umalis na ‘ko sa resto at saka dumiretso sa bahay nina Liz. Ito na
naman po tayo. Lagi ko na lang siyang sinusuyo. Tinawagan ko siya
sa phone niya at himalang sumagot naman. Bakit kasi ngayon ko lang
siya tinawagan?
“Hello, Queen, nandito ako sa tapat ng bahay niyo—.”
“Eh, ano naman?!”
“Labas ka naman, bati na tayo. Sorry na.”
“Ganyan naman kayong mga lalaki. Kapag nasaktan na kami saka
lang kayo hihingi ng sorry, labas pa sa ilong!”
“Labas sa bibig ‘yun, promise! Queen, naman. Serious talaga
ako—.” Bigla akong natigilan. Naalala ko nang huli kong sinabing
serious ako habang nagso-sorry din sa kanya noon, kung anu-ano
nang pinagawa sa’kin. “Nagloloko lang pala ako—.”
“Tingnan mo!”
Kainis naman oh. “Sige na, kahit ano gagawin ko—.”
“Kahit ano???”
“Hindi, nagbibiro lang—.”
“Tumalon ka nga ng three times.”
Tumalon naman ako! Hindi ko alam pero napapasunod niya ‘ko.
Hindi kaya ginayuma niya talaga ako noon pa?! “Queen naman…”
“Oh sige, practice lang ‘yun. Upo ka na d’yan sa tapat ng bahay
namin tapos kantahin mo ‘yung favorite song ko. ‘Yung kinakanta ko
lagi, remember?”
“NAMAN, EH! Queen nama, ala-una na…” Bakit ‘yung kantang
‘yun pa?!

37
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Sige, ba-bye na—.”


“Game na! Sige na!”
Tumawa naman siya. “Hi Pong!”
Eto na naman po kami. “Hi Liz…” Kawawa naman ang pagkalalaki
ko.
“You wanna’ go for a ride?”
“Sure Liz!”
Intro lang ‘yang pinagsasabi namin, huwag kayong magtaka. Kasi
nga… eto na ‘yung totoong kanta! Hirit, Pong!

I’m A Barbie Girl In The Barbie World


Life In Plastic, It’s Fantastic
You Can Brush My Hair, Undress Me Everywhere
Imagination, Life Is Your Creation
Come On, Barbie, Let’s Go Party
“Okay na, Queen?!”
“Okay, apology accepted. Punta ka na rito sa restobar.”
“Ah??!! Sa restobar?! Akala ko—.”
“Sino ba may sabing nand’yan ako, ah? Tsk tsk tsk.”
“Pinaglalaruan mo na naman ako.”
“Ayos lang, Pong, dahil napapasaya mo naman ako. Nagsisisi ka na
ba?”
“Kung nagsisisi na ‘ko, matagal ko nang iniwan ang spoiled brat na
si Elizabeth Allen Chua… Lahat na nga ng gusto mo, ibinigay ko na.
Kulang na lang pati katawan ko. Pero ayoko pa dahil strict ang parents
ko. Bwahaha! Endangered na ‘ko kaya alam ko… sabik ka na.”
“Oo, endangered ka na nga dahil inuubos na ang mga lahi mo.
Pumarito ka na kung ayaw mong maiwang luhaan ang nag-iisang lahi
ng Villafuerte.”

38
V O L U M E F I V E

Sus, excited lang ‘yan kaya ganyan. Kaya nga sabi ko kay Nads,
sa’kin siya maglihi. Wala siyang talo. Hihintayin ko na lang ‘yung
paglabas ng anak niya. Dapat carbon copy ko. BWAHAHA!
-=-
After two months…
Naging maayos ang mga unang buwan ko ng pagbubuntis, at
laking pasasalamat ko kay Troy dahil nand’yan siya sa mga oras na
‘yun. Pero hindi ko namalayang unti-unti na pa lang nagkakaroon ng
pagbabago sa’ming dalawa ni Troy.
Sa huling araw bago ako magpangatlong buwan sa’king
pagbubuntis, mas lalo ko pang naramdaman ang mga pagbabago sa
katawan ko. At ang totoo…hindi ko alam kung paano tatanggapin ang
lahat ng mga pagbabagong ito sa buhay ko ngayon. At ang mahirap
pa…hindi ko ‘yun magawang sabihin kay Troy.
Bigla kasing nagkaproblema sa isa sa mga big project ng
kumpanya. Kapag tinatanong ko naman kung bakit, sinasabi niyang
gano’n lang talaga at nothing so serious naman daw ‘yun. Alam ko ring
nai-stress siya sa trabaho, kaya kahit may pagkakataong gusto kong
lumapit sa kanya para sabihin ang mga nararamdaman ko o iniisip ko
sa pagbubuntis kong ito, pinili ko na lang sarilinin muna lahat ‘yun.
Ayoko kasing makadagdag sa mga iniisip niya.
Naiisip ko…ang hirap mag-adjust kung mag-isa ka lang na gagawa
nito.
“Hey, are you okay?”
Napalingon ako sa may gawing pintuan ng kwarto namin, nakita
kong nakatayo roon si Troy. Ako naman ay nakaupo lang sa’ming kama
habang hinihimas-himas ang dibdib ko.
Ibinaba ko ang kamay ko saka nagsalita. “Oh, bakit umuwi ka? May
nangyari ba?” Nangangalumata siya. Halatang hindi siya nakatulog
nang maayos kagabi. Alam kong pinagsabihan siya ni Dad tungkol sa
problemang kinahaharap niya ngayon. Kaya naman pinagpupursigihan
niyang maayos muli ang mga bagay-bagay patungkol rito.

39
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Pumasok siya sa loob ng kwarto at dumiretso sa table niya.


Binuksan ang drawer at inilabas ang mga papel na nasa loob nito.
Iyan ang table na hindi ko magawang pakialaman sa mga gamit
niya ngayon. Lahat ng nandiyan ay tungkol sa kumpanya, at ang
pakiramdam ko ay hindi ko pwedeng panghimasukan ‘yun.
“I forgot to bring some important papers. My brain got totally
mixed up this morning,” sabi niya habang tinitingnan ang mga papel
na inilabas niya sa kanyang drawer.
Tumayo ako at agad kong naramdaman ang gumuguhit na sakit sa
bandang ibaba ng tiyan ko, sa gawing puson. Sandali akong napahinto
sa paggalaw. Nitong mga huling araw ko lang ito naramdaman at hindi
ko pa rin nakakausap si Dra. Ui tungkol dito. Hindi pa rin kasi ako
nakakabisita dahil bukas pa ang schedule ko para sa prenatal checkup.
Hindi naman napansin ni Troy ang biglaang pagkirot ng tiyan ko,
buti naman.
“Kumain ka na ba? Gusto mo bang kumain?” tanong ko. “Nagluto
ako ng—.”
“No,” sabay wave ng kamay niya sa direksyon ko, dahilan upang
mapahinto ako sa pagsasalita. “Umuwi lang ako para balikan ‘yung
naiwan ko ritong mga papel.” Tumingin siya sa’kin pagkalagay sa folder
ng mga kinuha niyang papel sa drawer. “Aalis ka ba ngayon?” tanong
niya.
“Ah? Hindi.”
“Oh, wala bang checkup today?” tanong niya.
“Wala, bukas pa.”
“Ahh…really?” sabi niya.
“Teka, hindi mo ba ‘ko sasamahan bukas?” tanong ko.
Biglang kumunot ang noo niya, senyales na gusto niyang tumanggi
pero hindi niya alam kung paano sasabihin.
“Ahm…what time?”

40
V O L U M E F I V E

“After lunch, two o’clock.”


“Okay. Let’s talk again later when I get home.”
“Sige.” Pero ang totoo, alam kong pag-iisipan niya pa kung paano
siya tatanggi bukas. Oo, alam ko namang busy siya at marami siyang
iniisip. Pero hindi mo maiaalis sa isipan kong huwag magtampo sa
mga ganitong mga pagkakataon.
Lalo na at masyado pa akong baguhan sa mga ganitong pangyayari
sa buhay ko. Siya lang ang inaasahan kong magiging sandalan ko kapag
mahirap na.
“Alis na ‘ko,” paalam niya pagkahalik niya sa pisngi ko. Nang
makalabas na siya ng kwarto, saka lang ako napaisip na hindi man lang
niya inalam ang sagot ko sa tanong niya kanina.
“Hey, are you okay?”
Pero siguro naman, tutuparin niya ang pangako niya sa’kin nang
unang malaman naming buntis ako. Na nasa tabi ko lang siya kahit
anong mangyari…kahit anong mangyari.
Gumagabi na at nandito pa rin si Sandy sa bahay.
Kanina pa nga si Sandy rito. Libre naman daw kasi ang schedule
niya ngayon dahil nakakuha na si Rocky ng bagong manager na mag-
aasikaso sa isa nilang branch. Pero sa totoo lang, kahit na sinasabi
kong dapat umuwi na siya para magpahinga eh nagpapasalamat pa rin
akong nag-stay siya. Hindi ako sigurado pero kapag may nakakausap
ako ngayon, mas gumiginhawa ang isipan ko. Lalo na kung malalapit
pa sa’kin tulad ni Sandy.
“Ano ka ba naman, Sandy, ako na d’yan,” pagpupumilit ko nang
mag-umpisa na siyang magpainit ng kawali para magluto.
“Can you please stop disturbing me and just sit down and relax?
Then breathe…in, breathe…out. Okay!?” At itinuloy niya ang paggigisa
ng bawang.
Hindi na ‘ko kumontra at umupo na rin ako tulad ng sinabi niya.

41
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Hindi ka ba hahanapin ni Rocky?” tanong ko.


“And why?!” hindi makapaniwalang tanong niya. “As if we’re
married? The answer is no. Too much asking is for married couples
only. Do it while you’re both in a boyfriend-girlfriend relationship and
you’ll both end up breaking each other’s heart. Sasabihin nila, gusto
nila ng space at nasasakal na sila, duh.”
“Gano’n ba ‘yun? Bakit naman kami…hindi,” mahinang sabi ko
habang nakatingin sa kawalan.
“What? Anong tungkol sa inyo?”
“Huh?!” Ibinalik ko ang tingin ko kay Sandy na nagluluto pa rin.
“Sabi mo… bakit naman kayo ng asawa mo, hindi? Which part ng
mga sinabi ko ang hindi tulad niyo ni Troy?”
“Ahh… Iyong too much asking?”
Pagkalagay ng tubig ni Sandy sa niluluto niya, humarap siya sa
direksyon ko na may mapanuring tingin.
“Say what? I mean… what do you mean? Pipi kayo sa loob ng
bahay niyo?”
“Ano ka ba? Syempre hindi.”
“Tell me, Nads. Is there something going on between the two
of you? Speaking of which…parang napansin ko ngang hindi ka
masyadong nagkukwento tungkol sa inyo ni Troy. Dati naman…lagi
mong binibida ang hubby mo sa’kin.”
“Ano namang ibig mong sabihin d’yan?”
“Your saddened expression right now is way too early for a couple
who just got married few months ago. Anong meron? Ganyan lang ba
talaga pag buntis? Mukhang nalugi lang, ah.”
Napaisip ako bigla sa sinabi ni Sandy. Mukha nga ba akong nalugi?
I’m expecting na makikita nila ang isang fulfilled na Mrs. Smith dahil
sa wakas, I got what I wanted. Ang maging pamilya ni Troy.
“Nads!?”

42
V O L U M E F I V E

“Oh,” naputol ang pagtingin ko sa kawalan at tumingin ako kay


Sandy na nakakunot na ang noo habang nakatingin sa’kin. “Hindi,
ah. Ang gusto ko lang sabihin…hindi rin naman kami pala-tanong ni
Troy sa isa’t-isa.” Napangisi ako ng bahagya pero hindi ko alam kung
dala ‘yun ng katuwaan o kainisan sa sinasabi ko. “Hindi nga kami
masyadong nakakapag-usap ngayon…”
“Say…what?!” bulalas niya sabay patay ng stove na ikinagulat ko
naman. Lumapit siya sa’kin at umupo sa kabilang table. Nagdekwatro
at saka nag-crossed arms habang nakaharap sa’kin. “Now, tell me
everything. How are you feeling right now? Because if you ask me
honestly? A newlywed couple na hindi parating nag-uusap is not
healthy, Nads. Uhg! I sound like a married wife now. Tapos maririnig
ko… Halos hindi kayo nag-uusap? Is that even normal? This is—OMG.
Are you crying?!” sabi niya sabay hawak niya sa magkabilang hita ko
nang bigla kong takpan ang mukha ko para itago ang mga luhang hindi
ko kayang pigilan.
“E-Ewan ko… Y-Yata!?” sabi ko sa pagitan ng bawat paghikbi.
“I am so sorry. I don’t mean to—urg! Me and my big mouth. Don’t
believe in everything that I said.”
Huminga ako nang malalim para kumalma, lalo na at
nakakaramdam ako ng paninikip ng dibdib na ayon naman kay Dra.
Ui, normal para sa isang buntis pero kung sobra na, sabihin ko na raw
sa kanya.
Mayamaya, inalis ko ang takip ko sa mukha at tumingin kay
Sandy. Hinawakan naman niya ang magkabilang kamay ko. Parang
mas lumakas ang loob ko ngayon na sabihin kung ano ang nasa isip ko.
“Hindi lang naman dahil sa mga sinabi mo kaya ako naiyak. Ang
totoo niyan…naiyak ako dahil napatunayan kong tama pala ang iniisip
ko na hindi na normal ‘yung ‘di namin pag-uusap ni Troy. Sandy…
natatakot ako.” Pagkasabi ko no’n ay mas lalong hinigpitan ni Sandy
ang hawak niya sa mga kamay ko. “Natatakot akong gumawa ng mali
ngayon. Mali bilang asawa niya, at mali bilang nanay ng magiging
anak ko. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko ngayon. Pakiramdam

43
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

ko… sumusunod na lang ako sa kung anong mangyari ngayon sa’kin.


Sinusunod kahit sa pakiramdam ko ay parang may mali na. Alam
mo ‘yun? Hindi ko na maramdaman ‘yung self-fulfillment ko nang
magpakasal ako kay Troy noon.”
Hindi kaagad nakapagsalita si Sandy. Halata na naguluhan din
siya sa mga sinabi ko. Alam kong inaakala nila na maayos ang lahat
sa’min. Lately ko lang din napagtantong hindi. “This is the reason why
my big mouth should learn when to shut up. You know? I’m a smart-
ass most of the times. Just like now, I said a lot of things na dapat ganito
o ganyan sa buhay niyong dalawa pero ang totoo…wala talaga akong
alam, Nads. And now na sinabi mo ‘yan? I’m not in the right position
to say those things to you. I’m really sorry, Nads.”
“Ano ka ba naman? I’m thankful nga that you opened that topic.
Wala talaga akong makausap tungkol dito. Kahit si Mommy…ayokong
i-open ‘to. Natatakot akong pumangit ang tingin niya sa marriage
namin, lalo na kay Troy.”
“Yeah… Pero better kung may alam ako para mapayuhan kita
ng tama. At least may basis.” Huminto siya sandali at saka nagsalita
ulit. “Kung magpakasal na kaya ako? Baka sakaling mabigyan kita ng
tamang advice, Nads.” At sabay kaming natawa sa sinabi niya.
Inalis ko ang mga kamay ko sa pagkakahawak ni Sandy.
“Excuse mo lang ata ‘yan para sabihing gusto mo nang pakasalan
si Rocky.”
“O c’mon! He’s not even proposing.”
At natawa ako sa sagot niya. “And it’s obvious that you’re patiently
waiting.”
“I’m not that patient, and you know it. Gosh, huwag mong sasabihin
‘to sa iba, ah? Kahit do’n sa dalawa. They’ll just fuss about it. Teka!
Bakit napunta sa’kin ang usapan? Okay, let’s get back to business…”
Tumitig siya sa’kin. “I know wala akong experience sa pag-aasawa at
pagbubuntis mong ‘yan, Nads. Pero alam kong kasal na kayong dalawa
ni Troy and you must accept the fact that this isn’t a normal gameplay

44
V O L U M E F I V E

wherein you can withdraw anytime you want.”


“I know, alam ko ‘yun.” At wala akong planong gawin ‘yun kahit
nahihirapan ako sa pag-uumpisa nito.
Tumango-tango si Sandy. “That’s it. As long as alam mong walang
atrasan ang pinasok mong new journey mo in life, that’s the time na
dapat mas kayanin mo ang mga bagong pangyayari sa’yo ngayon. See?
I’m always the last person to say these things to you… embrace the
changes na dumating at darating pa. Your concerns? Hindi na namin
pwedeng panghimasukan ‘yan, girl, tulad nang dati. You and Troy
should come up with a soulution para ‘di na lumaki ang problema.
We’re not even here always to tell you everything what to do kaya you
must learn by yourself. Si Troy na siguro ang dapat mong kausapin
about d’yan.”
Hinawakan ko ang kamay ni Sandy. While deeply staring into
her eyes, sinabi kong “Thank you, girl. It means a lot.” Kahit na gusto
kong sabihin na hindi ko alam paano talaga ang gagawin, o paano ko
sasabihin. Pero nagpapasalamat pa rin ako.
Hindi ko man masasabi sa kanya kung gaano ako natatakot
ngayon, alam kong nabawasan kahit papaano ang pag-aalala kong nag-
iisa ako sa bagong yugto ng pagiging babae ko.
Ang pagiging asawa at nanay.
-=-
“So, your wife is pregnant.”
“Yes, it’s already…two months tomorrow,” I added. Kasama ko ang
isa sa mga representative ng Japanese investors ng project na sinimulan
ko which, unfortunately, got an unexpected problem along the way. So
that’s why I have to close this deal myself. At importanteng makuha
namin ang deal na ito. My position is at stake if I failed to close this
deal successfully. Maraming mata ang nakabantay sa’kin ngayon sa
kumpanya.
“My wife is also carrying our fourth child,” he said while smiling.
It’s as if he’s reminiscing some memories inside his head privately. “It

45
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

must be hard for you…” he said, and then he looked at me. “A first time
daddy to be, uh?”
“Ah? Ah…yes, you’re right.”
But the truth is, napaisip din ako kung anong parte ng pagiging
Daddy to be ko ang mahirap ngayon. I found nothing... Parang hindi
ko pa nararamdaman. And I’m thiking now if that’s normal.
“I know. But it must be hard for your wife. A lot of changes will
happen to her.”
Changes? I saw…nothing?
“My wife is very fond of your wife, you know.”
“Really?”
“Yes,” he answered while nodding. “They really get along well
before you two got married. My wife told me they’re still in touch these
past few months. It’s amusing because she’s not really the friendly type.
I’m happy to know that she has someone to spend her time with, like
Mrs. Smith.”
Si Nadine? “I’m afraid I didn’t know that they were acquainted at
all.”
He nodded. “It’s okay. Women love keeping secrets, as much as we
love it,” and then he laughed. “Maybe we can set a lunch meeting with
our wives before we go back in Japan. It’s nice to have business venture
with people I am close with, Mr. Smith. With that, I’m sure there will
be no problem this time with our project.”
“Do you mean…”
“Oh yes. I’ll approve again with this deal. Just don’t forget to tell
your wife, Ashley, about the lunch meeting, okay?”
“Wha—Ashley?”
What on earth does Ashley has to do with my life now? Something’s
not right here.
“Yes.” He stopped. Lumapit ang secretary niya at may sinabi sa

46
V O L U M E F I V E

kanya. Afterwards, he told me that something urgent came up so he


needs to go first. Hindi na ‘ko nagka-oras para linawin ang tungkol kay
Ashley. Mukhang si Ashley pa rin ang inaakala nilang naging asawa
ko. It made sense now because if I remember it correctly, the last time
my Dad introduced me to them, Ashley was with me as my fiancée.
Later on, inside the car…
“Hans.”
“Yes, Sir Harris?”
“Check again on Ashley’s whereabouts. I think she’s still acquainted
with those people around me.”
“Yes, Sir. Ah I—.” He stopped.
“What is it?”
“Tomorrow na po ang schedule ni Mrs. Smith kay Dra. Ui.”
“Nga pala,” bulong ko. “Wala ba siyang kasabay sa schedule ko
bukas?”
“Meron, Sir Harris. Business proposal meeting at 1:30 pm. Two
o’clock po ang schedule ni Mrs. Smith.”
“Can we change the schedule of my proposal meeting—Tss!
We already changed that last time, I remember.” Napahawak ako sa
bunbunan ko, sumasakit na naman. The thing is… I really want
to rest now. Who doesn’t want that, right? It has been months since
nagkaproblema ang project ng binuo kong team. Kaya ngayon, bitbit
ko ang lahat ng stress na hindi ko alam kung kaya ko pang i-handle.
And now? One of my important business partner thought that
Ashley’s my wife…my Mrs. Smith.
“I’m doomed,” I said to myself. “Hans?”
“Yes, Sir Harris?” he answered while driving.
“Let’s go to RockDy’s new branch.” Siguradong wala do’n sina
Rocky, and that’s just what I wanted. I want to be alone and clear my
mind.

47
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

-=-
“Sige, Rose, ako nang bahala rito. Hinihintay ko pa si Troy.”
“Okay po, Ma’am. Tawagin niyo na lang po ako kapag may
ipapagawa kayo.”
Tumango naman ako at saka umalis si Rose papunta sa kwarto
niya. Naiwan ako rito sa sala at napatingin sa wall clock namin. Mag-
a-alas-dose na, ah? Wala pa rin siya… Ang alam ko mga alas-dyis
makakauwi na dapat siya rito.
Kung dati tinatawagan ko siya kapag hindi pa siya umuuwi,
ngayon, hindi ko na muna ginawa. Si Hans na lang ang karaniwang
tinatawagan ko, na misan pa nga ay nahihiya akong tanungin kung
nasa’n na sila ng asawa ko. Natatakot kasi akong magmukhang
nagpupumilit na asawa dahil baka masakal siya, o baka naman mairita
siya sa’kin. Hay, ewan ko ba.
Mayamaya, nakatanggap ako ng tawag kay Hans. Pauwi na raw
sila ni Troy. Nakahinga na ‘ko nang maluwag.
Pagkarating nila…
“Oh? Bakit nakainom siya? Anong nangyari?” tanong ko habang
inaalalayan ni Hans si Troy papasok ng bahay namin.
“I’m not drunk, my wife,” sabi ni Troy habang bahagyang
nakamulat ang mga mata dala ng kalasingan. Tumulong na ‘ko sa pag-
alalay sa kanya paakyat ng hagdan. “Hans….” Tumingin siya kay Hans.
“You’re not allowed to go upstairs. It’s…our place. My wife and I.” Inalis
niya ang braso niya sa pagkakahawak ni Hans at saka ito tinitigan.
“Okay, Sir Harris.”
Ano bang problema nito? Hindi naman na siya umiinom simula
nang malaman niyang buntis na ‘ko. Alam niyang ayoko ng amoy ng
alak. Kaya nga ngayon, pinipilit kong huwag maduwal sa harapan niya,
eh.
Nang humakbang na palayo si Hans, tumango naman si Troy sa
kanya at saka kumapit sa’kin. Sumenyas ako kay Hans na maghintay

48
V O L U M E F I V E

sa’kin bago siya umalis. Pagkarating namin ni Troy sa kwarto,


dirediretso siyang bumagsak sa kama na parang nawalan na lang bigla
ng malay.
Tinanggalan ko siya ng sapatos at medyas. Nang tatanggalan ko
na siya ng suot niyang long sleeves polo ay iniwas na niya ang kanyang
braso kaya hindi ko na itinuloy ang pag-alis nito. Pinatay ko na lang
ang ilaw at saka lumabas ng kwarto. Pagkababa ko sa sala, nakaupo na
si Hans sa sofa.
Tumayo siya nang makita niya ‘kong palapit sa kanya.
“Umupo ka lang,” sabi ko. “Kumain ka na ba?” tanong ko.
“Okay lang po, Mrs. Smith.”
“Nagluto ako ng hapunan naming dalawa, sayang kung hindi
makakain. Hahanda ko lang.” Tumalikod na ‘ko at naglakad papunta
sa kusina. Pero ang totoo, naiiyak na naman ako sa sa ‘di ko malamang
dahilan.
Kinabukasan…
Ngayon ang araw ng prenatal checkup ko kay Dra. Ui. Nakaayos
na rin ako at ready nang umalis pero si Troy…natutulog pa rin.
“Troy, aalis na ‘ko.”
“Hmm…. okay.” Iling niya habang patuloy pa ring natutulog.
Nakakailang beses ko na rin siyang pinababangon kanina pero sarap
na sarap siya sa pagkakatulog niya.
Lumabas na ‘ko ng kwarto. Ipinagbilin ko kay Rose ang kakainin
ni Troy bago siya umalis.
Nagpahatid na ‘ko sa on-call driver namin ni Troy para ihatid
ako sa ospital. Halatang nagulat si Dra. Ui nang hindi niya nakitang
kasama ko si Troy. Hindi na rin siya nagsalita tungkol dito.
“Kamusta, Mrs. Smith? Any concern you want to ask before we
start the tests?” tanong niya at saka ngumiti.
Nag-alinlangan ako noong una dahil baka sabihin niya kay Troy

49
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

ang mga alalahanin ko sa pagbubuntis. Kaso naisip kong baka kung


anong mangyari sa anak ko. “Doktora…”
“Yes.”
“Natatakot po ako kapag nabibigla ako ng tayo…sumasakit ang
tiyan ko. Tapos po… parang lagi ring mainit ang pakiramdam ko na
para ba ‘kong nilalagnat? Tsaka…gano’n po ba talaga? Lagi po akong
inaantok na parang ayokong gumalaw. Para akong may sakit. Hindi ko
alam kung kakayanin ko pa, ang hirap. Iniisip ko pa lang na mas hihirap
sa mga susunod na buwan, mas natatakot ako. Nakaka-depress…”
Sinagot niya lahat ng mga naging tanong ko. Ipinaliwanag niya
kung bakit ako nakakaramdam ng mga ganun. Pero nang umabot
ako sa huling tanong ko, biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha
ni Dra. Ui. “Dalawang beses na po akong nag-spotting nitong huling
linggo. Madalas na rin po akong nagkaka-muscle cramps. Normal lang
din po ‘yun, ‘di ba?”
At ang unang naging tugon niya sa’kin…
“Alam ba ni Mr. Smith ang concern mong iyan?” seryosong
pagkakatanong niya.
Bigla akong nakaramdam ng kaba. “Hindi, Doktora. Bakit po?
May problema po ba?”
Ipinaliwanag niya sa’kin ang maaaring maging ibig sabihin
ng spotting na nangyayari sa’kin. Pero bago niya ipinagpatuloy ang
maaaring komplikasyong dala noon, isinagawa muna namin ang mga
tests.
Nang matapos lahat ay ipinaliwanag na ni Doktora ang resulta, at
maging ang dahilan ng spotting ko na karaniwang nangyayari raw sa
mga nagdadalang tao na nasa kapareho kong sitwasyon.
“Mrs. Smith, there are two heart beats inside your womb. Kambal
ang magiging anak mo,” nangingiting sabi niya.
Pero pag-iyak ang isinalubong ko sa magandang balitang iyon.
Agad akong napahawak sa sinapupunan ko at tinanong sa Diyos kung

50
V O L U M E F I V E

bakit niya ‘ko binigyan agad ng dalawa? Eh, kung sa isa nga…natatakot
na ‘ko, paano pa kung dalawa? Mas lalo tuloy akong kinabahan.
Sa huli, matapos ipaliwanag ni Doktora sa akin ang mga bagay
na kailangan kong tandaan at asahan sa mga susunod na linggo, pati
na ang dobleng pag-iingat na kailangan kong gawin…hindi mawala sa
isip ko ang babalang binitiwan niya bago ako umalis ng clinic.
“Nadine, spotting is not normal and it’s a sign na mahina ang
nagiging kapit ng bata sa loob ng sinapupunan mo. You have to take care
of yourself, okay? And remember to tell your husband everything that was
transpired today. He has to know everything. Hindi biro ang magbuntis
ng kambal. Dalawa silang dapat mo pang alagaan bukod sa sarili mong
katawan. But, nevertheless, we’ll keep an eye on your condition so don’t
stress yourself too much.”
Habang umaandar ang sasakyan, hawak ko ang picture ng mga
anak ko na kinuhanan kanina. Hindi ko pa rin mapigilan ang sarili
kong huwag umiyak.
Hindi pa rin ako makapaniwala… Dalawa silang nasa loob ng
katawan ko ngayon.
“Kumapit kayo ng maigi, ah? D’yan lang kayo… Huwag niyong
iiwan si Mommy kahit sabihin pa niyang takot siya, ah?”
Nakarating kami sa bahay at nakita kong nasa garahe pa rin
ang sasakyan ni Mokong, at nandoon na rin ang sasakyan ni Hans.
Pagkapasok ko sa loob ng bahay…
“Hans.”
“Good morning, Mrs. Smith.”
“Hindi pa ba umaalis si Troy? Hmm… Tamang-tama dahil may
good news ako sa kany—” napahinto ako nang may marinig akong
parang bumagsak mula sa itaas. Agad naman akong naglakad paakyat
ng hagdan para tingnan kung ano iyon.
At ang nadatnan ko ay ang maitim na awra ni Troy habang
pinupulot ang mga papel sa sahig. Malapit sa kinatatayuan niya ay ang

51
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

bumagsak na pile cabinet sa sahig.


“Troy,” sambit ko sabay lapit sa kanya. Huminto siya sa pagpupulot
ng papel at tumingin sa’kin. Halata ang inis sa kanyang mukha pero
tinulungan ko pa rin siyang pulutin ang ibang papel na hindi pa niya
nadadampot.
“Where have you been?” tanong niya na may inis na tono.
“Sa ospital, nagpa-check up ako.”
Tumayo siya at saka inilagay sa mesa ang mga papel. “I’m so d*mn
late, Nadine. Bakit hindi mo man lang ako ginising?” Dumiretso siya
sa closet at kumuha ng damit.
Inayos ko sa mesa ang mga papel habang nagmamadali siyang
magbihis.
“Hindi ko naman kasi alam na kailangang-kailangan mong
gumising ngayong umaga. Pero kasi…ginising naman kita talaga
kanina pero ayaw mong bumangon. Napasarap ka ata ng tulog kasi
uminom ka kagabi.”
“You know, I have an important meeting today. Hindi ko pwedeng
ipagpaliban ‘yun. You know I’m in a lot of stress right now. You can ask
Hans about my schedule para alam mong—”
Hindi ko alam pero bigla kong ibinagsak ng malakas ‘yung
lalagyanan ng mga ballpen niya sa mesa dahilan para mapatingin
siya sa’kin. Sinubukan kong huminga ng malalim para kumalma pero
sinasabi ng utak ko na kailangan kong magsalita dahil kung hindi…
magiging ganito na ang sitwasyon namin habang buhay.
At hindi naman ako pwedeng pumayag…
“Hindi mo ‘ko maid para pagalitan dahil hindi ko nagawa ang
gusto mo, Troy.” Tumingin ako sa kanya. Alam kong nagbabadya
nang bumagsak ang mga luha sa mata ko. “At mas lalong hindi mo ‘ko
sekretarya para isumbat sa’king dapat alamin ko ang schedule mo na
para bang ako ang sekretarya mo. Asawa mo ‘ko, Troy, asawa. Baka
nakakalimot ka. ”

52
V O L U M E F I V E

“What?” Ibinaba niya ang coat sa cabinet at saka ako tiningnan ng


maayos. “As if I’m asking a very hard thing to do, ‘coz I’m not. I don’t
get it, Nadine.”
“Oh? Ngayon mo lang ba napagtantong hindi mo nakuha? Akala
ko pa naman, noon pa.”
“Wait a sec, ano ba talagang problema?” Huminto siya sandali at
saka sinabing, “May problema ba tayo?”
Napangisi ako sa inis. “Hindi mo pa ba alam na matagal na tayong
may problema—.”
“Stop it!” malakas niyang sinabi. “Please, Nadine. I’m not in the
mood for a kiss and tell. Tell me what’s wrong. I really don’t have time
for your tantrums. Napag-usapan na natin ‘to. We should learn to grow
up and don’t let small things ruin our day.”
Hindi ako makapagsalita nang mga sandaling iyon. Kailan niya pa
naisipang hindi kasama sa tinatawag niyang ‘big deal’ ang concerns ko
tungkol sa’min?
“Please, Nadine, don’t just cry there. Talk to me and tell me what’s
wrong. Ayokong umalis na ganyan ka. I’m already stressed out with
what’s going on with the company, ‘wag ka na sanang dumagdag. Alam
mong bitbit ko ang buong kumpanya ngayon, and it’s very important
to me right now.”
Pinunasan ko ang luha kong hindi ko na namalayang pumatak mula
sa mga mata ko. “Pa’no kami? Kailan kami magiging mahalaga sa’yo,
Troy?” sabi ko habang hawak ang sinapupunan ko. Nagpapasalamat
akong hindi pa sila nakakarinig na dalawa. “Kung buong kumpanya
ang nasa balikat mo ngayon, ako, mga anak at marriage natin. Troy,
hindi mo ba napapansin? Nakakalimutan mo na ‘yung mga bagay na
dating importante sa’yo.”
“You know that I’ve work hard to—”
“Hindi ko sinabing kalimutan mo ang trabaho mo. Ang sa’kin
lang…pahalagahan mo sila ng hindi mo kami nakakalimutan. Oo,
siguro tama ka na dapat inaalam ko ang schedule mo. Pero pa’no ko

53
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

gagawin ‘yun kung hindi na tayo nakakapag-usap ng matino sa araw-


araw? Lagi ko na lang bang tatanungin si Hans? Hindi naman siya ang
pinakasalan ko rito, ikaw.”
“Then what do you want me to do? Leave everything behind?
Forget the people inside our company?”
Hindi ako kaagad nakapagsalita. Masyado akong nabibigla sa mga
sinasasabi niya. Epekto ba ‘to ng stress? O talagang ganyan na siya
mag-isip, at ngayon ko lang nalaman?
“Iyan ang pinaka-selfish na bagay na tinanong mo sa’kin. Ibabalik
ko ang sinabi mo sa’kin…” lumapit ako sa kanya. “As if I’m asking a
very hard thing to do, ‘coz I’m not. Hindi kita maintindihan, Troy.” At
saka ako tuluyang lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina. Nakita
ko pang tumayo si Hans nang mapadaan ako sa living room pero hindi
ko na siya kinausap.
Ilang minuto pa at pumunta si Troy sa kusina kung sa’n ako
nakaupo.
“Aalis na ‘ko,” matipid na paalam niya. Hindi ako sumagot kaya
tuluyan na siyang umalis, hanggang sa marinig ko na ang pag-andar
ng makina ng sasakyan niya.
“Ma’am Nadine?” si Rose. Hindi ako sumagot pero nilingon ko na
lang siya. “Ano po bang lulutuin natin? Ihahanda ko na po.”
Napabuntong-hininga ako bago nakasagot. “Hindi muna ako
magluluto… Wala namang kakain. Wala akong gana. Kung gusto mo…
magluto ka na lang ng para sa inyo ni Ben, nasa labas siya. Pinag-drive
niya ‘ko kanina. Sabihan mo na lang siya na dito na mananghalian,
okay?”
“Sige po. Kaso…Ma’am Nadine… Bilin po sa’kin ni Sir, pakainin
ko raw po kayo, eh.”
“Tss, daig ko pang batang alagain niya,” bulong ko.
“Po?”
“Ah, wala. Sige na, ako nang bahala sa sarili ko. Ikaw nang bahala

54
V O L U M E F I V E

sa pagkain niyo, ah? Aakyat na muna ako sa kwarto namin.”


Tumayo ako at naglakad papunta sa hagdanan. Magkukulong na
lang ako sa kwarto… Tutal, bawal naman akong mapagod. Pero aanhin
ko pa ang tulog kung puro stress naman ang inaabot?
-=-
“Meeting adjourn.”
Kahit na-late ako… natuloy ang meeting. And somehow, I felt a
bit guilty sa reaksyon ko kay Nadine kanina. I didn’t mean to say those
things to her. Masyado lang akong maraming iniisip…
“Sir Harris.”
“Yes?”
“Nakausap ko na po si Miss Ashley.”
“Really? When? How?”
“Tumawag po siya sa’kin using a different number. Gusto po
niyang makipagkita sa inyo.”
“All of a sudden…she wants to talk to me?” I said to myself, and
then I looked at Hans. “Arrange a meeting place, somewhere I haven’t
been visited yet. Then tell Nadine I’ll be late for dinner.” Nang sabihin
ko ‘yun, halatang nagbago ang expression ni Hans. He seems bothered.
“What’s the matter, Hans?”
“Uh, sorry, Sir Harris. Wala po.”
“Are you sure?”
“Yes, Sir.”
Naisip ko…maybe it has something to do with Nadine. Pero hindi
na ‘ko nag-insist na alamin pa ‘yun. Natapos ang araw ko sa opisina
nang hindi ko naririnig ang phone kong tumutunog ng dahil sa tawag
ni Nadine. Normally, tumatawag ‘yun just to ask kung kumain na ‘ko
o anong oras ako uuwi. But suddenly…unti-unting nawala. I have no
idea why.

55
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Sir Harris, nandito na po siya.” I nodded in response. We’re here


in a place where Ashley and I would meet.
Nakita kong pumasok si Ashley ng pintuan at tumango kay Hans
nang batiin siya nito. She’s still the same—sophisticated and elegant.
“I’ll be outside,” paalam ni Hans bago siya lumabas.
“Take a seat,” I said. I could tell she’s disappointed when I didn’t
gave her a hug. “If you don’t mind, I already picked the dishes to be
served later.”
“It’s okay, no biggie.” She looked at me very intently and said, “I
love everything that you love… except for one,” and then she smiled.
“So it’s okay.”
Hindi ako sumagot. I know what she meant by that.
Nang dumating na ang mga pagkain, she initiated the conversation.
That’s not the plan. I was supposed to start talking to show her that I’m
in control of the situation. Hindi ko pa rin pwedeng palagpasin ang
nangyari noon. Truth is…pinapahanap ko siya para mas tumibay ang
case namin against her father.
“How’s the married life?”
“Fine.”
“How’s Nadine?”
“She’s pregnant.”
“Oh…really. Interesting… So, are you happy?”
I looked at her. I can see in her eyes that she’s enjoying this.
“Of course… I am very happy.”
“Really… Though, you look stressed,” she said with a snerk. “I
understand. How can you be so happy to be with someone who can’t
do anything?”
“Anything – what?”
“In business? Well, let’s be honest, she doesn’t know anything

56
V O L U M E F I V E

about it, and most especially with this kind of situation you are in. And
we both know that business is a big part of your life na hindi mo basta
pwedeng alisin at pabayaan.”
“You speak highly of yourself, Ashley. As if you already know
what’s happening. Unless… inaalam mo ang nangyayari sa kumpanya
ko that shouldn’t have bothered you at all. Now… I need an honest
answer. Why do you want to talk to me? Alam mong pinahahanap
kita—.”
“Then why are you here? What do you want from me, Mr. Smith?”
She laughed. “Oh c’mon, Troy Harris. As if you’re not playing games
with your investors. Mrs. Liang called me last night. She’s asking if
my husband mentioned something about her invitation for a lunch
meeting. Sino bang hindi magugulat, right? I have a husband named…
Troy Harris Smith.” She took a sip of her wine before saying, “And then
Mrs. Liang told me you had a meeting with her husband and you both
talked about us, your wives.” She paused. “I got curious about it, Troy.
That’s why I wanted to see you badly. Can you explain those things
to me? I’m afraid someone was using my name for his personal gain,
right? Isn’t that unfair?”
“Don’t be confused by that. I haven’t had the chance to explain
everything to Mr. Liang regarding that matter.”
“Oh…really? Well, at least I know now that you’re still with
Nadine. It will be a shame on my part if you two got separated easily.
You know, all the burden that you’re wife brought in to my life would
be put on waste.”
“Don’t make a big deal out of this. And just so you know, you have
no right to talk about my wife just like that.”
“Yes, I have. Don’t forget if not because of her…I mean, if she
didn’t interfere with our plans, I could have helped you expand your
company. Poor you, all she can do is to cook and carry a baby. More
like a trophy wife.”
“You’ve crossed the line, Ashley. I do not like what you’re saying.”

57
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“I don’t mind. Kailan mo ba nagustuhan ang mga sinasabi ko?”


She moved closer to me. “I’ll get straight to the point, Mr. Smith. Here’s
the deal…”
“I don’t need it—.”
“Huwag kang magsalita ng tapos, Troy. You might regret it in
the end. Well… I can help you maintain the good impression with
the Liangs’ with regards to your company. I’ve heard that they once
doubted your credibility in running the business that’s why they
temporarily hesitated to make an investment. Gano’n talaga, baguhan
ka kasi sa posisyon mo at takot silang malugi. But what are you going
to do now? The only reason why they wanted to pursue this project is
because his wife and I are close. So that explains why my involvement
in this business venture is very important, Mr. Smith.”
“Tell me honestly. Why do you want to be involved in my business?
Because if you ask me? Kahit bawiin pa ang warrant of arrest sa’yo for
having a criminal liability in your father’s case, you can never get back
in my company.”
“Don’t be so naïve, Troy. I’m doing this for you… Can’t you see? I
still want you, and I’ll do anything to win you back.
“I think you’re missing the point.” I leaned on the table and looked
straight in her eyes. “I had never been yours, Ashley. And I will never be
yours.” She bit her lower lip in annoyance.
“That’s not the issue right now. We can talk about that later. Ang
gusto kong malaman ngayon ay kung pa’no mo makukuha ang deal. If
you can’t make this important investor say yes, pwedeng mag-withdraw
ang iba mo pang potential investors. Poor employees… That’s why we
both know that Mr. Liang is such a huge influence sa ibang investors
dahil alam nilang hindi mag-i-invest si Mr. Liang sa alam niyang wala
siyang mahihita. Kaya they follow him wherever he goes.”
“Say I like your plan, what’s next?”
“I just want two things. First, I want you to withdraw the warrant
of arrest under my name. I had nothing to do with my father’s dark

58
V O L U M E F I V E

hole in the past. I wast just his daughter, I had nothing to do with him.
I want to live a peaceful life now. The second condition, well, that’s easy.
Saka na natin pag-usapan ‘yan kapag pumayag ka na sa deal na inaalok
ko sa iyo.”
I didn’t say a word.
“It’s a win-win deal for the both of us. After you got the contract for
their investment… I’ll tell Mrs. Liang the truth about our relationship.
Don’t worry, I know her, I can easily handle that. I won’t betray you.
Remember, my name is also at stake here.”
Hindi ko alam kung anong tamang gawin sa ganitong sitwasyon.
It’s like bargaining one foot in hell.
“You don’t have to answer me now. It will be a hell of a decision for
you to make, Mr. Smith. But then…you must make up your mind as
soon as possible. In business, we don’t waste time, at alam mo ‘yan.” She
took a final sip on her wine before she stood up. “I think I’ve said my
purpose, and by the way, thanks for the food. You still know my taste…
my husband.” I heard her chuckle before she left.
Nagagalit ako dahil tama siya, kailangan ko nga ang tulong niya to
reach my goal. Pero mas nagagalit ako dahil kahit alam kong may hindi
tama sa deal na ito, pinag-iisipan ko pa ring tanggapin ‘yun.
Pauwi na kami nang sabihin ko kay Hans ang napag-usapan namin
ni Ashley. He ask me kung pwede niyang sabihin ang nasa sa isip niya.
“As your Executive Assistant, Sir Harris, I might tell you to accept
the deal for the sake of our company and your position. We’ll surely
gain more after that deal. Pero bilang naging malapit na po ako sa
inyong pamilya, I suggest it’s better to let Mrs. Smith know about this
deal. She has to know everything since it concerns her as your wife.”
I froze for a second ‘coz I never thought of saying this to Nadine.
And yet, naisip ng EA ko. Now, I have to think about this.
-=-
“Nangangati na po kasi masyado ‘yung palad ko. Hindi po ba

59
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

allergic reaction ‘to, Doktora? Ah… Opo, kakaligo ko lang tapos


nag-apply ako ng lotion ko. Ah…gano’n po ba? Calamine lotion?
Okay, papabili na lang ako mamaya kay—.” Napahinto ako. Paano ako
magpapabili kung nag-away kami kaninang umaga? At normally, hindi
ko na rin naman siya mautusan ng mga gano’ng bagay. “Hindi pa po
niya alam. Sasabihin ko rin sa kanya. Sige po, Doktora, salamat. Bye.”
Saka ako umupo sa kama. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan…
naibato ko ‘yung lotion ko sa kama. Naiinis ako, bakit ganito?
“Kahit hindi ko masyadong gusto ang amoy niyan, binili ko pa rin
dahil gusto niya,” inis na sabi ko habang pinagkikiskis ko ang aking
mga palad dahil sobrang kati nito.
Lumabas ako ng kwarto habang bitbit ang unan ko. Pumunta ako
sa guest room.
“Nagagawa kong magtiis sa ibang bagay, bakit hindi niya magawa
para sa’kin? Gano’n ba talaga siya kapag masyadong stress? Hindi
naman siya dating gano’n, o dati na siyang gano’n pero ‘hindi ko lang
napansin? Bahala siya!” Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame
habang naluluha ang mga mata. Napahawak na lang ako sa aking
sinapupunan.
“Tapos kanina, tinawag pa niya ako sa pangalan ko. Nami-miss
ko na ‘yung tawag niya sa’kin na Freak. Akala ba niya…madaling
magbuntis? Akala ba niya, hindi nakakatakot? A-Akala ba niya…ready
na ready na ‘ko?” At hindi ko na napigilang huwag humagulgol. “Sorry
babies… S-Sorry…”
Kakausapin ko na lang ang sarili ko. Magandang pampawala raw
‘yun ng sama ng loob… Bukod sa pagiging sintomas ng pagkabaliw.
-=-
“Good evening po, Sir.”
“Where’s Nadine?” I asked while removing my coat.
“Ah… Nasa itaas po.”
“Natutulog?”

60
V O L U M E F I V E

“Hindi po ako sigurado. Mga dalawang oras na rin po’ng kasi


nakakalipas nung sabihan niya ‘kong ako na raw po’ng bahala sa
hapunan niyo, Sir.”
Napakunot ako ng noo. She never let Rose cook my dinner. Gusto
niya na siya ang laging magluluto. Is she still mad at me?
“Sige, I’ll be downstairs kapag kakain na ‘ko. You can rest.”
“Okay po, Sir. Salamat.”
Umakyat na ‘ko sa kwarto namin pero hindi ko nakita sa kama
namin si Freak katulad ng inaasahan ko.
“Freak?” Pumunta ako sa bathroom but she’s not there. “Nadine?”
Napatingin ako sa kama kung saan nakapatong ang lalagyanan ng
lotion niya. I was about to pick it up when I saw my pillow on the
floor. Kinuha ko ito at saka pinagmasdan ang paligid. No, this can’t
be. Naihagis ko nang wala sa wisyo ‘yung unan at nagmamadali akong
naglakad palapit sa closet namin.
I opened it to check our things. And when I saw her clothes in
there… I started to feel at ease. Akala ko umalis siya…
Kinuha ko ang phone ko at saka siya tinawagan. And then seconds
later… I heard her phone ringing somewhere near me. I followed
where the sound was coming from and it led me to the guest room.
When I opened the door, I saw her lying on the bed.
Lumapit ako sa kanya habang tahimik siyang natutulog. I was
about to caress her face nang bigla siyang gumalaw kaya hindi ko na
‘yun itinuloy. Tulog pa rin siya, I took that opportunity to kiss her head
and carry her to our room.
Inihiga ko siya nang dahan-dahan sa kama.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan, I suddenly felt guilty while I
was staring at her. Nang matapos akong makapag-ayos, I chose to lie
down and rest beside my wife rather than eat my dinner. Pero nang
yayakapin ko sana siya, bigla siyang gumalaw. Agad ko namang inilayo
ang braso ko sa kanya. What she did next melt my heart…

61
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

She put both of her hands on top of her womb. A protective gesture
of a soon to be mom. Ngayon ko lang uli naalala that we’re going to
have a child. Sa sobrang busy ko sa kumpanya, hindi ko na nabigyan
ng oras ang pagbubuntis niya. And for no apparent reason… tears fell
from my eyes as I gave her a kiss on her cheek.
“Sorry, Freak… I’m sorry.” And then I remembered what Hans
told me.
“She has to know everything since it concerns her as your wife.”
-=-
Nagising ako bigla dahil I felt nauseous. Dali-dali naman akong
bumangon at nagpunta ng banyo. Kahit ilang linggo ko na ‘tong
nararamdaman, hindi pa rin ako masanay-sanay. Naiiyak pa rin ako
kapag inaabot ako ng ilang minuto sa banyo dahil lang dito. Ilang
buwan ko pa ba ‘tong mararanasan? Lagi kong iniisip, para akong may
sakit, ang hirap.
Nung medyo okay okay na ‘yung pakiramdam ko, lumabas
na ako ng banyo. Doon ko lang napagtantong wala na ‘ko sa guest
room. Hanggang sa mapatingin ako kay Troy na nakahiga sa kama at
natutulog. Lumapit ako sa tabi niya at saka siya inuyog ng kaunti dahil
nag-uumpisa na naman siyang humilik. Kailan lang din siya naging
ganyan, dala na siguro ng sobrang trabaho niya.
Mayamaya lang, napatingin ako sa cellphone niyang nakapatong
sa side table dahil may tumatawag. Pagkakuha ko nun, titingnan ko
sana kung sino ‘yun kaso hindi naka-register ang name. Sinagot ko na
lang, saka ko lang naalala na hindi nga pala sumasagot si Troy ng tawag
na hindi naka-register ang number sa phone niya.
Magsasalita pa lang sana ako nang maunahan ako nang nasa
kabilang linya.
“Hello, Troy?” Napakunot ako nang marinig ko ang boses ng
babae sa kabilang linya. Pero sa sumunod kong narinig, nabingi ako
sa malakas na pagkabog ng dibdib ko. “Good morning, it’s Ashley. I just
called to say that Mrs. Liang called me last night and she insists that we

62
V O L U M E F I V E

accept her invitation for lunch. I’m not on a rush, I just want to know
what’s out next move. Well… I understand your situation since you have
Nadine to think about—.”
Bigla kong napindot ang end call nang sumikip ang pakiramdam
ng dibdib ko. Kaya nang tumunog ulit ang phone ni Troy, hindi ko
na ito sinagot. Hindi ko rin naman sigurado kung kaya ko pa itong
sagutin… Marami naman sigurong Ashley, hindi ba? Pero kasi… kilala
ko ang boses niya.
Mayamaya pa ay may nag-text naman gamit pa rin ang unregistered
number na kakatawag lang. Nagdalawang-isip man akong buksan ito,
nilakasan ko na lang ang loob ko na basahin ang message.
Text: Is she there? I guess she still doesn’t know anything about
this. Don’t worry, I will never bother her. By the way… I forgot to tell
you that I’m very glad to see you last night. Call me when you need
me… my hubby?
Nanginginig ang kamay ko habang ipinapatong ko ang phone ni
Troy sa kama. Napapikit ako. Gusto kong mag-isip ng ibang bagay pero
sari-saring imahe ang pumasok sa utak ko. Hindi ko alam kung saan
ako kukuha ng lakas para tumayo at umalis sa tabi ni Troy ngayon.
Tiningnan ko ulit ang cellphone niya at ni-mark na unread ang
message ni Ashley.
Gamit ang natitirang lakas ko, lumabas ako ng kwarto at dumiretso
sa kusina.
-=-
“Hello?”
“Mr. Smith, good morning. It’s Dra. Ui. Did I catch you at a bad
time?
I got up and cleared my throath. “No, not really. I was supposed to
get up right now. What’s the matter?”
“Nasabi na ba sa’yo ni Nadine ang result ng checkup niya last time?”
Upon saying my wife’s name, doon ko lang napansing wala na sa

63
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

kama si Nadine. “No, she didn’t say anything.” Of course, nag-away


kami that day. Tumingin ako sa paligid pero wala ang asawa ko.
“You didn’t asked your wife?”
“Ah—” I stuttered. “Yeah…I mean, I’ve been busy these past few
weeks.” I unconsciously raked my hair in disgust. Bakit nga ba hindi ko
siya natatanong kung ano nang lagay niya at ng baby naming dalawa?
“Mr. Smith, allow me to say these things to you as your big sister.
Your wife is pregnant, this isn’t a joke. Funny as it may sound but can
you imagine yourself bearing a life inside your body now? Put yourself in
Nadine’s situation. Do you really think it’s that easy? Pregnancy is not just
about the woman na nagdadala ng bata. You should be there for her. Try
to ask her about the result of the last checkup. Ipinagbilin niyang huwag
kong sasabihin sa’yo. Gusto niyang siya mismo ang magsabi noon sa’yo.
I respect her decision… so go now and ask her about it. And please…
Come with her on the next checkup. Please don’t make me reiterate over
and over again the importance of having a husband by her side during
prenatal checkups.
“Yes… I know. I’ll be there.”
“Good to hear that. I’ll see you then. Thank you for your time.”
“Thank you, Doctora. Bye.”
I ended the call and stood up right away to find Nadine. Pumasok
ako sa bathroom pero wala siya do’n kaya lumabas ako ng kwarto. I
checked the guest room pero wala rin siya do’n. I went downstairs and
I saw her in the kitchen with a glass of water in her hand.
“Freak,” she stopped and slowly looked at my direction. She looked
so exhausted that I want to carry her back in our room to rest. “Kanina
ka pa ba bumangon?” I asked habang naglalakad ako palapit sa kanya.
Ibinaba niya ang hawak niyang baso sa table bago nagsalita.
“Kanina pa… Mga isang oras na.”
“Have you eaten your breakfast?” I asked while staring at her eyes.
Nakatitig lang din siya sa’kin na parang may ibang iniisip. It felt strange.

64
V O L U M E F I V E

“Gatas, tsaka saging.”


“Don’t you think kulang pa ‘yun para sa’yo at sa baby?”
“S-Siguro…” she stuttered between her words. There were tears
beginning to form in her eyes. “Sorry,” she said while dabbing her tears
using her hands. “Masyado lang akong emotional this past few days.
Epekto ng pregnancy ko.”
Lumapit ako sa kanya at saka umupo sa tabi niya. I held her hand
and said, “Is it difficult? Uh? Nadi—.” I didn’t had the chance to finish
my sentence when she suddenly embraced me. “Hey…” She didn’t
say anything. I caressed her back while saying, “Do you want to do
something today? Gusto mo bang umalis?” Naramdaman ko lang na
umiling siya. “Then… let’s eat? Anong gusto mong kainin?”
“Dito ka lang… Dito ka na lang…H’wag kang aalis.”
“Okay. Hindi ako magpapa-schedule today ng meeting.” Mas
naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Nadine pagkatapos kong
sabihin iyon.
“Troy… Kambal sila.”
“What? Who?”
“Ang anak natin.”
At first, hindi ako nakasagot. Pero nang ipakita niya sa’kin ang
picture na kuha mula sa ultrasound, unti-unting nag-register sa utak
ko ang sinabi ni Nadine. Upon realizing that, I embraced with glee.
“Oh God, thank you! We got two kiddos, Freak. Can you imagine
that. Inalis ko ang pagkakayakap ko sa kanya, and she did the same
thing. Hinawakan ko ang kamay niya pagkatapos. “I’m very happy to
know that. Kamusta ang pakiramdam mo ngayon?”
“Masaya…” but her expression tells the opposite.
“Freak…” Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kanya. “If there’s
anything that bothers you, tell me.”
She shook her head. “Wala… Wala. Basta dito ka lang, ah?”

65
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Of course. Wait, I’ll call Hans para maayos ang schedule ko today.
Nasabi mo na ba kina Mom and Dad?”
“Hindi pa. Sa’yo pa lang…”
“Really?” I kissed the top of her head. “I’m glad.”
Then I called Hans.
-=-
“Talaga?!! Kambal ang magiging inaanak ko?! BWAHAHA!
Ibang klase, mahahati pa ang kagwapuhan ko sa dalawa—OH!
QUEEN NAMAN!” sigaw ni Adrian nang paluin siya ni Liz ng unan
sa braso.
“Ay nako, Nads. Pagpasensyahan mo na ‘yan at gusto ata talagang
maging kargador niyan. Buhat nang buhat ng sarili niyang bangko.”
“Bwahaha! Kayo naman, masaya lang talaga ako para sa inaanak
ko. Ano, Nads? May kailangan ka ba? Kahit ano pa ‘yan, bibilhin ko!”
“Ang kailangan niya ay umalis ka na muna dito sa tabi namin nang
makapagkwentuhan naman kaming dalawa.”
Ngumiti lang ako kay Adrian. “Aba, syempre. Basta sinabi mo,
Queen, gagawin ko ‘yan. Huwag lang ang iwan ka. BWAHAHA! Ge,
maiwan ko muna kayo.” Naglakad na siya palabas ng bahay kung saan
nand’on si Troy.
“Oh,” napatingin naman ako kay Liz. “Kamusta ka naman, girl?
You look so…I’m not sure eh. Pero parang ang wasted ng itsura mo.
Ganyan ba talaga pag buntis?”
Kararating lang nina Adrian at Liz. Hindi ko inaasahan ang
pagdalaw nila. Naisipan lang daw nilang pumunta rito. Si Troy naman,
hindi raw muna siya aalis ng bahay ngayon tulad ng pangako niya.
At ‘yung tungkol sa tawag at text kaninang umaga…pilit ko ‘yung
kinakalimutan. Alam kong wala akong dapat ipag-alala. Wala naman
talaga…
“Nads?!”

66
V O L U M E F I V E

Napatingin Ako kay Liz, “Oh?”


“Ano ba, girl? Absent minded pa rin? Ayos ka lang ba?”
Nakatingin ako kay Liz at saka marahan na tumango. Pero biglang
hinawakan ni Liz ang mga kamay ko habang magkatitigan kami.
“Nads… alam mo naman, ‘di ba? Na kahit nag-asawa ka na… you
can still tell us anything that bothers you. We promised each other
not to interfere sa problema mo kung tungkol ‘yun sa asawa mo. Pero
syempre, kung makikita naman naming malugkot ka, we’re here not to
judge you, but to give you a hand, okay?” Tumango lang ako without
saying anything. Hindi ko magawang sabihin sa kanya ang nangyari
kanina, o maging ang nangyayari sa’min ni Troy. “Nads.” Nagbuntong
hininga siya at saka sinabing, “Kung di mo na kanya, alam mong
nandito kami para sa’yo, ‘di ba?”
Saka niya ‘ko niyakap at hinimas ang likuran. At sa mga oras na
‘yun, hindi ko na napigilan ang mga luha ko.
-=-
“PATAY KANG BATA KA, CAPTAIN—UHHHMMM!!
UHMM!!!!”
“How come you didn’t change a bit, Adrian?” saka ko binitawan
ang bibig ni Adrian. “Maingay ka pa rin.”
“OA naman, Captain. Ilang years pa lang naman simula nung
grumaduate tayo. Bwahaha! Hindi pa talaga ako nagbabago. Kaya nga
‘ko minahal ng Queen ko dahil ganito ako, eh. Bakit ikaw ba, Cap?!
Nagbago ka na ba? Kaya siguro…umiiyak si Nads, ‘no!?”
“Sssh! Can you—Tss!”
“Pero ‘di nga!? Bakit umiiyak si Nads, Captain? Magtapat ka na
sa’kin kung napapagbuhatan mo na siya ng kamay. Alam mo kasi,
hindi na normal ‘yung mga gano’n, dapat mapa-rehab—.”
“Hindi kaya ikaw ang dapat na ipa-rehab ko? Tss! I’m not insane
to do that, Adrian.”

67
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Eh, bakit nga kaya umiiyak si Nads!? ‘Di kaya…baka naman


nahihirapan na ‘yan.”
“Huh? What’s that supposed to mean?”
“Ah? Ano… Ah… Bakit ako ang tinatanong mo, Captain? Ako ba
ang asawa ni Nads?”
“Tss! You’re such a big help.”
“Naman, Captain. Pero alam mo kasi, nalaman ng Mama ko na
buntis na si Nads. Congrats nga pala raw, bwahaha! Anyway, ayun
nga…naalala raw niya nung pinagbubuntis niya ‘ko noon. Buong
pagbubuntis daw niya… depress na depress ang Nanay ko.”
“I think I know why…”
“Bwahaha! Parang alam ko nang nasa isip mo, ah? Pero ang ibig
sabihin ni Mama ay dahil first time niya raw kasing magbuntis noon
kaya natatakot daw siya sa mga nararamdaman niya noon. Hindi
kaya…gano’n din si Nads? Huh, Captain?”
I didn’t answer… Hindi ko rin alam ang isasagot. And now I can’t
help but ask myself kung bakit nga ba hindi ko alam ang nasa isip ni
Nads…ng asawa ko.
“Hayaan mo, Captain. Tatanungin ko si Liz kung anong napag-
usapan nila ni Nads. Kung pikang-pika na ba siya sa’yo, o ano…
Bwahaha! Cheer up, Captain! Hindi ka ba papasok sa office? Gusto
mo…ako muna’ng proxy sa table mo?”
“No, thanks. And yes, I’m not going anywhere today. I’ll stay here
with Nadine.”
“Bait, ah… Bwahaha! Baka naman may ginagawa ka nang
kalokohan, Captain, kaya mabait ka ngayon—,” he cleared his throat
when I looked at him. “Joke lang. Bwahaha!”
Napatingin ako kay Adrian, hindi dahil wala akong ginagawang
alam kong makakapagpasama ng loob ni Nadine, kundi alam kong
meron at hindi ko alam kung nasa tama akong pag-iisip ngayon.

68
V O L U M E F I V E

Paano na, Troy!? What’s your next move?


“But then…you must make up your mind as soon as possible. In
business, we don’t waste time, at alam mo ‘yan.”
How can I decide now?
Kapag hindi ko na-close ang deal with the Liangs, hindi lang
posisyon ko sa sarili naming kumpanya ang manganganib but also the
lives of those people who work for me. Pero sa oras naman na makuha
ko ang deal sa tulong ni Ashley, alam kong habambuhay akong
magiging guilty kay Nadine.
At alam kong hindi ako matatahimik kapag nangyari ‘yun.
-=-
“Ingat kayong dalawa,” paalam ko kina Adrian at Liz na nasa loob
ng sasakyan nang mga oras na ‘yun.
“Babye, Nads! Be safe with your babies. Call us, okay?” sabi ni
Liz. Tumango lang ako sa kanya. Pagkaalis nila, naramdaman kong
hinawakan ni Mokong ang isang kamay ko.
Napatingin ako sa magkahawak naming mga kamay ni Troy…
“Let’s go inside?” tanong niya, at tumango lang ako bilang tugon.
Tahimik kaming pumasok sa loob ng gate nang bigla siyang
huminto, at gano’n rin ang ginawa ko. Naramdaman ko na lang na
dahan-dahan niya ‘kong binuhat na parang bagong kasal. Awtomatiko
ko namang iniyakap ang magkabilang braso ko sa kanyang leeg bilang
suporta. Pilit ko pa ring itinago ang mukha ko sa mga paningin niya.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ko maitatago sa kanya ang tunay
na pag-aalala sa utak ko ngayon.
Buhat-buhat niya ‘kong dinala sa kwarto naming dalawa. Inihiga
niya ako sa kama nang dahan-dahan habang hinahalikan ang noo at
pisngi at sinasabing…
“I love you… I will only…love you.”
Pilit kong ipinikit ang mga mata ko habang sumasabay sa alon ng

69
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

milyun-milyong emosyon sa dibdib ko. Pilit kong isinasara ang isang


nakakatakot na ideya na bumalot sa’king isipan.
Text: Is she there? I guess she still doesn’t know anything about
this. Don’t worry; I will never bother her. By the way… I’m very glad to
see you last night. Call me when you need me… my hubby?
Sana hindi ko na lang nakita ‘yun. Ayos lang sa’kin. Dahil ang
totoo? Hindi ko rin kakayanin kung mawawala siya. Hindi ngayon…
Hindi ngayon kung kailan kailangan ko siya.
-=-
It was midnight when I received a call from Hans. Nadine was
already asleep that time.
“It’s too sudden…” I said almost like a whisper while staring at my
wife.
“Aayusin ko na po ba kung saan kayo magkikita?”
I raked my hair in disgust before saying, “Yes… please.”
“Should I inform Ms. Ashley about this lunch meeting?”
“Don’t… I haven’t decided yet,” I said while staring at the beautiful
face of my wife.
“I understand, sir.”
At that point… I want to ask Hans if he meant what he said. Can
he really understand the situation I’m in?
-=-
Freak, something urgent happened.
I had to leave without waking you up. Don’t worry, I gave you a
million kisses before I left. See you later. I’ll call you. - Troy
Pang-apat na beses ko nang binabasa ang note na iniwan niya dito
sa side table ng kama naming dalawa. Kahit halos buong magdamag
lang naman kaming nasa bahay ni Troy, pakiramdam ko, pagod
na pagod ako. Pero kumpara kahapon, mas gusto ko ang gising ko

70
V O L U M E F I V E

ngayon dahil hindi ako nakaramdam ng morning sickness. Naisip


kong kailangan ko nang ihinto ang pag-iisip ng mga negatibong bagay.
Lalong-lalo na kay Troy…
Ilang minuto pa ay tumayo na ‘ko at nag-ayos ng aking sarili.
Tiningnan ko ang cellphone ko pero wala pa ring paramdam si Troy
tulad ng pangako niyang tatawag siya sa’kin. Napatingin ako sa orasan
at may apat na oras pa bago ako mag-lunch kaya naisipan kong ipagluto
si Mokong at ihatid sa opisina niya. Ipinatawag ko ang driver namin
para ipagdrive ako.
Nang makarating ako sa kumpanya, saka ko lang naisip na sana
pala ay tinawagan ko muna si Troy, o si Hans, para sabihing darating
ako. Pero sakaling di ko siya madatnan, iiwan ko na lang siguro ‘tong
niluto kong pagkain sa office niya.
Pagkapasok ko sa loob, sumalubong na agad sa’kin ang security
at si Donna, isa sa mga staff na laging naga-assist sa’kin kapag mag-isa
lang akong dumarating dito.
“This way, Mrs. Smith.”
“Thank you,” sagot ko.
“Ako na pong magdadala—.”
“No, it’s okay.” Ngumiti ako kay Gerry, isa sa mga security staff.
“Ako na lang, salamat.”
Agad na ‘kong dumiretso sa office ni Troy at kinausap si Catherine,
ang front desk secretary.
“Good morning, Mrs. Smith.”
“Yes, good morning. Nandyan ba siya?” tanong ko.
“Naku, Ma’am, wala po si Mr. Smith ngayon. May lunch meeting
po siya with Mr. and Mrs. Liang. “
“Gano’n ba? Sasabayan ko pa naman sana siyang mag-lunch.”
Nakaramdam ako ng lungkot kaya naman imbes na iabot na lang kay
Catherine ‘tong dala kong lunch, sinabi kong papasok muna ako sa

71
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

office ni Troy.
Ipinatong ko sa center table ng receiving area ang dala kong
paper bag. Napatingin ako sa napakagulong desk niya. Patong-patong
ang iba’t-ibang folders at envelopes doon. Gayon pa man, hindi ako
nagkalakas loob na galawin ang mga ‘to para ayusin. Napatingin ako sa
nakatumbang picture frame sa table niya. Nang abutin ko ito ay nakita
kong wedding picture pala naming dalawa ‘yun.
Bigla kong naalala ‘yung araw na ikinasal kaming dalawa.
Hindi namin maitago sa isa’t-isa kung gaano kami kasaya. Sabi ko
pa nga… I am so fulfilled with my life nang pakasalan ko si Troy. Ngayon
ko lang naisip na mali pala ako… Ang akala ko kasi destination ‘tong
pagpapakasal. Na after nito… tapos na, at happy ending na.
Napangiti ako at saka ibinalik sa table ang picture frame. Aalis na
sana ako nang maisipan kong magsulat ng note para sa iiwan kong
pagkain kaya bumalik ako sa table ni Troy at naghanap ng ballpen at
papel. Umupo ako sa reclining chair at saka nagsulat.
I-microwave mo na lang ‘to mamayang gabi.
Call me. Ingat ka. I love you. – Nadine
Pagkasulat ko nun, idinikit ko ito sa takip ng lunch box. Iiwan ko
na lang ‘to kay Catherine.
Kumuha pa ulit ako ng papel at saka nagsulat…
May iniwan akong pagkain mo kay Catherine.
Kainin mo, ah? I love you. - Mrs. Smith
Ididikit ko na sana sa laptop screen niya ang post-it paper nang
mapansin ko ang iba pang notes na nakadikit rito. Napakaraming
notes tungkol sa mga schedule niya. Pero napahinto na lang ako nang
mabasa ko ang isang note.
Lunch meeting with the Liangs and Ashley. 11am at Pan Pacific
Manila Hotel.
Binitiwan ko’ng hawak kong papel at saka kinuha ang post-it na

72
V O L U M E F I V E

kababasa ko pa lamang. Bakit may pangalan na naman niya? Bakit?


Kakalimutan ko na dapat ito. Hahayaan ko na lang sana… Pero bakit
ito na naman?
Tumayo ako kaagad na hindi alintana ang biglang pagsakit ng tiyan
ko. Lumabas ako ng opisina na hindi na nakalingon sa kahit sinong
nasalubong ko at babati sana sa’kin. Dirediretso akong pumasok ng
elevator at nagdasal na sana mali lang ang iniisip ko.
Pagkarating ko sa sasakyan, sinabi ko kay Ben ang hotel na
nakasulat sa post-it kanina para aming puntahan. Wala na ‘kong
pakialam kung malapit o malayo ang lugar na ‘yun. Ang gusto ko lang
ay makapunta do’n at makita ng dalawang mata ko kung tama ba ang
nasa isip ko o hindi.
At kahit alam kong gusto kong malinawan sa bagay na ‘to tungkol
kay Ashley, nakaramdam pa rin ako ng matinding takot. Nang nasa
tapat na kami ng hotel, hindi ako kaagad nakalabas ng sasakyan.
Naghintay pa ‘ko ng ilang minuto para kalmahin ang sarili ko bago
ako bumaba.
Sinalubong ako ng isa sa mga staff pagkarating sa loob ng hotel. Sa
bawat hakbang ko papuntang dining area ay pilit kong ipinagdarasal na
sana ay wala siya rito… si Ashley. Ang kilala kong Ashley.
“This is your table, Mrs. Smith.”
“Thanks,” sabi ko at saka ako umupo. “May hinihintay pa ‘ko...
Mamaya ko na lang titingnan ang list.”
“Absolutey, no problem. Enjoy your table.”
Tumango ako bilang tugon sa kanya at saka naman siya umalis.
Hinihintay? Sinong hinihintay ko sa sarili kong table? Nagpapatawa
ka ba, Nadine?
Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi ko pa rin na nakikita
si Troy sa paligid kaya naisipan ko munang pumunta ng wash room.
Pagkarating ay pumasok ako sa loob ng isa sa mga cubicle at marahan
na hinimas ang dibdib at tiyan ko. Nahihirapan na naman akong
huminga.

73
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Pero makalipas ang ilang segundo, bumalik na rin naman sa


ayos ang pakiramdam ko. Palabas na sana ako nang biglang dumaan
sa harapan ko ang isang pamilyar na babae. Hindi ako nakagalaw at
parang nakakita ako ng multo… Nanlamig ang buong katawan ko at
lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Pumasok siya sa kabilang cubicle.
Sa mga oras na iyon, hindi ako makapag-isip kung anong sunod
kong gagawin. Kaya nang masilip kong nakalabas na siya ng wash
room, dali-dali rin akong lumabas at hinanap kung saang direksyon
siya nagpunta.
Ayun siya…
Sinundan ko siya ng dahan-dahan habang kinakabahan. Hindi
siya papunta sa lugar kung saan naroon ang table ko. Bakit nga ba
hindi ko naisip na maaring may mga VIP rooms sa hotel na ito para
sa mga private meetings? Nakita ko siyang huminto sa tapat ng isang
pintuan at saka siya pumasok. Sumunod pa rin ako rito hanggang sa
makarating rin ako sa tapat ng pinasukan niyang kwarto.
Paanong gagawin ko? Nandito kaya siya? Si Troy? Pero bakit
kasama niya si Ashley?
“Uhm, excuse me?” Napatingin ako sa gilid ko at saka ko lang
nakita ang isa sa mga hotel staff at isang babaeng nasa singkwenta na
ang edaran pero halatang nakakaangat sa lipunan base sa kanyang
pananamit. “Uhm… Excuse me, Ma’am. Are you looking for someone?”
“Uh—.” Hindi ako kaagad makasagot. “Si…ano. Ahm—Hinahanap
ko kung saan ‘yung washroom?” mahina at nag-aalangan kong tanong.
Nakatingin silang parehas sa’kin na para bang nawiwirduhan sa
reaksyon ko.
Nagsalita naman ‘yung kasama nung hotel staff na matandang
babae. “Are they here?”
“Oh, yes, Mrs. Liang. Mr. and Mrs. Smith are already here,”
nakangiting sagot ng staff.

74
V O L U M E F I V E

“Good to hear that, I’m excited to meet Ashley’s husband,” ngumiti


siya at saka sumenyas na tutuloy na siya sa pagpasok. Humakbang ako
palayo sa pintuan para makaraan siya. Tumingin siya sa’kin at saka
tuluyang pumasok.
Pagkapasok nong babae ay nagsalita ang staff. “Samahan ko na po
kayo sa—.”
Halos tulala lang ako sa kawalan nang putulin ko ang sasabihin
niya. “Alam ko na… Alam ko kung saan,” at saka ako nag-umpisang
maglakad palayo sa pintuang ‘yun. Dumiretso ako sa table ko kanina
at umupo roon na parang wala sa sarili.
“Mr. and Mrs. Smith are already here.”
Napahawak ako sa noo ko. Hindi ko na alam kung ano na ba
talagang eksaktong sumasakit sa’kin.
“Excuse me po, Ma’am. Ayos lang po ba kayo?”
Hindi ko alam kung sino ang lumapit dahil nakapikit ako habang
sapo-sapo ng kamay ko ang aking noo. “Ayos lang… Ayos lang ako.”
Gusto ko nang umalis sa lugar na ‘yun pero hindi na ‘ko makatayo.
Nanlalambot ang mga tuhod ko. Sinong tatawagan ko? Kanino ako
pupunta? Kanino ko sasabihing…
Hindi ko na kaya.
-=-
“I didn’t know that you’re a quiet man, Mr. Smith. I hope you
had a great time with us,” Mrs. Liang teased.
“Of course, yes, I had a good time. Sorry, I’m a bit spaced out
today,” sagot ko.
“You don’t have to apologize, Mr. Smith. Besides, I really had an
excellent time. Take good care of your wife, okay?”
“Uh?” She’s looking at me as if she can read what’s on my mind.
“Ah, yeah, of course,” right after I said that, Ashley came with Mr.
Liang. Nasa lobby na kami ng hotel. Katatapos lang ng lunch meeting

75
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

namin ni Ashley kasama sina Mr. and Mrs. Liang. After this, I have
nothing to worry about our project.
But even though I got what I wanted, something’s bothering me.
Pakiramdam ko… I’m already paying the price for letting these people
assume that Ashley is my wife.
“So when are you going back to China?” Ashley asked.
“Three weeks from now, we’ll be back in China,” Mr. Liang
answered.
“Ashley, I really enjoyed your company. I do hope you’ll visit me in
our home,” Mrs. Liang.
“Oh, sure. I’ll try to convince my husband to join me, a second
honeymoon perhaps.” She looked at me and I know she’s waiting for
an answer. At that very moment, I felt angry… Not with Ashley, but to
myself. “I think he badly needs a rest. After these, he’ll have a good one.
Thank you for giving us your trust.”
They bid their goodbyes. Binitiwan ko ang kamay ni Ashley at saka
siya hinarap.
“Our deal is done. I will accomplish what I promised. You will no
longer be involved with your father’s case, and I expect you to stay out
of my life forever.”
“Woaw, woaw, hush. That’s pretty rude to say, Troy. But don’t worry,
I’ll remain silent just like what you wanted. Since… I had a pretty good
time with you, and we both got what we wanted, right?”
“Right, so let’s not see each other again, Ashley. Good bye,” and
then I turned away from her. But seconds later… I was caught off guard
with her next action. She tapped my back then give me a swift kiss as
soon as I turned to face here. “What the—.”
“See you again, Troy Harris,” and then she started walking in the
main entrance, leaving me both speechless and furious. And there are
these words that kept on ringing inside my head…
I wish I can turn back the time.

76
V O L U M E F I V E

I wish I can turn back the time.


I wish I can turn back the time.
But I know that I can’t.
-=-
Goodbye? We’ve only just begun. See? Pumunta pa talaga siya
rito sa hotel kahit wala sa plano kong papuntahin siya. Poor Nadine…
She went into a lion’s den all by herself.
Of course, I saw her. I looked straight in her eyes after kissing her
beloved husband.
I’m dying to know what’s on her mind right now. I bet she’s tearing
down into pieces… Just like what she did to me when she ruined every
part of my precious life.
Ninakaw niya ang pwesto ko. At least now she knows how that
feels.
Those sparkling eyes during her wedding… I’ll erase them and
change them into a river of tears. Hanggang sa wala na siyang mailuha…
Hanggang sa sumuko na siya kasama ng dalawa niyang basura.
I’ll bid them a fiery farewell.
-=-
“Welcome back, Mr. Smith.”
“Thanks.” I was about to enter my office when Catherine asked me
to wait for something. “What’s this?” I asked. May iniabot siya sa akin
na paper bag.
“It was brought personally by Mrs. Smith today. She was hoping
to join you for lunch, but I told her that you have a lunch meeting.
Ahm… iniwan na lang po niya ‘to sa table ko pagkalabas niya ng office
niyo, Sir.”
Pagkapasok ko, umupo ako kaagad sa couch at binuksan ang
paper bag. Inilabas ko isa-isa ang lunch box na nasa loob nito. And
then I saw this note saying…

77
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

I-microwave mo na lang ‘to mamayang gabi.


Call me. Ingat ka. I love you. – Nadine
So this is the consequences of what I did? The guilt is crawling on
my neck, I can hardly breathe.
I was still meandering when I heard something.
“Mr. Smith, Mr. Trivolli is on the other line.”
I really want to say that I’m not in a mood to answer any calls, pero
alam kong importante ang tawag na ‘to.
I held a deep breath before I finally took the call.
“Yes, Mr. Trivolli.” I placed my both arms on top of my table and
buried my face in my both hands. I really want to go home…
Mr. Trivolli: “I’ve heard that you had a successful meeting with the
Liang’s.”
“Yes. Everything’s going well.” Umupo ako ng maayos and that’s
the time I saw a post-it note on my laptop. Kinuha ko ‘yun before I
finally said, “I’ll arrange a board meeting to discuss our next plan.”
May iniwan akong pagkain mo kay Catherine.
Kainin mo ah? I love you. - Mrs. Smith
Naririnig ko pang nagsasalita ang kausap ko sa kabilang linya pero
hindi ko na ‘yun naintindihan. Nadine’s note took all my attention.
Pero bigla na lang akong napahinto nang mapansin kong parang may
mali…
Tiningnan kong mabuti ang mga post-it notes na nakadikit sa
laptop screen ko. One note is missing…
Napatingin ako sa ibang gamit ko, I can’t find it. Napatinging muli
ako sa note ni Nadine. That’s the only time I finally realize what’s wrong
here.
“Sh*t—.”
Mr. Trivolli: “Mr. Smith? Is there anything wrong?”

78
V O L U M E F I V E

“Mr. Trivolli, I have to end this call right now. I need to fix
something urgently. I’ll call you later.” Tiningnan ko uli ang iniwang
note ni Nadine sa’kin. I can imagine her reading the note about my
lunch meeting with the Liang’s and Ashley.
And as soon as I get out of my office…
“Tell Hans to cancel all my appointments today. I don’t care how
important it is. I’ll call him later,” bilin ko kay Catherine.
“Yes, Sir.”
Nagmamadali akong dumiretso sa car park at mabilis na pinatakbo
ang sasakyan paalis ng building. I tried to call her phone but she’s not
answering, and that gave me chills. What did she find out? Maybe
nothing? I don’t know what to think. All I want is to see her face right
now…
Pagkarating ko sa tapat ng bahay namin, nakita ko si Gerry, ang
driver na hinire ko para kay Nadine.
“Gerry.”
“Oh, sir,” nagulat niyang sagot sa’kin.
“Pumunta kayo sa office kanina, right?”
“Opo, kaso sandali lang po kami—Sir, ayos lang po ba kayo?”
“No… I am not.” Iniwan ko siya at saka patakbong pumasok sa
bahay. Nagmamadali akong dumiretso kwarto namin and what I saw
next took the wind out of me.
“Nadine! Oh God, Nadine!”
I saw her lying on the floor, eyes shut and her face was as pale as
chalk.
Binuhat ko siya palabas ng kwarto. Agad ko siyang dinala sa
sasakyan ko habang tinatawag ko si Rose.
Pagkapasok ko ng sasakyan, I was praying hard na sana, this is just
a dream.

79
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

-=-
“Bakit mo ba ‘ko sinusundan??? Ayoko na… Tama na… Tigilan
mo na ‘ko, Ashley. Umalis ka na… Please. Huwag kang ngumiti…
h’wag mo siyang kunin, please.” Hindi siya nagsasalita… Nakangiti lang
siya sa’kin. Natatakot ako. Tinatawag ko si Troy pero walang boses na
lumalabas sa’kin.
“Nadine, Nadine?”
Unti-unting lumiliwanag… May naririnig akong tumatawag ng
pangalan ko.
“Nadine, si Mommy ‘to. Anak?”
Si Mommy? Nandito na si Mommy. Tuluyan kong iminulat ang
mga mata ko at agad na nasilaw sa liwanag. Pero mayamaya… Nakita
ko na si Mommy habang nakatingin sa’kin. Alam kong hawak niya ang
mga kamay ko.
“Anak… Kamusta ang pakiramdam mo?”
Hinawakan ko agad ang tiyan ko kasabay ng pag-iyak ko. “Sila…
Kamusta sila? Nandito pa sila, ‘di ba? Mommy? Nandito pa…”
Hinawakan ni Mommy ang kamay ko na nakapatong sa’king tiyan.
“Oo naman, nandyan pa sila. Ano ka ba naman, h’wag kang umiyak.
Ano ba naman kasi ang nangyari sa’yo, Nadine?
Anong nangyari? Hindi ako umimik pero bigla na lang akong
umiyak nang maalala ko ang nangyari. Nakita ko sila sa lobby… May
kasama silang ibang tao. Nakangiti sila… Magkahawak ang kamay
nila… Nakita kong tinawag nung kausap nila si Ashley na Mrs. Smith.
Tapos… Hinalikan niya si Troy… Tumingin siya sa’kin at ngumiti.
“Anak? Ano bang nangyayari?” tuluy-tuloy lang ang naging
pag-iyak ko. “Bakit ba?” Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni
Mommy.
“Mommy! Gusto ko na pong umuwi. Gusto ko nang umuwi,”
paulit-ulit kong sabi habang humagulgol.

80
V O L U M E F I V E

“Oo, uuwi ka na rin kapag okay ka na. Nandito si Troy—.”


Hinigpitan ko ang yakap ko kay Mommy nang marinig ko ang
pangalan niya.
“Ayoko, Mommy—,” napahinto ako nang may biglang pumasok
ng kwarto. Nagtama ang mga mata namin pero mas lalo lang akong
naiyak kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Ayoko siyang
makita… Ayoko. “Mommy, gusto ko nang umuwi… Please.”
Umalis sa pagkakayakap ko si Mommy at narinig kong kinausap
niya si Troy. Hindi ko alam kung nakatingin pa rin siya sa’kin, o hindi
na, dahil hindi ko pa rin iminumulat ang mga mata ko.
“Troy, ano bang sabi ni Doktora? Okay na ba siyang umuwi?
Tingin ko dapat maiuwi na siya sa inyo kaagad para—.”
“Mommy, h’wag mo ‘ko iiwan, please.”
Hindi ko narinig na sumagot si Mommy at saka ko lang
naramdaman na may humawak ng kamay ko. Hawak niya ang kamay
ko. Iniwas ko agad ‘yun. Hindi ko pa rin siya kayang tingnan o harapin
ngayon. Parang hindi ko siya kilala sa mga oras na ‘to.
“Mommy!”
“Anak, huminahon ka muna, ah? Oo, sige, hindi ako aalis. Hindi
makakabuti sa’yo kung ganyan ka. Tumahan ka muna.”
Hindi ko makontrol ang bawat paghikbi ko. Kahit sabihin ng
utak kong tama na, ayaw pa ring tumigil ng mga luha. Ngayon lang…
Ngayon ko lang naiiyak ang lahat ng kinikimkim ko.
“Anak… Ano bang nangyayari rito?” Nag-aalala at nagtatakang
tanong ni Mommy. Hindi ako sigurado kung para kanino ang tanong
na iyon pero hindi pa rin ako sumagot, at hindi ko rin siya narinig
na sumagot. “Troy, tawagin mo muna si Doktora at sabihin mong
nagising na si Nadine.”
Hindi rin siya sumagot. Basta narinig ko na lang ang pagbukas at
pagsara ng pinto.

81
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Ano bang nagyari, anak?”


Iyon din ang gusto kong itanong sa sarili ko.
Ano nga bang nangyari?
-=-
What did I just do?
I’ve never seen her like that before. As if she despise me so much
that she don’t want to see me anymore. Nanlamig ako nang makita
ko ang reaksyon niya kanina. And right at that moment, alam kong
nakagawa ako ng malaking kasalanan kay Freak, kay Nadine, my wife.
After calling Dra. Ui to check on Nadine’s conditions, hindi na ‘ko
pumasok sa kwarto. Sinabihan ako ni Dra. Ui na sumunod sa kanya
pagkatapos.
“I told you, be extra caring for your wife. Now, I have no choice but
to tell you her condition because it appears to me that you still have no
idea on what’s really going on.”
That’s what she said as soon as I entered her room.
She did say a lot of things about Nadine’s condition. I wonder why
my wife didn’t tell me about it. And how come I didn’t ask about it?
Bakit hindi ko alam ang depression niya nitong mga nakaraang linggo?
Bakit hindi ko alam na mahina ang kapit ng kambal sa kanya?
“Have you seen her?” I didn’t answer. I can’t bear to see her
devastated face. I know it’s all my fault. “What you saw was the result
of stress she’s going through. And it’s very unusual for you, Harris, that
you’re not even aware of it. I hope you’ll reflect on this. Do something
about it, because if you didn’t…let’s picture out the most horrifying
things that can ever happen. We can’t alleviate the possibility that you
can lose either your wife or your twins, or both.”
Matapos kong kausapin si Dra. Ui, lumabas ako ng kwarto.
Habang naglalakad pabalik sa kwarto ni Nadine…hindi ko inaasahan
ang sasalubong sa’kin.

82
V O L U M E F I V E

“Tito!!!”
“Mr. Smith!”
Napaupo ako sa lapag pagkasuntok ni Dad sa’kin. Nandito rin
sina Hans, Luke, at Sebastian. Hawak-hawak nina Luke at Hans si
Dad habang tinutulungan naman ako ni Sebastian na makatayo.
Nanghihina ako sa mga nangyayari… Hindi ako makatingin kay Dad.
“I told you to fix things, not to mess up with it! What have you
done, uh? Harris?! Ganyan ba ang itinuro ko sa’yo kung paano mo
iha-handle ang kumpanya?! And what’s this?! Do you think hindi ko
maiintindihan kung bakit gano’n na lang ang reaksyon ni Nadine nang
makita ka niya?”
“I—I… I’m sorry.”
“Tito!!!” they tried to stop Dad when he grabbed my shirt and
pushed me to the wall.
“Are you out of your mind? Why did you take that deal? Why did
you negotiate with that woman without even consulting me about it?
Ganyan ka ba kaduwag na mawala ang posisyon mo? Is that really
impo—”
“No! No… I was thinking about those people I will fail, including
you!”
“Oh, really?! Don’t you dare make us as your alibi, Harris. Hindi
kami ang nasa isip mo kundi ang sarili mo. You’re afraid to fail yourself.
Hindi ko inaasahang ganyan ang ipapakita mo. And by doing that,
you’ll not only lose your position, or the company itself, you’ll also lose
your family. At ito pa lang ang simula kung hindi ka gagawa ng paraan.
I’m telling you… don’t expect me to help you fix the problem you just
made. Replacing you isn’t that hard, and you know I mean it.”
Umalis siya kasama ni Hans. Luke and Sebastian kept their silence.
They didn’t even try to cheer me up like what they used to do. Kaya ako
na lang ang tumapik sa likuran nila to console them. They’re shocked
with what just happened.

83
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Please check Nadine for me… I’ll be outside.”


But before I set my foot away from them, inakbayan ako ni Luke
at gano’n rin si Sebastian.
“Alam mo, pare,” it’s Luke. “Buong buhay na naming pagsisisihan
kung hahayaan ka na naman naming magsarili tulad ng dati. Tapos
pupuntahan ka na naman namin sa Tarlac niyan. Medyo busy na kami
kaya baka wala nang maghanap sa’yo pag nangyari ‘yun.”
“Kaya kung pwede namang pag-usapan ngayon pa lang, gawin
na natin. O kaya kung ayaw mong pag-usapan… pwede namang
samahan ka na lang namin. Don’t worry, nasa kwarto naman si Adrian
at siguradong may bantay kay Mrs. Smith,” Sebastian said while we’re
walking.
“Oh, pare?! Umiiyak ka na ba?” Luke teased.
“May baon akong tissue, teka,” Sebastian chided.
“Tss!”
-=-
Pagkalipas ng dalawang araw, pwede na raw umuwi si Nads. Grabe,
sa totoo lang… nanibago kaming tatlo sa kanya. Ang tahimik niya at
kadalasan pa nga ay nakikita ko siyang tulala sa gitna ng kwentuhan
namin ng BITCHES.
Hindi namin alam kung ano ba talagang nangyari. Basta ang hula
naming tatlo nina Sandy at Chris ay may kinalaman kay Troy ang kung
ano mang pinagdadaanan ni Nads ngayon. And we don’t even dare
to ask. It’s too personal for us para makialam… All we can do is to
wait for her to be ready na sabihin sa amin kung ano ba talaga ang
nangyayari sa kanila ni Troy. Kaso hanggang ngayong pauwi na siya,
hindi pa rin siya nagsasabi sa’min.
Kasama kami ni Adrian na naghatid kay Nads hanggang sa bahay
nila ni Troy. Sumama lang kami para tumulong sa pagdadala ng gamit
at pag-alalay kay Nads. Kami naman kasing dalawa ang free ngayong
araw. Pinakiusapan rin ako ni Tita Alma dahil may aasikasuhin lang

84
V O L U M E F I V E

daw siya. Kaso eto nga, paglabas naming dalawa ni Pong sa bahay nila…
parehas kaming tahimik. Ramdam rin niya siguro ‘yung awkward na
aura sa pagitan nung dalawa.
“Pong, ayos ka lang?” tanong ko. Natulala naman kasi siya.
Nandito na kami sa labas ng gate nina Nads.
Habang nakatingin sa kawalan… “Queen… Let’s not get married.”
“Say what?” Tumingin ako sa kanya.
“Nakakatakot pala ang buhay mag-asawa—AAH!” Piningot ko
siya. “Ah-Aaaah!”
“Ang lakas ng loob mong magsabi niyan eh ako nga dapat ang
matakot dahil baka mahawa ako sa sakit mong kabaliwan kapag naging
mag-asawa na tayo.”
Habang hawak ko ang tenga niya, tumingin naman siya sa’kin at
ngumiti. “Ayaw mo no’n, Queen, it’s a tie. BWAHAHA! ‘Di ba nga, for
better or for worse. In sickness and in health, until death do us part.
Yihaa!”
“Che!” sabay bitaw sa tenga niya. “Sarilinin mo na lang ang sakit
mo.”
Hay nako naman… Sana, panindigan nila ang marriage vows
nilang dalawa.
-=-
Matagal-tagal din akong nag-stay sa ospital bago ako pinauwi ni
Dra. Ui. At habang nasa ospital, ginawa ko ang lahat upang kalmahin
ang isipan ko sa mga nangyari…
Tahimik kaming pumasok sa loob ng bahay kasama nina Adrian
at Liz. Tahimik din silang nagpaalam bago umalis. Hinatid sila ni Troy
palabas ng gate. Iyon ang oras na tumayo ako at dumiretso sa closet
naming dalawa. Isa-isa kong kinuha ang mga damit ko at inilatag sa
kama.
Kinuha ko ang malaking bag ko sa cabinet at saka inilagay ang iba

85
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

ko pang gamit. Pagkatapos ay umupo ako sa kama at isa-isang inilagay


ang mga damit ko sa loob.
Hanggang sa dumating siya…
“What are you doing?” mahinang tanong niya.
Hindi ako tumingin sa kanya nang sumagot ako. “Nag-eempake.
Kina Mommy muna ako. Do’n muna ako…” Pilit kong pinipigilan na
huwag akong maiyak sa harapan niya.
Naglakad siya palapit sa’kin. Laking gulat ko nang lumuhod siya
sa tabi ko at hinawakan ang magkabila kong braso. Pilit ko pa ring
iniwas ang tingin ko sa kanya kahit gusto ko itong makita. Ramdam ko
ang panlalamig ng mga kamay niya na para bang kinakabahan sa kung
anong mangyayari.
“P-Please….” Nangingiyakngiyak niyang sabi. “Please s-stay…”
Hinigpitan niya’ng pagkakahawak sa mga braso ko. “Don’t leave me,
p-please, Nadine.” Mahina ang boses niya na para bang nanghihina.
Nanginginig rin ang mga kamay niya. Tumungo siya at saka tuluyang
umiyak.
“Sana…naisip mo ‘yan bago mo ipinakilala sa ibang tao si Ashley
bilang asawa mo. Alam mo ba kung gaano kasakit ‘yun?”
“I-I’m sorry… Please, don’t leave me.”
Kusa nang tumulo ang mga luha ko pagkasabi niya no’n. Mas lalo
kong nakumpirma sa sarili ko na totoo nga ang nakita ko.
“Kaya ko namang tiisin kung busy ka, Troy. Kaya kong tiisin kahit
ilang buwan tayong hindi mag-usap habang lumalaki ang tiyan ko.
Kasi pinakasalan kita, eh… Nangako akong kahit mahirap, sasamahan
kita. Alam kong magsasabi ka rin sa’kin, kailangan ko lang maghintay.
Pero… pero kasi, hindi naman ako tanga. At mas lalong ayokong
pinagmumukha akong tanga.”
“No… No it’s not that,” sabi niya habang nakayuko pa rin at hawak
ang mga kamay ko.
“Maipapaliwanag mo ba sa’kin kung bakit si Ashley ang kasama

86
V O L U M E F I V E

mo bilang Mrs. Smith at hindi ako? Nahihiya ka bang ako ang—.”


“NO!” Humarap siya sa’kin na namumula ang mga mata. “Hindi,
Nadine. Hindi gano’n. Natakot lang ako… Natakot lang akong mawala
sa posisyon ko dahil maraming tao ang maapektuhan. Also, I was
afraid to fail you… Ayokong magsisi ka na hindi ko na-maintain ang
posisyon ko. That’s why I asked for her help and—.”
“Gano’n ba kataas ang tingin mo sa’kin? Alalahanin mong minahal
kita kahit na estudyante ka pa lang noon. Pinakasalan kita nang wala
ka pa sa posisyon mo ngayon, kaya hindi mo pwedeng sabihin sa’king
pagsisisihan ko kapag nawala ‘yang posisyon mo. Dahil kahit wala
‘yan, ayos lang. Hindi ako materialistic na tao, at alam mo dapat ‘yan.
Gano’n lang ako kababaw, Troy. Basta kasama lang kita, okay na ‘ko.”
“I’m so s-sorry…” Pagkasabi niya no’n ay pinakinggan ko lahat ng
paliwanag niya sa mga nangyari nitong huling mga linggo.
“Tumayo ka na d’yan,” sabi ko. “Hindi na ‘ko aalis.” Tumingin
siya sa’kin at saka ko itinuloy ang sasabihin ko. “Huwag kang mag-
alala… Wala akong sinabihan na kahit sino tungkol dito. Aasahan
kong gagawin mo ang tama this time. Kaya sana… hayaan mo muna
‘kong sa ibang kwarto na lang muna matulog,” at saka ko itinuloy ang
paglalagay ng gamit ko sa bag. Hindi siya umalis sa tabi ko hanggang sa
matapos akong mag-ayos. “Papadala ko na lang ‘yan kay Rose mamaya.
Hindi ko kayang magbuhat ng mabigat ngayon.” Tumayo ako at saka
lumabas ng kwarto.
Habang naglalakad papunta sa guest room, hindi ko maiwasang
huwag maalala ang mukha ni Troy habang sinasabi kong hindi na ‘ko
aalis ng bahay. Bumalik ang kulay ng mukha niya na kanina lang ay
namumutla sa kaba ng napipintong pag-alis ko.
Ang totoo…hindi ko rin naman kayang iwan siya. Kahit anong
inis at galit pa ang nararamdaman ko sa nangyari, mas nangingibabaw
pa rin ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko makita ang sarili kong
hindi ko siya kasama…
Ito na nga siguro ‘yung sinumpaan naming kasal. Kailangan kong

87
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

isipin ng paulit-ulit ang mga pinangako namin sa isaa’t-isa.


For better or for worse…
Maaga akong nagising pero hindi ko naabutan si Troy sa bahay.
Aaminin kong nakaramdam ako ng takot kaya tiningnan ko kung
nasa kwarto pa rin namin ang mga gamit niya, guminhawa naman ang
pakiramdam ko nang makita kong naroon pa lahat ‘yun.
“Ma’am, may naghahanap po sa inyo sa labas,” banggit ni Rose.
“Ashley daw po ang pangalan niya.”
Bigla akong nanlamig pagkarinig ko ng pangalan niya. Pero imbes
na pangunahan ng takot, sinabihan ko si Rose na papasukin si Ashley.
Umakyat naman ako sa kwarto at nag-ayos ng sarili. Nakailang palit
ako ng damit at ayos ng buhok, halos hindi ako mapakali. Gusto kong
magmukhang maganda sa harapan niya.
Bumaba na ‘ko sa sala pagkatapos kong mag-ayos. Mahigpit ang
naging kapit ko sa railings ng hagdanan namin habang bumababa ako.
Pakiramdam ko kasi, nanlambot ang mga tuhod ko habang unti-unti
ko siyang nakikita na nakaupo sa couch.
“Ashley,” bati ko pagkalapit ko sa kanya.
Hindi siya tumayo para salubungin ako, bagkus ay ngumiti lang
siya at saka sinabing “Finally, Mrs. Smith.”
Pinipigilan ko ang sarili kong h’wag ipakita ang inis at galit ko
sa kanya. Alam kong mas matutuwa siya kapag iyon ang nakita niya
sa’kin. Kaya naman nginitian ko siya at saka ako umupo sa kabilang
upuan.
“Wow…” sabi niya habang inililibot ang tingin sa buong bahay.
“What a big house you have,” at saka siya tumingin sa’kin. “Such a
wonderful home.” Huli niyang tiningnan ang malaking picture namin
ni Troy noong wedding namin. “You’re such a brave woman, Nadine.”
Sumandal siya sa couch, at saka tumingin sa’kin na para bang sinusuri
ang buong pagkatao ko. “After finding out what’s happening between
us…you can still sit here like nothing ever happened? I admire you for
that, really.”

88
V O L U M E F I V E

“Sinabi na sa’kin ni Troy kung anong nangyari, at kung bakit


kayo magkasama. Kaya h’wag ka nang mag-abala na magpaliwanag pa
tungkol sa biglaan mong pagpapakita. Hindi ko kailangang marinig
ang kwento mo.”
“Really? Eh, bakit mo pa ‘ko pinapasok dito? Alam kong gusto mo
ring malaman ang iba pang kwento na hindi sinabi ni Troy sa’yo.”
Sa mga oras na ‘yun, paulit-ulit kong sinabi sa utak ko na h’wag
kong paniniwalaan ang mga sasabihin niya.
“Nakakaawa ka, Ashley. Ganyan ba kalungkot ang buhay mo?
Kailangan mo pang sirain ang buhay naming dalawa, ah?”
Tumawa siya at saka sinabing, “Bakit? Nasira na ba kaagad?
So that means na…sinabi na ni Troy sa’yo ang matagal na naming
itinatago. All this time ang akala ko, hindi mo na malalaman. Pero
kung alam mo na…bakit hindi mo man lang ako pasalamatan? I’m
giving him something that you cannot give. Those nights we’ve shared?
It’s deliciously sinful. ”
“Sinungaling ka…” bigla kong nasabi habang nakatingin sa kanya.
“Oh c’mon, Nadine. Don’t tell me hindi mo naisip na baka
nagkikita rin kaming dalawa every night. Kapag…late na siyang
umuuwi? Hindi mo ba naisip na baka sa condo ko siya pumunta para
pag-usapan namin ng masinsinan…. ang gagawin naming dalawa?”
Sari-saring images ang pumasok sa utak ko na nagtulak sa’kin
para tuluyang lumuha sa harapan niya.
“Sa nakikita ko, Nadine, mas nakakaawa ka. Kasi naman…
napakadali mong bilugin, lokohin, at paglaruan. Kung ako sa’yo, mas
iisipin ko na lang ang pagiging pregnant ko. And don’t worry, ako nang
bahala sa asawa mo. Dahil kahit anong gawin mo? Pambahay ka lang…
Ako ang kailangan niya, hindi ikaw—.”
“Wala akong alam sa business. Wala rin akong kayang itulong sa
kanya kapag may problema siya sa kumpanya. Pero, Ashley, ang alam
ko lang… Kahit bali-baligtarin mo ang mundo, ako ang asawa niya, ang
pinakasalan, at uuwian niya at the end of the day. At tama ka… wala

89
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

nga akong alam kung anong nangyayari sa inyong dalawa noon. Pero
eto lang ang masasabi ko sa’yo… Si Troy lang ang paniniwalaan ko. At
kung iniisip mong nagdududa pa ‘ko sa mga paliwanag ni Troy kaya
kita pinapasok rito, nagkakamali ka. Dahil gusto ko lang na makita mo
ang bahay naming dalawa na hinding-hindi mo kayang sirain. Kaya
mainggit ka hangga’t kaya mo.”
Hindi siya kaagad nagsalita pagkasabi ko ng mga ‘yun.
“Tch! Then have a happy life. I wish you can sleep well tonight.
Mrs. Smith.”
Pinagmasdan ko siya habang palabas siya ng bahay. Mas gumanda
siya ngayon at mas naging sexy sa paningin ko. At kahit hindi ko
aminin, alam kong nilalamon ako ngayon ng insecurities ko. Na kahit
kumbinsihin ko ang utak kong puro kasinungalingan ang sinabi niya
kanina, hindi ko pa rin maiwasang ma-depress.
-=-
“Are you sure with what you’re doing, Mr. Smith? You can lose
your position with that. Hindi palalagpasin ng board of director’s ang
gagawin mo.”
Iyon ang mga salitang paulit-ulit kong naririnig matapos kong
kausapin ang ilan sa mga board of directors ng kumpanya. All I want
to do now is to make things right with the Liangs, and secure the
position of those people who work for me in this company. Siguradong
maapektuhan sila kapag inalis sa’kin ang posisyon ko.
Maybe my Dad’s right…
Failing them is not the issue, but the fear of failing my self. All this
time, I thought that I’m in control of everything, that I can do perfectly
fine. But no… That’s how other people sees me kaya natakot akong
hindi ko makuha ang deal.
And now…I have to face the consenquences of my foolish actions.
“Sir, buti po dumating na kayo,” tumatakbong sinalubong ako ni
Rose.

90
V O L U M E F I V E

“What? Anong problema?”


“Si Ma’am po, kanina pa nagkukulong sa kwarto. Simula nung
umalis po ‘yung bisita niya, hindi na po siya umalis ng guest room.”
“Bisita? Sino?”
“Ashley daw po ang pangalan niya.”
“What?! What is she doing here—Tss!” That woman!
“Ayaw pong kumain ni Ma’am kanina pa. Ngayon ko lang po kasi
nalamang hindi pala niya ginalaw ‘yung pinaiwan niyang pagkain sa
labas ng kwarto kanina.”
“Kunin mo ‘yung susi ng kwarto.”
“Eto po, Sir. Kanina ko pa po dala ‘yan. Hindi ko lang po alam
kung anong gagawin ko.”
Kinuha ko kaagad ang susi sa kamay niya, at saka tumakbo
papunta sa guest room. Hindi na ‘ko nag-abalang kumatok pa,
binuksan ko na agad ‘yung pinto. Nakita ko siyang nakahiga sa kama
habang nakatalukbong ng kumot. Naririnig ko ang paghikbi niya
habang nagsasabing…
“Hindi ba sinabi kong h’wag kayong papasok?! Iwan niyo ‘ko!
Lumabas na kayo!”
Paulit-ulit kong sinasabi sa utak kong I’m sorry… I’m truly sorry…
Pero alam kong hindi ‘yan ang dapat niyang marinig mula sa’kin.
Kaya kahit sinabi pa niyang lumabas ako, naglakad pa rin ako palapit
sa kanya. Umupo ako sa gilid ng kama at saka inalis ang kumot na
nakataklob sa kanya. Nakatalikod siya sa direksyon ko kaya naman ang
una kong ginawa ay himasin ang likuran niya.
“Lumabas ka na sabi… Umalis ka na…” But I didn’t stop caressing
her back. I know that’s she wants me to do the opposite. “Umalis ka
na…” Hinawakan ko siya sa balikat para iharap sa’kin nang dahan-
dahan. Tumingin ako sa mga mata niyang basang basa ng luha, at saka
ko sinabing…

91
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“I am not going anywhere. Dito lang ako… Dito lang sa tabi mo.”
Niyakap ko siya ng mahigpit at itinuloy ang paghimas sa likod niya
while saying, “I love you, Nadine Smith. Tahan na…” I’m sorry…
Gusto ko mang sisihin nang sisihin ang sarili ko sa nangyayari
sa kanya ngayon, alam kong hindi rin ‘yun makakatulong. I have to
assure her that I’m not leaving her.
“Ang ganda niya… Kaya mo siya pinuntahan, ‘di ba? ‘Di ba?
Nakita ko siya.”
“No, Nadine. Ikaw lang ang pinakamaganda sa’kin. Sshh…”
“Lumalaki nang tiyan ko. Nagbabago na ang katawan ko.”
“And that’s because we’ll have our babies. We’ll become parents
in due time. You’ll become a mother that’s why you’re becoming more
beautiful in my eyes.” I continued saying those words to calm her.
“My freaking wife… I love my freaking wife.” And then I felt her arms
around my neck to hug me tight.
“Hindi ako naniniwala sa mga sinabi niya. I’m sorry. Please…
h’wag kang aalis, Troy.”
“Yes… I never did, and I never will.”
-=-
After two weeks…
“Girl, bakit ka naman nakabuntong hininga diyan?” tanong ni
Liz sa’kin.
“Ngayon mo lang ako nakita, Nads, nagbubuntong hininga ka
naman,” nagtatampong sabi ni Chris. Busy siya nitong huling linggo sa
business niya. Nag-attend siya ng seminar para magkaroon pa siya ng
ibang ideas para sa business nila ni Basty.
“Sabihin mo lang kung ayaw mo na kaming kasama,” sabi ni Sandy
habang kumakain ng mango cake niya. “Babe!” biglang sabi niya nang
maglalapag na naman ng panibagong putahe si Rocky sa table namin.
“Ano???” natatawang tanong ni Rocky.

92
V O L U M E F I V E

Nandito nga pala kami sa RockDy. Sabi ni Mokong, makipagkita


muna raw ako sa mga kaibigan namin ngayong araw dahil gagabihin
raw siya ng uwi. May mga aasikasuhin lang daw siyang importante sa
opisina
Tatlong araw matapos ang gabing huli kong iniyakan ang tungkol
kay Ashley, pinilit kong h’wag nang alalahanin pa ang pagkikita naming
dalawa. Itinuon ko na lang sa ibang bagay ang isip ko.
“I feel bloated. Ang dami mong pagkain na nilalagay dito. Hindi
pa namin nauubos ‘yung kanina,” reklamo ni Sandy.
“Okay nga ‘yun, Sandy. Libre kami, thanks ever charming Rocky,”
sabi naman ni Liz.
“Babe, hindi naman para sa’yo ‘yan. Para sa kanila—AH! Hahaha!”
Pinalo kasi siya ni Sandy sa braso. “Tsaka…para talaga kay Nads ‘to.
Naglalangis na ‘ko sa magiging inaanak ko. Lalo pa at dalawa ‘yan.
Dapat may pwesto ako sa mga Ninong, ah? Kain ka lang d’yan, Nads.”
Napangiti ako. “Salamat, Rocky. Siguro kapag kayo na’ng nagka-
baby ni Sandy, ang asikaso mong Daddy. Spoiled siguro ang magiging
baby.”
“Di rin, lagot sa’kin ‘yun kapag naging spoiled. Baka kay Sandy pa,
pero kung ako? Hindi ko i-spoiled ‘yun,” paliwanag ni Rocky habang
kinukuha ‘yung ibang plate naming wala nang laman.
“You’re so sure na ikaw ang magiging Daddy ng magiging baby ko,
ah?” pang-iinis ni Sandy.
“Aba, kung hindi pa ‘ko…eh, sino pa?! Wala nang magtitiyaga
sa’yo—AH! Ano ba?! Kanina ka pa, Sandy, ah. Hahaha!” Saka naman
niya hinalikan sa pisgi si Sandy bago ito umalis.
“Ang PDA niyo, ‘no? Eew, Sandy,” panloloko ni Liz.
“Jealous much?” Sagot ni Sandy.
“As if – much?” Liz.
“Obvious much?” Sandy.

93
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Parang mga bata…” mahinang sabi ni Chris.


“Inggit much?” tanong ni Sandy sabay lingon kay Chris.
Natawa ako. Naalala ko nung mga college student pa kami.
Nakakatuwang malaki na ang nagbago sa mga buhay namin.
“Hey, Mrs. Smith, hinihikaban mo lang kami, ah?”
Ngumiti naman ako. At habang naghihikab pa rin, dahil hindi ko
mapigilan, sumagot naman ako. “Sorry, girls. Nakakaantok na kayo
kasama—AH!” Hinila ba naman ni Liz ‘yung ilang buhok ko. “Kapag
nasaktan ang babies ko, lagot ka sa’kin, Liz.”
“OA much? Buhok lang, eh.” Lumapit siya sa tiyan ko at saka
humarap dito. “Hello, Babies! Huwag sana kayong lumaking tulad ng
Mommy niyo. Slow na, freak pa. Ehehe-ah!! Mas masakit ‘yun, ah!”
Hinila ko rin kasi ‘yung buhok niya.
“Alam mo, Nads, tingin ko dapat umuwi ka na sa inyo. Baka nga
kailangan mo nang magpahinga. Sasamahan na kita pauwi,” biglang
sabi naman ni Chris.
“Well… I know why Chris is in a hurry.” Tumingin kami kay
Sandy. “Sinabi ko kasing makipagkita muna siya sa’tin bago kay Basty
pagkauwi niya ngayon from Laguna.”
Tumayo na si Chris. “Kanina pa siya nagte-text kung nasa’n na raw
ako. Anim na oras na tayong magkakasama. Wala na ‘kong utang sa
inyo. Ano, Nads? Tara na?”
Inayos ko na rin ‘yung bag ko. “Sige, sasabihan ko lang si Gerry na
sa’yo na ‘ko sasabay.” Tumayo na ‘ko. “Bye, girls.”
“What more can I do,” at saka tumayo si Sandy para makipagbeso
sa amin ni Chris. “Ang daming food. Pa’no naman kaya namin ‘to
mauubos—.”
“BWAHAHAHA!”
Nagkatinginan kaming apat. “Mukhang alam niyo na ang sagot,
BITCHES,” sabi ni Liz.

94
V O L U M E F I V E

“Kararating ko lang, tapos paalis na kayo? Ingat kayo, ah? Oh,


Chris, long time no see.”
“Hi, Adrian. Ikaw muna’ng sub sa’min ni Nads. Una na kami, bye.”
Grabe… Kanina pa ‘ko hikab nang hikab. Gusto ko na namang
matulog.
-=-
“You don’t look bothered, Hans,” I asked.
Naglalakad na kami papunta sa meeting hall para sa Board
meeting. Kararating ko lang mula sa private meeting kasama sina Mr.
and Mrs. Liang. I told them my real relationship with Ashley. I asked for
their forgiveness dahil I chose to hide the truth. But as expected, they
didn’t accept my apology. So to show my sincerity, sinabi kong maari
nilang i-withdraw ang approval nila sa business venture na gagawin
ko. Plus, I’ll pay them double of the amount they should have invested
kung sakaling natuloy ang project. Or maybe… they can continue this
deal, and I’ll promise them na hindi na ‘ko ang hahawak sa project
kung saan sila mag-iinvest. Alam kong nasira ko ang tiwala nila sa’kin.
One thing is for sure here…
Kahit ano pang maging desisyon nila, hindi palalagpasin ng board
of directors ang pag by-pass ko sa approval nila tungkol sa mga Liangs.
They will never understand kung bakit ko kailangang ipa-withdraw
ang Liangs sa deal namin. Everything is business. Pero ngayon, hindi
na ‘yan ang mahalaga sa’kin. I have to fix every wrong move that I’ve
done.
Katulad ng inaasahan ni Nadine sa’kin.
I know, somewhere deep in her heart…doubt and fear are still
there dahil sa ginawa ko. Kaya kinausap ko si Dra. Ui and asked for
her advice.
“Oh, Harris. What brings you here? Is there any problem with
Nadine?”
“I’m just… bothered.”

95
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“With what?”
“About Nadine, I’m just clueless kung anong dapat kong gawin this
time. I know that she’s still depressed because of me. Natatakot ako baka
maapektuhan ang health ng mag-ina ko. I don’t know what to do.”
“You know, Harris, coping up with the changes na nangyayari sa
isang first time mom to be is…hard. Mahalagang maramdaman ni
Nadine na secure ang relationship niya sa mga taong nakapaligid sa
kanya, lalong lalo ka na – the twin’s father. What you have to do is to be
with her… always. If you can surprise her everyday just to make her feel
especial and at ease, then do it.”

“I’m not bothered, Sir Harris. I know you’re doing the right thing
this time.”
“You think so?”
“Yes, Sir.”
Huminto kami sa paglalakad nang makarating na kami sa tapat ng
meeting hall. I realized that to gain something better, we often have to
lose something from ourselves.
And now, I’m ready to give up my position than to lose my wife
and my twins.
“Are you ready, Sir Harris?”
“Tss! You bet. I’ve got a lot of things to do after, since I’ll be having
a lot of time now after this.”
-=-
Later…
“Sabihin mo na kasi, Mokong! Isa lang, please!!!!! Sige naaaa?”
“No.”
“Please???”
Nagising ako sa sarili kong boses. Nananaginip ba ‘ko? Unti-unti

96
V O L U M E F I V E

kong iminulat ang mga mata ko. Madilim ang paligid… Nasa’n nga ba
‘ko? Bumangon ako at saka lang naka-adjust ang mga mata ko sa dilim.
Nasa guest room nga pala ako…
Pero ano ‘yung naririnig ko hanggang ngayon?
“I love you, Freak—HEY! You’re taking a video!”
“Waaaaah! Ia-upload ko ‘to sa Facebook!!!”
“Give it back—Freak!!! YOU’RE A FREAKING FREAK – FREAK!”
“HAHAHA! CHEESY!”
Napangiti ako habang nakikinig. Bigla kong naalala kung kailan
ang eksenang ‘yun. Mga college students pa lang kami no’n.
Dala ng curiosity kung saan nanggagaling ang malakas na
tunog, bumangon ako. Kasabay nito, biglang tumunog ang Facebook
notification sa’king cellphone.
Notification: Troy Harris Smith tagged one photo of you.
Napakunot ang noo ko pagkakita sa notif. Sa pagkakaalam ko kasi,
matagal nang inihinto ni Troy ang paggamit ng FB niya. Pero binuksan
ko pa rin ang lampshade sa gilid ng kama at saka tiningnan ang tagged
photo.
“Teka—.” Napatingin ako sa picture ko sa FB na naka-tag sa’kin.
Picture ko habang natutulog kanina. Binasa ko ang caption.
Troy Harris Smith
I must be dead because I’m looking at heaven right now.
Napangisi ako bigla. Saan naman galing ang pagiging cheesy
niyang ‘yan?
Pagkatapos kong titigan ang picture ko, naglakad na ‘ko papunta
sa pintuan para i-check kung nandito na si Troy. Kaso bigla akong
napahinto at naglakad papunta sa may cabinet. Sinilip ko ang nasa
loob nito, may brown trench coat na nakasabit.
“Kanino ‘to?” mahinang sabi ko. Tumunog naman bigla ang

97
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Facebook notification sa cellphone ko na para bang sumagot sa tanong


ko.
Notification: Troy Harris Smith tagged one photo of you.
Naka-tag sa’kin ‘yung picture ng coat na nasa harapan ko ngayon
at may caption na…
Troy Harris Smith
Do you like this coat? If yes, wear it now before you leave. If no,
don’t leave that room, and I’ll buy you a new one.
Ni-like ko ‘yung picture at saka ko isinuot ang coat bago ako
lumabas ng kwarto.
Tanging wall lamp lang ang nagbibigay liwanag sa dinaraanan
ko. Nakita kong may liwanag na nanggagaling sa bukas na pinto ng
kwarto namin ni Troy. Naglakad ako papunta roon. Sumalubong sa’kin
ang dalawang hilera ng Christmas lights na nakasabit mula sa pintuan
hanggang sa terrace. Parang magkabilang hawakan sa isang tulay ang
dalawang puting Christmas lights na ito.
May mga pictures naming dalawa na nakasipit sa Christmas lights.
Pictures simula noong college students pa lang kami, mga outings,
basketball game ng RD, engagement party, graduation, at wedding
naming dalawa. Napangiti ako habang isa-isa kong tinitingnan ang
mga ito. Libo-libong alaala ang nagbalik sa isipan ko.
Malapit na ‘kong humakbang palabas sa terrace, nang bigla na
namang tumunog ang Facebook notification sa cellphone ko.
Notification:Troy Harris Smith tagged one photo of you.
At kung anong eksaktong nakikita ko ngayon dito sa loob ng
kwarto namin, ‘yun din ang naka-tag na picture sa’kin.
Troy Harris Smith
I have an incredible life with you, and for that, let me express how
grateful I am. But I know, I can’t turn back the hands of time…back
when everything seems so perfect for us.

98
V O L U M E F I V E

Biglang namatay ang ilaw ng Christmas lights. Pero kasunod nito,


mas naaninag ko ang liwanag na nagmumula sa labas ng terrace namin.
Hinawi ko ang kurtina na nakaharang sa sliding door na papuntang
terrace, at doon ko nakita ang dalawang kuna ng baby na pinaiilawan
ng standing lamp shade. Nang makita ko ang dalawang crib na iyon,
kusa na lang na tumulo ang aking mga luha. Napahawak ako sa tiyan
ko at pilit na dinadama ang dalawang buhay na dala-dala ko kahit
hindi pa gano’n kalaki ang tiyan ko.
Mayamaya, may dumating na namang notification mula sa
Facebook.
Notification:Troy Harris Smith tagged one photo of you.
Naka-tag sa’kin ang picture ng dalawang kuna na nakikita ko
ngayon.
Troy Harris Smith
But yes, I am looking forward to our next endeavour as parents.
Lumabas ako ng terrace at naglakad papunta sa dalawang kuna ng
baby. Naglaro bigla sa isipan ko ang itsura ng kambal habang nakahiga
sila rito. At noong mga oras na iyon, tatawagin ko na sana ang pangalan
ni Troy dahil gusto ko na siyang makita. Pero naagaw ng isang white
screen na naka-set up sa garden ang aking atensyon.
Ah… Dito galing ‘yung naririnig kong boses pagkagising ko
kanina.
Biglang nag-flash dito ‘yung video ng kasal namin. Sa parte na
sinasabi namin ‘yung mga pangako namin sa isa’t-isa.
“Para sa pinaka-Mokong na lalaking nakilala ko sa buong buhay
ko, si Troy. Ako na nga siguro ang pinakadesperadang babae sa mundo
na gumamit ng picture mo…para gawing Facebook Boyfriend ko. It
may sound foolish, childish, and selfish… Pero para sa akin, ito ang
pinakamagandang idea na ibinigay sa’kin ni Lord para matagpuan ang
taong mamahalin ko hanggang sa aking huling hininga.
Wala akong alam sa love nang makilala kita. Ang alam ko lang, ang

99
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

macho-macho mo, ang bango-bango, at isa kang supladong inglesero.


Napakababaw ng dahilan ko nang magustuhan kita. Pero alam ko sa
sarili ko na minahal kita, hindi dahil do’n, kung hindi dahil nang makita
ko ang pagiging caring, masipag, magalang, matapang at ang respeto mo
sa’kin at sa mga magulang ko. Ikaw ang nagtulak sa’king mas maniwala
kay Lord sa bawat araw na pagsasamahan nating dalawa.
Ang tingin ng karamihan sa’yo ay perfect at ideal, hindi nila alam na
napakarami mong imperfections tulad ko. Pero salamat, dahil hindi ka
natakot na itama ko ang bawat pagkakamali mo. Salamat, at tinuruan
mo ‘kong h’wag matakot magkamali dahil sa buhay kong ‘to… May isang
tulad mo na alam kong aalalay din sa’kin tulad ng ginagawa ko para
sa’yo. It’s not just about the give and take in our relationship that brought
us here now, but it’s the mutual love and respect for each other that we
want to continue after this day.
At ngayong papasok tayo sa panibagong journey nating dalawa,
bilang mag-asawa, asahan mong mas titindi ang pagmamahal ko sa’yo
kahit na mas tumindi rin ang problemang kahaharapin natin. I will
commit myself to you forever until the day we grow old and die. You will
be the last guy I will honor after my father.
And the last man I will dearly love after my son is you.
May the Lord Jesus Christ be the center of our lives.
I love you, Troy Harris Smith.”

“Pasaway ka…” mahinang sabi ko habang nakatingin pa rin sa


screen. Patuloy kong pinupunasan ngayon ang mga luhang hindi ko
na kayang pigilan. “Pasawa—.” Napahinto ako nang muling tumunog
ang cellphone ko, panibagong Facebook notification na naman.
Notification: Troy Harris Smith tagged one photo of you.
Litrato ‘yun na kanina lang kinunan habang nakatingin ako sa
screen.
Troy Harris Smith

100
V O L U M E F I V E

Can someone call God and tell Him that one of His angels is
missing? I’m looking at her right now.
At bigla-bigla na lang akong napatingin muli sa may garden ng
may marinig akong tunog ng gitara. Iyon na ang oras kung saan ko
siya nakita… Habang pinapatugtog ang gitara niya, diretso siyang
nakatingin sa’kin na para bang hindi na ‘ko pwedeng kumawala sa mga
titig niya sa’kin.
Hindi ko na rin naitago ang mga ngiti sa labi ko habang nakatingin
ako sa kanya, at gano’n rin siya. Hanggang sa mag-umpisa na siyang
kumanta…
When your legs don’t work like they used to before
And I can’t sweep you off of your feet
Will your mouth still remember the taste of my love?
Will your eyes still smile from your cheeks?

And, darling, I will be loving you ‘til we’re 70


And, baby, my heart could still fall as hard at 23
And I’m thinking ‘bout how people fall in love in mysterious ways
Maybe just the touch of a hand
Well, me—I fall in love with you every single day
And I just wanna tell you I am
Naalala ko ‘yung valentines day, nang kantahan niya ‘ko sa buong
university. Ang akala ko… nakalimutan na niya ‘yung mga ganitong
bagay. At hindi pa rin nagbabago ang boses niya. Ang malalim at
malamig na boses ng Mokong ko….
So honey now
Take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Place your head on my beating heart
I’m thinking out loud
That maybe we found love right where we are
Pagkatapos niyang kumanta, ibinaba niya ‘yung gamit niyang
gitara sa lapag at saka naglakad papunta sa…

101
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Troy! Baka naman mahulog ka d’yan!?” saway ko nang makita


kong paakyat na siya sa ladder papunta rito sa terrace na kinatatayuan
ko.
“I’m used to this…” Tumingin siya sa’kin at ngumiti. “Remember—
AH—great!”
“Troy! Ano ka ba?!” nag-aalalang sabi ko nang muntikan na siyang
madulas sa paghakbang niya.
At nang makasampa na siya sa terrace, nakahinga na ‘ko ng
maluwag. Lumakad siya palapit sa’kin at inabot ang magkabila kong
kamay. Inilapit niya ‘to sa bibig niya at saka hinalikan bago hinipan
gamit ang mainit niyang hininga.
“Nilalamig ka na…” sabi niya habang paulit-ulit na hinahalikan at
hinihipan ang mga kamay ko.
Ngumiti ako at saka sinabing, “Compared sa’yo na nag-ayos ng
lahat ng ‘to? Wala ‘to—.” Napatigil ako sa pagsasalita nang dahan-
dahang niya ‘kong niyakap.
“Did you listen carefully to your marriage vow during our
wedding?” mahinang tanong niya sa’kin na halos bumubulong na lang
sa tenga ko.
“Oo,” sagot ko at saka ako yumakap sa kanya ng mahigpit.
“Nadine… I know, you don’t want to hear this again from me, but
I will say it once more… I am sorry.”
“Okay, okay…”
“And now… I’ll say thank you. Thank you for being true to your
words. For staying with me despite of my imperfections. That’s why
tonight… I want to renew my vows to you.”
“To you, my dearest wife. Salamat…for bringing the best in me, for
showing me how it feels to be loved, commited, and honoured. Salamat
dahil dumating ka sa buhay ko, a life that I can’t imagine without you.
Though we’ve met in the most unrealistic way of finding true love, we
have proved them that what we feel for each other is real and infinite.

102
V O L U M E F I V E

You’ve brought joy and peace in my life. My life would not be perfect,
but it is blessed because of you.”
Naramdaman ko ang paghigpit ng mga yakap niya habang
ibinubulong ang, “Oh God, thank you...”
Pinawi ng gabing ito ang lahat ng aking pag-aalala nitong mga
huling araw.
Mayamaya pa, bigla akong nakarinig ng kanta mula sa speaker na
nasa garden.
“Teka…” bigla akong kumawala sa pagkakayakap niya. Tiningnan
ko siya at saka sinabing, “Kung nandito ka…sinong nagpatugtog sa
baba ng music?”
“Tss! It’s Rose.”
Natawa ako bigla. “Kaya pala parang ‘di siya mapakali nang
tawagan ko kanina bago umuwi.”
“Why? You didn’t like it?”
“As if…” Parehas kaming napangisi. “Nagpatulong ka ba ulit kina
Adrian sa surprise mong ‘to, ah?”
“I didn’t. Ako lahat ang gumawa nito, Freak.”
“Pabigla-bigla ka naman. Mamaya…may ginawa ka na namang
kalokohan diyan sa kumpanya kaya—” at hinalikan niya ‘ko bigla sa
labi ko.
“Ssshh… We can talk about that later.” Habang sinasabi niya ‘yun
ay dahan-dahan na rin niya akong ikinukulong sa kanyang mga braso.
“Teka?! Ibig sabihin—.” Okay, sabi ko nga at tumahimik na ‘ko.
Pero—.
“Freak?! Don’t freak out, okay? Let’s just…enjoy this night.” Inabot
niya ang dalawang braso ko at ipinatong iyon sa magkabilang balikat
niya. At hindi rin nagtagal ay parehas na kaming nadala sa music na
aming naririnig.
Have I told you lately that I love you

103
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Have I told you there’s no one else above you


Fill my heart with gladness
take away all my sadness
ease my troubles that’s what you do
There’s a love that’s divine
and it’s yours and it’s mine like the sun
And at the end of the day
we should give thanks and pray
to the one, to the one…
Unti-unting gumalaw ang mga paa namin na parang nagsasayaw
sa sarili naming awitin.
“Freak…” tawag niya habang nakalapit ang pisngi ko sa dibdib
niya.
“Hmm?”
“I can’t promise anything to you… all I can assure you of is I will
always be there to listen. Promise me that you’ll be here everytime I
need you ‘coz I’ll do the same.”
“Syempre…Pipingutin kita kapag hindi ka nakinig sa’kin.
Ipapaalala ko ang gabing ‘to sa’yo,” sabi ko. Napangiti na lang ako nang
maramdaman kong hinalikan niya ang ulunan ko.
Pagkatapos no’n ay kumain kaming dalawa. Nagpa-deliver siya sa
McDonalds tulad ng dati nung mga estudyante pa lang kami. Ngayon
lang uli ako nakakain nito dahil iniiwasan ko ngayong buntis ako.
Nakakatawa pa nga dahil parehas kaming maraming nakain. Hindi pa
rin daw siya kumakain.
At natapos ang gabi namin habang nakahiga sa kama at tinitingnan
‘yung mga pictures naming nakasabit kanina sa Christmas lights. Patay
pa rin ang ilaw at tanging Christmas lights lang ang nagliliwanag sa
kwarto.
Natuwa rin kami sa mga comment sa posts ni Mokong sa FB. At
nangunguna sa mga comments na ‘yun ay si Adrian…

104
V O L U M E F I V E

Notification: Paul Adrian Villafuerte commented on a photo you


are tagged in.
Paul Adrian Villafuerte
BWAHAHAHAHAHAHAHA! Dami kong tawa, mga 1million!
Ang tames!!!! Congrats, Captain! Hindi mo na kailangan ang tulong
ng henyong ‘to!
Luke Matthew Sandoval
^ASA KA!!!! LIWBA! Pero Troy… AHAHAHAHA! Dami ko
ring tawa! Mga 2 million! Cheesy, pre! Naks! Labyu! Pa-hug nga!
AHAHAHA!
Neil Sebastian Montiel
;) Nice, Cap!
Blake Evangelista
=___= zZZZZZZzzzz
Hindi magkamayaw ang RD team sa post ni Mokong. Puro
buntong hininga na nga lang ang naging sagot ni Mokong dito sa tabi
ko habang tinitingnan namin ang mga comment nila. Puro raw kasi
mga isip-bata pa rin ang team niya.
Lumipas pa ang ilang oras at parehas na kaming nakaramdam ng
antok.
“Freak?” tawag niya habang nakaupo kami sa kama namin at
nakatingin lang sa mga pictures. “You’re staying here tonight… And
also, the next night after this night… Forever, I guess?”
Tumingin ako sa kanya habang siya naman ay nakatingin lang sa
hawak niyang picture namin nung graduation niya. “Is that an order,
or a request?” tanong ko.
“Both,” sabay tingin sa’kin at hagis ng picture sa ere. Tumingin siya
sa’kin at saka ako binuhat na parang bagong kasal. “You don’t know
how gloomy it was to sleep here alone.”
Habang buhat niya ako ay naglakad na siya sa ibabaw ng kama

105
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

namin. “As if na hindi ka pumupuslit sa guest room para tumabi


sa’kin?”
“Yeah, yeah, I know.” At saka niya ‘ko inihiga ng dahan-dahan.
Habang nakatitig sa’kin, “And one thing I’ve learned after our fight?”
He kissed the tip of my nose at saka sinabing, “I should lock the guest
rooms and we should spend the night here together, by hook or by
crook.”
“By hook of by crook, uh?” nakangiting sabi ko.
“Yeah…” mapang-akit na sagot niya. “By all means.”
-=-
Natutulog pa si Freak nang umalis ako nang maaga sa bahay.
Hihintayin ko sana siyang magising bago ako umalis pero kailangan ko
nang tapusin ang mga unfinished business ko. I’m done with the first
part, gracing an article interview regarding my sudden resignation. At
ngayon, kailangan ko namang kausapin ang taong hindi ko na dapat
kinausap noong una pa lang.
“I’m happy that you called me. So…what are we going to talk
about now, Troy?”
“None.”
“None?”
“I’ll do the talking this time. All you need to do is to listen very
carefully.” She didn’t say anything, and she seems amused to what I
said. “I don’t want you to get any closer to Nadine.”
“Well, I don’t intend to meet her again this time—.”
“I’m not done talking, yet.”
“Fine,” she sneered.
“To get any closer means…no connection at all, Ashley. And it’s
because I’ve found out that you went to our house and you lied to my
wife. Fortunately, I’m still keeping my temper but if, and only if, I find
out that you’re still in touch with my wife? I’ll do everything to deal

106
V O L U M E F I V E

with you in court. My advice? Let’s part on good terms while we can.”
She didn’t say anything so I took that as a yes from her. But no, I
was wrong.
“That’s it? That’s it, uh?!” she asked. Annoyance and distress were
written all over her face. “After everything I’ve done for you? To your
company?”
“Ashley, don’t act as if we had a relationship, ‘coz we didn’t. All we
had is a foolish deal that could possibly ruin our lives if I didn’t stop
right away. That deal is pure business, I hope you can accept it easily
that way. You still have a life to live, Ashley. Don’t settle for less.”
“But Troy, I can do better than her. You see? I can help you. I still
got connections in business. You don’t need her because I can also give
you a child.” She reached out my hand and held it firm. She’s looking
at me with her pleading eyes. “Please, Troy. I don’t want to be alone. Be
with me, and leave her! Everyone’s leaving me. They’re stupid! I hate
them! That’s why I was so happy when I finally got in touch with you
again. This must be our chance, right? I don’t care about them at all.
Please, Troy!”
At that moment, I felt responsible for what she feels. But then…I
realized that I don’t need to accept the blame or try to fix things for her
when I know I’ve done nothing wrong.
She must realized that in order to be happy, she has to take the
risk and make different choices. Life doesn’t come with a manual. She
can’t always expect someone to save her when she’s miserable. The only
person who can help her is herself. ‘Coz if she won’t learn how to accept
the consequences of her actions, she’ll end up blaming others…forever.
“Ashley, you’re a smart woman. You said you still got your
connections? Then use them to have a peaceful life. I know your Dad
will be proud and happy if he knows that you’re moving on even
without him. You can do better than this. You’re one of the bravest
women I know.” I took my hands away from hers before I stood up.
“I’ve told you everything I wanted to say. I have to leave.”

107
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Nang maglakad ako palabas ng pintuan, hindi na ‘ko nakarinig ng


kahit ano mula sa kanya. I’m not sure if she took my advice but I’m still
hoping for the best.
Papunta na ‘ko ng carpark nang tumawag si Hans.
“Yes, Hans.”
“The Board of Directors called for an urgent meeting. They need you
to be here.”
“What for?” I started the car engine. “I’ve already given them my
resignation letter just like what the majority wants me to do, right? I
have nothing to do with them anymore aside from the amount that
they need to transfer in my account in compensation for all the work
I’ve done for the company. Tss!” I shook my head in disgust. It’s not that
I regret my resignation, it’s just I’m thinking how am I gonna explain
this to Freak later.
“The Liang’s…”
“What about the Liang’s? I’ve settled everything to them. I will
transfer the amount they expect me to—”
“Pinabulaanan po ng mga Liang’s ang sinabing panlililang niyo sa
kumpanya, Sir Harris. Gusto nilang ikaw pa rin, Sir, ang nasa posisyon
kung sakaling ituloy nilang muli ang pag-iinvest at business venture sa
kumpanya. Sinabi rin po ng iba nating investors sa Board na kung hindi
pagbibigyan ang gusto ng Liang’s, they might withdraw their investments
to the company. That’s why… they took hold of your resignation.”
“Then…”
“Then you have to report in the company today… as in now, Sir
Harris.”
-=-
“Ma’am… Ayos ka lang po?” tanong ni Rose.
Tumingin ako sa kanya. “Gusto ko ulit matulog…pero katutulog
ko lang—Aaahhh…” Napahikab na naman ako.

108
V O L U M E F I V E

“Ganyan daw po talaga kapag buntis, eh. Kumain po muna kayo,


Ma’am, para naman ganahan kayong gumalaw-galaw.”
“Sige… Nakakain ba si Troy ng agahan bago umalis?” tanong ko
habang inilalapit na sa’kin ni Rose ‘yung mga pagkain.
“Ah… Nagkape lang po si, Sir. Dun na lang daw po siya kakain sa
sa pupuntahan niya.”
“Aaahhh…” paghihikab ko na naman. “Hindi ko naayos ‘yung
isusuot niya sa trabaho. Ginabi na kami ng tulog.” Narinig kong
ngumisi si Rose kaya parang natauhan ako sa sinabi ko. Tiningnan ko
si Rose. “Kalimutan mo na ‘yung huli kong sinabi, Rose.”
“Opo, Ma’am.”
“Kumain ka na ba? Sabayan mo na ‘ko.”
“Sige po, salamat.”
Kumakain na kami nang magbasa ako ng dyaryo. Ngayon lang
din ako nahillig magbasa ng dyaryo simula nang ikasal kami ni Troy.
Hindi kasi namin karaniwang pinag-uusapan ang tungkol sa trabaho
niya noon kaya nagbabasa na lang akong ng dyaryo. May ilang articles
kasi rito na patungkol sa kumpanya.
“Samahan mo ‘ko Rose mamaya sa mall. Bibili lang ako ng—.”
Napahinto ako nang mahagip ng mga mata ko ‘yung isa sa mga
balita sa business section.
SCAEC (Smith Construction And Engineering Corporation) CEO
Resigns Over a ‘Serious Breach of Conduct’
Troy Harris Smith, the chief executive and president of SCAEC
since 2012, has resigned ‘at his own request’ after failing to tell the board
about a business deal withdrawal meeting he had with the Japan’s leading
investor and chief executive of the world’s biggest builders, Mr. Daiki
Liang.
“Teka… Anong… Anong ibig sabihin nito?” hindi ko
makapaniwalang tanong sa sarili habang nakatingin sa dyaryo. “Kailan

109
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

pa ‘tong dyaryo na ‘to?!” at saka ko hinanap ang date.


“Ngayon lang po ‘yan, Ma’am. Bakit po? Ano pong problema?”
Sinubukan kong tawagan si Mokong pero pinapatay niya ang calls
ko. Napakunot ang noo ko nang maka-limang tawag ako at gano’n pa
rin ang ginagawa niya. Teka!? Itatago niya ba ‘to sa’kin?!
Napatayo ako ng wala sa oras. Tumingin ako kay Rose. “Rose,
tawagan mo si Gerry, may pupuntahan kamo ako. Emergency, bilis!”
Nagmamadali akong nag-ayos ng sarili, at nagmamadaling
pumunta sa garahe pagkatapos. Habang nasa daan, sinubukan ko
siyang tawagan uli pero pinapatay pa rin niya kaya nag-text na ‘ko sa
kanya.
MESSAGE SENT TO MOKONG 1/3
:Kapag hindi mo sinagot ‘to, ila-lock ko ang kwarto natin at sa
labas kita patutulugin.
At ilang segundo lang ang nakalipas…
MESSAGE RECEIVED FROM MOKONG 1/8
: I’m in a meeting right now. I’ll call you as soon as this meeting
ends, okay? PS. Don’t lock the door.
Tss! Kapag usapang kwarto, ang bilis niya talagang sumagot.
Pero hindi, kailangan ko siyang kausapin kaagad tungkol rito.
Okay, hindi man ako sigurado kung ano ‘yung “Breach of Conduct”
na sinasabi nila…ang alam ko lang ay simula nang maging CEO si
Mokong, wala akong nabalitaang bumaba ang stocks ng kumpanya,
laging pataas pa nga. Aba! Aba!
Pagkarating ko sa building, dire-diretso ako ng pumasok.
Sinalubong naman ako kaagad ng mga staff at security. Hindi sila
masyadong nagsasalita, nararamdaman siguro nila ang madilim kong
aura. Habang naglalakad papunta sa elevator, nasalubong ko ‘yung
mga pamilyar na mukha ng mga Board of Directors ng company.
Sinimangutan ko silang lahat kahit na nginitian nila ‘ko. Hindi ko rin

110
V O L U M E F I V E

alam kung bakit nangingibabaw ngayon ang inis na nararamdaman


ko.
Pagkabukas ng elevator, sumalubong sa’kin ang iba pang board of
directors na pamilyar sa’kin. Binati nila ‘ko pero hindi ako sumagot.
Sa halip ay pinukulan ko lang sila ng seryosong tingin. Naglakad ako
papunta sa meeting hall at saktong nakita ko si Troy na palabas doon.
“Oh, it’s Mrs. Smith,” narinig kong sabi nung lalaking kasama ni
Troy na lumabas.
Lumingon sina Troy at Hans sa direksyon ko at halatang nagulat
sila parehas sa arrival ko. Pagkarating ko sa tabi nila…
“Mrs. Smith, it’s nice to see you here. First, I want to congratulate
you and your husband for your twins.”
“Tss!” iling ko na ikinagulat naman nina Mokong. Bakit ba?! Sila
nga ‘tong dahilan bakit siya nag-resign tapos babati-bati sila?
“Ah… and I’m happy that—.”
“Happy? After all these years na laging gabi umuuwi si Troy
kakatrabaho eh hahayaan niyo lang siyang mag-resign!? Bakit
naman—uhmmm!” Bigla akong napahinto sa pagsasalita nang takpan
ni Mokong ang bibig ko gamit ang isa niyang kamay. Tumingin ako sa
kanya habang siya naman, nakatingin lang sa lalaking kausap ko.
“Ah… she probably took the wrong pill this morning. She’s just so
excited—.”
“Excited?! Ano—Uhmm!” Pilit kong inaalis ‘yung kamay niya sa
bibig ko.
“My wife was occupied with a lot of things these past few weeks,
you know?”
Tumawa naman ‘tong lalaking ito. “I know, my wife used to be
like that when she was —,” napahinto siya nang tiningnan ko siya ng
masama. “I mean… I should leave first, Mr. and Mrs. Smith. I bid you
Godspeed.” Tumango siya sa’min at naglakad na paalis.

111
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Inalis naman ni Mokong ang kamay niya sa bibig ko at saka


humarap kay Hans.
“You can leave us now. Bring the security team with you, and wait
for us in the next floor.”
“Yes, Sir Harris. See you, Mrs. Smith.”
At nang makaalis na si Hans, hinawakan ni Mokong ang kamay ko
at saka niya ‘ko bahagyang hinila papasok ng meeting hall. Wala nang
ibang tao roon bukod sa aming dalawa.
“Bakit mo tinakpan ‘yung bibig ko kanina? Alam mo bang inis na
inis ako kasi—.”
“I can see that,” sabi niya habang nakangiti at nag-crossed arms
pa.
“Bakit parang ‘di mo ‘ko sineseryoso?”
“I’m being serious here, Mrs. Smith.”
“Eh, bakit hindi mo sinabi sa’kin ang tungkol dito?! Napatawad na
naman kita sa ginawa mo, bakit kailangan mo pang mag-resign?! At
hinayaan ka naman nila.” Nangingiyak ako ngayon habang nagsasalita.
“Para tuloy ako ‘yung dahilan—.”
Ibinaba ni Mokong ang mga braso niya at saka sinabing, “yes,
you’re the prime reason why I chose to resign, dahil mas importante
ka sa’kin kaysa sa posisyon ko. If retaining my position meant I’ll lose
you, then I’d rather lose it. I can always find a business to start with,
but I can’t find another you. Hindi ko lang nasabi kagabi dahil ayokong
sirain ang magandang momentum natin.”
“Nakakainis ka. Kahit na… pinaghirapan mo rin kaya ‘to. Kung
nag-initiate siguro akong makipag-usap sa’yo—.”
“You want to talk about it? Then I’ll give you a sweet talk, Mrs.
Smith.”
Pagkasabi niya no’n ay bigla niyang hinawakan ang magkabila
kong pisngi sabay halik sa mga labi ko. Mapapakapit na sana ako sa

112
V O L U M E F I V E

suot niyang polo nang biglang may kumatok.


“T-TROY!” sabi ko pagkahampas ko sa dibdib niya. Ayaw kasi
niyang magpapigil kahit na aware naman siyang may kumkatok nga.
“Ano ka ba? May tao sa labas.”
“Doesn’t matter.”
“Mokong ka talaga.” Binuksan ko ‘yung pinto.
“Ay, nako! Sina Mr. and Mrs. Smith po pala. Kala ko kasi kung
sino na…” nangingiting sabi ni Tatay taga-linis. Nakakahiya naman…
“Maglilinis lang po sana ako sa loob. Tapos na po ba—.”
“Kayo talaga, Manong.”
“Kayo naman, Ma’am. Tatanungin ko lang kung tapos na ba ‘yung
meeting.”
“Tss! It’s already done.” Hinawakan ni Mokong ang kamay ko at
naglakad na kami palabas.

“Teka, maalala ko. Eh, pa’no na? E di tanggal ka na? Wala ka nang
trabaho? House husband ka na? Tapos—.”
“Don’t freak out, I’m still the Chief Executive and President. So
stop—.”
“Talaga?! Totoo ba ‘yan?! Grabe… akala ko mapapagsuot na kita
ng apron sa bahay araw-araw para maghugas ng mga plato.”
“Stop it now, Freak. You should rest from talking. Baka ma-stress
ang babies natin.”
“Naaalala ko tuloy ‘yung mga mukha ng mga nakasalubong ko—.”
“You’re gonna stop talking, or I’ll kiss you in this elevator?” banta
niya nang sumakay na kami ng elevator.
Gusto ko lang siyang inisin kaya itinuloy ko pa rin ang pagsasalita.
“Grabe, kaya pala sila—.” Kaso napahinto ako nang biglang
huminto sa kasunod na floor ang elevator at sumakay ang security

113
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

team kasama si Hans.


Tumingin sa’kin si Mokong. “Why did you stop?” nangingiting
tanong niya.
“Che,” mahinang sagot ko. Pasaway ‘to.

Magkahawak ang mga kamay namin ni Mokong nang lumabas


kami ng building. Sinalubong naman kami ng driver na maghahatid
sa amin pauwi. Sabi ni Mokong, uuwi raw muna siya dahil may
kukunin siyang mga documents sa bahay. Papasok na sana ako sa loob
ng sasakyan nang bigla akong kilabutan sa ‘di ko maipaliwanag na
dahilan. Napatingin ako sa paligid…
“Hey, are you okay?” tanong ni Mokong.
“Huh?” Napatingin ako sa kanya. “Wala naman.”
-=-
I hate her…
I honestly hate her.
She ruined everything since the day she came into the picture.
I should have been in her place, in his arms, in that car, in their
house kung wala lang siya. Hindi siya dapat ang sinasalubong sa
building na ‘yan at tinatawag na Mrs. Smith. That’s my place, not hers!
Hindi ako mabalikan ni Troy dahil sa babaeng ‘yan. That girl is the
reason why I’m as miserable as hell right now. She must be gone… Out
of my sight… Out of his sight…
Forever…
-=-
After 4 months…
Lumipas pa ang apat na buwan at mas matinding pagbabago na
ang mga naramdaman ko. Kasabay nang pagbabago sa’king sleeping
patterns, mas naging mabigat na rin ang pakiramdam ko. Tulog sa

114
V O L U M E F I V E

umaga, at gising naman karaniwan sa hating gabi. Pero hindi lang din
ako ang nahihirapan sa mga pagbabagong ‘to, si Mokong din.
“Mokong…” tawag ko habang inuuyog siya sa pagkakahiga niya.
“Mokong…”
Yumakap siya sa’kin mula sa likuran ko. “Uhm? Something
wrong?” Inaantok na sagot niya.
“Mokong… nagugutom ako.”
Napabangon siya bigla at saka sinabing, “na naman, Freak?
Kanina ginising mo rin ako at pinagluto ng adobo.” Oo, tama nga siya.
Siya ang pinagluto ko, at hindi si Rose na tulog na. Pinagtingin ko siya
sa Google kung pa’no magluto no’n. “Tapos tumikim ka lang naman.
Freak, I think…it’s all psychological. You’re not hungy anymore. And
besides… it’s almost three in the morning.”
“Hindi… Nagugutom na talaga ako ngayon, Mokong. Bilhan mo
nga ‘ko ng halo-halo.”
“Halo-halo? Are you sure about that?”
“Eh, kasi… Kasi…nagugutom talaga ako, kami ng mga babies.”
Nga pala… My recent ultrasound revealed that we’re having
fraternal twins.
“Sshh…” saway niya habang hinihimas ang ulunan ko para
pakalmahin ako. “Okay, maghahanap ako. I’ll see what I can do.
Gigisingin ko si Rose para bantayan ka rito.”
“Eh… Sumama na lang kaya ako?”
“No, hindi pwede,” seryosong sabi niya. “Sige na, hintayin mo na
lang ako.”
Hinalikan niya ang noo ko bago siya umalis.
-=-
I’m home, again. Dahil imposibleng makahanap ako ng
tindahan ng halo-halo sa daan, I’ve decided na bumili na lang
pwedeng gawing halo-halo sa convenient store. I think, this will

115
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

do. Last night, she asked me for litson at exactly four in the morning,
Durian at two-thirty, santol at five, and the list goes on.
Sa una, ang akala ko hindi ko makakayanan ang araw-araw na
pag-request ni Freak ng iba-ibang pagkain tuwing hating gabi, but I’m
wrong. Habang tumatagal, kahit mahirap, I find these things amusing.
That helps me to slowly accept the fact that we’ll be having a baby. At
gano’n rin si Freak, she’s trying all her best to accept positively her child
bearing.
Her pregnancy is not easy. Kailangan naming magtulungan. And I
have more patient and extra caring for her.
At tulad nga ng sinasabi ko…
Kararating ko lang ng bahay at nang puntahan ko si Freak sa
kwarto namin, mahimbing na siyang natutulog. I guess…makakabawi
na ako ng tulog tonight.
“Rose, pakitago mo na lang muna ‘yung mga pinamili ko na nasa
kitchen. You can rest after that.”
Early in the morning…
I’m trying to ignore her tears that are on the verge of falling while
I’m doing the final touch of my tie. Lagi siyang umiiyak kapag umaalis
ako ng bahay para pumasok sa opisina.
“Mokong…aalis ka na ba talaga? Pwede bang i-extend mo pa
‘yung leave mo?” her voice was shaking a bit when she said that while
she’s sitting on our bed.
Just like what I said, she wants me to stay home.
“Freak,” sabi ko habang lumalapit ako sa kanya. “Trust me, I want
to stay home but I really have to report in the office now. Don’t worry,
kinausap ko na si Mom para samahan ka muna rito sa bahay. And
besides, uuwi naman ako ng maaga. Habang wala ako, isipin mo kung
anong gusto mong ipabili sa’kin. Okay?”
Nagbuntong hininga siya at saka sumagot sa’kin ng “sige.”

116
V O L U M E F I V E

Afterwards, bumaba na rin kami. Pinaayos ko na rin kay Hans ang


meeting ko this morning. Nagpa-late na ‘ko dahil ayokong umalis ng
bahay na alam kong sasama ang loob ni Freak, though alam kong dala
lang ‘yun ng pagiging emotional niya dahil buntis siya.
“Alis na ‘ko, Freak.” I said. Nandito na kami sa pintuan at mahigpit
ang pagkakahawak niya sa kanang kamay ko.
“Uwi ka agad, ah? Mokong, ah?” And here she goes again.
Nangingigyak-ngiyak na naman.
I brushed away the tears on her cheeks. “Freak, uuwi ako kaagad,
I promise.”
“Okay…” I know she’s not okay with it, but I really have to leave.
So I just gave her a kiss.
Nakarating na ‘ko sa opisina nang walang ibang nasa isip kundi si
Freak. Hindi ko maiwasang h’wag mag-alala sa pagbubuntis niya lalo
na’t kelan lang naging stable uli ang condition niya matapos niyang
mag-spotting nitong nakaraan. Kung pwede nga lang na sa bahay na
lang ako magtrabaho, I’ll do it. Pero alam kong imposible ‘yun.
Ilang oras ang nakalipas nang makatanggap ako ng tawag mula
kay Mom.
“Yes, Mom.”
“Si Nadine, bigla siyang dinugo habang nasa restaurant kami.
Malapit na kami sa ospital ngayon. Sa may St. Dominic Hospital.
Pumunta ka na rito, at mag-iingat ka sa daan, anak.”
“Oh, God!”
Bigla kong naibaba ang phone at saka tumakbo palabas ng opisina.
At habang tumatakbo papuntang elevator, I kept praying na sana
walang nangyaring masama sa mag-ina ko.
Nang makarating ako sa ospital na pinagsuguran kay Freak,
sinalubong ako ni Dra. Ui na naunang pumunta sa’kin doon. Sinabi
niya kaagad sa’kin na nasa ayos na sila ngayon at hindi ko na kailangang
mag-alala. Pero ilang oras pa ang lumipas bago tuluyang kumalma ang

117
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

dibdib ko.
“Troy, according to the result of the examination they did to
Nadine… She was poisoned. And no, it’s not just a typical food
poisoning. The result shows na may nainom siyang medication na
hindi para sa kanya. We’re still waiting for the results of the further
tests we’ve conducted to her. We’re lucky, mukhang kaunti lang ang
na-intake ni Nadine kaya the twins are still safe. According to your
Mom, kumakain sila sa restaurant when suddenly, nag-umpisa nang
mag-bleed ang asawa mo. I hope you don’t mind na inutusan ko si
Hans na magsagawa ng investigation sa restaurant na kinainan nina
Nadine today. We have to be quick, because if my hunch is right that
this was intentional, then we have to take this legally.”
Natapos ang pag-uusap namin ni Dra. Ui pero hindi ako
makapaniwalang may gagawa nito kay Freak kung tama man ang
hinala ni doktora. My hands were still shaking when she left. Kung
sino man ang nasa likod nito, they can take everything away from me,
but not my tiwns and my wife.
-=-

118
V O L U M E F I V E

Chapter 37: A Mother’s cry….


What’s on your mind? > “Man, rememeber that women is
suffering the pain 1 million times than men…” – Mr. Anonymous

Hala… Ang daming lumilipad na litson! Nakakagutom naman…


Kaso saan galing ‘yan? h’wag mong sabihing wala na ‘ko sa mundo at…
NO! Hindi pwedeng mamatay ako dahil ibig sabihin no’n, pati mga
babies ko ay wala na rin. Hindi ko pa nga sila nakikita—.
“Freak? Freak…”
Si Mokong! Nandito si Mokong pero hindi ko siya makita, nasa’n
siya?
“Hey, Freak.”
Bakit ba kasi hindi ko siya—Anong?! Teka… Nasa’n… Nasa’n
sila??! Bakit wala na sila sa tiyan ko??!
“Freak, wake up!”
Biglang lumiwanag ang paligid. Muli kong isinara ang mga mata
ko.
“Hey, Freak. Drink this first…”
Muli kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko si Mokong na
nakasuot pa ang long sleeves niyang pang-opisina.
“Nanghihina ako… Hindi ako makabangon,” sabi ko.
“Ah, yeah. I’m sorry.” Dali-dali niyang ibinaba ang hawak niyang
baso at tinulungan akong makabangon. Nilagyan niya rin ng straw ang
baso bago ako pinainom. “Here, drink.” Nagpaalam siya sandali para

119
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

lumabas, ipapaalam lang daw niya sa nurses station na nagising na ‘ko.


Pagkabalik naman niya….
“Freak, they—hey. What’s wrong?”
Lumapit siya sa’kin. Nadatnan niya ‘kong hinihimas ang tiyan ko
habang umiiyak.
“Akala ko…wala na sila.”
Naaalala ko na kung anong nangyari. Kumakain kami sa
restaurant nang bigla akong duguin. Hindi ko maipaliwanag ang takot
na naramdaman ko nang nakita ko ‘yung dugo.
Tumabi sa’kin sa kama si Mokong at hinawakan rin niya ang tiyan
ko.
“Yeah, they’re still here. Mukhang malakas at matapang ang
magiging panganay natin, Freak. Malakas ang kapit niya sa’yo kaya
hindi sila nawala ng kakambal niya.”
“Ano raw bang nangyari? ‘Di ba sabi ni Dra. Ui, ayos na ‘ko?
Sinunod ko naman ang lahat ng bilin niya, ‘di ba?” Nang nakita kong
nag-aalangan si Mokong na sabihin ang kung anong nasa isip niya
ngayon, nagsalita pa ‘ko. “I’m okay, don’t worry. Ano bang nangyari
sa’kin?”
Nagbuntung hininga muna siya bago tuluyang nagsalita.
“Thing is…you were poisoned.”
“Ano? Pa’nong—pa’anong nangyari ‘yun?”
“I had a word with Dra. Ui. We suspect na ‘yung restaurant na
kinainan niyo kanina ay responsible sa nangyari sa’yo. We are running
an investigation at kung mapapatunayan na sila nga ang may kasalanan
kung bakit nalagay sa panganib ang buhay nyo ng mga magiging anak
natin, I won’t hesitate to sue them.”
“Ano bang ibig mong sabihin, Troy? Hindi kita maintindihan.”
“Fine, sasabihin ko rin naman talaga sa’yo ang tungkol dito. Pero
hindi sana ngayon dahil ayokong makadagdag ‘yun sa stress mo. But if

120
V O L U M E F I V E

you’ll insist, okay, truth is…they found out that you took a pill na hindi
kasama sa mga pinaiinom sa’yo ni Dra. Ui. Kung nasobrahan ka sa pag-
inum no’n…we might have lost our twins now. It’s impossible na galing
sa bahay natin ang ganong klaseng medicine dahil we’re very careful sa
mga kinakain at iniinom mo.”
“Sorry, nakalimutan ko rin. Masyado akong umasa sa’yo nitong
mga huling buwan.” Hinawakan ko ang tiyan ko at saka marahan na
hinimas ito. “Pa’no na lang kung may nangyari sa kanila? Siguradong
magagalit ka sa’kin… Masyado akong nagpapabaya.”
“Freak, it wasn’t your fault. At hindi ko na hahayaang mangyari uli
ito.” Huminga siya nang malalim bago nagsalita. “Whatever happens, I
know that He will protect you.”
Ngumiti ako. “Magiging maingat ako kahit wala ka. I’ll protect
them, don’t stress yourself too much, Mokong.”
“Yeah, alam ko.”
After one week…
Ang pangit ko… Ang pangit-pangit ko. Grabe… Ang taba ko na,
sobra. Nakatingin ako dito sa salamin ng CR habang hinihintay kong
bumalik si Mokong. Nagsusukat ako ngayon ng dress dahil may event
kaming pupuntahan ni Mokong. Launching ‘yun ng isa sa mga project
ng kumpanya.
Pinilit ko lang si Mokong na isama ako sa event na ‘yun. Kaso
parang nagsisisi na ‘ko ngayon kung bakit ko pa siya pinilit. Parang
ayoko na… Wala na kasing magkasya na dress sa’kin. Parang kailan
lang nung bumili ako ng bago, ah?
Kasi naman…
Bigla akong namaga nang sobra nitong huling linggo. Binigyan na
nga ako ni Dra. Ui ng diet plan kasi raw mahirap kapag naging obese
ako during pregnancy, mas mahihirapan daw akong manganak no’n.
Nakaka-depress talagang tingnan ang sarili ko rito sa salamin.
Lumaki ang braso ko. Parang ‘yun ang unang magha-Hi sa kung sino

121
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

mang makasalubong ko. At parang handang-handa na ako sa Pasko


kahit na kalagitnaan pa lang ng taon dahil sa mala-hamon kong hita na
pwede nang ihain sa Noche Buena. Grabe! Paano na lang kung hindi
bumalik sa dati ang katawan ko? Lumba-lumba na? May dark spots pa
‘kong nakikita sa tiyan ko. Kaya nga pilit kong hindi ipinapakita kay
Mokong ang tiyan ko, nakakahiya.
“Tok-tok! Ang tagal naman ni Mrs. Smith, wala nang magbabago
diyan!”
Bigla akong napatingin sa pinto ng CR. Teka? Boses ni Liz ‘yun,
ah?
“Hey, Mrs. Smith. Open this door now,” si Sandy.
Isinuot ko ulit ‘yung bath robe ko at saka sila pinagbuksan ng
pinto. Nakakaiyak ang nakita ko… Bakit ang gaganda at sexy nila!?
“Oh, Nads? Bakit?” tanong ni Chris sa’kin nang mapansin niyang
mukha akong pinagbagsakan ng langit at lupa. “Tara nga, lumabas ka
muna diyan.” Inalalayan nila ‘kong umupo sa kama.
“Eh kasi naman… Bakit ang gaganda niyo?!” mukhang tangang
tanong ko.
“Matagal mo na ‘yang tanong simula nang maging magkakaibigan
tayo. And we hardly know the answer,” proud na sagot ni Sandy.
“Hindi na nga tanong ‘yan. It’s a declaration of our beauty. Iyan
kasi ‘yung mga tanong na hindi masagot,” dagdag naman ni Liz.
Napahinto lang sila nang tingnan sila ng masama ni Chris.
“Ano ka ba? Don’t tell us na naiinggit ka sa’min?” tanong ni Chris.
Tumango naman ako. “Eh kasi naman… Hindi mo ba nakikita
ang itsura ko?”
“Nakikita, buntis ka,” sagot niya.
“Dahil you’ll becoming a mom?” dagdag ni Liz.
“And that’s one step ahead of us, of our beauty. You know? You’re
becoming someone na hindi pa namin kayang puntahan, and that’s

122
V O L U M E F I V E

parenthood. You’re a one brave woman.”


“And we’re proud of you, girl.”
“Tama ‘yun,” habol ni Chris.
“Kaya ko kayang ibalik ‘yung katawan ko sa dati?”
“Para saan pa ang gym at si Dra. Vicky Belo, hello?!” sagot ni
Sandy. Nagbuntung-hininga na lang ako.
“Pero teka? Bakit ba kayo nandito?”
“Well… ininvite lang naman kami ng gwapo mong husband to
join you habang busy daw siya sa event. Ayaw naman daw niyang
sumama ka pa sa pag-entertain ng mga tao do’n dahil baka raw—”
“Ano!? Teka, uupo lang—.”
“Hey,” napatingin kaming lahat sa may pintuan. Nandoon na si
Mokong na suot-suot ang suit niya. “Is everything set—Freak? You’re
still not ready, are you okay?”
“We think you need to talk to her first, Troy.” Tumayo na silang
tatlo at iniwan kami ni Mokong dito sa kwarto.
“So… what’s the matter—Bakit nakakunot ‘yang noo mo?”
Nakatingin ako sa kanya ng diretso at saka sinabing, “Bakit uupo
lang ako sa event? Hindi mo ba ‘ko ipapakilala sa mga tao dun?”
“Of course, ipapakilala kita. Pero para puntahan ang bawat table
do’n para i-meet ang ibang tao, no. Mapapagod ka.
“Hindi ba dahil mukha na ‘kong balyena, ah?”
“W-What?” natatawang sagot niya sa’kin. Umubo siya nang nakita
niyang mas sumama ang tingin ko sa kanya.
“Pinagtawanan mo ba ‘ko ngayun-ngayon lang!?”
“No, I didn’t.”
“Narinig ko, nakita kong ngumisi ka nang sabihin kong balyena
ako.”

123
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Ayan! Nakikita kong pinipigilan niya ang tawa niya. “Freak…


You-re not—.” Hahawakan niya sana ang kamay ko pero iniiwas ko
‘yun. “Are you really mad at me?”
“Siguro kaya gustung-gusto mong pumasok ngayon, kasi nando’n
‘yung si Catherine na sexy.”
Natawa na naman siya. Pinagtatawanan niya ‘ko! Seryoso ako!
“Freak, hindi naman ako nanibago dahil cute ka pa rin naman
kahit noon pa.”
“So anong ibig mong sabihin—Hindi! Ayoko nang sumama sa’yo.”
“What?!”
Bumalik ako sa CR at nagsuot ng casual na damit.
“Akala mo ba nakakatawa ang kondisyon ko ngayon? Tss! Ang
bigat-bigat ng dala ko. Ang sakit-sakit ng likuran ko. Nahihiya ako
sa’yo dahil tumataba ako tapos pagtatawanan mo lang ako? Buti ka pa,
macho ka pa rin.” Napatigil ako sa pagbibihis. Ano ba ‘yan, nabigyan
ko pa siya ng compliment. Totoo naman kasi, sexy pa rin siya. Mas
naging sexy pa nga ata—ERASE!
Binuksan ko ang pinto ng CR at mukhang na-speechless siya.
“Ikaw na lang ang pumunta sa event niyo.” Lumabas ako ng
kwarto. Mabuti pang bumaba na lang ako at magpahangin.
“Freak!” tawag niya at saka mabilis na tumakbo sa’kin para
alalayan ako sa pababa ng hagdan.
“Hindi nakakatawa ang iniisip ko ngayon, ah. Namumulikat na
rin ako dahil sa sobrang bigat ng kambal. Para akong may dalang
isang sako ng bigas tuwing maglalakad,” sabi ko habang bumababa ng
hagdan.
“Freak, it’s not that I’m mocking you—.”
“Hindi, nakita ko tumawa ka.”
Tuloy ang usapan naming dalawa hanggang sa makababa kami ng
hagdan. At bumitaw rin ako sa kamay niya nang tingin ko’y kaya ko

124
V O L U M E F I V E

nang maglakad mag-isa. Dumiretso ako kina Sandy na nasa veranda.


“Tara na,” aya ko sa kanila na kumakain ng mamon na bigay sa’kin
ni Baste noong isang araw.
“Agad? ‘Di ko pa nauubos ‘to, Nads. Ang sarap, eh. Baunin ko na
lang ‘to,” sabi ni Liz habang binibitbit na ‘yung isang plastic ng mamon.
“Tiran mo ‘ko. Tara na!” inis na sabi ko.
“Teka, Nads, ganyan lang ang suot mo? Parang hiyang-hiya naman
kami dahil overly prepared ang damit namin,” pagtataka ni Sandy.
“Any problem, Troy?” nakangiting tanong niya habang nakatingin sa
likuran ko.
“Nadine…”
“Ah basta, hindi na ‘ko sasama.”
“What?! Nagbihis kami—” biglang napatigil si Liz nang tingnan
siya ni Chris.
“Fine, if you really don’t want then—.”
“Oh, kita mo?! Ayaw mo nga talaga ‘kong kasama.”
Napahawak na lang si Mokong sa ulo niya. “Oh, c’mon. Freak?
Seriously?”
“Okay, okay.” Bigla akong inakbayan ni Sandy. “Sige na, Troy, at
kami nang bahala kay Mrs. Smith.”
“Tara sa bahay nina Mommy, do’n muna tayo,” aya ko.
“Susunduin kita do’n mamaya,” paalala ni Mokong.
Hindi ako sumagot. “Tara na, girls.” Naglakad ako papunta sa
sasakyan ni Chris.
“Hey, Freak, I’ll call you later.”
“Bilisan natin, ah? Chris?” sabi ko habang pumapasok sa loob ng
sasakyan.
Nakita kong nagbuntong hininga lang si Troy at saka kinausap
si Chris bago pumasok ng sasakyan. Ano naman kayang sinabi niya?

125
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

At nang mag-umpisa nang umandar ang sasakyan namin, naglakad si


Mokong papunta sa tapat ko.
“Take care. I’ll call you, I promise.”
At saka umandar paalis ‘yung sasakyan namin ni Chris. Napatingin
ako do’n sa rear view mirror ng sasakyan ni Chris, nakatingin sa’min
si Mokong.
Noong makalayo na kami sa bahay namin, nagsalita si Chris.
“So ano ‘yun, Nads? Bakit naman bigla kang nagalit kay Troy?”
Napanguso ako habang nag-iisip. Bakit nga ba? Parang gusto ko
lang… Nadala lang ako ng emosyon ko nang ma-realize kong ang taba
ko ngayon.
“Tsk, tsk, tsk. Pinahihirapan mo naman masyado si Troy, Nads.”
Tumingin ako kay Chris. “Bumalik na kaya tayo?”
“Ay nako, Nads. Mas mabuting kina Tita Alma ka na nga muna
ngayon habang inaasikaso ni Troy ang trabaho niya. Masyado ka lang
siguro nababato sa bahay niyo at puro si Troy ang napapagbuntungan
mo ng inis mo na wala namang valid na dahilan.”
Napabuntong hininga na lang ako.
-=-
Ang busy-busy ng mga tao ngayon sa paligid ko.
Lahat sila, masigasig na sa mga trabaho nila. Kawasa naman kasi...
may mga nilalaanan na ang mga ‘yan. Ako? Nilalaanan ko? Si Suzzaine
pa rin. Ewan ko nga ba… Kinasal na nga’t lahat sina Troy at Nads, eto
pa rin ako… basang-basa sa ulan. Ahaha! Biro lang.
Ang totoo niyan, may napapansin ngayon ‘tong mga mata ko.
Actually, kaya nga ako nandito sa restobar nitong sina Rocky eh dahil
do’n sa napapansin nga ng mga mata kong ‘to.
“Pare…” Si Rocky habang nagpupunas na naman dito sa bar
counter. “Mukhang….napapadalas tayo ng punta rito, ah? Sa’yo ako
yumayaman,” nangingiting sabi niya.

126
V O L U M E F I V E

“Ayaw mo no’n? Lumalakas ang restobar mo dahil sa’kin? ‘Di mo ba


napapansin ‘yung mga babaeng nasa paligid mo ngayon? Napapadalas
na rin ang pagpunta nila rito dahil sa akin.”
“Eh, ayan tayo, puro ka ganyan, wala ka namang partner.”
“Kaya nga ako nandito, pare, binibisita ko si Sandy—AHH!
Hahaha!” Bigla ba naman akong sinakal gamit ang isang braso niya.
“Eh, tanong ka nang tanong diyan tapos…Ahaha! Biro lang, ‘tol.”
“Lumayas-layas ka na sa restobar ko kung si Sandy ang pakay mo.”
“Ito naman, highblood masyado. Ang totoo niyan, maganda ang
tugtugan mo rito sa bar mo kaya ako napapadalas dito.”
“Ahh… Tugtugan lang ba talaga ang dahilan? O baka naman ‘yung
kumakanta…”
“Pwedeng both.”
“Good evening po sa lahat, we’re Denka’s Diorama.”
Oo nga kasi… Siya ‘yang nagsasalita. Kapag natural na usapan,
malalim ang boses niya. Pero kapag kumakanta siya? Lumalamig at
nagiging soft ang boses ng babaeng tinitingnan ko ngayon.
“Pare, paalala ko lang na bawal ang personal attachment sa mga
empleyado ko rito sa—.”
“Pare naman,” singit ko habang nakatingin sa stage. “Wala
namang istorbohan. Customer ako, oh? Customer… Mamaya mo na
‘ko paalalahanan.”
“Ang first song po namin…” Tumingin siya sa’kin sabay iwas.
“Adik sa’yo by Rivermaya.”
Nag-umpisa nang tumugtog ang banda niya at parang unti-unti
ko ring naalala ‘yung araw na nakilala ko siya. Tandang-tanda ko pa
na parang gustong sumabog ng dibdib ko noon dahil wala akong
mapagsabihan ng nararamdaman ko kay Nads.
Iyon ‘yung oras na masaya ang lahat dahil sa paparating na
engagement nina Nads at Troy…

127
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Oh, Luke? Aalis ka na? Tapos ka na bang sukatan?” tanong ni


Basty sa’kin nang makita niyang isinusuot ko na ‘yung jacket ko.
“Ah, oo, tapos na. Pakisabi kay Troy mauuna na ‘ko. Nakalimutan
kong iwanan ng pagkain si Suzzaine.”
“Gano’n ba…” matipid na sagot ni Baste. Siguradong ramdam na
niya ang masamang timpla ko.
“BWAHAHA! Baka iiyak ka lang dahil wala ka nang pag-asa kay—
Uhg! Aray, Baste! Sumusuntok ka rin pala?!”
“Manahimik ka muna diyan.” Lumapit sa’kin si Baste saka sinabing,
“kung kailangan mo ng kasama mamaya, tawag ka lang.”
Tapos lumapit na rin si Adrian. “Uy, biro lang ‘yung sinabi ko. Ang
totoo niyan, gwapo ka naman talaga, mas gwapo nga lang ako. Tiyak,
makakahanap ka rin ng babaeng para sa’yo.”
“Loko, sige na.”
Umalis ako sakay ng motorsiklo ko. Ni hindi ko nga alam kung
saan ako pupunta n’ong mga oras na ‘yun. Ang alam ko lang, gusto kong
makahanap ng lugar na pwede kong ilabas ang nasa dibdib ko. Lahat ng
tunay kong nararamdaman.
Ngayon lang kasi ako natauhan…
Totoo na nga ‘to, wala na ‘kong pag-asa. Asar, bakit ba kasi ngayon
lang nag-sink-in sa utak ko ang mga bagay na ‘to? Ang akala ko kasi
ayos na ‘ko. Hindi pa pala. Nadala lang ako sa iba na masaya na para
kina Nads at Troy. Kaya siguro ‘yung utak ko, sinasabing dapat maging
masaya na rin ako.
Eh wala, eh. Tao lang ako. Kahit na sabihin mong ayos ka, pero
ang totoo hindi naman pala. Badtrip talaga! Pakiramdam ko tuloy wala
‘kong nagawa.
Talong-talo…
Ilang oras pa ng pagsuyod sa kalsada, hindi ko na namalayang
nakarating na pala ako sa tapat ng bar ni Rocky. Tutal wala naman

128
V O L U M E F I V E

dito si Rocky, dahil naiwan do’n kasama nina Baste, dito na lang ako
magpapalipas ng gabi.
Kaso lumipas ang ilang oras…
“I’m happy for them… Happy for them… Grabe, napakasinungaling
ko talaga.” Sabay inom ng alak. Pang-apat na bote ko na ito. Napainom
na naman ako… Patay ako sa practice nito.
Kasi naman…pinakawalan ko na siya. Alam ko namang kay Troy
na talaga siya mapupunta. At ikakasal na rin sila. Masaya ako para sa
kanila… Pero para sa sarili ko? Hindi.
“Good evening folks, Denka’s Diorama here. Hope you’ll have a
great night with us. First song, My heart by Paramore.”
Great night daw? Nangloloko ata ‘yung nagsasalita. Nag-uumpisa
pa lang ang gabi ko, tapos patutulugin na ‘ko?
“I am finding out that maybe I was wrong… That I’ve fallen down
and I can’t do this alone.”
Anong ‘di kaya? Loko talaga ‘yung nagsasalita, nang-iinis ba siya?
Kaya ko ‘to!
“Stay with me… This is what I need… Please.”
Hindi na nga siya pwedeng mag-stay… Kay Troy na siya. Tandaan
mo ‘yan, Luke Sandoval.
“I am nothing now and it’s been so long… Since I’ve heard the sound,
the sound of my only hope. This time I will be listening…”
Hope raw? Wala nang pag-asa! Ubos na… Wala na. Nang-iinis na
lang ‘tong kumakantang ‘to.
“Oy!” Tuloy pa rin siya sa pagkanta, bastusan na. “OYY!!!”
Tumingin siya sa’kin. Itinaas ko ‘yung kamay kong may hawak na baso.
“Kayo diyan! Nangloloko ba kayo?! Itigil niyo na ‘yan!!!”
Inis ah, kantahan daw ba ako ng gano’n!?
“Ano?!” Saka ako sumandal at pumikit. Teka, nasa’n nga ba ‘ko?
Ah! Tsk. Nga pala. Naalala ko na, nandito ako sa Rock Me Bar. Nang

129
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

iminulat ko ‘yung mga mata ko, nakakita ako ng torong umuusok ang
ilong at papalapit ito sa akin.
Huminto siya sa harapan ko. “Sir.” Teka… Babae pala ‘to at hindi
toro. Nahihilo na ko, langya. “Kayo ata ang nangloloko sa’min. Baka
pwedeng lumabas na kayo? Para naman maituloy namin ang trabaho
namin. Nakakaistorbo kayo.”
At ‘yun nga ang nangyari sa unang pagkikita namin. In short…
Hindi maganda. Pero nang sumunod naming pagkikita, nasa katinuan
na ‘ko no’n. Matagal-tagal na rin bago ako ulit nakabalik sa bar ni
Rocky na naging RockDy Restobar na.
“If I let you love me, be the one adored. Would you go all the way, be
the one I’m looking for.”
Siya ‘yan, ‘yung kumakanta syempre. “Pare… Maganda ba?”
“Maganda naman… ” sabi ko habang nakatingin doon sa kuma-
kanta.
“Ahh… Mukhang maganda nga ang bokalista.”
Tumingin ako kay Rocky na nakangiti na naman sa’kin nang
nakakaloko. “Sira.” Sabay tawa niya.
“Pero, pare, dehado dahil ‘di ka uubra.”
“Bakit? Wala naman akong gagawin, ah. Gusto ko lang ‘yung boses
niya, ‘yun lang.”
“Boses daw… ‘Di nga?”
“Wala akong panahon para pumasok sa isang relasyon, friends
siguro pwede pa.” Tama naman, hindi pa ‘ko handa. Langya—“Oy,
Rocky,” bulong ko. Napaayos ako ng upo. Bigla ba naman kasing
sinenyasan ni Rocky ‘yung bokalista na lumapit dito sa’min. “Papatayin
talaga kita mamaya.” Tawa nang tawa si Rocky pero pinigilan niya ‘yun
nang nakita niyang naglalakad na papalapit sa amin ‘yung bokalista.
“Nice song,” puri ni Rocky. “Nga pala, ipapakilala ko lang ‘tong
kasama ko kasi mukhang hindi naging maayos ’yung ginawa niyan dati

130
V O L U M E F I V E

sa performance niyo. Natatandaan mo pa ba siya?” Sabay siko ni Rocky


sa’kin. “Si Luke.”
Makikipag-shakehands sana ako kaso tinitigan lang ako nung
babae. Ayos, ah. Kaya ibinalik ko na lang sa bulsa ‘yung kamay ko.
“Harmless naman ‘yan, Denka. Medyo… Heart broken lang talaga
noon nang manggulo siya sa inyo.”
Tumango ako.“Noon.” Syempre masaya na ‘ko dahil naikasal na
silang dalawa nang maayos.
“Gano’n po ba… Baka lang po kasi isipin niyang niloloko na naman
namin siya.”
Natawa na lang ako. “Pasensya na talaga. Medyo…napasobra lang
talaga ako noon sa pag-inom. Hindi talaga ako umaabot sa gano’n.”
“Hindi niyo na po kailangang magpaliwanag. Tapos na.”
Sungit naman nito.
“Gano’n kasi kapag nasasawi sa pag-ibig, pagpasensyahan mo na
‘yan. Teka, iwan ko muna kayo, may customer na dumating.” Sabay
tingin sa’kin ni Rocky. Halatang-halata naman siyang iniwan niya
talaga kami rito.
“Ah… Alam mo na ‘yung pangalan ko, pa’no naman ‘yung iyo?
Kung ayos lang malam—.”
“Narinig mo naman… Denka.” Sungit talaga, bwiset na ‘yan.
Tsaka… Pangalan ba ‘yun? “Ayaw mong maniwala?” tanong niya sa’kin.
May pagka-mind reader pa ata ang isang ‘to. “Ah, hindi naman sa
gano’n—.”
“DENKA!!!” tawag ng mga kasamahan niya. Sabi ko nga, Denka
ang pangalan niya, hahaha!
“Oh sige, puntahan mo na ‘yung mga kaibigan mo. Pasensya ka na,
naabala ka pa.”
Nakatalikod na siya sa’kin nang bigla siyang huminto at lumingon
ulit sa direksyon ko. Hindi siya kaagad nagsalita kaya ang akala ko,

131
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

sisimangutan lang niya ‘ko.


“Alam mo, nasa utak lang ang pagiging heartbroken ng tao. Umisip
ka ng ibang bagay, baka sakaling maka-survive ka.” Pagkatapos niyang
sabihin ‘yun ay tumalikod siya at naglakad papunta sa stage.
“Ayos, ah. Napagsabihan pa ‘ko.”
Doon nag-umpisa ang pagkakakilanlan naming dalawa ni Denka.
Napadalas ang pagpunta ko rito sa restobar kahit na ginagabi na rin ako
ng uwi galing opisina. Parang kasama na sa lifestyle ko ang pakinggan
ang mga kanta niya.
Lagi na nga kaming niloloko nitong si Rocky at ng mga ka-banda
niya eh. Kung may nabubuo na raw bang feelings sa pagitan naming
dalawa. Ginagawa ko? Tinatawanan ko lang. Tingin ko rin naman,
tulad ko, kaibigan lang ang turing sa’kin ni Denka.
Alam naming hanggang doon lang ‘yun.
Kaya nga tumagal ng two years ang pagkakaibigan naming dalawa,
eh. Nakukwento ko na sa kanya ‘yung ilang personal na bagay na hindi
ko basta-basta ibinabahagi sa mga taong hindi ko kapalagayan ng loob.
Siya kasi ‘yung tipong… One of the boys? Babae siya pero kampante
akong kasama siya. Walang keme, o plastikan.
Kaso…ewan ko ba? Bigla na lang siyang nanlamig sa pakikitungo
niya sa’kin nitong mga huling linggo. Hindi tuloy ako mapakali kung
may nagawa ba ‘ko o ano eh. Iyan din naman kasi ang mahirap sa mga
babae, biglang hindi mamamansin ng hindi mo alam ang dahilan.
Gusto pa nilang manghula kaming mga lalaki.
Pero kahit gano’n, eto nga at gusto kong malaman ang dahilan
nang biglaan niyang paglayo sa’kin. Hinihintay kong matapos ang gig
niya.
Makikinig muna ako sa mga performance nila habang ‘di pa sila
tapos.
“Sa umaga’t sa gabi sa – bawat minutong lumilipas… Hinahanap-
hanap kita. Hinahanap-hanap kita… Sa isip at panaginip, bawat

132
V O L U M E F I V E

pagpihit ng tadhana. Hinahanap-hanap kita…”


-=-
Nagising ako sa tunog ng lumalagaslas na tubig mula sa shower.
Shower? Iminulat kong mga mata ko. Bukas ang ilaw sa bathroom
ko. Nasa bahay pa rin ako nina Mommy, at dito ako nakatulog sa dating
kwarto ko nung hindi pa ako ikinakasal kay Mokong.
Kanina nga pala, napagsabihan ako ni Mommy…
“Kapag nararamdaman mong magagalit ka na naman o maiinis sa
asawa mo kahit wala naman talagang dahilan, pumikit ka na lang at
huminga ng malalim. Huwag kang magsalita hangga’t mainit pa ang ulo
mo. Psychological lang lahat ‘yan, Nadine. Ay nako, pasalamat ka pa nga
dahil napakahaba ng pasensya ni Troy. ”
Bigla na lang huminto ‘yung shower. Ilang minuto pa at biglang
nagbukas ‘yung pinto ng bathroom ko kaya pumikit ako ulit.
Hmmm… Ang bango naman.
“If you’ll pretend that you’re sleeping, stop smiling.”
Iminulat ko ‘yung mata ko at nakita ko siyang nagtutuyo ng buhok
niya gamit ang isa pang twalya.
“Kumain ka na?” tanong ko.
“Yup.” Nagbibihis na siya ngayon.
“Anong oras ka dumating dito?”
“Around 9:00 pm.”
“Ahm…”
“Any further questions?” sabi niya saka tumingin sa’kin.
Umiwas ako ng tingin. “Wala na.”
Naramdaman kong papalapit siya sa akin kaya lalo kong iniiwas
ang tingin ko sa kanya. Umupo siya sa tabi ko at saka tumitig sa’kin.
“Gutom ka na?” Bigla akong napatingin sa kanya. “Tss!” sabay

133
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

ngisi niya. “You’re cute when you’re hungry. Remember our college
days?”
“Ano?”
“That time when I said… I love to see you having your meal.”
“Ahh… Tanda ko.” Napangiti naman ako habang inaalala ‘yun.
“Mokong,” tawag ko sa kanya. “Hindi talaga ako galit kaninang umaga.
Feeling ko, inis lang ako kasi hindi magkasya ‘yung damit kong isusuot
dapat sa event. Napagbuntunan lang talaga kita…”
“I know, and it’s alright. That’s why I’m here, right? And stop
worrying about your size, Freak. Babalik pa rin ‘sa dati ang lahat kapag
lumabas na ang kambal. What concerns me most is your safety. Sandali
na lang at lalabas na sila, kaya dapat maging maingat tayo. They’re part
of my life now…”
“Alam ko… Don’t worry.”
“Protect yourself, too, because I can’t afford to lose any of you.”
-=-
“Oh, pare, anong ginagawa mo diyan?” tanong ni Rocky nang
madatnan akong nakatayo pa rin dito sa labas ng waiting area para sa
mga performers ng restobar.
“Ah, hinihintay ko si Denks. Kanina pa ‘ko rito, bakit ang tagal
naman ata nila?”
Katatapos lang mag-perf ng banda nila. Alas kwatro na ng
madaling-araw, at hindi pa rin ako umuuwi dahil gusto ko talaga
siyang makausap.
“Loko, kanina pa sila lumabas. May isa pang pintuan sa kwartong
‘yan papunta sa likod ng restobar.”
“Ano?! Hindi mo naman sinabi kaagad sa’kin.”
“Malay ko bang gusto mo talagang makausap si Denka. Lumabas
ka na, tingnan mo, baka maabutan mo pa.”
Tulad nga ng sinabi ni Rocky, nagmamadali akong lumabas ng

134
V O L U M E F I V E

restobar papuntang parking lot. Pero may bigla na lang tumawag sa’kin
habang tumatakbo ako.
“Luke!”
“Oh!” Napahinto ako sa pagtakbo. “Akala ko naman umalis ka na,”
sabi ko at saka ako lumapit sa kanya. Nakatayo siya malapit sa isa sa
mga sasakyang nakapark dito. “Kailangan kitang makausap kaya kita
hinahanap.”
Nakatingin lang siya sa’kin. “Bakit, anong sasabihin mo?” tanong
niya. Naging malamig na naman ang tono ng kanyang pananalita.
“Gusto ko lang tanungin… May problema ka ba sa’kin? I mean…
‘di ko kasi gets ‘yung pag-iwas mo sa’kin nitong mga huling linggo.
Baka naman may nagawa akong mali.”
Pagkasabi ko no’n, halatang nag-aalangan siyang sumagot.
“Huy! Bakit nga ba?” ulit ko.
Huminga siya ng malalim bago nagsalita. “Tanda mo ba ‘yung
sinabi ko sa’yo noon tungkol sa pagiging heartbroken mo?”
Natawa ako bigla. “Eto naman, biglang napasok ang pagiging
heart broken ko noon. Tsaka, sa dami ba naman ng mga pinag-usapan
natin tungkol diyan, matatandaan ko ba isa-isa ‘yun? Alin ba dun?”
“Na ang pagiging heartbroken, nasa isip lang. Na kapag…inisip
mong nasasaktan ka, masasaktan ka nga. Pero kung iisipin mong hindi
masakit, hindi ka nga masasaktan.”
“Ah, oo, natatandaan ko na. Oh, anong tungkol do’n?”
“Kulang pala ‘yung sinabi ko sa’yo.” Napakunot ‘yung noo ko
pagkasabi niya noon. “Kulang kasi…hindi ko nasabing hindi mo lang
pala dapat isipin ang isang bagay para mangyari o hindi mangyari ‘yun
sa’yo. Dapat pala…isipin mo ng isang-daang beses ‘yun para mangyari
sa’yo. Kasi kung hindi? Walang kwenta.”
“Gano’n ba… Eh, teka? Anong koneksyon niyan sa itinatanong
ko sa’yo kanina? Bakit ba biglang hindi ka na lang hindi namamansin

135
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

diyan?”
“Kasi nga kinulang ng ilang beses ‘yung pag-iisip ko na okay ako.”
Biglang humina ang boses niya na para bang nag-aalangan siyang
ituloy ang gusto niyang sabihin.
“Hindi pa rin ako okay kaya lumalayo muna ako sa’yo.”
“Ano? Hindi ko maintindihan. Linawin mo nga ng maigi ‘yang
sinasabi mo, Denks.”’
“Nagkakagusto na ‘ko sa’yo,” dirediretsong sabi niya.
Ano raw??!
Mukha akong tangang natulala na lang bigla. Para lang naman
akong pinukol ng bato sa ulo. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil
hindi ko inaasahang sasabihin niya ‘yun sa’kin. Pa’no ba naman kasi
ako makakapag-isip kung sinabi niya ‘yun sa pinakakalmadong paraan
na alam niya? Parang lokohan lang.
“Hindi ka makapagsalita, ‘di ba? Iyan ang dahilan kung bakit
ako lumalayo sa’yo. Isang malaking kalokohan ang malaman mo ang
tungkol dito dahil alam kong wala kang isasagot.”
“Pero—Anak ng buhay ‘yan,” inis na sabi ko. Bakit bigla siyang
nagsasabi ng ganyan?!
“Oo na. Alam kong hindi ko dapat sinabi sa’yo pero ang kulit mo,
eh. Lumalayo na nga ako, sumusunod ka pa rin. Kaya para matapos na
‘to, sasabihin ko sa’yong layuan mo muna rin ako hangga’t hindi ko pa
nakukumbinsi nang tuluyan ang sarili ko na isang malaking kalokohan
lang itong nararamdaman ko—.”
“Hep! Teka nga.” Napatigil naman siya sa pagsasalita. “Ano bang
problema kung may gusto ka sa’kin? Hindi ko makita ‘yung puno’t dulo
ng paglayo mo sa’kin. Hindi ko naman sinabing kapag may nagkagusto
sa’kin, dapat layuan ako. Hindi naman, ah?” Sa mga sinabi ko, parang
hindi rin ako kumbinsido. Hindi ko na rin kasi alam kung ano bang
dapat kong sabihin sa kanya ngayon.
Natawa siya pero halata namang nainis siya sa sinabi ko. Ibang

136
V O L U M E F I V E

klase…
“Bakit? Magkakagusto ka rin ba sa’kin?”
Bulls eye ka, Luke Sandoval.
“Pero magkaibigan tayo—.”
“Oh, ‘di ba? Iyan nga kasi ‘yung rason kung bakit ako lumalayo
sa’yo. Kapag nagkagusto ka sa isang tao, alam mo sa sarili mong aasa
ka sa kanya. Kahit na alam mong ‘yung taong ‘yun…na-stuck sa
isang taong pinahalagahan niya ng sobra-sobra noon. Kaso ‘di siya
nagkaroon ng pagkakatong ipakita ‘yun.”
Ayoko mang aminin pero tama siya. Matagal bago ko natanggap
‘yung ideya na hindi kayang ibalik ng taong ‘yun ‘yung kaya kong
ibigay na pagmamahal sa kanya. At ang masama? Nang matanggap ko
ang katotohanang iyon, isinara ko na ang puso ko sa mga posibleng
maging laman nito.
Hindi pa ‘ko handa. Nakakatakot…
“‘Di ba… gano’n rin ang ginawa mo kay Nadine noon? Kung
gaano ka nagtimpi na huwag ipahalata na may gusto ka pa rin sa kanya
kahit na ang totoo…gusto mo siyang kunin sa kaibigan mong si Troy.
At alam mo rin kung gaano nakakabaliw na itago ‘yun sa sarili mo
dahil alam mong kaibigan lang ang turing niya sa’yo. Kaya anong
masasabi mo? Kailangan ko pa rin bang lumapit sa’yo kahit alam kong
wala namang magbabago?”
Nakakatawa, hindi ako nakasagot sa mga sinabi niya dahil alam ko
kung gaano kasakit ‘yun. Tagos hanggang buto ang sakit. Nakakabaliw
dahil mag-isa mong dadalin ‘yun. Mag-isa kang ngingiti sa harapan
nila kahit alam mong nasasaktan ka na kapag nakikita mong masaya
na sila. Pero ikaw? Naiwan kang kinukumbinsi ang sariling lilipas din
lahat ‘yun. Kahit na hindi mo alam kung kailan…
Paanong gagawin ko?
“Pero h’wag kang mag-alala dahil hindi mo naman kasalanan.
Kaya ako nang gagawa ng paraan. Tutal… last gig na namin today.”

137
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Last gig?”
Tumango naman siya. “Oo. Babalik na kami sa Laguna. Kaya…
wala nang magiging problema. At ‘yun talaga ‘yung dahilan ko kung
bakit ako nakipagkita sa’yo ngayon. Baka kasi sabihin mo…binalewala
ko ‘yung dalawang taong pagkakaibigan natin.”
“Denks!!!!”
Napalingon kami sa mga kasamahan niyang nasa van.
“Oo!! Sandali na lang!!” sigaw naman ni Denks. “Sige na, aalis na
kami. Kapag…okay na ‘ko, text kita. Ingat ka. Bye.” Saka siya tumalikod
sa’kin.
“Sandali,” pigil ko. Huminto siya pero hindi na siya lumingon sa
direksyon ko. Naglakad ako palapit sa kanya. At nang isang hakbang na
lang ang layo ko mula sa kanya, nagsalita ako. “Sorry…Denks.”
Narinig kong ngumisi siya kasabay ng mahinang paghikbi niya.
“Hindi naman ako masukista… Bakit kailangan mo pang sabihin
‘yan?”
Mabilis siyang naglakad pagkatapos niyang sabihin ‘yun sa’kin. At
nang makasakay na siya sa van, saka ko lang naisip na ang tanga ko
para sabihin pa ‘yun sa kanya. Kinuha ko ang cellphone ko at saka ako
nag-text sa kanya…
MESSAGE SENT TO DENKZ 1/34
: Kapag hindi ka pa rin okay, i-text mo ‘ko. Ingat, at see you soon.
Sa mga oras na ‘yun…
Bakit bigla kong naisip na sana, mag-text siya sa’kin kaagad?
-=-
Nandito kami ng BITCH sa maternity section ng mall.
Buti na lang talaga at pumayag si Mokong na paalisin ako ngayon.
Granted na sandali lang kami dahil baka mapagod ako. Which is…
sinasang-ayunan ko rin naman. Alam kong bawal sa’kin ang mapagod.

138
V O L U M E F I V E

Pero talagang kailangan ko na ring bumili ng bagong damit kung ayaw


kong magmukhang suman sa mga damit ko.
“Ano, Nads? Kasya na ba ‘yan?” tanong ni Liz.
Nandito ako sa loob ng fitting room “Ahm… Hindi, eh. Wala bang
mas malaki pa ng kaunti?” Hinubad ko ulit ‘yung dress saka binigay
kina Sandy sa labas ng fitting room.
“Miss? Do you still have a bigger size for this dress?”
Napasimangot naman ako bigla. “Kailangan bang lakasan talaga,
Sandy?”
“Don’t be so sensitive. Just because you asked for a bigger size of
dress doesn’t make you any less of a woman, Nads. Grow up, please.
Enough with women’s definition of beauty. We’re too gorgeous to
worry about that, you know.”
“Let’s give around of applause for contestant number one,
Cassandra Ellyse Reynaldy!” at sabay palakpak naman nina Liz at
Chris.
Nandito pa rin ako sa loob ng fitting room.
“Fine, fine. Kailangan mo ‘kong paalalahanan niyan araw-araw
habang buntis ako. Dahil sa totoo lang? Hindi ko talaga maramdamang
maganda ako ngayon.”
“Here’s your dress,” sabay abot ni Chris sa’kin n’ong dress.
“Thanks.”
“I’ll go get more dresses outside,” paalam ni Sandy.
“Sama ako!” habol naman ni Liz.
“Ikaw, Nads? Kailangan mo ba ng tulong diyan?” tanong ni Chris.
“Ahm… Mukhang kaya ko naman ito,” sagot ko habang
sinusubukang itaas ‘yung zipper nitong dress na sinusuot ko.
“Ay, wait lang, Nads. Naiwan ni Liz ‘yung bag niya sa’kin. I’ll check
them outside real quick.”

139
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Okay, sige.”
Ayan… Nasuot ko na. Hmm… Mukhang okay naman siya sa’kin.
Kailangan kong aminin na magaling talagang pumili ng damit si Sandy.
Teka? Kung itanong ko kaya kung may bigger size nitong isang dress
na gusto ko?
Nahihiya lang akong sabihin na gusto ko rin ng bigger size sa isang
‘to, eh. Mukhang ngayon naman…kering-keri ko na.
“Chris? Chris?” tawag ko pero hindi siya sumasagot.
Pagkalabas ko ng fitting room…
“AW! Ahh! Aray ko.” Bigla akong napaupo sa lapag nang biglang
may bumangga sa’king babae mula sa likuran ko. Habang iniinda ang
sakit sa tagiliran ko, may nakita akong puting papel na nasa lapag
malapit sa’kin. Wala ‘yun kanina kaya pinulot ko iyon at binuksan.
Natigilan ako bigla nang mabas ako ang nakasulat.
DIE
Kinilabutan ako sa nabasa ko. Agad ko rin ‘tong tinago nang
biglang may nakakita na sa’king sales lady.
“Ay, ma’am! Ma’am, ayos lang po ba kayo?”
Sarap namang yugyugin ni Ate. Nakitang buntis ako at
nakakapagtakang nakaupo sa lapag, sabay tanong kung ayos lang ako?
“Ayos lang…kung makakatayo na ‘ko. Patulong naman, Miss.”
Tinulungan naman ako ni Ateng sales lady. Sakto, dumating na
sina Chris.
“Kapag hindi niya nagustuhan—.”
“NADS!”
“OMG!”
Bigla nilang binitawan ‘yung mga hawak nilang damit at tumakbo
papunta sa’kin.
“Ayos ka lang ba? Tatawag na ba ako ng ambulance?!” tanong ni

140
V O L U M E F I V E

Liz.
“Should I call Troy?” dagdag na tanong ni Sandy.
“NO! Hindi na, Sandy,” saway ko.
“Are you sure, Nads? Ano bang nangyari?” tanong ni Chris sabay
tingin ng masama kay ateng sales lady.
“He-he-he, h’wag ganyan, Chris. Walang kinalaman si ate rito. Sige
miss, salamat, ah?”
“Okay po. Mag-iingat po kayo.” At saka siya tuluyang umalis sa
tabi namin.
“Palabas na kasi ako kanina rito nang biglang may bumangga
sa’kin, eh,” paliwanag ko. “Buti na lang hindi naman masama ang
pagkakaupo ko. Napakapit pa ‘ko kahit papaano.”
“Bumangga?! Anong itsura?” tanong ni Liz.
“Ahm… Hindi ko naman nakita masyado ‘yung mukha pero…
naka-color orange siyang blouse?”
“Okay, let’s see! Orange blouse… Wait me here, girl.” Biglang
naglakad palabas si Sandy na parang may susugurin lang.
“Sandy! H’wag na!!” sigaw ko. Napabuntong hininga na lang ako
nang nakalabas na siya.
“Let her, girl. Her animalistic nature is attacking again,” paliwanag
ni Liz.
Umupo muna kami doon at hinintay na matapos sa animalistic
nature si Sandy. Pero after 15 minutes? Well… Hindi ko alam kung
matatawa ba ‘ko sa dala ng kaibigan ko.
“Sorry girls, pero siya lang talaga ang nahagilap kong hindi
mukhang mapapagkatiwalaan. Though…she’s wearing pink and not
orange,” natatawang sabi ni Sandy.
“Ewan ko ba sa’yo kung bakit mo ‘ko hinatak dito. We’re not even
close, duh. Good thing, I’ll have this chance para makita si Nads na…
mukhang four wheeler truck.” Tumingin siya sa’kin mula ulo hanggang

141
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

paa. “It suits you well, though.”


Isilid ko kaya siya sa tiyan ko? Tapos tunawin ko siya sa loob?
Hindi pa rin nagbabago ang isang ‘to. Pero ayokong sirain ang araw ko
kaya ngumiti naman ako sa kanya.
“Kahit na…hindi ako sure kung compliment ‘yung huli mong
sinabi, thank you.”
“Oh c’mon, that’s not a compliment.”
“Bitter as ever?” parinig ni Liz.
“W-H-A-T-E-V-E-R, whatever,” sagot naman ni Madeline. Oo,
tama kayo at si Madeline ang hinatak ni Sandy papunta rito.
Umalis na rin naman si Madeline pagkatapos niyang ma-satisfy ang
sarili niya na lait-laitin ako, na ayos lang naman. Actually, nakakatawa
na lang ang mga sinasabi niya sa’kin. She’s not that important.
Pwe! Nahahawa na tuloy ako sa pa-english-english niya.
Kinagabihan…
Matapos naming mag-shopping, at pumunta kina Mommy para
doon magpalipas ng oras, eto at nakauwi na rin ako ng bahay. Ayaw
pa ngang umalis nina Chris dahil wala pa raw si Mokong. Sinabi ko na
lang na nandito naman si Rose at kailangan na rin nilang magpahinga.
Wala namang mangyayaring masama.
-=-
Nagising ako sa malakas na pagbuhos ng ulan. Nakakabingi ang
pagbagsak nito sa bubong na para bang wala na ‘kong ibang tunog na
pwedeng marinig bukod rito. Bumangon ako at saka inabot ang digital
clock na nasa side table.
Eleven na ng gabi? Bakit wala pa si Troy?
Ginalaw-galaw ko muna ang mga paa ko bago ako tumayo at
naglakad papunta sa banyo. Pinindot ko ang switch pero nanatiling
madilim ang paligid.

142
V O L U M E F I V E

“Brown out?” bulong ko sa sarili ko.


Tumuloy pa rin ako sa loob kahit na walang ilaw. Pagkalabas ko,
tatawagan ko sana si Mokong pero bigla akong nakaramdam ng ‘di
maipaliwanag na pangingilabot. Ganitong-ganito ‘yung naramdaman
ko nung isang araw, nung pauwi na ako mula sa building ng kumpanya.
Pakiramdam ko… may nakatingin sa’kin.
“Rose??! Rose??!” tawag ko.
Kinabahan ako bigla kaya dinampot ko kaagad ‘yung wireless
phone para tawagan sana si Troy kaso…walang dial tone. Mas lalong
bumilis ang kabog ng dibdib ko. Natatakot ako… Kailangan kong
makausap si Mokong.
Kinuha ko ‘yung cellphone ko sa side table at ida-dial na sana ang
number ni Troy nang may marinig akong kaluskos mula sa likuran ko.
Paglingon ko, hindi ko inaasahan na makikita ko siya.
“Surprise,” mahinang sabi niya habang nakatingin sa’kin.
Parang bigla kong nalunok ang aking dila. Hindi ako makapagsalita.
Sobra-sobrang takot ang nararamdaman ko ngayon.
“Ashley…”
“Oh yes, you got it right.” Dahan-dahan siyang lumapit sa’kin at
ako naman ‘tong napako sa kinatatayuan ko. Hindi ko masyadong
makita ang mukha niya. Pero kapag may pagkakataong naiilawan ito ng
liwanag sa labas…natatakot ako. Malayo siya sa Ashley na nakita kong
maganda at sopistikada. Parang puno ng poot at galit ang mga mata
niya… Wala siyang make-up at malalim ang kanyang mga eyebags.
Nads! Humakbang ka palayo sa kanya! Bilisan mo!
Iyan ang sinasabi ng utak ko ngayon pero hindi ko magawa.
Nakatitig ako kay Ashley, hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita
ko. Huminto siya sa paglalakad at saka nagsalitang muli.
“Relax… I’m not gonna bite you.”
“Anong gusto mo, Ashley? Bakit ka nandito?”

143
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Sa mga tanong ko? Parang alam ko na ang sagot. Kaya napahawak


ako sa tiyan ko habang tinitingnan siya.
“I’m just here to talk, ” sabi niya. Nakakatakot ang mga tingin na
ipinupukol niya sa akin.
“Ashley, if you want to talk… e ‘di mag-usap tayo ng maayos.
Huwag ‘yung ganito.”

“Why? Ano ba ‘to? Maayos naman, ‘di ba? Gusto ko lang makita
ng harap-harapan kung gaano ka katapang, Nadine. I was so amazed
dahil after all, naka-survive ka kasama ng mga anak mo.”
“Anong sinasabi mo?”
Tumawa siya nang malakas. “I’ve tried to get rid of you, together
with your twin trash, pero para kang pusa, hindi ka mawala-wala.”
Hindi ako makapagsalita, at nag-uumpisa na ring manglambot ang
mga tuhod. “That day at the restauranat? I don’t know what exactly
you have at hindi mawala-wala ang mga batang ‘yan! Alam mo bang
that’s the only way para mawala ka? Ang…malaglag na ang dalawang
‘yan!” sabay turo niya sa tiyan ko. “Kapag nawala sila…he’ll resent you
the most. And when that happens? Itatapon ka niya na parang basura.
You’re nothing afterall, dahil madali ka lang palitan.”
“A-Anong… Anong sabi mo???” Nanginginig ang mga kamay ko.
Pero this time, hindi dahil sa takot pero dahil sa galit. Humakbang
ako ng dahan-dahan palapit sa kanya. “Anong sabi mo?!” sigaw ko na
mas lalong nagpabigat sa pakiramdam ko. “Ikaw!? Ikaw ang may gawa
nung sa restaurant!? Alam mo bang muntikan nang mamatay ang mga
anak ko dahil do’n?!”
“My bad dahil hindi natuloy—AH!!!”
Ibinato ko sa mukha niya ‘yung lalagyanan ng lotion ko sabay
tulak sa kanya dahilan para mapaupo siya sa lapag. At kahit anong galit
ang nararamdaman ko ngayon sa ginawa niyang pag-amin, isa lang
ang nasa isip ko ngayon…ang tumakas. Kailangan kong protektahan
ang kambal ko.

144
V O L U M E F I V E

Buong lakas kong pinilit na tumakbo palabas ng kwarto ko para


makapunta sa hagdanan. Kahit madilim, at tanging liwanag lang ng
buwan mula sa labas ng bintana ang nakikita ko, ginawa ko pa rin
ang lahat para makalayo. Hindi pwedeng may mangyari sa kambal.
Mamamatay muna ako bago siya may magawang masama sa kanila.
Lord… iligtas mo sila. Paulit-ulit kong sinasabi sa utak ko.
Dahan-dahan akong humakbang pababa ng hagdanan hanggang
sa makarating ako sa kalagitnan nito, nang biglang may humila sa
buhok ko mula sa aking likuran.
“Aaahhh!”
“You’re not going anywhere!!!”
Napaupo ako sa may hagdanan pero hindi pa rin niya binibitawan
ang buhok ko. Bagkus, ay hinigpitan pa niya ang pagkakahawak dito
para hilahin ako palayo sa railings na kinakapitan ko.
“Ashley!!!! Tama na!!!” Sigaw ko habang naiiyak sa sakit ng
pagkakahila niya sa buhok ko.
“I hate you!!!! I hate you the most!!!” sigaw niya habang
iwinawasiwas ang ulo ko.
Kahit gustuhin ko mang tawagin ang pangalan ni Troy, wala ring
mangyayari. Hindi ko na alam anong gagawin ko.
“Aahhh!!!” Naalis ang pagkakakapit ko sa railings ng hagdan.
Napahakbang ako pababa ng hagdan. Agad ko namang hinawakan ang
ilalim ng sinapupunan ko. Hindi pwedeng may mangyari sa kanila….
Binitawan ni Ashley ang buhok ko, at hinila niya ang kamay kong
nakahawak sa aking sinapupunan. Hindi ko na siya napigilang gawin
‘to dahil nanghihina na ako. Bumibigat na rin ang pakiramdam ko.
Hinihila ako ni Ashley at hindi ko alam kung saan niya ako balak
dalhin. Nahihilo na ako.
“A-Ashley.. Please—,”
“Don’t touch me, you’re a trash!”

145
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Ahg!” Bigla niya kong itinulak dahilan para tumama ang ulunan
ko sa railings ng hagdan. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari.
Wala na rin akong maramdaman kahit na nakikita kong sinisipa pa
niya ako.
Pero nang makita kong nakataas na ang paanan niya para sipain
ang tiyan ko…
Bigla kong narinig ang boses ni Troy.
They’re part of my life now…
They’re part of my life now…
They’re part of my life now…
“DIE!!!”
Sorry Mokong…
Bumitaw ako sa railings, itinakip ang magkabilang braso sa tiyan,
at saka buong lakas na nagpagulong pababa ng hagdanan. Narinig
kong sumigaw si Ashley pero hindi na ‘ko sigurado kung ano ang
isinigaw niya.
Parang inaalog ang utak ko habang gumugulong ako pababa.
Ginawa kong lahat para ‘yung likuran ko ang sumapo ng impact ng
pagkakahulog ko. Ito na lang ang kaya kong gawin para makalayo ako
sa kanya bago pa niya masaktan ang kambal ko.
Dahil tulad ng sinabi ko… Mamamatay muna ako bago niya sila
masaktan.
Huminto ang tila sunud-sunod na pagpalo sa aking ulunan at
pagbugbog sa likuran ko. Umiiyak ako pero hindi ko na alam kung
bakit. Dahil ba maaaring ito na ang huli para sa’min ng kambal? Dahil
hindi ko na sila makikita? O dahil alam kong magagalit si Troy pag
nalaman niya ‘to, at hindi ko na makikita ang reaksyon ng mukha niya?
“S-Sorry… M-Mokong.”
“Oh my—I did not… I did not—”
Nakita ko ang paanan ni Ashley malapit sa’kin pero hindi ko na

146
V O L U M E F I V E

magawang tumingala para harapin ang mukha niya.


“I-Iligtas…m-mo sila, p-please.”
“No!!!” tumakbo palayo sa tabi ko si Ashley. Gustuhin ko mang
sumigaw para tawagin siyang muli, hindi ko na magawa. Ang tanging
naisip ko na lang ay may oras pa ‘ko hangga’t naririnig ko pa ang patak
ng ulan sa labas ng bahay. May oras pa ‘ko… Meron pa.
Narinig kong nag-ring ang phone ko na isinilid ko kanina sa bulsa
ng aking damit. Dahan-dahan ko ‘yung kinuha. Nang mahawakan
ko ito, dahan-dahan kong inangat ‘yun palapit sa bibig ko at saka ito
sinagot.
Hindi ko naririnig ang boses ng nasa kabilang linya. Ang tanging
ginawa ko lang ay sambitin ang huling katagang pwede kong bitawan
bago ako tuluyang panawan ng ulirat.
“T-Tulong… T-Tulungan mong mga a-anak ko— ”
-=-

147
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Chapter 38: Expect the


Unexpected
What’s on your mind? > Push lang nang push kapag
feeling mo hindi mo na kaya! PUUUUUSH!

There are familiar voices I’m hearing right now.


“Kamusta na sina Tita?” It’s Luke.
“Kasama nina Sandy. Masyado silang napagod kagabi. Tatawagan
ko na lang sila mamaya para kamustahin. Bibili rin kami nina Vic ng
pagkain mamaya.” It’s Rocky.
I tried to open my eyes. Nasilaw ako noong una pero nakapag-
adjust din sa liwanag pagtagal-tagal.
“Si Troy, gising na mga Pare,” said Rick.
While I’m trying to get up on my own, everyone’s in a rush to help
me.
“Teka, dahan-dahan lang,” Basty warned me.
Napatingin ako sa cast ng kanang braso ko at pagkatapos ay sa
buong kwarto. That’s the only time I finally realized kung anong
nangyari. Bigla na lang akong nakaramdam ng galit at pag-aalala sa
dibdib ko.
“Where are they?” I seriously asked while looking at Luke.
“Where’s my wife and the twins?”
“Captain, wala na sila—”

148
V O L U M E F I V E

“WHO THE HELL ARE YOU TO SAY THAT!?” I yelled at Adrian.


“Oh, teka lang, Troy.”
Tinanggal ko ang nakakabit na dextrose sa’kin at saka umalis sa
higaan.
“Get out of the way!” I shouted, and yanked them away from me
when they tried to stop me.
What? Are they out of their minds!? Wala na?
“Oh, God, no. I can’t…” I said along my breath.
I have to see them… I have to!
Last Night in the SCAEC…
Tulog pa rin si Freak? Sinabihan ko si Rose na tawagan ako kapag
nagising na si Nadine pero hanggang ngayon, hindi pa rin tumatawag
si Rose, o si Nadine sa’kin. Paalis na ‘ko ng office ngayon at medyo late
na naman akong natapos. Isinusuot ko na ang coat ko nang bigla kong
matabig ang picture frame kung saan nakalagay ang picture namin ni
Freak.
“Tss!”
Agad kong binitawan ang coat ko para pulutin ‘yung mga nagkalat
na basag na frame glass sa sahig. Una kong kinuha ang picture namin
ni Freak para ilagay sa table. Pero nang pupulutin ko na ang mga bubog
mula sa sahig, bigla kong naisip si Nadine. I felt strange all of a sudden.
Tumayo ulit ako at saka kinuha ang phone ko to call my wife. I got
three rings before she answered.
“Hello, Freak? How are you? I—.”
“T-Tulong… T-Tulungan mo’ng mga a-anak ko— ”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig pagkarinig sa
nanghihinang boses ni Nadine. “Freak…Nadine!! Hello!!!?” Napatingin
ako sa cellphone ko. What did I just hear!?
Agad akong napatakbo palabas ng office. I tried to call Nadine’s

149
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

phone again pero hindi na siya sumasagot. The next one I called is
Rose, pero hindi rin siya sumasagot sa tawag ko so I called Hans.
“Hans!”
“Yes, Sir Harris—”
“Where are you now? Go to my house immediately, and check
Nadine. I don’t know what happen but she’s asking for help when
I called her. Malapit sa bahay ang pupuntahan mo, so go, please.” I
breathe heavily. “Please, I’m begging you.”
Nang makarating ako sa carpark, mabilis kong pinatakbo ang
aking sasakyan palabas ng building. Sa sobrang lakas ng ulan, halos
hindi ko na makita ang mga kasabayan kong ibang sasakyan. But that’s
not important. All I want now is to get next to Nadine the fastest way
I can.
“Sir Harris…” Tumawag ulit si Hans sa’kin. “Tinawagan ko po ang
security ng villa. May mga dumating po daw na ambulance sa bahay
niyo ngayun-ngayon lang at dinala na si Mrs. Smith sa St. Catherine
Hospital. Doon na lang po tayo magkita, mauuna na po ako.”
“Okay, okay. See to it that she’s alright, okay!? Call Dra. Ui, right
away.”
Hindi nabawasan ang pag-aalala ko sa kabila ng narinig kong
balita mula kay Hans. Sa katunayan, mas nadagdagan lang ang pag-
aalala ko dahil alam kong nasa ospital siya ngayon at wala ako sa tabi
niya.
She must be frightened. Please… Help her... Save her… Save them.
Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho nang bigla akong
masilaw sa liwanag mula sa kasalubong ko, at kasunod nito ay ang
nakakabinging busina ng mga sasakyan. Doon ko lang napagtanto na
babangga na pala ako sa kasalubong kong van. I tried to swerve my car
to avoid hitting the van but I hit the fence, instead. When it did, my
head ran into the dashboard, leaving a bloody mark. Surprisingly, the
air balloon inside my car didn’t open. I felt several pieces of glass scrape
my face, but I still tried to move my body. When I tried to open my

150
V O L U M E F I V E

eyes, everything was moving in slow motion. No… Don’t close your
eyes, Harris! You have to assure that Nadine and the twins are safe!
Iba’t-ibang boses ang naririnig ko mula sa labas ng aking sasakyan
habang sinusubukan kong igalaw ang dalawang paa ko. They can still
move, they have to! Hinanap ko ang cellphone ko dahil kailangan kong
tawagan si Hans.
“Teka! Huwag ka munang gumalaw! Baka may bali pa ang katawan
mo. May papuntang ambu—”
Habang sinusubukan kong buksan ang pinto, “I have to get out of
this. Please! Tulungan mo ‘ko.”
“Nako, nako, teka nga muna,” this man said, then decided to help
me get out.
Nang makalabas na ako, agad naman akong hinarang ng mga
pulis.
“Teka lang, dito ka muna. Kailang—”
“I have to go, let me go. Kailangan kong pumunta ng ospit—”
“Parating na ang ambulansya.”
“No! I don’t need— I said let me go! I have to see my wife! She’s in
the hospital righ now.”
“Nandito na ang medic!” someone yelled.
Nang makita ko kung anong pangalan ng ospital ang nakasulat
sa ambulance car, napatakbo ako palapit do’n dahil ‘yun ang ospital
na pinagdalhan kay Nadine according to Hans. Ininda ko ang sakit
ng kanang braso ko, pati na rin ang pagkahilo habang tumatakbo.
Binuksan ko kaagad ang back door ng ambulance car na siya namang
ikinagulat ng mga tao sa loob nito.
“I’m the patient, take me to the hospital, now! I mean, please!”
Saka ako pumasok sa loob at sinara ang pinto ng sasakyan.
Umalis kaagad ang ambulance car nang makumpirma ng mga
pulis na ako nga ang naaksidente kanina. Habang nasa daan, tinawagan

151
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

ko si Hans at nalaman kong nasa ospital na sila kung saan dinala si


Nadine. My wife is inside the Operating Room.
I don’t really know what to do sa mga oras na ‘yun. Hinayaan ko
na lang ang nurse na linisin muna ang mga galos ko sa mukha at braso.
“I have to see her...” bulong ko.
“Sir, kalma lang po kayo. Magiging okay rin po ang asawa niyo,”
said the nurse.
“I hope so… I really hope so.”
Ilang minuto pa ang nakalipas at nakarating na kami sa ospital.
Hindi na ‘ko nagawang pigilan ng mga kasama ko sa ambulansya dahil
alam nila kung bakit ko gustung-gustong makarating kaagad sa ospital.
Hans called me and he said that Nadine is now inside the operating
room.
“Oh God, please…save them.”
Parating pa lang ako pero sinalubong na ‘ko ni Sebastian and Luke.
“Pare! Anong nangyari sa’yo!!?” Sebastian asked.
Hindi ko na nasagot ang tanong niya dahil diridiretso akong
naglakad papunta sana sa loob ng Emergency Room pero…
“Woaw! Woaw! Pare, Troy! Hindi ka pwedeng pumasok diyan!” si
Luke habang hawak ako sa magkabilang balikat.
“Get off me!”
“Anak, Troy, she’s still inside. Wala pa kaming balita tungkol sa
kanya o sa kambal kaya kailangan pa rin nating maghintay muna dito,”
paliwanag ni Mom. Niyakap niya ‘ko to calm me, but I can’t calm now.
No… Now is not the time.
“Luke!” Nakita kong patakbong palapit sa’min sina Chris.
“Oh, God. Oh, God, please.” I keep on praying.
“Troy! Nagdudugo ang ulo mo, anak ng! Panyo nga diyan!” sigaw
ni Luke. Nakita kong inabutan siya ng panyo nina Sandy at saka iyon

152
V O L U M E F I V E

idinampi sa ulo ko. “Pare, namumutla ka. Ano ba, mauubusan ka ng


dugo sa ginagawa mo.” Hinawakan ni Sebastian ang braso ko para
alalayan ako.
Mayamaya, dumating si Dra. Ui at nakita niya ang patuloy na
pagdugo ng ulo ko.
“Troy Harris! What the hell is happening here!? Ano pang
hinihintay niyo, dalhin niyo na siya—”
“NO! Just no! Kaya ko ‘to, h’wag niyo ‘kong paalisin dito. I have to
make sure they’re safe.”
“Troy, they are doing their best. Sinabi ko na rin ang mga kailangan
nilang malaman regarding Nadine’s pregnancy.”
“Oh, God.” Umiikot na ang paningin ko pero hindi ako pwedeng
umalis dito. Kailangan kong bantayan si Nadine. I have to make sure
they’re safe.
“Doktora!”
“Ayan na!”
Lumingon ako at nakita kong may palabas na doctor mula sa loob
ng OR.
“Doktora! K-Kamusta ang anak ko? M-Maayos na ba siya?
Nakaligtas ba pati ang nasa sinapupunan niya?” asked Mom. Nakaalalay
sa kanya sina Chris at Sandy.
“The patient and the twins inside her womb are in a bad condition.
We are doing our job but…we can’t save them both. Kapag hindi natin
nagawan agad ng paraan, parehas silang hind—”
“CHOOSE!? Doctors should save lives and shouldn’t be asking the
family which life should be saved!”
“Troy, huminahon ka muna para—”
“D*MN IT! My wife and my twins are in a life and death situation.
How can I calm down!? TELL ME!”
Nakita kong kinausap ni Dra. Ui ‘yung doctor na lumabas mula sa

153
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

loob ng ER kani-kanina lang.


Oh Lord, I’m sorry. Please…give me another chance to be with them.
I’ll promise… Oh God, I promise to be better. Give me another chance,
Oh God—
“TROY!!!”
Back to present…
I have to see them!
“Troy!?”
Lumingon ako at nakita ko si Dra. Ui with my Mom. Dali-dali
akong tumakbo palapit sa kanila.
“Teka!? Bakit nandito ka? ‘Di ba—”
“No, it’s not the question now. Why!? Tell me why did you let them
take away my wife and our twins?”
Captain, wala na sila
“Troy, huminahon ka muna.”
“Iyan din ang sinabi niyo sa’kin. It’s not what I need to know—.”
“Anak, magagalit si Nadine niyan sa’yo kung hindi ka babalik sa
kwarto mo para magpahinga.”
“I don’t care! What I need to know— what?!”
“Kaya nga, Harris,” dagdag ni Doktora Ui. “Kahit na mukhang
sa’yo nagmana ng pagiging malakas ang kambal, kailangan mo pa ring
magpahinga.”
“AYUN! Ayun si Troy!” It’s Luke.
“Grabe, Captain! Sabi ko naman sa kanila, hindi na sila dapat
mag-alala sa’yo. Para ka pa ring barako, bwahahaha!”
“I’m…I’m confused.”
“Mag-a-out ka na, Captain!? Naalog ba ang ulo mo? Lalaki ka,
Captain—AH!”

154
V O L U M E F I V E

Sinuntok ni Luke si Adrian. “Loko! Ikaw kasi’ng may kasalanan


nito. Dapat talaga sa’yo, sinusunog sa plaza. Oy, Troy!” I looked at
him. “Parang alam ko na’ng nasa isip mo. Ano ka ba naman, syempre
ligtas sina Nadine at ang mga magiging pamangkin ko. Masyado atang
naalog ‘yang ulo mo.”
“Nako, ‘yun ba ang dahilan kung bakit parang galit na galit mo
kaming sinalubong!?” tanong ni Mom.
“Harris…” I turned to Dra. Ui. “Kagabi, pagkatapos mong
mawalan ng malay, pinabalik sa loob ng OR ang doctor na may hawak
kay Nadine dahil biglang naging stable ang heartbeat niya. Pero, you
know? Hindi rin naman ako papayag na gawin nila ang bagay na ‘yun.
Itataya ko ang lisensya ko at papasok ako sa loob ng OR para ako
mismo ang tumingin kung anong lagay ni Nadine at ng kambal. You’re
not alone n’ong mga oras na ‘yun, Harris.”
“Y-Yes…Thank you. But…where are they?”
I saw Dra. Ui smile before saying “Room 608.”
“Of course…” I said while taking a deep breath. “Of course, they’re
safe. Thanks!” I looked at them. “Thanks!”
Tumakbo ako papuntang elevator. Hindi ako nagpapigil kahit
tinatawag pa ‘ko nina Luke. What I want is to see them safe and sound.
Room 608…
I took a deep breath before entering the room. At nang makapasok
na ‘ko, hindi ko na naalis ang paningin ko kay Nadine at sa kamay
niyang nakapatong sa kanyang sinapupunan. I’m sure Chris and Liz
were inside the room when I got there, but suddenly, they’re gone.
Giving me some time with my wife, I guess.
Now that I’m looking at her? I was filled with joy…so much joy. It
feels like God is telling me to keep my promise, which I will certainly
keep ‘til my last breath.
I brushed the strands of hair away from her face, and touched her
cheeks with my fingers. Her skin is warm, and I’m happy to feel it.

155
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Thank you… Thank you.” I kissed Freak’s forehead, then her tummy.
“I won’t be late again… Never.”
-=-
Nako naman… Feeling ko this time, natuluyan na talaga ako.
Maputi na naman ang paligid, tahimik, at malamig. Tumingin ako
sa bandang kanan ko, nandito sa tabi ko si Mokong! Heaven na nga ito!
Pero teka? Pareho kaming may dextrose sa magkabilang gilid? Nasa
ospital na naman ba ‘ko? Pero bakit pati si Mokong ay nandito rin?
“Mokong? Troy?” tawag ko sa kanya. Unti-unting nagmulat ang
kanyang mga mata. “Huy, Mokong?” Pero nang tuluyan na siyang
magmulat, napansin kong nakatitig lang siya sa’kin. Hindi ko mabasa
ang nasa isip niya. “Nabagok ba’ng ulo mo, Mokong? Kilala mo pa ba
ako?”
“Tss! Is that supposed to be a joke?”
“Ewan ko sa’yo—.”
Natigilan ako nang makita kong umiwas siya ng tingin para
punasan ang nangingilid niyang luha.
“Ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak diyan?” tanong ko.
“No, I’m not.” Ibinalik niya ang kanyang tingin sa’kin. “How are
you? Do you feel anything wrong?”
Naramdaman kong hinawakan niya ang kaliwang kamay ko. Ano
ba kasing problema niya? Teka… Napatingin ako sa isang braso niya.
Napansin kong naka-cast iyon. Anong nangyari sa kanya?
“Mokong!? Anong nangyari diyan sa braso mo? Naaksidente ka
ba!!?” nag-aalalang tanong ko.
Grabe, gustuhin ko mang tumayo kaso hindi ko magawa. Pero
bakit parang ang sakit ng likod ko? Saka ko lang napansin na naka-side
view ako ng higa kanina pa.
“Look who’s talking here. Tss!” Bigla namang napangisi si Troy.
“Kung nandito rin ako sa tabi mo…ibig sabihin ba naaksidente

156
V O L U M E F I V E

tayo parehas!? Sabi ko naman sa’yo mag-iingat ka, eh!” Pinalo ko siya
nang mahina sa kabila niyang braso. Hahawakan ko sana ang ulo niya
dahil sa bendang nakalagay rito pero napahinto ako nang makita ko
ang sugat sa’king kamay.
“I hate you!!!! I hate you the most!!!”
May narinig akong sumigaw kaya napapikit ako. Sino ‘yun? Bigla
akong kinalibutan.
“Hey, what’s wrong?”
Pagkamulat ng mga mata ko, nakita ko si Troy na halatang nag-
aalala. “Huh? Wala naman… Parang may narinig lang ako,” sabi niya.
“Narinig? Ano?”
Pumikit ulit ako. Sinubukan kong kilalanin ang boses na narinig
ko.
“Hindi… Hindi ko na maalala. Baka…” tumingin ulit ako sa
kanya. “…guni-guni ko lang.”
Biglang hinawakan ni Mokong ang braso ko at bahagya akong
nasaktan.
“Ah, aray.” Iniiwas ko ang braso ko. “Bakit parang may pasa ako—.”
Natigilan ako nang pigilan ako ni Mokong sa tangka ko sanang pag-
angat sa sleeves ng suot kong hospital gown. Titingnan ko sana kung
ano ‘yung masakit na nahawakan niya pero mukhang bigla siyang na-
bother.
“Huwag mo munang tingnan ‘yan sa ngayon, just rest.”
“Okay. Pero paano nga ba tayo napunta rito?”
“You can’t remember…” bulong ni Mokong sa sarili niya habang
nakatingin sa’kin.
“Ang alin?”
Tumingin sa’kin si Troy nang seryoso. “Anong huli mong
natatandaan, Nadine?”

157
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Natatandaan…” Ano nga ba? “‘Yung aalis kami ni Mommy para


kumain sa restaurant. Tapos…” Pumikit ulit ako para alalahanin ‘yung
nangyari pero wala na ‘kong matandaan kaya iminulat ko na lang ulit
‘yung mga mata ko. “Pa’no ba tayo naaksidente, Mokong?”
Umupo si Mokong at nakita kong huminga siya nang malalim.
“Mokong?”
Tumingin siya sa’kin. “It’s okay,” sabi niya. Hinimas niya ang ulo
ko at saka ngumiti. “It’s okay if you can’t remember.”
Sa itsura ni Troy, alam kong may iniiwasan siyang malaman ko.
Pero bakit? Ano bang hindi ko matandaan?
“Freak…” Napatingin ako sa kanya. “Don’t try too hard. What’s
more important now is we’re safe, right?”
Tumango naman ako sa kanya. Pero kahit gano’n, pakiramdam ko
dapat kong matandaan ang mga nangyari…kung meron man.
Mayamaya ay dumating naman sina Sandy na ang sasama ng
tingin sa’kin.
“Anong problema niyo?” tanong ko. “Grabe… Nangangawit na ‘ko
sa higa kong ‘to. Pwede bang patawag ng nurse? Baka pwede akong
magbago ng position.”
“I’ll call one,” agarang sagot ni Mokong.
“Nako, tama ‘yan, Troy. Balikan mo na rin ‘yung mga bisita mong
mukhang nagkahawaan na ng kabaliwan nila. Eh, kasi naman…wala
‘yung bibisitahin nila dahil nandito.”
Tumingin sa’kin si Mokong at tumango naman ako, saka siya
lumabas. Pero kahit lumabas na siya, hindi ko pa rin malimutan ang
huling tanong niya sa’kin.
“Anong huli mong natatandaan, Nadine?”
May dapat ba akong matandaan?
-=-

158
V O L U M E F I V E

Nakita ko si Dra. Ui na papunta sa kwarto ko, kasama si Hans.


“Oh, Harris. How are you? Kamusta si Nadine? Pupuntahan ko
sana siya pero naisip kong baka nasa kwarto mo ka na kaya ikaw muna
ang pinuntahan ko.”
“I think she’s okay…”
“You think…there’s any problem?”
“Hindi niya matandaan kung anong nangyari sa kanya. Even the
time before that happens, hindi niya maalala. The last thing she could
remember is when they were about to go in the restaurant with my
mom.”
“Let’s see… I’m not sure yet, of course, but with the way I sees
it…it can be psychogenic amnesia. It usually happens when a person
blocks out certain information, usually associated with a stressful or
traumatic event, leaving him or her unable to remember important
personal information. Pero karaniwan, bumabalik din ang memories
tungkol sa bagay na ‘yun kapag na-trigger ng kung ano sa paligid
ng patient, pwede ring therapy. After we transfer her to our hospital,
kakausapin ko ‘yung mga doctor na mas nakakaalam ng ganitong case.
For now, I advise the both of you to rest. For now, puntahan mo na
muna ang mga kaibigan mo dahil kagabi, hindi sila magkanda-ugaga
kung sino ang unang pupuntahan nila, kung ikaw ba o si Nadine.”
Tss! Bunch of concern silly dragons.
Pagkatapos naming mag-usap, umalis na si Dra. Ui at pumunta
naman sa kwarto ni Nadine. Kaming dalawa naman ngayon ni Hans
ang nag-usap. Sinabi niya sa’king nakita rin si Rose na walang malay sa
bahay kaya tinitingnan ang dalawang side na pwedeng dahilan ng mga
nangyari, robbery or attempted murder.
Pero habang wala pang balita, I’ll take this opportunity to rest—.
“Oh, hindi!!! Bakit hindi niyo ginawa ang lahat!?”
Sumilip ako sa loob ng kwarto ko to see what’s the commotion all
about. And then…I found these dragons playing their own same crazy

159
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

stuff again.
“Sorry, ginawa ko na’ng lahat. Tinurok ko nang lahat ng
pampagising pero talagang habang buhay na siya matutulog,” Nick
replied in a serious tone.
“Paano na lang ang kaibigan namin!?” asked Rick.
“Ako, alam ko na kung paano magigising ‘yan!” said Trick.
Tss! Para pa ring mga bata ang mga ‘to, but it’s okay.
“Kiss!!” Jake yelled.
“TAWAGIN SI MANAGER!” They all shouted.
“Gising na ‘ko. Thanks sa concern.” Blake stood up with a blank
expression.
Nakatingin lang sa kanila sina Sebastian at Luke like they were
enjoying a live comedy skit. Tss!
“Kailangan ni Blake no’n! Bwahaha! O kaya, kiss na lang ni
Captain—CAPTAIN!!!”
All eyes on me now. “Saying something? Tss!”
“CAPTAINNNNN!” Bigla silang nagtakbuhan papunta sa’kin at
niyakap ako na animo’y kababangon ko lang mula sa mahimbing na
pagkakatulog.
“Oh, ayan. Mapapanatag na kayong lahat niyan,” natatawang sabi
ni Sebastian.
“All of you, let go of me, okay!? I’m fine, I’m not dead.” Then they
all let go of me in an instant.
“Ito kasing si Adrian, napatakbo tuloy si Captain kanina.”
“Bwahaha! Malay ko bang may pagka-dramatic pala si Captain.
Eh, ang balak ko naman kasing sabihin kanina ay… Captain, wala na
sila…sa bingit ng kamatayan. Iyon ‘yun! Bwahaha! Baka nag-walling
ka pa kanina, Captain, ah?”
“You want me to stick you in that wall?” saka itinuro ang dingding

160
V O L U M E F I V E

na nasa likuran niya.


“Bwahaha! Huwag na lang, Captain, mas type ko ang mag-
flooring.”
“Teka nga, paupuin niyo muna ‘yan,” Luke finally said.
“Oo nga, dapat pang magpalakas si Captain. Mas dapat nang
bantayan sina Captain Nads ngayon, delikado na pala talaga,” said Jake.
Yeah, I have to be careful from now on—
“Anong si Captain lang ang dapat magbantay kina Nads!? Mga
future Ninong tayo, dapat tayong makialam!” It’s Adrian.
“Manghimasok ng buhay!” Jhick.
“Makigulo!” Trick.
“Makisubaybay…” Rick.
“At magbantay…” Blake.
“MAG-ISA KA! ASA!”
“Tulog ka naman tapos magbabantay!?”
“Hey, you don’t have to involve yourselves.” I think that will bring
me more peace of mind. Tss!
“Alam naman namin ‘yan. Pero kung kailangan mo ng tulong,
nandito lang kami. Alam mo na, daig pa namin ang pulis sa bilis,” Luke.
“At daig pa ang power rangers sa galing!” Adrian.
See? That’s why it’s more peaceful without them. Their antics are
unstoppable and has no end. Tsk, tsk, tsk.
“Syempre! Daig rin namin si Doraemon sa galing mag-isip!” Rick.
“Doraemon?” Vic.
“Oo, ‘di ba…iyon ‘yung pusang magician?” asked Rick.
Habang tinitingnan ko sila, all memory flashed in an instant. This
kind of talk is present every after practice habang mga nakahiga kami
sa sahig ng gym after training.

161
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Magician? Pusa?” Sebastian.


“Hindi ba kangaroo ‘yun? Pusang kangaroo?” Nick asked, and we
all stared at him. “Bakit? Hindi ba?” Tss!
After this day, I’ll do my very best to know what happened that
night. I certainly will…
After one month and twelve days…
Papunta kami ngayon ni Mokong sa ospital para doon na hintayin
ang pagdating ng kambal. Napag-alaman kasi naming maaaring mas
mapaaga ang paglabas nilang dalawa dahil ‘yun daw ang karaniwang
nangyayari sa may twins din na ipapanganak.
Nitong mga huling buwan, halos pareho kaming hands-on ni
Mokong sa pag-aalaga sa kondisyon ko. Si Mokong rin ang nag-insist
na um-attend kami sa “Birthing Classes.” Kailangan daw naming
maghanda bago dumating ang kambal, lalong-lalo na raw siya.
Sigurado raw na matapos kong manganak, mahaba-habang bed rest
na naman daw ang kahaharapin ko. Kay Mokong mapupunta ang
responsibilidad ng pag-aasikaso at pag-aalaga sa’ming lahat. Hindi raw
niya kami pwedeng iasa kina Rose o kay Mommy this time.
Samantala, papunta naman sa outing ang barkada pero dadaan
muna sila sa’min sa ospital bago tuluyang umalis.
“Mokong, ‘yung bag? Nailagay na ba—.”
“I-got-it.” Nag-smile siya sa’kin at saka ko lang naisip na pang-apat
ko nang tanong sa kanya iyon. Ewan ko ba, parang hindi ako mapakali
simula nang magising ako ngayong umaga.
Umalis na kami sa bahay at kikitain na lang din daw kami ni
Mommy sa ospital. Habang nasa daan na, tumawag si Sandy sa’kin.
“Hello?”
“Hey, sa’n na kayo? Baka ma-late kami dahil sa heavy traffic. May
isa kasing late nagising—”
“Sorry na, Babe. Eh, may banggaan nga oh kaya bumper to bumper

162
V O L U M E F I V E

na.”
“Shut up, Babe. Anyways, ingat kayo and see you later.”
“Okay, kayo rin inga—.”
“Hello, Nads? Are you still there? DON’T TELL ME, NAAKSIDENTE
KA NA NAMAN!”
“Narinig mo ba ‘yun?” tanong ko. “Diyan ba ‘yun?”
“Huh? Ang alin?”
“‘Yung parang mahinang putok na…” Napatingin ako sa lap ko.
Parang…may mali.
“Nads!?”
Hinawakan ko ‘yung binti ko at naramdaman kong basa ito.
Sumilip ako sa ibaba at napansin kong parang may tumutulong tubig
mula sa kinauupuan ko.
“Oh, hindi…”
“What, Freak?” tanong ni Mokong habang nagmamaneho.
Ayaw tumigil ng pagtulo ng tubig mula…sa’kin!
“MOKONG!” sigaw ko.
“What!!?”
Bigla akong nakaramdam ng pananakit sa tiyan ko. Parang
inaapakan, iniipit, at dinadaganan.
“Mokong, aray! Aray ko!” sigaw ko habang nakahawak sa aking
tiyan. “Aaaah!!”
“OH MY GOSH, NADS!? NANGANGANAK KA NA BA??” narinig
kong sabi ni Sandy mula sa kabilang linya. Hawak ko pa rin kasi nang
mahigpit ang cellphone ko.
“Oh my—you’re already in labor!!? Can you still—.”
“AAAAAHHHH!!!! ANG SAKIT!!! Mokong!!!!” Halos naninigas
na ang binti ko ngayon at para bang…

163
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Tiisin mo, Freak. I’ll take another route para iwasan ‘tong
traffic—”
“Bilisan mo, hindi ko na kaya!”
“Calm down. Huminga ka nang malalim—”
“Gaano kalalim!!??? Ang sakit talaga! Parang binibiyak ang tiyan
ko!”
Napatingin ako sa kalsada, ang sarap awayin ng mga tao sa labas!
Bakit ang bagal ng takbo nila!? Kinuha bigla sa’kin ni Mokong ‘yung
hawak kong phone at sinabi kina Sandy kung sa’n kami liliko at dadaan
dahil sa unexpected na panganganak ko.
“Mokong! Hindi ko na kaya, seryoso ako! Feeling ko dudulas na
sila sa’kin!”
“Oh God, wait, I’ll call—.”
“Ihinto mo na!!! Nararamdaman ko na ang isa!!! Please, Troy!!”
“What!? Agad!?”
Naramdaman kong itinabi ni Troy ang sasakyan at saka huminto.
Bumaba siya ng sasakyan at narinig kong may inayos siya sa likuran.
Pagkatapos, pumunta siya sa’kin at dahan-dahan akong binuhat
papunta sa back seat. Nakita kong may nakalatag nang mga unan at
kumot doon. Iyon sana ang mga dalang gamit namin sa balak naming
pag-stay ko sa ospital. Ibinaba niya rin ang sandalan ng front seat para
maipatong ko roon ang isang paa ko.
At habang iniinda ko pa rin ang sakit, nakita kong tumawag pa
siya sa phone niya. Narinig kong si Dra. Ui ang nasa kabilang linya
at sinasabi niya rito ang nangyayari ngayon. Mukhang kalmado si
Mokong pero nakita kong nanginginig ang mga kamay niya.
“Then I have to do this now, but still you have to be here real
quick!”
Ibinaba niya sandali ang kanyang phone at saka naghugas ng
kamay gamit ang alcohol. Sunod ay inalis niya ang suot kong jacket at

164
V O L U M E F I V E

panloob ko para i-ready ako sa umaatikabong panganganak.


“Mokong…Nararamdaman ko na!”
“Take a deep breath, Nadine,” sabi niya habang kinukumutan ako.
Maya’t maya ang tingin niya sa kanyang relo at hindi ko malaman kung
anong binibilang niya.
Sinunod ko naman ang utos niyang huminga nang malalim.
Habang ginagawa ko iyon,ay kinuha na naman niya ang kanyang
cellphone upang kausapin si Dra. Ui.
“Yes, I’ll check if— Oh crap! I can see my babe’s crown!”
-=-
“Nakikita ko na ‘yung sasakyan nina Troy!” sigaw ni Basty
habang nagmamaneho.
“Tara, tara, bilis!!”
“Bwahaha! Queen, ganito ka na rin manganak sa magiging baby
natin para tipid.”
“Ewan ko sa’yo, Pong. Manganak kang mag-isa!” saka ako bumaba
ng van.
Nagmamadali ring bumaba ng van ang iba ko pang mga kasama.
Kasabay rin naming dumating sina Sandy at Rocky na nakahiwalay ng
sasakyan sa’min. At nang palapit na kami kay Nads…
“All men, stay out of here!” sigaw ni Troy na busy sa kung anong
ginagawa niya habang nakayuko sa may back seat.
“Bakit!!??” tanong naman ng mga dragon.
“Tutulungan ka na nga namin, Captain. I’m hurt!”
“Mga loko, sumunod na lang kayo. Sige na, girls, tulungan niyo na
si Troy—.” Natigilan si Basty sa pagsasalita nang bigla na lang naming
marinig ‘yung pagsigaw ni Nads at nang sabihin ni Troy na, “He’s here!”
Agad kaming lumapit nina Sandy at Chris kay Troy. Tinanong
namin siya kung anong pwede naming gawin at isa-isa naman niyang

165
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

sinabi sa’min ang aming gagawin. Pero sa totoo lang? Kahanga-hanga


si Troy dahil nagawa niyang maging kalmado sa pagkakataong ‘to.
Hello! This is not a usual thing na nangyayari sa mga father-to-be, ‘no!
“I need a shoe lace,” kalmadong sabi niya sa’min nina Chris. Agad
naman akong nanghingi ng sintas sa mga lokong kabarkada namin.
“Pahingi ako’ng sintas!!” sigaw ko sa kanila na kasalukuyang
nakatayo sa labas ng van.
“Sintas? Teka, naka-tsinelas lang ako.”
“Ako rin.”
Tiningnan ko ang mga paa nila pero walang naka-rubber shoes—
“TEKA! MERON DITO! SI ANTUKE—, ANO BA ANTUKEN,
KAILANGAN KO ‘TONG SINTAS MO! GUMISING KA!”
“BAKIT MO ‘KO HINUHUBARAN!”
“Bilis na! Tama na ang laro, mga loko talaga kayo,” saway ni Rocky.
Nang iabot na niya sa’kin ang sintas, ibinigay ko kaagad iyon kay
Troy. I was so amazed dahil parang alam na alam niya ang kanyang
ginagawa. Ipinasa niya ang baby boy sa katabi niyang si Sandy.
Pagkaabot ni Sandy sa baby boy, hinarap naman si Troy ang pagtatali
ng umbilical chord ng baby gamit ang sintas na hiningi niya kanina.
“Hindi ba natin puputulin?” tanong ko.
“No,” mahinahong sagot ni Troy.
“Troy, malapit na raw sina doktora,” sabi naman ni Chris habang
hawak ang isang kamay ni Nads sa kabilang pintuan. Siya naman
ang kumakausap kay doktora ngayon para ipaalam kung ano na ang
ginagawa ni Troy.
“Aahhh…huh! Huh! Ang sakit na naman! Ayoko na!”
“Liz, can you get another cloth in the compartment? Then wipe
my baby’s face gently.”
“Okay, sige!” Kinuha ko ‘yung susi sa may driver’s seat at saka

166
V O L U M E F I V E

binuksan ‘yung compartment. Kumuha ako ng kahit anong pwedeng


gamitin tela at saka bumalik sa baby. Mukhang bothered si Sandy
pagdating ko sa tabi niya. Nasa gilid lang siya ni Troy.
“Uy, bakit?” tanong ko.
“I think…there’s something wrong with the baby.”
Napatingin si Troy kay Sandy. “What?!” sabay tingin sa baby.
Samantala, si Nads naman ay halatang nasasaktan pa rin dahil
mukhang hindi pa lalabas kaagad ‘yung isang pamangkin ko.
Hinawakan ni Troy ang baby at saka ibinulong ni Sandy kay Troy na,
“Parang hindi siya humihinga, Troy. At hindi rin umiiyak…”
“Anong nangyayari!!??” nag-aalalang tanong ni Nads sa gitna ng
pangingirot ng kanyang tiyan.
“Sssh, Nads. Ayos lang sila, kumalma ka lang,” utos naman ni
Chris.
Nakita ko ang biglang pagbabago sa mukha ni Troy. Halatang
kinabahan siya pero nanatili pa rin ang pagiging kalmado niya nang
mga oras na ‘yun. Ipinatong ni Troy sa front seat ang baby. Inumpisahan
niyang pisil-pisilin ang binti ng baby. Nang makita niyang walang
pagbabago ay hinimas naman niya ang likod nito.
“Breathe… Breathe, please,” mahinang bulong ni Troy habang
ginagawa iyon.
Pero nang hindi pa rin ito humihinga ay nakita kong mahinang
inihipan ni Troy ang bibig at ilong ng baby. Habang ginagawa ‘yun ni
Troy, parehas kami ni Sandy na umiiyak.
“BREATHE!” sigaw ni Troy at saka inulit ulit ang proseso ng ginawa
niya kanina. Napatingin ang mga naiwang boys sa van sa direksyon
namin pagkasigaw ni Troy. “BREATHE, PLEASE! BREATHE!”
Hindi ko alam ang gagawin kaya napadasal na lang ako habang
nakatingin kay Troy na sinusubukang pahingahin ang baby niya.
“Aahhh— A-Anong nangyayari!? Troy!!?? Ang— Aaah! Ang baby

167
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

ko!??”
Hinawakan ni Sandy ang paanan ni Nads nang mag-umpisa na
itong manghina.
“Please, you can do it,” taimtim na bulong ni Troy habang
hinihipan ang bibig at ilong ng baby. Nakikita ko ang sobra-sobrang
effort na ginagawa niya para lamang mailigtas ang panganay nila ni
Nads.
Umiwas ako ng tingin nang hindi ko na makayanang makita ang
eksenang iyon dahil ilang minuto na at hindi pa rin humihinga ang
baby. Ilang sandali pa, narinig ko na lang ulit na nagsalita si Troy.
“Son…you’ve come this far so please, don’t give up now. Please…”
Handa ko na sanang pakawalan ang luhang kanina ko pa
pinipigilang bumuhos nang mayamaya’y makarinig kami ng isang
milagro─ang pag-iyak ng baby nina Troy at Nads. Doon lang ako
nakahinga nang maayos. Lumuha man ako, dala naman iyon ng
kaligayahan para sa mga kaibigan ko.
“Nads, Nads! Okay na, okay na! Don’t worry, you BITCH,” naiiyak
at nangingiting sabi ni Sandy.
Lumapit naman ako kaagad kay Troy at kinalong ang pamangkin
kong wala pa ring tigil sa pag-iyak. Pinunasan ko ang mukha ng baby
ng hawak kong damit ni Nads. Narinig ko na ring nagsisigawan sa
tuwa ang barkada namin nang marinig nilang umiyak ang magiging
pamangkin namin.
Nang makabalik si Troy kay Nads, bigla na naming narinig ang
tunog ng ambulansya. Nakita kong hinawakan ni Troy ang kamay ni
Nads at hinalikan ito.
“It will be easier, Freak. It will now…”
Inilipat na sa ambulance car si Nads at ang pamangkin namin.
Sumakay na rin kasama nito si Troy. Kailangan pa rin nilang madala si
Nads sa ospital para sa isa pang kambal na hindi pa lumalabas. Naiwan
kami para hintayin si Mr. Hans at ang mag-aasikaso ng sasakyan nina

168
V O L U M E F I V E

Troy.
“Nandito na si Manong Hans!!” sigaw nila.
“Ano pang hinihintay niyo? Tara na sa ospital!”
Okay, oras na para makita ng kambal ang kanilang magandang
ninang!
-=-
Five days have passed…
Sandali ko lang nakita ang babies ko noong ipanganak ko sila.
Kailangan pa raw muna nilang i-incubator ang dalawa at bantayan
dahil premature silang lumabas sa earth. H’wag daw akong mag-alala
dahil karaniwan naman daw talaga sa mga kambal ay premature na
ipinapanganak. Oo, tama kayo. Maayos ring naipanganak ang isa pang
baby kong babae pagkarating namin sa ospital. Mga dalawang oras pa
kasi ang hinintay bago nakalabas ang bunso ko. Fraternal twins nga
pala silang dalawa. At parehas na normal delivery.
Lahat ng sakit at hirap na naranasan ko habang ipinagbubuntis
ko sila, o habang inilalabas ko sila sa mundong ‘to, napawi nang
ipatong sila sa dibdib ko sa OR. Halos hindi ko mapigilan ang luha
ko nang marinig ko silang umiiyak. Grabe, hindi ko inakalang gano’n
kahirap manganak. Pero kahit gaano kahirap ‘yun, ramdam ko sa sarili
ko ‘yung pagiging proud dahil nalagpasan ko na ‘yung pangalawa sa
major happenings na pwedeng mangyari sa buhay ng isang babae.
Ngayon, mas tumaas ang self confidence ko nang maipanganak
ko sila. Buhay ko ang aking itinaya para mailuwal ko lang sila sa
mundo. Sana…sa paglaki nila, malaman nila ang mga paghihirap na
pinagdaanan ko para lang mailabas sila nang ligtas.
Pero so much for that…
Dahil tulad ng inaasahan namin, hindi na natuloy ang barkada
sa outing nila. Araw-araw matapos kong manganak, may mga bisita
akong nangangamusta mula sa barkada namin. At nang malaman nga
nilang ngayong araw na pwedeng ilabas sa incubator ang kambal ay

169
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

mga nagsidatingan na halos silang lahat dito para makita ang dalawa.
Pero dahil mga galing sa trabaho, ayan at tulog ang karamihan sa
kanila dito sa kwarto ko.
Samantala, si Troy naman ay nakaupo malapit sa’kin at nakapatong
ang ulo sa hinihigaan ko habang natutulog din. Grabe ang ginawa niya
para sa’min ng mga anak niya habang nanganganak ako. Hindi ko
inaasahang magagawa niya’ng lahat ng iyon. At ang totoo? Mas lalo
akong na-in love sa kanya. Sino bang mag-aakalang ang sarili ko pang
asawa ang magpapaanak sa’kin sa panganay namin?
Habang tulog ang iba, ang BITCHES naman ay busy sa pag-
aasikaso sa kararating lamang na mga pagkaing ipina-deliver nina
Rocky at Basty. Libre daw ng dalawang gwapong lalaking ‘yun dahil
masayang-masaya daw sila para sa’min ni Troy.
Mayamaya pa, may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
“Anak?”
“Mommy,” tawag ko. Agad akong napaiyak pagkakita ko kay
Mommy. Niyakap ko siya nang makalapit na sa’kin. Kanina ko lang
kasi narealize ang isang bagay. “Sorry po.”
“Huh? Bakit ka nagso-sorry diyan, ah?” tanong niya habang
nakayakap ako sa kanya.
“Grabeng hirap po pala…ang dinanas niyo sa’kin nang ipanganak
niyo ‘ko. Tapos ang pasaway ko pa sa inyo nang lumaki na ‘ko. Sorry
po.” Naalala ko ‘yung mga kalokohan ko. Naramdaman ko ‘yung hirap
ng panganganak kaya naman nakakalungkot isiping magiging pasaway
rin sa’kin ang mga anak ko paglaki nila.
“Gano’n ba?” Hinimas ni Mommy ‘yung likod ko. “Hindi ka na
nga baby, Nadine. Ayos lang ‘yun. Mahalin mo ‘yang kambal.”
“Opo, opo.”
“Oy, Trick, punasan mo ‘yang luha mo,” narinig kong sabi ni Rick.
Kumalas ako mula sa pagkakayakap kay Mommy. Nakita kong
gising na sila, pati si Mokong.

170
V O L U M E F I V E

“Naiiyak ‘yan kasi pasaway sa Nanay niya ‘yan,” dagdag naman ni


Drake.
“Naluluha din ako,” si Blake.
“Tumigil ka, luha ng kaantukan ‘yan,” sabi naman ni Nick sa kanya.
“Kamusta, Troy? Balak mo na bang mag-doktor?” nangingiting
sabi ni Mommy kay Mokong. “Nakakapagod ba?” At saka siya
inakbayan ni Mommy.
“It’s…incredible. Thank you, Mom.”
“May tao ulit!” sabi ni Luke nang may kumatok sa pintuan. Gising
na ang kanina ay mga natutulog lang na bisita ko. At nang pagbuksan
niya ‘to. “Eto na sila, mga chong!”
“Ayan na ang kambal! O-M!” biglang sabi ni Liz at saka iniwan ang
ginagawa niya.
“Mr. and Mrs. Smith, here are your babies,” sabi nung nurse na
may buhat sa isa kong anak. Kasama rin nito si Dra. Ui at ‘yung isa
pang nurse na may buhat naman sa isang kakambal.
Nang iabot sa’kin ang babies ko, hindi ako makapaniwalang hawak
ko na ang halos siyam na buwan kong dinala sa aking sinapupunan.
Nandito na sila… Hawak ko na sila…sa wakas.
“Okay, video na ‘yan, Baste!”
“Syempre,” sagot naman ni Basty, at saka inilabas na ang cam
niya. “Okay, rolling na. Bago ipakita ang baby, say hi muna, mga ‘tol.”
Itinapat ni Basty ‘yung cam sa mga kaibigan naming lalaki.
“Hi!” Drake.
“Hello, Camera!” Trick.
“Hi! Sa mga pamilya ko diyan sa Cotobato! Nandito na ‘ko sa
Dubai! Wooh! Hahaha!” sabi ni Rick.
“Hello, Prince at Princess! Kapag napanuod niyo ‘to paglaki
niyo…h’wag niyong kalilimutan kung gaano kagwapo ang tito niyo!
Bwahaha!”

171
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Ay, pre. Nasira ata ‘yung cam, wait lang,” pangloloko ni Basty.
“HAHAHAHA!” Nagtawanan naman sila.
“Oh, babies, kapag nakita niyo ‘to…magugulat kayo kung gaano
na katanda ang mga ninang niyo ngayo—AH! Hahaha!” Pinalo naman
ni Sandy si Rocky nang sabihin niya ‘to pagkatapat sa BITCHES ng
cam.
“Oh, dito naman tayo sa unang mga naging parents sa barkada
natin.” Itinapat na sa’min ni Basty ‘yung camera.
Iniabot ko na kay Mokong ang baby girl namin at saka inabot
sa’kin ng nurse ang aming baby boy. Hmm? Pa’no ko nalaman kung
sino sa kanila ang babae at lalaki? Ay ewan! Basta, pinakiramdaman
ko lang.
“Tissue nga diyan, naiiyak na si Captain. Bwahahaha!”
“Nako, nainggit ka na naman. Kawasa nung ipinanganak ka, luha
ng pagsisisi ang iniiyak nina Tita at Tito,” pangloloko ni Luke kay
Adrian.
“Oo, naiyak sila dahil mahihirapan silang i-handle ang isang
henyong tulad ko—.”
“We have to know the names of the babies para mailagay sa record
ng ospital,” paalam ni Dra. Ui sa’min.
“Hahaha! Tama na raw ang kahibangan sabi ni Dra. Ui,” Trick.
“I’m just joking, Adrian,” sabi ni Doctora.
“Pero ano nga ba’ng pangalan ng pamangkin namin?” tanong
sa’min ni Chris.
Nagkatinginan kami ni Mokong.
“Wag niyo sabihing nakalimutan niyong mag-isip?” hindi
makapaniwalang tanong ni Sandy.
“Madali lang ‘yan! Pangalan ko ang ipangalan sa lalaki, at Adrianna
naman sa babae! Bwahaha!”

172
V O L U M E F I V E

“Wag gano’n, pre! Habambuhay na kamumuhian ng kambal sina


Captain at Captain Nads,” Trick.
“Eh kung…Leanne Marie?” habol naman ni Luke. L at M?
“Eh pare, initials mo ‘yung L at M, eh. Luke Matthew,” sabi naman
ni Rocky.
“Kung Crisantina? Tapos sa baby boy natin, Crisologo?” suggestion
ni Drake. “‘Di ba, parang matikas na binata at babaeng Pilipina talaga
ang dating?”
“Oh sige, ipangalan mo sa anak mo ‘yon, Drake. Tingnan ko lang
kung hindi magalit ‘yun sa’yo paglaki nila,” tutol naman ni Jhick.
“Konti na lang at kulugo na ang pangalan ng anak nina Troy,”
natatawang sabi ni Rocky.
Muli kaming nagkatinginan ni Mokong at sabay na napangiti.
“Ahm…Prince Harris Smith,” sabi ko sabay tingin sa buhat kong
baby.
“I’ll go for Princess Nadine Smith,” sagot naman ni Mokong sabay
kiss sa noo ng baby girl namin.
Iniwan na muna sa’min sandali nina Doctora ang baby namin
pagkatapos akong turuang mag-breastfeed. Baka isipin niyo naman sa
harapan ng mga kaibigan ko ako tinuruang mag-breastfeed. Syempre
hindi, ‘no. Lumabas muna sila para bigyan kami ng privacy.
At nang makabalik na sila sa loob, hiniling ng ilan sa kanila na
buhatin ang kambal. Habang ‘yung iba, tumangging magbuhat dahil
natatakot silang baka maihulog nila ang baby dahil hindi pa sila sanay
bumuhat.
Si Luke ang may hawak kay Princess. “Kamukhang-kamukha ko
‘tong si Princess kahit babae, mga pare. Sa’kin ata talaga ipinaglihi ni
Nads ‘tong pamangkin ko.”
“Bwahaha, hindi kaya kabagin si Princess dahil sa lakas ng hangin
mo, Luke!?” pangloloko ni Adrian.

173
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Ang ganda naman talaga ni Princess, tsk tsk,” singit ni Basty.


“Kapag nagka-anak talaga ako ng lalaki, irereto ko agad kay Princess.”
Isa-isa namang nag-ubuhan ang ilan. Sina Sandy at Liz naman
ay biglang tinitigan si Chris. “Nagpaparinig na si Baste, Chris. Tunog
kampana na rito sa kwarto,” panunukso ni Rocky sa dalawa na sinagot
naman ni Chris.
“Wala namang proposal paano mangyayari ang kasalan?” anito.
“Eh ‘yun naman pala, Pare, eh!” sabi ni Luke sabay akbay kay Basty
na natatawa sa pambubuyo ng mga kaibigan.
Nang umabot na ang hatinggabi, nag-alisan na rin ang mga
kaibigan namin. Kinuha na muna ulit nina Doctora sina Prince at
Princess sa’min. Kami na lang ni Mokong ang naiwan dito sa kwarto
dahil umuwi na rin muna si Mommy sa bahay. Magkatabi kami ni
Mokong sa kama.
“Mokong…bakit ang tahimik mo kanina?” tanong ko. Hindi kasi
siya masyadong nagsasalita kanina. Kahit na…talaga namang tahimik
siya noon pa. Kakaiba lang kasi ‘yung pananahimik niya kanina.
“I think…iniisip ko pa rin ‘yung mga nangyari habang
nanganganak ka, at ‘yung hindi paghinga ni Prince. That boy gave me
a sudden heart attack.”
Hinawakan ko ang kamay niya at tinitigan siya. “Natakot ka ba?”
tanong ko.
“Yes, I was.” Hinawakan rin niya nang mahigpit ang kamay ko.
“Pero we’re all safe, Troy. Thank you. Napakatapang mo talaga.
Ang galing-galing mo at proud na proud ako sa’yo.”
“Thanks. I’m so proud of you, too. Now I realize how marvelous
women in this world are, and it’s because of you. Hindi pa rin ako
makapaniwala kung paano nakalabas ‘yung dalawa sa’yo, Freak. ”
At sabay nga kaming natawa sa sinabi niya. Kasi kahit naman
ako…hindi ko rin alam!

174
V O L U M E F I V E

“Pero teka, may itatanong ako sa’yo.”


“What?”
Tumingin ako sa kanya. “Alam mo ba ang pagkakaiba nilang
dalawa?”
“Hmm… I think…hindi ko pa alam.”
“Hehe! Ako alam ko. May nunal malapit sa labi niya si Prince. Si
Princess? Wala siya no’n.”
“A mole… Really? Just like this?” sabay turo sa nunal niyang
malapit din sa labi.
“Teka!? Bakit ngayon ko lang napansin ‘yan?”
“It’s because you’re always excited to kiss me? You molested my
lips ever since we met.”
“Ah— Ano? Excuse me!??” Hindi ako makapaniwala. “Ako pa?
Eh kaya ko nga hindi napansin ‘yang nunal mo eh dahil hindi mo na
‘ko binibigyan ng pagkakataon na titigan ka. Sunggab ka kaya nang
sunggab. Ikaw nga ‘tong nangmolestya sa mga labi ko, ‘no!? Ginagawa
mong pagkain, vitamins, at tootbrush pa nga kung minsan. Tsk, tsk, tsk,
kulang na nga lang, eh kainin mo talaga, nguyain tapos—” Natigilan
ako nang makita kong nakangiti siya habang nakatingin sa’kin. Okay,
uulitin ko. Nakatingin nang mapang-akit pala dapat.
“You’ve just given me an idea. Should I try those things you just
said?”
“Kiss addict ka talaga. I can see my son’s future dahil sa nunal
mong ‘yan.”
Natawa naman siya, at gano’n rin ako.
After 2 days…
“Ano, pwede na ba ‘yan?” asked Adrian.
I asked for his help, together with Luke and Sebastian, to arrange
my babies’ room. Pauwi na mamaya si Freak at gusto kong handa na
ang lahat.

175
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Ang loko mo, Adrian! Bakit mo naman inayos lahat ng crib na


bigay kina Nads?” It’s Luke.
“Bwahaha! Para may choices sila kung sa’n ihihiga ‘yung dalawa.
Hindi mo ba naisip ‘yun?”
“Tss!” then I shook my head.
“Troy, pare, bakit mo naman binuksan lahat ng laruan tapos
itinambak mo diyan sa gilid?” Sebastian asked.
“Toys are meant to be played. Kaya dapat madaling kunin,” I
added.
“May point si Captain, h’wag kayong nang-a-ano! Bwahaha!”
“Eh, hindi pa naman maglalaro ng lutu-lutuan at mini billiards
‘yung kambal. Ang gagawin lang ng kambal ay humingi ng gatas.” Luke
has a point. Natuwa lang akong ilabas ang laruan ng kambal ko.
“Bwahaha! Kayo naman talaga, pinapahiya niyo si Captain, eh!
Ikaw nga Luke, pinaghili-hilera mo ‘yang bote ng gatas. Ano ‘yan?
Magbo-bowling si Nads?”
“Para madali ring damputin ni Nads, ‘di ba, pare?” sabay tingin
kay Sebastian.
“Ewan ko sa inyo. Basta ako, matino ang nagawa ko. Iyang
inaapakan niyo at nakikita niyong nakadikit sa dingding, ako lahat ang
may gawa niyan.”
“Yabang… Nagpa-practice ka lang eh. Magpo-propose ka na ba!?
Bwahaha! Oh! Nandyan na sila,” said Adrian. Narinig na namin ang
busina ng sasakyan nina Chris.
Bumaba na kaming lahat at sinalubong sina Freak. I kissed Freak
first, then I carried the twins.
“Oh picture muna,” it’s Chris. “Ayan…”
“Oh kasama kaming mga tito, sandali,” sabi ni Rocky at
nagpuntahan na sila sa tabi ko.
Kasama si Rocky sa pagsundo kay Freak sa ospital.

176
V O L U M E F I V E

“Nga pala, Nads. Pasensya ka na at hindi kami ang sumundo


sa’yo. Baligtad dahil kami ang nandito sa bahay. Inayos kasi namin ang
kwarto ng kambal,” Sebastian.
“Talaga? Nako, kaya naman pala. Tara, patingin nga.”
“Kinakabahan ako sa ginawa nila, girl,” said Sandy.
“Ang hirap ng ginawa ko, bwahaha!”
“Nako, sorry.”
“Nako, h’wag mong intindihin ‘yang si Pong, Nads. Sanay sa hirap
‘yan.”
“Oo naman, hirap na hirap na kong maging gwapo at heny—.”
“Oh ano, guys? Tara na? Akyat na tayo,” Luke.
“Ayos, ah,” Adrian.
Pagkaakyat na pagkaakyat namin, the girls are speechless. Then I
heard Rocky’s mocking laugh.
“Ayos nga mga ‘tol,” said Rocky.
-=-
Kulang na lang ay matawa ako sa nakikita ko ngayon. Pero
nakakatuwa at ginawa nila ‘tong apat para sa kambal kahit na medyo
crowded ang kinalabasan. Aayusin ko na lang bukas.
“At least, na-appreciate nila ang lahat ng regalo sa inyo, Nads.
Binuksan nilang lahat at basta na lang nilagay dito sa loob,” sabi ni
Sandy habang papasok kami sa kwarto.
“Akala ko naman nasa bodega ako,” pangloloko ni Liz.
“Apat na henyo na ang nagtulung-tulong diyan?” natatawang sabi
naman ni Rocky. Sa kanilang mga lalaki siguro? Si Rocky ang sa tingin
ko’y marunong sa mga ganitong bagay. Sanay kasi ‘yan sa pag-aayos ng
mga bagay-bagay. Kita naman sa restobar nila, ‘di ba?
“Yabang mo Rocky, ah. Maayos nga, eh,” sagot naman ni Luke.
Napatingin sa’kin si Mokong. “What? Is it…okay? Or is it a

177
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

complete mess?”
Tumingin naman ako sa kanya. “Siyempre, it is ok—.”
“COMPLETE MESS,” dugtong nina Sandy.
At biglang umiyak ‘yung kambal kaya kinuha ko si Prince kay
Mokong. Natira naman sa kanya si Princess.
“Hey!? What’s wrong, uh?” tanong ni Mokong kay Princess.
“Oh, ano gusto? Nagugutom na si baby ko? Ah?” sabi ko habang
nagsu-sway pa.
“What do you want, my Princess, ah? Ayiii…”
Napatingin kami kay Mokong. Ayii?
“AHAHAHA!!!” Natawa naman silang lahat.
“What!?” tanong ni Troy habang nakakunot pa ang noo.
“Ibang klase, bumabait pala si Troy kapag may hawak na baby?”
biro ni Luke. “Mukhang anghel. Uma-ayii pa, ahahaha!”
“What do you mean!? Tss!”
Nagkakatuwaan pa kami sa loob nang dumating si Mommy na
may dala raw pagkain para sa’min.
“Bago makalimutan ni Troy na may hawak siyang baby dahil sa
kakaasar natin sa kanya, kumain na tayo,” pag-aaya ni Luke sa’min.
“Oo nga, ikaw talaga, Luke. Inaaway mo ‘yang si Troy,” nakangiting
sabi ni Mommy.
Pababa na kami ng hagdan ngayon. Kinuha muna sa’kin ni Basty
si Prince at inalalayan naman ako ni Rocky pababa ng hagdan. “Luke,
single ka ba ngayon?” tanong ni Mommy.
Nako, speaking of Luke. Naikwento sa’min ni Rocky kanina habang
papunta rito sa bahay na mukhang may babaeng muling magpapatibok
ng puso ni Luke ngayon. Kaso…hindi raw niya sigurado kung anong
nangyari dahil ‘yung babae, umalis na. Mukhang nasa kalagitnaan
daw ng pag-iisip si Luke tungkol dun sa babae. Hindi na nga raw

178
V O L U M E F I V E

niya binubuyo si Luke dun sa sinasabi niyang babaeng bokalista dahil


mukhang confused daw si Luke.
Napakamot naman sa ulo niya si Luke habang sumasagot kay
Mommy. “Eh…darating tayo diyan, Tita. Alam mo naman…hindi ako
makakapayag na ang heartthrob ng Austine University ay magiging
matandang binata lang sa huli.”
“BWAHAHA! Okay lang ‘yun, Luke. Kawawa ang lahi mo kapag
naipagpatuloy pa,” pangloloko ni Adrian.
“Nagsalita… Lahi mo ang asikasuhin mo. Nako, Liz…” Tumingin
naman siya kay Liz. “Pag-isipan mong mabuti bago ka makisanib sa
lahi ni Adrian, ah.”
“Naman… Don’t worry,” sagot naman ni Liz.
“Oy, Luke, h’wag mong impluwensyahan ang Queen ko. Itaga
mo sa bato na hahabul-habulin ng magiging anak mo ang anak ko!
Bwahaha!”
“Sana kay Liz magmana, h’wag sa’yo,” sabi ni Rocky at saka sila
nagtawanan.
Sana nga… Kung sino man ang muling magbubukas sa puso ni
Luke, sana alagaan niya dahil sigurado akong aalagaan din siya ni Luke.
“Kayo talaga. O siya, hahainan ko muna kayo, ah? Niluto ko talaga
‘to bago pumunta dito.”
“Nako…matitikman ko na naman ang luto ni Tita. Walang duda
na kay Tita nagmana si Nads pagdating sa pagluluto,” pamumuri ni
Basty kay Mommy na bigla namang dinugtungan ni Adrian.
“Eh buti pa siya magaling magluto, si Qu—.”
“Ano Pong? May sasabihin ka ba?” banta ni Liz.
Sa totoo lang kasi…sa aming apat? Si Liz ang hindi ganoon
kagaling pagdating sa pagluluto at aminado naman siya doon. Hindi
nga raw niya alam kung paano siya nakatapos sa course namin
“Ah? Bwahaha! Kasi ‘yung katulong naming ano… Grabe! Walang

179
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

lasa magluto ‘yun. Buti na lang nandyan ang Queen ko para ipagluto
ako ng mas walang las— este mas masarap palang putahe. Bwahaha!”
“Kung gusto mong ipagluto kita ng masarap na putahe, magseryoso
ka muna sa trabaho mo. Hindi ba ang sabi mo, magtatayo ka ng sariling
kumpanya at tatalunin mo ang kumpanya ni Troy?”
Baliw talaga si Adrian. “So… I see…” sabi ni Mokong habang
nakatingin kay Adrian.
Bigla namang umakbay si Adrian kay Liz. “Ano ka ba naman,
Queen. Kulang ang kwento mo. Kako, magpapatayo ako ng kumpanya
na isososyo ko kina Captain. Bwahaha!”
“I’m not that crazy to do that,” sagot ni Mokong.
Ang dalawang makulit na ‘yan? Masaya ako na kahit puro
kalokohan ata ang naiisip nila, going strong pa rin naman sila. Bakit
nga ba hindi? Sino bang aayaw kay Adrian na ang tanging gagawin mo
lang buong araw ay tumawa ng “Bwahaha!”
Habang naghahanda ng pagkain si Mommy na tinutulungan
naman nina Sandy at Liz…
“Oh, picture muna tayo,” aya ni Chris. “Okay, tingin dito… Say O.”
Naglapitan naman ‘yung iba sa pwesto namin ni Troy at sinunod
namin ang sabi ni Chris. Pagkatapos, si Basty naman ang kumuha ng
picture. “Ako naman. Umupo ka na, Chris.”
Ang akala ko talaga noon, walang interes si Chris sa mga usaping
may kinalaman sa pag-ibig dahil napakatahimik lang niya. Biruin mo,
isang napakabait na Basty ang nakasungkit ng puso niya? Pero sa totoo
lang, pantay lang ang ugali nila. Pinagsama ang dalawang kalmado at
tahimik.
“Say bongga,” seryosong sabi ni Basty.
E ‘di sumunod naman kami. “Bongga!!”
“Inuuto na yata tayo nitong dalawa, eh,” sabi ni Luke matapos
kaming kuhanan ng litrato ni Basty.

180
V O L U M E F I V E

“Halata na ba?” Natawa naman si Basty sa kalokohan niya. At


habang tinitingnan niya ‘yung picture namin sa camera, “Tingnan niyo
si Sandy rito. Wala pa ring kakupas-kupas ang ganda,” puri ni Basty.
“Makakalabas ka na. Ngayon din, Basty,” biro ko.
“Maluwag ang pintuan,” dagdag ni Liz habang nakangiti lang si
Chris.
“Wag tayong ganyan, girls. You must all learn how to accept things
that cannot be changed. Maganda rin naman kayo, ‘yun nga lang…mas
stand-out ang beauty ko. Thanks, Basty.”
“Hihingi lang ng discount ‘yan sa’yo sa restobar natin, Babe,”
pang-aasar ni Rocky.
Mas lalo naman ang dalawang ito. Hindi ko inakalang sila pala ang
pagtatagpuin ng tadhana. Love moves in mysterious ways nga talaga.
Maswerte si Sandy dahil nakahanap siya ng peace of mind sa isang
lalaking masasabi kong ideal maging asawa. Bukod sa settled na si
Rocky financialy nang makilala siya ni Sandy, eh talaga namang caring
at mapagmahal, ayon na rin sa mga kwento ni Sandy sa’kin.
Haay… Napakasarap isiping I found the right people na
makakasama ko sa mga oras na masaya at malungkot ang buhay.
Kinagabihan…
Nagpaalam na sila sa’min ni Mokong. Wala pa rin nga pala si Rose
dahil daw sa nangyaring aksidente dito sa bahay, na hanggang ngayon
ay ‘di ko pa rin matandaan. Ang totoo, natatakot akong malaman.
Sabi ng doctor na kumausap sa’kin noon tungkol sa nararanasan
ko ngayon, marahil ang dahilan daw kung bakit kinalimutan ng utak
ko ang nangyari sa’kin noon ay ang matinding stress o pagka-shock
sa mga nangyari noong mga oras na ‘yun. Kaya nga ako natatakot
balikan, eh. Baka kasi…maungkat ‘yung kinatakutan ko noon.
“Hey, Freak,” tawag ni Mokong sa’kin habang inaayos ‘yung
dalawang crib na ipinapasok ko rito sa loob ng kwarto namin. Hindi
pa rin naman kasi talaga namin kailangan ng kwarto para sa mga bata

181
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

kaya dito muna sila sa kwarto namin.


“Bakit?” tanong ko.
“Bigla kang natulala. Anything wrong?” tanong niya sa’kin.
Ilan siguro sa mga natutunan ko ngayon sa first year of marriage
namin ni Mokong ay ‘yung malaking importansya ng constant
communication. Hindi na namin dapat hayaang umabot sa puntong
kailangan pa naming magpakiramdaman para lang malaman ang
problema ng isa’t isa.
Kinuha niya si Prince na kasalukuyang nakahiga sa kama namin
saka inilagay sa crib.
“Naisip ko lang bigla ‘yung nangyari noon sa’kin na hindi ko
maalala,” sabi ko. “Parang…gusto ko nang matandaan pero parang
hindi, alam mo ‘yun?”
Lumapit muli si Mokong sa kama para naman kunin si Princess.
“Just like what I’ve told you, Freak, you don’t have to force yourself
para maalala. ‘Di ba, kaya nga natin piniling h’wag magpa-theraphy
dahil gusto nating bumalik ang alaalang ‘yun kapag sinabi na ng brain
mong kaya mo nang i-handle ‘yun?” Bumalik siya sa kama at humiga
na sa tabi ko. Tumingin siya sa’kin at saka sinabing, “Don’t stress
yourself, Nadine. Kapapanganak mo pa lang.”
“Kasi naman…narinig ko kayo, Troy.” Kumunot ang noo niya
pagkasabi ko noon. “Narinig ko kayo ni Hans na nag-uusap tungkol
sa investigation ng nangyari sa’kin. Meron na kayong suspect at may
konklusyon na rin kayo sa nangyari base sa nakuha niyong evidence
sa mga CCTV. Ang kailangan niyo na lang ay ang alaala ko para mas
mabigyang linaw ang lahat.”
Napabuntong-hininga siya. Alam kong ayaw niya ipaalam sa’kin
ang tungkol dito n’ong buntis pa ‘ko dahil alam niyang bawal akong
ma-stress. Pero ngayong nakapanganak na ‘ko? Siguro naman hindi na
masama kung hahayaan na niya akong makatulong para mas mapadali
ang paglutas sa nangyari lalo na ngayong handa na ‘kong kaharapin
ang dapat kong kaharapin.

182
V O L U M E F I V E

“Yes, you’re right. Kailangan ng investigation team na malaman


ang nangyari base sa kwento mo, Freak. But still, it doesn’t mean na
mamadaliin natin ang lahat. I know, in due time…we’ll be able to solve
this case. I swear, I’ll make the person who did that to you go in jail.
Kapag nangyari ‘yun, mas gagaan ang loob ko.”
Niyakap ko si Troy. Alam kong gumugulo pa rin sa isip niya ang
bagay na nangyari noon sa’kin.
“Sige na…susundin ko ang sinabi mo. Ipanatag mo na rin ‘yang
loob mo tungkol sa incident na nangyari sa’kin noon. Matulog na lang
muna tayo, okay?” sabi ko.
“Matulog?”
“Huh? Bakit?”
“Hindi ba tayo pwedeng gumawa na ng kapatid—ah!”
“Troy Harris Smith, nakita mo ba ang paghihirap ko habang
nanganganak ako sa sasakyan? Hayaan mo muna akong huminga ulit
saka natin isipin ang tungkol sa kapatid nila, understand? At isa pa…
may maliit na tahi ako kaya hindi pwede, okay?”
“Tss! Okay, I’m a patient man.”
At nang hihiga na kami parehas…
“But I think cuddling will do, Freak,” sabi niya sabay kiss sa leeg ko
habang hawak ang magkabilang kamay ko.
“Mokong, ahaha! Ano ba, h’wag kang mangiliti—.”
“Then…good!”
“Ahaha!” Kissing monster talaga! “Tama na, Mokong! Ahaha!”
“I miss this, Freak. We should—.”
Sabay kaming natigilan nang marinig naming umiiyak ang isa sa
kanila, si Princess.
“Tss! Good timing, daughter.” Tumayo naman si Mokong at saka
pinuntahan si Princess. Binuhat niya ito at saka inihele nang bahagya.

183
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Yes, my Princess? What do you want from your Dad? Or from you
Mother, I guess?”
Napapangiti ako habang tinitingnan ko si Troy. Mas lalo talaga
akong nai-in love sa kanya kapag nakikita ko siyang hawak niya ang
baby namin. Mas lalaking-lalaki siya sa paningin ko. Nang tumahimik
na si Princess, dahan-dahan ulit niya itong ibinalik sa crib. Pero pabalik
pa lang siya sa kama namin nang si Prince naman ang sumunod na
umiyak.
“Yeah, of course,” sabi ni Mokong habang kinukuha si Prince sa
crib. “You? What do you want? Stop crying, Prince. A man should be
brave. You’re the second generation of my blood, so be a man, young
Smith.”
Matagal-tagal bago nakabalik sa kama namin si Mokong. Para
kasing niloloko siya ng mga anak namin. Nang maibaba niya kasi si
Prince sa crib, umiyak na naman si Princess. At naulit pa ‘to nang isang
beses. Gusto ko na nga siyang tulungan pero sabi ni Troy, kaya na raw
niya. At tama nga siya.
Kinantahan lang naman niya ang dalawa hanggang sa tumigil sa
pag-iyak at tuluyan na ngang makatulog.
Pagkahiga niya sa kama namin…
“Ano? Akala ko ba magka-cuddle-cuddle tayo?” natatawang sabi
ko.
“Tss! Let’s do it tomorrow. For now? Let’s sleep, Mrs. Smith.”
“Anak mo lang pala ang magpapabagsak sa’yo. Fine, goodnight,
Mr. Smith.”

184
V O L U M E F I V E

Chapter 39: With the Family…


What’s on your mind? > Don’t ever forget that family
is a gift that lasts forever.

Malayo pa lang kami ay nakatanaw na sa’min ang mga future


Ninong at Ninang ng kambal namin ni Mokong. Nandito kami
ngayon sa mall dahil nagkayayaan na mag-bonding ang barkada bago
ang binyagan.
“AYAN NA SILA!!!!” sigaw ng mga Dragon.
Isa-isa silang nagsilapitan sa’min. Doon sila dumiretso kay Princess
na nakasakay sa stroller niya at tulak-tulak naman ni Mokong. Habang
ang mga couples naman ay dito kay Prince pumunta.
“Excuse me, Captain,” sabi ni Trick habang pinapaalis si Mokong
sa pagkakahawak niya sa stroller ni Princess. “Ohh, ang ganda talaga
ni baby-baby.”
Ang cute nilang tingnan habang nagkukumpulan sa harapan ni
Princess. Mga nakaluhod pa ang iba habang si Mokong naman ay
nagtitimpi dahil sa ginawa nilang pagtabig sa kanya. Halata namang
iniinis lang nila si Troy. Pinagtitinginan na nga kami ng ibang tao,
siguro dahil sa dami nilang gwapong kasama ko.
“Teka lang, excuse, Captain,” sabi ni Nick. “Ang ganda, nagmana
nga sa’kin ang pamangkin ko.”
“Hindi naman mukhang aso si Princess, ah?! Grabe ka naman,
pre!” Jhick.
“HAHAHA!” tawanan nilang lahat.
Kinalabit naman ako ni Chris. “Tingnan mo ang asawa mo, Nads.

185
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Parang bulkan, sasabog na ‘yan mamaya, sigurado.”


“Hayaan mo siya. Para sa anak niya, magtitimpi ‘yan.”
Dito naman sa side ko…
“Oh Prince, gandang lalaki talaga ng pamangkin ko. Paglaki mo,
sa restobar ka lagi pumunta, ah? Akong bahala sa’yo,” sabi naman ni
Rocky.
“Huwag kang masyadong lumapit, Babe, baka maging kamuka mo
si Prince,” pang-iinis naman ni Sandy kay Rocky.
Wala pang masyadong magulo sa side ko dahil wala pa sina Adrian
at Liz. Ewan ko nga ba at bakit late ata ang dalawang ‘yun ngayon.
Tuloy, ang nananatiling magulo ay ‘yung mga dragons na nakapalibot
kay Princess.
“H’wag niyong masyadong hawakan, baka malamog,”
nakakatawang paalala ni Blake.
“Pare, ano tingin mo sa baby? Mansanas? Malalamog?” tanong ni
Luke.
Hanggang sa bubuhatin na sana ni Trick si Princess kaya lang…
“Pabuhat na lang sa Princess, aya—Captain, naman!!?? Minsan lang
makakalapit sa ma-abs si Princess bukod sa’yo, Captain, eh.” Bigla
kasing kinuha ni Mokong si Princess sa stroller nito.
“That’s enough. You’re suffocating my daughter sa mga amoy niyo.”
Isa-isa namang nag-amuyan ang dragons.
“Mabaho ba ‘ko, pre? Amuyin mo nga.”
“May kurot nang konti, pre. Hahaha!”
“Asa.”
“Mabango naman ako, ah?”
Hanggang sa ilang sandali pa’y dumating na ‘yung dalawang
hinihintay namin. Pero mukhang may kakaiba sa kanila, ah? Mukhang
nag-away pa ata. Magkahiwalay na lumapit sa’min eh.
“Ano namang meron sa inyo?” tanong ni Chris.

186
V O L U M E F I V E

“Eto kasing si Adrian! Nakakainis, nagalit ba naman sa’kin?”


“Aba… Walang Pong na tawagan ngayon, ah?” panunukso ni
Rocky.
“Eh si Liz kasi, hindi na ‘ko inaalala. Ganyan naman siya palagi,”
sagot naman ni Adrian.
“Ano bang pinag-awayan niyo?” tanong naman ni Sandy.
“Kayo naman, nakitang magsasaya tayo ngayon tapos ganyan pa
kayo,” dagdag pa ni Basty.
“Bakit nga ba kayo nag-away?” tanong ko.
“Cream-O,” sabay nilang sabi. Ano raw? Tama ba’ng rinig ko?
“Kasi si Liz, inubos lahat ng Vanilla feeling ng Cream-O,
napakadaya.”
“Eh tiniran naman kita, ah!”
Nagkatinginan kaming lahat. “Ah, guys? Tara na… Medyo
alanganing magtagal pa tayo rito. Nakakahawa ang ganyang klase ng
mga tao. Pangalagaan natin ‘yung kambal,” pag-aaya ni Luke sa’min.
Isa-isa na kaming naglakad palayo sa dalawa. Kala ko naman kung ano
nang pinag-awayan.
“Captain! Kami nang magtutulak sa stroller, please!!” pagpupumilit
ni Jhick.
“Ako na lang!” singit ni Nick.
Bakit ba gustong-gusto nilang magtulak?
Sandaling naghiwalay ang grupo namin pagkatapos naming
makumpleto. Dadaanan lang daw ni Sandy ‘yung hindi niya nabiling
damit n’ong isang araw. Tapos ‘yung mga lalaki naman, may dadaanan
lang daw sa department store. Magkita-kita na lang daw kami
pagkatapos. Habang dala ng BITCH si Prince, ang RD with Rocky
naman ang may dala kay Princess.
Nabili na namin ‘yung damit na sinasabi ni Sandy kaya nagsabi
kami sa mga boys na sa coffee shop na lang kami maghihintay sa
kanila. Ano naman kayang bibilhin nila dun?

187
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Naalala niyo ba nang gumawa tayo ng FBBF si Nads noon?


Tapos…si Nads ang nagustuhan nung barista sa coffee shop n’ong um-
order tayo?” panimula ni Liz.
“Yeah, that guy has an exotic taste,” dagdag ni Sandy.
“Inggit lang kayo dahil ako ang nagustuhan,” sagot ko.
“Then let’s have a bet now. Kung sinong unang bigyan ng order, sa
kanya nagandahan ‘yung barista over there. Pero kung sunud-sunod
tayong tinawag base sa kung sino ang naunang um-order...eh ‘di there’s
no game for us. What do you think?” panghahamon ni Sandy.
“I’m in,” sagot ni Liz sabay flip ng hair niya.
“Hands up,” habol ni Chris.
“Count me in.” Syempre, ako rin dapat! Tumingin ako kay Prince
na nakangiti lang. Ang cute ng baby ko. Paglaki nito, ilang girls kaya
ang mabibihag ng ngiting ‘yan?
Sabay-sabay kaming lumapit para um-order at sabay-sabay ding
bumalik sa pwesto namin. Hihintayin na lang namin kung sino ang
unang bibigyan ng order at ‘yun ang panalo.
“Chocolate Cream Frappuccino for Miss Sandy.”
Tumingin sa’min si Sandy. “Sorry Girls, still, I’m the first.” Tumayo
siya saka niya kinuha ang order niya.
“One Caramel Frappuccino for Miss Chris.”
“Second.” At kinuha na rin ni Chris ang order niya sa counter.
“The game is between the alluring chick and charismatic lady,”
sabi ni Sandy.
“Chocolate Cream Frappuccino for Miss Liz.”
“Sorry Nads, that’s my order,” pang-iinis ni Liz. “This time, hindi
ka tipo ng barista.”
Grabe naman… Naglaho na ba ang karisma ko?
“Kinalimutan na ata ‘yung order mo, Nads. Tsk tsk tsk!” dagdag
pa nitong si Sandy.

188
V O L U M E F I V E

“Fine, tatayo na lang ako—.”


“Excuse me, for Miss Nadine?”
Napalingon naman kami sa lalaking nagtanong ng pangalan ko
habang may dalang cup of coffee.
“Ooohh…” mahina pero sabay-sabay na reaksyon nilang tatlo.
Halatang-halata naman!
“Ahm, ako ‘yun.”
“Ooohhh…” react na naman nila habang ininom ang kani-
kanilang kape.
“The manager,” sabi ni Sandy.
Napatingin ako sa name plate nung guy. Aba… Manager nga.
“Yes, have a nice day, Ma’am.”
Nang makatalikod na siya sa’min, “Sabi sa inyo, eh, mukha pa rin
akong dalaga—,”
“By the way…” Bumalik si Manager. “You have a cute baby.” At saka
nag-smile ulit sa’kin bago umalis. Buti umalis na kasi… pumapatol ako
sa manager!!
Tumingin naman ako sa kanilang tatlo na kasalukuyan namang
nagpipigil ng kanilang mga tawa.
“Nads, ano? Dalaga pala, ah?” Liz.
“Don’t worry, you will always be a BITCH. Tulad ng sinasabi ko
noon… Boys may come and go but BITCHES will always stay.”
“Sure thing!” Liz.
“Hands up,” Chris.
“Count me in!”
-=-
I don’t really have any idea why did they bring my Princess
here…
“Oh ano, Baby Princess?” It’s Trick, she’s carrying Princess. “Ang

189
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

gwapo ng ninong, ‘no? Ang hot pa—Oh, oh, mapapaso si Princess.”


“Tss!” Marami naman na kaming gamit ng kambal pero hindi ko
alam kung bakit nila gustong pumunta sa babies section.
“’Tol, hindi mapapaso ‘yan, masusuka,” said Vic.
“Oy Trick, ako naman kay Princess. Kanina mo pa siya buhat
diyan.” It’s Nick.
“Hindi ba kayo nakakaramdam sa aura ni Troy, mga pre?” Sebastian
stifled a laugh. “Huwag niyong hintaying maubos ang pasensya niyan.
Tsaka…kanina ko pa nahahalatang gustong-gusto niyong buhatin si
Princess ngayon, ah.”
“Minsan lang naman, Captain. Uy, pabuhat naman,” Jhick.
“Mga style niyo bulok. Akala niyo naman hindi ko alam kung
bakit tayo nagpunta rito,” said Luke.
“Bakit nga ba?” asked Sebastian.
“Eh, nang mapadaan kami rito kanina habang hinihintay kayo,
takang-taka kami kung bakit ang gaganda ng mga sales lady sa section
na ‘to. Parang mga flight attendant, ‘di ba, Trick?” Drake.
“Tama ka, chong,” pagsang-ayon ni Trick.
“Isusumbong ko kayo sa mga girlfriends niyo. Patay kayo sa mga
‘yun,” it’s Rocky.
“Basta ako…single,” Drake.
“Ako rin,” Zhrake.
“Tama na ‘yan. Baka mapunit si Princess,” Blake.
“Ano ‘yan, papel?” Zhrake. “Kanina ka pa, antuken, ah? Kung
saan-saan mo inihahalintulad ‘yung kambal.”
“Ano ba ‘yan. Ang gugulo niyo, nakakahiya sa mga tao.”
Napatingin kami kay Adrian. Yes, it’s Adrian who said that.
“Nahiya ako, ang tahimik mo kasing tao, Adrian,” Trick.
“Hindi niyo ba alam na mas lalo kayong hindi papasa sa taste nila

190
V O L U M E F I V E

dahil aakalain nilang may anak na kayo?” Sebastian explained.


“Gano’n ba ‘yun!?” Nick.
Then suddenly…
“Excuse me, sino pong daddy ni baby?” Finally, it’s the moment
they’ve been waiting for.
They all turned to Nick who’s carrying my daughter. “Ah? Hindi
ako. Isip-bata ang girlfriend ko pero wala pa ‘kong baby.” Then he
passed my daughter to Trick.
Troy… Patience.
“Ah? Binata pa ‘ko. Girlfriend pa lang na mahilig sa abs ang meron
ako,” said Trick. Katulad ni Nick, ipinasa rin niya kay Rick ang baby ko.
“Teka, kakabalikan pa nga lang namin ng girlfriend ko—.”
“Give me my child!” Kinuha ko sa kanila si Princess. If we’re on a
gym now, I want to give them fifty! Tss!
“Mga loko, sila rin ang kusang umamin na may mga girlfriend na
sila,” said Sebastian. “Ah, ayan, Miss. Tatay na talaga ‘yan.” He’s looking
at me.
“Lahat kami, mga binata pa. Pwera sa kanya,” Rocky added.
The sales lady looked at me. “Yeah, they’re right.”
“Ay gano’n po ba? Nako, ano pong gusto niyo para kay baby? Kayo
po? Anong gusto niyo?”
“Siya ‘yung Daddy? Nako, ang bata pa ni Daddy pero bagay na
bagay sa inyo ang may hawak na baby. Mas lalo po kayong gumwapo—
Ay! Sorry po sa pagiging honest ko.”
“Tara po, marami po kaming supplies for new born babies.”
Tumingin ako kina Rick, “Tss!” I’m still their Captain in so many
ways, including this. Pero bago pa ‘ko makita ni Freak with all these
sales ladies around me, I told them that I’m not interested to buy.
Nag-aya na rin silang lumabas ng department store para puntahan
sina Freak.

191
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“So, where are we going?” I asked.


“Sa coffeeshop,” said Sebastian “Pero sa’n ba ‘yun?”
“Hindi ko alam,” Luke.
“We need… BACKPACK! BACKPACK!” Adrian.
“Baliw talaga ang isang ‘to,” Luke.
“Baliw agad?! Bwahaha! Hindi mo siguro kilala si Dora. Kalaban
ni Kuya Kim. Yung…I’m the map! I’m the map! Bwahaha! May sakit
‘yun eh, hyper? Pati hallucination mayro’n din. Kinakausap ang mga
bag, unggoy, pati puno.”
“Ikaw ang may sakit diyan, Adrian,” Rocky.
“Bahala kayo— Oh, teka. Nakikita niyo ba siya?” Tumingin kami sa
picture na itinuro ni Adrian. Hindi talaga siya nauubusan ng pwedeng
gawing topic ng usapan. “Si Solenn Heusaff… Ganda niya, grabe.”
“Kung sabagay, maganda nga,” Luke.
“Maganda…” Rocky. “Pero mas maganda si Sandy.”
“Ikaw Captain? Maganda ba?” Adrian asked.
Well… Objective opinion? “Yes.”
“Ang bilis ng sagot, ah?”
What!? Lumingon ako sa aking likuran, and I saw Freak.
“Bwahaha! Tara na, guys!”
“Tss!”
-=-
Sa wakas, nakita na namin sina Mokong na kasalukuyang
nakahinto naman sa tapat ng picture ni…Solenn Heusaff? Aba…
tingnan mo nga naman. Iniwan ko lang sandali, may iba nang
tinitingnan. Nakita naming napalingon si Adrian sa direksyon namin
nina Liz na siya namang palapit sa kanila.
At nang makalapit kami sa likuran nila…
“Ikaw Captain? Maganda ba?” tanong ni Adrian habang nakatingin

192
V O L U M E F I V E

sila sa picture ni Sollen.


Aba…tamang-tama pala ang dating ko—.
“Yes,” agarang sagot ni Mokong.
Wala pang five seconds ‘yun, ah? “Ang bilis ng sagot, ah?” sabi ko
sabay lingon niya sa likuran.
“Bwahaha! Tara na, guys!”
“Tss!” iling niya.
Habang palapit siya sa’kin. “Nakooo…” sabi ko.
“Hahaha! Patay kay kumander,” pangloloko ni Rocky habang isa-
isa na silang naglalakad palayo sa’min. “Punta na kami sa kakainan
natin, ah? Kitakits. Kaya mo ‘yan, Troy.”
“Hey, Nads.” Lumapit sa’kin si Chris. “‘Di ba pupunta kayo ng
boutique para tumingin ng damit niyo sa binyag? Ako na muna kay
Prince, gusto mo?” tanong niya sa’kin.
“Okay, ingatan niyo, ah? Thanks, Chris.”
“No prob.” Tumingin siya kay Troy. “Nice taste, Troy,” biro ni Chris.
“Captain! Kami na muna kay Princess—.”
“No,” seryosong sagot ni Mokong kina Rick.
“Hayaan mo na, Mokong.” Tiningnan ko sina Rick. “Alam naman
nilang kapag may nangyari sa kambal, mata lang nila ang walang latay.
Tama ba, Rick?”
“Ah? Oo naman, hahaha!”
“Kapag may nangyari kay Princess, don’t ever show your face to
me again… Got that!?”
“Hehehe, ibalik na kaya natin si Princess, Pare?”
“Sige, Captain! Kaming bahala.”
Mayamaya, humiwalay na rin kami ni Mokong para tumingin ng
damit para sa binyag.
Habang naglalakad… “Ang bilis ng sagot mo kanina sa tanong

193
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

sayo kung maganda ba si Sollen, ah?


“That’s an objective opinion, Freak. Now…ask me if you’re
beautiful,” sabi niya habang nakaakbay sa’kin.
“Sige, ako? Maganda ba ‘ko?” tanong ko habang nakatingin sa
kanya habang naglalakad kami.
“No.” Aray ah. Tiningnan ko siya nang masama. “‘Coz you’re
gorgeous, Freak,” sabi niya sabay halik sa bunbunan ko. “And that’s a
fact.”
“Asus, ang galing mo talagang sumagot.”
“Of course, I’m a Smith.”
“Nako…nahahawa ka na kay Adrian. Pero ayos lang ‘yan kahit
abutin pa ng signal number nine ang pagbubuhat mo ng bangko. Basta
lahat ng sweldo mo, sa’kin ang diretso.”
“Of course. Wala naman akong ibang pagbibigyan. I’ll give it to
you, cash.”
“Deal! Hahaha!
-=-
Patay na, nag-text na sina Nads at papunta na sila rito. Lagot
ang mga lokong ‘to. Pa’no ba naman kasi, hindi nila makita si Princess.
Buti na lang at nasa amin itong si Prince. Nalingat lang kami, hindi na
namin napansing bitbit na pala nila si Princess.
Ganito kasi ang nangyari kanina…
“Nasa’n si Princess!?” tanong ko sa kanila.
Nagsabi kasi kami na maghintay-hintay muna sila rito sa labas
ng restaurant dahil may kinakausap pa kaming tao sa loob bago kami
makapasok lahat. Habang naghihintay ‘yung grupo namin sa loob, ang
mga lokong ‘to umalis nang hindi namin alam. Paglabas ko, parating
na sila na may kanya-kanyang bitbit na pambatang gamit. Pero ‘yung
bitbit nilang bata, wala!
Nang hindi sila makasagot sa tanong ko. “Loko, ‘wag kayong
nagbibiro ng ganyan kung ayaw niyong dito na kayo ilibing nang

194
V O L U M E F I V E

buhay ni Troy.”
“Oy Nick, ikaw ang may hawak nung stroller, ‘di ba!?” Rick.
“Anong ako? Pumipili ako ng damit na pambata kanina,” sagot ni
Nick. “Hindi ba sa’yo ko nakita, Vic?”
“Asa kayo, hindi ko nga nahawakan ‘yung stroller dahil lagi niyong
hawak, tapos ako?” sagot naman ni Vic.
“Don’t tell me na sa dami niyong ‘yan, nawala niyo si Princess!?”
halatang inis na sabi ni Chris.
“Tara na sa security area para makita natin ‘yung CCTV nila,” aya
ni Sebastian.
Back to reality…
At heto na nga, nandito na ang mag-asawa.
“What!? Are you kidding me? ‘Coz I’m not buying it, Luke,”
seryosong sabi ni Troy sa’kin. Napalingon ako sa mga kasama ni
Princess kani-kanina lang. “And why are you all hiding?” Lahat sila ay
mga nakaharap sa dingding.
“Captain, sabi mo kasi h’wag na kaming magpakita…” takot na
sabi nitong si Jhick.
Kinuha naman kaagad ni Nads si Prince kay Rocky.
“I told you that…” Dahan-dahan nang lumapit si Troy sa mga
loko. Halatang kinakabahan na sila nang bigla namang may sumulpot
sa eksena.
-=-
Napatakbo kami ni Mokong nang makita namin si Blake na
hawak ang stroller ni Baby Princess. Paglapit namin, binuhat kaagad
ni Mokong si Princess na tahimik lang. Magsasalita na dapat si Troy
pero nagulat na lang kami nang makita namin kung sino ang kasama
ni Blake pagbalik niya.
“So, is this a reunion, or what? Long time no see, folks.”
“Nangangamoy EX,” narinig kong bulong ni Liz kay Sandy.

195
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Tumingin siya sa’kin at saka sinabing, “Nanganak ka na pala,


Nadine.”
“Yes, Madeline,” sagot ko. Oo, tama kayo. Si Madeline nga ang
nasa harapan naming lahat ngayon.
Pero bago pa man ang lahat, isa-isa nang nagsilapitan kay Blake
ang mga kabadong dragon. “Oy Blake!! Alam mo bang muntik na
kaming mawalan ng puso dahil sa’yo!?” sigaw ni Luke. Si Blake naman,
blangko lang ang mukha, as usual.
“Nagpunta ako do’n sa mga unan, bumili ako. Babalik na sana ako
kaso hinarang niya kami,” sabay turo ni Blake kay Madeline.
“I thought it’s your son, kay Troy pala. Hi, Troy,” bati niya sa asawa
ko.
Hindi siya pinansin nito dahil busy sa anak niyang babae.
“Mabubugbog ka naming lahat, Blake! Kala ko katapusan ko na,”
Trick.
Kinuha nila ‘yung bitbit na unan ni Blake at saka inihampas dito.
“Teka, bakit ako? Dapat siy—Ahh! Ano ba!!!”
“Papatayin na kami ni Captain, konting-konti na lang!” Rick.
“‘Di bale sana kung ikaw lang. Sanay ka namang matulog!” Jake.
Habang dito naman sa side namin nitong si Madeline…
“Mukhang maganda naman pala ang babies niyo ni Troy.
Nakaganda rin ang pang-aaway mo sa’kin noon dahil lagi mo ‘kong
nakikita. I’m sure, sa’kin nagmana ang baby. Can I carry her?”
Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Ang lakas ng loob sabihing sa
kanya daw nagmana. Hindi pa rin talaga nagbabago ang isang ‘to.
Nagdadalawang isip naman si Troy kung iaabot ba niya si Princess
kay Madeline.
“Oh c’mon, Troy. I’m leaving tomorrow going to New Zealand
kaya isipin niyo na lang na this is my way of making peace with you…
you know, forgetting the past.”

196
V O L U M E F I V E

“Sa wakas naman at natupad na ang mga pangarap namin, you’re


leaving,” biro ni Sandy. Nang tingnan naman siya nang masama ni
Madeline, “Hey, I’m just kidding. Isipin mo na lang na this is an act of
friendship from me.”
“Fine, whatever.”
“Mokong,” tawag ko sa kanya para ibigay na niya kay Madeline si
Princess.
At nang kunin na ni Madeline si Princess… “She’s such a cute
baby—AAHHH! OH MY! WHAT THE—.”
“HAHAHAHA!” Bigla kaming nagtawanang lahat. Hindi na kasi
napigilan ni Princess. Naglungad si baby.
“That’s my girl,” mahinang sabi ko habang natatawa sa nangyari.
“Good,” narinig kong mahinang sabi rin ni Mokong.
“Certified…BITCH’s daughter,” Sandy.
“Happy trip daw! Bwahaha!”
“Isipin mo na lang, it’s a sign of forgiveness sa ginawa mong pang-
aaway sa’kin noon. Ingat ka sa New Zealand, Madeline,” nakangiting
sabi ko. This time, sincere ako sa sinabi ko na mag-ingat siya. Ano
pa nga ba? Past is past. Masyado nang masaya ang buhay ko para
magtanim pa ng inis sa kanya, ‘no?
“Kainis naman!” Madeline.
After two weeks…
Natapos na ang binyagan ng kambal. Maraming dumalo, lalo na
ang mga ninong at ninang. Sa bahay ginanap ang kainan matapos ang
binyagan.
Matapos no’n ay balik sa normal na ang buhay namin ni Troy.
Nagtatrabaho siya sa opisina, ako naman ay nasa bahay para mag-
asikaso sa mga bata at sa buong bahay. Wala pa rin akong kinukuhang
papalit kay Rose sa ngayon. Ayoko muna nang may ibang tao sa bahay
bukod sa’min ng pamilya ko at ‘yung dalawang bantay namin sa bahay.
Tama, may bantay nga kami sa bahay. Ayoko naman silang

197
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

tawaging bodyguards kaya tatawagin ko na lang silang…Shaider! Pulis


pangkalawakan. Pero biro lang ‘yun, wala lang talaga akong maisip.
Ang awkward kasing sabihing may body guards ako, eh. Para na rin
daw sa safety namin ng mga anak ko kaya kumuha si Troy ng mga
katulad nila. Hindi naman ako tumutol kay Troy tungkol dito. Alam
kong iniisip niya lang ang kaligtasan naming mag-iina, lalo pa’t wala
kaming kasama dito kapag pumupunta siya sa office.
Heto naman ako ngayon…
Kahit naninibago pa ‘ko sa pagiging Nanay ko sa kambal, ginagawa
ko pa rin ang lahat dahil kailangan ko nang masanay. Pumupunta-
punta rin naman si Mommy dito para tulungan ako sa ibang bagay.
Binibilinan niya rin ako ng mga dapat kong gawin sa mga anak ko.
Kahit na nagbabasa ako ng tungkol sa mga kailangang gawin ng mga
first time mom, iba pa rin ang bilin ni Mommy.
Sa mga oras namang ito, nakahiga na ‘ko sa sofa ng sala dahil sa
wakas, nakatulog na ulit ‘yung dalawa matapos ang ilang oras na pag-
iyak. Nakauwi na rin kasi si Mommy kaya ako na lang ang naiwan
sa kanila. Laking pasasalamat ko nang si Mommy na ang nagluto ng
hapunan namin.
Bigla akong napatayo nang marinig kong binubuksan ‘yung gate
namin. “Nandito na si Daddy, babies,” mahinang sabi ko habang
isinusuot ang tsinelas ko. Lumabas ako ng pintuan at sinalubong si
Mokong paglabas niya ng sasakyan.
“Good eve—” natigilan ako nang bigla niya ‘kong halikan sa labi.
“Woaw! Good evening—.”
Pagbaba niya mula sa sasakyan, binuhat niya ako na animo’y
bagong kasal kami. “How’s your day, Mrs. Smith?” tanong niya habang
naglalakad palapit sa pintuan.
“Maayos naman. Exciting dahil ang dami kong nalalaman tungkol
sa kambal.”
“Really?”
“Yup. Pinagod nila ‘ko, sa totoo lang. Pero talo ko sila dahil mas

198
V O L U M E F I V E

nauna silang nakatulog sa’kin. Kumain ka na?”


“Not yet.”
“Kakain ka na?”
“Why not?”
“Nga pala, ano nga ulit ‘yung pinahahanda mong damit para
bukas?”
“The dark blue coat, white long sleeves, and cream colored tie.”
“Pa’no ‘yung pants?” Parehas kaming natawa.
“Of course, the pants.”
“Uhm, okay. Si Rose nga pala, baka sa isang linggo pa makabalik
sa’tin kaya isang linggo pa ‘kong mag-aasikaso dito sa bahay mag-isa.
Tapos—.”
“Freak, stop.” Pagkasabi niya no’n, huminto rin siya sa paglalakad.
“Bakit?” tanong ko.
“Can you give yourself a break? Magpahinga ka muna. Pwede pa
mamaya ‘yang reporting mo. Ang tingin ko tuloy…mas pagod ka pa
sa’kin kahit nandito ka lang sa bahay.”
“Ano ka ba naman, syempre gano’n talaga. Huwag kang mag-aalala
dahil parte ‘to ng pagiging Mrs. Smith ko.”
“Freak, what if…I stay home tomorrow and you go out and
pamper yourself? Call your friends, have some fun kahit isang araw
lang. Ako muna dito sa bahay bukas.”
“Bakit bigla mo namang naisipan ‘yan?”
“Please accept my offer. Simula n’ong binyagan ang kambal, hindi
ka na natapos sa mga inaasikaso mo. Just one day, Freak.”
“Sigurado ka?” Baka naman kasi nabibigla lang siya sa mga
sinasabi niya.
“Yes, I’m sure.”
“As in, ah? Nako… Ewan ko lang kung kayanin niya dito sa bahay—

199
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Aahhh!” Tumawa na lang ako nang buhatin ulit ako ni Mokong.


“Pa’no ka ba maniniwala, Freak?”
“Ewan ko lang?” biro ko.
“Should I convince you upstairs?” Nag-umpisa na siyang maglakad
papunta sa hagdanan namin.
“Balak mo na naman bang…” natatawang sabi ko sa kanya habang
binubuksan ang butones ng polo niya.
“Oh, Freak. You don’t have to seduce me, Mrs. Smith.
Tumawa na lang ako.
Kinabukasan…
“So ano bang gagawin natin, Troy?” asked Luke.
Yes, of course, I can’t do this alone. Kailangan ko ng tulong nila.
Umalis na si Freak kasama ng mga kaibigan niya. Then I called my own
set of team to join me nang makita ko ‘yung listahan ng mga gawaing
iniwan ni Freak. And I have to be honest with myself… Hindi ko alam
kung pa’no ko gagawin ang lahat ng nasa listahan.
Tiningnan ko ‘yung note na iniwan ni Freak. “Number one:
I-vacuum ang mga alikabok sa buong bahay. Pagkatapos, kunin mo
ang sabon at basahan sa ibabang cabinet sa kusina. Punasan mo ‘yung
mga iba-ibabaw pagkatapos mong mag-vacuum.”
“Okay, kayang-kaya ni Adrian ‘yan. Muchacho naman sa bahay
nila ‘yan, go, pre. Iyan din ang future mo, so mag-practice na,” sabi ni
Luke.
I was about to read the next note when the twins cried.
“Ayan na, naghahanap na sila ng kalinga,” Sebastian.
“If they need milk…” Hinanap ko sa note ‘yung tungkol sa
iinumin ng kambal. “Number four: Kunin mo sa ref ‘yung breastmilk
ng kambal. Alam mo na kung pa’no ipapainom sa kanila ‘yan.”
“Okay, ako na’ng gagawa. Turuan mo na lang ako kung pa’no
isasalin sa feeding bottle,” said Luke.

200
V O L U M E F I V E

“Yeah, of course.”
Pupuntahan na dapat naming dalawa ni Luke ‘yung ref nang
marinig naming sumigaw si Sebastian habang tumatawa.
“Troy!!! Hahahaha!”
“Oh, nabaliw na ata si Baste. Tara! Tara!” aya ni Luke.
At nang makarating kami sa sala para tingnan kung anong
nangyari kay Sebastian…
“Troy! Kailangan ka ng kambal!” Lumapit siya sa’kin at saka
tinapik ang likod ko. “Alam kong para sa mga tatay lang ang trabaho
na ‘yan.”
“What?” Nilapitan ko ang kambal. Hindi pa rin sila tumitigil
sa pag-iyak. At nang bubuhatin ko na… “I knew it would happen.”
Tumayo ako nang maayos at saka huminga nang malalim.
“Okay, Troy. It’s your job, ahaha! Suportado ka namin,” said Luke.
“Tss!”
“Sige! Masaya na ‘ko sa pagpupunas ng mga ibabaw, bwahaha!”
Binuhat ko ang kambal papunta sa kwarto namin ni Freak at
sumunod naman ‘yung tatlo. I placed them both on top of the cabinet
while those three were just looking at me doing these things.
“Nako, iyak na nang iyak ‘yang dalawa. Troy, umpisahan mo na.”
Sebastian teased me.
“Go Captain! Kaya mo ‘yan!”
I have no choice, binuksan ko ang diapers ng dalawa. A time bomb
exploded.
“WOAAW!!”
“Kaya naman pala, ahaha!”
“Labas muna ‘ko, bwahaha! Maninikit ang amoy niyan, eh.
Tatambay sa ilong! Bwahaha!”
“Ako din, teka! Galingan mo!” Sebastian.

201
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Tss! Okay, kids, let’s do this. Be good to me— Oh good, both of


you stinks.”
After an hour, I went downstairs to check those three men. don’t
know how we managed to do all those tasks. Lahat sila, naglilinis ng
bahay. And when I saw Adrian, I handed him the diapers, each was
covered with a newspaper.
“Tapos na ba, Captain!? Bwahaha— Teka, ano ‘to?”
“A gift, open it.”
And he amazingly opened it, tss!
“CAPTAIN!! GRABE, NIGHTMARE!”
“Ano ba ‘yan?” Luke asked.
“Oh, sa’yo na, salo!”
“Ay, teka ‘yan ‘yung— Anak ng— Oh, Baste! Sa’yo na!” At ipinasa
naman kay nito kay Sebastian.
“Loko naman ‘to, oh!” Sebastian.
“Kapag tumapon ‘yan sa sahig, kayo ang paglilinisin ko,” I said.
It was almost lunch and we’re still cleaning the whole house. Hindi
pa rin ako makapaniwala kung pa’no ginagawang lahat ito ni Freak. I
don’t even know where to start if not because of this list she left.
“Teka, wala bang pakain dito, ah?” asked Luke. “Pa-zesto man
lang?”
“Wala pa kayong ginagawa, then you’re asking me for a food?”
“Grabe, bisita kaya kami dito, Troy,” Sebastian added.
“Fine, keep an eye on them.” I pointed the twins on the crib. “I’ll
cook.”
“NAGLULUTO KA!??” They all yelled in unison.
“Yeah, of course. Just wait, you’ll all see.”
“Mukhang natuto nang magluto si Troy kay Nads, ah,” Sebastian.
After thirty minutes… “The food is ready.”

202
V O L U M E F I V E

“Yowwwn!!”
“Sarap maging bisita ni Troy, ipagluluto ka pa. Kanina pa ‘ko
ginugutom dito,” Sebastian.
“Tamang-tama, nagutom na ‘ko dito kay Prince. Ayaw man
lang ngumiti!! Bwahaha! Nakatitig lang sa’kin sabay iwas ng tingin!
Supladong bata, mana sa ama.”
“Buti pa si Princess, konting kilos mo lang napapangiti na,” said
Sebastian. As if the two can see them clearly. “Sige, gutom na rin—
Wow…sarap niyan, ah?” Nakatingin silang tatlo sa niluto ko.
“Sarap, pre. Inabot ka ng trenta minutos…tapos itlog lang!?” Luke.
While carrying Prince, he said, “Sarap ng specialty mo, Captain.
Itlog! Bwahaha! Baka mamana ni Prince ‘yang skills mo.”
Hindi na sila nakatiis kaya naman pinakialamanan na ang cabinet
namin sa kusina. Kumuha sila ng mga canned goods na pwede nilang
kainin. After that, we all get back to work.
“Troy! Ayaw tumahan ni Princess!” Sebastian.
Nasa loob ako ng bathroom at nililinis ang bathtub namin. Iniwan
ko ang mga panglinis at saka lumabas.
“Yeah, what do you want, uh?” I asked while swaying my Princess
in the air.
“Uy ‘yung tubig sa isang banyo, umaawas! Iniwan niyong bukas!”
said Adrian while mopping the floor near the staircase.
“Sira, edi patayin mo na,” Luke. “Narinig mo na, iuutos mo pa sa
iba! Baliw ka talaga, eh!”
“Nakitang busy ang gwapo, oh,” Adrian.
“Fine, ako na.” I handed Princess to Sebastian, she’s not crying
anymore.
I can’t imagine my wife doing all these work alone. Kaya nang
matapos kaming maglinis, bagsak kaming lahat sa playroom ng
kambal.

203
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Troy! Pahinga muna tayo. Grabe, ang sakit ng likuran ko.


Sigurado ka bang si Nads ang gumagawa ng lahat ng iyon nung mawala
si Rose?” asked Luke as he was resting on the floor.
Inilagay ko sa mga crib nila sina Prince at Princess. “Yes…
Everyday.” I looked at my kids and silently wished that Nadine and
I can raise them up well. I hope and pray that they’ll cherish their
mother the way that I do.
“Sa tingin ko, kalmado na silang dalawa…‘di ba?” Sebastian.
“I think so…” I replied.
Kahit na pinahirapan nila kaming apat sa pagpapatahan at
pagpapatawa sa kanila, I know deep in my heart that I love what I’m
doing for them.
“Huwag niyo munang gigisingin ang mga ‘yan. Grabe, naubos ang
lakas ko,” Luke was evidently tired.
“Tulog na tayo. Sige na…please. Ubos powers ko. Bwa-ha-ha-ha...”
“Yeah, go and rest.”
-=-
“Oh, ilagay niyo na’ng gamit niyo diyan. Baka nasa taas sila,
hindi na narinig ‘yung pagdating natin.”
Nakarating na kami sa bahay, sa wakas! Marami-rami rin kaming
ginawa pero sa totoo lang? Hinahanap-hanap ng katawan ko ‘yung
mga gawaing bahay. Na-miss ko agad ‘yung kambal. Hindi pa ‘ko
sanay na nawawala sila sa paningin. Kaya nga si Sandy, lagi akong
pinapaalalahanan na h’wag ko munang isipin ‘yung mga gagawin ko
pag-uwi ng bahay. Mababalewala daw kasi ‘yung pagpayag ni Troy na
siya muna ang mag-stay sa bahay para makapag-unwind ako.
Pero eto nga, pag-uwi namin ay ‘yung dalawang bantay sa bahay
ang sumalubong sa’min imbes na sina Troy at ang mga sinabi niyang
bumisita sa kanya. Tingin ko nga, mali ang pagpunta ng mga bisita
naming mga gwapo sa bahay. Parang nakikita ko na kasi ang mga
naging paghihirap nila sa mga iniwan kong gawaing bahay.

204
V O L U M E F I V E

“Tara, puntahan na natin!” sabi ni Liz na paakyat na ng hagdan.


“Mukhang malinis, ah? Napaglinis mo sila, Nads,” Chris.
“Nako…kinakabahan nga ako kung anong linis ang ginawa
ng mga ‘yan. Teka nga, puntahan na natin.” Umakyat na kami para
hanapin ang mga one day-katulong ko.
Pagbukas sa ng pinto ng playroom, nagulat ako sa nadatnan namin.
Hala ka? Anong nangyari sa mga ‘to? Plastado, ah? Mga nakahiga sa
sahig at natutulog.
“Ang cute naman nila… Tingnan niyo si Pong, oh.” Si Liz, na-in
love na naman sa Pong niya. Natawa naman ako nang makita ko kung
saan natutulog si Adrian, nakasubsob sa mga stuffed toys ng kambal.
Naglakad kami papasok habang pinagmamasdan silang natutulog.
Dalawa ang nasa sahig. Si Mokong naman ay nakaupo sa upuan at
nakayuko sa crib ni Prince.
“Tingnan niyo naman si Basty, may hawak pang bote ng gatas.
Chris, I think he likes to have his own child na,” biro ni Sandy.
“Sa tamang panahon, Sandy,” sagot ni Chris. “Teka, tingnan niyo
si Luke.”
Natawa naman kami nang makitang sa loob ng playhouse
natutulog si Luke.
“Grabe…” mahinang sabi ko habang pinagmamasdan sila.
“Napagod nga ata sila sa mga ginawa nila.”
Hinayaan na muna naming matulog ‘yung tatlo sa playroom dahil
mukhang himbing na himbing sila. Sa katunayan, may naghihilik pa
nga sa pagod. Kaya ayun, ipinagbilin na lang sa akin ng mga partners
nila na sabihin sa tatlo na umuwi na sila. Sinabi ko na rin kasing
hayaan na silang mag-stay do’n hanggang umaga para naman bonding
rin nilang magbabarkada.
Papasok na sana ako sa loob ng kwarto namin ni Mokong nang
biglang may bumuhat sa’kin mula sa likuran ko.
“AHH! AH! Tinakot mo ‘ko!” sabi ko habang pinapalo siya sa

205
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

kanyang braso.
“I’m sorry, Freak. How’s your day?”
“Masaya. Thank you sa rest day kahit na hindi pa naman kailangan
dahil malakas pa ‘ko, ‘no?”
“I know. It’s just that…gusto kong malaman ang mga ginagawa mo
sa bahay habang nasa office ako. Para kapag pagod na ‘ko, I’ll think of
you…cooking? Or…washing the dishes? Or...dancing while mopping
the floor?”
“Hahaha! Hindi, ah!”
Inihiga niya ‘ko sa kama at saka tumitig sa’kin. “Don’t you know
that you’re an incredible wife?”
Napangiti naman ako. “Talaga lang, ah?”
“Yeah… You can be my master, and I’ll be your slave forever.”
Bigla kong inabot ‘yung kwelyo niya para ilapit siya sa’kin. “Mali,
you can be my king, and I’ll be your queen forever.”
We kissed each other’s lips, and our night went on…

206
V O L U M E F I V E

Chapter 40: Real Moments…


(The Last Chapter)
What’s on your mind? > I’m just a charismatic woman, a
freaking girlfriend to his mokong boyfriend, an incredible wife
to his husband, a wonder mom to her twins, and an everlasting
BITCH - COUNT ME IN!

Kanina pa kami gising ni Mokong pero walang natitinag sa’ming


dalawa, ah? Nandito pa rin kami sa kwarto at kampanteng may nag-
aalaga do’n sa kambal. Nandito pa kasi ‘yung tatlong gwapong na-
hire ni Mokong kahapon bilang katulong. Tama, dito na nga sa bahay
namin nagpalipas ng gabi ang tatlo.
“Hindi ka pa ba babangon, Mokong? Hindi ka ba papasok?”
“I asked them a two days off,” sagot ni Mokong. “For a normal
employee, I still have my numbers of leave. Presidents need rest, too.”
“So…anong balak mo ngayon? Magpapahinga ka lang?”
“Hmm…I want to go out with you.”
“Oh? Date?”
“Yeah…I guess. That’s why we have to get up. Unless, you’re
sleepy?”
“Medyo.”
“I have something in mind para magising ka.”
“Ano ‘yun?
“Here,” sabay bangon sa kama at binuhat ako na animo’y bihag

207
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

niya.
“MOKONG NAMAN!” Kung buhatin naman niya ako sa balikat
niya’y parang kargador lang siya. “Oy, Mokong, huwag sa terrace!”
Tawa lang nang tawa ang kapreng ‘to.
“Here, sit.”
“Ahhh!!!” Iniupo niya ako ‘doon sa railings ng terrace. Nakatayo
siya sa harapan ko at nakapalibot sa’kin ang magkabilang braso niya.
At mayamaya pa, bigla niya kong ginulat dahilan para mapakapit ako
sa leeg niya. “Pag ako nalaglag dit— AHHH!! MOKONG!” Bigla ba
naman siyang bumitaw mula sa pagkakahawak sa likod ko sabay sapo
ulit dito. “Ayoko na kasi.”
“Now…are you awake?” sabi niya habang nakatingin sa’kin.
“Oo na nga, eh.”
“Then you have to eat your breakfast, Freak.”
“Wag dito baka may—Uhmm.”
“OY! Sa loob kayo ng kwarto!”
Parehas kaming nagulat ni Mokong kaya agad niya ‘kong hinila
pababa ng railings. Tumakbo naman ako papunta sa loob ng kwarto
habang naiwan naman si Mokong sa may terrace. Nakita ko siyang
nakatanaw sa may garden. “You ruined our scene, Luke Sandoval.”
“AHAHAHA! GUTOM NA KAMI. BUMABA NA KAYO!”
Si Luke pala. Akala ko naman ibang kapitbahay na.
Ano pa nga ba? Bumaba na ‘ko para magluto ng breakfast.
Nakita ko rin sa playroom bago ako bumaba sa kusina na gising na
ang dalawang yaya—sina Basty at Adrian. Buhat-buhat na nila ‘yung
kambal.
Pero mayamaya lang, narinig ko nang umiyak ang dalawa kaya
naman dinala na sa’kin nina Basty at Adrian ang mga anak ko.
“Si Mokong?” tanong ko.
Sumagot naman si Basty. “Ah, nasa playroom, nililinis ‘yung kalat

208
V O L U M E F I V E

naming tatlo. Pasensya ka na, nagkainan kasi kami sa loob kagabi.


Nagutom kami.”
“Ay, wala ‘yun. Sorry, ah? Hindi ko na kayo naipaghanda ng
pagkain bago kami natulog ni Mokong.”
“Ayos lang, walang problema.”
Lumapit naman sa’kin si Adrian na may hawak-hawak na bote ng
gatas. “Eto Nads, inayos ko na ‘yang gatas nila. Nagugutom na ata sila,”
sabi ni Adrian. Halatang kagigising lang niya. Ang singkit, sobra. Sa
sobrang liit ng mga mata niya, tila ba hiniwa na lang ng blade ang mga
ito.
“Ahm… Hindi ko kasi sila diyan pinaiinom tuwing umaga, eh,”
tugon ko.
“Huh? Saan? H’wag mo sabihing nagkakape na sila at sa tasa
umiinom?” tanong ni Adrian. “Bwahaha, biro lang.”
Napatitig ako sa kanila. Pa’no ko ba sasabihing magbe-breastfeed
ako? Pero mukhang nakuha na ni Basty ang ibig kong sabihin kaya siya
na ang naunang mag-react.
“Ahhh…Luke, bigay mo muna kay Nads si Princess,” sabi ni Basty.
“Bakit, ‘tol?” tanong ni Luke habang ipinapasa sa’kin si Princess.
Ang kaso, nang palayo na ‘ko sa kanila para gawin ang dapat kong
gawin, nakasunod naman sa likuran ko ‘yung dalawa.
“Tss! Bakit kayo nakasunod?” Hay, salamat! Dumating na rin si
Mokong na pababa naman ng hagdan.
“Titingnan ko ‘yung gagawin ni Nads. Gusto ko ring matuto,”
paliwanag ni Luke. Natawa naman ako bigla.
“Curious din ako kung ano ang ipaiinom niya. Baka nga kape,
bwahaha! Malay natin kung may ganoong tradisyon si Nads,” sagot
naman ni Adrian.
“Mga adik. Hahaha!” natatawang sabi ni Basty.
“Gusto niyong lumabas ng bahay ko?” tanong ni Mokong.

209
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Tara na dito, Luke, masyado kang curious. Mapapatay ka ni Troy


kapag nanuod ka diyan,” sabi ni Basty habang hinihila palayo si Luke.
“Mokong, kunin mo na si Prince tapos pakainin mo na muna sina
Basty,” sabi ko. Si Princess muna ang magbe-breakfast.
“Nads, ano bang gagawin mo?” pangungulit ni Adrian na nandito
pa rin pala sa tabi ko.
“Magpapakain ng bata, Adrian,” sagot ko.
“Oy, tara dito!” sabay hatak ni Luke kay Adrian. “Alam ko na ang
gagawin ni Nads, kaya lumayas ka d’yan. Sorry, Nads. Hahaha!”
“Ayos lang,” sabi ko.
Pagtapos nilang mag-agahan, nagkanya-kanyang paalam na ang
tatlo sa’min. Kaming dalawa naman ni Mokong, kasama ang kambal,
ay nagtungo sa puntod ng Mommy niya. Mukhang sinusulit talaga
niya ang kanyang day off.
Tahimik lang si Mokong nang makarating kami roon, pero
mayamaya’y nagsalita na rin siya.
“Minsan…naiisip kong sana nandito si Mom. Sana nakikita niya
tayo, na ayos na kami ni Dad.”
Habang parehas kaming nakatingin sa puntod ng mommy niya.
“Alam mo, kahit wala na si Mom dito…alam kong si Lord na ang
bahalang magsabing masaya ka ngayon kasama namin ng kambal, at
ng dad mo. Kaya h’wag kang malungkot kung hindi man naabutan
ng Mommy mo ‘yung pamilya natin ngayon, o kayo ni Dad. Lagi mo
na lang iisipin na sa tuwing masaya ka, masaya na rin panigurado si
Mom.”
“Yeah, you’re right.”
Simula pa noon, matapang na ang pagkakakilala ko kay Troy,
idagdag pa ang katotohanang lumaki siya nang wala ang Mommy niya
sa kanyang tabi. Iniisip ko pa lang na mangyayari sa’kin ‘yun, hindi ko
na alam kung saan ako huhugot ng lakas para ipagpatuloy ang bawat
araw. Kaya nga siguro mas naintindihan ko siya noon kung bakit

210
V O L U M E F I V E

parang wala lagi siyang kibo, at parang hindi mo kakikitaan ng pagiging


mahina. Kailangan niyang maging matapang dahil wala siyang ina na
pwede niyang takbuhan kapag may problema o masaya siya. Maging
si Dad, wala rin palagi sa tabi niya dahil kailangan nitong asikasuhin
ang kumpanya. Lahat nga siguro ng hinahanap-hanap niyang kalinga
noong bata pa siya, ipinararanas niya ngayon sa kambal.
“You know what, Freak?” Tumingin ako sa kanya. “Ang lakas
talaga ng loob mo nung kunin mo ‘yung picture ko.”
“Hindi naman ako ang kumuha, si Sandy.” Totoo naman, eh.
“But still, ginamit mo pa rin,” sabi niya.
“Pero Mokong, matanong nga kita. Noong makita mo ‘yung
picture ko sa FB, anong tingin mo sa’kin?” Gusto kong malaman kung
kahit konti, may karismang—
“Hindi talaga kita gusto, Freak.” Sabi ko nga, eh. “I saw you as a
desperate woman.”
Fine, tama nga naman siya. Desperada na nga ata ako nang gawin
ko ‘yun. Ibahin ko na nga lang ang usapan.
“Eh…noong pumunta kayo sa school? ‘Di ba nakita mo ‘ko?
Anong tingin mo sa’kin sa personal?” Ayan…sigurado na ‘ko. Mas
malakas ang impact kapag personal mo nang nakita ang isang tao.
“Hindi ko na matandaan, Freak.”
“Okay. Mag-change topic na nga tayo, Mokong.” Naiinsulto ako,
eh.
Natawa naman siya bigla. “Want the real answer?”
“Syempre,” sabay nguso ko.
“Truth is…” Umubo muna siya bago itinuloy ang kanyang
sasabihin. “I think you’re…pretty.”
“Weh?”
“Yeah,” sagot ni Mokong habang tumatango-tango. “They even
teased me because they also find you pretty.” Sabi ko na nga ba, eh.

211
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Nabihag ko rin ang mga mata ng mga RD.


Napangiti naman ako bigla. “Talaga?”
“Yeah, but still desperate.”
“Ewan ko sa’yo.”
Natawa naman siya sa reaksyon ko. “But that desperate move
excites me…a lot.”
“Huh?”
“You know what, I was like a plain white canvass sitting on
a table before you met me. And then you came, full of vivid colors
that I thought, too much to take…too much to handle. But God did a
great job when He painted you in my life. Everything became colorful,
exciting, and lasting.”
“Ang gwapong canvass mo naman. Hindi kaya…ikaw ‘yung model
ng painter?” biro ko.
Pagkatapos naming mag-stay sa puntod ni Mom ng ilang oras,
pumunta naman kami sa bahay nina Mommy. Pinakiusapan muna ni
Mokong si Mommy at ang single kong Kuya Stephen, na alagaan muna
ang kambal. May pupuntahan lang daw muna kami na akala ko naman
ay kung saan, sa bahay lang pala nina Dad, ng Dad niya.
“Freak, tara.”
Nandito kami sa likuran ng bahay nila.
“Ano ‘yun?”
“May gusto lang ulit akong i-try ngayon, Freak. Matagal na rin
nang huminto ako sa pagsakay dito simula nang ikasal tayo.” Kumunot
naman ang noo ko. “Ah…this?” Saka niya inalis ‘yung takip ng…
motorsiklo niya!
“Ayoko, Mokong. Please!! Alam mong ayokong sumasakay sa
ganyan.”
“This will be the last time that I will ask you to ride this bike. So…
please?”

212
V O L U M E F I V E

“Eh, saan ba kasi tayo pupunta?”


“Somewhere memorable? Please?”
“Oh sige, pero babagalan mo lang, ha? Hindi tulad n’ong college
pa tayo.”
“I get it. Since…I don’t have to do that para lang kumapit ka sa’kin.”
Habang pasakay na ‘ko sa motor, “Yumakap kamo sa’yo. If I know
kaya mo binibilisan kasi alam mong mapapayakap ako sa’yo, eh.”
Sinuotan na ‘ko ng helmet ni Mokong. “Busted,” sabi ni Mokong.
“Kita mo na!? Nakooo! Sabi na talaga, eh. Kayong mga lalaki,
nako.”
“But the truth is, you really want to hug me that time but you’re
just looking for an excuse. Kaya buti na lang, mabilis ang pagpapatakbo
ko, right?” Tumingin naman siya ‘sakin.
“Che!”
Natawa naman siya. “Busted, Freak.” Nakasakay na siya at kumapit
na ‘ko sa kanya.
“Bagalan mo lang, ah!”
“Of course, all for you, my wife.”
Pinagana na niya ang engine ng motorsiklo. “Dapat lang dahil
kapag—AAAAHHH!!! ANO BA!!! LAGOT KA SA’KIN PAGBABA
NATIN, MOKONG KA!!! Bigla na lang kasi niyang pinaandar nang
mabilis palabas ng gate nila ang sinasakyan naming motor.
“Hahahaha! That’s my Freak.”
-=-
Nandito ako sa studio kasama si Chris.
Inaayos namin ‘yung mga pictures ng kasal ng isa naming client
dito sa photo studio namin.
“Chris, paabot naman nung lalagyan ng film.” Inabot naman niya
iyon at napatingin siya sa mga pictures dito sa desktop. Bigla ko kasi

213
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

binuksan ‘yung folder ng mga pictures ng kambal.


“Ang cute talaga nila,” sabi niya.
“Oo nga, eh. Pinahirapan kami ng mga ‘yan noong isang araw.
Pero sabi ni Nads, ang galing ko nga raw mag-alaga ng baby. Pwede
nang maging tatay.”
Halata bang gusto ko na ring magkaanak? Hahaha!
“Bakit ‘di ka pa magpalit ng trabaho? Magyaya ka kaya kina Nads?”
sabi naman niya. Ito talaga, pinahihirapan pa ‘kong magparamdam.
“Pero sa tingin ko…magiging mas effective akong yaya sa sarili
kong anak. Sa tingin mo?”
“Siguro nga…” tipid na tugon niya habang pinipindot ‘yung next
button ng keyboard para i-browse ang iba pang pictures. Narinig kaya
niya?
“Kapag siguro ako na… IYONG AKO? ‘Yung ako na ‘yung
magiging real dad ng REAL kids KO? Siguradong mas the best ‘yun.
Tingin mo, Chris?”
“Oo, tingnan natin.” Iyon lang ang nasabi niya.
Mukhang kinakabahan ako, ah. Parang wala sa mood si Chris.
Pero bahala na nga! Basta desidido na ‘kong gawin ‘to.
Naglakad siya palayo sa’kin at pumunta do’n sa kabilang table.
Nakita kong hindi na niya namalayang inilagay niya sa bulsa ng
kanyang pantalon ‘yung lalagyan ng film.
“Mahirap maging parents,” biglang sabi niya habang may
tinitingnan-tingnan sa folder.
“Handa ako,” mabilis kong sagot.
“Kapag nagkagano’n, hindi na tayo pwedeng umasa sa parents
natin.”
“Kaya nga nagpupundar na ako ng business, eh.” Tsaka…isa pa,
nakaipon na nga ako ng para sa magiging bahay namin. Ang kulang na
lang sa’kin ngayon ay ‘yung dahilan kung bakit ako nagsusumikap sa

214
V O L U M E F I V E

business ko. So…go ko na ba?


“Chris?” tawag ko. Nakaupo na siya sa sarili niyang pwesto.
Lumapit ako sa kanya saka ipinatong sa table niya ‘yung DSLR camera.
“Anong gagawin ‘ko?” tanong niya.
“Patingnan sana nung mga kinuhanan ko kung okay sa’yo. Para
sana sa next event nating iko-cover.”
“Okay, sige.”
Umalis na ‘ko sa tabi niya at bumalik sa pwesto ko. Ang lakas ng
kabog ng dibdib ko sa magiging reaksyon at sagot niya.
Bahala na… Basta… Sana… OO!
-=-
“Okay, sige,” sagot ko kay Sebastian.
Kinuha ko ‘yung inabot niya sa’king camera. Binuksan at tiningnan
ko ang pictures. Unang image kong nakita ay ‘yung wedding invitation
na may nakalagay sa cover nito na…
“You are cordially invited…”
“Kasal pala ulit ‘yung next event natin? Paguran na naman,” sabi
ko kay Sebastian habang tinitingnan ‘yung angle ng pagkakakuha niya
sa invitation.
Next na image pagkatapos no’n ay ‘yung bouquet na nakapatong
sa upuan. Napangiti ako kasi favorite flowers ko ‘yung gagamitin n’ong
bride—Iris.
“Parehas kami nung bride with regards to the flowers.…”
“Talaga?” sagot ni Sebastian.
Inilipat ko sa next picture. Nando’n ulit sa image ‘yung invitation
at boquet, pero this time, nakapatong na sa upuang nasa loob ng
sasakyan. Parang…familiar ata sa’kin ‘yung upuan ng sasakyan na ‘to?
Agad kong inilipat sa next picture. Natigilan ako nang makita ko
‘yung plate number ng sasakyan ni Sebastian. Napatingin ako sa kanya

215
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

na nakatungo lang sa kabilang table at nagta-type? Kaya naman ibinalik


ko na lang ang tingin ko sa camera. Kahit hindi ko maipaliwanag kung
bakit bigla akong kinabahan, itinuloy ko pa rin ‘yung pagba-browse.
Pero sa sumunod na picture, parang nagkaka-idea na ‘ko kung
bakit ako kinakabahan. Sunod na image ay ‘yung gate ng bahay namin.
At sumunod naman ay ‘yung kuha ng paanan niya habang suot ‘yung
binili ko sa kanyang sapatos.
This time, mas naging excited akong ilipat iyon sa susunod na
image after kong makita ‘yung kuha ng sapatos niya. Pagkatapos ay
naging continuous ang shot ng pictures. Para siyang moving pictures
kapag pinindot nang dirediretso.
Ang pagkatok sa pinto, pagsalubong ng kasambahay namin, at
pati na rin ang pag-akyat sa hagdan ay kinuhanan. Pero nang makita
ko na ‘yung sumunod na picture, nag-umpisa nang mangilid ang luha
sa mga mata ko. Nakita ko kasi sa next image ang labas ng pinto ng
kwarto ko. Pagkatapos ay ang image ng bag kong nakasabit sa cabinet.
Sunod na picture ay ‘yung invitation na nakalagay na sa folder na lagi
kong dala.
Napatingin ako sa dala kong bag ‘yun ‘yung dala kong bag ngayon.
Hindi na ‘ko nag-aksaya pa ng panahon, kinuha ko na ‘yung folder
sa bag ko at hinanap ‘yung invitation. Nang makita ko ‘to…hindi ko na
naitago ang ngiti ko, lalo pa nang mabasa ko ang nakasulat sa loob nito.
I invite you to witness the day I will commit my life to my one and
only love, Chris Lorraine Rivera.
The only woman I am honored to bestow my human existence on
earth.
To her, I will be forever grateful.
May the Lord bless her answer to my next question…
Chris…
Will you marry me?
Hindi ko napigilang hindi tumawa sa huling nabasa ko.

216
V O L U M E F I V E

Tumingin ako sa pwesto ni Basty pero wala na siya do’n.


Naramdaman ko na lang na may tumapik sa balikat ko mula sa’king
likuran. Pagkalingon ko, nando’n at nakatayo si Sebastian, kaya naman
tumayo ako at hinarap siya.
Inabot niya sa’kin ‘yung bouquet na nakita ko kanina sa picture.
Ngumiti naman ako bago ako nagsalita. “Parang may kulang ata sa
proposal mo?” tanong ko.
Itinuro niya ‘yung camera kaya kinuha ko ulit iyon. Nang tingnan
ko ‘yung sumunod na picture, nakita ko ‘yung image ng lalagyan ng
film. Saka ko natandaan ‘yung ipinaabot niya sa’kin kanina. Kinuha ko
‘yun sa bulsa ko at saka nilabas. Tinanggal ko ang laman nito at nakita
ko ang singsing na laman nito.
Hindi ko na mapigilan ‘yung pagngiti ko habang napapangisi
dahil sa ginawa niya.
“Chris?” tawag niya.
Tumingin ako sa kanya na nakatitig lang sa mukha ko. Halatang
kinakabahan din siya.
“Yes,” sagot ko, at saka ko iniangat ang kamay kong suot ang
singsing na nasa film case kanina. “Yes, I’ll witness that day.”
“WOOOH!!” Bigla niyang sigaw at saka tumalon-talon. “Woooh!!
Grabe!!” Humarap siya sa’kin. “I love you, Chris! I love you!” Niyakap
niya ‘ko at gano’n rin ang ginawa ko sa kanya.
“I love you too, Sebastian.”
Nang maghiwalay kami, nakita kong namumula ang mga mata
niya. Natawa naman ako dahil imbes na ako ang maiyak, siya pa
ngayon ang naluha.
“Sorry, hahaha! Masyado akong masaya, future Mrs. Montiel?”
Tumango naman ako habang nakangiti. “Nga pala, baka kasi isipin
mong hindi ako nagpaalam…”
“Huh?”
Kinuha niya ‘yung cam at may pinindot-pindot doon. Ipinakita

217
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

naman niya iyon sa’kin pagkatapos.


“Talaga naman…” sabi ko habang nakatingin sa picture nina
Mama at Papa na may karatulang may nakalagay na ‘YES.’
Mukhang…ako na nga ang susunod kay Nads na magkakaroon ng
sariling family. Siguradong magwawala ang mga ‘yon kapag nalaman
nila. Ano kayang ginagawa nila ngayon?
-=-
Tingnan mo nga naman, gabi na at heto na naman ang trabaho
ko, ang sunduin ang Queen ko. Sabi ko naman kasi sa kanya, ako na
ang bahala sa kanya. Hindi na niya kailangang magtrabaho, kaso…
BWAHAHA! Pwede na rin para marami kaming savings!
Maiba tayo… Ang totoo niyan, kinakabahan ako ngayong gabing
‘to. Kasi naman…dumating ngayon sa bahay nina Liz ang magiging
future Dad ko. Oo, tama ka. Ang Daddy ni Liz na mula pa Roma,
umuwi na ng Pinas! Pero nagkita na kami ni Future Dad noon, kaso
nga lang pakiramdam ko, hindi ako tipo ni Future Dad para sa Queen
ko.
BAKIT!!!?
Iyan ang lagi kong tanong sa sarili ko. Hindi pa ba ako sapat!? Ano
pa bang kulang sa’kin? Tsk!
“Pong, ayoko pang umuwi sa bahay namin. Alam mo naman na
nando’n si Daddy at siguradong sasabihan na naman ako no’n na mag-
iingat sa’yo. Mag-iipon muna ako ng powers.”
“Lagi na lang ‘yang sinasabi ni Future Dad sa’yo, Queen. Minsan
naiisip ko, may mali ba sa’kin?”
“Oo naman, Pong. Ang dami kasing mali sa’yo. Kaya please naman,
magpakatino ka na, ah? Ilang taon na tayo pero hindi pa rin nagbabago
ang tingin ni Daddy sa’yo,” sabay buntong-hininga ni Liz.
“Liz, nag-toothbrush ka na ba—AHH! BWAHAHA! Joke lang,
‘to naman. Seryoso mo kasi. Don’t worry, Queen, akong bahala sa’yo.
Sagot kita!”

218
V O L U M E F I V E

“Ewan ko sa’yo.”
“Nga pala, ayaw mo pang umuwi, ‘di ba? Sa’n mo gusto? Sa
apartment ko—ARAY!” Piningot ba naman ako. Naisip ko lang naman
na baka gusto niya ‘kong ipagluto ng hapunan, eh, hindi pa nga kasi
ako kumakain. Si Queen ko talaga.
“Ang utak mo, Pong, linisin mo, ah? Tsk, ano naman kayang
nakukuha ng kumpanya nina Troy sa isang empleyadong tulad mo?”
sabi niya.
“Syempre, talino ko. Ano pa ba? Ah! Tsaka kawawa ang mga tao
dun, minsan lang makakita ng henyo, pinagbibigyan ko lang. Mabait
akong tao, Queen.”
“Magtigil ka nga, Pong.”
Tsk tsk, ganyan lang si Queen. Ayaw niyang pinupuri ako dahil
baka masyado siyang mabuking kung gaano kalaki ang pagkagusto
niya sa’kin.
“Pero Queen, matanong ko lang, ah. Ano bang nakita mo sa
henyong tulad ko?” tanong ko habang nagmamaneho.
“Mukha mo, Pong.”
“Bwahaha! Alam ko namang gwapo ako. Pero ano pa?”
“Iyon lang.”
Grabe, basag na naman ako, lagi na lang. Samantalang
nagkakandarapa ang mga fans ko? Pero what do I got!? This crazy little
Pong called Hot!? Wow huh, ‘yun lang ang nagustuhan ng Queen ko
sa’kin?
“Alam mo, Queen, gusto kitang mapunta sa langit kaya magsabi ka
ng katotohanan. Huwag ka ngang magsinungaling.”
“Haaay.” Napabuntong hininga na lang siya.
“Iyan, ‘yan ang tinatawag na buntong-hininga with love.”
Na kinontra naman ni Queen. “Mali ka, iyan ang tinatawag na
‘Buhat Bangko ni Adrian Sarap Ihampas.’”

219
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Grabe naman, Queen!!” sigaw ko habang nagmamaneho.


“Pong naman kasi, h’wag ka ngang ganyan.”
“Ano na namang ginawa ko? Ako nga ‘tong laging pagod sa trabaho
pero sinusundo kita everyday. Tapos ganyan lang lagi ang treatment
mo? Busy person ako, alam mo ba ‘yun?” In a serious tone! Bwahaha!
“Sino namang niloko mo, mahal kong Pong. Eh, tumawag ako sa
office niyo, wala ka naman daw ginagawa.”
Aba buwiset na mga katrabaho kong ‘yun, ah!? Matapos kong
ilibre ng maruya, ganyan lang ang igaganti sa’kin!? Balak ko pa naman
silang dalhan ng sampalok, pangtanggal stress nila. Hindi ko na sila
dadalhan! I’m hurt!
“Queen naman, alam mo namang kapag Boss, walang masyadong
ginagawa. Tsaka…” Umubo muna ako. “Naisip nilang h’wag muna
akong pagtrabahuhin ngayon kasi naman masyado raw akong napagod
sa last project namin. Alam mo naman, masipag tayo, eh.”
“Nako, Pong! Sabi sa’kin, natutulog ka raw sa oras ng trabaho.”
ABA TALAGANG! Alam ko na ‘to, alam ko na kung sinong
nagsabi nito. Siguradong ‘yung secretary sa kabilang office na hindi
ko pinapansin ang may pakana ng lahat. Alam niyo naman, may
pagkasupladito akong tao. Gano’n daw kapag gwapo… Pero hindi ko
naman kasi tipo ‘yung mga babaeng dikit nang dikit! Hindi naman
kasi makapaghintay! Pero hindi talaga pwede dahil may Queen na ‘ko!
Haay, wala na ‘kong kawala.
“Tsk, sige na! Oo, natutulog ako… E kasi naman ang boring ng
meeting namin. Wala nga akong ginawa ngayon. Nag-rubix cube
lang ako maghapon. Pero ngayon lang naman ‘yon, Queen. Sino bang
lapastangan ang nagsabi no’n?”
“Wala,” sagot ni Queen
Napalingon ako bigla sa direksyon ni Queen. “Ah? Ang sabi ko…
sino nagsabi no’n sa’yo? Marami talagang mga naiingit—.”
“Wala nga. Hinulaan ko lang ‘yun, nagpabuking ka naman.

220
V O L U M E F I V E

Magtrabaho ka nga, Pong. Kala ko ba tatalunin mo ang kumpanya nina


Troy?”
“Kalimutan mo na lahat ng mga ‘yan, dahil mababalewala ang
lahat ng ‘yan sa ibibigay ko sa’yo ngayon.” Ayan, bumabanat na.
“Ano ba ‘yun?” Aba! Aba! Nagbago ang tono ng Queen ko. Naging
malambing.
“Alam kong pinakahahangad mong makuha ‘to. So, bago ko ibigay
‘yon… Sa’n mo ba gustongs pumunta muna?”
“Diyan! Diyan na lang.”
“San—Ah!? Wala bang iba?” sabay titig nang masama sa’kin.
“Sige, hihinto na nga ako diyan.” Kasi naman, sa playground ba
naman nagturo? Para naman kaming mga bata niya. Si Liz talaga, may
pagkaisip-bata, tsk tsk!

After thirty minutes…


“Wiiiiih!!!! Lakas pa, Queen! Bwahahahaha!!!” MASARAP
TALAGANG MAG-SWING! “Lakas pa, Queen— Ay ang daya naman,
oh!” Bigla kasing umalis si Queen. “Kanina, itinulak kita. Tapos ako?
Iniwan mo lang? Daya!”
“Anong kanina pa? Ikaw nga ‘tong kanina ‘ko pa itinutulak diyan!
UluPONG ka talaga,” sabi ni Queen.
“Daya!!” sigaw ko habang nakaupo pa rin.
“Grabe ka, Pong. Ako pa ang isip-bata!? Ikaw nga ‘tong
nagpapatulak pa sa swing, eh! Sabihin ko sa Dragons ‘to, eh.”
“BWAHAHA! Sila rin naman naglalaro sa ganito.” Totoo kaya!
Mayro’n kayang playground sa Austine, ‘yung pang elementary, at
unahan pa sila doon pagtapos ng practice! Pampatanggal pagod,
bwahaha! Si Captain? Sa slides lang siya—BWAHAHA! Joke lang.
Umupo na si Queen sa kabilang swing, napagod ata. Bwahaha!
Tumayo ako sa harapan niya. “Queen! Tara, babawi ako sa’yo.

221
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Ipapakita ko na ‘yung sinasabi ko kanina na pinakagusto mong


makuha mula sa’kin.” Tumayo naman siya at naunang maglakad
papunta sa sasakyan ko. Nang huminto siya, pumunta ako sa harapan
niya. “Matagal ko nang gustong ibigay sa’yo ‘to pero pinag-isapan ko
talaga nang mabuti.” Hinawakan ko ‘yung magkabilang braso niya
habang nakatitig sa kanya.
“Queen…”
“Pong?”
“Will you…” Ay? Teka… Bakit pumikit si Liz tapos itinaas ‘yung
right hand niya?
“Pong, ang tagal mo. Magbabago isip ko, sige ka.”
Grabe, nalipasan ba ng gutom si Queen? Mabilisan na nga,
mukhang dapat pakainin ko na siya pagkatapos nito. “Liz…will you…
take this?”
Biglang kumunot ‘yung noo niya. “Te-take this?” nauutal na ulit
niya.
Inangat ko na ‘yung hawak kong ring, ka-level ng magandang
face niya. Bigla naman niyang iminulat ang kanyang mga mata. Kaso,
mukhang disappointed siya nang makita niya ‘yung hawak ko. Huh?
Ano ba ‘yung hawak ko? Siyempre, ano pa ba? E di Cream-O!
“Oh? Hindi mo ba nagustuhan?” tanong ko.
“Wow…” matamlay na sabi niya. “Na-surprise ako…” At ang
lungkot ng mukha niya. Itodo ko na kaya ang surprise ko?
“Queen naman, siyempre hindi lang isa ang ibibigay ko sa’yo.
Eto pa!” sabay bukas ng compartment ng sasakyan ko. Gulat siya,
oha! Biglang nanlaki ang mga mata niya. Naks, galing ko talaga.
“Nagustuhan mo ba, Queen? Sa’yo lahat ‘yan.”
“Talaga Pong!??” Ayan… Nagustuhan niya.
“Oo naman, pinag-isipan ko ngang mabuti bago ibigay sa’yo ‘yan,
eh.”

222
V O L U M E F I V E

“Bakit naman?” Habang binibilang kung ilang box ng Cream-O


meron sa compartment ko.
“Eh, gusto ko rin kasi niyan. Pinag-isipan ko talaga kung ibibigay
ko ba o hindi. Bwahaha! Pero sa’yo na ‘yan.”
Tumingin sa’kin si Queen nang masama. “Oh sige, gusto mo sa’yo
na lang?”
“Hindi, iyo na talaga ‘yan. Bwahaha! Hindi ka naman mabiro.
Pero bakit kanina pagmulat mo, parang nalungot ka?”
“Wala. Akin na lang ‘yun. Uwi mo na ‘ko sa’min, Pong,” sabi niya
sabay lakad papunta sa front seat.
Bwahaha! Eh alam ko naman kung bakit siya gano’n, eh. Kaso
hindi pa pwede, kailangang makuha ko muna ang matamis na ‘oo’ ng
isang importanteng tao!
Pagdating namin sa bahay nila, nag-umpisa nang kumabog ng
dibdib ko.
Start na!
-=-
NAPAKABALIW TALAGA NI PONG!
Ang akala ko talaga magpo-propose na siya sa’kin. Para talagang
sira ang isang ‘yun. Pagkatapos ng surprise niyang ‘yun, inihatid na
niya ako at ito nga’t nandito na ‘ko sa bahay namin. Nga pala, dumating
na si Daddy. Sa Rome talaga siya nakatira kasama ni Mommy pero
bumisita lang siya ngayon. We have this clothing company sa Europe
kaya do’n sila nakatira. Me? I want to stay here. Alam naman nina
Mommy na ayokong iwan ang Pinas.
Someday siguro, I can handle our business here pero not now. Isa
pa, wala akong hilig sa pagde-design ng damit tulad ni Mommy.
“How’s your work, Liz?” tanong ni Dadddy.
“Fine, getting better. How’s Rome, Dad?”
“Same pa rin naman. How I wish you can come with us, Liz.”

223
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“George?” saway ni Mommy kay Daddy. Alam naman kasi ni


Mommy na mas lalong ayaw ko nang umalis dito sa Pinas. At ang
dahilan? Isang uluPONG. “So… How are you and Adrian, Baby?”
tanong ni Mommy.
Ngumiti naman ako. “Hmm…very fine. I mean, I’m happy.”
Tumingin ako sa kanila. Oo na, aaminin ko na kahit lagi kong niloloko
o pinapagalitan si Pong, I’m very happy with him. Para siyang happy
drug na kailangan kong i-take everyday.
“I can see that, Liz. Can we hear wedding bells sooner?” tanong
ni Mommy.
“Actua—.”
“Susan,” saway naman ni Daddy. Ay nako, hindi pa talaga kuha ni
Pong ang loob ng Daddy ko. Kasi naman, syempre, ang mga Daddy
ay super strict sa mga anak nilang girl. Kapag nakita nilang mukhang
baliw ang boyfriend ng anak nila, sino nga bang hindi mangangamba
sa future ng only girl nila, ‘di ba?
Pero kasi… I think kulang lang talaga sa bonding si Pong at si
Daddy.
“Pero, seriously, Daddy. I’m happy with him. Sana mag-bonding
naman kayo minsan?”
“I have no time, Liz,” sagot ni Daddy habang hinihiwa ang steak
niya.
“Basta, I love him, Daddy.”
“I know… Lagi mong sinasabi ‘yan tuwing darating ako dito.”
“Of course,” sagot ko.
“Nga pala, Liz—.”
Natigilan si Daddy nang may bigla kaming narinig sa labas
na parang nag-feed back na mic. Nagkatinginan kami ni Daddy, at
pagkatapos ay kami naman ni Mommy na naka-smile di katulad ni
Daddy na poker face, as always.

224
V O L U M E F I V E

“Ah-ah! Mic test– 1 2 3 yow!”


Napakunot ang noo ko. “Teka…” Hindi ba boses ni…
“BWAHAHAHA!!!”
“Pong!?” bigla kong nasabi. “Excuse, Daddy, Mommy.” Tumayo
ako at saka tumakbo papunta sa may pintuan. “O-M-PONG!?”
Nakita ko siya sa may garden na katapat lang ng pintuan namin.
May speaker at amplifier sa gilid niya at do’n nakasaksak ‘yung mic na
hawak niya at ‘yung isa pang mic na hawak naman ni Manong driver ni
Mommy. Nagulat pa ako nang makita ang isa pa niyang kasama na siya
namang may bitbit ng gitara. Iyon ‘yun gardener namin.
“Ano, kuya, ayos na ba ‘yan?” narinig kong tanong ni Adrian kay
Kuyang gardener.
“Pwede na.”
“Ayos! Bwahaha!” sabay harap niya sa’kin. “Oh, Queen!”
“Anong ginagawa mo diyan?” tanong ko.
“Magpo-propose ako—.”
“Sa’kin?”
“Hindi, ah.”
“ANO!?”
“Sa ano… Ay!” Bigla siyang umayos ng tayo. Napatingin siya sa
likuran ko. “Good eve po…Future Dad.”
Natawa naman ako. Baliw talaga ang isang ‘to. Ayaw pa nga sa
kanya ni Daddy pero nagawa pa niyang himirit ng ganoon. Napatingin
naman ako kay Daddy na napansin kong halatang napakunot ang noo.
“Ah…mawalang galang na mga Kuya, mamaya na kayo
magkwentuhan. Moment ko na, bwahaha!!”
“Ay sige, sige.”
Hay nako, kahit kailan talaga puro kalokohan ang alam niya.
Hindi na niya nagawang magseryoso.

225
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Tumingin siya sa’min ni Daddy.


“Ang totoo po niyan, nandito talaga ako para sa inyo, Mr. Chua.
Kasi po…parang kinasusuklaman niyo ‘ko?”
“How did he know?” bulong ni Daddy habang nakatingin pa rin
kay Adrian.
“Daddy naman.” Alam kong sabi lang ni Daddy ‘yun. OA naman
kasi ni Pong.
“Kaya naisipan ko pong handugan kayo ng isang awitin.”
“Is he joking, or what?” tanong sa’kin ni Daddy habang diretso pa
rin ang tingin kay Pong.
“No, Daddy. Seryoso ‘yan, mukha lang nagjo-joke. Kakanta talaga
siya.”
“Oo nga, Sir. Laging kumakanta dito ‘yan. Kinakantahan si Ma’am
Liz tuwing gabi.”
Napatingin ako kina ate na kasambahay namin. Natawa naman
ako. Mukhang sinuhulan ni Pong ‘to, ah. Pero totoo naman, laging
kumakanta si Pong sa labas ng bahay namin tuwing naaasar ako sa
kanya.
Nakita kong tumingin si Adrian kay Manong hardinero na may
hawak ng gitara. “Tira, Kuya!”
At unang tunog pa lang ng gitara ni Kuya, natawa na ‘ko. Seriously?
Eto talaga ang kanta niya?
Saturday morning jumped out of bed
And put on my best suit
Got in my car and raced like a jet
All the way to you
Knocked on your door with heart in my hand
To ask you a question
‘Cause I know that you’re an old-fashioned man, yeah
Mauubusan ako ng dugo kay Adrian. Sumasayaw pa talaga siya at
tumuturo-turo sa’min ni Dad. Siya lang talaga ang makakagawa niyan.

226
V O L U M E F I V E

Oh God!
Can I have your daughter for the rest of my life?
Say yes, say yes ‘cause I need to know
You say I’ll never get your blessing ‘til the day I die
Tough luck, my friend, but the answer is ‘No’

Why you gotta be so rude?


Don’t you know I’m human too?
Why you gotta be so rude?
I’m gonna marry her anyway
Marry that Queen!
Marry her anyway
Marry that Queen!
At nang matapos na siyang kumanta, nagsalita pa siya.
“Future Dad, matino po akong tao.”
Sabay-sabay namang nagtawanan sina Manong hardinero na nasa
tabi niya at si Ateng kasambhay namin. Pati tuloy ako natawa na rin
dahil sa reaksyon din Pong.
“He has the nerve to say that? After dancing in front of me?” sabi
ni Daddy sa’kin habang nakatingin kami kay Pong.
Hindi ko na mapigilan ang tawa ko. Baliw talaga ‘tong boyfriend
ko.
“I’ll make her the happiest woman in whole wide world!”
Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumawa na lang nang
tumawa dahil sa ginawa ni Pong. Para kasi siyang mascot sa mga
pinaggagawa niya. Pero nang biglang akmang tatalikuran na siya ni
Daddy..
“Oh! Teka lang po, please! Maawa na po kayo. Kapag hindi pa rin
po gumaan ang loob niyo sa’kin, mapipilitan ko akong sundan kayo sa
Rome at do’n ituloy ang aking concert—.”

227
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Fine! Payag na ‘ko sa inyo ng anak ko basta h’wag ka lang sumunod


sa Rome,” sabi ni Dad, dahilan para matawa naman ako nang malakas.
Subukan lang ni Daddy na isnabin ang performance ni Pong ngayon?
Siguradong susundan siya nito sa Rome at doon ‘yan magsasasayaw.
That this is for sure!
Lumapit si Pong sa’min. “Talaga, Future Dad!? Okay na ‘ko sa’yo?”
“Make her cry and I’ll break your bones, cut your meat, and burn
it.”
“Bwahahaha! Hindi naman ako na-inform na dati po pala kayong
matador.”
Napailing na lang si Daddy at saka sinabing papasok na siya
sa loob. Pero sinabi ko kay Pong na maghintay siya sa labas at may
sasabihin lang ako kay Daddy.
Nang mahabol ko na si Daddy sa loob ng bahay…
“Daddy!”
“What?” tanong niya nang yakapin ko siya.
“Thank you,” malambing kong sabi.
“Alam ko na kung bakit ka laging masaya sa boyfriend mo. I can’t
blame you, you have a crazy boyfriend.”
Pagkasabi ni Daddy noon, agad akong kumalas mula sa
pagkakayakap sa kanya. “I know right?!”
“Pumayag ako not only because he has the nerve to follow me in
Rome, but it’s because I know you’ll be happy with him. Just like what
you always say to me.”
Mayamaya, lumapit sa’kin si Ate para pinakita ‘yung video na kuha
ng isa pa naming kasambahay. “Ayos ‘yan, ate. Kunin ko ‘yan mamaya
sa inyo, ah?”
Hmm! Kailangan kong ipagyabang ang kalokohan ng Pong ko!
Ano na kayang ginagawa ng girls?
-=-

228
V O L U M E F I V E

Kasama ko na naman ang napakaganda pero napaka-conceited


kong girlfriend. Nandito kami ngayon sa restobar namin. Nasa’n siya?
Hindi matanggap na nagpapakabait na siya, sa wakas. Bumalik kasi
ulit dito sa Pinas ang Dad niya, magbabakasyon. Pero this time, wala
na ‘yung babaeng kasama niya dati. Kaya nga napuntahan na siya ni
Sandy, eh. Mukhang…mas okay na siya dahil wala na ‘yung babae.
“Babe, alam mo may bago sa’yo,” biro ko.
“Shut up, Babe, while I’m still good,” sagot niya habang nakayuko.
Dinalhan ko siya ng pagkain para naman gumaang-gaan ang loob
niya. Habang kumakain naman siya, iinterbyuhin ko muna.
“Ah, Babe? Pa’no kung gustong magpakasal ulit ng Dad mo, payag
ka?”
“If he can find a decent woman unlike that woman she brought last
time, then I’ll think about it. Pero mas okay nang wala. Bilang lalaki,
hindi mo naman kailangan ng asawa to keep living.”
Langya, sakit ah! Hindi na raw kailangan ng asawa? So boyfriend-
girlfriend na lang?
“Bakit mo naman nasabi, ha?”
“Of course, pampa-drama lang ng buhay ang ganyan. Tingnan mo
sina Nads, masyadong magulo.”
Ibinato ko ‘yung basahan. Inis na Babe, ‘to. Pa’no naman ako?
“Kung sabagay, kung ikaw lang rin naman ang makakasama, h’wag
na lang, ‘no?”
Huminto siya sa pagkain at ibinaba ‘yung hawak niyang tinidor
sabay tingin nang masama sa’kin. Aba! Siya ‘tong naunang magsabi na
hindi na kailangan ng asawa, tapos…ganyan siya? Gulo talaga ng mga
babae!
“Kung ako lang naman talaga ang gusto nilang mapangasawa,
masasabihan ko lang sila ng ‘Better luck next time.’ Baka mag-suffer
lang sila dahil Dyosa ako at iba ang needs ng tulad ko,” paliwanag niya
saka muling itinuloy ang pagkain niya.

229
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Kung sabagay, Babe, para kang lason…nakakamatay.”


“I agree… Sa lahat ng lason, ako ang gustung-gusto nilang
inumin.” Malakas talaga ang confidence ng isang ‘to.
“Mas pipiliin ko pang mamatay sa saksak, kaysa inumin ka,” sagot
ko naman.
“Ayos lang. Do you need volunteer, Babe? I’ll raise my both hands.”
Suko na ‘ko! “Grabe ka naman, Babe.”
“I’m just trying to be helpful. Nga pala, wala ata ‘yung banda nina
Denka. Sino ang vocalist ng bandang ‘yan, Babe?” Habang nakatingin
sa bandang nagpe-perform sa stage.
Nasa tabi ang boyfriend tapos tumitingin sa iba. Kung minsan,
‘yun ang hirap sa mga babae, eh! “Yan ba? Kakakuha ko lang diyan.
Nagpahinga ang banda nina Denka, matagal na. Jay ang pangalan
niyang tinatanong mong vocalist.”
Habang nakatitig dun sa vocalist. “Uhmm, masarap ahh…”
Napatingin ako sa kanya. “Anong masarap!?? Siya ba—.”
“‘Yung meatballs na ibinigay mo sa’kin, of course.”
Palusot pa. Talaga ‘tong isang ‘to. “So hindi mo pa siya kilala?”
tanong na naman niya.
Nako! Nako Sandy, may araw ka rin sa’kin. “Medyo lang!”
Napalakas ata. “College lang ‘yan, matangkad lang pero bata pa ‘yan,
Sandy,” paalala ko.
“Ahh… Malaman…”
Asar ah. Pinaglalaruan ba ‘ko nito!? “Anong malaman—.”
“‘Yung meatballs, malaman.” Tumingin siya sa’kin. “Sandali nga,
anong ibig mong sabihin, ah? Na matanda na ‘ko?”
“Hindi naman, papatanda pa lang naman.”
Ilang sandali pa, lumapit na sa pwesto namin si Jay at ang isang
gitarista nito. Aba…lumapit pa talaga ang meatballs este, ang isang ‘to.

230
V O L U M E F I V E

“Boss, tapos na ‘yung tatlong kanta. Mamaya na ulit,” sabi nung


gitarista.
“Dun lang kami sa labas, boss,” sabi nitong si Jay. “Sige—”
“Bakit do’n pa kung pwede naman dito?” sabay tingin ni Sandy sa
katabing upuan niya. Aba talagang!
“Po?” sagot ni Jay.
“Wahahahaha!!” MAGSAYA TAYO! HAHAHA! PAGTAWANAN
SI SANDY! “Nice Babe.”
Biglang nagbago ang timpla ng mukha ni Sandy. Na-badtrip ata!
“Wala! Sige na, lumabas na kayo bago pa kayo—naku…” inis na sabi
ni Sandy.
“Sige na, Jay, sa isang table na muna kayo. Balikan ko kayo
mamaya,” sabi ko at umalis na rin sila.
“Ayos lang ‘yan, Babe. It’s an act of respect kaya ka nila ni-PO.”
“Whatever, kaya ayokong magpakasal, nakakairita ka.”
“Mas kailangan mo kamong magpakasal dahil mamamatay ka na
lang na salat sa pagmamahal.”
“Never!”
“Pa’no kung mag-propose ako ngayon?” tanong ko.
Bigla siyang humarap sa’kin. “So what? Hintayin na lang natin
kapag nag-propose ka na.”
Sinusubukan ako nito, ah. Teka nga… Akala ba niya hindi ko
kaya? Sus! Matagal na ‘kong handa sa bagay na ‘to! Mas una akong
naging tao sa kanya.
“Hey, sa’n ka naman pupunta?” tanong niya.
“Paki mo,” sagot ko. Huwag kayong mag-alala. Ganyan lang talaga
kaming mag-usap kung minsan.
Ilang sandali pa nga, pumunta na ‘ko sa stage at kumuha ng gitara.
Dapat ata haranahin ko ‘to nang magka-tamis sa katawan, eh.

231
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Okay, mic’ test? Hello sa lahat. I’m Rocky, the owner of this
restobar. I just want to take this opportunity to say something special
to my girlfriend. She’s there, the one who’s wearing red dress while
eating her meatballs. Hahaha! So everyone…MAKI-RIDE NA LANG
KAYO.” Ayan, okay na ‘tong gitara. Kanta na lang ang kulang.
Inumpisahan ko na ang intro ng kanta. Pero nang kakanta na ‘ko…
“Once in—.” Hindi pa man ako nakakaisang linya, may pumigil na!
“Enough! Tell me what you really want to say. I don’t need your
cheesiness!” sigaw ni Sandy. ‘Di pa nga ‘ko nakakapag-umpisa, sopla
na agad.
“O siya! Atat ka masyado, eh.” Ibinaba ko na ‘yung gitara at kinuha
‘yung mic mula sa stand. “Cassandra Elyss Reynaldy…” Tahimik
lang si Babe na nakatitig sa’kin. Halatang inaabangan talaga niya ang
sasabihin ko. “My Goddess… My evil Babe… My—.”
“Ang tagal! Straight to the point na kasi,” singit na naman niya.
“Asar naman kasi, napaka-atat mo naman, Sandy, eh. Oh, eto na!”
Nagtinginan na ‘yung mga tao. Maging sila, umaasa at nag-aabang sa
sasabihin ko. “WILL YOU MARRY ME!?” sigaw ko.
“Yiiiihhh!!”
“Yun naman pala!”
“Nice Boss!!”
Sikat na naman si Sandy. “Ano na!!?” tanong ko.
“SHUT UP! OO NA!” Sumagot na rin sa wakas. Nagsigawan at
nagpalakpakan na ‘yung mga tao dala ng kilig. Kaso…hindi pa kasi
ako tapos.
“After five years!?” dagdag ko. Parang tumigil ang mundo
pagkarinig nila sa sinabi ko. Hahaha!
“Anong sabi mo, Babe?” tanong ni Sandy habang lumalapit sa
stage.
Inalis ko ‘yung mic at lumapit sa kanya para ibulong ang katagang,

232
V O L U M E F I V E

‘Will you marry me after five years?’


“Ah gano’n…” sabi niya habang iniangat ang hawak niyang…
tinidor! Bat-si na ‘ko!
Tumakbo ako sabay sabing, “Pakakasalan naman kita, after five
years nga lang! Mahirap nang matali sa’yo!” sabay takbo.
Ganyan lang naman kaming magmahalan─brutal. Bitter sweet
love. Haha! Napahiya ang Dyosa.
-=-
Naramdaman ko na naman kung pa’no mawalan ng
kaluluwa habang nakasakay sa motorsiklo niya. Grabe talaga,
nakapanglalambot ng tuhod. Pero ayos na rin dahil parang nagbalik
ulit ‘yung memories naming dalawa n’ong college pa kami. Dinaanan
rin kasi namin ‘yung mga lugar na memorable para sa amin.
Isa na roon ang restaurant kung saan una kong nakita ang ex
niyang si Madeline. Tapos ‘yung ospital kung saan nakigamit ako ng
CR. OMEGERD! Ayoko nang matandaan ‘yun. Kahit na mag-asawa na
kami ni Mokong, parang nahihiya pa rin ako sa nangyari sa’king iyon.
Buti hindi na kami bumaba. Baka may makakilala pa sa’min.
Ngayon naman, nandito kami sa condo niya dati. May kukunin
lang daw siyang gamit dito. Hindi na niya ‘to natitirhan pero nandito
pa rin ‘yung iba niyang gamit. Habang nasa elevator kami…
“Nako hija, hanggang ngayon pala ay kayo pa ring dalawa?”
Oo! Tama kayo ng hinala dahil sila nga ‘yun─ang mga magigiting
na tanders ng elevator.
“Ah, opo,” sagot ko. Si Mokong naman parang wala lang narinig.
“Kamusta naman kayo niyan, hija?” Tanders two.
“Mag-asawa na po kami,” sagot ko.
“Nako! Eh di araw-araw na!!?” Tanders three.
“Tss!”
“Araw-araw po?”

233
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Yung… Ito naman! Alam mo na ‘yun, ah!” sabay tulak sa’kin. Ay


close kami?
“Napakalakas naman talaga ng batang ito!” sabay tingin kay
Mokong.
“Nako sana nga kung nabubuhay pa si Ricardo, nako.” Susme!
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o…ay ewan! Sina Lola talaga, oh.
“Hijo, anong sikreto mo?”
At bago pa man makasagot si Mokong… SA WAKAS!
NAKARATING NA KAMI SA FLOOR NAMIN!
“Ay sige po! Ba-bye na po!” habang itinutulak ko palabas si
Mokong. At nang makalabas na kami ng elevator, “Grabe…sobrang
lalakas pa ring makipagdaldalan ng mga tanders na ‘yun.”
“Tss! Those three grandmas.”
Hanggang sa tuluyan na kaming nakarating sa condo unit niya.
“Mokong, ano bang kukunin mo rito?”
“Here,” sabay pakita niya ng hawak niyang— HALA!
“‘Yung bracelet ko!” ‘Yung hinanap pa ni Mokong kaya nagkasakit
siya? “Nakalimutan ko palang kunin ‘to. Nagkasakit ka kasi kaya
nawala sa isip ko.” Ikinabit naman ni Mokong ‘yung bracelet sa’kin.
“Naaalala ko tuloy ‘yung sinabi mo sa’kin nung may sakit ka noon…”
“What? The…” Inilapit niya ‘yung labi niya sa tenga ko sabay
bulong ng, “Je t’aime, Freak.”
“Eh pa’no naman kung I love you too?”
“Je t’aime aussi…” sabay halik niya sa cheeks ko.
Tumingin ako sa kanya at saka sinabing “Je t’aime aussi, Troy.”
Moments Later…
Bumalik na kami sa bahay ni Dad para balikan ‘yung sasakyan
namin at iwan ‘yung motorbike ni Mokong. Nang makarating na kami,
hindi naman ako nakababa kaagad dahil naninibago na namn ang mga

234
V O L U M E F I V E

binti ko.
“Freak? Stop smelling me lika a dog.”
“Dog?” May naalala ako do’n, ah! ‘Yung nagpunta kami sa Austine.
Gano’n din ang sinabi niya sa’kin. “Che! Uwi na tayo, kapre.”
Nagmamadali kaming umuwi dahil gabi na at siguradong pagod
na ang mga baby naming dahil sa kangangawa. Kaso pagdating namin
sa bahay, iba ata ang napagod. Sinalubong naman kami ni Mommy
pagkarating namin.
“Ayan, knockout ang dalawang matanda.”
“Tss!”
Nakakatuwa ‘yung dalawang lolo. Nakahiga kasi sila sa sofa habang
‘yung kambal ay kalong nila. Parehas pa silang hindi nakakapagpalit ng
damit.
“Nang malaman ng dalawang lolo na nandito ang kambal, biglang
nagdatingan. Ayan, buong araw nilang nilaro at ngayon, bagsak na
sila,” dagdag pa ni Mommy.
Kinuha namin ni Mokong ‘yung kambal sa mga lolo nila kaya
naman nagising ang dalawa. “Hi Daddy, salamat sa pag-aalaga sa
dalawa.”
“Hey, old man, can’t hadle your grandson anymore?” pangloloko
ni Mokong sa Dad niya.
“Eh, ano bang ipinapainom niyo sa dalawang ‘yan at wala atang
kapaguran!?” tanong ni Dad.
“Sumuko ang buto ni Conrad, pagpasensyahan niyo na,” sabi ni
Daddy.
“Anong ako? Ikaw nga ‘tong nagsayaw pa sa harap ng kambal.
Nanakit naman ang rayuma mo pagkatapos.”
“AY NAKO! Magsitigil na nga kayong matatanda kayo diyan.
Wala na tayong magagawa sa katandaan niyo. Ay siya, kayong dalawa
naman, umuwi na kayo at kanina pa gising ang kambal.”

235
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Natawa na lang ako. Mayamaya, dumating na rin si Mr. Hans para


sunduin si Dad. Pero makalipas ang ilang sandali, tinawag niya kaming
lahat. May sasabihin raw siya.
“Ah, may sasabihin po sana ako. Kahapon ko pa po dapat sasabihin
kaso hindi po ako nagkaroon ng time para sabihin,” sabi ni Manong
Hans. Mukhang serious ang topic, ah?
“Iiwan mo na ba si Mokong?” tanong ko.
“Yan na nga ba ang sinasabi ko. Itong si Harris kasi, napakasutil na
bata. Ayan! Iiwan ka na ni Hans. Iyan na nga lang ang natyaga sa’yo,”
Dad.
“What about me?” tanong ni Mokong.
“Hindi po ‘yun ang dahilan ko. Kasi po, next month…” Next
month…? “Ano po kasi… Magpapakasal na po ako next month.”
“WHAT!!” sigaw naming lahat. OMG! Magpapakasal na si
Manong Hans? May GF pala siya!? Huwag na kayong magtaka, dahil
tulad nga ng sinabi ko noon, kasing edad lang niya si Kuya ko na nasa
around thirties pa lang. Pwedeng-pwede pa!
“Grabe naman kayo, ‘di ba pwedeng magpakasal si Hans? Kayo
talaga…” sabi ni Mommy.
“Pero Hans, may girlfriend ka pala?” tanong ni Dad.
Tiningnan ko si Mokong. “You didn’t ask, Freak. But I have to
admit that her girlfriend is beautiful.”
“Talaga? Oh-my! Gusto kong makita!”
“Pagkatapos ba ng kasal, eh, iiwan mo na si Harris?” tanong ni
Dad.
“Ah…hindi naman po. Kailangan ko lang pong humingi sa inyo
ng leave dahil aasikasuhin namin ang kasal namin.”
“Uy… Si Mokong, kinabahan,” biro ko.
“Buti pa si Hans, ikakasal na,” bigla nasabi ni Daddy.
“Bakit naman, Daddy?” tanong ko.

236
V O L U M E F I V E

“Eh, etong isang parating…wala na atang balak magpakasal.”


Paglingon namin, bumungad sa amin si…Kuya! “HAHAHAHA!”
Sabay-sabay kaming tumawa.
“Ayos ang bungad niyo sa’kin, ah,” sabi ni Kuya habang nag-aalis
ng sapatos.
“Ikaw anak, kailan ang kasal? Si Hans, next month.”
“Ikakasal ka na next month!?” gulat na sabi ni Kuya habang
nakatingin kay Manong Hans.
“Wala ka bang balak man lang, Stephen?” tanong ni Mommy.
“Eh, anong magagawa ko kung intimidated ang mga babae sa’kin
sa sobrang—.”
“Mokong, tara na nga. Inaantok na ‘ko,” sabay hikab ko.
“Yeah, me too,” sagot ni Mokong.
“Ayos kayong mag-asawa, ah. Pinagkaisahan niyo ‘ko.”
-=-
Grabe, inaantok na ‘ko kaya nagmamadali na ‘kong bumaba ng
sasakyan. Tulog na nga ‘yung kambal eh. Pinasakay ko ni Mokong sa
likuran niya ala piggy back. Habang bitbit niya sa magkabilang braso
niya ‘yung kambal.
“Ang gaan naman pala,” sabi ni Mokong.
“Sabi ko naman sa’yo magaan lang ako—.”
“Ang gaan ng kambal, mabigat ‘yung nasa likod ko. Dalawang tao
kasi ang bigat—AHH!”
“Lakad na, alipin.” Kinurot ko ang pisngi niya.
Nang makapasok naman kami, ibinaba niya muna ‘yung kambal
sa crib na nasa sala. Hindi kaagad ako bumaba sa pagkakasakay ko sa
likod niya.
“Nasisiyahan ka ata, Freak.”
“Masarap palang magpabuhat, Mokong.”

237
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Really?”
“AAHHHH!”
Bigla siyang tumakbo nang mabilis kaya napakapit ako sa kanya.
Lumabas pa kami sa may garden para lang makatakbo siya nang maigi.
“Tama na, Mokong!!” Huminto siya at saka ako bumaba. Pero
bigla niya ‘kong hinabol kaya napatakbo naman ako. “Huwag na kasi,
Mokong! Mapapagod ka!”
Pero habang tumatakbo kami, bigla na lang akong napahinto nang
may marinig akong boses…
“Freak! Gotcha!” Naramdaman ko na lang na nakayakap na
sa bewang ko si Mokong. Pero hindi ako makagalaw. Para akong
kinilabutan. Naririnig ko siya…
“You’re not going anywhere!!!”
“Ashley!!!! Tama na!!!”
“I hate you!!!! I hate you the most!!!”
Ipinikit ko ang mga mata ko at bigla kong nakita sa aking isipan
ang isang madilim na paligid.
“Hey, Freak? Anong problema?”
Kagigising ko lang at umuulan sa labas. Pumunta ako sa bathroom
at lumabas din pagkatapos. Pero nang lalabas na sana ako, bigla ko
siyang nakita. Galit na galit ang mga mata niya habang nakatingin
sa’kin.
“Freak!!? Hey!”
Unti-unti siyang lumapit sa’kin kaya itinulak ko siya. Baka kasi
may mangyari sa kambal ko. Tumakbo ako papunta sa hagdan para
bumaba. Malapit na ‘kong makababa nang maabutan niya ‘ko. Hinila
niya ang buhok ko!
“Hey!”
Tumumba ako no’n. Pinagsisipa niya ang binti ko. Sobrang sakit
no’n kaya nang makita kong sisipain na niya ang tiyan ko, isa lang ang

238
V O L U M E F I V E

nasa isip ko. Mamamatay muna ako bago niya masaktan ang mga anak
ko.
“FREAK!! LOOK AT ME!!”
Tumingin ako sa mga mata niya. “Troy!” Yumakap ako sa kanya.
“Hindi ko kayang mamatay sa harapan ko ang mga anak mo kaya…”
“Ssshhh… No, don’t say that. Tapos na. Ligtas ka na at ang kambal.”
“Kaya… Kaya nagpatihulog ako, Troy! Sorry!! Sorry!!”
Humigpit ang yakap sa’kin ni Troy. Alam kong magugulat siya sa
ginawa ko. Hindi ko gusto ‘yun, pero kasi…hindi ko na kaya.
“Sshh… Calm down. I’m here, you’re already safe. Calm yourself,
Nadine.”
“I’m sorry, Troy. I’m sorry, hindi ko gusto ‘yun.”
“Shhh…”
After one month…
“Are you sure na gusto mo siyang makita, Nadine?” tanong sa’kin
ng lawyer namin.
“Yes, gusto ko po.” Hinawakan ni Mokong ang kamay ko at saka
tumingin sa’kin. “Kaya ko,” sabi ko.
“Okay.”
Binuksan nila ang pinto papasok sa kwarto kung saan naroon si
Ashley.
Noong mga nakaraang araw, pinilit kong pakalmahin ang sarili ko
sa tulong ni Troy at mga psychiatrist. Aminado akong nahirapan ako…
pero inisip ko ang mga anak ko. Ligtas na sila. At ngayon, alam kong
mahalaga ang nalalaman ko para sa ikatatahimik namin ni Troy. At sa
pamamagitan nito, matatapos na ang kaso.
At ngayong hinuli nila si Ashley bilang suspect sa nangyari
sa’kin noon, hindi ko palalagpasin ang pagkakataong makausap siya.
Nakatingin siya sa’kin nang diretso habang palapit ako sa kinauupuan
niya. May posas ang mga kamay niya kaya itinago niya ito sa ilalim ng

239
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

table.
“What do you want?” tanong niya. “Are you going to laugh at me?
Then do it, you garbage.”
“Hindi lang kita gustong tawanan, gusto ko ring ibalik sa’yo lahat
ng pasakit na ginawa mo sa’kin.”
“Then do it!” sigaw niya.
“Pero kahit na ‘yun ang gusto kong gawin sa’yo…mas mahalaga
na masabi ko sa’yo ang gusto kong sabihin. Mabilis lang ‘to, h’wag kang
mag-alala.”
Umiwas siya ng tingin sa’kin pero itutuloy ko pa rin ang sasabihin
ko.
“Ashley, I’m sorry.”
Halatang nagulat siya sa sinabi ko pero hindi niya ipinahalata.
“Alam kong galit ka sa’kin dahil sa mga nangyari sa’yo, o maging sa
Daddy mo. Pero isang beses ko lang sasabihin sa’yo na hindi ko ginusto
‘yun. At kahit na sino sa’min, hindi ‘yun ang ginusto para sa future
mo. May mga bagay lang na dapat harapin ng tao kapag nakagawa sila
ng mali. Ang totoo, hindi ko alam kung hanggang saan ang aabutin
ng kasong ‘to pero gusto ko lang malaman mo na…pinatawad na kita
aminin mo man, o hindi, ang nagawa mong pagkakamali sa’kin.”
Tumingin siya sa’kin na puno pa rin ng galit ang mukha. Pero
alam ko, sa mga matang nakatingin sa’kin, nagkukubli doon ang isang
Ashley na kailangang marinig ang mga salitang ‘yun mula sa’kin.
“Maniwala ka man o hindi, paglabas ko ng kwartong ‘to…handa
na ‘kong kalimutan lahat ng mga nangyari sa pagitan nating dalawa.
Pero kahit gano’n, kailangan mo pa ring kaharapin ang consequence
ng mga nagawa mong mali. I just gave you a hope to live, Ashley. How
I wish you will consider it to continue living even after this.”
Tumayo ako at saka lumabas ng kwarto. Hindi ko napigilang
umiyak pagkakita sa’kin ni Mokong.
“Why, Freak?”

240
V O L U M E F I V E

“Nakita ko sa mga mata niya, Troy, natatakot siya. Pero wala akong
magawa para sa kanya. Kahit na…naiintindihan ko siya kung bakit
niya nagawa lahat ng ‘yun.”
Niyakap ako ni Troy. “You just gave her one of the most incredible
gift she can ever receive in her life. Hindi lahat nakakatanggap no’n.
Sooner or later, she’ll be able to say thanks to you dahil sa ginawa mo
ngayon, Freak.”
“Sana, sana nga…”
After one month…
Nandito kaming BITCHES sa bahay ni Liz, nagluluto.
“Luto na ba?” tanong ko.
“Not yet, konting kulo pa,” sabi ni Liz.
“Teka? Iyung baboy, nababad na ba?” tanong ni Chris.
“Yes Mrs. Montiel-to-be. I’ll handle that, don’t worry,” sagot ni
Sandy.
Anong niluluto namin? Chopseuy at Pork Barbeque! Hehehe.
Natatandaan niyo ba? Niluto namin ‘to para sa mga RD noong college
pa kami. At napagkasunduan nga ng buong barkada na bumisita sa
Austine. Bibisitahin daw nila ang Manager nila.
Syempre, kasama kaming BITCH!
-=-
Okay, nakarating na kami dito sa Austine. Ang totoo, si Baste
lang naman talaga dapat ang pupunta rito pero sumama ang buong
team. Na-excite kasi sila nang sabihin naming kikitain namin si
Manager. Ngayon lang ulit kasi nila mabibisita ang university dahil
busy sila sa mga trabaho nila. Syempre, isasabay na rin namin ang
pagbati sa kanila dahil champion ang RD team sa finals.
Heto na nga at naglalakad na kami papuntang gym. Hapon namin
naisipang pumunta para naman may practice ng basketball pagdating
namin.

241
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Nako, siguradong nami-miss na ‘ko ni Manager,” Nick.


“Ano ka ba! Hindi naman mahilig sa aso ‘yun!” Trick.
“Kaysa naman sa pilotong puro hangin na ang utak dala ng
paglipad sa alapaap,” sagot naman ni Nick.
“Hangin ba ang ulap?” tanong ni Jhick.
“Ewan ko? ‘Di ba parang cotton candy ‘yun?” Rick.
“Anong cotton candy kayo diyan? ‘Di niyo ba alam ang water
cycle? Mga natutulog kasi sa klase,” Zhrake.
“Oo nga water cycle ‘yon, ‘di ba Blake?” Drake.
“Ewan ko?” Blake.
“Anong alam niyan, eh, tulog ‘yan habang science class natin nung
elem tayo,” Jake.
“H’wag na kayong magtalo-talo. Sa henyong ‘to niyo pa itanong
‘yan e ‘di—.” Adrian.
“Tara-tara… Pasok na tayo sa loob ng gym. Mga naglolokohan na
tayo rito,” biglang singit ko.
“Baka tamaan tayo ng kidlat dito, tara na,” pag-aaya ni Sebastian.
“Yabang ni Baste, porket ikakasal na!” Adrian. “Susunod ako!”
Pagpasok namin sa gym, wala kaming nadatnang tao. Teka!? Bakit
naman walang tao rito. Dapat may practice ang team ng RD kapag
ganitong oras, ah?
“Nasa’n si Manager?” tanong ni Ricky habang patingin-tingin sa
palidid.
“Sa tingin mo kung alam ko eh nandito pa tayo ngayon at
nakatayo?” sagot naman ni Vic.
“Baka naman nag-uwian na?” Drake.
“Tss!” Ayos, speechless na naman si Troy. Actually, pagod pa ‘yan.
Galing ng America ‘yan dahil sa kumpanya niya.
“‘Di pa uuwi ang mga ‘yon, champion tapos uuwi? Tayo nga noon

242
V O L U M E F I V E

‘di agad nag-uuwian,” sabi ko naman.


Pero ilang minuto lang ang lumipas…
“MANAGER!!!” sigaw naming lahat.
“Oh, nandiyan na pala kayo!”
-=-
Hi! Ako ang manager ng Red Dragons. Ang original RD,
grabe…miss ko na sila. Kaya nga nang matanggap ko ang text ni
Sebastian my loves, este Vice Cap Basty pala, na pupunta ang team sa
gym ngayon, na-excite talaga ako nang bongga!
“Oh, nandiyan na pala kayo!”
Isa-isa silang nagtakbuhan palapit sa’kin.
“Aba! Kumpleto kayo, ah?? Anong masamang hangin ang nagdala
sa inyo dito?” sabi ko kahit na alam ko naman talaga kung bakit.
“Hangin ng pagmamahal ‘yan,” sabi nitong si Vic.
“At masamang hangin nga lang kay Adrain,” dagdag na pang-aasar
ni Trick.
“Kapag nalanghap niyo ang hangin ko, magiging henyo kayo,”
sagot naman ni Adrian.
Talaga namang na-miss ko ang ganitong usapan. Usapang parang
walang pupuntahan. Basta…kung saan lang dalhin ng kalokohan nila.
“Champion daw kayo, Manager, ah?” Jhick.
“Oo nga raw. Buti naman, kala namin wala nang papalit sa’min,
ahaha!” Nako, itong si Luke, bakit ang gwapo pa rin? Balita ko single
pa rin siya. Pwede kami, single rin kasi ako. Pero syempre, joke lang.
“Asusss, ang hahangin talaga, oh!” sagot ko naman sa kanila.
“Pero mukhang magaling nga ang mga bagong team mo, ah?”
Zhrake.
“Oo naman, magagaling sila. At mas bagets na rin kaysa sa inyo.”
At bago pa sila makapag-react, “Ui! Ayun!” sabay turo ko sa likuran

243
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

nila. Dumating lang naman ang bagong team ko ngayon.


Ano ba naman iyan… Parang may apoy habang papalapit sa isa’t-
isa ang dalawang grupong ito, ah?
“Hi, team,” bati ko sa mga new RD. “Mag-hi kayo sa kanila. Sila
ang Oldies—Este—.”
“MANAGER!!!” sigaw ng mga origs.
“Ano???” natatawang tanong ko sa kanila.
“Bakit naman OLD!?” Rick.
“Ano namang gusto niyo? Okay na ‘yun para mas mabilis ma-
distinguish.”
“Manager, sila ‘di ba ‘yung mga dating Red Dragons?” tanong ng
isa sa mga bagong team member. Syempre, isa sa mga bagets.
“Oo nga, Manager?”
“Grabe, ah. Dati? Hanggang ngayon Red Dragons pa rin kami,”
sagot naman nitong si Nick.
“Kami ang una,” Luke.
“Ang the best sa lahat ng the best,” Adrian.
“Kami pa rin ang bida,” Basty.
“Tss!” Troy. Ay nako, hindi pa rin nagbabago.
“Of course, kilala namin kayo. Kayo ang mga unang Red Dragons
ni Manager.”
“The best sa lahat ng the best nga daw po kayo noon, eh!”
“Buti nga po ‘di pa kayo nalalaos.”
“Tsk.”
Bahala na nga sila diyan. Magsabong sila kung gusto nila…
Kuha akong popcorn! Na-miss ko ‘to!
-=-
Nakarating na rin kami sa Austine gym, sa wakas! Naabutan

244
V O L U M E F I V E

naming naglalaro ‘yung dalawang RD ng shooting. Nakakatuwa ang


mga ‘to, nagtatalo at nag-aasaran habang naglalaro. Inumpisahan na
rin namin ang paghahanda ng pagkain para sa lahat.
At habang abala ang iba sa paglalaro… Si Mokong? Heto at
nanunuod lang sa mga naglalaro.
“Mokong, bakit ‘di ka maglaro?”
“Pangbata na lang ‘yang nilalaro nila, Freak.”
“Nga pala, matanda ka na,” sabay tawa ko ng pang-inis.
“No, I’m not.”
“Isip-bata lang,” habol ko.
“Nads! Ubos na agad ‘yung inumin natin,” sabi ni Liz.
“Okay, magtitimpla ako,” sabi ko. “Wait lang Mokong, ah.”
Lumapit ako sa lagayan ng juice namin. “Nadine, anong gagawin
mo?” tanong ni Manger.
“Ah, magtitimpla ng juice ng mga alaga mo, Manager,” sabi ko.
“Oh sige. Teka, may tubig pa ba?”
“Konti na nga lang, eh. May tubig pa ba rito sa gym, Manager?”
“Ay… teka… Ah alam ko na, hihingi ako sa mga Dragon, wait
lang.” Umalis lang saglit si Manager, at pagbalik ay may dala nang
inumin.
“Kanino naman ‘yan, Manager?” tanong ko.
“Kay Adrian. Sabi niya okay lang kasi hindi pa naman daw niya
naiinuman ‘to.”
Lumipas ang ilang oras…
Matapos ang walang kamatayang kwentuhan, asaran, at lokohan,
nagkayayaan na ring umuwi sa kani-kanilang mga bahay ang lahat.
Maganda rin talagang once in a while, magkaroon kami ng ganitong
bonding. Sana kahit pagkatapos nito ay maging busy na ulit kami sa
kanya-kanya naming gawain, hindi pa rin magbago ang samahang

245
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

nabuo namin.
Hanggang sa mga magiging anak at anak namin…
“Bye Team! ‘Til next time?” sabi ni Manager.
“Oo naman Manager, sa susunod pupunta pa rin kami rito!” Rick.
“Sigurado kayong babalik kayo, ah? Kahit ‘yung next generation
niyo na lang ang pabalikin niyo para mas bata—hahaha! Joke!”
“Ikaw talaga, Manager.”
“Oh mga pare, kitakits na lang, ah? Medyo…parang hindi
maganda ang pakiramdam ko. Una na ‘ko,” sabi naman ni Trick.
Hindi maganda? Ako nga rin, eh. Parang may ‘di tama sa
pakiramdam ko.
“Ako rin, mga pre, may ‘di tama sa pakiramdam ko. Wala bang
naglagay ng alak sa inumin natin?” tanong ni Nick.
“Adrian, teka! Tumawag si Lolo Pops, ‘yung pinadadala daw niya
sa’yo. May pagbibigyan daw siya,” paalala naman ni Basty.
“Ano ‘yun, Basty?” tanong ni Chris.
“Ah, wala ‘yun, Chris,” sabay tawa.
“Okay, gusto ko na ngang umuwi kasi parang ang init ngayon dito
sa Austine,” sabi ni Chris.
“Ay, oo. Dala ko ‘yun. Abot mo na lang. Teka, nasa’n na nga ba!??”
tanong ni Adrian habang may hinahanap sa bag niya. “Ah, eto—
WAAAH! Bakit walang laman ‘to!!??”
“Bakit, pre!? Ano ba ‘yun?” Jhick.
“Nandito sa loob nito ‘yung pinadadala ni Lolo Pops!” sigaw ni
Adrian.
“Mokong? Ano ba ‘yun?” tanong ko. Hinalikan niya lang ako sa
noo.
“It’s nothing. Let’s go home, Freak.”
“Sige, ang init na nga rin pakiramdam ko. Parang gusto kong

246
V O L U M E F I V E

tumalon sa pool.”
“Adrian!? Iyong hinahanap mo ba, ‘yung inuming pampalakas sa
kalalakihan?” sabi ni Trick. Pampalakas?
“Manager! Ano ‘yung lagayan ng tubig ang kinuha mo kanina?”
tanong ni Adrian. Naglalakad na kami ni Mokong malapit sa sasakyan
namin.
“Yung orange ang lalagyan,” sagot ni Manager.
“WHAT!!?” sigaw ni Adrian. Napatingin naman kami sa kanya.
“Bakit, ‘tol?” tanong ni Rick
“Baste!!! Nando’n sa loob no’n ‘yung—”
“ANO??!” Sigaw ng mga lalaki. Ah? Ano bang meron?
“Sa’n ba ginamit ni Manager ‘yun?” Drake.
Tumingin sila kay Manager.
“Ahh…idinagdag do’n sa juice kanina. Kulang kasi sa tubig. Huwag
na kayo magalit, para tubig lang,” saway ni Manager.
“Oo nga, sorry na,” sabi ko. “Mahalaga ba ‘yung tubig na ‘yun?”
tanong ko.
Tumingin ako sa lahat ng boys. Para silang mga gulat na gulat sa
ginawa namin.
“Mokong, ano ba ‘yun? Bakit parang kinakabahan na ‘di mo
maintindihan ‘yang mga mukha niyo?”
“Freak, inilagay niyo talaga sa juice?”
“Oo nga.”
“Tss! Tara, umuwi na tayo. I now why you’re feeling hot.”
“Sige!! Alis na ‘ko, ang init na ng pakiramdam ko. Ibibili ko na lang
kayo ng tubig next time!” sabi ni Manager.
Isa-isa silang naghiwa-hiwalay at nagmamadali pa.
“Nako! Sige mga ‘tol, uuna na ‘ko!” Trick.

247
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

“Ako rin! Masyadong mainet!” Nick.


“Summer na naman, sige!” Nagpaalam na rin si Luke.
Ano ba kasi ‘yung nainom namin? Ang weird nila, kasing-weird
ng feeling ko ngayon.
Sa sasakyan, tahimik kami ni Mokong at nakita ko na itinodo
niya ‘yung aircon ng sasakyan. Parang ‘di mapakali si Mokong. Kung
sabagay ako rin…
“Gusto ko nang umuwi nang makapag-FB na ko at makapag-post
ng pictures natin. Tag kita mamaya.”
“You don’t have to. I barely use my FB account.”
“Ano ka ba naman? Buksan mo rin ‘yun kung minsan. Parang
binabalewala mo na kung sa’n tayo unang nagtagpong dalawa. Don’t
forget na dahil do’n, you will be forever My Facebook Boyfriend… For
Real.”
“Of course, I am.”

-WAKAS-

248
V O L U M E F I V E

249
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

STOP! In the name of LOVE…


AMEN.
(TEASER)

Ang pagpunta ko sa Roma ang tanging makakapagsalba sa Bahay


Ampunan at Kumbentong aking kinalakihan. Sa napili kong bokasyon,
alam kong gagabayan ako ng Poong Maykapal na siyang may alam ng
aking tadhana.
Tulad nga ng sinabi nina Sister Ana, nararamdaman nilang
magiging maayos ang aking pag-alis ngayong araw kaya wala akong
dapat ipangamba.
Tama sina Sister na magiging maayos ang aking
MALI! Mali sina Sister. Mukhang hindi aayon ang tadhana sa
aking mga plano.
Dahil kung oo? Bakit ako ngayon narito sa presinto!?
“Mamang Pulis, maawa naman kayo sa’kin. Hindi ko po kinuha
ang pitaka niya. Inosente po ako,” pagpupumilit ko sa pulis na nakaupo
sa labas ng seldang kinalalagyan ko.
“Nakakatawa talaga ang mga nahuhuling masasamang tao ngayon.
Iisa ang linyahan nila. Gasgas na ‘yan! Kung ako sa’yo, makipag-areglo
ka na lang sa ninakawan mo—”
“Pero hindi ko nga po ninakaw ang pitaka niya!”
Oh, mahabaging Diyos, patawarin niyo po ako sa pagtaas ng boses

250
V O L U M E F I V E

ko. Pero paano na ‘ko ngayon?


Isa na lang ang natitira kong pag-asa…
“Kuya,” tawag ko sa kanya. Nakaupo siya malapit sa pintuan ng
presinto. “Kuya!” Nilakasan ko ang boses ko. “Hindi ko po talaga
ninakaw ang pitaka ninyo. Rhian po ang pangalan ko at hinding-hindi
ko po kayang kumuha ng hindi sa’kin. Inosente po ako—”
Umaasa ako na kapag sinabi ko ang pangalan ko sa kanya,
magtitiwala siya. Mali ako, dahil sa kabila ng maamo niyang mukha…
WALA SIYANG AWA.
Tumingin siya sa kinalalagyan ko at saka nagsalita.
“Hssh! Prince ang pangalan ko, at hindi ako naniniwala sa’yo.”

251
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Hi! Manager here!

Maraming Salamat sa pagtangkilik sa FBBF SERIES! Nawa ay


nakapaghatid sila sa inyo ng ngiti sa inyong mga labi.

At ngayon, sa pagtatapos ng FBBF, parating na ang susunod


na istoryang kikiliti sa inyong mga imahinasyon patungkol sa
pagmamahal na kalaban ay alaala ng nakaraan at tungkuling hindi
maaring bitiwan.

Sundan ang kanilang kwento sa FBBF SEQUEL: STOP! In the name


of LOVE… Amen. (Book 2 of
Smith Trilogy)

Salamat sa paghihintay!

Matutulog muna ako.

Babye!!! See yah~

252
V O L U M E F I V E

PROLOGUE
After two years ng aming buhay…
Napakarami nang nangyari sa’min. Hindi lang sa buhay namin ni
Mokong, kung hindi sa buhay din ng buong barakda.
Mabilis lang ‘to, umpisahan na ba natin? Tara!
Matapos magpakasal ni Mr. Hans sa kanyang napakagandang
bride, aakalain mo bang nagsunud-sunod ang kasal ng barkada?
Hindi kasi inaakala na sabay-sabay nilang maiisip na lumagay na rin
sa tahimik. Sumunod kay Mr. Hans sa kasalan sina Chris at Basty,
sumunod ay sina Liz at Adrian, at ang pinakahuli, sina Sandy at Rocky.
Sina Chris at Basty, meron na silang baby boy at pinangalanan
nila ‘tong Andrew. Sinubukan nilang gumawa ulit ng kasunod pero
nahirapan silang makabuo. Hanggang ngayon, kumukonsulta pa rin
sila sa iba’t-ibang doctor para dito. Sinisikap nila ‘to dahil ayaw ni
Chris na matulad sa kanya ang anak na lumaking walang kapatid. Mas
masaya raw kasi kung may ibang makakausap ang anak niya sa bahay
nila bukod sa kanila ni Basty kapag lumaki na ito. Ang gwapo ng anak
nila, ireto ko kaya kay Princess paglaki?
Sina Liz at Adrian? Aakalain niyo bang napakagarbo ng kasal
nilang dalawa? Tinupad nga ni Adrian ang pangako niyang ibibigay
niya ang lahat ng gustuhin ni Liz. Takot lang niya sa Daddy ni Liz!
Pero ibinulong sa’kin ni Adrian na after daw ng kasal, mamumulubi na
raw sila dahil naubos raw ang pera niya sa kasal nila, sabay tawa niya
ng “BWAHAHAHA!” May bago pa ba ‘do’n? Meron na rin silang
anak na lalaki at ang pangalan nito ay Julian. Kamukhang-kamukha
ito ng ama niyang singkit. Parang pinagbiyak na bao. Balak rin nga
pala nilang sundan si Julian sa tamang panahon. Nakaka-eksayt!

253
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

Sina Sandy at Rocky naman ang sumunod sa mga ikinasal.


Binantaan pa nga raw ni Sandy na hindi siya magpapakasal kay Rocky
dahil sa pangloloko nito sa kanya noon sa bar tungkol sa proposal niya.
Pero isang araw daw ay nagulat na lang si Rocky nang pagdating niya
sa restobar nila ay may kaharap na siyang limang wedding coordinator.
Ngayon? May anak na rin silang babae na ang pangalan ay Candice,
at wala raw balak si Sandy na sundan ito ng isa pa. Natatakot daw kasi
siyang malosyang sabi ni Rocky.
Si Luke? Curious ka ba kung anong nangyari sa lovelife niya?
Kaso kung ikukwento ko pa ngayon, kukulangin ang oras natin. Basta
ang masasabi ko lang, mahirap kalaban ang tadhana. Minsan kapag
may time kukwento ko sa inyo.
Kami naman ni Mokong...
Tulad ng inaasahan niyo, masayang-masaya kami ngayon kasama
ng kambal. Two years old na sila at mas nakakatuwa na sila dahil
marunong na silang tumakbo-takbo at magsalita kahit papaano. Si
Prince, napapansin kong ang bilis niyang matuto ng mga bagay-
bagay na itinuturo namin sa kanya ni Troy. Napapaisip nga ako kung
mana sa’kin ang anak ko, eh. Tingin niyo? Si Princess naman ay
forever smiling face. Siya ang pantanggal pagod ni Mokong pag-uwi
ng bahay.
Balak naming gumawa ng kapatid nilang dalawa pagkatapos ng
ilang taon. Hihintayin muna namin silang lumaki pago sundan ulit ng
isa pa. Hmm? Ano kayang maganda? Babae o lalaki?
Bahala na!

254
V O L U M E F I V E

AB.Castueras’ PSICOM &


VIVAPSICOM WORKS
My Facebook Boyfriend…For REAL!? (Volumes 1 2 3 4 5)

GOLD MANGA 4 in 1 stories (Once Upon A Time)


Illustrated by Jeff Nice and Raykosen

255
MY FACEBOOK BOYFRIEND...FOR REAL!?

GOLD BEST 1 (Pinoy Manga)


FBBF Mang Series
Illustrated by Kurohiko

I’ll be..
(A story of Faith, Hope,
and Love)

GOLD MAGAZINE
(Issue 1)

256

You might also like