Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

MATATAG K to School Dr.

Felipe De Jesus National High School Grade Level 7


10 Curriculum – Name of Teacher John Revin V. De Jesus Learning Area AP
Weekly Lesson Teaching Dates and Time July 29-August 2, 2024 Quarter 1
Log

I. NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA ARALIN


A. Pamantayang Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa ginampanan ng katangiang pisikal ng rehiyon sa
Pangnilalaman pagbuo ng sinaunang kasaysayan at kalinangan ng mga mamamayan sa Pilipinas at Timog-Silangang
Asya.
B. Pamantayan sa Nakabubuo ng proyekto na nagpapaliwanag sa ginampanan ng katangiang pisikal ng rehiyon sa pagbuo
Pagganap ng sinaunang kasaysayan at kalinangan ng mga mamamayan sa Pilipinas at Timog-Silangang Asya.
C. Kasanayan sa Naipaliliwanag ang mahalagang ginampanan ng katangiang pisikal ng Pilipinas at ng rehiyon sa
Pagkatuto pagbuo ng sinaunang kasaysayan at kalinangan ng mga mamamayan sa Pilipinas at Timog
Silangang Asya.
Mga Kasanayan
1. natutukoy ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas at Timog-Silangang Asya.
2. natutukoy ang relatibong lokasyon ng Pilipinas at Timog- Silangang Asya.
3. nailalarawan ang katangiang pisikal ng Mainland na Timog- Silangang Asya.
4. nailalarawan ang katangiang pisikal ng Insular na Timog-Silangang Asya.
5.nakabubuo ng proyekto na isang malikhaing mapa na nagpapakita ng mahahalagang
impormasyon ukol sa mga bansa, anyong-lupa, o anyong-tubig na matatagpuan sa Timog-
Silangang Asya. (Performance Task)

D. Nilalaman 1. Tiyak na lokasyon ng Pilipinas at Timog-Silangang Asya.


2. Relatibong lokasyon ng Pilipinas at Timog- Silangang Asya.
3. Katangiang pisikal ng Mainland na Timog- Silangang Asya.
4. Katangiang pisikal ng Insular na Timog-Silangang Asya.
5. Performance Task No. 1

E. Integrasyon  Kakayahang umunawa ng mga impormasyon, midya, at teknolohiya (information media, and
technology skills)
 Kakayahang matuto/umunawa at magmungkahi ng mga inobasyon o pagbabago (learning and
innovation skills)
 Kakayahang makipagtalastasan (Communication skills)
 Kakayahang mamuhay at pumili ng angkop na kurso. (life and career skills)
II. BATAYANG SANGGUNIAN SA PAGKATUTO
 Dela Cruz, Lawrence A., DepEd Learning Activity Sheets – Unang Linggo
III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO MGA TALA NG GURO
A. Pagkuha ng Panuto: Mula sa inyong naging talakayan noong nakaraang taong Sa bahaging ito ng aralin,
dating pampaaralan, suriin ang mga isyung panlipunan sa HANAY A at muling babalikan ng guro ang
Kaalaman alamin ang tinutukoy nitong kategorya sa HANAY B. Isulat ang letra nakaraang paksa sa
ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang. pamamagitan ng pagsagot sa
tsart. Layunin ng gawaing ito
HANAY A HANAY B na makuha ang dating
kaalaman ng mga mag-aaral na
________1 usaping pangteritoryo sa A. pangkabuhayan maaaring maging pundasyon ng
West Philippine Sea B. pangkapaligiran kasalukuyang paksa.
________2 kawalan ng hanapbuhay C. panlipunan
________3 drug and child abuse D. pampulitika Ang bahaging ito ay makikita sa
________4 climate change Learning Activity Sheet Week 1
________5 korapsyon sa bahagi ng Balikan Natin.

Pamprosesong Tanong
1. Alin sa mga isyung panlipunan na nabanggit sa itaas ang higit Maaaring gamitin ng guro ang
na dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan? Ipaliwanag. mga pamprosesong tanong
2. Bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan ka makatutulong upang maging matagumpay ang
upang maibsan o mabawasan ang mga isyung panlipunan sa gagawing pagbabalik-aral.
bansa?

B. Paglalahad Gawain A: TINGIN DOON, TINGIN DITO! Sa Paglalahad ng Layunin


ng Layunin Panuto: Tumingin ka sa iyong paligid mula sa iyong kinauupuan matatagpuan ang panghikayat
ngayon. Anong mga bagay ang nakapaligid sa iyo? Punan mo ang na gawain, paglinang sa
pangungusap sa ibaba. kahalagahan sa pagkatuto ng
aralin, at/o paghawan ng
1. Sa kanan ko makikita ang _________________________. bokabularyo sa nilalaman ng
2. Matatagpuan ko naman sa aking kaliwan ang ____________________. aralin. Sa bahaging ito ay
3. Sa aking harap, makikita ang ______________________________. mahalagang maipaalam sa mga
4. Samantalang sa aking likuran, makikita ang ___________________. mag-aaral ang kahalagahan ng
SABIHIN: Madali mo bang natukoy ang mga bagay sa iyong paligid? paksang tatalakayin. Maaaring
Tandaan mo na maraming mga bagay ang nakapaligid sa iyo kahit gamiting gabay ang mga kalakip
nasa loob ka lang ng iyong bahay. Katulad mo, ang Pilipinas bilang na gawain.
isang bansa ay may tiyak na lokasyon at marami ring nakapaligid
dito.

C. Paglilinang at Konsepto 1: Tiyak na Lokasyon ng Pilipinas sa Timog-Silangang Asya Ito ang bahagi ng Paglilinang at
Pagpapalalim Pagpapalalim, kaakibat nito ang
Ang tiyak na lokasyon ay tinatawag ding absolute location. Ito ang mga gawain, pagbuo ng
uri ng lokasyon na nakabatay sa coordinates o longhitud at latitud ng maraming halimbawa at
isang lugar. Ang longhitud at latitud ay mga kathang linya na malayang pagsasanay. Ang mga
magkakatapat sa isa’t isa na matatagpuan sa mga mapa at globo na gawaing nakalahad sa bahaging
ginagamit upang mas madaling matunton ang isang partikular na ito ay gawing gabay upang
lugar o lokasyon. lubusan na maunawaan ang
paksa sa linggong ito.
Ang latitud ay ang mga linyang pahalang samantalang ang
longhitud ay mga linyang patayo. Nagmumula ang latitud sa
ekwador na nakatakda sa 0º. Tumataas ang bilang nito habang
kumikilos palayo ng ekwador hanggang sa 90º patungo sa mga
rehiyong polar ng Hilaga at Timog Polo. Hinahati ng ekwador ang
daigdig sa dalawang hating-globo, ang Hilaga at Timog Hating-globo.
Lahat ng latitud sa itaas ng ekwador ay tinatawag na Hilagang
latitude at lahat ng mga latitude sa Timog ng ekwador ay tinatawag
na Timog na latitude.

Nagsisimula naman ang longhitud sa Prime Meridian na


nakatakda sa 0º. Tumataas ang bilang nito habang papalayo patungo
sa kabilang bahagi na tinatawag na International Date Line na
nakatakda naman sa 180º. Hinahati naman ng Prime Meridian at
International Date Line ang Daigdig sa dalawang bahagi, ang Silangan
at Kanlurang hating-globo. Lahat ng longhitud sa kanan ng Prime
Meridian hanggang International Date Line ay tinatawag na Silangang
longhitud samantalang Kanlurang longhitud naman ang tawag sa
mga longhitud sa kaliwa nito.

Gamit ang longhitud at latitud. Ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas sa


sentro nito ay makikita 13º Hilagang latitud at 122º Silangang
longhitud. Samantala ang tiyak na lokasyon ng Timog-Silangang
Asya ay matatagpuan mula sa sentro sa 2º Timog latitud at 115º
Silangang latitud
Subukin Natin; Gawain A
Subukin Natin: Gawain A
Panuto: Tukuyin ang mga bahagi ng globo na natalakay sa unang 1. Timog Hating-globo
aralin. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon. 2. Hilagang Hating-globo
3. Polong Timog
4. Polong Hilaga
5. longhitud
6. ekwador
7. latitud

Pamprosesong tanong:

1. Gamit ang mga natukoy na terminolohiya, ay ilarawan ang


lokasyon ng Pilipinas at Timog-Silangang Asya sa
pamamagitan ng isang pangungusap.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Bakit mahalaga ang mga gabay na linya sa mga globo at mapa?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Pagyamanin Natin! Gawain A
Pagyamanin Natin! Gawain A 1. Indonesia : 1O Timog latitud
Panuto: Tukuyin ang tiyak na lokasyon ng sumusunod na mga at 114O Silangang
bansa sa Timog-Silangang Asya gamit ang mapa. Alamin ang longhitud
direksyon ng latitud at longhitud na tatama sa sentro ng mga 2. Singapore: 1O Hilagang
nasabing bansa. Tandaan na ang lahat ng latitud sa itaas ng ekwador latitud at 104O Silangang
ay tinatawag na Hilagang latitude at lahat ng mga latitude sa Timog longhitud
ng ekwador ay tinatawag na Timog na latitude. Gayundin, lahat ng 3. Thailand: 15O Hilagang
longhitud sa kanan ng Prime Meridian hanggang International Date latitud at 101O Silangang
Line ay tinatawag na Silangang longhitud samantalang Kanlurang longhitud
longhitud naman ang tawag sa mga longhitud sa kaliwa nito. 4. Vietnam: 14O Hilagang
Gamiting halimbawa ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas. Piliin ang latitud at 108O Silangang
iyong sagot sa pamimilian. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. longhitud
Laos: 20O Hilagang latitud
Pilipinas: 13º Hilagang latitud at 122º Silangang longhitud at 102O Silangang
longhitud
1. Indonesia:
1O (Hilaga, Timog) latitud at 114O (Silangan, Kanluran)
longhitud
2. Singapore:
1O (Hilaga, Timog) latitud at 104O (Silangan, Kanluran)
longhitud
3. Thailand:
15O (Hilaga, Timog) latitud at 101 O (Silangan, Kanluran)
longhitud
4. Vietnam:
14O (Hilaga, Timog) latitud at 108 O (Silangan, Kanluran)
longhitud
5. Laos:
20O (Hilaga, Timog) latitud at 102 O (Silangan, Kanluran)
longhitud

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ginagamit sa pagtukoy ng tiyak na lokasyon ng isang
lugar o bansa?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Paano makatutulong ang kaalaman sa tiyak na lokasyon ng


mga bansa o lugar sa pamumuhay ng mga tao?
______________________________________________________________
_____________________________________________________________

Konsepto 2: Relatibong lokasyon ng Pilipinas at Timog- Silangang


Asya.

Ang relatibong lokasyon ay ang pagtunton sa isang lugar


batay sa mga nakapaligid dito. May dalawang uri ng relatibong
lokasyon: ang lokasyong bisinal at lokasyong insular. Ang
lokasyong bisinal ay ayon sa mga bansa o kalupaan nakapalibot o
nakapaligid sa isang lugar o bansa. Ang lokasyong insular naman ay
nakabatay sa mga katubigan na nakapalibot o nakapaligid sa isang
lugar o bansa.
Gamit ang lokasyong bisinal, matatagpuan ang Pilipinas sa
pagitan ng mga bansa/kalupaan: sa Hilaga ang Taiwan, China at
Japan; sa Kanluran ang bansang Vietnam, Laos, Cambodia at
Thailand; sa Timog ang isla ng Borneo at mga bansa ng Brunei at
Indonesia at sa Silangan naman ang teritoryo ng Guam, Palau at iba
pang isla sa Karagatang Pasipiko. Gamit naman ang lokasyong
insular, matatagpuan ang Pilipinas sa pagitan ng mga katubigan: sa
Hilaga ang Bashi Channel, sa Kanluran ang Kanlurang Dagat ng
Pilipinas, sa Timog ang Dagat Celebes; at sa Silangan ang Karagatang
Pasipiko.

Gamit muli ang lokasyong bisinal, matatagpuan naman ang


Timog-Silangang Asya sa pagitan ng mga bansa/kalupaan: sa Hilaga
ang China; Taiwan at Japan; sa Kanluran ang bansang India,
Bangladesh, Sri Lanka at Maldives; sa Timog ang Australia at Papua
New Guinea; at mga pulo ng Oceania sa Silangan. Gamit naman ang
lokasyong insular, matatagpuan ang Timog-Silangang Asya sa Subukin Natin! Gawain B
pagitan ng mga katubigan: sa Hilaga ang Bashi Channel; sa Kanluran
ang Look ng Bengal at Karagatang Indian; sa Timog ang Dagat Timor 1. 
at Dagat Arafura; at sa Silangan ang Karagatang Pasipiko. 2. 
3. 
Subukin Natin! Gawain B 4. 
Gawain: TSEK O EKIS 5. 
Panuto: Lagyan ng () ang patlang kung ang pahayag ay tumutukoy 6. 
sa tamang relatibong lokasyon ng Pilipinas at Timog-Silangang Asya, 7. 
ekis () naman kung hindi. 8. 
9. 
_____1. Nasa Hilaga ng Pilipinas ang bansang Taiwan. 10.
_____2. Nasa Kanluran ng Timog-Silangang Asya ang Karagatang
Pasipiko.
_____3. Nasa Timog ng Pilipinas ang bansang Indonesia.
_____4. Nasa Silangan ng Timog-Silangang Asya ang mga pulo ng
Oceania.
_____5. Nasa Timog ng Pilipinas ang Karagatang Indian.
_____6. Nasa Hilaga ng Timog-Silangang Asya ang China at Japan.
_____7. Nasa Silangan ng Pilipinas ang Kanlurang Dagat ng Pilipinas.
_____8. Nasa Kanluran ng Pilipinas ang Karagatang Pasipiko. Pagyamanin Natin! Gawain B
_____9. Nasa Timog ng Timog-Silangang Asya ang India at Pakistan.
_____10. Nasa Hilaga ng Pilipinas ang Vietnam at Malaysia. Maaaring mag-iba iba ang sagot
ng mga mag-aaral
Pagyamanin Natin! Gawain B
Gawain: IPAHANAP MO
Panuto: Tukuyin ang relatibong lokasyon ng inyong bayan. Alamin
ang mga nakapalibot na bayan o lugar sa inyong munisipalidad.
1. Bayan: _________________________
2. Hilaga: _________________________
3. Timog: _________________________
4. Silangan: _________________________
5. Kanluran: _________________________

Pamprosesong tanong:

1. Bakit mahalagang matukoy nang tama ang isang lugar gaya ng


inyong munisipalidad?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.
Konsepto 3: Katangiang pisikal ng Mainland na Timog- Silangang
Asya.

Ang Timog-Silangang Asya ay nahahati sa dalawang sub-


rehiyon: ang Mainland o Kontinental na Timog-Silangang Asya at
ang Insular o Archipelagic na Timog-Silangang Asya. Ang
Kontinental na Timog-Silangang Asya ay binubuo ng mga bansang
Thailand, Myanmar, Cambodia, Laos, Vietnam at ilang bahagi ng
Malaysia.

Pinagkuhanang larawan: http://tiny.cc/w9jnxz


Matatagpuan sa bahaging ito ng Tim og-Silangang Asya ang
ilang mga bulubundukin na nagsisimula sa talampas ng Tibet sa
Hilaga, malawak na kapatagan na dinadaluyan ng tatlong
pangunahing kailugan: Ang Ilog Irrawaddy (Myanmar), Ilog Chao
Phraya (Thailand) at Ilog Mekong (Thailand, Laos, Cambodia at
Vietnam). Ito ang naging dahilan upang maging pangunahing lupaing
sakahan ang mga kapatagan sa bahaging ito ng Asya. Sa katimugang
bahagi naman matatagpuan ang Tangway ng Malay (Malay Peninsula)
kung saan sakop ang katimugang bahagi ng Thailand at ang
peninsular na bahagi ng Malaysia.

Ilan pa sa mga kilalang anyong-tubig na matatagpuan dito ang


Tonle Sap, na isang lawang tabang sa bansang Cambodia.
Matatagpuan rin ang Golpo ng Thailand sa bahaging ito na Subukin Natin! Gawain C
nakapagitan sa mga bansang Thailand at Cambodia. 1. M
2.
Subukin Natin! Gawain C 3. M
Gawain: INSULAR BA O MAINLAND 4.
Panuto: Tukuyin kung sa anong mga bansa sa Timog-Silangang Asya 5.
nabibilang sa Mainland na Timog-Silangang Asya sa pamamagitan ng 6.
paglalagay ng letrang M sa mga patlang bago ang bawat bilang. Isulat 7. M
ang inyong sagot sa sagutang papel. 8. M
9.
_____1. Cambodia _____ 6. Pilipinas 10.
_____2. Indonesia _____ 7. Laos
_____3. Thailand _____ 8. Vietnam
_____4. Singapore _____ 9. Brunei
_____5. Malaysia _____ 10. East Timor

Pamprosesong Tanong
Paano nakaapekto ang pisikal na katangian ng Timog-Silangang Asya
sa mga bansang nakapaloob dito?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________ Pagyamanin Natin! Gawain C
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________ Maaaring mag-iba iba ang sagot
Pagyamanin Natin! Gawain C ng mga mag-aaral
Gawain: SALIKSIKIN MO ANG MAINLAND
Panuto: Magsaliksik hinggil sa iba pang mga anyong-lupa at anyong-
tubig na matatagpuan sa Mainland na Timog-Silangang Asya.

MAINLAND NA TIMOG-SILANGANG ASYA


Anyong-Lupa Anyong-Tubig

Konsepto 4: Katangiang pisikal ng Insular na Timog-Silangang Asya.

Ang insular o archipelagic o minsa’y maritime na bahagi ng


Timog Silangang Asya ay binubuo ng mga bansa ng Indonesia,
insular na bahagi ng Malaysia, Singapore, Brunei, East Timor at ng
Pilipinas. Ang bansa rito ay kinabibilangan ng mga pulo o kapuluan
na napapalibutan ng mga anyong-tubig gaya ng karagatan at dagat.
Mayroong tinatayang 25,000 pulo ang makikita rito at ang pitong
pinakamalaking mga pulo ay ang: Borneo, Sumatra, Sulawesi at Java
ng Indonesia at Luzon at Mindanao ng Pilipinas.

Malaking bahagi ng Insular na Timog-Silangang Asya ang


bahagi rin ng Pacific Ring of Fire. Ito ang rehiyon sa palibot ng
Karagatang Pasipiko na kakikitaan ng maraming bulkan at tectonic
plates. Dahil dito, madalas ang pagputok ng bulkan at pagyanig ng
lupa sa bahaging ito ng Timog-Silangang Asya. Kilala ang mga bulkan
ng Krakatoa sa Indonesia, Mayon at Pinatubo ng Pilipinas sa mga
may pinakamalakas na pagputok sa kasaysayan.

Ilan sa mga pangunahing dagat na matatagpuan dito ang Java,


Sulu, Celebes, Banda at Kanlurang Dagat ng Pilipinas o West
Philippine Sea. Nasa pagitan rin ito na mga karagatan ng Pasipiko at
Indian. Ito ang isa sa mga pangunahing ruta ng pangkalakalan sa
mundo na nagdurugtong sa Asya sa iba pang bahagi ng Daigdig. Subukin Natin! Gawain D

Subukin Natin! Gawain D


Gawain: HANAPIN MO
Panuto: Hanapin sa mapa ng Timog-Silangang Asya ang
sumusunod na anyong-lupa at anyong-tubig na nasa loob ng
kahon. Isulat sa mapa ang letra ng tamang sagot.

A. Tonle Sap B. Irrawaddy


C. West Philippine Sea D. Mekong
E. Celebes Sea F. Krakatoa
G. Malay Peninsula H. Mayon
I. Golpo ng Thailand J. Pinatubo

Pagyamanin Natin! Gawain D

Maaaring mag-iba iba ang sagot


ng mga mag-aaral
Pagyamanin Natin! Gawain D
Gawain: SALIKSIKIN MO ANG INSULAR
Panuto: Magsaliksik hinggil sa iba pang mga anyong-lupa at anyong-
tubig na matatagpuan sa Insular na Timog-Silangang Asya.

INSULAR NA TIMOG-SILANGANG ASYA


Anyong-Lupa Anyong-Tubig
Pamprosesong Tanong:

Paano natin mapangangalagaan ang mga anyong-lupa at anyong-


tubig sa ating kapaligiran?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

D. Paglalahat Isaisip! Gawain A Sa bahagi ng paglalahat,


Gawain: PUNUAN MO makikita ang kabuoang
natutunan at natamo ng mga
Panuto: Batay sa iyong nakalap na kaalaman sa mga araling mag-aaral. Ang kanilang mga
tinalakay, punan ang mga nawawalang salita o terminolohiya na naging pag-unawa sa konsepto
kukumpleto sa diwa ng pangungusap. Gamiting gabay ang itinuro ng guro. Makikita rin sa
pamimilian sa loob ng mga kahon. Isulat ang inyong sagot sa bahaging ito ang mga pasulat
sagutang papel na pagtataya. Ang bahaging ito
ang magsisilbing-daan para sa
latitud longhitud coordinates tiyak mga mag-aaral na maipahayag
mapa
ang kanilang mga natutunan sa
Ang __________ na lokasyon ay tinatawag ding lokasyong nakatapos na aralin. Dito
absolute. Ito ang uri ng lokasyon na nakabase sa __________ o makikita ng guro kung may
longhitud at latitud ng isang lugar. Ang __________ at __________ ay natutuhan ang mga mag-aaral
mga kathang linyang magkakatapat sa isa’t isa na matatagpuan sa sa paksang pinag-aralan sa
mga __________ at globo na ang ginagamit upang mas madaling linggong ito.
matunton ang isang partikular na lugar o lokasyon.
Isaisip: Gawain A
Gawain B: PUNUAN MO
Panuto: Batay sa iyong nakalap na kaalaman sa mga araling 1. tiyak
tinalakay, punan ang mga nawawalang salita o terminolohiya na 2. coordinates
kukumpleto sa diwa ng pangungusap. Gamiting gabay ang 3. latitud
pamimilian sa loob ng mga kahon. Isulat ang inyong sagot sa 4. longhitud
sagutang papel 5. mapa

Isaisip: Gawain B
bisinal insular pagtunton nakapalibot
dalawang 1. pagtunton
2. nakapalibot
Ang relatibong lokasyon ay ang __________ sa isang lugar batay sa 3. dalawang
mga __________ dito. May __________ uri ng relatibong lokasyon: ang 4. bisinal
lokasyong bisinal at lokasyong insular. Ang lokasyong __________ ay 5. insular
ayon sa mga bansa o kalupaan nakapalibot o nakapaligid sa isang
lugar o bansa. Ang lokasyong __________ naman ay nakabatay sa mga Isaisip: Gawain C
katubigan na nakapalibot o nakapaligid sa isang lugar o bansa.
1. Mainland
Gawain C: PUNUAN MO 2. Tibet
Panuto: Batay sa iyong nakalap na kaalaman sa mga araling 3. Irrawaddy
tinalakay, punan ang mga nawawalang salita o terminolohiya na 4. Chao Phraya
kukumpleto sa diwa ng pangungusap. Gamiting gabay ang 5. Mekong
pamimilian sa loob ng mga kahon. Isulat ang inyong sagot sa
sagutang papel Isaisip: Gawain D

Mekong Chao Phraya Irrawaddy Tibet Mainland 1. archipelagic


2. Indonesia
Matatagpuan sa __________ na Timog-Silangang Asya ang ilang 3. kapuluan
mga bulubundukin na nagsisimula sa talampas ng __________ sa 4. anyong-tubig
Hilaga, malawak na kapatagan na dinadaluyan ng tatlong 5. karagatan
pangunahing kailugan: Ang Ilog __________ (Myanmar), Ilog __________
(Thailand) at Ilog __________(Thailand, Laos, Cambodia at Vietnam).

Gawain D: PUNUAN MO
Panuto: Batay sa iyong nakalap na kaalaman sa mga araling
tinalakay, punan ang mga nawawalang salita o terminolohiya na
kukumpleto sa diwa ng pangungusap. Gamiting gabay ang
pamimilian sa loob ng mga kahon. Isulat ang inyong sagot sa
sagutang papel

anyong-tubigkapuluan Indonesia archipelagic karagatan

Ang insular o __________ o minsa’y maritime na bahagi ng


Timog Silangang Asya ay binubuo ng mga bansa ng __________,
insular na bahagi ng Malaysia, Singapore, Brunei, East Timor at ng
Pilipinas. Ang bansa rito ay kinabibilangan ng mga pulo o __________
na napapalibutan ng mga __________ gaya ng __________ at dagat.

IV.EBALWASYON NG PAGKATUTO: PAGTATAYA AT PAGNINILAY MGA TALA SA GURO


A. Pagtataya Tayahin Sa bahaging ito matatagpuan
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Piliin at isulat ang TITIK ng ang panapos na pagtataya
tamang sagot sa iyong sagutang papel. (pagganap, produkto, at
handang pasulat). Makikita rin
1.Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa mga imaginary lines na pahalang at sa bahaging ito ang gawaing
patayo na makikita sa mga mapa at globo na ginagamit upang madaling pantahanan at/o takdang-aralin
matukoy ang tiyak na lokasyon ng isang lugar? na hindi obligedo. Ang bahaging
A. ekwador at prime meridian ito ay magsisilbing pagtataya sa
B. latitud at longhitud naging pag-unawa ng mga mag-
C. Polong Hilaga at Polong Timog aaral sa natapos na paksa.
D. Kanluran at Silangang Hating-globo
Tayahin Natin
2. Alin sa sumusunod ang tamang pahayag ukol sa latitud?
A. Tumataas ang value ng latitud habang papalapit sa ekwador. 1. B
B. Bumababa ang value ng latitud habang papalayo sa ekwador. 2. D
C. Nagsisimula ang mga latitud sa Polong Hilaga sa Hilaga at sa 3. D
Polong Timog sa Timog at nagtatapos sa ekwador. 4. A
D. Nagsisimula ang mga latitud sa ekwador at nagtatapos sa Polong 5. B
Hilaga sa Hilaga at sa Polong Timog sa Timog. 6. A
7. C
3. Alin sa sumusunod ang tamang pahayag ukol sa longhitud? 8. A
A. Tumataas ang value ng longhitud habang papalapit sa Prime Meridian 9. D
B. Bumababa ang value ng longhitud habang papalayo sa Prime Meridian 10.C
C. Nagsisimula ang mga longhitud sa International Date Line at 11.B
nagtatapos sa prime meridian 12. C
D. Nagsisimula ang mga longhitud sa Prime Meridian at nagtatapos sa 13. D
International Date Line 14. C
15. B
Para sa bilang 4-5, gumamit ng mapa ng Timog-Silangang Asya: 16. A
17. B
4. Suriin ang mga pahayag sa ibaba. Alamin kung wasto ang isinasaad ng 18. D
mga ito. 19. C
20. C
Unang Pahayag: Nahahati ang daigdig sa Hilaga at Timog Hating-
globo sa pamamagitan ng ekwador.
Ikalawang Pahayag: Nahahati ang daigdig sa Kanluran at Silangang
Hating-globo sa pamamagitan ng Prime Meridian
at International Date Line

A. Tama ang parehas na pahayag.


B. Mali ang parehas na pahayag.
C. Tama ang una ngunit mali ang ikalawang pahayag.
D. Mali ang una ngunit tama ang maling pahayag.

5. Gamit ang tiyak na lokasyon. Anong bansa sa Timog-Silangang Asya ang


matatagpuan sa ekwador o 0° latitud?
A. Cambodia B. Indonesia
C. Pilipinas D. Vietnam
6. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng wastong impormasyon
ukol sa dalawang uri ng relatibong lokasyon?

I. Ang lokasyong bisinal ay batay sa mga kalupaan o bansang


nakapalibot sa isang lugar.
II. Ang lokasyong insular ay batay sa mga katubigang nakapalibot sa
isang lugar

A. Tama ang parehas na pahayag.


B. Mali ang parehas na pahayag.
C. Tama ang una ngunit mali ang ikalawang pahayag.
D. Mali ang una ngunit tama ang ikalawang pahayag.

7. Kung susuriin ang lokasyong bisinal ng Pilipinas, anong bansa ang nasa
Hilaga nito?
A. Australia B. India
C. Taiwan D. Vietnam

8. Kung susuriin ang lokasyong bisinal ng Timog Silangang Asya, anong


bansa ang nasa Timog nito?
A. Australia B. India
C. Taiwan D. Vietnam

9. Kung susuriin ang lokasyong insular ng Pilipinas, anong katubigan ang


nasa Silangan nito?
A. Dagat Celebes B. Dagat Kanlurang ng Pilipinas
C. Karagatang Indian D. Karagatang Pasipiko

10. Kung susuriin ang lokasyong insular ng Timog-Silangang Asya, anong


katubigan ang nasa Kanluran nito?
A. Dagat Celebes C. Dagat Kanlurang ng Pilipinas
B. Karagatang Indian D. Karagatang Pasipiko

11. Nahahati sa dalawang sub-rehiyon ang Timog-Silangang Asya, alin sa


sumusunod ang HINDI kabilang sa Mainland na Timog-Silangang Asya?
A. Cambodia B. Pilipinas
C. Thailand D. Vietnam

12. Alin naman sa sumusunod ang HINDI kabilang sa Insular na Timog-


Silangang Asya?
A. East Timor B. Indonesia
C. Laos D. Singapore

13. Mayroong tatlong pangunahing ilog na matatagpuan sa Mainland na


Timog-Silangang Asya, alin sa sumusunod ang HINDI kabilang rito?
A. Chao Phraya B. Irrawady
C. Mekong D. Tonle Sap

14. Alin sa sumusunod ang epekto ng pagkakaroon ng mga sistema ng ilog


sa Mainland na Timog-Silangang Asya?
A. nagdulot ito upang maubos ang likas na yaman sa lugar
B. naging sanhi ito ng maraming sakuna at kagutuman sa lugar
C. naging malalawak na lupang sakahan ang mga lugar malapit sa
mga ilog
D. nagsilbi itong pangunahing daungan ng mga kalakal mula sa iba’t
ibang bansa

15. Ang mga bansa sa Mainland na Timog-Silangang Asya ay may


magkakaibang katangiang pisikal. Mayroong bulubundukin sa Hilaga,
malawak na kapatagan sa gitna at tangway na matatagapuan sa
katimugang bahagi nito. Ano ang mahihinuha sa pahayag na ito?
A. walang maaaring maging hanapbuhay ang mga tao rito
B. magkakaiba ang paraan ng pamumuhay sa mga lugar na ito
C. pare-parehas ang paraan ng pamumuhay sa mga lugar na ito
D. kakaunti ang likas na yaman na matatagpuan sa mga bansa rito

16. Alin sa sumusunod ang pangkalahatang katangiang pisikal ng mga


bansa sa Insular na Timog-Silangang Asya?
A. napapalibutan ng katubigan ang mga bansa rito
B. napapalibutan ng kabundukan ang mga bansa rito
C. binubuo lamang ng kakaunting isla ang mga bansa rito
D. malalawak na kapatagan ang matatagpuan sa mga bansang narito

17. Isa ang Indonesia sa mga bansang matatagpuan sa Insular na Timog-


Silangang Asya, binubuo ito ng maraming mga isla kaya naman itinuturing
itong pinakamalaking archipelago sa buong mundo. Alin sa sumusunod na
isla ang HINDI matatagpuan sa bansang Indonesia?
A. Java
B. Luzon
C. Sulawesi
D. Sumatra

18. Malaking bahagi ng Insular na Timog-Silangang Asya ang bahagi ng


Pacific Ring of Fire, alin sa sumusunod ang epekto nito sa rehiyon?
A. walang mga taong nakatira rito
B. madalas magkasunog sa mga bansa na narito
C. maraming ginto at alahas ang matatagpuan rito
D. madalas ang pagputok ng bulkan at pagyanig ng lupa rito

19. Matatagpuan ang Insular na Timog-Silangang Asya sa pagitan ng


Karagatang Indian at Karagatang Pasipiko. Alin sa sumusunod ang epekto
ng lokasyon ng rehiyon sa pamumuhay ng mga tao rito?
A. hindi makapaglakbay ang mga taong nakatira rito
B. tanging pangingisda ang ikinabubuhay ng mga tao rito
C. naging pangunahing rutang pangkalakalan ang rehiyon
D. iniiwasan ang rehiyon dahil sa delikadong mga katubigan

20. Sa pangkalahatan, paano mo mailalarawan ang lokasyon at katangiang


pisikal ng Timog-Silangang Asya?
A. matatagpuan ito sa rehiyong malamig at malayo sa kabihasnan
B. hindi maganda ang lokasyon at katangiang pisikal ng rehiyon
C. magkakaiba ngunit nakatutulong sa mga tao rito ang lokasyon at
katangiang pisikal nito
D. kaparehas lamang ng ibang rehiyon sa Asya ang lokasyon at
katangiang pisikal nito

B. Pagbuo ng Itala ang naobserbahan sa pagtuturo sa alinmang sumusunod na bahagi. Epektibong Problemang
Anotasyon Pamamaraan Naranasan at
Iba pang Usapin
Estratehiya
Kagamitan
Pakikilahok ng mga mag-aaral
At iba pa
C.Pagninilay Gabay sa Pagninilay:

Sa linggong ito mula sa pinakamababang mark ana 1 at 5 bilang pinakamataas, ang aking marka para sa
aking pagtuturo ay __________ dahil ______________________________________________________.

Subalit, ito ay pwede ko pang pataasin sa pamamagitan ng


_________________________________________________________________________________________________.

Gagawin ko ito hindi para lang sa aking sarili kundi para rin sa _________________________________ dahil
naniniwala ako na ang pagtuturo ay
________________________________________________________________________________________________.

Sa kabuoan, ang pinal na resulta ay makikita sa mga mag-aaral na


__________________________________________________________________________________________________.

Inihanda ni: JOHN REVIN V. DE JESUS Sinuri ni: VIRGILIO L. LAGGUI

Institusyon: DR. FELIPE DE JESUS NATIONAL HIGH Institusyon: DEPS – AP (SDO BULACAN)
SCHOOL

You might also like