Masusing-Banghay-Aralin-sa-MATATAG-AP7-Ikaapat-na-Araw

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Paaralan Dr.

Felipe De Jesus National Baitang 7


High School
Guro John Revin V. De Jesus Aralin AP
Petsa at Oras August 1, 2024 (Ikaapat na Kwarter 1
Araw)

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 7 MATATAG

I. NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA


ARALIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
Pangnilalaman ginampanan ng katangiang pisikal ng rehiyon sa pagbuo ng
sinaunang kasaysayan at kalinangan ng mga mamamayan sa
Pilipinas at Timog-Silangang Asya.
B. Pamantayan sa Nakabubuo ng proyekto na nagpapaliwanag sa ginampanan ng
Pagganap katangiang pisikal ng rehiyon sa pagbuo ng sinaunang
kasaysayan at kalinangan ng mga mamamayan sa Pilipinas at
Timog-Silangang Asya.
C. Kasanayan sa LC 1: Naipaliliwanag ang mahalagang ginampanan ng
Pagkatuto katangiang pisikal ng Pilipinas at ng rehiyon sa pagbuo ng
sinaunang kasaysayan at kalinangan ng mga
mamamayan sa Pilipinas at Timog Silangang Asya.
Kasanayan
1. Nailalarawan ang katangiang pisikal ng Insular na Timog-
Silangang Asya.
2. Napahahalagahan ang mayamang katangiang pisikal ng
Insular na Timog-Silangang Asya.
3. Naituturo sa mapa ang mga bansang nasa Insular na Timog-
Silangang Asya.

D. Nilalaman 1. Katangiang pisikal ng Insular na Timog-Silangang Asya

E. Integrasyon (Mga  Kakayahang umunawa ng mga impormasyon, midya, at


kasanayan sa teknolohiya (information media, and technology skills)
ika-21 siglo)  Kakayahang makipagtalastasan (Communication skills)
 Kakayahang mamuhay at pumili ng angkop na kurso. (life
and career skills)
II. BATAYANG SANGGUNIAN SA PAGKATUTO
 Dela Cruz, Lawrence A., DepEd Learning Activity Sheets – Unang Linggo
III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO
A. Pagkuha ng Panuto: Mula sa inyong naging talakayan noong nakaraang
dating aralin, sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang
Kaalaman inyong sagot sa mga patlang.

1. Ano-anong mga bansa ang nasa Mainland na Timog-


Silangang Asya?
___________________________________________________________
___________________________________________________________

2. Paano kaya nakaapekto ang katangiang pisikal ng


bansa na matatagpuan rito sa pamumuhay ng mga tao?
______________________________________________________________
_____________________________________________________________.

B. Paglalahad Gawain: Paghawan ng Bokabularyo sa Nilalaman ng Aralin


ng Layunin Panuto: Bigyang-kahulugan ang mga salitang nasa kahon.

INSULAR

PACIFIC RING OF FIRE

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang masasabi mo tungkol sa mga salitang binigyang
kahulugan?
2. Bakit mahalagang matutuhan ang mga konseptong ito?
C. Paglilinang at Konsepto 4: Katangiang pisikal ng Insular na Timog-Silangang
Pagpapalalim Asya.

Ang insular o archipelagic o minsa’y maritime na bahagi


ng Timog Silangang Asya ay binubuo ng mga bansa ng
Indonesia, insular na bahagi ng Malaysia, Singapore, Brunei,
East Timor at ng Pilipinas. Ang bansa rito ay kinabibilangan ng
mga pulo o kapuluan na napapalibutan ng mga anyong-tubig
gaya ng karagatan at dagat. Mayroong tinatayang 25,000 pulo
ang makikita rito at ang pitong pinakamalaking mga pulo ay
ang: Borneo, Sumatra, Sulawesi at Java ng Indonesia at Luzon
at Mindanao ng Pilipinas.

Gamit ang mapa ng Timog-Silangang Asya, ituro ang mga


bansa na bumubuo sa Mainland na Timog-Silangang Asya at
Insular na Timog-Silangang Asya.

Mainland na
Timog Insular na
Silangang Timog
Asya Silangang
Asya

Pinagkuhanang larawan: http://tiny.cc/w9jnxz

Malaking bahagi ng Insular na Timog-Silangang Asya


ang bahagi rin ng Pacific Ring of Fire. Ito ang rehiyon sa
palibot ng Karagatang Pasipiko na kakikitaan ng maraming
bulkan at tectonic plates. Dahil dito, madalas ang pagputok ng
bulkan at pagyanig ng lupa sa bahaging ito ng Timog-
Silangang Asya. Kilala ang mga bulkan ng Krakatoa sa
Indonesia, Mayon at Pinatubo ng Pilipinas sa mga may
pinakamalakas na pagputok sa kasaysayan.

Hilagang
Asya
America

Karagatang Pasipiko

Australia

Pacific Ring of Fire

Ilan sa mga pangunahing dagat na matatagpuan dito


ang Java, Sulu, Celebes, Banda at Kanlurang Dagat ng
Pilipinas o West Philippine Sea. Nasa pagitan rin ito na mga
karagatan ng Pasipiko at Indian. Ito ang isa sa mga
pangunahing ruta ng pangkalakalan sa mundo na
nagdurugtong sa Asya sa iba pang bahagi ng Daigdig.

Subukin Natin!
Gawain: HANAPIN MO
Panuto: Hanapin sa mapa ng Timog-Silangang Asya ang
sumusunod na anyong-lupa at anyong-tubig na nasa loob
ng kahon. Isulat sa mapa ang letra ng tamang sagot.

A. Tonle Sap B. Irrawaddy


C. West Philippine Sea D. Mekong
E. Celebes Sea F. Krakatoa
G. Malay Peninsula H. Mayon
I. Golpo ng Thailand J. Pinatubo
Pagyamanin Natin!
Gawain: SALIKSIKIN MO ANG INSULAR
Panuto: Magsaliksik hinggil sa iba pang mga anyong-lupa at
anyong-tubig na matatagpuan sa Insular na Timog-Silangang
Asya.

INSULAR NA TIMOG-SILANGANG ASYA


Anyong-Lupa Anyong-Tubig

Pamprosesong Tanong:

Paano natin mapangangalagaan ang mga anyong-lupa at


anyong-tubig sa ating kapaligiran?
______________________________________________________________
___________________________________________________________.

D. Paglalahat ISAISIP
Gawain: PUNUAN MO
Panuto: Batay sa iyong nakalap na kaalaman sa mga araling
tinalakay, punan ang mga nawawalang salita o terminolohiya
na kukumpleto sa diwa ng pangungusap. Gamiting gabay ang
pamimilian sa loob ng mga kahon. Isulat ang inyong sagot sa
sagutang papel

anyong-tubig kapuluan Indonesia


archipelagic karagatan

Ang insular o __________ o minsa’y maritime na bahagi


ng Timog Silangang Asya ay binubuo ng mga bansa ng
__________, insular na bahagi ng Malaysia, Singapore, Brunei,
East Timor at ng Pilipinas. Ang bansa rito ay kinabibilangan ng
mga pulo o __________ na napapalibutan ng mga __________
gaya ng __________ at dagat.

IV.EBALWASYON NG PAGKATUTO: PAGTATAYA AT PAGNINILAY


A. Pagtataya Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Piliin at isulat ang
TITIK ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang pangkalahatang katangiang pisikal ng mga


bansa sa Insular na Timog-Silangang Asya?
A. napapalibutan ng katubigan ang mga bansa rito
B. napapalibutan ng kabundukan ang mga bansa rito
C. binubuo lamang ng kakaunting isla ang mga bansa rito
D. malalawak na kapatagan ang matatagpuan sa mga bansang
narito

2. Isa ang Indonesia sa mga bansang matatagpuan sa Insular na


Timog-Silangang Asya, binubuo ito ng maraming mga isla kaya
naman itinuturing itong pinakamalaking archipelago sa buong
mundo. Alin sa sumusunod na isla ang HINDI matatagpuan sa
bansang Indonesia?
A. Java
B. Luzon
C. Sulawesi
D. Sumatra

3. Malaking bahagi ng Insular na Timog-Silangang Asya ang bahagi


ng Pacific Ring of Fire, alin sa sumusunod ang epekto nito sa rehiyon?
A. walang mga taong nakatira rito
B. madalas magkasunog sa mga bansa na narito
C. maraming ginto at alahas ang matatagpuan rito
D. madalas ang pagputok ng bulkan at pagyanig ng lupa rito

4. Matatagpuan ang Insular na Timog-Silangang Asya sa pagitan ng


Karagatang Indian at Karagatang Pasipiko. Alin sa sumusunod ang
epekto ng lokasyon ng rehiyon sa pamumuhay ng mga tao rito?
A. hindi makapaglakbay ang mga taong nakatira rito
B. tanging pangingisda ang ikinabubuhay ng mga tao rito
C. naging pangunahing rutang pangkalakalan ang rehiyon
D. iniiwasan ang rehiyon dahil sa delikadong mga katubigan

5. Sa pangkalahatan, paano mo mailalarawan ang lokasyon at


katangiang pisikal ng Timog-Silangang Asya?
A. matatagpuan ito sa rehiyong malamig at malayo sa
kabihasnan
B. hindi maganda ang lokasyon at katangiang pisikal ng
rehiyon
C. magkakaiba ngunit nakatutulong sa mga tao rito ang
lokasyon at
katangiang pisikal nito
D. kaparehas lamang ng ibang rehiyon sa Asya ang lokasyon at
katangiang pisikal nito.
Pagbuo ng Itala ang naobserbahan sa Epektibong Problemang
Anotasyon pagtuturo sa alinmang Pamamaraan Naranasan at Iba
sumusunod na bahagi. pang Usapin
Estratehiya

Kagamitan

Pakikilahok ng mga mag-aaral

At iba pa

Pagninilay Gabay sa Pagninilay:

Sa linggong ito mula sa pinakamababang marka na 1 at 5 bilang


pinakamataas, ang aking marka para sa aking pagtuturo ay __________
dahil
_____________________________________________________________________

Subalit, ito ay pwede ko pang pataasin sa pamamagitan ng


______________________________________________________________________
____________________________________________________________.

Gagawin ko ito hindi para lang sa aking sarili kundi para rin sa
_________________________________ dahil naniniwala ako na ang
pagtuturo ay
_____________________________________________________________________

Sa kabuoan, ang pinal na resulta ay makikita sa mga mag-aaral na


______________________________________________________________________

Inihanda ni:
JOHN REVIN V. DE JESUS
Guro
Iniwasto ni:

_____________________________
HT

_____________________________
MT
Tinunghayan ni:

______________________
Punong-Guro

You might also like