Masusing-Banghay-Aralin-sa-MATATAG-AP7-Ikalawang-Araw

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Paaralan Dr.

Felipe De Jesus National Baitang 7


High School
Guro John Revin V. De Jesus Aralin AP
Petsa at Oras July 30, 2024 (Ikalawang Araw) Kwarter 1

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 7 MATATAG

I. NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA


ARALIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
Pangnilalaman ginampanan ng katangiang pisikal ng rehiyon sa pagbuo ng
sinaunang kasaysayan at kalinangan ng mga mamamayan sa
Pilipinas at Timog-Silangang Asya.
B. Pamantayan sa Nakabubuo ng proyekto na nagpapaliwanag sa ginampanan ng
Pagganap katangiang pisikal ng rehiyon sa pagbuo ng sinaunang
kasaysayan at kalinangan ng mga mamamayan sa Pilipinas at
Timog-Silangang Asya.
C. Kasanayan sa LC 1: Naipaliliwanag ang mahalagang ginampanan ng
Pagkatuto katangiang pisikal ng Pilipinas at ng rehiyon sa pagbuo ng
sinaunang kasaysayan at kalinangan ng mga
mamamayan sa Pilipinas at Timog Silangang Asya.
Kasanayan
1. Natutukoy ang relatibong lokasyon ng Pilipinas at Timog-
Silangang Asya.
2. Napahahalagahan ang relatibong lokasyon ng Pilipinas sa
pagsusulong ng kapayapaaan sa West Philippine Sea.
3. Naituturo sa mapa ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya
na nakapaligid sa Pilipinas.
D. Nilalaman 1. Relatibong lokasyon ng Pilipinas at Timog- Silangang Asya.
E. Integrasyon (Mga  Kakayahang matuto/umunawa ng mga inobasyon o
kasanayan sa pagbabago (learning and innovation skills)
ika-21 siglo)  Kakayahang makipagtalastasan (communication skills)
 Kakayahang mamuhay at pumili ng angkop na kurso
(life and career skills)
II. BATAYANG SANGGUNIAN SA PAGKATUTO
 Dela Cruz, Lawrence A, DepEd Learning Activity Sheets – Unang Linggo
III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO
A. Pagkuha ng Panuto: Mula sa inyong naging talakayan noong nakaraang
dating aralin, sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
Kaalaman
1. Bakit mahalaga ang mga gabay na linya sa mga globo at
mapa?
______________________________________________________________
_____________________________________________________________.
2. Bakit mahalagang matukoy ang tiyak na lokasyon ng
isang lugar? Paano ito makatutulong sa atin?
______________________________________________________________
_____________________________________________________________.

B. Paglalahad Gawain: Paghawan ng Bokabularyo sa Nilalaman ng Aralin


ng Layunin Panuto: Bigyang-kahulugan ang mga salitang nasa kahon.
RELATIBONG LOKASYON

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang masasabi mo tungkol sa mga salitang binigyang
kahulugan?
2. Bakit mahalagang matutuhan ang mga konseptong ito?

C. Paglilinang at Konsepto 2: Relatibong lokasyon ng Pilipinas at Timog-


Pagpapalalim Silangang Asya.

Ang relatibong lokasyon ay ang pagtunton sa isang


lugar batay sa mga nakapaligid dito. May dalawang uri ng
relatibong lokasyon: ang lokasyong bisinal at lokasyong
insular. Ang lokasyong bisinal ay ayon sa mga bansa o
kalupaan nakapalibot o nakapaligid sa isang lugar o bansa.
Ang lokasyong insular naman ay nakabatay sa mga katubigan
na nakapalibot o nakapaligid sa isang lugar o bansa.

China Taiwan

Karagatang
Pasipiko

Karagatang
Indian
Australia

*Maaaring gumamit ng mapa ng Asya o Timog-Silangang


Asya para sa iba pang detalye
Pinagkuhanang larawan: http://tiny.cc/w9jnxz
Gawin: Gamit ang mapa ng Timog-Silangang Asya, ituro
ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya na nakapaligid sa
Pilipinas gayundin ang mga katubigang nakapalibot dito.

Gamit ang lokasyong bisinal, matatagpuan ang Pilipinas


sa pagitan ng mga bansa/kalupaan: sa Hilaga ang Taiwan,
China at Japan; sa Kanluran ang bansang Vietnam, Laos,
Cambodia at Thailand; sa Timog ang isla ng Borneo at mga
bansa ng Brunei at Indonesia at sa Silangan naman ang
teritoryo ng Guam, Palau at iba pang isla sa Karagatang
Pasipiko. Gamit naman ang lokasyong insular, matatagpuan
ang Pilipinas sa pagitan ng mga katubigan: sa Hilaga ang
Bashi Channel, sa Kanluran ang Kanlurang Dagat ng Pilipinas,
sa Timog ang Dagat Celebes; at sa Silangan ang Karagatang
Pasipiko.

Gamit muli ang lokasyong bisinal, matatagpuan naman


ang Timog-Silangang Asya sa pagitan ng mga bansa/kalupaan:
sa Hilaga ang China; Taiwan at Japan; sa Kanluran ang
bansang India, Bangladesh, Sri Lanka at Maldives; sa Timog
ang Australia at Papua New Guinea; at mga pulo ng Oceania sa
Silangan. Gamit naman ang lokasyong insular, matatagpuan
ang Timog-Silangang Asya sa pagitan ng mga katubigan: sa
Hilaga ang Bashi Channel; sa Kanluran ang Look ng Bengal at
Karagatang Indian; sa Timog ang Dagat Timor at Dagat
Arafura; at sa Silangan ang Karagatang Pasipiko.

Subukin Natin!
Gawain: TSEK O EKIS
Panuto: Lagyan ng () ang patlang kung ang pahayag ay
tumutukoy sa tamang relatibong lokasyon ng Pilipinas at
Timog-Silangang Asya, ekis () naman kung hindi.

_____1. Nasa Hilaga ng Pilipinas ang bansang Taiwan.


_____2. Nasa Kanluran ng Timog-Silangang Asya ang
Karagatang Pasipiko.
_____3. Nasa Timog ng Pilipinas ang bansang Indonesia.
_____4. Nasa Silangan ng Timog-Silangang Asya ang mga pulo
ng Oceania.
_____5. Nasa Timog ng Pilipinas ang Karagatang Indian.
_____6. Nasa Hilaga ng Timog-Silangang Asya ang China at
Japan.
_____7. Nasa Silangan ng Pilipinas ang Kanlurang Dagat ng
Pilipinas.
_____8. Nasa Kanluran ng Pilipinas ang Karagatang Pasipiko.
_____9. Nasa Timog ng Timog-Silangang Asya ang India at
Pakistan.
_____10. Nasa Hilaga ng Pilipinas ang Vietnam at Malaysia.

Pagyamanin Natin!
Gawain: IPAHANAP MO
Panuto: Tukuyin ang relatibong lokasyon ng inyong bayan.
Alamin ang mga nakapalibot na bayan o lugar sa inyong
munisipalidad.
1. Bayan: _________________________
2. Hilaga: _________________________
3. Timog: _________________________
4. Silangan: _________________________
5. Kanluran: _________________________

Pamprosesong tanong:

1. Bakit mahalagang matukoy nang tama ang isang lugar gaya


ng inyong munisipalidad?
______________________________________________________________
_____________________________________________________________.
2. Bilang isang Pilipino, sa paanong paraan mo magagamit ang
iyong natutunan sa relatibong lokasyon ng Pilipinas sa
pagsusulong ng ating karapatan sa West Philippine Sea?
Pangatwiranan. Magbahaginan ng sagot.
______________________________________________________________
_____________________________________________________________.
D. Paglalahat Gawain: PUNUAN MO
Panuto: Batay sa iyong nakalap na kaalaman sa mga araling
tinalakay, punan ang mga nawawalang salita o terminolohiya
na kukumpleto sa diwa ng pangungusap. Gamiting gabay ang
pamimilian sa loob ng mga kahon. Isulat ang inyong sagot sa
sagutang papel

bisinal insular pagtunton nakapalibot dalawang

Ang relatibong lokasyon ay ang __________ sa isang lugar batay


sa mga __________ dito. May __________ uri ng relatibong
lokasyon: ang lokasyong bisinal at lokasyong insular. Ang
lokasyong __________ ay ayon sa mga bansa o kalupaan
nakapalibot o nakapaligid sa isang lugar o bansa. Ang
lokasyong __________ naman ay nakabatay sa mga katubigan
na nakapalibot o nakapaligid sa isang lugar o bansa.

IV.EBALWASYON NG PAGKATUTO: PAGTATAYA AT PAGNINILAY


A. Pagtataya Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Piliin at isulat ang
TITIK ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng wastong


impormasyon ukol sa dalawang uri ng relatibong lokasyon?

I. Ang lokasyong bisinal ay batay sa mga kalupaan o bansang


nakapalibot sa isang lugar.
II. Ang lokasyong insular ay batay sa mga katubigang
nakapalibot sa isang lugar

A. Tama ang parehas na pahayag.


B. Mali ang parehas na pahayag.
C. Tama ang una ngunit mali ang ikalawang pahayag.
D. Mali ang una ngunit tama ang ikalawang pahayag.

2. Kung susuriin ang lokasyong bisinal ng Pilipinas, anong bansa ang


nasa Hilaga nito?
A. Australia B. India
C. Taiwan D. Vietnam

3. Kung susuriin ang lokasyong bisinal ng Timog Silangang Asya,


anong bansa ang nasa Timog nito?
A. Australia B. India
C. Taiwan D. Vietnam
4. Kung susuriin ang lokasyong insular ng Pilipinas, anong katubigan
ang nasa Silangan nito?
A. Dagat Celebes B. Dagat Kanlurang ng
Pilipinas
C. Karagatang Indian D. Karagatang Pasipiko

5. Kung susuriin ang lokasyong insular ng Timog-Silangang Asya,


anong katubigan ang nasa Kanluran nito?
A. Dagat Celebes C. Dagat Kanlurang ng
Pilipinas
B. Karagatang Indian D. Karagatang Pasipiko

Pagbuo ng Itala ang naobserbahan sa Epektibong Problemang


Anotasyon pagtuturo sa alinmang Pamamaraan Naranasan at Iba
sumusunod na bahagi. pang Usapin
Estratehiya

Kagamitan

Pakikilahok ng mga mag-aaral

At iba pa

Pagninilay Gabay sa Pagninilay:

Sa linggong ito mula sa pinakamababang marka na 1 at 5 bilang


pinakamataas, ang aking marka para sa aking pagtuturo ay __________
dahil
______________________________________________________________________
_________________________________________.

Subalit, ito ay pwede ko pang pataasin sa pamamagitan ng


______________________________________________________________________
____________________________________________________________.

Gagawin ko ito hindi para lang sa aking sarili kundi para rin sa
_________________________________ dahil naniniwala ako na ang
pagtuturo ay
______________________________________________________________________
__________________________.

Sa kabuoan, ang pinal na resulta ay makikita sa mga mag-aaral na


______________________________________________________________________
____________________________.
Inihanda ni:
JOHN REVIN V. DE JESUS
Guro
Iniwasto ni:

_____________________________
HT

_____________________________
MT

Tinunghayan ni:

______________________
Punong-Guro

You might also like