Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Paaralan Dr.

Felipe De Jesus National Baitang 7


High School
Guro John Revin V. De Jesus Aralin AP
Petsa at Oras July 31, 2024 (Ikatlong Araw) Kwarter 1

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 7 MATATAG

I. NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA


ARALIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
Pangnilalaman ginampanan ng katangiang pisikal ng rehiyon sa pagbuo ng
sinaunang kasaysayan at kalinangan ng mga mamamayan sa
Pilipinas at Timog-Silangang Asya.
B. Pamantayan sa Nakabubuo ng proyekto na nagpapaliwanag sa ginampanan ng
Pagganap katangiang pisikal ng rehiyon sa pagbuo ng sinaunang
kasaysayan at kalinangan ng mga mamamayan sa Pilipinas at
Timog-Silangang Asya.
C. Kasanayan sa LC 1: Naipaliliwanag ang mahalagang ginampanan ng
Pagkatuto katangiang pisikal ng Pilipinas at ng rehiyon sa pagbuo ng
sinaunang kasaysayan at kalinangan ng mga
mamamayan sa Pilipinas at Timog Silangang Asya.
Kasanayan
1. Nailalarawan ang katangiang pisikal ng Mainland na Timog-
Silangang Asya.
2. Napahahalagahan ang mayamang katangiang pisikal ng
Mainland na Timog-Silangang Asya.
2. Naituturo sa mapa ang mga bansang nasa Mainland na
Timog-Silangang Asya.
D. Nilalaman 1. Katangiang pisikal ng Mainland na Timog-Silangang Asya
E. Integrasyon (Mga  Kakayahang umunawa ng mga impormasyon, midya, at
kasanayan sa teknolohiya (information media, and technology skills)
ika-21 siglo)  Kakayahang makipagtalastasan (Communication skills)
 Kakayahang mamuhay at pumili ng angkop na kurso.
(life and career skills)
II. BATAYANG SANGGUNIAN SA PAGKATUTO
 Dela Cruz, Lawrence A., DepEd Learning Activity Sheets – Unang Linggo
III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO
A. Pagkuha ng Panuto: Mula sa inyong naging talakayan noong nakaraang
dating aralin, sagutin ang katanungan sa ibaba. Isulat ang inyong
Kaalaman sagot sa mga patlang.

1. Bakit mahalagang matukoy ang relatibong lokasyon ng


isang lugar? Paano mo ito magagamit sa pang-araw-araw na
pamumuhay?
______________________________________________________________
_____________________________________________________________.

B. Paglalahad Gawain: Paghawan ng Bokabularyo sa Nilalaman ng Aralin


ng Layunin Panuto: Bigyang-kahulugan ang mga salitang nasa kahon.

MAINLAND NA TIMOG-SILANGANG ASYA


INSULAR NA TIMOG-SILANGANG ASYA

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang masasabi mo tungkol sa mga salitang binigyang
kahulugan?
2. Bakit mahalagang matutuhan ang mga konseptong ito?
C. Paglilinang at Konsepto 3: Katangiang pisikal ng Mainland na Timog-
Pagpapalalim Silangang Asya.

Ang Timog-Silangang Asya ay nahahati sa dalawang


sub-rehiyon: ang Mainland o Kontinental na Timog-
Silangang Asya at ang Insular o Archipelagic na Timog-
Silangang Asya. Ang Kontinental na Timog-Silangang Asya ay
binubuo ng mga bansang Thailand, Myanmar, Cambodia,
Laos, Vietnam at ilang bahagi ng Malaysia.

Gamit ang mapa ng Timog-Silangang Asya, ituro ang mga


bansa na bumubuo sa Mainland na Timog-Silangang Asya at
Insular na Timog-Silangang Asya.

Mainland na Insular na
Timog Timog
Silangang Silangang
Asya Asya

Pinagkuhanang larawan: http://tiny.cc/w9jnxz

Matatagpuan sa bahaging ito ng Timog-Silangang Asya


ang ilang mga bulubundukin na nagsisimula sa talampas ng
Tibet sa Hilaga, malawak na kapatagan na dinadaluyan ng
tatlong pangunahing kailugan: Ang Ilog Irrawaddy (Myanmar),
Ilog Chao Phraya (Thailand) at Ilog Mekong (Thailand, Laos,
Cambodia at Vietnam). Ito ang naging dahilan upang maging
pangunahing lupaing sakahan ang mga kapatagan sa bahaging
ito ng Asya. Sa katimugang bahagi naman matatagpuan ang
Tangway ng Malay (Malay Peninsula) kung saan sakop ang
katimugang bahagi ng Thailand at ang peninsular na bahagi
ng Malaysia.

Ilan pa sa mga kilalang anyong-tubig na matatagpuan


dito ang Tonle Sap, na isang lawang tabang sa bansang
Cambodia. Matatagpuan rin ang Golpo ng Thailand sa
bahaging ito na nakapagitan sa mga bansang Thailand at
Cambodia.

Subukin Natin!
Gawain: INSULAR BA O MAINLAND
Panuto: Tukuyin kung sa anong mga bansa sa Timog-
Silangang Asya nabibilang sa Mainland na Timog-Silangang
Asya sa pamamagitan ng paglalagay ng letrang M sa mga
patlang bago ang bawat bilang. Isulat ang inyong sagot sa
sagutang papel.

_____1. Cambodia _____ 6. Pilipinas


_____2. Indonesia _____ 7. Laos
_____3. Thailand _____ 8. Vietnam
_____4. Singapore _____ 9. Brunei
_____5. Malaysia _____ 10. East Timor

Pamprosesong Tanong
1. Paano nakaapekto ang pisikal na katangian ng Timog-
Silangang Asya sa mga bansang nakapaloob dito?
______________________________________________________________
_____________________________________________________________.
2. Ang Mainland na Timog-Silangang Asya ay mayaman sa
katangiang pisikal, bilang isang mamamayang Asyano, paano
mo mapahahalagahan ang mayamang katangiang pisikal na
ito?
______________________________________________________________
_____________________________________________________________.

Pagyamanin Natin!
Gawain: SALIKSIKIN MO ANG MAINLAND
Panuto: Magsaliksik hinggil sa iba pang mga anyong-lupa at
anyong-tubig na matatagpuan sa Mainland na Timog-
Silangang Asya.

MAINLAND NA TIMOG-SILANGANG ASYA


Anyong-Lupa Anyong-Tubig

D. Paglalahat Gawain: PUNUAN MO


Panuto: Batay sa iyong nakalap na kaalaman sa mga araling
tinalakay, punan ang mga nawawalang salita o terminolohiya
na kukumpleto sa diwa ng pangungusap. Gamiting gabay ang
pamimilian sa loob ng mga kahon. Isulat ang inyong sagot sa
sagutang papel

Mekong Chao Phraya Irrawaddy Tibet


Mainland

Matatagpuan sa __________ na Timog-Silangang Asya


ang ilang mga bulubundukin na nagsisimula sa talampas ng
__________ sa Hilaga, malawak na kapatagan na dinadaluyan
ng tatlong pangunahing kailugan: Ang Ilog __________
(Myanmar), Ilog __________ (Thailand) at Ilog
__________(Thailand, Laos, Cambodia at Vietnam).

IV.EBALWASYON NG PAGKATUTO: PAGTATAYA AT PAGNINILAY


A. Pagtataya Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Piliin at isulat ang
TITIK ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Nahahati sa dalawang sub-rehiyon ang Timog-Silangang Asya, alin


sa sumusunod ang HINDI kabilang sa Mainland na Timog-Silangang
Asya?
A. Cambodia B. Pilipinas
C. Thailand D. Vietnam

2. Alin naman sa sumusunod ang HINDI kabilang sa Insular na


Timog-Silangang Asya?
A. East Timor B. Indonesia
C. Laos D. Singapore

3. Mayroong tatlong pangunahing ilog na matatagpuan sa Mainland


na Timog-Silangang Asya, alin sa sumusunod ang HINDI kabilang
rito?
A. Chao Phraya B. Irrawady
C. Mekong D. Tonle Sap

4. Alin sa sumusunod ang epekto ng pagkakaroon ng mga sistema ng


ilog sa Mainland na Timog-Silangang Asya?
A. nagdulot ito upang maubos ang likas na yaman sa lugar
B. naging sanhi ito ng maraming sakuna at kagutuman sa
lugar
C. naging malalawak na lupang sakahan ang mga lugar
malapit sa
mga ilog
D. nagsilbi itong pangunahing daungan ng mga kalakal mula
sa iba’t
ibang bansa

5. Ang mga bansa sa Mainland na Timog-Silangang Asya ay may


magkakaibang katangiang pisikal. Mayroong bulubundukin sa Hilaga,
malawak na kapatagan sa gitna at tangway na matatagapuan sa
katimugang bahagi nito. Ano ang mahihinuha sa pahayag na ito?
A. walang maaaring maging hanapbuhay ang mga tao rito
B. magkakaiba ang paraan ng pamumuhay sa mga lugar na ito
C. pare-parehas ang paraan ng pamumuhay sa mga lugar na
ito
D. kakaunti ang likas na yaman na matatagpuan sa mga bansa
rito

Pagbuo ng Itala ang naobserbahan sa Epektibong Problemang


Anotasyon pagtuturo sa alinmang Pamamaraan Naranasan at Iba
sumusunod na bahagi. pang Usapin
Estratehiya

Kagamitan

Pakikilahok ng mga mag-aaral

At iba pa

Pagninilay Gabay sa Pagninilay:

Sa linggong ito mula sa pinakamababang marka na 1 at 5 bilang


pinakamataas, ang aking marka para sa aking pagtuturo ay __________
dahil
______________________________________________________________________
_________________________________________.

Subalit, ito ay pwede ko pang pataasin sa pamamagitan ng


______________________________________________________________________
____________________________________________________________.

Gagawin ko ito hindi para lang sa aking sarili kundi para rin sa
_________________________________ dahil naniniwala ako na ang
pagtuturo ay
______________________________________________________________________
__________________________.

Sa kabuoan, ang pinal na resulta ay makikita sa mga mag-aaral na


______________________________________________________________________
____________________________.

Inihanda ni:
JOHN REVIN V. DE JESUS
Guro
Iniwasto ni:

_____________________________
HT

_____________________________
MT

Tinunghayan ni:

______________________
Punong-Guro

You might also like