Masusing-Banghay-Aralin-sa-MATATAG-AP7-Unang-Araw

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Paaralan Dr.

Felipe De Jesus National Baitang 7


High School
Guro John Revin V. De Jesus Aralin AP
Petsa at Oras July 29, 2024 (Unang Araw) Kwarter 1

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 7 MATATAG

I. NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA


ARALIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
Pangnilalaman ginampanan ng katangiang pisikal ng rehiyon sa pagbuo ng
sinaunang kasaysayan at kalinangan ng mga mamamayan sa
Pilipinas at Timog-Silangang Asya.
B. Pamantayan sa Nakabubuo ng proyekto na nagpapaliwanag sa ginampanan ng
Pagganap katangiang pisikal ng rehiyon sa pagbuo ng sinaunang
kasaysayan at kalinangan ng mga mamamayan sa Pilipinas at
Timog-Silangang Asya.
C. Kasanayan sa LC 1: Naipaliliwanag ang mahalagang ginampanan ng
Pagkatuto katangiang pisikal ng Pilipinas at ng rehiyon sa pagbuo ng
sinaunang kasaysayan at kalinangan ng mga
mamamayan sa Pilipinas at Timog Silangang Asya.
Kasanayan
1. Natutukoy ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas at Timog-
Silangang Asya.
2. Nabibigyang-halaga ang kaugnayan ng tiyak na lokasyon ng
Pilipinas sa pamumuhay ng tao.
3. Naituturo sa mapa ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas sa
mga bansa sa Timog-Silangang Asya.
D. Nilalaman 1. Tiyak na lokasyon ng Pilipinas at Timog-Silangang Asya.
E. Integrasyon (Mga  Kakayahang umunawa ng mga impormasyon, midya at
kasanayan sa ika- teknolohiya (information, media, and technology skills)
21 siglo)  Kakayahang matuto/umunawa at magmungkahi ng
mga inobasyon o pagbabago (learning and innovation
skills)
II. BATAYANG SANGGUNIAN SA PAGKATUTO
 Dela Cruz, Lawrence A., DepEd Learning Activity Sheets-Unang Linggo
III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO
A. Pagkuha ng Gawain:
dating Panuto: Mula sa inyong naging talakayan noong nakaraang
Kaalaman taong pampaaralan, suriin ang mga isyung panlipunan sa
HANAY A at alamin ang tinutukoy nitong kategorya sa HANAY
B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

HANAY A HANAY B

______1 usaping pangteritoryo sa A. pangkabuhayan


West Philippine Sea B. pangkapaligiran
______2 kawalan ng hanapbuhay C. panlipunan
______3 drug and child abuse D. pampulitika
______4 climate change
______5 korapsyon
Pamprosesong Tanong
1. Alin sa mga isyung panlipunan na nabanggit sa itaas
ang higit na dapat pagtuunan ng pansin ng
pamahalaan? Ipaliwanag.
2. Bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan ka
makatutulong upang maibsan o mabawasan ang mga
isyung panlipunan sa bansa?

B. Paglalahad Gawain: TINGIN DOON, TINGIN DITO!


ng Layunin Panuto: Tumingin ka sa iyong paligid mula sa iyong
kinauupuan ngayon. Anong mga bagay ang nakapaligid sa iyo?
Punan mo ang pangungusap sa ibaba.

1. Sa kanan ko makikita ang _________________________.


2. Matatagpuan ko naman sa aking kaliwan ang
____________________.
3. Sa aking harap, makikita ang
______________________________.
4. Samantalang sa aking likuran, makikita ang
___________________.

SABIHIN: Madali mo bang natukoy ang mga bagay sa iyong


paligid? Tandaan mo na maraming mga bagay ang nakapaligid
sa iyo kahit nasa loob ka lang ng iyong bahay. Katulad mo, ang
Pilipinas bilang isang bansa ay may tiyak na lokasyon at
marami ring nakapaligid dito.

C. Paglilinang at Konsepto 1: Tiyak na Lokasyon ng Pilipinas sa Timog-


Pagpapalalim Silangang Asya

Ang tiyak na lokasyon ay tinatawag ding absolute location. Ito


ang uri ng lokasyon na nakabatay sa coordinates o longhitud
at latitud ng isang lugar. Ang longhitud at latitud ay mga
kathang linya na magkakatapat sa isa’t isa na matatagpuan sa
mga mapa at globo na ginagamit upang mas madaling
matunton ang isang partikular na lugar o lokasyon.

Ang latitud ay ang mga linyang pahalang samantalang


ang longhitud ay mga linyang patayo. Nagmumula ang latitud
sa ekwador na nakatakda sa 0º. Tumataas ang bilang nito
habang kumikilos palayo ng ekwador hanggang sa 90º patungo
sa mga rehiyong polar ng Hilaga at Timog Polo. Hinahati ng
ekwador ang daigdig sa dalawang hating-globo, ang Hilaga at
Timog Hating-globo. Lahat ng latitud sa itaas ng ekwador ay
tinatawag na Hilagang latitude at lahat ng mga latitude sa
Timog ng ekwador ay tinatawag na Timog na latitude.

Nagsisimula naman ang longhitud sa Prime Meridian na


nakatakda sa 0º. Tumataas ang bilang nito habang papalayo
patungo sa kabilang bahagi na tinatawag na International Date
Line na nakatakda naman sa 180º. Hinahati naman ng Prime
Meridian at International Date Line ang Daigdig sa dalawang
bahagi, ang Silangan at Kanlurang hating-globo. Lahat ng
longhitud sa kanan ng Prime Meridian hanggang International
Date Line ay tinatawag na Silangang longhitud samantalang
Kanlurang longhitud naman ang tawag sa mga longhitud sa
kaliwa nito.

Gamit ang longhitud at latitud. Ang tiyak na lokasyon ng


Pilipinas sa sentro nito ay makikita 13º Hilagang latitud at
122º Silangang longhitud. Samantala ang tiyak na lokasyon
ng Timog-Silangang Asya ay matatagpuan mula sa sentro sa 2º
Timog latitud at 115º Silangang latitud

Subukin Natin:
Panuto: Tukuyin ang mga bahagi ng globo na natalakay sa
unang aralin. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon.
Pamprosesong tanong:

1. Gamit ang mga natukoy na terminolohiya, ilarawan ang


lokasyon ng Pilipinas at Timog-Silangang Asya sa
pamamagitan ng isang pangungusap.
_______________________________________________________
_______________________________________________________
______________
2. Bakit mahalaga ang mga gabay na linya sa mga globo at
mapa?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
______________
Pagyamanin Natin!
Panuto: Tukuyin ang tiyak na lokasyon ng sumusunod na mga
bansa sa Timog-Silangang Asya gamit ang mapa. Alamin ang
direksyon ng latitud at longhitud na tatama sa sentro ng mga
nasabing bansa. Tandaan na ang lahat ng latitud sa itaas ng
ekwador ay tinatawag na Hilagang latitude at lahat ng mga
latitude sa Timog ng ekwador ay tinatawag na Timog na
latitude. Gayundin, lahat ng longhitud sa kanan ng Prime
Meridian hanggang International Date Line ay tinatawag na
Silangang longhitud samantalang Kanlurang longhitud naman
ang tawag sa mga longhitud sa kaliwa nito. Gamiting
halimbawa ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas. Piliin ang iyong
sagot sa pamimilian. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Pilipinas: 13º Hilagang latitud at 122º Silangang longhitud

1. Indonesia:
1O (Hilaga, Timog) latitud at 114O (Silangan, Kanluran)
longhitud
2. Singapore:
1O (Hilaga, Timog) latitud at 104O (Silangan, Kanluran)
longhitud
3. Thailand:
15O (Hilaga, Timog) latitud at 101 O (Silangan, Kanluran)
longhitud
4. Vietnam:
14O (Hilaga, Timog) latitud at 108 O (Silangan, Kanluran)
longhitud
5. Laos:
20O (Hilaga, Timog) latitud at 102 O (Silangan, Kanluran)
longhitud

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang ginagamit sa pagtukoy ng tiyak na lokasyon ng


isang lugar o bansa?
_______________________________________________________
______________________________________________________.
2. Paano makatutulong ang kaalaman sa tiyak na lokasyon
ng mga bansa o lugar sa pamumuhay ng mga tao?
______________________________________________________.
D. Paglalahat Isaisip!
Gawain: PUNUAN MO

Panuto: Batay sa iyong nakalap na kaalaman sa mga araling


tinalakay, punan ang mga nawawalang salita o terminolohiya
na kukumpleto sa diwa ng pangungusap. Gamiting gabay ang
pamimilian sa loob ng mga kahon. Isulat ang inyong sagot sa
sagutang papel

latitud longhitud coordinates tiyak mapa

Ang __________ na lokasyon ay tinatawag ding lokasyong


absolute. Ito ang uri ng lokasyon na nakabase sa __________ o
longhitud at latitud ng isang lugar. Ang __________ at
__________ ay mga kathang linyang magkakatapat sa isa’t isa
na matatagpuan sa mga __________ at globo na ang ginagamit
upang mas madaling matunton ang isang partikular na lugar o
lokasyon.

IV.EBALWASYON NG PAGKATUTO: PAGTATAYA AT PAGNINILAY


A. Pagtataya Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Piliin at isulat ang
TITIK ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1.Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa mga imaginary lines na


pahalang at patayo na makikita sa mga mapa at globo na ginagamit
upang madaling matukoy ang tiyak na lokasyon ng isang lugar?
A. ekwador at prime meridian
B. latitud at longhitud
C. Polong Hilaga at Polong Timog
D. Kanluran at Silangang Hating-globo

2. Alin sa sumusunod ang tamang pahayag ukol sa latitud?


A. Tumataas ang value ng latitud habang papalapit sa ekwador.
B. Bumababa ang value ng latitud habang papalayo sa ekwador.
C. Nagsisimula ang mga latitud sa Polong Hilaga sa Hilaga at sa
Polong Timog sa Timog at nagtatapos sa ekwador.
D. Nagsisimula ang mga latitud sa ekwador at nagtatapos sa
Polong
Hilaga sa Hilaga at sa Polong Timog sa Timog.

3. Alin sa sumusunod ang tamang pahayag ukol sa longhitud?


A. Tumataas ang value ng longhitud habang papalapit sa Prime
Meridian
B. Bumababa ang value ng longhitud habang papalayo sa Prime
Meridian
C. Nagsisimula ang mga longhitud sa International Date Line at
nagtatapos sa prime meridian
D. Nagsisimula ang mga longhitud sa Prime Meridian at nagtatapos
sa International Date Line

Para sa bilang 4-5, gumamit ng mapa ng Timog-Silangang Asya:


4. Suriin ang mga pahayag sa ibaba. Alamin kung wasto ang
isinasaad ng mga ito.

Unang Pahayag: Nahahati ang daigdig sa Hilaga at Timog


Hating-globo sa pamamagitan ng ekwador.
Ikalawang Pahayag: Nahahati ang daigdig sa Kanluran at
Silangang Hating-globo sa pamamagitan ng
Prime Meridian at International Date Line

A. Tama ang parehas na pahayag.


B. Mali ang parehas na pahayag.
C. Tama ang una ngunit mali ang ikalawang pahayag.
D. Mali ang una ngunit tama ang maling pahayag.

5. Gamit ang tiyak na lokasyon. Anong bansa sa Timog-Silangang


Asya ang matatagpuan sa ekwador o 0° latitud?
A. Cambodia B. Indonesia
C. Pilipinas D. Vietnam

Pagbuo ng Itala ang naobserbahan sa Epektibong Problemang


Anotasyon pagtuturo sa alinmang Pamamaraan Naranasan at Iba
sumusunod na bahagi. pang Usapin
Estratehiya

Kagamitan

Pakikilahok ng mga mag-aaral

At iba pa

Pagninilay Gabay sa Pagninilay:

Sa linggong ito mula sa pinakamababang marka na 1 at 5 bilang


pinakamataas, ang aking marka para sa aking pagtuturo ay __________
dahil
_____________________________________________________________________

Subalit, ito ay pwede ko pang pataasin sa pamamagitan ng


______________________________________________________________________

Gagawin ko ito hindi para lang sa aking sarili kundi para rin sa
_________________________________ dahil naniniwala ako na ang
pagtuturo ay
_____________________________________________________________________
Sa kabuoan, ang pinal na resulta ay makikita sa mga mag-aaral na
_____________________________________________________________________

Inihanda ni:
JOHN REVIN V. DE JESUS
Guro
Iniwasto ni:

_____________________________
HT

_____________________________
MT

Tinunghayan ni:

______________________
Punong-Guro

You might also like