Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

Araling Panlipunan

Baitang 8 • Yunit 13: Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

ARALIN 13.1
Ang Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Talaan ng Nilalaman

Panimula 1

Mga Layunin sa Pagkatuto 2

Kasanayan sa Pagkatuto 2

Subukan Natin 3

Pag-aralan Natin 4
Ang Kolonyalismo at Imperyalismo 4
Mga Europeong Nanggalugad sa Mundo 6
Mahahalagang Pangyayari sa Unang Yugto ng Imperyalismo at
Kolonyalismo sa Europa 8

Sagutin Natin 10

Suriin Natin 11

Pag-isipan Natin 11

Gawin Natin 12

Dapat Tandaan 14

Pinagkunan ng Larawan 15

Mga Sanggunian 15
Araling Panlipunan

Baitang 8 • Yunit 13: Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Aralin 13.1
Ang Unang Yugto ng Kolonyalismo at
Imperyalismo

Panimula

Mula ika-15 hanggang ika-17 na siglo, ang mga Europeo ay naglayag sa mga karagatan
upang makahanap ng mga bagong lupain at daan o ruta na maaaring gamitin sa
pakikipagkalakalan sa Asya. Ang panahong ito ay tinawag na Panahon ng Pagtuklas.

Mula sa mga bagong lupain na natagpuan ay pumasok ang sinasabing Unang Yugto ng
Kolonyalismo at Imperyalismo.

1
Araling Panlipunan

Baitang 8 • Yunit 13: Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Sa araling ito, aalamin natin ang mga pangyayari noong unang yugto ng kolonyalismo at
imperyalismo. Ating sasagutin ang sumusunod na tanong:
● Ano ang ibig sabihin ng kolonyalismo at imperyalismo?
● Anong mga bansang sangkot sa unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo?
● Ano ang mahahalagang pangyayari noong unang yugto ng kolonyalismo at
imperyalismo?

Mga Layunin sa Pagkatuto

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang matututuhan ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
● Naipaliliwanag ang kolonyalismo at imperyalismo.
● Naiisa-isa ang mga Europeong nanggalugad sa mundo.
● Nasusuri ang mahahalagang kaganapan sa unang yugto ng kolonyalismo
at imperyalismo sa Europa.

Kasanayan sa Pagkatuto
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang nasusuri ang unang yugto ng
imperyalismo at kolonisasyon sa Europa (AP8PMD-IIIe-4).

2
Araling Panlipunan

Baitang 8 • Yunit 13: Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Subukan Natin

Magbigay ng Halimbawa
Panuto
Subukan ang inyong kaalaman tungkol sa kasaysayan. Kumuha ng kapareha. Sa
napagkasunduang minuto, magparamihan kayo ng bansang nasangkot (nanakop at
sinakop) sa kolonyalismo at imperyalismo. Kung sinuman ang nakapagtala ng may marami
at tama ay siyang panalo.

Mga Bansang Nasangkot sa Kolonyalismo at Imperyalismo

Mga Gabay na Tanong

1. Ano ang pagkakaunawa mo sa kolonyalismo at imperyalismo?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

2. Bakit mahalagang matukoy ang mga bansa na sangkot sa kolonyalismo at

imperyalismo?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

3
Araling Panlipunan

Baitang 8 • Yunit 13: Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

3. Sa iyong palagay, mabuti ba o hindi ang kolonyalismo at imperyalismo? Ipaliwanag

ang sagot.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Pag-aralan Natin

Noong ika-15 siglo ay nagsimula ang paggalugad at paghahanap ng mga lugar na hindi pa
nararating ng mga Europeo. Ang itinuturing na tatlong motibo ng paggalugad para sa
kolonyalismo ay ang pagpapalaganap ng relihiyong Katolisismo, paghahanap ng kayamanan
at mga kalakal, at ang pagkamit ng katanyagan.

Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng susunod na salita:

adbokasiya pagpapakita ng suporta sa isang polisiya o ideya

paggalugad pagtuklas o paghahanap

Mahalagang Tanong
Ano ang magkatulad sa konsepto ng kolonyalismo at imperyalismo?

Ang Kolonyalismo at Imperyalismo

Ang imperyalismo ay ang pagpapalawak ng kapangyarihan ng isang bansang ginagawa sa
pamamagitan ng sapilitang pananakop at pagkontrol sa ekonomiya at pulitika ng mga
nasakop na lugar. Ang mga nasakop na bansa ay itinuturing na pag-aari ng imperyong
mananakop, kaya naman, ang lahat ng polisiya, patakaran, at adbokasiya na ipinatutupad
sa imperyo ay ipinatutupad din sa mga nasakop.

4
Araling Panlipunan

Baitang 8 • Yunit 13: Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Ang kolonyalismo ay isang anyo ng imperyalismo. Ito ay pananakop ng isang

makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa upang gamitin ito para sa pulitikal at
ekonomikong interes ng mananakop na bansa. Palaging may hindi pantay na relasyon sa
pagitan ng mananakop at kolonya. Sa maraming pagkakataon sa kasaysayan, ang mga
mananakop at kolonyang bansa ay magkakalayong bansa na may kaniya-kaniyang ng
kultura at pamumuhay bago sila maging isang kolonyal na bansa. Samakatuwid, ang
pagkontrol ay ginagawa ng mga dayuhan.

Lar. 1. Bilang kolonya, ang Pilipinas ay walang kontrol sa mga produktong ikinakalakal mula
rito kahit noong Kalakalang Galyon.

Sa loob ng dalawang siglo (1600 hanggang 1800 daang taon), ang suporta ng mga
monarkiya sa iba’t ibang imperyo sa Europa at ang pagkakatuklas ng mga makabagong
sasakyang pandagat at kagamitan sa nabigasyon ang siyang nagpaunlad sa maraming

5
Araling Panlipunan

Baitang 8 • Yunit 13: Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

tagumpay ng pananakop ng mga taga-Europa. Ito ang naging bahagi ng malaking
implikasyon sa kasaysayan ng paggalugad sa buong mundo. Ito rin ang dahilan upang ang
mga karagatan ay maging pangunahing daan tungo sa pagpapalawak ng mga imperyo.

Mga Europeong Nanggalugad sa Mundo

Ang paggalugad sa mundo ay pinangunahan ng mga bansang Portugal, Espanya, Olanda,
Inglatera, at Pransiya. Ang monarkiya ng mga nasabing bansa ay aktibong nagbigay ng
suporta sa paggalugad ng kani-kanilang manlalakbay upang mas mapalawak pa ang
kapangyarihan ng mga bansa.

Tandaan na sa panahong ito, ang kapangyarihan ng bansa ay nasusukat batay sa dami ng

kayamanan at kolonyang bansa ng mga imperyo. Atin pang kilalanin ang mga Europeong
nanggalugad sa mundo noong unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo.

Lar 2. Si Amerigo Vespucci

Ang mga Portuges

● Pinangunahan ng Italyanong si Amerigo Vespucci ang paggalugad sa kanlurang
bahagi ng mundo sa ngalan ng Portugal.
● Ang kanilang orihinal at pangunahing ambisyon ay nakapokus sa East Indies.
● Naging malaking tulong sa kanilang imperyo ang pagsakop nila sa Brazil.

6
Araling Panlipunan

Baitang 8 • Yunit 13: Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Ang mga Espanyol

● Ang mga Espanyol ay itinuturing na pinakamakapangyarihang bansa sa pagsisimula
ng unang bahagi ng imperyalismo at kolonyalismo sa Europa.
● Naging mabilis ang pananakop ng Espanya sa mga bansa sa Timog Amerika at
Pilipinas matapos ang mga tila bigong pagtatalaga ng settlement sa Santo Domingo at
kontinental na bahagi ng Amerika.

Ang mga Olandes

● Sumunod ang mga Olandes sa mga Espanyol at Portuguese sa paggalugad sa ibang
bahagi ng mundo. Naging malaking tulong ang kanilang malawak na kaalaman sa
paglalayag at pakikipagkalakalan.
● Dahil sa pagpapalakas ng kanilang kapangyarihang pandagat, nanguna sa
pandaigdigang komersiyo ang imperyo sa pagsisimula ng ika-17 siglo.

Ang mga Ingles

● Nakibahagi ang mga Ingles sa pananakop sa bahaging Amerika. Naging katunggali ng
Inglatera ang iba pang bansa sa Europa para dito.
● Naging aktibo ang paggalugad ng mga Ingles sa Silangan. Naitatag ang East India
Company, ang pinakamatagal na enterprise sa unang yugto ng imperyalismo.

Ang mga Pranses

● Binigyang interes ng mga Pranses ang mga kolonya sa Aprika. Naging katunggali nila
rito ang mga Ingles.
● Unti-unting pinalago ng Pransiya ang kaniyang kapangyarihan. Pagdating ng ika-18
siglo, ang Pransiya at Inglatera ay kinilala na bilang pinamakapangyarihan at
magkatunggaling imperyo sa mundo.

Mahahalagang Tanong
● Ano ang pangunahing katangian ng mga bansang may kakayahang
manggagalugad?
● Saan patungo ang makabagong pananakop ng malalakas na bansa?

7
Araling Panlipunan

Baitang 8 • Yunit 13: Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Mahahalagang Pangyayari sa Unang Yugto ng Imperyalismo at

Kolonyalismo sa Europa
Narito ang mahahalagang pangyayaring naganap sa Europa noong Panahon ng Paggalugad.
Bigyang pansin ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari at ang unti-unting paglawak ng mga
imperyo sa pagdaan ng panahon.

Lar. 3. Si Christopher Columbus

● Noong Agosto 3, 1492 ay naglayag ang Italyanong si Christopher Columbus mula sa

Espanya patungo sa mga isla ng Carribean (na inakala niyang Asya) sa tulong ni
Reyna Isabella. Tinawag niyang Bagong Daigdig o New World ang mga lugar na
kaniyang narating.
● Ang dalawang pinakamapangyarihang bansa noon sa mundo, ang Espanya at
Portugal, ay ginawaran ng Kasunduang Tordesillas ni Papa Alexander VI noong 1494.
Batay sa kasunduan, ang mundo ay hinati sa dalawang bahagi.
● Nilibot ni Vasco de Gama ng Portugal ang Cape of Good Hope sa bahagi ng Aprika
hanggang marating niya ang India noong 1498. Siya ang unang Europeong
nakarating sa India sa pamamagitan ng paglalakbay sa dagat.
● Nadiskubre ng mga Espanyol ang Mexico (1519), Peru (1532), at Pilipinas (1565).
Nasakop ang Pilipinas matapos itong marating ni Ferdinand Magellan noong 1521.

8
Araling Panlipunan

Baitang 8 • Yunit 13: Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

● Narating ni Jacques Cartier ang St. Lawrence River noong 1534. Nasakop ng Pransiya
ang bahaging ito ng Canada.
● Itinatag ng mga Olandes ang Dutch East India Company o Vereenigde Oostindische
Compagnie (VOC) sa Asya noong 1602.
● Nakuha ng mga Ingles ang teritoryo ng ngayon ay Estados Unidos simula 1607.
Nagkaroon ng 13 kolonya na naitatag sa bansa, kabilang na ang Virginia, Maryland,
North Carolina, Georgia, Delaware, New Jersey, Pennsylvania, New York, Rhode
Island, Connecticut, Massachusetts, at New Hampshire.
● Itinatag ni Samuel de Champlain noong 1608 ang Quebec bilang unang kolonyang
Pranses at sentro ng kalakalan para sa balahibo ng hayop o animal fur.
● Napasok ng Olandes na si Henry Hudson ang Baybayin ng New York noong 1609.
Noong 1624 ay nagtayo na ng Rehiyong Olandes sa lugar.

Lar. 4. Kasama sa mga tumira sa lupain ng Hilagang Amerika ang pilgrims o pangkat ng
Puritans mula Inglatera. Sila ay tumira sa Plymouth, Massachusetts.

Noong 1673 ay narating ni Louis Jolliet at misyonerong Jesuit na si Jacques Marquette ang
Ilog ng Mississippi sa Estados Unidos. Naglakbay sila hanggang sa Ilog ng Arkansas sa
parehong panahon. Nagkaroon ng paligsahan sa pagitan ng Pransiya at Inglatera ang
paglakas ng kolonyang ito sa Hilagang Amerika.

9
Araling Panlipunan

Baitang 8 • Yunit 13: Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Sagutin Natin

Panuto: Isulat sa patlang kung tama o mali ang sumusunod na pangungusap.

________________ 1. Bilang kolonya, itinuring ang Pilipinas bilang pag-aari ng

Espanya.

________________ 2. Ang kolonyalismo ay isang anyo ng imperyalismo.

________________ 3. Parehas na nakakuha ng benepisyo ang kolonya at bansang

nananakop.

________________ 4. Sa kolonyalismo, ang kontrol at kapangyarihan sa pulitikal na

pamamahala at pangangasiwa sa ekonomiya ay nasa kamay
lamang ng mga dayuhan.

________________ 5. Nakatutulong ang kolonyalismo upang mapaunlad ang

katutubong kultura ng mga tao sa kolonya.

________________ 6. Malaking bahagi ang suporta ng monarkiya sa pagsisimula ng

imperyalismo.

________________ 7. Naging panukat ng kapangyarihan ng isang bansa ang dami ng

kolonya nito.

________________ 8. Binigyang pansin ng mga Pranses ang pagsakop at pagbuo ng

mga kolonya sa Aprika.

________________ 9. Pinangunahan ng bansang Estados Unidos ang paggalugad sa

mundo.

________________ 10. Maliban sa Pilipinas, nasakop din ng mga Espanyol ang Timog
Amerika.

10
Araling Panlipunan

Baitang 8 • Yunit 13: Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Suriin Natin

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Paano nakatulong ang mga monarkiya sa paggalugad?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

2. Paano naisakatuparan ang layuning makapaggalugad?

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

3. Sino-sino ang nanguna sa paggalugad?

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Pag-isipan Natin

Ano kaya ang naging epekto ng pagtingin ng mga katutubo sa kanilang sarili matapos
ang ilang daang taong pagiging bahagi ng kolonya?
____________________________________________________________________________________________

11
Araling Panlipunan

Baitang 8 • Yunit 13: Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Gawin Natin
Panuto: Gamit ang mapa ng daigdig, taluntunin ang paglalakbay na ginawa ng ilang
Europeo noong Panahon ng Paggalugad. Pagkatapos, kulayan ang mga teritoryong nasakop
ng bawat imperyo: pula para sa Portugal, berde para sa Espanya, dilaw para sa Inglatera, asul
para sa mga Olandes, at itim para sa Pransiya. Ilagay ang pangalan ng bawat teritoryong
kanilang nasakop.

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay.

Mas Mababa Kailangan Nakatugon Lumagpas

kaysa pa ng sa sa Puntos
Pamantayan
Inaasahan Pagsasanay Inaasahan Inaasahan
1 2 3 4

Nilalaman Halos walang Kalahati Malinaw at Kumpleto,

laman at na- lamang sa tama ang napakalinaw,
pakalabo ng nilalaman ng nilalaman at tama
nilalaman ng mapa ang ng mapa; lahat ang

12
Araling Panlipunan

Baitang 8 • Yunit 13: Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

mapa, ito ay malinaw at may ilang nilalaman ng

resulta ng tama; kaila- bansang mapa; ang
kawalan ng ngan pa ng hindi tugma makabulu-
interes sa ibayong pag- ang kulay; hang resulta
pag-aaral. aaral upang ang resulta ng gawain ay
makumpleto ng gawain bunga ng
ang gawain. ay bunga ng seryosong
kagustu- pag-aaral.
hang
matuto.

Kaayusan at Walang Kailangang Maayos at Napakaayos

Kalinisan kaayusan at matutong malinis ang at napaka-
napakadumi maging output; may linis ng
ng output; maayos at ilang naki- ipinasang
napakara- malinis sa tang bura, output;
ming nakitang paggawa; dumi, o pag- walang
bura, dumi o maraming kakamali. nakitang
pagkakamali. nakitang bura, dumi,
bura, dumi, o o pagkaka-
pagkakamali. mali.

Panahon ng Hindi na sana Hindi naka- Nakapag- Nakapag-

Paggawa magpapasa pagpasa ng pasa ng pasa ng
ng output output sa output sa output bago
kung hindi itinakdang itinakdang pa ang
hiningi ng panahon. panahon. itinakdang
guro. panahon.

Kabuuang Marka =

13
Araling Panlipunan

Baitang 8 • Yunit 13: Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Dapat Tandaan

● Noong ika-15 siglo ay nagsimula ang paggalugad at paghahanap ng mga lugar na

hindi pa nararating ng mga Europeo.
● Ang paggalugad sa mundo ay pinangunahan ng mga bansang Portugal, Espanya,
Olanda, Inglatera, at Pransiya.
● Ang mga Espanyol ay itinuturing na pinakamakapangyarihang bansa sa pagsisimula
ng unang bahagi ng imperyalismo at kolonyalismo sa Europa.

Karagdagang Kaalaman
Alam ba ninyo kung sino ang unang taong nakaikot sa mundo sa
pamamagitan ng tuloy-tuloy na paglalayag? Hindi si Magellan ang
nakagawa nito, kung hindi ang isa sa kaniyang mga tauhan na si Juan
Sebastian Elcano. Noong natalo at namatay si Magellan sa Labanan sa
Mactan laban kay Lapu-lapu, ilang araw pang naglayag ang mga Espanyol
lulan ng kanilang dalawang natitirang barkong Victoria at Trininad
hanggang sa makarating sila sa Moluccas. Doon ay nasiraan ang Trininad at
kinailangan ayusin. Sa ilalim ng pamumuno ni Juan Sebastian Elcano at ng
17 tauhang natira sa ekspedisyon ay naglayag ang barkong Victoria
hanggang sa makarating ito sa Sanlúcar de Barrameda. Gayunpaman, si
Magellan ang unang nakaikot sa mundo sa pamamagitan ng dalawang
magkahiwalay na paglalayag. Una, narating na niya ang Moluccas mula sa
Portugal noong naglilingkod pa siya sa Portugal, at ikalawa, nang
maglakbay siya sa ngalan ng Espanya at narating ang Pilipinas. Ang
Moluccas (bahagi ng Indonesia) at ang Pilipinas ay halos nasa parehong
longhitud.

14
Araling Panlipunan

Baitang 8 • Yunit 13: Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Si Juan Sebastian Elcano

Pinagkunan ng Larawan

Lar. Blank map political world territories ni RoyNickNorse ay may pahintulot batay sa CC
BY-SA 4.0 sa pamamagitan ng Wikimedia.

Mga Sanggunian

Duiker, William J., & Spielvogel, Jackson J. History World. Philippines: Cengage Learning Asia
Pte Ltd, 2013.

Mateo, Grace Estella C., Ph.D. et.al. Kasaysayan ng Daigdig. Metro Manila: Vibal Publishing
House, Inc., 2012.

Perry, Matthew. Western Civilization: A Brief History. 10th ed. USA: Wadsworth, Cengage
Learning, 2013.

15
Araling Panlipunan

Baitang 8 • Yunit 13: Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

The Admin of Historyworld.net. “History of the Portuguese Empire.” History World. Nakuha
noong Abril 18, 2022.
http://www.historyworld.net/wrldhis/plaintexthistories.asp?historyid=ab48noong

The Editors of Encyclopaedia Britannica. “The Age of Discovery.” Britannica. Nakuha noong
Abril 18, 2022.
https://www.britannica.com/topic/European-exploration/The-Age-of-Discovery

The Editors of Worldatlas.com. “What Was The Age Of Exploration Or The Age Of Discovery?”
World Atlas. Nakuha noong Abril 18, 2022.
https://www.worldatlas.com/articles/what-was-the-age-of-exploration-or-the-age-of-
discovery.html

16

You might also like