St 1 Gr.4 AP With Tos

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF BAGUIO CITY
QUEZON HILL ELEMENTARY SCHOOL
MALLARE STREET, MIDDLE QUEZON HILL, BAGUIO CITY

SUMMATIVE TEST NO.1


ARALING PANLIPUNAN 4
FIRST QUARTER
SY 2022-2023

I. Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa bawat aytem. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot at
isulat sa sagutang papel.

1. Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman ng bansa dahil dito, ang mga Pilipino ay karaniwang umaasa
upang matugunan ang kanilang pamumuhay. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa produktong likas
na yaman ng bansa?
A. Abaka B. Mais at Palay C. Marmol at Bakal D. Cellphone at kompyuter
2. Anong pangunahing produkto ang ikinabubuhay ng mga tao sa bayan ng Kabacan?
A. Ramie B. kapeng barako
C. Paggawa ng sapatos D. Pagsasaka ng palay at mais
3.Sa anong likas na yaman sagana angating bansa?
A. Paglilihok B. Ginto at Silver
C. paghahabi ng bag at sombrero D. Pagbuburda ng barong tagalong
4.Aling rehiyon sa Mindanao ang kilala sa mga nagtatangi nitong prutas na Suha at Durian?
A. Bukidnon B. Cotabato C. Davao D. Surigao
5. Ano ang nilililok mula sa ginto?
A. Damit at Sarong B. baro at pantalon
C. kurtina at kumot D. kuwentas, singsing at aritos
6.Ano ang maaring mangyari kapag hindi sapat ang irigasyon sa
bayan ng Kabacan?
A. Aapaw ang mga ilog B. Tataas ang kalupaan
C. Bubuti ang ani ngpalay D. Mawawala ang tanim napalay
7. Sakasalukuyan, pansamantalang ipinapahinto ng pamahalaan ang operasyon ng pagtotroso sa Timog
Mindanao.Bakit kailangan
itong ipahinto ng pamahalaan ang pagtotroso kung saan dito nanggagaling ang ikinabubuhay ng taga rito?
A. dahil sa maraming nagtotroso.
B. dahil sa maraming bumibili ng kahoy
C. dahil sa unti-unting pagkakalbo ng kagubatan
D. dahil sa ginagamit ng mga tao sa pagpapatayo gusali
8.Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman. Kung kaya, ang mga Pilipino ay karaniwang umaasa upang
matugunan ang kanilang pangangailangan. Paano nakakatulong ang mga produktong likas na yaman ng bansa sa
pag-angat ng ating kabuhayan?
A. Magkaroon ng kabuhayan
B. Magbibigay ang mga Pilipino
C. Maiwasan ang dumarating na kalamidad
D. Tutulong tayo na umunlad ang mga likas na yaman sa ibat-ibang lalawigan upang sumikat para
dayuhin ng mga turista.
9. Ang prutas ay isa sa pinakamahalagang pagkain na kailangan kainin ng mga tao. Paano ito nakatutulong sa
pag-unlad n gating ekonomiya sa bansa?
A. dahil maraming taong kumakain ng prutas
B. dahil maraming magsasaka na nagtanim ng prutas
C. dahil ang prutas ay nakapagbibigay ng bitamina sa katawan
D. dahil ang prutas ay pinapabili sa palengke at inaangkat din sa ibang bansa.
10. Marami sa mga naninirahan sa Rehiyon XII ang nabubuhay sa pagsasaka. Bakit tinagurian na ang Cotabato
ay Kamalig ng Palay sa Mindanao?
A. Dahil maraming nagpapabili ng bigas
B. Dahil lahat ng mga magsaska ay masisispag
C. Dahil marami ang ginagamit na teknolohiya sa pagsasaka
D. Dahil malaki ang tulong ng produksiyon ng palay ng matabang lupa at ilog na siyang nagpapatubig
sa kapatagan nito

II. Piliin ang letra ng tamang sagot sa mga katanungan sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang maituturing na yaman ng bansa maliban sa mga produkto at kalakal nito na nakakaakit sa mga tao sa
ibang lugar na dumayo rito?
A. Mga kabahayan dito B. Mga taong naninirahan dito
C. Mga magagandang tanawin dito. D. Mga yamang lupa at yamang tubig dito.
2. Ano ang tawag sa isang napakahalaga sa ekonomiya ng isang lugar, na tumutukoy sa paglalakbay ng tao mula
sa kanyang lugar papunta sa isang lugar na may magagandang tanawin tulad ng mga dalampasigan at mga
bundok?
A. Edukasyon B. Ekonomiya C. Kalusugan D. Turismo
3. Ano ang pakinabang pang ekonomiko ang naibigay ng turismo kay Abdul ng matanggap siyang tourist
guide?
A. Damit B. Hanapbuhay C. Pagkain D. Tirahan
4. Ano ang magandang naidulot ng pagiging Tourist destination ng Asik-Asik Falls sa bayan ng Alamada,
Cotabato sa ekonomiya nito?
A. Nadoble ang kita ng bayan. B. Nawalan ng kita ang bayan.
C. Nabawasan ang kita ng bayan. D. Nadagdagan ang kita ng bayan.
5. May dalawang uri ng turista sa Pilipinas, Domestic o lokal na turista kung Pilipino. Ano naman ang tawag
kung nagmumula pa sa ibang bansa?
A. Universal Tourists B. International Tourists
C. Banyagang Turista o Foreigner D. Pambansang Turista o National
6. Anong enerhiya ang nanggagaling sa init mula sa ilalim ng lupa?
A. Geothermal B. Hydroelectric C. Solar D. Windmill
7. Paano mo aalagaan ang kalikasan sa iyong munting paraan lalo na sa enerhiya?
A. Sasabayan ko ang mga batang nagtatapon ng basura kung saan-saan.
B. Magtatanim ako ng punong kahoy para may mabenta kaming uling.
C. Magkaroon ng disiplina sa sarili at disiplina sa ating mga gawaing nakakaapekto sa
kalikasan.
D. Hahayaan ko nalang sa maaksaya ang kuryente dahil hindi naman ako ang nagbabayad nito.
8. Paano nakatutulong ang solar energy sa suliranin ng bansa tungkol sa elektrisidad?
A. Nagbibigay ito ng lakas sa tao.
B. Nakasisira ito sa mga likas na yaman
C. nagbibigay ng renewable energy at makatitipid sa kuryente.
D.Nakatutulong ito dahil nakakaipon ito ng enerhiya pag gabi.
9. Alin sa mga sumusunod ang natalang mas ligtas gamitin at hindi nakakasira ng kalikasan?
A. Gas B. Coal C. Hangin D. Turbina
10. Ang lahat ng enerhiya ay nakatutulong sa pang araw-araw na ginagawa at ginagamit sa mga industriya
upang mapaandar ito. Ngunit sa labis na paggamit nito ay nakasisira na sa ating kalusugan. Bilang isang mag-
aaral paano ka makatutulong upang mapanatili ang kagandahan ng mga likas na yaman?
A. Magtatapon ako ng basura sa ilog.
B. Magsusunog ako ng mga guma at plastic.
C. Hihikayatin ko ang aking mga kamag-aral na mag tanim ng mga punong kahoy.
D. Hahayaan ko nalang kung ano ang mangyari sa kalikasan dahil hindi naman ito akin.

ANSWER KEY:

I. II.
Inihanda ni:

DANTE GABRIEL P. DATOC


Teacher I

Checked by:

ROMANA K. TUACA
MT I

Republic of the Philippines


Department of Education
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF BAGUIO CITY
QUEZON HILL ELEMENTARY SCHOOL
MALLARE STREET, MIDDLE QUEZON HILL, BAGUIO CITY
SUMMATIVE TEST 1
TABLE OF SPECIFICATIONS
ARALING PANLIPUNAN 4
FIRST QUARTER
2022-2023

Mga Layunin Code Bahagdan Bilang ng Aytem Kinalalagyan


ng Bilang
Nakapagmumungkahi AP4aab-Ii-j-12 100% 25 1-25
ng mga paraan upang
mabawasan ang epekto
ng kalamidad( bagyo,
lindol, at pagputok ng
bulkan)
Kabuuan 100 25 1-25

Inihanda ni:

DANTE GABRIEL P. DATOC


Teacher I

Checked by:

ROMANA K. TUACA
MT I

You might also like