Ikaapat na Markahan – Modyul 1 Pagsasamasama ng mga Katinig at Patinig

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Filipino 3

Filipino – Ikatlong Baitang


Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Pagsasamasama ng mga Katinig at Patinig
sa Pagbuo ng Salitang Klaster
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Alvin G. Bernantes
Editor: Jocelyn C. Rivera
Tagasuri: Charlotte Jennifer C. Musico
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE/ALS
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

Filipino 3
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Blg.1
Pagsasama-sama ng mga katinig at
patinig sa pagbuo ng salitang klaster
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino-Ikatlong Baitang ng
Modyul para sa araling Pagsasama-sama ng katinig at patinig sa pagbuo ng
salitang klaster!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod,
Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-
aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-
aaral na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan
ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino-Ikatlong Baitang ng Modyul ukol sa


Pagsasama-sama ng katinig at patinig sa pagbuo ng salitang klaster!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Napagsasama-sama ang mga katinig at patinig sa pagbuo
ng salitang klaster.

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Isulat sa patlang ang dalawang letrang nawawala


upang mabuo ang pangalan ng larawan.

1. ___ __A S O

2. ___ __O S O

3. ___ ___ I P O

4. ___ ___ I P
5.__ __ A T O

BALIK-ARAL

Tingnan natin ngayon kung naalala nyo pa kung paano isinusulat


ang mga salitang dinaglat.

PANUTO: Piliin ang letra ng tamang padaglat na pagsulat sa


salitang nakasalungguhit:

1. Pangulong Rodrigo Duterte


A. Pang. B. pang. C. Pangul. D. pan.
2. Binibining Ramos
A. Bin. B. bb. C. Bb. D. Bn.
3. Ginoong Delos Santos
A.Gg. B. G C. Gn. D. G.
4. Ginang Corpuz
A. Gng. B. Gg. C. gng. D. Gin.
5. Santo Domingo
A. San. B. Sto. C. Sta. D. sto.
ARALIN

Alam mo ba kung ilang letra mayroon ang bagong Alpabetong


Filipino?

(Ang bagong Alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra.)


Ilan sa mga ito ang patinig? Ano-ano ang mga ito?
(5 patinig - A, E, I, O, U)

Ilan naman ang mga katinig? Ano- ano ang mga ito?
(23 katinig - B,C,D,F,G,H,J,K,L,M,N,Ǹ,NG,P,Q,R,S,T,V,W,X,Y,Z)

Basahin ang isang maikling kuwento.

Si Blanca ay nag -iisang anak nina Aling Gloria at Mang


Troy. Pagtatanim ng prutas sa kanilang bayan sa Plaridel ang
ang kanilang ikinabubuhay. Nasa ikatlong baitang na si
Blanca.Masipag siyang mag-aral kaya pagdating ng
pagtatapos ng klase ay nagkaroon siya ng medalya . Ibinili siya
ng kanyang nanay ng bagong blusa na kulay rosas. Tuwang
tuwa si Blanca.Isusuot niya ito sa araw ng parangal na
gaganapin sa plasa ng kanilang bayan.

Mga tanong:
1.Sino si Blanca? ________________________________
2.Sino ang kanyang mga magulang?______________
3.Saan sila nakatira?_____________________________
4.Ano ang kanilang ikinabubuhay? ________________
5.Bakit nagkaroon ng medalya si Blanca?___________
6.Ano ang binili ng nanay niya para sa kanya?_______
7.Ano ang naramdaman ni Blanca? ________________
8.Saan gaganapin ang parangal? _________________
Bigkasin ang ilang salitang ginamit sa kuwento:

Blanca Plaridel
Troy klase
Gloria blusa
prutas plasa

Ano ang napapansin ninyo sa dalawang letrang nakaitim?


(Ang dalawang letrang nakaitim ay parehong katinig)
Paano ninyo ito binigkas?
(Binibigkas nang magkasama ang dalawang katinig at patinig
sa isang pantig )
Ano ang tawag natin sa mga salitang ito?
(Ang mga salitang ito ay tinatawag na salitang klaster)

Suriing mabuti ang bawat halimbawang salita.

1.Blan- ca
Ito ay may 2 pantig at may kambal katinig na titik b-at- l
sa unang pantig

2. Pla- ridel
Ito ay may 2 pantig at may kambal katinig na titik p- at - l
sa unang pantig.

3. Glo- ria
Ito ay may 2 pantig at may kambal katinig na titik g-at- l
sa unang pantig.

4. Troy
Ito ay may 1 pantig at may kambal katinig na titik T- at- r
Isang pantig lamang ang salitang ito.
5. pru- tas
Ito ay may 2 pantig at may kambal katinig na titik p-at- r
sa unang pantig.

6. kla- se
Ito ay may 2 pantig at may kambal katinig na titik k-at- l
sa unang pantig.

MGA PAGSASANAY

PAGSASANAY 1

PANUTO: Bilugan ang mga salitang may kambal-katinig o


klaster.

1. trono tubo tinga tigas


2. gulong gripo gulok gansa
3. piyesa pinto piloto plano
4. kalma kusot krema kalso
5. drama daloy dila dampot

PAGSASANAY 2

PANUTO: Isaayos ang mga letra sa bawat bilang upang mabuo


ang tamang salitang klaster.

1. ( t a s r p u ) ___ - pagkaing nagpapalakas ng resistensya


2. ( l b u s a ) ___ - pambabaeng kasuotan
3. ( y o l a r k a ) ___ - ginagamit pangkulay sa ginuhit na
larawan
4. ( s e r i n p s a ) ___ - tawag sa anak na babae ng hari at
reyna
5. ( t o r d y a n i ) ___ - ang naglilinis sa ating paaralan

PAGSASANAY 3

PANUTO: Isulat ang hinihinging salitang klaster:

1. palawit sa kuwintas ________________________


2. puntahan ng mga maysakit ____________________
3. dambuhalang ahas na kathang isip lamang _________
4. bahagi ng bahay na tinutulugan ____________________
5. nilalagyan ng bulaklak _________________________

PAGLALAHAT

Marami kang natutuhan at nabuong mga salitang klaster.


1. Kailan mo masasabi na ang salita ay isang salitang klaster?
__________________________________________________
2. Paano binibigkas nang wasto ang salitang klaster?
_____________________________________________

PAGPAPAHALAGA

PANUTO: Lagyan ng tsek (/) ang bawat bilang na


nagpapahayag ng tamang natutuhan mo at ekis (x)
kung mali:
_____1. Natutuhan ko na ang salitang klaster ay binubuo ng
dalawang magkasunod na katinig.
_____2. Natutuhan ko na ang salitang may kambal katinig ay
binibigkas sa magkahiwalay na pantig.
_____3. Natutuhan ko na ang bagong Alpabetong Filipino ay
may 28 na letra na binubuo ng 23 katinig at 5 pating.
_____4. Natutuhan ko ang kahalagahan ng letra sa pang
araw-araw nating pamumuhay.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Piliin ang letra ng tamang salitang klaster na angkop


sa pangungusap.

1. Masipag na bata si __________.


A.Berna B. Klinton C. Leny D. Waldo
2. Pinalitan ni Nena ang tubig sa ___________.
A. balde B. baso C. plorera D. takore
3. Madaling araw kung dumaan ang ________ ng basura sa
aming lugar.
A. basurero B. kariton C. sasakyan D. trak
4. Nahuli ng pagpasok sa paaralan si Toni dahil sa ________.
A. kaklase B. pulis C. puyat D. trapik
5. Nawalan ng __________ ang tatay ko dahil sa covid 19.
A. trabaho B. kaibigan C. lakas D. gamot
Paunang Pagsubok
1. B R
2. T R
3. G R
4. D Y
5. P L
Balik-Aral
1. A
2. C
3. B
4. A
5. B
Pagsasanay 1
1. trono
2. gripo
3. plano
4. krema
5. drama
Pagsasanay 2
1. braso
2. blusa
3. krayola
4. prinsesa
5. dyanitor
Pagsasanay 3
1. krus
2. klinika
3. dragon
4. kwarto
5. plorera SS
Panapos na Pagsusulit
1. B 3. D 5. A
2. C 4. D
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
Sheryl D. Antonio, Evangeline M. Dallo. Yamang Filipino 3. Manila
Philippines:Rex Books Store,2017.

Batang Pinoy Ako 3 Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino Department of


Education Bureau of Learnng Resources(DepEd-BLR) Ground Floor
Bonifacio Bldg. DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Pilippines

Ang Bagong Alpabetong Filipino https://www.slideshare.net


PNG Clip art/ Gallery gallery.yopricexille.com

You might also like