Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

TLCC- CHILDREN MINISTRY 2024

LESSON PLAN for July 7, 2024


Topic: Mahal at Inililigtas ng Diyos ang Mundo
Title: Namatay si Jesus upang palayain tayo sa sumpa ng kasalanan.
Bible Passage: Lucas 23: 26-56 (Namatay si Jesus sa Krus)

Lesson Objectives
Sa lesson na ito, matututunan ng mga batang na,
a. sabihin kung paano at bakit namatay si Jesus sa krus;
b. pasalamatan si Jesus sa pagpapalaya sa kanila sa sumpa ng kasalanan, at;
c. piliing tumanggi sa kasalanan at sumang-ayon sa Diyos.

I. Warm-up Activity: Color

"The coloring materials have already been prepared."

● PRAISE SONGS:

Song for the MONTH OF MAY:


https://youtu.be/PgIjFCxs6Lw?si=A-90GhAezgJpSv4o
Lord I Lift Your Name on High | The G5 Kids

Song for the Week:


https://youtu.be/3wNb_OnHMsE?si=rVVFkXnD20Sz7_N1
"SI HESUS ANG SANDIGAN" | Sunday school song | Song for kids | Action Song

NOTE: Tulungan ang mga batang makabisado ang mga kanta kasama ang steps nito.
 OPENING PRAYER

● OFFERING TIME:
https://youtu.be/P9ZInR9i1S0?si=2N3qJOIQPJnmaNJC
God Loves a Cheerful Giver | Children's Action Song | Little Faith Steps
(Ipaalala sa mga bata na ang masaya at tapat na nagbibigay ay ang higit na pinagpapala ng Diyos).

A. Review of the Lesson:


Ang kasalanan ay katulad ng Ahas makamandag at mapanglinlang Kaya mga bata huwag
magpalinlang sa kasalanan dahil ang kasalanan ang nagpapalayo sa atin sa Diyos kaya ibinigay ng
Diyos sa atin si Jesus upang maging kabayaran sa ating kasalanan pero hindi ibig sabihin na pede na
tayong magkasala araw araw! Kaya diba ginawa natin nilista natin ang mga kasalanan na nagawa
natin pinunit natin ito at nangako kay Lord na iiwasan na natin ito, kahit alam ni Jesus na tayo ay
makasalanan nais N’ya paring aminin natin ito sa Kan’yang harapan Kaya laging tandan mga bata SI
JESUS AY ATING MANGGAGAMOT AT ANG PAG-IBIG NG DIYOS AY SAPAT SA ATING
KASALANAN AY MAY KAPARUSAN PERO SI JESUS ANG TAGAPAGLIGTAS.

B. MOTIVATION: (Sa ating laro mga bata ito ang mga kadalasan nating nakikita ang krus).

GUEST WHAT?
1. CHURCH
2. HOUSE
3. LAPIDA
4. HIKAW
5. KWINTAS
6. SASAKYAN
7. T-SHIRT
8. JESUS

C. LESSON PROPER:
Magaling mga bata! Anong pumapasok sa inyong isip kapag nakakakita kayo ng krus? (Hayaan silang
sumagot.) Ngayon, nakakakita tayo ng krus kahit saan –sa mga church building, sa mga sasakyan, sa
mga lapida, sa mga t-shirt at maging sa mga kwintas. Ngunit mga bata ano nga ba talaga ang
sinasagisag ng krus? Alamin natin sa ating bible story. Tayo nat making at matuto.

Story Link:
(Pahelp po ako sa bible story, wala po akong mahanapan puro english po. Thank you po Teachers)

II. BIBLE PASSAGE Lucas 23: 26-56 (Namatay si Jesus sa Krus)


Ipinako sa Krus si Jesus
26Nang dinadala na ng mga sundalo si Jesus sa lugar na pagpapakuan sa kanya, nasalubong nila si
Simon na taga-Cyrene na kagagaling lang sa bukid. Dinakip nila ito, at sapilitan nilang ipinapasan sa
kanya ang krus, kasunod ni Jesus.
27Sinusundan si Jesus ng napakaraming tao, kabilang ang mga babaeng umiiyak at nananaghoy dahil
naaawa sila sa kanya.
28Pero lumingon sa kanila si Jesus at sinabi, “Kayong mga kababaihan ng Jerusalem, huwag ninyo
akong iyakan. Ang iyakan ninyo ay ang mga sarili ninyo at ang inyong mga anak.
29Sapagkat darating ang mga araw na sasabihin ng mga tao, ‘Mapalad ang mga babaeng walang anak
at walang pinasususong sanggol.’
30Sa mga araw na iyon ay sasabihin ng mga tao sa mga bundok at sa mga burol, ‘Tabunan ninyo
kami!’
31Sapagkat kung ginawa nila ito sa akin na walang kasalanan, ano pa kaya sa mga taong may
kasalanan?”
32Dalawa pang kriminal ang dinala nila upang pataying kasama ni Jesus.
33Pagdating nila sa lugar na tinatawag na “Bungo,” ipinako nila sa krus si Jesus at ang dalawang
kriminal, ang isa ay sa kanan ni Jesus at ang isa ay sa kaliwa.
34[Sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila dahil hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”]
Nagpalabunutan ang mga sundalo para paghahati-hatian ang mga damit ni Jesus.
35Habang nakatayo ang mga tao roon at nanonood, iniinsulto ng mga tagapamahala ng bayan si Jesus.
Sinabi nila, “Iniligtas niya ang iba, iligtas naman niya ngayon ang kanyang sarili kung siya nga talaga
ang Cristong pinili ng Dios!”
36Ininsulto rin siya ng mga sundalo at binigyan ng maasim na alak,
37at sinabi pa nila sa kanya, “Kung ikaw nga ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili!”
38May karatula sa ulunan ni Jesus, at ganito ang nakasulat: “Ito ang Hari ng mga Judio.”
39Ininsulto rin si Jesus ng isa sa mga kriminal sa tabi niya, “Hindi ba ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang
sarili mo, pati na kami!”
40Pero sinaway siya ng isa pang kriminal na nakapako, “Hindi ka ba natatakot sa Dios? Ikaw man ay
pinaparusahan din ng kamatayan.
41Dapat lang na parusahan tayo ng kamatayan dahil sa mga ginawa nating kasalanan, pero ang taong
itoʼy walang ginawang masama!”
42Pagkatapos ay sinabi niya, “Jesus, alalahanin nʼyo ako kapag naghahari na kayo.”
43Sumagot si Jesus, “Sasabihin ko sa iyo ang totoo, ngayon din ay makakasama kita sa Paraiso.”

Ang Pagkamatay ni Jesus


44-45Nang mag-aalas dose na ng tanghali, nawala ang liwanag ng araw, at dumilim sa buong lupain
sa loob ng tatlong oras. At ang kurtina sa loob ng templo ay nahati mula sa itaas hanggang sa ibaba.
46Sumigaw nang malakas si Jesus, “Ama, ipinagkakatiwala ko sa inyo ang aking espiritu!” At
pagkasabi niya nito, nalagot ang kanyang hininga.
47Nang makita ng kapitan ng mga sundalo ang nangyari, pinuri niya ang Dios at sinabi, “Totoo ngang
walang kasalanan ang taong ito.”
48Ang mga taong pumunta roon at nakasaksi sa lahat ng nangyari ay umuwi nang malungkot
at dinadagukan ang kanilang mga dibdib.
49Sa di-kalayuan ay nakatayo ang mga kaibigan ni Jesus, pati ang mga babaeng sumama sa kanya
mula sa Galilea. At nakita rin nila ang lahat ng nangyari.

Ang Paglilibing kay Jesus


50-51May isang lalaki na ang pangalan ay Jose. Siya ay taga-Arimatea na sakop ng Judea. Kahit na
miyembro siya ng korte ng mga Judio, hindi niya sinang-ayunan ang kanilang ginawa kay Jesus.
Mabuting tao siya, matuwid at kabilang sa mga naghihintay sa paghahari ng Dios.
52Pumunta si Jose kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Jesus.
53Inalis niya ang bangkay sa krus at binalot ng telang linen. Pagkatapos, inilagay niya ito sa
libingang inukit sa gilid ng burol, na hindi pa napaglilibingan.
54Biyernes noon at araw ng paghahanda para sa Araw ng Pamamahinga.
55Sinundan si Jose ng mga babaeng sumama kay Jesus mula sa Galilea. Nakita nila ang libingan at
ang pagkakalagay doon ng bangkay ni Jesus.
56Pagkatapos, umuwi sila at naghanda ng sari-saring pabango na ipapahid sa bangkay ni Jesus. At
nang magsimula na ang Araw ng Pamamahinga, nagpahinga sila, ayon sa Kautusan.

IV. DISCUSSION QUESTIONS :

1. Paano namatay si Jesus? (Pinako S’ya sa krus.) Bakit? (Dahil nainggit sa Kanya ang mga
pinunong Judio. Dahil nais Niyang iligtas tayo sa kasalanan).
2. Anong ginawa ng mga pinunong Judio at mga Romanong sundalo habang nagdurusa si
Jesus sa krus? (Kinutya nila si Jesus at sinabihang iligtas ang Kanyang sarili).
3. Anong idinalangin ni Jesus para sa mga taong nanakit sa Kanya? (“Ama, patawarin Mo
sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa”).
4. Anong ginawa ng isang kriminal? (Ininsulto niya si Jesus) Ano naman ang ginawa nung
isa pa? (Sinaway niya ang kanyang kasama. Hiniling niyang alalahanin siya ni Jesus kapag
naghahari na Siya)
5. Anong ipinangako ni Jesus sa criminal na naniwala sa Kanya? (“Ngayon din ay
makakasama kita sa Paraiso”).

III. GENERALIZATION:
Kasalanan ang nakakapagpahiwalay sa atin sa Diyos dahil hindi na tayo malayang lumpait sa
Diyos! Kaya ng dahil sa pagmamahal ng Diyos sa atin at sa Kan’yang sanglikha ipinadala ng
Diyos si Jesus upang tumubos ng ating kasalanan. Kaya ng dahil sa dugo ni Kristo doon sa krus
tayo ay may kalayaan at malaya na tayo sa sumpa. (Ipaliwanag ng mabuti sa mga bata)

Sabihin sa mga bata, Ang kasalanan ay parang bilangguan. Kaoag ikaw ay nagkasala, nawawalan ka
ng Kalayaan. Halimbawa, noong nagkasala sina Adan at Eva, hindi na sila malayang mamuhay
kasama ang Diyos magpakailanman. Kapag sinuway mo ang iyong mga magulang, hindi ka na
malayang makalapit sa kanila o humingi ng mga pabor. Kapag nag-away naman kayo ng kaklase mo,
hindi ka na rin malayang makagalaw sa classroom o kahit sa eskwela dahil iniiwasan mo siya. Maari
pa ba kayong magbigay ng mga halimbawa kung paano inalis ng kasalanan ang inyong kalayaan?
(Hikayatin ang mga batang i-share ang kanilang mga ideya)

V. MEMORY VERSE:

1 Pedro 3:18
Sapagkay si Cristo na walang kasalanan ay namatay nang minsan para sa inyo na mga
makasalanan, upang iharap kayo sa Diyos. Siya’y pinatay sa laman, at muling binuhay ng
espiritu.

VI. TREASURE WORD:

“JESUS DIED ON THE CROSS BECAUSE OF MY SINS”


● CLOSING PRAYER

VII. ACTIVITY. Arts & Craft.

(Example)

You might also like