Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

TLCC- CHILDREN MINISTRY 2024

LESSON PLAN for June 16, 2024


Topic: Mahal at Inililigtas ng Diyos ang Mundo
Title: Nilayon ng Diyos na Iligtas ang Sangnilikha sa Sumpa ng Kasalanan
Bible Passage: Roma 8: 19-22
(Nangako ang Diyos ng Tagapagligtas para sa Buong Sangnilikha)

Objectives: Sa lesson na ito, matututunan ng mga batang Ikids na…

A. Ihayag na si Jesus ang ipinangakong tagapagligtas para sa buong Sangnilikha;


B. Sumang-ayong si Jesu-Kristo ang pag-asa ng dumadaing nating planeta ;
C. Gumawa ng origami flowers bilang sagisag ng pag-asa.

I. Warm-up Activity: Color

"The coloring materials have already been prepared."

● PRAISE SONGS:

Song for the MONTH OF MAY:

https://www.youtube.com/watch?v=Ob7WuZ9zKoQ

Song for the Week:


https://youtu.be/g32MflJD8cg?si=wNrwpDdkQDIGu-Ui
Sing Unto the Lord a New Song

NOTE: Tulungan ang mga batang makabisado ang mga kanta kasama ang steps nito.
 OPENING PRAYER

● OFFERING TIME:

(Ipaalala sa mga bata na ang masaya at tapat na nagbibigay ay ang higit na pinagpapala ng Diyos).

https://youtu.be/RHYjOp9eUxE?si=4PXWNBGwt4pgJFqr

A. Review of the Lesson:


Hindi natin maitatago ang ating kasalanan sa Diyos.Wala tayong maililihim sa kanya.Alam nya ang pinakamalalim
nating sikreto,ang ating kaloob-looban.At kahit alam Niya at nakikita ang ating kasalanan,MINAMAHAL PA RIN
TAYO NG DIYOS. Iyan ang dahilan kung bakit ipinadala Niya si Hesus para iligtas tayo sa ating
kasalanan.Natutunan natin na pagkatapos nilang magkasala, sinabi ng Diyos kina Adan at Eva na may isang
magmumula sa kanilang lahi na tatalo sa ahas ( na si Satanas ). NOON PA MAN, nangangako na ang Diyos na
magpapadala Siya ng Tagapagligtas na magliligtas sa atin sa kasalanan at sa Kapangyarihan ni Satanas!

B. MOTIVATION: Game-based

Tingnan ang mga larawan. Sabihin kung ano ang mga ito ay living things ( nilikha ng Diyos) at non-living
things .

1. batis
2. computer
3. bahay
4. talampas
5. whale
6. eagle
7. bangka
8. kapatagan
9. papel
10. waterfalls
(Mas maganda po na pakilagyan ng pictures sa PPT ang mga ito)

C. LESSON PROPER:

Nag-enjoy ba kayo sa ating laro mga bata? Na- review tayo mga bata kung ano ang mga likas na bagay
na nilikha ng Diyos! Sa ating mga nakaraang aralin, nadamay ang ating kalikasan dahil sa mga
masasamang gawa ng tao (give examples : sinumpa ang lupa , maghihirap umani , nagtatapon ng basura
ang tao. Etc.)Pero, natutunan din natin na nilayon ng Diyos na magpadala ng tagapagligtas sa Mundo at
iyon nga ay sino? ( Jesus Christ ) Tama !

Story Link: No video for this topic. Use visual aid instead.

II. BIBLE STORY:


Nang sinuway nina Adan at Eva ang Diyos, napasailalim ang sangnilikha – kasama tayong mga tao – sa
sumpa ng kahirapan at kamatayan. (Ipabasa ng malakas ang Roma 8:22)
22 Alam nating hanggang ngayo'y dumaraing ang sangnilikha dahil sa matinding hirap na tulad ng
isang nanganganak.
Guro : Sinasabi sa bibliya na “ ang buong nilikha ay naghihirap at dumadaing”. Maaari ba kayong
magbahagi ng nakita ninyong paghihirap o narinig na pagdaing ng sangnilikha?
(Let them share. It could be- pigs crying in the slaughter house, maltreated dogs crying, cutting of trees in
the forest, family crying because of crime or murder…etc.)
Ipinapangako sa atin ng Biblia na may pag-asa para sa sangnilikha.Ngunit paano tayo makakalaya sa
mga paghihirap na ito? Basahin natin ang ating memory verse na matatagpuan sa Colosas 1: 20
20
at sa pamamagitan ng Anak, niloob ng Diyos na ang lahat ng bagay, maging sa langit o sa lupa ay
ipagkasundo sa kanya. Nakamtan ang kapayapaan sa pamamagitan ng dugo ng kanyang Anak na
inialay sa krus.[a]

1.Paano nakipagkasundo ang Diyos? ( Sa pamamagitan ng dugo ni Cristo sa Krus)


2.Anong ipinagkasundo ng Diyos sa Kanyang Sarili sa pamamagitan ni Cristo? ( ang lahat ng nilikha sa
langit at lupa)
Plinano ng Diyos na iligtas hindi lamang ang mga tao kundi ang buong sangnilikha rin ! HINDI SINUKUAN
NG DIYOS ANG MUNDO. Ipinadala Niya ang Kanyang Anak sa mundo upang MAGPAGALING,
MAGPATAWAD,at MAGPALAYA ng mga bihag. Katulad ng pagbibigay ni Jesus sa atin ng Magandang
kinabukasan, binibigyan Niya rin ng pag-asa ang buong sangnilikha! ( sh0w the teaching picture )
Ipinapangako sa Bibliya na balang araw, babalik si Jesus upang maghari sa mundo,at lahat ng
mananampalataya sakanya ay makakalaya mula sa kamatayan.MULI NIYANG BUBUHAYIN ANG MGA
NAMATAY! Bibigyan Niya tayo ng mga bagong katawan na hindi magkakasakit,tatanda,o mamamatay.
Sinasabi rin sa Bibliya na makikibahagi ang sangniliha sa Kalayaang ito. Balang araw, hindi na
mahihirapan ang mga hayop.Hindi na malalanta ang mga halaman.At hindi na rin magiging marumi ang
ating kapaligiran.Balang araw, magiging bago ang buong mundo! Mabubura ang epekto ng kasalanan at
muling magiging Maganda ang snagnilikha gaya ng orihinal na pagkalikha ng Diyos.At dahil dito,
maluluwalhati ang Diyos!

IV. DISCUSSION QUESTIONS :

1. Anong nangyari sa sangnilikha nang suwayin nina Adan at Eva ang Diyos? ( Napasailalim sa
sumpa ng kahirapan at kamatayan ang buong nilikha-kasama ang mga tao)
2.Anong ginawa ng Diyos upang palayain tayo sa kahirapan at kasalanan?
(Nakipagkasundo Siya sa atin sa pamamagitan ng dugo ni Cristo sa krus.)
3.Anong ipinagkasundo ng Diyos sa Kanyang sarili sa pamamagitan ng kamatayan ni Jesus?
(Lahat ng nasa lupa at nasa langit.)
4.Anong mangyayari sa pagbabalik ni Jesus? ( Maghahari siya sa mundo at palalayain Niya sa
kamatayan anf lahat ng nananampalataya sa Kanya.Bubuhayin Niya ang mga namatay,at bibigyan Niya
tayo ng mga bagong katawan na hindi na magkakasakit,tatanda,o mamamatay.)
5.Anong mangyayari sa buong sangnilikha? ( Makikibahagi sila sa ating Kalayaan.Hindi na maghihirap
ang mga hayop.Hindi na malalanta ang mga halaman.At hindi na magiging marumi ang kapaliiran.Ang
buong mundo ay magiging bago!)

V. MEMORY VERSE:

Colosas 1: 20 MBBTAG

“20 at sa pamamagitan ng Anak, niloob ng Diyos na ang lahat ng bagay, maging sa langit o sa lupa
ay ipagkasundo sa kanya. Nakamtan ang kapayapaan sa pamamagitan ng dugo ng kanyang Anak
na inialay sa krus. [a]

VI. TREASURE WORD:

“ JESUS IS OUR HOPE!”

● CLOSING PRAYER

VII. ACTIVITY. Arts & Craft. (Origami Flower )

You might also like