Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

PAGTALAKAY

Agenda…

Ang salitang agenda ay nagmula sa


pandiwang latin na “Agere” sa pananaw na ito
mabibigyang depinisyon ang agenda bilang isang
dokumento na naglalaman ng listahan ng mga
pag-uusapan at mga dapat talakayin sa isang
pagpupulong.
Ito din ay galing sa salitng latin na
agendum na nangangahulugang “to do” o mga
gagawin o kaya ay dapat gawin.

Mahalaga angpaggawa ng adyenda sa


isang pagpupulong sapagkat ito ay nakakatulong na hindi masayang ang oras at
mapag-usapan ng maayos at malinaw ang mga paksa.

Konsiderasyon sa Pagdisenyo ng Agenda

1. Saloobin ng mga kasamahan


➢ Bigyang pansin ang aspetong ito bago buuin ang isinusulat na adyenda. Wag
isipin na ang adyenda ay para lamang sa mga paksang gusto mong talakayin o

1
ng ilang tao nakasapi sa inyong organisasyon. Isaalang-alang ang lahat ng
miyembro at hingin ang kanilang opinyon sa mga bagay na dapat mapag-usapan
sa pagpupulong.

2. Paksang mahalaga sa buong grupo


➢ Sa paglilista ng mga papaksain sa isang pagpupulong , siguraduhin na ang mga
ito ay ang pinakamahahalaga at ang mga bagay na kinakailangang agad na
mapag-usapan o bigyang aksyon.

3. Estrakturang patanong ng mga paksa

➢ Mabuting isaalang-alang ang mga katanungan na makukuha sa isang paksa.


Ang bawat paksa ay nagtataglay o nasasagot dapat ng mga sumusunod na
katanungan.
• Ano?
• Saan?
• Bakit?
• Kailan?
• Sino?
• Paano?

HALIMBAWA:
Paksa: 2020 SK Brgy. Langkaan 1 Feeding Program

Mga katanung na dapat taglay ng paksa


1. Sino-sino ang kasama sa programang ito?
2. Kailan ito isasakatuparan?
3. Ano-ano ang mga paghahandang isasagawa?
4. Bakit kinakailangang bigyan ng aksyon ang ganitong programa?
5. Saan ito isasakatuparan?

2
4. Layunin ng mga paksa
➢ Sa pagsulat ng isang adyenda kinakailangang na alam ng manunulat ang layunin
ng bawat paksa. Ito ng magsasabi kung ang paksa ba ay kailangan na ng
agarang aksyon at mapasama sa isasagawang meeting ng kanilang samahan. .
Alam dapat ng manunulat o maggagawa ng adyend kung ano ang inaasahang
resulta o solusyon na maaring malaman sa pagtatapos ng pagupulong.

5. Oras na ilalaan sa bawat paksa


➢ Makakatulong ito upang magamit ng maayos ang bawat oras sa pagpupulong.
Sa pagkakaroon ng oras na ilallaan sa bawat paksa mapag-uusapan ng maayos
ang mga bagay na dapat mapag-usapan. Mapag-usapan din ang lahat ng
paksang nasa adyenda kung nkalakip na dito ang oras na dapat itong matalakay.

*Hakbang sa Pagbuo ng Agenda*

1. Alamin ang layunin ng pagpupulong

Bukod sa layunin ng bawat paksa, sa pagsulat ng isang adyenda marapat na


alam din ng mganunulat ang layunin ng gagawing pagpupulong.
Makakatulong naman ito sa pagtingin kung nakamit ba sa pagtatapos ng
pulong ang dahilan kung bakit kailangang pagpulungan ang mga paksa o
kung bakit may isinagawang meeting.

2. Sulatin ang agenda tatlo o higit pang araw bago ang pagpupulong

Kinakailangang mapaghandaan ang pagpupulong ng mga taong kasangkot


dito ang pagpupulong. Ang adyenda ay ibinibigay bago pa manmasimula ang
pulong. Hindi ito maaring ibigay o ipaalam habang nagpupulong o matapos
ang pulong.

3
3. Simulan sa mga simpleng detalye

Sa pagsasagawa ng adyenda, kailangan itong simulan ng manunulat sa


simpleng detalye. Katulad ng pangalan ng Organisasyon, saan mangyayari
ang pagpupulong, kalian ang pagpupulong at mga tao na dapat makita sa
pagpupulong.

4. Magtalaga lamang ng hindi hihigit sa limang paksa para sa

agenda

Hindi lahat ng paksang maiisip o ibibigay ng mga miyembro ay kailangang


maisama sa adyenda. Sapat na ang mga paksa na hindi sosobra sa limang
upang magkaroon ang mga paksa ng sapat na oras upang mapag-usapan
mabiyang solusyon, at maaksyunan.

5. Ilagay ang nakalaang oras para sa bawat paksa

Nakakinip ang pagpupulong na nahihigit sa dalawang oras ang bawat paksa.


Maiiwasan ang ganitong pagkakataon kung may mga oras na nakalakip sa
bawat paksa. Hindi dapat ito bababa sa 10 minuto at tataas sa 20 minuto
upang hind maging napakatagal ang pagpupulong.

6. Isama ang ibang kakailanging impormasyon para sa pagpupulong

4
Dito papasok ang mga naiwang paksa o detalye sa nakaraang pulong. Dapat
na ilakip ng manunulat ang suportang detalye na maaring makaligtaan na
pag-usapan sa isang paksa. Makakatulong ito upang sa gayon ay mabigyang
pansin ang mga detalye na maaring hindi matalakay sa pagppulong.

Halimbawa ng Adyenda:

Pangalan ng
Organisasyon
Adres ng Organisasyon
Numero ng Organisayon

Petsa
Oras
Lugar ng pagpupulungan
Pangunahing Paksa

Mga dadalo sa
pagpupulong

Nakalaang
Oras

Mga Paksa
5
References:

https://www.academia.edu/30931039/Filipino_sa_Piling_Larang_Ak ademik?fbclid=IwAR1ZMoIGUoILqrnn1wt3-
01YFGlfNMTfpVnEu0Piga3qrhuNVszxcJvC200

Pagsulat ng Agenda by John Berhel Galila (Prezi Next: https://prezi.com>pagsulat-ng-agenda)

https://www.0.discoverapp.com/http/filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/adyenda.html?m=1

https://www.0.discoverapp.com/https/prezi.com/yl50txuv5w1l/pagsulat-ng-agenda/

Brainly.ph - https://brainly.ph/question/366436#readmore

You might also like