Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR

LIGAS I ELEMENTARY SCHOOL

CATCH-UP FRIDAYs
DATE Ika-2 ng Enero, 2024 Grade Level 5
QUARTER Ikalawa Learning Area FILIPINO
Guro G. Tirso J. Rafael

Enhancement:
Natutukoy ang mga elemento ng kuwento.
Naisasagawa ang mga pangkatang gawain nang may pagtutulungan.
I. Layunin Naipapakita ang pagpapahalaga sa pamamagitan ng pagsasabi ng
katotohanan.

II. Paksa Elemento ng Kuwento


Kagamitan Kopya ng kuwento, mga larawan, PPT
Reference Alab Filipino V, pahina 78- 79
III. Pamamaraan
ENHANCEMENT
A. BAGO BUMASA
1. PAGHAHANDA:
* Pagbabasa ng mga mag-aaral nang tahimik ng kanilang napiling aklat.
* Magtawag ng ilang mag-aaral upang ikuwento o ibahagi ang kanilang binasa.

2. BALIK-ARAL:
* Ano-ano ang mga elemento ng kuwento?
 Tauhan
 Tagpuan
 Pangyayari

3. PAGGANYAK:
* Dugtungang pagkukuwento na ang paksa ay tungkol sa Diwata.
* Tumawag ng 5 mag-aaral upang isagawa ang dugtungang pagkukuwento.
Mahalagang maisama din sa kuwentong gagawin ang pagsasabi ng katotohanan.

4. TALASALITAAN:
* Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat bilang. Bigkasin o
basahin muna itong mabuti at unawain.

1. Kay ganda at kay ningning nga mga talà sa kalawakan.


2. Nakatalâ sa kanyang kuwaderno ang mahahalagang impormasyon na kanilang pinag-
aralan.

Address: Ligas III, City of Bacoor, Cavite FB page: DepEd Tayo Ligas I ES - Bacoor City
Telephone: (046) 424-9105
E-mail Address: 107881@deped.gov.ph
3. May naririnig siyang mga tawanan sa kanilang taniman pagsapit ng gabí.
4. Maraming mga tanim na gabi sa bakuran ng aming bahay.
5. Lalakí nang maayos ang tanim kapag inalagaang mabuti.
6. Lalaki ang bungsong anak ni Aling Maming.

5. PAGGANYAK NA TANONG:
* Ano ang naging bunga ng pagsisinungaling ng lalaki?

B. HABANG BUMABASA
1. Introduksyon:
* Naniniwala ba kayo sa mga Diwata?
* Ang kuwentong ating babasahin ay isang halimbawa ng Mito o Myth. Ang Mito ay mga tradisyonal na
kuwento ng isang partikular na relihiyon o paniniwala. Madalas, ang mga tauhan dito ay mga diyos at
diyosa.
* Ang babasahin natin ay mito o kuwento ng mga Igorot mula sa Bontoc.

2. Pagbabasa ng Kuwento:
* Ano-ano ang mga dapat nating tandaan kapag tayo ay nagbabasa ng kuwento?
* Pagbasa ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng sabayang pagbabasa.

Ang Diwata ng mga Tala


Kapag walang mga ulap sa gabi, makikita ang langit na punong-puno ng maniningning na mga tala. Sa
isang bahagi ng langit makikita ang tatlong mga tala na magkakatabi. Sinasabing ito ang tatlong magkakapatid
na Diwata at malapit sa kanila ang nag-iisa subalit mas angat at mas maningning na tala – ang isang Diwata ng
mga tala.
Ayon sa matatanda, noong unang panahon ay may mayamang binata na nagmamay-ari ng malawak na
taniman ng tubó malapit sa kaniyang bahay. Sa tabi ng tanimang ito ay may isang malinaw na lawa.
Ipinagmamalaki ng binata ang kanyang mga lupain, at inggit na inggit ang buong pamayanan sa kaniya. Kahit
na siya ay mayaman, hindi siya kumukuha ng mga katulong o utusan upang magtrabaho sa kaniyang taniman.
Siya mismo ang nagbubuhos ng pagod at panahon sa pag-aalaga nito, kaya ang mga pananim niya ang
pinakamasagana sa buong bayan.
Isang umaga, napansin niyang makalat ang kaniyang taniman at marami sa mga tanim ang nawawala.
Marumi rin ang dating malinaw na tubig sa lawa. Nagalit siya at hiniling sa matatanda na hanapin at parusahan
ang mga salarin. Sinabi ng mga matatanda na siya mismo ang dapat humuli sa sumira sa kaniyang taniman.
Dahil dito, napagpasyahan niyang manatili sa kanyang taniman nang buong magdamag.
Pagsapit ng gabi, may narinig siyang nagtatawanan sa kaniyang taniman. Sumiliip siya mula sa kaniyang
bahay at nakita niya ang apat na puting tela sa tabi ng lawa. May apat na diwatang naghahabulan sa taniman at
naliligo sa lawa. Magaganda ang mga Diwata, mahinhing kumilos, at may matatamis na ngiti sa kanilang mga
labi. Kinuha ng binata ang isang puting tela at dinala ito pabalik sa kaniyang bahay. Nang malapit nang sumikat
ang araw, nagbihis na ang mga Diwata at bumalik sa langit, maliban sa isa na naiwan sa lupa dahil hindi niya
mahanap ang kaniyang damit.
Itinago ng binata ang tela sa kisame ng kaniyang bahay. Nilapitan niya ang diwata at kinarga ito pabalik
sa kaniyang tahanan. Doon, namuhay sila bilang mag-asawa, at hindi na sila muling ginambala pa ng ibang mga
diwata. Nagkaroon sila ng tatlong magagandang anak.
Isang gabi, habang naglilinis ng kanilang bahay, natagpuan ng diwata ang kaniyang puting damit na
ninakaw ng kaniyang asawa ilang taon na ang nakakaraan. Nalungkot ang diwata dahil hindi naging tapat sa
kanya ang kaniyang asawa. Gabi-gabi mula noon, hindi na natulog pa ang diwata. Habang natutulog ang

Address: Ligas III, City of Bacoor, Cavite FB page: DepEd Tayo Ligas I ES - Bacoor City
Telephone: (046) 424-9105
E-mail Address: 107881@deped.gov.ph
kaniyang mag-ama, naghahabi siya ng apat na puting damit. Isang gabi, habang mahimbing na natutulog ang
lalaki, isinuot ng Diwata at ng kanilang mga anak ang apat na puting damit at lumipad sila patungo sa langit.
Gumising ang lalaki at natagpuang tahimik ang kaniyang bahay. Wala na ang kaniyang asawang prinsesa
ng mga tala, at wala na rin ang kanilang mga anak. Malamig na ang kanilang silid dahil namatay na ang apoy.
Nalungkot ang lalaki. Ipinikit niya ang kaniyang mga matang baha sa luha at naisip niya na sana, sumapit na
ang gabi upang matanaw niya ang kaniyang asawa at mga anak sa kalangitan.

3. Pagsagot sa Pagganyak na Tanong:


* Ano ang naging bunga ng pagsisinungaling ng lalaki?

Pagpapahalaga:
* Sa ating kuwetong binasa, saang bahagi naipakita ang kahalagahan ng pagsasabi ng katotohanan?
* Bakit mahalaga ang pagsasabi ng tapat?
*Magbigay ng iyong sariling karanasan kung saan naipakita mo ang pagsabi ng katotohanan. Ano ang
naging epekto nito sa iyo?

4. Pagtalakay sa Binasa:
* Sino ang mga tauhan sa kuwento?
* Ano ang kinuha ng binata mula sa diwata?
* Ilarawan ang lupain ang binata?
* Bakit nagalit ang binata isang umagang nagising siya?
* Paano nahuli ng binata ang sumisira sa kanyang taniman?
* Ilarawan ang nangyari nang tinago ng binata ang puting damit ng diwata?
* Bakit iniwan mg Diwata ang kaniyang asawa?
* Ano kaya ang nangyari sa lalaki ngayong wala na ang kaniyang pamilya?
* Sa tingin mo, babalikan pa kaya ng diwata ang kaniyang asawa sa lupa? Ipaliwanag ang iyong sagot.

C. PAGKATAPOS BUMASA
1. Pangkatang Gawain:
* Isagawa ang mga gawain ng bawat pangkat at tukuyin kung anong elemento ng kuwento ang isinagawa
o napili.

Pangkat 1: Role Play


Maghanap ng isang pangyayari sa kuwento at isadula.

Pangkat 2: Pagbibigay Wakas ng Kuwento


Kung may pagkakataon ka na bigyan ng sariling wakas ang kuwento, paano mo ito bibigyan ng
wakas?

Pangkat 3: Pagguhit
Iguhit ang pinakagusto ninyong eksena mula sa kuwentong, Ang Diwata ng mga Tala.

Pangkat 4: Pagkilala sa mga elemento ng kuwento


Tukuyin ang elemento ng kuwento gamit ng graphic organizer
Pamagat ng Kuwento

Tauhan

Tagpuan

Address: Ligas III, City of Bacoor, Cavite FB page: DepEd Tayo Ligas I ES - Bacoor City
Mahalagang
Telephone: Pangyayari
(046) 424-9105
E-mail Address: 107881@deped.gov.ph
Pangkat 5: Slogan Making
Gumawa ng islogan tungkol sa pagsasabi ng katotohan.

D. REPLEKSYON:
* Isulat sa iyong journal notebook ang iyong personal na pananaw o natutuhan sa ating aralin ngayong
araw.

Inihanda ni:

TIRSO J. RAFAEL
Guro sa Filipino

Binigyang pansin ni:

MAUREEN B. ANCHETA
Dalub Guro

Ipinasa kay: Pinagtibay ni:

Dr. ROSEMARIE C. CUBANGBANG Dr. LEONOR M. MEDINA


Punong Guro II EPS – Filipino

Address: Ligas III, City of Bacoor, Cavite FB page: DepEd Tayo Ligas I ES - Bacoor City
Telephone: (046) 424-9105
E-mail Address: 107881@deped.gov.ph

You might also like