Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR

LIGAS I ELEMENTARY SCHOOL

DAILY LEARNING PLAN


7:00-7:30-Masintahin
8:30-9:00- Maalaga
2, Ikaanim na Linggo, Ikaapat na
QUARTER Grade Level 5
Araw
EDUKASYON SA
DATE HUWEBES, DISYEMBRE 14, 2023 Learning Area
PAGPAPAKATAO
LAYUNIN:
Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pakikipagkapwa-tao at
Pamantayang
pagganap ng mga inaasahang hakbang, pahayag at kilos para sa kapakanan at ng
Pangnilalaman
pamilya at kapwa
Pamantayan sa Naisasagawa ang inaasahang hakbang, kilos at pahayag na may paggalang at
Pagganap pagmamalasakit para sa kapakanan at kabutihan ng pamilya at kapwa
Nagagampanan nang buong husay ang anumang tungkulin sa programa
MELC
o proyekto gamit ang anumang teknolohiya sa paaralan.
1. Natatalakay ang talentong mayroon ka na magagamit sa anumang programa o
proyekto sa paaralan.
Batayang 2. Nalilinang ang talentong pinagkaloob ng Diyos para sa programang
Kasanayan
pampaaralan.
3.Naipapakita ang pagpapahalaga sa talentong pinagkaloob ng Diyos.
PAKSANG – ARALIN
PAKSA PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA SA PAGLINANG NG TALENTO
Sanggunian PIVOT module week6, pahina 6-8 Module 12
KAGAMITAN Mga larawan, Projector, PPT
Valuing Pagsaalang-alang sa Karapatan ng iba.
ACROSS: AP1-Q1- *Nakalalahok sa mga Gawain at pagkilos na nagpapamalas
ng pagpapahalaga sa sariling paaralan (eg. Brigada Eskwela)
Integrasyon
WITHIN: ESP3-Q1- . Nakatutukoy ngnatatanging kakayahanHal. talentong
ibinigay ng Diyos
PAMAMARAAN:
I. PANIMULANG GAWAIN:
1. Balik-Aral
Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay
nagpapahayag tungkol sa pagpapayaman ng iyong kasanayan. Isulat ang Mali kung kung hindi.
_____ 1. Kahit nanghihina at maysakit ay nag-eensayo ng gymnastics sa labas ng kanyang tahanan si
Jodi para sa kanilang presentation sa susunod na linggo.
_____ 2. Masayang ibinahagi ni Aling Alvara sa amin, na ang kanyang mga apo ay nag aaral tumugtog
ng ukelele, piano at cymbals.
_____ 3. Pagsasayaw, pag awit at pag arte ang ginagawa ng magkapatid na Matthew at Elize sa Tiktok
habang bakasyon.
_____ 4. Dahil hindi makalabas ng bahay, mas pinili ni Denver na maglaro ng mga paboritong “computer
games” sa kanilang laptop.
_____5. Masayang ibinahagi ng mga mag-aaral sa ikalimang baitang ang kanilang husay at talento sa
Daily Learning Plan | Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Ikalawang Markahan | SY 2023-
2024 1
pag awit sa pampasiglang bilang ng Brigada Eskwela 2023 sa Facebook Live ng kanilang paaralan.
II. PANLINANG NA GAWAIN:
1.PAGGANYAK:
Ano kaya ang ibig sabihin ng katagang ito?
“Asset ko, Talento ko!”

2.AKTIBITI
Basahin at unawain ang ipinahihiwatig ng Tula:

“Asset Ko, Talento Ko”

Bawat isang nilalang, may kanya-kanyang kakayahan


Kaya nararapat lamang paunlarin at ikarangal
Pagtitiwala sa sarili, ialisto‟t itanghal
Ito‟y pagpapakita ng magandang asal
Mga programa sa paaralan, maging noong salihan
Nang angking talino’y tunay na mangibabaw
Magaa’t mabigat man marapat pa ring gampanan
Mataas na kalidad makakamtan,
kapag tiwala’t husay ang puhunan

Kung mahusay ka sa pagguhit, pagpipinta at pag-awit


Sa palakasan, sa pagsusulit, pagdidilig , pagliligpit
Anumang talento ito, mababa man sa kanilang isip
Paghusayan nating pilit, upang mataas na kalidad ang manaig

3.Pagsusuri (Analysis)
1. Ano-ano ang kakayahang nabanggit sa tula?
2 Ano ang dapat mong gawin sa kakayahang ipinagkaloob sa iyo ng Poong Maykapal??
3. Ano ang katangian o asal ang nais ipahiwatig ng tula??
4. Paano mo malilinang ang kakayahan at talentong ipinagkaloob sa iyong Diyos?
5.Paano ka nakikiisa sa mga gawaing iniatang/itinakda sa iyo?

II. PANGWAKAS NA GAWAIN:


A. Paghahalaw (Abstraction)
A.1. Paglalahat
Paano mo lilinangin ang talentong mayroon ka para magamit sa programa ng paaralan?

A.2. Paglalapat (Aplikasyon)


Gamit ang mga nasaliksik na larawan sa internet, gumawa ng isang christmas card sa iyong
pamilya na mensahe.

Rubriks
Nakagawa ng Christmas card- 1
Nakapaglagay ng mensahe -1
Nagpakita ng pagkamalikhain-1
Malinis ang pagkakagawa – 1
Naipasa sa takdang oras – 1
Kabuuan - 5 puntos
A.3. Pagpapahalaga
Bilang isang mag-aaral paano mo mapagyayaman ang iyong kakayahan o talento?
IV. PAGTATAYA
Isulat ang TSEK kung kayo ay sumasang-ayon na ang pahayag ay nagsasaad at nagpapakita ng
pagtulong upang mapayaman sariling kakayahan at naman kung hindi.

Daily Learning Plan | Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Ikalawang Markahan | SY 2023-


2024 2
_____ 1. Tuturuan ko ang aking mga nakababatang kapatid na gumuhit at magpinta para sa mga
buwan ng mga bayani upang maipakita namin ang aming pasasalamat sa kanilang pagsasakripisyo para
sa bayan.
_____ 2. Aking gagawin ang mga ginagawa naming training sa pagsasayaw sa aming tahanan habang
bakasyon para mas maging mahusay ako at maibahagi sa Tiktok at maging inspirasyon sa mga
kabataang katulad ko.
_____ 3. Magagalit ako sa aking Tatay dahil ayaw akong payagang lumabas ng bahay dahil gabi na
para makipaglaro ng basketbol sa aking mga kaibigan sa “court”.
_____ 4. Tutulungan ko si nanay sa pagbabantay sa aking mga kapatid, at tuturuan ko silang maglaro
ng “chess” o dama at iba pang “educational toys” na meron kami sa aming bahay para mas mahasa pa
ang kanilang kaalaman.
_____ 5. Ipagsasawalang bahala ko ang mga programa ng DepEd na asynchronous classes at maglalaro
na lamang ng “Mobile legends” maghapon habang walang pasok dahil sa bagyo.

V. KASUNDUAN

VI. Pagninilay
Masintahin Maalaga
5x = 5x =
4x = 4x =
3x = 3x =
2x = 2x =
1x = 1x =
0x ____= _____ 0x ____= _____

Daily Learning Plan | Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Ikalawang Markahan | SY 2023-


2024 3

You might also like