Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR

LIGAS I ELEMENTARY SCHOOL

DAILY LEARNING PLAN


7:00-7:30-Masintahin
8:30-9:00- Maalaga
2, Ikapitong Linggo, Ikalawang
QUARTER Grade Level 5
Araw
EDUKASYON SA
DATE HUWEBES, ENERO 4, 2024 Learning Area
PAGPAPAKATAO
LAYUNIN:
Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pakikipagkapwa-tao at
Pamantayang
pagganap ng mga inaasahang hakbang, pahayag at kilos para sa kapakanan at ng
Pangnilalaman
pamilya at kapwa
Pamantayan sa Naisasagawa ang inaasahang hakbang, kilos at pahayag na may paggalang at
Pagganap pagmamalasakit para sa kapakanan at kabutihan ng pamilya at kapwa
Nakikilahok sa mga patimpalak o paligsahan na ang
MELC layunin ay pakikipagkaibigan
EsP5P-IIf-27
1. Natatalakay ang talentong mayroon ka na magagamit sa anumang programa o
proyekto sa paaralan.
Batayang 2. Nalilinang ang talentong pinagkaloob ng Diyos para sa programang
Kasanayan
pampaaralan.
3.Naipapakita ang pagpapahalaga sa talentong pinagkaloob ng Diyos.
PAKSANG – ARALIN
PAKSA Pakikilahok sa mga Programa o Proyekto
Sanggunian PIVOT module week6, pahina 6-8 Module 12
KAGAMITAN Mga larawan, Projector, PPT
Valuing Pagsaalang-alang sa Karapatan ng iba.
ACROSS: AP1-Q1- *Nakalalahok sa mga Gawain at pagkilos na nagpapamalas
ng pagpapahalaga sa sariling paaralan (eg. Brigada Eskwela)
Integrasyon
WITHIN: ESP3-Q1- . Nakatutukoy ngnatatanging kakayahanHal. talentong
ibinigay ng Diyos
PAMAMARAAN:
IV.Pamamaraan:
A.Panimulang Gawain
1.Balik-Aral
nagpapakita ng pakikilahok sa mga proyektong pampaaralan. Pumalakpak kung ito ay nagpapakita ng
pakikilahok at pumadyak kung hindi.
1. Si Vince Ryan ay mahilig sumali sa mga paligsahan sa barangay upang
magkaroon ng bagong kakilala at mga kaibigan.
2. Si Lance Perry ay mahilig mamintas sa mga palabas at programa sakanilang paaralan.
3. Mahilig tumulong sa mga gawaing pampaaralan si Pearl na may ngiti sa mga labi habang ginagawa
ito.

4. Ipinagyayabang lagi ni Yana ang pagiging kabahagi niya sa patimpalak sa pag-awit sa kanilang bayan.
Daily Learning Plan | Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Ikalawang Markahan | SY 2023-
2024 1
5. Maganda ang naging palabas ng Grade 5–A Mabini kahit na hindi kumpleto ang teknolohiyang ginamit
nila.

B.Panlinang na Gawain
1. PAGGANYAK
Buuin ang salita sa pamamagitan ng pagpunan ng mga nawawalang titik nito.

P _ K I K _ L A _ O K SA

PR_Y_KT_NG

P_MP_AR__AN

TANONG:
Anu ano ang mga nabuo mong salita?

2.Gawain (Activity)
Tukuyin kung paano makikilahok ang kabataang tulad mo sa mga gawaing pampaaralan.
1.Paglilinis ng hallway sa paaralan.
2.Pagbabahagi ng nalalaman sa Earthquake drill sa mga kaklase
3.Sumusunod sa polisiya ng paaralan.
4.Pakikibahagi sa Tree Planting Project ng Boy Scout at Girl Scout
5.Pagsunod sa mga patakarang dapat gawin upang manatiling logtas mula sab anta ng COVID 19.

3.Paglalahad
Basahin at unawaing mabuti ang isang dayalogo.

Sumunod sa Protocol Jeremiah G. Miralles Isang umaga habang nag-aalmusal ang mag anak na Reyes
ay nakikinig sila ng balita sa radyo. “Magandang umaga Pilipinas, narito ang mahalagang balita sa oras
na ito. Parami ng parami ang namamatay sa COVID-19 sa loob at labas ng ating bansa. Hanggang sa
ngayon wala pa ring tiyak na lunas para sa nakamamatay na sakit na ito. Pinapaalahanan ang lahat na
sumunod sa mga protocols: magsuot ng face mask at face shield, pagpapanatili ng social distancing,
palagiang paghuhugas ng mga kamay o paggamit ng alkohol. Para sa mga kabataan at matatanda,
kinakailangan silang manatili sa loob ng bahay. Delikado ang sakit na ito at hindi nakikita ang kalaban.
Sundin ang mga paalala upang hindi mabiktima. Tandaan, prevention is better than cure.
Nanay: “Sana matapos na ang pandemyang ito.”

Tatay: “Kaya sumunod tayo sa mga gabay at paalala ng mga kinauukulan. Kung hindi susunod ang mga
tao sa mga inuutos sa pamayanan lalong lalala ang sitwasyon.”

Anak: “Tay tumawag po sa akin ang aking kaibigan. Maglalaro daw kami sa labas. Magbibisekleta daw
po kami at dadalawin ang aming mga kaibigan. Ilang buwan na din po kasi na hindi kami nagkikita.”

Tatay: “Anak narinig mo ba ang balita ngayon sa radyo?”

Anak: “Opo tay, sinabihan ko po ang kaibigan na bawal po lumabas lalo sa sa mga katulad naming mga
kabataan upang hindi po kami mahawa at makapagdala ng sakit. Pinayuhan ko din po ang aking
kaibigan na dapat magsuot ng face mask kung sakaling lalabas kung kinakailangan. Sinabi ko din po na
dapat makilahok po tayo sa mga gawaing nakapagdudulot ng kabutihan sa ating pamayanan.

Nanay: “Tama iyan anak. Ang pakikilahok sa mga gawain sa pamayanan ang tanging paraan natin
upang mapigilan ang pagkalat ng nakamamatay na sakit na ito.

4.Pagtatalakay
Pagsusuri (Analysis)
Ano ang narinig ng pamilyang Reyes?
Daily Learning Plan | Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Ikalawang Markahan | SY 2023-
2024 2
Ano ang layunin ng paalaala sa radyo?
Ano ang ipinakita ng anak sa kaniyang kaibigan?
Katulad ng anak sa kwento, mahalaga bang nauunawaan natin ang iba’t ibang paalala sa pamayanan
lalo na ngayong panahon ng pandemya?
Mahalaga bang sumusunod tayo at nakikiisa sa mga ganitong paalala? Bakit?

B. PANGWAKAS NA GAWAIN
A.Paghahalaw (Abstraction)
A1. Paglalahat
Bakit mahalaga ang pagsunod at pakikiisa sa mga paalala, proyekto o programa ng paaralan?

A2.Paglalapat(Aplikasyon)
Sumulat ng sariling karanasan tungkol sa iyong pakikilahok sa pagpapanatili ng kalinisan ng iyong
paaralan.

IV.Pagtataya
Panuto: Lagyan ng tsek () kung tama ang isinasaad ng pangungusap at ekis (X) kung hindi.
1. Sumusunod sa programa ng paaralan si Betina.
2. Umiiwas sa mga gawaing pampaaralan ang magkaibigang si Ino at si Arya.
3. Naibabahagi ni Anita ang impormasyong kanyang natutunan sa sinalihang Earthquake Drill.
4. Hindi naniniwala ang si Enzo sa pagsunod sa protocol ay nakadudulot nang kabutihan sa lahat.
5. Si Elrich ay handang tumulong upang mahikayat ang iba pang kabataan sa pagsunod at pakikiisa sa
mga proyekto at programa ng kanilang paaraln
V. KASUNDUAN

VI. Pagninilay
Masintahin Maalaga
5x = 5x =
4x = 4x =
3x = 3x =
2x = 2x =
1x = 1x =
0x ____= _____ 0x ____= _____

Daily Learning Plan | Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Ikalawang Markahan | SY 2023-


2024 3

You might also like