panrelihiyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

PAKIKIPAG-KAPWA TAO

Panrelihiyon
Pagdiriwang
Mahal na araw

Pasko
Pista
Flores de mayo
Undas
Pansibikong
Pagdiriwang
Araw ng kalayaan
Lingo ng wika
Araw ng mga Manggagawa

Araw ng mga puso


Araw ng Ina
Liham pangkaibigan

54 Matatag St. Purok 6,


Malolos, Bulacan
Ika-20 ng Hunyo, 2008

Mahal kong Narishka,

Kamusta na ang aking matalik na kaibigan. Matagal na rin tayong hindi nagkitamula ng
lumuwas ka sa Maynila para mag-aral. Madalas akong dumaan sa inyong bahay para makibalita
sa iyong ina kung ano na ang nagyayari sa iyo.Salamat pala sa iyong pinadalang regalo noong
nakalipas kong kaarawan. Salamat athindi ka pa rin nakakalimot sa akin at maganda nating
pagkakaibigan.Sabi ng Nanay baka hindi pa rin daw ako makakapag-aral nitong darating na
pasukan.Wala kasing permanenteng trabaho si Itay. Kaya kailangan ko muna silang tulungan
parasa pang-araw-araw na gastusin dito sa bahay. Siya nga pala, may trabaho na ako bilangisang
kahera dito sa atin. Maliit lang ang sweldo pero nakakasapat na rin kahiut papano atnakakatulong
din sa aming pamilya.Hanggang dito na lamang at sana lagi kang mag-iingat diyan. Ilibre mo
naman ako pagnakapagtapos ka na at sana maipasyal mo rin ako sa Maynila.

Nagmamahal na kaibigan,
Airine

Liham pangangalakal

LUZ DEL MUNDO


506 Lakas St.
Bacood, Sta.Mesa
Ika-10 ng Setyembre 2013

ANG DEKANO
Kolehiyo ng Businesss Administration
Pamantasan ng Santo Tomas

Ginoo:
Katatapos ko po lamang sa haiskul at nagbabalak na mag-aral sa inyong pamantasan. Nais ko
pong magpatala sa Kolehiyo ng Businesss Administration. Maaari po bang malaman kung kalian
at saan kayo magbibigay ng pagsusulit sa mga bagomg magpapatalang mag-aaral? Nais ko rin
pong malaman kung anu-ano ang mga kailangang dalhin bago makapagsulit at gayon din ang
halagang ibabayad sa application form.
Ipinaaabot ko po ang taos-puso kong pasasalamat.
Magalang na sumasainyo,
LUZ DEL MUNDO

Liham paanyaya

Camella Lessandra
Block 8 Lot 56
Bucandala,Imus Cavite

Mahal kong Anna,


Magandang araw kaibigan.Kilala mo pa ba ako?.Gusto sana kitang anyayahan na dumalo sa
aking kaarawan.Gustog gusto na kasi kitang nakita pitong taon na tayong hindi
nagkikita.Aasahan ko ang iyong pagdalo isama mo narin ang iyong kapatid na si Ella

Nagmamahal,
Naomi Ronquillo
Liham paghingi ng paumanhin

Hulyo 30, 2017

Namamahala (Management)
Buy Wisely Department Store
Calamba City

Mahal na ginoo/ginang,

Ako sa Maria Y. Banaag, 20 anyos, at nakatira sa Calamba. Sumulat ako ng liham upang
magreklamo sa nabili at nakuha kong "Cellphone" kamakailan lamang.

Noong unang ginamit ko ito ay naging mainam at walang problema. Hanggang nakita ko nalang
na ndi pala gumagana ang mga "installed applications" na narito. Umaasa po akong maibalik at
mapalitan sa lalo't madaling panahon.

Lubos din po akong humihingi ng paumanhin sa abalang maidudulot nito sa inyo. Nawa ay
maintindihan ninyo ang aking kalagayan.

Maraming Salamat!

Gumagalang,

Maria Y. Banaag
Liham pasasalamat
#612 Ironya st.
Estefanio, Corazon city,
Konohama

Mahal kong Inay,

Lubusan at taos puso po akong nagpapasalamat sa lahat ng sakripisyong ginawa niyo para sa
aming magkakapatid. Tunay na naging napakalaking tulong nito sa amin at gayundin sa aming
pag-uugali at gawi. Ang iyong mga bilin at payo na nasambit at naipaunawa mo ay aming
dadalihin ng pangmatagalan at habang buhay.Nagagalak kami na kayo ang aming naging
magulang at naging napakabuti niyo sa amin. Naipagmamalaki namin kayo sa mga taong
nakakasalamuha namin. At kami ay masaya din na maituro ang mga turong naipamana niyo sa
aming magiging pamilya.

Lubos na gumagalang at nagmamahal,

Fernando

You might also like