Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Epekto ng Kahirapan sa Edukasyon ng mga Mag-aaral Baitang 11 General Academic

Strand -Criminology sa PHINMA-Cagayan De Oro College Puerto Campus

PANGKAT II

Emilia, Blessel Valle


Emuelin,Devy Joy M.
Entera, Jane Leslie S.
Fabrigas, Jarens
Felecia, Rhian A.
Fey, Bruce
Flores, Jamie D.
Gumapac, Ronald
Idong, Mitchel P.
Ipong, Queen Margarette B.
Lambus, Jazmine C.
Lingatong, Raizza Mae

COC-FA1-G11-02-ABM-P

G. DWIGHT JOHN P. LAPIS


Guro

2024
KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1.1 Rasyunale

Ang kahirapan ay maaaring lumikha ng malaking pagkakaiba sa mga


pagkakataong pang-edukasyon. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa epekto ng kahirapan,
makakagawa tayo tungo sa paglikha ng mas pantay na sistema ng edukasyon na
nagsisiguro na ang lahat ng mga mag-aaral, anuman ang kanilang sosyo-ekonomiko na
kalagayan, ay may akses sa de-kalidad na edukasyon. Ayon kay Dr. Amartya Sen, isang
kilalang ekonomista at pilosopo, ang kanyang mga akda at pananaliksik hinggil dito ay
nagsimula noong mga dekada ng 1970s at 1980s, sinasabi ni Dr.Sen na ang kahirapan ay
hindi lamang tungkol sa kakulangan sa yaman, kundi pati na rin sa kakulangan ng mga
mahahalagang kapital tulad ng edukasyon. Ayon sa kanya, ang edukasyon ay isang
pundamental na karapatan na dapat maabot ng lahat, at ang kawalan nito ay nagpapalakas
ng siklo ng kahirapan. Ang kahirapan ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa
akademikong tagumpay ng isang indibidwal. Maraming mga salik ang maaaring maging
sanhi ng hamong ito, tulad ng kawalan ng akses sa edukasyon, kakulangan sa mga
pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at tirahan, at iba pang mga suliranin sa
lipunan na maaaring makasagabal sa pag-aaral. Ang stress, trauma, at hindi matatag na
kondisyon ng pamumuhay ay maaaring makaapekto sa kalusugan ng isip at
pangkalahatang kagalingan ng mga mag-aaral. Kaya naman, may mapagkukunan at mga
interbensyon upang suportahan ang panlipunan at emosyonal na pag-unlad ng mga mag-
aaral. May ilang mga organisasyon at indibidwal na sumusuporta sa mga mag-aaral na
naghihirap sa pag-aaral at sa kanilang pagkain halimbawa ay ang lokal na pamahalaan at
programa ng gobyerno na nagbibigay ng tulong sa pamamagitan ng mga programa tulad
ng feeding programs sa paaralan, mga scholarship, at iba pang suportang pang-
edukasyon.

Ayon kay Gng. Liling Briones (2022), madalas niyang ipahayag ang
kanyang suporta para sa ganitong adhikain siya ay ang dating Kalihim ng Edukasyon ng
Pilipinas. Bilang isang matagal na tagapagtanggol ng edukasyon at pantay na oportunidad
sa edukasyon, siya ay nagpatupad ng mga programa at polisiya na naglalayong tugunan
ang mga pangangailangan ng lahat ng mga mag-aaral, lalo na ang mga nasa mga
komunidad na may pinakamababang sosyo-ekonomiko na katayuan. Ang pag-unawa sa
epekto ng kahirapan sa edukasyon ay tumutulong sa atin na makilala at matugunan ang
mga pagkakaiba at hindi pagkakapantay-pantay na umiiral sa ating sistema ng edukasyon.
Nagbibigay-daan ito na isulong ang katarungang panlipunan at magtrabaho tungo sa
paglikha ng isang mas pantay na kapaligirang pang-edukasyon kung saan ang lahat ng
mga mag-aaral ay may pantay na pagkakataon na magtagumpay, anuman ang kanilang
sosyo-ekonomiko na kalagayan. Ang layunin ng pag-alam sa epekto ng kahirapan sa
edukasyon ng mga mag-aaral ay upang makapaglikha ng isang mas makatarungan at
pantay na lipunan, kung saan ang bawat bata ay may pantay na pagkakataon na ma-akses
ang kalidad ng edukasyon at maabot ang kanilang buong potensyal, anuman ang kanilang
sosyo-ekonomiko na kalagayan.

1.2 Suliranin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang epekto ng kahirapan sa pag-


aaral ng mga mag-aaral sa GAS-CRIMINOLOGY baitang 11 ng PHINMA-Cagayan De
Oro College Puerto Campus.

-Ano-ano ang epekto ng kahirapan sa pag-aaral ng mga mag-aaral?

-Paano masusulusyonan ang problemang dulot ng kahirapan sa edukasyon ng mga mag-


aaral?

1.3 Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang makikinabang sa pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:

Mananaliksik sa hinaharap - Maaari nila itong gawing basehan ng kanilang sinasaliksik


na konektado sa pag-aaral na ito. Maaari Rin itong gawing kaugnay na pag-aaral o
literatura kapag sila ay nagsasaliksik na konektado sa pag-aaral na ito.

Guro - Nakakatulong ito sa mga guro na malaman kung ano ang gagawin sa mga mag-
aaral na nabubuhay sa kahirapan. At Maaari rin nila itung ituro sa mga mag-aaral kung
ano nga ba ang dulot ng kahirapan at ano ang maaaring solusyon dito.

Mga magulang - Sa pamamagitan nito ay maaaring makatulong din ito sa mga magulang
upang kanilang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak sa paaralan.
Tulad ng pag pupursige na matustusan ang mga kailangan bayaran ng kanilang mga anak,
tulad ng mga akademikong proyekto na kailangan upang sila ay makakuha ng mataas na
marka.

Mga mag-aaral - Ito ay tinutulongan ang mga mag-aaral na magsikap para sa kanilang
kinabukasan. Kapag ito ay inaaral o nabasa nila maaari itong maging inspirasyon upang
magsumikap upang malutas ang kahirapan. At ito din ay pwede nilang pagbasehan ng
kanilang mga aralin na konektado sa pag-aaral na ito.
1.4 Batayang Teoritikal

Ibinatay ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito sa isang teorya na ang


Cycle of Poverty Theory, Oscar Lewis (1958) Ang teoryang ito ay nagpapakita kung
paano ang kahirapan ay maaaring maging isang siklo na mahirap lampasan. Sa konteksto
ng edukasyon, ang mga pamilyang nasa kahirapan ay maaaring hindi makapagbigay ng
sapat na suporta sa edukasyon ng kanilang mga anak, kaya't ang mga bata ay maaaring
magdulot ng mababang antas ng edukasyon. Kapag sila ay lumaki at magkaroon ng
sariling pamilya, maaari nilang dalhin ang parehong pattern ng kahirapan at kakulangan
sa edukasyon sa kanilang sariling mga anak, na nagpapatuloy sa siklo ng kahirapan.

Sinasabi sa teoryang ito, kung paano nakaka-epekto ang kahirapan sa buhay


ng isang bata lalo na sa edukasyon nila, hindi lamang sa kasalukuyan bagama’t maari nila
itong madala sa kanilang kinabukasan kung hindi ito bibigyang aksyon. Sa pag-aaral na
ito ay masusuri natin ang mga epekto ng kahirapan at sa pananaliksik na ito ay
makakapagbigay tayo ng rekomendasyon sa suliranin na ito.

1.5 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng epekto ng kahirapan sa


edukasyon ng mga mag-aaral ng General Academic Strand-CRIMINOLOGY baitang 11
na magiging respondente sa gagawing pananaliksik na gaganapin sa PHINMA-Cagayan
de Oro City Puerto Campus. Tatalakayin ang mga epekto ng kahirapan sa pag-aaral ng
mga mag-aaral.

Ang limitasyon na ito ay ang mga mananliksik ay kumuha ng 50 na mga


mag-aaral galing sa GAS-CRIMINOLOGY bilang respondente na sapat na upang
makakuha ng datos na kinakailangan sa pag-aaral na ito.

1.6 Pagbibigay-Kahulugan sa mga Salita

Tagal: Ang datos na nakolekta ay limitado sa kasalukuyang akademikong taon at


naaayon sa datos mula sa mga nakaraang taon.

Wika: Ang impormasyon at datos na nakalap ay batay lamang sa Filipino at Ingles.

Kahirapan: Ang kahirapan ay tinatalakay sa kontekstong pang-ekonomiya ng pamilya


ng mag-aaral at ang iba pang aspeto ng kahirapan tulad ng kawalan ng trabaho, kawalan
ng access sa mga pangunahing serbisyo,
KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

2.1 Rebyu ng Kaugnay na Literatura

Ayon nina Rikichi, F.B., Bature, I. O. at Yakubu, F. A. (2021) "Consequences of poverty


on students’ academic achievement". Ang pag-access sa edukasyon ay isa sa
mahahalagang pangunahing karapatang pantao sa lahat ng lipunan. Sa Nigeria, ang
pagbibigay ng edukasyon ay isa sa mga pinaka kritikal na isyu ng patakarang panlipunan
ng pamahalaan lalo na simula pagkatapos ng kalayaan noong 1960. Gayunpaman, ang
kahirapan ay nananatiling hadlang para sa karamihan ng mga tao na makamit ang
pangunahing karapatang ito. Ang pag-aaral na ito ay naghangad na siyasatin ang epekto
ng kahirapan sa akademikong tagumpay sa Jaba LGA ng Kaduna State. Ang pag-aaral ay
naghangad na ilantad ang mga hamon sa kahirapan ng mga mag-aaral harapin ang
kanilang paghahanap para sa edukasyon, na nagdulot sa kanila na huminto sa pag-aaral.
Tinatalakay ng pag-aaral mga teorya at modelo ng kahirapan, pang-ekonomiya at
pampulitika na pagbaluktot, sanhi ng kahirapan, epekto ng kahirapan sa akademikong
tagumpay, karaniwang mga hamon na sinusuri sa silid-aralan, mga solusyon upang isara
ang agwat ng tagumpay sa silid-aralan, konklusyon at rekomendasyon.

2.2 Rebyu ng Kaugnay na Pag-aaral

Ayon sa pananaliksik ni Stephen Chioke (2022) na “Ang papel ng kahirapan sa pag-


impluwensya sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral: isang sistematikong pag-
aaral ng mga sekondaryang paaralan sa Enugu East LGA”. Ang pananaliksik na ito ay
tungkol sa kung paano nakakaapekto ang kahirapan sa mga mag-aaral. Natuklasan ng
sarbey na ang mga akademikong tagumpay ng mga mag-aaral ay negatibong naapektuhan
ng kahirapan. Sa madaling salita, ang mga nabubuhay sa kahirapan ay mas lalo pang
nahihitapan at masahol pa kaysa sa iba. Ito ay dahil ang bawat mag-aaral ay kailangang
magkaroon ng pananalapi upang matugunan ang mga bayarin sa matrikula, baon at mga
gastusin sa paggawa ng proyekto kapag pumapasok sa paaralan. Kung magbibigay tayo
ng karagdagang tulong at pasilidad sa mahihirap na pamilya, nangangahulugan ito na ang
lahat ng bata ay matututo sa kabila ng kanilang mababang uri ng katayuan at mga
aktibidad sa mga kooperatiba ng paaralan gaano man sila mayaman o mahirap.
KABANATA III: METADOLOHIYA

3.1 Disenyo ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng deskriptibong kuwalitatibo na disenyo upang makakuha ng


malalim na pag-uunawa tungkol sa epekto ng kahirapan sa mga mag-aaral. Magkaroon ng
pagsusuri ng mga datos mula sa mga mag-aaral ng GAS-CRIMINOLOGY baitang 11 sa PHINMA-
Cagayan De Oro Puerto Campus na patungkol sa kanilang karanasan sa hinaharap na sitwasyon.
Gagamit ng sarbey o kwestyuner upang masukat ang antas ng epekto ng kahirapan sa kanilang
edukasyon.

3.2 Pamamaraan ng pagkalap ng datos

Upang maisagawa ang pananaliksik, ang pamamaraan ng pangangalap ng datos ay


nagsisimula sa paggawa ng talatanungan at sinundan ng pagsasaayos sa intrumentong
napili na ang paraang online kwestyuner para maiwasto ang kaayusan ng mga tanong
Umpisahan ang pangangalap ng datos sa pamamagitan ng pagbigay o pagrepresenta ng
liham sa mga respondente at pagdistribyut ng mga talatanungan. Ipapasa ang
talatanungan sa pamamagitan ng mga Online Platform kagaya na lamang ng FB at FB
messenger.

3.3 Lugar ng pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa loob ng PHINMA-Cagayan De Oro Puerto


Campus, Senior High na matatagpuan sa Zone 6, Puerto Cagayan de Oro City.

3.4 Impormante/Respondente

Ang mga respondente na kakalahok sa mga katanongan ay ang mga mag-aaral na nasa
baitang labing-isa na kumuha ng General Academic Strand - Criminology sa PHINMA -
Cagayan De Oro College Puerto Campus. Pinili ng mga mananaliksik ang General
Academic Strand- Criminology na mag-aaral dahil ayon sa kanilang pananaliksik ang
ilan sa mga mag-aaral dito ay--pinili ang strand na ito dahil wala silang mapagpipilian o
ang pagpili sa strand na ito ay praktikalan. Napa bilang 50 na mag-aaral ang kumuha ng
General Academic Strand - Criminology. 50 na mag-aaral ang inaasahang sasagot sa mga
katanongan. Na upang makalaganap ng datos na kailangan sa pananaliksik na may
layunin na malaman at masuri ang epekto ng kahirapan sa edukasyon ng mag-aaral.
3.5 Instrumento ng pananaliksik

Ang instrumentong gagamitin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito upang makuha


ang mga kinakailangang datos ng pananaliksik na ito. Ito ay isasagawa sa paraang online
kwestyuner o tinatawag na google form. Ang epekto ng kahirapan sa edukasyon ng mga
mag-aaral ng GAS-Criminology baitang 11 sa PHINMA-Cagayan De Oro College Puerto
Campus ay gagawing paksa ng sarbey.

3.6 Pangongolekta ng datos (daloy o proseso sa pagkalap, pagsaayos, at pag-analisa nito.)

Una, kailangan mangolekta ng Pagkatapos masagutan ng mga Pagkatpos nito, ipapaliwanag


impormasyon mula sa mga mag- respondente ang mga tanong. Ito ay kung ano ang ibig sabihin ng
aaral ng baitang 11 General kukunin at susuriin ang mga sagot. datos at kung paano
Academic Strand sa PHINMA- Kokolektahin ang nakuhang resulta sa nakakaapekto ang kahirapan
COC Puerto Campus sa paraang bawat tanong, isasa-ayos ang bawat sa mga mag-aaral. Sa huli,
Online Kwestyuner/Google tanong ipapaliwanag ang resulta ng gagawing madali
Forms. bawat talahanayan. maunawaan ang datos sa
pamamagitan ng paggamit
ng deskriptibong paliwanag,
at magbibigay ng mga
rekomendasyon sa
konklusyon ayon sa resulta
ng nalaganap na datos sa
epekto ang kahirapan sa mga
mag-aaral.
KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at impormasyon


sa limampung respondenteng mag-aaral ng General Academic Strand-Criminology
baitang 11 sa PHINMA-Cagayan De Oro College Puerto Campus.

TALAHAYAN 1

Naapektuhan ang aking pag-aaral ng kahirapan.

ISKALA BILANG NG BAHAGDA


RESPONDENTE

SUMANG-AYON 39 78%

HINDI SUMANG-AYON 11 22%

KABUUAN 50 100%

Ang talahayan 1 ay nagpapakita na ang kahirapan ay may epekto sa


kanilang pag-aaral. Sa limampung mag-aaral na sumagot sa katanungan na ito, 78% sa
kanila ang sumang-ayon na na-apektuhan ang kanilang pag-aaral ng kahirapan. 22%
naman sa kanila ang hindi sumang-ayon na may epekto ang kahirapan
TALAHANAYAN 2

Epekto ng kahirapan sa kinabukasan ng mga mag-aaral

ISKALA BILANG NG BAHAGDA


RESPONDENTE

SUMANG-AYON 32 64%

HINDI SUMANG-AYON 18 36%

KABUUAN 50 100%

Ang talahanayan 2 ay nagpapakita ng pananaw ng mga mag-aaral sa GAS-


Criminology baitang 11 SA PHINMA-Cagayan De Oro College PUERTO kung may
epekto ba ang kahirapan sa kinabukasan. Sa bilang na 50 na tumugon, 36% sa kanila ang
hindi sumang-ayon na may epekto ang kahirapan sa kinabukasan. Habang 32/64% naman
sa kanila ang sumang-ayon na may epekto ang kahirapan sa kinabukasan.

TALAHANAYAN 3

Magandang epekto/dulot ang kahirapan sa kin bilang mag-aaral, kagaya ng mga


oportunidad na natanggap ko dahil sa aking kinahaharap na sitwasyon.

ISKALA BILANG NG BAHAGDA


RESPONDENTE

SUMANG-AYON 39 78%

HINDI SUMANG-AYON 11 22%

KABUUAN 50 100%

Sa talahanayan na ito ay merong 78% respondente ang sumasang-ayon na


may magandang epekto/dulot ang kahirapan sakanila bilang Isang mag-aaral. Merong
namang 22% respondente ang hindi sang-ayon na may magandang epekto/dulot ang
kahirapan sakanila bilang Isang mag-aaral. Karamihan dito ay sang-ayon na may
magandang epekto/dulot ang kahirapan.

TALAHANAYAN 4
Mga mag-aaral na hindi naging balakid ang kahirapan sa kanilang pag-aaral

ISKALA BILANG NG BAHAGDA


RESPONDENTE

SUMANG-AYON 40 80%

HINDI SUMANG-AYON 10 20%

KABUUAN 50 100%

Ang talahanayan 4 ay nagpapakita ng pananaw ng mga mag-aaral sa GAS-


Criminology baitang 11 Sa PHINMA-Cagayan De Oro College Puerto kung bilang isang
mag-aaral ba ay hindi naging balakid ang kahirapan sa kanilang pag-aaral. Sa bilang na
50 na tumugon, 80% sa kanila ang sumang-ayon at may paniniwala na ang kahirapan ay
hindi dapat maging hadlang sa pag-aaral. Habang 20% naman sa kanila ang hindi
sumang-ayon dahil sa paniniwalang ang kahirapan ay maaaring makaapekto sa kalusugan
ng isip at akademikong pagganap.

TALAHANAYAN 5

Dahil sa kahirapan na aking kinahaharap ay may negatibong epekto sa aking pang-


akademikong pagganap katulad ng pagkakaroong mababang mga marka ng pagsusulit,
madalang pagdalo sa mga klase, mababang motibasyon at limitadong pag-akses sa mga
mapagkukunang pang-edukasyon.

ISKALA BILANG NG BAHAGDA


RESPONDENTE

SUMANG-AYON 29 58%

HINDI SUMANG-AYON 21 42%

KABUUAN 50 100%

Ang talahayan 5 ay nagpapakita ng pananaw ng mga mag-aaral sa


GAS-Criminology baitang 11 sa PHINMA - Cagayan De Oro College Puerto. Ang mga
mag-aaral ay nagpapakita ng negatibong epekto sa ating pang-akademikong pagganap. Sa
bilang na 50 may tumugon 58% na sumang-ayon dahil sila ay na hihirapan mag balansi
ng kanilang oras sa pag-aaral oh di kaya sila ay nahihirapan sa pag iintindi sa klase.
Habang 42% naman ang hindi sumang-ayon dahil karamihan sa kanila ay kaya lang
nilang mag balansi nang kanilang oras.

TALAHANAYAN 6

May kinalaman ang kahirapan kung bakit pinili ang General Academic Strand-
Criminology

ISKALA BILANG NG BAHAGDA


RESPONDENTE

SUMANG-AYON 34 68%

HINDI SUMANG-AYON 16 32%

KABUUAN 50 100%

Sa talahanayang 6 nagpapakita na ang kahirapan ay may kinalaman


sa pagpili ng kursong GAS-Crminology ng mga baitang 11. Ayon sa talahanayang ito ay
may 68% ng mga respondente ang sumasang-ayon na ang kahirapan ay may kinalaman
sa kanilang pagpili ng strand. At merong namang 32% ang hindi sumasang-ayon na dahil
sa kahirapan ay pinili bila ang strand na ito.
TALAHANAYAN 7

May epekto ang kahirapan sa aking pagpapabuti bilang isang mag-aaral.

ISKALA BILANG NG BAHAGDA


RESPONDENTE

SUMANG-AYON 32 64%

HINDI SUMANG-AYON 18 36%

KABUUAN 50 100%

Sa talahanayan na ito, ang kahirapan ay may epekto sa pagpapabuti ng


iyong pag-aaral. Ayon sa mga sumasang-ayon, 32% respondente ang sumang Ayon na
ang kahirapan ay may negatibong impluwensya sa kanilang pag-aaral. Habang 18%
respondante naman ang hindi sumang ayon. Marame sa respondente ang sumang ayon na
ang kahirapan ay maaaring maging sanhi ng pagpapabuti ng iyong pag-aaral

TALAHANAYAN 8

Na impluwensyahan ng kahirapan ang mga oportunidad ko sa edukasyon.

ISKALA BILANG NG BAHAGDA


RESPONDENTE

SUMANG-AYON 29 58%

HINDI SUMANG-AYON 21 52%

KABUUAN 50 100%

Ang talahanayan 8 ay nagpapakita na na-impluwensyahan ng kahirapan


ang mga oportunidad ko sa edukasyon. Ayon sa talahanayan na ito, sa lahat ng 50
respondente/mag-aaral ang nakilahok sa pagsagot sa sarbey. 42% na mag-aaral sa kanila
ang hindi sumang-ayon nana impluwensyahan ng kahirapan ang mga oportunidad nila sa
edukasyon. 58% na bilang naman ang sumang-ayon na ang kahirapan na kanilang
kinahaharap ay may impluwensya sa kanilang edukasyon.
TALAHANAYAN 9

Sang-ayon ako na ang edukasyon ang magiging solusyon ng kahirapan.

ISKALA BILANG NG BAHAGDA


RESPONDENTE

SUMANG-AYON 43 86%

HINDI SUMANG-AYON 7 14%

KABUUAN 50 100%

Ang talahanayan 9 ay nagpapakita ng pananaw ng mga mag-aaral sa GAS-


Criminology baitang 11 SA PHINMA-COC PUERTO kung Sang-ayon ba sila na ang
edukasyon ay ang solusyon ng kahirapan. Sa bilang na 50 na tumugon, 14% sa kanila ang
hindi sumang-ayon na an edukasyon ay ang solusyon ng kahirapan. Habang 86% naman
sa kanila an sumang-ayon na ang edukasyon ay magiging solusyon sa kahirapan.
KABANATA V

LAGOM KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

5.1 LAGOM

Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang matukoy at masuri ang epekto ng


kahirapan sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Nais na matukoy ng mga mananaliksik kung
positibo o negatibo ba ang epekto ng kahirapan sa mga mag-aaral, at pakay na masuri ng
pag-aaral na ito ano ang mga naging epekto ng kahirapan sa mga mag-aaral. At
makakapagbigay rekomendasyon sa suliranin na ito. Gumamit ang mananaliksik ng
deskriptibong kuwalitatibo bilang disenyo ng pananaliksik. Sa paraang online kwestyuner
o tinatawag na Google Form ibinahagi ng mga mananaliksik ang kanilang mga
talatanungan sa mga respondente. Napabilang 50 na respondente ang nakilahok sa
pagsagot ng sarbey na nag-mula sa ikalabing-isa baitang na kumuha ng General
Academic Strand-Criminology sa PHINMA-Cagayan De Oro College Puerto. Sa pag-
sagot ng mga respondente sa mga katanungan, ang iba sa kanila ay sumang-ayon na may
epekto ang kahirapan sa kanilang pag-aaral. Masasabing may epekto ang kahirapan sa
iba’t-ibang aspeto sa Edukasyon ng mga mag-aaral.

5.2 KONKLUSYON

Sa pag-aaral na ito ay na diskobre natin ang iba't-ibang epekto na dulot ng


kahirapan sa mga mag-aaral na nasa baitang 11 ng General Academic Strand. Isinagawa
natin ang pag-aaral na ito dahil sa layuning malaman kung ano nga ba ang maaaring
maging epekto ng kahirapan sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Tayo ay nangongolekta ng
mga Datos upang ating malaman kung ano nga ba ang Iba't-ibang epekto ng kahirapan.
Ang mga mananaliksik ay gumawa ng sarbey para sa mga mag-aaral ng General
Academic Strand baitang 11. Sa sarbey na isinagawa nakita ang iba't-ibang sagot ng mga
mag-aaral. Dito nakita ano nga ba ang naging epekto ng kahirapan sa pag-aaral. Sa mga
katanungan na naka paloob sa sarbey ay iba't-ibang sagot ang ating na kolekta dahil
merong sumasang-ayon at meron namang hindi. Ang mga sagot na nakolekta ay
nagpapakita na may mga mag-aaral na sumasang-ayon sa mga epekto ng kahirapan sa
kanilang pag-aaral, samantalang may iba naman na hindi sumasang-ayon. Ang
pagkakaiba ng mga sagot na ito ay nagpapakita na ang epekto ng kahirapan sa edukasyon
ay maaaring magkakaiba depende sa bawat indibidwal na mag-aaral. Mahalagang
ipagpatuloy natin ang pag-aaral na ito upang mas lalo pa nating maunawaan ang mga
epekto ng kahirapan sa edukasyon at mahanap ang mga solusyon na makakatulong sa
ating mga mag-aaral.

5.3 REKOMENDASYON

Kaugnay ng isinasagawang pag-aaral, buong pagkukumbabang iminumungkahi ng mga


mananaliksik sa mga Guro, mga magulang, mga mag-aaral ang mga sumusunod na
rekomendasyon:

PARA SA MGA MAG-AARAL- Dapat may pantay na acces sa edukasyon. Mahalaga ito
dahil nagbibigay ito ng pagkakataon para sa lahat ng mag-aaral na magkaroon ng acces at
oportunidad sa edukasyon ano man ang socioeconomic background. Pantay na edukasyon
ay nagbibigay pagkakataon sa mga mag-aaral na mapalago ang kanilang kakayahan at
potensyal. Ang pantay na edukasyon din ay makakatulong sa pag-unlad ng lupinan, ito ay
makakatulong sa mga mag-aaral na maging isang propesyunal na mag-aambag sa pag-
unlad ng bansa

PARA SA MGA MAGULANG- Patuloy na gabayan ang kanilang mga anak para sa mas
epektibong pag-aaral. Magbigay ng patuloy na suporta at tulong upang matiyak ang
tagumpay sa akademiko ng kanilang mga anak. Ang mga magulang ay kailangan
supportado sila sa kanilang mga anak dahil ito ay nagbibigay diin sa mahalagang papel
ng mga magulang sa pagtulong at paggabay sa kanilang mga anak para sa mas
epektibong pag aaral. Ang ganitong suporta mula sa mga magulang ay mahalaga upang
matiyak ang tagumpay at pag unlad ng kanilang mga anak sa larangan ng edukasyon.

PARA SA MGA SUSUNOD NA MANANALIKSIK- Dapat may Pangkalahatang Pag-


unawa. Ang mga mananaliksik sa hinaharap ay dapat maghangad ng komprehensibong
pag-unawa sa mga salik na sosyo-ekonomiko na nag-aambag sa kahirapan at kung paano
ito nakakaapekto sa edukasyon. Kabilang dito ang pag-aaral sa epekto ng kahirapan sa
pag-access sa de-kalidad na edukasyon, mga mapagkukunang pang-edukasyon, at mga
resulta ng pag-aaral.
LEADER’S RATINGS

LEADER: IPONG, QUEEN MARGARETTE B.

PANGALAN 10PTS. PARA 10PTS. PARA 10pts. PARA 10pts. PARA KABUUAN
SA SARBEY REBERSA SA SA SA
KABANATA KABANATA KABANATA
1-3 4 5

Emilia, Blessel Valle 10 10 10 10 40

Emuelin, Devy Joy M. 10 10 10 10 40

Entera, Jane Leslie S. 10 10 10 10 40

Fabrigas, Jarens 5 10 4 4 23

Felecia, Rhian A. 10 10 10 10 40

Fey, Bruce 5 10 4 4 23

Flores, Jamie D. 10 10 10 10 40

Gumapac, Ronald 10 10 4 10 34

Idong, Mitchel P. 10 10 10 10 40

Lambus, Jazmine C. 10 10 10 10 40

Lingatong, Raizza Mae 10 10 10 10 40

You might also like