FIL REP

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Tolentino: Magandang magandang hapon sa inyong lahat! Lalo na sa ating guro na si Gng. Sister.

Añasco: Kami ang pangkat tatlo at narito kami upang mag-ulat patungkol sa isang uri ng ponema.

Talaman: mayroong dalawang uri ng ponema ngunit kami ay magpopokus sa larangan ng ponemang
suprasegmental.

Jocson: Simulan na natin! Ano nga ba ang Ponemang Suprasegmental? Jocson: Maaari mo bang
ipaliwang kung ano ito, Flores?

Flores: Oo naman, Jocson. Ang Ponemang Suprasegmental ay makahulugang tunog. Ginagamit sa


pagbigkas ng mga salita upang higit na maging mabisa ang pakikipagtalastasan.

Mabitado: Tama ka riyan, Flores. Matutukoy rin natin ang layunin o intensyon ng pahayag o ng
nagsasalita sa pamamagitan ng diin, tono o intonasyon, at antala o hinto sa pagbibigkas at
pagsasalita.

Tolentino: Maraming salamat sa inyong dalawa. Ngayon ay atin namang takuyin ang mga paraan ng
pagbigkas. Simulan mo na, Mandras.

Mandras: Una, pag-usapan natin ang diin. Ang diin ay tumutukoy sa pagbibigay ng lakas sa bawat
pantig ng isang salita.

Asajar: Tama ka, Mandras! Ang diin ay isang mahalagang konsepto sa wika. Kapag nagbago ang
diin ng isang salita, nagbabago rin ang kahulugan nito.

Callueng: Tiyak na napakahalaga pala ng ginagampanan ng diin sa pagsasalita! Tingnan natin ang
ilang mga halimbawa na nasa harapan at siyasatin ang pagkakaiba ng kahulugan nito. (Basahin yung
nasa board)

Gremio: Talakayin naman natin ang Tono o Intonasyon. Nagpapalinaw ito ng mensahe o intensyong
nais ipabatid sa kausap.

Jocson: Sa pagsasalita nito ay mababa, katantaman, at mataas na tono. Maaaring gamitin ang bilang 1
sa mababa, bilang 2 sa katamtaman, at bilang 3 sa mataas.

Añasco: Paano naman kaya ito ginagamit? Mayroon din tayong ilang mga halimbawa para sa (Tono).
Maari bang pakibasa ng klase?

Flores: Magtungo naman tayo sa antala o paghinto kung tawagin. Ito ang saglit na pagtigil sa
pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensahe. Maaari tayong gumamit ng mga simbolo
rito. Gaya na lamang ng kuwit at gitling.

Jocson: narito ang ilang mga halimbawa ng paghinto o antala. (Ituro at basahin yung nasa board)

Talaman: Bago matapos ang aming pag-uulat, mayroon kaming inihandang palaro upang malaman
kung mayroon nga ba kayong natutunan saaming iniulat.
(ONGOING NA PALARO)

Tolentino: Doon lamang po nagtatapos ang aming pag uulat. Maraming salamat sa inyong taimtim na
pakikinig.

You might also like