Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

LESSON 6

PAMILIHAN AT MGA ESTRUKTURA

PAMILIHAN
• lugar kung saan nakakamit ng konsyumer ang sagot sa marami niyang pangangailangan at kagustuhan
at ang prodyuser ang siyang tagapagtustos ng mga serbisyo at produkto upang ikonsumo ng mga tao.

2 AKTOR

KONSYUMER
• bumibili ng mga produktong gawa ng mga prodyuser

PRODYUSER
• ang gumagawa naman ng mga produktong kailangan ng mga konsyumer sa pamamagitan ng salik ng
produksiyon

• Ayon kay GREGORY MANKIW, ang pamilihan ang nag-aayos ng ugnayan ng konsyumer at prodyuser
• Ayon kay ADAM SMITH, ang presyo ang 'invisible hand' na siyang gumagabay sa ugnayan ng
konsyumer at prodyuser

IBA'T IBANG URI NG PAMILIHAN

• PANLOKAL - sari-sari store


• PANREHIYON - mga nagbebenta ng mga produktong panrehiyon ( abaka ng Bikol, dried fish ng Cebu,
durian ng Davao, atbp )
• PAMBANSA - ang bigas ay bahagi ng pambansa at pandaigdigang pamilihan

Ang mga produktong online ay maaaring alinman sa mga ito.

MGA ESTRUKTURA
• ito ay tumutukoy sa balangkas na umiiral sa sistema ng merkado kung saan ipinapakita ang ugnayan ng
konsyumer at prodyuser.
• nakabatay sa bilang ng konsyumer at prodyuser

2 ESTRUKTURA NG PAMILIHAN

• pamilihang may ganap na kompetisyon


• pamilihang hindi ganap ang kompetisyon
PAMILIHANG MAY GANAP NA KOMPETISYON

• isang uri ng pamilihan na kung saan ang sinumang negosyante ay may lubos na kapangyarihan
na makipagkompetisyon sa mga kapwa negosyante

• kinikilala bilang modelo o ideal, walang sinoman sa prodyuser at konsyumer ang maaaring
makakontrol sa takbo ng pamilihan partikular sa presyo

• maraming maliit na konsyumer at prodyuser :

walang kakayahan na mainpluwensiyahan ang presyo na pabor sa interes ng sinuman

• magkatulad ang produkto

dahil maraming magkakatulad, marami ring pagpipilian na bilihin

• ang presyo ay idinidikta ng interaksyon ng demand at suplay

ang presyo ay HINDI desisyon lamang ng isa o indibidwal na suplayer o konsyumer

• malayang paggalaw ng sangkap ng produksyon

dahil walang iisang may kontrol sa mga salik ng produksyon, maraming makukuhaan ng salik kaya
dadami ang produksyon

• malayang pagpasok at paglabas sa industriya

lahat ay maaaring magnegosyo na naghihikayat ng kompetisyon na magpapataas ng kalidad at tamang


presyo

• malaya ang impormasyon ukol sa pamilihan

ang pagtatakda ng presyo at dami ay bukas para sa kaalaman ng lahat.


LESSON 7

PAMILIHANG HINDI GANAP ANG KOMPETISYON

• tinatawag kung wala ang anumang kondisyon o katangian na matatagpuan sa pamilihang may
ganap na kompetisyon.
• ang lahat ng prodyuser ay may kapangyarihang maimpluwensiyahan ang presyo sa pamilihan

MGA PAMILIHAN
• MONOPOLYO
• MONOPSONYO
• OLIGOPOLYO
• MONOPOLISTIC COMPETITION

MONOPOLYO
• uri ng pamilihan na iisa lamang ang prodyuser na gumagawa ng produkto o nagbibigay serbisyo kung
kaya't walang pamalit o kahalili. Dahil dito, siya ay may kakayahang impluwensiyahan ang pagtatakda ng
presyo sa pamilihan.

• ang mga konsyumer ay napipilitang tanggapin na lamang ang pagiging makapangyarihan ng mga
monopolista.

• ang MAY HAWAK NG KAPANGYARIHAN ay ang PRODYUSER

• ang KATANGIAN NG PRESYO ay ITINATAKDA

• iisa ang nagtitinda - ang presyo at dami ng supply ay idinidikta, batay sa tinatawag na profit max rule o
pagnanais ng prodyuser na makakuha ng malaking kita

• produkto na walang kapalit - ang mga produkto ay walang kauri kaya nakokontrol ang presyo at dami
ng supply

• kakayahang hadlangan ang kalaban - gamit ang Intellectual Property Rights : patent, copyright, at
trademark. Dahil dito, hindi makakapasok ang ibang nais na maging bahagi ng industriya na kaparehas sa
hanay ng produkto at serbisyong nililikha ng mga monopolista

Copyright - tumutukoy sa karapatang pagmamay-ari ng isang tao na maaaring kabilang ang mga akdang
pampanitikan o akdang pansining
Patent - pumoprotekta sa mga imbentor at kanilang mga imbensiyon

Trademark - paglalagay ng mga simbolo o marka sa mga produkto at serbisyo na siyang nagsisilbing
pagkakakilanlan ng kompanyang may gawa o nagmamay-ari nito

NATURAL MONOPOLY

• iyong mga kompanyang binibigyang-karapatan na magkaloob ng serbisyo sa mga mamamayan

• kaya nilang gawin ang mga produkto at serbisyo sa mas mababang gastos kaysa sa kumuha pa ng mas
maraming kompanya

halimbawa : kompanya ng koryente sa aspekto ng transmission, tubig, tren.

MONOPSONYO
• mayroon lamang iisang mamimili ngunit maraming prodyuser ng produkto at serbisyo.

• may kapangyarihan ang konsyumer na mainpluwensiyahan ang presyo sa pamilihan

• dahil ang pamahalaan ang nag-iisang kumukuha ng serbisyo bilang empleyado, ito ay may direktang
kapangyarihan sa pagtatakda ng halaga ng pasahod sa mga ito.

• ang MAY HAWAK NG KAPANGYARIHAN ay ang KONSYUMER

• ang KATANGIAN NG PRESYO ay ITINATAKDA

halimbawa : pamahalaan na nag-iisang kumukuha ng serbisyo at nagpapasahod sa mga pulis, sundalo,


bumbero, traffic enforcer, atbp

OLIGOPOLYO
• may maliit na bilang o iilan lamang na prodyuser ang nagbebenta ng magkakatulad o magkakaugnay
na produkto at serbisyo.

• may kakayahan ang prodyuser na maimpluwensiyahan o madiktahan ang presyo na umiiral sa


pamilihan.

• maaari rin nilang gawin ang hoarding o ang pagtatago ng produkto upang magkulang ang supply sa
pamilihan na magdudulot ng pagtaas ng pangkalahatang presyo

• ang MAY HAWAK NG KAPANGYARIHAN ay ang PRODYUSER

• ang KATANGIAN NG PRESYO ay ITINATAKDA

Collusion - pagkontrol o sabwatan ng mga negosyante na nagaganap partikular na sa presyo sa ilalim ng


kartel o samahan ng mga oligopolista

Kartel - nangangahulugang pagkakaroon ng alliances of enterprises

• Ayon kay Adam Smith, ang mga negosyante ay hindi aktuwal na nagkikita upang pag-usapan ang takbo
ng kanilang mga negosyo subalit sila ay nagkakaroon ng pagkakaunawaan sa pamamagitan ng sabwatan
sa pagtatakda ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan.

halimbawa : semento, bakal, ginto, at petrolyo

MONOPOLISTIC COMPETITION
• maraming kalahok na prodyuser ang nagbebenta ng mga produkto sa pamilihan subalit marami rin ang
mga konsyumer.

• may kapangyarihan pa rin sa pamilihan ang mga prodyuser na magtakda ng presyo ng kanilang mga
produkto

• ang MAY HAWAK NG KAPANGYARIHAN ay ang PRODYUSER at KONSYUMER

• ang KATANGIAN NG PRESYO ay ITINATAKDA

• dahil sa PRODUCT DIFFERENTIATION, ang katangian ng mga produkto na ipinagbibili ay


magkakapareho ngunit hindi eksaktong magkakahawig.

• Ang kanilang pagkakapareho ay maaari sa uri ng produkto


Product Differentiation - ginagawa ng mga prodyuser sapagkat ang kanilang layunin ay kumita at mas
makilala ang kanilang mga produkto

Advertisement - pang-aanunsiyo ay isang mabisang pamamaraan na ginagamit ng mga prodyuser upang


maipakilala ang kanilang mga produkto at serbisyo

halimbawa : shampoo, sabon, toothpaste

LESSON 8
UGNAYAN NG PAMILIHAN AT PAMAHALAAN

PAMAHALAAN : buwis & subsidy ( tulong )

Price Stabilization Program - inisyatibo ng gobyerno upang mapanatili ang presyo ng mga pangunahing
produkto na abot-kaya

Implasyon - patuloy na pagtaas ng halaga ng bilihin

PAGKONTROL SA PRESYO
1. Price Ceiling
2. Price Floor

PRICE CEILING
• maximum price policy
• pinakamataas na presyo na maaaring ipagbili ng mga prodyuser ang kanyang produkto; para
protektahan ang konsyumer

S.R.P. - Suggested Retail Price

• Ipinapatupad lalo na sa panahon ng krisis


• Price Freeze - ipinatupad sa panahon ng kalamidad upang ipagbawal ang pagtaas ng presyo sa
pamilihan

GRAPH
• ipinapatupad na mas mababa sa ekwilibriyong presyo

• Ekwilibriyong Presyo = 20;


Ekwilibriyong Dami ng Suplay at Demand ay 60
• Price Ceiling = 15; Demand ay tataas ng 90, Suplay ay bababa ng 30
• S < D = nagbubunga ang price ceiling ng shortage -> pag-aangkat

Department of Trade and Industry ( DTI ) - ahensya ng pamahalaan na nagsisiguro na ang presyo sa
pamilihan ay naaayos sa batas

• ang 'di pagsunod sa SRP ay paglabas sa Anti-Profiteering Law

PRICE FLOOR
• minimum price policy
• pinakamababang presyo na itinakda ng batas sa mga produkto at serbisyo; para protektahan ang
prodyuser, esp. agrikultura

GRAPH
• ipinapatupad na mas mataas sa ekwilibriyong presyo

• Ekwilibriyong Presyo = 10;


Ekwilibriyong Dami ng Suplay at Demand ay 100
• Price Floor = 15; Suplay ay tataas ng 150, demand ay bababa ng 50
• S > D = nagbubunga ang price floor ng surplus -> ang pamahalaan ang konsyumer

• nahirapang ibenta dahil sobrang mura ng bentahan ng sibuyas noon


• ang hiling nila ay bilhin na lang ng pamahalaan ang sobra

Minimum Wage - pinakamababang pasahod na naaangkop sa iba't ibang sektor na kinabibilangan ng


bawat probinsya

You might also like