Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

KABANATA I

PANIMULA

Introduksiyon

Ang panitikan ay isang mahalagang bahagi ng kultura ng bawat lahi. Ito ay

naglalarawan ng mga tunay na pangyayaring naganap at patuloy na nagaganap sa

isang lahi o bansa. Nagbibigay ito sa atin ng mga impormasyon upang maunawaan

ang mga kaugalian at uri ng pamumuhay ng iba't ibang tao sa iba't ibang lipunan.

Nagdudulot ito ng kaalaman na nagbubunga ng kaunlaran, maging pansarili man o

panlipunan. Masasabi rin na ang panitikan ay isang uri ng lakas na nagtutulak sa

atin upang kumilos. Sa anumang kaparaanan, ito ay nauugnay sa damdamin ng mga

tao upang makita ang katwiran at karunungan.

Ayon kay Azarias (2018), ang panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin

ng tao hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan, sa

pamahalaan, at sa kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang lumikha. Ang panitikan ay

buhay sapagkat ito ay repleksyon ng pamumuhay at pakikipamuhay ng mga tao sa

kanilang ginagalawang lipunan. Pinakikilos ng panitikan ang ating mga isip at

binibigyang-pintig nito ang ating puso.

Umusbong ang panitikan kasabay ng panahon at kasaysayan dahil na rin sa

matinding pangangailangan ng tao. Dahil sa panitikan, higit nating nakilala ang

ating lahing pinagmulan, ang mga karanasan, saloobin, at kaisipang humuhubog sa

ating pagkatao. Sa madaling salita, ang panitikan ay maituturing na “kahapon” ng

ating bansa. Sa pamamagitan ng mga akdang pampanitikan, mababasa rin natin ang

“ngayon” at ang “bukas” na naglalaman ng mga batayan ng kalinangan at identidad

nating mga Pilipino.

Sa pag-aaral ni Macan (2000), mayaman ang panitikang Filipino at ito’y hitik

sa karunungan mula sa malikhain at malikhaing isipan ng mga manunulat na

Filipino. Ang mga manunulat na ito, na nagmula sa ating mga ninuno, ay gumamit

ng kanilang talino upang tugunan ang maraming katanungan tungkol sa kalikasan


at kapaligiran. Dahil dito, nalikha nila ang ating mga maikling kwento sa iba't ibang

rehiyunal na wika, na sumasaklaw sa mga mito, epiko, alamat, kwentong bayan, at

katutubong awit at tula.

Ang pag-aaral ng panitikan ay may layuning makagising ng diwa ng mga

mambabasa batay sa kanilang paniniwala at pananaw sa buhay. Layunin din nito na

palawakin ang kanilang kaalaman tungkol sa ibang tao at madagdagan ang

pagkaunawa at kawilihan sa pagbasa at pagsusuri ng akda. Sa pamamagitan ng pag-

aaral ng panitikan, natutulungan ang mambabasa na kilalanin at pahalagahan ang

mga akdang pampanitikan.

Mula kay Baello et al., (2012) mahalagang maunawaan at madama natin ang

ating sariling panitikan dahil makatutulong ito upang makilala ang mga manunulat

at ang kanilang mga isinulat, at mapalalim ang ating pagpapahalaga at pagtangkilik

sa mga akda. Sinasabing ang tunay na panitikan ay yaong nagpapahayag ng

damdamin, panaginip, at karanasan ng sangkatauhan na nasusulat sa maganda,

makahulugan, at masining na paraan.

Ang mga Pilipino ay matulain, malikhain, mapagpahayag, mapanlikha, at

likas na mapagmahal sa panitikan. Sa pamamagitan ng panitikan, binubuhay ng mga

may-akda ang kasaysayan sa pamamagitan ng paglimbag nito sa pasulat na anyo, na

nabibigyang-buhay sa bawat pagbuklat ng mga pahina.

Isa sa panitikan natin ay ang maikling kwento. Ang maikling kuwento ay

isang akda ng mga manunulat na nagtatampok ng iba't ibang sining upang pukawin

ang ating guniguni at damdamin. Ito ay naglalaman ng mga elemento na

nagpapakita ng mga pangarap at tagumpay ng tao sa paghahanap ng kaligayahan.

Ayon kina Kraenkel (2003) at Wallen (2003), ang maikling kuwento ay

maaaring magdulot ng mga pagbabago sa buhay. Mula sa mga kuwento, nobela,

tula, at iba pang anyo ng panitikan, maraming aral ang maaaring mapulot ng mga

mambabasa.
Mula naman sa pagpapakahulugan nina Bayang at Go-Aco (2020) sa kanilang

ginawang pag-aaral na Mga obserbasyon ng Mga Kulturang Pambansang Pilipino

mula sa Mga aralin sa panitikang asyano sa filipino ng K12 grade 9 module na ang

maikling kuwento ay isang uri ng masining na pagsasalaysay. Ito ay naglalayong

magbigay aral, mangaliw, at pumukaw ng damdamin. Nagpapahiwatig na

mayaman ang akda sa panlipunang aspeto.

Ayon naman kay Dinglasan (2005), ang maikling kuwento ay isang akdang

pampanitikan na nasa anyong tuluyan. Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng mga

pangungusap at talata na maselan ang pagkakasulat, at madalas na nakatuon sa

buhay at karanasan ng pangunahing tauhan.

Sa mga pag-aaral nina Manforte (2015) at Ilagan (2020), napatunayan nila sa

pamamagitan ng mga dokumentaryong pagsusuri ang iba't ibang aspeto na

matutunghayan sa mga maikling kuwento, tulad ng tradisyon, relihiyon,

pamumuhay, at kaugalian ng mga tao. Ang mga kuwentong ito ay nagbibigay-

liwanag sa buhay sa kanilang lipunan at pagkakakilanlan ng kanilang lahi. Kaya’t

marapat lang na suriin ang mga akda na nakapaloob sa ating panitikan.

Ang panunuring pampanitikan ay hindi lamang nagmumungkahi ng

kahulugan sa mga pangyayari sa daigdig, kundi ito rin ay isang paraan ng pagsusuri

sa kabuuan ng tao—kasama ang kanyang anyo, ugali, kilos, paraan ng pagsasalita, at

pakikipag-ugnayan sa kapwa at sa lipunan.

Sa ilang kritiko, ibinibilang ang panunuri bilang isang agham ng teksto. Ito’y

inuugnay sa isang gawain ng mga kritiko na may pinaghahanguang mga iba’t ibang

teorya. Ito’y ginagawang esensyal na gawain sa pagsasanay na ginugugulan ng

maraming oras at panahon sa pagsusulat ng mapanuring pagpapahayag.

Maituturing na isang pagpapahayag ang panunuri na sa palagay ng nakararaming

kritiko ay hindi maaaring pasukin ng sinu-sino lamang na walang sapat na

paghahanda, at higit sa lahat, walang kakayahan. Sa ilang kritiko, ibinibilang ang

panunuri bilang isang agham ng teksto. Ito’y inuugnay sa isang gawain ng mga

kritiko na may pinaghahanguang mga iba’t ibang teorya. Ito’y ginagawang esensyal
na gawain sa pagsasanay na ginugugulan ng maraming oras at panahon sa

pagsusulat ng mapanuring pagpapahayag.

Maituturing na isang pagpapahayag ang panunuri na sa palagay ng

nakararaming kritiko ay hindi maaaring pasukin ng sinu-sino lamang na walang

sapat na paghahanda, at higit sa lahat, walang kakayahan. Sa ilang kritiko,

ibinibilang ang panunuri bilang isang agham ng teksto. Ito’y inuugnay sa isang

gawain ng mga kritiko na may pinaghahanguang mga iba’t ibang teorya. Ito’y

ginagawang esensyal na gawain sa pagsasanay na ginugugulan ng maraming oras at

panahon sa pagsusulat ng mapanuring pagpapahayag. Maituturing na isang

pagpapahayag ang panunuri na sa palagay ng nakararaming kritiko ay hindi

maaaring pasukin ng sinu-sino lamang na walang sapat na paghahanda, at higit sa

lahat, walang kakayahan.

Sa ilang kritiko, ibinibilang ang panunuri bilang isang agham ng teksto.

Ito’y inuugnay sa isang gawain ng mga kritiko na may pinaghahanguang mga iba’t

ibang teorya. Ito’y ginagawang esensyal na gawain sa pagsasanay na ginugugulan

ng maraming oras at panahon sa pagsusulat ng mapanuring

pagpapahayag.Maituturing na isang pagpapahayag ang panunuri na sa palagay ng

nakararaming kritiko ay hindi maaaring pasukin ng sinu-sino lamang na walang

sapat na paghahanda, at higit sa lahat, walang kakayahan.

Binanggit ni Dinglasan (2001) sa kanyang aklat “Kritisimong Pampanitikan”

na ang kariktan ng isang akdang pampanitikan ay masusukat sa pamamagitan ng

pagsusuri sa kabuuan at nilalaman ng mga ito. Sa ganitong paraan ang panunuri ay

isang uri ng paglalahad na nag-aanalisa, kumikilatis, tumitimbang, at nag-uugnay ng

isang paksa sa kasalukuyan.

Para kay San Juan (2005), ang pagsusuri ay hindi madali ngunit mahalaga.

Kadalasan, ang manunuri ay nag-iisip nang mabuti bago magbigay ng opinyon o

magsulat tungkol sa anumang teksto na nais bigyang-pansin. Ang layunin ng

pagsusuri ay magbigay ng balanseng paghuhusga sa kalakasan at kahinaan ng isang

akda, upang ang mambabasa ay makakuha ng mas malalim na kaalaman tungkol sa

likhang sining. Sa panunuring pampanitikan, naipaliliwanag ang mga mensahe at

layunin ng akda, at nagiging batayan ito para sa higit pang pag-unlad ng manunulat
at ng panitikan. Sa pamamagitan ng pagsusuri, natutuklasan din ang istilo ng

manunulat at iba pang aspeto ng kanyang sining.

Ang pagsusuri ay hindi pamimintas sapagkat ang pamimintas ay naglalaman

ng paninira, samantalang ang pagsusuri ay pangangatwiran o pagbubuo ng

kritisismo. Ito ay hindi lamang tumutukoy sa mga kahinaan o kakulangan ng isang

akda kundi pati na rin sa mga positibong katangian at mabubuting aspeto nito.

Layunin ng pagsusuri na ipakita ang kahalagahan ng isang sining, batay sa

kagandahan at kapintasan nito.

Batay kina Mabanglo at Baltazar (1979), ang pagsusuri ay isang masusing

pag-aaral na naglalayong itaas ang antas ng panitikan para sa kapakinabangan ng

mambabasa, manunulat, at sining. Ito'y isang proseso ng pagtatasa sa nilalaman ng

panitikan batay sa mga pamantayang pangkulturang kaalaman at mga prinsipyo ng

sining.

Ang panunuri ay isang esensyal na bahagi ng pagsasanay na

nangangailangan ng maraming oras at pagsisikap sa pagsusulat ng mapanuring

pagpapahayag. Ayon sa karamihan, ang panunuri ay isang proseso na hindi dapat

pasukin ng sinuman nang walang sapat na paghahanda at kakayahan. Para sa ilang

kritiko, ang panunuri ay itinuturing na isang agham ng teksto. Ito ay konektado sa

paggamit ng iba't ibang teorya ng mga kritiko sa kanilang gawain. Isa sa mga dulog

na ginagamit ng ilang kritiko ay ang teoryang realismo. Ayon kay Pañares (2011) ang

realismo ay sukdulan ng katotohanan, higit na binigyang pansin o pinapahalagahan

nito ang katotohanan kaysa kagandahan. Batay kay Battad (2014), ito ay tumatalakay

sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na

nangyayari sa lipunan tulad ng katiwalian, korapsyon, prostitusyin, kahirapan at

diskriminasyon.

Ang sabi ni Matammu (2022), ang realismo ay hango sa totoong buhay, ang

nga natatanging karanasan na magbibigay inspirasyon, aral at pagmamatuwid ay

nakadaragdag ng pagtahak sa totoong buhay. ipinapakita ng realismo ang ugnayan

ng mga salita sa buhay sa pamamagitan ng representasyon ng kaisipan at

kasaysayan ng tao, (Taghizadeh, 2014).


Mula kay Atalia (2014), ang layunin ng teoryang realismo ay magpakita ng

mga karanasan ng bawat tao at nasaksihan ito ng mga may-akda sa kanyang

lipunan. Ang mga may-akda ay gumagamit ng kanilang sariling obserbasyon at

karanasan bilang batayan ng kanilang mga kwento, na naglalayong itaas ang

kamalayan ng mga mambabasa sa mga isyung panlipunan tulad ng kahirapan,

diskriminasyon, at korapsyon.

Layunin ng pag-aaral na ito na masuri ang mga pangunahing tema sa mga

piling maikling kwento gamit ang teoryang realismo at matukoy ang mga isyung

panlipunan na ipinepresenta sa akda.

Teoritikal/Konseptwal na Balangkas

Ayon kay Abrams (1999), ang realismo ay isang kilusang pampanitikan na

nagmula noong ika-19 na siglo na naglalayong ilarawan ang buhay ng tao at lipunan

sa isang tapat at walang kinikilingang paraan. Ang pangunahing layunin nito ay

magbigay ng tumpak na representasyon ng realidad sa pamamagitan ng

detalyadong paglalarawan ng mga tauhan, pangyayari, at kapaligiran. Ipinaglalaban

ng teoryang realism ito sa katotohanan kaysa kagandahan dahil mas nagpopokus

ang teoryang ito sa mga makatotohanang pangyayari sa ating lipunan maging sa

mga problema o suliranin at isyung kinakaharap ng bawat mamamayan.

Makikita sa ibaba ang balangkas kung paano gagawin ang pagsusuri. Una

kailangan pumili ng mga piling maikling kwento na nanalo sa Palanca. Sunod ay ang

pagbabasa at pagsusuri ng maikling kwento kung saan sisipiin ang ilang pahayag sa

kwento at iaanalisa ito gamit ang teoryang realismo. Sa huli ay ang paglalaahd ng

mga nasuring pahayag sa maikling kwento gamit ang teorya.


Pagbabasa at
pagsusuri sa mga
piling maikling
Pagpili ng mga kwento.
maikling kwento na
nanalo sa Palanca
Pagsisipi at pag- Paglalahad sa mga
1. Ang Kalupi
analisa ng ilang natukoy na pahayag
2. Sandaang Damit pahayag na sa mga piling maikling
3. Mapanglaw ang nagpapakita ng kwento na
Mukha ng Buwan realismong ideya at nagpapakita ng
makatotohanang makatotohanang
4. Mabangis na
pahayag. pangyayari sa lipunan.
Lungsod
5. Si Intoy Syokoy ng
Kalye Marino Paglalahad nd dahilan
kung bakit nakitaan
ito ng teoryang
realismo.

Figyur 1. Iskematik Dayagram ng Pag-aaral


Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa pagsusuri ng mga pangunahing tema

sa mga piling maikling kwento gamit ang teoryang realism at masagutan ang mga

sumusunod:

1. Ano ang pangunahing tema na lumilitaw sa mga piling maikling kwento?

1.1. Ang Kalupi

1.2. Sandaang Damit

1.3. Mapanglaw ang Mukha ng Buwan

1.4. Mabangis na Lungsod

1.5. Si Intoy Syokoy ng Kalye Marino

2. Paano inilahad sa mga piling maikling kwento ang mga temang ito upang

masalamin ang mga tunay na isyung panlipunan?

3. Paano inilarawan ng mga may-akda ang mga tauhan sa mga piling maikling

kwento?

4. Ano ang implikasyon sa paggamit ng dulog realismo sa pananaw sa mga isyung

panlipunan?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay kapaki-pakinabang sa mga sumusunod na

personalidad:

MAED na mag-aaral

ang pananaliksik na ito ay hindi lamang nagdaragdag ng kaalaman sa

panitikan, kundi pati na rin sa kakayahang mag-isip nang kritikal, magturo nang

epektibo, at magbigay ng mas makabuluhan at sensitibong edukasyon sa kanilang

mga estudyante.
Mga Mananaliksik

Nakakatulong sa pag-unlad ng mga pamamaraan at teorya na magagamit ng

mga mananaliksik sa kanilang mga pag-aaral at pagsusuri.

Manunulat

Ito ay magsisilbing inspirasyon sa mga manunulat upang ipagpatuloy ang

kanilang paglikha ng mga akda na may kapupulutang aral para sa mga mag-aaral at

mambabasang interesado sa panitikan

Saklaw ng Pag-aaral

Ang pag-aaral ay nakatuon sa pagsusuri ng mga piling maikling kwento na

nanalo sa Palanca Awards gamit ang teoryang realismo, na naglalayong tukuyin at

unawain kung paano inilalarawan ng mga akdang ito ang tunay na kalagayan ng

lipunan, mga temang panlipunan, at karanasan ng mga tauhan. Ang saklaw ay

sumasaklaw sa tiyak na mga maikling kwento na pinili batay sa kanilang prestihiyo

at representasyon ng realistikong paglalarawan ng buhay.

Katuturan ng mga Termino

Upang mas maging malinaw at maintindihan ang pananaliksik na ito,

inilahad ng mananaliksik ang kahulugan ng mga sumusunod na salita:

Maikling Kwento - ang maikling kwento ay isang pinasimpleng naratibo na

naghahatid ng isang kumpleto at makabuluhang karanasan. Pinipino nito ang mga

kumplikadong tema at emosyon sa isang masikip na anyo, na nagbibigay sa mga

mambabasa ng isang makapangyarihang snapshot ng buhay o kalikasan ng tao,

(Gass, 1991).

Pagsusuri - Pagsusuri ay ang proseso ng maingat at sistematikong pag-aaral ng isang

bagay upang maunawaan ang mga bahagi nito at ang kanilang relasyon sa isa't isa,

at upang makuha ang kabuuang kahulugan o epekto nito (Oxford University Press,

2010).

Panitikan - Ang panitikan ay tumutukoy sa mga sining ng pagsulat na naglalaman

ng mga ideya, naratibo, at pahayag na may artistic at kultural na kahulugan.


Kabilang dito ang mga anyo tulad ng tula, nobela, at maikling kwento, na lahat ay

gumagamit ng wika upang ipahayag ang karanasan ng tao, (Leitch, 2001).

Teoryang Realismo - Ang teoryang realismo ay tumatalakay sa katotohanan sa

lipunan. Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad

ng katiwalian, korapsyon, prostitusyin, kahirapan at diskriminasyon, (Battad, 2014).


KABANATA II

METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik

Kwalitatib-Diskriptib ang ginamit sa pag-aaral para mailarawan at mailahad

nang mabuti ang mga ispisipikong mga pangyayari sa kwentong sinuri. Limang

piling maikling kwento mula sa Palanca ang ginamit sa pag-aaral at gagamitin ang

teoryang realismo sa pagsusuri ng tema, pangyayari at pagkilala sa mga

pangunhaing tauhan.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay gumamit ng limang piling akda na nanalo sa Palanca.

Ito ay ang Ang Kalupi ni Benjamin Pascual, Sandaang damit ni Fanny Garcia,

Mapanglaw ang Mukha ng Buwan at Mabangis na Lungsod ni Efren Abueg at Si

Intoy Syokoy ng Kalye Marino ni Eros Atalia. Ang koding ng mga maikling kwento

ay MK1 para sa Ang Kalupi, MK2 para sa Sandaang Damit, MK3 para sa Mapanglaw

ang Mukha ng Buwan, MK4 para sa Mabangis na Lungsod at MK4 para sa Si Intoy

Syokoy ng Kalye Marino.

Pamamaraan sa Pagkalap ng Datos

Sa pagsusuring ito, ang tagasuri ay nangalap ng iba’t ibang akdang maaaring

suriin gamit ang teoryang realismo muli sa internet. Nang makahanap na ng limang

maikling kuwento ay binasa ito nang mabuti at sinuri base sa suliraning nais bigyan

ng kasagutan upang malaman ang mga pangunahing tema, kwento, at konteksto ng

bawat kuwento. Kinilala ang mga karanasan ng mga pangunahing tauhan na may

kaugnayan sa teoryang realismo katulad ng kahirapan at diskriminasyon at kung

paano sumasalamin ang tema sa tunay na isyung panlipunan.


MGA SANGGUNIAN

Abrams, M. H. (1999). A Glossary of Literary Terms. Heinle & Heinle p. 260-261.

Atalia (2014). Nakuha mula sa

https://www.researchgate.net/publication/

357527335_Katotohan_sa_likod_ng_sandaang_damit_sipat-

suri_sa_mga_isyu_pangkahirapan_na_nakapaloob_sa_akda_ni_Fanny_A_Ga

rcia/link/61d28997d450060816867363/

Azarias, H. (2018). Ang Panitikan ay Pagpapahayag ng Damdamin ng Tao. Nakuha

mula sa https://www.researchgate.net/publication/356426508

_Ang_Pagtuturo_ng_Wika_at_Panitikang_Pilipino_sa_Panahon_ng_Pandem

ya

Baello, M. L., Cantilang, M. C., De Leon, I. F. & Ilas, V. T. (2012). Komunikasyon sa

akademikong Filipino. Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc.

Bayang, E. E., & Go-Aco, E. G. (2020). Observations of Filipino ambassadorial

cultures from lessons in Asian literature in Filipino by K12 - Grade 9 module

[Mga obserbasyon ng mga kulturang ambansang Pilipino mula sa mga aralin

sa panitikang asyano sa Filipino ng K12 - Grade 9 module] (Vol. IX). Manila.

https://doi.org/10.24214/jecet.C.9.2.25569. Nakuha mula sa

https://consortiacademia.org/wp

-content/uploads/2020/v9i8/5902_final_ijrse.pdf

Battad, J. (2014). Pagsusuri sa Teoryang Realismo: Si Intoy Syokoy ng Kalye Marino.

Nakuha mula sa https://www

mail.ijase.org/index.php/ijase/article/doenload/160/125/45933

Dinglasan, R. D., et al. (2005). Literary critique: Selected stories by Pineda


[Kritisismong pampanitikan: Mga piling kwento ni Pineda]. Rex Bookstore.

Nakuha mula sa https://consortiacademia.org/wp

-content/uploads/2020/v9i8/5902_final_ijrse.pdf

Gass, W.H. (1991). Understanding the Short Story. Chicago: University of Chicago

Press.

Ilagan B. (2021). Panitikang Manide: Kotekstuwalisasyon sa kagamitang

Pampagtuturo. Unibersidad de Sta Isabel, Lungsod ng Naga. Nakuha mula sa

https://www.ijams-bbp.net/wp-content/uploads/2023/05/1-IJAMS- APRIL-

2023-64-73.pdf

Leitch, V.B. (2001). The Norton Anthology of Theory and Criticism. New York: W.W.

Norton & Company.

Mabanglo at Baltazar (1979). Nakuha mula sa

https://eprajournals.com/IJMR/article/10742

Macan, R. (2000). Isang Pagsusuring Kritikal sa Limang Piling Maikling Kwentong

Cebuano. Cebu City: Cebu Normal University. Nakuha mula sa

https://oaji.net/articles/2020/1543-1585281163.pdf

Matammu, C. (2022). Ana Analysis and Translation into Filipino of Ibanag Proverbs.

International Journal of Arts, Sciences and Education. Nakuha mula sa

https://ijase.org/index.php/ijase/article/view/142

Monforte J. (2015). Mga Salaysaying- Bayan Sa Partido: Sulyap sa Pagkakakilanlan.

Di-Nalathalang Master’s Tesis ng Pamantasan Ng Nueva Caceres. Lungsod

Naga. Nakuha mula sa

https://www.ijams-bbp.net/wp-content/uploads/2023/05/1-IJAMS- APRIL-

2023-64-73.pdf

Pañares (2011). Nakuha mula sa


https://www.researchgate.net/publication/

357527335_Katotohan_sa_likod_ng_sandaang_damit_sipat-

suri_sa_mga_isyu_pangkahirapan_na_nakapaloob_sa_akda_ni_Fanny_A_Ga

rcia/link/61d28997d450060816867363/

San Juan, G. P. (2005). Panunuring pampanitikan. Manila: Booklore Publishing Corp.

Nakuha mula sa

https://pdfs.semanticscholar.org//b53b/fe6cd90de36b042f6a512d3800ea9296a6

97.pdf

Taghizadeh, A. (2014). A theory of literary realism. Theory and practice in language

studies. Finland. Academy Publisher. Nakuha mula sa

https://www.researchgate.net/publication/357527335_Katotohan_sa_likod_ng

_sandaang_damit_sipat-

suri_sa_mga_isyu_pangkahirapan_na_nakapaloob_sa_akda_ni_Fanny_A_Ga

rcia/link/61d28997d450060816867363/

You might also like