Pagsulat ng Kolum

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Pagbabalik sa Dati

Kawawa ang mga mag-aaral dahil may klase parin sa Mayo at Abril kahit tag-init na kaya plano ng
ipinatupad ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagbalik ng dating kalendaryo sa pagbubukas ng klase.

May ibang mga mag-aaral na hindi sang-ayon dahil hindi nila alam kung ano ang dahilan ng
pagbabago nito at ang puno’t dulo ng problema.

Dahil sa tindi ng init ngayon tuwing buwan ng Abril, ang mga silid aralan ay nagmimistulang pugon.
Sa kabila ng mga bukas na bintana at hindi sapat na bentilador.

Bukod dito, mahalaga para sa akin na maibalik sa dating kalendaryo dahil ang buwan ng Abril at
Mayo ang may pinaka mainam na panahon upang ipasyal at bumisita sa mga kamag-anak at dagat. Mailap
ang ulan sa mga buwan na ito.

Sang-ayon ako sa plano ng DepEd upang hindi ko na maranasan ang mag-aral sa loob ng silid aralan
na mistulang desyerto sa init. Madaling sumakit ang ulo ko kaya nawawala na ang pokus ko sa pag-aaral.

Buti sana kung may aircon na ipapamigay ang DepEd sa bawat silid aralan, ngunit ito ay makaka
sanhi naman ng lalong paglala ng Climate Change. Mas matimbang sa akin ang pag-aalaga sa kapaligiran at
kapakanan ng mga mag-aaral na tulad ko.

Kapuri-puri ang plano ng DepEd na ibalik sa dati ang kalendaryo ng pagbubukas ng klase. Sana ito
ay maisakatuparan sa lalong madaling panahon.

Ibalik ang Kampyonato

Malaking problema ang pagpapabuti ng mga atleta sa kanilang kakayahan kaya ipinatupad ang
Cluster Meet ng Superintendente ng Dibisyon ng mga Paaralan na si Ma’am Victoria V. Gazo.

Hindi madali ang paglalaro ng isports. Kailangan pang pagbutihin ang ensayo at hasain ang
kakayahan ng mga atleta upang gumaling sa kompetesyon.

Kung ako ay naging atleta, sang ayon ako na ipagpatuloy ang Cluster Meet. Dahil dito mas
masusubok ang katatagan ng loob ko at mas mag pupursige akong mag ensayo upang makarating sa
Dibisyon.

Sumali ako noon sa Volleyball Club ng aming paaralan. Sumalang kami sa kompetesyon sa aming
Distrito. Sa kasamaang palad, natalo kami. Tumigil ang mundo ko at nanlamig ang mga kamay ko.

Akala ko ay magagaling na kami upang manalo. Kulang pa pala kami sa ensayo.


Ngunit tanggap ko ang pagkatalo na iyon dahil nakita ko na magaling talaga ang kabilang kupunan.
Kaya para sa akin, upang maibalik ang kampyonato sa Dibisyon ng Bukidnon, ipagpatuloy ang
Cluster Meet.
Mas mabuti rin para sa akin ito upang sa antas ng dibisyon, iilan nalang na distrito ang maglalaban.
Hindi na tulad ng dati na maraming kupunan ang kailangang talunin.
Maaaring maka sanhi ng pinsala sa katawan ang sunod-sunod na paglalaro at pagod.

Mensahe ko sa aking mga kaklase na naglalaro sa Cluster Meet, gawin ninyo ang inyong makakaya.
Kalma lang at huminga ng malalim.

Minsan tayo’y nananalo, minsan tayo’y natututo. Huwag magalit sa atleta, respetohin ang laro.
Walang Maiiwan sa Pagbasa

Talamak ang bilang ng mga mag-aaral ngayon ang hindi nakakabasa kaya ipinatupad ang Deped
Memorandum No.1 s.2024 na naglalayon na magkaroon ng sapat na oras ang mga mag-aaral upang
matutong bumasa.

Sinimulan ng Kagawaran ng Edukasyon ang Catch-Up Friday noong Enero 12, 2024. Tuwing
Biyernes, may mga itinakdang programa ang mga guro na naka sentro sa pagtuturo ng pagbabasa.

San-ayon ako sa kanilang desisyon para mas mapabuti ko pa at ng mga mag-aaral ang pagbasa.

Bilang isang mag-aaral na nabibilang sa Cream Class, gusto kong makatulong sa iba at lumahok sa
programang ito.

Isa ako sa Supreme Elementary Learner Government (SELG) at nagkaroon kami ng isang Pagbasa
ng Kwento sa mga batang hirap pang bumasa. Pinagpangkat kami at tatlong bata ang napunta sa akin.

Naging matagumpay ang pagbasa ko ng ibat-ibang mga magagandang kwento.

Tuwang-tuwa ang mga bata sa narinig nilang kwento. Maging ako ay nakaramdam ng saya sa aking
nagawa. Dahil dito, nakatulong ako upang makapagbigay ng inspirayon sa kanila na matutong bumasa.

Ang pagbabasa ay mahalaga at masaya dahil natututo ako rito at ang ibang mag-aaral.

Halika na at magbasa tayo!

Maging Totoo sa ating mga Sagot

Talamak na sa mga estudyante ang pangongopya. Hindi na bago ito at tila nakagawian na ng ibang
mag-aaral.

Maraming masamang maidudulot ang pangongopya lalo na sa akin bilang isang mag-aaral. Maaari
akong ipatawag sa prinsipal o mapaalis sa paaralan.

Kaya natatakot talaga akong mangopya. Mayroong pagkakataon na nangongopya ang aking kaklase
sa akin.

Kapag hindi ko raw siya pakokopyahin ay isusumbong daw niya ako sa aming guro na ako ang
nangongopya. Hindi ako nakinig sa kanyang banta at nagpatuloy ng pag-sagot.

Lagi kong dala sa aking puso at isipan ang bilin sa akin ng aking magulang na maging tapat sa lahat.

Kahit na sa pagsagot ng eksam, dapat ang mga sagot ko ay galing sa akin. Upang hindi ko
kailangang mangopya, mag-aaral ako ng mabuti at makikinig sa aking guro.

Ako ay isang mag-aaral at ako ay tapat sa aking mga sagot. Itigil ang pangongopya, simulan ang
pag-aaral.
Magdurusa sa Huli

Talamak na sa mga kabataan ngayon ang nakikipagrelasyon at nabubuntis sa murang edad.

Para sa akin ang pakikipagrelasyon sa murang edad ay masama sapagkat ito ay makaksira sa iyong
pag-aaral at sa iyong buhay.

Sabi nga ng aking kaibigan na pwede na raw magkaroon ng kasintahan ang 18 taong gulang pero
hindi ako sang-ayon dahil ang edad na ito ay bata pa.

Hindi pa ako pinapayagan ng aking mga magulang na magkaroon ng kasintahan dahil ako ay bata pa
raw at baka mabuntis ng maaga. Kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral, magkaroon ng trabaho at maging
matagumpay ang aking buhay ay puwede na ako magkaroon ng kasintahan.

Mataas ang pangarap ko sa buhay dahil para ito sa aking pamilya.

May Nakita pa nga ako sa Facebook na 9 taong gulang ay may kasintahan na at naghahalikan pa.
Nagulat ako ng makita ko iyon.

Mahirap pa naming maging batang ina. Mahirap mag alaga sa at bumuhay ng bata dahil wala pa
akong trabaho at umaasa pa sa aking mga magulang.

Huwag munang magmadali kaibigan.

Huwag magkaroon ng kasintahan sa murang edad.

Naaalala ko iyong nabasa ko sa Social Media na “Ako ay pinagpalit pero hindi iyon masakit. Alam
mo iyong masakit? Ang pangit ng kabit!”

Tawang-tawa ako noong nabasa ko iyon. Para kasi sa akin, mas masakit ang mabuntis pagkatapos ay
tinakbuhan ng nakabuntis.

Alam mo? Mas uunahin ko muna ang aking pag-aaral kaysa sa humanap ng kasintahan na iiwan din
naman ako sa huli.

Hindi ako magdurusa at magsisisi sa huli. #

You might also like