Pangkat 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Pangkat 1 - Si Ama (ni Edgardo M.

Reyes)

Si Ama ay may ugaling kanyang-kanya, na isang dahilan kupang siya’y maging malimit
na paksa ng usapan. At sa mga usapan tungkol sa kanya na narinig ko mula kay Ina, sa mga
kapatid ko, sa mga kapitbahay, kamag-anak at kung sino-sino pang nakakakilala ay para ko na
ring nasaksihan ang mga bahagi ng buhay niya na hindi ko nasaksihan.

Nalaman ko, halimbawa, na si Ama ay tapos ng pitong grado, na isang


maipagmamalaking katangian noon kung iisiping siya’y nag-aral nang panahong (ipinanganak
siya nang taon na si Rizal ay birilin sa Luneta) bihirang anak-mahirap ang pinag-aaral at may
hilig mag-aral. Alam ko pati ang istorya ng pagkakapangasawahan nila ni Ina.

Labindalawang taon ang katandaan ni Ama kay Ina. Tanging si Ina ang makapagsasabi
kung bakit nagustuhan niya si Ama sa kabila ng malaking kaedaran nito. Ngunit alam ko kung
bakit lumampas si Ama sa gulang na karaniwang nag-aasawa ang lalaki. Nagkataong siya ang
panganay s apitong magkakapatid. Maaga silang naulila sa ama. Natural na si Ama ang magdala
ng pamilya. Nang may mga kumikita na sa mga kapatid niya ay saka pa lamang nagdesisyon si
Ama na puwede na siyang mag-asawa.

Bago namanhikan si Ama sa mga magulang ni Ina ay tiniyak muna niya na kaya niyang
tindigan ang papasuking pananagutan. Ayaw niyang ipisan sa kanila si Ina. Ibig niyang
makapagsarili sila agad. Nagpundar si Ama ng isang bakuran. Pinagpatayuan niya ng isang
maliit man ay table at yero naman. Sikat sa isang baryong ang karaniwang bahay ay pawid at
kawayan.

Ibang problema ang nakaharap ni Ama nang sa wakas ay namanhikan siya. Hinihingan
siya ng dote . Pasudlungan daw niya ng dalawang sibe ang bahay ng kanyang bibiyenanin, o
ang katumbas na halaga niyon. At sa kasal, pinagbubuwal siya ng dalawang kalabaw. “Haya’n
n’yo ho’t pag-iisipan ko,” sabi raw ni Ama. Ngunit sa pagpapaalam ay matining sa isip na wala
nang balikan.

Nakanakaw sila ni Ina ng pagkakataong magkausap.

“Hindi ko kaya ‘yong hinihingi nila,”sabi raw ni Ama kay Ina. “At kaya ko man, e, hindi ako
lokolokong magpapalaklak nang gayon sa mga taong me malalaklak naman sa kani-kanilang
bahay. Dalawang dumalaga, kaya kong ipakatay. Kung lalampas ka ro’n, sa kanila ka na at sa
‘kin naman ‘yong dalawang manok ko.”

Naintindihan naman ni Ina ang punto ni Ama. At para patunayan ni Ina na hindi niya
sariling kagustuhan ang pagtatakda ng dote at ang magarbong kasal, siya mismo ang nagyaya
na magtanan sila ni Ama. Kaya’t sa kanilang pagkakapangasawahan, kahit dalawang manok ay
nalibre sa katay.

Ngunit nagalit daw si Ingkong (ama ni Ina), ang pasabi’y hindi sila makapapanhik
kailanman. Itaga sa bato. Sinubok nila. Itinaboy sila ng mura. Sinubok uli nila nang dala ang
unang apo (si Ate Maring) sa kanila ni Ingkong. Minura pa rin sila ngunit murang mura-
murahan.. Nakapagmano sila.

Si Ama ay mahusay na latero. Tumatanggap siya ng anumang pagawa na yero-yero at


lata-lata. Pabubong ng bahay. Pakabit ng alulod. Ang silong ng aming bahay ay isang talyer ng
gawaan ng batya, palanggana, sandok, regadera, imbudo, at kung ano-ano pa. Kinukuha sa
kanya ng isng mamamakyaw.

Sa apat na anak ay tatlo kami na kinatulong ni Ama sa trabaho, si Kuya Selmo, si Dikong
Ige, at ako. Si Ate Maring lamang ang hindi dahil babae at katulong naman ni Ina sa mga Gawain
nito. May oras kami para sa laro, may oras para sa eskuwela, at may oras ng trabaho sa laterya.
Istrikto rito si Ama. Palo ang sinumang sumuway. Binibigyan niya kami ng baon nang depende
sa natrabaho naming. Magandang paraan upang sipagin kami.

Mahigpit din si Ama kanyang hanapbuhay. Hindi puwede sa kanya iyong paki-paki.
Mapapahiya ang sinumang makikihinang ng butas ng balde. Sisingilin niya ng katumbas ng
kanyang ipinagtrabaho. Hindi siya naniniwala sa kinaugaliang bata-bataris. Hindi siya
nambabataris at hindi nagpapabataris.

Minsan, noo’y maliit pa kami, nagkaroon si Ama ng trabaho sa malayo at may isang
lingong hindi umuwi. Sa ikatlong araw ng kanyang di-pag-uwi ay sumama ang panahon.
Walang lubay ang ulan, ang balita’y may dumarating na isang malakas na bagyo. Sa takot ni Ina
nab aka ibuwal ng hangin ang aming bahay ay tumawag siya ng isang kapitbahay. Bumili ng
alambre. Nakapaglagay ng mga karagdagang serga. Dinaanan nga kami ng bagyo, at malakas
din, pero hindi naano ang aming bahay.

Nang umuwi si Ama ay napansin agad niya ang mga bagong serga. Ipinaliwanag ni Ina.

“Magaling,” sabi ni Ama, “E, sino’ng pinagkabit mo?”

“Si Omeng.”

“Gaano’ng iniabot mo?”

Saglit nangapa ng isasagot si Ina.

“Ayaw tumanggap, e. Pero pinasalabat ko naman.”

“Pinagtrabaho mo ‘yong tao’y di mo binayaran? Hala, padalhan mo ng sampiseta.”

Kung hindi kilala ng mga kapitbahay ang ugali ni Ama, tiyak na marami siyang makakagalit.

Si Ama ay hindi nangunguang at hindi mauutangan. Noong panahon ng Hapon,


natatandaan ko, ay nagkahirapan ng bigas. Mapera kami (perang Hapon), ngunit ang mabibili
ay wala. Naghanda ng isang bayong nap era si Ama.
“Titingin ako sa San Rafael,” sabi niya.

Umaga nang umalis si Ama at nang bumalik ay gabi na. Wala na sa bayong ang
sandamukal na pera, napalitan ng apat na salop ng bigas.

“Sige, magsaing ka’t nang makakain ang mga bata,” sabi ni Ama.

“Kumain na sila,” sabi ni Ina.

“Kumain? At sa’n ka kumuha ng bigas?”

“Dumaraing na kasi sila sa gutom kangina kaya nanghiram muna ‘ko ng sanggatang ke Iska.
Siya kong nilugaw.”

Nagalit si Ama.

“Hindi pa naman ‘ata kayo mamamatay ng gutom, ‘wag kayong magdamay ng ibang
tao sa problema natin. Hala, palitan ‘yong kinuha mo ke Iska, patubuan ng sandakot.”

Si Ama ay hindi nagsisimba ngunit hindi niya kami pinagbabawalang magsimba. Kapag
pista sa aming baryo ay nakikiisa siya sa abuluyan (bagamat pagkaliit-liit magbigay), ngunit
hindi siya pumapayag na kami’y maghanda. Paano kung may dumating na bisita? Nakakahiya
na hindi man lamang naming maalok ng kahit suman at minatamis.

“’Yang pist, ang alam ko, dapat dayuhin ‘yan dahil sa Poon, hindi dahil sa malalaklak,”
katwiran ni Ama.

Pagkaraan ng giyera ay sumigabo ang pagawaan ng bahay. Naging lubhang abala si Ama
sa tanggap ng mga trabaho. Maestro latero siya, may mga tao. Sa mga araw na libre kami nina
Kuya Selmo at Dikong Ige sa eskuwela ay umeekstra kami bilang mga piyon. Pinasasahod kami
ni Ama nang araw. Sahod na aming-amin, hindi pumaparti si Ina, at iyo’y sa kagustuhan na rin
ni Ama.

“Gamitin n’yo sa mga kailangan n’yo at sa aral n’yo.”

Nakapagkolehiyo kaming apat, iba-iba ang kursong tinapos. Pambihira para sa isang
baryo na ang karamihan ay mga pamilyang magsasaka, na suwerte na sa sampung bata ay may
isang makatapos man lamang ng high school. Maraming pumupuri ngunit may mga pilantik
din, patama kay Ama, na maaaring inggit na nagkukubli sa likod ng katwiran. Ginawa raw
naman ang lahat ng pagkakait sa sarili mapag-aral lamang ang mga anak. Pagkakuripot-kuripot
din. Walang kapwa-tao.

Kasunod ng pagtatapos ng aral ay pag-aasawa. Walang pakialam si Ama kung sino ang
ibig mapangasawa ng bawat isa sa amin. Ngunit may dalawang kondisyon. Bawat mag-asawa
ay dapat magsarili. At hindi maaaring ang gagastusin sa kasal ay hihingin sa kanila ni Ina o
ipangungutang sa ibang tao.
Lahat kaming anak, sa pagpapamilya, ay sa Kamaynilaan nanirahan. Walang sinuman
sa amin ang nakatikim ng mabilis na asenso sa punto ng kabuhayan, ngunit unti-unti man ang
angat ay tuloy-tuloy naman. Kalaunan ay pare-parehong nakabili ng mga lote at nakapagtayo
ng mga bahay. At kalaunan pa ay pare-pareho nang dumarating nang de-kotse sa pagdalaw
naming sa aming mga magulang.

Samantala’y patuloy na nagkaedad ang aming mga magulang at sila’y naroon pa rin sa
aming dati at lumang-luma nang bahay sa baryo, sa kanilang kinasanayang pamumuhay na
sapat-sapat lamang, wala ni bahagyang kulya ng luho at layaw, naninindigan sa dangal ng
pagsasarili, hindi nanghihingi ng anuman kaninuman, maging sa mga anak. Walang pagbabago
sa kanila liban sa patuloy na pagdami ng mga puti ng buhok at paglalim ng mga gatla ng
katandaan.

Nakaugnay rito ang nakararating sa amin na mga usap-usapan sa baryo. Kawawa ang
aming mga magulang. Pinababayaan ng walang utang-na-loob na mga anak. Ito ang igaganti sa
mga paghihirap sa amin ni Ama at ni Ina. Hindi nila nauunawaan dahil marami silang hindi
alam. Halimbawa ay ang pagnanais naming kunin si Ama at si Ina. Kung saan sa aming apat
gusto nilang tumira. O kahit magpalipat-lipat sila sa bawat isa nang sa gayo’y masaya lahat.
Maiikot nilang lagi at makakasama hindi lamang ang kanilang mga anak kundi pati na ang
kanilang dumaraming mga apo. Parang gusto ni Ina ngunit tahasang ayaw ni Ama.

“Nag-umpisa naman kami ng Ina n’yo na kaming dalawa lang. Payag kami na kaming
dalawa na lang uli.”

Ibang bagay naman ang napagkayarian naming. Kontri-kontribusyon kami. Ipagigiba


naming ang lumang bahay. Pagpapatayuan naming ng bago, isang maliit na bungalow. Ayaw
rin ni Ama. Mula’t sapul ay naroon na sila ni Ina. Lahat kami ay doon ipinanganak. Hindi nila
ipagpapalit sa pinakamaganda mang bahay. Iyon ang tanging tahanang kilala nila ni Ina.

Dumalaw kami isang Linggo, ako at ang aking pamilya. Dinatnan naming na abala si
Ama sa kanyang trabaho sa silong ng bahay. Iyon pa rin. Yero-yero at lata-lata. Tumigil siya
para harapin kami. Kumustahan. Pagkuwa’y iniwan niya kami kay Ina. Binalikan ang trabaho.
Sinundan ko.

Pinanood ko si Ama sa kanyang pagtatrabaho kasabay ng usap-usapan. Mahina na ang


dating ng martilyo sa ulo ng sinsil. May kinig na sa kanyang hawak ang soldador at ang istanyo.
Mabagal na dahil mahina na. Ang malalapit na sipat ay tanda na wala na rin doon ang dating
talas ng tingin. Ngunit naroon pa rin ang dating ingat at selan upang magawang Pulido ang
trabaho.

Bago kami nagpaalam ay nilihim ko si Ina. Ibig kong bigyan ng pera ngunit ayaw
tanggapin, magagalit daw si Ama. Puwede naming hindi niya sabihin. Lalong ayaw ng gayon.
Magiging mabigat daw sa kanyang loob.
“Saka me pera naman kami. Nakakatrabaho pa nga’ng ama n’yo. E, ga’no na lang ba’ng
gastos naming?”

“Yan na nga ho. Hindi na s’ya dapat magtrabaho.”

“Wag mong masabi-sabi ‘yan sa Ama n’yo, magagalit sa ‘yo. Hindi na raw ‘yong pera kundi
‘yong me natatrabaho s’ya.”

Sitenta anyos na noon si Ama, isang gulang na mataas kung ikukumpara sa karaniwang
haba ng buhay ng Pilipino. Gayunman ay nakabigla pa rin sa amin ang balita ng isang lumuwas
na kamag-anak na yumao na ang aming ama. Natulog at hindi na nagising, kamatayang sa tawag
ay “bangungot”.

Nagkaalam-alam kami agad sa pamamagitan ng telepono. Napag-usapan na sabay-sabay


kaming bibiyahe pauwi sa probinsiya, kasama ang pami-pamilya.

Nagkita-kita kami sa bahay ni Ate Maring sa Caloocan. Doon naming pinag-usapan ang
mga nararapat para sa libing ng aming ama.

Pulos asenso sa buhay ang mga anak. Hinihingi ang isang maringal na libing. Magandang
pagkakataon upang mapatunayan namin sa buong baryo kung gaano ang pagpapahalaga namin
sa aming ama.

Ang maringal na libing, sa aming bayan, ay nag-uumpisa sa klase ng kabaong. Dapat ay


mula sa pinakasikat na punerarya sa kabisera. May generator upang mailawan hindi lamang ang
burol kundi pati buong palibot ng lamayan.

Sa lamay, dapat ay bastante sa pagkain, sa pampainom at hanggang sigarilyo.

Sa libing ay may carro corona at carro familia. May subaybay ng tugtog ng isang kilalang
banda ng musiko. Isang mahabang parade ng mga karitela upang hindi mahirapan sa lakad ang
mga makikipaglibing.

At sa sementeryo ay isang solong nitso na kalaunan ay ipamamarmol.

Gayong uri ng libing ang iuukol naming kay Ama, napagkasunduan namin. Tutal ay
apat naming kaming babalikat sa gastos. At ngayon lamang kami tunay na makapagbibigay sa
aming ama.

Ngunit hindi nasunod ang aming balak.

Binihisan si Ama ng isang pares ng puting kamisadentro at abuhing pantalon, na


pinakamahusay sa kanyang mga pinaglumaang damit. Ibinurol sa isang ataul na paspasang
ginawa ng ilang kapitbahay na karpintero. Pinaglamayan ng mga taong nagpapayok ng galyetas
na ipinaaanod sa matabang na kape. Inilakad ng mga tao patungong sementeryo. At inilagak sa
isang puntod.
Gayon ang bilin ni Ama kay Ina noon pa, isang libing na walang pagkakaiba sa karaniwang
libing ng mahihirap na tagabaryo.

You might also like