Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

3

Arts
Unang Markahan – Modyul 1:
Pagguhit ng Iba’t Ibang Laki
ng Tao sa Larawan

1
Arts – Grade 3
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 1: Iba’t Ibang Laki ng Tao sa Larawan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Development Team of the Module

Writer: Nestlie Fiel F. Jamison - T-III


Editors: Content Rona N. Tacot - EPS, MAPEH, Gladys P. Viola - MT-II
Language Agnes G. Muyco - P-II, Elva P. Belgira - P-I
Reviewers: Rona N. Tacot - EPS, MAPEH, Agnes G. Muyco - P-II,
Elva P. Belgira - P-I
Layout Artist: Nestlie Fiel F. Jamison - T-III, Diomar C. Narcilla - T-III
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Management Team: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Miguel C. Fillalan, Jr., CESO VI - Schools Division Superintendent
Levi B. Butihen - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Magdaleno C. Duhilag Jr. - REPS – MAPEH
Arlene Rosa G. Arquiza – Chief-ES, CID
Ma. Dianne Joy R. dela Fuente – PDO-II, OIC-Division LRMS
Jesus V. De Gracia Jr. – EPS, Division ADM Coordinator
Rona N. Tacot – EPS, MAPEH

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph

2
3
Arts
Unang Markahan – Modyul 1:
Pagguhit Iba’t Ibang Laki
ng Tao sa Larawan

3
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Arts - Ikatlong Baitang)
ng Self-Learning Module (SLM) para sa araling Iba’t Ibang Laki ng
Tao sa Larawan!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pampublikong institusyon upang
gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum
ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
4
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Arts - Ikatlong Baitang ng Self-
Learning Module (SLM) ukol sa Iba’t Ibang Laki ng Tao sa Larawan!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

5
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

6
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang
bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

7
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas
ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim
na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

8
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa iyong kaisipan o


kaalaman. Ito ay tutulong sa iyo na maging bihasa sa araling
itinakda para sa Ikatlong Baitang na tungkol sa pagguhit. Ang
kabuuan ng modyul na ito ay nagpapahintulot na gamitin sa iba’t
ibang paraan ng pag-aaral. Ang lengguahe ay kumikilala sa iba’t
ibang antas ng bokabularyo ng isang mag-aaral. Ang mga aralin
ay inayos ayon sa pamantayan ng pagtuturo. Ngunit, ang
pamantayan na iyong binabasa ngayon ay maaaring magbago
para tumugma sa batayang aklat na gagamitin ng isang
mag-aaral.

Ang modyul na ito ay tungkol sa:

• Aralin1 – Iba’t Ibang Laki ng Tao sa Larawan

Pagkatapos balangkasin ang modyul, inaasahan ang isang mag-


aaral na natutunan ang araling ito:

 Nakikilala ang iba’t ibang laki ng mga tao sa larawan ayon


sa distansya ng tumitingin

9
Subukin

Panuto: Pag-aralan ang larawan. Bilugan ang titik ng iyong sagot


sa bawat katanungan.

May

Alvin

Roy Tina

Larawan ay mula sa: MAPEH in Action, Cynthia T. Montanez, et al, Unang Edisyon 2014, Book Media Press

1. Sino ang batang nasa harapan?


a. Alvin b. May c. Roy
2. Saan makikita si May?
a. malayo b. malapit c. gitna
3. Sino ang batang pinakamalaki?
a. Roy b. May c. Tina
4. Saan makikita si Tina?
a. malapit b. malayo c. gitna
5. Sino ang batang pinakamaliit?
a. Roy b. May c. Alvin

10
Aralin
Iba’t Ibang Laki ng Tao sa
1 Larawan
Magandang araw kaibigan. Ako nga pala si
Alisha, ang iyong bagong kaibigan at gabay sa
araling ito ng Modyul sa Sining 3.
Sa araw na ito, pag-aaralan mo kung paano
makikilala ang iba’t ibang laki ng mga tao sa
larawan ayon sa distansya ng tumitingin.

Balikan
Gamit ang larawang ito, ating balikan ang
mga napag-aralan mo sa ikalawang baitang.

https://graf1x.com/elements-design-line-shape-space-value/

Panuto: Punan ang mga kahon ng mga nawawalang titik upang


maibigay ang mga elemento ng sining na makikita sa
larawan. Basahin ang mga katabi nitong “word clues” upang
maibigay ang tamang sagot.

berde, pula at dilaw


u y

h bilog, puso at tatsulok


i

11
n y patayo, pahiga at pahilis

e s s y
malapit at malayo

Tuklasin

Bilang paghahanda sa
ating tatalakayin ngayon, nais
muna kitang bigyan ng kaunting
kaalaman sa mga salitang ating
magagamit sa ating talakayan.

Elemento – tumutukoy sa mga pangunahing


bahagi ng isang bagay o nilalang o
kaganapan.
Laki – tumutukoy sa sukat ng isang bagay o
tao
Linya – mga palatandaan ito na nagpapakita
ng direksyon, oryentasyon o mosyon ng
isang likha
Distansiya – tumutukoy sa agwat o layo ng
isang bagay

12
Halika, atin ding tingnan ang
larawan.
Ano ang napansin mo sa
larawan? Magkakapareho ba ang
laki ng mga tao? Sa tingin mo ba
mas malaki ang mga tao sa
harapan? Bakit kaya magkakaiba
ang laki ng mga tao sa larawan?
Pansinin ang distansiya ng bawat
bata sa larawan. Magkakatabi ba
sila?

A
B C

D
E

Larawan ay mula sa: MAPEH in Action, Cynthia T. Montanez, et al, Unang Edisyon 2014, Book Media Press

Panuto: Ang bawat bata sa larawan ay nalagyan ng titik. Sagutin


ang sumusunod na mga tanong gamit ang mga titik.

1. Sino ang batang nasa unahan? ___________

2. Sino ang batang nasa gitna? ___________

3. Sino ang batang nasa hulihan? ___________

13
Suriin

Magaling, tama ang iyong


mga sagot!
Sa larawan, ang laki ng mga
tao ay magkakaiba. Ipinakikita nito
ang distansiya ng tumitingin. Maliit
tingnan kung ito ay malayo sa
tumitingin at malaki naman kung
ito ay malapit.
Suriin natin ang larawan sa
ibaba.

May

Alvin

Roy Tina

Larawan ay mula sa: MAPEH in Action, Cynthia T. Montanez, et al, Unang Edisyon 2014, Book Media Press

Panuto: Basahin at sagutin ang bawat tanong.


1. Sino ang batang malapit? _____________
2. Sino ang batang malayo? _____________
3. Bakit magkakaiba ang laki ng mga bata?
a. dahil magkakapareho ang distansiya ng mga bata
b. dahil magkakaiba ang distansiya ng mga bata
14
Pagyamanin

Panuto: Suriin ang mga larawan. Kilalanin kung sino sa bawat


larawan ang malayo o malapit.
Pia

Alice Karen
Tony
https://www.123rf.com/photo_121765834_stock-v ector-illustration-of-opposites-boy-stands-near-girlfriend-for-schooling-
https://www.dreamstime.com/opposite-near-far-opposite-near-far-vector-illustration-image139092595
vector-illustration-on-w hite-back.html

1. Malapit: ____________ 3. Malapit: ____________


2. Malayo: ____________ 4. Malayo: ____________

Leo

Ana

https://www.twinkl.com/illustration/play-park-scene-
colouring-children-playground-park-ks1-black-and-white-rgb

5. Malayo:_____________

Isaisip

Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang


maging tama ang bawat kaisipan.
 Kung nasa malayo ang tao sa larawan, ito ay
____________ tingnan.
 Ang ___________ na tao sa larawan ay nasa malapit.
 Malaki ang tao sa larawan kung ito ay nasa ________.
 Sa larawan, maliit kung titingnan ang mga taong nasa
____________.

15
Isagawa

Atin muling suriin ang


larawan sa ibaba.

Larawan ay mula sa: MAPEH in Action, Cynthia T. Montanez, et al, Unang Edisyon 2014, Book Media Press

Sa panahon ng krisis sa CoVid, sa paanong paraan naipakita ng


mga bata ang pag-iingat sa paglalaro?

a. Dikit-dikit sila kung maglaro

b. Isinasagawa nila ang social distancing

16
Tayahin

Panuto: Pag-aralan ang larawan. Bilugan ang titik ng iyong sagot


sa bawat katanungan.

May

Alvin

Roy
Tina

Larawan ay mula sa: MAPEH in Action, Cynthia T. Montanez, et al, Unang Edisyon 2014, Book Media Press

6. Sino ang batang nasa harapan?


b. Alvin b. May c. Roy
7. Saan makikita si May?
b. malayo b. malapit c. gitna
8. Sino ang batang pinakamalaki?
b. Roy b. May c. Tina
9. Saan makikita si Tina?
b. malapit b. malayo c. gitna
10. Sino ang batang pinakamaliit?
b. Roy b. May c. Alvin

17
Karagdagang Gawain

Bago mo matapos ang araling


ito, nais kong magkaroon pa tayo ng
huling gawain.

Panuto: Tingnan ang larawan. Isulat ang bilang ng batang


tinutukoy sa bawat tanong.

Larawan ay mula sa: MAPEH in Action, Cynthia T. Montanez, et al, Unang Edisyon 2014, Book Media Press

______1. Sino ang batang malaki?


______2. Sino ang batang maliit?
______3. Sino ang batang nasa malayo?
______4. Sino ang batang nasa malapit?

Kaibigan, sana ay nasiyahan


ka sa mga ginawa nating mga
aktibidad at marami kang
natutunan tungkol sa pagkilala ng
iba’t ibang laki ng tao sa larawan
ayon sa distansya ng tumitingin.
Hanggang sa muli kaibigan.
Paalam!

18
19
Tayahin: Karagdagang Gawain:
1. C 1. 2
2. A 2. 1
3. A 3. 1
4. C 4. 2
5. B
Isagawa:
B
Isaisip: Pagyamanin:
 Maliit 1. Tony
Malaki 2. Alice
Malapit 3. Karen
Malayo 4. Pia
5. Leo
Suriin: Tuklasin:
1. Roy 1. E
2. May 2. B, C, D
3. b 3. A
Balikan: Subukin:
1. Kulay 1. 
2. Hugis 2. 
3. Linya 3. 
4. Espasyo 4. 
5. 
Susi sa Pagwawasto
Pangalan: __________________________________________________
Baitang at Pangkat: _____________ Iskor: ______________

SAGUTANG PAPEL

SUBUKIN PAGYAMANIN
1. _______ 1. _______________
2. _______ 2. _______________
3. _______ 3. _______________
4. _______ 4. _______________
5. _______ 5. _______________

BALIKAN ISAISIP

 __________________
u y
 __________________
h
i  __________________

 __________________
n y
ISAGAWA
__________
e s s y
TAYAHIN
1. ___________
TUKLASIN 2. ___________
1. ________ 3. ___________
2. ________ 4. ___________
3. ________ 5. ___________

SURIIN KARAGDAGANG GAWAIN


1. ________ 1. ___________
2. ________ 2. ___________
3. ________ 3. ___________
4. ___________

20
SANGGUNIAN
Aklat
Montañes, Cynthia T., et. al. 2014. Music, Arts, Physical Education
and Health – Ikatlong Baitang, Kagamitan ng
Mag-aaral sa Tgalog. Unang Edisyon. Meralco
Avanue, Pasig City, Philippines 1600:Rex
Bookstore, Inc.

Montañes, Cynthia T., et. al. 2015. Music, Arts, Physical Education
and Health – Grade 3, Teacher’s Guide. First
Edition. Meralco Avanue, Pasig City,
Philippines 1600:Rex Bookstore, Inc.

Web
 https://www.coloringme.com/wp-
content/uploads/2014/07/Elephant-Giraffe-Coloring-
Page.jpg
 https://graf1x.com/elements-design-line-shape-space-value/
 https://www.dreamstime.com/opposite-near-far-opposite-
near-far-vector-illustration-image139092595
 https://www.123rf.com/photo_121765834_stock-vector-
illustration-of-opposites-boy-stands-near-girlfriend-for-
schooling-vector-illustration-on-white-back.html
 https://www.twinkl.com/illustration/play-park-scene-
colouring-children-playground-park-ks1-black-and-white-rgb

21
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong
panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay tinutukan sa paglimbag
ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming hinihimok ang
anumang puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan at tugon, maaring sumulat o tumawag:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

22

You might also like