Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

3

Arts
Unang Markahan – Modyul 4:
Balanse sa Larawan
Arts – Grade 3
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 4: Balanse sa Larawan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Development Team of the Module

Writer: Althea J. Diero - T-II


Editors: Content Rona N. Tacot – EPS, MAPEH, Gladys P. Viola - MT-II
Language Agnes G. Muyco - P-II, Elva P. Belgira - P-I
Reviewers: Rona N. Tacot – EPS, MAPEH, Agnes G. Muyco - P-II,
Elva P. Belgira - P-I
Layout Artist: Althea J. Diero - T-II, Diomar C. Narcilla - T-III
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Management Team: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Miguel C. Fillalan, Jr., CESO VI - Schools Division Superintendent
Levi B. Butihen - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Magdaleno C. Duhilag Jr. - REPS – MAPEH
Arlene Rosa G. Arquiza – Chief ES, CID
Ma. Dianne Joy R. dela Fuente – PDO-II, OIC-Division LRMS
Jesus V. De Gracia Jr. – EPS, Division ADM Coordinator
Rona N. Tacot – EPS, MAPEH
Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph

2
3
Arts
Unang Markahan – Modyul 4:
Balanse sa Larawan

3
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Arts - Ikatlong Baitang)
ng Self-Learning Module (SLM) para sa araling Balanse sa Larawan!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pampublikong institusyon upang
gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum
ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

2
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Arts - Ikatlong Baitang ng Self-
Learning Module (SLM) para sa araling Balanse sa Larawan!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

3
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

4
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang
bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

5
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas
ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim
na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

6
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa iyong kaalaman.


Ito ay tutulong sa iyo na maging bihasa sa araling itinakda para sa
Ikatlong Baitang – Sining. Ang kabuuan ng modyul na ito ay
nagpapahintulot na gamitin sa iba’t ibang paraan ng pag-aaral.
Ang lengguahe ay kumikilala sa iba’t ibang antas ng bokabularyo
ng isang mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos ayon sa
pamantayan ng pagtuturo. Ngunit, ang pamantayan na iyong
binabasa ngayon ay maaaring magbago para tumugma sa
batayang aklat na gagamitin ng isang mag-aaral.

Ang modyul na ito ay tungkol sa:

• Aralin 4 – Balanse sa Larawan

Pagkatapos balangkasin ang modyul, inaasahan ang isang


mag-aaral na natutunan ang araling ito:

 Napapaliwanag ang foreground, middle ground at


background na kabilang sa konsepto ng landscape na
larawan.

7
Subukin

PANUTO: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Bilugan


ang titik ng tamang sagot.

1. Ang foreground o unahan ay makikita sa ________ ng


larawan o tanawin.
a. likuran b. harapan c.gitna
2. Saan makikita ang middle ground o gitna ng isang larawan
o tanawin?
a. harapan at likuran b. harapan c. likuran
3. Matatagpuan sa hulihang bahagi ng larawan o tanawin
ang __________________?
a. background b. middle ground c.foreground
4. Tukuyin kung anong bahagi ng larawan o tanawin ang
itinuturo?

a. foreground
b. middle ground
c. background

https://www.youtube.com/watch?v=vsYrGM1IHYo

5. Nagkakaroon ng balance ang isang larawan o tanawin


kapag ito ay may _________________?
a. foreground (harapan) at middle ground (gitna)
b. middle ground (gitna) at background (likuran)
c. foreground (harapan), middle ground (gitna) at
background (likuran).

8
Aralin

4 Balanse sa Larawan

Magandang araw sa iyo kaibigan. Heto


naman akon muli, si Alisha ang iyong gabay na
kaibigan at makatutulong mo sa ating bagong
aralin.
Sa araw na ito ating pag-aaralan ang
tungkol sa pagkakaroon ng Balanse sa
Larawan. Pag-uusapan din natin ang ibig
sabihin ng foreground, middle ground, at
background.
Handa ka na bang matuto ngayong
araw? Kung handa ka na, sabik na rin akong
ika’y aking matulungan. Tayo ng magsimula.

Balikan

Sa puntong ito ay magkakaroon tayo ng isang


maikling pagsasanay tungkol sa iyong kaalaman sa
ating nakaraang aralin.

Panuto: Tingnan mabuti ang mga larawan sa hanay A at ang


kahulugan nito sa hanay B. Pagtambalin ito gamit ang linya.

Hanay A Hanay B
Ito ay isang pamamaraan ng
pagpapakita ng pagiging
1. a. malikhain sa pagguhit ng
mga bagay na walang
buhay.
pointillism
https://www.pinterest.co.uk/pin/328270260319626434
/

9
2. b. Likhang-sining na naglalagay
ng maliliit na tuldok upang
makabuo ng larawan.
cross hatch lines
https://paintingvalley.com/s-tag/kettle

Ito ay paraan ng pagguhit


3.
c.
tanda ng dalawa o higit
pang intersecting parallel
still life painting lines.
https://fineartamerica.com/featured/still-life-i-han-choi.html

Tuklasin

Tula:
Balanse sa Larawan
ni: Althea J. Diero

Ngayon ay ating pag-aaralan,


Ang tungkol sa balanse sa larawan;
Handa ka na ba aking kaibigan?
Kung handa ka na, atin na itong simulan.

May iba’t ibang bahagi ang isang larawan,


Ito ay ang harapan, gitna, at likuran;
Kung ating pagmasdang mabuti,
Ang larawan nga pala ay mayroong balanse.

Kung ang bagay sa ati’y paningin ay malaki,


Ito ay nasa harapang bahagi;
Kapag nasa likuran naman ang bagay nakalagay,
Pinakamaliit naman ito sa ating palagay.

Ang huling bahagi upang mabuo ang balanse sa larawan,


Ay ang gitnang bahagi na nasa pagitan ng harapan at likuran;
Kung ang mga bahaging ito ay ating mapag-aralan;
Tiyak ako ang aralin natin ngayon ay agad mong matutunan.

10
Atin ng tuklasin at sagutin ang sumusunod na
mga tanong.

1. Tungkol saan ang tula?


a. balanse sa larawan
b. harapan ng larawan
c. likuran ng larawan

2. Ayon sa tula ano-ano ang mga bahagi ng larawan o


tanawin?
a. kaibigan, larawan, at balanse
b. harapan, gitna, at likuran
c. balanse, bagay, paningin

Tingnan ang larawan o tanawin sa


ibaba, ito ang Bulkang Matutum na
makikita sa Polomolok, South Cotabato.
Pag-aralan natin itong mabuti dahil ito
ay nagpapakita na may balanse sa
larawan.

Bulkang Matutum sa Polomolok, South Cotabato


https://cotingjo.wordpress.com/2016/10/18/dole-plantations-and-mt-matutum/

11
Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang sagot
sa patlang.

1. Ano ang makikita sa larawan na malapit sa tumitingin?


Sagot: _______________________________
2. Ano ang makikita sa larawan na malayo sa tumitingin?
Sagot: _______________________________
3. Ano-ano ang makikita sa pagitan ng harapan at likuran?
Sagot: _______________________________

Suriin

Alam mo ba…
Napalalaki o napaliliit ng isang pintor
ang mga bagay ayon sa kanilang
kinalalagyan o layo sa tumitingin.
Ang mga bagay na nasa harapan
at malapit sa tumitingin ay malalaki
samantalang ang nasa likuran ay
maliliit lamang dahil malayo ito sa
lugar ng tumitingin. Ang iba pang
mga bagay ay nasa pagitan ng
harapan at likuran.
Ang balance ay naipapakita sa
larawan sa pagkakaroon ng
harapan, gitnang bahagi, at likuran
ng larawan.

12
Pagyamanin
Sa puntong ito ay susubukin ulit natin ang iyong
kakayahan kung gaano mo naintindihan ang ating aralin sa
mga naunang gawain.

Larawan ay mula sa: MAPEH in Action, Cynthia T. Montanez, et al, Unang Edisyon 2014, Book Media Press

Panuto: Tingnan ang larawan sa itaas at punan sa patlang ang


tamang sagot upang mabuo ang pangungusap.

maliit unahan gitna likuran balanse

1. Ang foreground (harapan) ay makikita sa ________ bahagi ng


larawan.

2. Ang middle ground (gitna) ay makikita sa pagitan ng


___________________ at 3. _____________________ ng tanawin.

4. Ang bagay ay ___________________ tingnan kung ito ay nasa


background (likuran) na bahagi ng larawan.

5. Mayroong ________________ sa larawan kung ito ay binubuo


ng harapan, gitna, at likurang bahagi.

13
Isaisip

Mahusay ang iyong ipinakitang


kakayahan sa ating mga gawain. Ngayon,
ipakitang muli ang iyong galing sa pagbuo ng
kaisipan

 Ang ________________ ay mga bagay na makikita sa harapan


ng larawan. Ito ay malaking tingnan dahil malapit sa
tumitingin.
 Ang _________________ ay makikita sa harapan at likuran ng
larawan.
 Ang _________________ ay makikita sa hulihang bahagi ng
larawan. Ito ay maliit tingnan dahil malayo sa tumitingin.

Isagawa
Upang lalo mong maunawaan ang
ating aralin tungkol sa balanse ng
larawan ay magkakaroon tayo ng isa na
namang gawain.

A. Alin sa food pyramid ang foreground? middle ground?


background? Isulat ang sagot sa patlang.

1.

2. Pangkat Grow Foods

Pangkat Glow Foods

3.
Pangkat Go Foods
ttps://favpng.com/png_view/health-food-pyramid-drawing-clip-art-png/cY4stjQch
https://www.google.com/url?sa=i&url=https://favpng.com/png_view /health-food-pyramid-drawing-clip-art-png/cY4stjQc&psig=AOvVaw2VJzCbNPenHiYtarXzV2Zb&ust=1591155722065000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRx qFwoTCIDGhJGb4ukCFQAAAAAdAAAAABAD

14
B. Batay sa food pyramid, aling pangkat ng pagkain ang
dapat maraming kainin?
Sagot: ________________________________________

katamtaman?
Sagot: ________________________________________

Kaunti?
Sagot: _______________________________________

Tayahin

PANUTO: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Bilugan


ang titik ng tamang sagot.

1. Ang foreground (harapan) ay makikita sa _______ ng


larawan o tanawin?
a. likuran
b. unahan
c. gitna

2. Saan makikita ang middle ground (gitna)ng isang


larawan o tanawin?
a. harapan at likuran
b. harapan
c. likuran

3. Matatagpuan sa likurang bahagi ng larawan o


tanawin ang __________________?
a. background
b. middle ground
c. foreground

15
4. Tukuyin kung anong bahagi ng larawan o tanawin ang
itinuturo?

a. foreground
b. middle ground
c. background

5. Nagkakaroon ng balanse ang isang larawan o


tanawin kapag ito ay may _________________?
a. foreground (harapan) at middle ground gitna
(gitna) na bahagi.
b. middle ground (gitna) at background (likuran) na
bahagi.
c. foreground (harapan), middle ground gitna
(gitna) at background (likuran).

Malugod kitang binabati sa iyong


ipinakitang kahusayan sa
matagumpay na pagsagot sa mga
gawain. Sa iyong palagay tama kaya
ang lahat ng iyong sagot? Maaari mo
ng bilangin ang lahat ng iyong iskor sa
tayahin upang malaman ang
katibayang talaga ngang may
natutunan ka sa inihanda kong mga
gawain sa module na ito. Maraming
salamat sa iyong kooperasyon
kaibigan. Sana ay nakatulong ako sa
iyo sa araling ito.

16
Karagdagang Gawain

Narito ang panghuling pagsubok na iyong


sasagutin. Galingan mo!

Panuto: Tingnan ang “word clues” sa bawat bilang


upang masagot ang palaisipan.

Pababa
Pababa

Pahalang

Pahalang

Pababa
1. Ito ang pinakamalayong bahagi ng isang larawan o
tanawin.
2. Naipapakita nito ang pagkakaroon ng foreground
(harapan), middle ground (gitna), at background (likuran).

Pahalang
3. Bahagi ng larawan o tanawin kung saan makikita sa pagitan
ng harapan (foreground), at likuran (background).
4. Malapit ito sa tumitingin kaya ang mga bagay na nakalagay
dito ay mukhang malaki sa tumitingin.

17
18
Karagdagang Pagyamanin
Gawain 1. unahan
Pababa 2. harapan
3. likuran
1. likuran 4. maliit
2. balanse 5. balanse
(balance)
Tuklasin
Pahalang
3. gitna A.
4. harapan
1. a
2. b
B.
Tayahin
1. taong naksakay sa
1. b kabayo
2. a 2. bulkan
3. c 3. mga puno, tanim
4. a (Maaaring tamang sagot ng
5. c bata base sa larawan.)
Balikan
Isagawa
1. b
A. Maaaring tamang sagot ng bata. 2. c
B. Maaaring tamang sagot ng bata. 3. a
Isaisip Subukin
A. harapan (foreground) 1. b
B. agitna (middle ground) 2. a
C. likuran (background) 3. c
4. a
5. c
Susi sa Pagwawasto
Pangalan: __________________________________________________
Baitang at Pangkat: _____________ Iskor: ______________

SAGUTANG PAPEL
Subukin Isagawa

1. a b c A.
2. a b c 1. ________________
3. a b c 2. ________________
4. a b c 3. ________________
5. a b c B.
1. ________________
2. ________________
Balikan
3. ________________
Hanay A Hanay B
1   a
Tayahin
2   b
3   c 1. a b c
2. a b c
3. a b c
Tuklasin
4. a b c
A. 5. a b c

1. _____________________
Karagdagang Gawain
2. _____________________
B.
1. _____________________
2. _____________________
3. _____________________

Pagyamanin
1. _____________________
2. _____________________
3. _____________________
4. _____________________
5. _____________________

Isaisip
A. ________________ B. _________________ C. _________________

19
SANGGUNIAN

Aklat
Montañes, Cynthia T., et. al. 2014. Music, Arts, Physical Education
and Health – Ikatlong Baitang, Kagamitan ng
Mag-aaral sa Tgalog. Unang Edisyon. Meralco
Avanue, Pasig City, Philippines 1600:Rex
Bookstore, Inc.

Montañes, Cynthia T., et. al. 2015. Music, Arts, Physical Education
and Health – Grade 3, Teacher’s Guide. First
Edition. Meralco Avanue, Pasig City,
Philippines 1600:Rex Bookstore, Inc.

Web
•https://www.youtube.com/watch?v=vsYrGM1IHYo
•https://www.pinterest.co.uk/pin/328270260319626434/
•https://paintingvalley.com/s-tag/kettle
•https://fineartamerica.com/featured/still-life-i-han-choi.html
•https://cotingjo.wordpress.com/2016/10/18/dole-plantations-
and-mt-matutum/
•https://www.google.com/url?sa=i&url=https://favpng.com/pn
g_view/health-food-pyramid-drawing-clip-art-
png/cY4stjQc&psig=AOvVaw2VJzCbNPenHiYtarXzV2Zb&ust=1
591155722065000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqF
woTCIDGhJGb4ukCFQAAAAAdAAAAABAD

20
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihikayat
ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan at tugon, maaring sumulat o tumawag:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

21

You might also like