Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

TAWAG, LEONYFE M.

MAED-FILIPINO

PALAPANTIGAN
KAHULUGAN
- Ang pantig ay binubuo ng salita o bahagi ng isang salita na binibigkas sa
pamamagitan ng isang walang antalang bugso ng tinig. Bawat pantig sa
Filipino ay may patinig na kalimitan ay may kakabit na katinig o mga katinig
sa unahan, hulihan o sa magkabilaan.
- Ito ay itinuturing na yunit na binunbuo ng isang patinig o kambal-patinig at
isa o mahigit pang katinig . Bawat patinig (/a/, /e/, /i/, /o/ at /u/) ay isang
pantig; samantala, kailangan n bawat katinig ang isang patinig upang
maging pantig. Dagdag pa, may isa lang patinig sa bawat samantalang
maaaring mahigit sa dalawa ang katinig sa isang pantig.

KAYARIAN NG PANTIG
Alinsunod sa sinundang paliwanag, ang pantig ay maaaring binubuo ng isang
patinig, o isang katinig at isang patinig o dalawa o mahigit pang katinig at isang patinig.
Sumusunod ang mga kayarian ng oatinig sa pasulat na simbolo at kinakatawan ng P
ang patinig at ng K ang katinig.

1. P – pantig na binubuo ng patinig lamang, kaya’t tinatawag na payak.

Hal. o – o, a-ko, i-kaw, a- yaw

2. KP- pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa unahan, kaya’t


tinatawag na tambal-una.

Halimbawa: ba-ba-e, su-ma-yaw, lu-to

3. PK- pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa unahan, kaya’t


tinatawag na tambal-huli.

Halimbawa: ok-ra, is-da, ma-is

4. KPK- pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa unahan at


hulihan, kaya’t tinatawag na kabilaan.

Halimbawa: su-lat, bun-dok, bat-ya

5. KKP- pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klaster sa unahan.

Halimbawa: tse-ke, dra-gon, kla-se

6. PKK- pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klaster sa hulihan.

Halimbawa: ins-tru-men-to, eks-tra, ins-pi-ras-yon

June 24, 2024 1


TAWAG, LEONYFE M.
MAED-FILIPINO

7. KKPK- pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klaster sa unahan at


katinig sa hulihan

Halimbawa: klas-rum, prak-tis, kris-tal

8. KPKK- pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa unahan at


klaster sa hulihan.

Halimbawa: pla-kard, a-larm, nars

9. KKPKK- pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klaster sa unahan at


sa hulihan.

Halimbawa: trans-po-sis-yon, tsart, trans-pa-rent

10. KPKKK- pantig na binubuo ng katinig sa unahan at may patig na may tambal
na klaster at katinig sa hulihan.

Halimbawa: ports, folks, tasks

11. KKPKKK- pantig na binubuo nhg tambal-katinig sa unahan, isang patinig at


tatlong magkakasunod na katinig sa hulihan.

Halimbawa: sports, shirts, thanks

June 24, 2024 2

You might also like