Professional Documents
Culture Documents
MAIKLING KWENTO-TAWAG, LEONYFE M.
MAIKLING KWENTO-TAWAG, LEONYFE M.
MAIKLING KWENTO-TAWAG, LEONYFE M.
dalagang may balingkinitan ang katawan at kayumangging kutis ang tila hindi man
lamang nag-alinlangan na baka maubusan siya ng upuan. Dala-dala ang kanyang
mga gamit sa eskwelahan, tahimik lamang na nakaupo si Kristina. Siya ay dalawampu’t
limang taong gulang at nasa huling taon na sa kursong abogasya. Mababakas sa
kanyang mukha ang pagod sa maghapon. Ang nakasukbit na bag sa kanyang likod ay
kakikitaan ng maraming taon ng pakikipagsapalaran hanggang marating niya ang
kinaroroonan n’ya ngayon.
Ganito ang nakagawian ni Kristina Olivarez para makauwi. Tinay ang tawag sa
kanya ng malalapit niyang mga kaibigan. Ang kanyang tinutuluyan ay isang munting
barong-barong na yari sa pinagtagpi-tagping yero, tabla, tarpaulin at iba pang
materyales. Ang tanging paraan upang maipinid ang pinto ay sa pamamagitan ng
isang taling yari sa makapal na sinalapid na tela. Pagkapasok sa pinto ay makikita ang
maliit na lamesa na may isang upuan at sa gilid nito ay naroon ang munting
banggerahan na yari sa kawayan. Makikita rin ang isang silid na natatambilan ng luma
ngunit malinis na kurtina.
Tatlong beses sa isang linggo kung magpalaba si Aling Nena at binibigyan naman
siya nito ng limandaang piso bilang kabayaran dito. Dali-daling nilabhan ni Tinay ang
mga damit upang maaga siyang matapos dito at magawa pa niya ang kanyang mga
gawain sa eskwelahan. Nang matapos na siya ay isinampay na niya ito sa likod ng
kanyang bahay.
Pebrero 9, 2011 ikapitong kaarawan ng nag-iisang anak ng mag-asawang
Segunda at Anastacio Olivarez. Ang malaking tahanan nila sa Surigao ay punong-puno
ng mga bisitang nagmula pa sa mga prominenteng angkan sa bansa. Buong paligid ay
napapalamutian ng iba’t ibang dekorasyon na hindi matatagpuan sa Pilipinas. Sa isang
mahabang hapag ay nakahain ang iba’t ibang putahe ng pagkain. Katabi nito ay ang
nasa anim na talampakang kulay rosas na cake na napapaligiran ng mga nakakaing
bulaklak.
Dali-dali niyang hinango sa kalan na de-uling ang kanyang sinaing. Nagbukas siya
ng sardinas at itinaktak ito sa ibabaw ng kanyang mainit-init na kanin. Kailangan na
niyang magmadali sapagkat manghihiram pa siya ng libro sa kanyang kaklase. Ganito
ang tipikal na araw ni Tinay.
Isang hapon pag-uwi niya sa kanyang bahay, nadatnan niyang nakabukas ito.
Sa looban ng maraming taon na paninirahan niya rito ay ngayon lang ito nangyari.
Pagpasok niya ay sumambulat sa kanya ang kanyang mga nagkalat na gamit. Dali-dali
siyang lumabas at ipinagtanong sa kapitbahay niya kung may napansin silang pumasok
sa kanyang bahay.
“Naku, Tinay maraming mga lalaki ang hindi namin kilala ang nakita naming
nanggaling jan kanina,” wika ni Aling Mameng na nakatira sa katapat ng bahay niya.
“Ngayon lang namin sila nakita dito. Sinita pa nga ni Mang Domeng na tanod
pero tinutukan lang siya ng baril,” pagsasalaysay ni Aling Marissa na may tindahan sa
gilid ng bahay ni Tinay.
“Wala naman kaming nakitang kinuha sa bahay mo, at isa pa, ano naman kaya
ang makukuha nila sa’yo?” taking-takang dagdag ni Aling Marissa.
“Iyon nga rin po ang hindi ko alam. Sige po at aasikasuhin ko lang po ang mga
gamit ko upang malaman ko kung may nawawala. Maraming salamat po.” Paalam ni
Tinay.
Hindi lubos maisip ni Tinay kung ano ang pakay ng grupo ng mga kalalakihan sa
kanyang bahay. Isa pa ay kung paanong nalaman nila na sa loob ng barong-barong
na iyon ay may mamahaling kwintas na nakatabi. Lungkot na lungkot si Tinay sapagkat
kahit anong hirap ang dinanas niya ay ni hindi niya naisip na isanla o ibenta man lamang
ito pero sa isang iglap ay ganoon na lamang ito nawala. Hindi nakatulog ng gabing iyon
ang dalaga. Sa mahabang panahon ng kanyang pag-iisa ay ngayon na lamang uli siya
nakaramdam ng takot at pangamba.
Sinikap niyang hindi magambala ng anumang isipin ang kanyang utak sapagkat
mahalaga ang pagsusulit niya ngayong araw. Ito ang magiging basehan kung siya ay
makakapagtapos o hindi.
Nagising ang dalaga na siya ay nasa isang puting silid. Nasa ospital na siya. Agad
siyang tumayo at saktong parating ang nars.
“May nagdala po sa inyo rito dahil natagpuan po kayong walang malay sa isang
eskinita. Maaari ko bang makausap ang iyong mga magulang iha?” magalang na
tanong ng nars.
“Wala rin po akong ibabayad kapag nagtagal pa ako rito.” Dagdag pa niya.
“Miss, bayad na lahat ng bills mo. Kahit gaano ka pa katagal dito. Binayaran na
nung lalaking nagdala sa iyo rito,” saad ng nars.
“Sige po. Ihahanda ko lang po ang discharge papers ninyo,” sabi ng nars.
“Bakit? Ano bang kasalanan ko?” iyak na may halong sigaw na sambit ng
dalaga.
---Wakas---