MAIKLING KWENTO

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Habang ang lahat ay nag-uunahang makasampa sa papaalis na dyip, isang dalagang may

balingkinitan ang katawan at kayumangging kutis ang tila hindi man lamang nag-alinlangan na baka
maubusan siya ng upuan. Dala-dala ang kanyang mga gamit sa eskwelahan, tahimik lamang na nakaupo
si Kristina. Siya ay dalawampu’t limang taong gulang at nasa huling taon na sa kursong abogasya.
Mababakas sa kanyang mukha ang pagod sa maghapon. Ang nakasukbit na bag sa kanyang likod ay
kakikitaan ng maraming taon ng pakikipagsapalaran hanggang marating niya ang kinaroroonan n’ya
ngayon.

Maya-maya pa’y napuno na ang dyip. Ang kanina’y walang katinag-tinag na si Kristina ay
sumampa na sa punong dyip at isinara ang estribo nito at doon siya umupo na sinabayan pa niya ng
malakas na hampas sa bubong nito na tila ba isang hudyat sa drayber upang paandarin na ang makina
nito.

Ganito ang nakagawian ni Kristina Olivarez para makauwi. Tinay ang tawag sa kanya ng
malalapit niyang mga kaibigan. Ang kanyang tinutuluyan ay isang munting barong-barong na yari sa
pinagtagpi-tagping yero, tabla, tarpaulin at iba pang materyales. Ang tanging paraan upang maipinid ang
pinto ay sa pamamagitan ng isang taling yari sa makapal na sinalapid na tela. Pagkapasok sa pinto ay
makikita ang maliit na lamesa na may isang upuan at sa gilid nito ay naroon ang munting banggerahan na
yari sa kawayan. Makikita rin ang isang silid na natatambilan ng luma ngunit malinis na kurtina.

Pagkarating niya sa kanyang tinitirhan, agad niyang hinubad ang kanyang sapatos na halos wala
ng swelas at nagpalit ng damit. Dinampot niya ang dalawang timba. Nang bumalik siya, dala na niya ang
dalawang timba na parehong may laman na. Ang isa ay mga damit at ang isa naman ay tubig. Nanggaling
na siya sa poso at kinuha na rin niya ang kanyang labada kina Aling Nena na isang guro.

Tatlong beses sa isang linggo kung magpalaba si Aling Nena at binibigyan naman siya nito ng
limandaang piso bilang kabayaran dito. Dali-daling nilabhan ni Tinay ang mga damit upang maaga siyang
matapos dito at magawa pa niya ang kanyang mga gawain sa eskwelahan. Nang matapos na siya ay
isinampay na niya ito sa likod ng kanyang bahay.

Pebrero 9, 2011 ikapitong kaarawan ng nag-iisang anak ng mag-asawang Segunda at


Anastacio Olivarez. Ang malaking tahanan nila sa Surigao ay punong-puno ng mga bisitang nagmula pa
sa mga prominenteng angkan sa bansa. Buong paligid ay napapalamutian ng iba’t ibang dekorasyon na
hindi matatagpuan sa Pilipinas. Sa isang mahabang hapag ay nakahain ang iba’t ibang putahe ng pagkain.
Katabi nito ay ang nasa anim na talampakang kulay rosas na cake na napapaligiran ng mga nakakaing
bulaklak.

“Ngayon ay atin ng matutunghayan ang nag-iisang tagapagmana ng mga Olivarez. Ang unica hija
ng tahanang ito, si Kristina Olivarez,” pagpapakilala ng taga-anunsyo.
Ilang saglit pa lamang ay pumailanlang ang malamyos na musika. Itinutok ang liwanag sa tuktok
ng mataas na hagdan at dahan-dahang bumaba si Kristina. Sinalubong siya ng kanyang mga magulang at
buong pagsuyong hinagkan.

“Maraming salamat sa inyong pagdating sa kaarawan ng aming anak. Ngayon pa lamang ay


ramdam na ramdam na naming ang suporta ninyo sa kanya,” wika ni Don Anastacio.

“Anak, ang lahat ng mayroon kami ay lahat ay mapapasaiyo. Alam namin na napalaki ka naming
nang maayos. Mahal na mahal ka naming ng mommy mo,” dagdag pa ng Don.

Pagkatapos ay isinuot nito sa kanya ang mamahaling kwintas na may locket at naroon ang
larawan nilang mag-anak. Sa labas ng naman ay nakaukit ang titik “K”.

“Maraming, maraming salamat po mommy at daddy. Sobrang saya ko po,” inosenteng saad ni
Kristina.

Naroon din ang kanyang kababatang si Tim na anak ng kasosyo ng kanyang daddy. Nginitian niya
ito at gumanti rin ng matamis na ngiti si Tim.

Dahan-dahang lumakad ang mag-anak patungo sa kinaroroonan ng cake para hipan ang mga
kandila rito. Kasabay ng saliw ng awit para sa may kaarawan, hinipan na ni Kristina ang cake. Kasabay
ng pagkamatay ng kandila, isang malaking pagsabog ang pumailanlang.

Simula noon, tila bulang naglaho ang lahat kay Kristina. Sa kung paanong paraan ay hindi niya
alam. Sapagkat may aking talino at diskarteng namana sa mga magulang, sa murang edad ay natutunan
niyang mabuhay mag-isa.

Naalimpungatan si Tinay sa kanyang malalim na pag-iisip ng maamoy niya ang nasusunog na


sinaing.

“Ay! Anak ng tokwa!” ang naisambulat ni Tinay.

Dali-dali niyang hinango sa kalan na de-uling ang kanyang sinaing. Nagbukas siya ng sardinas at
itinaktak ito sa ibabaw ng kanyang mainit-init na kanin. Kailangan na niyang magmadali sapagkat
manghihiram pa siya ng libro sa kanyang kaklase. Ganito ang tipikal na araw ni Tinay.

Isang hapon pag-uwi niya sa kanyang bahay, nadatnan niyang nakabukas ito. Sa looban ng
maraming taon na paninirahan niya rito ay ngayon lang ito nangyari. Pagpasok niya ay sumambulat sa
kanya ang kanyang mga nagkalat na gamit. Dali-dali siyang lumabas at ipinagtanong sa kapitbahay niya
kung may napansin silang pumasok sa kanyang bahay.
“Naku, Tinay maraming mga lalaki ang hindi namin kilala ang nakita naming nanggaling jan
kanina,” wika ni Aling Mameng na nakatira sa katapat ng bahay niya.

“Ngayon lang namin sila nakita dito. Sinita pa nga ni Mang Domeng na tanod pero tinutukan lang
siya ng baril,” pagsasalaysay ni Aling Marissa na may tindahan sa gilid ng bahay ni Tinay.

“Wala naman kaming nakitang kinuha sa bahay mo, at isa pa, ano naman kaya ang makukuha nila
sa’yo?” takang-takang dagdag ni Aling Marissa.

“Iyon nga rin po ang hindi ko alam. Sige po at aasikasuhin ko lang po ang mga gamit ko upang
malaman ko kung may nawawala. Maraming salamat po.” Paalam ni Tinay.

Pagkarating niya sa kanyang bahay ay agad niyang ininspeksyon ang kanyang mga nagkalat na
gamit. Sa lahat ng nagkalat doon ay isa lamang ang nakaagaw ng pansin sa kanya-ang isang maliit na
tarhetang nakabukas. Dali-dali niya itong dinampot at hind inga siya nagkamali ng iniisip. Ito ang lagayan
ng kwintas na pamana at tanging naiwang alaala ng mga magulang niya. Subalit wala na rito ang kwintas.

Hindi lubos maisip ni Tinay kung ano ang pakay ng grupo ng mga kalalakihan sa kanyang bahay.
Isa pa ay kung paanong nalaman nila na sa loob ng barong-barong na iyon ay may mamahaling kwintas
na nakatabi. Lungkot na lungkot si Tinay sapagkat kahit anong hirap ang dinanas niya ay ni hindi niya
naisip na isanla o ibenta man lamang ito pero sa isang iglap ay ganoon na lamang ito nawala. Hindi
nakatulog ng gabing iyon ang dalaga. Sa mahabang panahon ng kanyang pag-iisa ay ngayon na lamang
uli siya nakaramdam ng takot at pangamba.

Kinabukasan, sinikap ni Tinay na pumasok sa paaralan sa kabila ng nangyari sa kanya noong


nakaraang araw. Mayroon kasi silang pagsusulit ngayon. Gaya ng kanyang nakagawian, nang dumaan ang
dyip ay agad siyang sumakay sa estribo. Pagkababa niya sa unibersidad na kanyang pinapasukan ay
naramdaman niya na tila ba may mga matang nakatitig sa kanya.

Bahagyang nagpalinga-linga ang dalaga subalit wala siyang nakita.

“Baka guni-guni ko lang iyon,” sambit ng dalaga sa kanyang sarili.

Sinikap niyang hindi magambala ng anumang isipin ang kanyang utak sapagkat mahalaga ang
pagsusulit niya ngayong araw. Ito ang magiging basehan kung siya ay makakapagtapos o hindi.

Kinahapunan, kahit na napapagod na siya ay nilakad pa rin niya patungong terminal ng dyip
upang doon ay makapag-abang sa kanyang kakilalang mga drayber ng dyipni. Habang naglalakad,
ramdam niya na mayroong sumusunod sa kanya. Mabilis niyang nilingon subalit wala naman siyang
kahina-hinalang taong nakita. Muli siyang bumalik sa paglalakad at mas binilisan niya ang bawat
paghakbang. Hindi na niya alintana ang kanyang mga nakakasalubong. Ang tangi niyang nais ay
makauwi.

Pagpasok niya sa isang makipot na eskinita, may biglang humablot sa kanya at tinakpan ng panyo
ang kanyang ilong at bibig. Nagpumiglas ang dalaga subalit lubhang malakas ang taong iyon. Maya-maya
pa’y nakaramdam ng pamamanhid ng buong katawan ang dalaga at tuluyan na siyang nawalan ng lakas
na lumaban. Matiim niyang pinagmasdan ang mata ng taong iyon. Tila ba nakita na niya iyon. Hindi siya
maaaring magkamali. Kilala niya ang taong nasa likod ng maskarang iyon. Ang kanyang mata ay
pamilyar sa dalaga. Tama. Nakita ko na ang parehong mga matang iyon labingtatlong taon na ang
nakalilipas. At tuluyan ng nawalan ng ulirat ang dalaga.

Nagising ang dalaga na siya ay nasa isang puting silid. Nasa ospital na siya. Agad siyang tumayo
at saktong parating ang nars.

“Nars, ano pong nangyari?” tanong niya rito.

“May nagdala po sa inyo rito dahil natagpuan po kayong walang malay sa isang eskinita. Maaari
ko bang makausap ang iyong mga magulang iha?” magalang na tanong ng nars.

“Wala na po akong mga magulang. Miss pwede na po ba akong umuwi? Maayos na po


pakiramdam ko.” Sambit ng dalaga

“Wala rin po akong ibabayad kapag nagtagal pa ako rito.” Dagdag pa niya.

“Miss, bayad na lahat ng bills mo. Kahit gaano ka pa katagal dito. Binayaran na nung lalaking
nagdala sa iyo rito,” saad ng nars.

Lalo ng naguluhan ang dalaga.

“Kung gayon, lalabas na po ako,” mariin niyang wika.

“Sige po. Ihahanda ko lang po ang discharge papers ninyo,” sabi ng nars.

Nakalabas nga ang dalaga sa ospital.

Makalipas ang dalawang linggo ay inianunsyo na ang mga magsisipagtapos ng kursong abogasya
at isa ang pangalan ni Kristina sa binanggit. Walang pagsidlan ang kaligayahan ng dalaga. Sa wakas ay
makakaalis na siya sa barong-barong na tinitirhan at makakahanap na siya ng maayos na trabaho. Higit sa
lahat kapag pumas ana siya sa bar exam at isa na siyang ganap na abogado, mauumpisahan na niya ang
paghahanap ng hustisya sa sinapit ng kanyang mga magulang.
Pagkatapos ng seremonya ng pagtatapos ni Tinay, umuwi na agad siya sa kanyang bahay sapagkat
nahihilo na siya. Naisip niya na siguro ay dala ng sobrang init na panahon. Maya-maya’y tila may kung
ano sa tiyan niya at nasuka siya. Naalala niya na mahigit isang buwan na siyang hindi dinadatnan.
Napaupo ang dalaga at napahagulgol.

“Bakit? Ano bang kasalanan ko?” iyak na may halong sigaw na sambit ng dalaga.

Muling nanumbalik sa kanya ang imahe ng mata ng lalaking iyon.

“Isinusumpa ko, hahanapin kita. Magbabayad ka! Kapag dumating ang panahon na iyon,
sisingilin kita sa paraang hindi mo magugustuhan. Ipararanas ko sa iyo ang impyerno dito sa lupa!
Ipinapangako ko!” sigaw ni Kristina.

---Wakas---

You might also like