Arts3_SLM_Q1M8

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

3

Arts
Unang Markahan – Modyul 8:
Pagdidisenyo at Pagguhit ng
mga Makasaysayang Bahay
at Gusali

Arts – Grade 3
Self-Learning Module (SLM)

1
Unang Markahan – Modyul 8: Pagguhit at Paglalarawan
ng mga Makasaysayang Bahay at Gusali
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Development Team of the Module


Writer: Althea J. Diero - T-II
Editors: Content Rona N. Tacot – EPS, MAPEH, Gladys P. Viola - MT-II
Language Agnes G. Muyco - P-II, Elva P. Belgira - P-I
Reviewers: Rona N. Tacot – EPS, MAPEH, Agnes G. Muyco - P-II
Elva P. Belgira - P-I
Layout Artist: Althea J. Diero - T-II, Diomar C. Narcilla - T-III
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Management Team: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Miguel C. Fillalan, Jr., CESO VI - Schools Division Superintendent
Levi B. Butihen - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Magdaleno C. Duhilag Jr. - REPS – MAPEH
Arlene Rosa G. Arquiza – Chief-ES, CID
Ma. Dianne Joy R. dela Fuente – PDO-II, OIC-Division LRMS
Jesus V. De Gracia Jr. – EPS, Division ADM Coordinator
Rona N. Tacot – EPS, MAPEH

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph

2
3
Arts
Unang Markahan – Modyul 8:
Pagdidisenyo at Pagguhit ng mga
Makasaysayang Bahay at Gusali

3
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Arts - Ikatlong Baitang)
ng Self-Learning Module (SLM) para sa araling Pagdidisenyo at
Pagguhit ng mga Makasaysayang Bahay at Gusali!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pampublikong institusyon upang
gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum
ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
2
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Arts - Ikatlong Baitang ng Self-
Learning Module (SLM) Modyul ukol sa Pagdidisenyo at Pagguhit
ng mga Makasaysayang Bahay at Gusali!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

3
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

4
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang
bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

5
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas
ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim
na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

6
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa iyong kaalaman.


Ito ay tutulong sa iyo na maging bihasa sa araling itinakda para sa
Ikatlong Baitang – Sining. Ang kabuuan ng modyul na ito ay
nagpapahintulot na gamitin sa iba’t ibang paraan ng pag-aaral.
Ang lengguahe ay kumikilala sa iba’t ibang antas ng bokabularyo
ng isang mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos ayon sa
pamantayan ng pagtuturo. Ngunit, ang pamantayan na iyong
binabasa ngayon ay maaaring magbago para tumugma sa
batayang aklat na gagamitin ng isang mag-aaral.

Ang modyul na ito ay tungkol sa:

• Aralin 8 – Pagdidisenyo at Pagguhit ng


mga Makasaysayang Bahay at Gusali

Pagkatapos balangkasin ang modyul, inaasahan ang isang


mag-aaral na natutunan ang araling ito:

 Nakadidisenyo ng isang tanawin ng probinsyang/ rehiyong


may kabahayan at gusali na nagpapakita ng foreground,
middle ground at background gamit ang ibat-ibang laki ng
mga bagay.

7
Subukin

A. Composition
PANUTO: Magdisenyo o magguhit ng isang tanawin na
inilalarawan.

Mga puno bilang


background

Bahay-Kubo bilang
middle ground

Mga halaman
bilang foreground

B. Multiple Choice:
PANUTO: Batay sa larawan, sagutin ang mga sumusunod.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang foreground ng larawan ay makikita sa ______________.


a. harapan b. gitna c. likuran

2. Ang bahay-kubo ay makikita sa ____________ ng larawan.


a. harapan b. gitna c. likuran

8
Aralin Pagguhit Pagdidisenyo at Pagguhit

8 ng mga Makasaysayang Bahay at


Gusali

Sa araling ito, tayo ay maglalakbay sa


ibat-ibang makasaysayang lugar sa ating
bansa. Inaasahan ding gagawa ka ng isang
likhang-sining na may kinalaman sa mga
makasaysayang gusali at bahay.

Handa ka na ba? Tayo na! Mamangha at


matutuwa ka sa mga tanawing kagila-gilalas
na matatagpuan sa ating bansa.

Balikan

Tayo ay magbalik-tanaw sa ating nakaraang


leksyon. Susukatin natin ang inyong
kaalaman sa pamamagitan ng isang
maiksing pagsasanay.

PANUTO: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang _________ ay mabilis na pagtatala ng


mga bagay na iyong nakikita sa paligid.
a. hugis b. linya c. sketching

2. Ito ay elemento ng sining na naglalarawan


sa bagay at tao ayon sa kaniyang
katangiang pisikal.
a. Linya b. Sketching c. Tekstura

9
3. Ito ay elemento ng sining na naglalarawan sa pisikal na
porma ng isang bagay.
a. Hugis b. Tekstura c. Linya

4. Ano-anong elemento ng sining ang ginagamit sa paggawa


ng mga sketches?
a. Tekstura at Hugis
b. Linya at Balanse
c. Linya at Hugis

5. Ito ay hindi kongkretong likhang-sining.


a. Linya b. sketch c. hugis

Nasagot mo ba nang tama ang mga


katanungan? Alam kong nakangiti mong natapos
ang mga tanong. Magaling! Magpapatuloy na tayo
sa ating susunod na gawain.

Tuklasin

Tingnan ang larawan sa ibaba.


Basahin ang nakasulat sa “Alam Mo
Ba?”.

Alam Mo Ba?
Ang National Food Authority
building o “Sillo” na matatagpuan
sa Syudad ng Tacurong ay ang
pinakamataas na gusali ng Sultan
Kudarat. Naitayo ito noong unang
panahon pa. Dito iniimbak ang
mga libo-libong sako ng bigas at
https://www.facebook.com/puppychol/posts/nfa-tacurong-city-
palay sa buong Mindanao.
wow/324187064658792/

10
https://joansfootprints.com/2020/04/23/lake-sebu-travel-guide-the-land-of-the-dreamweavers-2020-budget-itineray/

Alam Mo Ba?
Si Lang Dulay ay isang National Living Treasure Awardee
(Manlilikha ng Bayan) na isang prestihiyosong parangal
na ibinigay sa kanya noong 1998. Matapos makuha
ang kanyang parangal, binuksan ni Lang Dulay ang
Manlilikha ng Bayan Center upang tumuon sa
pagpapanatili ng sining ng T'boli.

Ang lahat na ipinakitang mga


larawan ay makikita sa ating rehiyon.
Namangha ka ba?
Bago tayo magsimula sa pagsusuri
ng iba pang mga larawan, atin munang
bibigyan ng kahulugan ang iilang salitang
gagamitin sa ating aralin.
Foreground ang tawag sa parte ng
larawan na makikita mo sa harapan.
Background naman ang likod na bahagi
at ang Middle Ground ay nasa pagitan ng
foreground at background.

11
Suriin

Tandaan …
Nagpapakita ng balanse ang larawan
kapag ito ay may foreground, middle ground at
background.
Nakadidisenyo o nakaguguhit tayo ng
isang larawan ng makasaysayang bahay o
gusali gamit ang iba’t ibang linya at hugis na
may foreground, middle ground, at background
upang higit na maging maganda ang ating
iginuhit na larawan.

Middle
Foreground Ground
CALLE CRISOLOGO, VIGAN CITY, ILOCOS SUR
http://forum.philboxing.com/viewtopic.php?f=10&t=253369

Ang larawan sa itaas ay ang pinakamatandang mga


gusali sa ating bansa na dinisenyo noong panahon ng mga
Espanyol. Ito ay nasa Vigan City, Ilocos Sur. Kilala ito sa
pangalan na Calle Crisologo.

12
Background

Middle
Ground

Foreground

http://www.artnet.com/artists/teodoro-buenaventura/bahay-kubo-Jfmrw1-1xoZmZEjoMzz-xA2

Bahay-Kubo ang tawag sa disenyo ng naipintang


bahagi ng middle ground sa larawan. Ito ang pinaka
matandang uri ng bahay sa ating bansa at itinuturing itong
Pambansang Bahay ng Pilipinas. Masasabi mong “Tatak
Pinoy” ang ganitong uri ng bahay.

13
Pagyamanin

Narito ang isa pang gawain kung saan


masasanay ang iyong kakayahan sa wastong
pagdidisenyo at makatukoy ng mga elementong
makikita sa bawat bahagi ng larawan.

Pamamaraan: Isulat ang mga bagay na makikita mo sa bahagi ng


larawan na nagpapakita ng balanse. Isulat ang
sagot sa patlang.
Larawan A
Foreground:

__________________

Middle Ground:

__________________

Background:

__________________

Larawan B
Foreground:

__________________

Middle Ground:

__________________

Background:

__________________

14
Sang-ayon ka ba sa disenyo ng mga bagay
sa larawan? Saang bahagi sa larawan
nakalagay ang mga sumusunod. Pumili ng sagot
sa saknong:
Larawan A
Mga Tao (Foreground, Middle Ground, Background)
Bahay-Kubo (Foreground, Middle Ground, Background)
Kakahuyan/ (Foreground, Middle Ground, Background)
Mga Puno
Larawan B
Tao (Foreground, Middle Ground, Background)
Gusali (Foreground, Middle Ground, Background)
Mga Halaman (Foreground, Middle Ground, Background)

Isaisip

Mahusay mong sinagot ang mga tanong.


Ipagpatuloy ito. Ngayon, susubukin natin muli
ang iyong mga nalaman.

Panuto: Punan ang patlang sa pangungusap upang mabuo ang


konsepto ng araling natalakay. Pumili ng sagot sa kahon.

linya foreground middle ground


background balance
Sa pagguhit, mahalaga ang ___________ ng larawan.
Mahalaga rin ang iba’t ibang uri ng _________ at hugis upang
makabuo ng makabuluhang larawan. Kailangan ding tandaan
ang paggamit ng foreground, middle ground, at background.
Ang __________________ ay ang unahang bahagi ng larawan.
Malapit ito sa tumitingin kaya ang mga bagay na nakalagay
dito ay mukhang malaki. Ang ________________ naman ay ang
bahaging likuran ng isang larawan. Ang __________________ ay
makikita sa pagitan ng foreground at background ng tanawin.

15
Isagawa

Upang maipakita mo ang iyong


natutunan sa ating aralin, gagawa ka ngayon
ng isang likhang-sining na nagpapakita ng
balanse. Tandaan na ang mga elemento na
bumubuo rito ay ang foreground, middle
ground at background. Gumamit ka rin ng
ibang elemento ng sining upang mas
maganda ang iyong likha. Gamitin ang rubrics
upang bigyan ng iskor ang iyong gawa.

Gawain:
Pagguhit ng Makasaysayang Bahay o Gusali
Mga Kagamitan: krayola, lapis, bond paper
Pamamaraan:
1. Pumili ka ng isang makasaysayang bahay o gusali na
ipinakita sa ating aralin.
2. Iguhit ang napiling makasaysayang bahay o gusali gamit
ang iba’t ibang uri ng linya at hugis.
3. Dagdagan ng kakaibang istraktura ang iyong disenyo.
4. Gumuhit ng mga bagay na gusto mong ilagay sa
foreground, middle ground, at background.

16
Rubrics
Pinaka Mas Mahusay
Kasanayan Mahusay Mahusay
3 2 1
1. Napanatili ang balanse sa aking
sining sa paglalagay ng
foreground, middle ground, at
background
2. Naiangkop ang paggamit ng
mga hugis, linya, at kulay sa
aking ginawa
3. Nagawa ito nang malikhain at
maganda
4. Napanatiling malinis at maayos
ang gawa
5. Nakaramdam ng kasiyahan o
pagmamalaki sa aking ginawa

Pananda:

Iskor Kategroya
15 Pinakamahusay
12-14 Mas Mahusay
8-11 Mahusay
Nangangailangan ng
7 pababa
tulong/pagsasanay

Tayahin

Magaling ang iyong ginawa. Ngayon,


susubukin naman ang iyong pagiging malikhain sa
pamamagitan ng paglikha ng sariling-sining na
nagpapakita ng balanse.

17
PANUTO: Gumawa ng sariling disenyo ng isang tanawing may
kaugnayan sa makasaysayang bahay o gusali. Gupitin
ang mga larawan sa susunod na pahina. Iayos ito na
nagpapakita ng balanse sa larawan.

Rubrics

Pinaka Mas Mahusay


Kasanayan Mahusay Mahusay
3 2 1
1. Naaayos ang mga larawan at
may elemento ng balanse
2. Napanatiling malinis at maayos
ang gawa
3. Nakaramdam ng kasiyahan o
pagmamalaki sa aking ginawa

Pananda:

Iskor Kategroya
9 Pinakamahusay
7-8 Mas Mahusay
5-6 pababa Mahusay
Nangangailangan ng
4 pababa
tulong/pagsasanay

18
MGA LARAWANG GUGUPITIN

 https://www.pngitem.com/middle/hmhRTRJ_mountain-mountains-mountainview-
mountainair-transparent-mountain-black-and/
 https://www.kissclipart.com/black-and-white-picture-of-bahay-kubo-clipart-blac-
w44fjp/
 https://www.istockphoto.com/vector/beautiful-deciduous-tree-drawing-
gm500254915-43194218
 https://favpng.com/png_view/sun-clipart-black-and-white-clip-art-image-vector-
graphics-black-and-white-png/bwM5K74V
 https://www.churchofjesuschrist.org/bc/content/shared/content/images/magazine
s/liahona/2019/01/january-2018-liahona-magazine-mormon_2144502.pdf?lang=eng

19
Karagdagang Gawain

Malapit mo ng matapos ang iyong mga


gawain. Ito na ang huling bahagi ng iyong
pagkatuto. Basahin ang panuto at gawin nang
maayos ang iyong panapos na gawain.

PANUTO: Humanap ng larawan ng isang makasaysayang lugar sa


ating bansa o rehiyon na nagpapakita ng balanse. Idikit
ito sa loob ng kahon o karagdagang papel kung kina-
kailangan.

Rubrics
Pinaka Mas
Mahusay
Kasanayan Mahusay Mahusay
3 2 1
1. Nakapipili ng larawang may
foreground, middle ground, at
background
2. Napanatiling malinis at maayos
ang gawa
3. Nakaramdam ng kasiyahan o
pagmamalaki sa aking ginawa

Pananda:
Iskor Kategroya
9 Pinakamahusay
7-8 Mas Mahusay
5-6 pababa Mahusay
Nangangailangan ng
4 pababa
tulong/pagsasanay

20
21
Tayahin
Karagdagang Gawain
Ibatay sa rubric ang
iskor
Isagawa Pagyamanin
Ibatay sa rubric and
iskor Larawan A:
foreground – mga tao
Isaisip middle ground – bahay kubo
background – kakahuyan/mga puno
balanse
linya Larawan B:
foreground foreground – mga tao, mga halaman
background middle ground – gusali, bahay
middle ground background – kakahuyan, mga
halaman/ mga puno
Balikan Subukin
1. C A.
2. C Ibatay sa nagawang
3. A larawan
4. C B.
5. B 1. A
2. B
Susi sa Pagwawasto
Pangalan: __________________________________________________
Baitang at Pangkat: _____________ Iskor: ______________

SAGUTANG PAPEL

Subukin Balikan
A. 1. a b c
1. ______________ 2. a b c
2. ______________
3. a b c
3. ______________
B. 4. a b c
1. a b c 5. a b c
2. a b c
3.
Pagyamanin
Larawan A:
foreground – ____________________________________
middle ground – ____________________________________
background – ____________________________________

Larawan B:
foreground – ____________________________________
middle ground – ____________________________________
background – ____________________________________

Isaisip
1. ______________
2. ______________
3. ______________
4. ______________
5. ______________

22
SANGGUNIAN

Textbook
Montañes, Cynthia T., et. al. 2014. Music, Arts, Physical Education
and Health – Ikatlong Baitang, Kagamitan ng
Mag-aaral sa Tgalog. Unang Edisyon. Meralco
Avanue, Pasig City, Philippines 1600:Rex
Bookstore, Inc.

Montañes, Cynthia T., et. al. 2015. Music, Arts, Physical Education
and Health – Grade 3, Teacher’s Guide. First
Edition. Meralco Avanue, Pasig City,
Philippines 1600:Rex Bookstore, Inc.

Web
 https://rizalindapitan.weebly.com/
 https://www.facebook.com/puppychol/posts/nfa-tacurong-
city-
 https://joansfootprints.com/2020/04/23/lake-sebu-travel-
guide-the-land-of-the-dreamweavers-2020-budget-itineray/
 http://forum.philboxing.com/viewtopic.php?f=10&t=253369
 http://www.artnet.com/artists/teodoro-
buenaventura/bahay-kubo-Jfmrw1-1xoZmZEjoMzz-xA2
 https://www.pngitem.com/middle/hmhRTRJ_mountain-
mountains-mountainview-mountainair-transparent-mountain-
black-and/
 https://www.kissclipart.com/black-and-white-picture-of-
bahay-kubo-clipart-blac-w44fjp/
 https://www.istockphoto.com/vector/beautiful-deciduous-
tree-drawing-gm500254915-43194218
 https://favpng.com/png_view/sun-clipart-black-and-white-
clip-art-image-vector-graphics-black-and-white-
png/bwM5K74V

23
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihikayat
ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan at tugon, maaring sumulat o tumawag:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

24

You might also like