Creepy Experiences

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Huwag mong Titigan ang larawan

by DGLM

Ako nga pala si Dhen. Isishare ko lang ang experience ko noong Grade 3 pa lang ako.
Meron kaming boarding house sa Albay , pag-aari yun ng pamilya ng nanay ko ngunit
ang panganay nilang kapatid ang lumalagi doon at naglalandlady dahil ang iba nilang
mga kapatid ay sa Manila na nakatira at kami naman ay mayroon na pong sariling
tahanan sa 3rd district .

Ang tita ko nga pala ay mayroong isang anak na babae itago na lang natin sya sa
pangalang Jha , very close kaming magpinsan kung kaya't every friday ay bumibisita
kami sa kanila at linggo nang hapon na kami uuwi ni mama sa bahay namin .

Year 2003 ay nagbakasyon kami sa boarding house na yon dahil every summer ay
umuuwi lahat ng mga tiyahin ko (kapatid ni mama). Nung time na yon ay isinama namin
ni mama yung pinsan ko sa father side , si Ate Sab. Matanda sya sa akin ng dalawang
taon .Gabi noon at kaming tatlo nina ate sab at Jha ay nasa kwarto , nagkikwentuhan
habang sina mama ay nasa rooftop at nagsasaya kasama ang mga pinsan nila.

Syempre bata , hindi namin maiwasang magpipinsan na mag-away. Kasalukuyang


nagbabasa ako noon ng magazine , in fact tinitingnan ko lang ang mga pictures nang
biglang hablutin sa akin ni Jha ung binabasa ko.Pilit ko pa rin itong inaagaw sa kanya
hanggang sa tuluyan ko itong makuha. Padabog syang lumabas ng kwarto habang
sinasabi na "Bahala kayo jan ! Sabi ni mommy may matandang nananabunot jan
".
Hindi ko na sya pinansin , katabi ko nun si Ate sab na di ko namalayan ay kanina pang
nakatulog , 2am na kasi nun , gising pa ako dahil sa kabilang kwarto talaga kami ni
mama natutulog(yun ang kwarto nya doon noong dalaga pa sya )hinihintay ko pa kasi
sya non na bumaba mula sa rooftop.

Itinabi ko na ung magazine at nakuha ang interes ko ng isang Portrait. Larawan ng


isang magandang dalaga pero black and white pa un .Pagtitig ko ay kinindatan ako
nung babae sa picture
Inilihis ko ang tingin ko at ilang segundo ang nakalipas ay muli ko itong sinulyapan,
ngunit lalo akong natakot dahil nag smirk ito ...

Akala ko dala lang ng antok ko kaya nagtalukbong ako at sumiksik sa natutulog kong
pinsan ,sumilip ako mula sa kumot. Walang reaksyon ang babae sa larawan kaya inalis
ko na ang mukha ko mula sa pagkakatalukbong at muli ko itong sinulyapan. Nanindig
ang balahibo ko nang bigla itong ngumisi at kumindat , kaya ginising ko ang pinsan ko
sabi nya "bakit bhe?"
sabi ko "tara jan tayo sa baba , may folding bed naman , jan na tayo mahiga " .
Pumayag naman sya at agad na namang nakatulog . Mula sa lapag ay mejo
nakaharang na sa paningin ko yung portrait kasi mataas ung kama .....
Pero sinubukan ko ulit tingnan.Kumindat ulit ang babae kaya grabe na ang kilabot na
naramdaman ko at ginising ko na nang tuluyan ang pinsan ko.Hindi ko sinasabi sa
kanya ang dahilan dahil pakiramdam ko ay nakatitig sa akin ang babae sa litrato .Hinila
ko sya palabas ng kwarto at naabutan namin si Tito Jun aka Bungal na kababata nina
mama doon sa parang sala , "oh bakit gising pa kayo ?" sabi ni bungal. "May picture
doon sa kwarto nangingindat at nakikipagngitian " Sabi ko naman.

Hindi sya naniniwala dahil nga nasa 8 years old pa lang ako nun , sabi nya lang ay
"titigan mo na lang nang mabuti ,baka namalikmata ka lang ". Hindi na ako kumibo
dahil alam ko na di ako namamalikmata dahil paulit-ulit kong tiningnan ung picture .... At
si ate sab nang mga panahon na yun ay nagtanong, "alin na picture ba yon na
sinasabi mo ?"
AKO: Yung nakasabit sa pader na portrait , hindi ko alam kung kaninong larawan un
basta mukhang luma dahil nga black and white

Mukhang di siya naniniwala kaya sabi ko, " edi tara silipin natin para makita mo
kung nagsisinungaling ako o hindi "

at ayun nga hinila ko sya at sinilip namin ung portrait , yung pinto nga pala ng kwarto e
de spring , alam nyo un ? Yung pag binuksan mo ay kusang magsasara? .So yun nga
pagsilip namin sabay naming nakita ang babae sa larawan, ngumiti ito at kumindat sa
amin!!!

At sabay kaming nagtatakbo ng pinsan ko , hanggang sa nakatulog na kaming pareho


sa upuan sa sala .Kinabukasan ay ikinwento namin ni ate sab kay mama ang
nangyari.Hindi si mama naniniwala sa amin.Lagi ko pa rin yun ikinikwento sa nanay ko
kahit noong nasa college na ako pero ayaw nyang maniwala . Ang sinasabi nya lang eh
" picture yan ni mommy ** (panganay nyang kapatid na landlady) mo nung dalaga pa
sya , ano bang pinagsasasabi mo ? Naniniwala ka sa mga multo multo .."
Hindi po kasi naniniwala si mama sa mga multo .. Ako kasi ay ilang beses nang
nakakita ,Natigil lamang ito nang nasa high school na ako. :)

Bagyong Reming
by DGLM
Taong 2006 - Albay
Nakatira na kami noon sa bahay ng Lola ko na karugtong lang ng bahay namin ,pader
at pinto lang ang pagitan .Nang mamatay ang lolo ko ay binuksan na ang pinto sa
pagitan ng aming mga bahay kung kaya ay mukhang iisang bahay lang ito na may
kalakihan .
Nasa ika-anim na baitang pa lang ako noon, at ang aking kapatid naman ay nasa
Kinder pa lamang nang manalasa ang Bagyong Reming . Maaga kaming nananghalian
upang maging handa kung sakaling ito ay lumakas, kasabay rin kasi ng bagyong ito ay
ang pag-alboroto ng Bulkang Mayon .Naglalaro lamang kami ng aking kapatid sa aming
kama na isang baitang lang ang taas mula sa aming sala. Sobrang saya pa namin dahil
inaanod-anod ang aming mga sofa ,nagmukha itong mga bangka ,hanggang sa umabot
na ang tubig sa aming kwarto malapit na ring abutin ang kama na kung saan kami ay
tumatalon-talon at naglalaro ng kapatid ko .
Sobrang bilis ng pagtaas ng baha . Hindi na mabuksan ni Papa ang aming pinto na yari
sa narra dahil sa sobrang laki ng baha .Sinira na lamang niya ang aming bintana sa
sala upang kaming lahat ay makalabas at makapag-evacuate sa bahay ng tita ko na
kapitbahay lang namin, Konti na lang ay hanggang dibdib ko na ang baha. Dumating
ang alas sais ng hapon at tuluyan na ngang tumila ang ulan ,napakaraming
namatay ,nagkalat ang mga bangkay sapagkat hindi lamang tubig kundi may kasama
pang putik na nanggaling sa bulkan ang naranasan sa aming lugar. Nang gumabi ay
kami na lang ni Mama ang natira sa aming tahanan ,ang kapatid ko ay isinama ni papa
sa kanilang fire station upang doon matulog , duty kasi sila lalo na kapag may mga
kalamidad. Hinarangan nga pala ng ref ang pinto namin sa sala dahil nasira na ang lock
nito ,kung kaya ay sa pinto sa kusina na lang kami dumadaan . Nahihiga na kami ni
mama noon sa kanilang kama,ang kwarto nila ay walang pinto ,kurtina lang ang harang
papuntang kusina. Nakatulog agad si mama dahil sa sobrang pagod sa pag-aalaga sa
amin at paglilinis ng bahay,ako naman ay di mapakali , may naririnig kasi akong
kaluskos mula sa aming balkonahe ,meron itong pintuan ngunit walang pinto ,kaya ang
main door namin ay iyong pinto sa sala na may nakaharang na ref. Pabiling-biling ako
noon dahil kinakabahan ako ,naiisip ko kasi na baka may masamang loob na gustong
pumasok sa bahay namin ,sinasaway na ako ni mama dahil hindi sya makatulog nang
tuloy tuloy dahil sa sobrang likot ko kaya't tinanong niya ako " anak ,napakalikot mo
naman bakit ba?,sobrang antok na ko"
"may naririnig kasi ako Ma na kaluskos sa balkonahe,baka pasukin tayo ng
magnanakaw" sagot ko naman .Bumangon si mama upang tingnan ang balkonahe
upang matigil na ako sa kaiisip ,hinawi nya ang kurtina sa kwarto upang makalabas ,
papunta sya sa kaliwa kung saan naroon ang sala ,saktong pagkaliwa nya ay may
dumaan na barong papuntang kanan kung nasaan ang kusina .Nang makabalik si
mama ay sinabi nyang " wala namang tao nak , tiningnan ko na, kaya't matulog ka
na" sabi ko na lang ay " oo ma , ok na ,alam ko na kung ano yun ".
Kinabukasan ay ikinwento ko sa kanya ang nakita ko " Ma yung kaluskos na narinig
ko kagabi ,si Lolo yun ,di ba pakaluskos talaga ang lakad nya dahil nga sa na
stroke sya noong buhay pa sya kung kaya't halos hinihila na lang nya ang kaliwa
nyang paa dahil di nya naman yun naigagalaw,nakita ko kasi kagabi pagliko mo
papuntang sala ay may dumaan papuntang kusina na kulay puti,kitang kita ko pa
pati ang itim nyang slacks". Hindi na lang kumibo si mama.
Kinikilabutan ako noon habang ikinikwento ko iyon sa kanya . Hanggang ngayon ay
hindi ko pa rin makalimutan ang aking nakakikilabot na karanasan.
KALABIT
by DGLM
Ito naman po na sunod kong isishare sa inyo ay nangyari nung Grade 3 pa lang po
ako . Sobrang hilig ko po talaga sa horror kahit noong bata pa ako , mapa Libro man o
pelikula. Lalong-lalo na yung Shake Rattle & Roll , pinanuod ko talaga mula SRR 1
hanggang ung last nila ... So ito na nga , ang bahay namin at bahay ng grandparents ko
ay magkadikit lang , pader lang at pinto ang pagitan ... Noong buhay pa sila ay
kailangan pa naming lumabas ng bahay namin para makapunta at makapasok sa
bahay nina Lola gamit ang main door nila .
Hapon ng Sabado o Linggo ata yun ,basta walang pasok sa school kaya nandoon ako
kina lola. Magkatabi kami ng lola ko sa sofa , sa likod namin ay ang main door .Ang
pinanunuod namin ay yung may Undin ,Nanay ata ang Title non, kay Manilyn Reynes .
Maya-maya ay nagpaalam ang lola ko na pupunta muna sa kapatid nya na 2 bahay
lang ang layo. Dumaan sya sa likod bahay at natanaw ko syang lumabas doon kasi
straight lang talaga ang design ng bahay nila ,sala hanggang kusina, may harang lang
na divider kung san nakapatong ung TV..
Focused na focused ako sa panunood non , nang biglang may kumalabit sa likod ko
"mamaya na " sabi ko ,alam ko kasing ung kapatid ko yun na 3 yrs old. Si mama kasi
mawala lang ako ng saglit ay hinahanap na ako at pinauuwi. Tuloy lang ako sa
panunood , maya maya ulit ay may kumalabit na naman sa akin ,dalawang
magkasunod yun "mamaya na nga kasi ! Tatapusin ko lang pinanunood ko " sabi
ko nang walang lingon-lingon . Ilang segundo lang ang lumipas ay kinalabit na naman
ako ng 3 beses,naasar ako kaya lumingon na ako habang sinasabi na " Ano ba! Sabi
na kasing mamaya na ! Sabihin mo kay mama maya-maya uuwi na ko" , natawa
ako kasi wala namang tao sa likod ko ,sinilip silip ko pa sa likod ng sofa baka nagtatago
lang ang kapatid ko.. .pero wala, kaya humarap na muli ako sa TV at nagtaasan ang
mga balahibo ko nang narealize ko na SARADO ANG PINTO! Nakalock ang main door
na nasa likod ko! kung may papasok man ay sa likod bahay, sa dinaanan ng lola ko, at
dadaan muna sa kusina kaya makikita ko na kung may pumasok ...ngunit wala! .. Sa
sobrang takot ko ay naglakad ako nang matulin ,pagdating ko sa may pinto sa kusina
ay kumaripas na ako ng takbo pauwi .... Pagdating ko sa bahay tinanong ako ni mama
kung bakit daw ako tumatakbo .... At nasilip ko na yung kapatid ko ay mahimbing na
natutulog sa sofa namin.
Kaya pag may kumalabit sayo ,wag na wag kang lilingon lalo na kung wala ka namang
kasama .

You might also like