Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Filipino 8

1
Filipino – Ikawalong Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 10: Kaligirang Pangkasaysayan ng Sanaysay at
Mga Uri Nito
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Evangeline G. Morales at Criselda M. Baccay
Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III
Tagasuri: Salve Regina O. Piezas
Tagalapat: Evangeline G. Morales at Criselda M. Baccay
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 8
Ikalawang Markahan
Modyul 10 para sa Sariling Pagkatuto
Kaligirang Pangkasaysayan ng Sanaysay
at Mga Uri Nito
Manunulat: Evangeline G. Morales at Criselda M. Baccay
Tagasuri: Salve Regina O. Piezas
Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 8 ng Modyul 10 para
sa araling Kaligirang Pangkasayasayan ng Sanaysay at mga Uri Nito !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod,
Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 8 Modyul 10 ukol sa Kaligirang


Pangkasaysayan ng Sanaysay at mga Uri Nito !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN

Matapos mong mapaga-aralan ang modyul na ito, inaasahang matatamo mo


ang sumusunod na Kasanayang Pampagkatuto: Natatalakay ang kaligirang
kasaysayan, uri at katangian ng sanaysay sa panahon ng Komonwelt.

Mga Layuning Pampagkatuto:

1. Nauunawaan ang kaligirang pangkasaysayan, uri at katangian ng sanaysay


sa Panahon ng Komonwelt.
2. Nakikilala ang mga uri ng sanaysay at katangian ng sanaysay.
3. Napahahalagahan ang sanaysay bilang isang uri ng panitikan.

PAUNANG PAGSUBOK

Magandang araw! Sana ay natuto ka sa nakaraang aralin. Ngayon


naman, sukatin natin ang iyong kaalaman tungkol sa susunod nating pag-
aaralan. Bilang paunang gawain, sagutin mo ang inihandang pagsubok sa
iyo. Handa ka na ba? Simulan mo na!

Panuto: Piliin sa Hanay B ang tinutukoy sa hanay A. Isulat ang titik sa patlang.

A B

____1. Uri ng panitikan na naglalahad ng A. Di-pormal


opinyon at saloobin ng may-akda. B. Pormal
____2. Ama ng Sanaysay C. Panimula
____3. Uri ng sanaysay na obhektibo D. wakas
____4. Uri ng sanaysay na subhektibo E. sanaysay
____5. Bahagi ng sanaysay na naglalaman F. Michael de Montaigne
ng konklusyon ng may-akda.

Naging madali ba sa iyo ang pagsagot? Huwag kang mag-alala dahil


malalaman mo rin ang mga wastong sagot habang pinag-aaralan mo ang
modyul na ito.

6
BALIK-ARAL

Nakatutuwa namang malaman na natapos mo na ang nakaraang


modyul. Naalala mo pa ba ang mga mahahalagang impormasyon mula sa
nakaraang aralin. Subukin mo nga ang iyong sarili. Huwag kang mag-alala,
kaya mo iyan!

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang T sa patlang
kung TAMA at M naman kung MALI.

_____1. Ang sarsuwela ay isang dula na sinasaliwan ng kantahan, sayawan at mga


dayalogo .

_____2. Si Severino Reyes ay may sagisag- panulat na Lola Basyang.

_____3. Ipinakilala ng mga Espanyol ang sarsuwela sa Pilipinas subalit higit na


nakilala ito noong panahon ng Amerikano.

_____4. Masasalamin sa sarsuwelang “Walang Sugat” ang mga kulturang Pilipino.

_____5. Nagkatuluyan sina Miguel at Julia sapagkat pumanaw si Tenyong sa araw


ng kasal ng dalawa.

Simula ng Aralin
Kumusta? Naiinip ka na ba sa loob ng bahay? Sa kabila ng pananatili
mo sa loob ng bahay, siguradong hindi kaila sa iyo ang ilang mga isyu sa
iyong paligid. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod.

NCR Balik- ECQ dahil sa Anti-terror Bill, Sagot o


Patuloy na Pagtaas ng Kaso ng Panakot?

ABS-CBN, Hindi Binigyan ng Distance-Learning Hanggang


Prangkisa para Umere Walang Bakuna

Marahil marami kang opinyon at saloobing masasabi tungkol dito.

Ngunit paano kaya kung sa panahon ng Komonwelt nangyari ang mga


ito? Malaya ka kayang makapagbigay ng opinyon tungkol dito?

Ang Panahon ng Komonwelt ay panahon ng paghahanda sa pagsasarili sa


pamamahala ng Pilipinas matapos ang panahon ng mga Amerikano. Naihalal si
Manuel Luis Quezon bilang pangulo sa panahong ito at minarapat niyang higit na
mapagbuklod ang buong Pilipinas.

7
Sa panahong nagsisimula na ang pagsasarili ng bansa sa pamamahala, sa
iyong palagay mas nagkaroon kaya ng kalayaan sa pagsulat ang mga manunulat
noon? Malaya kaya nilang naibibigay ang kanilang mga opinyon tungkol sa mga
isyu?

Sanggunian: Dayag, Alma G. et al., Pinagyamang Pluma 8 (K to 12) Ikalawang Edisyon. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc., 2017

Alam mo ba, ang pagbibigay ng opinyon, katwiran at pananaw ay


mga gawain upang makabuo ng isang sanaysay?

Halika at alamin kung paano nagsimula ang sanaysay!

ARALIN

Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan at


naglalahad ng sariling opinyon, kuro-kuro, saloobin, at pananaw ng sumusulat
upang makaimpluwensiya sa mambabasa at nakikinig. Ang salitang sanaysay ay
halaw mula sa salitang Prances na essai o essayer sa ingles na
nangangahulugang isang pagtatangka, isang pagtuklas, isang pagsubok sa anyong
panulat. Ito ay ipinakilala ng tinaguriang “Ama ng Sanaysay” na si Michael de
Montaigne noong 1580. Sa Tsina, sinimulan at nakilala rin ang mga
mananalaysay na sina Confucius na sumulat ng Analects at Lao-Tzu na sumulat
ng Tao Te Ching. Ang kanilang mga akda ay nakaimpuwensiya ng malaki sa
kanilang mga kababayan mula noon hanggang ngayon. Sa bansang Hapon naman
nakilala si Yushida Kenko na may akda ng Tsurezuregusa o “ Mga Sanaysay
Tungkol sa Katamaran”.

Ayon kay Alejandro G. Abadilla ang salitang sanaysay ay ngangahulugang


nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. Ito’y isang akdang
pampanitikan na nasa anyong paglalahad o tekstong pasalaysay.
Sanggunian: Dayag, Alma G. et al., Pinagyamang Pluma 8 (K to 12) Ikalawang Edisyon. Quezon City: Phoenix Publishing House,
Inc., 2017

8
May dalawang uri ang sanaysay.Ang pormal at di- pormal na sanaysay.
Narito ang kanilang pagkakakilanlan.

SANAYSAY

PORMAL DI- PORMAL


1. Nagbibigay ng impormasyon 1. Nagsisilbing aliwan/ libangan
2. Nagbibigay ng mahahalagang 2. N a g b i b i g a y - l u g o d s a
kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng pagtalakay sa
pamamagitan ng maka-agham at mga paksang karaniwan, pang-
lohikal na pagsasa-ayos sa araw- araw at personal.
paksang tinatalakay. 3. A n g p a n a n a l i t a a y p a r a n g
3. M a i n g a t n a p i n i p i l i a n g nakikipag-usap lamang.
pananalita. 4. Pakikipagkaibigan ang tono
4. Ang tono ay mapitagan 5. Subhektibo sapagkat pumapanig
5. Obhektibo o di kumikiling sa sa damdamin at paniniwala ng
damdamin ng may-akda. may-akda.

Sanggunian: Guererro, Perla. et al., Kayumanggi 8 (K-12) Ikalawang Markahan.Imus Cavite: LEO-ROSS Publication

Halimbawa ng Pormal na Sanaysay:

Pitong Simpleng Hakbang upang Maprotektahan ang Sarili at ang Iba


Laban sa COVID-19

Ayon sa World Health Organization, ang coronavirus disease (COVID-19) ay


isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus. May ilang mga taong
positibo sa virus na ito ngunit hindi naman gaanong malala at agad ring
gumagaling. Subalit lumulubha naman ang kalusugan ng ilan, tulad ng mga
matatanda at may mga dati nang karamdaman

Narito ang pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang
mga malalapit sa iyo. Ang mga payong ito ay maaaring sundin ng lahat, lalo’t higit
kung ikaw ay malapit sa lugar na may COVID-19.

1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay.

2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.

3. Takpan ang iyong bibig kung ikaw ay uubo at babahing.

4. Iwasan ang matataong lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may


lagnat o ubo.

5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit.

6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad–


ngunit tawagan mo muna ang health facility.

7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad.


Mula sa internet: https://rb.gy/erap8f

9
Halimbawa ng Di-pormal na Sanaysay:

Ang ice cream para sa akin ay maraming dulot bukod sa pagiging pagkain
nito. Isa na rito ang pagiging stress reliever . Lagi kong sinisiguro na may ice cream
sa refrigerator namin. Bakit? Dahil ang ice cream ang karamay ko sa lungkot,
pagod, problema at panghihina ng loob. Sa tuwing kumakain ako nito ay
nakakalimutan ko ang di magagandang bagay na nagyayari sa akin. Marami na
ring karanasan ang naganap dahil sa pagkaing ito gaya na lang ng ilang
pagkakaibigang nabuo dahil sa parehas na pagkagusto sa ice cream, mga lakad na
mas sumaya dahil sa pagkain sa ice cream, mga pagkikitang naganap para lang
sabay na kumain ng ice cream, at mga tawanan na mas sumaya dahil sa
panginginig sa lamig matapos kumain ng ice cream.
Sanggunian: Reyes, Alvin Ringgo C.et al., Pinagyamang Wika at Panitikan 8(Kto12) Makati City: DIWA Innovation in Education., 2016

Ang kabuuan ng sanaysay ay karaniwang nahahati sa tatlo; panimula,


katawan at wakas. Nararapat, na ang panimula ng sanaysay ay makatawag -
pansin o nakakapukaw ng damdamin ng mambabasa. Samantalang ang katawan
ng sanaysay ay naglalaman ng maraming impormasyon at kaisipan ukol sa paksa.
Sa wakas ng sanaysay, mababasa naman ang konklusyon o pangkalahatang
impresyon ng may-akda.
Sanggunian: Dayag, Alma G. et al., Pinagyamang Pluma 8 (K to 12) Ikalawang Edisyon. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc., 2017

Nainitindihan mo ba kung ano ang sanaysay? Mas palalalimin pa ang


iyong kaalaman sa pagpapatuloy ng ating aralin tungkol sa sanaysay.
Ngayon naman, ihanda mo ang iyong sarili upang masubok ang iyong
natutunan sa bahaging ito.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1: Gamit ang klu, tukuyin ang angkop na sagot sa mga pahayag sa
ibaba.

1. Panahon ng paghahanda sa pagsasarili sa pamamahala ng Pilipinas


matapos ang panahon ng mga Amerikano.
Panahon ng K _ m _ _ w _ _ t

2. Siya ang naihalal na pangulo ng Pilipinas at nagsulong na mabuklod ang


buong bansa.
M_n__l L__s Q _ _z _ n

10
3. Panitikan na naglalahad ng sariling opinyon, kuro-kuro, saloobin, at
pananaw.
S______y

4. Siya ang tinaguriang “Ama ng Sanaysay”.


M _ c h _ _ l de M _ _ t a _ _ n e

5. Ayon sa kanya, ang salitang sanaysay ay nangangahulugang


nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.
A__j____o Ab_____a

Pagsasanay 2: Tukuyin kung pormal o di- pormal na sanaysay ang mga


sumusunod na katangian. Isulat sa patlang ang sagot.

_________1. Nagsisilbing aliwan/ libangan

_________2. Ang pananalita ay parang nakikipag-usap lamang.

_________3. Maingat na pinipili ang mga salita.

_________4. Obhektibo at di kumikiling sa damdamin ng may-akda

_________5. Subhektibo sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-


akda

Pagsasanay 3: Basahin ang mga bahagi ng sanaysay. Tukuyin kung ito ay


Panimula, Katawan o Wakas.

1. ______________________

Ano pa mang katawagan sa kalagayang ito, tanging Diyos lamang ang


ating masasandalan kaya’t nararapat na higit tayong magtiwala at manalig
sa kanya.

2. ________________________

Maraming mga bagay ang hindi natin sukat- akalaing mangyayari,


hindi lamang sa ating bansa maging sa buong mundo. Nakikipaglaban tayo
sa mga kalabang hindi natin nakikita at tanging pag-iingat lamang ang
makaliligtas sa atin.Walang mayaman o mahirap, lahat maaaring tamaan ng
COVID-19. Binago na nga ng pandemyang ito ang ating buhay. Ito na nga
ang tinatawag nating bagong normal.

3. _________________________

Isa ka rin ba sa nagugulat at nangangamba ngayong panahong ito?

11
PAGLALAHAT

Panuto: Punan ng angkop na mga sagot ang pahayag tungkol sa


pangkalahatang natutunan mo sa modyul na ito.

Nalaman ko na ang ______________ ay uri ng panitikang naglalahad ng


opinyon at saloobin ng may-akda. Ito ay nauuri sa dalawa; ang ____________ at
______________ na sanaysay. Ito rin ay binubuo ng tatlong bahagi; ang ___________,
_____________ at wakas.

PAGPAPAHALAGA

Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga mo sa mga akdang


pampanitikan tulad ng sanaysay? Dugtungan mo ang pahayag sa ibaba.

Maipapakita ko ang pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan tulad ng sanaysay


sa pamamagitan
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

12
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Piliin ang titik ng
angkop na sagot sa bawat bilang.

____1. Panitikan na naglalahad ng sariling opinyon o kuro-kuro ng sumusulat


tungkol sa isang bagay o paksa.

A. maikling kuwento C. nobela


B. tula D. sanaysay

____2. Karaniwang nahahati ang sanaysay sa tatlong bahagi. Ang mga ito ay:

A. ulo, katawan, wakas C. panimula, katawan, wakas


B. panimula, gitna, wakas D. simula, gitna, huling bahagi

____3. Ito ay uri ng sanaysay na obhektibo at hindi kumikiling sa damdamin ng


may-akda.

A. Pormal na sanaysay C. Di-pormal na sanaysay


B. Lathalain D. Editoryal

____4. Ang pormal na sanaysay ay pumapaksa sa isang seryosong usapin at may


mahigpit na gamit ng wika, habang ang impormal na sanaysay ay:

A. naglalaman ng maka-agham na pananaliksik


B. nanghihimok sa mga mambabasa at tagapakinig
C. nang-uuyam at pumupuna ng mali sa isang isyu
D. may personal na paksa at gumagamit ng magaang na wika

____5. Noon pa man, sinimulan na nila ang pagsulat ng sanaysay sa Asya.

A. Confucius at Lao Tzu


B. Michael de Montaigne at Lao Tzu
C. Gautama Buddha at Confucius
D. Yushida Kendo at Alejandro Abadilla

13
SUSI SA PAGWAWASTO

5. A
4. D
3. A 5. katawan
2. C 4.panimula
1. D 3.di-pormal
PAGSUSULIT 2.pormal
PANAPOS NA 1.sanaysay
PAGLALAHAT 5. Di- pormal
puntos. 4. Pormal
pagbibigay ng 3. Panimula 3. Pormal
kapasyahan sa 2. Katawan 2. Di- pormal
Nasa guro na ang 1. Wakas 1. Di- pormal
PAGPAPAHALAGA PAGSASANAY 3 PAGSASANAY 2

5. Alejandro Abadilla 5. M 5. D
4. Michael de Montaigne 4. T 4. A
3. Sanaysay 3. T 3. B
2. Manuel Luis Quezon 2. T 2. F
1. Komonwelt 1. T 1. E
PAGSASANAY 1 BALIK-ARAL PAUNANG PAGSUBOK

Sanggunian
Mga Aklat:

1. Dayag, Alma G. et al., Pinagyamang Pluma 8 (K to 12) Ikalawang Edisyon.


Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc., 2017
2. Reyes, Alvin Ringgo C.et al., Pinagyamang Wika at Panitikan 8(Kto12)
Makati City: DIWA Innovation in Education., 2016
Modyul
1. Guererro, Perla. et al., Kayumanggi 8 (K-12) Ikalawang Markahan.
Imus Cavite: LEO-ROSS Publication
Website:
1. Pitong Simpleng Hakbang Upang Maprotektahan ang Sarili at ang Iba Laban sa
Covid 19, Marso 12,2020
https://www.who.int/philippines/news/feature-stories/detail

14

You might also like

  • Filipino
    Filipino
    Document19 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • FIL8 Q2 M7
    FIL8 Q2 M7
    Document15 pages
    FIL8 Q2 M7
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    suerte zaragosa
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Raymark sancha
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Gesa Marie Larang
    No ratings yet
  • FIL8 Q2 M11
    FIL8 Q2 M11
    Document14 pages
    FIL8 Q2 M11
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    albert
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Marychel Sambrano
    No ratings yet
  • FIL8 Q2 M1nannana
    FIL8 Q2 M1nannana
    Document14 pages
    FIL8 Q2 M1nannana
    Raymark sancha
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Aisa Galmac Bansil-Solaiman
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Rachel Felipe
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Raymond Destua
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • FIL8 Q2 M16
    FIL8 Q2 M16
    Document15 pages
    FIL8 Q2 M16
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • FIL8 Q2 M12
    FIL8 Q2 M12
    Document14 pages
    FIL8 Q2 M12
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    My Name Is CARLO
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    VINCENT ORTIZ
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gladzangel Loricabv
    67% (3)
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Maricel Tayaban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gesa Marie Larang
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Josephine Gonzaga
    No ratings yet
  • FIL8 Q2 M14
    FIL8 Q2 M14
    Document14 pages
    FIL8 Q2 M14
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document19 pages
    Filipino
    Wes
    100% (1)
  • FIL8 Q2 M4
    FIL8 Q2 M4
    Document15 pages
    FIL8 Q2 M4
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Che Creencia Montenegro
    75% (4)
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    albert
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Klaris Reyes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Filipino: Modyul 1
    Filipino: Modyul 1
    Document15 pages
    Filipino: Modyul 1
    Camille Caacbay
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Josephine Gonzaga
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Che Creencia Montenegro
    100% (2)
  • Araling Panlipunan
    Araling Panlipunan
    Document12 pages
    Araling Panlipunan
    Kristine Gonzales
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Aisa Galmac Bansil-Solaiman
    No ratings yet
  • FIL8 Q2 M3
    FIL8 Q2 M3
    Document15 pages
    FIL8 Q2 M3
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Klaris Reyes
    67% (3)
  • Fil10 Q1 Alegorya NG Isang Yungib
    Fil10 Q1 Alegorya NG Isang Yungib
    Document16 pages
    Fil10 Q1 Alegorya NG Isang Yungib
    Dondie Archeta
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Mary Grace Fahimno
    No ratings yet
  • Fil 9
    Fil 9
    Document15 pages
    Fil 9
    Charles Carullo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    jan lawrence panganiban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document18 pages
    Filipino
    Elisa Acojedo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Florian Leks C. Embodo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Harlene Arabia
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Raymond Destua
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document18 pages
    Filipino
    ADELAIDA GIPA
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document18 pages
    Filipino
    ADELAIDA GIPA
    100% (1)
  • Filipino: Modyul 15
    Filipino: Modyul 15
    Document15 pages
    Filipino: Modyul 15
    Camille Castrence Caranay
    No ratings yet
  • Fil 9
    Fil 9
    Document15 pages
    Fil 9
    Charles Carullo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Julz Fonbuena Añiz
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Mayren Vizarra
    No ratings yet
  • Filipino: Modyul 2
    Filipino: Modyul 2
    Document15 pages
    Filipino: Modyul 2
    Camille Caacbay
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Heograpiya at Kasaysayan NG Pilipinas
    Heograpiya at Kasaysayan NG Pilipinas
    Document14 pages
    Heograpiya at Kasaysayan NG Pilipinas
    Aileen Hementera Fernando
    No ratings yet
  • Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino
    Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino
    From Everand
    Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino
    No ratings yet
  • F9-Q4-L4.1
    F9-Q4-L4.1
    Document45 pages
    F9-Q4-L4.1
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • FIL8 Q2 M3
    FIL8 Q2 M3
    Document15 pages
    FIL8 Q2 M3
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • F9 U24 L1
    F9 U24 L1
    Document20 pages
    F9 U24 L1
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Mga Pagsasanay
    Mga Pagsasanay
    Document3 pages
    Mga Pagsasanay
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • FIL8-Q1-W1
    FIL8-Q1-W1
    Document3 pages
    FIL8-Q1-W1
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino 9: Unang Markahan
    Filipino 9: Unang Markahan
    Document2 pages
    Filipino 9: Unang Markahan
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino 9: Unang Markahan
    Filipino 9: Unang Markahan
    Document2 pages
    Filipino 9: Unang Markahan
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino 9: Unang Markahan
    Filipino 9: Unang Markahan
    Document3 pages
    Filipino 9: Unang Markahan
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino 9: Unang Markahan
    Filipino 9: Unang Markahan
    Document2 pages
    Filipino 9: Unang Markahan
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino 9: Unang Markahan
    Filipino 9: Unang Markahan
    Document4 pages
    Filipino 9: Unang Markahan
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino 9: Unang Markahan
    Filipino 9: Unang Markahan
    Document5 pages
    Filipino 9: Unang Markahan
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Lesson Exemplar in Filipino WK 1
    Lesson Exemplar in Filipino WK 1
    Document4 pages
    Lesson Exemplar in Filipino WK 1
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • How Great Is Our God!
    How Great Is Our God!
    Document4 pages
    How Great Is Our God!
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino 9: Unang Markahan
    Filipino 9: Unang Markahan
    Document3 pages
    Filipino 9: Unang Markahan
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • LE Template - Filipino
    LE Template - Filipino
    Document2 pages
    LE Template - Filipino
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Course Guide-Fil8-Q1
    Course Guide-Fil8-Q1
    Document37 pages
    Course Guide-Fil8-Q1
    Sun Josephine
    No ratings yet