Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

Filipino 8

1
Filipino – Ikawalong Baitang
Unang Markahan – Modyul 1: Kaligirang Kasaysayan at Katangian ng
Sarsuwela sa Panahon ng mga Amerikano
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Jonalyn O. Marfil
Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III
Tagasuri: Shirley H. Amorada, Zerine C. Fabian, Carina S. Javier, Mellanie M. Bawa
Tagalapat: Jonalyn O. Marfil
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

!
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 8
Unang Markahan
Modyul 7 para sa Sariling Pagkatuto
Kaligirang Kasaysayan at Katangian ng Sarsuwela sa
Panahon ng mga Amerikano
Manunulat: Jonalyn O. Marfil
Tagasuri: Shirley H. Amorada, Zerine C. Fabian, Carina S. Javier, Mellanie M. Bawa
Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 8 ng Modyul para sa
araling Kaligirang Kasaysayan at Katangian ng Sarsuwela sa Panahon ng mga
Amerikano

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod,
Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 8 Modyul ukol sa Kaligirang Kasaysayan


at Katangian ng Sarsuwela sa Panahon ng mga Amerikano

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN

Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang


makakamit mo ang sumusunod:

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
Natatalakay ang kaligirang kasaysayan at katangian ng sarsuwela sa panahon
ng mga Amerikano
MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO

A. nailalahad ang kaligirang kasaysayan ng sarsuwela sa panahon ng mga


Amerikano;
B. naiisa-isa ang mga katangian at elemento ng sarsuwela; at
C. natutukoy ang kahalagahan ng sarsuwela sa kasalukuyang panahon.

PAUNANG PAGSUBOK

Bago ka magpatuloy sa susunod na aralin ay subukin muna natin ang


iyong kaalaman sa pamamagitan ng maikling pagsasanay.

PANUTO: Kilalanin ang mga inilalarawan sa sumusunod na pangungusap.


Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa patlang bago
ang bilang.

A. eksena D. tanghalan
B. gumaganap o Aktor E. Teatro Fernandez
C. realistikong dula F. sarsuwela

__________1. Sila ang bumibigkas ng diyalogo at nagbibigay-buhay sa iskrip.

__________2. Uri ng panitikan na ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.

__________3. Ito ay paglabas- masok sa tanghalan ng mga tauhan.

__________4. Ang unang teatrong itinatag ng pangkat nina Alejandro Cubero at

Elisea Raguer sa Pilipinas.

__________5. Kabilang ito sa mga katangiang taglay ng isang sarsuwela.

6
BALIK-ARAL

Bago natin tuklasin ang susunod na aralin ay subukin muna natin


ang iyong kaalaman sa nakaraang talakayan sa pamamagitan ng pagbuo
ng pahayag.

PANUTO: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang
diwang ipinapahayag ng mga pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa
loob ng kahon.

Isang sikat na uri ng panitikan ang 1. ________________________ noong


panahon ng mga Amerikano. Hango ito sa pangalan ni 2. _________________, ang
Ama ng Balagtasan. Mayroon itong tatlong mahalagang tauhan na may malaking
ginagampanan, 3. ____________ ang nagsisilbing tagapamagitan o tagahatol sa
dalawang panig. 4. ______________ ang tawag sa dalawang taong lumalahok sa
pagbabalagtasan, samantalang 5. ___________________ ang nagsisilbing
tagapakinig sa mga nagtatanghal ng balagtasan.

A. balagtasan D. lakandiwa
B. Francisco Balagtas E. mambabalagtas
C. lakambini F. manonood

ARALIN

PANUTO: Piliin sa loob ng kahon ang mga salita na may kaugnayan sa


sarsuwela. Magtala ng pangungusap mula sa napiling salita.

balagtasan iskrip sayawan at kantahan


balangkas kuwento tagpuan
direktor manonood tanghalan

1. salita: _________________
pangungusap: ___________________________________________________
2. salita: _________________
pangungusap: ___________________________________________________
3. salita: _________________
pangungusap: ___________________________________________________

7
A. Ating Alamin!
SARSUWELA

anyo ng dulang musikal na unang umunlad sa Espanya noong ika-17 siglo.

uri ng panitikan na ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan o


entablado.
hango sa Batikan 8 . Quezon City: Educational
Resources Corporation, Philippine Copyright 2013

isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog na nahihinggil


sa mga punong damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, kapootan, paghihiganti,
kasakiman, kalupitan at iba pa o kaya naman ay tungkol sa mga suliraning
panlipunan o pampolitika.
hango:https://drive.google.com/drive/folders/1awbeKA_SyLQNDIg0Nlxl674KDgsx6KGA?
fbclid=IwAR3oKASkiwW8CY4Q3L4cRyrEAacSrAZuA5zHanwNRjEZOu3nHOZYW9uqCBM

KALIGIRANG KASAYSAYAN NG SARSUWELA

Ang sarsuwela ay isang anyo ng dulang musikal na unang umunlad sa


Espańa noong ika-17 siglo. Binubuo ito ng mga pagsasalaysay na sinamahan ng
mga sayaw at tugtugin at may paksang mitolohikal at kabayanihan. Hinango ang
taguring sarsuwela sa maharlikang palasyo ng La Zarzuela na malapit sa Madrid,
Espańa. Sa Pilipinas, dinala ito ni Alejandro Cubero noong 1880 kasama ni Elisea
Raguer. Itinatag nila ang Teatro Fernandez, ang unang grupo ng mga Pilipinong
Sarsuwelista sa Pilipinas.

Ang sarsuwela bagamat ipinakilala noong panahon ng Espańol ay


namulaklak noong Panahon ng Himagsikan at ng Amerikano sa pamamayani nina:
Severino Reyes na kilala sa taguring Lola Basyang sa kanyang “Walang Sugat,”
Hermogenes Ilagan “ Dalagang – Bukid,” Juan K. Abad “ Tanikalang Ginto,” Juan
Crisostomo Sotto “ Anak ng Katipunan,” at Aurelio Tolentino “ Kahapon,
Ngayon at Bukas.”

Ang sarsuwela o dula ay isang uri ng panitikan na ang pinakalayunin ay


itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng
panitikan ang tungkol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood. Nahahati ito sa
ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa
isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa
tanghalan ng mga tauhan.

Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay


hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at
malayang kaisipan. Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat
na dula na tinatawag ng iskrip.

ELEMENTO NG SARSUWELA

1. Iskrip – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula, lahat ng bagay na


isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip, walang dula
kung walang iskrip.

2. Gumaganap o Aktor – ang magbibigay-buhay sa iskrip. Sila ang bumibigkas ng


diyalogo at nagpapakita ng iba’t ibang damdamin.

8
3. Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay
tinatawag na tanghalan. Maaaring hindi lamang entablado ang
tanghalan. Ang daan, sa loob ng silid-aralan, at iba pa ay nagiging
tanghalan din.

4. Tagadirehe o Direktor – ang nagpapakahulugan sa isang iskrip, siya ang


nagpapasya sa itsura ng tagpuan, damit ng mga tauhan hanggang
sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay
dumidepende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip.

5. Manonood – ang nagpapahalaga sa dula. Sila ang pumapalakpak sa galing at


husay ng nagtatanghal. Pinanonood nila nang may pagpapahalaga
ang bawat tagpo, yugto at bahagi ng dula.

6. Eksena at Tagpo – ang eksena ay paglabas-masok sa tanghalan ng mga


tauhan, samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit ng tagpuan.

KATANGIAN NG SARSUWELA

1. Dulang may kantahan at sayawan

Larawan mula sa Google Larawan mula sa Google

2.Realistikong dula

Larawan mula sa Google Larawan mula sa Google

3. Ang tema ay tungkol sa pag-ibig at mga kontemporaryong isyu.

Larawan mula sa Google Larawan mula sa Google

9
4. Kinakanta o patula ang mga diyalogo

5.

Larawan mula sa Google Larawan mula sa Google

Madalas na wakas ay masaya at nakaaaliw.

Larawan mula sa Google Larawan mula sa Google

MGA PAGSASANAY

Sa pagkakataong ito ay inaasahan kong malinaw na sa iyo ang


kasaysayan, elemento at katangian ng sarsuwela. Subukin natin ang iyong
kaalaman sa ating talakayan sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod
na pagsasanay.

PAGSASANAY 1

PANUTO: Tama o Mali. Iguhit ang tatsulok ( ) kung tama at parisukat ( )


kung mali ang salitang nakasalungguhit sa bawat pangugusap.

__________1. Umunlad ang sarsuwela sa Espańa noong ika- 17 siglo.

__________2. Ang taguring sarsuwela ay hinango sa maharlikang palasyo na El


Zarzuela.

__________3. Ang “Kahapon, Ngayon at Bukas” ay kilalang akda ni Severino Reyes.

__________4. Sa Panahon ng Amerikano ipinakilala at namulaklak ang sarsuwela.

__________5. Sina Alejandro Cubero at Elisea Raguer ang nagdala nito sa Pilipinas
noong 1880, ang unang grupo ng Pilipinong Sarsuwelista sa Pilipinas.

10
PAGSASANAY 2

PANUTO: Piliin sa Hanay B ang elemento ng sarsuwela na tinutukoy sa


Hanay A. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

HANAY A HANAY B

__________1. Anumang pook na pinagpasyahang A. iskrip


pagtanghalan ng isang dula.

__________2. Lahat ng bagay na isinaalang-alang batay B. gumaganap o


dito, ang pinakakaluluwa ng isang dula, aktor

__________3. Sila ang pumapalakpak sa galing at C. manonood


husay ng nagtatanghal. Ang
nagpapahalaga sa dula.

__________4. Ang nagpapakahulugan sa iskrip, siya D. tagadirehe o


ang nagpapasiya sa itsura ng tagpuan direktor
at damit ng mga tauhan.

__________5. Sila ang bumibigkas ng diyalogo at E. tanghalan


nagpapakita ng iba’t ibang damdamin.
Ang nagbibigay-buhay sa iskrip

PAGSASANAY 3

PANUTO: Piliin sa sumusunod na pahayag ang katangiang taglay ng sarsuwela.


Lagyan ng tsek ( √ ) ang bilog kung tama at ekis ( X ) kung mali.

KATANGIAN NG SARSUWELA

1. Realistikong dula

2. Kinakanta o patula ang diyalogo

3. Dulang may kantahan at sayawan

4. Ang wakas ay malungkot at masaya

5. Ang tema ay tungkol sa kalikasan at kapaligiran

11
PAGLALAHAT

Matapos ang ating aralin, ngayon ay maaari mo nang itala ang iyong
mga natutuhan at nalaman tungkol sa sarsuwela.

PANUTO: Isulat ang iyong natutuhan ukol sa mga salita bilang pagbuo sa
konsepto ng ating aralin.

SARSUWELA

KASAYSAYAN ELEMENTO KATANGIAN


______________________ ______________________
______________________
______________________ ______________________
______________________
______________________ ______________________
______________________
______________________ ______________________
______________________
______________________ ______________________
______________________

PAGPAPAHALAGA

Napakalaki ng bahagi at ambag ng sarsuwela sa ating kasaysayan


kaya patuloy natin itong palaganapin at bigyang-pagpapahalaga.

Bilang mag-aaral, paano mo pahahalagahan at palalaganapin ang sarsuwela


sa kasalukuyang panahon ukol sa mga sumusunod na sitwasyon? Isulat sa
patlang ang letra ng napiling sagot.

1. Ang inyong paaralan ay naimbitahan na manood ng isang pagtatanghal tungkol


sa sarsuwela, ano ang iyong gagawin______________?

A. hindi sasama dahil may mahalagang gagawin


B. ipagsasawalang-bahala ang imbitasyon
C. gagawin ang mga takdang-aralin
D. manonood ng pagtatanghal

12
2. Kabilang ka sa mga mag-aaral na magtatanghal ng isang sarsuwela sa loob ng
inyong silid-aralan bilang bahagi ng inyong proyekto sa asignatura, ano ang
iyong gagawin_________________?

A. hahayaan na lamang maghanda ang kamag-aral


B. hindi makikiisa sa proyekto
C. liliban sa araw ng pagtatanghal
D. paghahandaang mabuti ang pagtatanghal

3. Ikaw ay kasalukuyang nanonood ng isang pagtatanghal tungkol sa mga


kontemporaryong isyu na nagaganap sa ating bansa, subalit hindi mo lubos na
maunawaan sapagkat nag-uusap ang iyong katabi sa upuan, ano ang iyong
gagawin _________________?

A. hahayaan na lamang at itutuloy ang panonood ng pagtatanghal


B. kauusapin at magpapaalala sa tamang gawi habang nanonood
C. lalabas na lamang ng tanghalan
D. sasali sa kanilang usapan

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang


ang tamang sagot

__________1. Ito ay dulang musikal at unang umunlad sa Espanya, pangunahing


layunin nito ay itanghal sa tanghalan.
A. Balagtasan C. Sanaysay
B. Maikling Kuwento D. Sarsuwela

__________2. Dinala nina Alejandro Cubero at Elisea Raguer ang sarsuwela sa


Pilipinas noong __________.
A. 1860 B. 1870 C. 1880 D. 1890

_________3. Ito ay tumutukoy sa elemento ng sarsuwela at pinakakaluluwa ng dula.

A. iskrip C. tagadirehe
B. manonood D. tanghalan

__________4. Ang kinikilalang ama ng sarsuwela at may taguring Lola Basyang.


A. Aurelio Tolentino C. Juan K. Abad
B. Hermogenes Ilagan D. Severino Reyes

_________5. Elemento ng sarsuwela na nagpapakahulugan sa iskrip at


nagpapasiya sa itsura ng tagpuan.
A. direktor C. gumaganap o aktor
B. iskrip D. manonood

13
14
MODYUL 7
(SARSUWELA)
Paunang Pagsubok Balik-aral
1. B 1. A
2. F 2. B
3. A 3. D
4. E 4. E
5. C 5. F
Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
1. ! 1. E
2. ! 2. A
3. ! 3. C
4. ! 4. D
5. ! 5. B
Pagsasanay 3 Pagpapahalaga
1. √ 1. D
2. √ 2. D
3. √ 3. B
4. X
5. X
Panapos na Pagsusulit
1. D
2. C
3. A
4. D
5. A
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

1. Wilma D. Agnes, Florian L. Ruiz, Pat C. Tiongson,


Jose B. Bilasano (Editor), Estrelita M. Marasigan (Consultant)
Batikan 8 . Quezon City: Educational Resources Corporation, Philippine
Copyright 2013
2. https://brainly.ph/question/958125
3. Mga Larawan

https://www.google.com/search?
q=performing+arts+in+the+philippines&rlz=1C1CHBD_enPH903PH903&source=lnm
s&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjxjaKq-
a3qAhXCaN4KHRpAD3sQ_AUoAXoECA8QAw&biw=1366&bih=657#imgrc=tKy1NlQR
Cx9flM

https://www.google.com/search?
q=performing+arts+in+the+philippines&rlz=1C1CHBD_enPH903PH903&source=lnm
s&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjxjaKq-
a3qAhXCaN4KHRpAD3sQ_AUoAXoECA8QAw&biw=1366&bih=657#imgrc=62FFjbGI
bShzTM

https://www.google.com/search?
q=PAGTATANGHAL+SA+TEATRO&tbm=isch&ved=2ahUKEwik7s6O-63qAhUSBJQK
HbfmAxYQ2-
cCegQIABAA&oq=PAGTATANGHAL+SA+TEATRO&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECAAQQzo
FCAAQsQM6AggAOgUIABCDAToHCAAQsQMQQzoECAAQGDoGCAAQCBAeUMTaBV
j9kQZgkJkGaABwAHgAgAGgAogBoBSSAQYxNS40LjOYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LW
ltZw&sclient=img&ei=iYH9XuSFHJKI0AS3zY-
wAQ&bih=657&biw=1366&rlz=1C1CHBD_enPH903PH903#imgrc=43BfVU5_u3tIIM

https://www.google.com/search?
q=PAGTATANGHAL+SA+TEATRO&tbm=isch&ved=2ahUKEwik7s6O-63qAhUSBJQK
HbfmAxYQ2
cCegQIABAA&oq=PAGTATANGHAL+SA+TEATRO&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECAAQQzo
FCAAQsQM6AggAOgUIABCDAToHCAAQsQMQQzoECAAQGDoGCAAQCBAeUMTaBV
j9kQZgkJkGaABwAHgAgAGgAogBoBSSAQYxNS40LjOYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LW
ltZw&sclient=img&ei=iYH9XuSFHJKI0AS3zY-
wAQ&bih=657&biw=1366&rlz=1C1CHBD_enPH903PH903#imgrc=43BfVU5_u3tIIM
&imgdii=rXbzI9TqS5jAJM

https://www.google.com/search?
q=PAGTATANGHAL+SA+TEATRO&tbm=isch&ved=2ahUKEwik7s6O-63qAhUSBJQK
HbfmAxYQ2-
cCegQIABAA&oq=PAGTATANGHAL+SA+TEATRO&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECAAQQzo
FCAAQsQM6AggAOgUIABCDAToHCAAQsQMQQzoECAAQGDoGCAAQCBAeUMTaBV
j9kQZgkJkGaABwAHgAgAGgAogBoBSSAQYxNS40LjOYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LW
ltZw&sclient=img&ei=iYH9XuSFHJKI0AS3zY-
wAQ&bih=657&biw=1366&rlz=1C1CHBD_enPH903PH903#imgrc=43BfVU5_u3tIIM
&imgdii=4A4tRRjyQwGXuM

15

You might also like

  • Filipino
    Filipino
    Document19 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • Diksyunaryong Monolingwal sa Filipino: (Monolingual Dictionary in Filipino)
    Diksyunaryong Monolingwal sa Filipino: (Monolingual Dictionary in Filipino)
    From Everand
    Diksyunaryong Monolingwal sa Filipino: (Monolingual Dictionary in Filipino)
    Rating: 4 out of 5 stars
    4/5 (8)
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Raymark sancha
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Aisa Galmac Bansil-Solaiman
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Rachel Felipe
    No ratings yet
  • FIL8 Q2 M10
    FIL8 Q2 M10
    Document14 pages
    FIL8 Q2 M10
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Maricel Tayaban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    suerte zaragosa
    No ratings yet
  • FIL8 Q2 M4
    FIL8 Q2 M4
    Document15 pages
    FIL8 Q2 M4
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    My Name Is CARLO
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Harlene Arabia
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document18 pages
    Filipino
    Elisa Acojedo
    No ratings yet
  • Filipino: Modyul 1
    Filipino: Modyul 1
    Document15 pages
    Filipino: Modyul 1
    Camille Caacbay
    No ratings yet
  • FIL8 Q2 M16
    FIL8 Q2 M16
    Document15 pages
    FIL8 Q2 M16
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino: Modyul 2
    Filipino: Modyul 2
    Document15 pages
    Filipino: Modyul 2
    Camille Caacbay
    No ratings yet
  • FIL8 Q2 M1nannana
    FIL8 Q2 M1nannana
    Document14 pages
    FIL8 Q2 M1nannana
    Raymark sancha
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Marychel Sambrano
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Fil8 Q3 M12 PDF
    Fil8 Q3 M12 PDF
    Document11 pages
    Fil8 Q3 M12 PDF
    Arnulfo Obias
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • FIL8 Q2 M3
    FIL8 Q2 M3
    Document15 pages
    FIL8 Q2 M3
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    albert
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Che Creencia Montenegro
    100% (2)
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    mark
    No ratings yet
  • Ap 6 - Q1 - M16
    Ap 6 - Q1 - M16
    Document12 pages
    Ap 6 - Q1 - M16
    Cheeny De Guzman
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Klaris Reyes
    67% (3)
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Harlene Arabia
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document18 pages
    Filipino
    ADELAIDA GIPA
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document18 pages
    Filipino
    ADELAIDA GIPA
    100% (1)
  • FIL8 Q2 M12
    FIL8 Q2 M12
    Document14 pages
    FIL8 Q2 M12
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gladzangel Loricabv
    67% (3)
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Elisa Acojedo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Aisa Galmac Bansil-Solaiman
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document19 pages
    Filipino
    Wes
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Klaris Reyes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Gesa Marie Larang
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    albert
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Josephine Gonzaga
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    VINCENT ORTIZ
    No ratings yet
  • Filipino - Ikawalong Baitang
    Filipino - Ikawalong Baitang
    Document15 pages
    Filipino - Ikawalong Baitang
    Maricel Tayaban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • FIL8
    FIL8
    Document13 pages
    FIL8
    Rhian Kaye
    No ratings yet
  • Fil8 Q3 M13 PDF
    Fil8 Q3 M13 PDF
    Document12 pages
    Fil8 Q3 M13 PDF
    Arnulfo Obias
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    ADELAIDA GIPA
    No ratings yet
  • Fil 9
    Fil 9
    Document15 pages
    Fil 9
    Charles Carullo
    No ratings yet
  • Fil8 Q4 M4 Edited
    Fil8 Q4 M4 Edited
    Document20 pages
    Fil8 Q4 M4 Edited
    Caloy Montejo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Aisa Galmac Bansil-Solaiman
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Klaris Reyes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    jan lawrence panganiban
    No ratings yet
  • FIL8 Q2 M14
    FIL8 Q2 M14
    Document14 pages
    FIL8 Q2 M14
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Kasaysayan NG Pilipinas
    Kasaysayan NG Pilipinas
    Document17 pages
    Kasaysayan NG Pilipinas
    Jessie Yutuc
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Florian Leks C. Embodo
    No ratings yet
  • F9-Q4-L4.1
    F9-Q4-L4.1
    Document45 pages
    F9-Q4-L4.1
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • FIL8 Q2 M3
    FIL8 Q2 M3
    Document15 pages
    FIL8 Q2 M3
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • F9 U24 L1
    F9 U24 L1
    Document20 pages
    F9 U24 L1
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Mga Pagsasanay
    Mga Pagsasanay
    Document3 pages
    Mga Pagsasanay
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • FIL8-Q1-W1
    FIL8-Q1-W1
    Document3 pages
    FIL8-Q1-W1
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino 9: Unang Markahan
    Filipino 9: Unang Markahan
    Document2 pages
    Filipino 9: Unang Markahan
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino 9: Unang Markahan
    Filipino 9: Unang Markahan
    Document2 pages
    Filipino 9: Unang Markahan
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino 9: Unang Markahan
    Filipino 9: Unang Markahan
    Document3 pages
    Filipino 9: Unang Markahan
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino 9: Unang Markahan
    Filipino 9: Unang Markahan
    Document2 pages
    Filipino 9: Unang Markahan
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino 9: Unang Markahan
    Filipino 9: Unang Markahan
    Document4 pages
    Filipino 9: Unang Markahan
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino 9: Unang Markahan
    Filipino 9: Unang Markahan
    Document5 pages
    Filipino 9: Unang Markahan
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Lesson Exemplar in Filipino WK 1
    Lesson Exemplar in Filipino WK 1
    Document4 pages
    Lesson Exemplar in Filipino WK 1
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • How Great Is Our God!
    How Great Is Our God!
    Document4 pages
    How Great Is Our God!
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino 9: Unang Markahan
    Filipino 9: Unang Markahan
    Document3 pages
    Filipino 9: Unang Markahan
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • LE Template - Filipino
    LE Template - Filipino
    Document2 pages
    LE Template - Filipino
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Course Guide-Fil8-Q1
    Course Guide-Fil8-Q1
    Document37 pages
    Course Guide-Fil8-Q1
    Sun Josephine
    No ratings yet