FIL8 Q2 M4

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

Filipino 8

1
Filipino – Ikawalong Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Kaligirang Kasaysayan ng Balagtasan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Joanna Marie L. Martirez
Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III
Tagasuri: Danilo L. Ungos
Tagalapat: Joanna Marie L. Martirez
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 8
Ikalawang Markahan
Modyul 4 para sa Sariling Pagkatuto
Kaligirang Kasaysayan ng Balagtasan
Manunulat: Joanna Marie L. Martirez
Tagasuri: Danilo L. Ungos
Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 8 ng Modyul para sa
araling Kaligirang Kasaysayan ng Balagtasan sa Panahon ng Amerikano!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod,
Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 8 Modyul ukol sa Kaligirang


Kasaysayan ng Balagtasan sa Panahon ng Amerikano!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN

Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matatamo mo


ang sumusunod na layuning pampagkatuto:
Kasanayang Pampagkatuto: Natatalakay ang kaligirang kasaysayan at katangian
ng Balagtasan sa panahon ng mga Amerikano.
Mga Layuning Pampagkatuto:
• Nakikilala ang mga taong nagbigay ng kontribusyon sa pagpapasimula at
pagpapalaganap ng Balagtasan.
• Naiisa-isa ang katangian ng Balagtasan batay sa kasaysayan nito.
• Nasusuri ang kahalagahan ng Balagtasan sa kasaysayan at kultura ng
Pilipino.

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang TAMA


kung totoo ang ipinahahayag ng pangungusap at MALI kung salungat sa
katotohanan.
_________1. Ang nakadiskubre o nakagawa ng Balagtasan ay si Francisco
Balagtas dahil isinunod niya ito sa kanyang pangalan.
________2. Ang Balagtasan ay pagtatalo ng dalawang panig sa paraang patula
ang pagbigkas ng kanilang katuwiran na may angking sukat at
tugma.
_________3. Ang kauna-unahang iskrip ng Balagtasan ay isinulat ni Patricio
Dionisio subalit kailanman, hindi ito naitanghal.
_________4. Nagkaroon ng iba’t ibang bersiyon ng Balagtasan sa ibang lalawigan
ng bansa tulad ng Crisotan at Bukanegan.
_________5. Sa kasaysayan, dalawa lamang ang Hari ng Balagtasan at si Jose
Corazon de Jesus ang kauna-unahan.

*Marami ka bang nakuhang tamang sagot? Kung kakaunti lang, huwag kang
mangamba. Ibig sabihin lang nito ay malaking tulong sa’yo ang modyul na ito dahil
marami ka ritong matutuhan. Tara na’t dagdagan natin ang iyong kaalaman.

6
BALIK-ARAL

Panuto: Hanap-Salita. Hanapin at bilugan ang limang (5) salita na may kaugnayan
sa Panitikan sa Panahon ng Amerikano.

<https://i.pinimg.com/564x/bf/47/16/bf4716c44d0fe71377fc57cca2074ed3.jpg>

ARALIN

Sa bahaging ito, dagdagan natin ang iyong nalalaman sa mga panitikan sa


panahon ng mga Amerikano. Sa panahon na ito, yumabong nang husto ang tula o
panulaang Pilipino.
Nakakita ka na ba ng isang makatang tumutula? Nakaaaliw itong
pakinggan. Nakasaksi ka na ba sa dalawang taong nagtatalo? Nakaaaliw ba o
masakit sa tainga pakinggan? Paano kapag pinagsama ito?
Noong panahon ng Amerikano, nakilala ang isang panitikan kung saan
pinagsama ang tula at pagtatalo. Ano kaya sa palagay mo ang itinawag dito?

TULA PAGTATALO

7
Tutalo? Pagtatula? Tulalo? Tula-Talo? Pagtatalola? Kung isa diyan ang sagot
mo, mali ka. Pero kung ang sagot mo ay Balagtasan, tumpak ka!
*Ano nga ba ang Balagtasan?
Ang Balagtasan, ayon kay Obet Dionisio (2018), ay pagtatalo ng dalawang
magkaibang panig ukol sa isang paksa sa paraang patula ang pagbigkas ng kani-
kanilang katwiran na may angking sukat at tugma. Isang uri ito ng panitikan kung
saan inihahayag ang mga saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng mga
pananalitang may tugmaan.
Ito ay binubuo ng tatlong magtatanghal na may dalawang magtatalo
(mambabalagtas) na magkasalungat ang pananaw at isang tagapamagitan o
moderator na tinatawag na lakandiwa (lalaki) o lakambini (babae). Mayroon ding
mga hurado na siyang maghuhusga kung sino sa dalawa ang mananalo. Hindi rin
mawawala ang manonood at tagapakinig na may kanya-kanyang panig at minsa’y
nakaaapekto o nakatutulong sa desisyon ng mga hurado. Gaya ng ibang tula, ito
ay nagtataglay ng tugma, sukat at indayog.
Inaasahan dito ang patalinuhan sa
pagpapahayag ng patulang argumento ngunit
maaari din itong magbigay libangan sa
pamamagitan ng katatawanan, anghang nang
pang-aasar, pambihirang talas ng isip at
mala-teatriko o dramatikong pagpapahayag.
*Ngunit, kaIlan at paano nagsimula ang
Balagtasan? Ano ang kasaysayan nito?
UGAT NG BALAGTASAN
Ang Balagtasan ay isang bagong paraan
nang patulang debate o pagtatalo na iba sa Duplo. Nabuo ang konseptong ito
noong Marso 24, 1924, araw ng Linggo, nang magsama-sama ang mga makatang
tagalog at pinulong ni Rosa Sevilla sa kanyang tanggapan sa Instituto de Mujeres
upang gunitain ang kapanganakan ni Francisco Balagtas.
Ang pagkakabuo ng konsepto ay nagsimula kay Patricio Dionisio (Pigura 1,
pang-apat mula sa kaliwa). Ayon kay Gerald Tapaya (2018), sa mungkahi ni
Dionisio, ispesipiko ang tema ng pagtatalo na may sagutan na tatagal lamang ng
ilang oras habang pinananatili ang tradisyunal na sangkap o bumubuo rito. Si
Dionisio rin ang bumuo ng kauna-unahang piyesa ng Balagtasan noong Abril 5,
1924 ngunit kailanman hindi ito naitanghal. Siya rin ang nagmungkahi na isunod
sa pangalan ni Francisco Balagtas ang katawagan sa nabuong konsepto sa
pagtatalo. Iminungkahi naman ni Jose Sevilla na tawagin itong
<Pigura 1. LarawanBalagtasan
mula sa kung
saan hinulapian ng “an” ang apelyido ni Francisco Balagtas.
Itinanghal ang pinakaunang balagtasan sa Instituto de Mujeres, Tondo,
Maynila noong Abril 6, 1924. Tatlong pares ng makata ang nagtalo na gumamit ng
iskrip: si Rafael Olay laban kay Tomas de Jesus, si Amado V. Hernandez laban kay
Guillermo Holandez.

8
Ngunit ang pangunahing pagtatalo ay sina Jose Corazon de Jesus o kilala
bilang Huseng Batute at Florentino Collantes o tinatawag na Kuntil Butil. Ang
paksa nila ay “Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan” kung saan pinagtatalunan kung
sino ang karadapat-dapat sa dalaga. Walang naitanghal na panalo sa dalawa kaya
minarapat na magkaroon pa ng isang Balagtasan.
Naganap ang pinakamalaking pagtatanghal ng Balagtasan noong Oktubre
18, 1925 sa Olympic Stadium sa Kalye Doroteo sa Maynila sa pagitan nina de
Jesus at Collantes. Tinatayang 8,000 hanggang 15,000 katao ang dumalo sa
nasabing pagtatalo kabilang na si Heneral Emilio Aguinaldo. Dito hinirang na
pinakaunang Hari ng Balagtasan si Jose Corazon de Jesus mula sa piyesang
Dalaga noon at Dalaga ngayon. Ngunit naagaw ni Collantes ang korona sa
sumunod na labanan kaya dalawa na silang nakilalang Hari ng Balagtasan.
Nabawi ni de Jesus ang korona noong 1932 at hindi na nabawi ang korona mula
sa kanya hanggang siya’y mamatay. Sa kasaysayan, tatlo lamang ang itinanghal na
Hari ng Balagtasan. Ito ay sina Jose Corazon de Jesus, Florentino Collantes at
Emilio Mar, isang makatang taga-Bulakan.
*Pero alam n’yo ba na nagkaroon nang kanya-kanyang bersiyon ng Balagtasan sa
iba’t ibang lalawigan sa Pilipinas?
Makalipas ang ika-2 Digmaang Pandaigdig naging paboritong libangan at
aliwan ng mga tao ang Balagtasan. Nagkaroon ng iba’t ibang bersiyon o katawagan
ito sa ibang mga lalawigan.
Ipinangalan kay Juan Crisostomo o “Crissot”, isang makatang
Kapampangan, ang crisotan sa Pampanga. Sa makata naman ng Ilocos na si Pedro
Bukaneg hango ang bukanegan ng kanilang lalawigan.
*Kumusta na kaya ang Balagtasan sa kasalukuyan?
Nagpatuloy man ang Balagtasan nang ilang dekada at kinagiliwan pa sa
radyo at telebisyon, dumating din ang pagkakataon na nanghina ito. Naging
patimpalak na lamang ito tuwing Agosto, Buwan ng Wika. May mga ilang
nagpapatuloy ng tradisyon sa paggamit ng orihinal na piyesa ng mga mangangatha
ng Balagtasan.
Ngunit sa pamamagitan ng tatlong batikang makata, binubuhay nila ang
tradisyon ng Balagtasan ngayong ika-21 siglo. Kilala silang tatlo bilang MTV ng
Balagtasan. Sila ay sina Mike Coroza, Teo Antonio at Vim Nadera. Ipinakilala
nilang muli ang Balagtasan hindi lang sa iba’t ibang panig ng bansa maging sa
ibang bahagi ng mundo.
Anuman ang naging kinasapitan ng Balagtasan sa kasalukuyan, hindi na
maiaalis ang ambag nito sa kasaysayan at nakakabit na sa ating kultura. Ang
katotohanang hindi si Francisco Balagtas ang gumawa ng Balagtasan ngunit siya
pa rin ang inspirasyon ng mga makata sa ating lipunan na kailanman ay hindi
makalilimutan.

9
MGA PAGSASANAY

GAWAIN 1
PANUTO. Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Piliin mula sa
kahon ang tinutukoy o inilalarawan ng pangungusap. Isulat sa bilog ang titik na
katumbas ng pangalan ng taong nagbigay ng kontribusyon sa paggpapakilala at
pagpapalaganap ng Balagtasan

A. Francisco Balagtas D. Jose Corazon de Jesus


B. Patricio Dionisio E. Mike Coroza
C. Jose Sevilla F. Florentino Collantes

1. Siya ay isa sa tatlong bumubuhay sa tradisyon ng Balagtasan


ngayong ika-21 siglo.
2. Siya ang itinanghal na kauna-unahang Hari ng Balagtasan noong
Oktubre 18, 1925.

3. Binuo niya ang konsepto ng Balagtasan at sumulat ng kauna-


unahang piyesa nito na kailanman ay hindi naitanghal.

4. Sa kasaysayan, isa siya sa tatlong naitanghal na Hari ng


Balagtasan at kilala rin sa tawag na Kuntil Butil.

5. Iminungkahi niya na tawagin Balagtasan ang nabuong konsepto


ng pagtatalo sa pamamagitan nang paglalagay ng hulaping “an” sa
apelyido ni Francisco.

GAWAIN 2
PANUTO. Isa-isahin ang mga katangian ng Balagtasan. Piliin sa Kahon A ang
katangian ng Balagtasan at isulat sa Kahon B.

10
A B
• May dalawang mambabalagtas at 1. _______________________________

lakandiwa/lakambini _____________________________
• May sukat, tugma at indayog 2. _______________________________
• May hurado at manonood _____________________________
• Pagpapahayag ng katwiran na may 3. _______________________________
tugmaan _____________________________
• Pumapaksa lagi sa buhay ni 4. _______________________________
Balagtas _____________________________
• Nagbibigay ng libangan at
5. _______________________________
katatawanan
_____________________________

GAWAIN 3
PANUTO. Buuin ang pangungusap sa pamamagitan nang pagpili ng angkop na
salita mula sa panaklong. Bilugan ang napiling salita.
1. Nagtipon-tipon sa tanggapan ni Rosa Sevilla ang mga makata upang
gunitain ang (kapanganakan, kamatayan, kadakilaan) ni Balagtas.
2. Itinanghal ang (pinakamagarbong, pinakaunang, pinakamalaking)
balagtasan noong Abril 6, 1924 sa Tondo, Maynila.
3. Hinango ang (Pedrohan, Bukanan, Bukanegan) kay Pedro Bukaneg na
makata ng Ilocos.
4. Naganap ang pinakamalaking pagtatanghal ng balagtasan sa Olympic
Stadium noong (Abril, Agosto, Oktubre) 18, 1925.
5. Sa kasaysayan, tatlo lamang ang itinanghal na Hari ng Balagtasan at isa na
rito si (Teo Antonio, Amado Hernandez, Emilio Mar).

PAGLALAHAT

PANUTO. Punan ang tsart sa baba ng wastong mga impormasyon batay sa


hinihingi sa bawat hanay. Isulat ito sa espasyong nakalaan.

11
BALAGTASAN
Mahahala Mahahalagang Tatlong Pares na MTV ng Bersiyon ng
Balagtasan
gang Petsa Taong Bumuo Makata na Naglaban Balagtasan sa Ibang
ng Balagtasan sa Pinakaunang
Lalawigan
Balagtasan

1. _______ 1. ____________ 1. ________________ 1. _________ 1. _______


2. _______ ____________ ________________ _________ _____
3. _______ 2. ____________ ________________ 2. _________ 2. _______
__________ ________________ _________ _____
3. ____________ 2. ________________ 3. _________
__________ ________________ _________
________________
________________
3. ________________
________________
________________
________________

PAGPAPAHALAGA

Ang Balagtasan ay nakadikit na sa ating kasaysayan at sumisimbolo na


ating pagiging Pilipino. Sa katunayan, sa Pilipinas lamang mayroong ganitong
paraan o uri ng pagtatalo sa anyong patula. At higit sa lahat, masasalamin sa
Balagtasan ang kultura nating mga Pilipino. Kaugnay nito, sagutin ang mga tanong
batay sa natutuhan sa aralin at bilang pagsusuri sa kahalagahan at kulturang
Pilipino sa Balagtasan.

Mga Tanong:
1. Ano-anong kulturang Pilipino ang masasalamin sa Balagtasan?

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

12
2. Bakit mo nasabing ito ay kulturang Pilipino?

___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________

3. Alin sa mga kulturang Pilipinong naitala mo ang higit na sumisimbolo sa’yo


bilang Pilipino? Ipaliwanag.

___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________

_____________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO. Basahin at unawain ang pahayag sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Ito ay isang uri ito ng panitikan na may konseptong pagtatalo ng dalawang
magkaibang panig ukol sa isang paksa sa paraang patula.
A. Duplo C. Karagatan
B. Balagtasan D. Fliptop
2. Ito ang paksang pinagtalunan kung saan itinanghal na pinakaunang Hari
ng Balagtasan si Jose Corazon de Jesus.
A. Karagatan
B. Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan
C. Dalaga Noon at Dalaga Ngayon
D. Ang Nawawalang Ibon ng Hari
3. Francisco Balagtas: Balagtasan; Juan Crisostomo: ________________
A. Crisotan C. Crisostomohan
B. Juanan D. Crissot
4. Bakit nagkaroon ng isa pang Balagtasan kung saan tinaguriang
pinakamalaking pagtatanghal na naganap sa Olympic Stadium sa Maynila?
A. Dahil wala pang naitanghal na Hari ng Balagtasan
B. Dahil marami ang nagmungkahi ng isang malaking pagtatanghal
C. Dahil darating si Heneral Emilio Aguinaldo
D. Dahil inimbitahan si Francisco Balagtas
5. Paano binubuhay ang tradisyon ng Balagtasan sa kasalukuyan?
A. Isinasagawa ito tuwing Agosto sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
B. Itinatanghal ito sa kalye o kaya paaralan.
C. Pinag-aaralan ito ng mga mag-aaral sa kanilang klase sa Filipino.
D. Ipinakilalang muli ito ng MTV ng Balagtasan sa iba’t ibang panig ng
bansa at maging sa ibang bahagi ng mundo.

13
SUSI SA PAGWAWASTO

14
Sanggunian
Agnes, W. D., Ruiz, F. L., & Tiongson, P. C. (2013). Ang Batikan Grade VIII.
Quezon City: Educational Resources Corporation.
Perdon, Nonoy. “Obet Dionisio: Kasaysayan ng Balagtasan”. “Bayanihan The
Community Newspaper of Australia. 18 Disyembre 2018. http://
bayanihannews.com.au/2018/12/18/60692
Tapaya, Gerald. “Ugat ng Balagtasan at ang mga Superstar ng Mabulaklak
na Panahon”. “Squeeze Educ Digest”. 14 Abril 2018. https://squeeze.ph/
ugat-ng-balagtasan-at-ang-mga-superstar-ng-mabulaklak-na-panahon/
Hindi kay Balagtas Galing ang Balagtasan. (2020, Hulyo 1). Retrieved from
Malacanan Presidential Museum and Library: http://malacanang.gov.ph/
75486-hindi-kay-balagtas-galing-ang-balagtasan/

15

You might also like