Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Unang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 9

A.Y 2023-2024

Pangalan: _____________________________ Guro:______________________


Antas/Seksyon: ________________________ Petsa:______________________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan at isulat ang MALAKING TITIK ng pinakatamang sagot sa
sagutang papel.

I. Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang mag-aaral, at


kasapi ng pamilya at lipunan.

_____1. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks na maaari


nating ilapat sa pang-araw araw na pamumuhay? Ito ay _________________.
A. Siyensiya ng kaasalan ng tao na nakaiimpluwensiya sa kaniyang pagdedesisyon.
B. Pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning
pangkabuhayan.
C. Matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na
kinakaharap ng tao.
D. Pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.

_____2. Binigyan ka ng iyong ina ng baon para sa buong linggo subalit tatlong araw palang ay
ubos na ang iyong baon. Paano mo mailalapat ang kahulugan ng Ekonomiks sa
sitwasyong ito?
A. Lumiban muna sa klase dahil wala ng pambaon.
B. Magtipid upang mapagkasya ang baon sa araw-araw.
C. Humingi ng paumanhin sa magulang sa pagkaubos ng baon.
D. Matutong bumili ng mga bagay na kailangan at gusto sa araw-araw.

_____3. Sa taas ng presyo ng mga bilihin, nahihirapan ang iyong nanay na pagkasyahin ang
sweldo ng iyong tatay para tugunan ang mga pangangailangan ng pamilya. Ang
pinakamalaki ninyong gastusin ay napupunta sa pagkain. Ano ang iyong imumungkahi
upang mapagaan ang problema sa pananalapi ng iyong pamilya?
A. Huminto muna sa pag-aaral at magtrabaho.
B. Lumapit at humingi ng tulong sa pamahalaan.
C. Huwag munang gastusin ang baon sa paaralan.
D. Bumili ng mura ngunit masustansiyang pagkain.

_____4. Sa panahon ng krisis at suliranin hinggil sa kakapusan at pagmahal ng mga produktong


agrikultural sa pamilihan, ano ang iyong magagawa upang malutas ang nasabing
problema?
A. Maglunsad ng mga seminar para sa mga magsasaka.
B. Magtipid at magtanim ng mga prutas at gulay sa inyong bakuran.
C. Magkaroon ng dayalogo at panayam sa kinatawan ng Department of Agriculture.
D. Himukin ang mga kamag-aaral na huwag bumili ng mga produktong agrikultural sa
palengke.

pg. 1
_____5. May proyekto ka sa AP na lilikha ng isang produkto na kapaki-pakinabang gamit ang
mga salik ng produksiyon. Paano mo mailalapat sa mabisang paraan ang iyong
natutunan sa Ekonomiks?
A. Mag-ipon ng pambili para sa mga gagamiting materyales.
B. Bumili ng mga materyales o sangkap sa paglikha ng produkto.
C. Maging tapat sa guro at sabihin na walang pambili para sa proyekto.
D. Gumamit ng mga recycled materials na makakatulong sa paglikha ng produkto.

II. Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang- araw-araw na pamumuhay bilang mag-aaral,
kasapi ng pamilya at lipunan.

_____6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng kahalagahan ng ekonomiks sa pang-


araw-araw nating pamumuhay?
I. Nagpapaunlad ng kaisipang kritikal.
II. Naipagtatanggol ang karapatan ng mga mamimili.
III. Nalilinang ang matalinong pagdedesisyon sa buhay.
IV. Nagiging mapanuri at mapagmasid sa mga nangyayari sa paligid.
A. I at II
B. III at IV
C. I, II, III
D. I, II, III, IV

_____7. Tunay ngang mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng Ekonomiks, bilang isang
kabataan, ano ang pinakamabuting naidudulot ng pagkakaroon ng kaalaman sa
asignaturang ito?
A. Maaari akong magsilbing kritiko ng pamahalaan.
B. Magkakaroon ako ng kakayahang makapagturo ng asignaturang Ekonomiks.
C. Maisasaulo ang mga konsepto sa Ekonomiks upang madaling makapasa sa kolehiyo.
D. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos at siyentipikong pamamaraang makatutulong sa
aking pagdedesisyon.

_____8. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang nagsasaad ng mga pamamaraan upang lalong
makatulong ang ekonomiks sa lipunan?
A. Ipagpatuloy ang produksiyon kahit masira ang mga yamang likas ng ating bansa.
B. Kailangang sundin ng Pilipinas ang mga patakaran ng ibang mayayamang bansa.
C. Kailangang lumikha ang bansa ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao (wants).
D. Tumuklas ng paraan upang patuloy na tumaas ang antas ng kita, empleyo, seguridad at
kagalingang panlipunan.

_____9. Bilang isang miyembro ng lipunan, bakit mahalaga ang iyong kaalaman sa Ekonomiks?
I. Ito ay humuhubog sa pag-unawa, ugali at gawi ng isang tao.
II. Tinuturuan tayo na magkaroon ng matalinong pagdedesisyon.
III. Nauunawaan ang mga kasalukuyang kaganapang may kinalaman sa ekonomiya.
IV. Nakapaglalaan ng malaking pondo sa sandatahang lakas para sa ating pakikidigma.
A. I, II, III
B. I, III, IV
C. I, II, IV
D. I, II, III, IV

pg. 2
III. Nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo.

_____10. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita na ang tao ay HINDI
naaapektuhan ng demonstration effect?
A. Hindi sumusunod sa anumang uso.
B. Binibili ang mga napapanahong gamit.
C. Nahuhumaling sa suot ng mga artista.
D. Gumagamit ng mga ini-endorso ng mga sikat na vlogger.

_____11. Bakit nakakaapekto ang pagkakaroon ng utang ng isang tao sa kanyang


pagkonsumo?
A. Kakaunti ang naiipon na pera mula sa kita.
B. Lumolobo ang kanyang utang kapag hindi nababayaran.
C. Tumataas ang kanyang kakayahang makabili ng produkto.
D. Nababawasan ang kanyang kakayahan na makabili ng produkto.

_____12. Paano nakakaapekto sa pagkunsumo ang pagtaas ng presyo ng isang produkto o


serbisyo?
A. Sa pagtaas ng presyo, dadami ang mabibiling produkto o serbisyo.
B. Walang magiging pagbabago sa kakayahan ng pagkonsumo ng tao.
C. Bababa ang kakayahan ng ipagkunsumo ng tao sa mga produkto o serbisyo.
D. Tataas ang pagkonsumo ng tao sa pagtaas ng presyo ng isang produkto o serbisyo.

_____13. Ang pagkunsumo ay ang pagbili ng produkto at serbisyo sa napagkasunduang halaga.


Kung si David ay napromote sa trabaho, papaano maaapektukhan ang kanyang
pagkunsumo sa paglaki ng kanyang kita?
A. Tataas ang kanyang kakayanan sa pagkonsumo.
B. Magkakaroon siya ng oportunidad sa pagnenegosyo.
C. Hindi magbabago o maaapektuhan ang kanyang pagkonsumo.
D. Bababa ang kanyang kakayahan sa pagbili ng produkto at serbisyo.

_____14. Paano nakakaapekto sa mga mamimili o konsyumer ang inaasahang okasyon o


kalamidad?
A. Dumadami ang supply ng mga produkto sa pamilihan.
B. Tinatangkilik ng mga konsyumer ang mga produktong nauuso at mura.
C. Maraming tao ang naeengganyong bumili ng mga iniendorso ng kanilang mga idolo.
D. Kailangang matugunan ng mga konsyumer ang kanilang pangangailangan sa mga
Sitwasyon o okasyong dumarating.

pg. 3
IV. Mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo

A. Kita B. Pagkakautang E. Pagbabago sa Presyo


C. Mga Inaasahan D. Demonstration Effect

_____15. May paparating na bagyo sa susunod na mga araw kaya bilang paghahanda bumili si
Aling Susan ng mga de-lata at bigas na tatagal ng tatlong araw.
_____16. Mura ang presyo ng abokado dahil ito ay napapanahon kaya naman bumili si Sarah ng
2 kilo nito.
_____17. Nakatanggap ng bonus si Mang Roger sa opisinang kanyang pinagtatrabahuhan kaya
nagkaroon siya ng karagdagang budget para sa bagong damit ng pamilya.
_____18. Bumili si Bea ng shampoo na ineendorso ng paborito niyang artista upang kumintab at
lumambot din ang kanyang buhok.
_____19. Nabawasan ang biniling materyales ni Mang Henry sa pagpapagawa ng kanilang bahay
dahil nagbabayad siya ng utang sa bangko.

V. Natatalakay ang mga salik ng produksiyon at ang implikasyon nito sa pang-araw-araw na


pamumuhay.

_____20. Paano nakakatulong ang pagbili at paggamit ng bagong makinarya sa produksyon?


A. Maraming hilaw na sangkap ang nagagamit.
B. Maraming output ang malalagyan ng discount.
C. Mas magiging mabilis ang paglikha ng mga produkto.
D. Natutugunan ang pangangailangan ng mga konsyumer.

_____21. Ang mga sumusunod na pahayag ay nagpapatunay na ang lupa ang pangunahing salik
ng produksyon MALIBAN sa:
A. Lumilikha ng mga podukto at serbisyo gamit ang makinarya.
B. Tinatayuan ng mga imprastraktura na kailangan sa produksiyon.
C. Pinagmumulan ito ng lahat ng produktong ibinebenta sa pamilihan.
D. Dito nagmumula ang raw materials na kinakailangan sa pagbuo ng bagong
produkto.

_____22. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa kapital bilang isang salik ng
produksiyon?
I. Napapabilis nito ang paggawa ng mga produkto.
II. Kakayahan ng tao na lumikha ng mga produkto.
III. Ito ay tumutukoy din sa salapi na ginagamit din bilang puhunan.
IV. Ito ay mga makinarya na ginagamit sa paglikha ng mga produkto.
A. I, II, III
B. I, III, IV
C. I, II, IV
D. I, II, III, IV

_____23. Mahalaga ang entrepreneurship bilang salik ng produksiyon dahil ang entrepreneur ang…
I. Nag-uugnay ng iba pang salik ng produksiyon.
II. Malikhaing nag-iisip at gumagawa ng inobasyon.
III. Nag-oorganisa, nagkokontrol at nakikipagsapalaran sa negosyo.

pg. 4
IV. Nagpapataas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan.
A. I, II, III
B. I, III, IV
C. I, II, IV
D. I, II, III, IV
_____24. Paano nakakatulong sa proseso ng produksiyon ng isang produkto o serbisyo ang
paggawa?
A. Nag-oorganisa sa kabuuan ng isang negosyo.
B. Bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyo na kailangan ng tao.
C. Gumagamit ng mga makinarya upang mas mapabilis at mapadami ang produksiyon.
D. Responsable sa transpormasyon ng mga hilaw na materyales upang maging tapos
na produkto.

VI. Nasusuri ang iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiya.

_____25. Ang alokasyon ay ang mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman,


produkto at serbisyo. Paano mailalarawan ang sistema ng alokasyon sa Traditional
Economy?
A. Ito ay kombinasyon ng market at command economy.
B. Ang nagdidikta sa sistemang pang-ekonomiya ay kanilang kultura at tradisyon.
C. Ang pamahalaan ang nagsasagawa ng plano sa paggamit ng pinagkukunang-yaman.
D. Ang bansa ay malaya sa kontrol ng pamahalaan at nakikilahok sa kalakalang
panlabas.

_____26. Ang Pilipinas ay nagpapairal ng Mixed Economy na sistemang pang-ekonomiya. Bagama’t


malayang nakakapasok ang mga produktong banyaga sa ating bansa, kontrolado parin ng pamahalaan
ang ating pamilihan. Ano ang positibong dulot nito sa mga konsyumer?
I. Nakokontrol ang presyo ng mga produkto.
II. Nagbibigay ito ng hanap-buhay sa mga Pilipino.
III.Maraming mapagpipiliang produkto ang mamimili.
IV. Nasusuri ang mga produkto na pumapasok sa ating bansa.
A. I at II
B. II at III
C. I, II, III
D. I, II, III, IV

_____27. Alin sa mga sumusunod ang totoong naglalarawan ng sistemang Command Economy?
A. Kombinasyon ito ng market economy at command economy.
B. Hindi pinakikialaman o walang kontrol ang pamahalaan sa pamilihan.
C. Ang lilikhaing produkto ay naaayon lamang sa pangangailangan ng lipunan.
D. Ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng
pamahalaan.

pg. 5
_____28. Sa iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa mundo bakit kaya mas
maraming bansa ang gumagamit ng sistemang Mixed Economy?
A. Ang pagkontrol ay alinsunod sa komprehensibong regulasyon ng pamahalaan.
B. Hinahayaan ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring manghimasok o
makialam ang pamahalaan.
C. Ang anumang produkto na kanilang nalilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang
pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit.
D. Nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipag-ugnayan sa
pamamagitan ng presyo at pangangasiwa ng gawain.

_____29. Sa Market Economy, ito ang nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga
mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga
prodyuser?
A. Presyo
B. Prodyuser
C. Pamahalaan
D. Yamang-Likas

_____30. Ito ay sistemang pang-ekonomiyang umiiral sa daigdig kung saan ang lilikhaing
produkto at serbisyo ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan.
A. Market Economy
B. Mixed Economy
C. Command Economy
D. Traditional Economy

pg. 6

You might also like