Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Ang Pag Gunita sa Mahal na Araw

Villanueva, Princess Grace T.


BSED 1F

Bakit nga ba mahalaga ang pag gunita sa Mahal na Araw sa mga


mamayang pilipino? Sa labing walong taon kong binuhay ng panginoon, hindi ko
naranasang mag diwang ng Mahal na Araw sapagkat ako ay bininyagan sa
simbahan at naging born-again noong ako’y labing tatlong taong gulang. Ngunit,
hindi parin maalis sa akin ang kyuryosidad kung bakit nga ba mahalaga an
okasyon ito sa mga katoliko?

Ang Mahal na Araw ay ang panahon ng paggunita at pagbabalik-loob ng


mga Kristiyanong Filipino sa tagapagligtas na kumakatawan kay Hesukristo.
Taon-taon, ipinagdiriwang ito upang palalimin ang pananampalataya, binubuhay
ang mahabang tradisyon ng mga Kristiyano, gaya ng pag-aayuno at
pamamanata. Nakikiisa sa ginawang pagpapakasakit ni Hesukristo para sa
kaligtasan ng buong daigdig. Naniniwala na muling nabuhay si Hesukristo at
magbabalik bilang patotoo sa mga ipinangaral nito sa kaniyang mga alagad at
mananampalataya.

Kinagisnan na ng mga mamamayang Pilipinong Katoliko na ipagdowang


ang Mahal na Araw. Base sa aking nalaman sa pagkalap ng impormasyon, ilan
sa mga gawain sa panahon ng Semana Santa, ay ang Pabasa. Inaawit o kaya’y
binabasa ng mga deboto ang mahabang pasyon ni Hesukristo. Ang nasabing
pasyon na nasa anyong patula ay hango sa Bibliya ng mga Katoliko Romano.
Ang grupo ng mang-aawit ay kakanta nang sabay sa saliw ng luma o bagong
kanta. Isa rin rito ang Senakulo. Ginaganap ito sa lansangan o entablado, ang
senakulo ay pagsasadula ng mga pangyayari hinggil sa mga dinanas ni
Hesukristo bago at matapos ipako siya sa krus. Hango ang nasabing tradisyon
sa Bibliya at iba pang tekstong apokripa. Ang Biyernes Santo ang tanda ng
pagkamatay ni Kristo. Karamihan sa mga bayan ay nagdaraos ng malaking
prusisyon at ang mga imahen ng simbahan ay may balabal at talukbong ng itim
na belo at nasa tuktok ng karosa. Isang paniniwala ng mga Filipino ay ang
pagbabawal sa mga bata na maglaro sa araw na ito sapagkat patay si Kristo at
kapag nasugatan ay matagal umanong maghilom.Bago magbukang- liwayway sa
araw ng Pasko ng Pagkabuhay, eksaktong alas-kuwatro ay ginaganap ang
salubong. Ang mga imahen ni Birheng Maria at ang imahen ng Kristong Buhay
ay magsasalubong sa gitna ng bakuran ng simbahan, habang ang mga batang
nakasuot ng pakpak ng anghel ay masayang nagsasaboy ng mga talulot at
umaawit nang taimtim.

Napag alamanan ko ring maraming bawal at pamahiin sa panahon ng


Mahal na Araw. Nakalakihan na ng karamihan ang mga tradisyon alinsunod sa
Christian faith tuwing panahon ng Semana Santa o Holy Week. Isa na rito ang
paniniwalang patungkol sa pag iwas sa karne. Ang abstinence ay isa sa mga
pinakamatandang tradisyon ng mga Kristiyano. Ito ay sa kadahilanan na
sinakripisyo ni Hesus ang kanyang sarili para sa atin sa Good Friday, at
isinasaalang-alang natin ito. Ang karne ay tumutukoy sa lahat ng karne ng mga
mammal at manok, at lahat ng putahe na gumagamit ng karne ng baka, baboy,
manok, at turkey. Kasama na rin dito ang paniniwala na hindi dapat mag saya o
mag ingay sa Holy Week sapagkat mahigpit ang bilin ng mga nakakatanda na
huwag maglaro at magsaya dahil oras iyan ng pagdadalamhati. Diyan daw nag-
ugat ang kasabihang “mukhang Biyernes Santo.” Dahil din pinaniniwalang patay
si Hesus ng Biyernes Santo, pinakaiiwasan ang magkasugat. Baka raw kasi
matagalan maghilom ang sugat o hindi na gumaling pa. Komento nga ng isang
mommy sa group page, bawal silang mga bata noon na umakyat ng puno o
magpunta sa malayo para makaiwas sa disgrasya.

Sa kagustuhan kong mas maintindihan ng malalim ang okasyon na ito,


ako’y nag tanong tanong sa aking mga Katolikong kaibigan sa kanilang mga
karanasan sa panahon ng Semana Santa. Ayon sa kanya, sa panahon ng Mahal
na Araw, ating nadama ang tunay na kahalagahan ng pagsisisi at pagbabago sa
ating buhay. Sa pamamagitan ng pagmumuni-muni at panalangin, natuklasan
natin ang lakas ng kapatawaran at pagmamahal ng Maykapal. Ang paggunita sa
sakripisyo ni Hesus Christo ay nagbigay sa atin ng inspirasyon upang baguhin
ang ating sarili at maging mas mabuting tao. Sa pamamagitan ng pag-aalala at
pagpapakumbaba, tayo ay naglalakbay patungo sa pagpapalakas ng ating
pananampalataya at paglilingkod sa kapwa. May mga haka-haka rin tayong
nakagisnan. Maraming tao ang nagsasabi na wala raw Diyos kapag mahal na
araw. Walang katotohanan ang ganoong paniniwala, kung walang Diyos titigil na
ang pag-inog ng mundo. Mawawalan ng buhay ang maraming bagay. Wala ring
katotohanan na kapag nasugatan ka ng mga panahong ‘yun ay matatagalan
bago ito guma-ling. Ang paniniwala natin sa Diyos ang magpapatibay ng ating
pananampalataya. Hindi maaaring tayo’y kanyang iiwan. Sa lahat ng panahon
palagi niya tayong inaalalayan at ginagabayan.

Payo n’ya rin sa akin na hindi porke’t wala tayong pasok ay magsasaya na
lamang tayo. Maaari naman tayong magbakasyon pero dama pa rin o nasa ating
puso pa rin ang paggunita sa Mahal na Araw. Maaari tayong pumunta sa
pinakamalapit na simbahan at doon tayo magnilay-nilay. Sumama sa mga
padasal at subukan nating ipaunawa sa ating mga anak ang kahalagahan ng
araw na ito. Subukan din nating magpunta sa mga lugar kung saan maaari
nating ipakita ang ating pakikiisa sa naturang okasyon. Ang ganitong panahon ay
ang pag-alala kung gaano tayo kamahal ni Jesus at ng Diyos. Maaaring maging
panahon ito ng pamamahinga dahil tayo’y pagod sa mahabang paggawa at sa
nakaka-stress na tra-baho pero hindi ito sapat na dahi-lan upang kalimutan natin
ang pinakamensahe ng mahal na araw. Ang pag-ibig ni Jesus ay walang
kamatayan at walang katapusan. Hindi naman siguro masama o kalabisan kung
kahit minsan ay maipakita natin sa kanya na pinahahalagahan at inaalala natin
ang ginawa niyang pagliligtas sa sangkatauhan. Nalalapit na ang kanyang
pagbabalik at mas mabuting sa kanyang pagbabalik ay makita niyang ang lahat
ng kanyang ginawa sa atin ay pinahahalagahan at isinasabuhay natin.

You might also like