CO-FIL-NEW-NORMAL-FINAL

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

School: BALOYBOAN ELEMENTARY SCHOOL Grade Level: I – gold

Teacher: JOCELYN M. MALIAO Learning Area: FILIPINO 1


Teaching Date 3rd QUARTER – WEEK 6
April 1, 2022 – 1:00 P.M–2:00 P.M Quarter:
and Time:

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pagunawa sa napakinggan.
NILALAMAN
B. PAMANTAYAN SA Inaasahang nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga pasalita at di-pasalitang paraan ng
PAGGANAP pagpapahayag at nakatutugon nang naaayon. Nakakamit ang mga kasanayan sa mabuting
pagbasa at pagsulat upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya, damdamin at karanasan
sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o nibel at kaugnay ng kanilang
kultura.

C. MGA KASANAYAN SA ❖Natutukoy ang kasarian ng pangngalan (F1WG11-i2.2)


PAGKATUTO
(Write the LC code for
each.) Pagkatapos mong isagawa ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang
matutunan mo ang sumusunod nakasanayan:

a. natutukoy ang kasarian ng pangngalan.

b. nakikilahok sa pangkatang gawain.

II. NILALAMAN “Kasarian ng Pangngalan”

Integration: Values, Science , Literacy and Mathematics


A. KAGAMITANG PANTURO
SANGGUNIAN Explicit Strategy
1. MGA PAHINA SA K to 12 MELC pahina 145
GABAY NG GURO K to 12 Gabay Pangkurikulum Filipino 1 pahina
2. MGA PAHINA SA
KAGAMITANG PANG SLM FILIPINO 1 Q3 W6 PAGES 1-8
MAG-AARAL
B. IBA PANG KAGAMITANG Laptop, cellphone, TV, charts/graphic organizers, pictures.
PANGTURO
III. PAMAMARAAN
A. BALIK-ARAL SA WORD PUZZLE (LITERACY)
NAKARAANG ARALIN
O PAGSISIMULA NG Ayusin ang nagwatak-watak na mga titik upang mabuo ang isang salita sa tulong ng larawan.
BAGONG ARALIN

1. Si________ ang haligi ng tahanan. (A,T,A,T,Y)

2. Si________ang ilaw ng tahanan. (N, Y,A,N,A)

3. Ang ___________ay iyong natatanggap tuwing kaarawan o

kapaskuhan. (R, G L, O, E A)

Inaasahang sagot

1. Tatay 2. Nanay 3. Regalo


B. PAGHAHABI SA Pagmasdan ang larawan.
LAYUNIN NG ARALIN

Anong pagdiriwang ang naganap?

Basahin ang maikling kuwento: “Ang Kaarawan ni Tesa” ESP AND


MATH, HEALTH Integration

Ang Kaarawan ni Tesa


ni Teacher Jocelyn

Maagang nagising sina tatay at nanay upang maghanda sa kaarawan ni tesa. Ngayong
araw angika-pitong kaarawan ni Tesa. Masaya siya dahil marami siyang handa. Marami din
siyang bisita.
Sa unang mesa ay magkakasamang nakaupo ang kanyang lola,nanay, tiya, at ninang. Sa
ikalawang mesa manan ay naroon ang kanyang lolo, tatay, kuya , tiyo at ninong. May lamesa
din para kanyang guro, kaklase, kaibigan at mga kapitbahay. May mesa din para sa
pinagpatungan ng regalo at pagkain.
Gabi na ng matapos ang pagdiriwang. Tulung-tulong silang naglinis ng kalat. Pinahiwa-
hiwalay nila ang mga basura at itinapon sa tamang basurahan. Pinadalhan din nila ng iba pang
handa ang kanilang mga kakilala.

Tanong:
1. Sino ang nagdiriwang ng kanyang kaarawan?
2. Ilang taon na si Tesa?
3. Paano isulat sa pisara ang pito?
4. Sino-sino ang nasa unang mesa?
5. Sino-sino naman ang nasa ikalawang mesa?
6. Ano ang nakapatong sa ikaapat na mesa?
7. Ano ang ginawa nila sa basura pagkatapos ng pagdiriwang?
8. Bakit kailangang pagmghiwalayin ang mga basura?
9. Dapat bang itatapon ang basura kahit saan?
10. Ano-ano mga uri ng basura?
11. Ano ang tawag sa mga salita katulad ng tatay, nanay, kuya, pagkain, regalo at
kaarawan?

Alam ba ninyo na ang pangngalan ay may kasarian?

C. PANG UUGNAY NG Modelling:


HALIMBAWA SA
BAGONG ARALIN Ang pangngalan ay may kasarian ito ay ang mga sumusunod:

1. Panlalaki
2. Pambabae
3. Walang kasarian

Panlalaki ay pangngalang tumutukoy sa lalaki


Halimbawa:
tatay, kuya, tiyo, ninong, lolo

Pambabae ay pangngalang tumutkoy sa babae


Halimbawa:
nanay, lola, ate, tiya, ninang

Walang Kasarian ay pangngalang tumutukoy sa mga bagay na walang buhay


Halimbawa:
regalo, tsinelas, bag, relo, papel
D. PAGTATALAKAY NG Guided Practice:
BAGONG KONSEPTO AT Panuto: Pag-uri-uriin ang mga larawan ayon sa kasarian nito. Ilagay sa tamang paglagyan.
PAGLALAHAD NG
BAGONG KASANAYAN
#1

panlalaki pambabae Walang


Kasarian

E. PAGTATALAKAY NG Independent Practice: PANGKATANG GAWAIN:


BAGONG KONSEPTO AT
PAGLALAHAD NG Unang Pangkat “Ikaw na bay an?”
BAGONG KASANAYAN
#2 Panuto: Paghambingin ang mga pangngalan sa hanay A sa kasarian na nasa hanay B.
Isulat ang titik sa patlang.

HANAY A HANAY B

1. barbero_______________ A. panlalaki

2. halaman_____________ B. pambabae

3. prinsesa_______________ C. walang kasarian

4. hardinero__________________

5. sapatos______________

Pangalwang Pangkat “Kilala mo ba Ako?”

Panuto: Tukuyin ang kasarian ng bawat pangngalan. Isulat ang PAN kung ito ay panlalaki,
PAM kunupambabae at WAKA kung ito naman ay walang sarian. Isulat ang sagot sa patlang.

1.) doktora_________________

2.) mesa___________________
3.) manong________________

4.) tindera_________________

5.) bisikleta___________________

Pangatlong Pangkat “Nasaan ba ako?”


Panuto: Pagmasdan ang mga larawan, lagyan ng puso ( ) kung panlalaki, bilog ( ) kung
pambabae at tatsulok ( )naman kung walang kasarian ang kasarian nito.

LARAWAN KASARIAN
PANLALAKI PAMBABAE WALANG KASARIAN

1.

2.

3.

4,

5.

F. PAGLALAPAT NG Sa pang-araw-araw na buhay,


ARALIN SA PANG-ARAW
Paano mo malalaman kung ang kasarian ay panlalaki, pambabae at walang kasarian?
ARAW NA BUHAY
Sa pamamagitan ng isang kasuotan at sa mga bagay naman na walang buhay.
G. PAGLALAHAT NG Ano ang mga kasarian ng pangngalan?
ARALIN
Ano ang kasariang panlalaki, pambabae, at walang kasarian?

IV. PAGTATAYA NG Panuto: Pagmasdan ang larawan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
ARALIN

1. A. panlalaki B. pambabae C. walang kasarian

2. A. panlalaki B. pambabae C. walang kasarian


3. A. panlalaki B. pambabae C. walang kasarian

4. A. panlalaki B. pambabae C. walang kasarian

5. A. panlalaki B. pambabae C. walang kasarian

V. KARAGDAGANG
GAWAIN PARA SA Gumupit ng mga larawan ayon sa kasariang panlalaki, pambabae at walang kasarian sa isang
TAKDANG-ARALIN AT malinis na papel.
REMEDIATION
VI. MGA TALA
(REMARKS)
VII. PAGNINILAY

A. Bilang ng mga mag aaral na


nakakuha ng 80% sa pagtataya

B. Bilang ng mga mag-Aaral na


nangangailangan
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa estratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyon sa tulong
ng aking punong-guro/superbisor
G. Anong kagamitan ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa
mga kapwa ko guro

Teacher Demonstrator:

JOCELYN M. MALIAO
Teacher-I

Observers:

MARIVIC L. PANIS
Master Teacher - I

ANNIE ROSE F. MELENDRES


School Head

You might also like